15
Mga Magagandang Tanawin sa iba’t ibang Lungsod sa NCR Mabibilang sa daliri ang mga likas na tanawin sa Rehiyon ng NCR. Ganunpaman, sagana ito sa mga gusali, bantayog, simbahan at iba pang istrukturang pangkultura.

Magagandang Tanawin Sa NCR

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Old churches, remarkable buildings with historical relevance

Citation preview

Mga Magagandang Tanawin

sa iba’t ibang Lungsod sa NCR

Mabibilang sa daliri ang mga likas na tanawin sa Rehiyon ng NCR. Ganunpaman, sagana ito

sa mga gusali, bantayog, simbahan at iba pang

istrukturang pangkultura.

Ang Monumento ni Bonifacio na itinayo noong 1933 ay isa

sa mga obra ni Guillermo Tolentino. Simbolo ito ng

rebolusyon noong Agosto 3, 1896.

Ang nasa kaliwa ay larawan ng Katedral ng San Rogue noong panahon ng pananakop ng Amerikano. Ang nasa itaas ay ang

mukha ng altar ng San Roque.

Ang simbahan ng Parokya ni San Jose (St. Joseph’s Parish) ay itinayo

noong ika-19 na siglo sa pangunguna ni Fr. Diego Cera na siya ring

nagpagawa ng Bamboo Organ noong 1824. Kinikilalang Pambansang Kayamanang Pangkultura ang

Bamboo Organ.

Ang La Mesa Watershed

Ecopark ay pook pasyalan ng mga

tagalungsod. Iniutos ang

pagsasaayos nito noong 1929. Pangunahing dahilan ang

mapagkukuhaan ng tubig Ang ecopark ay binuksan sa

publiko upang tumulong sa

pagpapanatili ng dam.

Marami ring mga kilalang bantayog sa Lungsod ng Quezon: ang Dambana ni Manuel Quezon sa gitna ng Quezon City Memorial Circle na dinisenyo ni Federic Ilustre noong 1950s; ang

Shrine of Mary, Queen of Peace na mas kilala sa tawag na EDSA Shrine ay itinayo pagkatapos ng EDSA revolution; at ang People Power Monument sa kanto ng White Plains at EDSA bilang

alaala ng mapayapang rebolusyon sa EDSA.

Ang Museo ng Makati ay itinayo noong 1918 at isang

tradisyunal na “bahay na bato. Dito makikita ang lahat ng mga bagay at

sulatin sa may kinalaman sa kasaysayan ng Makati.

Ang Nuestra Senora de Gracia na mas kilala bilang “Simbahan ng Guadalupe ay may disenyong “baroque” na ibig sabihin ay detalyado at grandiyosong disenyo. 1630 nang matapos ang simbahan, mahigit 300 taon nang

nakalilipas.

Ang Asilo de Huerfanos ay bahay ampunan na itinatag

noong 1887. Makasaysayan ang gusaling ito dahil

noong panahon ng rebolusyon, dito nanatili sina Hen.

Emilio Aguinaldo kung saan una nilang inilimbag ang La Independencia.

Sa Malabon may pinakamaraming mga makasaysayang “bahay na bato” sa

naging tahanan ng mga kataong may mahalagang kontribusyon sa

kasaysayan ng Pilipinas, gaya ng bahay na bato ng mga Luna. Dito rin makikita ang bahay ng mga

Raymundo, pinakamatandang bahay sa Malabon. Kapansin-pansin ang

Hapsburg Eagle, agilang may dalawang ulo. na nakaukit sa pasukan.

Belen Museum Doll Museum

Shoe Museum

Sa Marikina makikita ang iba’t ibang museo na

sumasalamin sa kultura ng lungsod.

Kilalang pook pasyalan din ang Marikina Riverbanks na

sentro ng karamihan ng pagdiriwang sa Marikina.

Maraming mga pook pasyalan sa Maynila. Nariyan ang

kilalang Rizal Park o Luneta, ang Fort Santiago sa loob ng Intramuros, at ang Manila

Zoo. Dito makikita ang lumang simbahan ng Basilica Minore de San Sebastian. Ito

lamang ang simbahan sa Pilipinas na may disenyong

gotika, impluwensya ng kulturang Aleman.

Ang kanyon na ito ay ginamit noong panahon ng pananakop ng

hapon. Matatagpuan ito sa Memorial Hill sa loob ng New

Bilibid Prison

Ito naman ang bungad sa Japanese Garden Cemetery kung saan nakalibing si Hen. Tomoyuki

Yamashita.

Ang Jamboree Lake ay ang siyang pinakamaliit na natural na lawa sa Muntinlupa.

Pahingahan at pook pasyalan ng mga lokal na residente ng Navotas ang Centennial Park. Gaya ng parke sa Luneta, ito ay

nakatanaw sa baybayin ng Manila Bay.

Ang Simbahan ng San Andres ay ang

pinakamatandang simbahan sa

Paranaque na itinayo noong 1580

Ang Redemptorist Church naman sa Baclaran ay isa sa pinakamalaking

simbahan sa Paranaque na

paboritong dayuhin ng mga deboto.

Sa loob pa lang CCP Complex ay marami nang mga istrukturang makatawag-pansin gaya ng Film Center at ng Coconut Palace.

An Resorts World naman ay isa sa mga pinakabago at modernong atraksyon ng

Pasay City Nandito rin ang Mall of Asia.

Ang Cuartel Del Guardia Civil ay bahay na itinayo ng

pamilya Santiago noong 1881. Naging piitan ito ng mga

Katipunero noong panahon ng digmaan.

Bahay na Tisa, pag-aari ng pamilya Tech, tinawag itong

“Freedom House” dahil ginagamit itong tagpuan

noong panahon ng Martial Law.

Ang Immaculate Concepcion Cathedral ang unang “Marian Church” na itinayo

noong 1575

Ang Pateros Plaza De Borja

Mahalaga sa kasaysayan ang Dambana ng Pinaglabanan kung saan ipinapakita ang naunang pakikipalagan sa

mga dayuhan.

Kilala rin naman ang Pinaglabanan Church bilang St. John the Baptist Church.

Sa San Juan din makikita ang sentro

ng pananampalatayang

Iglesia ni Cristo.