Upload
marc-damen-aarlorne
View
25
Download
5
Embed Size (px)
DESCRIPTION
feels trip from @makahulugan on twitter
Citation preview
tal slitaan@makahuluganMar 22aligando, pu.: Kung lilingunin lahat ng araw na wala tayong nasisimula't natatapos, aba, wala tayong masisimula't matatapos, pero ayos lang.42 retweets53 favoritesReplyRetweet42Favorite53Moretal slitaan@makahuluganMar 22alibugha, pu.: Anumang puri ko sa buwan ay hanggang sabi lang, kung hindi naririnig, at mapupuno na lang ng pagsisisi. Nababasa mo kaya ito?31 retweets54 favoritesReplyRetweet31Favorite54Moretal slitaan@makahuluganMar 21alibadbad, png.: At paano nga ba naging patas na iisa lang ang isip ko ngunit dinadanas nito ang kirot ng pag-aalala para sa ating dalawa?45 retweets84 favoritesReplyRetweet45Favorite84Moretal slitaan@makahuluganMar 20"Nais kong sa tula ng aking pagsinta, ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa." (Lope K. Santos, "Ang Pagtatapat") View more photos and videos10 retweets42 favoritesReplyRetweet10Favorite42Moretal slitaan@makahuluganMar 20alerto, pu.: Hindi lingid sa akin, na pwede akong masawi nang isandaang ulit, at hindi pa rin ako alerto't sanay para sa ika-isandaa't isa.71 retweets77 favoritesReplyRetweet71Favorite77Moretal slitaan@makahuluganMar 20alegasyon, png.: Wari ko'y sapat na kitang kilala, kaya kung may mga paratang man ako, ito'y dahil may mga sulok pa akong hindi nagagalugad.21 retweets48 favoritesReplyRetweet21Favorite48Moretal slitaan@makahuluganMar 14aldaba, png.: Akala mo'y malungkot ka dahil walang nangangahas bumukas sa puso mo, pero 'di ba't may mga pintong nasa loob lang ang kandado?129 retweets174 favoritesReplyRetweet129Favorite174Moretal slitaan@makahuluganMar 14albularyo, png.: Sa panahon ng makabagong medisina't panggagamot, narito lang pala sa mga braso't labi natin ang kalunasan at pananggalang.43 retweets71 favoritesReplyRetweet43Favorite71Moretal slitaan@makahuluganMar 14alboroto, png.: Hayaang bumulahaw ang iyak at hindi kita iisipan nang masama. Dahil paano ko pa masusundan ang tunog nito para mapatahan ka?34 retweets55 favoritesReplyRetweet34Favorite55Moretal slitaan@makahuluganMar 12albay, png.: Huwag kang magtatayo ng bahay, aalis, at sasabihing ang paglisa'y para sa akin. Huwag, narinig ko na ito noong bata ako. Huwag.38 retweets68 favoritesReplyRetweet38Favorite68Moretal slitaan@makahuluganMar 12alay, png.: Kahit gumuhit ka lang ng puso sa kapirasong papel at ito ang ialay, aawit pa rin ang ulan at matutuwa pa rin ang buong mundo ko.65 retweets79 favoritesReplyRetweet65Favorite79Moretal slitaan@makahuluganMar 12alatiit, png.: Itong langitngit ng pinto, matunog na paalala na matagal, napakatagal mo nang hindi dumadalaw, ngunit heto, may pinto pa rin.39 retweets57 favoritesReplyRetweet39Favorite57Moretal slitaan@makahuluganMar 11alat, png.: Naiisip ko ang dagat sa bawat pagsisid ko para sa imahe mo, ang alat na kakapit at magpapapula sa mata. Naiisip mo rin sana ako.58 retweets82 favoritesReplyRetweet58Favorite82Moretal slitaan@makahuluganMar 10alas, png.: Hindi ako dalubhasa; hindi ko alam kung swerte ang balasa o bunot ko, pero basta't kasama pa kitang sumusugal ay panatag pa ako.74 retweets85 favoritesReplyRetweet74Favorite85Moretal slitaan@makahuluganMar 10alarma, png.: Lagi'y nalalagpasan ko ang ugong, ang mga senyales, napapahaba ang pananaginip, kaya't nagigising akong kumikirot ang ulo.31 retweets41 favoritesReplyRetweet31Favorite41Moretal slitaan@makahuluganMar 5alapaap, png.: Dahil sa'yo, nadadala ko na ang sansaglit na langit sa panaginip sa aking paggising, at hindi na ako napipilitan pang bumaba.56 retweets78 favoritesReplyRetweet56Favorite78Moretal slitaan@makahuluganMar 2alangan, png.: Noong mga panahong nahuhulog ang iyong damdamin sa akin mula sa kataas-taasan nito, sabihin mo, gaano kadalas kang nakapikit?116 retweets149 favoritesReplyRetweet116Favorite149Moretal slitaan@makahuluganMar 2alang-alang, png.: Kung aamin, minsa'y hindi talaga para sa iniibig ang ibinibigay, kundi para sa sarili, patunay, na kaya palang magbigay.116 retweets148 favoritesReplyRetweet116Favorite148Moretal slitaan@makahuluganMar 1alambre, png.: Habang tinatawid ang alambre, nakita kong wala ka sa kabilang dulo. Iyon pala'y nasa ibaba, handang sumalo kung malaglag ako.98 retweets155 favoritesReplyRetweet98Favorite155Moretal slitaan@makahuluganFeb 23alamat, png.: Nasa punto na tayo kung saan ayos lang laruin ang detalye kung paano tayo nagsimula, para lang nakakaaliw isalaysay sa iba.48 retweets84 favoritesReplyRetweet48Favorite84Moretal slitaan@makahuluganFeb 23Salamat! View more photos and videos14 retweets47 favoritesReplyRetweet14Favorite47Moretal slitaan@makahuluganFeb 23alalay, png.: Kung ako ang napapagal, ikaw ang ginhawa; kung ikaw ang napapagal, ako ang ginhawa. Huwag lang sanang sabay tayong mapagal.34 retweets60 favoritesReplyRetweet34Favorite60Moretal slitaan@makahuluganFeb 22alalaong baga, pgt.: Samakatwid, mag-maang-maangan muna tayo rito sa kasalukuyan, kaysa mag-hunos-dili sa babala ng hangganan.50 retweets56 favoritesReplyRetweet50Favorite56Moretal slitaan@makahuluganFeb 22alala, pd.: Sana'y nakauwi kang ligtas, sana'y malayo ka sa sakit - ito ang mga salin ng pag-ibig, panalanging ako na lang ang makakadinig.90 retweets142 favoritesReplyRetweet90Favorite142Moretal slitaan@makahuluganFeb 19alak, png.: Kung pareho lang sana tayo ng dahilan kaya tayo umiinom, ay hindi ko na kakailanganing uminom sa simula pa lang.134 retweets194 favoritesReplyRetweet134Favorite194Moretal slitaan@makahuluganFeb 19alahas, png.: At kung makapagsuot ka man, ito'y pangalawang kinang na lang, dahil ang una't tunay ay nasa loob mo, naghihintay ng magmimina.55 retweets61 favoritesReplyRetweet55Favorite61Moretal slitaan@makahuluganFeb 14alaga, pu./pd.: Hindi ngayong malakas ka pa, bagkus sa hinaharap, kung kailan nanghihina ka na, doon kita kukumutan ng pag-aalagang lubos,31 retweets59 favoritesReplyRetweet31Favorite59Moretal slitaan@makahuluganFeb 14alab, png.: Ito ang bubuhay sa atin, tuwing naiinip, tuwing mag-isa, tuwing lumalatag ang lamig sa tag-araw. Pagningasin mo, pag-ingatan mo.60 retweets74 favoritesReplyRetweet60Favorite74Moretal slitaan@makahuluganFeb 10alaala, png.: Ito ang kabalintunaan ng puso ko: nais kong punuin mo ang aking mga alaala, nang hindi tuluyang nagiging ngunit isang alaala.57 retweets79 favoritesReplyRetweet57Favorite79Moretal slitaan@makahuluganFeb 10ahon, pd.: Bakit ako lang ang sumisilakbo paibabaw para huminga? Bakit wala ka sa ilalim para humalik at hatian ako sa hangin?40 retweets72 favoritesReplyRetweet40Favorite72Moretal slitaan@makahuluganFeb 10ahit, pd.: May mga taong bagay na may bigote, o bagay na wala. Siguro'y nag-aahit tayo para makadama ng pagbabago, kahit sa panlabas lang.23 retweets30 favoritesReplyRetweet23Favorite30Moretal slitaan@makahuluganFeb 10ahente, png: Narito ang peligro: sa paghihinalang may lambing para hikayatin ka lang sa kung anuman. May lambing kasi minsa'y malambing din.7 retweets15 favoritesReplyRetweet7Favorite15Moretal slitaan@makahuluganFeb 8ahas, png.: Minsan siya iyong nang-aagaw, minsan siya rin iyong mahigpit na nakapulupot sa iyo, sinasagitsitan ang mga maaaring mang-agaw.29 retweets43 favoritesReplyRetweet29Favorite43Moretal slitaan@makahuluganFeb 7agwat, png.: Gaano man tayo kalapit sa isa't isa'y may bahagi ko na nasa ligtas na distansya, para sa tuwing kailangang umurong ako sandali.113 retweets177 favoritesReplyRetweet113Favorite177Moretal slitaan@makahuluganFeb 7agwanta, png.: Kahit buo ang kontrol ko sa sarili'y nagpapapigil pa rin ako sa iyo, tinatantya itong bakod, tinatakal ang iyong pakialam.46 retweets58 favoritesReplyRetweet46Favorite58Moretal slitaan@makahuluganFeb 7agwa, pu.: Sa'yo ako'y tubig-alat, kumukulong kape, alak, at paminsa'y ulan. Ikaw sa aki'y ang agwang payak. Ikaw sa aki'y ang lahat.26 retweets44 favoritesReplyRetweet26Favorite44Moretal slitaan@makahuluganFeb 7aguhon, png.: Ikaw ang umiiling na karayom na tumuturo sa norte, tila nagdududa pero sumusubok, tila pumapalya pero basta nariyan lang lagi.19 retweets35 favoritesReplyRetweet19Favorite35Moretal slitaan@makahuluganFeb 5agrikultura, png.: Sabi'y 'di biro ang magtanim, lagi kang nakayuko. Sabi ko'y 'di biro ang hintayin itong bumunga, lagi kang nakaluhod.30 retweets50 favoritesReplyRetweet30Favorite50Moretal slitaan@makahuluganFeb 5agresibo, pu.: Hindi sa malakas na pagdeklara bagkus sa mahinaho't walang hintong pagbulong na mahal ka. Walang kalat, walang gulo.85 retweets121 favoritesReplyRetweeted85Favorited121Moretal slitaan@makahuluganFeb 3agrabyado, pu.: Panalo nga't makatwiran ngunit pagal naman sa tulog, binabagabag kung sayo'y nagbunga ba ng pagkayamot, kaya'y talo pa rin.19 retweets38 favoritesReplyRetweet19Favorite38Moretal slitaan@makahuluganFeb 3agos, png.: Dito tapos paroon, paliko-liko, tangay ng daluyong, tayo na umaahon maya't maya, magkahawak hanggang saanman, dito tapos paroon.34 retweets33 favoritesReplyRetweet34Favorite33Moretal slitaan@makahuluganFeb 2agnostiko, png.: Dahil nakikita't naririnig din kita, hindi lang nadarama. Gayunpaman, nakalilito pa rin ang kilos mo kung biyaya ba o iba.104 retweets131 favoritesReplyRetweet104Favorite131Moretal slitaan@makahuluganFeb 1agnas, pd.: Masakit magkamali: papanoorin mo munang maagnas ang pag-ibig sa harap mo, bago mo tangkaing matuto mula sa mga butong matitira.52 retweets71 favoritesReplyRetweet52Favorite71Moretal slitaan@makahuluganFeb 1agiw, png.: Tayo'y agiw na maiging hinabi't pinagdugtong, marahang sumasayaw kontra sa sinag ng araw, mas maganda sa liwanag kaysa sa dilim.21 retweets23 favoritesReplyRetweet21Favorite23Moretal slitaan@makahuluganJan 28agham, png.: Dahil nangyayari lang ang nangyayari. Dahil humahalik o yumayakap lang, may agham man o wala. Dahil umiibig. Kaya umiibig.72 retweets113 favoritesReplyRetweet72Favorite113Moretal slitaan@makahuluganJan 27agawin, pd.: Naninindigan ako sa "oo" mo, kaya ako'y nagsisikap. Mahirap nang malingat saglit at may umagaw sa puwesto ko sa unahan ng pila.18 retweets54 favoritesReplyRetweet18Favorite54Moretal slitaan@makahuluganJan 27agaw-dilim, png.: Ipininta ko na sa isip ang itsura mo habang may liwanag pa, para pag-agaw ng dilim ay hindi na ko masyadong mangungulila.34 retweets63 favoritesReplyRetweet34Favorite63Moretal slitaan@makahuluganJan 26agap, png.: Bakit pinaghahandaan mo ang pag-ibig na tila bukang-liwayway? Paano kung dumaan na pala ito't humalik sa noo mo habang tulog ka?82 retweets111 favoritesReplyRetweet82Favorite111Moretal slitaan@makahuluganJan 25agam-agam, png.: Walang mali sa pagdududa tulad ng walang mali sa pagtulog nang nakabukas ang ilaw, pero hindi ba't sayang lang sa kuryente?38 retweets84 favoritesReplyRetweet38Favorite84Moretal slitaan@makahuluganJan 21agad-agad, pa.: Itim at puti lang ito: magpasya agad o huwag nang magpasya. Walang umibig na isang paa lang ang nakalublob sa tubig.39 retweets67 favoritesReplyRetweet39Favorite67Moretal slitaan@makahuluganJan 21adik, png.: Ikaw na ang droga, ikaw pa ang rehabilitasyon. Paanong hindi ako malululong sa ating pagsasama?163 retweets226 favoritesReplyRetweet163Favorite226Moretal slitaan@makahuluganJan 20adhikain, png.: May idadakila pa itong pag-iibigan, pero ito'y isang adhikaing dapat nagsisimula sa "magmula ngayon" imbes na "balang araw".48 retweets68 favoritesReplyRetweet48Favorite68Moretal slitaan@makahuluganJan 20akyat, pu.: Kahit matagal na tayo'y aakyat pa rin ako ng ligaw araw-araw, 'di magniningas itong kugon, para hindi rin magmaliw iyong "oo".11 retweets43 favoritesReplyRetweet11Favorite43Moretal slitaan@makahuluganJan 17akusado, pu.: May mali para sa iyo, at may mali para sa akin, kaya bago mag-akusa'y magkasundo muna tayo na itong mali ay talaga ngang mali.22 retweets43 favoritesReplyRetweet22Favorite43Moretal slitaan@makahuluganJan 17aksidente, png.: Walang aksidente, walang "paano kung...", walang maling oras. Binigay natin ang kayang ibigay ngayon dahil ginusto natin.164 retweets192 favoritesReplyRetweet164Favorite192Moretal slitaan@makahuluganJan 16aksesorya, png.: Itong pag-ibig ay parang aksesorya: minsa'y isusuot, minsa'y iiwan muna sa bahay. Pero basta nandyan lang, hindi tinatapon.24 retweets62 favoritesReplyRetweet24Favorite62Moretal slitaan@makahuluganJan 16aksaya, pu.: Kung umupo lang tayong dalawa, sumisid sa balon ng mata ng isa't isa habang nakangiti, masasabi mo bang nagsayang tayo ng oras?144 retweets176 favoritesReplyRetweet144Favorite176Moretal slitaan@makahuluganJan 16ak, ph.: Mabuting ako na ang umako sa kasalanan, dahil higit pa sa yabang o katwiran, mas matimbang itong katalo kaysa sa pinagtatalunan.41 retweets66 favoritesReplyRetweet41Favorite66Moretal slitaan@makahuluganJan 15akm, pu.: Duda ang mga kaibigan natin sa kung akma ba tayo sa isa't isa, na wari'y kasali sila sa pagsisikap natin para sa habambuhay.19 retweets46 favoritesReplyRetweet19Favorite46Moretal slitaan@makahuluganJan 15aklatan, png.: Kahit ako'y isang libro lang, ang aklatan nama'y nagsasara tuwing bawat hapon, nang-uudlot, habang ako'y nandito lang palagi.5 retweets20 favoritesReplyRetweet5Favorite20Moretal slitaan@makahuluganJan 14aklat, png.: Oo, hinusguhan kita dati sa iyong pabalat -- dahil sino bang hindi -- pero ipinagmamalaki kong tinuloy-tuloy ko ang pagbasa.85 retweets123 favoritesReplyRetweet85Favorite123Moretal slitaan@makahuluganJan 14aklas, pd.: Dati'y pabulong lang na inaamin, pero ngayo'y handa nang umaklas sa ginhawa't isigaw sa mga bulwagan, taas-kamao, na mahal kita.32 retweets70 favoritesReplyRetweet32Favorite70Moretal slitaan@makahuluganJan 14kit, pd.: Noong unang umaga na nasilayan ko ang ganda mo kahit bagong gising, saka ko napagtantong hindi ka nga nagpapaganda para ninuman.28 retweets47 favoritesReplyRetweet28Favorite47Moretal slitaan@makahuluganJan 13akin, ph.: Ngunit dahil naturingang mapagbigay itong pag-ibig, wala akong problema kung tawagin na lang nating "atin".52 retweets88 favoritesReplyRetweet52Favorite88Moretal slitaan@makahuluganJan 12akda, png.: Hindi ako ang diyos, pero sa tulong nitong papel at panulat ay kaya kitang handugan ng buhay na walang hanggan. Paniwalaan mo.16 retweets27 favoritesReplyRetweet16Favorite27Moretal slitaan@makahuluganJan 12akbay, pd.: Kapag naaakbayan kita't napapalapit ay nadarama ko ang tibok ng puso mo: malumanay, maindayog, at lubhang kabaligtaran ng akin.36 retweets53 favoritesReplyRetweet36Favorite53Moretal slitaan@makahuluganJan 11akay, png.: Dati'y tuliro pa ako kung paano umibig bago mo ako inalalayan. Ngayon, ikaw na lang ang makapagsasabi kung marunong na ako.14 retweets32 favoritesReplyRetweet14Favorite32Moretal slitaan@makahuluganJan 10akasya, png.: Datnan man tayo ng ulan, basta't magkasama lang tayo rito sa lilim ng akasya. O basta't magkasama lang tayo, anupaman.20 retweets27 favoritesReplyRetweet20Favorite27Moretal slitaan@makahuluganJan 10akala, pd.: Mali man minsan ang mga akala mo sa akin, hindi mo ikamamatay ang mga ito. Masaya pa nga't may lugar pala ako sa iyong paglirip.38 retweets52 favoritesReplyRetweet38Favorite52Moretal slitaan@makahuluganJan 8akademya, png.: Dito, hindi mo na kailangang gumamit ng makaagham na mga salita para patunayang ika'y tama. Ibahin mo ako sa kanila.11 retweets15 favoritesReplyRetweet11Favorite15Moretal slitaan@makahuluganJan 8abyador, png.: Kabado ka kamo na maglakbay lulan ng eroplano dahil sa mga nagdaang disgrasya. Takot mamatay pero heto't ako pa ang iniibig.12 retweets17 favoritesReplyRetweet12Favorite17Moretal slitaan@makahuluganJan 8abtan, pd.: Isa pang matalim lang ang makakahawak, makahahagpos, sa kapwa matalim. Maipagmamalaki mo rin ako sa labas ng ating pag-ibig.1 retweet6 favoritesReplyRetweet1Favorite6Moretal slitaan@makahuluganJan 7abusado, pu.: Minsa'y sinasadya kong mag-ulit ng pagkakamali dahil alam kong hilig mo ang pakiramdam ng pagtatama at pagiging tama.28 retweets57 favoritesReplyRetweet28Favorite57Moretal slitaan@makahuluganJan 7aburido, pu.: Kung totoong magagandang bagay ang ipinagkakaloob sa mga naghihintay, anong rikit ng kalawakan kaya itong sasalubong sa akin?56 retweets56 favoritesReplyRetweet56Favorite56Moretal slitaan@makahuluganJan 7abuloy, png.: Sa bawat pagbawi mo sa nalipol na oras at pagkakataon natin ay nakaligtaan mo yatang namamatayan ka rin. Hindi ka bisita rito.7 retweets11 favoritesReplyRetweet7Favorite11Moretal slitaan@makahuluganJan 7abubot, png.: Anupa't nagsusuot ka pa ng mga abubot, kung may angking kariktan ka namang hindi mo na kailangang hubarin sa bawat pag-uwi?18 retweets23 favoritesReplyRetweet18Favorite23Moretal slitaan@makahuluganJan 6abot-tanaw, png.: Nagpapasalamat akong ang pook-tagpuan ng langit at lupa ay 'di kailanman mararating. Takbo lang tayo nang takbo paparoon.17 retweets18 favoritesReplyRetweet17Favorite18Moretal slitaan@makahuluganJan 6abono, png.: Siguro nga'y ako lang ang nakaramdam ng karukhaan, kaya hindi kita masisisi kung hindi mo na isauli ang pag-ibig na ibinigay.46 retweets64 favoritesReplyRetweet46Favorite64Moretal slitaan@makahuluganJan 5abo, png.: Kung gagawa ang diyos ng ebidensya ng apoy, sana'y hindi iyong liliparin agad ng hangin sa gaan.12 retweets17 favoritesReplyRetweet12Favorite17Moretal slitaan@makahuluganJan 5abay, png.: Hindi ko maiwasang pansining mas maganda pa ang barong ko kaysa sa iyon ng kaibigan kong siyang ikinakasal.6 retweets7 favoritesReplyRetweet6Favorite7Moretal slitaan@makahuluganJan 5abante, pd.: Sabi nila'y mabuti nang marahan basta't tiyak. Di yata't isa lang dito ang kaya nating panagutan.3 retweets16 favoritesReplyRetweet3Favorite16Moretal slitaan@makahuluganJan 4abandonado, pu.: Nilingon mo man lang sana ako. Binagalan mo man lang sana ang lakad.98 retweets140 favoritesReplyRetweet98Favorite140Moretal slitaan@makahuluganJan 3abala, pu.: kunwari'y may kumakain sa oras, pero hindi lang talaga alam ang gagawin o sasabihin kung magkita man tayo. Tanungin mo ulit ako.29 retweets57 favoritesReplyRetweet29Favorite57Moretal slitaan@makahuluganJan 3abakada, png.: Natatangi sa atin ang letrang "ng", na galing sa pagsasama ng dalawang abng letra. Minsa'y may pangangailangan sa pagsasama.13 retweets20 favoritesReplyRetweet13Favorite20Moretal slitaan@makahuluganJan 3aapa-ap, pu.: Huwag sana tayo rito sa kalituhan ng dilim, pero parito pumipihit ang ating mga paa. Kung maaari'y hawakan mo ako.