2
John Anthony B. Teodosio 1. (Isang tulang may politika sa kalikasan) Balsang Tabla Nang isang umagang langit ay masungit Sinikap ko pa ring lumabas, lumusong. Umindayog ako sa hampas ng alon; Inihags-hagis ng hanging mabagsik. Ang paglalayag ko ay naging mabilis Habang sa kandungan, mga bata’y kalong Kayanin ko kaya sa buong maghapon, Sa kabilang kalye, sila’y maitawid? Ay! Nakakaligaw lumangoy sa s’yudad; Nagpa-ekis-ekis bago ko sinapit Paaralang pakay ng kandong kong musmos. Atras, sulong ako sa ragasa’t hampas Ng hangin at alon sa buong paligid. Ngunit nanguyapit at hindi lumubog. 2. (Isang tulang pambatang gumagamit ng operasyon ng bugtong) Tao Apat ang paa Nang makita ang unang liwanag ng imaga. Dalawang paa Nang nagsaya sa mga landas ng hapon. Tatlong paa Nang hinarap niya ang dilim ng gabi. Wala nang paa Pagkat muling nagkipaglaro sa mga anghel. 3. (isang malayang taludturan) Kalaro (matapos mapanood ang pelikulang "the conjuring") Gulat!! Kabado kapag loob Di makita kapag labas Itago man sa balanang mata, bakas pa rin ang pagkatulala pagkadurog ng puso. Payapa na sana ang kamalayan Nang may... "Manikang nananakot! Naninindak! Nanggugulat! Gulat!!" Habambuhay, nasa isipan mo ako Makikita sa iyong mga bangungot Magugunita sa mura mong isip Tagalan ko pa Upang malaman mong Di ka pa handa Sa telon ng kadiliman Alam kong… Hindi mo ako malilimutan... Ayokong mag-isa Samahan mo ako. Sasamahan din kita Sa sarili kong lagim Muli, Pag-uusapan mo ako at magugunita. Di naman ako nanggugulat. Naghahanap lang

Lira palihan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lira palihan

John Anthony B. Teodosio

1. (Isang tulang may politika sa kalikasan)

Balsang Tabla

Nang isang umagang langit ay masungitSinikap ko pa ring lumabas, lumusong.Umindayog ako sa hampas ng alon;Inihags-hagis ng hanging mabagsik.Ang paglalayag ko ay naging mabilisHabang sa kandungan, mga bata’y kalongKayanin ko kaya sa buong maghapon,Sa kabilang kalye, sila’y maitawid?

Ay! Nakakaligaw lumangoy sa s’yudad;Nagpa-ekis-ekis bago ko sinapitPaaralang pakay ng kandong kong musmos.Atras, sulong ako sa ragasa’t hampasNg hangin at alon sa buong paligid.Ngunit nanguyapit at hindi lumubog.

2. (Isang tulang pambatang gumagamit ng operasyon ng bugtong)

Tao

Apat ang paaNang makita ang unang liwanag ng imaga.

Dalawang paaNang nagsaya sa mga landas ng hapon.

Tatlong paaNang hinarap niya ang dilim ng gabi.

Wala nang paaPagkat muling nagkipaglaro sa mga anghel.

3. (isang malayang taludturan)

Kalaro

(matapos mapanood ang pelikulang "the conjuring")

Gulat!!

Kabado kapag loob

Di makita kapag labas

Itago man sa balanang mata, bakas pa rin ang

pagkatulala

pagkadurog ng puso.

Payapa na sana ang kamalayan

Nang may...

"Manikang nananakot!

                     Naninindak!

                          Nanggugulat!

                                         Gulat!!"

Habambuhay, nasa isipan mo ako

Makikita sa iyong mga bangungot

Magugunita sa mura mong isip

Tagalan ko pa

Upang malaman mong 

Di ka pa handa

Sa telon ng kadiliman

Alam kong…

Hindi mo ako malilimutan...

Ayokong mag-isa

Samahan mo ako.

Sasamahan din kita

Sa sarili kong lagim

Muli,

Pag-uusapan mo ako at magugunita.

Di naman ako nanggugulat.

Naghahanap lang

ako

ng

Kalaro....