1
RIZAL SHRINE SA DAPITAN Makasaysayang pook sa Pakikipaglaban ng mga Pilipino Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador Miguel Lopez de Legazpi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta RIZAL PARK AGUINALDO SHRINE Sa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898. Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataon. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit. PUGAD-LAWIN Matatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limandaang Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-kanilang sedula bilang pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa KRUS NI MAGELLAN baba ng krus, nakapaloob sa krus a ito na gawa sa tindalo ang unay na krus.. SIMBAHAN BARASOAIN urista. CORREGIDOR DAMBANA NG KAGITINGAN EDSA SHRINE ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan Ingles: People Power Revolution), a tinatawag ding Rebolusyon sa DSA ng 1986 ay isang mapayapang emonstrasyon na nagtagal ng apat a araw sa Pilipinas, mula Pebrero 2 hanggang Pebrero 25 ng taong yon. Nag-ugat ang nasabing ebolusyon sa serye ng mga kilos rotesta ng mga tao laban sa iktaturyang pamumuno ni Ferdinand arcos, lalo na noong napaslang si inoy Aquino noong 1983. Maraming ga tao ang nakilahok dito-mga ibilyan, militar at mga alagad ng imbahan tulad ni Jaime Cardinal in. Nagdulot ito ng pagbagsak na amahalaang diktatoryal ni angulong Ferdinand Marcos at ang aghalili ni Corazon Aquino sa osisyong nilisan ni Marcos. aganap ang mga demonstrasyon sa pifanio de los Santos Avenue EDSA), isang mahalagang daan sa alakhang Maynila.

Makasaysayang Pook sa pakikipag laban ng Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ito ay mga lugar na makasay-sayan o importante sa Pilipino dahil dito naganap ang mga importanteng pangyayari sa ating bansa

Citation preview

RIZAL SHRINE SA DAPITANMatatagpuan sa Zamboanga del Norte. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanyol dahil sa isang kasalanang ibinintang sa kanya.

Makasaysayang pook sa Pakikipaglaban ng mga Pilipino

FORT SANTIAGOAng Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador ng Kastilang si Miguel Lopez de Legazpi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon). Ito ay isang lugar sa Maynila na matatagpuan sa Pilipinas at kilala bilang “Napapaderang Lungsod”, ang bansag sa Fort Santiago at ang kabuuan ng Intramuros. Ito ay ipinagawa ni Miguel Lopez de Legazpi, at dito sila namuhay kasama ang iba pang Hispano.

RIZAL PARKMatatagpuan sa Luneta sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Espanyol si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.

AGUINALDO SHRINESa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898. Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataon. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit.

PUGAD-LAWINMatatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limandaang Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-kanilang sedula bilang pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan.

KRUS NI MAGELLANAng Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.Bilang tagapagpagunita ng pangyayaring ito at upang ipagdiwang ang pagtanggap at pagpapalaganap ng Katolisismo ay nagtirik ng isang krus na kahoy si Magellan sa dako kung saan makikita ngayon ang isang krus na sinasabing kopya na lamang ng orihinal na krus ni Magellan. Ayon sa nakasulat sa lapida sa bandang ibaba ng krus, nakapaloob sa krus na ito na gawa sa tindalo ang tunay na krus..

PALASYO NG MALACAÑANGAng Palasyo ng Malakanyang (Ingles: Malacañang Palace) ay opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang pangalan mula sa pananalitang May lakan diyan dahil dating nakatira dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa ito naging tirahan ng punong tagaganap ng bansa. Matatagpuan sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila. Tumutukoy sa opisyal na tirahan ng pangulo ang Palasyo ng Malakanyang samantalang tumutukoy ang Malakanyang sa tanggapan ng pangulo at pang-araw-araw na pagtutukoy ng medya. Ipinapakita ito sa verso (likod) na bahagi ng 20-pisong salapi.

SIMBAHAN BARASOAINAng Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: 1.) Ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898; 2.) Ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggang Enero 21, 1899; 4.) At ang pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.

Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 260, iprinoklama ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang simbahan bilang isang pambansang liwasan noong Agosto 1, 1973.

Ito ngayon ang nasa likod ng sampung pisong papel, at ito din ay naging tanawin para sa mga turista.

CORREGIDORSa isang pook ng look ng Maynila ang Corregidor, ito ay sakop ng Cavite. Naging tanggulan ito ng mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa. Ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay magkasamang lumaban sa mga sundalong Hapones. Ipinamalas nila ang kanilang tapang at galing sa pakikipaglaban.

DAMBANA NG KAGITINGANSa Samat Bataan. Isang malaking krus na itinayo bilang parangal sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa mga Hapones noong ikalawang Digmaan Pandaigdigan.

EDSA SHRINEAng Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.