2
Mga Gawaing Ekstensiyon Nag-oorganisa ang UPDGO ng mga aktibidad na naglalayong magbigay ng kaalaman at kamulatan sa mga komunidad tungkol sa iba’t ibang isyung pangkasarian. Ilan sa mga ibinibigay ng pag-aaral ay ang GST, palihan tungkol sa mga gender-related na batas, seminar tungkol sa adolescent sexuality, paggawa ng GAD Plan and Budget, at marami pang iba. Katuwang dito ng UPDGO ang opisina ng UP Diliman Vice Chancellor for Community Affairs, All UP Workers Union, All UP Academic Employees Union, lokal na pamahalaan, mga institusyong pang-edukasyon, at iba pang mga nakabase sa komunidad na organisasyon. Pandaigdigang Araw para sa Eliminasyon ng Karahasan Laban sa Kababaihan at Labing-anim (16) na Araw ng Aktibismo (Commemoration of International Day for the Elimination of Violence Against Women and the 16 Days of Activism) Ipinagdiriwang ng UPDGO ang Pandaigdigang Araw para sa Eliminasyon ng Karahasan Laban sa Kababaihan tuwing Nobyembre 25, at Labing-anim (16) na Araw ng Aktibismo mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 10, ang Araw ng Karapatang Pantao (Human Rights Day). Naglulungsad ang UPDGO ng mga gawaing may layong makapagmulat tungkol sa kalagayan ng kababaihang Pilipino. Gender Sensitivity Training (GST) para sa mga guro, REPS, kawani, at mga estudyante ng UP Diliman Nakalangkap ang GST sa National Service Training Program (NSTP), akreditasyon ng organisasyon ng mga estudyante (Org Recognition), Freshie Orientation, at Oryentasyon para sa mga Bagong Guro (New Faculty Orientation) ng UP Diliman. Dumadaan din sa ganitong pagsasanay ang mga kawani sa iba’t ibang dormitoryo, mga empleyadong pangsegurdidad tulad ng mga lady guard, at iba pa. Naglulungsad din ang UPDGO ng oryentasyong pangkasarian para sa Office of the Chancellor Executive Staff (OCES). One Billion Rising (OBR) Campaign Ang One Billion Rising (OBR) ay isang global na kampanyang naglalayong wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Nagsimula ito noong Pebrero 14, 2013. UPDGO ang nagsisilbing convenor para sa UP Diliman at ang nangunguna sa pagpaplano, implementasyon, at pagtatasa ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa OBR. Pag-oorganisa, pagpapatatag, at institusyonalisasyon ng Gender and Development (GAD) Focal Point System o GAD FPS sa UP Diliman Tinitiyak ng GAD FPS ang pagsasakatuparan ng gender mainstreaming sa antas-kolehiyo at -opisina sa pamamagitan ng regular na paglulungsad ng mga malay-sa-kasariang gawain, pananaliksik, kurikulum, at iba pang mga serbisyo. Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan at Buwan ng Kababaihan (Commemoration of International Women’s Day and Women’s Month) Taon-taong nag-oorganisa ng iba’t ibang aktibidad ang UPDGO para sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan tuwing Marso 8, at nagiging katuwang nito ang ilang mga opisina at organisasyon sa mga gawain para sa Buwan ng Kababaihan tuwing Marso. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pinagtambalang aktibidad ng UPDGO at Office of Community Relations (OCR) na “Kababaihan 101,” isang palihan o workshop na nagbibigay-pagkakataon sa mga nanay sa mga komunidad ng UP na ibahagi ang kanilang mga karanasan bilang babae sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat, teatro, at iba pang kultural na pagtatanghal. mga serbisyo Gender Sensitivity Training at iba pang pag-aaral hinggil sa mga isyung pangkasarian Feminist Crisis Counseling VAWC Legal Counseling Pananaliksik at diseminasyon ng impormasyon hinggil sa usaping pangkasarian MGA GAWAIN UP Diliman Pride March Nakikilahok ang UPDGO sa UP Diliman Pride March bilang pakikiisa sa paglaban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa komuniad ng LGBT tulad ng diskriminasyon, marhinalisasyon, homophobia, bullying, at iba pa. Ginaganap ito tuwing huling linggo ng Hunyo bilang paggunita sa nangyaring protesta at karahasan sa Stonewall Inn noong Hunyo 28, 1969. Final UPDGO Brochure.indd 1 2/12/14 12:05 PM

MGA GAWAIN

  • Upload
    vodang

  • View
    302

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA GAWAIN

Mga Gawaing Ekstensiyon Nag-oorganisa ang UPDGO ng mga aktibidad na naglalayong magbigay ng kaalaman at kamulatan sa mga komunidad tungkol sa iba’t ibang isyung pangkasarian. Ilan sa mga ibinibigay ng pag-aaral ay ang GST, palihan tungkol sa mga gender-related na batas, seminar tungkol sa adolescent sexuality, paggawa ng GAD Plan and Budget, at marami pang iba. Katuwang dito ng UPDGO ang opisina ng UP Diliman Vice Chancellor for Community Affairs, All UP Workers Union, All UP Academic Employees Union, lokal na pamahalaan, mga institusyong pang-edukasyon, at iba pang mga nakabase sa komunidad na organisasyon.

Pandaigdigang Araw para sa Eliminasyon ng Karahasan Laban sa Kababaihan at Labing-anim (16) na Araw ng Aktibismo (Commemoration of International Day for the Elimination of Violence Against Women and the 16 Days of Activism) Ipinagdiriwang ng UPDGO ang Pandaigdigang Araw para sa Eliminasyon ng Karahasan Laban sa Kababaihan tuwing Nobyembre 25, at Labing-anim (16) na Araw ng Aktibismo mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 10, ang Araw ng Karapatang Pantao (Human Rights Day). Naglulungsad ang UPDGO ng mga gawaing may layong makapagmulat tungkol sa kalagayan ng kababaihang Pilipino.

Gender Sensitivity Training (GST) para sa mga guro, REPS, kawani, at mga estudyante ng UP Diliman Nakalangkap ang GST sa National Service Training Program (NSTP), akreditasyon ng organisasyon ng mga estudyante (Org Recognition), Freshie Orientation, at Oryentasyon para sa mga Bagong Guro (New Faculty Orientation) ng UP Diliman. Dumadaan din sa ganitong pagsasanay ang mga kawani sa iba’t ibang dormitoryo, mga empleyadong pangsegurdidad tulad ng mga lady guard, at iba pa. Naglulungsad din ang UPDGO ng oryentasyong pangkasarian para sa Office of the Chancellor Executive Staff (OCES).

One Billion Rising (OBR) CampaignAng One Billion Rising (OBR) ay isang global na kampanyang naglalayong wakasan ang karahasan laban sa kababaihan. Nagsimula ito noong Pebrero 14, 2013. UPDGO ang nagsisilbing convenor para sa UP Diliman at ang nangunguna sa pagpaplano, implementasyon, at pagtatasa ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa OBR.

Pag-oorganisa, pagpapatatag, at institusyonalisasyon ng Gender and Development (GAD) Focal Point System o GAD FPS sa UP DilimanTinitiyak ng GAD FPS ang pagsasakatuparan ng gender mainstreaming sa antas-kolehiyo at -opisina sa pamamagitan ng regular na paglulungsad ng mga malay-sa-kasariang gawain, pananaliksik, kurikulum, at iba pang mga serbisyo.

Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan at Buwan ng Kababaihan (Commemoration of International Women’s Day and Women’s Month) Taon-taong nag-oorganisa ng iba’t ibang aktibidad ang UPDGO para sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan tuwing Marso 8, at nagiging katuwang nito ang ilang mga opisina at organisasyon sa mga gawain para sa Buwan ng Kababaihan tuwing Marso. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pinagtambalang aktibidad ng UPDGO at Office of Community Relations (OCR) na “Kababaihan 101,” isang palihan o workshop na nagbibigay-pagkakataon sa mga nanay sa mga komunidad ng UP na ibahagi ang kanilang mga karanasan bilang babae sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat, teatro, at iba pang kultural na pagtatanghal.

mga serbisyo

• GenderSensit

ivityTrainingati

bapangpag-aara

l

hinggilsamgais

yungpangkasaria

n

• FeministCrisi

sCounseling

• VAWCLegalC

ounseling

• Pananaliksik

atdiseminasyon

ngimpormasyon

hinggilsausapin

gpangkasarian

MGA GAWAIN

UP Diliman Pride March Nakikilahok ang UPDGO sa UP Diliman Pride March bilang pakikiisa sa paglaban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa komuniad ng LGBT tulad ng diskriminasyon, marhinalisasyon, homophobia, bullying, at iba pa. Ginaganap ito tuwing huling linggo ng Hunyo bilang paggunita sa nangyaring protesta at karahasan sa Stonewall Inn noong Hunyo 28, 1969.

Final UPDGO Brochure.indd 1 2/12/14 12:05 PM

Page 2: MGA GAWAIN

Tinatanaw ng University of the Philippines Diliman Gender Office (UPDGO) ang pagkakaroon ng isang makataong campus na may hustisyang pangkasarian, malaya sa diskriminasyon at opresyon, at ligtas sa anumang anyo ng karahasang nakabatay sa kasarian tulad ng sexual harassment, panggagahasa, pisikal at seksuwal na pang-aabuso, gay and lesbian bashing, at iba pa.

Pangunahing mandato ng UPDGO ang pagsasakatuparan ng gender mainstreaming bilang estratehiya sa pagsusulong ng karapatang pantao ng kababaihan at pagtindig para sa eliminasyon ng diskriminasyon sa kasarian at seksuwalidad. UP

Prop. Bernadette Villanueva NeriCOORDINATOR

Salvacion Baaco-PascualGENDER AND DEVELOPMENT CONSULTANT

Atty. Alnie Gado FojaLEGAL CONSULTANT

Michelle Miguel GalvezUNIVERSITy ExTENSION SPECIALIST III

Prescilla Dela Peña Tulipat, RGCGUIDANCE SPECIALIST II

Kristel May Gomez Magdaraog, RSWUNIVERSITy ExTENSION ASSOCIATE II

Concepcion Tibayan MarquinaADMINISTRATIVE ASSISTANT

Wilfran Linga dela PazADMINISTRATIVE AIDE

UPDGO TEAM

DGOTungo sa kinabukasang

malaya sa uri at

diskriminasyonG

pangkasarian.

Unibersidad

na sensitibo,

ligtas, at makatao.

BISYON, MISYON, at mga LAYUNIN

Hustisyang

pangkasarian,

makataong

karapatan.

Landline: 981-8500 local 2467 (central)

local 2464 (counseling) Telefax: 9269053

UP Diliman Gender Office (UPDGO), 2/F Benton Hall, M. Roxas Street, UP Diliman, Quezon City

[email protected] [email protected]

University of the Philippines Diliman Gender Office

(UPDGO)

http://dgo.upd.edu.ph/

UniveRSity OF tHe PHiliPPineS DiliMan GenDeR OFFiCe

Final UPDGO Brochure.indd 2 2/12/14 12:05 PM