51
SEMINAR TUNGKOL SA HALAMANG GAMOT HATID NG MAG-AARAL NG: SAINT ANNE COLLEGE LUCENA INC. TEMA:“Halamang gamot ay likas, Tulong nito’y walang wakas;Sa sakit tayo’y maliligtas, Bulsa’y di pa mabubutasWELCOME!WELCOME!WELCOME JANUARY 14, 2011 @ 1:00 PM

Mga Halamang Gamot

  • Upload
    remz12

  • View
    1.029

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Halamang Gamot

SEMINAR TUNGKOL SAHALAMANG GAMOT

HATID NG MAG-AARAL NG: SAINT ANNE COLLEGE LUCENA INC.TEMA:“Halamang gamot ay likas, Tulong nito’y

walang wakas;Sa sakit tayo’y maliligtas, Bulsa’y di pa mabubutas”

WELCOME!WELCOME!WELCOME

JANUARY 14, 2011 @ 1:00 PM

Page 2: Mga Halamang Gamot

Sampalok• Para sa hika• -Kumuha ng balat ng puno ng sampalok

na isang talampakan ang haba. Tadtadin at pakuluan ng 10 minuto sa 3 basong tubig.

Dosis:• Matanda: 1 tasa pagkatapos kumain at

bago matulog.• Bata: (sanggol) ½ tasa, 4 na ulit

maghapon pagkatapos kumain at bago matulog.(2-6 na taon) 2 kutsarita, 4 na ulit maghapon pagkatapos kumain at bago matulog.

Page 3: Mga Halamang Gamot

Abukado• Para sa Sakit ng Ngipin• humiwa ng maliit na

piraso ng buto ng abukado na lalapat sa butas ng ngipin. Gamitin pamasak sa butas ng ngipin. Palitas 2 beses maghapon.

Page 4: Mga Halamang Gamot

BayabasPara sa Pagtatae• Pakuluan ng 15 minuto ang 10

tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.

Dosis: • Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon

at bawat pagdumi ng malabnaw.• Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit

maghapon.• (2-6 na taon) ¼ tasa, 3 ulit

maghapon.• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit

maghapon.

Page 5: Mga Halamang Gamot

AmpalayaGamot para sa almoranas• Maghugas at magtadtad ng

mga ugat, bunga, at buto kumuha ng kalahating tasa nito at katasin. Haluan ng 2 kutsarang langis ang katas, Basain ng bulak ang pinaghalong katas at langis at ipahid sa almoranas pagkatapos ng paligo.

Page 6: Mga Halamang Gamot

AkapulkoPara sa Herpes• Katasin ang mga dahon. Lagyan ng katas ang mga sugat.Para sa Alipunga• magdikdik ng murang dahon at katasin. Lagyan ng katas

ang pagitan ng mga daliri at iba pang bahaging may kapansanan pagkatapus banyusan ang mga ito ng tubig na may makabuhay.

Para sa Buni• Magdurog ng 5 dahon, ikuskos ang katas sa bahaging may

karamdaman, 3 ulit maghaponPara sa Bulate• magsangag ng isang tasa ng mga tuyong buto. Dikdikin ng

pino at haluan ng isang tasang gatas o tubig. Dosis:• Matanda: 1 kutsara, 2 oras pagkatapos ng hapunan• Bata: (7-9 na taon) ¼ na kutasarita, 2 oras pagkatapos ng

hapunan• (10-12 taon) ½ kutsarita, 2 oras pagkatapos ng hapunan.• PAHIWATIG: ulitin kung kailangan pagkaraan ng isang

linggo.

Page 7: Mga Halamang Gamot

AlagawPara sa ubo • pakuluan ng 15 minuto ang isang

tasa ng tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig, salain at pigaan ng 2kalamasi. Haluan ng 1 kutsarang asukal.

DOSIS : • MATANDA : ½ tasa bawat 4 na

oras. • BATA : (Sanggol ) 1 kutsarita

bawat 4 na oras .( 2-6 taon ) 2 kutsara bawat 4 na oras. ( 7- 12 na taon ) ¼ na tasa bawat 4 na oras.

Page 8: Mga Halamang Gamot

Niyog- niyoganPara sa mga bulate ( tiwa ) • kumain ng mga buto nito, 2

oras pagkatapos ng hapunan. Ulitin kung kailangan, pagkaraan ng 1 linggo.

DOSIS : • MATANDA : 10 buto. • BATA : ( 4-7 na taon ) 4 na

buto ( 8-9 na taon ) 6 na buto. ( 10 – 12 taon ) 7 buto

Page 9: Mga Halamang Gamot

PandanPara sa pananakit ng pantog• magpakulo ng isang tasang

tinadtad na sariwang dahon ng pandan sa dalawang baso ng tubig sa loob ng 15 minuto.

Dosis:• Matanda : 1 tasa,tatlong

beses isang araw.• Bata: (2-6 taong gulang)1/4

tasa,tatlong beses isang araw. (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit sa isang araw.

Page 10: Mga Halamang Gamot

LagundiPara sa Bulutong tubig (pag

nilalagnat)• Pakuluan ng 15 minuto ang 4

na kutsara ng tinadtad na tuyong dahon o 6 na kutsarang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.

Dosis:• Matanda: 1 tasa tuwing 4 na

oras.• Bata: (sanggol) 1 kutsara

bawat 4 na oras

Page 11: Mga Halamang Gamot

AlugbatiPara sa mga

naknak at pigsa • Magdikdik ng 2

dahon at itapal 2 ulit maghapon.

Page 12: Mga Halamang Gamot

Luyang Puti• Gamot sa masakit na

lalamunan dahilan ng pamamaga bunga ng tinatawag na tonsilitis. Pampaganda ng boses, para rin sa minamalat.

Paraan:Kumuha ng maliit na pirasong luya at balatan, nguyain at kainin. Puwede ring kumuha ng katas nito, ihalo sa tubig at inumin na parang salabat.

Page 13: Mga Halamang Gamot

MakahiyaPara sa dayarya• pakuluan ng 10 minuto ang isang tasa ng

bawat tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.

Dosis: • Matanda 1 tasa, 3 ulit maghapon at

bawat pagdumi ng malabnaw.• Bata:(sanggol) 1 kutsara,3 ulit maghapon.• (2-6 na taon) ¼ tasa,3 ulit maghapon.• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon.Para sa Beke• magligis ng dahon hanggang sa maging

malagkit. Itapal sa namamagang bahagi ng ilalim ng tainga pagkatapos ng malamig na pimento. Itapal hanggang 30 minuto, 3 ulit maghapon.

Page 14: Mga Halamang Gamot

GisolPara sa Beke• tadtadin ang

mga suwi nito. Itapal sa beke ng 30 minuto, 3 ulit maghapon.

Page 15: Mga Halamang Gamot

Tanglad• Para sa dayarya• Pakuluan ng 10 minuto ang 10 murang

dahon sa 2 basong tubig. Lagyan ng isang kutsarang asukal at isang maliit na piraso ng dinikdik na luya.

• Dosis:• Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon at

tuwing dudumi ng lusaw, o malabnaw.• Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit

maghapon at tuwing dudumi nang malabnaw.

• (2-6 na taon) ¼ na tasa, 3 ulit maghapon at tuwing dudumi ng malabnaw

• (7-12) ½ tasa , 3 ulit maghapon at tuwing dudumi ng malabnaw.

Page 16: Mga Halamang Gamot

KamiasPara sa lagnat • pakuluan ng 15 minuto ang

3 tasa na tinadtad na sariwang dahon sa isang galong tubig. Salain. Gamitin ang tubig para sa malamig o mainit na punas na paligo.

Para sa beke• magtadtad ng mga bunga

at masahin sa loob ng 30 minuto, 3 ulit maghapon.

Page 17: Mga Halamang Gamot

ManggaPara sa rayuma o pananakit ng mga

kasukasuhan • Pakuluan ang isang pirasong

tinadtad na balat ng puno. Gamitin ang pinakulong tubig para sa mainit na pomento.

Para sa galis-aso • Kumuha ng sapat na dami ng

dagta sa puno o sa balat nito at haluang mabuti ng langis. Pahiran nang sagana ang bahaging may galis, 2 bese maghapon pagkatapos maligo at bago matulog sa gabi.

Page 18: Mga Halamang Gamot

Okra(Buto)Para sa lagnat• magsangag ng mga tuyong buto at

dikdikin ng pino. Kumuha ng ½ tasa at pakuluan ng 15 minuto sa 2 basong tubig. Palamigin at salain.

Dosis: • Matanda: 1 tasa, tatlong ulit

maghapon pagkatapos kumain.• Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit

maghapon pagkatapos kumain• (2-6 na taon) ¼ na tasa, 3 ulit

maghapon pagkatapos kumain.• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit

maghapon pagkatapos kumain.

Page 19: Mga Halamang Gamot

PapayaPara sa talamak at pangmatgalang cystitis• pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa

ng tinadtad na mga sariwang dahon at isang tasa ng tinadtad na hilaw na bunga sa 4 na basong tubig.

Dosis: • Matanda: 1 tasa,3 ulit isang araw.• Bata: (2-6 na taon) ¼ tasa,3 ulit

maghapon.• (7-12 taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon.Para sa impatso• kumain ng hinog na papaya bilang

isang pang himagas,lalo ung kumain ng marami. Ang papaya ay tumutulong sa pagtunaw ng protina

Page 20: Mga Halamang Gamot

Sibuyas• Pananakit ng lalamunan -> alisan ng

balat ang sibuyas. Ang katas nito ay ihalo sa pinakuloang suka na kasingdami rin ng katas ng sibuyas.

• Gamot sa rayuma -> alisin ang balatng sariwang sibuyas at ihalo sakasingdami ring langis ng mustasa. Ito ay mabuting panghaplos.

• Sakit ng ulo, himatay o pagkalason sa takbo o mga sugat-> katas ng sibuyas ang ihalo sa kasingdami ring langis ng mustasa.

• Pampalusog-> sa mga bata ay makakapagpalusog ang sibuyas na may kasamang asukal.

• Pampaalis ng bulate-> ang katas ng sibuyas ay mabisang pampaalis ng bulate at iba pang parasito na nabubuhay sa tiyan.

Page 21: Mga Halamang Gamot

PatolaPara sa Almoranas• Hugasan at tadtadin

ang 20 dahon at pakuluan ng 10 minuto sa 2 galong tubig. Salain.

• Gamitin itong paligo sa pigi.

Page 22: Mga Halamang Gamot

PinyaPara sa Tiwa(mga bulate)• kumain ng 2 hanggang 3 hiwa

ng hinog na pinta tuwing matapos kumain sa loob ng isang linggo.

• PAHIWATIG: Kung ang mga tiwa ay lumabas sa gabi, alisin ang mga ito sa pamamagitan ng kapirasong bulak na binasa ng langis. Palitan ang mga sapin ng higaan,mga panloob na kasuotan, at padyama bago matulog sa gabi sa loob ng isang lingo.

Page 23: Mga Halamang Gamot

Damong Maria• Panlunas sa karaniwang sakit ng

tiyan. • Hugasan nang malinis ang halaman

(katawan at dahon) at pakuluan satubig. Gamiting inumin ang tubig napinagkuluan.

• An g damong maria ay siyangginagawang pampaligo ng mga bagongpanganak upang mainitan angkatawan. Mabuti rin itong inumin samga sakit ng mataas ang dugo,diyabetes, sikmura. Mahusay din itonggamot sa mga peptic ulcer o sakit sasikmura, at mga sugat sa bituka.

Page 24: Mga Halamang Gamot

KalamansiGamot sa Anghit• magkatas ng mga dahon

ng buyo at haluan ng katas ng kalamnsi.

Dosis:• Ipahid na parang

deaodorante tuwing matapos maligo at sa pagtulog.

Page 25: Mga Halamang Gamot

SambongPara sa mga naknak at pigsa• Magdikdik ng 5 dahon, itapal dalawang ulit

maghaponPara sa talamak at pangmatagalang sakit sa pantog• Pakuluan ng 15 minuto sa isang tasang tinadtad

na sariwang dahon sa 2 basong tubig.Dosis:• Matanda: ½ tasa, 3 ulit sa isang araw.• Bata: (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon• (7-12 taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon.Para sa sakit ng ulo dahil sa sinusitis• Lamukusin ang 5 dahon at idarang na isa-isa sa

apoy, itapal samantalang mainit pa sa noo para sa frontal sinusitis at sa pisngi para sa maxillary sinusitis. Palitan ang lumamig na dahon ng bagong init na dahon hanggang sa magamit na lahat ang lima. Dalawang ulit gawin sa isang araw.

Page 26: Mga Halamang Gamot

BawangPara sa alipunga• Balatan ang isang puso ng bawang at tadtarin.

Kuskusin ang nangangating bahagi, 2 ulit sa isang araw.

Para sa Buni • Balatan at durugin ang isang pusong bawang

at ikuskos sa bahaging may impeksyon hanggang ito ay mamula. Gawin ito ng 2 ulit maghapon, minsan sa umaga pagkatapos maligo, at bago matulog.

Para sa sakit ng Lalamunan • Maghugas ng isang piraso at balatan. Ilagay sa

bibig at panatilihin ng ilang sandal, nguyain ng dahan-dahan at lunukin ang katas.

Para sa pananakit ng Ngipin • Humiwa ng maliit na piraso na sapat sa butas

ng ngipin. Ipasak sa butas ng ngipin at gawin ito 2 beses sa isang araw.

Page 27: Mga Halamang Gamot

Tsaang- gubat

• Ginagamit bilang disinfectant ng mga bagong panganak • Panglunas sa pagtatae • Dahil sa mataas na flouride content, ginagamit ito bilang

pangmumog upang maisawan ang pagkasira ng ngipin • Panglunas sa disinterya • Ginagawang tsaa para sa buong kalusugan ng katawan • Ang pinakuluang ugat ng tsaang gubat ginagamit na

panglunas sa pagkalason sa gulayParaan:• Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin ang mga ito.

Pakuluan ang isang tasang tinadtad na dahon ng tsaang gubat sa dalawang tasa ng tubig. Pakuluan sa mahinang apoy ng 15 hanggang 20 minutos at salain.

• Uminom ng isang tasang pinakuluang dahon tuwing lilipas ang apat na oras para sa pagtatae at sakit ng tiyan

• Gamitin din ito bilang pang mumog para makatulong sa pag-iwas ng pagkasira ng ngipin

Page 28: Mga Halamang Gamot

Kang-kongPara sa Tibi• Ubusin ang 2

tasa ng nilagang panahon ng pagkain.

Page 29: Mga Halamang Gamot

KantutayPara sa ubo• pakuluan ng 15 minuto ang isang

tasa ng tinadtad na sariwang dahon at bulaklak sa 2 basong tubig.

Dosis: • Matanda: ½ na tasa ,3 ulit maghapon• Bata: (2-6 na taon)2 kutsara,3 ulit

maghapon• (7-12 taon)1/4 tasa,3 ulit maghaponPara sa beke• -magdikdik o magtadtad ng mga

dahon, itapal sa namamagang gladula sa loob ng 30 minuto 3 ulit maghapon.

Page 30: Mga Halamang Gamot

Karot• Ang karot ay gulay na

mayaman sa bitamina, puwedeng kainin ng bata at matanda na nagtatae.

Paraan: Kainin ng sariwa para sa matanda, lutuin para sa mga bata.

Page 31: Mga Halamang Gamot

KaymitoPara sa dayarya(pagtatae)• pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng

tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.Dosis:• matanda: 3 ulit maghapon at bawat

pagdumi ng malabnaw.• Bata: (sanggol)7 kutsara,3 ulit maghapon

at bawat pagdumi ng malabnaw.• (2-6 na taon) ½ tasa,3 ulit maghapon

bawat pagdumi ng malabnaw.• (7-12 na taon) ½ tasa,3 ulit maghapon at

bawat pagduming malabnaw.Para sa mga namamagang gilagid at bibig• pakuluan ng 10 minuto sa 2 basong tubig

ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon. Gamitin pang-mumog.

Page 32: Mga Halamang Gamot

KugonPara sa Dayarya(pagtatae)• -pakuluan ng 15 minuto ang tinadtad

na sariwang ugat sa 2 basong tubig.Dosis: • matanda: 1 tasa,3 ulit maghapon at

bawat pagdumi ng malabnaw• Bata: (sanggol) 1 kutsara,3 ulit

maghapon at bawat pagdumi ng malabnaw.

• (2-6 na taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon at bawat pagdumi ng malabnaw.

• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon at bawat pagdumi ng malabnaw.

Page 33: Mga Halamang Gamot

Buhok ng maisPara sa talamak na pananakit

ng pantog.• Pakuluan ng 15 minuto ang

2 tasa ng tinadtad na sariwa at murang buhok ng mais 4 na basong tubig.

DOSIS : • Matanda : 1 baso, 3 beses

maghapoon.• BATA : ( 2-6 na taon ) ½ tasa

, 3 ulit maghapon.• ( 7- 12 na taon ) 1 tasa,3 ulit

maghapon.

Page 34: Mga Halamang Gamot

Yerba buenaPara sa sakit ng ngipin• dikdikin and sariwang dahon

at kunin ang katas. Basain ang bulak ng konting katas ng dahon. Ilagay ang basang bulak sa loob ng butas ng ngipin.

• Paalala: Ang gamot na ito ay pansamantalang pantanggal ng sakit ng ngipin dahil sa butas. Kumunsulta sa dentist para sa tamang pagamot.

Page 35: Mga Halamang Gamot

SulasiGonorrhoea,

sakit na rayuma at paakaparalisa,

Paraan:• Katas galing sa

ugat at dahon

Page 36: Mga Halamang Gamot

OreganoPara sa Ubo• Pakuluan ng 15 minuto ang isang

tasang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig.

Dosis: • Matanda: ½ tasa, 3 ulit

maghapon.• Bata: ( sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit

maghapon.• (2-6 na taon) 2 kutsarita, 3 ulit

maghapon.• (7-12 taon) ¼ na tasa, 3 ulit

maghapon.

Page 37: Mga Halamang Gamot

MayanaPara sa pagdurugo ng Sugat• Hugasan ang mga

murang dahon at katasin. Lagyan ng ilang patak ang sugat at itapal ang kinatas na dahon. Bendahan, wag mahigpit upang hindi maintala ang sirkulasyon ng dugo.

Page 38: Mga Halamang Gamot

MalunggayPara sa Tibi • Kumain ng isang

tasa ng nilagang dahon sa panahon ng pagkain.

Page 39: Mga Halamang Gamot

AtisPara sa pagkawala ng malay• kung ang pasyente ay

humihinga at ang pulso ay malakas,lumamukos ng dahon ng atis.

• ipaamoy ito sa pasyente, ilagay ito sa tapat ng ilong hanggang magkamalay ang pasyente.

Page 40: Mga Halamang Gamot

BungaPara sa mga

namamagang gilagid at bibig.

• Balatan ang 3 bunga. Dikdikin at pakuluan ng 10 minuto sa 2 basong tubig gamiting pang- mumog o panglinis ng bibig.

Page 41: Mga Halamang Gamot

GugoPara sa balakubak• Ibabad ang gugo sa isang

palanggana ng malamig na tubig sa loob ng 30 minuto bago magsiyampo. Pigain ang gugo sa tubig at dagdagan ng katas ng 3 kalamansi. Basaing mabuti nito ang buhok at gamitin din itong siyampo. Banlawang mabuti.

Page 42: Mga Halamang Gamot

DuhatPara sa namamagang

gilagid at bibig • pakuluan ng 10 minuto

ang tinadtad na 10 sariwang dahon sa 2 basong tubig. Gamiting pang mumog o panlinis ng bibig.

Page 43: Mga Halamang Gamot

GumamelaPara sa mga Naknak at

Pigsa• Magtadtad ng 5 dahon

at 2 bulaklak, itapal, 2 ulit maghapon.

Para sa lepong• mag dikdik ng 5 dahon

at katasin, itapal sa parte ng nalulugong buhok.

Page 44: Mga Halamang Gamot

Madre kakawPara sa eksema• magsangag ng 10

buto at dikdikin. Itapal sa bahaging may kapansanan pagatapos ng pomento o pagbabad sa mainit na tubig.

Page 45: Mga Halamang Gamot

KalatsutsiPara sa Hika• Magbilot ng 2 tuyong dahon. Gamiting tulad ng sigarilyo,

isa sa umaga at isa sa hapon.Para sa Herpes• Katasin ang mga dahon, lagyan ng katas ang bahaging

may kapansanan, 3 ulit maghapon. Para sa Galis-Aso• Pakuluan ang isang tasa ng tinadtad na mga sariwang

dahon at isang maliit na sanga sa kalahating tasang langis ng niyog sa loob ng 5 minuto. Palamigin at isilid sa isang bote para sa mga sumusunod na paggamit. Ipahid nang sagana sa bahaging may kapansanan pagkatapos maligo.

Para sa Pamumutok ng Balat at Dermatitis• Kumuha ng dagta sa puno at haluan ng ilang patak na

langis. Lagyan nito ang balat na may kapansanan. Para sa pangangati ng Balat at Alerdyi• Kumuha ng katas mula sa dahon at puno. Haluan ng

langis ng niyog. Pahiran ang may kapansanang balat, 2 ulit sa isang araw.

Page 46: Mga Halamang Gamot

Sampaguita• Para sa lagnat at ubo: Pinakukuluan ang

bulaklak at dahon nito. • Para sa ulser: Dikdikin ang bulaklak o

dahon at ilagay sa apektadong parte ng tiyan.

• Para sa lagnat at malimit na pagbabaws: Gumamit ng 3 hanggang anim na gramo ng pinatuyong dahon o bulaklak at ihalo sa iba pang gamot.

• Para sa pamumula at pamamaga ng mata: Pakuluin ang pinatuyong bulaklak at ihugas sa mata.

• Para sa pilay at bali ng buto: Gamitin ang ugat at ihalo sa iba pang gamot at ilagay sa bahaging apektado.

• Para sa pampalasa: Gamitin ang bulaklak na pampalasa sa tsaa.

Page 47: Mga Halamang Gamot

Luyang dilawGamot sa balakubak, sa may lagnat na

nabinat, sa may rayuma o nananakit na kasu-kasuan

• Paraan:• a) Para sa may balakubak, magdikdik ng

lamang-ugat o suwi (dahon), imasahe ang katas sa anit at buhok. Hayaan magdamag at magsiyampu kinabukasan.

• b) Magdikdik ng suwi, ihalo sa langis ng niyog. Lagyan ng konting asin at ipahid sa masakit na parte.

• c) Kumuha ng 1 kutsaritang luyang dilaw na pulbos, ihalo sa 1 tasang maligamgam na tubig. Ipainom sa may lagnat o nabinat. ½ tasa, 3 ulit maghapon.

Page 48: Mga Halamang Gamot

Tawa-tawaGamot sa dengue• Narito kung paano ang naghahanda

ng tawa tawa herbal na gamot:• Kumuha 5-6 buong tawa tawa halaman• Gupitin na ang mga ugat• Hugasan mabuti ng malinis• Punan ang isang palayok ng may malinis na tubig at pakuluin• Pakuluan ang tawa tawa ng isang minuto sa kumukulong tubig sa mahinang apoy• Ibuhos ang tubig ng tawa tawa at palamigin• Hayaan ang biktima ng dengue ay uminom lamang ng tubig ng tawa tawa para sa 24oras• Uminom ng isa hanggang isa’t kalahating baso ng tawa tawa bawat oras

Page 49: Mga Halamang Gamot

KamantiguePara sa alipunga • Magtadtad ng mga bulaklak. Itapal sa

bahaging may kapansanan pagkatapos mabanyusan ang paa.

Para sa Buni • Magpisa ng 5 hanggang 10 bulaklak. Ang

dami ay ayon sa impeksyon. Katasin. Itapat sa may bahaging impeksyon sa loob ng 30 minuto, 2 ulit maghapon.

Para sa kagat ng ahas • Magligis ng 10 bulaklak .Itapal ito sa sugat

pagkatapos na mapadugo.Para sa Pilay sa bukong- bukong at pulsuhan. • Magdikdik ng 2 puno na may dahon. Itapal

sa loob ng 30 minuto; 3 beses maghapon. Bendahan ang tapal.

Page 50: Mga Halamang Gamot

MALAYANG TALAKAYAN…..

Page 51: Mga Halamang Gamot

SALAMAT PO…….