2
BAM.org Manood ng mga video preview Magbasa nang dagdag pa tungkol sa BAM at mga alagad ng sining ng BAM Sundan ang BAM sa Facebook at Twitter Bumili ng mga tiket Basahin ang season calendar AT HIGIT PA! Ang BAM (Brooklyn Academy of Music) ay isang multi-arts center na matatagpuan sa Brooklyn, New York. Sa higit sa 150 taon, ang BAM ay naging tahanan para sa may lakas ng loob na mga alagad ng sining, mga tagapanood at mga ideya—at nakikitungo sa kapwa pangdaigdigan at lokal na mga komunidad. Sa kanyang kilala sa buong mundong mga programa sa teatro, sayaw, musika, opera, pelikula, at marami pa, itinatanghal ng BAM ang trabaho ng kalilitaw pa lang na mga alagad ng sining at mga inobatibong modernong dalubhasa sa sining. Litrato: Amkoullel, ni Mike Benigno Litrato: Daniel Beaty, ni Max Gordon Litrato: Atys, ni Stephanie Berger Litrato: Meng Chan Chara, ni Jack Vartoogian Mga Maikling Impormasyon tungkol sa BAM • Itinatag noong 1861, ang BAM ay ang pinakalumang patuloy na pinapatakbong performing arts center ng Amerika. Ang institusyon ay pinamumunuan ni Presidente Katy Clark at Executive Producer Joseph V. Melillo. • Kabilang sa mga alagad ng sining na nakatanghal na sa BAM sa nakalipas na panahon ay sina Paul Simon, Patrick Stewart, Cate Blanchett, Philip Glass, Anne Teresa De Keersmaeker, Youssou N’Dour, Marisa Monte, Juliette Binoche, Caetano Veloso, at Gilberto Gil. • Ang BAM lamang ang performing arts center sa bansa na may tatlong mainstage na teatro at isang multi-screen na sinehan. • Tinatanghal ng BAMart ang mga obra ng lokal at pandaigdigang mga alagad ng sining at nagpakomisyon siya ng mga obra mula sa mga kilalang personalidad ng sining na katulad nina Shinique Smith, William Kentridge, at Jean-Michel Basquiat. • Ang mga programa sa Komunidad ng BAM ay nagsisilbi sa mga lugar na nakapaligid sa BAM at ibayo pa na tinitirhan ng mga taong iba’t iba ang kultura at lahi, at nagtatampok ng maraming libreng programa para sa mga matatanda at kabataan, pati na rin ang pinakamalaking pampublikong pagdiriwang ng lungsod para kay Dr. Martin Luther King, Jr. • Kabilang sa mga kompanyang nagtanghal sa BAM ang Urban Bush Women, Tanztheater Wuppertal Pina Bausch, Royal Shakespeare Company, Batsheva Dance Company, ang Royal Ballet ng Cambodia, Cloud Gate Dance Theatre ng Taiwan, at The Fugard Theatre. BAM sa Brooklyn Ang BAM ay may natatanging campus na mayroong tatlong mainstage na teatro at isang multiplex na sinehan, at umaakit ng higit sa 700,000 bisita bawat taon. BAM HOWARD GILMAN OPERA HOUSE Ang Howard Gilman Opera House ay pinagtanghalan ng ilan sa pinakaprestihiyosong alagad ng sining sa mundo, mula kay Enrico Caruso hanggang sa kina Pina Bausch at Youssou N’Dour. Isang napakagandang pagsasama ng eklektikong estilo ng Beaux Arts na may modernong sound at lighting, nakakapagpa-upo ang Opera House ng 2,109 na patron sa kanyang orchestra, mezzanine, at balcony na lebel. BAM HARVEY THEATER Nakapagpapa-upo ng 840 katao, ang natatanging espasyong ito ay kinuha noong 1987 ng dating Presidente ng BAM na si Harvey Lichtenstein bilang lugar ng landmark na produksiyon ng The Mahabharata ni Peter Brook. Sa simula ito ay isang tradisyonal na dulaan, na naging isang sinehan sa kalaunan, at pagkatapos ay malikhaing napanibago, at sa ngayon ibinibigay ng kapansin-pansing interyor ng Harvey ang natatanging personalidad nito sa bawat pagganap na itinatanghal sa kanyang entablado. BAM ROSE CINEMAS Sa simula, ang apat na screen na sinehan ng BAM ay isang music hall, pagkatapos ginawa itong isang dulaan, at sa kalaunan nag-ibang anyo bilang BAM Rose Cinemas noong 1998.Pinapangalagaan nito ang kasaysayan ng espasyo habang nagbibigay ng state-of-the-art na karanasan sa panonood. LEPERCQ SPACE Itong dramatikong bulwagan na open-plan ay siyang nagsisilbing tahanan ng BAMcafé, ang in-house na restawran ng BAM, pati na rin sa mga pagbabasa ng literatura, mga eksibisyon ng sining biswal, mga talumpati ng mga alagad ng sining, at mga pampubliko at pribadong salu-salo at pagtitipon. BAM FISHER Binuksan noong 2012, ang pinakabagong espasyo para sa pagtatanghal ng BAM ay dinisenyo upang mapagkasya ang iba’t ibang mga anyo ng sining at mga kompigurasyon sa pag-upo, at saka maipagmalaki rin ang rooftop terrace na magagamit buong taon, studio na pang-ensayo, silid-aralan, at espasyong pang-eksibisyon. Pandaigdigang BAM Bukod pa sa kanyang mga lokal na programa, ang naaabot ng BAM ay lampas na sa New York at pumapatungo sa mga lungsod sa buong mundo. Gamit ang DanceMotion USASM, gumagawa ang BAM ng mga programang cultural exchange sa buong mundo sa mga rehiyon ng Afrika, Asya, Gitnang Asya, Timog Amerika at Gitnang Silangan. Sa pamamagitan ng The Bridge Project, ibinahagi ng BAM ang klasikong teatro sa mga tagapanood sa mga lungsod na katulad ng Hong Kong, London, Madrid, at Auckland. BAM Online Nag-iistreaming ang BAM ng mga piniling pagtatanghal nang live sa mga tagapanood sa buong mundo, at pinapahintulutan niyang mapanood ang maraming nakarekord na talumpati, konsiyerto, at clips sa kanyang video channel. Ang mga inisyatibo ng BAM Education ay naghahandog ng mga oportunidad para sa mga digital na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng distance learning, at naghahandog rin ng mga malalalim na online na patnubay sa pag-aaral tungkol sa mga alagad ng sining at mga produksiyon. Maaaring basahin ng mga bisita ang mga programa ng BAM mula sa bawat sulok ng mundo sa BAM.org. Ang tahanan para sa may lakas ng loob na mga alagad ng sining, mga tagapanood at mga ideya

Mga Maikling Impormasyon tungkol sa BAM BAM sa Brooklyn

  • Upload
    dothu

  • View
    255

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Maikling Impormasyon tungkol sa BAM BAM sa Brooklyn

BAM.org Manood ng mga video preview

Magbasa nang dagdag pa tungkol sa BAM at mga alagad ng sining ng BAM

Sundan ang BAM sa Facebook at Twitter

Bumili ng mga tiket

Basahin ang season calendar

AT HIGIT PA!

Ang BAM (Brooklyn Academy of Music) ay isang multi-arts center na matatagpuan sa Brooklyn, New York. Sa higit sa 150 taon, ang BAM ay naging tahanan para sa may lakas ng loob na mga alagad ng sining, mga tagapanood at mga ideya—at nakikitungo sa kapwa pangdaigdigan at lokal na mga komunidad. Sa kanyang kilala sa buong mundong mga programa sa teatro, sayaw, musika, opera, pelikula, at marami pa, itinatanghal ng BAM ang trabaho ng kalilitaw pa lang na mga alagad ng sining at mga inobatibong modernong dalubhasa sa sining.

Litrato: Amkoullel, ni Mike BenignoLitrato: Daniel Beaty, ni Max Gordon Litrato: Atys, ni Stephanie BergerLitrato: Meng Chan Chara, ni Jack Vartoogian

Mga Maikling Impormasyon tungkol sa BAM• Itinatag noong 1861, ang BAM ay ang pinakalumang patuloy na pinapatakbong performing arts center ng Amerika. Ang institusyon ay pinamumunuan ni Presidente Katy Clark at Executive Producer Joseph V. Melillo.

• Kabilang sa mga alagad ng sining na nakatanghal na sa BAM sa nakalipas na panahon ay sina Paul Simon, Patrick Stewart, Cate Blanchett, Philip Glass, Anne Teresa De Keersmaeker, Youssou N’Dour, Marisa Monte, Juliette Binoche, Caetano Veloso, at Gilberto Gil.

• Ang BAM lamang ang performing arts center sa bansa na may tatlong mainstage na teatro at isang multi-screen na sinehan.

• Tinatanghal ng BAMart ang mga obra ng lokal at pandaigdigang mga alagad ng sining at nagpakomisyon siya ng mga obra mula sa mga kilalang personalidad ng sining na katulad nina Shinique Smith, William Kentridge, at Jean-Michel Basquiat.• Ang mga programa sa Komunidad ng BAM ay nagsisilbi sa mga lugar na nakapaligid sa BAM at ibayo pa na tinitirhan ng mga taong iba’t iba ang kultura at lahi, at nagtatampok ng maraming libreng programa para sa mga matatanda at kabataan, pati na rin ang pinakamalaking pampublikong pagdiriwang ng lungsod para kay Dr. Martin Luther King, Jr.• Kabilang sa mga kompanyang nagtanghal sa BAM ang Urban Bush Women, Tanztheater Wuppertal Pina Bausch, Royal Shakespeare Company, Batsheva Dance Company, ang Royal Ballet ng Cambodia, Cloud Gate Dance Theatre ng Taiwan, at The Fugard Theatre.

BAM sa BrooklynAng BAM ay may natatanging campus na mayroong tatlong mainstage na teatro at isang multiplex na sinehan, at umaakit ng higit sa 700,000 bisita bawat taon.

BAM HOWARD GILMAN OPERA HOUSEAng Howard Gilman Opera House ay pinagtanghalan ng ilan sa pinakaprestihiyosong alagad ng sining sa mundo, mula kay Enrico Caruso hanggang sa kina Pina Bausch at Youssou N’Dour. Isang napakagandang pagsasama ng eklektikong estilo ng Beaux Arts na may modernong sound at lighting, nakakapagpa-upo ang Opera House ng 2,109 na patron sa kanyang orchestra, mezzanine, at balcony na lebel.

BAM HARVEY THEATERNakapagpapa-upo ng 840 katao, ang natatanging espasyong ito ay kinuha noong 1987 ng dating Presidente ng BAM na si Harvey Lichtenstein bilang lugar ng landmark na produksiyon ng The Mahabharata ni Peter Brook. Sa simula ito ay isang tradisyonal na dulaan, na naging isang sinehan sa kalaunan, at pagkatapos ay malikhaing napanibago, at sa ngayon ibinibigay ng kapansin-pansing interyor ng Harvey ang natatanging personalidad nito sa bawat pagganap na itinatanghal sa kanyang entablado.

BAM ROSE CINEMASSa simula, ang apat na screen na sinehan ng BAM ay isang music hall, pagkatapos ginawa itong isang dulaan, at sa kalaunan nag-ibang anyo bilang BAM Rose Cinemas noong 1998.Pinapangalagaan nito ang kasaysayan ng espasyo habang nagbibigay ng state-of-the-art na karanasan sa panonood.

LEPERCQ SPACEItong dramatikong bulwagan na open-plan ay siyang nagsisilbing tahanan ng BAMcafé, ang in-house na restawran ng BAM, pati na rin sa mga pagbabasa ng literatura, mga eksibisyon ng sining biswal, mga talumpati ng mga alagad ng sining, at mga pampubliko at pribadong salu-salo at pagtitipon.

BAM FISHERBinuksan noong 2012, ang pinakabagong espasyo para sa pagtatanghal ng BAM ay dinisenyo upang mapagkasya ang iba’t ibang mga anyo ng sining at mga kompigurasyon sa pag-upo, at saka maipagmalaki rin ang rooftop terrace na magagamit buong taon, studio na pang-ensayo, silid-aralan, at espasyong pang-eksibisyon.

Pandaigdigang BAMBukod pa sa kanyang mga lokal na programa, ang naaabot ng BAM ay lampas na sa New York at pumapatungo sa mga lungsod sa buong mundo. Gamit ang DanceMotion USASM, gumagawa ang BAM ng mga programang cultural exchange sa buong mundo sa mga rehiyon ng Afrika, Asya, Gitnang Asya, Timog Amerika at Gitnang Silangan. Sa pamamagitan ng The Bridge Project, ibinahagi ng BAM ang klasikong teatro sa mga tagapanood sa mga lungsod na katulad ng Hong Kong, London, Madrid, at Auckland.

BAM Online Nag-iistreaming ang BAM ng mga piniling pagtatanghal nang live sa mga tagapanood sa buong mundo, at pinapahintulutan niyang mapanood ang maraming nakarekord na talumpati, konsiyerto, at clips sa kanyang video channel. Ang mga inisyatibo ng BAM Education ay naghahandog ng mga oportunidad para sa mga digital na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng distance learning, at naghahandog rin ng mga malalalim na online na patnubay sa pag-aaral tungkol sa mga alagad ng sining at mga produksiyon. Maaaring basahin ng mga bisita ang mga programa ng BAM mula sa bawat sulok ng mundo sa BAM.org.

Ang tahanan para sa may lakas ng loob na mga alagad ng sining, mga tagapanood at mga ideya

Page 2: Mga Maikling Impormasyon tungkol sa BAM BAM sa Brooklyn

Manood ng mga video preview

Magbasa nang dagdag pa tungkol sa BAM at mga alagad ng sining ng BAM

Sundan ang BAM sa Facebook at Twitter

Bumili ng mga tiket

Basahin ang season calendar

AT HIGIT PA!BAM.org

Litrato: Chuck Davis, ni Jack VartoogianLitrato: Jules et Jim, sa kagandahang-loob ng Les Films du CarrosseLitrato: Mortal Engine, ni Julieta Cervantes

Mga Programa ng BAMNEXT WAVE FESTIVALNext Wave Festival (Set—Dis)Magmula nang itinatag ito noong 1983, ang taunang pagdiriwang na ito ay naglalahad ng isang pambihirang hanay ng sayaw, teatro, musika, pelikula, at sining biswal ng ilan sa pinakanangunguna’t nagbubukas ng landas at inobatibong mga alagad ng sining sa buong mundo. Kabilang sa mga nagtatanghal ay sina Garth Fagan, Robert Wilson, Eiko + Koma, Ivo Van Hove, Donald Byrd, at Miranda July.

TAGLAMIG/TAGSIBOLPanahon ng Taglamig/Tagsibol (Ene—Hun)Ang taunang pagtatanghal na ito ay nagpapakita sa mga alagad ng sining at mga kompanya na nagsasalarawan sa pandaigdigang antas ng kahusayan sa teatro, sayaw, musika, at opera. Kabilang sa mga tagapagtanghal sina Cate Blanchett, Royal Shakespeare Company, William Christie at Les Arts Florissants, at Ballet Nacional de Cuba.

Eat, Drink & Be Literary (Kumain, Uminom at Masiyahan sa Literatura) (Ene—Hun)Ang ilan sa mga pinakakilalang manunulat ngayon ay magbabasa mula sa kanilang obra at makikipagtalakayan tungkol sa proseso ng paglikha habang kumakain ng hapunan at umiinom ng alak sa taimtim na kapaligitan ng BAMcafé.Kabilang sa mga nakaraang bisita ay sina Salman Rushdie, Yiyun Li, Marlon James, Jonathan Franzen, Zadie Smith, Chinua Achebe, at Francine Prose.

DanceAfrica (May)Ang pinakamatagal nang tumatakbong programa ng BAM—at ang pinakamalaking pagdiriwang ng Amerika sa sayaw, musika at kultura ng Afrika at mga Aprikano-Amerikano—ay ipinagdiriwang bawat Memorial Day weekend at nagtatampok ng mga pagtatanghal ng sayaw ng isang bumibisitang kompanya, dagdag pa ang mga master class, mga kaganapan ng komunidad, mga pelikula, at isang bazaar sa labas na naghahandog ng mga gawang kamay, pagkain, at damit mula sa higit sa 250 nagtitinda.

TAG-INITBAMcinemaFest (Hun)Ang taunang film festival na ito ay nagtatanghal ng pinakamasigla at nakakaaliw na mga bagong pelikula mula sa pinakanagniningning at bagong sulpot na mga talento ng sine, dagdag pa ang mga espesyal na repertory screening, live na musika, mga screening ng pelikula sa labas, mga pagtatanong at pagsasagot ng lumikha ng pelikula, at marami pa. Ang BAMcinemaFest ang pinagtanghalan ng mga premiere sa New York ng mga sikat na indie na pelikula ng Amerika katulad ng Boyhood ni Richard Linklater, Tiny Furniture ni Lena Dunham, Cyrus ng mga magkapatid na lalaking Duplass at Beeswax ni Andrew Bujalski.

R&B Festival sa MetroTech (Hun—Ago)Ang libreng serye ng nasa labas na mga konsiyerto sa tanghalian sa Downtown Brooklyn ay nagtatampok ng isang eklektikong listahan ng mga alamat na trailblazer at kalilitaw pa lang na mga visionary sa musika sa larangan ng R&B at musika ng mundo. Kabilang sa nagtanghal na musikero noon ay sina Allen Toussaint, Ladysmith Black Mambazo, Los Lobos, George Clinton and P-Funk, Dr. John, Wilson Pickett, at Toots and the Maytals.

BUONG TAONBAM Rose Cinemas Umaakit nang higit sa 200,000 taong nanonood ng pelikula bawat taon, ang apat na screen na BAM Rose Cinemas ay nagtatanghal ng kalalabas pa lamang na mga pelikula, bagong labas na independiyente at banyagang mga pelikula, at mga klasiko nang 365 araw bawat taon.

BAMcinématek (Peb — Dis) Ang programa ng repertory na pelikula ng BAM ay nagtatanghal ng mga bago at bihirang napapanood na mga kontemporaryong pelikula, mga klasikong pelikula, obra ng mga lokal na alagad ng sining, mga retrospektibo, at mga piyesta ng mga pelikula mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, na madalas na may espesyal na paghaharap ng mga direktor, mga artista, at iba pang mga bisita.

Metropolitan Opera Live sa HD at National Theatre Live Ang BAM Rose Cinemas ay nagtatanghal ng mga high-definition na transmisyon ng mga live na pagtatanghal mula sa Metropolitan Opera, na nagtatampok ng mga talakayan kasama ng mga tanyag na eksperto sa opera, at ng National Theatre ng London.

BAM EducationSa pamamagitan ng mga pagtatanghal sa oras na bukas ang paaralan, mga palihan sa loob ng paaralan, at mga programang after-school para sa mga estudyante, at mga palihan sa propesyonal na pagsulong para sa mga guro, ang mga programa ng BAM Education ay nagsisindi sa imahinasyon at mga ideya, na umaabot sa hanggang 37,000 estudyante at mga guro ng New York City sa higit sa 200 paaralan.

BAMcafé Live (Sep—May)Ang BAMcafé Live ay naghahandog ng libreng live na musika sa mga piniling gabi ng Biyernes at Sabado sa BAMcafé, na nagtatampok ng kalilitaw at beteranong mga alagad ng sining sa rock, jazz, R&B, musika ng daigdig, at pop mula sa Brooklyn at ibayong lugar.

BAM Visual ArtAng buong taong programa ng BAM sa sining biswal ay kinabibilangan ng taunang auction, pampublikong sining sa loob at sa paligid ng BAM campus, mga pagpapakomisyon, patuloy na pagbebenta ng mga print, at mga espesyal na eksibisyon, kung saan ang lahat ng kita ay sumusuporta sa mga pagsisikap ng BAM na makaipon ng pondo.

DanceMotion USASM

Ang DanceMotion USASM ay isang programa ng US Department of State, na ginawa ng BAM, upang mapadali ang cross-cultural exchange upang makonekta ang pinakamahusay na mga kompanya sa sayaw ng Amerika sa pandaigdigang mga alagad ng sining at komunidad. Ang mga nagbibiyaheng kompanya ay nagbibigay ng mga palihan at mga outreach event, mamumuno ng mga master class para sa mga lokal na mananayaw, lumalahok sa mga collaborative creative session na kasama ang mga lokal na alagad ng sining, at naghahandog ng mga pampublikong pagtatanghal at mga talakayan ng mga alagad ng sining upang mapadali ang mas mainam na komunikasyon at pagkakaunawaan.

Litrato: Kronos Quartet, Stephanie Berger

Ang tahanan para sa may lakas ng loob na mga alagad ng sining, mga tagapanood at mga ideya