Upload
others
View
0
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
A g o s t o 2 0 1 6 7170 L i a h o n a
MG
A BATA
Ni Laura GoodrichBatay sa tunay na buhay
Pinanood ni Lydia
ang pag-hahanda ni Inay sa pag-pasok sa tra-baho. Nagpahid si Inay ng magan-dang kulay- pink na lipstick sa kanyang mga labi. Ang ganda niya.
Tumingin si Lydia sa salamin. Nalungkot siya. “Wala akong lipstick,” sabi ni Lydia. “Kaya hin-di ako maganda.”
Mahigpit siyang niyakap ni Inay. “Hindi lipstick ang nagpapagan-da sa mga tao. Pagiging mata-
tag at mabait ang nagpapaganda sa
mga tao.“Matatag ka at maba-
it kapag tumutulong ka sa iba.
“Matatag ka at maba-it kapag mahal mo ang lahat ng tao.
“At matatag ka at mabait kapag ngu-mingiti ka. Nag-papasaya rin iyan sa lahat ng tao.
MG
A PA
GLA
LARA
WAN
NI J
ULIE
YO
UNG
Mga Kamay, Puso, at Isang
Ngiti“Ang pagiging matatag
at mabait ay nagpapa-ganda sa iyong kalooban, hindi lang sa labas.
Gusto ni Lydia na maging matatag at mabait!
Ginamit niya ang kan-yang mga kamay sa
pagdadala ng mga liham para kay Lolo. Ibinigay niya ang huling biskwit niya sa pinsan niya.
Nakadama siya ng pagmamahal sa kanyang puso nang makipaglaro siya sa isang bagong kapitba-hay. At nakadama siya ng pagmamahal nang big-yan niya ng mga barya ang isang batang baba-eng nangongolekta ng pera para sa mga taong walang tirahan.
Nginitian niya ang mga taong nakasalubong niya. Nginitian din siya ng mga ito.
Noong gabing iyon sinabi ni Lydia kay Inay, “Tama kayo! Nakadama ako ng katatagan at kabai-tan. Ginamit ko ang aking mga kamay at puso at ngiti ngayon.”
Ngumiti si Inay. “Mata-tag ka at mabait, kagaya ng nais ni Jesus na kahi-
natnan mo!” ◼Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.