226
MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR

MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR

  • Upload
    haphuc

  • View
    1.761

  • Download
    166

Embed Size (px)

Citation preview

  • MGA LEKTURASA PANITIKANG POPULAR

  • MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR

    VIRGILIO S. ALMARIOEditor

    AKLAT NG BAYANMETRO MANILA

    2013

    NCCAPambansang Komisyonpara sa Kultura at mga Sining

    KWFKomisyon sa Wikang Filipino

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Karapatang-sipi 2013 Komisyon sa Wikang Filipino

    RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

    Editor/ Validator: Virgilio S. AlmarioDisenyo ng Aklat: Ma. Teresa S. CulturaDisenyo ng Pabalat: Marne L. Kilates

    The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry: Mga lektura sa panitikang popular / Virgilio S. Almario, editor .-- Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, c2013. p. ; cm.

    ISBN 978-971-0197-21-7

    1. Filipino literature -- History and criticism. 3. Popular literature -- Criticism, interpretation, etc. 4. Popular literature. I. Almario, Virgilio S.

    PL6051 899.211009 2014 P320130763

    Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 2F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St., San Miguel, Maynila Tel.02-733-726002-736-2525 Email:[email protected]:www.kwf.gov.ph

    sa tulong ng grant mula sa PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING 633 General Luna Street, Intramuros, 1002 Manila Tel.527-2192to97Fax527-2191to94 Email:[email protected]:www.ncca.gov.ph

    The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nations historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as adynamicpartofthenationalculturalmainstream;andensuresthatstandardsofexcellenceare pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).

  • NILALAMAN

    Introduksiyon Sa Panitikang Popular 7Virgilio S. Almario

    Ang Folklore o Kaalamang-Bayan Sa Filipinas 10E. Arsenio Manuel

    Ang Panunudyot Pagpapatawa sa Panulatang Tagalog 18Leonardo A. Dianzon

    Ang Lakan ng mga Makatang Filipino na si Balagtas at ang kaniyang Florante 64Hermenegildo Cruz

    Ang Diwang Maginoo sa mga Awit at Koridong Tagalog 100Dolores V. De Buenaventura

    Mga Kasaysayan sa Ibat Ibang Lupa Na Tulad Sa Ibong Adarna 117Pura Santillan-Castrense

    Duplot Balagtasan 132Teodoro E. Genero

    Ang Kundiman Ng Himagsikan 182Antonio J. Molina

    Mga Silanganin Ng Panitikan 199Francisco Sugui

    Mga Tala sa Paglilimbag 225

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 7

    INTRODUKSIYON SA PANITIKANG POPULAR

    Virgilio S. Almario

    MISTULANG ISANG GAWAIN ng artsibista ang aklat na ito dahil isang koleksiyon ng mga lekturang hinango sa sinupan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language pa noon ang tawag sa orihinal na ahensiyang itinatag ng pamahalaan upang mangasiwa sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa at isa sa magandang proyekto ng Surian ang pagdaraos ng mga panayam hinggil sa iat ibang paksaing pangwika, pampanitikan, at pangkultura na binigkas ng mga kilalng iskolar at eksperto. Marami sa naturang panayam ang ginagamit na sanggunian ngayon ng mga mananaliksik. Ang malungkot, kahit ipinalimbag ng Surian ang mga ito ay mahirap nang hanapin sa mga aklatan.

    Isang mahalagang tungkulin, sa gayon, ng KWF na muling ilathala ang maituturing na klasika sa mga naturang panayam ng Surian. Ang aklat na ito ay isa sa mga antolohiya upang ibalik sa madla ang mga pinilng panayam ng Surian. Gaya ng nakasaad sa pangkalahatang pamagat, nilalaman ng antolohiyang ito ang ilang natatanging panayam hinggil sa panitikang popular. Walo ang aming napilng panayam at maaaring ituring na introduksiyon sa panitikang-bayan at sa mga anyong pampanitikang kinagiliwan ng sambayanan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol at hanggang panahon ng Amerikano. Kapaki-pakinabang ang mga panayam upang balikan ang mga katangiang pampanitikan na umakit sa madla noon bukod sa maaaring gamiting simula ang mga ito sa pagsuri ng panitikang popular sa kasalukuyan.

    Maipagmamalaki namin ang nilalamang mga lektura ng aklat bilang mga mohong saliksik (landmark research) dahil ito ang mga unang pahayag hinggil sa kanilang mga paksa. Maganda namang isailalim ang mga ito sa balidasyon sa tulong ng mga kasalukuyang saliksik upang matukoy din ang isinulong ng pag-aaral sa panitikan at kulturang popular mulang 1956ang petsa ng pagbigkas sa pinakahulng panayam. May sigla ngayon ang araling kultural, lalo na sa larang ng kulturang popular. Ngunit nakapaghihinala

  • 8 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    kung nasulyapan man lamang ng ating mga kabataang iskolar ang naritong mga panayam.

    Nsa unahan ng koleksiyon ang lektura ni E. Arsenio Manuel, kinikillang Ama ng Antropolohiyang Filipino, dahil nagdudulot ng isang magandang overview sa naging kasaysayan ng saliksik sa kultura ng Filipinas. Bagaman kaalamang-bayan (ang salin niya noon sa folklore) ang kaniyang paksa, maituturing na aplikable sa kultura sa kalahatan ang kaniyang obserbasyong pangkasaysayan. Mahalaga para sa kaniya ang panimulang impormasyong tinipon ng mga misyonero sa panahon ng kolonyalismong Espanyol sa kabila ng taglay na mga prehuwisyo at naiibang interes sa pinag-aaralan. Kahit paano, ginamit din ito ng mga unang mananaliksik na Filipino, gaya nina Isabelo de los Reyes, Jose Rizal, Mariano Ponce, at Pedro Serrano Laktaw. Mahalaga din para sa kaniya ang saliksik ng mga Amerikano nitng ika-20 siglo, gaya nina H. Otley Beyer, Laura W. Benedict, at Dean S. Fansler, dahil naging patnubay ng mga bagong Filipinong mananaliksik na gaya nina Gabriel A.Bernardo, Amador T. Daguio, at Leopoldo Yabes.

    Ang paksa ni Leonardo A.Dianzon ay pambihirang talakayin hanggang ngayon. Ngunit siy rin ang nagdidiin sa pamamagitan ng kaniyang paninging historikal na isang katutubot matandang sining ang panunudyo at pagpapatawa. Inihanay muna niya sa gayon ang mga tugma, awiting-bayan, at kuwentong-bayan na nagtataglay ng sinaunang diwang masayhin upang talakayin pagkaraan ang matalinong panunudyo nina Balagtas, Plaridel, at Rizal.

    Mangyari pa, ang ibang lektura ay higit na nakaukol sa pinakapopular na limbag na panitikan sa siglo 19ang awit at korido. Muling binalikan ni Hermenigildo Cruz ang kadakilaan ni Balagtas. Tinukoy naman ni Dolores V. de Buenaventura ang diwang maginoo sa mga awit at korido at sinaliksik ni Pura Santillan-Castrence ang mga posibleng pinagbuhatang bukal na banyaga ng koridong Ibong Adarna upang isalungat sa naghahakang katutubo ito. Isang makabuluhang dokumentasyon ang lektura ni Teodoro E. Gener sa naging metamorposis ng duplo upang maging balagtasan nitng siglo 20. Gayundin ang pananaw na ginamit ni Antonio J. Molina upang gunitain ang transpormasyon ng kundiman mula sa isang awiting-bayan

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 9

    tungo sa isang awit ng mga manghihimagsik. Samantala, ang lektura ni Francisco Sugui ay higit na nagsisiyasat sa mga ipinalalagay niyang huwarang pandaigdig para sa ating panitikan.

    Nais kong wakasan ang introduksiyon kong ito sa pahayag ni Bienvenido M. Gonzalez, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, pagkaraang makinig sa lektura ni A.J. Molina. Wika niya: Ang gawaing paglilinang ng ating mga katutubong wika ay nakaakit sa akin nang gayon na lamang, sapagkat itoy nagbibigay ng pag-asang mapapag-isa ang damdamin ng ating bayan. Ang mga kaugaliang hinubog natin sa kabataan ay sadyang mahirap mabago, kay bat sa akiy taimtim na nagbibigay-isip ang kung alin ang mabuting kaparaanang maisagawa natin sa paglinang ng isang halo-halong wikang Pilipino, sa pagkakillang ang lahat at bawat isa sa atin ay inaruga at pinalaki sa ayam ng ating di mabilang na mga wikain. Dapat nating mataho na ang unang hakbang sa ikalulutas ng isang suliranin ay ang pagkilla sa mga sagabal na kailangang maligtasan, kay nararapat na ang mga salin ng taong magsisisunod ay magkaroon ng katapangan at pagpapakasakit na sapat makabago sa kinamihasnang ugali at makalikha ng isang salitang Pilipino na buhat sa inang wika. At para sa kaniya, isang magandang simula ang serye ng panayam na nagsasaliksik sa kultura ng bansa upang maging bigkis ang wika ng matibay na pagkakaisa.

    Ferndale Homes21 Oktubre 2013

  • 10 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    ANG FOLKLORE O KAALAMANG-BAYAN SA FILIPINAS1

    E. Arsenio Manuel

    Saklaw

    Magmula nang ipasok ni William John Thoms, na isang Ingles, ang katagang folklore sa salitalaang Ingles noong 1846 hanggang sa kasalukuyan, pinagtatalunan pa ang saklaw nito, gayon din ang sangay ng kaalaman na dapat kabilangan. Malawak ang pakahulugan ni Thomsmga gawi, kaugalian, pangingilin, pamahiin, awit, kawikaan, alamat, kuwentong-bayan, atbp. Dinagdagan pa ito ng maraming dalubhasa ng dula, sining, mga laro at laruan, bugtong at iba pahanggang sa ang pakahulugan sa folklore ay lumaktaw sa bakuran ng ibang sangay ng palatauhan. Ang Commission Internationale des Arts et Traditions Populaires sa Paris ay nagsusumikap na isaayos ang mga di-nagkakaisang kaisipan hinggil sa pag-uuri, pamamaraan, at pangangalap. Maikli ang ating panahon upang talakayin ang bagay na ito, kayat hindi na natin pag-uukulan ng pansin. Gayon man, may dalawang katukuyan ang kaalamang-bayan o folklore (a) ang katipunan ng kaalamang-bayan na katatagpuan sa kathang-bayan, kaugalian at paniwala, anito at igba: at (b) ang sining hinggil sa pag-aaral sa mga sangkap na nabanggit.

    Kasaysayan

    Kahiman hindi nakapag-ukol nang mabuti ang mga Kastila sa pangangalap at pag-aaral ng matatandang alamat at kuwentong-bayan, ang kanilang mga aklat at kasulatan ang katatagpuan ng mga ulat ukol sa matatandang kaugalian at kapaniwalaan ng mga Filipino bago sila dumating. Dahil sa kakapusan nila ng kaalaman sa wikang katutubo o kakulangan sa pagkakabatid sa kahalagahan ng ganap na pagtatala ng kabihasnang taal, hindi nila pinagtiyagaang isulat ang mga kathang-bayan sa wika ng

    1 Ang papel na ito'y binasa ng may-akda sa isang komperensiya ng mga mag-aaral na major at minor sa Wikang Pilipino sa pagtitipong ginanap sa auditoryum ng Philippine Normal College sa Maynila, noong 19 Agosto 1956..

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 11

    taong-bayan o taong-bukid. Dahil din sa kawalan nila ng pagkakabatid sa kahalagahan ng kabihasnang di-binyagan, nayurakan ito at napabayaang mawala nang unti-unti. Kaya sa kaalamang-bayan ng mga Tagalog wala tayong halimbawa ni isa man lamang ng pamatbat? (narrative song), lungbos (divination song), ayag o dayaw (victory song), ni dalt (religious poem, hymn, couplet) na matatawag na walang halong Kastila. Gayon din ang nangyari sa ibang dako ng kapuluan na nasakop agad ng mga Kastila. Ang kabihasnang bulubundukin lamang ang nakaligtas sa marahas at mapanirang pangyayari.

    Gayon man nakapagsalaysay at nakapagtala rin ng mahahalagang ulat sina Antonio Pigafetta,2 Antonio de Morga,3 Miguel de Loarca,4 Fr. Juan Plasencia,5 Fr. Francisco Colin,6 Francisco Combes,7 Fr. Jose Ma. Pavon,8 Jose Montero y Vidal,9 W. E. Retana,10 Fr. Gregorio Martinez at Fr. Mariano

    2 Tingnan ang kaniyang Prime Viaggio Intorno al Mundo (salin sa Ingles ni James A. Robertson) sa Blair & Robertson, IThe Philippine Islands, tomo 33-34. May salin din sa Ingles si Lord Stanley na ipinalimbag ng Hakluyt Society, 1874.3 Tingnan ang kanyang Succesos de las Islas Filipinas, panganay na limbag sa Mexico, 1609; salin sa Ingles ni Lord Stanley at ipinalimbag ng Hakluyt Society, 1868; palimbag ni Jose Rizal, 1890; isa pa ring salin sa Ingles na matatagpuan sa Blair & Robertson, The Philippine Islands, tomo 16; palimbag ni W. E. Retana, 1909. 4 Tingnan ang kaniyang Relacion de las Islas Filipinas, Blair and Robertson, op. cit, tomo 5.5 Mababasa ang kanyang Las Costumbres de los Tagalos, sa Blair and Robertson, op. cit. tomo 7.6 Basahin ang bahagi ng kanyang Labor evangelica na may kinaalaman sa ating paksa sa Blair & Robertson, op.cit., tomo 40.7 Ang mahahalagang bahagi ng kaniyang Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes ay mababasa sa Blair & Robertson, op. cit, tomo 40.8 Ang kaniyang Las Antigua Leyendas de la Isla de Negros (1837-1839) ay hindi pa nalilimbag; may sipi sa aklatan nina H. Otley Beyer, E. A. Manuel, at Jorge Vargas.9 Tingnan ang kaniyang Historia General de Filipinas (Madrid, 1887) at Cuentos Filipinos (Madrid, 1876).10 Ilang sa kaniyang mga aklat na dapat tunghayan ay Archivo del Bibliofilo (5 tomo, 1895-1905); Supersticiones de los Indios (1894); El Indio Batangueo (ika-3 palimbag, 1888); at Diccionario de Filipinismos 1921).

  • 12 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Martinez Cuadrado,11 Fr. Juan Villaverde,12 Fr. Jose Castao,13 at marami pa. Lamang may isang malaking kakulangan ang kanilang ulathindi nila ginamit ang katutubong wika sa pagtatala ng mga kahang-bayan lalung-lalo na. Nang dantaong ika-19 unti-unting namulat ang mga Filipino sa kayamanan ng kanilang kabihasnan at paalamatan. Kahimat huli na sa maraming dako, malaki at makahulugan ang nasagip ni Isabelo de los Reyes sa kaniyang El Folklore Filipino (2 tomo, 1889-1890) na kinapapalooban ng isang tulawit (epic; epiko) Ilokano, ang Lam-ang. Tumaliwas si I. de los Reyes sa gawing Kastila na sulatin o itala ang alamat sa wikang Kastila, palibhasay napag-alaman niya ang kahalagahan nito, marahil kay Ferdinand Blumentritt14 na naging kasulatan niya. May ilang Filipino ang nagsitulong sa kaniya sa pangangalap, kagaya nina Miguel Zaragoza, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, at Pio Mondragon, ngunit ang wikang ginamit ng mga ito ay Kastila. Sina Pedro A. Paterno15 at Jose Rizal16 ay nagpamalas din ng pagpapahalaga sa mga kaugalian at mga alamat at ng huli ang siyang nakabanaag ng liwanag sa kahulugang makasaysayan na pag-aaral at paghahambing ng mga kathang-bayan ng mga silanganin.17

    Nausiyami palibhasa ang damdaming-bayan sa pananakop ng mga Amerikano kung kayat napaugto ang panganalap ng mga Filipino.

    11 Akda nila ang Coleccion de Refranes, Franses y Modismos Tagalos (1890).12 Kasapi sa Orden de Predecadores; ang karamihan ng kanyang sinulat tungkol sa kalagayan at kabihasnan ng mga taong-bulubundukin ng Luzon ay matatagpuan sa El Correo Sino-Annamita, kagaya ng Informe Sobre la Reduccion de los Infieles de Luzon, loc. cit., tomo 13 (1879), dahong 9-107. Kabilang din dito ag kaniyang The Ifugaos of Quiangan and Vicinity, salin sa Ingles ni Dean C. Worcester, The Philippine Journal of Science, tomo 4, A (Hulyo, 1909).13 Tingnan ang kaniyang Breve Noticia acerca del Origen, Religion, Creencias y Supersticiones de los Antiguos Indios de Bicol, sa Archivo del Bibliofilo Filipino ni W. F. Retana, tomo 1.14 Malaki ang utang na loob ng mga Filipino sa pantas na ito at kabilang na rito and kaniyang Diccionario Mitologico de Filipinas na matatagpuan kay W. E. Retana, tomo 1.15 Tingnan ang kaniyang nobelang Ninay (Madrid, 1885) na nababatay sa kaugaliang Tagalog at ang La Antigua Civilizacion Tagalog (Madrid, 1887).16 Ang kaniyang nobelang Noli me tangere at El filibusterismo ay napapalooban ng maraming kaugalian at kapaniwalaang Tagalog; bukod dito sinulat niya ang Specimens of Tagal Folklore, Trubners Record, Mayo 1889, Two Eastern Fables, Trubners Record, Hulyo 1889, Mariang Makiling, La Solidaridad, Dis. 31, 1890.17 Mababasa ito sa Two Eastern Fables, Trubners Record, Hulyo 1889.

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 13

    Gayon man dapat banggitin ang pagsususmikap ni Carlos Ronquillo at ilan niyang kapanahon.18 Dapat ding pahalagahan ang malaking naitulong ng mga Amerikano sa pamamaraan at pangangalap na rin ng ibat ibang kaalamang-bayan, hindi lamang sa looban ng mga binyagan, kundi pati na rin ng sa mga tagabundok, tagabukid, at tagagubat. Kaya ang mga pag-aaral at pagtatala sa panahon ng mga Amerikano ay maunlad at makahulugan. Namumukod dito ang mga akda nina B. L. Maxfield at W. H. Millington,19 Frederick Starr, 20 Fletchner Gardner, 21 H. Otley Beyer, 22 Laura W. Benedict, 23 Fay-Cooper Cole,24 Mabel Cook Cole, 25 R. F. Barton,26 C. R. Moss27 Dean S. Fansler,28 John Garvan,29 at marami pa. Mayroong ding ilang dayuhang misyonero na mahalaga ang naiambag, kagaya nina Fr. Francis Lambrecht,30

    18 Tinipon niya ang Kantahing Pulube, Palipas, at iba pa na matatagpuan sa dahon ng Renacimiento Filipino (1910-1913). Si Sofronio G. Calderon ay isa ring mag-aalamat.19 Tingnan ang kanilang Visayan Folk-tales, Journal of American Folklore, tomo 19 at 20.20 Napalathala ang kaniyang Some Filipino Beliefs (London, 1908) at A Little Book of Filipino Riddles (1909).21 Sinulat niya ang Tagalog Folk-tales, Journal of American Folklore, tomo 20; Philipine Folklore, (1941).22 Ito na ang matatawag na ama? ng mga palaaral hinggil sa kabihasnang Filipino. Sinulat niya ang Origin Myths Among the Mountain Peoples of the Philippine. The Philippine Journal of Science, tomo 8, bilang 2 (Abril 1913) at tinipon niya at isinaayos ang pinamalaking lagom ng kaalamang-bayan ng mga Filipino na pinamagatang Philippine Folklore, Social Customs and Beliefs sa 20 tomo (tomo 1, Bisaya; tomo 2, Bisaya; tomo 3, Bisaya; tomo 4, Bisaya at Bikol; tomo 5, Tagalog; tomo 6, Tagalog; tomo 7, Tagalog; tomo 8, Tagalog at Sambal; tomo 9, Kapampangan; tomo 10, Panggasinan at Iloko; tomo 11, Iloko; tomo 12, Iloko, Ibanag, atbp.; tomo 13, Pangkalahatan at Bisaya; tomo 14, Bisaya at Bikol; tomo 15, Iloko; tomo 16, Iloko at Bisaya; tomo 17, Bisaya at Bikol; tomo 18, Tagalog; tomo 19, Tagalog; tomo 20, Tagalog). Ang kaniyang Philippine Ethnographic Series ay may mahigit na 150 tomo.23 Tingnan ang kaniyang Bagobo Myths, Journal of American Folklore, tomo 26, at Bagobo Cermonial, Magic and Myth (1916).24 Tingnan ang kaniyang Traditions of the Tinguian, a Study of Philippine Folklore (1915) at A Study of Tinguian Folklore (1915). 25 Sinulat niya ang Philippine Folk Tales (1916).26 Kabilang ni H. Otley Beyer, isa sa mga nagtatag sa pag-aaral ng kabihasnang Filipino. Sinulat niya ang mga sumusunod: Ifugao Law (1919), Ifugao Economics (1922), The Religion of the Ifugaos (1947), The Kalingas (1949), at The Mythology of the Ifugaos (1955).27 Tingnan ang kaniyang Nabalai Songs (1919), Nabalai Law and Ritual (1929), at Kankanay Ceremonies (1920).28 Ang pinakamahalagang akda niya ay ang Filipino Popular Tales (1921).29 The Manobos of Mindanao (1929) ang pinakamalaking akda niya.30 Ang pinakamahabang akda niya ay ang The Mayawyaw Ritual (1932-1941).

  • 14 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Fr. Alphonse Claerhoudt,31 at Fr. Morice Vanoverbergh.32 Utang ng bayang Filipino sa kanilang matiyagang pagpupunyagi at kaalaman ang kapalaran at kalaliman ng ating kabatiran sa ating katutubong kabihasnan at kagalingan sa pagtitipon ng mga sangkap ng karunungang-bayan.

    Dapat ding banggitin natin dito ang ilan sa ating mga kalahi na tila naligaw ng landas o humiwalay sa karamihan dahil sa katutubong hilig o dili kayay nalahiran ng mga palaaral na mga Amerikano. Sina Eulogio B. Rodriguez,33 Gabriel A. Bernardo,34 Leopoldo Y. Yabes,35 Mariano Manawis,36 Eugenio Ealdama,37 Timoteo Oracion,38 at Amador T. Daguio,39 ay makabuluhan din ang naiambag sa pag-aaral a pagtatala ng kaugalian, laro, alamat, tulawit at kaalamang-bayan ng mga Filipino.

    Yugto-yugto ang pag-aaral ng kaalamang-bayan. Ang mga sumusunod ay kinikilala at nababatid ng mga dalub-aral: (a) pangangalap, (b) pagsasaliksik at pagpapatunay, (c) pagtitipon at pag-uuri, at (d) pag-aaral o paghahambing. Ang bawat yugtoy may kani-kanyang tuntunin na mahirap maipaliwanag sa maikling panahon. Mapapansin na pagkatapos lamang matipon ang lahat ng uri ng likhang-bayan at iba pang anyo ng kaalamang-bayan saka lamang maaaring maihalayhay ang mga ulat at mapaghahambing-hambing.

    31 Lumabas ang kaniyang East Benguet Legends, sa The Little Apostle of Mountain Province, tomo 7-9.32 Mahaba ang talaan ng mga sinulat ng paring ito.33 Ang kaniyang pag-aaral sa Isneg ay dapat banggitin (tingnan sa Publications of the Catholic Anthropological Conference, tomo 3, bilang 1-4); Negritos of Eastern Luzon, Anthropos, tomo 32 (1937), tomo 33 (1938); Songs in Lepanto Igorot, Anthropos, tomo 14-15, 16-17, 18-19, 21, 23, 33, 41-44; at Tales in Lepanto-Igorot or Kankanay, University of Manila Journal of East Asiatic Studies, tomo 1-2.34 Sinulat niya ang The Development of Philippine Literature, The Historical Review, tomo 5, bilang 1 (Marso 1933); nagturo din ng Philippine Folklore sa Philippine Womens University.35 Isa sa pinakamahusay niyang gawa ay ang SungkaPhilippine Variant of a Widely Distributed Game, Philippine Social Science Review, tomo 9, bilang 1 (Marso 1937) at ang A Critical and Annotated Bibliography of Indonesian and Other Malayan Folklore (1923), na hindi pa nalilimbag.36 Dalawa ang kaniyang sinulat na mahalaga: The Ilocano Epic, A Critical Study of the Life of Lam-ang at A Brief Survey of Iloko Literature (1936).37 Ang kaniyang mga sinulat hinggil sa kabuhayan ng mga magbubukid sa Nueva Ecija at Cagayan ay matatagpuan sa Philippine Magazine mulang1933 hanggang 1941.38 Tunghayan ang kaniyang The Monteses of Panay, Philippine Magazine, tomo 35.39 Hinggil sa Magahat, mga taong-bundok sa timog ng pulong Negros ang kanyang pag-aaral.

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 15

    Gayon man, babanggitin ko ang pinakamahalaga sa mga tuntunin sa pangangalap dahil sa ito ang simula at pinakamahalaga. Unang-una, kinakailangang piliin at tiyakin ang isang pook na pangangalapan;l ikalawa, itala ang kathang-bayan sa wika ng tagapook; ikatlo, sikaping maitalang lahat na walang pinipili at itinatapon; ikaapat, usisain sa tagapagsalaysay ang pinanggalingan, kinaringgan, o kinapulutan ng alamat, kuwento, atbp.; ikalima, ipagtanong kung gaano kalaganap ang mga kathang-bayang natipon; at ikaanim, pag-aralan ang kaugnayan at kahulugan ng mga ulat sa kabuuang kabihasnan ng taong-bayan o ng palangan. Iyan ang mahahalagang tuntunin na dapat isaalang-alang ng mangangalamat sa pangangalap lamang. Ang ibang alituntunin ay nangangailangan ng mahabang paliwanag, kayat di na natin tatalakayin.

    Tunguhin ng Pag-aaral ng Kaalamang-bayan

    Ang kaalamang-bayan ay isang sangay ng palatauhan (antropolohiya) na ang layunin ay upang pag-aralan at malaman ang pinagmulan ng tao at kasaysayan ng sangkatauhan at ang pag-unlad ng tao sa kabihasnan. Ang pag-aaral ng kaalamang-bayan kung gayon ay nauugnay sa pagbuo ng kaalamang ito, lalo na sa pagkakabatid sa paniniwala ng mga tao at kanilang mga alamat. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa ibat ibang kultura maaaring maliwanagan ang pinagbuhatan ng lahi at naging kasalamuha nito sa kanyang napakalawig na kasaysayan at kung paano nabuo ang kabihasnang katutubo. At makapagbibigay-liwanag sa pinagmulan, pinagdaanan, at kasalukuyang lakad at hilig ng panitikang sarili. Sa madaliang pangungusap, ang sangay na ito ng palatauhan ay katatagpuan ng mga batayan ng ating matandang kabihasnan at kasaysayan bago dumating ang mga Kastila sa ating lupain at kaugnayan nito sa ibang lahi at kabihasnan, at mauunawaan ang yaman ng sariling panitikang-pambayan, mga pagbabago at pagkakaugtol nito, at pag-unlad ng mga bagong kaanyuan sa kalukuyang panitikan.

    Ang Kasalukuyang katayuan ng Pag-aaral

    Ang damdaming Filipino ay matatagpuan sa ating panitikan, maging itoy lutang (nasa bibig ng mga mamamayan) o nakasulat na. Magmula nang sakupin tayo ng mga Amerikano, unti-unting nagiging sangkap ng ating babasahin ang mga likhang-bayang iyan. Ngunit itoy isang maliit na

  • 16 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    bahagdan lamang ng kayamanan ng panitikan ng sambayanang Pilipino. Ang kalakhan ng kayamanan ay di pa natatala at napag-aaralan. Itoy matatagpuan sa mga di-binyagan sa Luzon at Mindanaw, sa Mindoro at Palawan, at sa iba pang pulo at ilang na pook. Ang kailangan ay maraming kamay, upang bago malimutan ng mga mamamayan ang mga kathan-bayang iyan ay maitala muna nang lubusan. Kamakailan lamang, halimbawa, natuklasan namin sa Dabaw ang isang tulawit ng mga Bagobo. Ang kabuuan ng epiko ay wala sa sa ulo ng iisang tao. Mayroon ding mahahabang tulawit ang mga kapatid natin sa Lalawigang Bulubundukin na balang araw ay hindi na natin maririnig dahil sa ating kapabayaan.

    Ang ating mga pamantasan sa ibat ibang kursong iniaalay sa mga kabataan hinggil sa panitikan. Lalong marami ang mga kurso tungkol sa panitikang dayuhan ang matatagpuang nakalahad sa mga katalogo kaysa panitikang sarili. Simula nang ibunsod ang pagtuturo ng wikang pambansa, nagkaroon ang mga paaralan ng mga kurso tungkol sa panitikang Tagalog, ngunit wala sa ibang pulungan. Nitong dakong huliy may mga ilang pamantasan na nagbibigay na rin ng mga kurso hinggil sa pag-aaral ng panitikang Filipino, at kamakailan lamang ang Pamantasan ng Pilipinas ay lumikha ng isang kurso hinggil sa pag-aaral ng panitikang Iloko. May iilan lamang pamantasan ang nagbibigay ng kurso sa paalamatan at kaalamang-bayan ng mgaFilipino (Philippine Folklore).

    Ang saligan ng panitikang Filipino ay nababatay sa ating sariling kaugalian, damdamin, paniwala, at nauugitan ito ng ating kasaysayan, lahi, kabihasnan at wika. Upang mawatasan ang saligang iyan ay kinakailangang pag-ukulan natin ng pag-aaral ang ating kathang-bayan. Ang matataas na paaralan at pamantasan ang siyang dapat manguna. Napag-alaman namin na may ilang pamantasang nagbibigay ng digri na ang paksa ng tesis ng estudyante ay hinggil sa paalamatan o kaalamang-bayan, ngunit wala namang kurso tungkol sa sining na ito, ni pambungad na kurso hinggil sa palatauhan (introductory course in anthropology). Dapat itong mapansin ng pamahalaan.

    Mga Katnig

    Upang makatulong sa pagbuo ng isang damdaming makabayan at lalong madama natin ang tunay na pagkailipino, kainakailangan nating pag-ukulan

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 17

    ng pansin at pag-aaral ang ating kabihasnan muna. Isa sa mga hakbang na dapat gawin ay ang pagtatatag ng isang kapisanan ng mag-aalamat o mangangalamat, o dili kayay paglilikha ng isang sangay ng kabihasnang sarili sa tangkilik ng pamahalaan. Ang bawat kolehiyo at pamantasan ay dapat magkaroon ng kurso sa paalamatang Filipino bilang saligan sa pag-aaral ng panitikang Filipino. Lamang, dahil sa itoy isang siyensiya o sining, kinakailangang may kaalaman, kakayahan, at kasanayan ang mga magbibigay ng kurso. Itoy isang sangay ng palatauhan (antropolohiya), kayat kinakailangang bihasa ang magtuturo ng karunungang ito.

    SALITALAAN

    alituntunin procedural detail, by-rule.ayag victory song (rec. In Noceda and Sanlucar: Vocabulario de la Lengua Tagala (1704, 1860).dalitcouplet, religious song or hymn.dayawvictory song (rec. In Noceda and Sanlucar, op. Cit.).igba ritual (see my A Lexicographic Study of Tayabas Tagalog, MS., 1954).kaalamang-bayanfolklore.karunungang-bayanfolk knowledge. kathang-bayanfolk creation, folk literature.katnigsuggestion, advice (in my work already cited).lungbos divination song.mag-aalamatantiquarian, collector of old things.mangangalamatmythologist. paalamatanmythology, myths and legends collectively.pamatbatnarrative song (rec. In Noceda and Sanlucar, op. cit.).palatauhananthropology (taken from G. E. Tolentino, Ang Wika at Baybaying Tagalog, 1937).panitikang-bayanpopular literature.pangangalapthe act of collecting, gathering (see my work already cited).pulangayethnic group (see my work already cited).salitalaanvocabulary, wordlist.tulawitlong narrative song, epic.

  • 18 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    ANG PANUNUDYOT PAGPAPATAWA SA PANULATANG TAGALOG1

    Leonardo A. Dianzon

    Aywan ko kung akoy ginagaling o kung sinasama sa pangyayaring ang panayam kong itoy napataon sa mga araw pa namang ito ng pag-akyat hanggang langit ng halaga ng bigas at ng lahat ng pangunang kailangan natin, panghalili o hindi man panghalili sa ating kinakain sa araw-araw. Sapagkat sumulat at maghanda ng isang panayam na babasahin sa loob ng isang oras na singkad ay nangangahulugan ng paggugugol ng maraming araw na pag-iisip, pagdidili-dili at pagsusurit pagkakatnig-katnig ng mga isipan, kuro at hinuha, tangi pa sa kailangang pagsaliksik ng mga dapat halimbawain sa mga sinulat ng mga tanyag sa panitikang tagalog, lalo na sa paksang tatahakin ko ngayon, na dili ibat Ang Panunudyo, Panunuya, Pagbibirot Pagpapatawa sa Panulatang Tagalog.

    Ginagaling o Sinasama?

    Inuulit kong hindi ko malaman kung akoy ginagaling o sinasama, sapagkat paanong makapag-iisip na mabuti, paanong makabubuo ng maiinam at mga di-karaniwang kuro ni makababalangkas ng mga tumpak at kahanga-hangang hinuha kung walang nakapupuno sa iyong ulo kundi ang kung paanong makasusunod ka sa pataas nang pataas na lipad ng halaga ng bigas, lalo pat kung makapa mong limas na pala ang iyong palabigasan? Anong mahalagang kuro, anong magandat hinog na bunga ng isipan ang mahihintay na mapitas sa isang ulong hungkag sa malabis na pag-aalaala sa sikmurang walang laman o bukas makalaway wala nang mailalaman? Nariyan ang dahilan kung kaya nasabi ko sa unahang akoy sinasama. Sa kabilang dakoy masasabi rin namang akoy ginagaling, sapagkat kung dahil nga sa pakikipagpaligsahan sa malungkot na isiping likha ng mala-eroplanong lipad ng halaga ng bigas, na hindi natin abot-abutan, ay hindi ako makapaghandog sa inyo ng isang kasiya-siyang panayam, anikoy may masasangkalan na akong pagtatadtaran ng kung ano-anong dahilan,

    1 Panayam na binasa ng may-akda noong 20 Hulyo 1944 sa Bulwagan ng Paaralang Nor-mal sa Maynila, sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa.

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 19

    at sa gayon, kung baga sa isang nasasakdal sa harap ng hukuman ay may pampagaan na ng kasalanang nagawa, at baka pa sakaling mapawalang-salang lubos. Sa anot ano man, naririto na rin lamang ako sa harap ng dakilang hukumang ito ng mga pantas-wika, na, tabi sa di gayon, ay maraming pihikan at nagkakaiba-iba ng panlasa at pangmalas, na anupat ang maputi sa isay maitim sa iba, hanggang sa pagkakabisalay may naghahanap pa ng tatlong paa sa pusa, ang wika nga ng mga Kastila, o nagpipilit na maging apat na sulok ang guhit na pabilog, yamang narito na rin nga lamang ako sa harap ng di-mahapayang-gatang na hukumang ito ay tutularan ko ang belyakong sumasali sa larong dupluhan sa pagsasabi ng ganito:

    Naririto na po sa mahal mong harapang pinakahuling kawal ng panulat;sa ihahain koy walang malalasapkundi asim lamang, anghang, pakla, alat.

    Kung bakit pinili ang paksang ito

    Mga kapatid sa wika: ang paksang napili ko upang siyang himaymayin sa panayam na ito, kung baga sa ulam, ay niluto ng maraming kusinero, at mga kusinerong batikan, palibhasay pawang taga-Surian ng Wikang Pambansa. Ibig kong sabihiy sila ang nangag-udyok sa akin upang ang paksang ito ang sulatin kot basahin ngayon. At sinang-ayunan ko naman ang mungkahi, sapagkat kung hindi ako nakalilimot ay wala pa yata hangga ngayon, sa dinami-rami ng mga bumigkas na ng panayam sa ilalim ng pamamanihala ng Surian ng Wikang Pambansa, na tumutukoy nang tahasan sa uri ng panulatang Tagalog na nauukol sa panunudyo, panunuya, pagbibiro at pagpapatawahindi lamang ngayong itoy sumasailalim ng kapangyarihan ng isang taong anang ilang nalulugod sa kaniya ay diktador ng wikang pambansa, ngunit sa ganang akin na hindi nalulugod sa kaniya ay isang dalubhasa, at higit sa dalubhasa ay isang pantas at higit pa sa pantas ay isang paham sa Wikang sarili, na ang kadalubhasaan, kapantasan at kapahaman ay parang lastikong saan mo man batakin sa panitikang Tagalog ay hindi mo masusubukan, na dili ibat si LOPE K. SANTOS, hindi lamang ngayon, inuulit ko, kundi noon pa mang pinamamatnugutan ng Surian ng Wikang Pambansa ni JAIME C. DE VEYRA, kilalang manunulat sa Kastila at masiglang palaaral at tagapagmalasakit ng wikang Tagalog. Iyan ang pangunang sanhi

  • 20 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    kung bakit ang paksang ito ang aking napili, sapagkat naniniwala akong ang uring iyan sa panitikan natin ay makapagpapatingkad at ikatatampok ng wikang sarili sa piling ng mga ibang wika sa daigdig.

    May manunulat ba tayong mapanudyot mapagpatawa?

    Ngayon ay itanong natin: Mayroon ba tayong mga manunulat na mapanudyo? Mayroon bang mapanuya? May mapagbirot mapagpatawa? Ang sagot ay tiyak na mayroon. Sapul pa kay Balagtas, kay Plaridel at kay Rizal, ang uri ng ganiyang panitikan ay kilala na natin. Si Balagtas, bagaman siyay bantog sa pagkamakata ng damdamin at ng puso, tangi pa sa pagkamakatang pilosopo ay may mangilan-ngilan ding tulang masaya at mapagpatawa. Si Marcelo H. del Pilar ay di lamang sumulat ng mga tulang katatawanan at palabiro o mapanukso, kundi lalot higit siyang napatangi sa pagiging manunulat na mapanudyo (satira) at mapanuya (ironya o sarkasmo). Itoy pinatutunayan ng pantas na Alemang si Herr Langerbruch, na nagsabing si M. H. del Pilar ay nag-aangkin ng lakas at malabis na katalinuhan sa panunudyo. Ang ating dakilang bayaning si Rizal ay hindi rin huli kay Plaridel sa pagsulat ng mga akdang puno ng matutulis at maaanghang na pangungusap o pananalita. Ang kaniyang walang kamatayang Noli me tangere at El filibusterismo ay puno ng mahahayap na pasaring at parunggit sa mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan at sa mga taong ang kaugalian at gawain ay nakapipinsalat nakasisira sa katutubong damdamin ng mga Filipino. Sa panunuya (ironya o sarkasmo) at panunudyo (satira) ay isa siyang gurong katulad ni Plaridel. Hindi ko kaliligtaan, sa dakong huli, na hindi banggitin sa panayam na ito ang ilang mahahalagat kahanga-hangang akda ng dalawang bayaning ito ng ating kalayaan, gayundin ang mga katatawanang tula ng dakilang makata ng Panginay na si Francisco Balagtas.

    Ang pamumulaklak ng uring ito ng panitikan

    Ang masasabing pamumulaklak ng uring panunudyo, panunuya pagbibirot pagpapatawa o masaya sa panitikang Tagalog ay namalas nang panahon ng mga Valeriano Hernandez Pea, Patricio Mariano, Lope K. Santos, Godofredo B. Herrera, Carlos Ronquillo, Diego Moxica at iba pa, na pinapag-ibayot pinapaging hinog na bunga ng sumusunod na kapanahunan ng mga Rosauro Almario, Julian C. Balmaseda, Iigo Ed. Regalado, Benigno R. Ramos,

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 21

    Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes at iba pa. Sa pamamagitan ng mga dahon ng mga pahayagan, ng mga lingguhan at buwanan, gaya ng Muling Pagsilang, Ang Mithi, Taliba, Watawat, Pagkakaisa, Ang Bansa, Pagkakaisa ng Bayan, Renacimiento Filipino, Bayang Pilipino, Lipang Kalabaw, Telembang at iba pang marami, ang panulat ng mga mapagbirot mapagpatawa, mapanudyot mapanuyang manunulat na kababanggit ko pa lamang ay itinagis at inihasa nang buong hayap na wala man munti man pag-aalinlangang masasabing siyang naging masarap na hain sa mga tudling ng mga pahayagan at siyang una-unang hinahanap ng mga sabik na mata ng mga mambabasa bago ang mga pang-araw-araw na balita o ang mga pangulong tudling at iba pang babasahing nakalathala.

    Ang tudyuhan at tuyaan, ang biruan at pagpapatawa, ay may sadyang dulang sa bawat pahayagang pang-araw-araw o lingguhan. Kung minsay nagsasa-Alipatot Bulalakaw; kung minsan namay nagsasa-Bato-bato sa Langit; kung minsan pay nagiging-Biro-biro Kung Sanlan, kapag nais na gumamit ng mahahayap na mga pasaring o maaanghang na tuligsa sa loob ng uri ng panunudyo o panunuya; at kung ibig namang magbiro, magpatawa, manukso o magmasaya ay nagsasa-Buhay Maynila, nagsasa-Buhay Lalawigan, nagsasa-Butlig ng Panahon. Anupat nang mga araw na yaon, araw ng kasiglahan at kaningningan ng panulatang Tagalog, araw ng pagpapalaki ng puso at pagpapataba ng diwa, ang mga kabig ng sariling wikay parang mga kawal ng isang hukbo na nagsisihandang lagi sa pakikilaban at bawat isay umiisip ng mga bagot bagong kaparaanan sa ikatatanghal sa panitikan, sa ipangingibabaw sa mga kapuwa manunulat at sa ikadadakila ng wikang sarili. Kayat maging sa larangan ng tulaan, maging sa tanghalan ng tuluyan, sa pagsulat ng mga nobela o mumunting kasaysayan at lalot higit sa pagsulat ng mga tudyuhan, tuligsaan, biruan at katatawanan, ang matatandang pares nang panahong yaon ay naging masusugid at nangag-uunahan sa pagpapalabas ng itinago at parang mga komedyante sa moro-morong nagsisikaransa sa mga tudling ng pahayagan, at walang bigong kilos na di may ulos at taga, may tagang galing sa araw at galing sa lubugan at may salag na paurong-sulong. At ang lahat nang iyanmaniwala kayo, mga bagong-sapong makabago, gayundin kayong mga bagong hulmang materyalistaang lahat nang iyang pagsasakit at pagpapakasakit ay ginawa ng tinatawag ngayong matatandang pares na gratis et amore, walang gantimpala ni salamat, kundi mahanga pay silang mga nagpagod, nagpuyat at nagasgas ang isip

  • 22 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    at talino, ay siyang nagpapasalamat sa Patnugot ng pahayagang pang-araw-araw o lingguhang pinaglalathalaan ng kanilang mga akda. Ang lahat noon, nang panahong yaong hindi na magbabalik, ay ginagawat sinisikap ng masisiglang kampon ng panitikang Tagalog nang, ang wika ngay por amor al arte at wala bahagya mang pag-iimbot na maabutan dahil sa kanilang sinulat.

    Hindi hiram o gaya ang uring ito ng panitikan

    Ang uring panunudyo, panunuya, pagbibirot pagpapatawa sa panitikan ng wikang sarili ay hindi masasabing hiram o gaya sa panitikang banyaga. Bago pa ituro sa mga paaralang itinatag dito sa Filipinas ng mga Kastila ang kanilang Balarila o Gramatica Castellana, gayon din ang Retorika at Poetika, ang ating mga kanuno-nunuan ay nakatatalos na, gumagamit at nagsasalita ng mga pampatawa o pambirot panunudyo, gayundin ng matutulis at maaanghang na panunudyo at panunuya. Ang mga kuwentong naglalarawan ng buhay ni Suwan, ang mga sinasabing salita o katwirang pagutsinanggo, ang mga katwirang kay Gusting Bibas at ibat iba pang naririnig noong araw sa ating matatanda, ngunit ngayoy bihirang bihira nang marinig, ay pawang katunayang nagpapakilala na ang panunudyot panunuya, ang pagbibirot pagpapatawa sa ating panulatan at sa mga umpok-umpukan o pagtitipon-tipon, ay katutubot likas sa mulat mula pa sa Katagalugan, at gayundin, marahil, sa ibat ibang dako ng Sangkapuluang hindi Tagalog. At lalo pang tumitibay ang hinuhang ito kung sasayurin natin ang katotohanang ang ganyang mga kuwentong sa-Suwan at sa gutsinanggo ay lalong natitisod sa malalayong nayon, sa mga labas ng kabayanan, sa mga bukid, kaparangan at kabundukan, doon sa mga pook na malayo sa liwanag ng kabihasnan at ang mga nagsisitahan, ay di man lang nakatuntong ng paaralan, ni walang aklat na binabasa kundi ang sa kalikasan, ang lupang inaararo, ang gubat na nilalawag, ang bundok na kinakaingin o tinatamnan ng ibat ibang halaman, ang malalaking punong-kahoy na sinisilungan at ang araw, ang buwan at mga hanging kasala-salamuhat katu-katulong sa kanilang paggawat pagkita ng ikabubuhay.

    Sa bibig ng mga taong yaong kung tawagin natiy mangmang at hangal madalas na marinig ang mga makasakit-tiyang kuwento o buhay ni Suwan, mga kuwentong hindi sasalang pinagmana-manahan sapul sa kanilang kanuno-nunuan at nagkasalin-saling parang mga butil na ginto

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 23

    hanggang sa mga araw na ito. Itanong mo sa kanila kung saang aklat nabasa ang gayong mga sa-Suwan at sagot-sinanggong kuwentot salawikain, gaya rin naman ng mga bugtong at dalit, at walang isasagot sa iyo kundi yaoy narinig nila sa kanilang ama o sa kanilang nuno, at ang mga ito namay wala ring sasabihin kundi yaoy isinaysay o narinig nila sa kani-kanila ring ama o nunong pawang nagsiyao na.

    Ang buhay at mga kuwento ni Suwan

    Ang buhay ni Suwan ay laganap at siya na lamang nagiging libangan sa mga umpok-umpukan sa lahat ng dako, at siyang pinagkakatuwaan, kapag isinasaysay ng mga matatandain, na karaniwang mga may kagulangan na. Gaya nito, halimbawa:

    Si Suwan umano nang bata pa ay pinagsabihan ng kaniyang ina ng ganito: Suwan, akoy aalis, at ang bilin ko sa iyoy maglinis kang mabuti sa bahay. Ayokong maratnang may sukal diyan at dumi. Ibig koy malinis na malinis.

    Pagkaalis ng ina ay sinimulan ni Suwan ang totohanang paglilinis. Lahat ng makitang nakakalat sa bahay ay inihagis sa bintana, ang mga tampipi, baul, kalan, sandok, pinggan, mangkok, tapayan, inuminan at lahat-lahat na ng matagpuan sa bahay. Nang dumating ang ina ay naratnang malinis na malinis ang buong kabahayan, pati na kusinaan at batalan. Nagtaka nang gayon na lamang at buong galit na hinarap ang anak na si Suwan:

    Bakit mo ipinanaog na lahat ang mga kasangkapan sa bahay na nagkabasag tuloy?

    E hindi po ba ang bilin ninyoy linisin kong mabuti ang bahay at ayaw kayong may maratnang sukal na ano man? Kaya hayan po, wala nang sukal at malinis na malinis.

    ** *

    Minsan pa ring si Suwan ay pinagsaing. Datapwat matapos isalang sa kalan at gatungan ay nalimutan namang lagyan ng tuntong ang palayok. Nang malabasan ng ina ay pinagsabihan si Suwan:

  • 24 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Hoy, tuntungan mo ang palayok.Opoang matuling sagot, at dagling niyapakan ang palayok, na

    lumusot sa kalan at nagkadurog-durog.Ang galit ng ina ay gayon na lamang.Walanghiyaang sabiBakit mo niyapakan ang palayok?

    Tingnan mot nagkadurog-durog at natapon tuloy ang bigas na niluluto?E hindi po ba ang utos ninyoy tuntungan ko ang palayok? Kayo

    ang may kasalanan niyan kung nagkadurug-durog man.Salbahe, tarantadoanang inaang ibig kong sabihin ng

    tuntungan ay lagyan ng tuntong ang palayok; hindi tuntungan ng paa o yapakan.

    ** *

    Ngunit minsan ay naglatag ng banig ang ina ni Suwan upang pagbilaran ng palay sa kanilang looban. Sapagkat malakas ang hangin at sa tuwing ilalatag ang banig ay inilululon o inaangat, tinawag ng ina ni Suwan at pinagsabihang:

    Suwan, tuntungan mo nga ang kabilang dulo ng banig na ito upang huwag iangat ng hangin!

    Opoang sagot, at patakbong nagtungo sa bahay. Namangha ang ina at inalihan na naman ng galit.

    Saan ka paparoon ay pinatutuntungan ko sa iyo itong banig?Sandali po lamang inang; ngayon din poy babalik akoat patakbo

    rin nga namang bumalik taglay ang tuntong na kinuha sa kanilang bahay, at di man pinansin ang pagmumura ng ina na ipinatong ang tuntong sa dulo ng banig. Ngunit sa dahilang maliit at magaan ang tuntong at napakalakas ng hangin, ang banig ay naaangat din.

    Tinamaan ka ng kulogang galt na galt na mura ng inatinawag kita upang tuntungan mo iyang dulo ng banig at ang ginawa moy kinuha ang tuntong sa bahay upang siyang idagan diyan. Talaga bang napakatarantado ka na?

    Hindi po inang; hindi ko lamang nalilimot ang utos mong tuntungan ko ang palayok, na ang ibig mo palang sabihin ay lagyan ko ng tuntong at hindi yapakan. Kaya naman ngayong pinatutuntungan mo sa

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 25

    akin ang banig ay tuntong muna ang kinuha ko upang siyang idagan.

    Mga katawa-tawang pag-alo sa bata

    Daan-daan at libo-libong may ganiyang uring katuwirang Suwan o buhay-Suwan ang nagpapalipat-lipat sa dila ng ating bayan, at masasabing diyan nagsimula ang katutubong pagkamapagpatawat mapagbiro ng ating mga manunulat sapul pa nang panahon ng mga Huseng Sisiw at Francisco Balagtas. Datapwat hindi lamang ito. Tayong mga Filipinoy sadyang may katutubong hilig at talino sa mga salitat isipang may uring panunudyo o panunuya, pagbibiro o pagpapatawat panunukso. Buhat sa ating kamusmusan, sa pakikipaglaro sa kapuwa bata o kung nakakatagpo ng ibang batang hindi kakilala o tagaibang pook, karaniwan nang pumupulas sa ating bibig ang mga salitang mapanukso o mapagbiro na nakatatawa kundi man nakapagpapanting ng tainga. Halimbaway:

    Bata . . . bataPantay lupaAsawa ng Palaka

    Karaniwan namang ang ganitong tukso ay sinasagot ng taga-ibang dakong bata, paglait na humaharang sa bumiro sa kaniya at sinasabakan ng ganitong tula rin:

    Putak-putakBatang duwagMatapang katNasa pugad

    Iyan at marami pang mga tuksong-bata ang mababanggit natin, mga panunuksot pagbibirong naglalahad ng likas na pagkamahiligin ng Filipino sa ganitong uri ng panitikan.

    Hanggang sa pagpapatulog ng sanggol ay katatawanan din ang madalas awitin ng nagpapatulog, maging itoy ina, yaya o alila sa bahay. Karaniwan nang marinig natin ang ganito:

    Meme, meme na, malikot na bata

  • 26 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Ang nanay moy buntis, ang tatay moy wala,Kung ikawy matulog para kang mantikaAt kung magisig ka ay para kang guya.

    Kung minsan, ay ganito naman ang inaawit sa paghehele sa batang pinatutulog:

    Meme na ang batang munti,Isisilid ka sa gusi,at pagdaraan ng pareyipapalit ng salapi.Meme na ang batang sanggolIsisilid ka sa bumbongat pagdaraan ng patron Ipapalit ng bagoong.

    Panunudyo sa dalaga at binata

    Datapwat hindi lamang diyan nauulat ang pagkamasayat mapagpatawa ng mga Filipino. Sa alin mang pagkakataon, sa ano mang gawain o hanapbuhay, sa kasuotan o mga moda sa pananamit, ang pagbibirot panunukso, na ang kadalasay hindi na nga biro ni tukso kundi isa ang tudyo o tuya sa pinag-uukulan, ay may mga katapat at kakapit na tulang naging palasak nat pangkaraniwan ngayon sa bibig ng bayan.

    Upang tudyuin ang isang tinderang masungit o tuso na ayaw magpapautang sa isang mamimili ay may ganitong tulang kinakanta pa:

    Sitsiritsit, alibambangputo-seko sa tindahan,Kung ayaw kang magpautanguubusin ka ng langgam.

    Hagkis naman sa mga sumasama sa pamamalakaya o pangingisda na ang hangad ay hindi lamang ang makaparti sa huli, kundi upang magpasarap-pagkain at makapag-uwi ng isda sa kanilang bahay ay may isang tugmang ganito ang sabi:

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 27

    Doon po sa aming nayon ng Balsahan, upisyo ng taoy sumama sa taksay, ang dalang sandata kaserolat pinggan, palaot-pagilid, hustong kasangkapan.

    Panudyo at biro sa mga babae noong una na mapagsunod sa bagong moda ng damit ay may isang kantahing ang ilang tugma ay nagsasaad ng ganito:

    At lalong-lalo na tayo pong Tagalog,palalong tutoo, sa uso nasunod,sa galing-galing at tabas na bombachosmaris sa pestaas na pistong puputok.

    At gayon din naman para sa kanilababaing nasunod sa nasabing modaKung silay magtabas ng kanilang sayapalabis sa likod ay halos sangbara.

    Saka tatabasin ng korteng mainamAbot hanggang puson haba ng katawan,manggang de perdida na sadya ng luwanganakiy pamaypay ng mais-inihaw.

    Kung silay lumakad at gumiray-giraypag-inog ng puwit anakiy gilingan,ang sadyang de kolay panglinis ng daanisip mo ay pukot ng taga-Bulakan

    Datapwat ang lalong mainam na panunudyot pambiro ay ang

    nauukol sa mga nagsisidalo sa mga pistahan o kainan, gaya ng kapistahan ng bayan, pabinyag, kasal, parangal at iba pang may salo-salong inihahanda, mga nagsisidalong hindi naman sadyang inaanyayahan kundi ang wika ngay mga kolado at nakikibuntot-buntot sa mga inaanyayahan. Ganito ang panunudyo sa kanila:

    Aba estandarte ng kutsarat sandok, aba estandarte

  • 28 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    ng pinggat palayok, tigilan lang ninyo ang higop sa mangkok alang-alang lamang sa nilagang manok. Alabado sea santisimong kanin, bendita tu eres anong ulam natin? Nilaga pong manok, piniritong sisiw, may alak sa boteng ating iinumin.

    Hindi lamang ngayon, o sa lalong maliwanag na pagsasabiy hindi lamang nang matatag dito ang pamahalaang Amerikano, nang humalili, pagkatapos, ang Malasariling Pamahalaan at ngayong matatag ang ating Republika pinag-uusig at ipinagbabawal ang paggamit ng mga takalang walang tatak ng Pamahalaan, kundi noon pa mang panahon ng Kastila, at sa mga pag-uusig at pagbabawal na ginagawa nooy may panukso ring tulang ibinagay na ipinatutungkol sa mga nagsisigamit ng takalang walang selyo o tatak ng pamahalaan. Ganito ang turing:

    Ale, ale, dala rine

    ang bigas mong kire-kire, ang gatang mong walang silbe, babasagin ng tininte.

    Mama, mama, dala rito ang bigas mong de-numero, ang gatang mong walang selyo Babasagin ng kuwadrilyero.

    Sa dalagat binata ay may mga patungkol din naman na kundi man taga ay walang sala namang iwa. Itoy hagkis sa dalagang pangit at mayabang. Gayundin naman sa mga binatang mahangin at mapagsamantala. Isat isay biro at tukso na maaari rin namang magkauring maanghang na parunggit o tudyo. Pakinggan natin ang ilang tugmang tungkol sa babae:

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 29

    Ang huni ng pirituwidsa itaas ng kalumpit,pag ang dalaga ay pangit,baguntaoy nabubwisit.

    At ang huni ng kilyawansa itaas ng kawayan, pag ang dalagay mayabang,baguntaoy nasusuklam.

    At parang sagot naman dito ay dinggin ninyo ang dalawang tugmang hagkis sa binata:

    Nagkakatotoo ang huni ng gansa mga baguntaoy tantong walang hiya, uupo sa papag, sasali-salita, hitso ng dalaga, siyang nginanganga.

    Nagkakatotoo ang huni ng lawin, ang binatay tantong mga sinungaling, dudukot sa bulsay walang dudukutin, paglabas ng kamay ang laman ay hangin.

    May mga tudyo rin namang katawa-tawa na iniuukol sa mga babaeng hindi marunong maglinis ng katawan, na kung mamasdan moy malinis sa labas, makinis ang gayak, maputing-maputi sa pulbos ang mukha at batok, may kolorete pat pampapula ng labi at nguso, ngunit nangangapal sa libag ang loob ng katawan. Ang mga tudyong itong nakapagpapasakit ng tiyan ay nagiging isang aral, isang tapik sa balikat at paalaala sa mga ganyang uri ng babae. Narito ang tugmang iniuukol sa kanila:

    May isang babaeng naligo sa ilog, tatlong kaskong bato ang dalang panghilod, nagkabiyak-biyak, nagkadurog-durog,

  • 30 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    hindi pa naalis ang libag sa batok.

    Saka ito pa, na patungkol naman sa babaing parang lalaki o binalaki:

    May isang babaeng umakyat sa bunga, nalaglag ang tapis, lumitaw ang letra, kung dedeletrahin se-o-ko, se-a-ka kung poprununsyahin Biskotso de Kanya.

    Nagpapakilalang ang sumulat o kumatha ng huling tulang ito ay sanay na magbigay ng dalawang kahulugan sa pananagalog, isang may kato sa katawan o may kulukoy ang ulo na pagsulat ay may tinutukoy o ibig sabihing hindi tiyakang sinasabi at sadyang ipinauubaya sa makababasa ang ibig na ipakahulugan. Ang ganiyang uri ng panunudyo o pagbibirot pagpapatawa ay lubhang marami sa panitikang Tagalog, lalo na sa mga manunulat ngayon.

    Pampatawang kayabangan

    Sa mga tulang kayabangang pampatawa, mga tulang masagwat hindi mangyayari, ngunit naglalarawan ng kayamanan ng isip at di karaniwang katalinuhan ng may-akda ay may maipagpaparangalan din tayong katulad ng kayabangan ng mga kuwentistang Kastila, lalong-lalo na ang mga Quevedo at ang mga maykatha ng mga kuwentong baturro.

    Narito ang isa sa mga tulang may gayong uri:

    Doon po sa aming maliit na bayan, nagpatay ng hayop niknik ang pangalan ang taba po nitoy aking pinalusaw, humigit-kumulang sa pitong tapayan.

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 31

    Ang buto po nitoy aking pinakorte ipinagawa kong tatlong taburete, Ang uupo ditoy babaet lalaki, tinyenteng pasadot kapitang babae.

    Hindi ba nakatatawang kayabangan iyan? Alam ng lahat na ang niknik ay isang hayop na napakaliit, gaya ng pulgas, ng hanip, tuma at iba pa, gayon may makukunan ng pitong tapayang taba at ang butokung may buto ngaay magagawang tatlong taburete. Datapwat nariyan sa kasagwaang iyan, sa kayabangang iyan ang ipinagiging katawa-tawa at kahala-halakhak.

    Ang uring ito ng pagpapatawa sa panitikang Tagalog ay naging palasak na rin at pinauunlad ng ating mga manunulat sapul nang mga dalawampu o tatlumpung taon nang nakararaan o buhat nang lumaganap ang hilig sa pagbabasa ng mga pahayagang Tagalog. Hindi lamang sa mga patulang akda kundi sa mga tuluyan at sa pamamagitan ng mga palagiang pitak sa mga pahayagan ay natunghayan natin ang mga kahanga-hangat makasakit-tiyang akda ng gayon at ganitong manunulat, ng mga L.K. Santos, mga Mariano, mga I.E. Regalado, mga J.C. Balmaseda, mga Ronquillo, mga Herrera at lubha pang maraming hindi ko na magunita. Sa uring ito ng babasahin ay mababanggit ang ilang gaya ng sumusunod:

    Dalawang abogadong walang usapin ang nagkasalubong sa tapat ng Katedral sa loob ng Maynila. Isay may salamin, ang isay wala. Ang unay nagsabi, bilang pagpaparangalan ng kagalingan ng kaniyang salamin. Tingnan mo, tsiko, ang langgam na gumagapang doon sa kampana, at hanggang ditoy natatanaw ko. Pinakatingnan-tingnan ng kausap, ngunit hindi nito makita. Kayat sumagot ng ganito: Tsiko, tinalo mo ako sa liwanag ng iyong salamin. Hindi ko nga matanaw ang langgam na itinuturo mo sa kampana, ngunit naririnig mo ba naman, gaya ng pagkarinig ko, ang lagapak ng mga paa ng langgam sa tanso ng kampana?

    ** *

  • 32 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Isa namang hindi mahapayang-gatang sa kayabangan ang nagsabi sa isang kaibigang nasalubong ng ganito:

    Hoy katoto, doon sa amin ay may isang talyase na sa buong buhay mo, marahil, ay wala ka pang nakikitang kasinlaki. At gaano ba kalaki? Ba! Hindi magkasiya sa silong ng bahay namin. Ganoon lang palapakli ng pinahahangang kausapSa amin ay mayroon namang alimango na kung iluluto ay hindi magkakasiya sa iyong talyase.

    ** *

    At narito ang isa pang pampatawang kayabangan:

    Dalawang metisong kapuwa umano nakapaglibot na sa iba pang lupain ang nagkita sa isang restoran. Tsikoanang isaMasaya sa Alemanya at maraming bagay doong wala rito sa Filipinas. Dooy may isang aparato, na kung ipasok mo ang isang bakang buhay, paglabas ay tosino na. Gayon lamang pala!sagot ng kausapPues, sa Awstralya ay may isang makinang pag ipinasok mo ang isang arobang tosino, paglabas ay isa nang bakang buhay. Hindi ba iyan ay pataasan ng bulabok sa kayabangan? Sa dako ng ganyang uri ng pagpapatawa ay makasusulat tayo ng daan-dang dahon ng isang aklat. Iyan ang uring katapat ng ating mga sinasabing kuwentong sagutsinanggo at sa-Gusting Bibas at sa Suwan.

    Nakahahangang panunudyo

    Datapwat hindi lahat ay payak na pagpapatawa o pagbibiro na lamang. Mayroon tayong mga tunay o lantay na panudyo o panuya, na hindi tawa o halakhak ang karaniwang ibinubunga o iniaanak, kundi pag-iisip, paghanga, pagkamangha o pagkatanga. At itoy sa dahilang ang mga sinasabi o iniuulat ay may latak na nakatago, may ikinukubli sa ilalim, na kaya lamang matarok o mapag-alaman ay pagkatapos na nilay-nilayin o isip-isiping mabuti. Kung panunudyo, ang ayos at hawig ng mga salitang ginagamit ay may halong

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 33

    anghang, pait o pakla at iniuukol sa paghagkis sa mga pagpapakalabis o pagmamasagwa sa gawa o sa salita. Kung panunuya, bukod sa masakit na pasaring ay nasusulat sa isang ayos na tiwali o pabaligtad sa talagang ibig na sabihin o tukuyin at nagiging isa nang tunay na pagkutya kung ang panunuyay napakasakit, ibayo ang tingkad at isa nang tunay na paghamak sa ping-uukulan.

    Sa mga matatandang tula ay may mababanggit tayong isng huwaran ng nakapagpapatigagal na panunudyo, na gaya nito:

    May isang batsilyer na sakdal ng alam, nagmula sa klase, uuwi ng bahay sa isang bangkero siyay nakisakay ang talagat nasay magpapahingalay.

    Pagtugpa sa bangka, binuksan ang libro at saka tinanong ang pobreng bangkero: magmula sa langit hanggang sa impyerno turan mo kung ilan ang signos ng tao.

    Sagot na bangkeroy di ako bihasa, ni hindi napasok ako sa eskuwela, laman ng bangka ko ang aking materia dulo ng tikin ko ang siya kong pluma.

    Sinusulatan koy buong kailugan, silbing margareja sa taong upahan magmula sa laot sagad hanggang pampang turan mo sa akin ang kampay ng sagwan.

    Sagot ng batsilyer: Ikaw ay pangahas, Sa isang gaya koy palalong mangusap, Sa iuutos koy gawin mo nang agad, hayo nat dakpin mo ang alon sa dagat.

    Sagot ng batsilyer: Ikaw ay pangahas sa isang gaya koy palalong mangusap, Sa iuutos koy gawin mo nang agad,

  • 34 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    hayo nat dakpin mo ang alon sa dagat.

    Sagot ng bangkeroy Batsilyer na bunyi aking sasagutin iyong talumpati: Hayot ang buhangiy lubiring madali, sa darakping aloy siyang itatali.

    Ang abang batsilyer di na nakakibo, kinagat na lamang dulong hintuturo: Magmula na ngayoy di ako bibiro, Sayang ang dunong kong hindi naitago.

    Tinangka ng batsilyer na tudyuhin ang isang walang muwang na bangkero, ngunit ang nangyariy siyang may pinag-aralan at may malabis na kaalaman ang natudyo; at ang nakatudyo pa naman ay isang wala. Itoy isang magandang aral sa lahat ng ibig magpasikat o magparangalan ng angking karunungan, at ibig maglako ng kagalingang dapat lamang ipili ng tumpak na pagkakataon upang upang ilabas at gamitin. Ang katulad niyay nag-umang ng bitag ngunit siya rin ang nahuli. Nagpain ng butas, at siya rin ang nasilat.

    Matalinong panunudyo

    Sa mga pangkasalukuyang manunulat natin ay may mahahalaw din tayong likha ng kanilang mayamang isipan na nagpapakilala ng kasanayan sa panunudyo. Narito ang ilan:

    Mang Anonganang isang kareristang kalabang palagi nito at mahigpit na kapangagaw sa karera ng kabayoKumusta po ba ang inyong kabayo?

    Ilang sandal muna ang pinaraan at saka sinagot ang nagtanong:

    Mabuti po, Mang Tibo, at . . . kayo naman?Sa sagot na itoy maliwanag na si Tibo ay ipinaris sa kabayo ni Mang Anong.

    ** *

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 35

    At narito ang isa pa:

    Ibinabalita ko sa iyo, Tinong, na ang ating kapanalig na si Dr. Lucas ay . . . namatay kahapon. Namatay?ang sagot ng kausapMarahil ay siya rin ang gumamot sa kanyang sarili.

    ** *

    Datapwat ang mainam na tudyo, na masasabing isa nang pagkutya, ay ang sumusunod na mga talata:

    May isang mapagpatawang nang malapit nang mamatay ay ipinatawag ang dalawang kapitbahay niyang relohero at platero. Pagdating ng dalawa, na kapuwa kinamamasdan sa mukha ng pagkahapis, ay pinagsabihan ng maysakit ng ganito: Mga mahal na kaibigan, mangyari lamang magsilagay kayo sa magkabilang tabi ng aking hihigan: isa sa kanan at isa sa kaliwa. Sumagot ang dalawa, na halos magkapanabay: Ano ang ibig ninyong sabihin sa amin? Ano ang nais ninyong gawin namin? Itinaas ng maysakit ang dalawang kamay, itinirik ang mga mata at saka nagsalita: Salamat po sa Iyo, Diyos Ko, at itinulot Mong matularan ko, sa mga huling sandaling ito ng aking buhay, ang anak Mong si Jesus, sapagkat mamamatay ako ngayong katulad Niya sa gitna ng dalawang magnanakaw.

    ** *

    Sa isa sa mga bayan naman ng lalawigan ng Bulakan ay ay dalawang taong mahigpit na magkagalit, ngunit palibhasay kapuwa nag-aaral at marunong magtimpi ng nasa sa loob ay hindi nagpapamalas ang isat isa ng kagalitan, nagbabatian din sila at kung magkatagpo saan mang pook ay nag-uusap na parang walang itinatago sa loob. Isang araw ay nakatagpo

  • 36 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    sila sa himpilan ng tren sa kanilang bayan, at ang ginawa ng isay lumapit sa isa:

    Kumusta po kayo Kabisa?anang lumapit. Mabuti po naman. Kaysama ng panahon, ano po? Ulan nang ulan at naglulusak ang daan. Siyanga po, talaga pong napakasama, lalo na kung ikaw ay nakakatisod ng mga duming gaya ngayon. Ang bumati ay nagmalas-malas sa kaniyang paligid, ngunit walang nakitang anumang duming sukat matisod. Kayat nasabi sa sariling: Walang salang ako ang duming sinasabi ng tinamaan ng . . . kulog na ito . . . at unti-unting lumayo sa kausap.

    Pagdadalawang kahulugan ng pangungusap

    Ang lahat ng itoy aking binanggit at inihayag sa inyo upang patunayang ang panunudyot panunuya, ang pagbibirot pagpapatawa ay kakambal na yata ng kaugalian at kaasalan ng mga Filipino. Ang pangyayaring ang wikang Tagalog ay sadyang maluwag at magaang na gamitin sa pagdadalawang kahulugan ay siyang ipinagiging wikang Tagalog ay sadyang maluwag at magaang na gamitin sa pagdadalawang kahulugan ay siyang ipinagiging wikang angkop na angkop sa mga panunudyot panunuya o pangungutya, at lalong-lalo na sa panunuksot pagbibiro. Hindi na kailangang magmahaba pa ng pagsasalita, hindi na kailangang bumalangkas ng mahabang pangungusap upang gumawa ng isang panunudyo o panunuya, lalot higit ang pagbibirot pagpapatawa. Sukat ang isang salita, o ang isang kataga, ay nakapanunudyo na tayo o nakapanunuya, nakapagbibirot nakapagpapatawa.

    Halimbaway ang salitang Ehem! Kung may isang magandang dalagang dumaraan sa ating harap, pag-ehem natin ay nalalaman na niyang siyay ating pinupuri, kinalulugdan, napupusuan, kinatutuwaan. Ngunit kung isa namang babaeng pangit ang pag-ukulan ng gayong pag-ehem, ay pinakakahulugang siyay ating pinagpalibhasa, nililibak, kinukutya, hinahamak. Ang Ehem! dito sa huli ay nagiging isang tudyo kundi man tuya. Katumbas na rin ng sabihin nating maganda ang isang babaeng pangit; sabihing mabait ang isang dalahira; sabihing mahinhin ang isang

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 37

    maharot; sabihing marangal ang isang masamang babae . . . .

    Ang patiwali o pabaligtad na pagtuturing na iyan sa isang pinag-uukulan ay isang mariing sampal na dapat nga namang ipagbaba ng batulang. At sa panitikan natin, kung tawagin ang ganiyan ay tuya o panunuya.

    Ang ating Aba! at Aru!, ang Oho! at Uy! ay nagiging panudyo rin o panuya, alinsunod sa hawig ng pagbigkas at sa uri ng taong pinag-uukulan, gayundin sa ayos ng pangyayari o pagkakataong pinaggagamitan. Kapag tayoy napa-aba o napa-aru o napa-oho o napa-uy sa pagkakita sa isang babaeng gayong napakapangit ay nagpahid ng makapal na pulbos o naglagay ng napakapulang kolorete o malabis na pampapula sa labi at nguso, ay maliwanag na siyay tinutuya o kinukutya; gaya rin naman ng kung ang mga salitang yaoy iniuukol natin sa isang lalaking kumikilos, gumagayak, nag-aasal o nagsasalita ng alangan sa kaniyang kabuhayan, sa kaniyang pagkatao o sa kaniyang kakayahan. Datapwat kung ang aba! aru! oho! uy! ay binibigkas natin sa pagkakamalas sa isang bagay na maganda, kaakit-akit, kahanga-hanga, kalugod-lugod o kagila-gilalas, ang mga salitang yaoy nabibihisan na ng ibang gayak at hindi na nagiging panuya o panudyo, kundi pamuri, panghanga, panlugod o panggilalas.

    Mapagpatawa rin si Balagtas

    Gaya ng aking nasabi na sa dakong unahan, ang dakilang makatang si Balagtas, bagaman isang ganap na makata ng pusot damdamin, makatang pilosopot naratibo o deskriptibo ay bihasa rin namang gumawa ng mga tulang pampatawat palabiro. Isa sa mga sinulat niya kundi man siya tangi, na tulang pampatawa o masaya ay ang kaniyang saynete na may isang yugto na pinamagatang La India Elegante y el Negrito Amante. Hahalawin ko ang ilang tugma sa sayneteng ito upang malasahan natin kung paano magpatawat magbiro si Balagtas. Sa bibig ni Uban, ay sinabi niya ang ganito:

    Puwera muntit malaki, babae man at lalaki, at nang hindi makarumi sa plasa ng komedyante.

  • 38 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Ditoy walang makikita kung hindi giri at salta, kunday at tadyak ng paa, pampalubid ng bituka. + Kay hirap nitong magkumon, lalot bitukay naghilom, saka akoy walang patron na magpalagok ng rom. . Bamos, bata, mag-agwanta, alang-alang na sa pista, Kwidado aking bituka masama ang maimpatsa.

    At sa bibig naman ni Toming ay sinabi ang ganito:

    Bien, bien, hustong-husto; si Kapitang Toming ako, ang itang chichirikuwelo o El Amante Negrito Ita bagang kumakasi Sa India Elegante, Uban, tingnan mong mabuti Ang dikit ng aking talye. .. A ber kung siyay suminta ngayong akoy de levita, pagkat ang aking hitsura Kastilat di na Ita.

    Bilang sagot ni Uban ay isinabibig naman nito ang ganitong pakli:

    Palibhasay Itang burol, isip ay palinsong-linsong;

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 39

    Bamos! Magwalis ka ngayon, halinhan akong magkumon.

    Pinasagot naman si Toming ng ganito:

    Yaoy mahirap na, Uban, di ko na matututuhan, pagkat tatlumpu at siyam bitones niring salawal.

    Hindi ko na sisipiin pa ang ibang tulang nasasaad sa sayneteng La India Elegante y El Negrito Amante upang huwag pakahaba ang panayam na ito. Sukat ang sabihing bawat tugma, bawat taludtod ng naturang saynete ay may katatawanang nilalaman, na nagpapakilalang si Balagtas, kung sanay mang maglarawan ng tibok ng kaniyang puso at pintig ng damdamin ay sanay din naman at hindi baguhan sa pagpapatawa o pagsulat ng katatawanan.

    Isang guro sa panunuyat panunudyo: M.H. del Pilar

    Si M. H. del Pilar, ang bayani nating si Plaridel, ay napatanghal, hindi lamang sa pagsasanggalang sa mga karapatan at kalayaan ng mga Filipino laban sa mga paniniil at pagyurak sa buhay at kabuhayan natin ng mga praylet pinunong Kastila, kundi nabantog din siya sa katalinuhan sa panunudyo at panunuya. Sa kaniyang mga sinulat nang panahong yaon ng kadiliman ay maraming maituturo tayong, bukod sa masasabing panunukso o pagpapatawa, ay isang tunay na hagkis na maanghang, masidhi at masakit, na sa isang pandamdam o may bahagyang talino ay sapat na makapagpanting ng tainga o makawala ng ulirat. Ang mga panunuksot pagpapatawa ni Plaridel kung may uri mang ganito, ay nakapagpapatinot nakapagtutuwid sa isip na pabaluktot o pahilako.

    Sa karamihan ng mga sinulat ni Plaridel na pampatawa, panunukso, na, masasabi na ring panunudyot panununuya ay hahalaw ako ng ilan,

  • 40 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    upang huwag kayong mainip. Simulan natin sa kaniyang Dasalan at Toksohan.Pagsisisi

    Panginoon kong prayle, Diyos na hindi totoo at labis ng pagkatao, gumaga at sumalakay sa akin; pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pag-asa ko sa iyo, ang ikaw nga ang berdugo ko, Panginoon ko at kaaway ko na inihihibik kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na muli-muling mabubuyo sa iyo, at lalayuan ko na at pangingilagan ang bala nang makababakla ng loob ko sa pag-asa sa iyo, at makalilibat ng dating sakit ng mga bulsa ko, at magtitika naman akong maglathala ng dilang pagkakadaya ko, umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panten at pangangalakal mo ng Krus, sa pag-ulol sa akin. Siya Nawa.

    Ang Amain Namin

    (Sa halip ng Ama Namin, na siyang nasasaad sa Dasalang Katoliko, pinanganlan ni Plaridel ng Amain Namin, sapagkat hindi sa Diyos patungkol kundi sa prayle.)

    Amain namin, sumasa-kombento ka, sumpain ang ngalan mo, mailayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa lupa para ng sa langit. Saulan mo kami ngayon ng aming kaning iyong inaraw-araw at patawarin mo kami sa iyong pag-ungol para ng pagtawa mo kung kamiy nakukuwaltahan; at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen.

    Ang Aba Ginoong Barya

    (Itoy sa halip naman ng Aba Ginoong Maria)

    Aba ginoong Barya, nakapupuno ka ng alkansiya, ang prayley sumasaiyo, bukod ka niyang pinagpalat pinahigit sa lahat, pinagpala naman ng kaban mong mapasok. Santa Barya, ina ng deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at kamiy ipapatay. Siya nawa.

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 41

    Ang mga Utos ng Prayle

    Ang mga utos ng prayle ay sampu:

    Ang nauna: Sambahin mo ang prayle na lalo sa lahat.Ang ikalawa: Huwag kang magpapahamak manuba ng ngalang deretsos.Ang ikatlo: Mangilin ka sa prayle, linggo man o pista.Ang ikaapat: Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa amat ina.Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping pampalibing.Ang ikaanim: Huwag kang makiapid sa kaniyang asawa.Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.Ang ikawalo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit na masinungalingan.Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.Ang ikapulo: Huwag mong itanggi ang iyong ari.

    Itong sampung utos ng prayley dalawa ang kinauuwian:

    Ang isa: Sambahin mo ang Prayleng lalo sa lahat. Ang ikalawa: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mot kayamanan. Siya nawa.

    Gaya ng inyong narinig, ang ayos at hawig ng mga salitang ginamit ni M. H. del Pilar sa Dasalan at Toksohan ay katulad o kawangki ng ginamit sa sadyang Dasalan at Tanungan ng mga Katoliko na sinulat ni P. Astete. Datapwat iniba nga lamang ang ilang salita at inayos sa hawig na mapanudyo o mapanukso, at sa halip na ipatungkol sa Diyos ay ipinatungkol sa mga prayle, na sa ganang kay Plaridel at sa lahat ng Bayanit magigiting nating kababayan nang panahon ng Kastila ay siyang mga pangunang kaaway ng bayan natin, siyang humahadlang at pumipigil sa kalayaan ng Filipinas at siyang mga sumisipsip at umaagaw ng kayamanan at kabuhayan ng sambayanang Filipino.

    ** *

    May mga pilantik at parunggit si Del Pilar na ang hapdi at kirot ay tumatagos sa kaibuturan ng kaluluwa ng pinag-uukulan. Isang panunuyang may uri nang pagkutya, gaya ng kaniyang pabuntot sa sagot na ginawa sa Agustinong prayleng Jose Rodriguez.

  • 42 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    Ang prayleng itoy naglathala ng isang munting aklat na pinamagatang Kaiingat Kayo patungkol sa mga katolikong Filipino, at doon ay niligis at dinikdik na mabuti ang dakilang bayani nating si Rizal, dahil sa pagkakalathala nito ng kaniyang Noli me tangere hanggang sa tawaging hangal at tampalasan sa Diyos sapagkat kung sisiyasatin umano ang pagkagawa noon ay isip ninyoy hindi ang kamay ng may bait na tao kundi ang paa ng isang mangmang ang isinulat doon.

    Sa pagsagot ni Plaridel sa masakit na paratang na ito ay sinabi ang ganito:

    Di maulatang grasya ang isinabog sa atin ng kagalang-galang na Agustinong Fr. Jose Rodriguez sa kaniyang libritong ang pangalay Kai-ingat Kayo!

    Huwag ninyong sayangin, mga kapatid ko, ang mga biyayang ito, at pakaasahang sumunod lamang kayo sa pangaral ni P. Jose Rodriguez, na huwag bumasa ng mga librong kaniyang pinagturan, ay inyo na ang langit, inyo na ang kaluwalhatiang walang hanggan, at walang salagoy na aakyat kayo roon sa kataas-taasang bayan na pinamamayanan ng mga anghel.

    Sumunod kayo kay P. Jose Rodriguez, at isang huli lamang ay maaakyat kayong may patumbi pa kung ibig.

    Bihira tayong sapitin ng gangganitong biyaya: KAYA TULARAN NA natin yaong mag-iigat na may igat man at wala ay karit nang karit sa burak na tinutuntungan, at pag may igat na natuklasan ay ipinagpapasalamat, dadakmain nang malaking tuwa at ihahampas ang ulo sa hawak na pang-igat at isisilid sa buslo na pinagtitipunan ng kaniyang mga huli.

    Sa burak na ating nilalakaran ay huwag din tayong maiinip! Nakita na nga nating sa kakakarit ng ating mga kapuwa tagalog, ay may lumitaw ring P. Jose Rodriguez.

    Kaya nga, Kaiingat Kayo!

    At bilang pangwakas ng kaniyang tugon sa bagkis ni P. Jose Rodriguez kay Rizal, ay sinabi ang ganito, na kundi man taga ay iwa:

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 43

    Sa mga talatang itoy mapagwawari natin na wala ang mapapanganyaya ditot sa isang buhay na para ni Jose Rizal kapag si P. Jose Rodriguez ang nakapagmaestro sa Panginoong Diyos.

    Kahimanawari ay makapaghunos-dili rin ang Poong Maykapal at huwag pahibo kay P. Jose Rodriguez.

    Nahalata ba ninyo ang tuya at tudyo ni Plaridel kay Rodriguez? Hindi ba ninyo napunang ang prayleng ito ang sa di-tiyak na pagsasalitay tinawag niyang igat na nakarit ng kapuwa natin tagalog, na dili ibat si Rizal, sa burak na ating nilalakaran, na dili ibat ang pakikipamuhay ng mga Filipino noon sa mga kaaway ng bayan?

    At sa dakong huling aking sinipi, gaanong pagtuya ang tinanggap ng prayleng si Rodriguez sa panulat ni Plaridel! Magmaestro si Rodriguez sa diyos, sa tuwiran at lantay na pangungusap ay parang sinabi ang isang bagay na hindi mangyayari, katulad ng pagputi ng uwak o pag-itim ng tagak, at higit pa rito, marahil o wala mang marahil.

    Ang uring iyan sa panitikang Tagalog ang mahirap na gawin o parisan. Isa lamang sanay, pambihirang katalinuhan, linang na isipan, mulat na palaaral at bihasang mapanuri ang makasusulat ng gayong uri ng panunudyot panunuya, mga manunudyot manunuyang tabas-Plaridel o tabas-Rizal.

    Isa pang guro sa panunudyot panunuya: Rizal

    At ngayoy ang pagkamapanudyot pagkamapanuya ni Rizal ang ilagay natin sa tanghalan. Sa isang bukas na liham na inilathala sa La Solidaridad noong ika-15 ng Hunyo 1889 sa Kgg. Vicente Barrantes, bilang kasagutan sa isang lathala nitong nauukol sa Dulaang Tagalog, na lumabas sa La Ilustracion Artistica sa Barcelona, ay hinalaw ko ang ilang bahaging puspos ng panunudyot panunuya, na sa panulat lamang ng isang Rizal maaaring mahintay. Naito:

    Sinasabing ang lalo mang matinong tao ay nakakagawa ng isang kaululan samantalang nabubuhay; ako, kagalang-galang na ginoo, na

  • 44 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    hindi nagpapalagay sa sariling matino ni kagalang-galang, ay minarapat kong makagawa ng isang kaululan sa pagsulat sa inyo ng mga talatang sumusunod . . .

    Nabasa ko ang inyong lathala . . . at ikinalulungkot kong matalos na kayoy maraming nalalaman. Higit sa lahat ay ikinalulugod kong mamalas ang mabuting pagkakilala ninyo sa inyong sarili, at ang masamang pagkakilala sa iba, lalo na sa aming mga walang-kaya at walang muwang na mga tagalog sapagkat ang kasiyahan sa sarili ay nagpapakilala ng kalinisang-budhi, at ang paghamak sa iba ay nangangahulugan ng kapangyarihan ng sariling pagkatao, mga bagay itong ikinalulugod kong matagpuan sa inyong kahanga-hangat matalinong katauhan.

    ** *

    Hindi kinakailangang tumupad nang buong katapatan sa kaniyang tungkulin ang isang gobernador sibil o puno ng pangasiwaan (Dapat alaming si Barrantes ay naging gobernador sibil sa Filipinas); sukat ang pamahalaan ng patiwali ng pangasiwaan nang masama ang bayan, ngunit mabuti sa sariling kapakanan, saka maging walang galang, at iba pa. Kayo at akoy nagkakaisa sa palagay na walang kinalaman ang mga pangalan sa bagay na ito (dito man lang sa Filipinas) at ang mga titulo ay nakakawangki ng lahat ng mga pulbos na pamatay ng surot o ng mga tonikong pampatubo ng buhok. Kung makamatay o hindi ng surot, kung makapagpatubo o hindi ng buhok ay walang katuturan; ang nararapat ay kumita o gumawa ng salapi. Kayat sakali mang hindi ninyo iniulat ang dulaang Tagalog, kundi minura lamang ang mga Tagalog, ay walang anumang dapat punahin . . . .

    ** *

    Gaya ng inyong sukat asahan ay nararapat din namang ipagsanggalang ko kayo sa ibang mga paratang sa inyo, yamang akoy inyong kakampi. Sinasabi nilang ang inyong kamahalan ay nagkadulas-dulas pa sa mga unang talata sa suliraning nauukol sa kasaysayan, at binanggit nila ang ganitong sinabi ninyo: nang mga sandaling itatag

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 45

    nina Miguel Legaspi at P. Urdaneta ang isang pananakop na pakunwari at hindi totohanan sa mga baybayin ng Maynila. Ipinagtataka ng mga tunggak na Tagalog ang pangyayaring si P. Urdaneta ay napasa-Maynila, gayong sinasabi ng Kasaysayan na siyay ipinadala sa Mehiko panggagaling sa Sebu, bago dumaong sa Luson si Legaspi. Sinasabi pa ng mga hayop na Tagalog na nang unang sumama si Urdaneta sa paglalakbay ni Villalobos ay ni hindi rin niya natanaw man lamang sa malayo ang mga baybayin ng Luson, at nooy hindi pa siya prayle kundi kawal lamang, na anupat sa buong panahong yaoy nasa Molukas siyat nakikipagbaka sa mga Portuges. Ano ang masasabi ng inyong kamahalan sa mga upasalang ito ng mga mangmang na Indiyo, na nangagpapalagay na ang Kasaysayan ay lalong may katwiran kaysa inyong kamahalan? Kinakailangang maging hayop na Tagalog, kamahal-mahalang ginoo, upang mag-angkin ng gayong isipan. Sukat ang sabihin ninyo, kamahal-mahalang ginoo at taong nabibilang sa nakatataas na lahi, upang kayoy paniwalaan ko nang higit sa lahat ng binabanggit sa kasayayan, maging totoo man o hindi. Sukat na, sa ganang akin, ang sabihin ang gayon ng isang kabilang sa lahi ng mga mala-Bathala. Ngunit pagpalagay nang sila nga ang may katwiran, ay ano? Hindi ba ninyo maaaring sirain ang nakaraan at sa pamamagitan ng malikmata ay paraanin sa Maynila si P. Urdaneta? Hindi ba naririnig natin ang pagka-walang-di-kinadoroonan ni San Alfonso de Ligorio at iba pang mga monghe at mga banal? Ang nagawa ng Diyos ay hindi ba magagawa rin ng mala-bathalang katauhan ng inyong kamahal-mahalan sa isang bayan ng mga taong bundok? Ba! Maraming-marami na akong natatalos na ginawa ng inyong kamahal-mahalan, at tinitiyak kong ni ang diyos, ni sino mang santo ay hindi makapangangahas na gumawa ng inyong mga ginawa.

    ** *

    Ibig ko pa sanang ipagpatuloy ang pagsipi sa mahabang liham na bukas na ito ni Rizal kay Barrantes, yamang sa bawat talatat talataan ay panay na panunuyat panunudyong makapanindig-balahibo ang mababasa; datapwat pakahahaba ang panayam na ito at nag-aalala akong kung tayoy gabihin dito ay baka mawalan tayo ng masakyan sa pag-uwi, lalo pa kung abutin tayo ng blackout o pagpapadilim o ng curfew (Ipagpatawad ninyo sa akin ang paggamit ng huling salitang Ingles na ito, sapagkat wala pa yatang

  • 46 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    nahuhulmang katapat sa Tagalog ang mga maginoo ng Surian.)

    Sa Noli me tangeret sa El filibusterismo ay marami ring panuya o panudyo tayong matatagpuan. Sa mga sagutan ng mga tauhan sa dalawang kathambuhay na yaon ng dakilang Rizal ay may mga butil na ginto sa uri ng tudyuhan at tuyaan. Gayunmay hindi na rin ako babanggit ng marami, sanhi sa mga katwirang nasabi ko na sa dakong unahan, maliban sa isa. Itoy matatagpuan sa bahaging tumutukoy sa piging na handog ni Kapitan Tiago alang alang sa pagdating sa Maynila ni Ibarra. Nang kasalukuyang nagkakainan ang mga panauhin, kabilang si Padre Damaso, marami ang nagtanong kay Ibarra ng mga buhay buhay sa Espanya, mga tanong na sinagot naman ng binata, ngunit walang anu-anoy sumabad si P. Damaso, at ang wika:

    At wala ka bang nakita kundi iyan lamang? . . . Sayang ng kayamanang ginugol mo kung ang kaunting bagay na iyan lamang ang iyong natutuhan; sino mang bata sa paaralan ay nakaaalam niyan!

    Ang hagkis na ito ng prayle ay sinagot nang buong kahinahunan ni Ibarra ng ganito:

    Mga ginoo, huwag kayong mamangha sa kapalagayang-loob na ipinamamalas sa akin ng ating dating kura ganyan din ang pagpapalagay niya sa akin noong akoy bata pa, palibhasay walang ano mang dumaraan ang mga taon sa kaniyang kagalang-galang; ngunit pinasasalamatan ko siya, sapagkat buhay na buhay na ipinagugunita sa akin ang mga araw na yaon nang ang kaniyang kagalang-galang ay laging dumadalaw sa aming bahay at pinararangalan ang handa ng aking ama . . . .

    Ang bahaging ito ng Noli me tangere ni Rizal ay hindi pagbibiro ni pagpapatawa at ni hindi rin panunudyo. Itoy taal na panunuya (ironya) na hindi nakakatawa kundi nakasasakit; parang duro ng matulis na karayom na ang kirot at hapdi ay abot sa kailaliman, sa kaibuturan ng kaluluwa. At ganiyan, maraming may ganyang uring panunuya o pantuya ang matutulungan sa Noli at Filibusterismo.

    Mga sanay at batikang mapanudyot mapagpatawa

    At ngayoy balingan natin ng tingin ang mga humaliling manunulat

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 47

    na mapagpatawat mapanudyo. Matapos ang himagsikan noong 1896, ay sumipot sa liwanag ang mga unang pahayagang tagalog na gaya ng Kapatid ng Bayan ng nasirang Pascual H. Poblete at ang Muling Pagsilang na pinamatnugutan ni L.K. Santos.

    Si Poblete, may-arit patnugot ng Kapatid ng Bayan ay isa sa mga unang napagitna sa larangan ng madlang pakikipagtagisan ng panitik, at sa kanyang mga sinulat ay hindi kakaunting panunudyot pagpapatawa o pagbibiro ang kaniyang mga nasulat. Hindi paghuhugas ng kamay kundi atas ng pagtitipid sa panahon ay kinusa kong huwag nang bumanggit ng mga halimbawa ng kanyang mga sinulat na pagbibirot pagpapatawa. At ganito rin ang gagawin ko sa ibang natanyag na manunulat, maliban ang sa mangisa-ngisang dahil sa kainaman ng akda ay hindi ko mapaglalabanang hindi ipagparangalan sa pagkakataong ito. Sa mga pitak ng Muling Pagsilang unang namukadkad ang mga naging bulaklak nang kapanahunang yaon, na nagpasimula, kundi ako namamali nang taong 1902. Ang mga Valeriano Hernandez Pea ang walang kamatayang maykatha ng Nena at Neneng, sa pitak ng Buhay Maynila ay namayani ng gayon na lamang. Dito nagsimula ang mga birot pagpapatawang ang wika ngay lantay na ginto at di kuwaltang atsoy lamang. Ang masasayang lathala niya, maging tukso o tudyo ay kinahibangan ng marami at parang batubalaning humihigop sa matang tumutunghay. Sa pitak ding yaon ay nagsimulang matanyag ang mga Patricio Mariano at Godofredo B. Herrera, at hindi na rin napatangi ang Patnugot noon na si L.K. Santos.

    Itong Tagalog huliy nangagpatuloy sa paglinang ng uring iyan ng panitikang Tagalog, at sa mga tudling ng mga lingguhang mapagpatawat mapagbiro, gaya ng Lipang Kalabaw at Telembang, ng Bagong Lipang Kalabaw, gayundin sa mga lingguhang Renacimiento Filipino, at Bayang Pilipino, ay namalas ang kani-kanilang kisig. Sina Marianot Herrera ay nangapabantog sa uring mapagpatawat mapagbiro, na ang kadalasay hindi lamang nakapagpapatawa sanhi sa mga buhay-buhay na inilalarawan kundi sa amoy-lansa ng pagsulat kundi man sadyang malansa o malaswa. Si Ronquillo, bagaman marunong ding magpatawa o manukso ay lalong natanyag sa panunudyo at panunuya, gaya rin naman ng pagkakabantog ng nasirang Rosauro Almario. Narito ang bilis ng kanilang panulat, na hindi marunong pumurol sa mga tudyuhan at patutsadahan, sa mga batikusan at tuyaan. Ang mga pitak ng Taliba, na pinamatnugutan ni Ronquillo

  • 48 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    hanggang bago siya tawagin ni Bathala ay saksing maliwanag ng kanyang katalinuhan at kasanayan sa uring iyan ng ating panulatan. Nagkaroon ng isang panahong ang mga pitak ng Taliba at Ang Mithi ay parang naging mga kutang pinanganlungan ng dalawang lakas na naglaban, sa pamamagitan ng tudyuhan at tuyaang siyang mahayap na sandatang ginamit sa pagtutuligsaan. Sa kuta ng Talibay heneral na naroon si Ronquillo, at sa kuta ng Ang Mithiy heneral na nag-uutos si L.K. Santos. Ang dalawang lakas na ito sa tudyuhan at tuyaan ay nakapagpayanig din noon sa malapad na larangan ng panitikan at pamamahayag, at nang magkatapos ay . . . magtataka kayo: walang natalo, bagkus kapuwa nanalo. Hindi, nagkamali pala ako; ang nataloy ang maraming umaasang pagkatapos ng kanilang mahabang tuligsaan, tudyuhan, tuyaan at pulaan ay magbababag na sila nang totohanan.

    Sina I.E. Regalado, Balmaseda, De Jesus, Benigno R. Ramos, Collantes at iba pang kapanahon nila ay nangagsisikat sa pagbibirot pagpapatawa sa mga pahayagang Ang Mithi at Taliba muna, bago pagkatapos ay sa Ang Watawat at Pagkakaisa, sa pamamagitan ng mga Buhay Lansangan, Buhay Lalawigan, Buhay Maynila, Butlig ng Panahon at kung ano-ano pang palagiang pitak sa araw-araw. Datapwat ang lalong ikinababantog nila, lalong-lalo na nina Regalado at Balmaseda, ay sa mga lingguhang manunuksot mapagpatawa, gaya ng Lipang Kalabaw, Telembang, Bagong Lipang Kalabaw at iba pa. Gayunman, sina Regalado at Balmaseda ay nangapatangi rin sa pagsulat ng mga tula at tuluyang panudyo at panuya, lalo pa kung panahong nag-iinapoy ang labanan sa halalan o kung may mga suliraning politikong pinagbabalitaktakan sa mga pahayagan, kayat sila ang mga kaura-urali ng matatandang pares na sina L.K. Santos at Ronquillo sa ganiyang mga paligsahan sa pahayagan.

    Si L. K. Santos, sa pagbibirot panunudyo

    Kung isa-isang sisipiin natin ang mga tulang panudyot panuya o pampatawat panukso ni L. K. Santos ay mangangailangan tayo ng maraming araw bago maisulat, at maghapon mang basahin ko sa inyoy hindi matatapos. Isipin na lamang ninyo na bawat bilang ng kanyang pinamatnugutang Lipang Kalabaw, Telembang, Bagong Lipang Kalabaw, Renacimiento Filipino, Bayang Pilipino, Ang Kaliwanagan, at iba pa ay may isa siyang akda kung hindi man dalawa o tatlo, na kundi tula ay tuluyan,

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 49

    mga akdang pawang nauukol sa katatawanan o panunukso, panunudyot panunuya, at makukuro na ninyo kung gaano karami ang nasulat ng ngayoy Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa na may gayong uri. Kayat bilang muestra o huwaran ay babanggit na lamang ako ng ilang tugma ng kanyang tulang Matandang Dalaga, na gayong hindi tinangka, marahil, ng may-akda na maging panudyot panukso, sapagkat isinama sa aklat ng kaniyang mga tulang seryo o pormal, ay itinuturing kong isa na sa mainam na panunudyo at panunukso sa kaniyang mga ginawang may ganitong uri:

    Ganito ang simula:

    Ibig kong maawang ibig kong magalit sa dalagang yaong masayang masungit, ibig kong sisihit hilatang masakit; dapwat sa tuwi nang aking masisilip ang kanyang anyuin na kahapis-hapis, anaki bay hibang at sira ang isip. Kung nananalamin at kung nagbibihis, Sa puso koy habag ang gumigiyagis; dangan sa lalaki lumuhay di kapit, marahil biro man akoy nakitangis.

    . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Kapag ganito na ang kanyang katwiran, ang panunukso ko ay tinitigilan; akoy natatanga sa matang mapungay; ang lundo ng pisngi at haba ng kilay, ang gaspang ng balat at pusyaw ng kulay, ang kubot ng noot buhok na madalang ay nakaaawang nakahihinayang, At sa sarili koy ikinawiwikang: Ang Dalagang itoy isang Kayamanang Kakanin ng lupa nang pagayon lamang.

    Ang hula kong ito ang siyang natupad, Nang may tatlumpu nat limang taong singkad sa pagsasarili at pagmamatigas, saka ang Dalagay nabuyong lumiyag,

  • 50 Mga Lektura sa Panitikang Popular

    sa isang Binatang halos di pa anak: isang hampas-lupang nangyari sa kiyas ang kinabulugan ng gandang palipas; nang siyay ina na, saka naglagalag, dinala ang kanyang puri, yaman, lahat at saka ang sanggol. . . patay nang ilabas! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Talagang totoong habang tumatanda ang isang dalagay nagiging pindangga, at kung mamatay nay lalong lumalala ang mga kulubot at gaspang ng mukha. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Matandang dalagay isang balasubas, may utang sa ina ay ayaw magbayad; inianak siya at ipinaghirap, ayaw mahirapan namang magkaanak.

    . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Anhin ko ang manggang sagana sa lago kung di mapitasan ng kahimat paho? at anhin ang bunga, hinog man sa puno, kung ang lamat butoy may bunot na tubo?

    . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Ang babaiy hindi pagkaing lutuin, mahangay lutuan ng mga pagkain; ngunit ang palayok, pag lumat mauling, madalas humilawt sumunog sa kanin.

    Hindi rin tahure, ni dalok, ni alak na kapag nalumay lalong sumasarap, iba sa kalakal na inaiimbak upang ang halagay iantay ng taas.

    Kung bagamay tulad sa isdang sariwa na pag tinanghali ay nabibilasa;

  • Mga Lektura sa Panitikang Popular 51

    gaya rin ng bahay, bato man o dampa, habang walang taoy lalong nasisira.

    . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Sayang nga at akoy hindi naging Diyos nang kahit man lamang sa lupang tagalog! ang mga dalagang matanda at baog, disiy sinumpa ko nang katakot-takot.

    . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

    Sa dalwamput limang taon ng dalaga at mamatay pa rin nang walang asawa, sa kabilang buhay ang aking parusa ay limampung taong magbayo ng ipa;

    Kapag tumatlumpu ay sandaan namang papagbabagkatin ng nilagang bakal; kung umapat na puy gagawin kong yayay sa limbo ng mga batang walang-malay.

    Bagaman pahalaw ay tila humaba rin ang aking sining sa Matandang Dalaga ni L.K. Santos. Datapwat wala akong magagawa! Napakagaganda ng kaniyang mga biro at tudyo na kung paano ang kaniyang panghihinayang sa kaniyang Matandang Dalaga ay gayon din naman ang panghihinayang ko kung hindi masipit masama sa panayam kong ito!

    Nitong mga huling araw na si L.K. Santos, na galit na galit sa Matandang dalaga, ay wala nang makalantareng ibang uri ng dalaga, ang hinarap naman ay ang Kung Paano ang Pagtawa ng mga Makata, sapagkat siya rin ang nakatuklas na ang mga makata natin, karamihan sa kanila kundi man ang lahat ay walang kinahihiligan kundi ang manambitan, lumungoy, humibik, tumatangis, sa pamamagitan ng mga tulang malulungkot at madalamhati, pawang pagdaramdam at paghihinanakit