20
1 MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO

MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

  • Upload
    lydat

  • View
    291

  • Download
    8

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

1

MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO

Page 2: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

2

INDHOLDSFORTEGNELSE

Mensahe ng CEO 3

Paggawa ng Kung Ano ang Tama 4

Ang Ating Pananaw, mga Pinahahalagahan

at Pag-uugali 6

Kaligtasan, Kalusugan at Pangangalaga

sa Kapaligiran 7

Pagsasagawa ng Pandaigdigang Negosyo 8

Mga Kaugnayang Pangnegosyo 12

Paghingi ng Tulong 18

Page 3: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

3

MENSAHE NG CHIEF EXECUTIVE OFFICER

Mayroon tayong karapat-dapat na reputasyon na itinatag sa tiwala, integridad at ng “paggawa ng tamang bagay”; ang ating tagumpay ay nagdedepende sa ating reputasyon. Upang pangalagaan ang reputasyon na iyon at tulungan tayo na matiyak na nagsasagawa tayo ng negosyo nang walang kinikilingan at matapat, tayo ay nagpatibay ng mga pandaigdigang pamantayan.

Ang ating Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay ang sentrong bahagi ng ating pangako na tiyaking bawat empleyado ng Cobham ay nagsasagawa ng negosyo sa pinakamataas na pamantayan ng etikong pangnegosyo.

Ang Alituntunin ay nagtatakda kung paano natin makakamit ang ating Pananaw sa pamamagitan ng pagtanggap sa ating mga SPIRIT na pinahahalagahan na nagpapakita ng saloobin ng pangunguna na nagsimula sa kuwento ng Cobham at pagmamalaki sa lahat ng nagawa natin nang magkasama.

Ang ating mga SPIRIT na pinahahalagahan ay pinalalakas ng mga pag-uugali na ating inaasahan mula sa lahat ng ating mga empleyado: pagtutulungan ng magkakasama, pagiging masigasig, napapabilang, pagtuon sa mga parokyano, pag-unlad, pamumuno, pananagutan at pagkilos ng wasto sa lahat ng oras.

Hindi kayang sakupin ng Alituntunin ang bawat pangyayari o pagsubok na maaari mong harapin subalit ito’y isang mapagkukunan para gamitin mo kung kailangan mo ng gabay upang tulungan ka na gumawa ng desisyon na may tamang impormasyon. Kung ikaw ay kailan man ay hindi sigurado kung ano ang dapat gawin o nangangailangan ng karagagdagang gabay, tanungin ang iyong superbisor, tagapamahala o ang kinatawan ng Human Resources. Kung hindi ka komportable na gawin iyon, gamitin ang Helpline upang magtanong o mag-ulat ng isang isyu.

Ang pandaigdigang katayuan ng negosyo kung saan tayo tumatakbo ay lalong nagiging mahirap at nagbibigay sa atin ng mga wala pang nakagagawang pagsubok. Bagaman may ilang mga bagay na nananatiling malinaw at palagian, ang Cobham ay nagpapanatili ng patakaran ng walangpagpapaubaya tungo sa anumang uri ng panunuhol o katiwalian. Ang ating kultura ng pagkilos ng wasto at may integridad sa lahat ng oras, ay tumutulong sa ating negosyo at reputasyon na umunlad, nangangalaga sa ating mga kasosyo, may taya at mga empleyado.

ANG PANANAW NG COBHAM

Magkasamang nagtatrabaho upang maging nangununang pandaigdigang nagpapabago ng Teknolohiya at mga Serbisyo at nagbibigay ng mga solusyon sa pinakamahirap na mga problema.

David Lockwood

Chief Executive Officer

Page 4: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

4

PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA

Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham plc at mga sangay nito sa buong mundo.

Nagtatakda ito ng mga pangunahing prinsipyo at inaasahan na namamahala sa pag-uugali ng lahat ng mga empleyado. Ito rin ay isang mapagkukunan para iyong magamit kapag kailangan mo ng gabay o kapag ikaw ay nahaharap sa isang mahirap o hindi komportableng sitwasyon sa trabaho. Matutulungan ka ng Alituntunin na gumawa ng desisyon na may tamang impormasyon o ilarawan anong mga aksyon ang maaari mong gawin.

Dapat tayong sumunod ng ganap sa lahat ng mga may kaugnayang batas at mga kinakailangang regulasyon at nauukol na mga alituntunin sa mga bansa kung saan tayo nagpapatakbo ng trabaho at magsumikap na gumawa ng naaayon sa pinakamataas na mga pamantayan ng etiko. Ang pagsunod sa Alituntunin na ito ay nag-aatas sa Cobham na gawin ang negosyo nito bilang mabuting mamamayan ng korporasyon. Nangangailangan ang Alituntunin ng mataas na antas ng integridad sa lahat ng pakikipag-ugnayan, sa isa’t-isa at lahat ng mga pinakamahalahagang may taya sa atin (yan ay mga kasosyo, empleyado, parokyano, tagapagtustos, lokal na komunidad, gobyerno sa lahat ng antas, at pangkalahatang publiko).

Hindi mo maaaring ipangatwiran o patawarin sa mga kahihinatnan ng isang aksyon na ipinagbabawal ng Cobham sa kadahilanang ikaw ay inutusan na gawin ang aksyon ng isang tao na nasa mas mataas na kapangyarihan. Walang empleyado na kailan man ay binigyang kapangyarihan ng Cobham na utusan ang isa pang empleyado na gumawa ng isang ipinagbabawal na akto.

Tandaan DIkaw ay responsable para sa saril mong mga aksyon.

Patuloy na magtanong hanggang ikaw ay komportable sa sagot.

Ano ang inaasahan sa Mga Empleyado

Basahin at intindihin ang iyong mga obligasyon sa ilalim ng Alituntunin na ito.

Intindihin at sundin ang mga batas at tuntuning nauukol sa iyong tungkulin.

Respetuhin ang iyong mga kasamahan sa bawat antas, ipagtanggol ang pagkakaiba, tanggapin ang kakanyahan, at makinig kapag nagsasalita ang iba.

Kumpletuhin ang lahat ng iyong pagsasanay na ibinigay ng Cobham sa napapanahong paraan.

Ganap na makipagtulungan sa anumang mga panloob na imbestigasyon o mga korte. Huwag kailanman talakayin sa iba ang mga detalye ng panloob na imbestigasyon ng walang tiyak na pahintulot mula sa panloob na imbestigador o grupong legal ng korporasyon. Kung hiniling ng Cobham, ikaw ay kinakailangang makipagtulungan sa imbestigasyon o ahensya ng gobyerno.

Huwag kailanman baguhin o sirain ang anumang mga dokumento o de-koryenteng kasulatan na sagot sa paglilitis, imbestigasyon o odit.

Maging matapat at huwag magsinungaling kapag sumasagot sa isang imbestigasyon o odit.

Ipagbigay-alam sa grupong legal ng korporasyon kapag nalaman mo na ang isang ahensya ng gobyerno o sino pa man ay gumagawa ng imbestigasyon o nagtatanong tungkol sa isang pinaghihinalaang paglabag sa batas.

I-ulat ang paglabag o pinaghihinalaang paglabag ng Alituntuning ito, at patakaran

ng Cobham, paglabag ng batas o iba pang

di-umano’y masamang asal, maging ng

mga empleyado, parokyano, kontratista,

kasosyo o tagapagtustos.

Kung ikaw ay kailanman hindi sigurado

kung ano ang gagawin, tanungin ang

iyong Superbisor, Tagapamahala, Human

Resources o makipag-ugnayan sa Helpline

para sa payo. Magsalita!

Dapat magsimula ang etiko sa tuktok ng iisyu sang institusyon. Ito ay isang ng pamumuno at ang Punong Tagapamahala ay dapat magtakda ng halimbawa.

Edward Hennessy, Dating Punong Hukuman, Kataas-taasang Panghukumang Korte ng Massachusetts

TANDAAN

ANO ANG

INAASAHAN

Page 5: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

5

PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA

Responsable ka para sa iyong mga aksyon. Dapat mong sanayin ang iyong sarili sa mga legal na pamantayan at mga paghihigpit na nauukol sa iyong itinalagang tungkuliin at responsibilidad, kumilos ng naaayon. Tandaan na ang pagsunod sa titik ng kautusan ay hindi sapat at dapat tayong magsumikap na kumilos alinsunod din sa diwa nito.

Sa isang sitwasyong pangnegosyo, kung

ikaw ay kailan man hindi sigurado tungkol sa

ano ang tamang gawin, umatras at isaalang-

alang ang mga tanong na ito:

Ito ba ay Legal?

Naaayon ba ito sa ating mga pinahahalagahan at pag-uugali?

Sumusunod ba ito sa ating Alituntunin at mga patakaran ng Balangkas ng Korporasyon at mga pangangailangan ng

patakaran?

Ano ang iisipin ng aking pamilya, mga

kaibigan, tagapamahala, mga kasamahan

tungkol sa aking desisyon?

Magiging komportable ka ba kung

mabasa mo ang tungkol sa iyong aksyon

sa pahayagan?

Kung nag-atubili ka sa pagsagot o ang sagot

mo sa anuman sa mga tanong na ito ay

“hindi”, kung gayon huwag mong gawin ito.

Kung may alinlangan ka pa din magtanong

ka sa iyong Superbisor, Tagapamahala,

Human Resources, o gamitin ang Helpline

upang magtanong o mag-ulat ng isang isyu.

Ano ang inaasahan pa sa mga tagapamahala?

Ano ang mga kahihinatnan ng paglabag sa ating Alituntunin?

“Pamumuno” – tinatanggap natin ang ating mga pananaw at pinahahalagahan, isinasakatuparan ang ating estratehiya, nangunguna sa pamamagitan ng halimbawa at ibinibigay ang mga inaasahan:

Manguna sa pamamagitan ng halimbawa, gawin ang sinabi, huwag puro salita. Luminang ng lugar ng trabaho na tumatanggap ng ating mga SPIRIT na pinahahalagahan.

Magpanatili ng lugar ng trabaho na naghihikayat ng lantad at bukas na mga diskusyon.

Magpanatili ng lugar ng trabaho na libre sa panggigipit at diskriminasyon.

Magbigay ng oras sa mga empleyado na kumpletuhin ang mga itinalagang pagsasanay.

Siguruhing anumang relasyon sa trabaho ay hindi lumilikha, o nagbibigay ng impresyon ng paboritismo at lahat ng mga aksyon ay mahigpit na batay sa pagganap ng trabaho.

Siguruhing anumang isyung etikal

na iniulat direkta sa iyo ay tanawing

kompidensyal at nang may damdamin at

aksyunan ng nararapat, kasama na ang

pinaka-angkop na mapagkukunan ng

kompanya.

Bigyan ng oras ang mga empleyado na

makipagtulungan sa mga panloob na

imbestigasyon.

Kabiguan na sumunod sa anumang probisyon ng Alituntuning ito ay isang seryosong paglabag at maaaring magresulta sa aksyong pandisiplina, hanggang sa at kasama ang pagkakatanggal sa trabaho.

Ang mga ganitong kahihinatnan ay maaaring hindi lamang tumukoy sa mga empleyadong gumawa ng masama, kundi pati rin sa mga nagpapalagpas dito o nagpabaya na i-ulat ito.

Ang Cobham ay may patakaran ng walang pagpapaubaya alang-alang sa anumang pagganti laban sa sinumang empleyado na mag-uulat ng pagkabahala na walang masamang hangarin.

WALANG PAGGANTI

Ang Cobham ay hindi nagpaparaya pagdating sa pagganti. Dahil nais ng Cobham na “Magsalita” ang mga empleyado at magbahagi o mag-ulat ng pagkabahalao mga isyu ng walang masamang hangarin, hindi tayo nagpaparaya ng anumang paraan ng masamang aksyon dahil sa pagsasalita. Hindi mo kailangang maging tama sa pag-uulat ng pagkabahala o isyu, ngunit dapat maniwala ka sa iniuulat mo at ang impormasyong iyong ibibigay ay kumpleto, tama at matapat upang maiulat ng “walang masamang hangarin”.

Pinapalitan ng bersyon na ito ng Alituntunin ang anumang nakaraan na mga bersyong ipinalabas at tumutukoy sa buong mundo.

“ Ang integridad ay ang paggawa ng tama, kahit na kung walang nakatingin.

C.S. Lewis, Manunulat at Pantas

Page 6: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

6

ANG ATING PANANAW, MGA PINAHAHALAGAHAN AT PAG-UUGALI

Safety(Kaligtasan)Magbigay ng ligtas na lugar ng trabaho para sa ating mga tao, siguruhin ang kaligtasan ng mga produkto at serbisyo na ating ibinibigay at alagaan ang kapaligirang ating tinitirhan.

Performance(Pagganap)Gumawa ng naaayon at magsikap na lagpasan ang inaaasahan habang pinagbubuti kung ano ang ating ginagawa at paano natin ito ginagawa.

Innovation(Pagbabago)Lumikha ng kapaligiran na maghihimok ng mga bagong ideya, hindi alintana saan ito galing at magkaroon ng tapang na sumubok, mabigo, matuto at pagkatapos ay magtagumpay.

Relationships(Kaugnayan)Luminang ng pinagkakatiwalaang pagkakaugnay at koneksyon sa mga parokyano sa pamamagitan ng pakikinig, pagpapahalaga sa pagkakaiba, pagsisikap na umintindi, maging napapabilang at ibigay ang ating mga pangako.

Integrity(Integridad)Kumilos ng naaayon sa etiko sa lahat ng ginagawa natin, hindi lamang sa pagsunod sa mga batas at tuntunin na namamahala sa atin, kundi pati na rin sa diwa ng wastong pag-uugali at paggawa ng kung ano ang tama.

Trust(Tiwala)Maging bukas, malinaw, sinasabi natin ano ang gagawin natin at ginagawa natin kung ano ang sinasabi natin.

Ang ating pananaw ay magkasamang nagtatrabaho upang maging nangungunang Pandaigdigang nagpapabago ng Teknolohiya at mga Serbisyo, respetado sa pagbibigay ng mga solusyon sa pinakamahirap na mga problema.

Ang ating mga SPIRIT na pinahahalagahan ay tumutukoy sa ating kultura at ipinapakita ang mga pinakamahalagang prinsipyo na dapat itaguyod at pagyamanin sa lahat ng ginagawa natin.

Ang mga inaasahang pag-uugali na itinakda sa Alituntunin ng pagtutulungan ng magkakasama, pagiging masigasig, napapabilang, pokus sa parokyano, pag-unlad, pamumuno, pananagutan at pagkilos ng wasto sa lahat ng panahon, ay nagpapalakas sa ating

mga SPIRIT na pinahahalagahan.

Page 7: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

7

KALIGTASAN, KALUSUGAN AT PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN

Kaligtasan – Magbigay ng ligtas na lugar ng trabaho para sa ating mga tao, siguruhin ang kaligtasan ng mga produkto at serbisyo na ating ibinibigay at pangalagaan ang kapaligiran kung saan tayo nakatira.

Ang Cobham ay nakatuon sa pagsusumikap tungo sa Walang Pinsala, ibig sabihin patuloy sa pagbabawas ng mga aksidente, pagkakasugat, masama sa kalusugan at mga epekto sa kapaligiran na nagmumula sa operasyon, mga Gawain, produkto at serbisyo nito, kung saan man isinasagawa. Mayroon kang personal na tungkulin sa sarili mo at mga kapwa empleyado, mga komunidad kung saan ka nagtatrabaho at sa lipunan sa pangkalahatan na itaguyod at pagyamanin ang isang positibo at masigasig na kultura tungkol sa kaligtasan, kalusugan at kapaligiran at aktibong magtrabaho patungo sa pagkamit ng Walang Pinsala.

Tungkol sa kapaligiran, ibig sabihin nito’y mahusay na paggamit ng enerhiya, mga panangkap at likas na yaman sa buong disenyo ng produkto, operasyon, pamamahala sa takbo ng panustos; pagbabawas sa uri at gamit ng mga mapanganib na sangkap; at proteksyon ng operasyon at panustos ng Grupo mula sa makabuluhang masamang epekto ng pagbabago ng klima tulad ng bagyo, pagbaha, napakalaking sunog at tagtuyot.

Lahat ng mga empleyado, pasilidad at operasyon ay dapat sumunod sa lahat ng nauukol na mga batas, patakaran at tuntunin ng kaligtasan, kalusugan at kapaligiran (SHE) bilang pinakamababa i-ulat anumang aksidente, pagkakasugat, masama sa kalusugan at mga insidente o pagkabahala

sa kapaligiran.

Karahasan sa Lugar ng Trabaho / Mga Armas

Lugar ng Trabaho na Malaya sa Droga o Alkohol

Anumang uri ng pagalit, marahas, nananakot, nagbabanta o iba pang agresibong pag-uugali sa lugar ng trabaho ay walang lugar sa Cobham at hindi papayagan. Maaaring kasama sa ugaling ito ang panunulak, paghagupit o anumang uri ng posibleng mapanganib na kilos pisikal.

Hindi ka maaaring magdala, magtaglay o gumamit ng anumang armas, bahagi ng armas o anumang bagay na mukhang armas o maaaring magamit na armas sa ari-arian ng kompanya. Dapat mong i-ulat kaagad ang anumang pagkakataon ng karahasan, pagalit na pag-uugali o pag-aari ng armas. Sa mga kaso ng napipintong panganib, dapat kang makipag-ugnayan sa pulisya muna.

Hindi ka dapat mamahagi, magmay-ari, magbenta, maglipat , gumamit o maging nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol, ipinagbabawal na droga o mga kontroladong materyal kapag nasa propyedad ng Cobham, sa oras ng Cobham, may kaugnayan sa negosyo ng Cobham, o sa isang paraan na makakaapekto sa pagganap ng mga responsibilidad ng Cobham. Ang alkohol, ipinagbabawal na droga o mga kontroladong material ay may masamang epekto sa pagganap, naglalagay sa alanganin ng kaligtasan ng mga kasamahan at bumubuo ng panganib sa negosyo at mga interes ng Cobham.

Tungkol sa niresetang gamut, dapat kang kumunsulta sa iyong propesyonal na mediko parmasyotiko na nagresreseta ng gamot, mga posibleng pangalawang epekto na may kinalaman sa kaligtasan sa lugar ng trabaho. Hindi ka dapat magmaneho ng sasakyang ng kompanya habang nasa impluwensya ng alkohol. Makakatulong ito na pigilan ang mga aksidente at pagkasugat sa mga tauhan at ibang tao, pangalagaan ang pangkalahatang takbo ng negosyo ng Cobham at proteksyonan ang mga tauhan na nagmamaneho ng sasakyan ng kompanya mula sa paghatol.

Ang Cobham, bilang isang kontratista ng Gobyerno ng Estados Unidos, ay dapat sumunod sa Drug Free Workplace Act at mga nauukol na lokal na batas. Bagaman ang marijuana ay legal na sa ilang estado ng US States at sa ilalim ng iba pang mga hakbangin, ito ay ilegal pa rin sa ilalim ng ng pederal na batas ng US at hindi nagpapabago sa pagbabawal ng Cobham sa pamamahagi, pagmamay-ari, pagbebenta, paglilipat o paggamit nito.

TANONG: Ako ba ay parurusahan kung ako ay tumigil pumasok dahil ako ay may pag-aalala tungkol sa kaligtasan, kalusu-agan o kapaligiran na iniulat na walang masamang hangarin?

SAGOT: Hindi. Ang Cobham ay nakatuon sa pagbibigay ng ligtas na lugar ng trabaho samakatwid dapat mong i-ulat agad ang isyu sa iyong Superbisor o Tagapamahala.

Page 8: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

8

PAGSASAGAWA NG PANDAIGDIGANG NEGOSYO

Pag-uugali na Laban sa Pakikipagkompetensya

Mga Oportunidad Para sa Kompanya

Ang Cobham ay nakatuon sa bukas at patas na kompetisyon at sumusunod sa lahat ng mga batas ng kompetisyon at anti-trust na nauukol sa mga bansa kung saan ito nagnenegosyo. Ang mga batas ng anti-trust, pangangalakal at kompetisyon ay nagbabawal sa mga kasunduan at gawi na laban sa pakikipagkompetensya at nagpapahina sa patas na kompetisyon.

Hindi ka dapat gumawa ng anumang pormal pormal o impormal na kasunduan o magsagawa ang anumang pormal o impormal na mga diskusyon sa mga kakompetensya tungkol sa presyo o mga patakaran sa pagpepresyo, paglalaan ng mga parokyano, tagapagtustos o pagpili ng parokyano o mga pag-uuri o paglalaan ng merkado o mga teritoryo kung saan ang mga kakompetensyang produkto ay ibinebenta o may boykot ng mga parokyano o tagapagtustos, o kung saan ang mga kakompetensya ay hindi kasama sa merkado o ang pangangalakal ay hindi patas na nililimitahan.

Kung ikaw ay makaalam ng isang oportunidad sa negosyo o pamumuhunan sa pamamagitan ng paggamit ng ari-arian ng kompanya o impormasyon mula sa kakompetensya o tunay o potensyal na parokyano, kliyente, tagapagtustos o kasama sa negosyo ng Cobham, hindi ka maaaring sumali sa oportunidad o gawin ang pamumuhunan nang walang naunang kasulatan ng pagsang-ayon ng iyong Presidente ng Sektor o kapantay na Gumagana para sa Kompanya.

Hind ka maaaring gumamit ng anumang pag-aari ng kompanya o impormasyon para sa hindi tamang pansariling pakinabang.

Pagnenegosyo nang Walang KinikilinganNakikipagkompetensya ang Cobham sa merkado sa batayan ng mga produkto, teknolohiya, kalidad, serbisyo, presyo at iba pang katulad na kadahilanang pangkompetensya nito. Hindi naghahangad ang Cobham na makakuha ng hindi tamang kalamangan sa pamamagitan ng paggamit ng manipulasyon, pagtatago, panlilinlang, pag-abuso sa tanging impormasyon, pagsisinungaling sa katunayan, o anumang iba pang hindi tapat na pagsasagawa ng negosyo.

Kinakailangan mong makitungo ng patas sa bawat isa gayun din sa mga parokyano, tagapagtustos at kakompetensya ng Cobham. Ipinagbabawal ang pagnanakaw o ilegal na paglalaan ng impormasyong pag-aari, pagbubunyag ng impormasyong pag-aari ng walang pahintulot, pagkakaroon ng sikretong impormasyon ng pangangalakal na nakuha ng hindi tama, pagbubuyo ng gayong pagbubunyag mula sa dati o kasalukuyang mga empleyado ng ibang mga kompanya o pagkuha ng ganung impormasyon mula sa dating pinagtatrabahuhan.

Ang mga empleyado ng Cobham ay hindi tatanggap ng hindi awtorisadong tawad, panukala o materyal para sa pagpipilian ng pagkukunan at hindi tatanggap, magtatamo o gagamit ng anumang impormasyon na kung saan ang Cobham ay walang karapatan na

gamitin.

Ang Cobham o maging sinumang emplyedo ay gagawa ng anumang pagbabayad para

sa benepisyo ng sinumang tagapagtustos, parokyano o iba pang tao para sa layunin

na buyuhin ang taong iyon na kumilos laban sa interes ng kanilang employer.

Page 9: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

9

PAGSASAGAWA NG PANDAIGDIGANG NEGOSYO

Pandaigdigang Pagpapasunod at Pamamahala para sa KalakalanBilang isang pandaigdigang kompanya, tinutugunan ng Cobham ang pangangailangan ng mga parokyano nito sa buong mundo sa pamamagitan ng paghahatid ng mga produkto at serbisyo. Lahat ng mga gawain at/o transaksyon na may kinalaman sa pag-angkat, pagluluwas at muling pagluluwas ay dapat a isagawa ng may ganap na pagsunod sa lahat ng nauukol na mga batas ng pamamahala, tuntunin, tadhanang parusa, pagbabawal at patakaran sa pag-angkat at pagluluwas. Kasama dito ang pagkilala sa potensyal na iligal na hiling na magboykot sa ilalim ng lahat ng nauukol na na mga batas.

Ang isang “pagluluwas” ay maaaring mangyari pag ang isang produkto, serbisyo, teknolohiya o bahagi ng impormasyon ay naipadala sa isang tao sa isang bansa o sa isang dayuhang tao na maski nasa bansa o ibang bansa.

Kung ikaw ay maglilipat at/o gagamit ng mga kalakal at teknolohiya na sakop ng pamamahala sa pagluluwas o pag-angkat, dapat mong intindihin at sundin ang mga nauugnay na batas, regulasyon at patakaran. Ang mga kahihinatnan ng paglabag sa pamamahala ng kalakalan ay mabigat para sa kompanya at mga indibidwal na kasangkot. Kung ikaw ay may anumang mga katanungan, tanungin ang iyong Superbisor, Tagapamahala o makipagugnayan sa grupo ng Cobham Global Trade Compliance.

Mga Samahang Pangkalakalan Ang isang samahang pangkalakalan ay isang organisasyon na itinatag at pinopondohan ng mga negosyo na nagpapatakbo sa isang tiyak na industriya. Ang isang samahang pangkalakalan ay maaaring makinabang sa kompetisyon sa maraming paraan. Gayun pa man, ang mga samahang pangkalakalan ay maaaring magdulot ng ilang mga panganib dahil ang kanilang pagkakaanib ay kadalasang binubuo ng mga magkakakompetensyang bahay-kalakal.

Dapat mong pag-ingatan na ang pakikipag-ugnayan sa mga kakompetensya ay hindi lilikha ng batayan upang gumawa ng kasunduan na labag sa batas o magresulta sa ilegal na palitan ng impormasyon. Kung nais mong sumali sa isang samahang pangkalakalan siguraduhin mong naiintindihan mo ang layunin nito, ang bilang ng mga miyembro, kalian ito binuo at kung may abogado sa mga tauhan nito.

Hindi ka dapat sumali sa anumang samahang pangkalakalan na naglalayong tumalakay sa pagpepresyo, kompetisyon, o mga parokyano, o kung saan itinatakda ang pagiging miyembro nito sa ilang tiyak na miyembro ng industriya lamang.

Talakayin ang iyong paglahok sa iyong Superbisor, Tagapamahala o sa may Legal na Gawain sa Kompanya at kumuha ng pagsang-ayon bago makipagtalakayan sa iyong nauugnay na sumusuporta sa mga kontrata at komersya.

Page 10: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

10

PAGSASAGAWA NG PANDAIGDIGANG NEGOSYO

Pagiging Kompidensyal at Pag-aaring PangkaisipanAng impormasyon sa lahat ng uri at anyo nito ay ginagamit ng mga empleyado sa kanilang pang-araw araw na trabaho. Kasama dito ang impomasyon tungkol sa mga parokyano ng Cobham at iba pang ikatlong partido na kompidensyal, may nag-aaring impormasyon, mga proseso, o Pag-aaring Pangkaisipan, personal na impormasyon o personal na datos, impormasyong kontrolado ang pagluluwas at protektadong impormasyon. Lahat ng mga naturang impormasyon ay dapat pangasiwaan, ilagak at pangalagaan alinsunod sa kontrata, legal o iba pang mga kinakailangan at hndi ipinapakita o isinisiwalat ng walang karampatang layuning pangnegosyo o pagbibigay karapatan. Kasama sa Pag-aaring Pangkaisipan, ngunit hindi limitado sa, tatak-pangkalakal, kopirayt, patente, mga imbensyon, kaalaman, disenyo, imaheng pandisenyo at sikreto sa pangangalakal. Ang tagumpay ng Cobham ay nakadepende sa naturang mga impormasyon at dapat itong mapangalagaan at maproteksyonan laban sa pagbubunyag, maging sadya o hind sinasadya. Dahil sa malawakang paggamit ng kompyuter at telekomunikasyon , ang proteksyon ng impormasyon sa elektronikong ayos ay isang particular na alalahanin

Ang mga sumusunod ay dapat protektahan:

Mahalagang impormasyong kompidensyal, impormasyong may nagmamay-ari, Pag-aaring Pangkaisipan ng Cobham at anumang datos na ang pagkasira o pagkabunyag sa labas ng Cobham ay maaaring magresulta sa anuman sa mga sumusunod: pagkaluging pinansyal, pagkawala ng katayuang pangkompetisyon, napasamang operasyon ng negosyo, paglabag sa kasunduan ng pagiging kompidensyal sa isa pang partido o paggamit nito para sa pansariling pakinabang.

Pagpapanatili ng DokumentoHumahawak tayo ng malaking dami ng mga dokumento at talaan. Importante na alam mo kung gaano katagal ang mga ito ay dapat panatilihin ang kung paano sila itatapon ng wasto. Dapat mong sundin ang Patakaran sa Pagpapanatili ng Dokumento.

Katumpakan ng mga Talaan Lahat ng mga libro, talaan, ulat, at ulat pinansyal ay ganap, patas, wasto at napapanahong paraan, na magpakita ng mga totoong transaksyon na nakatala at dapat sumunod pareho sa legal at tinatanggap na mga prinsipyo ng pagpapatunay at sa sistema ng panloob na pamamahala ng Cobham. Ikaw ay inaatasan na magtago ng wastong mga tala ng iyong oras.

Ang mga pinansyal na transaksyon ay dapat naaayon sa batas, ginawa para sa mga layuning nakasaad at binigyang kapangyarihan ng Cobham.

Ang pagpapasilpika at pagbabago ng mga dokumento na pag-aari ng Cobham ay isang akto ng panlilinlang at mahigpit na ipinagbabawal.

Pagtatala ng Trabaho at Iba Pang mga Gastusin

Ang tamang datos ng gastusin ay mahalaga sa anumang negosyo. Ito ay lalong mahalaga sa Cobham dahil marami sa ating mga kontrata sa Estados Unidos ay batay sa datos ng gastusin at pagpepresyo. Upang maging tama ang ating gastusin sa trabaho, dapat nating isumite ang ating trabaho sa napapanahong batayan, at maningil lamang sa mga gawaing itinalaga at awtorisadong gawin. Para sa ibang mga gastusin gaya ng paglalakbay, iba pang direktong gastusin, sub-kasunduan, at iba pa, dapat nating ilagay ang mga gastusin sa tamang paraan, wastong naitatala ang singil sa isang numero ng kontrata, hindi tuwirang numero, o iba pang layunin ng gastos. Ang ibang mga kontrata ay hindi pinahihintulutan o hindi maaaring magsauli ng nagugol para sa mga kontrata ng Gobyerno ng Estados Unidos, at ang mga gastusin na ito ay wastong naitatala at naihihiwalay sa kahilingan ng mga gastusin.

Paghahatid ng Wastong Datos ng Gastos at Pagpepresyo

Umaasa ang ating mga parokyano ng mga kahanga-hangang produkto sa patas at makatwirang presyo. Kung ikaw ay kasali sa negosasyon ng pagkuha ng Gobyerno ng Estados Unidos na nangangailangan ng datos para sa gastos at pagpepresyo, kakailanganin mong siguruhin na ang datos ng gastos o pagpepresyo ay kasalukuyan, kumpleto at wasto. Ang datos ng gastos at pagpepresyo ay mga katunayang ang isang masinop na bumibili at nagbebenta ay makatwirang aasa na makabuluhang makakaapekto sa negosasyon. Kasama sa halimbawa ng datos ay, turing ng tindero, mga gastos na hindi umuulit, paraan ng produksyon, inaasahang taya ng negosyo, gastos sa pagpapatakbo, presyo ng bawat unit, desisyon kung gagawa o bibili, at anumang desisyon nga namamahala na may malaking kinalaman sa presyo o paglalaan ng gastos.

Pinoprotektahan at Pambansang Seguridad na Impormasyon

Dapat mong gawin lahat ng kinakailangang mga hakbang upang protektahan ang anumang ganung impormasyon. Hindi kailanman angkop na ibunyag ang ganung impormasyon sa ibang tao, na walang malinaw na pagsang-ayon ng

angkop na lupon.

Page 11: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

11

PAGSASAGAWA NG PANDAIGDIGANG NEGOSYO

Katumpakan ng mga Talaan (pagpapatuloy)Pagsisiwalat

Bilang isang kontratista ng Gobyerno ng Estados Unidos, ang Cobham at mga indibidwal na may pangunahing responsibilidad na mamahala o mangasiwa sa loob ng isang negosyo ay maaaring may obligasyon na i-ulat ang mga potensyal na paglabag sa mga tiyak kriminal o sibil na batas ng Estados Unidos o sobrang pagbabayad g Gobyerno ng Estados Unidos. Ang mga paglabag na ito ay maaaring may kaugnayan sa panlilinlang sa pagkuha o kontrata, panunuhol/lagay, pabuya, mga huwad na pahayag o habol sa gobyerno, kontrata, pagkakalakal ng tao, at panghuhuwad. Kung sa paniniwala mo ay may paglabag o potensyal na paglabag o may mga katanungan sa pagiging angkop ng mga obligasyon na ito sa iyo, mangyaring makipag-ugnayan sa Legal na Sangay ng

Kompanya.

Presyon na Makamit ang mga NumeroHuwag hayaang ang presyon na “makamait ang mga numero” ay ikompromiso ang iyong integridad, o ang kaligtasan, kalusugan at epekto sa kapaligiran ng mga empleyado, produkto, serbisyo at ng komunidad.

Money Laundering

Mga Ari-arian ng Cobham

Ang Money Laundering ay ang proseso kung saan ang mga indibidwal o entidad ay inililipat ang mga pondong kriminal sa pamamagitan ng mga pananalapi ng isang organisasyon upang maitago ang mga bakas ng kriminal na pinagmulan ng mga pondong naturan. Ang Cobham ay nakatuon sa paglaban sa money laundering. Maaaring wala ka sa posisyon upang lumabag sa mga batas ng money laundering, ngunit kailangan mong bantayan ang mga iregularidad kung paano ginagawa ang mga pagbabayad. Kung makita mo ang alin man sa mga sumusunod, i-ulat ang bagay sa Pangkompanyang Pinansyal:

Mga bayad na ginawa sa pananalapi maliban sa nakasaad sa tala ng paniningil

Mga bayad na ginawa o tinanggap na walang kinalaman sa mga transaksyon

Mga tangka sa pagbabayad gamit ang cash

Mga kahilingan ng pagbabayad na gawin sa pamamagitan ng maramihang paraan ng pagbabayad

Mga kahilingan na gumawa ng sobrang pagbabayad

May tungkulin ka sa Cobham at mga parokyano nito na gamitin ang mga ari-arian at pasilidad para sa kanilang nilalayon na gamit lamang. Inaasahan ka na magpakita ng makatwirang pag-iingat sa paggamit, pagmementina at kaligtasan ng ari-ariang pag-aari ng Kompanya o inuupahan. Bilang dagdag, hindi ka dapat kusang-loob na makialam o gamitin ng mali ang anumang makinarya o iba pang gamit sa opisina ng anumang klase. Ang paggamit ng mga pasilidad ng Cobham o

para sa mga parokyano nito, ari-arian o pondo para sa anumang bagay maliban sa opisyal na negosyo ng Cobham ay ipinagbabawal maliban na lamang kung pinapayagan sa mga patakaran at pamamaraan ng Cobham o pagsang-ayon ay ibinigay ng naunang nakasulat na awtorisasyon mula sa Pangkalahatang Namamahala ng Yunit ng Negosyo na namamahala ng nauugnay na pasilidad.

TANONG: Sinabi ng aking Tagapamahala na isara ang isang hiling para sa trabaho upang masingil na ang parokyano para makamit ang mga layuning pinansyal. Sinabi ng aking Tagapamahala na maaari ko na lang tapusin ang trabaho pagkatapos para maayos na. Hindi ako komportable na gawin ito, tama ba ang Tagapamahala ko?

SAGOT: Hindi. Dapat mong ipaliwanag sa iyong Tagapamahala na hindi ito katanggap-tanggap. Ito ay hahantong sa hindi angkop na pagtatala ng kita na isa panloloko sa kompanya at hindi dapat gawin sa anumang kalagayan.

Page 12: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

12

MGA KAUGNAYANG PANGNEGOSYO

Mga Karapatang Pantao Laban sa Pang-aalipin / Pangangalakal ng TaoSinusuportahan ng Cobham ang mga prinsipyong nilalaman ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao at naghahangad na ipakita ang mga ito sa konteksto ng mga negosyo nito kung saan man posible, inilalagay sa isip na ang Deklarasyon ay para sa mga nasyon sa halip na mga negosyo.

Nirerespeto ng Cobham ng mga karapatang pantao ng mga empleyado nito gaya nang inilalarawan sa Deklarasyon ng International Labour Organization sa Napakahalagang mga Prinsipyo at Karapatan sa Trabaho. Kasama rito ang: magbayad man lamang ng pinakamababang pasahod ayon sa batas; kalayaan na magsama-sama; walang diskriminasyon; pag-aalis ng pang-aalipin gaya ng puwersahan, sapilitan, pumirma ng bono at pagtatrabaho ng mga bata; at ang pag-aalis ng pangangalakal ng tao at diskiminasyon at panghihigpit sa trabaho at okupasyon.

Milyong mga tao ang nakakulong sa ilang uri ng pang-aalipin, kung sila man ay pinwersa na magtrabaho laban sa kanilang kagustuhan o pinilit na magtiis ng pisikal na parusa. Tinututulan ng Cobham ang makabagong pang-aalipin at pangangalakal ng tao sa lahat ng uri nito at naghahangad na kilalanin at puksain ang pangyayari nito sa loob mismo ng ating operasyon at panustos kung saan man possible sa pamamagitan ng ating proseso ng angkop na pagsisikap. Aming inaasahan rin ang ating mga tagapagtustos na magtrabaho gayon din naman patungo sa pagsasakatuparan na ang operasyon at panustos ay malaya sa makabagong pang-aalipin at pangangalakal ng tao.

Maraming nagpapabatid ng ganitong mga gawain na dapat bantayan sa loob ng negosyo at dapat kang maging mapagbantay sa lahat ng oras at matutong kilalanin ang mga biktima upang maiulat mo ang anumang pagkakataon na matagpuan.

Nilalayon ng Cobham na magpakita ng respeto para sa pinakasimpleng karapatang pantao sa pamamagitan ng mga prinsipyo at patakarang nilalaman nga Alituntuning ito, ang Balangkas ng Korporasyon at mga patakaran ng Cobham.

Lugar ng Trabaho na Libre sa Diskriminasyon / Panliligalig Anumang uri ng diskriminasyon o panliligalig ng o laban sa mga kasamahan, parokyano o tagapagtustos ay walang lugar sa Cobham at hindi palalagpasin. Ang diskriminasyon ay maaaring may kaugnayan sa kasarian, pagkakakilanlan o pagpapahayag, lahi, kulay, pagiging katutubo, sekswal na oryentasyon, pisikal o mental na kapansanan, edad, pagbubuntis, relihiyon, katayuan bilang beterano, bansang pinagmulan o ano pang ibang katayuan na pinangangalagaan ng batas. Ang panliligalig ay nakadirekta sa isang indibidwal at maaaring sekswal o di-sekswal na patungkol. Maaaring ang paraan nito ay nakakabastos, nakakainsulto o nakakasirang mga komento, panunuya o pasaring, o nananakot na ugali. Kasama sa panliligalig na sekswal ang mga hindi naaangkop na komento tungkol sa hitsura, hindi naaangkop na birong sekswal, pagpapahiwatig na komentong sekswal, mga hiling para sa pabor na sekswal, malalaswang larawan o hindi nais na kilos na sekswal, pabor o hinihingi.

TANONG: Kaibigan ko ang isang lalaki na katrabaho ko. Minsan kami ay nagbibiruan na maaaring ituring na nakakasakit sa iba ngunit kami ay maingat na isara ang pinto upang huwag marinig ng iba. Kami rin ay nagpapasa ng nakakatawang biro sa isat-isa sa pamamagitan ng email. Maituturing ba ito na hindi naagkop na pag-uugali, kahit na ito ay sa pagitan ng dalawang magkaibigan at hindi ibinabahagi sa iba na baka masaktan?

SAGOT: Bagaman ang Cobham ay hindi nagtatangka na regulahin ang pribadong ugali ng mga empleya-do, ang sitwasyong iyong inilarawan ay nangyayari sa pag-aari ng kompanya, sa oras ng kompa-nya at gamit ang ari-arian ng kompanya. Samakatwid ang pag-uugaling ito ay hindi naaayon sa ating lugar ng trabaho, kahit na sa pagiging pribado ng isang opisina.

Page 13: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

13

MGA KAUGNAYANG PANGNEGOSYO

Pagtatrabaho ng MagkakasamaAng “Teamwork” ay kapag nagtatrabaho tayo bilang isang pangkat upang manalo, sa pamamagitan ng pakikinig sa iba at pagbibigay-halaga sa kontribusyon ng lahat.

Hinihimok ng Cobham ang pagbuo ng pangkat at positibong interaksyon sa pagitan ng mga empleyado. Bagaman naiintindihan na maraming pangmatagalan na ugnayan ay nabubuo sa trabaho, dapat maging maingat ang Cobham na iwasan ang persepsyon ng hindi tamang ugnayan sa pagitan ng namamahala at sinuman sa mga nasasakop, partikular kung saan ang tungkulin, pag-angat sa trabaho o kabayaran ay direkta o di-direktang maaaring maimpluwesyahan. Ang isang hindi tamang ugnayan ay maaaring manggaling mula sa personal o ugnayang pamilya. Hindi ka dapat magkaroon ng direktang pamamahala sa isang miyembro ng pamilya o isang tao na mayroon kang personal na malapit na ugnayan.

Social MediaNagbibigay ang Cobham sa karamihan ng empleyado ng access sa internet sa mga kompyuter na pantrabaho. Dapat kang maging maingat na alagaan ang ating reputasyon at impormasyong pangnegosyo sa pamamagitan ng hindi pagpopost ang anumang komento o dokumento sa anumang lugar ng social media na kompidensyal o maaaring i-ugnay sa ating kompanya. Hindi ka kailan man gumamit ng oras ng kompanya, ari-arian o mga network upang makipag-ugnayan sa social media. Kung piliin mo na gawin ito sa labas ng iyong trabaho, laging siguruhin na ang iyong mga komunikayson ay hindi lumalabag sa batas, siraan o insultuhin ang Cobham, mga parokyano, tagapagtustos o kakompetensya. Kung nagsasalita tungkol sa iyong propesyonal na buhay, malinaw na ipahayag na iyon ay iyong mga personal na pananaw at hindi kinakailangang pananaw ng kompanya. Laging pangalagaan ang iyong personal na impormasyon.

Pagkakaiba at Pagsasama

Pagiging Pribado at Personal na ImpormasyonNirerespeto ng Cobham ang pagiging pribado ng empleyado at samaktwid ay kokolekta, gagamit at magpapanatili lamang ng impormasyon kung saan may tunay na rasong pangnegosyo o pantrabaho. Ang panloob na pagsisiwalat ay limitado at lahat ng personal na datos ay pinoprotektahan laban sa hindi awtorisado o aksidenteng pagsiswalat, pagbago o pagsira.

Kung sakaling ang ganong ugnayan ay mabuo, ang Superbisor o Tagapamahala na puno ng negosyo o gawaing apektado ay dapat isipin ang potensyal na pag-iisip ng pagpipigil, paboritismo, o iba pang hindi pagkakasundo ng interes at talakayin ang naayon na aksyon sa Superbisor o Tagapamahala na nauugnay at sa Human Resources at magtago ng nakasulat na tala ng diskusyon.

Ang Cobham ay nangangalap, nagbibigay-trabaho, nagsasanay, nagtataguyod at nagbabayad sa mga indibidwal batay sa merito, kwalipikasyong nauugnay sa trabaho, mga kailangan ng trabaho at kailangan ng organisasyon. Ang pagkakaiba at pagsasama ay kasama sa ating mga pinahahalagahan at inaasahang pag-uugali. Ang Cobham ay nakatuon sa pagbibigay sa mga empleyado ng pantay na oportunidad sa lahat ng aspeto ng tabaho. Pinahahalagahan ng Cobham ang mga pagkakaiba sa mga empleyado nito. Nagpapalakas sa Cobham ang isang lugar ng trabaho na nagpapahalaga ng indibidwal na pagkakaiba at humihimok sa ganap na kontribusyon ng bawat empleyado.

Mga Ikatlong PartidoNaiintindihan namin ang pangangailangan ng mga parokyano, ibinibigay ang naipangako sa mga parokyano at nagsusumikap na malagpasan ito bawat araw at manatiling nakatuon sa pagiging “nakatutok sa parokyano”.

Page 14: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

14

MGA KAUGNAYANG PANGNEGOSYO

Mga Regalo, Pag-istima, Mabuting Pakikitungo at Iba Pang Mga PaggalangAng palitan ng mga regalo at pag-estima ay maaaring magsulong ng matagumpay na ugnayang pantrabaho at mabuting pakikisama. Gayunman, meron ding panganib na ang regalo, pag-estima o mabuting pakikitungo ay ipalagay na isang tangka na hindi tamang impluwensyahan ang isang pangnegosyong desisyon, na hindi lamang pipinsala sa reputasyon ng Cobham, subalit maaaring magresulta sa mga sibil at kriminal na kapurasahan. Hindi alintana ang halaga, maski na ang pag-iisip ng impluwensya ay laging dapat ikonsidera bago magbigay o tumanggap ng isang pangnegosyong pag-galang.

Kung sa gayon dapat mong maingat na isipin bago ka magbibigay o tatanggap ng regalo, pag-istima o mabuting pakikitungo. Para magpasya kung ang isang regalo, pag-istima o mabuting pakikitungo ay katanggap-tanggap, dapat ikonsidera ng mga empleyado kung ito ay legal, naaayon at kabagay at kundi kaya’y alinsunod sa Patakaran ng mga Regalo & Mabuting Pakikitungo ng Cobham.

Pagtatrabaho Kasama ang mga Opisyal ng Gobyerno Ang mga gobyerno sa ibang parte ng mundo ay may mas mahigpit na atas tungkol sa mga regalo, pag-estima at mabuting pakikitungo na iniaalok sa mga opisyal. Ang mga paglabag sa mga batas at alituntuning ito ay maaaring mga seryosong sala. Kung nakikipagnegosyo sa mga opisyal ng gobyerno, siguruhing naiintindihan mo ang anumang mga patakaran at alituntunin na mayroon sa bansa kung saan ka nakikipagnegosyo at kung may pagdududa humingi nga payo mula sa Legal na Kagawaran ng Korporasyon.

Tungkol naman sa mga estado at ibang kaparehas na delegasyon, katanggap-tanggapa na ipakita at ipaliwanag ang mga produkto ng Cobham at iparamdam na sila ay malugod na tinatanggap. Gayunman, dahil ang ilang mga bansa ay may masyadong mahigpit na pagbabawal sa paghahanda para sa mga delegasyon ng Pangangalakal ng Estado dapat kang kumuha ng tiyak na legal na payo upang tingnan kung ang pinaplano mo ay katanggap-tanggap, wala dapat tangka na makakuha ng hindi tamang kalamangan para sa mga desisyon nang dahil sa paggawa nito.

Kung hiningi sa iyo na magbigay ng impormasyong may kinalaman sa isang imbestigasyon ng gobyerno o ng isang nagreregulang ahensya, dapat mong siguruhin na anumang impormasyon na ibibigay ay wasto at totoo. Laging humingi ng payo sa Legal na Kagawaran ng Korporasyon

bago sumagot sa anumang naturang kahilingan.

TANONG: Alam ko na ang aking amo ay nabigyan ng iang regalo na sa tingin ko ay hindi naaangkop . Kung i-ulat ko ito, hindi ba nila makukuha ang report, pagtakpan din ito at gantihan ako dahil sa pag-uulat nito?

SAGOT: Anumang alalahanin na isinumite sa Helpline ay may tiyak na paghahatiran na dinisenyo upang ang mga nadawit na partido ay hindi masasabihan o bigyang access sa mga ulat kung saan sila ay pinangalanan, hindi alintana ang position ng indibidwal sa kompa-nya. Nagbibigay-daan ito para sa mga ulat na malayang maimbes-tigahan sa lahat ng oras. Ang Cobham ay hindi nagpapaubaya laban sa pagganti, kaya kung ang amo ay gumanti nga laban sa iyo, maaari mo itong i-ulat bilang hiwalay na isyu na aaktuhan ng alinsunod.

Page 15: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

15

MGA KAUGNAYANG PANGNEGOSYO

Mga Kinatawan at TagapamagitanAng mga kinatawan ng Cobham, kabilang ang mga ahente, tagapayo, kasangguni, komersyante, mga reseller at tagapamahagi ay maaaring gawing may pananagutan ang Cobham para sa kanilang hindi tamang aksyon at mga desisyon. Kung gayon sila ay dapat maingat na mapili at mapamahalaan.

Lahat ng mga naturang kinatawan ay kinakailangang sumunod sa mga nauukol na batas at mga tuntunin, mga nauukol na patakaran ng Cobham at ng Alituntuning ito. Lahat ng tagapamagitan ay dapat munang maaprubahan ng naaangkop.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, mangyaring kumunsulta sa Patakaran sa Pagkuha ng Tagapamagitan.

Pagtatrabaho Kasama ang mga Komunidad

Nais naming lumikha ng positibong ugnayan sa ating mga lokal na

komunidad at sa merkado ng ating mga huling gumagamit. Bilang tulad

nais naming mabawasan ang anumang pagkasira sa ating mga kapitbahay,

magbigay ng mainam na paraan para sa mga reklamo, siguruhin

ang ganap at patas na oportunidad ay naibibigay sa

mga lokal na kompanya at lokal na tao upang makisali sa atin sa pinaka-angkop na antas at

mag-ambag sa ating mga komunidad sa wastong bagay.

Nais naming mabawasan ang anumang panlipunan at

pagkapaligirang epekto at mga panganib na kasama ng ating mga

produkto at serbisyo sa kabuuan nga kanilang buhay at mapahusay

ang kanilang mga panlipunan at pangkapaligiran na benepisyo.

Page 16: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

16

MGA KAUGNAYANG PANGNEGOSYO

Panunuhol/Korupsyon at mga Hindi Tamang KabayaranAng Cobham ay walang pagpapaubaya tungo sa anumang uri ng panunuhol o korupsyon.

Ang alok ng, ang pangako ng, ang pagbabayad ng, manghingi, humiling, pumayag na tumanggap o umayon na pumayag, isang suhol o lagay o iba pang ipinagbabawal na kabayaran o gawain, maging sa salapi o iba pang uri ng pangganyak (halimbawa regalo, pag-estima o mabuting pakikitungo) ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang pagbabawal na ito ay tumutukoy sa pakikipag-negosyo sa mga pribadong indibidwal, dayuhang opisyal ng publiko o opisyal ng gobyerno, upang makakuha o mapanatili ang negosyo o impluwensyahan itong mga indibdwal o dayuhang opisyal ng publiko o gobyerno na kumilos ng hindi naaayon sa kanilang mga tungkulin o bigyang pabor ang Cobham.

Mga PadulasAng mga padulas ay hindi opisyal na kabayaran sa isang opisyal ng gobyerno upang mapabilis o kunin ang paggawa ng isang karaniwang gawain, na nabayaan na o kung saan ito ay legal na dapat ibigay.

Kasama sa mga halimbawa ang pagkuha ng mga lisensya o iba pang mga dokumento upang magnegosyo sa isang dayuhang bansa, magproseso ng visa o kumuha ng dokumento sa customs.

Regalo sa Kawanggawa at mga DonasyonAng pagbibigay ng mga regalo at donasyon sa kawanggawa ay hindi maaaring gawin gamit ang mga pondo ng Cobham maliban na lamang sa pagsunod sa Patakaran ng Paglahok sa Komunidad.

Hindi nais ng Cobham na pahinain ang loob ninyo sa pagsuporta ng mga tapat na organisasyong pangkawang-gawa sa pamamagitan ng sarili ninyong pagtitipon ng pondo o indibidwal na pagsisikap sa labas at hindi konektado sa iyong trabaho.

Mga Politikal na KontribusyonAng kontribusyon ng mga pondo ng Cobham o paggamit ng mga ari-arian o pasilidad ng Cobham para sa pakinabang ng mga partidong politikal o mga kandidato kahit saan sa mundo ay ipinagbabawal. Ikaw ay may karapatan na gumawa ng personal na donasyon at dito, upang makaiwas sa duda, ay kasama ang pagbibigay ng kontribusyon sa Cobham Political Action Committee (PAC) sa Estados nidos, hindi isasauli ng Cobham sa iyo ang anumang naturang kontribusyon.

Hindi ka dapat magbigay ng padulas ng anumang uri o payagan ang iba na gawin ito sa ngalan ng Cobham.

TANONG: Isang potensyal na tagapagtustos ang nag-alok sa akin ng pagbisita sa pagawaan upang ipakita ang teknolohiya na maaari nating gamitin sa isang proyekto. Problema ba ito?

SAGOT: Marahil hndi, hangga’t ang iyong byahe ay may lehitimong layuning pangnegosyo at ikaw – at hindi ang iyong inaasahang tagapagtustos ang magbabayad ng iyong byahe at kaakibat na gastos. Dapat na alam mo ang mga panganib ng panunuhol na kasama ng mga ganitong pagbisita. Samaktwid dapat kang sumunod sa ating Patakaran ng mga Regalo at Mabuting Paki-kitungo upang maiwasan ang pagtanggap o ang maisip na pagtanggap or ng hindi tamang regalo o mabuting pakikitungo.

Page 17: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

17

MGA KAUGNAYANG PANGNEGOSYO

Impormasyong Galing sa Loob

Mga Hindi Pagkakasundo ng InteresAng Cobham ay umiintindi at rumirespeto sa karapatan ng mga empleyado nito na sumali sa mga aktibidad sa labas ng kanilang mga trabaho. Gayun pa man, dapat kang umiwas sa anumang pamumuhunan, interes o pakikipag-ugnayan makikialam o lilikha ng impresyon ng pakikialam sa desisyong iyong ginagawa sa ngalan ng Cobham o sa paggawa mo ng iyong mga responsibilidad sa pinakamahusay na interes ng Cobham. Dapat kang umiwas sa anumang senaryo kung saan ang iyong personal na interes ay salungat, o mukhang salungat, sa interes ng Cobham.

Mga halimbawa (hindi esklusibo) ng potensyal na hindi pagkakasundo ng interes ay kasama ang:

Pakikipag-negosyo sa isang kompanyang pinamamahalaan ng malapit na kaibigan o miyembro ng pamilya

Pagbabayad sa isang tagapagtustos nang sobra sa napagkasunduan sa kontrata para sa mga kalakal o serbisyo

Pagtatrabaho bilang kasangguni sa isang tagapagtustos, parokyano o kakompetensya

Paggamit ng kompidensyal na impormasyon ng Cobham o hindi wastong paggamit ng mga pag-aari, impormasyon o mga oportunidad sa Cobham para sa pansariling pakinabang o pakinabang ng iba

Trabaho sa labas na nakikialam sa paggawa ng isang empleyado sa Cobham o naglilihis ng negosyo palayo sa Cobham

Mga pinansyal na pamumuhunan na makatwirang maituturing na nakakabawas sa kawalang-pinapanigan ng isang empleyado

Dapat kang magbigay ng nakasulat na pagpapahayag ng anumang aktuwal o potensyal na hindi pagkakasundo ng interes sa iyong Superbisor o Tagapamahal, kahit na ang hindi pagkakasundo ng interes ay natanto pagkatapos na nangyari ang sitwasyon. Kung iniisip mo na magsagawa ng isang aktibidad, kasama ang isang pamumuhunan, na maaaring lumikha ng aktuwal, malinaw o potensyal na hindi pagkakasundo ng interes, dapat kang humingi ng nakasulat na pagsang-ayon mula sa iyong Superbisor, Tagapamahala o Human Resources sa lalong madaling panahon.

Ikaw ay pinagbabawalan sa paggamit o pagbigay sa sinumang tao ng impormasyong galing sa loob na bumili o magbenta ng mga sapi ng Cobham shares, o ang sa mga kompanyang nangangalakal na pampubliko na may negosyo sa Cobham.

Ang impormasyong galing sa loob ay tumpak na impormasyon tungkol sa mga partikular na na mga sapi o isang naglalabas ng mga sapi na hindi pa naiipapaalam sa publiko at, kung ipapaalam sa publiko, maaaring magkaroon ng makabuluhang epekto sa presyo ng anumang sapi. Hindi lamang ito paglabag sa Patakaran ng Pagnenegosyo, isa ring kriminal na sala ang magnegosyo sa mga sapi na may pag-aari ng impormasyong galing sa loob, ang humimok sa iba na gawin ito, o ipahayag ang naturang impormasyon sa iba.

Page 18: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

18

PAGHINGI NG TULONG

Nagtitiwala kami na ang aming mga empleyado ay nais gumawa ng tamang bagay.

Gayun pa man, maaari kang maharap sa isang sitwasyon kung saan hindi ka sigurado kung ano ang gagawin o nangangailangan ng karagdagang gabay o nakasaksi ka ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi tama. Kung ganun, laging humingi ng tulong sa iyong Superbisor, Tagapamahala, Human Resources. Kung hindi ka komportable na gawin ito, gamitin ang Helpline upang magtanong o mag-ulat ng isyu.

Magsalita!Ang Cobham ay may mataas na mga pamantayan ng etiko sa pagsasagawa ng ating negosyo. Kung naniniwala ka na may isang tao na lumabag sa ating mga pamantayan, nais naming sabihin mo sa amin upang masuri namin at iwasto ang anumang mga problema.

Naniniwala kami na ang aming mga empleyado ang aming pinakaimportanteng bagay na may halaga. Sa paglikha ng bukas na daan ng komunikasyon, kaya nating magtaguyod ng positibong lugar ng trabaho.

Ang Helpline ng Cobham ay magagamit 24/7 at maaaring mag-ulat online o sa pamamagitan ng telepono sa iba’t ibang wika. Ang Helpline ay pinauubaya gamit ang isang ikatlong partido na sumasagot sa mga tawag sa Helpline. Ang pagkilala sa numero ng tumatawag ay hindi kailan man ginagamit at walang pagsisikap ang gagawin upang tuntunin ang iyong tawag. Maaari kang mag-ulat ng hindi nagpapakilala, kung saan pinapayagan ng mga lokal na batas, ngunit dapat mong isipin na mas maraming impormasyon na ibibigay, mas madali para sa amin na mag-imbestiga at sumagot. Ang Cobham ay walang pagpapaubaya sa pagganti, kaya maaari mong i-ulat ang iyong alalahanin na walang takot ng pagganti sa iyo.

Special Security Agreement (SSA)Kung ikaw ay nasa isang kompanya na nagnenegosyo sa ilalim ng isang natatanging kasunduan sa seguridad (Special Security Agreement) at nais mong mag-ulat ng isang alalahanin tungkol sa isang bagay na sangkot ang protektadong impormasyon, huwag isama ang protektadong impormasyon sa iyong unang ulat. Makipag-ugnayan sa iyong Pinuno ng Seguridad sa Pasilidad sa unang pagakataon upang malaman kung may gagawing pagbubunyag o wala.

Kung naniniwala kang dapat mong isama ang “teknikal na datos” sa isang ulat, ito ay maaaring mangailangan ng lisensya ng pagluluwas mula sa gobyerno. Kung hindi ka sigurado kung ang impormasyon sa iyong ulat ay nangangailangan ng lisensya ng pagluluwas, makipag-ugnayan sa Global Trade Compliance Group.

Pag-uulat ng Alalahanin – Konsiderasyon sa Batas na Pranses. Kung ikaw ay nasa isang kompanya sa Pransya, sa ilalim ng batas na Pranses ilang mga bagay lamang ang maaaring i-ulat sa Helpline at ang mga ito ay malinaw na inilalarawan sa sistema ng Helpline system. Sa pangkalahatan ang mga ito ay ulat ng panunuhol o korupsyon, mga pinansyal na pagsuway, audit at mga alalahanin sa accounting at mga katanungan sa gawi ng mga bangko.

Page 19: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

19

PAGHINGI NG TULONG

Ang mga ulat ay ipinapasok nang direkta sa isang ligtas na server. Ang mga ulat ay para lamang sa mga tiyak na mga indibidwal sa loob ng kompanya na naatasan sa pagsusuri ng ulat. Ang prosesong ito ay pinamamahalaan ng mga indibidwal na hinirang upang suriin ang mga kasong may kinalaman sa etiko at ng komite na may naangkop na responsibilidad.

Ang Cobham ay nakatuon sa pagpapanatili ng pagiging kompidensyal sa pinakamataas

posibleng saklaw.

Isang masusing imbestigasyon ang gagawin. Sa ilang pagkakataon ito ay maaaring tumagal ng ilang panahon upang makumpleto dahil sa pagiging komplikado ng ilang alalahanin. Ikaw ay pananatilihing may alam sa progreso sa loob ng panahon na ito. Upang pagaanin ang pagiging masusi ng imbestigasyon, maaari ka ring hilingin na magbigay ng paglilinaw ng iyong alalahanin at/o sumagot sa mga tanong na maaaring lumitaw sa panahon ng imbestigasyon. Kinakaillangan mong makipagtulungan sa imbestigasyon na pinagbabatayan ng iyong alalahanin. Ikaw ay hinihimok na tingnan ang estado ng alalahanin na iyong iniulat o ang tanong na iyong ginawa sa pamamagitan ng sistema. Ito ay lalong importante kung nagsumite ka ng alalahanin o tanong nang hindi nagpapakilala bilang ang tanging paraan upang makipag-ugnayan sa iyo ay sa pamamagitan ng sistema.

TANONG: Hindi ako sigurado kung ang naobserbahan o narinig ko ay isang paglabag ng patakaran ng kompanya, nagsasangkot ng hindi was-tong pag-uugali, ngunit mali para sa akin. Ano ang dapat kong gawin?

SAGOT: Maaari kang humingi ng payo mula sa iyong su-perbisor o tagapamahala. Kung hindi ka komportable na gawin ito, magpasa ka ng ulat o “Magtanong” sa pamamagitan ng Helpline. Mas nanaisin naming na mag-ulat ka ng sitwasyon na maaaring hindi makakasa-ma kaysa hayaan ang isang posibleng hindi tama na pag-uugali na hindi masiyas-at dahil hindi ka sigurado at hindi ito iniulat.

Ano ang mangyayari kung makipag-ugnayan ako sa Helpline?

Ano ang susunod na mangyayari?

Page 20: MGA ALITUNTUNIN NG ASAL SA NEGOSYO PAGGAWA NG KUNG ANO ANG TAMA Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo o Alituntunin, ay nauukol sa lahat ng mga pinuno, direktor at empleyado ng Cobham

20

HELPLINE

Online: www.cobham.ethicspoint.com

o tumawag sa

Pandaigdig na Libreng Bayad na mga numero

Australia 1-800-339276

Canada 1-877-571-5226

Denmark 80-882809

Finland 0800-1-14945

France 0800-902500

Germany 0800-1016582

India 000-800-100-1071

Malaysia 1-800-80-0011

Mexico 1-8008407907

Netherlands 0800-0226174

South Africa 080-09-92604

Sweden 020-799-111

United Kingdom 0800 032 8483

United States 1-877-571-5226

Kapag nagdududa magsabi ng totoo