3
24 Tago ng Tago ( TNT ) LAKBAY 0152013/09 Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected] N arito ang simula ng lahat…… Ang buhay ay batbat ng kahirapan, kabiguan at sakit. May pagkakataon na nais na nating sumuko katulad ng gabi kung saan madilim ang lahat. Darating ang isang sakdal na umagang kayganda at sisikat ang ginintuang araw. Ako po si Mariz at ito ang aking kwento. Mahirap lamang ang buhay namin sa San Antonio, Nueva Ecija; lima ang aming anak. Driver ng Baliwag Transit ang aking asawang si Carding. Ang Baliwag Transit ay bus na nagbibiyahe mula Cabanatuan hanggang Maynila; berde ang kulay ng mga bus na ito. Akala ng mga tao, malaki ang kita ng asawa ko pero ang totoo ay hindi, dahil porsientuhan lamang sila doon. Minsan dalawang linggo na makasakay sa bus, tapos dalawang linggo rin na walang trabaho. Walang kita lalo na kapag nasira ang bus. Para matulungan ko ang aking asawa ay nagtitinda ako nang kung anu-ano. Ito ba iyong tinatawag na rolling store. Itinutulak ko ang aking kariton na may lamang ni- repack na adobong mani, piniritong dilis, mga biskuwit at mayroong ding tinapay na hinango sa tindahan ng Intsik. Medyo mabenta ako tuwing anihan, subalit matumal na lalo at tag- ulan. May pagkakataon na pati puhunan ay nagagastos ko na at ayaw na akong bigyan ng Intsik ng tinapay. Parang ang buhay namin ay “Isang kahig at isang tuka.” Nauutang din kasi madalas ang paninda ko. Mahirap lang din kasi ang mga suki ko kaya hindi ko naman makuhang magalit sa mga nakautang sa akin. Mahirap noon ang aking kalagayan. Noong naipanganak ko ang anak kong bunso, limang araw pa lamang ay nagbiyahe agad ako ng tinapay. Naaawa na nga ako noon sa aking sarili. Matatalino at mababait ang aming mga anak. Hindi ko matitiis na hindi sila papag- aralin kaya taong 1997 ay nag-apply ako sa Taiwan. Tatlong oras ang biyahe mula sa amin hanggang Maynila, pagkatapos kung maglako ng tinapay ay tutuloy na ako sa Maynila. Kung ano iyong damit kong pinantinda ng tinapay ay siya ring panluwas ko. Uso pa noon iyong salary deduction, kaya kahit wala kaming pera ay nakapag-apply ako. Awa ng Diyos ay nakarating ako sa Taiwan, dito na nagsimula ang aking paglalakbay. Dahil salary deduction ako ay 10 buwan na kinakaltasan ako ng 10 thousand Taiwan Dollars. Kinakaltas din ang health insurance gayundin ang tax kaya 3, 500 lamang ang naiiwan sa akin. Sa loob ng 10 buwan ay nagtiis ako sa halagang 3,500. Tipid na tipid ako noon para lang may maipadala. Tiniis ko ang kasabikan ko sa mga anak ko, umiiyak ako gabi-gabi dahil ang bunso na iniwan ko ay 1 year and six months lamang. Caregiver ang naging trabaho ko, nag-aalaga ako ng lalaki na 28 taong gulang. Paralisado siya dahil sa spinal injury. Ang timbang ko ay 65 kilos ngunit dahil sa hirap ng trabaho ay bumaba ito ng 54 kilos. Binubuhat ko kasi ang alaga ko lalo na at paliliguan o ilalagay sa wheel chair; 58 kilos ang kaniyang timbang. Kapag tulog siya sa araw ay sa Factory naman nila ako magtatrabaho. (Hanapin sa pahina 25) 事是這樣開始的…… 人的一生總是充滿苦難、失敗與病痛,尤 其漫漫長夜裡常會湧出放棄的念頭,不過早上 醒來後,睜開眼又是個陽光普照的好日子。我 的名字是瑪莉思,這是我的故事。 我在家鄉的生活過的很辛苦,我有五個小 孩,我的先生叫卡丁(Carding),是一位公車司 機,他開的路線是從卡巴那圖安(Cabanatuan)到 馬尼拉,大約三小時的路程,公車的顏色是綠 色。大家認為我先生的收入很多,實際上不 然,因為他們賺的錢是大家均分的,有時候要 連續上班兩星期,每天在開車,接下來兩星期 輪空,沒排班也沒工作,公車故障要維修時更 沒有收入。 為了幫助先生,我開始推著流動攤車賣東 西,我的攤車有賣小小包的花生米、小魚干、 小餅乾、以及我從一間華人商店拿的麵包。農 作物收割時我生意會比較好,但如果下雨了, 生意就會變差。有時候我連本錢都用光,那間 華人商店就不給我麵包。我們的生活就是這 樣,有錢就有得吃,沒錢就餓肚子。 我賣的東西也會被別人賒帳先拿去用,有錢 了再來付款,我的客人都很窮,生活上也有困 難,讓我覺得十分為難,既無法拒絕他們,也 無法生他們的氣。我生完我的老么後,才休息 五天就繼續外出賣麵包了,我覺得我自己好可 憐。 我的小孩都很聰明又聽話,我無法不讓他們 去學校讀書,所以在1997年我決定申請來臺灣工 作。某天賣完麵包,我搭了三個小時的車去馬 尼拉,連衣服都來不及換,就把早上賣麵包的 衣服穿到仲介公司去。那時候可以把仲介費直 接從薪水扣掉,所以雖然我沒有錢,我還是交 了去台灣的申請書。 我幸運的成功來到台灣,旅行就此正式展 開。來台的前十個月,我每個月的薪資會被扣 一萬元台幣,用來償還來台的仲介費,此外還 要被扣健保費和所得稅,所以我每個月只剩 3500元。我忍了十個月拼命省錢,才有錢寄回家 鄉,我也壓抑自己對孩子的思念,每天晚上都 偷偷哭泣,我離家時最小的孩子才一歲六個月 大。 我的工作是當看護,照顧一位28歲的男生, 他因為脊椎受傷而癱瘓。這工作蠻吃力的,我 的體重從65公斤掉到54公斤,我常常要把我的照 護對象抱起來,幫他洗澡、換衣服、或讓他坐 在輪椅上,他的體重是58公斤。當他白天休息 睡覺時,我還要去他們的工廠幫忙,使得我沒 時間休息。生活中唯一的安慰是當我領到薪水 後,我可以去買電話卡聯絡菲律賓的家人。 (文轉25版) Note: Habang isinusulat ko ito ay hindi ko napigilang pumatak ang aking mga luha. Gayunpaman ay ilang ulit kong pinasalamatan ang Diyos, dahil kahit anong hirap ng aking pinagdaanan ay mas may mahirap pa pala sa akin. Tinanong ko sa kaniya kung papayag siyang gamitin ko ang tunay niyang pangalan. Matapang siyang sumagot nang “pwede” dahil totoong lahat ang mga narito. Ito po ang kasaysayan ng ating kababayan na si Mariz Villaroza, isang ina, isang Bayani na taga San Antonio, Nueva Ecija. Nawa ay kapulutan natin ito ng gintong aral sa buhay at inspirasyon. Ang Aking Paglalakbay sa Taiwan Mariz Villaroza’s Story 我在台灣的歲月: 瑪莉思‧薇拉羅薩的故事 前言:當我在寫這篇時,我的眼淚忍不住一直掉,然而我還是不由得感謝上帝,因為我以為我走過的路很辛 苦,但卻有人比我過得更辛苦。我有問過瑪莉思本人,是否願意讓我用她的真名?她很勇敢的說:「可以!」因 為發生的事都是真的。這是瑪莉思的故事,一位菲律賓同胞、一個母親、一個來自新怡詩夏省(Nueva Ecija)聖安東 尼奧市(San Antonio)的英雄,希望這個故事能給大家生活上的省思和啟發。 By Rachel Astrero Isinalin sa Chinese ni: Angie Tan 撰文/瑞秋‧亞絲特羅(Rachel Astrero) 中文翻譯/陳慈治

Mariz Villaroza’s Story Ang Aking Paglalakbay sa Taiwaneserver.lib.ncku.edu.tw/human/pdf/r7.pdf · Sinubukan kong kausapin ang aking asawa kahit sa telepono. Pinakiusapan ko na

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mariz Villaroza’s Story Ang Aking Paglalakbay sa Taiwaneserver.lib.ncku.edu.tw/human/pdf/r7.pdf · Sinubukan kong kausapin ang aking asawa kahit sa telepono. Pinakiusapan ko na

逃24 Tago ng Tago(TNT) LAKBAY 015|2013/09Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected]

Narito ang simula ng lahat……Ang buhay ay batbat ng kahirapan,

kabiguan at sakit. May pagkakataon na nais na nating sumuko katulad ng gabi kung saan madilim ang lahat. Darating ang isang sakdal na umagang kayganda at sisikat ang ginintuang araw. Ako po si Mariz at ito ang aking kwento.

Mahirap lamang ang buhay namin sa San Antonio, Nueva Ecija; lima ang aming anak. Driver ng Baliwag Transit ang aking asawang si Carding. Ang Baliwag Transit ay bus na nagbibiyahe mula Cabanatuan hanggang Maynila; berde ang kulay ng mga bus na ito. Akala ng mga tao, malaki ang kita ng asawa ko pero ang totoo ay hindi, dahil porsientuhan lamang sila doon. Minsan dalawang linggo na makasakay sa bus, tapos dalawang linggo rin na walang trabaho. Walang kita lalo na kapag nasira ang bus.

Para matulungan ko ang aking asawa ay nagtitinda ako nang kung anu-ano. Ito ba iyong tinatawag na rolling store. Itinutulak ko ang aking kariton na may lamang ni-

repack na adobong mani, piniritong dilis, mga biskuwit at mayroong ding tinapay na hinango sa tindahan ng Intsik. Medyo mabenta ako tuwing anihan, subalit matumal na lalo at tag-ulan. May pagkakataon na pati puhunan ay nagagastos ko na at ayaw na akong bigyan ng Intsik ng tinapay. Parang ang buhay namin ay “Isang kahig at isang tuka.”

Nauutang din kasi madalas ang paninda ko. Mahirap lang din kasi ang mga suki ko kaya hindi ko naman makuhang magalit sa mga nakautang sa akin. Mahirap noon ang aking kalagayan. Noong naipanganak ko ang anak kong bunso, limang araw pa lamang ay nagbiyahe agad ako ng tinapay. Naaawa na nga ako noon sa aking sarili.

Matatalino at mababait ang aming mga anak. Hindi ko matitiis na hindi sila papag-aralin kaya taong 1997 ay nag-apply ako sa Taiwan. Tatlong oras ang biyahe mula sa amin hanggang Maynila, pagkatapos kung maglako ng tinapay ay tutuloy na ako sa Maynila. Kung ano iyong damit kong pinantinda ng tinapay ay siya ring panluwas ko. Uso pa noon iyong

salary deduction, kaya kahit wala kaming pera ay nakapag-apply ako.

Awa ng Diyos ay nakarating ako sa Taiwan, dito na nagsimula ang aking paglalakbay. Dahil salary deduction ako ay 10 buwan na kinakaltasan ako ng 10 thousand Taiwan Dollars. Kinakaltas din ang health insurance gayundin ang tax kaya 3, 500 lamang ang naiiwan sa akin. Sa loob ng 10 buwan ay nagtiis ako sa halagang 3,500. Tipid na tipid ako noon para lang may maipadala. Tiniis ko ang kasabikan ko sa mga anak ko, umiiyak ako gabi-gabi dahil ang bunso na iniwan ko ay 1 year and six months lamang.

Caregiver ang naging trabaho ko, nag-aalaga ako ng lalaki na 28 taong gulang. Paralisado siya dahil sa spinal injury. Ang timbang ko ay 65 kilos ngunit dahil sa hirap ng trabaho ay bumaba ito ng 54 kilos. Binubuhat ko kasi ang alaga ko lalo na at paliliguan o ilalagay sa wheel chair; 58 kilos ang kaniyang timbang. Kapag tulog siya sa araw ay sa Factory naman nila ako magtatrabaho.

(Hanapin sa pahina 25)

故事是這樣開始的……

人的一生總是充滿苦難、失敗與病痛,尤

其漫漫長夜裡常會湧出放棄的念頭,不過早上

醒來後,睜開眼又是個陽光普照的好日子。我

的名字是瑪莉思,這是我的故事。

我在家鄉的生活過的很辛苦,我有五個小

孩,我的先生叫卡丁(Carding),是一位公車司

機,他開的路線是從卡巴那圖安(Cabanatuan)到

馬尼拉,大約三小時的路程,公車的顏色是綠

色。大家認為我先生的收入很多,實際上不

然,因為他們賺的錢是大家均分的,有時候要

連續上班兩星期,每天在開車,接下來兩星期

輪空,沒排班也沒工作,公車故障要維修時更

沒有收入。

為了幫助先生,我開始推著流動攤車賣東

西,我的攤車有賣小小包的花生米、小魚干、

小餅乾、以及我從一間華人商店拿的麵包。農

作物收割時我生意會比較好,但如果下雨了,

生意就會變差。有時候我連本錢都用光,那間

華人商店就不給我麵包。我們的生活就是這

樣,有錢就有得吃,沒錢就餓肚子。

我賣的東西也會被別人賒帳先拿去用,有錢

了再來付款,我的客人都很窮,生活上也有困

難,讓我覺得十分為難,既無法拒絕他們,也

無法生他們的氣。我生完我的老么後,才休息

五天就繼續外出賣麵包了,我覺得我自己好可

憐。

我的小孩都很聰明又聽話,我無法不讓他們

去學校讀書,所以在1997年我決定申請來臺灣工

作。某天賣完麵包,我搭了三個小時的車去馬

尼拉,連衣服都來不及換,就把早上賣麵包的

衣服穿到仲介公司去。那時候可以把仲介費直

接從薪水扣掉,所以雖然我沒有錢,我還是交

了去台灣的申請書。

我幸運的成功來到台灣,旅行就此正式展

開。來台的前十個月,我每個月的薪資會被扣

一萬元台幣,用來償還來台的仲介費,此外還

要被扣健保費和所得稅,所以我每個月只剩

3500元。我忍了十個月拼命省錢,才有錢寄回家

鄉,我也壓抑自己對孩子的思念,每天晚上都

偷偷哭泣,我離家時最小的孩子才一歲六個月

大。

我的工作是當看護,照顧一位28歲的男生,

他因為脊椎受傷而癱瘓。這工作蠻吃力的,我

的體重從65公斤掉到54公斤,我常常要把我的照

護對象抱起來,幫他洗澡、換衣服、或讓他坐

在輪椅上,他的體重是58公斤。當他白天休息

睡覺時,我還要去他們的工廠幫忙,使得我沒

時間休息。生活中唯一的安慰是當我領到薪水

後,我可以去買電話卡聯絡菲律賓的家人。(文轉25版)

Note: Habang isinusulat ko ito ay hindi ko napigilang pumatak ang aking mga luha. Gayunpaman ay ilang ulit kong pinasalamatan ang Diyos,

dahil kahit anong hirap ng aking pinagdaanan ay mas may mahirap pa pala sa akin. Tinanong ko sa kaniya kung papayag siyang gamitin ko ang

tunay niyang pangalan. Matapang siyang sumagot nang “pwede” dahil totoong lahat ang mga narito. Ito po ang kasaysayan ng ating kababayan na si

Mariz Villaroza, isang ina, isang Bayani na taga San Antonio, Nueva Ecija. Nawa ay kapulutan natin ito ng gintong aral sa buhay at inspirasyon.

Ang Aking Paglalakbay sa Taiwan

Mariz Villaroza’s Story我在台灣的歲月:瑪莉思‧薇拉羅薩的故事

前言:當我在寫這篇時,我的眼淚忍不住一直掉,然而我還是不由得感謝上帝,因為我以為我走過的路很辛

苦,但卻有人比我過得更辛苦。我有問過瑪莉思本人,是否願意讓我用她的真名?她很勇敢的說:「可以!」因

為發生的事都是真的。這是瑪莉思的故事,一位菲律賓同胞、一個母親、一個來自新怡詩夏省(Nueva Ecija)聖安東

尼奧市(San Antonio)的英雄,希望這個故事能給大家生活上的省思和啟發。

By Rachel AstreroIsinalin sa Chinese ni: Angie Tan

撰文/瑞秋‧亞絲特羅(Rachel Astrero)

中文翻譯/陳慈治

Page 2: Mariz Villaroza’s Story Ang Aking Paglalakbay sa Taiwaneserver.lib.ncku.edu.tw/human/pdf/r7.pdf · Sinubukan kong kausapin ang aking asawa kahit sa telepono. Pinakiusapan ko na

LAKBAY 015|2013/09逃25Tago ng Tago(TNT)

Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected]

(Mariz Villaroza’s Story)Wala talaga akong kapahi-pahinga. Ang

konsolasyon ko lamang, kapag sweldo ko ay bumibili ako ng card na pantawag sa Pinas at isang English Daily Newspaper; binabasa ko iyon nang paulit-ulit sa loob ng isang buwan.

Makalipas ang tatlong taon ay umuwi ako sa Pinas. Walang pagbabago sa buhay namin, ang kumot namin na pinagtagpi-tagping supot ng arina ay naroon pa rin. Nagbago ito ng kaunti dahil nagkabutas-butas na ito sa kalumaan. Natulo ang aking luha. Nag-apply akong muli papuntang Taiwan, nagbayad ako agad sa agency ng 10,000 pesos para sa halip na kaltasan ako ng sampung buwan ay walong buwan na lamang . Nakaalis ako makalipas ang tatlong linggo at bago ang aking amo.

Iba ang patakaran ng Amo ko, wala akong Day-off; hustong isang linggo ay dapat akong magtrabaho. Sa panahong ito ay mas higit na kahirapan ang naranasan ko, hindi lamang ng katawan kundi pati loob. First year College na kasi noon ang anak kong panganay. Kulang minsan ang aking padala kaya nagkautang-utang sila; pati 5’6 ay inutangan. Sa pagkakataon din na ito, nahuli na nambababae pala ang aking asawa.

Iniwan na pala niya ang aming mga anak, kinuha niya ang lahat ng kaniyang gamit at nakisama sa isang babae na may apat na anak sa iba’t-ibang lalaki. Awang-awa ako noon sa aking mga anak at naghuhumiyaw ang hinanakit sa aking dibdib. Ako na nagpapakahirap ay matagal na palang niloloko. Ang mga Anak ko na nangangailangan ng kalinga ay iniwan na pala

ng kanilang ama.Sinubukan kong kausapin ang aking

asawa kahit sa telepono. Pinakiusapan ko na bumalik sa aming bahay. Subalit sinabi niyang mahal na raw niya ang kaniyang babae.Gusto kong wakasan ang buhay ko nang mga sandaling iyon, subalit ang mga anak ko ang nagsilbing kalakasan ko.

Nang matapos na ang tatlong taong kontrata ay nag-TNT na ako.Mahirap ang TNT, kahit anong trabaho ay papasukin mo at talagang hindi ka maaring mag-reklamo.

Una kong illegal na trabaho ay sa isang English School. Taga-hugas ako ng mga plato, at taga- paghanda ng pagkain ng tatlumpung estudyante. Nasa 7 to 13 years old ang edad nila. Trabaho ko na rin ang paglilinis at pag-aayos, in short janitress na rin. Ang pasok ko ay magsisimula ng alas singko ng umaga at matatapos ng 11 ng gabi. Hihintayin ko pa kasing matapos ang klase bago ako makapag-linis.

Wala akong day-off, kapag Sabado at Linggo ay pupunta naman ako sa bahay ng aking Amo na may-ari ng English School.Separada ang Amo ko, subalit may kabit siyang mayaman. Tuwing Week-end ay pumupunta ang kalaguyo niya sa bahay ng Amo ko at nagpapamasahe sa akin. May pagkamanyak ang lalaki.

“Hey Mariz, aren’t you craving for sex, I understand that you were not fucked for quite some time.” Sa balubaluktot na English ay sabi nito sa akin. Hindi ako kumibo, ipinagpatuloy ko lamang ang pagmamasahe sa kaniya.

“Mariz, how much do you want? I can give you money, just give yourself to me.”

nakangising sabi nito sa akin, pamaya-maya ay kinuha ang pantalon at dumukot ng mga perang papel.

“Sorry Sir, I won’t compromise my dignity for money” mariing sabi ko sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita.

Subalit isang gabi ay pinasok ako ng manyak sa aking silid. Ang lakas ng loob niya, katabi ko lang halos ang kwarto ni Madam. Balak niya sana akong gahasain, pero nagtabi ako ng kutsilyo at itinutok ko iyon sa kaniya. Sinabi kong papatayin ko siya kapag ako ay kaniyang pinagsamantalahan. Lumabas siya ng silid.

Pugtong-pugto ang aking mga mata kinabukasan. Sinabi ko kay Madam ang ginawa ng boyfriend niya sa akin. Tinawagan niya ito para tanungin kung totoo ang sinasabi ko. Subalit gaya ng Demonyo, natural na hindi inamin. Pagkababa ng phone ni Madam ay sinabihan niya ako na tumakas dahil ipahuhuli daw ako sa pulis ng kalaguyo niya. Natakot ako, makapangyarihan at mayaman ito. Dali-dali akong tumakas, Disyembre noon at winter sa Taiwan; 6 degrees ang temperatura.

Napadpad ako sa tabi ng ilog, doon na rin ako natulog. Akala ko ay mamamatay na ako dahil hindi ganoon kakapal ang aking damit. Wala rin akong kapera-pera, nagmamadali ako kaya walang nadala na kahit ano. Hindi rin naibigay ang aking sweldo. Pamaya-maya ay may nakita akong babae, nakiusap akong bigyan ng 2 cents. Naawa siguro ang babae, ginamit ko ang 2 cents para matawagan ko ang dati kong Amo. Sinabihan ako ng dati kong Amo na sumakay sa Taxi at umuwi sa kanilang bahay.

(文接24版)我還會買一份英文報,然後在這個月內一直

反複看它的內容。

三年後我回去菲律賓,然而我家的生活卻

沒有改善,床上的棉被依舊是那個用麵粉袋縫

縫補補做成的,不一樣的是它多了一些破洞,

我看了忍不住掉眼淚,於是我再次申請來台灣

工作,這次我先繳了一萬披索給仲介公司,免

得他們又從我的薪資扣十個月的錢,這樣我只

要分八次付清貸款就好。三星期後我又來到台

灣,這次幫一個新雇主工作。

新雇主有不一樣的規定,我在這裡一星期

做七天沒休假,這個時期我過的更辛苦,不只

是生理上的,連心理也很煎熬;我最大的孩子

那時已在讀大學一年級,有時我寄回去的錢不

夠他們用,他們就得向別人借錢,連高利貸也

借。而且不幸的是,我的先生搞外遇。

我先生把我們的小孩丟下,收拾他的東西就

跟一個女人跑了,聽說那女人居然有四個不同

父親的小孩。我的心很痛,充滿憤怒與憎恨,

原來我辛苦賺的錢都被先生騙走了,我想到我

可憐的孩子,他們正需要父親的保護,這時卻

被狠狠拋下。

我打電話給我先生,苦苦哀求他回去我們的

家,但他說他已愛上那個女人,那時我真的很

想結束我的生命,是孩子給我的力量讓我撐住

了。

三年契約到期後,我選擇逃跑變成一個逃逸

外勞。逃跑很辛苦,什麼工作都要做,沒有抱

怨的權利。

我第一個非法工作是在一家英文補習班,要

煮飯給三十個小朋友吃,還要洗碗、打掃和整

理環境。小朋友的年齡在7到13歲之間,我清晨

五點上班,一直到晚上十一點才下班,因為我

要等小孩都下課才能開始打掃。

我沒有休假,連週六日都要去補習班的老闆

娘家做事,老闆娘已離婚,但有一個多金的男

友。這男人在週末會去我老闆娘的家,他會叫

我幫他按摩,後來我發現這男人是個變態。

「嘿,瑪莉思,妳是不是對性很飢渴呢?我

知道妳很久沒做那檔事了。」他用不太正確的

英文對我講著,我沒有吭聲,繼續幫他按摩。

「瑪莉思,妳要多少錢?我可以給妳錢,只

要妳把身體給我。」他用一個奸淫的表情對我

講著,同時從口袋裡掏出幾張鈔票。

「先生,對不起,我不用錢交換我的尊

嚴。」我很強硬的回答,他就沒出聲了。

有一晚他潛入我房間企圖要強暴我,他膽

子真的很大,因為老闆娘的房間就在我房間隔

壁而已。幸好我藏了一把刀子在身邊,我舉起

刀子對他說:如果你敢對我怎樣,我會拿刀殺

你,他才走出我的房間。

第二天早上,哭了一整晚後我的雙眼都腫起

來,我跟老闆娘控訴她男友對我做的事,她就

馬上打電話逼問她男友,當然那男人否認了。

老闆娘掛電話後叫我趕快離開,因為他男友說

要叫警察來抓我,那男人有權又有錢,我害怕

被抓,就這樣匆匆離開老闆娘的家。那時剛好

是十二月,台灣冬天很冷,室外溫度只有攝氏6

度。

我漫無目標的走到河邊,躺在那迷迷糊糊的

睡著了,我以為我會死在那裡,因為我穿的衣

服不多,身上也沒錢,那時我急著離開老闆娘

家,沒帶什麼東西出來,連薪水都沒拿到。後

來我看到一個女生,哀求她給我兩塊錢,這兩

塊錢我用來打電話給我的原雇主,我的原雇主

叫我搭計程車到他們家。

我的原雇主幫我找到一個新雇主,是一位富

有的老太太,她的三個孩子都在附近做生意,

然而相較於物質的富裕,他們的人格很差勁,

我每天要煮飯作菜給25個人吃,連媳婦和孫子

的衣服都要我去洗跟燙,我簡直是奴隸。

每天下午一點家裡的事做完了,我還要到田

裡工作。我種了許多四季豆和高麗菜,有時還

要到山上去拿木材來做籬笆,讓那些會爬藤的

植物攀爬。我還曾經從山坡上滾下來,如果遇

到下雨我會特別辛苦。

有次我在高麗菜上灑農藥時,不小心把農

藥吸入鼻子,結果我中毒了,在田裡頭暈和嘔

吐,之後昏倒不省人事。我醒來後發現我躺在

醫院打點滴,褲子沾滿了糞便,雇主家人說因

為我沒回去煮晚餐,他們出來找我,發現我倒

在田裡才趕快打119求救。

感謝上帝讓我渡過這一關,我康復後繼續為

他們工作。然而後來我親眼目睹老太太的一位

孫女自殺,我決定換新地方工作,讓我淡忘我

所看到的不幸。

(Hanapin sa pahina 26)

(文轉26版)

Page 3: Mariz Villaroza’s Story Ang Aking Paglalakbay sa Taiwaneserver.lib.ncku.edu.tw/human/pdf/r7.pdf · Sinubukan kong kausapin ang aking asawa kahit sa telepono. Pinakiusapan ko na

逃26 Tago ng Tago(TNT) LAKBAY 015|2013/09Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected]

(Mariz Villaroza’s Story)Nahanapan nila ako ng bagong amo, isang

matandang babae na napakayaman. Tatlo ang anak nito na may magkakatabing negosyo. Kung ano ang iniyaman ay siya ring ikinasama ng pag-uugali. Araw-araw, nagluluto ako para sa 25 katao. Labandera din ako at plantsadora ng kaniyang mga manugang at Apo. Para talaga akong alipin.

Kapag ala-una ng hapon at tapos na ang aking trabaho sa bahay ay sa bukid naman nila ako magtatrabaho. Marami akong tanim na sitaw at repolyo, ang ipinantutulos ko ay kinukuha ko pa sa bundok. Naranasan kong gumulong sa pilapil,hirap na hirap din ako lalo na kung tag-ulan.

Minsang nag-bomba ako ng mga repolyo ay ubod ng tapang ang gamot at nalanghap ko ito. Nagresulta ito ng aking pagkalason. Nahilo ako at nagsuka sa bukid, pamaya-maya ay nawalan ako ng malay. Nang magising ako ay nasa ospital ako at punong-puno ng tae ang aking salawal. Nakita kong naka-dextrose ako. Sinabi nila sa akin na hinanap nila ako dahil hindi pa ako umuuwi para magluto ng hapunan. Nakita raw nila na nakahiga ako sa lupa kaya tumawag sila sa 119, iyon ang emergency number dito.

Salamat sa Diyos at nalampasan ko ang muntik ko nang kamatayan. Patuloy akong nagsilbi sa kanila.Umalis na lamang ako sa kanila nang magpakamatay ang kaniyang apong babae. Ako ang nakakita, kaya para malimutan ko ang tanawin na iyon ay lumipat ako ng pinagtatrabahuhan.

Sumunod akong nagtrabaho sa isang Bakery. Ako lamang ang trabahador doon. Ang tinutulugan ko ay ang ibabaw ng pinagpatong-patong na sako ng harina. Ubod ng init doon dahil malapit sa pugon. Sa kabila ng mga hirap na aking tinitiis ay hindi ko piniling sumuko, mas mahalaga sa akin ang kinabukasan ng mga anak ko.

Lumipat na naman ako ng trabaho, napunta na ako sa isang mayamang pamilya na may-

ari ng Nursing Home. Ang inaalagaan ko ay ang Doktor na may-ari mismo, paralisado kasi siya at patay ang kalahati ng katawan. Ako ang bumubuhat sa kaniya papunta sa wheel chair. Kapag nabagsak ang kaniyang mga paa ay inaayos ko subalit ang malupit na doctor ay sinusuntok pa ako ng kamay niyang nakagagalaw. Wala akong day-off at probisyon sa pagkain. Hindi rin ako pwedeng lumabas, nakalalabas lamang ako kapag magtatapon ng basura.

Ang aking pagkain ay kinukuha ko sa nursing home, iyong pagkain ng matatanda na walang kalasa-lasa. Tila nga Juice na lamang iyon dahil ito ay kanilang ini-blender. Noong minsan, dahil gutom na gutom na ako ay nag-init ako ng gatas; nahuli ako ng Madam ko. Ipinahiya niya ako sa mga Nurse na naroon.

Makalipas ang mga karanasang ito ay pinalad akong makapasok sa isang pamilya na naging mabuti sa akin. Ako ang nag-alaga sa asawa ng amo ko na paralitiko, namatay ito matapos ang dalawang taon. Inalagaan ko rin ang kaniyang Ina na putol ang dalawang paa dahil sa sakit na diabetis, namatay na rin siya anim na taon na ang nakararaan.

Sa ngayon ay inaalagaan ko naman ang anak ng amo ko na 30 years old. Psychotic siya at minsan ay bayolente. Minsang nagbakasyon sa Amerika ang Amo ko ay hinabol niya ako ng tubo at nagsira sa tahanan. Tumakbo ako na bitbit ang dalawang aso.

Sa loob ng 14 years ay hindi pa ako umuuwi.Gusto ko na sanang umuwi subalit pinakiusapan ako ng Amo ko na huwag munang umalis. Pang-walong taon ko na ngayon sa kanila. Pwede na kasi akong umuwi, Iyong bunso ko kasi na iniwan ko ng 1 year and six months pa lamang ay nasa kolehiyo na rin ngayon.

Mahirap ang aking pinagdaanan, subalit naging napakabuti ng Diyos. Tatlo na ngayon ang anak kong puro nurse. Dalawa sa kanila ay nasa Abu-dhabi, ang isa ay nagtatrabaho

pa rin sa Maynbila subalit pino-process na rin niya ang application niya papuntang Abu-dhabi. Ang pang-apat ay nursing din na nasa Lyceum, Manila. Ang anak ko nang panganay ang nag-papaaral sa kaniyang mga kapatid.

Ang aking asawa, malala ang naging karma. Lasenggera at nananakit ang kaniyang kalaguyo. Kapag dumadalaw raw ito sa aming mga anak ay may black eye at kalmot sa iba’t-ibang parte ng katawan. Minsan daw na dumalaw siya at natulog doon ay sinundan ng babae at minura pati na rin ang mga anak namin. Wala raw magawa ang mga pulis at Barangay Tanod sa dila ng kalaguyo niya.

Lagi raw umiiyak at nagsisisi ang aking asawa, sabi ng mga anak ko. Minsan daw kasi ay sinasaktan din ng kaniyang kalaguyo ang kanilang anak na 8 years old. Minsan ay kinausap ako ng aking asawa na kung maari daw na kapag umuwi na ako ay magsama kaming muli para mabuo ang pamilya namin. Pinag-iisipan ko pa rin iyon.

Nakikita ko na ngayon ang bunga ng aking mga sakripisyo at paghihirap. Mamatay man ako ay nasisigurado kong magiging maganda na ang buhay ng mga anak ko. Iyon lamang naman ang aking pangarap.

Iyan ang aking paglalakbay dito sa Taiwan, mahirap, tadtad ng pasakit subalit sa huli ay nakaya ko ang lahat sa tulong ng Maykapal. Ngayon ay natatawa na lamang ako kapag naaalala ang aking mga pinagdaanan.

Sa inyo po na kasalukuyan pa ring naghihirap, huwag po kayong mag-alala. Nakikita ng Diyos ang inyong pagpapakasakit, lagi lamang tayong manalig sa kaniya. Huwag po kayong susuko. Makikita ninyo, kahit madilim ang gabi ay darating din ang bagong umaga. Saan mang bansa kayo naglalakbay ngayon. Lagi nating isipin na mahirap man ang ating tinatahak na landas, sa huli ay darating tayo sa dulo noon at makikita natin ang bagong pag-asa. Sa mga OFW, lalo na po sa Taiwan. Mabuhay po kayo!

(文接25版)我下一個工作是在麵包店,我是店裡唯一的員

工,晚上睡在麵粉袋上,而且睡覺的地方靠近火

爐,熱到難以入眠。雖然過得很辛苦,但我沒有

選擇放棄,孩子的未來對我來說比什麼更重要。

後來我又換了工作,來到一個富有的家庭,

他們有開一間老人安養院,我負責照顧一位老醫

生,他同時也是安養院的老闆,他的下半身癱

瘓,我會把他抱起來讓他坐上輪椅,也會把他的

雙腳扶起來放好,但他不時會用還能動的手來打

我。我在這裡工作也沒休假,甚至沒供我吃飯,

他們不允許我出門,我只能在倒垃圾時踏出門

口。

我只能從安養院的老人餐拿東西吃,但老人餐

味道很淡,食物還要用果汁機打成糊狀的,我非

常不習慣。有一次我餓到受不了,偷偷加熱牛奶

喝,但被老闆娘發現了,她就在其他看護面前把

我羞辱一頓。

經過這些不愉快經驗,我後來幸運的遇到一

個很好的家庭,在這裡我負責照顧一位癱瘓的病

患,他是雇主的配偶,照顧了兩年後他不幸過

世。後來我繼續照顧雇主的母親,她患有糖尿

病,雙腳被截肢,然而在六年前也過世了。

現在我在照顧雇主三十歲的兒子,兒子有精神

病,有時候會變得很暴力。有次雇主去美國,兒

子就拿著鐵管追著我打,又破壞家裡的物品,我

趕緊抱著兩隻狗逃出家門。

我已經14年沒回家了,我非常想回去,但雇主

求我先不要走。今年是我第八年為她們工作,我

目前可以回去了,離家時留下的老么才一歲六個

月大,現在他已經在讀大學了。

我的台灣歲月過很艱辛,但上帝對我很好,我

最大的三個孩子都當上護理師,兩個在中東的阿

布達比(Abu Dhabi)工作,一個在馬尼拉上班,但

也準備申請去阿布達比,第四個孩子還在讀護理

科,老大現在負擔老么的學費。

我先生也得到他應有的報應,他的外遇對象、

也就是那女人會酗酒和打人,每次他去探望他跟

那女人生的小孩,就會帶著眼睛瘀青跟抓傷回

來。有次他去看小孩時在那裡睡著,那女人就抓

狂,連我的小孩也被罵,警察和區駐警也拿她沒

辦法。

我的孩子跟我說她們的父親很後悔,他說那女

人也會打他們生的八歲小孩。有次我老公跟我通

電話,說如果我回去,我們的家庭可以像以前一

樣圓滿,然而我還在考慮中。

我現在已經看到這些年來艱苦犧牲換來的收

穫,就算我走了,我的孩子們都能過的很好,這

也是我當初的願望。

這就是我在台灣的歲月,又艱難又痛苦,但因

為有上帝的幫忙,我終於熬過一切。如今回想過

去幾年走過的日子,我只能苦笑以對。

給所有還在困境中奮鬥的朋友,你們不要擔

心,上帝都有看到你們的犧牲和奉獻,我們只要

常跟祂禱告,然後不要放棄,只要熬過黑暗的夜

晚,一個嶄新的黎明就會到來。不管你們現在在

哪個國家工作,千萬記得無論之前走過的路有多

辛苦,一定要撐到最後才會看到美好的未來。

最後,向所有在台灣工作的菲律賓勞工致敬!