26
ANG PILIPINO AY TAYO Pagmasdan ang bahaghari Supling ng araw at ulan Kulay niya ay sari-sari Mga bahagi ng isang kabuoan Tulad nito ang Pilipino Iba't-iba ang kalinangan Lahi, tribo, pulo at probinsya Bahagi lamang ng isang bayan Ang Pilipino ay tayo Ang Pilipino ay tayo Pinagisa ng kasaysayan Ang Pilipino ay tayo Ang Pilipino ay tayo Narito ang ating lakas Sa pagkakaiba-iba Tahakin ang ating landas Sa pagkakaisa Ang Pilipino ay tayo Ang Pilipino ay tayo Ang Pilipino ay tayo Ang Pilipino ay tayo

Map Eh Evette

Embed Size (px)

DESCRIPTION

zdZSD

Citation preview

Page 1: Map Eh Evette

ANG PILIPINO AY TAYO

Pagmasdan ang bahaghariSupling ng araw at ulanKulay niya ay sari-sari

Mga bahagi ng isang kabuoanTulad nito ang Pilipino

Iba't-iba ang kalinanganLahi, tribo, pulo at probinsya

Bahagi lamang ng isang bayanAng Pilipino ay tayoAng Pilipino ay tayo

Pinagisa ng kasaysayanAng Pilipino ay tayoAng Pilipino ay tayo

Narito ang ating lakasSa pagkakaiba-iba

Tahakin ang ating landasSa pagkakaisa

Ang Pilipino ay tayoAng Pilipino ay tayoAng Pilipino ay tayoAng Pilipino ay tayo

Page 2: Map Eh Evette

MGA NINUNO

Mga ninuno sa kagubatanGabayan ang inyong angkan

Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan

Naghahanap ng kalayaanLigaya at kapayapaan

Ilang laksang tagaraw na ang nakaraan

Ang mga puno ay binuwalIlog at dagat ay sinakmal

Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Ang Inang Lupa ay hinukayGinto at pilak hinalukay

Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Mga Ninuno sa kagubatanGabayan ang inyong angkan

Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan

Naghahanap ng kalayaanLigaya at kapayapaan

Ilang laksang tagaraw na ang nakaraan

Ang kabilugan ng buwanLipahang tinungtungan

Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Mga sandata'y pinalaksanNagdalubhasa sa digmaan

Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Magkapatid ang nagkaawayawayPulang dugo ang nasa kamay

Ngunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Mga Ninuno sa kagubatanGabayan ang inyong angkan

Nanlilito at Nanliligaw sa kung saan saan

Ang kalipasa'y sinasamsamKalwaka'y kinakamtan

Ang kapwa tao'y itinakwilNgunit wala rooroorooroong ang kasagutanNgunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Mga angkahan pinaunlad Ang karunungan bumukadkadNgunit wala rooroorooroong ang kasagutan

Page 3: Map Eh Evette

KARANIWANG TAOKayod-kabayo, 'yan ang alam

Karaniwang hanap-buhayKaraniwan ang problema Pagkain, damit at tirahan

'Di ko kabisado 'yang siyensiyaAko'y nalilito sa maraming salitaAlam ko lang na itong planeta'yWalang kapalit at dapat ingatanKapag nasira, sino ang kawawa

CHORUSKaraniwang tao, saan ka tatakbo

Kapag nawasak iisang mundoKaraniwang tao, anong magagawa

Upang bantayan ang kalikasan

Karaniwang bagay ay 'di pansinKapag naipon ay nagiging suliraninKaunting basura ngayo'y bundok

Kotseng sira ay umuusokSabong panlaba'y pumapatay sa ilog

May lason na galing sa industriyaIbinubuga ng mga pabrikaNgunit 'di lamang higanteAng nagkakalat ng dumi

May kinalaman din ang tulad natin

[Repeat CHORUS twice]

Karaniwang tao [4x]

[Repeat CHORUS]

Karaniwang tao[Repeat till fade]

Page 4: Map Eh Evette

MAGKAUGNAY

Lupa, laot, langit ay magkaugnayHayop, halaman, tao ay magkaugnay

CHORUSAng lahat ng bagay ay magkaugnay

Magkaugnay ang lahat

Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbaySa gitna ng kalawakan

Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhaySa halaman, sa hayop at sa atin

[Repeat CHORUS]

Iisang pinagmulanIisang hantungan ng ating lahi

Kamag-anak at katribo ang lahat ng naritoSa lupa, sa laot at sa langit

[Repeat CHORUS][Repeat 1st stanza][Repeat CHORUS]

Page 5: Map Eh Evette

MAGKABILAANAng katotohanan ay may dalawang mukha

Ang tama sa’yo ay mali sa tingin ng ibaMay puti, may itim, liwanag at dilim

May pumapaibabaw at may sumasailalim

Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langitAng araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init

Kapag nawala ang isa ang isa’y di mababatidAng malakas at ang mahina’y magkapatid

Magkabilaan ang mundo

Ang hirap ng marami ay sagana ng ilanAng nagpapakain, walang laman ang tiyanAng nagpapanday ng gusali at lansangan

Maputik ang daan tungo sa dampag tahanan

May mga haring walang kapangyarihanMayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan

May mga sundalo na sarili ang kalabanAt may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan

Magkabilaan ang mundo

May kaliwa’t may kanan sa ating lipunanPatuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalabanPumanig ka, pumanig ka, huwag ng ipagpaliban pa

Ang ‘di makapagpasiya ay naiipit sa gitna

Bulok na ang haligi ng ating lipunanMatibay ang pananalig na ito’y palitan

Suriin mong mabuti and iyong paninindigan‘Pagkat magkabilaan ang mundo

Magkabilaan ang mundo

Page 6: Map Eh Evette

AGILA

Nais kung lumipad tulad ng agilaAt lumutanglutang sa hangin

Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatanNgunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad

'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawalaMga puno nito'y nangingibang bayan

At 'pag walang puno wala na ring mapupugaranKapag ang agila'y walang pugad

Wala na siyang dahilang lumipad

Oh haring ibon, hari kung tunayNais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay

Kung nais mong makakita ng agilaH'wag kang tumingala't tumitig sa langit'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan

Ang iba'y nabihag naAng natitira'y bihirang magpakita

Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpakHinubad na nila ang kanilang mga plumaheAt sila'y nagsipagtago sa natitirang gubatAng lahi ba nila'y tuluyan ng mawawala

Oh haring ibon, hari kung tunayNais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay (2X)

P

Page 7: Map Eh Evette

PANGANAY NG UMAGA

Ang panganay ng umaga’ySumilip sa bintana

Ako’y dumilat at nagulatSa lawak ng mundo

Mga buron at kabundukanNakahanay sa abot-tanaw

Bughaw na langit at kapataganMagkasintahang nagtatagpo

Lawa , ilog, dagatLamig, tamis, alatUlan, agos, alon

Haplos sa pisingi ng panahon

Sanlibong ulap nagliliparanKasabay ng agila at lawin

Bulong ng simoy awit ng hanginSigaw ng buhawi

Ako’y tao lamangTaga-bigay ng pangalanTaga-sukat, taga-bilang

Munting butil ng sanlibutan

Ang panganay ng umaga’ySumilip sa bintana

Ako’y dumilat at nagulatSa lawak ng mundo

BASTA MAY SAGING

Basta may saging, lovingSarap ng banana na saging

Page 8: Map Eh Evette

Hanap-hanap ay palaging sagingSampiling ng matamis na saging

Basta may saging, lovingBasta may saging

I wanna eat bananaGusto kong kainin siya

Lakatan, LatundanSenyorita o SabaPinirito o nilaga

May asukal o gataMay busog, may lusog

Sarap ng baon ko

Kainin ng deretsoO ihalo sa pochero

Gawing banana chipsTuron, banana-cue

Lagyan ng tsokolate, o ihalo sa maniMay busog, may lusog

Sarap ng baon ko

Pag-kain ng artistaMang-aawit, gitarista

Nars, DoctorTitser at karatista

Estudyante, negosyanteManggagawa at turistaMay busog, may lusog

Sarap ng baon ko

Puno ng bitaminaLakas at enerhiya

Pantakbo, panluksoPang-eskwela, pantrabaho

Sa bulsa ay magaanMabigat naman sa tiyanMay busog, may lusog

Sarap ng baon ko

AWIT NG MAGDARAGAT

Page 9: Map Eh Evette

Tinawid ng ninuno ko ang karagatanDumaong sa aplaya, nagtatag ng tahananUmibig at inibig at nabuhay ang angkan

Ng magdaragatDumaan ang panahon, at ngayon, heto ako

Tahanan ay aplaya tulad ng aking ninunoNa-pukot ng pag-ibig, may pamilya’t inapo

Ng magdaragat

Nakalulan -- sa paraw ng kasaysayanLumalayag -- sa agos ng panahon

Lumulutang -- sa kandungan ng alonIto ang buhay magdaragat

Buhay ay nababago ayon sa pangitainKay raming mga hamon at kay raming gagawin

Magpayabong ng buhay at siyang aanihinNg magdaragat

Magmasid, magbantayMagpayabong ng buhayMagmasid, magbantay

Magpayabong ng buhayIto ang buhay magdaragat

WAlA NANG TAO SA STA. FILOMENA

Page 10: Map Eh Evette

Anino niya’y tumatawid sa nanunuyong palayan

Tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikanAt kaluskos ng hangin sa dahon

‘Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan

Mga kubong pinatatag ng lupa at kawayanPaalam na, paalam na ang awit ng langay-

langayanNguni’t walang nakasaksi sa palayo niyang

lutang

Pagka’t wala nang tao sa Sta. FilomenaWalang aani sa alay ng lupa

Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbayTila bang naghihintay ng karit at ng kamay

Nahihinog ang bunga ng mangga’t bayabasPinipitas ng hangin at sa lupa’y hinahampas

Sinisipsip ng araw ang tamis at katasIniiwan ang binhing umaasa

At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikanUpang hugutin ang buhay mula sa

kamatayanMuling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang

Subali’t ang lahat na ‘to’y masasayang

Pagka’t wala nang tao sa Sta. FilomenaWalang aani sa alay ng lupa

Ang palay ay nakayuko, tila bang sumusukoNaghahandog ng buhay sa karit at kamao

Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayanNasaan ka at bakit ka nagtatago taumbayan

Panahon na, panahon nang balikan ang iniwan

Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan

Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan

PADAYONIsang basong tubig galing sa poso

Inutang na kanin at malamig na ginamos

Page 11: Map Eh Evette

Kaunting asin sa plastik na platitoBusog na bay, pwde ng magtrabaho

Sa aking balikat ay papasaninTatlong-daang kilo ng asukal

Limangdaang sako ng denorado‘Sanlibong kaha ng delata

Sampung tonelada ng arena

Kalawanging bubong, pader na may butasPosteng pilay at sahig na paduyan-duyan

Ang aking palasyo’y pagkatibay-tibayPero pwede na pre - tuloy ang hanapbuhay

Ngayon araw ay tatapusin koIsang subdibisyon, limampung hektaryaTatlong dosenang mansion na magara

Higanteng gusaling likha sa sementoKilo-kilometro ng kalsada

Oo, kay tamis ng buhayOo, kay daling umasenso

Hangarin ko’y makatikim nga kaunting hayahaySubalit kailangan ipagpatuloy ang hanapbuhay

Pagkat walang ibangMakagagawa nito

Paandarin ang makinaryaBigyan ng buhay ang industriya

Patakbuhin ang ekonomiyaPadayunon ang pagpangita

Padayon

TUBIGAng tubig ay buhay

Page 12: Map Eh Evette

Ang tubig ay buhayMahilig maglaroHindi mapalagay

Umaagos dumadaloyAt patalon-talon

Maririnig ang tawaSa ilog at balon

Ang tubig ay buhayAng tubig ay buhayAnyo’y pabagobago

Hindi mapalagayHamog sa umaga

Singaw pag nainitanUmaakyat sa langit

At nagiging ulanTubig, tubig, tubig, tubig

Inuming pag nauhawHigupin pag sabawPasok sa katawan

Nagiging bahagi ng lamanHulog ng langitKilig ng palayan

Yakap ng mundoYapos ng kalikasan

Tubig, tubig, tubig, tubig

TUNGO SA LIWANAG

Page 13: Map Eh Evette

Halina, halina tungo sa liwanagLiwanag, halina tungo sa liwanag

Liwanagan sang ang mga naglalakbayTungo sa liwanag

Sa paglalakbay ilaw ang gabaySa paglalakbay, liwanag

Galing sa Inyo, tungo sa InyoPagnanais ko’ patungoKahit nasa kadilimanMay liwanag sa daan

Laging nasa Inyong kandunganKahit na sa kadiliman

Galing sa Inyo, tungo sa Inyo

Nakikita ko ang Inyong AnyoDito sa Aking kalooban

Nakikita ko ang pagkilos NiyoDito sa kapaligiran

Kahit nasa kadilimanMay liwanag sa daan

Laging sa Inyong kandunganKahit nasa kadiliman

Galing sa Inyo, tungo sa Inyo

ISLASupling ng langit, supling ng dagat

Page 14: Map Eh Evette

Sa yakap ng lambatHalik ng araw, halik ng tuso

Walang pagmamahal kay Isla, Isla

Mga damdamin, mga hangarinSa hangin at bula

Mga pangakong may katuparanMadadaungan ba si Isla, Isla

Bukas, bukas kayaO Isla, Isla

Hanggang saan ang dalampasiganHanggang saan kaya

Kung lalangoy ng tuloy-tuloyanDulo’y mararating ba ni Isla, isla

Buhangin sa pisngi ni Isla, IslaSabutil ng ngiti

Sa dapithapon, sa takipsilimMayroong madarama

Wisik ng dagat na kasing alatNg luha ng mata ni Isla, Isla

Katahimikan sa kailaliman ay sisirinKaunting kapayapaan

At kaligayahan ang hahanapinIbang aplaya, ibang pasigan

Ang nais marating ni Isla, IslaMarating kaya ni Isla, Isla

(Mga hangarin niya, o Isla, Isla)

PUSONG BULALAKAW

Page 15: Map Eh Evette

Pusong bulalakaw gumuhit sa dilimSabay tayong kumapit walang kinikimkim

Liwanag mo’t liwanag ko’y biglang naging isaNang pusong bulalakaw ay nagpakita

Tahimik ang pagitan sa unang pagtatagpo‘Di mabigkas ang laman ng puso

Damdamin mo’t damdamin ko’y biglang naliwanaganNang pusong bulalakaw ay namagitan

Tao ay tulad niyang punla sa langitPunla sa kalawakan ng lupa

Sisibol, sisibol ba, binhing inihasikBituing itinanim ng bituin

Tayo ay katulad niyang punla ng langitPunla sa kalawakan ng lupa

Sumibol, sumibol kaBinhing inihasik

Bituing itinanim ng bituin

Pusong bulalakawSa ati’y nagbigkis

Tindi ng pagnanasa ay di matiisAng init mo’t and init ko’y

Humanap ng daan at pusong bulalakaw ay isinilang

WALANG HANGGANG PAALAM

Page 16: Map Eh Evette

Di ba tayo’y narito

Upang maging malaya

At upang palayain ang iba

Ako’y walang hinihiling

Ika’y tila ganoon din

Sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa

[chorus]

Ang pagibig natin ay

Walang hanggang paalam

At habang magkalayo

Papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay

Tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay

Siya ring katapusan

May patutunguhan ba

Ang ating pagsinta

Sa biglang tingin

Kita’y walang kinabukasan

Subalit di-malupig ang pag-asa

[chorus]

Ang pagibig natin ay

Walang hanggang paalam

At habang magkalayo

Papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay

Tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

[chorus]

Ang pagibig natin ay

Walang hanggang paalam

At habang magkalayo

Papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay

Tayo ay magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo

Sa magkabilang dulo ng mundo

PISO

Page 17: Map Eh Evette

Ang tunay na paraisoAy wala naman sa piso

Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito

May nagbabangayan sa isang bayanMga takam sa kapangyarihanGusto nilang maghariharian

Para lang sa pangsariling pakinabang

Saan na ba papunta ang kinabukasanNg mga taong nalasing sa karangyaan

Kung hindi na liliwanag ang isipanO kay pait ng kanilang huling hantungan

KORO:Ang tunay na paraiso

Ay wala naman sa pisoNgunit bakit naman may mga taong

nagkakagulo dahil dito

(Ulitin muli ang KORO)

Tahimik ang ilang naabutanAng iba nama'y nag-iingay pagka't may

kulangTinabunan ang katotohanan

Kaya't nagdusa ang walang kasalanan

Meron bang naghihintay na kapalaranSa nahumaling na sa kayamanan

Ang salaping iyong iniingatanMadadala mo ba sayo'ng libingan

Ang tunay na paraisoAy wala naman sa piso

Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito

(Ulitin muli ang KORO ng tatlong beses)

KODA:Wala, wala, walaWala, wala, wala

Ang paraiso'y wala sa piso

Wala, wala, walaWala, wala, wala

Ang paraiso'y wala sa piso

 

PAPEL

Page 18: Map Eh Evette

Ikaw ba'y may papelAsan ang 'yong papelAno ang 'yong papel

Papel, papel, papel, papel

Magmula pagsilang, tayo ay pumapapelAng timbang at alay ini-record sa papel

Birthday at magulang sa papel masusulyapIto ang katibayan na tayo nga ay taong mapapel

Pagpasok sa eskwela, ang bitbit nati'y papelNatutong magbasa at sumulat sa papel

Ilang taong tinahak ang papel na daananPatungong graduation na diplomang nakalukot na papel, papel

Paghanap ng trabaho, ang hanap ay papelAt ng matanggap abay kay bosing pumapel

Nang magtagumpay ay lumapad ang papel, papel

Tuwing kinsena at trenta may pasweldo na papelNagkaroon ng credit card, pautang na papel

At ng di nakabayad, ang papel ay nabasaKumayod, nagsumikap ng maayos at ng dumami ang papel

Nang may mapusuan, nag-I love you sa papelNang magkatuluyan, nagpirmahan sa papel

At nang magkapamilya ang papel nadagdaganMay lupa, bahay, tubig at kuryeteng babayaran ng papel

Pag wala kang papel, wala kang papelHindi ka makaporma, di ka makapapelMaihahatid ka nya sa heaven o sa hell

Pag wala kang papel, wala kang papelHindi ka makaporma, di ka makapapel

Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel

Kapag nagkasakit, ang reseta ni dok ay sa (oh)Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang (oh)

Kung masasawi, pangalan ng patay ay nasa (oh)Sige basahin mo kung sino ako sa libro na gawa sa (oh)

Page 19: Map Eh Evette

Tsike, pasaporte, lisensya (oh)Rehistro, titulo, sedula (oh)Resibo, selyo, balota (oh)

Pati tissue pamahid sa lungkot man o ligaya (oh)

Hindi maiwasang maalipin sa papelDiwa mo't damdamin ay linawin sa papel

Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapatIto ang susundin ng kaganapang uikot sa papel, 

Papel, papel, papel

Ang nais makamtan ay i-drawing sa papelAng nais marating ay i-mapa sa papel

Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang, papel

Papel mo sa sarili, papel mo sa aghamPapel mo sa bayan at sa sanlibutan

Kung ikaw ay maligaw, papel ay balikan, papel

Pag wala kang papel, wala kang papelHindi ka makaporma, di ka makapapel

Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel, papel ,hey

Kontrata sa gobyerno, negosyo (oh)Pasado o bagsak man na grado (oh)

Lahat ng balita sa dyaryo (oh)Lalo na ang mga pera mo sa bangko (oh)

IKAW NA MAY BARIL

Page 20: Map Eh Evette

Ikaw na may baril Mabigat ang yong pasanin

Pagpisil mo ng gatilyo Ilang buhay ang kikitilin

Ilang anak ang iiyak O di kaya’y di maisisilang

Pagpisil mo ng gatilyo Isip-isipin mo lang

Ang balang tingga Ay walang mata

Kung saan ka nakaturo Doon siya pupunta

Kaya ikaw na may baril Tiyakin mo ang iyong layunin

Pagpisil mo ng gatilyo Ano ang nais mong abutin

Ikaw ba’y tagapagligtas O di kaya’y isa lamang mandarahas

Pagpisil mo ng gatilyo Isip-isipin mo lang

Ang balang tingga Ay walang mata

Kung saan ka nakaturo Doon siya pupunta

Page 21: Map Eh Evette

JOEY AYALA Si Jose Iñigo Homer Lacambra Ayala o mas kilala sa tawag na Joey Ayala ay isang sikat na makata at Filipinong mang-aawit. Nakilala siya sa mundo ng musikang Filipino dahil sa kaniyang paggamit ng mga katutubong elemento mula sa titik ng awit hanggang sa instrumentong musikal tulad ng Maranao kulintang, ang T’boli lute hegalong at ang walong pirasong set ng gong. Gumagamit din siya ng makabagaong instrumento tulad ng electric guitar, bass guitar, at tambol. Siya ay napupuri sa kaniyang galing sa pagsama ng katutubo at makabagong musika gamit ang mga etnikong instrumento.

Isang tagasulat ng titik ng kanta at kolumnista, si Ayala ay nagtapos ng kursong Economics sa Ateneo de Davao University. Siya ay lumaki sa isang makasining na pamilya. Ang kaniyang ama na si Jose Ayala ay isang pintor at ang kaniyang ina na si Tita Lacambra naman ay isang makata.

Ang kaniyang mga kanta ay madalas na tumatalakay sa pagmamalasakit sa kapaligiran, pagmamahal, pansariling kapakanan, kalikasan, at lipunan. Ang estilo at kumposisyon ni Joey Ayala sa musika ay makikita sa kaniyang pagsama sa iba't-ibang anyo ng musika. Sumulat siya ng mga awiting para sa konsiyerto at rock operastulad ng Sa Bundok ng Apo (1977), May-I (produksyon ng PETA) noong 1979, Nukleyar I noong 1983 at Nukleyar II noong 1985. Noong 1990, itinanghal siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men ng Philippine Jaycees. Siya rin ang lumikha ng awitin na kinanta ni Martin Nievera na may pamagat na "Pag-Uwi" na nanalo bilang Grand Prize ng Metropop Song Festival.

Si Ayala ay napagkalooban ng Datu Bago award, isang parangal na nakuha niya sa mga awitin niyang "Walang Hanggang Paalam" mula sa kaniyang album na "Magkabilaan" at "Wala Nang Tao Sa Santa Filomena." Hindi nagtagal ang dalawang kantang ito ay naging theme song sa kahanga-hangang obra ni Lino Brocka, ang "Orapronobis" at kay Marilou Diaz Abaya na "Bagong Buwan.

Page 22: Map Eh Evette

Joey Ayala’s Compositions

Submitted by:(Grade 7-Phoenix)

Evette Moira A. Mag-alasinJulia Francheska Borromeo

Francheska VasquezChristchelle V. Resulto

Daniella PatajoYajaira Lilledeshan De LeonShannen Marie dela Passion

Claridel OralloGabriel Salamat

Page 23: Map Eh Evette