Upload
reigh-vistal
View
84.219
Download
93
Embed Size (px)
SI MANNY PACQUIAO AT ANG POLITIKA
DAPAT BA O HINDI DAPAT NALUMAHOK SI MANNY PACQUIAO SA POLITIKA
SA HALALAN SA TAONG 2010?
INTRODUKSYON:
Balagtasan...pagpapalitan ng katuwiran sa pamamagitan ng tula....patalasan ng
isip...paligsahan sa diwa...bilang parangal sa ama ng tulang tagalog na si Francisco Balagtas. Ito ang inyong...Balagtasan!
LAKANDIWA:
Isang paksang sa panahon ay talagang nababagay
Ang sa ngayo’y itatampok sa ngalan ng Balagtasan;
“Dapat ba o Hindi Dapat na lumahok sa halalanAng dakilang boksingerong Manny Pacquiao ang
pangalan?”Tanong itong sasagutin at bibigyang-katuwiranNg makatang naririto at nais kong anyayahan.
Kaya’t sino mang naritong sa pagtula ay may hilig,
Aking inaanyayahang pumagitnang buong-kisig;Ang nais ko sa pagbigkas ay may rima at may
himig,Yaong tulang kung pakingga’y lumilikha pa ng
awit;Dito’y inyong patunayang sa larangan ng
panitik,Tayong mga Filipino’y may isipang matalisik.
DAPAT: (Sa Ibaba ng Tanghalan – Panawagan)
Maginoong Lakandiwa, ako ngayo’y sumasagotSa pangalan ni Balagtas na makatang lubhang
bantog;Iyang inyong paanyaya’y tinatanggap kong
malugod,Payag ako na si Pacquiao sa halalan ay
lumahok;Kapag siya ay nagwagi’t sa tungkulin ay
naluklok,Buong baya’y liligaya’t magdiriwang tayong
lubos.
Idolo ng Filipino — at si Manny ay kilalaNa may pusong makatao’t kabutiha’y kitang-
kita;Siya’y dangal nating lahat nang manalo’t
makibakaSa kapuwa boksingerong sa suntuka’y kayang-
kaya;Kaya nga O, Lakandiwang may masusing
paanyaya,Ako ngayon ay tulutang makapanhik sa tribuna.
LAKANDIWA:
Kung ang iyong mga tula ay madiwa at mainam,
Halika na at umakyat sa ibabaw ng tanghalan;Sa tula mong bibigkasi’y iyo ritong patunayangIdolo mong boksingero’y nararapat sa halalan;
Sa paglapit ng makata’y hinihiling ko rin namang
Salubungin natin siya ng matinding palakpakan.
DAPAT: (Sa ibabaw ng tanghalan – Pagpupugay)
Ako’y buhat sa Lagunang lalawigan ng pag-ibig,Sa bayan ng mga puto, ng kutsinta at pinipig;
Ako ngayo’y manunulang naghahandog ng panitik
Sa naritong kababayang nakabukas ang ulinig;Lingkod ninyong si Rafael Pulmano ay
nagsusulit,Paglahok sa politika ni Pacquiao ay tama’t
matwid!
HINDI DAPAT: (Sa Ibaba ng Tanghalan – Panawagan)
Sinungaling na makata, walang turing at pangahas
Boksingero ay ibig mong sa halala’y mamayagpag;
O, Mahal na Lakandiwa, tutol ako't kasalungatNg makatang naghahambog kung tumula at
maghayag;Ang makatang ganyang uri’y para lamang ibong
uwakNa ang ngala’y sinasambit habang siya’y
lumilipad.
Sakali man na si Manny, may magandang kapalarang
Maging isang boksingerong dinakila sa suntukan;
Bakit siya isusubong pumalaot sa halalan,Sa maruming politikang likmuan ng
tampalasan?Lakandiwang ngayong gabi’y may anyayang
mahinusay,Kung ako ay tinatanggap, handa ako sa tulaan.
LAKANDIWA:
Malugod kang tatanggapin kung ang iyo ngayong dala
Ay kampilan ni Balagtas at tulaing magaganda;Umakyat ka sa tanghalan at sabihin kung sino
ka,Saka dito’y ipagtanggol ang panig mong buong-
sigla;Kung ikaw ay desididong sa tulaa’y lumusob na
—
Hinihiling ko sa madla'y palakpakang masagana.
HINDI DAPAT: (Sa ibabaw ng tanghalan – Pagpupugay)
Mula ako sa Batangas, mga lipi ng TagalogSa ang tula’y inaawit kung ang puso’y
nadudurog;Ang ngalan kong isinuga ng tadhana sa bulaos
Ay si Lamberto B. Cabual na binubo sa pag-irog;Ang tanong ng Lakandiwa’y sasagutin kong
masinop:Aayaw ko na si Pacquiao sa halala’y manibulos!
LAKANDIWA:
Yamang dito’y may makatang kapwa handang manaludtod
At ibig na magpasiklab sa maraming nanonood;Itong panig nitong Dapat ang una kong
itatampokNa si Manny ay tulutang sa halala’y makilahok;Sa pagtindig ni Pulmanong may giting at lakas-
loob,Palakpakang masigabo ang sa kanya ay isuob.
DAPAT: (Unang Tindig)
Sa ilalim ng Saligang Batas nating umiiral,Ganito ang nakasaad na tadhanang buong-
linaw:Hindi pwedeng maihalal na pangulo ang sino
man,Maliban kung siya'y isang Pilipino nang isilang;Botante syang rehistrado, Pilipinas ang tirahan,
At marunong na magsulat at magbasa... Si Pacquiao yan.
Sinadya ng nagsiugit ng sagradong Konstitusyon
Na bigyan ng tsansang patas ang sino mang may ambisyon;
Na maglingkod sa gobyerno at maluklok sa posisyon,
Mahirap man o mayaman, kapos man o sobrang dunong;
Pwede kahit ang artista, aktibista, manananggol,
Ekonomist, boksingero, o anchor ng TV Patrol.
Kaya ako'y nagtataka sa makata ng BatangasNa hindi ko mapagwari ang punto ng
pagbabargas;Ang People's Champ ibig ko ngang sa halalan
mamayagpag,Ngunit hindi bilang bokser sa kasino ng Las
Vegas;Kung di bilang Filipino, res'dente ng PilipinasAt botanteng marunong din sa pagbasa at
pagsulat.
Si Manny pag nagtampisaw sa maruming politika
Ay may mga nangangambang matutulad na rin
siyaSa maraming politikong pagnanakaw inuuna,
Para itong isang sakit na matinding makahawa; Ang alin mang karamdaman, pag ginamot, may
pag-asa,Subali't kung pabayaan, pwedeng maging
epidemya.
Alalaon baga, bunying katunggali, kung paanoAng labadang marurumi, sa halip na iwasan mo,
Ay harapin mo at labhan, gamitan ng pampabango,
Gayon din ang ating bansang nalulugmok sa impyerno;
Kailangan ang matino, matapang at may prinsipyo,
At si Manny 'Pacman' Pacquiao ang angkop na kandidato!
LAKANDIWA:
Unang tindig ni Pulmano’y may hagupit na panggulat
Sa katalong sa tingin ko’y nakadukmo sa pag-ilag;
Nguni’t ako’y may akalang may sa-palos kung umiwas
Ang magiting na makatang nagbuhat pa sa Batangas;
Sa pagtindig ni Cabual sa pagaspas ng habagat,
Ang hiling ko’y palakpakang atikabo’t walang kupas.
HINDI DAPAT: (Unang Tindig)
Hindi ako nambabargas, lalong hindi naabusoSa takbo ng politikang itinatag ng gobyerno;Di rin ako tumututol sa marangal na kataloNa Saligang Batas nati’y may tadhanang
makatao; Nguni’t, bayan, mag-isip ka…ang tsampyon
bang boksingeroAy may batas na gagawin kung mahalal sa
Kongreso?
Si Pacman man ay kilala…boksingerong may kalidad,
Idolo ko’t idolo rin nitong aking kabalagtas;Ang mundo ng boksingerong may tagumpay na
matatag,Sa mundo ng politika’y lupa’t langit yaong
agwat;Kung siya ma’y may kamaong parang lintik
kung ibigwas,Pagpasok sa politika’y bangkay siyang
maaagnas!
Ang lengwahe ng kamao at lengwahe niyang dila
Ay larangang magkaiba’t magkalayong di kawasa;
Talumpati sa Kongresong matalisik at madiwa
Ay iba sa pambubuntal ng kamaong walang sawa;
Boksingero’y sampay-bakod, kumbaga sa manunula,
Sa bulwagan ng batasang politika ng hiwaga.
At si Manny ay lumaki sa pagsasanay ng boksing,
Nagbuhos ng kakayahan at tiyagang buong-giting;
Oo, siya’y nagpunyagi’t ang tagumpay nang sapitin
Ay inulan ng papuring bantayog ng dangal natin…
(Bawa’t tao’y kanya-kanya ng maselang na tungkuling
Itinakda ni Bathalang masinop na talimahin.)
Ganyan din ang politikong hinuhubog ng panahon,
Simula sa pagkabatang maghanda sa kanyang misyon;
Kung matukso’t magahaman sa salaping sangkabunton,
Mananagot siyang tiyak pagdating ng Armagedon;
(Manny Pacquiao, makinig ka: “Politika ay patibong—
Lumagi ka, sa boksing mong biyaya ng Panginoon!”)
LAKANDIWA:
Ibig yatang magkahalo ang balat sa tinalupan,Nang tumindig ang makatang napatanyag sa
Batangan;Nguni’t itong kabalagtas na may dupil sa
tulaan,Tila ibig nang sumagot at gulpihin ang kalaban;
Sa pagtindig ni Pulmanong may unos na tangan-tangan,
Palakpakan natin siya’t sa pagtula’y nang ganahan.
DAPAT: (Ikalawang Tindig)
Unang banat pa lang nitong kalaban kong may amnesia,
Nalimutan na kaagad kung ano ang aming tema;
Anya, bayan, kung si Manny ay mahalal, mag-isip ka...
Aba, bayan, pagboto mo't di pagboto'y bahala ka!
Iya'y iyong karapatan, ang kay Manny nama'y iba:
Dapat ba s'ya o di dapat pumasok sa politika?
Magkaibang lubha, ayon sa makatang Batangueño,
Lengwahe ng kongresista't lengwahe ng boksingero;
Sa interbyu, kahit Ingles ni Manny ay
kumakanto,Nakatigil, nakatutok sa TV ang buong mundo;
Beteranong mambabatas kaygagaling magdiskurso,
Ngunit sino'ng nakikinig? At sino ang may respeto?
Malabis na minaliit ng katalong mapangutyaAng purol ng pag-iisip ng idolo nating madla;
Mga turo ng Bibliya nalimutan na rin yataNa ang tunay na talino sa Maykapal
nagmumula;Si Manny ay maka-Diyos, di n'ya ikinahihiya
Ang magdasal di gaya ng mga trapong walang hiya!
Sa tanong ng kalaban kong "Ang tsampyon bang boksingero
Ay may batas na gagawin kung mahalal sa Kongreso?"
Sa aklat ng Lumang Tipan, sa bahagi ng Eksodo,
Bukod pa sa Sampung Utos, may iba pang libu-libo;
Na batas na naisulat, alam mo ba ng kung sino?Si Moises na isang pastol, gabay niya'y Diyos
mismo!
LAKANDIWA:
Lumalao’y gumaganda itong ating Balagtasan,Kaya ako ay titigil na lagi na sa pagitan;
Papagitna lamang ako kung talagang kailangan,Nang di sila maabala sa maalab na sagutan;Ang titindig ngayong muli sa pagbigkas na
mainamAy si Cabual ng Batangas — palakpakan ang
ialay.
HINDI DAPAT: (Ikalwang Tindig)
Hindi dapat na manangan sa pagiging isang tanyag
Ang idolong boksingero nitong ating bansang liyag;
Kabalagtas, ilingap mo ang pananaw at magmatyag
Na boksing at politika’y parang sagang walang tapyas;
Boksing ngani ay mapula nguni’t itim ang kabiyak,
Ang ulap ng politika ay kay Manny magbabagsak.
At sapagka’t sa botante’y marami pang dungo’t mangmang,
Si Pacquiao ay maaaring sa eleksyon magtagumpay;
Kung sakaling mananalo: anong ating aabangan —
Ang gagawin kaya’y ano sa Kongresong kalalagyan?
Mga pagak na artistang nahalal sa katanyagan —
Kabilang na siya roon — na malimit
pagtawanan!
Sa Senado’t sa Kongreso ang “Artista” ay tama na,
Huwag nating pabayaang komedyante…dagdagan pa;
Kung si Manny ay may budhing makabayang sumisinta,
Di na siya magmimithing sa halala’y mag-abala…
(Sa distrito-politikal ng Mindanao na kay sigla,Ay ano ba ang gagawing pamalakad na
maganda?)
Manunungkulan ba siya sa tulong ng tagapayoAt bungkos ng alipores na kampon ng mga
tuso?Sila-sila’y may adyendang pansariling itotodo —Baligho ang mangyayari…magboksing man sa
Kongreso!(Si Pacquiao ay pagpugayan bilang bidang
boksingero,Subali’t sa politika…batuhin ng mangga’t puto.)
DAPAT: (Ikatlong Tindig)
Marami ngang dungo't mangmang sa botanteng mamamayan,
Marami ang nabibili ng salaping kumikinang;Marami rin ang may utang na loob na
tinatanaw,At maraming hindi hamak ang uhaw sa
katarungan;Kahinaan ng lipunang sinasamantala naman
Ng pinunong tanging hangad sarili ang paglingkuran.
Ito'y mga kahinaang naghahanap ng unawa,Kahinaang humihingi di ng limos o ng awa;
Kahinaang naghihintay ng matapat na kalinga,Kahinaang si Pacquiao lang ang pag-asa nitong
bansa;Isang bansang nananabik maibalik ang tiwala,
Sa gobyernong malaon nang ang dangal ay nawawala.
Bakit silang mga dungo at mangmang ay pumapatol
Sa artista't boksingerong kapwa nila di marunong?
Sa kanila nasisilip ng botanteng nagugutomAng pag-asang di matanaw sa henyong
administrasyon;Kahit hungkag na pag-asang bunga lamang ng
ilusyon,Kapalit ng nakaupong hanggang buto ang
korapsyon.
HINDI DAPAT: (Ikatlong Tindig)
Kung si Manny ay talagang may hangaring makatulong
Sa bansa at kababayang nakaharap sa daluyong;
Limutin ang politika! Bumuo ng isang layon
Na magtayo ng Youth Center na sa bayan nauukol;
May karate, boksing, tenis, paglalangoy at basketbol —
Kompleto sa pasilidad — ako’y diyan kasang-ayon.
Sa ganito’y malalayo ang kumpol ng kabataanSa hibo ng bisyo, droga, basag-ulo’t kahalayan;Magagawa niya ito…tutulong ang karamihang
Foundation sa ating bansang makatao’t makabayan;
(Hindi ba’t sa Paranaque, Training Center ay kay inam,
sa sikap ni Flash Elorde, sa boksing din hinangaan?)
Di naabot ni Elorde ang kay Pacquiao na naabotSa tugatog nitong boksing na tila ba gintong
bundok;Subali’t si Flash Elorde ay may diwa’t niloloob
Na sa baya’t kabataan magmalasakit nang lubos…
(Di pagtulong ang kay Pacquiao na hangaring binubunsod,
Manapa’y self-aggrandisement—parang matsing naglalagot!!!)
DAPAT:
Maganda ang panukala at payo ng kabalagtas,Yan nga'y kaya niyang gawin, ngunit bakit
tinatagpas;Bakit nililimitahan ang kaniyang abilidad?Bakit tanging ang pagiging boksingero'y
itatatak?(Siya nama'y may talento sa iba ring kapasidad,
Rekording nya't pelikula'y tinangkilik din ng lahat!)
Kung siya ay nanatiling boksingerong pang-amatyur,
Di nagsikap na maging pro at umakyat ng dibisyon;
Kung siya'y di pinayagang sa kanbas ay makatuntong,
Walang Manny Pacquiao tayong bayani ng buong nasyon;
Ganyan din sa politikang masusubok lang ang bisyon,
Kung hindi mo pagkaitan ng tsansa't pagkakataon.
HINDI DAPAT:
Tsansa at pagkakataon? — nakuha na niyang lahat,
Nang magboksing, mag-artista't mag-commercial na palabas;
Ayaw pa ba naman niya sa tayog ng pagkatanyag?
At gusto pa na sa langit ang kapritso’y makalampas;
(Samantalang itong bayan — ibong sawing umiiyak,
Kasakimang bagamundo’y may parusang nakagayak.)
Sa ngalan ng politika’y hindi lamang yaong puso
Ang marapat na ibigay sa kabayan at kabaro;Kailanga’y self-expression — kakayahang
katutubo —Si Pacquiao ay wala niyan, totohanan man o
biro;Di ko hangad na ang tanyag na si Manny —
mabalaho,Ihahantad ng kalaban kapintasan niya’t baho!
DAPAT:
Hindi siya naghahangad ng higit pang katanyagan,
Nais lamang makatulong sa bayan nyang minamahal;
Kapintasan niya't baho di na dapat pagpistahanNa tila ba mas matino ang maraming iba riyang
Mapoporma, magagaling, mahuhusay, mararangal,
Ngunit sobrang mangurakot at ang mukha'y makakapal!
HINDI DAPAT:
Ang mukha nga ay kakapal kapag laging ipipilitSi Pacquiao sa politikang may tala nga’y walang
langit;Walang salang masisira ang imahen niya’t kisig,
At sa hangad na kagitna ay sansalop ang mapalis;
Masasayang ang inimpok na dignidad at dolyares
Ng idolo nitong lonang parisukat na malinis.
DAPAT:
Si Manny ay nagkukusang masagip ang Pilipinas,
Ikaw nama'y mas pursiging si Pacquiao ang mailigtas;
Gumastos man sa kampanya si Pacman ng limpak-limpak,
Sa sariling pawis mula at di galing sa kulimbat!
HINDI DAPAT:
Di man galing sa kulimbat, ang salapi’y masasayang,
Kung gastusin sa kampanyang may nag-ambang kasalanan;
Gugulin na ang dolyares sa proyektong maiinam
Na para sa mga dukha’t di sa bugok na halalan.
DAPAT:
Proyektong mas matutupad pag si Manny ay nahalal,
Bilang meyor, gobernador, na pwesto ring politikal.
HINDI DAPAT:
Politikal niyang pwesto kung ano mang kahinatnan,
Pipingas sa dangal niya at sa ating kabansaan.
DAPAT:
Dating dukha, ramdam niya ang dusa ng mamamayan,
Simbolo sya ng pag-asa ng sikmurang kumakalam.
HINDI DAPAT:
Kumakalam na sikmura'y patay-mali sa pag-asam,
Tinatanaw na simbolo – bantayog ng dusa't panglaw!
DAPAT:
At kanino pa aasa ang mahirap? Sa mayaman?Sa matayog yaong aral kahit na nga
mapanlamang?
HINDI DAPAT:
Kung si Manny ay idolong pag-asa ng karukhaan,
Hindi dapat na "pagamit" sa kuhila’t salanggapang.
DAPAT:
Silang sukab, salanggapang at sipsip ang pagbawalan!
HINDI DAPAT:
Pagbawalan mo si Manny sa hibo ng kahibangan!
DAPAT:
Makulit ka! Kung gusto mo, tayo na lang magsuntukan!
HINDI DAPAT:
Ang suntok ng Batanggenyo’y simbagsik ng bulkang-Taal!
DAPAT:
Iboto si Manny Pacquiao!!
HINDI DAPAT:
Ang isip mo’y baliw…hibang!!!
LAKANDIWA:
Magsitigil kayo ngayon kung ayaw na mahambalos,
Imisin ang mga kalat, bibilangin na ang puntos;Lumalalim na ang gabi at kayo na'y namamaos,
Baka tayo abutin pa ng manok sa pagtilaok;Kababayang kanina pa matiyagang nakatutok,
Paulanan ng palakpak ang dalawang nagpanuntok.
Alin man sa politika at boksing ay mayrong dangal
Ngunit knockout kapag sila'y kombinasyong pinagsabay
Pagkat hindi maaaring paglingkuran ng sino man
Ang dalawang panginoon sang-ayon sa Bagong Tipan
Ang panahong gugugulin sa gobyrerno pag nahalal
Hindi pwedeng isisingit sa ensayo twing may laban.
Sa boksing ang buong bansa – sundalo man o rebelde,
Oposisyon o pro-Gloria – napag-isa na ni Manny;Pati mga mandurukot at pulis na nanghuhuli,Sa TV ay nakatutok, tahimik ang bawat kalye;Ang ganitong di nagawa ng sibilya't militari,Parang bulang sasambulat sa eleksyon kung
sasali.
Naiangat na ni Pacquiao ang imahe nitong bansa,
Huwag sanang matukso pang mag-anyaya ng pagkutya;
Bayani na siya ngayon sa mata ng buong madla,
Huwag sanang magpasulsol sa kati ng ibang dila;
Nguni't ako'y nalilihis sa tungkuling nakatakdaBilang isang tagahatol sa dalawang
nagpambangga.
Si Pulmano ang may sabing sa usapang nakalahad,
Paglahok sa pulitika ni Pacquiao ay nararapat;Ito nama'y tinutulan ni Cabual na hindi payag,Dahil ayaw anya niyang idolo ay mapahamak;Sino nga ba sa kanila ang higit na nakaangat,
At dapat na maging kampeon sa labanang walang puknat?
Atin muling sariwain ang katwirang isinaysay,Ng makatang taga-Biñan na Dapat ang
pinanigan;Si Pacquiao daw ay simbolo ng pag-asang di
matanaw
Ng botanteng nangangarap maahon sa karukhaan;
Di raw sagwil sa hangaring maglingkod sa kababayan,
Ang alam na kakarampot dahil Diyos ang gagabay.
Niliwanag ni Rafael na ang paksa'y nakatuonSa kung dapat o di dapat na lumahok sa
eleksyon;O pumasok sa politics si Pacquaio na boxing
championNa aniya'y karapatang personal ng may
ambisyon;(Kung dapat o hindi dapat iboto sya'y ibang
tanong,Na botanteng mamamayan naman anya ang
hahatol.)
Karapatang magsumiksik sa tanggapang politikal,
Konstitusyon mismo natin malinaw daw na sandigan;
Paggalang ng mga tao kay Manny ay gayon na lang,
Maski Ingles butaw-butaw, buong mundo'y nagpupugay;
Sa halip na awatin sya dahil baka "gamitin" daw,
Silang mapagmanipula ang dapat na ipagbawal.
Panig naman ni Lamberto ng Batangas na nagtanggol,
Sa Di Dapat ang katwirang busisiin natin ngayon:
Sa larangan daw ng boksing si Manny nga'y isang kampeon,
Subali't sa politika magmumukha siyang kengkoy;
Hindi na raw kailangang maghangad pa ng posisyon,
Kung talagang nais lamang sa bayan ay makatulong.
Mga proyektong pang-isports ang dapat daw pagtuunan,
Sa halip na politikang patibong sa kanyang dangal;
Binanggit na halimbawa'y Flash Elorde ng nagdaan
Na nagsikap makatulong ilayo ang kabataanSa bitag ng mga bisyong naglipana sa lipunan,
Itinayong Training Center, marami ang nakinabang.
Kahit na raw makatao ang saligan nating batas,Ang boksing at politika ay lupa't langit ang
agwat;Ang bagsik ng kamao nyang mabangis at
walang habag,Sa larangan ng suntukan ay di pwedeng
ipantapat;Sa talas ng pag-iisip at dulas ng pangungusap
Na puhunan sa kongreso ng hinog na mambabatas.
Tungkulin kong Lakandiwang sa nagtalo ay igawad
Ang hatol na mahalaga nang maingat na maingat;
May matuwid si Rafael sa pagtulang mabanayad
Na si Pacquiao sa halalan ay tumakbo at mangarap;
Nguni't dito kay Lamberto na ang diwa'y nagniningas,
Katwiran din na si Manny sa eleksyon ay di dapat.
Anupa nga't wala akong maitulak at kabigin,
Kapwa sila may magandang ninanasa at layunin;
Nangangamba tuloy akong ang sinuma'y siphayuin,
Pagkat baka mapintasan at bansagang walang turing;
Ang hiling ko'y palakpakan sila't huling tagubilinAy kayo na ang humatol – ang mabuti ay
pulutin!
PAMAMAALAM:
Sa nakalipas na mga sandali ay sumainyo ang...Balagtasan! Magpadala ng inyong hatol sa
Balagtasang ito...At habang papalayo ang kumakaway naming mga kataga...alalahanin nating ang masining na Filipinas ay mayaman
sa Balagtasang walang kamatayan. Salamat sa inyong pakikinig...
PEOPLE POWER VS. GMA?
Dapat ba o hindi dapat na mag-People Power Revolution ang mga Pilipino upang patalsikin sa
Malacanang si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA)?
Mula sa panulat ni Rafael A. PulmanoDINAPOCO MACATIIS — nagtanggol sa panig
ng DAPATMASIGASIG MAGTANGGOL — nagtanggol sa
panig ng HINDI DAPATSOLOMON JURADO — namagitan bilang
LAKANDIWA
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Kababayan at Kalahi, tayo ngayon ay may tanong
Na sa inyo ihihingi ng sagot at ng solusyonDapat ba o hindi dapat patalsikin sa posisyonSi GMA sa paraang People Power Revolution?
Si GMA – Mga kasong sa kanya ay inuugnayZTE Deal na umano'y sangkot din si First
Gentleman,Hello Garci Controversy sa eleksyong may
dayaan,At ang pondong nawawala dahil sa Fertilizer
Scam.
People Power Revolution – Di madugong himagsikan
Kung saan ang mga tao, sama-sama, kapit-kamay
Nagtitipon sa kalsada, taimtim na nagdarasalMapayapang hinihiling mabakante Malacanang.
Bukas na ang entablado sa ibig na makilahokIlahad ang nalalaman, ilabas ang niloloob:
Ang Pangulong si GMA na umano ay kurakotKung dapat na paalisin, People Power ba ang
sagot?
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Sa bigat ng akusasyon at sa dami ng paratangAt sa dusang dinaranas ng hirap nang
mamamayanKailangan mapatalsik, Pangulo sa Malacanang
People Power Revolution ang mabisang kasangkapan.
Dinopoco Macatiis ang lingkod nyong kumakatok
Sa sinumang makalaban, handa akong makihamok
At sa paksang napakinggan, malinaw ang aking sagot:
Ang panig ng DAPAT ang syang pinili kong itaguyod.
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Sa lahat ng naririto, naririyan, naroroonBumabati muna akong si Masigasig Matanggol
Noong una, pangalawa, pumatok ang Rebolusyong
People Power, ngunit ito ay wala nang 'power' ngayon.
Akusasyon at paratang, sabi-sabi, haka-hakaWala namang matibay na ebidensyang
mapakitaNais lang ng oposisyon, ang maghari nama'y
silaMaliwanag: HINDI DAPAT ang panig kong
isasangga.
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Dalawa nang mabilasik sa pagtula ang naritoBaka tayo'y magkagulo kung gagawin silang
tatloSimulan na agad natin ang banggaan ng
berdugo
Sa panig ng DAPAT, Bayan, ibigay ang palakpak nyo!
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Ang posisyon ng Pangulo ay galing sa mamamayan
Na bumoto upang siya'y iluklok sa katungkulanKaya naman mamamayan ang mayron ding
karapatanNa ito ay kuning muli pag Pangulo ay pasaway.
Ang paraan ng pagbawi sa binigay na posisyonMaaaring isagawa sa susunod na eleksyon
Ngunit kung di na mahintay, lehitimo pa ring option
Ang maghain ng Impeachment, magdaos ng Snap Election.
Ang Pangulo'y maaaring magbitiw rin namang kusa
At ipasa ang tungkulin sa Bise Presidente nyaSubalit kung sa luklukan, kapit-tuko syang
talagaResignation, Snap Election, at impeachment,
walang tsansa.
Kung talagang parang lintang walang balak sumantabi
Kahit sukang-suka na nga ang bumotong nagsisisi
Taong bayan, pag nag-aklas, civil war ang mangyayari
Pag sundalo, nag-coup d'etat, baka Junta ang maghari.
Di kaylangan ang magbuhos ng dugo ang Pilipino
Di kaylangan ang magbuwis ng buhay ng kapwa-tao
May paraang mapayapa, nagawa na natin itoPeople Power ang bubuwag sa baluktot na
gobyerno!
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Maaanghang na kataga ang kaagad binitiwanNg makatang Dinapoco Macatiis ang pangalan
Si Masigasig Magtangol, sunod nating pakikinggan
Salubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Unang EDSA Revolution, unang People Power Revolt
Nagpatalsik sa diktador at pamilyang mga Marcos
Bahagi ng kasaysayang naulit pa sa EDSA DosNang si Erap, pinakulong at si Gloria, iniluklok.
Kasaysayang nagsimula sa magandang
simulainSa pag-asang mas gaganda ang takbo ng buhay
natinNgunit ano ang nangyari? Sa gobyerno naron
pa rinAng kurakot na sistema, mas malala pa sa
kanser.
Kahit ilang People Power pa ang gawin, walang silbi
Pagod na ang taong bayan sa pagmartsa at pag-rally
Dahil kahit na sino pa'ng maluklok sa Presidency,
Ang pagbago sa kultura ng korapsyon, imposible.
Saka mga pagpaplanong si GMA patalsikinDahil siya'y iniugnay sa kaso ng ZTE dealNg testigong whistle blower sa ginawang
Senate HearingPawang tsismis, pulitika, gimik, luma nang
tugtugin.
Kaya sayang, sayang lamang kung babalik sa lansangan
At mag-People Power muli ang sawa nang mamamayan
Mabuti pang magtrabaho, wag na tayong makialam
Sa bangayang pulitikal at wika nga ay "Let's move on!"
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Mahinahong pinagtanggol ni Masigasig ang panig
Samantalang kanina pa tila hindi makatiisAng kaniyang katunggaling muli ngayong
nagbabalikSalubungin ng palakpak, pampagana't
pampainit!
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Totoo bang pagod na nga sa People Power ang madla?
Hindi kaya prayoridad lamang nila ay sikmura?Araw-araw, dumarami isang kahig, isang tukaIba'y di pa makakahig dahil trabaho ay wala.
Bakit walang matrabaho? Bakit masa'y naghihirap?
Gayong ayon kay GMA, ekonomya'y umaangat?Ang dahilan, iilan lang kasing mga mapapalad
Ang maswerteng yumayaman kung bansa nga'y umuunlad.
Sila'y mga kaalyadong mayaman na'y nayaman pa,
Kaibigang negosyante, kakampi sa pulitika,Mga corrupt sa gobyerno, mga puno ng
ahensyaMahihilig mangumisyon, mangupit,
magdelihensya.
Tingnan na lang ang ZTE Broadband Network Deal na palpak
Na saksi pa si GMA sa pagpirmahan ng contractNang kontrata ay naglaho, ang balita'y
sumambulat,Kalahati daw ng presyo, komisyon ng taga-
Wack Wack!
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Nagbabagang katuwiran, mababagsik na salitaWalang takot na sinambit ng magiting na
makataAng kalaban, ano kaya ang sagot na itutudla?
Palakpakan nating muli at dinggin ang kanyang tula!
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Ang makatang katunggali ay pangahas magparatang
Gayong ito'y pawang tsismis at mahina ang batayan
Si Rodolfo 'Jun' Lozada, na witness sa ZTE scam,Isang Probinsyanong Intsik, magaling lang sa
iyakan.
Marami sa sinabi nya ay hearsay at haka-hakaNgunit walang ebidensyang mas kapani-
paniwalaKung susundin ang mahigpit na proseso ng
HustisyaSino man sa sinangkot nya, hahatulang walang
sala.
Aminin na ang totoo, wag na sanang magkunwari
Pakana ng oposisyon si Lozada at ZTEGayon na rin ang isa pang whistle blower na si
JoeyPara alsin si GMA, sila naman hahalili.
Suma-total, pulitika, pulitika't walang ibaAng dahilan kaya tao'y nagagalit, nag-aalma
Madre, guro, estudyante, ginagawang raliyistaGinagatungan ng mga ambisyoso sa Kamara!
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Umiinit, kumukulo, paakyat na sa sukdulanAng bakbakan ng dalawang nagsisipag-
BalagtasanAko muna ay tatabi at sila na'y hahayaan
Palakpakan nating muli, Kababayang minamahal!
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Kung tunay ngang walang timbang ang lahad na testimonya
Bakit kaya tinangka pang kidnapin si Jun Lozada?
Pati si CHED Secretary Neri, bakit, bakit nga baPinipigil ng Palasyong tumestigo't magladlad
na?
Kung malinis ang kunsyensya, walang bahong tinatago
Bakit ang E.O. 464, di bawiin ng Palasyo?Bakit nga ba tila takot na mabunyag ang totoo?
Bakit pati taumbayan, niloloko't ginagago?
Panahon na upang tayo'y kumilos at makialamPatalsikin ang pinunong kurakot sa pamahal'anSa impeachment tayo'y bigo, at malabo syang
mag-resignPeople Power Revolution, sasagip sa ating
bayan!
MASIGASIG MATANGGOL (HINDI DAPAT)
Bakit ipi-People Power si GMA na nagsikapNa iahon itong bansa sa lusak ng paghihirap?
Lumalago ang GNP, ang piso ay tumataas,Kampante ang negosyante, unemployment
lumalagpak.
Bakit itong ekonomyang pinaunlad ni ArroyoPilit namang winawasak ng magulong pulitiko?Bakit hindi makiisang Strong Republic ay itayo?Bakit ang "Politics of Hate" ang pilit ibinabato?
Problema ng ating bansa, hindi dapat nilulutasSa paraang emosyonal, pag-iingay, pag-aaklasAng maruming pulitika, sa halip na mapaunlad,
Ekonomyang maganda na'y muli nitong ibabagsak!
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Kalaban ko na rin mismo ang tumumbok sa problema
Kung bakit di makuntento kay GMA mga masaMarami pa hanggang ngayon, sa pagkain
sumasalaMarami ang nagtitiis na sa abroad paalila.
Ekonomya ni GMA ay hanggang istatistiks langPagkat ito'y di madama ng maraming
mamamayanPaano nga'y nahuhuthot o di kaya't nahaharang
Ng tiwaling namumuno at kasabwat sa nakawan.
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Corruption di mapipigil kahit sino ang maupoPeople Power, di solusyon kung hangad ay
pagbabagoMas mainam patapusin si GMA sa termino
Kaysa maging problema pa'y ang papalit na Pangulo.
Kung si Bise Presidente Noli de Castro luluklokMarami ring tumututol, ninenerbyos, natatakot
Si Erap daw ay English lang ang na-corrupt, nabaluktot
Si Kabayang Noli kaya, anong uring paglilingkod?
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Katunggaling hindi kalbo, ibig yatang magpatawa
Sa layuning mailihis itong paksa naming dal'waSino man ang hahalili, yan ay bukod na
problemaNa sa ibang Balagtasan nararapat na igisa.
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Hindi ako nagbibiro, kailangan nitong bansaAy pinunong matalino, matalas ang pang-unawa
Kaya tayo may eleksyon, upang bayan ang humusga
Pumili ng nararapat na mamuno sa kanila.
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Karapatang ninakaw na ni GMA nang tawaganNya si Garci sa Comelec kahit bawal at ilegal!
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Pulitika'y isantabi, isulong ang kaunlaran!
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Kaunlarang nagpipyesta'y mga corrupt na opisyal!
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Si GMA ay di corrupt, mahal nya ang ating bayan!
DINAPOCO MACATIIIS (DAPAT)
Baka naman minamahal lamang niya'y kabang-bayan?
MASIGASIG MAGTANGGOL (HINDI DAPAT)
Sinungaling! Mapanlamang!
DINAPOCO MACATIIS (DAPAT)
Naroon sa Malacanang!
SOLOMON JURADO (LAKANDIWA)
Itigil ang pag-aaway! Kayo muna ay kumalmaKapwa kayo may katwiran, may punto ang
bawat isaKababayang kanina pa nagmumuni't
nakangangaPalakpakan nating muli ang magiting na
dalawa!
Patalsikin si GMA? O hintayin ang eleksyon?Palitan sa 2010? O People Power na ngayon?
Pagpalain tayong lahat ng Dakilang Panginoon...
Kayong madlang pipol na po ang humusga at humatol.
DIBORSYO SA PILIPINAS
DAPAT ba o HINDI DAPAT na payaganang diborsyo sa Pilipinas?
Mula sa panulat nina:GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng
DAPATELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng
HINDI DAPATRAFAEL A. PULMANO —namagitan bilang
LAKANDIWA
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Marubdob na pagbati po ang nais kong iparating
Sa lahat ng nakikinig dito sa Pag-usapan NatinNarito po kaming muli upang kayo ay aliwin
Sa buwanang Balagtasang labanan ng magagaling.
Rafael A. Pulmano po ang lingkod nyong
nagpupugayTubong Binan, Laguna po, Tagalog na sadyang
tunayLakandiwa po ang aking papel ditong
gagampananTagahatol, tagahusga, tagasaing din po minsan.
Araw po ng mga puso ngayong buwan ng Pebrero
Kaya tungkol sa pag-ibig ang paksa ng pagtatalo:
Sa sariling bansa nating mas marami ang Kristyano,
Ay dapat ba o di dapat magkaroon ng diborsyo?
Batid ko pong kayo mismo'y may sariling panindigan
Ngunit pakinggan po natin ang panig na ilalaban
Ng Reyna po at ng Hari nitong ating BalagtasanWag na nating patagalin, sila'y ating
palakpakan!
HINDI DAPAT (Pagpapakilala)
Inip akong naghihintay na sumapit itong gabiUpang ako'y magpatunay sa makatang
katunggaliNa di dapat ang diborsyo sa bansang itinatangi
Pagkat hindi naayon sa Maykapal at sarili.
Kababayang minamahal, tulutan po muna akoAng sa inyo ay magpugay nang taos sa aking
pusoAdvanced Happy Valentine's Day, diwa nito'y
sumainyoAng lingkod nyong dili't iba, si Elvie V. Espiritu.
DAPAT (Pagpapakilala)
Tulad po ng nararapat, pagbati ko ay tanggapinIsang maligayang oras, pagpupugay kong
taimtimSa matapang na kahamok, ala-Teksas talisainSa labanang magaganap, tari muna ay hasain.
Salungat sa nababatid ng makatang paralumanNararapat ang diborsyo sa ating bansang
tinubuanHanda akong makibaka sa abot ng kakayahan
Gonie Mejia po, sa di pa nakakaalam.
LAKANDIWA
Narinig po ninyo kapwa ang dalawang magbabangay
Pareho pong nagbabanta; sino kaya'ng mas matibay?
Umpisahan na po natin ang unang round ng bakbakan
Si Miss Elvie Espiritu'y muli nating palakpakan!
HINDI DAPAT (Unang Tindig)
Sa simula ay pagtibok sa mga puso't damdaminNg dalisay na pag-ibig sa dalawang
magsinggiliwKatugunan din sa utos bago lubos magkapiling
Sa simbahan o sa huwes ang dalawa'y bubuklurin.
Sa dambana kapwa sila mangangako't manunumpa
Habang buhay walang maliw na sila ay magsasama
Nagsidalo'y mga saksi, higit na nga ang Lumikha
Hindi bagay na malabag sa hirap man o ginhawa.
Pag-aasawa'y kasabihang hindi kaning isusuboNa iyong mailuluwa kapag ikaw ay napaso
Bago ito ay suungin dapat nating mapagtantoAng larangan na ganito ay di gawang biru-biro.
Likas sa ating Pilipino ang paggalang sa Maykapal
Sa aral Niya'y sumusunod, higit na sa kautusanAng kasal ay itinakda sa banal na kasunduan
Na di dapat na humantong sa malagim na hiwalay.
Ang sa aki'y pagtatanong, huwag lamang ipagdaramdam
Nitong aking katunggaling salungat ang kabatiran
Kapag sinabing “Yes, I do” ng dalawang ikakasal
Di ba't ito'y kahulugang sumpang di dapat maparam?
LAKANDIWA
Ang dagundong ng katwiran ni Elvie po'y parang lindol
Ngunit tila hindi yata nayayanig ang humamonNgumingit-ngiti lamang si Gonie pong kutis-
sanggolPalakpakan din po natin at dinggin ang
itutugon!
DAPAT (Unang Tindig)
“Yes, I do” ang magbubuklod sa dalawang ikakasal
Nang lubusang mapag-isa at sa buhay magkatuwang
Ang bisa ng kasamyento'y hanggang mayrong unawaan
At kung ito'y naglaho na, diborsyo ba'y tututulan?
Ang bukas na hinaharap ay di natin nababatidPanahon ay nagbabago, parang hanging
umiihipGayon din sa mag-asawa, di ko lahat idinadawit
Kung ngayo'y nagkakasundo, may sandaling nawawaglit.
Kasalanan pang mas higit ang isang pagkukunwari
Kung pagsasama'y di normal, habang buhay ang lunggati
Mainam pang maghiwalay pagkat dito ang sariliAng tanging nilalamangan, sinasaktan na
sakbibi.
Sa batas ng ating bansa ay may separasyong legal
Sa tuntuning kabanalan naaayon ang hiwalayDanga't ito'y itinutulot nang mayroong
kasunduanKatunayan pa ring ako ang nasa tamang
katwiran.
Sa musmos mang pang-unawa ay tukoy ang nagaganap
Ang pintas sa pagsasama, sumasapit na lang sukat
Pagmamahal naglalaho sa puso ng magkapilasAng magsama pa sa bubong ay hindi na
nararapat.
LAKANDIWA
Ang tao, pag nag-aaway, ay mentras pong pinipigil,
Lalo lang daw nag-iinit, parang asong nanggigilKaya sila'y hahayaan ko na hanggang umagahin
Kapag meron na pong tumba ay saka ko aawatin.
HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)
Marami ang kaalamang lihis sa katotohananKatulad ng kahidwa kong di tapat yatang
magmahalKatugon ba ay diborsyo kung mayroong
sigalutanAng dalawang magkapilas? Sa wari ko'y hindi
bagay.
Sa ganang akin ay batik sa malinis na pangalanNg sino mang mga anak na magulang ay
hiwalayPaano niya masasabing sila'y mga mapagmahal
Kung mismong ama at ina, sa diborsyo'y nagkawalay.
Paano rin sasabihing tapat ka nga kung sumintaSamantalang sa asawa'y nilisan mo ang halaga
Tiwala ng iyong kapwa mapapawing parang bula
Tingin sa iyo ay maliit, hindi ako nangungutya.
Sa batas man ay mayroong hiwalay na pinagtibay
Ngunit tayo'y may sariling damdamin at kaisipan
Na sikaping mapagyaman ang sagradong
pagmamahalSa kabiyak ng iyong puso na tungkuling
nakaatang.
DAPAT (Ikalawang Tindig)
Hindi lubos na matukoy ng dilag kong katunggali
Ang lawak ng kapintasang matatamo ng sariliHalimbawang ang kapilas, nagtaksil at
nadiskubreAng patuloy na magsama ay mayroon pa bang
buti?
Kapag anak ay sumapit sa tama at wastong gulang
Ang respeto'y magbabalik sa nagdiborsyong magulang
Marapat din bang pansinin ang paglibak ng lipunan
Kaysa maging isang hamak sa sarili pang tahanan?
Katapatan sa simula sa mag-asawa'y mapupunaSa di naglaong panahon tumatabang ang
pagsintaLalo't puso nila kapwa'y nahuhumaling sa iba
Sa kanila'y tumatabang ang banal na pagsasama.
Hindi man inaasahang ang ganito'y sumasapitDapat bang ang magkabiyak, patuloy
magsamang pilit?Di ba dapat bigyang laya ang kanilang ninanaisNa hanapin na sa iba ang pintuho nilang langit?
HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)
Bawat pukol na matuwid nitong aking kahidwaan
Ay pawa pong mga lisya, kayhirap maunawaanHahanguin ko'y talata sa Aklat ng kabanalan
Taliwas sa kanyang batid, ganito ang nilalaman:
Kapag kasal ay naganap, ang dalawa'y pinag-isa
At pirmihang magbubuklod nando'n man ang pagdurusa
Ang pinabigkis ng langit sa utos na nakatalaAy hindi na makakalas ng kahit sinong nilikha.
Dahil ang tao'y marupok, sa kautusan lumalabag,
Iginigiit ang hiwalay ayon din sa nahahayagNgunit hindi nararapat ang humanap ng ibang
liyagPagka't iya'y pangangalunya, sa Marcos diyes
nahahayag.
DAPAT (Ikatlong Tindig)
Sa tugon ng kahidwa ko lumilitaw na malinawNa sadya ngang karapatan ang gawang
paghihiwalayTama nga't pangangalunyang humanap ng
ibang mahalNgunit po ang aming paksa ay kung dapat ang
hiwalay.
Kung atin pong susuriin sa palakad ng lipunanMay batas na hindi hango sa banal na kasulatanAng nais ko pong tukuyin ay ang annulment ng
kasalAt iyan ay hindi kaila sa ating mga kaisipan.
Tama nga't tayo'y marupok, hindi ako tumututolPagkat tayo ay nilikhang nasasangkot sa
panahonKapintasan nga ba kaya ang batas na
tumutugonSa hiwalay na nabanggit? Ang sa aki'y
pagtatanong.
HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)
Maganda po itong tanong, ngayo'y aking sasagutin
Di ba't tao'y kakaiba ang paniwala't adhikain?Ipinagtatanggol ko'y di dapat na iyan ay pairalinPiling panig ko sa paksa, di ba kayang unawain?
Ang bansa pong Pilipinas na Perlas ng Silanganan
Ay lupain ng Kristyanong may panalig sa Naglalang
Ligaya nga ba ng anak kung sa ama ay susuway?
O ama ay matutuwa kung siya'y nilapastangan?
DAPAT
Walang anak na naghangad na sa ama'y magsuwail
Tayo lang ay nangingilag mga sarili'y dayainMayroon pa bang katinuan kung pagsasama'y
nagdilimNa nilambong halimbawa ng asawang
talusaling?
Dahil dito'y inuri kong ang hiwalay ay matimbang
Kaysa sa habang panahong dangal ay mayuyurakan
Kung sakali bang mangilag sa ganitong kapintasan
Ang panig kong tinutugon, turing ba ay kasalanan?
HINDI DAPAT
Sa hangad yatang magwagi sa laban ng katagisan
Naglulubid ng salitang wari ko'y mga paratangDilat po yata ang mata ngunit tulog ang isipanO baka po kinakapos sa tunay na kaalaman?
DAPAT
Ang tanong ko'y maliwanag, ang sagot po ang madilim
Ng makatang paralumang lumilihis kung wariinHindi pa ba nasasapat kaysa nandoon ang
hilahil,Mainam pang tumalikod kaysa lugmok sa
panimdim?
HINDI DAPAT
Sa buhay bang walang wakas ay sino ang tinatanggap?
Di ba't iyong sinaktan na at nagpataw ng patawad?
DAPAT
Kautusan di po namang mahalin mo ang sariliAng hiwalay ay dapat lang kung ito'y
nakabubuti.
HINDI DAPAT
Ang hiwalay ay di dapat sa ating bansang tinubuan!
DAPAT
Lakandiwa ang huhusga nang ito'y mapag-alaman!
LAKANDIWA (Paghatol)
Lakandiwa ang huhusga kaya ako'y narito naMagpahinga muna kayo at ang bibig ay isara
Kayo namang kababayang kanina pa nakanganga
Ipabaon sa kanila'y palakpakang pampagana!
Mahaba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy,
Balagtasa'y may hangganan, at sa dulo ay may hatol:
Diborsyo sa ating bansa'y angkop nga ba't naaayon?
Ang sagot ni Elvie'y hindi, si Gonie ay Oo'ng tugon.
Ani Elvie, mag-asawa'y sumusumpa sa dambana
Walang maliw na pagsinta ang alay sa isa't isaSaksi yaong nagsidalo at gayon din si Bathala
Na sila ay magsasama sa hirap man at ginhawa.
Di raw kaning isusubo't iluluwa pag napasoAng kasal ng magsinggiliw na di anya gawang
biroKapag dalwa'y pinagbuklod sa palitan ng “Yes I
do”Kamatayan lang ang pwedeng kumalag sa tali
nito.
Ang katwiran po ni Gonie, ang lahat ay nagbabago
Habang merong unawaan, may bisa ang kasam'yento
Ngunit pag sa isa't isa, ang respeto ay naglahoKaysa anya magkunwari, mabuti pang
magdibors'yo.
Ginamit na halimbawa'y pag nagtaksil sa sumpaan,
Ano'ng silbi raw ng kasal kung iba na'ng minamahal?
Higit pa raw tatatanggapin ang pagkutya ng lipunan,
Kaysa maging isang hamak sa sarili niyang bahay.
Ang katwiran nila'y ganyan, ang sa akin nama'y ito:
Ang kasal ay mula sa D'yos, ang diborsyo'y gawang tao
Sa bibliya'y nasusulat, ang nagwika ay si Kristo,“Pinagbuklod ng D'yos ay wag pagh'walayin nga
ng tao”.
Kung diborsyo'y hahayaang umiral sa ating bansa
Ang pundasyon ng pamilya ay bubuway at hihina
Walang saysay ang sumpaan at “Yes I do” sa dambana
Kung sa huli'y p'wede palang mapawalan itong bisa.
Ang lahat nga'y nagbabago sa panahong lumilipas
Ngunit ang salita ng D'yos kaylan ma'y di kumukupas
Mahusay mang mangatwiran ang makatang taga-Tarlac,
Ang korona ng tagumpay, kay Elvie ko igagawad!
MATALINO VS. MAYAMAN
SINO ang mas sikat at higit na dapat hangaan:MATALINO o MAYAMAN?
Mula sa panulat nina:JULIET ASENITA — nagtanggol sa panig ng
MATALINO; kasamangsumulat ng iskrip si GONIE T. MEJIA
RAFAEL A. PULMANO — nagtanggol sa panig ng MAYAMAN
DOMINGO TOLENTINO — namagitan bilang LAKANDIWA
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawidKababayang minamahal, ilakas ang radyo't
makinigDalawang magaling na makata, Balagtasa'y
ihahatidMagandang gabi po muna sa lahat ang bati
naming matamis.
Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahan
Upang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsanGinaganap natin ito bawat unang Lunes ng
buwanAng tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y
balagtasan.
Para kay Ginoong Robert Generao ng FT Construction
Tugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayon
Marami pong salamat sa panawagang kanyang tinugon
Ang paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon.
Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging Lakandiwa
Na siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwa
Para naman inspirado, ang kaba ko ay mawalaMaaari bang makahiling ng palakpakang
masagana!
Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamat
Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharap
Ang tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganap
Pakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak.
Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasan
Na ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?
Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?
Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.
Matapos na maihayag ang katanungang tutugunin
Ang dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawin
Si Juliet Asenita ang siyang unang tatawaginSa matunog na palakpak siya'y ating suubin!
MATALINO (Pagpupugay)
Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbas
Kaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayag
Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawad
Maligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.
LAKANDIWA
Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paraluman
Likas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumaban
Pakinggan naman natin ang makatang makakapingkian
Iniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan.
Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makataNakilalang magaling din sa larangan ng pagtulaSi Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura pa
Salubungin natin siya ng palakpakang masagana!
MAYAMAN (Pagpupugay)
Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinigAko po ay bumabating buong galak, kinikilig!Sa kalaban ko po namang madilim din yaong
kutisKung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y
bilib.
LAKANDIWA
Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkian
Ay tila ba mainit na ang kanilang labananPara naman ang pananabik nyo ay hindi mabitin
Sila pong dalawa ay atin nang pagitnain.
MATALINO (Unang tindig)
Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulang
Ang talino'y kabahagi sa magandang pamumuhay
Ito'y isang katangiang tataglayin habang buhayKarunungan ay hagdanan sa pag-abot ng
tagumpay.
Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulan
Malawak ang nababatid, di kapos ang kaalamanNgunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit
mangmangMagagapi ang pag-asa ng kanyang
sinasakupan.
Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?
Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guro
Dunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.
Sariwain naman natin sa gunita ang lumipasSa dayuhang mananakop lumaya ang Pilipinas
Ito'y dahil sa utak ng isang henyo at pantasKay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang
itinumbas.
Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugonAng marapat na hangaan ay yung mga
marurunongKahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay
mapurolKasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.
LAKANDIWA
Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyoHigit na sisikat at hahangaan ay itong matalino
Pakinggan naman po natin ang makatang si Ralph Pulmano
Ihatid po natin siya ng palakpakang masigabo!
MAYAMAN (Unang tindig)
Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryoso
Baka labis pong magdamdam kapag dito ay natalo
Yamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalino
Hayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento.
Ang pulubing matalino at mayamang di marunong
Isang araw ay nagtagpo sa labas ng Mandaluyong
Mayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyon
Pagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom.
Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabi
Matalinong contract worker at mayamang negosyante
Ang bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte,Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa
Duty Free.
Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirapMayaman din, nag-aabroad, para naman
magpasarapSino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas
sikat?Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y
maliwanag.
May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatrasBalutin na ang dila mo habang di pa nagkakalat
Balagtasa'y hindi laging labanan ng mauutakKung minsan din, nagwawagi'y ang makatang
may pambayad!
LAKANDIWA
Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-BinanLalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga
mayayamanAt para naman lalo nating ito'y maunawaan
Magpapatuloy po sila at atin namang palakpakan!
MATALINO (Ikalawang tindig)Malabo po ang pananaw sa tunay na
nagaganapNitong aking katunggaling panalo ang siyang
hangadMagagawa bang gutumin ang may utak at ng
lakas?O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!
Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayaman
Upang lalo pang lumago sa panahon mang daratal
Ano kayang mangyayari kung wala yaong may aral?
Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan.
Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langit
Ang marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulit
Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiit
Limpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y napiit.
Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap?
Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag?
Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utakPati yaong baluktot na'y tuwid pa ring
sinusulyap.
MAYAMAN (Ikalawang tindig)
Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisalInamin pong ang may aral, lingkod lamang ng
may yamanPag nagsara ng negosyo ang mapera't may
puhunanAng kawawa'y ang marunong na kawaning
swelduhan lang!
Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't AdanParaiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahan
Sa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusan
Pati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan!
Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karununganYagit ka ring ituturing hangga't di ka
yumayamanAng taginting ng salapi ay musika sa lipunan
Pag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!
Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa,
Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansaAng dunong ng isang tao, pag sumobra ay
masama,Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng
tala!
LAKANDIWA
Sandali muna akong sa labanan ay papagitnaAng sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-biglaPara bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawala
Sa pagnanais na makasipa at makatuka!
Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwaSana ang hinahon sa inyo'y hindi mawala
Muli ay tumindig at sa labanan ay pumagitnaIhatid naman natin sila ng palakpakang
pampasigla!
MATALINO (Ikatlong tindig)
Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang pera
Ang sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang
nagdadalaKung sa mental humahantong ang may dunong
na sumobraSa walang alam pagkat tanga, may ospital nga
ba kaya?
Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasanPagkat walang itatangi kundi yaong kumikinang
Dahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihanNang dahil din po sa pera, nandyan ang
kapalaluan.
Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contract
Kaluluwa ng may dunong sa langit ay natitiyakDahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at
pilak,Na-cancel ang entry permit, inabot ay
hanggang ulap.
MAYAMAN (Ikatlong tindig)
Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipan
Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaan
Ang malungkot ay sila pang ignoranteng kababayan
Ang madaling naloloko ng rekruter na maalam!
Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi,
Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos Ama'y nagpupuri
Kalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangi
Made-deport sa impyerno pagkat passport pala'y peke!
Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dala
Sa mayaman, pagkat baka makulitan ang balana
Pasalamat ka na lamang, kaydami ng may diploma
Kinakalawang ang utak, walang trabahong makita!
MATALINO
Katunggali ang nagsabing ang tanga ay naloloko
Matuwid ang kahulugang dapat magpakatalinoSi Abraham at Isaac maging si Job ay may uloKaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo.
Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan,Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasanTalo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,
Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman!
MAYAMAN
Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong pa
Gayong halos lahat naman, nabibili na ng peraTalino ng abugado, duktor, hilot, kumadrona
Ay may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!
Sa labanang pasikatan, sino'ng unang papansinin?
Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin?
Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin?
O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y mamahalin?
MATALINO
Di katumbas ng halaga ang magandang kalooban
Iyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawan
Di sa panlabas na anyo nakikita ang katinuanKundi sa gawa ng taong may inaangking
kaalaman.
MAYAMAN
Ako yata ay naligaw sa labanang napasukanAkala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan?
Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang kalooban
Ay di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam!
MATALINO
Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligaw
Ang paghanga sa marunong, maingat sa daraanan!
MAYAMAN
Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalaban
Sa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!
MATALINO
Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoy
Mahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol!
MAYAMAN
Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y
kinukulangMagkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na
lamang!
MATALINO
Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala!
MAYAMAN
Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!
MATALINO
Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam!
MAYAMAN
Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw!
LAKANDIWA
Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawaAko namang Lakandiwa ang papasok sa eksena
Ang hiling ko sa dalawang makata ay magkamay na
At sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!
Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawin
Sa katwiran ng dalawa na mahirap arukinAt sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa
magagalingMarahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y
limiin.
Sa panig ng matalino na si Juliet AsenitaDahil daw sa talino, nakilala ang ating bansa
Talino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibakaMatalino raw ang siyang sikat at hahangaang
talaga.
At si Ralph Pulmano po sa panig ng mayamanDahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaanAt kung mayaman ka, magpakahirap ay di na
kaylanganTila may katwiran din ang makata ng Binan.
Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraanWalang pagsalang ito'y dapat nating hangaan
Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang
Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan.
Hahangaan mo rin ba ang isang mayamanKung wala namang malasakit sa kapwang
nahihirapan?
Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiran
Walang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan.
Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailangan
Datapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayaman
Yaman ang magpapakilos sa matalinong tauhanNgunit matalinong tauhan din, magpapatakbo
ng negosyo ng mayaman.
Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaan
Ang may angking talino ba o ang isang mayaman?
Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:Patas po ang naging laban, sila'y ating
palakpakan!
PAGSASABI NG TOTOO
DAPAT ba o HINDI DAPAT na lagingmagsasabi ng totoo?
Mula sa panulat nina:ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng
DAPATGONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng
HINDI DAPATRAFAEL A. PULMANO — namagitan bilang
LAKANDIWA
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Sa ayaw at sa gusto nyo ay narito kaming muliAng Samahang Makata po, taos-pusong
bumabatiAt sa munting Balagtasang inihanda ngayong
gabiAng mabuti'y pulutin po, ang masama ay
iwaksi.
RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod nyong kinikilig
Malugod na nagpupugay sa balanang nakikinigSa Balagtasan pong itong labanan ng matitinikAko po ang Lakandiwang sa usapin ay didinig.
Ang paksa pong hihimayin ng makatang magtatalo
Ay, "Dapat ba na palaging magsasabi ng totoo?"
Salubungin ng palakpak na masigla't masigaboAng dawalang sa larangan ng bigkasa'y kapwa
bagyo!
DAPAT (Pagpapakilala)
Dapat na katotohanan ang palaging sasabihinDalahin mo'y kasalanan kung ikaw ay
sinungalingElvie Espiritu po, bumabating mataimtim
At ang diwa nitong gabi, sumainyong walang maliw.
HINDI DAPAT (Pagpapakilala)
Hindi dapat na palaging totoo ang ihahayagPagkat ito magkaminsan sa iyo'y
magpapahamakKababayang nakikinig, isang maligayang oras
Gonie Mejia po lamang, pag-utusan nyo't tutupad.
LAKANDIWA
Buong linaw na naghayag ng kanilang niloloobAng dalawang magigiting na dito ay
magsasalpokAtin na ngang pag-untugin nang matesting
yaong tuktokSi Elvie po ang syang una, palakpak wag
ipagdamot!
DAPAT (Unang Tindig)
Sa isip nati'y namulat, banal na alituntuninSa mali'y huwag pabibihag, wastong daan ay
landasinTamang asal nga ba kaya kung minsa'y
magsinungalingKung dito ay malalabag, utos dapat nating
sundin?
Maliwanag ang tugon ko na iya'y huwag mapangyari
Pagkat isang kasalanan sa Maykapal at sariliMalinis na pagkatao, dapat sa ati'y mamalagiKaysa isang nabubuhay na may dungis yaong
budhi.
Tayo ay mga nilikhang sa daigdig nabubuhaySinasabing mga anak ng Maykapal na naglalang
Bilang mga tagasunod sa isang Amang umaasam
Tayo ba sa nais Niya ay may loob na susuway?
Babaybayin ko po ngayon, panahon ni Eba't Adan
Ang demonyo po ang sanhi, sa kanila ay nakialam
Sa matamis nitong dilang naglubid-kasinugalingan
Kaya do'n sa paraiso ang dalawa'y pinagtabuyan.
Hindi ko po sinasabing kahidwa ko ay may sungay
Hindi ko rin sinasabing may buntot siyang tinataglay
Nais ko lang ibahagi sa kanya ang kaalamanMagsinungaling ay masama, kakampi ng
kadiliman.
LAKANDIWA
Umuusok na katwiran ang kaagad namutawiSa labi ng paralumang matatapang daw ang
lahiAng lalaking makata po ang sya namang
maghahabiPalakpakang malulutong ang atin ding ipanukli!
HINDI DAPAT (Unang Tindig)
Paalala ko po muna sa matabil na kalabanHuwag naman sanang lalabis sa pasaring at
paratangKung di man dapat magsabing totoo paminsan-
minsanKahulugang ako na po ay may buntot at may
sungay.
Ngunit habang nadidiin sa parunggit na pahapyaw
Lalo namang umiigting ang gilas ko sa banggaan
Nais ko ding ipabatid sa makatang paralumanMagkaminsan ang totoo ang sa leeg mo'y
sasakal.
Isa ditong halimbawa, kung ikaw ay nasasaktanNanganganib mabilanggo ng dahil sa kasalanan
Abugadong manananggol, pag inamin, katotohanan
Kaydali ng iyong pagpasok sa madilim na piitan.
Kung ikaw'y isang tindera ng isda sa talipapaSa kostumer sasabihing bili na kayo at sariwaTinamaan ng magaling, kahit tinda mo'y bilasaMadali ang makabenta sa naglubid ng salita.
Sa dilag kong katunggaling larawang kawalang-malay
Sa makalumang panahon, higit siyang nababagay
Sa agos ng pamumuhay, kung ikaw'y di pasasaklaw
Pag-asa ay iilap sa sariling kapakanan.
LAKANDIWA
Pangalawang yugto na po ng labanang mainit na
At sa puntong ito ako ay eeksit samantalaHahayaan kong mag-away sila hanggang gusto
nilaAt pag kapwa lamog na po'y saka muling maka-
entra.
DAPAT (Ikalawang Tindig)
Mailap ba ang tagumpay sa isang tapat na mangusap?
Maamo ba ang pag-asa sa may pag-uugaling huwad?
Kung mayroon mang masasagi, unawain akong ganap
Ang magtatwa sa totoo, sa kabutihan ay duwag.
Nagkarera tungong langit ang dalawang magkaribal
Sa bilis pumaimbulog, masasabing sila'y pantayPag-abot po kay San Pedro, si Juan ay
hinadlanganSa langit di pinapasok, sa sinungaling sila'y
ayaw.
Sa pagdayo itong ginang, pag-unlad ang hinahanap
Biniro ng kapalaran sa salang hindi ginanap
Dahil sa maling paratang, buhay niya ang nakatumbas
Idiniin ng sinungaling, sa kanya ay nagpahamak.
Anong gandang idudulot ng sabi mong magkaminsan
Di pagsasabing totoo ay may buting iaalay?Kahidwa ko'y gigisingin sa isa pong kawikaan
Ang pagsasabi ng tapat, magsasamang matagalan.
HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)
Maganda po ang pahayag ng makatang paraluman
Sa makabagbag-damdamin hinango niya ang patunay
Ngunit iya'y di dahilang panig ko ay natatakpanAyaw lang pong bigyang pansin, magagapi
siyang tiyakan.
May anak ka na lalaki, nagtatago halimbawaHinahanap ng kaaway, sa buhay niya'y
nagbabantaKung kanilang tatanungin ang anak mo'y nahan
kayaAng ikaw ay magkaila, hindi mo ba magagawa?
Malubha ang karamdaman ng isang mahal sa buhay
May taning na halimbawa ang buhay niyang tinataglay
Kung kaniyang mababatid hininga'y agad mapaparam
Di ka ba magsisinungaling kung kanyang napagtanungan?
Hindi ko itinatatwang magsinungaling ay labagSa banal na kautusan na sadya pong
nahahayagNgunit may pagkakataon na di ka makakaiwas
Lalo na nga kung ang sanhi, may nais kang ipangilag.
DAPAT (Ikatlong Tindig)
Kay-aga pong nangumpisal ng kalabang kutis sanggol
Inamin na kasalanan ang panig niyang tinutugon
Kung sa laban siya'y susuko, ang sa aki'y paghahamon
Ay ngayon na ang sandali, ngayon na po ang panahon.
Sa tahanan ang magulang sa anak ay itinuturoBawal ang magsinungaling, gawang hindi
makataoKahit man sa paaralan pinapangaral ng guro
Kaluluwang sinungaling ang bagsakan ay impiyerno.
Natural po kung ang isang tao'y walang
kaluluwaWala siyang pagkatakot, hindi nga mababalisaHuwag sa akin mapipikon itong macho kong
kahidwaMuli kaya siyang mag-aral nang ito ay
maunawa.
HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)
Kita nyo't nagsinungaling itong lahi ni Bakekang
Kung sa paksa ako'y mangmang, tiyak ako'y tahimik lang
Di ko ugaling sumuko sa ano mang paglalabanKahit pa ang katunggali'y pang-heavy weight po
ang timbang.
Ibabalik ko pong muli ang laban sa katinuanKapintasan nga ba kayang magkaila minsan-
minsan?Sakali bang makabuti ang totoo'y pahindianMasasabi pa rin kayang ito'y isang kamalian?
Katulad sa nainterbyung aplikanteng mag-a-abroad
Kasinungalinga'y ginawa para lamang makalusot
Nagpunyagi sa dahilang nais nyang maitaguyod
Pag-aaral ng kapatid na tungkuling sinasakop.
DAPAT
Ang bagay na nakakamit sa isang katotohananAy masarap tamasahin, walang dapat
pangambahanKailangan bang ikailang kulang ka sa
kakayahanKailangan pa bang dayain yaong kapwa mo
nilalang?
Matuwid na hindi tama sa kapwa ang panlalamang
Ang di-pagsabing totoo na lihis po sa katuwiranKung sa iyo kaya gawin, dayain at paglakuan
Dapat ka ba na matuwa? Ang sa aki'y katanungan!
HINDI DAPAT
Tila po nakakalimot itong tigre ng Viscaya Lahat na lang kapintasan isinali, nilahat na
Ang paksa ng pagtatalo ay muli kong paalalaKung sadyang kinakailangan, magsinungaling
ay dapat ba?
Minsan ay aking sinabi sa paralumang kalabanNa siya ay ubod ganda at pang-Miss World ang
katawanKung ako lang ay nagsabi ng pawang
katotohananMaaaring noon din po ang mukha ko ay
nasampal!
DAPAT
Hindi ako nangingilag na ako ay mapintasanDi ko dapat ipagdamdam kung iya'y
katotohananAng masakit na nangyari, nagsinungaling ang
kalabanKutis-sanggol daw po siya, barbekyung sunog
din naman!
HINDI DAPAT
Kayo na ang nakarinig iyang totoo magkaminsan
Ay mahirap na tanggapin, mabigat sa kaloobanSadya ngang nakabubuting magsinungaling
magkaminsanHigit na nga kung hangad ko'y mahalin ng
kaibigan.
DAPAT
Di ko ugaling mang-uto, di ko ugaling manlinlang
Nais ko'y katotohanan, hindi ng kasinungalingan!
HINDI DAPAT
Mayroong pagkakataong dapat kang magsinungaling
Kung ito'y nakabubuti sa sarili at kapwa din.
LAKANDIWA
Kayo muna'y maghiwalay, magpalamig niyang ulo
Bago kayo ay tuluyang magkapikunan nang husto
Sa mat'yagang nakikinig, ang hiling ko nama'y ito:
Palakpakan ang dalawang mahuhusay sa diskurso!
Ang palagi bang magsabi ng totoo'y nararapat?Yan ang paksang tinalakay ng dalawang
nagsalungatAni Elvie, dapat daw po, nang magsama nang
maluwagAng kay Gonie, minsan daw po, di angkop ang
maging tapat.
Dapat nga raw, ani Elvie, pagkat utos ng D'yos Ama
Kakampi ng kadiliman ang di magsabi ng tamaDuwag raw sa kabutihan, may ugaling huwad
anya,At sa kapwa'y mapanlamang, hindi dapat
ikasiya.
Ani Gonie, kung minsan daw kaylangang magsinungaling
Lalo't kung ang pagtatapat, may kakambal na hilahil,
Kung sa buhay, halimbawa, ng mahal mo'y may sisingil,
Pagtatakpan mo ba siya o lalo pang ididiin?
Ani Hesus, "Ako'ng Daan, Katotohanan, at Buhay
Walang sasapit sa Ama kundi sa 'king pamagitan."
Maliwanag na ang susi sa pinto ng kaligtasanAy nasa 'ting katapatan sa salita, isip, asal.
Madali pong sabihin yan, mahirap na isagawaSi Apostol Santiago na ang sya mismo ay
nagwika,Nasusupil nga ng tao yaong hayop na nilikha
Nguni't walang makasupil sa sarili niyang dila.
Si Abraham, di nagsabi ng totoo sa Faraon Si Jacob, nagsinungaling upang kamtin ang
bendisyonAt si Pedrong araw-gabi'y kasama ng
Panginoon,Tatlong ulit na nagtatwa: "Di ko kilala'ng taong
yon!"
Kung sila ngang dinakila't pinagpala ng Maykapal
Nagkamali, nagkasala, nagsinungaling din minsan,
Ang tanong ko'y uulitin: Marapat ba't nababagay
Na palaging magsasabi ng pawang katotohanan?
Ang atin pong pamantayan sa kung ano'ng tama't mali
Ay ang mga kautusang nakaukit sa 'ting budhiIyang taong hindi tapat sa marami't kakauntiSinungaling din ang tawag mabuti man ang
lunggati.
Tama bang magsinungaling kung may banal na intens'yon?
Ipasa-D'yos na po natin ang paghusga at paghatol;
Subalit sa dal'wa ritong buong giting na nagtanggol,
Palakpak nyo'y pakawalan: si Elvie po ang nag-kampeon
PAKIALAM SA PAG-IBIG NG ANAK
DAPAT ba o HINDI DAPAT na makialam ang magulang
sa pagpili ng mapupusuan ng anak?
Mula sa panulat nina:ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng
DAPATGONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng HINDI
DAPATRAFAEL A. PULMANO — namagitan bilang
LAKANDIWA
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Magandang unang Lunes po ng Marso sa inyo, Bayan
At sa mga inaantok, "Hoy, gising!" ang panawagan
Narito po kaming muli upang kayo ay handuganNg inyo pong paboritong nagbabagang
Balagtasan.
RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod n'yong bumabanat
Magiliw na nagpupugay, bumabating walang puknat
Dito'y ako'ng tagahahatol, Lakandiwa po ang tawag,
Mabait na Lakandiwa, ang matalo'y bitay agad.
Ang magulang ba ay dapat o di dapat makialamSa pagpili nitong anak ng nais na mapusuan?
Sa pag-ibig, ang supling ba'y matwid na panghimasukan?
Iyan po ang paksa ngayon nitong ating paglalaban.
Kahit na may kabigatan ang napili nating paksa,Mabibigat din po naman ang makatang
magbabanggaMga Reyna at Hari po sa larangan ng pagtulaPalakpakan sila habang lumalapit papagitna!
DAPAT (Pagpapakilala)
Maaliwalas ang langit sa gabi ay nakatunghayWari bagang umaayon sa ihahayag kong
patunayNa dapat lang makialam sa anak po ang
magulangSa pagpili ng kasuyong itatangi habang buhay.
Sa akin pong katunggali na kutis ay takipsilimAng sarili ay ihanda at isip ay patalimin
ELVIE ESPIRITU po, nagpupugay, buong giliwSa lahat ng kababayang katulad ko ang
hangarin.
HINDI DAPAT (Pagpapakilala)
Matayog na pangarapin kalimita'y di matupadKatulad ay lakbay-diwang sarili'y di umaangatDiyan ko po ihahambing itong kahidwa kong
dilagNananaginip pong gising, mata nama'y mga
dilat.
Ama akong nagmamahal sa kaloob na mga anak
Ang sila'y panghimasukan sa kakatuwangin ay di dapat
GONIE MEJIA po ang lingkod nyong taga-Tarlac Sa tanan ay nagpupugay, buong tuwa at ng
galak.
LAKANDIWA
Mukhang handang-handa na po ang makatang paraluman
Ang makatang taga-Tarlac, tila gayon din po naman
Unang tindig, si Elvie po ang sya munang pagbibigyan
Upang lalong ganahan po'y ihatid ng palakpakan!
DAPAT (Unang Tindig)
Kahulilip ay ligayang hindi kayang mapantayanAng nadama nitong ina nang ang anak ay
isilangAng sanggol ay inaruga ng malingap na
kandunganNg magulang na nagsilbing sa bukas nya'y mga
tanglaw.
Mga taon pang napigtal sa tangkay nitong panahon
Sa wastong gulang sumapit ang anak na tinutukoy
Pag-ibig sa itatangi nang sa puso ay sumibolKarapatan nitong anak ang damdamin ay
matugon.
Tungkulin ng magulang ay pangalagaan ang anak
Iwasto sa kalagayan, sa di tama ipangilagAng higit na karanasan sa kanila ay di hamak
Mas pa nilang nababatid sa anak ang nararapat.
Kung sumapit sa panahong anak ay mag-aasawa
Pakialam ba ng magulang, itatanggi, itatatwa?Malasakit nga ba nila'y ipagwawalang-bahala?
Ang sa aki'y pagtatanong, dulutan po ng unawa.
At ngayon sa katunggaling kahidwa ko at kabangay
Sa panig pong tinutugon ay huwag nawang malimutan
Hangga't anak ay sakop pa sa kandili ng magulang
Sila pa rin ay may layang sa anak ay umantabay.
LAKANDIWA
Maliwanag na nagsaysay ng katwiran ang makata
Na dalaga pa pong tunay, maganda at batambata,
Ang kalaban nya po namang binat-na ang syang
tutudlaPalakpakan din po't dinggin, tingnan kung may
binatbat nga!
HINDI DAPAT (Unang Tindig)
Maganda ang kahidwa ko, ang pangit lang ay ang matuwid
Pati pintig ng puso ng anak yata'y ginigipitKung sa wastong gulang na din yaong anak pag
sumapitDesisyon nyang pangsarili, di dapat nang
ipagkait.
Wika din niya kung ang anak ay umibig at gumiliw
Sa kanya ang karapatang damdamin ay pairalinNgayon nama'y nakikialam, hangad niya'y nais
sundinHindi kaya kahulugang ang dilag po ay
balimbing?
Kapag puso ay umibig, magmahal ay natutunanParaan ay magagawa lalo na nga't hahadlangan
Malimit ngang nagaganap, kapag magulang nakialam
Anak ay napipilitang sa kasintaha'y magtanan.
Masasabing malasakit, magulang pag nanghimasok
Katumbas nama'y pagluha sa anak ang idudulotKasawiang tataglayin, pag lumabis ay himutok
Sa di mainam hahantong ang anak sa pagkalungkot.
Di po lubos maunawa ng makatang paralumanKung gaanong hapdi sa anak ang kabiguan
Tayo'y mga nagdaan na sa ganiyang kalagayanHanggang ngayon siya'y bulag pa sa isang
katotohanan.
LAKANDIWA
Para lalong magkaigi ang dalawang nagtataloHahayaan ko na silang magbaknatan hangga't
gusto Kayo namang nakikinig sa istudyo at sa radyoIpabaon sa kanila'y palakpakang todong-todo!
DAPAT (Ikalawang Tindig)
Pag-ibig ang siyang bulag, hindi yaring pang-intindi
Taliwas po ang pasaring ng mahanging katunggali
Hindi ba't ang kabataan, kahit anak mong sarili,Mapupusok sa pag-ibig, sa pagpili'y namamali?
Kapintasan bang masabing ang anak ay maturuan
Sa nababagay na kasuyong kakasamahin sa buhay?
Di ikaw ang masusunod, kahit ikaw'y nakialam,
Mahalaga'y pagpapayo na nagmula sa magulang.
Mas mahapding madarama lalo't anak mo'y babae
Napakasal halimbawa sa tampalasang salbaheSa altar kung ibinuklod, habang buhay magsisisiDahila'y di nakialam ang magulang sa pagpili.
Huwag naman pong itutulot kung iyan ay mangyayari
Sino bang dapat buntunan kundi yaong di nagsilbi?
Pabaya sa katungkulang marapat na ibahagiNa paris ng kahidwa kong iniinda ay sarili.
HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)
Hilong talilong na yata ang dilag kong kabanggaan
Ang bunga sa pakikialam ay kanyang nakaligtaan
Anak, kung ipinagkasundo sa hindi napupusuan,Hantungan nitong malimit ay di ba
paghihiwalay?
Pag sinabing nakikialam ang magulang po sa anak
Kanilang pinipintuhong balak nila ang matupadAng sustansiya ng hidwaan, nais po yatang
isadlakNitong aking katunggali, sa paglihis,
pangingilag.
Pag-ibig ay kawikaang labis makapangyarihanAng lahat ay hahamakin maging pati
kamatayanKapag puso ang nag-utos sa anak at
hinadlanganKundi sa hukay babagsak ay do'n sa Mental
Hospital.
Bakit ko pa nanaising ang ganito ay maganapKung sa aking pakikialam, ang anak ay
mapahamak?Di ko panghihimasukan, sino man ang ililiyag
Sa halip ang bendisyon ko sa kanila'y igagawad.
DAPAT (Ikatlong Tindig)
Kagaya ng nasabi kong karapatan ng magulangSa anak magmalasakit pagkat dugo nila't laman
Halimbawang ang anak mo may asawa ang napusuan
Anong uring magulang ka kung ito'y di tututulan?
Sa harap ng kapintasang nakadilat, nagbabantaAng magsawalang-kibo ka hindi ba
pagpapabaya?Kung di kabagay ng anak sa pagsinta ang
ninanasaIkaw din ba ay aayon at sa iyo'y balewala?
Balakid ngang sasambitin pag nakialam ang magulang
Ngunit dapat na mangyari pagkat isang pagmamahal
Kahit sabihin pa nating anak sa aki'y masuklamKung akin siyang napanuto, ina akong
nagtagumpay.
HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)
Tagumpay sa kabiguan, pagwawaging kasawianSa pagluha nakakalong ang umapi at nasaktan
Sa malinaw na salita, bahid po ng katuturanNakialam at pinakialaman, lungkot ang
kalulugmukan.
Katulad sa isang anak na dalaga't ubod gandaSa mayamang manliligaw, isinabwat nitong ina
Sa takdang araw ng kasal, sa halip na pagsasaya
Ang ina ay tumatangis, masakit na nagluluksa.
Halimbawa ko po lamang itong aking inihayagBagaman may pangyayari na dito ay natutuladNasaan ang pagmamahal ng magulang po sa
anakKung karapatan sa pag-ibig ng bunso ay
winawasak?
DAPAT
Maganda ang halimbawa ng makatang kahidwaan
Ngunit ang tema ng paksa'y di maunawang lubusan
Ang pakialam ng magulang sa anak ay nakabatay
Kung sa kanyang kakatuwangin ay may punang kapintasan.
Katulad din halimbawa ng sa anak lumiligawLasenggo at butangero, sugarol po at batugan
Ang anak ba'y hahayaang sa ganyan mapasakamay
Kapag ito'y napangyari, magulang ang masasaktan.
HINDI DAPAT
Muli akong sinapawan kaya ako'y di maka-drawKatunggali'y lumiliko, mahirap ang makapusoyBakit ba kung nagigipit, kahidwa ko'y lumiligoySala sa init at lamig kung baga po sa panahon.
Ngunit po sa isang dako ay hindi niya nababatidMas liligaya ang anak sa kaniyang nilalangitBatugan at lasenggo man, kahit kapintasa'y
labisKung tibok ng kanyang puso, magulang ay
huwag magkait.
DAPAT
Ako lang ay nagtataka sa pasaring ng kalabanAng pangarap ba sa anak, isadlak sa kamalian?
Ang gawang pangungunsinti sa anak po kalimitan
Ang bunga ay di maganda, tuturingang walang inam.
HINDI DAPAT
Pangungunsinti nga kayang unawain yaong anak
Kung siya'y di pakialaman sa pipiliing kapilas?Kung ako'y manghihimasok ay akin pong
natitiyakAko'y kanyang sisisihin sakaling siya'y di
pinalad.
DAPAT
Pagmamahal po sa anak kung magulang ay makialam
Sa pagpili ng kasuyong sa buhay niya'y makakatuwang.
HINDI DAPAT
Sasabihing ako po ay malupit na isang amaKung sa anak makikialam sa pagpili ng asawa.
DAPAT
Kapag hindi ka nakialam ay wala kang malasakit!
HINDI DAPAT
Ama akong makatuwiran, di gaya mong mapagkait!
DAPAT
Pagkakait ba sa anak kung siya ay iwawasto?
HINDI DAPAT
Kapag ikaw ba'y nakialam, may bukas siyang mapipiho?
DAPAT
Tiyakan at sigurado!
HINDI DAPAT
Hindi sa paniwala ko!
LAKANDIWA (Paghatol)
Puputulin ko na ngayon ang pagdada ninyong dal'wa
Magsipirmis muna kayo't ako naman ang poporma
Kababayan, kung sakaling kayo po ay naandyan pa,
Pwede po bang makahiling ng palakpak na sagana?
Kung umibig ba ang anak at ang puso ay tumibok
Ang magulang ba ay dapat o di dapat manghimasok?
Dapat raw po, ani Elvie; Di dapat, kay Gonie'ng sagot
Ano naman ang "say" ninyo kung kayo ang masusunod?
Minsan pag nanghimasok ka, nagrerebelde ang anak
Kapag di ka nakialam, baka naman mapahamakKung kailan nababagay ang maghigpit o
magluwag,Yan ang hamon sa magulang na dati ring
naging anak.
Kung paseksihan ang laban, si Elvie po'y panalo na
Subalit kung papogihan, kay Gonie po, siya'y tumba...
Kayo na po, Kababayan, ang bahalang sumintensya,
Pagpalain tayong lahat ng Dakilang Diyos Ama!
PAGSASAWALANG-KIBO NG NAAAPI
DAPAT ba o HINDI DAPAT na magsawalang-kiboang manggagawang inaapi?
Mula sa panulat nina:ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng
DAPATGONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng
HINDI DAPATRAFAEL A. PULMANO — namagitan bilang
LAKANDIWA
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Sumapit na ang sandaling hinihintay nating lahat
Ang pingkian ng talino, Balagtasan po ang tawag
Sa balanang nakikinig sa istudyo't nasa barracks
Samahan po ninyo kami sa matunog na
palakpak.
Salamat po nang marami, ngayon kami ay handa na
Ako po si Ralph Pulmano, Lakandiwa pong huhusga
Dito'y walang palakasan, ang matalo ay pasensya
Ang manalo'y dapat namang pasalamat, pameryenda.
Buhay po ng manggagawang dayuhan at nagsisilbi
Ang sa paksa'y tutugunin ng dalawang magtunggali
"Dapat nga bang magsawalang-kibo yaong naaapi?
O hindi ba nararapat?" Kayo din po ay pumili.
Patalastas ko lamang po sa mahal kong kababayan
Maselan po itong isyung paksa nitong Balagtasan
Kung sakaling masasagi ang inyong pong kapintasan
Unawain lang po kami at wag sanang magdaramdam.
Makata pong matitinik ang sa laba'y maghaharap
Matitigas po ang mukha, parehas pong walang gulat
Taga Nueva Viscaya po ang syang unang maglalahad
Si Miss Elvie Espiritu'y salubungin ng palakpak!
DAPAT (Paglalahad ng panig)
Salamat po, Lakandiwa, kababayan, magandang gabi
Ako din po ay dayuhan, sa isla ay nagsisilbiDapat magsawalang-kibo, ang panig kong
pinipiliSa paksa ay ilalaban sa makatang katunggali.
LAKANDIWA
Matapos pong maihayag ang panig ng paraluman
Ang makata po ng Tarlac ang sunod na pagbibigyan
Di na dapat ipagtanong sa larangan ng bigkasan
Kay Gonie Mejia din po, palakpak ay pakawalan!
HINDI DAPAT (Paglalahad ng panig)
Kung paa ko'y natapakan, masasabi ko ay arayKung ako ay maaapi, dapat lamang ang
umangalMalinaw po ang tugon ko sa panig na ilalaban
Isang maligayang gabi, sa lahat po ang paggalang!
LAKANDIWA
Gusto na pong magsagupa ng dalawang mainit na
Palagay ko'y di tatagal at mayroong mababaldaUnang tindig ay si Elvie na ang byuti'y pang-
artistaPalakpakan natin para mas lalo pong ganahan
pa!
DAPAT (Unang tindig)
Lilinawin ko po muna itong aking kalagayanAko po ay hindi api sa aking pinaglilingkuran
Dapat mang magsawalang-kibo ang panig kong ilalaban
Sa aking kinalalagyan, ito'y walang kinalaman.
Tayo'y mga nagsidayo, ang dahilan ay pangarap
Nang hirap ay matakasan, sa ginhawa'y makalasap
Wika nga, ang lahi natin, matiisin, masisipagNa ipinagkakapuri ng Inang Bansang Pilipinas.
Kasakop sa pagtitiis ang ugaling matimpiinHindi basta nagngangalit ang matibay na
damdaminHindi natin natitiyak ang bukas na aabutinPagka't maraming pagsubok malimit ang
dumarating.
Iisa ang tinutungo nitong aking paliwanagTatag nati'y sinusubok, magkaminsa'y
sinusukatNaapi ka man ngayon, nguni't pagsapit ng
bukasGantimpala'y makakamit, kung dito'y
makakalampas.
Kung ikaw ay reklamador, sa bagay mang maliliit
Ikaw'y walang mararating lalo't ang boss mo'y nagalit
Katiyakan ay iisa, hanapbuhay ang kapalitKapag hindi ka na-renew, saka pa ba
magbabait?
LAKANDIWA
Samantalang bumibigkas ang makatang nagpauna
Ang kalaban naman niya'y parang bakang nag-aalma
Si Gonie po'y nagbabalik, poging-pogi't mapustura
Ibalibat din po nati'y palakpakang pampasigla!
HINDI DAPAT (Unang tindig)
Ayaw ko pong mabintangang manggagawang
reklamadorAt sa mga naaapi, ako'y hindi nanunulsol
Dahil ito'y paligsahan, laan ako na tumugonPara itong katunggali'y maamutan ko ng
dunong.
Simula pa lamang ng laban, katalo ko'y lumihis na
Sa kanya ang pang-aapi ay pagsubok lamang pala
Baka siya'y sobrang bait, isang martir na nilikhaKahit pa nga inaaba, ito'y okey din sa kanya.
Halimbawa naman kayang gawain mo'y sobra-sobra
At hindi pinapasahod sa dapat mong kinikitaPaano na ang pamilyang sa iyo ay umaasa?Ikaw'y kahig nga nang kahig, sila'y walang
natutuka.
Tayo'y umibayong-dagat, hanapbuhay ang dahilan
Ang bunga ng pagpapagod, ay dapat lamang tumbasan
Kung ito'y ipagkakait ng iyong pinagsisilbihanNatural lang ang kumibo, pagka't ikaw'y
nasasaktan.
Sa matuwid na salita, ay dapat lang ang umangal
Pagka't ayaw kong maapi, maabuso, malamangan
Ang hanap ko ay parehas, pagka't aking karapatan
Tanggapin ang nararapat, sa hirap kong pinuhunan!
LAKANDIWA
Unang tindig ay tapos na, sa ikal'wang paghaharap
Ako muna ay tatabi upang sila'y bigyang luwagSi Elvie po ang syang muling papagitna at
babanatPalakpakan natin agad kagaya ng nararapat!
DAPAT (Ikalawang tindig)
Masasabi bang pang-aapi kung suweldo ay maantala?
Sa lumabis na gawain, iyan ba ay pandudusta?Tayong mga naglilingkod, dapat ding
makaunawaNa ang pinaglilingkuran, di rin perpektong
nilikha.
Ngayo'y aking lilinawin sa katalo ang pasaringAng mga pinagsisilbihan, may sariling problema
dinHalimbawang ipakiusap o kaya ay mapapansin
Sila'y pansamantalang kinakapos, di mo ba uunawain?
Sa kundisyong pagsisilbi, dapat ding
pahalagahanKapakanan ng kumpanya ay dapat pangalagaan
Lumabis ka man sa oras, kung kinusa mo din naman
Di na dapat pang tuusin, hindi dapat na iangal.
Sa ikabubuti ng paglilingkod, ikaw'y ay magpakatapat
Dapat magpakababa, nando'n man ang paghihirap
Ang tunay na pagpapala ng langit ay igagawadDoon sa mga nilikhang inapi at nagpatawad.
HINDI DAPAT (Ikalawang tindig)
Kung araw ang itatagal sa sahod na maantalaDi pa ito pang-aapi na dapat ikabahala
Sa gawain na lumabis, kung iyo namang kinusaHindi ito pang-aapi, bagay pa ring balewala.
Kung buwan ang inaabot, ang sahod ay ibabalam
Labag ito sa kundisyon, hindi na tamang paraanAt kung labis na sa oras, utusan ka nang
puwersahanTuring dito'y pang-aapi, wala din sa kabutihan.
Nguni't itong katalo ko'y patuloy na umiiwasSa aming tunay na paksa ay wari bang
nangingilagSa hindi po kaapihan, ang tema'y kinakaladkadO baka po isang sipsip, magagapi siyang tiyak!
Pang-aapi ay abuso sa tuwiran na salitaNandiyan ang ikaw'y saktan, alimurahin,
dinudustaTinatakot, binubusabos nang labis pa sa alila
Ng isang pinagsisilbihan, ito pa ba'y bale wala?
DAPAT (Ikatlong tindig)
Ito yatang katalo ko'y nang-aapi na sa labanNais ko daw magpasipsip, wala pong
katotohananSa tinukoy mong panlalamang ikaw'y aking
lalabananNang mamulat ang mata mong pikit sa
katotohanan.
Mayro'ng mga nang-aaping abusadong nananakot
Kung ikaw'y magreklamo, kapakanan mo'y masasangkot
At kung ikaw'y walang layang sa kinauukulan dumulog
Ang magsawalang-kibo ka ay hindi ba naaangkop?
Sa katunggali'y hanga ako pagka't siya ay matapang
Ang sa iba ay nangyari, hindi pa niya nasuongan
Kung sa kanya ay gagawin ng iba ay nararanasan
Baka po ang katalo ko'y mapipi din nang tuluyan.
HINDI DAPAT (Ikatlong tindig)
Maliwanag po ang tugon ng makatang paraluman
Na takot ang siyang sanhi, sa inapi ang dahilanUpang magsawalang-kibo, nguni't sa tutoo lang
namanNais man daw ang umangal, ang paraa'y hindi
alam.
Nagsawalang-kibo ang nagsisilbing kababayanAkala ng kanyang amo, kuntento na siya sa
ganyanPagka't nagsawalang-kibo, pang-aapi'y
dinagdaganAng sala po ay nandoon sa nagsibing di
maalam!
Marapat na isatinig ng sino mang naglilingkodNilalaman ng kontrata ang syang dapat na
masunodKung ito'y di magagawa, natatangay ka ng
takotIkaw din ang masasaktan, magdurusa sa
himutok.
DAPAT
Walang aliping mas higit kaysa pinaglilingkuranTuro'y pagpapakumbaba sa Aklat ng kabanalan
Hindi ikaw kundi sila ang higit nakakaalamKung ano ang nararapat, kung ano ang
nababagay.
Sa isang taong mareklamo'y mailap ang kapalaran
Sa nagsasawalang-kibo ay maamo ang tagumpay
Sadyang di ko magagawang sa amo'y maging lapastangan
Tatanggapin kong maapi, nguni't hindi ang umangal!
HINDI DAPAT
Tayo'y di mga alipin na paris ng sinaunaIto palang kahidwa ko'y may ugaling makaluma
Siya man daw ay alipin, ituturing pang ligayaKapakanan ay itinatanggi, anong uri kaya siya?
Maamo daw ang tagumpay sa isang nagpapaapiTingin ko po ay mailap kung ikaw'y maduduhagi
Sa nagsasawalang-kibo, ikaw man ay naaapiSa mali ikaw ay ayon, wala kang bait sa sarili!
DAPAT
Katalo ko'y hindi ganap ang tunay na pang-unawa
Maangal at mareklamo, hindi ako nangungutyaNguni't hindi katuwiran lalo't buhay ang
nakatayaSa panakot ng nang-aapi kung reklamo'y
magagawa.
HINDI DAPAT
Sa punto po ng pag-amin, umabot ang pagtatalo
Takot ang namumutawi sa hindi nagrereklamoMaging sa sikat ng araw, maliwanag ang tugon
koKapag ikaw'y naaapi, marapat po ang kumibo.
DAPAT
Katalo ko'y pogi sana, kaya lang po ay makulitWala akong inaamin, paris ng iginigiit.
HINDI DAPAT
Ngayon pa magrereklamo itong aking kahidwaan
Bibig nya ang nagkanulo, magsawalang-kibo ka na lang!
DAPAT
Ang pagsasawalang-kibo ay bait sa pagsisilbi!
HINDI DAPAT
Wala yaong nang-aapi kung walang nagpapaapi!
LAKANDIWA (Paghatol)
Pinuputol ko na ngayon ang batuhan nyo ng matwid
Irolyo na iyang dila, ibutones na ang bibigAng akin pong hiling naman sa lahat ng
nakikinigPalakpakan nating muli ang dalawang matitinik!
Balikan po natin ngayon ang katwiran ng nagtalo
Pagkatapos ay timbangin nang sa gayo'y mapaghulo
Kung alin ang nararapat kapag tao'y inabusoTatahimik na lamang ba o dapat bang
magreklamo?
Sang-ayon sa paraluman, lahi nati'y matimpiinKung nais na guminhawa, lahat anya'y titiisinPang-aapi'y pagsubok daw sa tatag ng yong
damdaminAng bukas ay hindi tiyak, kaya pisi'y pahabain.
Dapat rin daw unawaiin ang sitwasyon ng
kumpanyaNa yong pinaglilingkuran, sila rin ay may
problemaReklamo ng naaapi'y maaari ding magbungaNa permit mo'y di ma-renew, ang buhay mo'y
mabingit pa.
Ayon naman sa makatang hindi payag malamangan
Kung nag-abroad man daw tayo'y trabaho ang pinuntahan
Pagpapagod ng naglingkod ay dapat lang na tumbasan
Nang ayon sa nasasaad sa kontratang pinirmahan.
Kung gawai'y sobra-sobra, sweldo'y kulang, atrasado
P'ano anya ang pamilyang umaasa lamang sa 'yo?
Wala raw abusado kung walang nagpapaabusoApi'y lalong aapihin kapag takot, walang kibo.
Ang tao ay pantay-pantay kahit ano'ng kanyang lahi
Ang mang-api, mang-abuso sa kapwa ay sadyang mali
Subalit ang inaaping walang kibo, takot, kimiAy paris lang ng nang-api, walang bait sa sarili!
Si Elvie po at si Gonie'y sadyang kapwa mahuhusay
Nguni't ako ang hahatol at heto ang kapasyahan
Hindi dapat manahimik ang taong nilapastangan
Sumainyo ang saganang pagpapala ng Maykapal.
PANGHIHIMASOK SA BUHAY NG IBA
DAPAT ba o HINDI DAPAT na manghimasoksa buhay ng may buhay?
Mula sa panulat nina:GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng
DAPATELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng
HINDI DAPATRAFAEL A. PULMANO — namagitan bilang
LAKANDIWA
LAKANDIWA (Pagbubukas)
Ako muna'y bumabati sa inyo ng “How do you do?”
Kung ako po ang sya namang tatanungin, “I'm fine, thank you.”
Salamat sa paanyaya ng pangkat nyo sa 'ming grupo
At sa mga merong kamay, salamat sa palakpak nyo!
Ang paksa pong tutugunin at bibigyang katanungan
Ay “Dapat ba o di dapat sa 'ting kapwa'y makialam?”
O “Dapat bang manghimasok sa buhay po ng may buhay?”
Magaan po itong tanong, sagot ang may kabigatan.
Karangalan ko po ngayong tawagin na sa tanghalan
Ang Reyna po at ang Hari nitong ating balagtasan
Ang una po, in this corner, weighing I-don't-know-how-many pounds,
Si Miss ELVIE ESPIRITU ay atin pong palakpakan.
HINDI DAPAT (Pagpupugay)
Galak akong nagpupugay, isang maligayang gabi
Sa naritong mga handsome at paris kong mga seksi
At sa aking katunggaling mukhang intsik na nalugi
Bilin ko'y magpakatatag sa aming pagtutunggali.
Sa buhay po ng may buhay ay di dapat manghimasok
Pagkat ito'y kapintasang walang gandang idudulot
Iyan po ay ang panig kong tutugunin sa kahamok
Humanda ka, katunggali, tatag mo ay masusubok.
LAKANDIWA
Sa kaliwa ko po naman ay ang kanyang katunggali
Na madalas mapatsismis na isa raw Regal BabyGONIE MEJIA ang ngalan, matamis po kung
ngumitiPalakpakan din po natin upang tayo'y di masisi.
DAPAT (Pagpupugay)
Gonie Mejia po ang sa inyo'y gumagalangMarapat ang makialam ang panig kong ilalaban
Kung ako ma'y magagapi ng makatang paraluman
Ang akin pong pagkatalo'y hagdanan ko sa tagumpay.
Ngunit isang kasabihan, kung ilog daw ay maingay
Tubig nito ay malabo, pagkat daw po ay mababaw
Ang dilag kung nagbabanta'y makitid daw yaong alam
Patutunayan ko ito sa kalahi ni Bakekang.
LAKANDIWA
RAFAEL A. PULMANO po naman itong inyong lingkod
Lakandiwang hahatol po sa dalawang magtutuos
Ang premyo sa magwawagi'y round trip ticket hanggang airport
Subalit ang matatalo, bukas din po'y pade-deport.
Batid ko pong nasasabik na rin kayong pagsalpukin
Ang dalawang parehas pong sa pagtula'y
magagalingKaya itong si ELVIE po ay atin nang pagwalainAng hindi po papalakpak, ang buto ay maiitim!
HINDI DAPAT (Unang Tindig)
Ang gawang panghihimasok o kaya ay pakikialam
Sa buhay po ng may buhay, walang dulot kagandahan
Higit na nga kung tayo ay sapat na sa mga gulang
Yaong tama't mga mali ay atin nang nalalaman.
Tayo ay mga nilikhang may talino't pag-iisipKapakanang pansarili'y tayo ang nakakabatid
Mapayapang pamumuhay, kalagayang matahimik
Panatag na kalooban, ang makamta'y aking nais.
Sa ating pagsasarili ay atin ding karapatanMga tuntunin sa buhay ay tayo na ang
gagampanNgunit kung ang kapwa nati'y masasabing
nakikialamParang hindi nalulubos sa atin ang katungkulan.
Tuwiran kong sinasabi na iyang panghihimasokAy isa pong kamaliang hindi dapat na itulot
Malimit sa pakikialam ay nandiyan ang himutokPagkat hindi sa mainam kapwa mo'y
mailulublob.
Dahil aking nababatid, manghimasok ay di wasto
Mentras maaga ang katunggali, umatras na at sumuko
Nang di na lang mapahiya na baka po siya'y matalo
Sa panig na tutugunin na isang pakialamero.
LAKANDIWA
Napakinggan na po ninyo ang panig ng paraluman
Ang kalaban nya po naman ang sunod na pagbibigyan
Si Gonie po ay heto na, at kahit na sya po'y ganyan
Ay talagang ganyan na sya kaya ating palakpakan!
DAPAT (Unang Tindig)
Ako muna'y manghihimasok sa kalaban kong matabil
Wala pa akong nasasabi, nais na akong pasukuin
O baka po nangangamba, akin siyang pataubinPagkat dapat ang makialam, malasakit po ang
dahil.
Di lahat ng kaalaman ng tao ay malalawakHindi tayo pantay-pantay sa talino man at lakas
Halimbawang ang kapwa mo, suungin ay mapahamak
Hindi ka ba makikialam, nang siya'y maipangilag?
Hindi porke nakialam ka, ikaw na ay nanlalamang
Kundi ikaw'y naghahangad ang kapwa ay matulungan
Ang mabuting pagkatao'y nasusukat sa damayan
Makialam ka at at magsilbi, huwag sarilinin ang alam.
Marapat din pong mabatid ng makatang katagisan
Ang may gintong kalooban ay malapit sa Maykapal
Ikaw'y nagmamalasakit kung ikaw'y nakikialamSa isang di nakikialam, nasaan ang kabutihan?
Halimbawang sa landas ang katunggali'y naliligaw
Dahil panaho'y madilim, kutis nga ang kasingkulay
kung ako ay magkakait sa kaniya ng pakialamBaka doon sa Banzai Cliff pulutin ang
paraluman.
LAKANDIWA
Dahil kapwa walang balak patalo ang isa't isaHahayaan ko na silang mangawit ang mga
pangaSi ELVIE ang siyang muling magtatanggol ng
panig nyaWag po kayong mahihiya, sige na po...palakpak
na.
HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)
Mababaw ang halimbawang tinutukoy ng kalaban
Kinakaladkad ang paksa sa di dapat kapuntahan
Kung mayroon ka bang anak sa pag-aasawa na lalagay
Sa tibukin ng puso niya'y ikaw ba ang makikialam?
Sa alitang mag-asawa, kahit na ba kapitbahayDi ka dapat makihalo, manghimasok sa usapanDahil itong katalo ko'y may ugaling mapakialam
Kung lumala ang sigalot ay di ko na pagtatakhan.
Nakialam sa manibela ang di maalam magmaneho
Hinarurot ang sasakyan, napakatulin ng takboSa pababa ng kalsada, ang pangahas ay
nakabunggoSa pakikialam niya'y inutang ang buhay ng
kapwa tao.
Saka mo pa sasabihing manghimasok ay marapat
Ikaw nga diyan ay maglubay, nag ako'y di magtatalak
Sa tulad mong mapangahas, nakikialam na lang sukat
Ay gulo ang tinutungo, mahirap kang makaiwas.
DAPAT (Ikalawang Tindig)
Ako'y muntik nang masamid sa tugon ng kahidwaan
Kung ako po'y maglulubay, wala siyang makakalaban
Panghihimasok, pakikialam, sa salita lang di mainam
Ngunit ibinubunga nito ay magandang pakinabang.
Hindi dahil nakialam ka, ikaw na ang masusunod
Mahalaga'y pagpapayo sa kanila'y nailingkodSa di maalam magmaneho, kung mayroong
nanghimasokSakuna'y di mangyayari, pagkat siya'y
matatakot.
Marami sa atin dito'y mga walang pakialamWalang kiber, kanya-kanya, wala ang
malasakitanKaya naman ang abuso, nagaganap, walang
lubayDahil na din sa tulad mong di marunong
makibagay.
Kung sa iyo mangyayari ang nasabing kaapihanAng saklolo ng kapwa mo ang unang maiisipanSa matuwid na salita, dapat iyang pakikialamNang abuso ay mabawas, dahil may kapwang
dadamay.
HINDI DAPAT (Ikatlong tindig)
Ang hihingi ng saklolo, dapat lamang na damayan
Sa di napapasaklolo, di dapat mong pakialamanKung sino ang kumakatok ang may layang
mapagbuksanMaliwanag ang usapan, ang malabo'y ang
kalaban.
Pag sinabing pakikialam, ibig sabihi'y panggugulo
Ang katahimikan ng kapwa ang dito'y iniiskandalo
Kung nais mong makatulong, ikaw'y magsawalang-kibo
Sa eksena'y pumasok ka, kung mayroong tatawag sa iyo.
Marami sa kagaya mo ang nagdudunung-dunungan
Sa hangaring mapatanyag, nagkukunwaring hindi mangmang
Malimit pag nanghimasok, tiyak ulo'y walang laman
Di ko naman nilalahat, ngunit po katotohanan.
DAPAT (Ikatlong Tindig)
Kapag pala nagagalit, ang dilag ay gumagandaLitid ay naglilitawan, ang leeg ay nanghahaba
Ikaw nga diyan ang nagsabi, sa buhay ay kanya-kanya
Ba't ngayon na nakikialam, tila ikaw'y umaasa.
Mayroong magkapitbahay na hindi nagkakasundo
May hawak na mga armas, gulo ay di biru-biroKahit di man tinatawag, ang wika mo'y
pakialameroSa eksena ay pumasok, ang away ay naareglo.
Ibig kong ipaunawa sa makatang paralumanBago mangyari ang gusot, katulad ko ang
kailanganKung aasaha'y kaparis mong manhid sa
katotohananSa iyo'y aking tinitiyak, wala kang aabutan.
HINDI DAPAT
Di ka isang awtoridad na dapat na mamagitanBaka sa kanilang galit, ikaw ang
mapagbuntunanSa gaya mong isang hambog, suungi'y
kapahamakanDi malayong ang bagsak mo'y sa emergency
hospital.
Itong aking katunggali'y makulit po magkaminsan
Ang imposibleng mangyari, ginagawang karaniwan
O baka po nangangarap maging hero at superstar
Pati hindi tamang gawin, papasuking basta na lang.
DAPAT
Kaparis ng tinukoy ko, ako'y nagmamalasakitSarili ma'y mapahamak, ituturing ko ding langit
Mahalaga'y ang tulong ko na hindi ipinagkaitDilat ako sa tutoo, hindi katulad mong pikit.
Iyan namang panghihimasok ay gawa ng matalino
Ilalagay din sa lugar nang hindi ka mapasuboHindi ito kapintasan, bagkus pa nga'y makatao
Pagkat itong pakikialam, walang bayad na serbisyo.
HINDI DAPAT
Walang bayad na serbisyo, ngunit ikaw'y namemerhuwisyo
Nananahimik mong kapwa'y abala ang siyang dulot mo
Ba't di sarili mong buhay ang sikaping mapanuto?
Nandiyan ba sa pakikialam ang pag-unlad at asenso?
DAPAT
Sa kapakanan ng kapatid kung wala kang malasakit
Ikaw ay makasarili, sa kapwa'y wala kang baitNakikita mo ang mali, sila'y di pa itutuwid
Anong uri kang nilalang na nabuhay sa daigdig.
HINDI DAPAT
Ako pa ang walang uri, at sa iyo, ano naman?Sa sobrang panghihimasok, utak ay
kinakalawang!
DAPAT
Hindi baleng kalawangin kung may loob na dumamay
Masasabing ang buhay ko'y nagkaroong kabuluhan!
HINDI DAPAT
Hindi iyan kabuluhan, bagkus ay kabulastugan!
DAPAT
Maramot ka sa kapwa mo dahil di ka nakikialam!
LAKANDIWA (Paghatol)
Di ko ibig makialam, nanghihimasok lang akoDumating na ang sandali upang kayo'y
magretiroKayo muna'y magpahinga, basyo na ang inyong
uloKababayan, isa pa po, palakpakang masigabo!
Talaga pong magagaling ang makatang nagkaharap
Kahit mukha'y magkaiba, utak nama'y magkatapat
Kaya sadyang mahirap po ang papel kong ginaganap
Hindi dapat magkamali sa hatol na igagawad.
Ani ELVIE ESPIRITU, di raw dapat manghimasokSa buhay ng iba dahil walang gandang idudulot
Mapayapang pamumuhay magkaminsa'y
nagugusotKapag merong ibang taong nakihalo't
nakisangkot.
Dapat lang daw makiramay sa nahingi ng saklolo
Subalit kung hindi naman, di ka dapat makiguloKesa anya makialam sa buhay ng ibang tao
Ang sariling buhay muna ang sikaping mapanuto.
Kung si GONIE MEJIA po ang sya namang tatanungin
Ang salitang manghimasok ay masakit lang daw dinggin
Subalit kung nasa lugar ang pagtulong na 'yyong hain
Ito anya'y malasakit, walang bayad na tungkulin.
Marami raw sa 'ytin ditong kanya-kanya, walang paki
Kaya naman hanggang ngayon, marami ang inaapi
Ang tao raw na ang laging nasa isip ay sariliBuhay nito sa daigdig ay maramot, walang silbi.
Kasaysayan nating tao ay kung ating babalikanSa Hardin ng Paraiso'y sino'ng unang nakialam?
Tama kayo — ang demonyong hanggang ngayo'y walang lubay,
Patuloy na nanggugulo sa buhay po ng may buhay.
Kung atin pong bubuklatin naman yaong Bagong Tipan
Kay Jesus ay may eskribang ganito ang katanungan:
“Guro, ano'ng dapat gawin upang akin pong makamtan
Ang buhay na walang hanggan?” At si Jesus ay nagsaysay.
Isang taong naglalakbay ang hinarang ng tulisan
Binugbog at ninakawan, halos patay na nang iwan
Umiwas ang saserdote at Levitang napadaanNgunit ang Samaritano'y nagmagandang-
kalooban.
Nang tanungin ang eskriba kung nagmahal baga'y sino,
Sagot niya'y ang tumulong sa kapwa nyang inabuso
At lubusang naunawa ang mensahe nitong kwento,
“Humayo ka,” ani Jesus, “at gayon din ang gawin mo.”
Ang gawaing manghimasok, kung ang dulot lang ay gulo
Ay wala ngang pinag-iba sa gawain ng demonyoSubalit kung nasa lugar ang ginawang
pagsakloloAng gayon ay naaayon sa diwa ng Ebanghelyo.
Batay na rin sa katwiran ng dalawang nag-Balagtas
At sa aking pagsusuri nitong paksang inilahadAng hatol ko'y tabla lamang, si ELVIE at
GONIE'y patas,Kami po ay paalam na, good night, sweet
dreams, goodbye, my love.
PAGLAHOK SA PULITIKA
PAYAG ka ba o HINDI PAYAG na kumandidatokung ikaw ay mahilingang lumahok sa pulitika?
Mula sa panulat nina:GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng
PAYAGRAFAEL A. PULMANO — nagtanggol sa panig
ng HINDI PAYAGELVIE V. ESPIRITU — namagitan bilang
LAKAMBINI
LAKAMBINI (Pambungad)
Ang tabing po ng tanghalan ay atin nang hinahawi
Pagkat nga po sumapit na ang inasam na sandali
Ang pingkian ng matuwid, Balagtasan ang taguri
Bago po yan ay puwede bang sa palakpak makahingi?
Salamat po nang marami sa maugong na pagtanggap
Magandang Lunes ng gabi, sukling alay ko sa lahat
ELVIE ESPIRITU po, Lakambini na gaganapTatayo pong tagahatol, papagitnang tagaawat.
Sa hiling po ng maraming mahal na tagasubaybay
Maghihidwa ngayong gabi'y magkasukat sa larangan
Ang Hari ng Balagtasan vs. Lakandiwang batikan
Sa paksa pong tutuguning ganito ang nilalaman:
Kung ikaw sa pulitika'y hilingang kumandidatoPayag ka ba o di payag, tugon mo ba ay Yes or
No?Magaan po itong tanong ngunit nakakubli ditoSuliraning masusuong at dangal na matatamo.
Tulad po ng nararapat sa lahat ay paalalaKung mayroong masasagi sa laba'y di
sinasadyaSa makatang maglalaban ay akin ding paunawa
Hinaho'y wag malilimot at huwag na huwag mapipika.
Matapos po na mag-toss coin ang dalawang magbabangay
Ang pinalad po sa kara'y makata ng ka-Tarlac-kan
Habang siya'y papalapit sa ating silid-tanghalanSiya'y ating salubungin ng masiglang
palakpakan!
PAYAG (Pagpupugay)
Salamat sa Lakambini at Reyna ng BalagtasanAng magiliw nyong pagtanggap ay isa kong
karangalanSa lahat ng naririto, maging labas ng bulwagan
Isang mapagpalang gabi sa inyo ang pagpupugay.
Kung kaya din lang ng bulsa, kalusugan at ng isip
Kapintasan para sa akin sa hiling ay maging manhid
Sa tanong na tinutugon, malinaw ang aking panig,
Gonie Mejia po lamang, di maramot, hindi pikit.
LAKAMBINI (Pagtanggap)
Ang narinig nyo'y si Gonie, ang Hari ng Balagtasan
Isunod po naman natin ang kanyang makakalaban
Ang batikang Lakandiwa at makatang taga-Binan
Kababayan, ang hiling ko'y masigabong palakpakan
HINDI PAYAG (Pagpupugay)
Noon pa mang ako rito sa Saipan ay bagong salta
At kalaban ko po'y di pa personal na nakikitaSa husay n'yang mangatwiran, ako'y hanga
pong talagaPero ngayon, hindi na po, dahil palpak din po
pala.
Ang lahat ay nagsasabi, pulitika ay marumiKaya kahit may humiling, ako'y hindi po sasali
Ako'y di po isang Gonie — may ipis ang guniguni
Ako po si Ralph Pulmano, nagpupugay, m'gandang gabi!
LAKAMBINI (Pagtanggap)
Sanay man ang kagaya kong duminig sa paghihidwa
Ngunit ako sa iringan ng dalawa'y nangatog naDahil hindi ko na kayang ang laban ay iatras pa
Si Gonie'y naritong muli, sa palakpak suubin siya.
PAYAG (Unang Tindig)
Iyang larong pulitika ay malinis na laranganAng may dungis lamang dito'y pulitiko na
gahamanKung ang aking guniguni'y may ipis man sa
paratang
Ito namang si T'su Paeng ay bakla ang katuwiran.
Kung lahat po ng lalaki'y alanganin yaong isipMayron pa bang katinuang mangyayari sa
daigdig?Kung walang pamahalaang sa ating batas ay
uugitAnong uring pamumuhay ang atin bang
makakamit?
Hindi dapat na itanggi ang pagtulong sa lipunanKakayahan mo'y isilbi sa kaniyang kaunlaran
Kahit hindi hilingin ang pagpasok ko sa halalanMagkukusa na rin ako lalo't kinakailangan.
Nababatid nga po nating pulitika'y maligaligNgunit iya'y di dahilang tayo'y dapat nang
magkaitNg pakialam sa lipunan, mag-alay ng malasakit
Maghandog-katiwasayan sa lupaing iniibig.
Kung sa pugad po ng manok, itlog laging nabubugok
Ang lahi po ng inahin magmamaliw at lulubogBayan mang itinatangi sa dusa ay malulugmok
Kung gaya ng katunggali ang kaniyang sinasakop.
LAKAMBINI
Ang daluyong ng matuwid ni Gonie ay paragasaTumatangay sa damdamin ng may pusong
mahihinaAt ngayon naman ay si Ralph ang sunod na
tutuligsaIkaloob po sa kanya'y palakpak na masagana.
HINDI PAYAG (Unang Tindig)
Pulitiko ang marumi at di raw ang pulitikaNa para bang sinasabing itong ating bayang
sintaAy hindi po naghihirap, ang pobre'y ang
nakatiraO gobyerno'y hindi corrupt, opisyal ang salaula.
At kaylakas po ng loob na magbintang ni Gorgonio
Na katwiran ko ay bakla, ang kanya po baga'y ano?
Pulitika'y maligalig, inamin ng kalaban ko,Samakatwid po ba nito'y tahimik ang pulitiko?
Kung galit ka sa kapwa mo at hangad na makaganti
Ang mabisang solusyon daw, sikapin mong makumbinsi
Yaong taong iyon upang sa halalan makisaliSa manalo't matalo man, l'yamado ka, sya ang
lugi!
Ang matalo'y masakit po sa bulsa at kaloobanAng manalo'y sakit din po ng ulo pag
nanungkulanMay hihingi ng abuloy na may sakit,
namatayan,Masama ka kapag merong isang hindi
napagbigyan.
Lahat po ng kandidato'y nangangakong maglilingkod
Pag nabilang na ang boto at natuos na ang gastos
Ang nagwaging namuhunan ng salapi, antok, pagod,
Syempre upang makabawi, kailangang mangurakot!
LAKAMBINI
Ang liyab ay tumitindi sa hurno ng paglalabanAko muna'y tatabi na nang sila ay mapagbigyan
At kapag po may sunog na sa dalawang nakasalang
Saka ako papagitna at da-dial sa 911!
PAYAG (Ikalawang Tindig)
Sakripisyo't panlilibak, katugon sa pulitikaDati na pong sakit iyan, di na ako nagtataka
Pagkat diyan nauuri yaong tao na dakilaTumutulong ka na't lahat, ikaw pa rin ang
masama.
Pulitika'y kompetisyon kaya dito'y may ligaligDi lahat ng kandidato'y may maruming pag-iisip
Pakiusap sa kahidwang tila asong nagngingitngit
Pulitiko'y wag lahatin, kung sa akin siya may galit.
Dahil itong si T'su Paeng ay tutol sa pulitikaKahulugang sa gobyerno'y bantulot ding
kumilalaKahit pa man magkagayon, nakikinabang po
siyaSa maayos na trapiko't kongkretong mga
kalsada.
Halimbawang siya din ay pagbigyan sa kanyang gusto
Iwaglit ang pulitika, buwagin na ang gobyernoMay hustisya pa ba kayang iiral sa ating taoKung lahat ay kanya-kanya pagkat walang
mamumuno?
HINDI PAYAG (Ikalawang Tindig)
Kalaban kong si Gorgonio'y mahilig pong mag-ilusyon
Mahilig din pong magsuri, mali naman ang konklusyon
Palagay ko ay kaylangan muna niyang magbakasyon
Kaya lang po, balita ko'y apaw na ang Mandaluyong.
Pulitika, di gobyerno, ang akin pong inayawanDahil kahit kasingtibay ng bakal ang
pamahal'anPulitika, pag naghari'y masahol pa sa kalawang,
Kapakanan ng partido'y inuuna kaysa bayan!
Katunggali'y nagdaramdam kapag aking nilalahat
Iyang mga pulitikong iba anya'y de-kalidadNalimutan na po yatang isang bakol man ang
prutas,Mapahalo'y isang bulok, uuurin din pong lahat!
Magdila pong anghel sana ang kahidwang kutis-sanggol
Dahil sa 'min kalye'y wasak, at trapiko'y buhul-buhol
Di matapus-tapos yaong pulitikal na diskusyonSa paglagak nitong pondong daming ibig
mangomisyon!
PAYAG (Ikatlong Tindig)
Pulitikong halal-bayan, ang luklukan ay gobyerno
Natural sa pulitikang may lapian at partidoBakit sa bakol ng prutas nasira'y isa wika mo
Ang matinong karamihan, basura mong nasisino?
Hindi ko po sinasabing si T'su Paeng ay ninety-nine
Ngunit kapag po tutoo, di dapat kong pinatulanSa wika niyang Mandaluyong ay mayron pong
kagalinganNgunit sa tao pong tanga, mayroon bang
pagamutan?
Pasalamat ka na kahit kalsada ay baku-bakoDaanan ng behikulong nagbubuhol sa trapiko
Kung wala ang pulitikong may palakad sa gobyerno
Baka kahit na pilapil, wala na pagkat pribado.
HINDI PAYAG (Ikatlong Tindig)
Di nakuha ni Gorgonying ang aral ng mga prutas
Malala na palang sadya ang lagay ng kanyang utak
Pulitika'y isang sakit na madaling kumakalatMabuti mang kandidato, may sungay din pag
nagluwat.
Ibig yatang palabasin ng mabunying katalo koNa kung walang pulitika'y wala na rin ang
gobyernoDi lahat ng namumuno sa gobyerno'y ibinoto
Mas maraming hinihirang sa pang-sibil na serbisyo.
Kapag isang pulitiko ang nasa administrasyonTingin niya'y nakapako sa darating na eleksyon
Ang pinunong napaupo dahil sa kwalipikasyonNakatuon ang pananaw sa sunod na
henerasyon.
PAYAG
Hindi lamang pala mata sa katalo'y lumalaboPati na din ang matuwid na ngayon ay lumiliko
Ang prinsipal ay sino ba sa pang-sibil na serbisyo?
Kundi yaong nakaupong taong-bayan ang bumoto!
Sa pinuno't pulitiko ng katalo'y tinalakaySa hangarin ay iisa, kapakanan po ng bayanMahalaga ding mabatid ni Rafael ang dahilan
Kaya mayrong pulitika, nang ang bansa'y mapagyaman.
HINDI PAYAG
Ang paksa po namin dito'y kung sakaling hihilingan
Na lumahok bilang isang kandidato sa halalanAko po ba ay papayag? Ayoko po, gulo lang yan
Baka pati sarili kong pamilya'y mapabayaan.
Pag si Gonie ay nahalal, bayani pong tatanghalin
Dahil sa twing merong away, bangkay na di mapalibing,
Kalabaw na nawawala, naghuramentadong lasing,
Kasarapan ng tulog nya'y saka merong manggigising!
PAYAG
Halintulad po ng bansa'y isang puno ng halaman
Na ang dito'y tagadilig, nagwaging nanunungkulan
Kung katulad ni T'su Paeng ang lahat ng mamamayan
Puno ay hindi lalago, malalanta, mamamatay.
HINDI PAYAG
Nakapuntos din sa wakas ang sunog kong kabalagtas
Nang sa puno inihambing ang bansa kong nililiyag
Na dati po'y malago na, mabunga at mabulaklak
Ngayo'y lanta sa dami ng pulitikong panay corrupt!
PAYAG
Tao daw pag mainggitin, daglian kung magparatang
Ngakngak dito, dada doon, kahit walang katibayan
Baka si Raffy'y di batid, may batas na pinagtibay
Sa isang naninirang-puri, may katugong bilangguan.
HINDI PAYAG
Ayaw ko sa pulitika'y talamak ang kaplastikanKandidato'y kaybabait sa oras ng kampanyahanMasuyo kang ngingitian, aakbayan, kakamayan
Ngunit sila'y may amnesia pag tapos na ang halalan.
PAYAG
Lingkod-bayang pulitiko, mahirap ngang makaiwas
Sa pintas po ng botanteng mapaggawang-alingasngas!
HINDI PAYAG
Pulitika ang syang mitsa ng maraming karahasan
Pag sinabing very peaceful ang eleksyon, may patayan!
PAYAG
Kung wala ang pulitiko, meron bang katahimikan?
HINDI PAYAG
Pulitika'y hindi sugal, pero lintik ang dayaan!
PAYAG
Kahit dito'y may dayaan, dapat ka ring makialam!
HINDI PAYAG
Makialam sa pagboto, hindi sa kandidatuhan!
LAKAMBINI (Paghatol)
Ang oras ay sumapit na upang kayo ay awatinMagpahinga muna kayo at ang ulo'y palamigin
Muli po sa naririto'y masuyo kong hinihilingPalakpakan ang dalawang naglaban nang
buong giting.
Paunawa ko sa lahat, ang hatol ko'y ibabataySa hinayag na matuwid ng makatang
naghidwaan
Pahabol kong paalala, ang paksa pong tinalakayPulitikang Pilipinas, ibang bansa'y di kabilang.
Simulan nating limiin ang matwid ng bawat isaSa paksa po na tinugon, kung tutol ba o payag
kaKung ikaw ay nahilingang tumakbo sa pulitika?
Panig muna ng pagpayag ang siya nating iuuna.
Ani Gonie, ang pagpayag o magkusa po ay dapat
Lalo't ikaw'y may hangaring ang bayan ay mapaunlad
Maligalig man daw anya at halalan ay may dahas
Iya'y di mga dahilan upang ikaw ay maduwag.
Matuwid din niyang tinukoy kung wala ang pulitiko
Na halal ng taong bayang mamumuno sa gobyerno
Walang batas na iiral, bayan daw ay maguguloMaganda ang paliwanag ng makatang si
Gorgonio.
Ayon naman kay Rafael, ang makatang sumalungat
Pulitika'y maligalig, nanunungkula'y mga corrupt
Ang isa pa na dahilan na hindi raw matatanggap
Karahasan sa halalan, palagi nang nagaganap.
Wika din niya ang pamilya ang siyang mapapabayaan
At sakit daw po ng ulo pag pulitika'y pinatulanDito'y ibig niyang tukuyin, kanya-kanya tayong
buhayLahat walang limitasyon, wala ang pamahalaan.
Bayan ay kahalintulad sa mayabong na pamilyaNa magulang ang heneral, sa anak ay mga
guwardiyaMagkagayon man sa anak, may away pang
nagagawaYaon pa bang sambayanan na walang
namamahala?
Kung wala po ang halalan, wala din ang pulitikoKung wala ang pulitiko, paano ba ang
gobyerno?Kung wala ding pulitikong sa bayan ay
mamumunoMawawalan ng direksiyon, bukas nating
tinutungo.
Paalala ko'y igalang lahat ng nanunungkulanSa ating pamahalaan na halal ng taong bayan
Si Gonie po ang nagkampeon sa ginawang paglalaban
Pakunsuwelo po sa kanya'y matunog nyong palakpakan!
BABAE ANG MAGTATAPAT
DAPAT BA O HINDI DAPAT MAGTAPAT NG PAG-IBIG ANG BABAE
SA LALAKING KANYANG MINAMAHAL?
Mula sa panulat ni:JULIETA O. ASENITA
Mga nagsiganap sa Balagtasan:Dapat: Julieta Asenita
Hindi Dapat: Amor GrulloLakandiwa: Joel Torres
LAKANDIWA
Balagtasan, Balagtas ang ngala’y nagmulaDebateng patula, tulang mahabang-mahaba
Kung bao’y may kahinaan, dito’y di uubraPagka’t ito’y tagisan ng talino, sa matwid ay
hasa.
Ang pagharap namin sa inyo’y tugon po sa kahilingan
Ng isang magandang paraluman, TESS BALLA po ang ngalan
Pero bago po ang lahat, kami muna ay pagbigyan
Sa matunog na palakpak, kami sana’y paringgan!
Salamat po, ngayon nama’y tanggapin ang aking bati
Magandang gabi po sa lahat, mga kabayan ko’t kalahi
Mga bigating makata, sa balagtasa’y magbabahagi
Kaya’t abangan ang kapanabik-nabik na pagtutunggali.
Ginoong JOEL TORRES po, itong inatasang Lakandiwa
Taga-hatol, taga- awat sa mga makatang maghihidwa
Utak man ay magkatapat, mukha’t kulay nama’y magka-iba.
Nguni’t parehas pong magaling, sa bigkasa’t pagtudla.
Dapat ba o hindi dapat magtapat ng pag-ibigAng isang babae, sa lalaking kanyang
sinasamba’t iniibig?Ang paksang sasagutin, hinggil sa tanong na ni-
request Ito ngayo’ y lulutasin ng mga
makatang matitinik !
Paalaala mga ‘kabayan, sa laban pong gaganapin
Hindi namin sinasadya, kung masasagaan o masasaling
Dahil ito’y balagtasan, ang lahat po ay kakalkalin
Kaya’t makinig nang mabuti, katwiran nila’y limiin.
Ang tabing po ng tanghalan ay akin ng hinahawiNang ating mapagsino ang dalawang
magpipingkiUna kong tatawagin ay itong kamag-anak ni
DATU PUTIPalakpakan nang masigla ang sa kanya’y
ibahagi!
DAPAT (Pagpapakilala)
Ang pag-ibig pag naghari sa puso po ng sinuman
Susuungin daw ang lahat, maging ito man ay kapintasan
Lalo’t torpe, isang kimi… ang lalaking manliligaw
Ang maghayag ng pagsinta, ang babae’ y dapat lamang.
Kasing liwanag ng kutis ko, ang panig kong tutugunin
Na laan kong ipagtanggol, saan pa man makarating
JULIETA ASENITA po itong nagpupugay buong giliw
Sa lahat ng kababayang… katulad ko ay malambing!
LAKANDIWA
Ang Makata ng Nueva Vizcaya ang narinig po n’yong nagpahayag
Na kilala sa bigkasan, maging dito sa ibayong-dagat
Susubukin naman natin, ang talino ng kanyang makakatapat
Ang Makata ng Pangasinan, na kilala rin sa pagsulat.
Para atin nang mabatid ang panig ng hinahamon
Gayon din po ang katwirang idudulot nitong tugon
Ang makatang makakatapat narito na – balibatin ngayon
Ng masigabong palakpakan na pampagana’t pangkundisyon!
HINDI DAPAT (Pagpapakilala)
Isa po akong MARIA CLARA noon at sa kasalukuyan
Kaya’t malayo na ako po ang sa pagsinta’y mangumpisal
Wala pong ipis aking guni-guni, di gaya ni Julietang hibang
AMOR GRULLO po, galak na sa inyo ay nagpupugay.
Kahihiyan at kapintasan, batik po sa
pagkakababaeNa magtapat ng pag-ibig ang dalaga sa lalakiIyan po ang panig kong dudulugan ng diskarteSa dilag na isang sawi sa pag-ibig, huli na sa
b’yahe!
LAKANDIWA
Kagaya ng inaasahan, ang makata pong nagsalita
Ay di marunong magmintis sa pagtudla ng kataga
Ngayo’y batid na po nating lantarang di makailaAng dalawa’y parehas pong mayro’ng binatbat
nga!
Nang higit pong maliwanagan, damdamin ng bawa’t isa
Ang first round ng pagtatalo’y dadakuin na po nila
Muli kong ibinabalik si Binibining JULIETA ASENITA
Bago sana siya tumalak, palakpakan natin muna siya!
DAPAT (Unang Tindig)
Batik nga bang ituturing ang sariling karapatanAng magtapat ng pagsinta sa lalaking
minamahal?Tila yata nadupilas ang dila itong katalo sa
tinuranHindi kaya siya’y lasing o talagang engot
lamang.
Tumpak siya nang sabihing ako’y naiwan sa biyahe
Hanggang ngayon ay “Miss" pa po, kasalanan ko din kasi
Ang binatang sinamba ko, sa pagligaw sa aki’y t’yope
Ako’y nagsawalang-kibo, hayan... naburo tuloy aking byuti!
Nag-uumapaw na ligaya ang magmahal at ikaw’y mahalin
Ang bumuo ng sariling pamilya ay langit ding ituturing
Natutupad ang pangarap, tagumpay ay mararating
Kung ang dilag na gaya ko, ng binata’y susuyuin.
Subali’t po nangyayari at malimit na nagaganapMay binatang ligaw-tingin lang, sa napupusuang
dilagAng dahilang pangunahin, alinlangan sila
pagkat…Ang dalaga’y gaya ko ding ang kariktan ay di
masukat.
LAKANDIWA
Tukoy na po natin ngayon ang damdamin nitong si Julieta
Ngunit hindi kumbinsido ang makatang binabangga
Kanina pa di mapakali, ibig na ding makatulaSi AMOR GRULLO’y heto na, balibatin ng
palakpak siya!
HINDI DAPAT (Unang Tindig)
Di dapat ipagkanulo ng dalaga ang damdaminSa lalaking iniibig, sa binatang napipisilAng magtapat ng pagsuyo ang dilag sa
ginigiliw Ay isa pong kamaliang hindi dapat pairalin.
Tatamis ang pagsasama sa dalawang ibubuklodKung sa “normal” na paraan, ang ligawan ay
iinogDapat lamang ang binata sa pagsinta’y
magluluhogAt hindi po ang dalaga ang aakit doon sa irog.
Akma nga lamang marahil na tatawagin pong very cheap
Silang mga kabaro kong tila di na makatiisMaghintay pa ng panahon, kapalaran sa
pagsapitDumulog ng pagtatapat sa inaangking langit.
Katulad po ni Manang Julieta, ang asal ay di matarok
Ang ugaling Maria Clara’y tila ba kanyang nalimot
Ito kayang dilag ay may diperensya sa tuktok ?Pumipitas ng pag-ibig sa paraan pong baluktot.
Halimbawang siya’y magtapat ng pagsinta sa binata
At mabasted pagkat sya’y nagkabula sa hinalaNa siya ay mahal din po ng lalaking sinasamba
Maghunos-dili ka Julieta, di mo batid ang ginagawa!
LAKANDIWA
Makapigil-hininga itong si AMOR, sa balagtasan kung bumira
Parang bulkang Pinatubo, madagundong sa pagbuga
Nguni’t pawang ngiti lamang, mababakas kay JULIETA
Na lagi po sa pagganti ng matwid ay nakahanda.
Ang liyab ay tumitindi sa hurno ng paghihidwaan
Ako muna’y uupo, sila muna’y pansamantalang iiwan
At kapag may sunog na sa dalawang nakasalang
Ay saka ako papagitna, tatawag ng ambulance!
DAPAT (Ikalawang tindig)
Hindi na baleng very cheap, iya’y di ko alintanaKung kapalit habang-buhay, ang irog ko’y
makasamaAko po ay hindi baliw, ang isip ko’y hinog na
Huwag mo akong paratangan sa hinalang balintuna!
Ang magdusa habang-buhay ay hindi ko
pinangarapSa lumbay ng pag-iisa, di ko hangad
mapasadlakMasasabing sapalaran ang sa lalaki’y magtapat
Maaaring kabiguan, sa kabila’y isang palad.
Halimbawang ikaw kaya ang may lihim na pag-ibig
Sa Adan na lumiligaw, na ang dila ay nauumidLalo’t ikaw ay kaharap, magtapat ay di
masambitDi ba’t ikaw na din mismo ang susubok ng
pahiwatig?
Ang hirap sa katunggali, hindi marunong umunawa
Wala kaya s’yang damdaming masasaktan at luluha ?
Kung ang pangarap katuwangin ng puso ay dinadambana.
Lalayo ng basta na lang, dahil siya po’y nagpabaya!
HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)
Ako po daw anya itong sa unawa ay nagkulangKung siya ang nagkanulo, sa palakad ay
sumuwayIisa ang tinutungo ni JULIETA sa katwiranAng pikutin yaong Adan, na pintuhong
makatuwang.
Kung ako ang may lahim na pag-ibig sa lalakiAy hindi ko maatim, ibulgar ang pagtatangiMatitiis ko ang lumbay at mag-isa sa hirati
Kaysa ilublob sa dungis,kapurihan ko at yumi.
May ligaya pa ba kayang madarama si JulietaKung sa pikot ay sinilo, ang binatang ginayuma?
Hindi ba siya makokonsensya sa sumbat ng kinasama
Na siya ay inakit lang ng dilag na desperada?
Pag-ibig ay walang tamis, maaaring sa hiwalayHumantong ang pagsasama, kung pikot ang
namagitanSi JULIETA’y maganda, huwag lang titingnan ng
matagalan
Kasing dilim ng hating-gabi ang kasal pong tinatanaw!
DAPAT (Ikatlong Tindig)
Panahon ang dumdilim, katwiran ko’y maliwanag
Hindi ako isang plastik, balimbing at mapagpanggap
Pinikot man ang irog ko ay hindi rin magaganapAng maghiwalay pagka’t siya’y paglilingkuran
ko nang tapat.
Winawari ko’y pakipot ang makatang kahidwaan
Hindi raw po maatim, magpahayag ng pagmamahal
Baka kung siya;y di pansinin ng lalaking napupusuan
Maaaring siya’y mabaliw sa matinding kalungkutan!
Halimbawang kaming dalawa sa Adan ay umiibig
Kung ako ay mabibigo, daramdamin kong kay pait
Natural po ang paraan, sa isip ko’y mananaigAng pikutin ang binata, upang makaisang
dibdib!
HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)
Hindi ako mababaliw sa siphayo’t kalungkutanNguni’t ako’y maloloka, sa asal mong mang-
aagawHindi ko na matitiyak, kung ano po ang kalaban
Kung Eva o isang T-bird o bakla pong paraluman!
Natural lang sa dalagang magpa-kiyeme…magpakipot
Pagkat iyan ay ugaling namulatan ko ng lubosAko ay hindi kilos-garapal, isipan ay gapok
Di paris ni JULIETA’ng may damdaming masalimuot!
Di dapat sa isang Eva, ang mag-asal po na AdanHindi dapat ang babae, sa lalaki ang liligaw
Palay pa ang lalapit, sa manok na isang tandang
Si JULIETA ba ay bubuyog o bulaklak ng katuray!
DAPAT
Bulaklak man ng katuray ay may kulay ding luningning
Ako ay hindi bubuyog, kundi isang rosas po sa hardin
Huwag mo akong ikumpara, sa palay na
tutukainAt hindi rin katulad mong mapanupil sa
damdamin!
Kapag puso’y nagsimulang makadama ng pagsinta
Masasaktan at luluha, lalo’t iyong sinawataGaano pa kayang hapdi, kung winalan mong
bahala Na makamtan ang pagtingin, ng minamahal
mong binata.
HINDI DAPAT
Nahihigit yaong hapdi at kirot ng pangungutyaAng irog ay sumakamay, dahilan sa pandaraya
Hindi mo ba kamatayan, ang sumbat ay kakumpara
Habang-buhay ay tutuksuhing makapal ang iyong mukha!
Magagalak si JULIETA, pag nakatuwang na irogSubali’t ang kakatuwangin, hanggang wakas
mukha’y lukotMahirap daw kasipingin, ng lalaki yaong “bebot”Na di tunay siyang mahal, ng kanyang puso’y di
tibok!
DAPAT
Kapag ako ay nagtapat ng pag-ibig sa irog koAt kung ako’y magkapalaf, sa matamis niyang
ooKahulugang ako’y mahal, hindi siya mabibigo
Isusukli ko’y ligayang hindi layong mapagtanto!
HINDI DAPAT
Di ko na kayang mapigil, itong aking nadaramaAko’y inaalibadbaran, sa tugon po ni JULIETAHindi dapat na magtapat, ng pagsinta ang
dalagaSa lalaking napusuan, hindi pwede, Ano ka ba?
DAPAT
Ako’y kabaro mong dilag, may laking paniwalaKarapatan kong maghayag, ng pag-ibig sa
sinasamba!
HINDI DAPAT
Ang landasin sa pagsinta, sa lugar ay itatamaAng magtapat ng pag-ibig, ang babae po ay
lisya!
DAPAT
Mabuburo ang byuti ko, kung iya’y di magagawa!
HINDI DAPAT
Kaysa magdusa sa hiya, mainam pang ako’y mabilasa!
DAPAT
Iyan ang iyong paniwala!
HINDI DAPAT
Tukoy ko ang mali’t tama!
LAKANDIWA
Oras na para umeksena, upang kayo’y awatinMagpahinga muna kayo at ang ulo’y palamigin
Muli po sa balana, masuyo kong hinihilingPalakpakan ang dalawang naglaban ng buong
giting!
Simulan nating limiin, ang matwid ng bawa’t isaSa hinayag na katwiran, ng makatang
nagkahidwaAng paksa pong tinalakay, pahabol kong paala-
alaIto’y usaping-pambabae, MARIA CLARA man o
MADONNAIbig kong tukuyin makaluma man o moderna.
Uulitin ko ang paksa, ng dalawa’y tinalakayDapat ba o hindi dapat magtapat ng
pagmamahalAng babae sa lalaki, iyan po ang katanungan
Ang panig ng dapat, ang una kong pagbibigyan.
Ani JULIET ASENITA, ang magtapat ay dapat lang
Lalo’t atas daw ng puso, ang dito po’y umiiralWala anyang masasangkot, sa gagawing
sapalaranKundi na rin ang maghangad, sa sariling
karapatan.
Mas mahapding madarama, ang mabigong di sinubok
Kaysa anya sa magtapat, na nasawi sa iniirogLahat daw ay magagawa, kung puso ang
nanghimasokPaano kung papalarin, ligaya daw anya’y lubos.
Sa pagtutol ni AMOR, anya ito’y malaking
kapintasanSa dalagang Pilipina, MARIA CLARA ng Silangan
Garapal daw tukuyin,bilasa ang pagmamahalKung ang isang Eva’y liligaw, sa napupusuang
Adan.
Di kalian man masasabing ang mali ay maging tama
Pagka’t anya’y karangalan, ang dito’y nakatayaMapait daw ang pag-ibig, panunumbat
nakatayaKung lalaki ay pinikot, tugon nitong isang Eva.
Bibigyan ko ngayon ng linaw, itong aking panigTayo ay may kanya-kanyang karapatan sa pag-
ibigMapwera lang kung sa dahas, daanin ang iyong
naisItp’y sadyang matutukoy, kalaswaan…walang
tamis.
Walang batas na nagsasabing, kasalanan ang magtapat
Ng pagsinta ang babae, sa lalaking pinangarapNandoon man ang kapintasan ay sarili ang
hinamakHindi dapat siyang hadlangan, lalo’’t legal na
ang edad.
Sa hatol kong igagawad, huwag mamuhi ‘kabayan
Bilang inyong Lakandiwa, desisyon ko ay igalang
Sa timbangan ng katwiran, tabla po ang naging laban
Si JULIETA at AMOR po, sila’y ating palakpakan!
ALING WIKANG WIKA ANG DAPAT GAMITIN NG PILIPINO:
WIKANG PURO O WIKANG HALO?ni Joel Costa Malabanan
Azl : “Si Gat Jose Rizal, noo’y
nagwika Siya ang nagpangaral sa
ating bansa Ang hindi raw magmahal sa
sariling wika Ay higit pa ang amoy sa
mabahong isda!”
Ako po ay naparito sapagkat nabalitaan
Na dito raw gaganapin ang dakilang Balagtasan
Pagkat ako ay makatang naghahanap ng kalaban
Ang sinumang katunggali ay hindi ko aatrasan!
Ngunit ako’y nag-iisa,
nasaan ang Lakandiwa? Kung di tuloy ang
programa’y mabuti pang umuwi na! Sayang na pagkakataon, eto
akong handang-handa Ngunit sa malas ay
tila walang makakasagupa!
Jonathan: Wag na wag kang aalis diyan, makata kong kaibigan
Ako itong Lakandiwa nitong ating Balagtasan
Natrapik lang nang bahagya sa may bandang Panapaan
Kaya’t saglit na nabalam dito sa ating tagpuan!
Lakandiwang naatasan,
pangala’y Jonathan Calda Sa palatuntunang ito’y
siyang tagpangasiwa Ngunit teka, sandali nga,
bakit tila nawawala Ang makatang katunggali’t
kabanggaan mo sa diwa!
Regie: Ako’y hindi nawawala, tulad mo rin, natrapik lang
Sabik akong ilampaso, ang kalabang nag-aabang
O Ginoong Lakandiwa, ako po’y pahintulutan
Na lumahok sa programang may tagisan ng katwiran!
Jonathan: Halika at umakyat na dito sa
ating tanghalan At nang itong Balagtasan ay
agad nang masimulan Kaagad ipakilala, ang sarili’t
pinagmulan At saka ko ilalahad, paksa ng
balitaktakan!
Mga madlang nanood bago kami magsimula
Masaigabong palakpakan ang sa ami’y ibandila!
Azl: Azl Cedric Lopez po, Caviteñong naturingan
Makata ng Perpetual Help, Prinsesa ng Balagtasan
Katwiran ko’y parang suntok, bawat tugma’y tila kulog
Ang sinumang kalaban ko’y sa pansitan matutulog!
Regie: Regie Ucang ang pangalan, ang Diyosa ng Balagtasan
Sa talino’t kagandahan, taob ang aking kalaban
Hindi ako nananakot, hindi ako nagbabanta
Ang huling nakalaban ko, hanggang ngayon ay tulala!
Jonathan: Ang paksa pong nakalaan, sa
patulang pagtatalo Alin ba ang nararapat ,
Wikang puro, wikang halo,? Si Azl ay nagsasabing itong
Wikang Filipino Nararapat ipagtanggol,
ingatan at gawing puro!
Samantalang si Regie ay malaon nang nagpahayag
Panghihiram ng salita, lubos siyang pumapayag
Kaya hala, mauna na ang panig ng tumututol
Sige Azl, simulan mo katwiran mo ay ipukol!
Azl: Itong lahing Pilipino, may
sariling pagkatao May kulturang kinagisnan,
may sariling alpabeto Katangian at tradisyong
minana pa sa ninuno Nararapat alagaan sa haplit
ng pagbabago!
Pagkat tayo’y nag-iisip gamit ang sariling wika
Ito rin ang siyang bintana nitong ating kaluluwa
Ang dalisay, purong wika ay mahusay na sandata
Upang hindi madumihan ng kultura ng banyaga!
Regie: Malalalim na salitang hindi mo
maintindihan Pagkat sadyang makaluma,
kaya nagkakalituhan Sa panahon ng internet, ng
counter strike at ng Friendster Wika’y magiging praktikal, at
ang gamit ay forever!
Subalit kung katulad mong parang lola kung mangusap
Ay baka mas mainam pang ka-eye ball mo ay kulisap
Hindi mo mapipigilan, pagkalat ng wikang English
Wikang halo ay mahusay, kahit pa nga ito’y Taglish!
Azl: Halong wika, halong diwa,
kaya walang pagkatuto Bulol na nga pag nag-English,
bulol din sa Filipino Dalawang wikang winawasak
nitong mga katulad mo Sa halip na tumalino,
henerasyo’y naging bobo!
At nang dahil sa counter strike, at lagi mong pagpe-friendster
Naubos na ang oras mo, pati pera sa computer
Kabataang sinasabing pag-asa daw nitong bayan
Eto ngayo’t sinasamba ay kultura ni Uncle Sam!
Regie: Tapos na po ang labanan, ako
na po ang nagwagi Purong wika’y imposibleng
magagamit na palagi May salita bang katutubong
panumbas mo sa computer Ni hindi mo maisalin, ang
counter-strike o ang friendster
Patunay na kilangangang ang wika ay halu-halo
Ito pa nga ang sandata upang tayo’y mas matuto
Henerasyon daw ay bobo, hindi kami, baka kayo!
Na makitid kung mag-isip, di tanggap ang pagbabago!
Azl: Anong klaseng pagbabago
kung kolonyal ang isipan Ekonomiya at kultura, ang
may kontrol ay dayuhan Kung salita ay hiniram, pwede
namang matumbasan Mag-imbento ng salitang
panapat sa kinagisnan!
At pwede ring ang salita’y babayin sa Filipino
Ang ispeling ay baguhin, isalin sa katutubo
Katulad ng ginagawa ng Indones at ng Malay
Katagang dayo’y binabaybay na gamit ang wikang taglay!
Regie: Ikaw ba ay nababaliw, technical
terms babaguhin? E di lalong ang lahat ay
kayhirap na intindihin
Azl: Wala akong sinasabing technical terms babaguhin
Mukhang itong kalaban ko ang siyang lola at ulyanin
Regie: Sino kaya ang ulyanin, sino ba
ang mas maganda? Kayong madlang nanonood kayo
na nga ang humusga!
Azl: Di hamak na mas maganda , kayumangging Pilipina
Kumpara sa katulad mong labanos na namumutla!
Regie: Hindi ako namumutla, ang gamit
ko y Glutathione Kaya’t kutis ng artista itong
beauty ko sa ngayon!
Azl: Kagandahang artipisyal, niretoke nitong agham
Tanging ang magkakagusto’y yaong nahihibang lamang!
Regie: At sino ang nahihibang?
Azl: Ikaw!
Jonathan: Sandali lang, sandali lang, aking mga kaibigan
Lubhang lumalayo kayo sa paksa ng Balagtasan
Pakiusap na balikan ang paksa ng talakayan
Huminahon at magtimpi sa banggaan ng katwiran
Ikaw Regie, konting lamig, sa
iyo Azl ay ganun din Ngayon itong Balagtasan
itutuloy na po natin Kayong madlang nanood,
muli’y aking kahilingan Ialay nang buong sigla,
masigabong palakpakan!
Regie: Di praktikal na tumbasan bawat hiram na salita
Ang paggamit nitong wika ay hindi naitatakda
Artbitraryo itong wika, nagbabago, nag-iiba
At sa mundo’y walang wikang purong-puro, nag-iisa!
Azl: Itong Wikang Filipino’y may
sariling katangian Hindi dapat na baguhin,
bagkos dapat alagaan
Rebisyon ng alpabeto nitong taong 2001
Matapos ang limang taon, di nagamit, pinigilan!
Wag wasakin ating wika, ito
ang siyang panawagan Wag patayin ang salita, at
wag na wag ding papalitan Kung mayroong English
campaign sa lahat ng paaralan Dapat na may programa rin,
para sa wikang kinagisnan!
Regie: Kaya nga may Buwan ng Wika, at programang tulad nito
Ay upang masuportahan itong Wikang Filipino
Azl: Ngunit ito ay di sapat, kulang na kulang pa ito
Ang kailangan ay mahusay na programa ng gobyerno
Dapat na ibasura rin itong E.O. 210
Na siyang pumapatay ngayon sa ‘ting Wikang Filipino!
Regie: Nilagdaan ng pangulo itong
E.O. 210 Bilang tugon sa hamon ng
pagbabago nitong mundo Kailangang paghusayin, ang
paggamit nitong English Hindi naman tuluyan na wika
nati’y inaalis!
Pagkat itong wikang English ay ang wikang universal
Pangunahing ginagamit sa lahat nang pag-aaral
Pag ang Pinoy ay nag-abroad at kung mahusay na mag-English
Tiyak na siya ay may trabaho’t ang pag-aseso’y mabilis!
Azl: O ang aliping caregiver na
tagahugas ng puwit Ito ba ang gantimpala sa
pangarap na malupit Pilipino’y sinasanay upang
agad ay ieksport Sa kanser ng kahirapan ay
siyang natatanging gamot?
Kolonyal na edukasyong ang pundasyon ay ang English
Ang ugat ng pagdurusa’t malaon nang pagtitiis
Kung ang nais ay paglaya’t ganap na pag-unlad natin
Itong Wikang Filipino ang siyang dapat paunlarin!
Regie: Makitid na pag-iisip,
bangungot na panaginip Ang dahilan kung bakit ang
bansa nati’y nagigipit Habang Koreano’t Hapon ay
nagnanais mag-English Heto naman ang tulad mong
nais ito ay maalis!
Azl: Hindi ko sinasabing ang English ay dapat alisin
Kundi Wikang Filipino ang dapat na bigyang pansin!
Regie: Itong wikang Filipino’y di
magamit sa call center Sa interview, babagsak ka
kung ang alam mo lang ay “Sir!”
Azl: Huwag ka nang magkolehiyo kung call center agent lamang
Hayaan mong murahin ka ng dayuhang mapanlamang!
Regie: Sigawan man o murahin,
mahalaga ay may pera Kaysa naman may prinsipyo
ngunit gutom ang sikmura!
Jonathan: Akin muling puputulin, lumalayo ang usapan
Paksa nating sinimulan ang siyang dapat pagtalunan
Linawan ang sasabihin, wag iwanan ang usapin
Wikang puro, wikang halo, alin ba ang pipiliin?
Sa pagkakataong ito, kayo’y
aking pagbibigyan Huling tindig, huling hirit ng
katwiran ay bitawan At ang madlang nakikinig,
muli’y aking kahilingan Gisingin ang diwang tulog sa
ritmo ng palakpakan!
Azl: Bawat wika sa daigdig ay may kanyang katangian
Na dapat na irespeto, at dapat na pag-ingatan
Bawat lahi’y may kultura, may sariling kakanyahan
Hindi dapat talikuran, hindi dapat na talikdan!
Purong wika ay salamin ng puro ding pagkatao
Dalisay na pundasyon ng ating pagka-Pilipino
Wika natin ay ingatan, payabungin, paunlarin
Sa pagpanday ng lipunang may paglayang maaangkin!
Regie: Ang wika ay daynamiko,
umuunlad, nagbabago Kagaya rin ng pag-unlad nitong
Wikang Filipino May hiniram sa Kastila, may
salitang katutubo May hiram sa mga Intsik, sa
Hindu at sa Arabo
Kung kaya’t ang wikang halo ay wika ng pagkatuto
Isang hakbang patungo sa hinahangad na asenso
Kapag ang wika ay puro, ito’y tiyak mamatay
Ngunit kapagka may halo, may pagyabong na dalisay!
Jonathan: Matapos na mapakinggan ang palitan ng katwiran
Panahon na upang silang dalawa ngayon ay husgahan
Wikang puro, wikang halo, alin ba ang maktwiran
Na gamitin at ituro sa lahat nang paaralan?
Totoong ang Wikang English
ay sadyang ating ka’ylangan Ito’y wikang universal na
dapat ay pag-aralan Mahalaga sa pag-unlad ng
lipunan at ng bayan Katotohanang kailan ma’y di
mapasusubalian
Ngunit kung mayrong wikang hindi dapat kalimutan
Walang iba kundi itong wika nating kinagisnan
Higit sa alinmang wika ng kung sinumang dayuhan
Ang Wikang Filipino ang siyang dapat pahalagahan!
At sapagkat itong wika’y
umuunlad, nagbabago Hindi maaaring laging manatili itong puro
Kung nagkakaintindihan, kahit wika’y halu-halo
Ituturing natin itong pagyabong na positibo!
Ang dapat lamang iwasan, sa
pormal na talakayan Ay ang halu-halong wikang
ginagamit nang palitan Kung English ang katanungan,
English din ang kasagutan Kung Filipino ang usapan,
Taglish dapat ay iwasan!
Kung salita’y technical term, hindi dapat na palitan
Ngunit kung mayrong panumbas, gamiting may kalayaan Itong Wikang Filipino’y
nararapat paunlarin Pagyamanin, tangkilikin ang
sariling wika natin!
Wikang puro, wikang halo, alin ba ang maktwiran
Na gamitin at ituro sa lahat nang paaralan?
Palagay ko’y nasagot na itong ating katanungan
Kahilingan namin ngayon, kaming tatlo’y palakpakan!
BATA AT PAMALO
DAPAT BA O HINDI DAPAT NA PALUIN ANG BATA?
Mula sa panulat ni:BERT CABUAL
Balagtasang Itinanghal sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika
sa Bulwagan ng Centre For Filipinos sa London, UK.
Mga nagsiganap sa Balagtasan:Dapat: Estela Vasquez-Nalden
Hindi Dapat: Fely CorcocheaLakandiwa: Bert Cabual
LAKANDIWA
Magandang gabi po, bati kong magiliwsa nangatitipon ngayong panauhin…
Paksa: “Na ang batang minamahal nati’y dapat ba o hindi dapat na paluin?”
Katanungan itong nais bigyang-linaw,kaya ngayong gabi ay may Balagtasan;ang mga makatang dito’y napipisan, sa ngalang pagtula’y inaanyayahan.
HINDI DAPAT (Panawagan)
Paanyaya ninyo, bunying lakandiwa,ay tinutugon ko nang bukal sa diwa;
nais kong ihayag at ipaunawangako’y tumututol paluin ang bata.
DAPAT (Panawagan)
Aming Lakandiwang kapita-pitagan,sumasagot akong handa sa tulaan;
ang batang suwail sa mga magulang,dapat na palui’t nang maging magalang.
LAKANDIWA
Mga manunulang kawal ni Balagtas,ang paanyaya ko’y inyong tinatanggap;
yamang sa pagtula’y gustong magpasiklab,kaya sa tanghala’y halina’t bumigkas.
(Lalapit sa tanghalan ang magtatalong mga makata.)
HINDI DAPAT (Pagpupugay)
Ako ay si Fely, mga kababayan,tubo sa Banaba, San Mateo, Rizal;
bagaman at dukha ang mga magulang,hataw ng pamalo’y di ko naranasan.
DAPAT (Pagpupugay)
Kung tawagin nila ako’y si Estela,Taga-nayong-Arab ng Pidigan, Abra;minulan kong angkan ay nakikilala,
dahil sa pamalo na pandisiplina.
LAKANDIWA
Binibiro tayo ng Inang tadhanana ang magtatalo’y kapuwa diwata;mga paralumang ganda’y pambihira,nguni’t may kampilan sa isipa’t diwa.
Kaya’t dal’wang panig ang magtatagisansa napapanahon nating Balagtasan;magulang at anak ditong napipisan, magsigising kayo’t pulutin ang aral.
Sa naritong madla’y unang ihahatid,panig ng Di-Dapat na ngayo’y titindig;
Fely, tulain mo ang iyong matuwidna sa bata’y subyang ang palong malupit;(ang hiling ko naman madlang nakikinig,palakpakan ninyong sa kaba’y pamatid.)
HINDI DAPAT (Unang Tindig)
Ayaw kong ang bata’y saktan at paluin,iyang pamamalo’y tinik sa damdamin;
batang sinasakta’y nagmamatampuhin, nagiging rebelde’t mahinanakitin.
Hangad kong ang bata’y lumaking magalangsa mga kapatid at mga magulang;sa halip palui’y ating pangaralan
ng gawang mabuti’t kagandahang-asal.
Latay ng pamalo ay bakas ng galitna ibinubunga’y lumbay at panangis;marahas na palo ay hampas ng langitsa musmos na puso at mura pang isip.
Hangal na magulang ang di mahahabagsa giliw na bunsong luha’y pumapatak;kung sa isang sabi’y di sumunod agad,yakapin ang bunso’t akayin sa sipag.
Sa aking palagay ay hindi pamaloang makagagaling sa paslit na puso;kinakailanga’y lambing at pagsamo
na di magbabawang dakilang pagsuyo.
Katotong Estela, hiling ko’y baguhinang panukala mong ang bata’y paluin;
pamalo’y itapon, at ating isipingpag-ibig sa anak ang tanging pansupil.
LAKANDIWA
Unang pagkatindig ni Fely ng Rizal,ibig nang gipitin ang kanyang kalaban;
nguni’t si Estela’y aking nalalamanghagkis ng katalo ay kayang ilagan.
Kaya sa pagtindig, Estela’y tugtugin,nota ng tula mong may ganda’t taginting;
kudyaping antigo’y iyong kalabitin,sa Dapat Mamalo’y lagutin ang bagting;
(madlang manonood, ang akin pong hilingay palakpak ninyong sa puso’y pang-aliw.)
DAPAT (Unang Tindig)
Ang panig ko’y akin munang lilinawingdi lahat ng bata ay dapat paluin;
sa ulirang bata’t tubong masunurin,ang palo’y taliwas sa usapan natin.
Biyaya at lugod sa isang tahananang masuyong anak sa mga magulang;
tila anghel silang mapananaligansa magandang kilos at pamimitagan.
Dapat ang pamalo sa batang suwailat ayaw makinig sa sabing magaling;
kung sa pagsigaw mo ay sumisigaw rin,kunin ang latigo’t iyong hagupitin.
Magulang sa mundo’y may pananagutangituwid ang anak sa buktot na asal;
ang hindi makuha sa santong dasalanay dapat kuhanin sa santong paspasan.
Tamad kang magulang at wala kang buto kung di mo mahubog ang mga anak mo;
isang kahihiya’t batik ay sa iyo ng anak mong lisyang pasanin ng mundo!
Katalo, palad mong dapat ikagalak,kung sa iyong angka’y walang naging liyas;
kung kapalaran mong may sutil na anak,hahambalusin mo ng palong malakas
LAKANDIWA
Pipigilin ko po munang mamagitan,nang di maabala ang pagsasagutan;akong lakandiwa’y papagitna lamangkung talagang ako’y kinakailangan.
Ngayo’y ikaw Fely ang muling bibigkasng katuwiran mong pamalo’y di tumpak;
palo ni Estela’y pag di mo nasalagay masasawi ka’t talunang lalabas;
(pagtindig ng ating makatang marilag,salubunging muli ninyo ng palakpak.)
HINDI DAPAT (Ikalawang tindig)
Nagturing ang aking bunying kamakata,nang ang panig niya’y ating maunawa;
dapat daw palui’y suwail na bata,kawawa na’y lalong gagawing kawawa!
Mag-isip ka muna kung ang bata’y pilyo,bago mo lapatan ng iyong latigo;
kapag kaharap ka’y maamong kordero,dapwa’t maghuhudas pagkatalikod mo.
Kung sa angkan namin ay may mga anakna kung sa balatong ay masamang liyas;sila’y parang tupang naligaw ng landas
na dapat hanapin ng matang may habag.
At sa paghahanap kung matatagpuan,sila’y yayakaping buong pagmamahal;nangangako kaming sila’y di sasaktanng pamalong lagim ang kahihinatnan.
Ang pananaguta’y taglay na parating mga magulang sa anak na kasi;
nguni’t patawari’t ayaw kong sumalisa santong paspasang iyong sinasabi.
Matanong nga kita, Estelang katoto,kung ang anak mo ba’y mapabasagulo –
gugulpihin mo ba’t ikakalaboso,kung may katarunga’t siya’y may prinsipyo.
DAPAT (Ikalawang Tindig)
Kung sa basag-ulo, bunso ko’y masangkot –ang puno at dulo’y titingnan kong lubos;
kung ang katarunga’y kanyang sinusunod,parurusahan ko ang dapat managot.
Sa himig ng iyong mga paghahayag,ang tinuturol mo’y alibughang anak;
nang maglayas siya’t maligaw ng landas,matapos magsisi, ang ama’y nagalak.
Nawalay na tupa’y mahal din ng pastol,parabulang batid natin hanggang ngayon;ang kawan sa mundo ng bagong panahon,
sa tulong ng tungkod ay itinataboy.
Hampas ng tadhanang masakit matanggap,kung kaurali mo ay palalong anak;
sa pagpapalayaw ay nag-asal tunggak,likong pagmamahal, ayon kay Balagtas.
Kung nangangaral ka sa anak mong tuso,
aral mo’y ubos na …. ayaw pang magbago;kung di natatakot sa iyong latigo,
baka mo ibili ng BMW!
HINDI DAPAT
Ang BMW… hindi kailangan,ang makabubuti’y pag-ibig na tunay;
luma mong pamalo’y iyong kalimutan,nang ang iyong bunso’y maging kaibigan.
Kung walang pamalo’y wala nang luluhana ipagsisimpi ng musmos na diwa;sa ating panaho’y daming mga bata,
dahil sa pamalo, napapariwara.
DAPAT
Napapariwara? Hindi mo ba batid,ang laki sa layaw ay may samang hatid;
sa droga’t sa alak daming nabubulid,dalagitang anak mamalaya’y buntis.
Kawawang magulang ng batang naligaw,likong pagkahabag sa bunsong minahal;
pagkapariwara sa gawang mahalayay isinisisi sa mga magulang.
HINDI DAPAT
Ang mga magulang ay sinisisi ngasa maling paraan ng pag-aaruga;dahil sa pamalo ang bata’y tulala,
at sa dakong huli’y naging alibugha.
DAPAT
Naging alibugha nang dahil sa layaw,sa kapuwa tao ay walang pitagan;
hindi pinapansin ang tatay at nanay,labis na kalinga’t sa latigo’y kulang.
HINDI DAPAT
Sa latigo’y kulang, pagka’t ang latigoay wala nang bisa sa panahong ito;
DAPAT
sa panahong itong tao’y bagamundoay di papansinin ang kabaitan mo.
HINDI DAPAT
Sa kabaitan ko’y bubuti ang anak,
DAPAT
bubuti kung siya’y takot sa panghampas;
HINDI DAPAT
panghampas ay lagim na nakasisindak
DAPAT
sindak sa palo ko’y aral na matatag.
LAKANDIWA
Mga binibini, hintay muna kayo,nagsa-aso’t pusa itong pagtatalo;sa kahinahuna’y kung di matutoto
ay baka umandar ang yantok-Mindoro.
Habang tumatagal, tila nag-iinititong Balagtasang tagisan ng isip;
Fely, ito ngayon ang huli mong tindig,tula mo’y itodo sa pagmamatuwid;
(upang sa pagtula’y ganaha’t lumawig,palakpakan, bayan, ang ipaulinig.)
HINDI DAPAT (Ikatlo’t huling tindig) Naririto akong napauunawa
sa mga magulang ng kawawang bata;salbahe mang bunso’y di dapat lumuhanang dahil sa palong hagkis ng tadhana.
Mga anak nati’y ayaw kong sumunodsa atin, sapagka’t sa pamalo’y takot;ibig ko’y paggalang na tapat sa loob
na katahimikan ang inihahandog.
Sa isang mag-anak kung may palo’t sigaway di maghahari ang kapayapaan;
ang batang lumaki sa latigo’t suklam,nagiging balakid sa katiwasayan.
Sa pamamahala’y hindi ko rin gustoang pamamaraang may poot at gulo;hataw ng pamalo sa bata’y ayaw ko,mistulang diktador at emperyalismo!
At sa pamayana’y aking hinihilingna sa pagdarasal ang bata palakhin;hindi sa pamalong parusang matalimat tinik sa pusong sakdal hirap bathin.
Mga panauhin, aking pakiusap,limiing mabuti ang panig kong hawak;
wala sa pamalo ang magandang bukas,nasasa pag-ibig na walang pagkupas.
LAKANDIWA
Tumalon sa pugad ang inahing manok,tila nangangant’yaw matapos mangitlog;salatin, Estela, ang pakpak mong soot,ang huli mong putak ay iyong ihandog;
(sa kanyang pagputak upang di mangatogpalakpakang muli ang ating isoob.)
DAPAT (Ikatlo’t huling tindig)
Mga kababayan, minsan pang limiingang mabuting bata’y di dapat paluin;
sapagka’t ang bata ay alay sa atinng Dakilang Diyos upang kalingain.
Hindi ko rin hangad na magdalang-galitsa balighong anak at halang na isip;
sa pamamatnubay, matapat kong nais,ang bukas ng bunso’y may ngingiting langit.
Ang bata’y paslit pa at ang niloloobsa tama at mali’y di gaanong talos;kung di aakayi’t gagabayang lubos, maliligaw siyang sa bait ay kapos.
Subali’t may batang may sariling tigasna sa maling gawa ay nagmamataas;kung sa panunuyo’y hindi maitumpak,lunas ay pamalong may aral na tatak.
Iyang pamamalo’y huwag lalahukanng maling simbuyo ng galit at suklam;
bata ma’y masaling ng bigat ng kamay,pamatnubay ito’t di kaparusahan.
Sa mga magulang ay paalaala,supilin ang anak nang tama’t mabunga;lapastangang bata’y bigyang-disiplinasa ating pamalong panturo’t pag-asa!
LAKANDIWA
Kapos ang isip ko’t umid yaring dilasa pangangat’wiran ng dal’wang makata;
tilamsik ng isip at kislap ng diwa’ymahirap aruki’t hindi ko mahaka.
Kayong nalilimpi’y hihingan kong tulongng palakpak ninyo sa gawang-paghatol;itong aking kamay kung saan ipatong,
pumalakpak lamang ang sumasang-ayon.
(Itatapat ng Lakandiwa ang kamay sa ulo ng bawa’t makatang nagtunggali. Inaasahang
susuobin sila ng masigabong palakpakan.)
LAKANDIWA
Aling palakpakan ang lalong matunog,sinong nagtagumpay na makatang bantog?
anuman ang ngayo’y inyong niloloob,pagdating ng bahay, lubusin ang sagot.
Maraming salamat bayang nakikinigsa mga sandaling tayo’y nagkaniig;
mga kataga kong gayak nang umalis,payagang sa Wikang Sarili’y magtindig! —