LSSA Translation Luarca

Embed Size (px)

DESCRIPTION

fgh

Citation preview

mula sa ANG BAKKHAI ni Euripides

MENSAHEROSa oras na iyon, kung kailan sinasaboyNg Araw ang kanyang liwanag sa lupa,Kaaakyat pa lamang sa dalisdis ng bundokAng mga bakang aming pinapastol,Nang biglang nakasipat ako ng isang katipunanNg mga babae, pawang nagsasayaw!Pinamumunuan sila ng inyong inang si Agau,Habang yaong sumunod na kumpol, pina-Munuan ni Autono, at ang ikatloySa Ino ang nagkawan. Doon sila nagsipaghigaan,Naantok sa sobrang pagod May mga nahimlay sa lilim ng sanga ng pino,May ibang nakatulog agad kung saanman sila napahiga,Parot paritoy may mga nahimbing, sa gitna ng mgaPunong robles Senyor, maniwala kayo: lahat silay mahinahon,Di gaya ng inaakala niyong lango sa alak,O kayay lagalag sa kahibangan at pahabul-habolSa pasikut-sikot na pagtakbo ni Aphrodit Hinding-hindi po.Ngunit, narinig ng inyong inang si AgauAng pag-ungol ng isa naming alagang baka Bigla siyang tumindig, sumigaw nang napakalakas,Kayat nagsigising ang mga kasama niya, nagpagpagNg muta at bulak ng antok mula sa kanilang mga mata Ay! kahali-halinang pnorin sabay-sabay silangBumalikwas, matanda man o dalaga, kasal o birhen,Lahat silay nagsibangon, nakalugay ang mga buhokNa umabot hanggang balikat, samantalang yung iba, dahilKumalas ang tali ng bestidang yari sa balat ng usa,Ginamit ang mga ahas na pahalik-halik sa kanlang pisngiBilang panghigpit sa nanluwag nilang damit.May iba naman, halatang mga bagong ina,Bumulwang sa gatas ang mga dibdib, at sa halipNa taong sanggol ang pinasupsop, mga batang usaAt tutang lobo ang kinandili nang akap sa bisig.Pinutungan nila ng koronang dahon ang kanlang ulo,Baging at dahong-robles at namumukadkad na kroketas.Yung isang babae, naghampas ng tungkod sa lupa,At mula roy bumula ang sibol ng sariwang tubig;Mayron ding nagtikin ng sangang-anito,At kung san natarakan ang lupa, doon bumukalAng agos ng lilang alak. Yon namang gatas ang naisInumin, nagkalkal sa lupa gamit ang mga kuko,At kung san nakahig ang lupa, sumirit ang gatas na busilak.Nagdanak ng purong pulot ang dulo ng kanilang mga tungkod Ay, kung naroroon lamang kayo, kung nasaksihan niyong lahatAng gayong nakawiwindang na kababalaghan,Tiyak kayong maninikluhod, mananalangin sa diyosNa pilit nyong itinatatwa. Abay di nag-usap-usap kaming mga pastol,Pinagtalunan namin ang hiwagang nasaksihan,Siya namang biglang sabad ng isang tubong-siyudad,Kilala sa pagiging malangis ang dila tumayo at nagwika sa min:Mga katoto, karamay ko sa trabahong pastol,Baka ito na ang pagkakataon natingMagpalakas kay Haring Pentheus?Bat hindi natin dakpin mula sa piging na itoAng ina ng haring si Agau?Naakit kami sa naisip niyang panukala, at nagsipagkubliSa likod ng halamanan sa ibabang bahagi ng palanas,Handang mang-amba. Biglang may naghudyat na simulanAng piging na banal, nagsipagkampay sila ng mga anitong-sanga,At may isang nagsisigaw:

O Iakkhos! Anak ni Zeus! O Bromios!

Hiyaw sila nang hiyaw hanggang wariy naulolAng bawat hayop at bundok, sinapian ng espiritung banal.Pagtakbo ng Bakkhai, wariy tumakbo ang lahat kasama nila.Subalit, nagkataong napalapit si AgauSa aking pinagtataguan. Lumukso ako upang hulihin siya,Ngunit siyay sumigaw ng, Tulong!Mga asong kagawad sa pangagnaso,Hinuhuli tayo ng mga lalaki!Sumunod! Sumunod! GamitinAng anitong-sanga bilang sandata!

Bigla kaming nagsitakbuhan, muntik nang di-Makatakas na paggutay-gutayin ng mga babaeng yon!Nang walang armas, dinaluhong nila ang kawan ng mga bakangNanginginain sa lungting kaparangan.Ayyyyy!May isang babae, walang dungang ni anumang sandata,Bagkus gamit lang ang sariling mga daliri,Dinakma ang isang buong bakat pinagpupunit-punit,Pinaggutay-gutay ang kawawang hayop, pinira-piraso,Pambihirang lakas kawawang bakang pauwa-uwa pa sa takot Nahati sa dalawa ng babaeng kamay lamang ang ginagamit Pinagkakalmut-kalmot nila ang mga alaga namin Mga kukong parang sundang nagkalat sa buong paligidAng mga hiwang kinatay, naglambitin sa mga punoAng mga lamang-loob, kumapit sa mga dahonAng mga kimpal ng nanlapot na dugo

Nagalit ang mga bakang bulugan, inipon ang muhi at lakasSa patalim ng kanilang mga sungay,Sumugod ang mga hayop, waring susuwagin ang mga babae,Subalit silay nahulog sa lupa, pinutakti ng mga kababaihan,Binalatan, pinunit-punit ang laman, naubos ang mga buluganNang mas matulin pa kaysa sa iyong maharlikang kisapmata, O Hari!

Nang matapos ang karahasan,Tumalilis ang mga babae, singtulin ng ibon,Patungo sa mga pilapil ng batis ng Asopos,Lupang masaganat magaling na taniman.At parang hukbong nananakop, dinaluhong nilang sunodAng Hysiai at Erythrai sa paanan ng Bundok Kithairon.Lahat ng makitay dinambong at winasak.Inagaw ang mga bata mula sa kanilang pamamahay,At ang tambak ng mga ninakaw sa guho ng digma,Pinasan sa kanilang likod nang walang supot man lang o tali,Ngunit sa bisa ng kung-anong salamangkay nakapirmiSa kanilang balikat ni isang nakaw na tanso o tinggaAng nahulog sa lupa. Nagkikislap ang kanilang mga buhokSa apoy na sumiklab sa bawat sapin ng kulot, ngunit itoyHindi nasunog.

Ang mga taumbayan, nagalit sa kanilang pagdarambong,Nagsipagbuhat ng mga sandata Ay, karima-rimarim makita, Poon!Dahil ang mga sibat ng kalalakihan, matatalas at hasang-hasa,Ngunit nang pinangsaksak sa mga babaey walang dugo man langNa dumanak. Samantalang ang mga sangang-anito ng kababaihan,Munting makasagiy nagbububo agad ng dugong-buhay,Hambalos ay nakamamatay! Ay nagsipagtakbuhan ang mga lalaki!Sinawi sa digmaan ng mga kababaihan!

Sinasabi ko: may kung-sinong diyos na umakay sa mga babaeng yon.

Bumalik ang Bakkhai sa kanilang pinagpahingahan,Sa pampang ng sibol na likha ng Maykapal,Naghugas sila ng kamay na tigmak sa dugo,Samantalang dinila-dilaan ng mga ahasAng mga tuyong dugong nagmantsa sa kanilangMga pisngi.

Kung sino man ang diyos na ito, Poon, papasukin na sa Thebai.Pagkat siyay talagang dakila, at di lamang sa iisang paraan.Ang bali-balita, siya rin ang diyos na naghandog ng alak sa tao,Tanging panlunas sa pagdurusang nararanas nating lahat.

Ay Kung walang bathala ng alak,Wala ring pag-ibig.Hindi tunay si Aphrodit Aba ko! wala nang ligayang matitirang laan sa tao.

(Lalabas ang mensahero.)

KORYPHAIOSNangingilabot akong mag-usalNg wikang kalayaan sa harap ng maniniil.Ngunit hayaang mabunyag ang katotohanan:Wala nang bathalang higit pang dakilaKaysa kay Dionysos.

PENTHEUSParang apoy na nagkakalat ang karahasan ng Bakkhai Masyado nang lumalapit sa atin Tayoy inaalipusta, winawalanghiya sa harap ng buong Hellas.

Tama na ang pag-aalumpihit.

(Kakausapin ang isang alagad.)

Ikaw ryan:Sumadya agad sa Mga Tarangkahan ni Elektra,Papaghandain ang puwersang impanteriya;Itipon ang pinakamatutuling tropa sa kabalyeriya,Ang mga eskuwadron at mga arkero. Mamartsa tayoLaban sa Bakkhai! Nawawala ang kaayusan sa bayanTuwing pinababayaan ang mga babaeng magwala.mula sa PAGHIHINTAY KAY GODO ni Samuel Beckett:

POZZO:Ano na'ng nangyari?

VLADIMIR:Nasaktan yung kaibigan ko.

POZZO:E si Lucky?

VLADIMIR:Siya nga 'yon?

POZZO:Ano?

VLADIMIR:Si Lucky?

POZZO:'Di ko maintindihan.

VLADIMIR:At ikaw nga si Pozzo?

POZZO:Siyempre, ako si Pozzo.

VLADIMIR:Gaya pa rin kahapon?

POZZO:Kahapon?

VLADIMIR:Nagkita tayo kahapon. (Katahimikan.) Hindi mo ba maalala?

POZZO:Wala akong maalalang may nakilala ako kahapon. Pero bukas, hindi ko rin naman maaalalang may nakilala ako ngayon. Kaya 'wag kang umasa sa 'king paliwanagan ka.

VLADIMIR:Pero

POZZO:Tama na! Tayo, baboy!

VLADIMIR:Dinadala mo siya sa perya para mabenta mo siya. Kinausap mo kami. Sumayaw pa nga siya. Saka nag-isip. Nakakakita ka pa no'n.

POZZO:Ikaw ang bahala. Bitawan mo 'ko! (Lalayo si Vladimir.) Tayo!

Babangon si Lucky, iipunin ang kanyang mga pasanin.

VLADIMIR:Sa'n na ngayon ang punta ni'yo?

POZZO:Sulong. (Pupuwesto si Lucky sa harap ni Pozzo, puno ng mga pasanin.) Latigo! (Ilalapag ni Lucky lahat, hahanapin ang latigo, at pagkahanap ay ilalagay 'to sa kamay ni Pozzo, at muling papasanin ang lahat.) Tali! (Ilalapag ni Lucky ang lahat, ilalagay ang dulo ng tali sa kamay ni Pozzo, at muling papasanin ang lahat.)

VLADIMIR:Ano'ng laman ng bag?

POZZO:Buhangin. (Hahagipin ang tali.) Sulong!

VLADIMIR:'Wag muna.

POZZO:Aalis na 'ko.

VLADIMIR:Ano'ng gagawin ni'yo kung mahulog kayo tapos walang makakatulong senyo?

POZZO:Maghihintay kami hanggang sa makabangon kami uli. Tapos magpapatuloy sa daan. Sulong!

VLADIMIR:Bago ka umalis, pakantahin mo muna siya.

POZZO:Sino?

VLADIMIR:Si Lucky.

POZZO:Pakantahin?

VLADIMIR:Oo. O kaya paisipin. O pabigkasin.

POZZO:Pero pipi siya.

VLADIMIR:Pipi!

POZZO:Pipi. Ni hindi makaungol.

VLADIMIR:Pipi! Kailan pa?

POZZO:(biglang magngangalit). Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa 'kin sa kaka-kelan mo! Kahindik-hindik! Kelan! Kelan! Isang araw, hindi pa ba sapat 'yan sa 'yo, isang araw napipi siya, isang araw nabulag ako, isang araw mabibingi tayo, isang araw sinilang tayo, isang araw mamamatay tayo, sa parehong araw, sa parehong sandali, hindi pa ba sapat 'yan sa 'yo? (Mas kalmado.) Nanganganak silang nakabukaka sa ibabaw ng hukay, liliwanag nang isang saglit, saka biglang babalot na muli ang dilim ng gabi. (Hahagipin ang tali.) Sulong!

Magsisilabasan sina Pozzo at Lucky. Susundan sila ni Vladimir hanggang sa dulo ng entablado, nakamasid. Ingay ng pagbagsak, na pagayang mumuwestrahin ni Vladimir, upang ipaalam na nahulog silang muli. Katahimikan. Lalapit si Vladimir kay Estragon, pagninilayan siya nang ilang saglit, saka yuyugyugin siya upang gisingin.

ESTRAGON:(mababangis na pagkampay-kampay, mga salitang balbal, at sa wakas:) Ba't ba hindi mo 'ko hayaang matulog?

VLADIMIR:Nalulungkot ako e.

ESTRAGON:Nanaginip kaya akong masaya ako.

VLADIMIR:Pampalipas-oras din.

ESTRAGON:Nanaginip akong

VLADIMIR:(marahas). 'Wag mong sabihin sa 'kin! (Katahimikan.) Totoo kayang bulag siya?

ESTRAGON:Bulag? Sino?

VLADIMIR:Si Pozzo.

ESTRAGON:Bulag?

VLADIMIR:Sabi niya sa 'tin, bulag siya.

ESTRAGON:O e ano ngayon?

VLADIMIR:Para namang nakita niya tayo.

ESTRAGON:Napanaginipan mo lang 'yon. (Puwang.) Tara na. Hindi puwede. A! (Puwang.) Sigurado ka hindi siya 'yon?

VLADIMIR:Sino?

ESTRAGON:Si Godo.

VLADIMIR:Sino?

ESTRAGON:Si Pozzo.

VLADIMIR:Hinding-hindi! (Hindi na ga'nong sigurado.) Hindi talaga! (Lalong hindi sigurado.) Hindi nga.

ESTRAGON:Siguro, mas mabuti na ring tumayo ako. (Hirap na tatayo.) Aruy! Didi!

VLADIMIR:Hindi ko na alam kung ano'ng iisipin.

ESTRAGON:Ang mga paa ko! (Muling uupo saka susubuking hubarin ang botas.) Tulong!

VLADIMIR:Natutulog ba 'ko nang magdusa ang iba? Natutulog ba 'ko ngayon? Bukas, pagkagising ko, o sa akala ko'y gigising ako, ano kayang sasabihin ko tungkol ngayon? Na kasama ang kaibigan kong si Estragon, sa lugar na ito, hanggang sumapit ang gabi, ay hinintay ko si Godo? Na dumaan si Pozzo, kasama'ng kargador niya, at kinausap niya kami? Marahil. Pero sa lahat ng 'yon, alin ang totoo? (Si Estragon, makaraang maghirap nang walang kapararakan sa kanyang botas, ay muli na namang matutulog. Titingnan siya ni Vladimir.) Wala siyang malalaman. Ikukuwento niya sa 'kin ang mga ininda niyang gulpi at bibigyan ko siya ng karot. (Puwang.) Nakabukaka sa hukay at hirap sa panganganak. Sa ibaba ng butas, dahan-dahan, ipinansusungkit ng sepulturero ang sipit. May panahon pa tayong tumanda. Napupuno ang hangin sa 'ting pagtangis. (Makikinig.) Pero nakapangmamanhid din ang paulit-ulit. (Muling titingin kay Estragon.) Sa 'kin din, may nakabantay, sa 'kin din, may nagsasabing, Natutulog siya, wala siyang nalalaman, hayaan mo lang siyang humimbing. (Puwang.) 'Di ko na kayang magpatuloy pa! (Puwang.) Ano'ng nasabi ko?