15
Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

  • Upload
    others

  • View
    49

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Mga

Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Page 2: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Ang pagbabago ng klima o climate

change ay natural na proseso ng kalikasan

na nagaganap sa loob ng 100 na taon o

higit pang panahon. Gayunpaman, dahil

sa industriyalisasyon at pagbabago sa

pisikal na kapaligiran, nagging mabilis ang

pagpapalit ng klima. Nagaganp ang

global warming, isang phenomena hinggil

sa pag-init ng ibabaw ng mundo dahil sa

mga greenhouse gas sa atmospera.

Page 3: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Ang mga greenhouse gas ang sumasala sa radyasyon na direktang natatanggap ng mundo mula sa araw. Dahil sa tumataas na antas ng mga greenhouse gas sa himpapawid, ang init sa daigdig ay hindi makasingaw patungo sa kalwakan at nananatili dito. Nagmula ang mga greenhouse gas sa mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng kuryente, pagpapaandar ng makina, mga nabubulok na basura, mga kemikal na ginagamit sa airconditioning, spray, at pintura.

Page 4: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Ayon sa tala ng Global Climate Risk Index 2018, ang Pilipinas ang ikalimang bansa sa mundo na lubhang apektado sa pagbabago ng klima. Ipinatupad sa bansa ang Batas Republika blg. 9729 o The Climate Change Act of 2009. Inilahad sa naturang batas ang mga hakbang ng pamahalaan para sa mitigasyon at adaptasyon sa pagbabago.

Page 5: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Nilikha ang National Climate Change Action

Plan (NCCAP 2011-2028) na kalakip ang

sumusunod na priyoridad:

1. Seguridad sa pagkain

2. katatagan ng ekonohiya at kapaligiran

3. Sapat na tubig

4. Seguridad ng mga tao

5. mga industriya at serbisyo na naaayon

sa isyung pangklima

6. alternatibo at likas-kayang enerhiya

7. kaalaman at sapat na pagsasanay

Page 6: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Climate Change Commission (CCC)- komisyong itinatag upang maging pangunahing tagapagngasiwa ng lahat ng programa ng pamahalaan na may kinalaman sa climate change.

Page 7: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

National Disaster Risk Reduction

and Management Council

(NDRRMC)- konseho na binuo

upang mangasiwa sa

pangangalaga sa kaligtasan at

kapakanan ng mga Pilipino sa

panahon ng mga sakuna.

Page 8: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Department of Environment

and Natural Resources

(DENR)- nangangasiwa sa

pagpapatupad ng mga

batas pangkalikasan.

Page 9: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Department of Energy (DoE)-

humihikayat sa pagtatayo

ng mga alternatibong

mapagkukunan ng enerhiya

sa bansa.

Page 10: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

Malaki ang epekto ng pagkasira ng likas na yaman sa ating mga tao at maging sa lahat ng may buhay na naninirahan sa mundong ibabaw. Dahil sa ating mga likas na yaman ay nabubuhay tayo ng matiwasay masagana,malusog at masaya dahil sa ating mga likas na yaman tayo kumukuha ng mga pagkain, maiinom,malalanghap na sariwang hangin at iba pa, kaya ano na lamang kung masira ang ating likas na yamang maaring lahat ng nabubuhay sa mundo ay mawala narin.

Page 11: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

1. Mga likas na yaman

2. Likas na yamang Gubat

3. Likas na yamang Lupa

4. Likas na yamang Mineral

5. Likas na yamang Tubig

Page 12: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

1. Likas na yamang gubat

Kung masisira ang likas na yamang gubat, malaki

ang epekto nito sa mga tao na umaasa ang

ikinabubuhay sa ating kagubatan, gayundin ang

mga hayop na naninirahan sa ating kagubatan

maari silang mangamatay at tuluyan ng maubos.

dahil na rin sa ilan nating mga kababayan na iniisip

ay pang sarili lamang walang habas na pagputol ng

mga punong kahoy, dahilan kung bakit nagaganap

ang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.

dahil na uubos na ang mga punong kahoy na dapat

sana ay sasangga sa mga ganitong klase ng sakuna.

Page 13: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

2. Likas na yamang lupa

Ang likas na yamang lupa ay tumutukoy sa

mga halaman na nabubuhay sa lupa na siya

nating pinagkukunan ng pagkain,katulad ng

palay,niyog,mga gulay,at maging ang mga

herbal na halaman. isipin natin kung masisira

ito ng tuluyan ay magkakaroon ng taggutom,

pagtaas ng bilihin sa merkado dahil

magkukulang na ang supply ng mga

produktong nagmumula sa ating mga

anyong lupa.

Page 14: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

3. Likas na yamang mineral ang likas nayamang mineral ay tumutukoy sa mga mineral na nakukuha o nagmumula sa ating mga kabundukan at ilalim ng lupa.katulad ng ginto,pilak,marmol, Copper, dyamante at iba pa.Kung masisira ang mga ito malaki ang mawawala sa ating ekonomiya, marami din ang mga mawawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil marami sa atin mga kababayan ay minero lalo na sa Lungsod ng Benguet.

Page 15: Mga Kontemporaneong Isyu sa Kapaligiran

4. Yamang tubig

ang likas na yamang tubig ay tumutukoy

sa ating karagatan,lawa,sapa,ilog, malaki

ang magiging epekto nito sa atin lalo na

sa mga mangingisda dahil dito sila

kumukuha ng pangkabuhayan upang

ipangtustos nila sa kanilang pamilya sa

mga pang araw-araw nitong

pangangailangan.