22
KOMUNIKASYO N

Mga Konsiderasyon Sa Mabisang Komunikasyon

  • Upload
    chirrej

  • View
    5.734

  • Download
    101

Embed Size (px)

DESCRIPTION

project in filipino1

Citation preview

KOMUNIKASYON

KOMUNIKASYON • aktong pagpapahayag ng ideya sa

pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.• Isang interaksyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo na makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.• Proseso ng pagpapadala at pagtanggap nag mga mensahe

MGA URI NG KOMUNIKASYONKOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL - TUMUTUKOY SA KOMUNIKASYONG PANSARILI.KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL - TUMUTUKOY SA KOMUNIKASYONG NAGAGANAP SA PAGITAN NG DALAWANG TAO, O SA PAGITAN NG ISANG TAO AT MALIIT NA PANGKAT.KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO - TUMUTUKOY SA KOMUNIKASYONG NAGAGANAP SA PAGITAN NG ISA AT MALAKING PANGKAT NG MGA TAO.

MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON  Upang maging mabisa, ang komunikasyon,

kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata. 

1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?  

2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya? 

3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng salapi sa taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang layunin kung ang sasabihin niya'y Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung siya nama'y manghoholdap, makakamit ba niya ang kanyang layunin kung sa malumanay na pananalita'y sasabihin niyang Para mo nang awa, akin na 'yang pera mo? Hindi ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa paggamit ng wika, kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap. 

4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away. 

5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di kaya'y ng isang taong naka-gown o barong Tagalog habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin? 

6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusununog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang harapan, magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon. 

7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang may paksang eksklusibong panlalaki. 

8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang layunin niya ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag. 

Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan sa paggamit ng wika upang makapagpahayag nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat malinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at kahusayang magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan..

ANTAS NG KOMUNIKASYON

 Kahulugan Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa

pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

 Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat.  (Tanawan, et al., 2004) Katangian Ang komunikasyon ay isang proseso

·  Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.

·  Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.

Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko · Nagbabago ang komunikasyon dahil sa

impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.

Ang komunikasyon ay komplikado · Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili,

sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.

Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon

·  Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon ·  Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos,

galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.

Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon

·  Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap

·  Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika

Sangkap at ProsesoNagpapadala ng mensahe/sender

·   Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.

Mensahe ·  Dalawang uri ng mensahe

mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika

mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal

Daluyan/Tsanel ·  Kategorya ng daluyan

daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama

daluyang institusyunal – mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile phone.

Tagatanggap ng Mensahe ·  Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang

natanggap.

Tugon ·         Tatlong uri

-       tuwirang tugon

-       di-tuwirang tugon

-       naantalang tugon

Mga potensyal na sagabal ·        Ito ang mga dahilan

kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.-       semantikong sagabal-       pisikal na sagabal-       pisyolohikal -       saykolohikalAntas ng Komunikasyon Intrapersonal –

komunikasyong pansarili Interpersonal – nagaganap

sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao, o sa isang tao at isang maliit na pangkat

Pampubliko – nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig

Pangmasa o Pangmadla – nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan, atbp.

Pang-organisasyon – organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.

Pangkaunlaran – aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.

Pangkaunlaran – naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa 

Modelo ng Komunikasyon Modelo ni Berlo

·         Pinanggalingan Mensahe Tagatanggap

Modelo ni Aristotle ·         Pagtuklas ng

kaalamang lohikal, emosyunal o etikal·         Pagsasaayos ng mga kaalaman sa parang istratehikal·         Pagbibihis ng ideya sa malinaw na salita·         Paghahatid ng mensahe mula sa pinanggagalingan tungo sa tagatanggap

Komunikasyong Di Berbal Komunikasyong naipapakita

sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas o

tindig, ekspresyon ng mukha

at paralanguage (pitch, volyum, bilis at

kalidad ng tinig.

Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil:

1.     Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.

2.     Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe

3.     Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-berbal

1.     Oras (Chronemics) – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng mensahe.2.     Espasyo (proxemics) – maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.  Intimate, personal, social o public·  Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.3.  Katawan (kinesics) – kilos ng katawan:  mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng

kamay

4. Pandama (haptics) – paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe

·  Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo5.     Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp6.     Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.7.     Paralanguage – paraan ng pagbigkas sa isang salita8.     Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang

isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.  Ginamit niya ang akronim na SPEAKING.

Setting (saan nag-uusap?) – ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon.  Kung hindi ito isaalang-alang ay maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-aralan.

Participants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-usap depende sa kung sino ang kinakausap.  Binibigyang pansin ang edad, kasarian, katungkulan, propesyon atbp.

Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.

Act Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang komunikasyon ay dinamiko, samakatuwid ang isang usapan ay

  Kasama ditto ang pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap.

Keys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang gagamitin na babagay sa formalidad ng okasyon. 

Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) – tsanel o daluyan ng komunikasyon.  Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.

Norms (Ano ang paksa ng usapa?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng usapan. 

Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O nagpapaliwanag?).  Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong genre ang kanyang gagamitin.