30
S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 1 MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. 1. Maipakilala ang Banal na Kasulatan ………………………………………………….…... Page 2 (May I Introduce to you the Gospel) 2. Hesus: Ang Tagapaligtas ng Mundo ………..……………………………………………. Page 3 (Jesus - The Savior of the World) 3. Bakit Kailangan Natin ng Taga-Pagligtas ………………………………………………… Page 5 (Why A Savior?) 4. Ano Ang Kasalanan …………….………………..…………………………………………. Page 7 (What is Sin?) 5. Kabigatan ng Kasalanan …………………………………………………………………… Page 9 (The Weight of Sin) 6. Ano Ang Pagsisi? …………………………………………………………………………… Page 10 (What is Repentance?) 7. Bawtismo Sa Tubig …………………………………………………………………………. Page 12 (Water Baptism) 8. Ang Bawtismo O Binyag ng Banal na Espiritu …………………………………………… Page 14 (Baptism in the Holy Spirit) 9. Kasanayan sa Buhay ng Pagsisimba …………………………………………………….. Page 15 (Church Life) 10. Serye ng Pagiging Disipulo ………………………………………………………………… Page 17 (Discipleship Series) 11. Ang Pagkilala sa Diyos ……………………………………………………………………… Page 20 (Knowing God) 12. Ang Biblia ay Salita ng Diyos ………………………………………………………………. Page 23 (The Bible is the Word of God) 13. Paniniwala Ayon sa Salita Ng Diyos ……….……………………………………………… Page 24 (Belief Based on God’s Word) 14. Bakit Ako Ay Hindi Nagdarasal sa mga Idolo ……………………………………………. Page 26 (Why I Don't Pray to Idols) 15. Mga Sagot sa Tanong ng mga Katoliko ………………………………………………….. Page 28 (Answers to Catholic Questions)

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

  • Upload
    lytruc

  • View
    324

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 1

MMGGAA LLEEKKSSYYOONN MMAATTEERRIIAALL NNGG SS..OO..SS..

1. Maipakilala ang Banal na Kasulatan ………………………………………………….…... Page 2

(May I Introduce to you the Gospel) 2. Hesus: Ang Tagapaligtas ng Mundo ………..……………………………………………. Page 3

(Jesus - The Savior of the World) 3. Bakit Kailangan Natin ng Taga-Pagligtas ………………………………………………… Page 5

(Why A Savior?) 4. Ano Ang Kasalanan …………….………………..…………………………………………. Page 7

(What is Sin?)

5. Kabigatan ng Kasalanan …………………………………………………………………… Page 9 (The Weight of Sin)

6. Ano Ang Pagsisi? …………………………………………………………………………… Page 10

(What is Repentance?) 7. Bawtismo Sa Tubig …………………………………………………………………………. Page 12

(Water Baptism) 8. Ang Bawtismo O Binyag ng Banal na Espiritu …………………………………………… Page 14

(Baptism in the Holy Spirit) 9. Kasanayan sa Buhay ng Pagsisimba …………………………………………………….. Page 15

(Church Life) 10. Serye ng Pagiging Disipulo ………………………………………………………………… Page 17

(Discipleship Series) 11. Ang Pagkilala sa Diyos ……………………………………………………………………… Page 20

(Knowing God) 12. Ang Biblia ay Salita ng Diyos ………………………………………………………………. Page 23

(The Bible is the Word of God) 13. Paniniwala Ayon sa Salita Ng Diyos ……….……………………………………………… Page 24

(Belief Based on God’s Word) 14. Bakit Ako Ay Hindi Nagdarasal sa mga Idolo ……………………………………………. Page 26

(Why I Don't Pray to Idols) 15. Mga Sagot sa Tanong ng mga Katoliko ………………………………………………….. Page 28

(Answers to Catholic Questions)

Page 2: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 2

TEKSTA: Mga Taga Roma 1:1-6, 1:16-18, I Tesalonica 15:1-7, Mga Taga Roma 10:18-13 BUOD NG KATOTOHANAN: Ang tumpak na pagka-unawa at pagbibigay-halaga ng ebanghelyo ay magbibigay rin ng tumpak na katugunan mula sa mga tao. MGA BAGAY NA DAPAT TALAKAYIN: 1. Maraming mga tao ang nakapakinig ng “ebanghelyo” o “magandang balita” ngunit hindi maipaliwanag ang bagay na

ito. 2. Dahil sa may pagkahiling sa relihiyon, ang ibang mga tao ay madaling maghusga ng katuruan ng mga naipanganak

na muli. Kung mabigyan man ng pagkakataon na maibunyag ang ebanghelyo na muli, ang hadlang sa kaisipan ay maaaring maalis.

INTRODUKSIYON: Sa Mga Taga Roma 1:1, sinimulan ni Pablo ang kanyang kasulatan sa simpleng pagtitiwala, nagsasabing siya ay alipin ni Hesu Kristo, tinawag para maging apostol at inihiwalay para sa ebanghelyo. Sinasabi niya na ang layunin ng kanyang buhay ay para sa ebanghelyo. Ang talaan ng mga paglalakbay misyonero at pagiging sugo ni Pablo ay naghahayag ng kanyang dedikasyon at kalooban para sa ebanghelyo. Pero ano ba ang ebanghelyo? Anong mayroon ito at ang taong kagaya ni Pablo ay handang magbigay ng kanyang sarili para ito ay ipahayag? I. ANG EBANGHELYO AY PARTE NG PLANO NG DIYOS SA KALIGTASAN, Roma 1:2-4

1. Pangako ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta – Hindi ginusto ng Diyos na ilihim ang ebanghelyo. Ito ay kaniyang ipinagpahayag sa pamamagitan ng mga propeta. Basahin Isaias 53:2-12. Ipinangako ng Diyos na ang Mesihaya ay darating para magdulot ng pinakahuli at kumpletong sakripisyo para sa mga kasalanan ng mga tao.

2. Ang ebanghelyo ay nakatuon lamang sa kaisa-isang Anak ng Diyos na si Hesu Kristo – ang Hesus na ipinapakilala ng ebanghelyo na tutuong tao at tutuong banal. • Sa kanyang pagkatao sa angkan ni David, na Siya ay tutuong tao na walang kadusingan ng kasalanan.

Basahin 1 Petro 2:21-23. • Katunayan ng Kanyang banal na kalikasan – Sinabi ni Pablo na si Hesus ay naipahayag na may kapangyarihan

na maging Anak ng Diyos dahil sa kaniyang pagkabuhay sa kamatayan sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. TANONG? Si Kristo ba ay naging Diyos dahil sa Kaniyang pagkabuhay mula sa kamatayan? HINDI. Subalit ang Kaniyang pagka-Diyos ay tunay na naipahayag sa pamamagitan ng pagkabuhay niyang muli.

II. ANG IPINAGKAKALOOB NG EBANGHELYO, Roma 1:16-18

Si Pablo ay nagsasabing hindi niya ikinahihiya ang ebanghelyo dahil sa mga bagay na ipinagkakaloob nito: 1. Ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan 2. Ang pagkakaloob nito ay para sa lahat na mananalig: Hudyo man o Griego. 3. Itinuturo nito ang daan para ating matakasan ang pagka-poot o paka-galit ng Diyos (v18) at bagkos ay ang

katuwiran na nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. III. ANG MENSAHE NG EBANGHELYO, I Mga Taga Corinto 15:1-8

Ang ibig sabihin ng salitang ebanghelyo ay ‘magandang balita’. Ito ay naghahatid ng kagalakan upang ang isang bagay ay ating ipagsigawan sa ibang tao. Kung ating ipapahayag ang ebanghelyo sa ibang tao, ano ba ang mga bagay na dapat sabihin tungkol sa magandang balita?

Maliwanag na sinabi ni Pablo sa bersong ito na ang ebanghelyong kaniyang itinuturo ay tungkol kay Kristo. Kaniyang pinapahayag na ang buong kaligtasan ay nagmumula lamang sa Kaniya, ang walang hanggang Anak ng Diyos, na namatay sa ating mga kasalanan, inilibing ngunit nabuhay na magmuli mula sa kamatayan. Pagkatapos ay patuloy na tinaludtod ni Pablo ang mga sumunod na berso na nagbibigay ng kabuluhan ng pagkabuhay ni Kristo.

PAGHAMON: KATUGUNAN SA EBANGHELYO: Basahin na muli ang Roma 1:16 at Roma 10:8-13 at patnubayan ang iyong mga pinakatutunguhan para sa pananampalataya sa Panginoong Hesu Kristo. (Ang mga kristiyano ay dapat na irepaso o bagkusin ang kanilang kaalaman sa mensahe ng ebanghelyo at ituwid ang mga bagay na hindi tama, at maghandang ipaliwanag ang ebanghelyo sa mga tao.)

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

MAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN

Page 3: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3

Introduksiyon: Marami ang naniniwala na si HESUS AY MAKAKAPAGLIGTAS, na Siya ay dumating upang maging Tagapagligtas ng buong mundo. Pero marami ang hindi nakakaalam kung ano ba Siyang Tagapagligtas. Maski sabihin nilang si Hesus ay Tagapagligtas, mayroon pa rin silang mga kilos na nagpapakita na sila ay walang tutuong tiwala sa Kaniya bilang Tagapagligtas. Ipapakita ng araling ito kung ano bang Tagapagligtas si Hesu Kristo, at ating mauunawaan kung papaano talakayin ang iba pang kaalaman na mga tao sa ibang mga tagapagligtas, tagapamagitan, o mga ginagawi ng mga tao para magkaroon ng kaligtasan. SIYA LAMANG ANG TANGING TAGAPAGLIGTAS 1. Ang sakripisyo ng Kaniyang pagkamatay ang tanging kailangan lamang para sa kasalanan ng buong

kamunduhan at sa lahat ng henerasyon. Hindi na kailangan pang ulitin na muli ang sakripisyong ito. Minsan lamang at para sa lahat ito’y nagawa. Wala na tayong dapat pang gawin liban lang sa ginawang pagliligtas ni Kristo. Wala ng ibang pang pamatok gaya ng mga kahilingan ng ibang relihiyon, obserbasyon ng mga sacramento o tradisyon, atbp). Hindi na natin “matutulungan” si Hesus para maging tagapagligtas. BASAHIN: Sa Mga Hebreo 9:25-28; 10:11-18; Juan 19:30.

2. Kung ang Anak ay pinalaya ka, ikaw ay talagang malaya na. Juan 8:36 “Wala ka nang hahanapin pa!” I. SIYA LANG ANG TANGING TAGAPAGLIGTAS: TANGI LAMANG 1. Dahil si Hesus ay sapat na, ang Diyos ay hindi na nagkaloob pa ng ibang

“tagapagligtas” kundi si Jesus lamang ang TANGING TAGAPAGLIGTAS para sa buong mundo.

2. (Ang Mga Gawa 4:12) Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan maski kanino man, sapagkat wala ng ibang pangalan pa sa kalangitan na ibinigay sa sangkatauhan kaya’t sa pamamagitan lamang Niya tayo ay maliligtas.

SIYA ANG MAKAPANGYARIHANG TIGAPAGLIGTAS 1. Siya lamang ang makakapagligtas sa pinakapusakal na makasalanan. Patunay ni Pablo sa I Timoteo

1:15 at ang kaniyang katuruan sa Roma 5:18-20. 2. Siya lamang ang makakapagligtas sa mga taong inaakala natin ay hindi mangyayari, Mateo 19:25-26. SIYA ANG BANAL NA TAGAPAGLIGTAS 1. Upang maging tagapagligtas, kailangan ay isang Diyos. Si Hesus ay hindi

magiging Tagapagligtas kung Siya ay hindi Diyos. Si Hesus ay parehong Diyos at Tagapagligtas. Kay Tito 2:13.

2. Siya ang tutuong Diyos at ang walang hanggang buhay, I Juan 5:20. Ang simbahan ay masasabing natubos ng dugo ng Diyos (dugo ni Kristo), Mga Gawa 20:28.

SIYA ANG PERMANENTENG TAGAPAGLIGTAS 1. Dahil si Kristo ay Diyos, Siya ay palagiang namumuhay para mamagitan o maging saserdote para sa atin

magpakailanman. Kung ganoon, Siya ang ating palagiang saserdote. Ang Kanyang ginagawang pagsaserdote o pagiging taga-pamagitan sa Diyos at sangkatauhan ay hindi maaaring ilipat kaninuman. Heb.7:23-25!

2. HINDI NA KAILANGAN pang ituon natin ang ating panalangin maski kaninuman. Ibig sabihin nito na Kaniya ng natapos ang kung ano man ang Kaniyang naumpisan sa iyong buhay. Siya ang May-akda at Tagalubos ng ating pananampalataya. Kung sa ganuon, ang pagiging ‘tagapagligtas’ ay hindi naililipat kaninuman. Basahin Filipos 1:6; Hebreo 12:2.

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

HESUS:ANG TAGAPALIGTAS NG MUNDO

Page 4: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 4

SIYA ANG HANDANG TAGAPAGLIGTAS 1. Si Kristo ay handang tagapagligtas sa lahat ng tao. Maari kang mismong makipag-ugnay sa Kaniya.

Hindi Siya dumating para manghusga kungdi mangligtas. 2. Juan 6:37 – Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin. Sinuman ang lalapit sa akin ay hindi

ko itataboy kailanman. 3. Juan 3:17 - Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang

sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. PAGHAMON: DAPAT SI HESUS AY MAGING TAGAPAGLIGTAS MO, O IKAW AY WALANG TAGAPAGLIGTAS! MANALIG, MAGTIWALA KA SA KANIYA NGAYON NA SIYA AY IYONG TAGAPAGLIGTAS! SIYA AY HANDANG TANGGAPIN KA UPANG IKAW AY MALIGTAS! (Tanda: Maaring mong gamitin ang bawat punto ng leksyon upang ito’y maging hiwalay na pag-aaral, o dalawa o tatlong puntos para sa bawat sesyon.)

Page 5: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 5

INTRODUKSYON: Ang ilan sa mga tao ay hindi kaagad tinatanggap ang Mabuting Balita ng kaligtasan sapagka't hindi nila nakikita ang pangangailangan nila ng tagapagligtas. Hindi nila naiisip na sa kanilang kalagayan ngayon, tanging si Hesus lamang ang makakatulong sa kanila. Hindi nila nakikita ang pagkahiwalay nila sa Diyos at ang kanilang espiritu ay patay. Hindi nila nakikita na KAILANGAN NILANG MALIGTAS. Basahin Gn 3:4-10. 1. PAPAANONG NAHIWALAY ANG SANLIBUTAN (SA DIYOS)

Ang tao ay nasa mabuti pa rin sanang relasyon sa Diyos, walang malay at walang bahid ng kasalanan kung natuto itong sumunod sa Diyos. Si Eva at Adan ay sumuway sa utos ng Diyos nang makinig sila sa diyablo. Ang pagsuway nila sa Diyos ang sumira sa masayang relasyon ng tao at Diyos dahil sa mundong ito na makasalanan. Dahil sa "pagkahiwalay" o "pagkaligaw" na ito kaya naparito si Hesus, Lucas 19:10.

2. ANG MGA BUNGA NG UNANG KASALANAN NG SANLIBUTAN

Ano ang mga bagay na dumating sa puso ni Adan at Eva pagkatapos na sila ay magkasala? i) Pag-uusig ng budhi - dahil alam nila na sila ay nagkasala sa Diyos at tama lang na magalit ang

Diyos sa kanila. ii) Takot - bakit sila natakot? Dahil alam nila na sila ay nagkasala sa Diyos at tama lang na magalit

ang Diyos sa kanila. iii) Pagkahiwalay sa Diyos - ang kasalanan ang naghiwalay sa tao at sa Diyos. Sinira nito ang

mabuting pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Halimbawa: Ang pagsuway sa magulang ay nakakasira ng malapit na kaugnayan ng anak sa magulang. Alam ng anak na may sapat na dahilan para magalit ang kanyang magulang.

iv) Kamatayan - ang kasalanan ay nagdudulot ng kamatayan! Ang kaluluwa ng tao (kalagayang espiritwal) ay namatay at naputol ang pakikipag-ugnayan sa Diyos (maihahalintulad sa hayop na walang espiritu.) Ang tao ay hindi na buhay sa Diyos, na ang ibig sabihin ay hindi na siya maaaring makipag-ugnayan o makakatugon sa Diyos! Ang pagkamatay bunga ng kasalanan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay huminto sa kanyang kalikasan (o naglaho na). SA BUHAY NA ITO, siya ay isang likas na hiwalay sa Diyos (na Siyang Buhay) hanggang sa oras na siya ay magsisi at maligtas. Kung hindi mangyayari ito, siya ay hiwalay sa Diyos ng walang hanggan PAGKATAPOS NG BUHAY NIYANG ITO SA MUNDO! 2 Th 1:8-9:9.

v) Kasumpaan, o kahatulan - Juan 3:18, 36 "nahatulan na", naipasailalim na ng ngalit ng Diyos, katulad ng mga rebelde na gumagawa ng maski anong gusto nila.

3. ANG MGA BUNGA NG UNANG KASALANAN SA ATING MGA SARILI

i) Tayo ay namatay sa kasalanan. Iyan ay ang bahagi natin na nagmamahal at nakikipag-ugnayan sa Diyos ang nasira. Nawala ang kakayahan nating mabuhay na may pagkakaisa sa Diyos. Ang ating makasalanang katawan ay buhay nguni't ang bahagi natin na kumikilala ng Diyos (espiritu)ang siyang namatay (Efeso 2:1). Halimbawa: Ang anestisya ay pumapatay sandali sa pakiramdam natin sa sakit sa panga habang ito ay may bisa, pero ang katawan ay buhay pa rin.

ii) Tayo ay isinilang na makasalanan - Isinilang tayo na may pusong makasalanan, madaling makagawa ng hindi tama at mahirap gumawa ng mabuti (Mga Awit 52:3). Dahil sa tayo ay likas na makasalanan, kabilang tayo sa kinapopootan ng Diyos (Efeso 2:3).

iii) Tayo ay tatanggap ng kaparusahan. Roma 7:18-21 Dahil sa tayo ay likas na makasalanan, tayo ay laging nakagagawa ng kasalanan. At dahil sa tayo ay nagkakasala, tayo ay dapat na parusahan.

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

BAKIT KAILANGAN NATIN NG TAGA-PAGLIGTAS

Page 6: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 6

iv) Tayo ay nakagapos sa kasalanan. Mga Taga-Roma 6:16, Juan 8:34 - Dahil sa lagi nating pag-gawa ng kasalanan, tayo ay naging alipin nito. Tayo ay napasailalim ng kontrol at kapangyarihan ng kasalanan.

4. KAILANGAN NATIN NG TAGA-PAGLIGTAS, DAHIL HINDI NATIN KAYANG ILIGTAS ANG ATING MGA SARILI Kailangan hayaan natin na tayo ay iligtas ni Hesus. Gal 3:21-22. Nakita ng Diyos ang pangangailangan: walang ibang pamamaraan upang muli tayong mabuhay. Nakita ng Diyos na lahat ng tao ay napasailalim ng kasalanan. Ang kahulugan nito ay walang magagawa ang tao para iligtas ang kanyang sarili na magtatagumpay. Hindi rin makakapagkunwari ang isang tao na kaya niyang iligtas ang isang tao. Kaya nagpadala ang Diyos ng Taga-pagligtas, si Hesus. Mateo 1:21, Juan 4:42, Efeso 2:1-10. Halimbawa: Ang taong nakagat ng ahas ay hindi kayang labanan o pigilan ang pagkalat ng lason sa kanyang katawan, kailangan niya ng gamot na pipigil sa pagkalat nito. PAGHAMON: Halimbawa - Lahat tayo ay nalulunod sa dagat. Kailangan natin ng tagapagligtas na hindi natin kasamang nalulunod sa tubig. Si Hesu-Kristo ay laging nakahandang iligtas tayo ngayon at anumang oras.

Page 7: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 7

INTRODUKSYON: Ang sabi ng Biblia na hangga't hindi tayo nagsisisi, tayong lahat ay pare-pareho mamatay (Lukas 13:3). Sinasabi dito na ang pagsisisi ay ang daan upang makaiwas sa paghatol na nauukol sa atin dahil sa ating kasalanan (sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan - Mga Taga Roma 3:23). Ang pagsisisi ay pagtalikod sa buhay na makasalanan at mapaghimagsik patungo sa buhay na makatuwiran sa Diyos. Subali't ang mga tao ay hindi makakapagsisi kung hindi nila nakikita ang kasalanan sa kanilang mga sarili. Mayroon silang maling haka-haka tungkol sa kasalanan, binibigyan ang kasalanan ng ibang katawagan o kahulugan, o kaya ito'y kanilang binabawasan o ipinagwawalang-bahala. Subali't ang Diyos ng Biblia lamang ang makakapagpakita at makakapaggamot (o makakarikonosi) kung ano talaga ang KASALANAN. ANG KASALANAN, SA KAHULUGAN, AY ANG PAGLABAG SA BATAS O KAUTUSAN NG DIYOS, 1 JUAN 3:4 1. Ang Diyos ang tagapagbigay ng Batas! Siya lamang ang makakatakda ng panukat, hindi ang

tao. Ito ay kasalanan dahil labag sa batas mismo ng Diyoso, at dahil sinabi ng Diyos na ganoon, hindi dahil sinabi ito ng tao.

2. Ang ibang mga tao ay nag-iisip na sila ay hindi talagang masamang makasalanan: iniiwasan nila

ang "magkasala ng malaki". Pero ang Santiago 2:10 ang nagsabi: ang maski isa mang kasalanan ay nagbibigay-usig sa lahat ng krimen na nasa lahat ng Batas. Ito ay dahil sa ikaw ay nagkasala, hindi dahil sa mga bagay ng Batas kundi dahil laban sa Taga-Pagbigay ng Batas, Mga Awit 51:4.

3. Ang kasalanan ay paggawa ng mga kilos na labag sa mga kautusan ng Diyos, kaparis ng pagpatay,

panggagahasa, pagnanakaw, pagsisinungaling, pagnanasa (Sanguniin ang 10 Utos ng Diyos). Ito ay kasalanan ng komisyon o paggawa. (Ang ganitong uri ng kasalanan lamang ang halos alam ng maraming mga tao.)

ANG KASALANAN AY ANG HINDI PAGGAWA NG MGA MAGAGANDANG BAGAY NA DAPAT NATING GAWIN, SANTIAGO 4:17 Ito ay tinatawag na kasalanan ng hindi pagkilos (o hindi paggawa). Ito ay kakulangan sa paggawa ng mga magandang pagnasa at mga hangad ng Diyos. Halimbawa: Maaaring tayo ay hindi nagkasala sa pagnanakaw, subali't tayo ba ay nagbibigay sa mga taong nangangailangan? Maaaring hindi tayo nagsisinungaling, subali't tayo ba ay nagpapahayag ng katotohanan ng Diyos? ANG KASALANAN AY PAGKUKULANG SA KALUWALHATIAN NG DIYOS MGA TAGA-ROMA 3:23

1. Ibig sabihin nito na tayo ay nagkulang sa pamantayan ng Diyos. Tayo ay hindi naka-alinsunod (o nagkulang sa

kaparisan) sa katangian ng Diyos. Maaaring maramdaman mo na ikaw ay mabait na tao (kung ating gagamitin ang sarili mo o maski kaninong panukat ng kabaitan) subali't maski na, ikaw ay hindi pa rin sapat na mabait (kung ating gagamitin ang pagsubok o panukat ng Diyos) 2 Korinto 10:12.

2. Laban ayon sa kabanalan ng Diyos (Mateo 5:48, Isaias 6), tayo ay bale-wala! Iyon ay kaparis ng isang kandila na ipinaris sa kaliwanagan ng araw! Maski ang ating mga sariling katuwiran ay kaparis ng "mga maruruming basahan" (ang mga basahan o retaso ay ginagamit na pangtakip ng mga namamagang sugat). Isaias 65:5-6.

ANG KASALANAN AY PAMUMUHAY PARA SA SARILI AT HINDI PARA SA DIYOS, ISAIAS 53:6

Ang kasalanan ay pamumuhay ng "buhay na ating gusto" na kung saan ang Diyos ay nasa-isantabi, ipinagwawalang-bahala ang kanyang kalikasan, at ang Kanyang mga ninanais ay hinahamak! Ang tao ay isang nilikha para lamang SA DIYOS! Mga Taga-Koloseo 1:16. Samakatuwid, ang pagiging makasalanan ay pagkakaroon ng maling layunin, natutungo sa maling daan at namumuhay sa kailaliman ng maling panginoon! Namumuhay para sa sarili.

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

ANO ANG KASALANAN

Page 8: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 8

ANG KASALANAN AY HINDI PAGMAMAHAL SA DIYOS NG ATING LAHAT-LAHAT, MARKOS 12:28-30 1. Kung ito ang pinakadakila at pinakamahalagang utos, sa ganoon ang pagsuway ay ang pinakamasamang kasalanan! Masasabi mo ba

na mahal mo ang Panginoon ng iyong BUONG puso, kaluluwa, kaisipan at kalakasan?

2. Sino ang nakakuha ng ating atensiyon, pagmamahal, damdamin at paglilingkod? Hindi ba mayroon tayong mga iba't ibang bagay na kumukuha ng lugar ng Panginoon sa ating mga buhay? 1 Juan 2:15; Santiago 4:4.

ANG KASALANAN AY PAGTAKWIL KAY HESUS, JUAN 8:24, 16:8-9 Ito ang kasalanan ng pagtatakwil sa tanging handog na kaligtasan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Hebreo 2:1-4, 10:28-31. Ang kasalanang ito ay tinatawag din na pagsalungat sa Banal na Espiritu, Mga Gawa 7:5, na Siyang kumikilos sa ating mga puso at Siyang nagpapalapit sa atin kay Hesus, Hebreo 10:29. TANGING SI HESUS LAMANG ANG KATUGUNAN SA ATING KASALANAN, Mga Gawa 4:12, Juan 1:29, 1 Juan 2:1-2. PAGHAMON: Tingnan ang tunay na kalagayan ng iyong buhay sa kaliwanagan ng Salita ng Diyos at sa Kanyang Banal na pamantayan. Huwag kang manatili ng matagal sa paghahatol: magsisi at tanggapin mo ang tanging handog ng Diyos na kaligtasan.

Page 9: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 9

Introduksyon: Dahil sa pagdami o paglipana ng kasalanan sa mga huling araw, ang pagwawalang-bahala ng mga tao sa anumang kasalanan ay magiging sagabal sa pagsisi at paghingi ng awa at katawaran ng Diyos sa kanilang kasalanan. Ang leksyon na ito ay magbibigay kahalagahan sa kabigatan ng kasalanan dahil naitalaga na nuon pa na ang kasalanan ang siyang dahilan ng pagkamatay sa krus ng Anak ng Diyos. Ang kabigatan ng kasalanan ng tao ang siyang nagbigay pasakit kay Hesus. Kung ang tao ay hindi nakikita ang katunayang ito, siya ang magdadala ng kabigatan ng sarili niyang kasalanan. 1. LAHAT NG KASALANAN AY MORTAL

i) Bawat uri ng kasalanan ay pare-pareho sa mata ng Diyos. Ang relihiyon ay mayroong nakakalitong pag-uuri ng mga kasalanan na nagpapahintulot sa mga ibang kasalanan ng walang pagsisi. Subalit ang Biblia ay nagpapahiwatig na ang bawat uri ng kasalanan ay pare-pareho at natutungo sa kamatayan – ang pagkakahiwalay sa kaharian ng Diyos. Lahat ng kasalanan ay nagbibigay ng kamatayan sa kaluluwa, at nagdudulot ng kamatayan. Pag-aralan: Roma 1:28-32; 1 Corinto 6:9-10; Galatia 5:19-21; Efeso 5:3-5.

ii) Bawat tao ay pare-parehong makasalanan sa mata ng Diyos. Roma 2:11 Ito ay sapagkat hindi nagtatangi ng tao ang Diyos. Ang lahat ng mga mayayaman at mga mahihirap ay makasalanan; ang mga malaya o mga prisonero; ang mga panginoon o ang mga alagad – lahat ng mga ito ay mga makasalanan.

2. LAHAT AY MAKASALANAN AT KAILANGAN NG KAPARUSAHAN

i) Bawat isa ay may kasalanan at may pananagutan sa kanyang buhay sa Diyos. Roma 3:23 Ito ay sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Eze 18:20 – Ang kaluluwang nagkasala ay mamatay. Ang anak ay hindi magdadala ng sala ng ama, ganoon din na ang ama ay hindi magdadala ng sala ng anak.

ii) Ang Diyos ay matuwid at tayo ay nagkasala. Ecc 7:20 Walang isa mang tao sa mundo na napakabanal na gumagawa ng tama at hindi nagkakasala. 1 Juan 1:8 Kung tayo ay nagsasabing tayo ay walang sala, tayo ay nagsisinungaling at wala ang katotohanan sa atin. 1 Juan 1:10 Kung ating sinasabi na tayo ay hindi nagkasala, ginagawa nating sinungaling Siya at ang Kanyang salita ay walang halaga sa ating buhay.

3. LAHAT NG KAPARUSAHAN SA KASALANAN NG TAO AY NAIBUHOS KAY HESUS

i) Dahil ang bawat tao ay makasalanan, walang sinuman ang may pagkakataon na makatanggap ng tulong mula sa or makapagbigay ng tulong sa kaninuman. Tanging ang walang kasalanan lamang ang makakapagligtas sa mga tao. At tanging si Hesus na Anak ng Diyos lamang ang siyang walang kasalanan. Dito natin makikita kung gaano kabigat ang kasalanan ng tao at ang kaparusahan na naibuhos kay Hesus. Heb 2:9 - Ito ay upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay tinikman niya ang kamatayan para sa lahat ng tao. Tit 2:14 - Ibinigay niya ang Kaniyang sarili para sa atin upang tubusin niya tayo mula sa lahat ng ating kasamaan at upang linisin ang mga taong tanging kanya lamang, masigasig sa paggawa ng kabutihan.

ii) Ang lahat ng kasalanan ay mortal, subalit ang lahat ng kasalanan ay maaaring mapatawad. Dahil nabayaran na ni Hesus ang kapurasahan ng kasalanan, ang lahat ng kasalanan ay maaaring mapatawad. Siya ang ating kapalit, Siya ang namatay sa ating lugar. Hindi mo na kailangan pang bayaran ang kaparusahan ng iyong sariling kasalanan.

MGA BERSONG PANGHAMON: 1 Juan 5:10-12: 10Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa kanyang Anak. 11At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito’y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos. Mga Gawa 10:43: 43Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan.

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

KABIGATAN NG KASALANAN

Page 10: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 10

ANG PAGSISI AY HINDI - 1. LAMANG PAGSUMBAT - pagdama ng kasalanan.

i. Ang pagsisi ay nagsisimula sa pagsumbat ng budhi sa amamagitan ng gawa ng Banal na Espiritu (Juan 16:8).

ii. Hindi lahat ng nagkasala ay nakakadama ng pagsisi. Ang iba ay nasusumbatan sa pamamagitan ng mensahe, ngunit hindi sila humihinto maski na sila ay nakakadama ng kasumbatan sa kanilang mga maling gawain. Si Felix sa Mga Gawa 24:24-25.

2. LAMANG DALAMHATI SA KASALANAN - pagdadalamhati sa kasalanan. i. Ang ganitong klaseng pagdadalamhati ay dahil sa ang isa ay nahuli sa kasalanan,

o nagtitiis dahil sa resulta ng kasalanan. Minsan ang isang tao ay natatakot o nagdadalamhati dahil sa mga ibinunga ng sariling kasalanan, hindi dahil sa siya ay nagsisisi't huminto sa pag-gawa ng ganoong kasalanan. Ito ang tinatawag na maka-mundong pagdadalamhati (2 Co 7:10).

ii. Ang maka-diyos na pagsisisi ay nagbubunga ng pagbabago upang ang isang tao ay maligtas at hindi nagkakaroon ng kasumbatan (o nakakadama na ng kalayaan na nagmumula sa pagpapatawad at pagkakaroon ng pag-asa sa Diyos), subalit ang makamundong pagdadalamhati ay nagdadala ng kamatayan.

3. LAMANG PAGBABAGO - pagiging isang mabuting tao. i. Maraming tao ay nagpupugay na maging mabuti at magbago sa sarili nilang pagsisikap. Pero ang

pagpupunyagi sa sarili ay dahil sa sariling pagtutuwid na hindi naman lumalapit sa Diyos upang siya ay matulungan. Dahil dito, ito ay walang tunay na pagsisisi.

ii. Lahat tayo ay naging kaparis ng mga nagkasala, at ang ating mga gawing pagtutuwid ay parang mga maduming trapo; tayo ay natutuyot kaparis ng isang dahon, at kaparis ng hangin tayo ay nadadala ng ating mga kasalanan (Isa 64:6).

4. PAGIGING RELIHIYOSO - nauuwi sa pag-gawa ng kabutihan at pagka-relihiyoso. i. Ang lahat ng ito ay ating mga tangkang takpan lamang ang ating mga kamalian. Kaparis ng mga

Pariseo na talagang mga gawing relihiyoso : sila ay nagpapalipas-kain, nagdarasal at sumusunod sa mga seremonyas ng relihiyon, subalit sila ay hindi nagsisipagsisi ng kasalanan (Mat 3:7-10).

5. LAMANG PAGTANGGAP NG KATOTOHANAN SA KAISIPAN i) Ang pagkakaroon ng talino ay hindi nangangahulugan na ang katotohanan ay talagang nangyayari

sa buhay ng isang tao. Ang pagsisisi ay nangangailangan ng sadya at tumpak na aksyon na nababatay sa alam na katotohanan.

ii) Ang mga demonyo ay alam ang 'paniniwala' kay Hesus, pero sila ay hindi nagsisisi ng kanilang mga maling gawi. Basahin Santiago 2:19.

ANO ANG PAGSISI - 1. PATUNGKOL SA DIYOS

i. PAGSISISI NG KASALANAN SA DIYOS. Ang totoong pagsisisi ay ang pagdadalamhati sa Diyos. “Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos, Sang-ayon sa iyong kagandahangloob; Mga kasalanan ko’y iyong pawiin, Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, At ang nagawa ko’y di mo nagustuhan; Kaya may matuwid ka na ako’y hatulan, Marapat na ako’y iyong parusahan.” (Awit 51:1,4)

ii. PAGBALING SA DIYOS. Ang tunay na pagsisisi ay ang pagbaling o pagbabalik sa Diyos. Ang Diyos ay nagsabi na kung ikaw ay tunay na nagsisisi ay babalik ka sa Kanya, at Siya ay babalik din sa iyo (Zacarias 1:3) .

LEKSYON MATERIAL NG S.OS

.ANO ANG PAGSISI

Page 11: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 11

2. PATUNGKOL SA KASALANAN

i. PAGIGING TOTOO SA PAG-ANGKIN NG IYONG KASALANAN. Ang totoong pagsisisi ay ang pag-angkin na ang isang kamalian ay talagang isang kasalanan na nagawa, at hindi nagtatakip o nagbibigay ng iba pang mga rason (Psa 32:5) Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin, Ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim; Pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo’y idaing, At aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin.

ii. PAGMUHI SA KASALANAN - (Eze 20:43) Doon, maalaala ninyo ang inyong masasamang lakad at gawain. Dahil dito, masusuklam kayo sa inyong sarili.

iii. PAGHINTO AT PAGTATABOY SA KASALANAN - (Kawikaan 28:13) Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti Ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi. .At Mga Taga Roma 6:13.

3. PATUNGKOL SA SARILI - ITITIWALAG ANG SARILI AT NAMUMUHAY PARA SA DIYOS. (2 Co 5:15)

Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.

PAGHAMON: Ang Diyos ay handang magpatawad sa isang taong taos sa puso ang pagsisi. Basahin Mga Gawa 17:30 at 1 Juan 1:9.

Page 12: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 12

INTRODUKSYON: Alam natin na atin nang kilala ang Diyos kung tayo ay sumusunod na sa Kanyang mga pinag-uutos (1 Juan 2:3). Kaya nga't ang bawtismo sa tubig ang una mong pagsunod sa Kanya. BAKIT KAILANGAN ANG BAWTISMO SA TUBIG? 1. SAPAGKA’T ITO AY PINAG-UUTOS NI HESUS

Tingnan ang Marcos 16:16, Mateo 28:19. Ang bawtismo ay isang pagsusulit sa kasunuran at isang bunga ng pagsisisi. Si Hesus ang nag-utos na ito ay dapat gawin. Ang mga Apostoles ay nagturo din na ito ay dapat gawin (Mga Gawa 10:48). Gusto ba natin sundin ang Panginoon? Ang pagiging masunurin ay isang katunayan ng ating pagsisisi! Mga Gawa 26:20 Ako ay nagturo upang sila ay magsipagsisi at bumaling sa Diyos at patunayan ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.

2. SAPAGKA’T SI HESUS MISMO AY NA-BAWTISMUHAN. MATEO 3.13-17

Nang si Hesus ay lumapit kay Juan upang mabawtismuhan, sa umpisa Siya ay hinadlangan ni Juan. At sa lahat, si Hesus ay wala namang kasalanan, dahil doon ay hindi na kailangan pa Siyang magsisi o mabawtismuhan. Subali’t sa pagbawtismo kay Hesus, Siya ay nagbigay ng halimbawa sa kasunuran, at ipinakita ang Kanyang pag-alala sa ating pangangailangan. Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya ng Siya ay bawtismuhan. Sinabi Niya, Mateo 3:15 “Pahintulutan mo nang mangyari ito ngayon sapagkat nararapat nating tuparin ang lahat ng katuwiran sa ganitong kaparaanan. Nang magkagayon, pumayag na si Juan.” Ang bawtismo ay bahagi ng kaganapan ng katuwiran.

3. SAPAGKA’T ITO AY HUWARAN AT GAWI SA BAGONG TIPAN.

Ang unang simbahan ay nakagawian ang pagbabawtismo kapag mayroong pagsisisi at pagtitiwala. Ang pinaka-susi ng ating paksa ay nasa Mga Gawa 2:38-41, sinasabing mga 3,000 ang nabawtismuhan sa Araw ng Pentekosta. Bakit? Dahil nasabi ni Pedro, ‘magsisi kayo at magpa-bawtismo’. Tingnan din ang Mga Gawa 10; 47-48, 9.18.

4. SAPAGKA’T ITO AY GINAGAMIT NA ISANG PARAAN SA PAGTUTURO NG ATING PAGKAKAUGNAY KAY

KRISTO. Ang Diyos ay nagbigay ng kahalagahang espiritual sa bawtismo sa tubig para tayo ay turuan sa tunay at umiiral na kaugnayan natin kay Kristo. Mga Taga-Roma 6:3-5 Mga Taga-Galacia 3:26-27 “Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. 27Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo.”

ANG PARAAN NG PAGBABAWTISMO 1. SA PANGALAN NI HESUS,

ang ibig sabihin, sa awtoridad o kapangyarihan ni Hesus at sa pag-uutos ni Hesus.

2. SA PANGALAN NG AMA, NG ANAK AT NG BANAL NA ESPIRITU - MATEO 28:19. Ito ang paraan ng pagbabawtismo, kaparis ng utos ni Hesus. Ito ang tatak ng awtoridad o kapangyarihan na sa pamamagitan nito ang pagbabawtismo ay ginaganap.

3. SA PAGLULUBOG SA TUBIG, dahil ito ang kahulugan ng salitang Griego “baptizo”. Ang berso sa Mga Gawa 8 ay maliwanag tungkol kay Felipe at ang lalaking kapon– ang pagbabawtismo ay kailangan ng lubusang pagkalubog ng tao sa tubig. Ang ibig sabihin ng bawtismo ay “ilagay sa ilalim ng tubig’. Ang nakagawiang gawin ayon sa Bagong Tipan sa pagbabawtismo ay sa ilog, kaparis ng ginawa ni Juan na Baptisto, o sa isang lugar na publiko. Bawtismo sa Tubig, p2

4. PARA LAMANG SA MGA MAY SAPAT NA EDAD NA AT MAY PANG-UNAWA AT PAGSANG-AYON (O MGA

TAONG NASA MAYOR NA EDAD). Ang Banal na Aklat ay nagtuturo na tanging mga taong nasa edad na at may pang-unawa't pagsang-ayon lamang ang maaaring makatugon sa mga pangangailangan ng pagsisisi at pananalig at siyang makakapakinabang ng pagbabawtismo sa tubig. Ang bawtismo ay dapat sumusunod pagkatapos ng pagsisisi at pananalig kay Kristo. Ang mga bagong panganak ay hindi makakatugon sa mga pangangailangang ito, sa makatuwid ay hindi sila karapat-dapat at hindi maaaring mabawtismuhan. Hindi binawtismuhan ni Juan si Hesus hangga't Siya ay 30 taon. Sa halip Siya ay naialay sa Panginoon habang bata pa, Lukas 2:22-23 - "22Naganap na

MGA LEKSYON MATERIAL NG

S.O.S.BAWTISMO SA TUBIG

Page 13: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 13

ang araw ng kanilang pagdadalisay ayon sa kautusan ni Moises. Pagkatapos nito, dinala nila si Jesus sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon. 23Gaya ng nasusulat sa kautusan ng Panginoon: Ang bawat batang lalaki na nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon."

5. KAAGAD AGAD KUNG MAAARI.

Sa Bagong Tipan, ang bawtismo ay isang madaliang kagawian pagkatapos ng pagtatapat na si Hesu Kristo ay Panginoon at Tagapagligtas ng isang tao. Ang lalaking kapon ay huminto, nabawtismuhan, bago nagpatuloy ng kanyang paglalakbay ayon sa Mga Gawa 8:36-38 - "36Sa pagpapatuloy nila sa paglalakbay, nakarating sila sa isang dako na may tubig. Sinabi ng kapon: Narito, may tubig dito. Ano ang makakahadlang upang ako ay hindi mabawtis-muhan? 37Sinabi ni Felipe: Kung sumasam-palataya ka nang buong puso ay maaari kang bawtismuhan. Ang lalaki ay sumagot at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay ang Anak ng Diyos. 38Iniutos niyang itigil ang karwahe. Sila ay kapwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang lalaki. Binawtismuhan siya ni Felipe."

KAHULUGAN NG BAWTISMO SA TUBIG ANG BAWTISMO AY TANDA NG ISANG BAGONG PANIMULA. Kaparis ng ating nakita, ang kaligtasan ay may ilang hakbang, patungo sa bagong buhay, na hindi na hiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan, kundi nag-aaliw na muli ng malapit na relasyon sa Kanya sa pamamagitan ni Hesu Kristo. Sa Mga Taga Roma 6, si Pablo ay nagbibigay ng dalawang larawan ng bawtismo na makakatulong upang ating maunawaan kung ano ang talagang kailangan:

1. LARAWAN NG ISANG LIBING O SERBISYO NA PANGLIBING

Ang pagbabawtismo ay larawan ng isang taong iniisang-tabi at inililibing magpakailan man ang kanyang makasalanang buhay na nakalipas. Inyong tandaang muli na ang bawtismo ay ang hindi nagbibigay kamatayan sa ating nakalipas na buhay - kundi ang pagsisisi lamang at pananalig kay Kristo ang maaaring makagawa niyan. Ang bawtismo ang naglilibing ng kung ano ang ipinatay ng pagsisisi at pananalig. Tanging ang patay lamang ang iyong maaring ilibing.

2. LARAWAN NG ISANG NILIKHANG ITINANIM

Ang bawtismo ang talagang simula ng panibagong buhay. Subalit mahaba pa ang daan bago ang isang batang halaman ay makaabot ng kapanahunan. Kailangan nitong lumago at painamin. Ganoon din naman tayo, kung hindi ay nanganganib na magbalik sa dating makasalanang gawi. Ito ay isang desisyon na baguhin ng buo ang sariling buhay, mula sa pagiging makasarili at sa pagiging makasalanan, patungo sa pagiging maka-Diyos. Sa bawtismo tayo ay nagpapakita ng determinasyon na sumunod kay Kristo hanggang sa katapusan ng buhay.

KATAPUSAN: Tayo ay magdesisyon na sumunod kay Hesus sa Kanyang kamatayan at pagkalibing at sa kabaguhan ng buhay. Ang ating kilos o loobin ay dapat kaparis ng lalaking kapon na taga-Ethiopia sa Mga Gawa 8:36 -- "Bakit hindi ako dapat mabawtismuhan?" MANIWALA AT GUMAWA!

Lukas 6:46 - Tinatawag ninyo akong: ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Santiago 2:17, 19-20 - 17Gayon din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. 19Sumasampalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin - at nangangatal pa. 20Ibig mo pa pang patunayan ko sa iyo, hangal, na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kalakip na gawa?

Page 14: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 14

1. ANG MGA HULING SALITA NI HESUS, Lucas 24:46-49, Mga Gawa 1:4-4,5,8

i) Bago Siya pumunta sa langit, ang huling salita ni Kristo sa Kaniyang mga disipulo ay: ii) Kayo ay humayo at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkatauhan; at iii) Maghintay sa kapangyarihang nagmumula sa kaitaasan.

2. ANG PANGAKO, Lucas 24:49; Mga Gawa 1:4,5

Ang Panginoong Hesus ay nag-utos sa Kaniyang mga disipulo na tanggapin ang Pangako ng Ama. Ang pangakong ito ay ang pagbibinyag ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng pagbinyag na ito ay kanilang matatanggap ang kapangyarihan upang sila ay Kaniyang maging saksi .

3. KAPALIWANAGAN NG BINYAG

i) Ang salitang binyag o bawtismo ay nagmula sa salitang Griego ‘baptizo’ na ang ibig sabihin ay nakalubog sa tubig. Ang isang bagay na nakalubog ay puno sa loob at napapaligiran ng likido (Araling pangtulong: espongha na nakalubog sa baso ng tubig.) Ang Kristiyano na nabinyagan ng Banal na Espiritu ay puno sa kalooban at nasasakluban sa labas ng Banal na Espiritu. Siya ay nakakatanggap ng kapangyarihan.

ii) Ang salitang kapangyarihan sa Mga Gawa 1:8 ay nagmula sa salitang Griego ‘dunamis’ na pinagkuhanan na salitang Ingles na dynamite at dynamo. Ang kabinyagan ng Banal na Espiritu ay nagbibigay sa Kristiyano ng kapangyarihang ‘dynamite’ o ‘dynamo’ mula sa Diyos.

4. KAPANGYARIHAN SA PAGSASAKSI, Mga Gawa 1:8

Ang bawtismo ng Banal na Espiritu ay ipinagkaloob sa mga Kristiyano upang sila ay maging mga saksi o mga patotoo kay Hesus. Ang pagiging saksi ay pagiging martir. Ang salitang saksi sa Mga Gawa 1:8 ay nakuha sa salitang Griego ‘martus’ na ang ibig sabihin ay martir.

5. ANG LAHAT AY NAPUNUAN O NAPUSPUSAN, Act 2:1-4

Ang lahat ng mga Kristiyano (mga 120 sa Mga Gawa 1:15) na naghintay sa pangako ng Ama ay napuspusan ng Banal na Espiritu at nagsasalita sa iba’t ibang wika na ipinagkaloob ng Espiritu.

6. PAGSASALITA SA IBA'T IBANG WIKA, 1 Co 12:10

Ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay ang unang katunayan na ang isang tao ay nabawtismuhan ng Banal na Espiritu. Ito ay isang handog ng Banal na Espiritu na ipinagkakaloob sa mga mananampalataya dahil sa tatlong dahilan: i) Bilang lingwahe sa pagdarasal – sa pamamagitan nito, tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na “tumutulong sa

ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin. Subalit ang Espiritu mismo ang siyang namamagitan para sa atin na may pagdaing na hindi kayang ipahayag ng salita,” Mga Gawa 8:26-27.

ii) Upang maging matatag ang ating sarili - “Ang nagsasalita ng ibang wika ay nagpapatatag sa sarili niya,” 1 Co 14:4.

7. ANG TAKOT AY KAHADLANGAN, Lucas 11:10-13

Ang ibang mananampalataya ay nagkakaroon ng kahadlangan sa pagba-bawtismo ng Banal na Espiritu dahil sa pagka-takot. Ang Panginoon ay nagbibigay katiyakan na kapag tayo ay humingi sa Ama ng Banal na Espiritu, na tayo ay bibigyan ng Banal na Espiritu, at hindi ng ano pa mang espiritu.

8. PAPAANO TUMANGGAP NG BAWTISMO NG BANAL NA ESPIRITU

i) Humingi – humingi sa Ama ii) Tumanggap at magpasalamat - Naipangako na ng Diyos ang Banal na Espiritu. Tanggapin mo ang Banal na

Espiritu, pagkatapos mong humingi. Sa gayon ay magbigay ka ng pasasalamat at magpuri sa Diyos. iii) Pagsasalita sa ibang wika - ikaw ay makakapagsalita sa ibang wika dahil ito ay handog ng Banal na Espiritu.

Kailangan mong buksan ang iyong bibig at ikaw ay magsalita. Ang handog na wika ay kusang lalabas sa iyong bibig habang ikaw ay nagsasalita sa pananampalataya.

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

ANG BAWTISMO O BINYAG NG BANAL NA ESPIRITU

Page 15: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 15

ANG TOTOONG KURO-KURO O KAISIPAN TUNGKOL SA SIMBAHAN 1. Ang pinagmulan ng simbahan

i) Si Hesus ang tagapag-tayo – ii) Siya ay namatay para dito, at ito ay kanyang tinubos - 1 Pedro

1:18,19 iii) Si Hesus ang batong-panulukan (pang-haligi) (Efeso 2:20) at ang Puno (Efeso 4:15)

2. Ang kahulugan ng salitang simbahan

i) Salitang Griego ‘ekklesia’ – kahulugan ay ‘ang mga tinawag at ang mga tinawag para ihayo sa’. Sa Bagong Tipan, ito ay tumutukoy sa mga taong tinawag mula sa kasalanan at tinawag para ihayo sa Diyos.

ii) Salitang Inglis na ang ibig sabihin ay nagmumula sa “iyang para sa Diyos”. 3. Pagka-larawan ng Simbahan Ang mga pagka-larawan ng simbahan ang magpapakita sa atin kung ano ang relasyon natin sa Diyos bilang ating Ama, at sa bawa’t isa, mga kasamahan sa iisang katawan!

LARAWAN HANGAD NG DIYOS

ATING RELASYON SA DIYOS

ATING RELASYON SA BAWA’T ISA

Pagtitipon Efeso 1:22

Ang nais ng Diyos sa mga tao

Makaalis sa pagka-alipin at makalapit sa Diyos

Nararapat nating tanggapin ang bawa’t isa

Pagkakagawa Efeso 2:10

Upang ipakita ang kaalaman ng Diyos

Kumiling o sumunod sa Diyos

Alamin na ang Diyos ang kumikilos sa bawa’t isa.

Pamilya Efeso 2:19

Ang pagiging Ama ng Diyos

Magpaloob sa Kanyang pag-disiplina at pagmamahal

Pagmamahal at katapatan sa bawa’t isa.

Katawan Efeso 1:23

Upang ipakilala nating ang Diyos sa mundo

Sundin Siya bilang ating Pangulo

Pagkiling sa isa’t isa, 1CO 12:21-26

Pangdagdag na material: “Pakikipagsamahan” bahagi ng serye “Ngayong Ako Ay Kristiano Na”.

PAGPAPAKILALA NG PAGPUPURI AT PAGSASAMBA Ang unang bagay na malaman ng isang bagong mananampalataya ay kung papaano magbigay puri sa ating Tagapagligtas. Halimbawa: Ang mga tiga Israel ay nagkampo sa paanan ng bundok ng Sinai pagkatapos na sila ay maligtas sa Ehipto para matutunan nila kung paano sumamba sa Diyos. 1. Mga kahulugan –

Pagpupuri – pagbibigay halaga o dangal sa mga ginawa ng Diyos! Pagsamba – pagdiriwang sa kahalagahan ng Diyos, sa Kanyang Kalikhaan!

2. Bakit dapat magpuri at sumamba

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

KASANAYAN SA BUHAY NG PAGSISIMBA

Page 16: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 16

i) Sapagka’t Siya ay karapat-dapat! ii) Sapagka’t ito ay ipinag-utos sa Exodus 19. iii) Ito ay katangian na walang hanggan – Pahayag 4 & 5 iv) Ito ay nagbibigay ng pagpapala at kapangyarihan na nagmumula sa Diyos – Mga Awit 22:3;

67:5-7 3. Pagpapahiwatig ng pagpupuri at pagsamba sa Diyos

i) Pagpapalakpak ng kamay – Mga Awit 47:1 ii) Pagsisigawan – Mga Awit 95:1 iii) Pag-aawit – Mga Awit 95:1 iv) Pag-yukod – Mga Awit 95:6 v) Pagtaas ng kamay – Mga Awit 134:2, 141:2 vi) Pagluhod – Mga Awit 95:6 vii) Pagsayaw – Mga Awit 149:3 viii) May kasamang instrumento na pang-awit – Mga Awit 150:3-5 ix) Pagtalon – Mga Gawa 3:8

4. Pagsamba sa Diyos sa Espiritu at Katotohanan, Juan 4:23

i) Sa Espiritu – Ipanganak sa Espiritu - Juan 3:5-8 Pangunahan ng Espiritu - Mga Taga-Roma 8:14.

ii) Sa Katotohanan – naaayon sa Salita ng Diyos – Juan 17:17

Page 17: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 17

ARALIN 1 – NGAYONG IKAW’Y TUMANGGAP NA KAY KRISTO NA IYONG TAGAPAGLIGTAS Ang iyong pagtanggap kay Kristo bilang iyong personal na Tagapagligtas ay isang pinakadakila at pinaka-matalino mong desisyon na nagawa. Iyong matutuklasan ito sa pagbubunga ng iyong desisyon na yan. 1. Pagbalik-aralan natin ang Ebanghelyo:

i. Ang Ebanghelyo ay ang kapangyarihan ng diyos sa pagliligtas - Mga Taga Roma 1:16 ii. Tayo ay MAKASALANAN, hindi natin maliligtas ang ating sarili - Mga Taga Roma 3:23 ii. Ang kaparusahan ng kasalanan ay KAMATAYAN - Mga Taga Roma 6:23 iv. Subalit tayo ay minamahal ng Diyos, ibinigay Niya ang Kaniyang ANAK PARA MAMATAY sa ating lahat - Mga Taga Roma 5:8 v. At SA NGAYON, ang kaligtasan ay isang LIBRENG handog - Mga Taga Roma 3:23

2. Ano ang iyong ginawa upang matanggap ang handog ng kaligtasan: i. PAGSISISI sa lahat ng iyong kasalanan - Lucas 3:3 ii. PAGTATAPAT ng iyong mga kasalanan sa Diyos - 1 Juan 1:9 iii. PANINIWALA mo sa Panginoong Hesu Kristo - Mga Gawa 16:31 iv. PAGTANGGAP mo kay Hesus sa iyong buhay - Juan 1:12

3. Ano ang nangyari sa iyo: i. Si Hesus ay naging sarili mong Tagapaglitas - 1 Titus 1:15-17 ii. Pinatawad Niya ang lahat ng iyong kasalanan - Heb 10:17 iii. Ikaw ay isang ng LIGTAS - Efeso 2:8-9 iv. Ikaw ay naging isang ANAK ng Diyos - Mga Taga Roma 8:15,16 v. Ikaw ay naging isang BAGONG NILALANG - 2 Co 5:17 vi. Si Hesus ay simulang nagpapakita sa iyo ng Kanyang Kaharian - Juan 3:3 vii. Ikaw ay muling ipinanganak, may bago kang buhay kay Krist - Efeso 2:1-5

4. Saan ka ngayon kabilang: i. Wala ka na sa madilim na kaharian ni Satanas - 1 Pe 2:9 ii. Wala ka na sa sanlibutan, kundi sa Diyos - Juan 15:18-2 1iii. Sapagkat ang diyablo ay hindi mo magiging kaibigan - 1 Pe 5:8 iv. Manatiling nakasunod sa Diyos upang itaboy ang Diablo - Santiago 4:7 v. Si Hesus na nasasa-iyo ay mas dakila kaysa sa Diablo - 1 Juan 4:4 vi. Ang mananampalataya ay handa sa pagsubok at paghihirap - Mga Gawa 14:22

KATAPUSAN: Dahil sa lahat ng ito na nangyari sa iyo, huwag kang magtataka kung kaagad-agad ay magkakaroon ka ng pag-uusig at oposisyon o katunggalian. Napag-alaman na ng diyablo na ikaw ay wala na sa kangyang kaharian. Subalit manatili kang matapang sa kalooban, ang Diyos ay magwawagi sa iyong buhay! PANALANGIN: Ipagdasal ang proteksiyon at pag-iingat at pagmamahal ng Diyos sa bagong mananampalatayang ito. At imbitahan mo siya na magpasalamat sa Diyos sa handog Niyang kaligtasan, sa pagpapatawad ng kanyang kasalanan, at sa bagong kabuhayan. ARALIN 2 – ANG KATIYAKAN Papaano mong malalaman na ikaw bilang isang bagong mananampalataya ay talagang ligtas na? 1. ANG DIYOS AY HINDI SINUNGALING! Mga Taga Roma 3:4 “ang Diyos ay totoo at ang bawat tao ay sinungaling.” Isa sa mga

plano ni Satanas ay ang pahinain ang bagong mananampalataya at siya ay maghahasik ng pag-aalinlangan sa iyong bagong karanasan (Mat 13:18-23)

2. ANG DIYOS AY NAG-UUTOS NA TIYAKIN MO ANG IYONG KALIGTASAN. Gawin mong katiyakan ang iyong katawagan (2 Pe 1:3-11). Paniwalaan ang patotoo ng Diyos at hindi ng diyablo or mga sabi-sabi ng mga tao na nagbibigay alinlangan. Ang pag-aalinlangan sa patotoo ng Diyos ay pagsasabing ang Diyos ay bulaan (1 Juan 5:9-12). Ang Diyos ay hindi nakakapag-sinungaling!

3. TATLONG PINAGMULAN NG KATIYAKAN i) Ang Salita ng Diyos ay totoo, hindi nakakapag-sinungaling ang Diyos – Tito 1:2; Heb 6:18 ii) Si Kristo ay nasasaiyo, Siya ay nasa iyong buhay na ngayon – Juan 3:36; 5:24 iii) Ang patotoo ng Espiritu ng Diyos sa iyo – Mga Taga Roma 8:9, 16

4. KAILANGAN MO ANG TAMANG BATAYAN – Gawin mo na ang Salita ng Diyos ang batayan ng iyong pananalig. Huwag kang

magtiwala sa damdamin, o magpadala sa salita ng sangkatauhan, subalit maging matatag sa mga katibayan ng Salita ng Diyos. i) Ang Biblia ay isinulat para maging basi ng pananampalataya - Juan 20:31

1) Para ipahayag ang katotohanan ng buhay na walang hanggan - 1 Juan 5:13 2) Para ikaw ay maging matalino tungkol sa kaligtasan - 2 Tito 3:15

ii. Ang Biblia ay isinulat para sukatin ang ating paniniwala at mga gawi - Mat 22:29 1) Isinulat para suriin ang mga doktrina ng katuruan - Mga Gawa 17:11 2) Isinulat para magturo, makapagsabi at makatuwid - 2 Tito 3:16-17 3) Isinulat para halinhan o baguhin ang tradisiyon na likha ng mga tao - Markus 7:79

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

SERYE NG PAGIGING DISIPULO

Page 18: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 18

KATAPUSAN: Hindi natin dapat ipanganib ang ating iternal na destinasyon sa payo ng katauhan o relihiyon, bagkos ay kailangan natin ang katiyakan na nagmumula sa Diyos at sa Kaniyang Salita. PANALANGIN: Purihin ang Diyos sa Kaniyang katapatan sa Kaniyang pangako. Pangunahan mo ang mananampalataya na isambit ang kanyang katiyakan sa Diyos at ang kanyang bagong karanasan sa kaligtasan ng Diyos.

ARALIN 3 – IKAW AY HANDA NG LUMAGO SA PANANALIG! Ikaw ay nagbabagong buhay. Ikaw ay nagtatatag ng bagong halimbawa at gawi sa buhay. Ikaw ay mangagailangan ng tulong. Ikaw ay aking tutulungan sa ating pagaaral ng mga sumusunod na sesyon natin. Ang isang batang bagong ipinanganak na natural ay mamatay kung hindi siya aarugahin ng mga magulang. Ganito din katotoo ito sa bagong buhay na espirituwal. Kung ang bagong ipinanganak na bata ay pinakakain, ito ay lalaki; subalit kung iyong pababayaan, ito ay mamatay. Kung ano man ang inumpisahan ng Diyos sa iyong buhay, ito ay Kaniyang tatapusin! Filipo 1:6 KAILANGAN MUNG LUMAGO SA PANANALIG SA BUHAY: Ito ang katunayan ng bagong BUHAY! 1. Lumago ka sa iyong bagong buhay, kaparis ng isang bagong ipinanganak na bata– 1 Pe 2:2-3 2. Ang layunin ng Diyos sa iyong buhay: upang maging kaparis ni Kristo – Taga Roma 8:28-29

i) Si Kristo ang ating halimbawa. Bawat mananampalataya ay dapat lumago ayun sa layunin ng Diyos Gal 4:19 ii) Magandang magkaroon ng paninindigan sa buhay na nakatuon sa kay Hesus, at hindi kanino pa man Heb 12:2 iii) Ating mararating din ang buong kasukatan at kapuspusan ni Hesus, at tayo ay hindi na matuturing pa na isang bata sa

pananalig. Efeso 4:13-15. 3. Ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay magtatapos nito hanggang sa inyong paglago. Filipos 1:6 4. Ingatan ang gawain ng Diyos sa iyong pang-araw araw na buhay. 1Th 5:23 5. Ipinagkaloob ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol para sa ating paglago sa pananalig,2 Pe 1:3-5 ARALIN 4 – ANG MGA PROBISYON O MGA PINAGKALOOB SA ATING PAGLAGO 1. Ang Salita ng Diyos – Pagkain Espirituwal

i) Kailangan ang pagkain sa ating paglago. ii) Ang Biblia ang ating pagkain pang-espirituwal para sa espirituwal na paglago – Mat 4:4 iii) Ito ay gatas sa bagong panganak at pagkain sa mga matatanda na 1 Pe 2:2; Heb 5:12-14 iv) Ang paglago ay maibabagay mo sa taas ng inyong kaalaman sa Salita ng Diyos, ganoon din na ang pisikal ng

pangangatawan ay maibabagay o masusukat sa dami ng pagkain na inyong nakukunsumo. Col. 3:16; Mga Gawa 2:42 v) Ang paglago sa Salita ng Diyos ay naaayon sa pakikinig ng inyong kalooban at sa pagsunod sa kasabihan ng Diyos. Mat

13:19-22 vi) MGA KAPASYAHAN NA DAPAT GAWIN:

1) Bilang isang mananampalataya, kailangan ang pananatili sa salita at kautusan ng Diyos Juan 8:31-36 2) Bilang isang mag-aaral, ikaw ay kailangang magnais na matuto sa katuruan ng Banal na Salita, Mga Gawa 8:27-35. 3) Nararapat din na ikaw ay magsiyasat ng Biblia sa iyong sariling pag-aaral, 2 Tito 2:15. Mag-umpisa sa Kasulatan ni

Marcos at ng Mga Taga Roma. 2. PAKIKIPAG-UGNAY SA DIYOS (PANALANGIN)

Kung ang Biblia ay ang ating pagkain espirituwal, ang panalangin ay maihahalintulad natin sa ating paghinga. Ang paghinga ay may dalawang parte: paghingang palabas at papasok – ganuon din ang panalangin ay may dalawang paraan: tayo ay nakikipag-usap sa Diyos, at ang Diyos ay nakikipag-usap sa atin. i) Ang katuruan ni Kristo tungkol sa panalangin – Luk 11:1-4 MAHALAGA: Ang Diyos ay ating Ama, makipag-usap tayo sa

Kaniya ng may kalayaan. ii) Manalangin sa lahat ng oras – 1 Th 5:17 iii) Ipaalam sa Diyos ang iyong mga samo – Filipos 4:6,7 iv) Ang pagsunod at katugunan sa panalangin – Ang panalangin ay hindi para lamang humingi para pakinggan tayo ng Diyos

kung hindi kailangan rin na tayo ay magnais na pakinggan and sinasabi ng Diyos sa atin at upang Siya ay ating sundin. Ang mga taong marunong makinig sa Diyos ay may Diyos na marunong din makinig sa kanilang mga kahilingan (Basahin: Pro 1:24-31; Zek 7:11-13)

PAGTATAPOS: Tayo ay manalangin sa ano mang kahilingan ninyo. (Ikaw ay maghalimbawa kung paano ang tumpak na panalangin sa mga bagong mananampalataya)

3. ANG BANAL NA ESPIRITU AY TUMUTULONG SA ATIN Ang Diyos ay umaasa na ang kaniyang mga anak ay mamumuhay na kaparis ni Kristo. Ngunit hindi natin kayang maipamuhay ito sa ating sarili lamang. Alam ng Diyos ito. Kaya ibinigay Niya sa atin ang Banal na Espiritu upang tayo ay makapamuhay ng buhay Kristiyano. Ang susi sa matagumpay na pamumuhay Kristiyano ay ang pagkakiling at pagsunod natin sa Banal na Espiritu.

i) Ang Banal na Espiritu ay namumuhay sa mananampalataya - Efeso 3:16, 17a ii) Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng kapanyarihan sa atin - Mga Gawa 1:8 iii) Kanyang binubuo ang mga katangian ni Kristo sa atin, ang mga bunga ng Banal na Espiritu – Gal 5:16-23.

4. PAGSASAMAHAN i) PARA SA ATING PATULOY NA PAGLAGO

1) Pagsasamahan – ibig sabihin ay pakikisama o pagkakaroon ng mga bagay na pare-pareho. 2) Kanino tayo may pagkakasamahan? Natutunan natin na tayo ay hindi na sa sanlibutan. Sa makatuwid, ang sanlibutan

ay ayaw sa atin. Kaya kinakailangan na tayo ay makisama sa kapwa nating mananampalataya. Ng tanggapin natin si Kristo, tayo ay ipinanganak sa lipunan o pamilya ng Diyos (Juan 1:12).

Page 19: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 19

3) Ang ehemplo ng mga unang Kristiyano – Mga Gawa 2:42-47 4) Mahalagang prinsipiyo – ikaw ay wala ng pakikipagsamahan sa mga hindi mananampalataya. Pag-aralan mo ang 2

Co 6:14-18. ii) ANG SIMBAHAN – ANG PLANO NG DIYOS SA PAGSASAMAHAN

1) Ano ang ibig sabihin ng “simbahan” – ang pagtitipon ng mga taong nanalig kay Hesus bilang kanilang Tagapagligtas, nagkaroon ng kapatawaran sa kanilang kasalanan, at nagkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang simbihan ay hindi isang “building” o gusali kungdi ‘mga tao’. Sa tuwing magsasama-sama ang mga mananampalataya, sila ay ang simbahan (Mateo 18:20).

2) Isinagawang landas sa pagiging bahagi ng simbahan - bilang isang kasapi sa isang pampook na simbahan. Ang simbahan ni Kristo ay binubuo ng bawa't mananampalataya sa buong mundo. Ngunit mahirap makipagsamahan sa mga tao na nasa buong mundo. Kaya nga ang Biblia ay nagsasabi na nagplano ang Diyos na ang bawat mananampalataya ay makipagsamahan sa kanyang pampook na simbahan. Halimbawa: Simbahan sa Tesalonica (1 Tes 1:6-10) at Simbahan sa Laoditia (Pahayag 3:14-17)… at sa pagdating ng araw… tayo ay magkakaroon ng simbahan dito sa (pangalan ng lugar) _____________.

5. EHERSISYO ESPIRITUWAL: HUMAYO AT MAGPAHAYAG SA MGA TAO

Ang ating mga pangangatawan ay nangangailangan ng ehersisyo para lumakas. Sa ating buhay Kristiyano, kailangan din natin ang ehersisyo. Ang pagpapahayag sa ibang tao tungkol kay Kristo ay ang ating ehersisyong espirituwal. i) Bakit kailangan tayong magpahayag sa ibang tao – Mateo 10:32 ii) Maaari kang magumpisang magpahayag duon sa mga taong marunong makinig. iii) Paanong magpatotoo: Sa pamamagitan ng nabagong mong kabuhayan; sa pagpapatotoo (tingnan ang iyong mga nota

sa pangpersonal na pag-ebanghelyo) PROYEKTO: (Planuhin mo na ang taong iyong ginagabayan ay makasaksi ng iyong pagpapatotoo sa ibang tao, siguro iyong isa sa kaniyang mga kamag-anak o kaibigan.)

ARALIN 5 – PAGSUNOD SA KAPANGINUAN NI HESU KRISTO ANG PANGANGAILANGAN NG PAGSUNOD – Ang pagbilis ng ating paglago sa ating buhay Kristiyano ay nakasalalay sa ating pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Maraming mga bagay ang dapat na baguhin sa ating buhay, ang Salita ng Diyos at ang Banal na Espiritu ang nagpapakita nito sa atin. 1. Ang pagsunod ay ang paggawa ng mga sinasabi ng Diyos sa atin at ang pagiging isang taong Kaniyang ninanais sa ating

buhay. 2. Ito ang katibayan ng ating pagmamahal sa Panginoon, at ito ang paraan para malubos ang ating kagalakan - Juan 15:9-12, 1

Juan 5:3. 3. Sapagka't si Hesus ay Panginoon - tinanggap mo si Kristo hindi lamang bilang iyong Tagapagligtas kungdi bilang isang

Panginoon din (Basahin Mga Taga Roma 6:23). Ilustrasyon: Basahin na mabuti: Lucas 6:46-49 – Maraming tao ngayon na tinatawag ang kanilang sarili na Kristiyano, pero hindi sumusunod sa Diyos. Ang mga huling araw ang magbubunyag kung sino talaga ang mga anak ng Diyos at ito ay ang mga sumusunod lamang sa Kaniya. PAGHAMON: Mayroon bang isang bagay sa iyong pamumuhay na kailangan ng pagsunod sa inuutos ng Panginoong Hesus ?

Page 20: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 20

INTRODUKSIYON Mateo 15:8-9 “8Paggalang na handog sa ‘kin ng bayan ko’y paimbabaw lamang, Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. 9Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan, Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.” Madaling sabihin ng isang Pinoy na kilala niya ang Diyos. Gayun pa man, kung iyong titingnan ang sinasabi sa Biblia, madaling makikita ng isang tao ang mali niyang kaisipan sa kung sino talaga ang Diyos. Ang tutuong kaalaman ay nakakapagbago ng buhay ng tao. Walang makakakilala talaga sa Diyos hangga’t hindi nababago ang kaniyang buhay dahil sa katalagahan at katangian ng Diyos. (Kay Tito 1:16) Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit Siya ay ipinagkakaila nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa o kilos. (Ilustrasyon: Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging isang Kristiyanong nasyon sa Asia, pero ang talagang larawan ng kagandahang-asal at gawi ng mga Pilipino ay malayo sa huwaran ng Kristiyano.) ANG KATULARAN NG DIYOS Ang Diyos ay masyadong dakila upang ating matuntunan ng husto. Tinatanong sa Biblia (Job 11:7) Ang mga hiwaga ba ay iyong matatarok, O madadalumat ang kapangyarihan ng Diyos? Ang mga sumusunod ay mga katotohanan tungkol sa Diyos na magbibigay ng iba pang kaalaman. 1. ANG DIYOS ANG MAY LIKHA NG LAHAT

i) Ang paniniwala na ang Diyos ang may likha ng lahat ay ang batayan ng pagkakilala natin sa Diyos, Heb 11:3. TANONG: Ano ang kinahihinatnan ng buhay na hindi naniniwala sa Diyos ng Kalikhaan. Ang sangtinakpan ay nagtuturo sa isang Diyos ng Kalikhaan.

ii) (Neh 9:6) At lang lahat ay sama-samang nanalangin, “Ikaw lamang Yahweh, ang Panginoon; Ikaw ang lumikha ng kalangitan at mga bituin, Nilikha mo ang lupa, ang dagat at lahat ng naroroon; Binigyan mo sila ng buhay, Sinasamba ka ng lahat sa kalangitan.

iii) (Mga Awit 139:13) Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, Sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.

2. ANG DIYOS AY MAKAPANGYARIHAN i) (1 Ch 29:11) Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay

pagkat iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pamamahala at ikaw ang hari ng lahat.

ii) (Isa 66:1) Ito ang salita ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, At itong daigdig ang aking tuntungan: Saan ka gagawa, paano mo gagawin ang aking Templo, Na aking tiraha’t pahingahang dako?

iii) (Efeso 3:20) Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin , sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang nagahari sa atin.

3. ANG DIYOS AY ALAM ANG LAHAT i) (Heb 4:13) Walang makapagtatago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at

sa kanya tayo magsusulit. ii) (1 Juan 3:20) Sakali mang tayo’y usigin niyon. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi at alam

niya ang lahat ng bagay. 5. ANG DIYOS AY BANAL

i) Ang sakdal na kabanalan ng Diyos ang nagsasabi ng lubos na kapurihan. Hindi Siya nagkakasala o nagpapahintulot ng kasalanan. Ang kabanalan ay ang Kaniyang kaluob-loobang katangian, na hindi Niya nakukuha sa labas ng Kaniyang sarili. Siya ay lubos na perfectong banal sa lahat ng Kaniyang kaisipan, sinasabi at ginagawa. (1 Sa 2:2) Kayo lamang ang banal, Yahweh. Walang makatutulad sa inyo, Walang ibang kanlungan ang mga matuwid liban sa inyo.

ii) (Lev 19:2) Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh ay banal.

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

ANG PAGKILALA SA DIYOS

Page 21: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 21

5. ANG DIYOS AY ISANG ESPIRITU

i) Bilang espiritu, ang Diyos ay walang kalamnan at buto (Lucas 24:39), at Siya ay hindi nakikita (Col 1:15)

ii) Dahil dito kung bakit pinagbawalan ng Diyos ang Israel na gumawa ng mga imaheng nakikita o ng anuman mga bagay na inahahalintulad Siya.

PAPAANO NATIN MAKIKILALA ANG DIYOS Ang Diyos ay isang taong ating makikilala. Ipinakikita ng Biblia sa atin na ang Diyos ang Siyang nagpapahayag ng Kanyang sarili sa Kanyang mga nilikha. Ang Diyos na lumikha sa tao na may isip at kadaliang espirituwal ang nagpapatunay ng intention ng Diyos sa mga tao. Gayon pa man, mula ng pagkahulog ng katauhan, ang mga kadaliang ito ay nagkaroon ng kalabuan at ang tao ay hindi makatuklas sa Diyos sa kanyang sariling kaisipan. Sa gayon, ang Diyos na mismo sa kanyang kagandahang-loob at pagmamahal ang siyang nagkusa upang Kanyang ipinahayag ang Kanyang sarili sa mga tao. Ang pagpunyaging ito ng Diyos ay nangyari sa ating Panginoon na si Hesu Kristo (Heb 1:1-3). PAHAYAG – ito’y tumutukoy sa pagpapakilala ng Diyos ng Kaniyang sarili sa mga tao. Ang mga sumunod ay mga pagpapahayag ng Diyos sa Kaniyang sarili sa sanglibutan: 1. PAGPAPAHAYAG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KALIKASAN

i) (Mga Awit 19:1) Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!

ii) (Roma 1:20) Mula pa nang likhain niya ang sanlibutan, ang kalikasang di nakikita, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay maliwanag na inihahayag ng mga bagay na ginawa niya. Kaya’t wala na silang maidadahilan.

2. PAGPAPAHAYAG NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KONSYENSIYA

i) Ang konsensiya ay ang pagkaalam ng tama at mali, na may kaudyukan na gumawa ng tama – na ito’s inilagay ng Diyos sa mga tao ng sila’y Kaniyang nilikha.

ii) Ito ay natural na batas na taglay ng sangkatauhan na nagpapahiwatig ng isang nagbibigay ng pinakamataas na batas, na kung kanino nananagot ang buong sanglibutan.

iii) Ang konsensiya kung sa ganoon ay pahiwatig ng Diyos, na Siyang pinakatutuntunan ng isang taga-bigay ng batas (Mga Taga Roma 2:14-15). Ganoon pa man, dahil sa kasalanan, ang konsensiya ng tao ay nadungisan na at ngayon nga ay hindi na sapat upang makapag-pahiwatig ng husto ang Diyos sa sangkatauhan.

3. ANG PAHIWATIG NG DIYOS SA BANAL NA KASULATAN

i) Ang Biblia ay ang nakasulat na pahiwatig ng Diyos. Ang pag-aaral ng Banal na Kasulatan ay nagsisikap na ipakilala ang Diyos.

ii) (Juan 5:39) Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin.

4. ANG PAHIWATIG NG DIYOS KAY KRISTO

i) Ang pahiwatig ng Diyos sa kalikasan at konsensiya ay hindi sapat sapagkat ang mga ito’y nagsasabi lamang ng mga katangian ng Diyos, at hindi ng Kaniyang pagkatao.

ii) Ito ay kailangan ng isang personal na pahiwatig ng Diyos at matatagpuan kay Hesu Kristo. Si Kristo ang pinakabuong pahiwatig ng Diyos kasama na ang Kaniyang kalooban, kalikasan, katauhan at katangian. Kung ikaw ay titingin kay Hesus ay para ka na ring tumingin sa Diyos dahil si Kristo ang pinakamaliwanag na larawang-diwa ng Diyos sa forma ng isang tao. (Coloso 1:15) Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.

iii) (Juan 1:18) Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak - - siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

iv) (Heb 1:1-3) 1Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2Ngunit ngayon, siya’y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob at siya ang itinalaga niyang

Page 22: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 22

magmay-ari ng lahat ng bagay. 3Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayon din ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya;y lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.

PAGHAMON: Ang layunin ng lahat ng ng mga pahiwatig ng Diyos ay upang ang tao ay makilala Siya ng personal at sa paraang naranasan nila - isang bagay ng pagkakilala sa Diyos na nagpapabago sa isang makasalanan.

Page 23: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 23

MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA BIBLIA 1. Ito ang parating pinakamabiling libro sa buong mundo. 2. Sa umpisa’y isinulat sa tatlong lingwahe – Hebreo, Aramaika at Griego, ang Biblia ay ang tanging libro na isinalin sa

pinaka-maraming lingwahe. 3. Ito ring ang libro na nagkaroon ng pinakaraming pag-uusig. Marami ang nagsikap na sunugin, ipinagbawal ang mga

ito, pero ito pa rin ang isang librong mas makikita sa mga tahanan, mga ospital at ibang pang mga pasanayan. 4. Ito ang isa sa mga pinakalumang libro sa buong mundo pero ang mga mensahe nito ay magagamit sa modernong

kapanahunan. Nagbibigay ito ng mga katugunan sa mga dakilang tanong ng mga tao sa ilang nagdaang henerasyon. Saan ako nagmula?, Saan ako patungo?, Bakit ako naririto? Ang mga katotohanang ito ang nagsasabing ang Biblia ay hindi isang pangkaraniwang libro.

ANG BIBLIA – ANG SALITA NG DIYOS SA SANGKATAUHAN 1. Ang Biblia ay ang isinulat na pahiwatig ng Diyos sa tao sa tanging paraan na ating tinatawag na inspirasyon. Maraming

klase ng tao ang sumulat ng Biblia sa pamamagitan ng inspirasyon na nagmumula sa Banal na Espiritu: (2 Kay Tito 3:16) Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran.

2. Ang Biblia ay may isang sentral na paksa – Maski na ang Biblia ay may 66 na mga libro, ito ay may iisang paksa: ANG PLANO NG DIYOS KALIGTASAN NG SANGKATAUHAN. Ang paksang ito ay naitatag mula pa sa mga Lumang Testamento or Lumang Tipan hanggang sa mga Bagong Testamento o Bagong Tipan. Ang Lumang Testamento, nagsasabi ng mga ginawa ng Diyos sa pagtayo ng isang nasyon sa pamamagitan nito’y si Hesus, na Anak ng Diyos, na Tagapagtubos ay manggagaling. Ang mga Bagong Testamento ang nagsasabi ng kapanganakan, buhay, ministeryo, pakikipagpalit na kamatayan sa krus at ang resureksyon mula sa kamatayan ni Hesu Kristo, na Anak ng Diyos, na ating Tagapagtubos.

3. Ang pinakadakilang pangako ng Biblia sa Juan 3:16 - Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

ANG LAYUNIN NG BIBLIA 1. Ang pinaka-layunin ng Diyos sa pagbibigay ng Biblia sa atin ay upang malaman natin ang daan ng kaligtasan: Ang Biblia

ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Hesu Kristo. (2 Kay Timoteo 3:15) … alam mo na ang banal na mga kasulatan ay makakapagbigay ng karunungan sa iyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo.

2. Ang Salita ng Diyos ay magtuturo pa rin mananampalataya kung paano mamuhay sa Diyos. Ang pagiging Kristiyano ay hindi lamang upang magkaroon ng relihiyon. Pero ito ay upang magkaroon ng buhay na relasyon sa Banal na Diyos. Sa ganito ang Kristiyano ay kailangang mamuhay ng isang banal na buhay kaparis ng Diyos na kanyang pinapaniwalaan. (2 Pe 1:3,4) 3Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapang-yarihan. 4Sa pamamagitan nito, ibinigay niya sa atin ang kaniyang mga mahalaga at dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa banal na kalikasan ng Diyos. Yamang nakaiwas na kayo sa kabulukan ng sanglibutan dahil sa masasamang pagnanasa, nakibahagi na kayo sa kabanalan ng Diyos.

3. (Psa 119:9-11) 9Paano ba iingatang magin wagas yaong buhay, Yaong buhay ng binata sa kaniyang kabataan? Ang tugon ay: “Sumunod s’ya sa banal mong kautusan.” 10 Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran, Sa pagsunod sa utos mo, huwag mo akong babayaan. 11Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, Upang hindi magkasala laban sa ‘yo kailanman.

KATAPUSAN: Sa pamamagitan ng Biblia, ang Diyos ay nagsasabi sa sangkatauhan ng Kanyang plano ng kaligtasan. At ang Diyos ang Siyang naniniguro na ang planong ito ay nakasulat para tayo ay makasiguro sa daan ng kaligtasan.

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

ANG BIBLIA AY SALITA NG DIYOS

Page 24: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 24

Ilan sa mga kababayan nating Pilipino ay saradong Katoliko, subalit ang kanilang paniniwala ay ayon sa kinagisnan nilang tradisyon sa turo pa ng mga nakakatanda sa kanila at hindi ang mga nasusulat sa kung tawagin natin ay BANAL NA AKLAT O ANG BANAL NA BIBLIYA. Ito na leksiyon siyasatin natin ang kanilang paniniwala : naayon ba sa SALITA NG DIYOS o hindi. PANGUNAHANG BERSIKULO : (MAT. 22:29) - “Sumasagot si Hesus : Nagkakamali kayo dahil sa hindi ninyo pagkaalam sa kasulatan ni kapangyarihan ng Diyos.” Introduksiyon: Napakadaling sabihin ng bawat isa na naniniwala silang may panginoon, pero sa kanilang paniniwala : • Hindi nila alam kung anong klase ang gusto ng Diyos. ( Halimbawa : Siete palabras lang ang alam ng iba

na siyang salita ng Diyos) • Ang paniniwalang gumawa ng kung anong Diyos na kahoy para sambahin o gumagawa ng kapilya sa

kanikanilang patron na santos… • Ang naniwala at nagtuturo ng mga salita ng diyos pero hindi sapat ayon sa nasusulat sa BANAL NA

AKLAT. (Halimbawa: ang alam nila ay ang sampung utos lang ng Diyos ang nasusulat sa Bibliya dapat ituro.) Ang mga taong ito ay may talintong pagtitiwala sa Diyos at naniniwalang may Diyos pero hindi alam ang totoong sinasabi ng Diyos na ang lahat ay nasusulat sa Banal na Aklat.

1. Paliwanag ayon sa Salita ng Diyos (Romas 10: 1-3)

i) Una sa Lahat - Sila ay maka-Diyos. Malaki ang pagmamalasakit nila sa Diyos. ii) Maling pannawa - Subalit ang pagmamalasakit nila sa Diyoa ay hindi ayon sa kaalaman. iii) Ang maling resulta – Dahil sa hindi nila pagkaunawa tungkol sa pagiging matuwid na galing

diyos. iv) Maling sagot sa ebanghelyo - at dahil sa pahnanasng magtayo ng sariling pamamaraan, ayaw

nilang pasakop sa katwiran ng Dios. v) Si Kristo ang hangganan ng lahat ng kautusan, at ibibilang na matuwid at ligtas ang

sumampalataya sa kanya. Ang taong nagsasawa ang mga bagay ayon sa kautusan ay mabubuhay ng matuwid.

2. Dapat ituro ang salita ng Diyos :

i) Alam ng diyablo na makapangyarihan ang mga Salita ng Diyos na ito’y patungo sa kaligtasan, at ito ay inaalis sa puso ng mga mananampalataya at mabubuhay sila sa maling katuroan upang hindi sila maliligtas…(Lucas 8:12)

ii) Ang diyablo ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan. Hindi niya gusto maituro ang katutuhanan upang manatili sa kadiliman.

iii) Sinabi ni Hesus naituro ang salita ang Diyos upang ang tao maniwala at manampalataya. Ang Bibliya ang batayan ng pananampalataya.

3. Ang pananampalataya’y nagmumula sa pakikinig sa salita ng Diyos. (Rom. 10:13-17)

“Bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, Papaano nila tatawagan ang hindi nila sinasampalatayan? Paano nila sasampalatayan ang hindi nila napapakinggan? At paano sila makapakinig kung hindi sila sinugo?

4. Mga kadahilan kung bakit gusto ng diyos na ang ating pananampalatay ay ayon sa kanyang mga

salita: i) Sapagkat ang kanyang salita ay isinulat upang sumampalataya kayo na si Hesus ang Cristo, ang

Tagapagligtas. (Juan 20:31; 2 Tim. 3:15 – 17 ). ii) Ang kanyang salita ang hahatol sa lahat na tao.

MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S

Paniniwala Ayon sa Salita Ng Diyos

Page 25: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 25

iii) Sapagkat kung makikinig tayo at mananatili tayo sa kanyang mga salita, pakikinggan niya ang anumang hilingin natin sa kanya.. ( Pro. 1:24 – 30 ; 28:9 ; Zec. 7;11 – 13; Joh. 15:7)

iv) Ang kanyang salita ay makapangyarihan at makabuluhan kaysa sa salitang gawa lamang ng mga tao. Mat. 15: 1-3)

v) Ang pakikinig sa salita ng Diyos ay nagpatunay na anak sa Diyos. Pangkalahatang aral : Paano ang araling ito nakatulong sapapangailan mo upang matagpuan kung ano ang sinasabi sa bibliya?

Page 26: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 26

Ang mga hindi mananampalataya ay namumuhi hindi dahil sa ating katauhan kungdi dahil sa bagay na ating pinaniniwalaan. 1 Pe 4:1-4 - 1Kaya nga, yamang si Cristo ang nagbata ng hirap sa laman dahil sa atin, maging gayundin nawa ang inyong pag-iisip sapagkat ang nagbata ng hirap sa laman ay tumigil sa pakikipag-ugnayan sa kasalanan. 2Sa nalalabi niyang panahon sa katawang ito ay hindi na siya namuhay para sa masidhing pagnanasa sa laman kundi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. 3Sapat na ang nakaraang panahon ng ating buhay upang gawin ang kalooban ng mga Gentil. Lumakad tayo sa kahalayan, masamang pagnanasa, paglalasing, magulong pagtitipon, mga pag-iinuman at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyos-diyosan. 4Iniisip nilang hindi pangkaraniwan ang hindi ninyo pakikipamuhay sa kanila sa gayong labis na kaguluhan. Dahil dito nilalait nila kayo. (Gamitin ito bilang isang leksyon ng patotoo.) ANO ANG IDOLO AT ANG PAGSAMBA SA IDOLO 1. Ito ay isang imahen ng isang diyos o isang santo "ng anumang bagay na nasa itaas sa langit, sa daigdig

na ilalim, o nasa tubig sa ilalim, EXO 20:4, na maaring naka-ukit, naka-molde o naka-pinta na ginagamit bilang isang bagay o instrumento ng pagsasamba.

2. Ito ang bagay na binibigyan ng labis-labis na pagmamahal o paghanga; anumang nilikha na pinagtutuunan ng ating pagdarasal, pagpapapuri o pagsasamba na pumapalit sa lugar ng ating Manlilikha! Mga Taga Roma 1:21-23,25.

3. PAGSASAMBA SA IDOLO – ang anumang ginagawang pagsisilbi, pananalangin or pagyukod sa mga idolo, Exo 20:4-5. Ibig sabihin nito na labis na pagmamahal sa isang bagay na hindi naman Diyos. Isang bagay ng pagsasamba o relihiyon na sinasamba ang isang idolo, o isang diyos-diyusan.

4. DALAWANG KAHUBUGAN NG PAGSASAMBA SA IDOLO: Pagsamba sa mga diyos-diyusan o hindi tunay na mga diyos, na mayroon ma’t walang mga imahen na ginagamit; at ang Pagsamba sa Tunay na Diyos sa pamamagitan ng mga imahen, Jud 17, 18 Exo 32.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT AKO AY HINDI SUMASAMBA SA MGA IDOLO 1. Ang idolo ay walang kabuluhan – ito’y walang tunay kalikhaan. 1 Co 8:4-6; Mga Gawa 19:23-27.

Ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugan ng pagtatakwil sa mga idolo, 1 Th 1:9-10. Ang pagsamba sa idolo ay prueba ng kamangmangan! Mga Gawa 17:22-30. Si Pablo ay nagsasabi na ang kanilang mga kaisipan ay naging walang kabuluhan, at ang kanilang walang kaisipan ay napupunuan ng kadiliman, Mga Taga Roma 1:21-22. Si Satanas na nagnanais na masamba ang kanyang sarili ay makagagawang pagsalitain ang mga imahen, Mateo 4:9; Isaias 14:12-14; Pahiwatig 13:6-9, 12-15.

2. Sa ating mga Kristiyano, wala nang ibang Diyos kundi iisa lamang. Wala Siya kakaribal, Deu 6:4-5. Ang pagsamba sa anumang hubog na idolo ay ipinagbabawal. Exo 20:4-5; Deu 5:7-9. Ito ay kasalanang pagrerebelyon at pagkamuhi sa tunay na Diyos!

3. Ang Diyos ay Espiritu, Juan 1:18, 4:24; Mga Taga Roma 1:20, 23; 1 Ti 6:16. Walang sinumang tao magpakailanman ang nakakita sa Kaniya upang makita ang Kaniyang anyo o itsura. Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi nangangailangan ng likas na “pagkakita”. Hebreo 11:1, Juan 20:29. Hindi na kailangan pa ng mga mananampalataya ang anyo o estatwa ni Hesus para Siya ay kaniyang ibigin o paniwalaan, 1 Pe 1:8-9. Ang pagsamba sa mga idolo ay pagsamba sa mga demonyo, 1 Co 10:19-22, Pahayag 9:20, Deu 32:16-18.

4. Ang pagsamba mo sa idolo ay nauuwi sa pagkahalintulad mo sa iyong idolo, Psa 115:8, 135:15-18. Tayo ay nagiging kaparis ng isang idolo na ating sinasamba. At pagkatapos nito, ay nagbibigay daan sa kasamaan at kasuklam-suklam na kasalanan, Mga Taga Roma 1:18-32. Ang dahilan kung bakit ang mga sumasamba sa mga idolo ay mga relihiyoso at hindi banal ay dahil sa ang “Diyos ay nagsawa sa kanila” at hinayaang sila ay gawin ang kanilang mga nais. Inalis ng Diyos ang Kaniyang inpluwensiyang espiritual at paggabay sa kanilang mga buhay. Dahil sa ang mga tao ay ayaw magmahal sa

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

BAKIT AKO AY HINDI NAGDARASAL SA MGA IDOLO

Page 27: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 27

katotohanan, ang Diyos ay nagpadala ng malakas na panglilinlang para sila ay maniwala sa kasinungalingan ni Satanas, 2 Th 2:10-12.

5. Ang mga anghel at mga santo ay hindi tumanggap ng pagsamba at kapurihan. Mga Gawa 10:25-26, 14:11-18; Pahayag 8:9, Col 2:8-12. Ang mga santo ay hindi makakatulong sa atin kapag sila ay namatay dahil hindi nila maitutuloy ang kanilang mga gawain dito o maski saan man, Phi 1:22-25, Heb 7:23. Ang panalangin sa mga (patay) santo ay pakikipag-ugnay, pakikipag-usap sa mga patay, at ang mga ito ay pinagbabawal ng husto ng Diyos, Deu 18:10-11. Ang espiritu ng patay ay hindi makakabalik magnais man siya o maski na ipagdasal pa siya ninuman, 2 Sa 12:23, Lucas 16:27-31.

6. Ang pagdarasal sa mga santo ay nangangahulugan ng paniniwalang sila ay may pagka-diyos. BAKIT? Dahil ang pagdarasal sa kanila ay basihan ng pag-aakala na sila ay narito ngayon para makapakinig, makakita, makatulong o maka-ligtas! Ito ang mga kalidad na nasa Diyos lamang. Walang ‘nakanonisang’ santo ang magkakaroon ng ganitong mga kalidad.

7. Ang Diyos ay tumutugon sa panalangin sa pangalan ni Hesus. Juan 15:16, 16:23-24, 26-27; Hebreo 7:25. Dahil dito, wala nang kailangan pa sa mga Kristiyano na “idaan” pa ang kanyang panalangin sa mga santo. Sa langit ay mayroong iisang talagang nanalangin para sa atin: HESUS, Mga Taga Roma 8:34; Hebreo 7:25-26, 1 Juan 2:1. Dito sa mundo, ang Banal na Espiritu ang nanalangin para sa atin, Mga Taga Roma 8:26-27, si Hesus ang tanging kailangan sa pagtulong sa mga makasalanan at tayo ay kumpleto na sa Kanya, Col 2:8-10, 18-19.

8. Si Hesus ay ang handang Tagapamagitan sa bawat mananampalataya, Juan 14:6; Hebreo 10:19-23, 1 Ti 2:5. Ang Kultong Marian ay nagtuturo na tayo ay makakatungo lamang kay Hesus sa pamamagitan ni Maria. Ang Biblia ay pinabulaanan ang paniniwala kay Maria. Ang totoo, ang Diyos na Ama ang Siyang nagdala sa atin kay Hesus! At si Hesus ay hindi tayo itinataboy kung tayo ay lumalapit sa Kanya, Juan 6:37, 45, 65. Hanggang sa ngayon, ang Ama ang Siyang nagdadala sa atin kay Hesus at hindi niya iniutos ito maski kaninuman! Si Hesus mismo ang nag-aanyaya sa atin, Mateo 11:28-30; Pahayag 3:20.

9. Ang pagsamba sa mga idolo ay hindi magdadala sa atin sa langit kungdi sa dagat-dagatang apoy! Gal 5:19-21, 1 Co 6:9-10; Pahayag 21:8, 22:15. Ang pagsamba sa idolo ay ang paraan ni Satanas upang ikaw ay malayo sa Diyos ngayon at magpakailanman.

Page 28: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 28

TUNGKOL SA HINDI MATUWID NA OPINION SA BIBLIA Ang mga Katoliko ay inudyukan na magbasa ng Biblia, ayun sa mga opisyal na ulat na ginawa ng mga puno ng Katoliko. 1. “May paghahamon na basahin at pag-aralan, ipagdasal at ipamuhay ang nakasulat na Salita ng Diyos.

Kami, na inyong mga obispo, ay nagkaisang iproklama na ang taong 1989 ay isang Pambansang Taon ng Biblia!” (Komperensiya ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas, Tagaytay City, Jan 27, 1989)

2. Idiniklara ni Papa Pius X, “Kung tayo ay mas lalong magbabasa ng Ebanghelyo, lalong lalakas ang ating pananampalataya.”

3. Ang nais natin sa mga anak ng simbahan na mapunuan ng Biblia, at maaaring maabot nila ang kalawakan ng kaalaman ni Hesu Kristo. (Spiritus Paraclitus, Sept. 15, 1920)

4. Si Papa Leo XIII ang nagsabi, “Ang kamangmangan ng Biblia ay kamangmangan tungkol kay Kristo.” (Sinabi ni Hesus, “Saliksikin niyo ang mga Skripto… sila ang nagpapatunay sa aking sarili” – Juan 5:39)

5. Ang pagkawalang kamalian (ng Biblia) ay ang pinaka-mahalagang kinalabasan ng inspirasyon (sa pagsulat ng Biblia). Ang Biblia ay wala maski anuman at hindi man lang nagtataglay ng pagkakamali. (Encyclical “Spiritus Paraclitus, 1920). SA LAHAT NG BAGAY, si Hesus, na pinaka-Ulo ng Simbahan ang nagsabi: KUNG SINUMAN ANG NASA DIYOS AY SIYA LAMANG ANG MAKAKAPAKINIG NG BAWAT SALITA NG DIYOS. ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NINYO ITO NARIRINIG AY DAHIL KAYO AY WALA SA DIYOS!” Juan 8:47

TUNGKOL SA MGA MISA Ang kahulugan sa Katoliko: Ito ang “walang dugong sakripisyo ng katawan at dugo ni Kristo. Ang misa ay kapareho ng sakripisyo sa Krus.” Kung si Kristo ay isinasakripisyong muli, kaparis ng kanilang sinasabi, sa ganoon ang mga Skripto na sumusunod ay hindi totoo! Sa buong mundo, may mga 200,000 misa ang ginaganap araw-araw. ANG SABI NG BIBLIA: Heb 7:27 – Ito ay Kanyang ginawa minsan lamang. Heb 9:11-15 – Pumasok sa higit na mahalaga at lalong ganap… Heb 9:24-28 – Hindi na kailangan pang isakripisyo ng paulit-ulit Heb 10:10-14 – Iisang sakripisyo lamang sa lahat ng panahon! Heb 10:15-18 – Hindi na magkakaroon pa ng ibang sakripisyo para sa kasalanan! Rom 6:10 (1 Pe 3:18) – Minsan lamang, para sa lahat… 1 Pe 1:18-19 – Ang ipinangtubos… ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto. TUNGKOL SA PURGATORYO Ang kahulugan sa Katoliko: Ang purgatoryo ay ang panahon ng pagtitiis ng isang namatay na may kasalanang venial (kasalanang may-kapatawaran), o yaong may kakulangan pa ng kaparusahan sa taglay na kasalanan. ANG SABI NG BIBLIA: Lukas 23:39-43 – Walang purgatoryo! Mga Gawa 7:59 – Ang mga santo ay hindi naghahangad na mapunta duon! 1. Si Kristo ang nagdala ng lahat ng katiisan, kaparusahan, at kabayaran sa ating mga kasalanan. Siya

ay namatay sa ating lugar. 1 Pe 2:21-24’ Mga Taga Roma 5:8; 2 Co 5:21; Col 2:13-14; Isa 53:4-6,12. 2. Tanging katumbasan ng lahat ng kasalanan (sa mga nagdaan, sa ngayon at sa kinabukasan) ay

nagawa na ng Diyos, para sa atin, sa pamamagitan ni Kristo sa Kalbaryo! Isa 53:10-12; Juan 1:29, 2 Co 5:18-21, Heb 10:10,14; Col 1:19-20, 1 Juan 3:5.

LEKSYON MATERIAL NG S.O.S.

MGA SAGOT SA TANONG NG MGA KATOLIKO

Page 29: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 29

3. Ang Diyos ay hindi tumatanggap na ano pa mang kalinisan, kaalisan, sakripisyo o kabayaran ng kasalanan liban sa dugong idinaloy ni Kristo sa Kalbaryo: Heb 9:11-14, 22 Kung walang pagkabuhos ng dugo, walang kapatawaran. Heb 9:26-28; Roma 3:24-25; Roma 5:8-9; Efeso 1:7; Pahayag 1:5.

4. Wala nang pangalawang pagkakataon pa! Lucas 16:19-31; Heb 9:27. TUNGKOL SA SASERDOTE O PARI Kahulugan: Saserdote – Ang isang taong naglalapit sa atin sa Diyos! ANG SABI NG BIBLIA: Mat 23:9 - Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa

langit. “Banal na Ama” ay ang titulong nauukol lamang sa Diyos. Heb 7:23-25 – Ang pagka-saserdote ni Hesus ay hindi naililipat kaninuman. 1 Juan 2:1 – Siya ang ating Tagapagrekomenda o Tagapamagitan! Tayo ay lumalapit sa Diyos sa

pamamagitan Niya lamang, Heb 7:25. 1 Pe 2:4-10 – Ang lahat ng mananampalataya (lahat!) na lumapit kay Hesus ay tinawag na maging “saserdote” at

sila ay maaaring makalapit sa Diyos! Santiago 4:7-8, Magsilapit kayo sa Diyos at siya ay lalapit sa inyo.

TUNGKOL SA PAPA Kuro-kuro o opinion: Ang Papa ay ang Kinatawan ng Anak ng Diyos, “Vicarius Filii Dei” o isang taong lumalagay sa lugar ni Hesus sa lupa! Ang Papa ay natawag na “Ating Banal na Ama” at “Ang Banal na Panginoon” (Encyclical Letter: Pope Leo XIII; Pope Pius X). ANG SABI NG BIBLIA: Juan 16:7-8, 12-15 – Si Hesus mismo ang nagsabi ng maliwanag na ang kumakatawan sa Kaniya ay ang

Banal na Espiritu! 14:16-17,26, 15:26. 1 Pe 5:1-4 – Si Pedro ay hindi isang Papa, siya ay isa sa mga nakakatanda o "elder" (2 Juan 1:1, Mga Gawa

15:2,4,6,22,23). Si Pedro ay hindi panginoon! Efeso 4:5, Mga Gawa 10:16, Filipos 2:11 – Tanging si Hesus lamang ang Panginoon! Efeso 1:22, 4:15, 5:23 – Si Hesus ang Puno ng Simbahan! Col 1:18, 2:19. 1. Si Pedro ay hindi nagpakita ng awtoridad kaparis ng Papa: Mga halimbawa – Mga Gawa 8:14 (Sila ay

isinugo…); 15:1-21 Kung saan ang payo ni Santiago, at hindi ni Pedro ang nasunod sa desisyon na ginawa ng buong simbahan!

2. Ang mga simbahan nuong unang panahon ay hindi nangingilala ng isang awtoridad na kaparis ng Papa! Mga Gawa 10:25-26, 16:4, 21:17-19, 25 Gal 1:15-17, 2:6-9, 11-14.

TUNGKOL KAY MARIA AT MGA SANTO 1. Ang ina ni Hesus (hindi ng Diyos, dahil ang Diyos ay walang ina, at ang Titulo ay nakakalito dahil ang

Diyos ay may tatlong Persona). Juan 2:1-3, Mga Gawa 1:14. 2. Pananatiling birhen: Mat 1:25, Juan 7:1-5 (at Mga Awit 69:9), Gal 1:19, Mat 12:46-50, 13:55-56, Mar

6:3 (Ang mga ito ay hindi mga pinsan ni Hesus na gustong ating paniwalaan ng mga Katoliko.. Ang Biblia ay may ibang salita o terma tungkol sa kahulugang ‘pinsan’, Col 4:10.)

3. Malinis na kapanganakan: Roma 3:10-12,23, 5:12; 1 Juan 1:8; Ecc 7:20; Luk 1:47, 2:22-24 (tandaan na si Maria ay kailangan magbigay ng isang paris na kalapati, isa sa mga ito ay para sa sakripisyo ng kasalanan: Lev 12:8).

4. Benerasyon: Luk 11:27-28 – Ang pagkakataon ni Hesus na sumang-ayun kay Maria pero hindi Niya ginawa…

5. Ang paggamit ng mga berso ng Luk 1:28, 42, 48-49 ay hindi nangangahulugan ng benerasyon: ang mga pangungusap na ito ay ginagamit din sa ibang tao (Jdg 5:24, at maraming mga tao sa Biblia ang nabigyan ng Diyos ng kaluguran at paglingap kaparis ng kay Maria).

TUNGKOL SA TAGAPAMAGITAN 1 Ti 2:5 – Ilang mga diyos? Ilang mga tagapamagitan? Heb 12:24 Juan 6:37, 44, 65 – Sino ang nagbibigay sa atin kay Hesus? Juan 14:6 – Sino ang nagdadala sa atin sa Ama? 1 Juan 2:1, Heb 2:18, 7:25

Page 30: MGA LEKSYON MATERIAL NG S.O.S. · PDF fileMAIPAKILALA ANG BANAL NA KASULATAN. S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 3 Introduksiyon: Marami ang naniniwala

S.O.S. Lesson Materials – Tagalog Language – Bible Studies. Page 30

Ang mga berso sa Juan 2:1-11 ay hindi nagsasabing si Maria ay may kapangyarihang makapamagitan! Tanging ang Diyos lamang ang makakatugon ng ating panalangin dahil Siya ang may mga katangian at kakayanan na makatugon ng ating hinihiling. Siya ay sumasalahat ng dako, sumasalahat ng kaalaman at sumasalahat ng kapangyarihan. Si Hesus ay Diyos kaya nga’t Siya ay nakakatugon ng ating mga panalangin. Heb 7:25, Roma 8:34, Juan 14:13 Ang mga ito ay wala sa mga santo at kay Maria. Kung sila ay sumasalahat ng dako, kaalaman at kapangyarihan, sila ay mga diyos! Dahil sa hindi naman sila ay ganoon, hindi nila matutugon ang ating mga panalangin! TUNGKOL SA BUHAY NA WALANG ASAWA Katuruan ng mga Katoliko: Buhay na walang asawa sa kanilang mga pari at mga madre. ANG SABI NG BIBLIA: Luk 1:5 - Ang mga saserdote ay may asawa. 1 Co 7:25-28 – Hindi kasalanan kung ang tao ay mag-aasawa. Mat 8:14, 15; 1 Co 9:4-6 – Si Pedro ay kasal; may-asawa. 1 Co 7:6-9 – Mas mabuti pa ang mag-asawa kaysa ang isang tao ay madarang! 1 Ti 3:1-5 – Ang mga namumuno ng mga simbahan ay nasusulit sa pamilya. 1 Ti 4:1-3 – Ang buhay na walang pag-aasawa ay itinuturo ng mga demonyo. TUNGKOL SA BATO Ang Bato ba ay si Kristo? O si Pedro? Sino ang pundasyon ng totoong simbahan? Mat 16:13-18, 1 Co 3:11, 10:4, Luk 20:17-18, Mga Gawa 4:11-12, 1 Pe 2:4-8, Mga Taga Roma 9:33, Mga Awit 18:31. TUNGKOL SA KAPATAWARAN AT PAGTATAPAT NG KASALANAN Mat 16:19, 18:18 – Ang ulat ay hindi lamang ibinigay kay Pedro! Juan 20:22-23 Nasabi sa mga disipulo na hindi sa iilan-ilan lamang! Papaano naintindihan ng mga disipulo iyan ang mga salita ni Hesus? Sila ba ay nagbigay ng awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatapat, at ang pagbibigay ng pardon o kapatawaran? Kung ang mga Katolikong saserdote ay tama, ibig sabihin nito na ang mga disipulo ay mga mali! 1 Juan 1:7-9, Mar 2:7,10 (Si Hesus ang may kapangyarihang magpatawad!) Mga Gawa 2:37-38, 16:30-31.