21
NILIKHA SA RWANDA KALUSUGAN MAHAL KITA ILUSTRADOR: Bruno Iradukunda TUMUTULONG SA MGA KABATAANG LABANAN ANG COVID-19 MAY-AKDA : Michael Ross

MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

NIL

IKH

A S

A R

WA

ND

AK

ALU

SUG

AN

MAHAL KITA

ILUSTRADOR:Bruno Iradukunda

TUMUTULONG SA MGA KABATAANGLABANAN ANG COVID-19

MAY-AKDA :Michael Ross

Page 2: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

Misyon ng NABUAng NABU ay isang 501 na non-profit na samahan na nakabase sa New York, na may misyong bigyang solusyon ang hindi balanseng paglikha at pamamahagi ng mga librong pambata, upang ang lahat ng bata ay makapagbasa at makamit ang kanilang buong potensiyal. Layon naming patigilin ang gulong ng kahirapan sa paggamit ng teknolohiya upang makapaglathala ng mga libreng librong pambata sa mga digital na plataporma at gamit ang mga katutubong lengguwahe.

Tungkol sa Koleksyon ng Kalusugan-COVID-19Sabay sa paglalahatla namin ng librong ito ngayong Abril 2020, ang mundo ay kumakaharap sa isang pandaigdigang pandemya na makaaapekto sa mga kabataan at pamilya sa bawat bansa. Dahil sa COVID-19, tinatayang 1.37 bilyong estudyante ang hindi makapasok sa eskuwelahan kaya nagambala ang kanilang pagaaral. Bilang isang digital na plataporma, bibigyan ng NABU ang mga pinakaapektadong mga kabataan ng mapagkukunan ng kaalaman sa bahay upang sila ay manatiling ligtas habang ipininagpapatuloy ang pagaaral. Bukod dito, laganap ang mga maling impormasyon, at ang mga magulang at pamilya ay kailangang magkaroon ng akses sa tamang impormasyon at sensitibong paraan upang ipaliwanag sa mga anak ang tungkol sa virus, upang sila at ang kanilang komunidad ay manatiling ligtas.

Bilang tugon, ginawa ng NABU ang koleksyon na ito na may suporta sa mga eksperto sa larangan ng kalusugan, neuroscience, at pag-unlad ng bata, at grupo ng mga manunulat na tumulong upang makagawa ng mga kuwento na nakaka-engganyo at siksik sa impormasyon. Nilikha sa Rwanda at iginuhit ng magagaling na mga ilustrador mula sa Rwanda, ang mga kuwento ay nailathala sa Kinyarwanda, at nakasulat din sa Ingles para sa mga pamilya sa buong mundo. Saan ka man nagbabasa, kami ay umaasa na ikaw at ang iyong pamilya ay manatiling ligtas at nawa ang kuwento na ito ay maghatid ng ginhawa at pag-asa na muling darating ang mas magandang bukas.

This work is licensed under the Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives

4.0 International License. To view a copy of this license, visit http://creativecommons.org/licenses/

by-nc-nd/4.0/ or send a letter to Creative Commons, PO Box 1866, Mountain View, CA 94042, USA.

Page 3: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

nabu.org

Mahal Kita

ILUSTRADOR:

Bruno Iradukunda

DIREKTOR NG SINING AT PATNUGOT :

Michael Ross

MAY-AKDA :

Michael Ross

4

ANTAS NG PAGBASA

Page 4: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Ina, bakit hindi ko puwedeng makita sina lolo at lola? Hindi na ba nila ako mahal?”

1

Page 5: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Kwizera, anak ko, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang kapantay. Mahal ka nila tulad ng araw. Mahal ka nila tulad ng mga tunog ng alon na tila sumasayaw sa karagatan. Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para sa kanila na puntahan ka at makita.”

2

Page 6: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Dahil ba sa bagong sakit na coronavirus?” tanong ni Kwizera.

“Oo anak,” sagot ng kanyang ina.

“Ngunit wala naman akong sakit! Malusog ako at nais kong makipaglaro kay lola at lolo. Hindi ito tama!” Protesta ni Kwizera.

3

Page 7: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

Umiyak si Kwizera:“Nais kong makipaglaro ng taguan sa kanila. Gusto ko ring mag-futbol kasama sila. Gusto kong basahin sa akin ni lolo ang paborito kong kuwento na ‘Kazungu’ at nais kong kantahin ni lola ang paborito kong awit na ‘Kabuye Kanjye.’ Nami-miss ko na sila.”

4

Page 8: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

Malumanay na sumagot ang ina ni Kwizera: “Tama ka, malusog ang iyong katawan. Ngunit iba ang epekto ng virus sa mga batang katulad mo kumpara sa mga nakatatandang tao. Kahit mukhang wala ka namang sakit at pakiramdam mo ay malakas ka, baka dala mo na pala ang virus, kaya maaari mo itong maipasa kay lola at lolo.”

5

Page 9: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Ibig sabihin ba ay hindi ko na sila ulit makikita?”

Napuno ng luha ang mga mata ni Kwizera kaya niyakap siya ng ina at sinabi, “ Siyempre hindi, Kwizera. May naisip ako. Maaari mo pa din silang makita, ngunit kailangan nating panatilihin ang ligtas na distansya hangga’t wala pang gamot na makakasupil at makapagpapagaling sa virus.”

6

Page 10: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Paano natin iyon gagawin, Ina?” tanong ni Kwizera.

“Maaari tayong maglakad-lakad, tayong dalawa lamang dahil hindi pa ligtas ang sumama sa malalaking grupo. Maglalakad tayo patungo sa bahay ni lola at lolo para makita sila mula sa bintana.”

7

Page 11: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Pero hindi ko pa rin sila puwedeng yakapin at masabihan ng mahal kita?” buntong-hininga ni Kwizera.

“Maaari mo iyong gawin, anak. Alam mo, ang pag-ibig ay isa sa pinakamakapangyarihang regalo sa mundo. Kaya ng pag-ibig na dumaan kahit sa pinakamakakapal na pader, sa ibabaw ng pinakamatataas na bundok, sa ilalim ng pinakamatatarik na lambak. Walang makakapigil sa pagmamahal. Kaya naman walang panama ang salaming bintana sa pag-ibig na nais mong ipakita.” 8

Page 12: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Kaya maaari tayong dumaan sa kanilang bahay araw-araw, sisigaw ako upang sabihin na mahal ko sila upang malaman nila kung gaano ko sila nami-miss?” sabik na tanong ni Kwizera.

“Ipinapangako ko na araw-araw natin itong gagawin, hanggang matalo natin ang virus at maaari na uli tayong magsama lahat.” Sinabi ng kanyang ina. “Tara at bisitahin na natin sila!”

9

Page 13: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

“Yehey!” Napatalon si Kwizera sa kasabikan at magkasama silang naglakad patungo sa bahay ni lola at lolo. Kumaway si Kwizera, nagsabog ng mga halik, at isinigaw - “I love you!” - tulad ng sinabi niyang gagawin. Masaya siyang maipahatid ang mensahe sa lolo at lola, at dahil alam niya na muli niyasilang makikita bukas.

10

Page 14: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

Hang pauwi sa kanilang bahay, tinanong ni Kwizera ang ina,“Lahat po ba ng mga bata ay kailangang dumistansya sa kanilang mga lolo at lola ngayon?”

“Oo anak,” sagot ng kanyang ina. “Lahat ng bata sa buong mundo, ay nag-oobserba ng ligtas na distansiya, ngunit naipahahatid pa din nila ang mensahe ng pagmamahal sa kanilang mga lolo at lola, tulad mo.”

11

Page 15: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

Mahal kita, Lolo Agwei!

HAITI

12

Page 16: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

PHILIPPINES

Mahal kita Lola Mutya!

13

Page 17: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

BRAZIL

Mahal kita Lola Izabel at Lolo Lucas!

14

Page 18: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

CHINA

Mahal kita Lao Lao!

15

Page 19: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

AMERICA

Mahal kita Lola Elsie!

16

Page 20: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

Tungkol sa mga Kuwento sa NABUAng NABU ay lumilikha ng mga kuwento na may kultural na pananaw. Malaki ang tsansang lumaking mga mahabaging mamamayan ng mundo na may hilig sa pagtuklas ng kaalaman ang mga kabataang nalalantad sa iba’t-ibang kultura at lengguwahe. Kami ay naniniwala na ang mga kuwentong may kaugnayan sa kultura at tumatalakay sa kung ano ang nakikita ng mga bata kapag tumitingin sila sa salamin ay nakatutulong upang malinang ang malusog na pagpapahalaga sa sarili, ang mga bata na may kaalaman sa mga kultura na iba sa kanilang kinagisnan ay malaki ang posibilidad na lumaking may pagpapahalaga sa dignidad ng buhay ng tao at makakatulong upang gawing mas maayos ang mundo para sa lahat.

Si Bruno IRADUKUNDA ay isang alagad ng sining sa larangan ng pagpipinta, ilustrasyon, iskultura, at disenyong grapiko na gumuguhit para sa mga librong pambata simula pa noong 2017. Noong 2018, ginawaran ng International Board on Books for Young People (IBBY) si Iradukunda ng pagkilala bilang isa sa pinakamahusay na ilustrador ng taon para sa kanyang likha sa “La Troisième Perle”, na isinulat ni Kai HIRWA at inilathala ng EDITIONS Bakame. Noong 2019, si Iradukunda ay ginawaran ng sertipiko mula sa World Bank Group dahil sa kanyang partisipasyon sa “reading ready” sa Rwanda. Kamakailan ay nagtayo si Bruno ng kanyang sariling studio sa Rwanda.

Bruno Iradukunda e. [email protected]. + 250 783 241 528

Page 21: MAHAL KITA - NABU...Mahal ka nila tulad ng mga ibong umaawit sa umaga. Tulad ng isang bahaghari, ang pagmamahal nila sa iyo ay walang katapusan. Subalit sa ngayon, hindi ligtas para

110 East 25th Street,New York, NY 10010

nabu.org

I LOVE YOU