8
Mga Kalye sa Sampaloc na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal Uy, Queenie Ysabel Section: 1- 7

Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Mga Kalye sa Sampaloc na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal Uy, Queenie

Ysabel

Section: 1-7

Page 2: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Noong panahon ng pananakop ng mga

Amerikano sa Pilipinas, pinili nila si Rizal bilang

Pambansang Bayani upang magkaroon ang mga

Amerikano ng magandang imahe sa mata ng

mga Pilipino. Mula noon ay hindi nila itinigil ang

pagpapalaganap ng pagmamahal/pagdakila kay

Rizal. Ang pagbabago ng Sampaloc noong 1910-

30 ay isa sa mga paraan upang ipakita ang

Rizalismo (pagdakila kay Rizal) sa isang lungsod

katulad ng Maynila. Sa huli, pinangalanan ng

pamahalaan ang mga kalye sa Sampaloc ng may

kaugnayan kay Dr. Jose Rizal.

Page 3: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Ito ang mga kalye sa Sampaloc na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal:

Calamba

Makiling

Dapitan

San Diego

Maria Clara

Basilio

Simoun

Crisostomo

Ibarra

Sisa

P. Florentino

Isagani

Macaraig

Quiroga

Elias

Tiago

Craig

Casanas

Andrade

Pi Y Margall

Blumentritt

Leonor Rivera

Josefina

Musa

Instruccion

Kundiman

Metrica

Retiro

Laong-Laan

Dimasalang

Page 4: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Ang mga pangalan ng mga kalyeng sumusunod ay galing sa mga tauhan at lugar

sa dalawang libro ni Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Crisostomo

Ibarra ang bida sa Noli Me Tangere at El

Simoun Filibusterismo.

Maria Clara- ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

Elias- ang matalik na kaibigan ni Crisostomo.

Basilio- ang sakristan na bata sa Noli Me Tangere at makakapagtapos na sa

pag-aaral niya ng pagiging doktor sa El Filibusterismo.

Sisa- ang nabaliw na ina ni Basilio at ni Crispin.

Isagani- ang naging matalik na kaibigan ni Basilio sa El Filibusterismo.

Tiago-siya si Kapitan Tiago, ang stepfather ni Maria Clara.

Quiroga- ang tsinong negosyante, at tagapagtago ng mga sandata ni Simoun.

P. Florentino- ang inaama ni Isagani.

San Diego- lugar sa Noli Me Tangere.

Macaraig- ang mayaman na kaklase ni Isagani.

Page 5: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Ang mga kalye tulad ng Calamba at Dapitan ay ang mga

lugar na napuntahan ni Rizal.

Calamba- Sa Calamba, Laguna si Jose Rizal

ipinanganak.

Dapitan- Dapitan, Zamboanga ipinatapon si Rizal.

Nakuha ang pangalan ng kalye Makiling sa bundok nang

isinulat ni Rizal na alamat.

Page 6: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Ang sumusunod naman na kalye ay ipinangalanan sa mga taong nakilala

ni Rizal at naging malapit sa kanya.

Leonor Rivera- isa sa mga babae na minahal ni Rizal. Siya ay si Maria

Clara sa Noli Me Tangere at Paulita Gomez sa El Filibusterismo. Siya

rin ang nagsilbing inspirasyon kay Dr. Jose Rizal. Napangasawa niya si

Henry Kipping.

Blumentritt- Si Propesor Ferdinand Blumentritt, ang Austrisyano, ay

Direktor ng Ateneo ng Leitmeritz, Austria. Siya ang matalik na

kaibigan ni Rizal. Turing niya kay Rizal ay parang anak na rin niya.

Casanas- Si Padre Pedro Casanas ang ninong ni Jose Rizal.

Pi Y Margal- si Fransisco Pi y Margal ay ang kaibigan ni Rizal sa

Masoneriya. Siya ang dating Pangulo ng Unang Republikang

Espanyol

Andrade- Jose Taviel de Andrade ang naging tagapagbantay kay Jose

Rizal sa mga paglalakbay niya.

Josefina- Si Josephine Bracken, ang asawa ni Dr. Jose Rizal.

Nakuha naman yung pangalan ng kalye Craig kay Austin Craig, siya ay

isa sa mga unang biographers nagsulat ng talambuhay ni Rizal.

Page 7: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Ang mga kalye tulad ng Musa, Kundiman, Instruccion at Metrica ay

nanggaling naman sa mga sulat ni Rizal.

Musa- Ito ay ang “A Mi Musa” isa siyang tula na isinulat ni Rizal sa La

Solidaridad. Ipinapahayag nito ang mga problema sa Calamba. Maari

ring ito ay ipinangalan sa isa grupo na sinalihan ni Rizal noong nag-

aaral siya sa Ateneo ang Musa (Society of Muses).

Kundiman- ito ay nakuha sa isang tula ni Rizal, ang “Kundiman”,

ipinapahayag nito ang kalayaan ng Pilipinas sa mga Kastila.

Instruccion- nakuha ito sa isa sa mga sulatin ni Rizal ang “La

Instruccion”. Ipinapahayag nito ang edukasyon at ang mga

kabataan ay ang nagbibigay ng pag-asa sa bayan.

Metrica- nakuha ito sa isa sa mga sulatin ni Rizal, ang “Arte Metrica

Del Tagalog” (Metrical Art of the Tagalogs ).

Retiro- ang pangalan nito ay nakuha sa isang tula ni Rizal ang “Mi

Retiro”. Itong tula ay tungkol sa mga bagay na nilikha ng Diyos.

Page 8: Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal

Ang kalye naman na Dimasalang at Laong Laan ay ang

mga pangalan na ginamit ni Rizal sa iba niyang mga

sulatin.

Dimasalang- ibig sabihin “Hindi Masalang”

(“untouchable”). Ito ang ginamit niyang pangalan sa

pagsulat ng mga artikulo sa La Solidaridad.

Laong-Laan- ibig sabihin “Matagal ng Handa”. Ito

ang pangalan na ginamit ni Rizal sa pagsulat ng Noli

Me Tangere.