80
MGA PAKSA NG DOKTRINA 2021 Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin— Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women

MGA PAKSA NG DOKTRINA 2021 Pumarito Ka, Sumunod Ka …

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

PUM

AR

ITO K

A, SU

MU

NO

D K

A SA

AK

IN—

PAR

A SA

MG

A K

OR

UM

NG

AA

RO

NIC PR

IESTHO

OD

AT MG

A K

LASE N

G YO

UN

G W

OM

EN: M

GA

PAK

SA N

G D

OK

TRIN

A 2021

MGA PAKSA NG DOKTRINA 2021

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin— Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women

MGA PAKSA NG DOKTRINA 2021

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin— Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women

Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Salt Lake City, Utah

© 2020 by Intellectual Reserve, Inc.All rights reserved.Bersyon: 11/19Pagsasalin ng Come, Follow Me—For Aaronic Priesthood Quorums and Young Women Classes: Doctrinal Topics 2021Tagalog17311 893Inilimbag sa Pilipinas

Mga Nil al aMaN

i

Mga NilalamanPaggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iiiEnero 10: Bakit Mahalaga ang Unang Pangitain? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1Enero 24: Paano Ko Maihahanda ang Aking Sarili na Makibahagi sa “Kagila- gilalas na Gawain” ng Diyos? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4Pebrero 14: Ano ang Priesthood? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7Pebrero 28: Ano ang Ibig Sabihin ng Magsisi? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10Marso 14: Paano Nakatutulong ang mga Banal na Tungkulin ng Kalalakihan at Kababaihan sa Isa’t Isa? . . . 13Marso 28: Bakit Kailangan Ko ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16Abril 11: Paano Ko Maaanyayahan ang Lahat na Lumapit kay Cristo? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19Abril 25: Paano Ako Magiging Higit na Katulad ni Cristo sa Aking Paglilingkod sa Iba? . . . . . . . . . . . . . . . . . 22Mayo 9: Paano Ako Mapagpapala ng Espiritu Santo sa Bawat Araw? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25Mayo 23: Paano Ko Matatanggap ang Kaloob na Espiritu Santo? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28Hunyo 13: Paano Ko Mapaglalabanan ang Pornograpiya? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31Hunyo 27: Paano Ako Makapaghahanda Ngayon na Magtatag ng Tahanang Nakasentro kay Cristo? . . . . . . 34Hulyo 11: Paano Naaapektuhan ng Pagkaalam tungkol sa Plano ng Kaligtasan ang Aking Buhay? . . . . . . . . 37Hulyo 25: Bakit Dapat Maging Masunurin Ako sa mga Utos ng Diyos? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40Agosto 8: Paano Ako Maaaring Makibahagi sa Pagtitipon ng Israel? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 43Agosto 22: Bakit Nais ng Panginoon na Maging Malusog Ako? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 46Setyembre 12: Paano Natin Maaaring Harapin ang mga Paghihirap nang May Pananampalataya? . . . . . . . . . 49Setyembre 26: Bakit Mahalaga na Nasa Lupa Ngayon ang mga Susi ng Priesthood? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 52Oktubre 10: Paano Ako Magiging Mas Lubos na Nagbalik- loob sa Panginoon? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55Oktubre 24: Paano Ko Matatanggap “ang mga Kapangyarihan ng Langit” sa Aking Buhay? . . . . . . . . . . . . . 58Nobyembre 14: Bakit Mahalaga ang Kasal na Walang- Hanggan? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 61Nobyembre 28: Paano Tumulong si Joseph Smith na Isakatuparan ang Plano ng Ama sa Langit? . . . . . . . . . . 64Disyembre 12: Paano Ko Mahahanap ang mga Sagot sa Aking mga Tanong? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 67Disyembre 26: Bakit Mahalaga ang mga Pamilya? . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 70

iii

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young WomenAno ang mga layunin ng mga miting ng ating korum at klase?Binigyan ka ng Panginoon ng isang sagradong gawain: tinawag ka Niyang maglingkod sa isang Aaronic Priesthood quorum presidency o Young Women class presidency . Bahagi ng iyong respon-sibilidad ang pamunuan at pangasiwaan ang mga miting ng iyong korum o klase sa araw ng Linggo . Para magawa ito, makatutulong na maunawaan mo kung bakit tayo may ganitong mga miting .Ang mga miting ng korum ng Aaronic Priesthood at klase ng Young Women ay naiiba sa mga klase sa Simbahan tulad ng Sunday School o seminary . Sa mga miting ng korum o klase, hindi lang natin pinag- aaralan ang isang paksa ng ebanghelyo . Natututo tayo tungkol sa gawaing ibinigay sa atin ng Diyos, at tinutulungan natin ang mga miyem-bro ng ating korum o klase para maisagawa ang gawaing iyon sa ating tahanan, sa Simbahan, at sa ating komunidad . Halimbawa, nagpaplano tayo kung paano natin tutuparin ang ating mga tung-kulin bilang bahagi ng batalyon ng mga kabata-an ng Panginoon para makatulong sa pagtipon ng Israel . Sa mga miting na ito, hindi lang natin

pinag- uusapan ang gawain—nagpaplano rin tayo para maisagawa ito .Ngunit ang pagbibigay- diing ito sa gawain ay hindi nangangahulugan na sa Sunday School lang natin tatalakayin ang mga doktrina . Sa katunayan, mahalaga ang pag- aaral ng doktrina sa mga miting ng korum at ng Young Women—tinutulungan tayo nitong maunawaan ang mga dahilan kung bakit natin isinasagawa ang gawain . Habang sama- sama nating pinag- aaralan ang ebanghelyo, maaaring mabago ng mga katotohanang natututuhan natin ang ating puso . Maaari tayong makatanggap ng mga pahiwatig tungkol sa mga paraan kung paano lalago “sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao” (Lucas 2:52) . Habang lalo tayong nagbabalik- loob kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng mga hangaring tulungan ang iba sa pag-tahak sa landas ng tipan, kabilang na ang ating pamilya, mga kaibigan, at mga kapwa miyembro ng korum at klase .

Sino ang namumuno sa mga miting na ito?Tinawag ka ng Diyos bilang bahagi ng quorum o class presidency at binigyan ka Niya ng awtoridad

PUMARITO KA, SUMUNOD KA SA AKIN—PARA SA MGA KORUM NG AARONIC PRIESTHOOD AT MGA KLASE NG YOUNG WOMEN:

iv

na mamuno . Iyon ang dahilan kung bakit dapat pangasiwaan ng isang miyembro ng quorum o class presidency ang bawat miting . Dapat mag- alok ng patnubay at suporta ang mga adult leader, ngunit hindi sila dapat pumalit sa iyo . Tingnan ang baha-ging may pamagat na “Sama- samang Magpayuhan” sa simula ng bawat outline sa resource na ito para sa mga ideya na makatutulong sa iyo na malaman kung paano mamuno sa isang miting at isakatupa-ran ang mga tunay na layunin nito . Gamitin ang mga miting ng presidency para maplano kung paano pangangasiwaan ang mga miting na ito sa araw ng Linggo .

Sino ang dapat magturo ng lesson?Maaaring magturo ng mga lesson ang mga adult leader, isang miyembro ng quorum o class presiden-cy, o sinumang miyembro ng korum o klase . Bilang quorum o class presidency, sumangguni sa mga adult leader kung sino ang dapat atasang magturo ng mga lesson . Alalahanin na maraming maitutu-ro ang mga adult leader . Hangaring matuto mula sa kanilang mga karanasan at patotoo . May mga kabutihan ding dulot ang paghiling sa mga kabata-an na magturo—maaaring makatulong ang pagtu-turo na mapalalim ang kanilang pagbabalik- loob at mapatibay ang kanilang ugnayan sa iba pang mga miyembro ng korum o klase . Kaya bigyan sila ng mga angkop na pagkakataong magturo ng isang buong lesson o bahagi nito, ngunit isaalang- alang din ang mga pangangailangan at kakayahan ng mga tao sa iyong korum o klase . Halimbawa, maaaring magturo nang mas madalas ang mga adult leader sa mga korum o klase ng mga mas batang kabataan o ng mga kabataang mas kakaunti ang karanasan sa pagtuturo ng ebanghelyo . Kapag inanyayahang magturo ang mga kabataan, dapat silang tulungan ng isang magulang o adult adviser na maghanda kung kinakailangan .Maaaring gamitin ng mga inatasang magturo ang bahaging may pamagat na “Ituro ang Doktrina” sa bawat outline sa resource na ito upang matulungan silang maghanda . Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga mungkahi sa pagtuturo at pagtalakay ng doktrina para sa linggong iyon, ngunit hindi dapat

madama ng mga guro na limitado lang sila sa mga mungkahing ito . Ayon sa patnubay ng Espiritu, maaaring iangkop ng mga guro ang mga ideyang ito o gamitin ang kanilang sariling mga ideya para makapagturo sa isang paraang pinakamainam na tutugon sa pangangailangan ng mga miyembro ng korum o klase at tutulong sa kanila na maunawaan ang doktrina .

Anong mga paksa ng doktrina ang tatalakayin natin sa ating mga miting?Ang paksa ng outline sa bawat linggo ay isang alituntunin ng doktrina na napili upang umayon sa babasahin sa Doktrina at mga Tipan na inire-komenda para sa linggong iyon, na matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Sa ganitong paraan, susupor-tahan ng mga talakayan tungkol sa doktrina sa mga miting ng korum at klase ang natututuhan ng mga kabataan sa tahanan .Bagaman nilayon na ituro ang mga outline sa mga partikular na araw ng Linggo, maaari pa ring tala-kayin ang iba pang mga paksa ng doktrina batay sa mga pangangailangan ng iyong korum o klase .Kasama sa resource na ito ang mga outline para sa bawat linggo kung kailan idaraos ang mga miting ng korum ng Aaronic Priesthood at mga klase ng Young Women . Paminsan- minsan, maaaring kaila-nganing lumaktaw ng isang lesson dahil sa mga kumperensya ng stake o iba pang mga dahilan .

Ano ang papel ng ating mga adult leader?Mahalaga ang papel ng mga adult leader sa mga korum ng Aaronic Priesthood at mga klase ng Young Women . Gagabayan at papayuhan ka nila sa iyong mga tungkulin sa pamumuno . Susuporta-han ka nila at palalakasin nila ang loob mo habang isinasagawa mo ang gawain ng iyong korum o klase . Tuturuan ka nila ng doktrina, at pagpapalain ka nila sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, karanasan, at patotoo .

1

ENERO 10

Bakit Mahalaga ang Unang Pangitain?PAMBUNGAD SA DOKTRINA AT MGA TIPAN; JOSEPH SMITH—KASAYSAYAN 1:1–26

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang nangangaila-ngan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

• Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamaka-ilan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masu-suportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Naka

kita

Ako

ng L

iwan

ag, n

i Jon

McN

augh

ton

EnEro 10

2

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliBagama’t mahigit 200 taon na mula nang unang lumuhod si Joseph Smith para manalangin sa Sagradong Kakahuyan, ang sagot na natanggap niya ay malalim ang epekto sa ating buhay ngayon . Pagnilayan ang mga pagpapalang dumating na sa buhay mo dahil nagpakita ang Ama at ang Anak kay Joseph . Bakit mahalagang magkaroon ang iyong mga tinuturuan ng sarili nilang patotoo tungkol sa Unang Pangitain mula sa Espiritu Santo? Paano mo sila tutulungang gawin ito? Maaaring makatulong na rebyuhin mo ang mga mensahe mula sa pangka-lahatang kumperensya ng Abril 2020, na gumunita sa ika- 200 anibersaryo ng dakilang pangitaing ito .

Bawat kabataan ay makatatanggap ng personal na patotoo tungkol sa Unang Pangitain.

Magkakasamang MatutoDahil nasa kanyang kabataan si Joseph Smith sa panahon ng Unang Pangitain, maaaring makaugnay ang mga tinuturuan mo sa kanyang paghahanap sa katotohanan . Bigyan ang mga miyembro ng korum at klase ng ilang sandali para ibahagi ang kanilang mga ideya at impresyon tungkol sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26 . Makatutulong sa kanila ang

mga aktibidad sa ibaba na mapalakas ang kanilang patotoo na ang Diyos Ama at si Jesucristo ay nagpa-kita kay Joseph Smith .

• Anong mga katotohanan ng ebanghelyo ang matututuhan natin mula sa karanasan ni Joseph Smith sa Sagradong Kakahuyan? Maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang salaysay ni Joseph sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:7–20 at ibahagi ang mga katotohanang natuk-lasan nila . (Halimbawa, naririnig at sinasagot ng Diyos ang mga panalangin; si Satanas at ang kanyang kapangyarihan ay totoo, ngunit naka-hihigit ang kapangyarihan ng Diyos; hindi pa tumitigil ang paghahayag .) Paano napagpala ng mga katotohanang ito ang ating buhay?

• Maaari mo ring hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang mga mensahe tungkol sa Unang Pangitain mula sa pangkala-hatang kumperensya ng Abril 2020 (tingnan sa Liahona, Mayo 2020) . Halimbawa, maaari nilang rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Russell M . Nelson na “Pakinggan Siya” (Liahona, Mayo 2020, 88–92) . Anyayahan silang ibahagi ang natuklasan nila at ang kanilang damdamin tung-kol sa Unang Pangitain .

• Bawat isa sa mga Pangulo ng Simbahan ay nag-patotoo tungkol sa banal na misyon ni Propetang Joseph Smith . Ang mga miyembro ng korum o klase ay maaaring makinabang sa pagbasa sa kanilang mga patotoo sa isa sa mga manwal na Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan . (Kara-mihan sa mga manwal na ito ay naglalaman ng isang kabanata tungkol kay Propetang Joseph Smith .) Para sa listahan ng mga kabanatang ito, tingnan sa Gospel Topics, “First Vision,” topics .ChurchofJesusChrist .org .) Ilang araw bago magklase, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na pumili ng isa sa mga Pangulong ito at magbahagi ng isang pahayag nito na maaari nilang magamit sa pagtu-turo sa isang tao tungkol sa Unang Pangitain .

Bakit Mahal aga aNg UNaNg PaNgitaiN?

3

• Isiping anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na pag- aralan ang “Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ni Joseph Smith” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 39–40) at magpraktis na turuan ang isa’t isa tungkol sa Unang Pangitain . Maaari mo silang hamunin na ibahagi ang kara-nasan ni Joseph Smith gamit ang ilan sa kanyang sariling mga salita, na matatagpuan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17 .

• Alam ba ng mga tinuturuan mo na may iba- ibang salaysay tungkol sa Unang Pangitain? Bawat isa sa mga salaysay na ito ay naglalaan ng kakaibang mga detalye na nagbibigay ng mas kumpletong pagkaunawa tungkol sa nangyari sa Sagradong Kakahuyan . Maaari mo ring ibuod ang “Over-view” section ng Gospel Topics essay na “First Vision Accounts” (topics .ChurchofJesusChrist .org) . Pagkatapos ay maaari mo ring hilingin sa mga tinuturuan mo na rebyuhin ang mga buod ng apat na salaysay na nasa ilalim ng “Accounts of the First Vision .” Maaari din nilang basahin ang ilan sa mga totoong salaysay sa paggamit sa mga link na inilaan . Ano ang natuklasan nila na nagpapalakas sa kanilang patotoo tungkol sa Unang Pangitain? Maaari rin ninyong panoorin ang video na “Ask of God: Joseph Smith’s First Vision” (ChurchofJesusChrist .org), na naglala-rawan sa Unang Pangitain sa pamamagitan ng paggamit ng mga detalye mula sa mga salay-say na ito . Bakit nakabubuti na magkaroon ng iba- ibang salaysay tungkol sa Unang Pangitain? Paano nakatutulong sa atin ang mga salaysay na ito na mas maunawaan ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Mateo 3:13–17; Mga Gawa 7:54–60; 3 Nephi

11:3–10 (Ipinakita ng Diyos Ama at ni Jesucristo ang Kanilang sarili sa mga tao sa lupa)

• “What Do We Learn about the Nature of God from the First Vision?” mula sa “Face to Face Kasama sina Pangulong Eyring at Elder Holland” (pandaigdigang brodkast para sa kabataan, Mar . 4, 2017), FacetoFace .ChurchofJesusChrist .org

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinanyayahan ng tagapagligtas ang kanyang mga alagad na magpatotoo tungkol sa katotohanan ng kanyang mga turo. Nang gawin nila iyon, inantig ng Espiritu ang kanilang puso. Paano mo mahihikayat ang mga tinuturuan mo na mag-patotoo? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 11.)

tingnan din ang “Prepare to teach,” (video, ChurchofJesusChrist.org).

4

ENERO 24

Paano Ko Maihahanda ang Aking Sarili na Makibahagi sa “Kagila- gilalas na Gawain” ng Diyos?DOKTRINA AT MGA TIPAN 3–5

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyem-bro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung- tulungan na makamit?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebang-helyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

• Ang ating buhay. Paano natin nakita ang implu-wensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay- inspirasyon sa ating pag- aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Pa aNo ko MaihahaNda aNg akiNg Sarili Na MakiBahagi Sa “k agil a- gil al a S Na gawaiN” Ng diyoS?

5

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliNang unang marinig ng naunang mga Banal ang mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo, ginus-tong malaman ng marami kung ano ang maaari nilang gawin para makatulong sa gawain . Ang ama ni Propetang Joseph Smith na si Joseph Smith Sr . ay isa sa mga humiling na malaman ang kalooban ng Panginoon para sa kanya . Ang sagot ng Panginoon, na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 4, ay nagbigay- inspirasyon na mula noon sa mga heneras-yon ng mga tao na maglingkod nang buong “puso, kakayahan, pag- iisip at lakas” (talata 2) . Nagli-lingkod man sa misyon o sa anumang tungkulin o responsibilidad sa Simbahan, magkakapareho ang mga kwalipikasyon para makapaglingkod: isang hangaring maglingkod sa Diyos na may kasamang pananampalataya, pag- asa, pag- ibig sa kapwa- tao, at pagmamahal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 4:2–6) . Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng korum o klase na mapalakas ang kanilang hanga-ring maglingkod sa Panginoon at maghanda para sa darating na mga pagkakataong maglingkod?

ang pangangalaga sa mga nangangailangan ay bahagi ng gawain ng kaligtasan.

Para maihanda ang iyong sarili na pamunuan ang mga miyembro ng korum at klase sa pag- aaral na ito, maaari mong basahin at pagnilayan ang isa o mahigit pa sa mga mensaheng matatagpuan sa “Suportang Resources .”

Magkakasamang MatutoAng mga miyembro ng korum o klase ay maa-aring nabigyang- inspirasyon na paglingkuran ang Panginoon nang mas masigasig sa pagbasa sa Doktrina at mga Tipan 3–5 sa linggong ito . Para mahikayat silang ibahagi ang kanilang mga naiisip, maaari mo silang anyayahang isipin na kunwari ay nag- aaplay sila sa trabaho . Anong mga kwalipikas-yon ang isusulat nila sa resume o babanggitin sa isang interbyu sa trabaho? Maaari nilang rebyu-hin ang Doktrina at mga Tipan 4 at tukuyin ang mga kwalipikasyong hinihiling ng Panginoon sa mga nagnanais na makibahagi sa Kanyang gawa-in . Pumili ng isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba upang matulungan ang mga tinuturuan mo na isipin kung ano ang magagawa nila upang mas lubos na makibahagi sa “kagila- gilalas” na gawain ng Diyos (Doktrina at mga Tipan 4:1) .

• Para matulungan ang mga tinuturuan mo na matutuhan kung paano sila makikibahagi sa pagpapabilis ng gawain ng kaligtasan, isulat sa pisara ang sumusunod na kahulugan ng gawain ng kaligtasan: Inaanyayahan ng Diyos ang lahat na lumapit kay Cristo at tumulong sa Kanyang gawain sa pamamagitan ng pamumuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo, pangangalaga sa mga nangangailangan, pag- anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo, at pag- iisa sa mga pamilya sa kawalang- hanggan. Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na talakayin kung paano sila matutulungan ng mga katangiang nakalista sa Doktrina at mga Tipan 4 na gawin ang bawat bahagi ng gawain ng kaligtasan . Hatiin ang mga kabataan sa mga grupo, at hayaang talakayin ng bawat grupo ang mga paraan na maaari silang magkaroon ng mga

EnEro 24

6

katangiang ito . Ano ang magagawa natin para gawing mas mahalagang bahagi ng ating buhay ang gawain ng kaligtasan?

• Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang isa sa mga mensaheng matatag-puan sa “Mga Suportang Resource,” na naghaha-nap ng isang siping maaari nilang ibahagi kung paano paglingkuran ang Panginoon nang buong katapatan sa mga katungkulan, tungkulin, o iba pang mga responsibilidad sa Simbahan . Hilingin sa kanila na ibahagi ang siping pinili nila at kung bakit ito makahulugan para sa kanila . Paano nila ipamumuhay ang natutuhan nila ngayon at sa hinaharap?

• Ang ilang miyembro ng korum o klase ay maa-aring naghahandang maglingkod bilang mga missionary . Maaari mong hilingin sa kanila na ibahagi kung paano sila naghahandang magling-kod . Para mahikayat sila sa kanilang mga pagsi-sikap, maaari mong ibahagi ang tanong na ayon kay Elder David A . Bednar ay madalas niyang matanggap: “Ano po ang magagawa ko para makapaghandang mabuti na maglingkod bilang full- time na misyonero?” (“Pagiging Misyone-ro,” Liahona, Nob . 2005, 45) . Paano sasagutin ng mga miyembro ng korum o klase ang tanong na ito? Anong mga kabatiran ang ibinigay ni Elder Bednar? Maaari mong anyayahan ang isa o mahi-git pang returned missionary na ibahagi kung ano ang kanilang ginawa upang makapaghanda para sa misyon at kung ano sana ang dapat na nagawa nila .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Mateo 28:19–20; Doktrina at mga Tipan 18:9–16;

50:13–14; 88:81 (Tungkulin nating ibahagi ang ebanghelyo)

• Dieter F . Uchtdorf, “Ang Pinakadakila sa Inyo,” Liahona, Mayo 2017, 78–81

• Carl B . Cook, “Maglingkod,” Liahona, Nob . 2016, 110–12

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinanyayahan ng tagapagligtas ang kanyang mga disipulo na magpatotoo, at nang gawin nila iyon, inantig ng Espiritu ang kanilang puso. habang nagtuturo ka tungkol sa pagsunod, halimbawa, anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan. (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 11, 32.)

7

PEBRERO 14

Ano ang Priesthood?DOKTRINA AT MGA TIPAN 12–13; JOSEPH SMITH—KASAYSAYAN 1:66–75

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

• Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinag-sisikapang tuparin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala na ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Sa In

yo n

a Ak

ing

Kapw

a m

ga Ta

gapa

glin

gkod

, nin

a li

nda

Curle

y Ch

riste

nsen

at M

icha

el

t. M

alm

PEbrEro 14

8

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliHabang nagbabasa ka tungkol sa pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood sa Doktrina at mga Tipan 13, subuking magbasa ayon sa pagkaunawa ng iyong mga tinuturuan . Nauunawaan ba nila ang kapang-yarihan ng priesthood sa kanilang buhay? Paano nakatulong ang mga ordenansa ng priesthood tulad ng binyag at sakramento na matanggap mo ang kapangyarihan ng Tagapagligtas? Isipin ang mga karanasang maaari mong ibahagi . Para maihanda ang iyong sarili na magturo tungkol sa priesthood, isiping pag- aralan ang mga talata sa banal na kasulatan na iminungkahi sa outline para sa ling-gong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang “Priesthood” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures . ChurchofJesusChrist .org) .

ang mga banal na kasulatan ay nagpapaunawa sa atin kung paano pinagpapala ng priesthood ang ating buhay.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng isang talakayan tungkol sa priesthood, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang nalala-man nila tungkol sa pagpapanumbalik ng Aaronic

Priesthood, kabilang na ang nabasa nila sa linggong ito sa Doktrina at mga Tipan 13 at Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75 . Maaari ka ring magpakita ng isang larawan na nagpapakita ng pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood (tulad ng Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg . 93) at anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang nala-laman nila tungkol sa kaganapang ito . Bakit tayo nagpapasalamat na ipinanumbalik ang priesthood? Ang sumusunod na mga aktibidad ay mas magpapa-unawa sa mga tinuturuan mo kung ano ang priest-hood at paano tayo pinagpapala nito .

• Paano ipaliliwanag ng mga miyembro ng korum o klase kung ano ang priesthood sa isang tao na hindi pa nakarinig kailanman tungkol dito? Para matulungan sila, maaari mong ilista sa pisara ang ilang tanong ng mga tao tungkol sa priesthood, tulad ng Ano ang priesthood? Paano tinatanggap ng isang tao ang priesthood? Paano dapat kumilos ang isang mayhawak ng priesthood? Ano ang gina-gawa ng mga mayhawak ng priesthood? Anyayahan ang mga tinuturuan mo na hanapin ang mga sagot gamit ang mga banal na kasulatan at iba pang resources na matatagpuan sa “Suportang Resources” at isulat sa pisara ang kanilang mga sagot . Maaari mong hilingin sa kanila na ibahagi ang mga pagpapalang dumating na sa kanilang buhay dahil sa priesthood . Maaari mong ipalabas at talakayin ang video na “How the Priesthood Works” (ChurchofJesusChrist .org; tingnan din ang Dale G . Renlund, “Ang Priesthood at ang Nagbabayad- salang Kapangyarihan ng Tagapag-ligtas,” Liahona, Nob . 2017, 64–67) .

• Kung nagtuturo ka sa mga mayhawak ng Aaronic Priesthood, maaari silang makinabang sa pag-rebyu sa mensahe ni Brother Douglas D . Holmes na “Ano ang Kailangang Maunawaan ng Lahat ng Mayhawak ng Aaronic Priesthood” (Liahona, Mayo 2018, 50–53) . Maaari mong atasan ang bawat miyembro ng korum na rebyuhin ang unang ilang talata ng mensahe o ng isa sa natiti-rang apat na bahagi . Anyayahan ang bawat tao na

aNo aNg PriESthood?

9

maghanap ng isang bagay na sa pakiramdam niya ay kailangang maunawaan ng bawat mayhawak ng Aaronic Priesthood . Bigyan siya ng pagkaka-taong ibahagi ang natutuhan niya at ipaliwanag kung bakit niya pinili ang turong iyon .

• Kung nagtuturo ka sa mga kabataang babae, maaari mong ibahagi ang mensahe ni Pangu-long Russell M . Nelson na “Mga Espirituwal na Kayamanan,” na patungkol sa kanila (Liahona, Nob . 2019, 76–79) . Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na hanapin sa kanyang men-sahe ang isang bagay na magagawa nila upang mas “magamit ang kapangyarihan ng Tagapag-ligtas” sa kanilang buhay (pahina 77) . Ano ang itinuro ni Pangulong Nelson tungkol sa kung paano natin magagamit ang kapangyarihan ng priesthood? Paano tayo mapagpapala ng kapang-yarihan ng priesthood? Hikayatin ang mga kabataang babae na isipin kung paano sila kikilos ayon sa paanyayang ito ni Pangulong Nelson: “Hinihiling ko sa inyo na pag- aralan nang may panalangin ang lahat ng katotohanan na makikita ninyo tungkol sa kapangyarihan ng priesthood” (pahina 79) .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Doktrina at mga Tipan 84:17–22; 107:1–5 (Ang

priesthood ay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos)

• Sa mga Hebreo 5:4; Mga Saligan ng Pananam-palataya 1:5 (Ang mga mayhawak ng priesthood ay tinatawag ng Diyos at inorden ng isang may awtoridad)

• Doktrina at mga Tipan 121:34–46 (Ang kapang-yarihan at awtoridad ng priesthood ay kumikilos lamang ayon sa mga alituntunin ng kabanalan)

• Mateo 3:1–6; 28:16–19; Juan 15:16; Doktri-na at mga Tipan 12:3–4 (Ipinangangaral ng karapat- dapat na kalalakihan at kababaihan ang ebanghelyo)

• Mga Gawa 3:1–8; Santiago 5:14–15 (Ang mga mayhawak ng priesthood ay nagbibigay ng basbas para pagalingin ang mga maysakit at naghihirap)

• 3 Nephi 11:21–22; 18:1–5; Doktrina at mga Tipan 107:20 (Ang mga mayhawak ng priesthood ang nangangasiwa sa mga ordenansa)

• Doktrina at mga Tipan 65:2; 107:18–21 (Ang mga mayhawak ng priesthood ay tumutulong na pamahalaan ang Simbahan)

• “Aaronic Priesthood,” “Melchizedek Priesthood,” “Priesthood,” sa Tapat sa Pananampalataya (2004), 3–4, 76–77, 199–205

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasitinuro ng tagapagligtas sa kanyang mga disipu-lo na bumaling sa mga banal na kasulatan para sa mga sagot sa mga tanong at tumanggap ng espirituwal na lakas. Paano mo mahihikayat ang mga tinuturuan mo na bumaling sa mga banal na kasulatan upang mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong at hamon? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 30.)

10

PEBRERO 28

Ano ang Ibig Sabihin ng Magsisi?DOKTRINA AT MGA TIPAN 18–19

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang ating oras sa mga miting ng korum o klase?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilan sa ating mga tungkulin at responsibilidad bilang mga kabataang lalaki o kabataang babae? Paano natin magagampanan nang mas mahusay ang mga ito?

• Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matang-gap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

aNo aNg iBig SaBihiN Ng MagSiSi?

11

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMahirap basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:16–19 nang hindi nadarama ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin . Sa mga talatang ito, inilarawan Niya ang pagdurusang naranasan Niya nang magbayad- sala Siya para sa ating mga kasa-lanan at inihayag kung bakit handa Siyang magdu-sa nang napakatindi—“[upang tayo] ay hindi na magdusa kung [tayo] ay magsisisi .” Ang pagsisisi ay isang pagpapalang ginawang posible ng Tagapaglig-tas . Ito ay isang palagian at araw- araw na pagsisikap na talikuran ang kasalanan at bumaling sa Diyos . Ito ay bahagi ng plano ng Ama sa Langit upang tulungan tayong makabalik sa Kanya . Ang pag- unawa kung paano magsisi ay makatutulong sa atin na maging malinis sa ating mga kasalanan, baguhin ang ating puso’t isipan, at mas mapalapit sa Diyos .

Paano kayo natulungan ng pagsisisi na mas mapala-pit sa Ama sa Langit? Paano mo matutulungan ang mga tinuturuan mo na hangaring magsisi? Paano mo maipakikita sa kanila na ang pagsisisi ay isang araw- araw na pagsisikap at hindi lamang para sa mabibigat na kasalanan? Habang naghahanda kang magturo, isiping pag- aralan ang mensahe ni Pangu-long Russell M . Nelson na “Maaari Tayong Guma-wa nang Mas Mahusay at Maging mas Mahusay” (Liahona, Mayo 2019, 67–69) .

Si Cristo sa Getsemani, ni harry anderson

Magkakasamang MatutoLahat ng propeta sa simula pa lamang ay nanawa-gan na sa mga tao na magsisi . Gayunman, marahil ay walang paanyayang magsisi na nakakaantig na tulad ng sa Tagapagligtas na matatagpuan sa Dok-trina at mga Tipan 19:15–19, na maaaring nabasa na ng mga kabataan sa linggong ito . Maaari mo silang tanungin kung ano ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga talatang ito . Ano ang sinasabi ng mga talatang ito tungkol sa kahalaga-han ng pagsisisi sa paningin ng Panginoon? Ang sumusunod na mga ideya ay magpapakita sa mga tinuturuan mo na isang araw- araw na pagpapala sa kanilang buhay ang pagsisisi .

• Para maipaunawa sa mga miyembro ng korum o klase kung paano pinagpapala ng pagsisisi ang kanilang buhay, maaari kang magsimula sa pagtatanong ng: Paano ko malalaman kung may epekto ang mga pagsisikap kong magsisi? Paano ako tutulungan ng Tagapagligtas na magbago? Bukod sa kapatawaran ng kasalanan, ano ang iba pang mga pagpapalang dulot ng pagsisisi? Anyayahan ang mga miyembro ng klase na basa-hin ang isa o mahigit pa sa mga talata sa banal na kasulatan sa “Suportang Resources,” na nagha-hanap ng mga sagot sa mga tanong . Ano ang natuklasan nila?

PEbrEro 28

12

• Maraming kabataan ang mali ang pagkauna-wa sa kahulugan ng pagsisisi . Maaaring takot silang magsisi o iniisip nila na angkop lamang ito sa mabibigat na kasalanan . Para maitama ang maling pagkaunawang ito, maaari mong anyaya-han ang mga miyembro ng korum o klase na pag- aralan ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Russell M . Nelson na “Maaari Tayong Gumawa nang Mas Mahusay at Maging mas Mahusay” (Liahona, Mayo 2019, 67–69), na naghahanap ng mga pariralang nagpapaunawa sa kanila ng ibig sabihin ng magsisi . Ano ang natuklasan nila na nagpaisip sa kanila sa pagsisisi sa isang bagong paraan? Anong mga pagpapala ang ipinangako ni Pangulong Nelson sa mga taong nagsisisi?

• Paano mo maipauunawa sa mga tinuturuan mo kung bakit at paano tayo nagsisisi? Maaaring makatulong ang mensahe ni Pangulong Dallin H . Oaks na “Nalinis sa Pamamagitan ng Pagsisisi” (Liahona, Mayo 2019, 91–94) . Maaari mong hatiin ang korum o klase sa apat na grupo at atasan ang bawat grupo na basahin ang isa sa apat na bahagi ng mensahe ni Pangulong Oaks . Pagkatapos ay maaaring ilahad ng bawat grupo ang isang buod ng nabasa nila sa iba pang mga grupo, pati na ang anumang mga talata sa banal na kasulatan mula sa mensahe na sumusuporta sa natutuhan nila . Maaari kang magtapos sa paghiling sa mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kani-lang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsisisi sa plano ng Diyos .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• 2 Nephi 31:13; Enos 1:5–9; Mosias 4:9–12;

27:23–26, 35; Alma 19:33; 36:18–21, 24; 37:9; Helaman 15:7–8; Moroni 6:8; Doktrina at mga Tipan 58:42–43; 64:9–10 (Mga talata tungkol sa pagsisisi)

• Doktrina at mga Tipan 18:10–16 (Ang pagsisisi ay naghahatid ng kagalakan)

• “Pagsisisi,” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (2011), 28–29

• “Pagsisisi [sa Pamamagitan ng Pagbabayad- sala ni Jesucristo],” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (2019), 69

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinanyayahan ng tagapagligtas ang iba na kumi-los nang may pananampalataya at ipamuhay ang mga katotohanang itinuro Niya. ano ang magagawa mo para maipakita sa mga tinutu-ruan mo ang kapangyarihan ng araw- araw na pagsisisi? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 31, 35.)

13

MARSO 14

Paano Nakatutulong ang mga Banal na Tungkulin ng Kalalakihan at Kababaihan sa Isa’t Isa?DOKTRINA AT MGA TIPAN 23–26

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang nangangaila-ngan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

• Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamaka-ilan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masu-suportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Marso 14

14

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliBinigyan ng Ama sa Langit ang kalalakihan at kaba-baihan ng mga tungkuling pantay ang kahalagahan upang matupad ang Kanyang plano . Nakatutulong ang mga tungkuling ito sa isa’t isa . Para matulu-ngan ang kalalakihan at kababaihan na gampanan ang mga tungkuling ito, binigyan Niya sila ng kakaibang mga kaloob at kakayahan . Maaaring napag- aralan na ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 25 sa linggong ito . Sa paghahayag na ito, pinayuhan ng Panginoon si Emma Smith tungkol sa mahalaga niyang tungkulin sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ng Panginoon at ipinaliwanag kung paano masusuportahan nina Joseph at Emma ang isa’t isa . Anong mga halim-bawa na ang nakita ninyo sa kalalakihan at kaba-baihang nagtutulungan sa paggawa ng gawain ng Panginoon? Paano mo mahihikayat ang mga kaba-taang lalaki o kabataang babae na iyong tinuturuan na unawain ang kanilang mga banal na tungkulin at magtulungan sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos?

ang mga kabataang lalaki at kabataang babae ay maaaring matutong magtulungan sa pagtatayo ng kaharian ng diyos.

Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyu-hin ang “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist .org) at ang mensahe ni Pangulong Linda K . Burton na “Magkasama Tayong Aangat” (Liahona, Mayo 2015, 29–32) .

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng talakayan kung paano nag-tutulungan ang kalalakihan at kababaihan sa kahari-an ng Diyos, isiping anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 25 . Ano ang sinabi ng Panginoon tungkol sa mga responsibilidad nina Emma at Joseph sa isa’t isa? Ano ang matututuhan natin mula sa bahagi 25 kung paano dapat magtulungan ang mga mag- asawa? Maaari mong bigyan ng ilang papel ang mga tinuturuan mo na mapagsusulatan ng mga nalaman nila at ipabahagi ang mga naiisip nila . Pagkatapos ay pumili mula sa sumusunod na mga aktibidad para mas maipaunawa sa kanila kung paano ina-asahan ng Diyos na magtulungan ang Kanyang mga anak .

• May naiisip ka bang halimbawa na magpapau-nawa sa mga miyembro ng korum o klase kung ano ang kahulugan ng “nagtutulungan”? Halim-bawa, maaari nilang pag- usapan ang tungkol sa mga kulay na magkakatugma o talakayin kung paano napapaganda ng musika ang iba’t ibang tinig sa isang koro . Paano nakatutulong ang mga banal na tungkulin ng kalalakihan at kababaihan sa isa’t isa? Bilang isang korum o klase, sama- samang basahin ang unang dalawang talata ng bahaging may pamagat na “Pagpapa-sigla at Pagtulong sa Ating Magkatuwang na mga Tungkulin” mula sa mensahe ni Pangu-long Linda K . Burton na “Magkasama Tayong Aangat” (Liahona, Mayo 2015, 30) . O maaari mong anyayahan ang isang mag- asawa na bumi-sita sa inyong korum o klase at ikuwento kung paano sila nagtulungan na gampanan ng bawat

Pa aNo Nak atUtUloNg aNg Mga BaNal Na tUNgkUliN Ng k al al akihaN at k aBaBaihaN Sa iSa’ t iSa?

15

isa ang kanilang mga tungkulin at kung paano sila tinulungan ng Panginoon . Ano ang matu-tutuhan natin, mula sa mensahe ni Pangulong Burton o ng mag- asawa, kung paano sinusupor-tahan ng kalalakihan at kababaihan ang isa’t isa sa mga pamilya?

• Makatutulong ang mga talata sa banal na kasu-latan na nakalista sa “Suportang Resources” sa mga miyembro ng korum o klase na matutu-han ang iba pa tungkol sa mga responsibilidad ng kalalakihan at kababaihan sa mga pamilya . Maaari mong atasan ang bawat miyembro ng korum o klase na basahin ang isa sa mga tala-tang ito . Anyayahan silang ibahagi ang kanilang mga talata at talakayin ang mga responsibilidad na inilarawan . Ano ang itinuturo ng mga tala-tang ito tungkol sa mga responsibilidad ng mga magulang? Paano matutulungan ng mga mag- asawa ang isa’t isa sa pagtupad sa mga banal na responsibilidad na ito? Paano sila matutulungan ng Tagapagligtas na magtagumpay? Paano sila matutulungan ng mga anak?

• Para maipaunawa sa iyong korum o klase kung paano nakatutulong ang kalalakihan at kababa-ihan sa isa’t isa bilang pantay na magkatuwang, isulat ang mga sumusunod na heading sa pisara: Mga Responsibilidad ng Ama at Mga Responsibilidad ng Ina. Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na saliksikin ang ikapitong talata ng “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” at isulat ang nalaman nila sa ilalim ng angkop na heading . Ano ang matututuhan natin tungkol sa mga banal na tungkulin ng mga ama at ina? Ano ang ibig sabihin ng dapat magtulungan ang mga ama at ina “bilang may pantay na pananagutan” sa pagtupad ng mga responsibilidad na ito? Anong mga halimbawa ang maibabahagi natin mula sa ating buhay upang ipakita na tinutupad ng mga ama at ina ang kanilang mga tungkulin

at nagtutulungan bilang pantay na magkatu-wang? Maaari mo ring talakayin ang mga paraan na makapaghahanda ngayon ang mga kabataan para sa mga tungkuling ito sa hinaharap .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Mga Kawikaan 22:6; Doktrina at mga Tipan

68:25–28; 121:41–43 (Mga responsibilidad ng mga magulang)

• Mga Taga Efeso 5:25; Moises 3:21–24; 5:1–12 (Nagtutulungan ang mga mag- asawa bilang pan-tay na magkatuwang)

• Jean B . Bingham, “Nagkakaisa sa Pagsasakatupa-ran ng Gawain ng Diyos,” Liahona, Mayo 2020, 60–63

• “The Women in Our Lives,” “Let Us Be Men” (mga video), ChurchofJesusChrist .org

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinihanda ng tagapagligtas ang kanyang mga tinuruan at binigyan sila ng mahahalagang responsibilidad. Paano mo maaaring ihanda ang mga tinuturuan mo na magtulungan bilang mga anak ng diyos? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 27–28.)

16

MARSO 28

Bakit Kailangan Ko ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo?DOKTRINA AT MGA TIPAN 29

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyem-bro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung- tulungan na makamit?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebang-helyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

• Ang ating buhay. Paano natin nakita ang implu-wensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay- inspirasyon sa ating pag- aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Si C

risto

sa G

etse

man

i, ni

hei

nric

h h

ofm

ann

Bakit k ail aNgaN ko aNg PagBaBayad- Sal a Ni JESUCriSto?

17

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliItinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson: “Tulad ng ayaw talagang kumain ng isang tao hangga’t hindi siya gutom, gayundin naman na ayaw niyang maligtas kay Cristo hangga’t hindi niya alam na kailangan niya si Cristo . Walang sinumang naka-aalam nang sapat at wasto kung bakit niya kaila-ngan si Cristo hangga’t hindi niya nauunawaan at tinatanggap ang doktrina ng Pagkahulog at ang epekto nito sa buong sangkatauhan” (“The Book of Mormon and the Doctrine and Covenants,” Ensign, Mayo 1987, 85) . Sa pag- aaral mo ng Doktrina at mga Tipan 29 sa linggong ito, maaaring napansin mo ang paglalarawan ng Tagapagligtas sa Pagkahu-log at kung paano tayo tinubos mula rito . Paano ka nagkaroon ng patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang papel bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos? Pag- isipan kung paano sila babaguhin ng pagpa-palakas ng patotoo ng mga miyembro ng korum o klase tungkol sa Kanya . Habang naghahanda ka, isiping pag- aralan ang “Karapatang Pumili at ang Pagkahulog nina Adan at Eva” at “Ang Pagbabayad- sala” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2004], 54, 56–57) .

dahil tinubos tayo ng tagapagligtas mula sa Pagkahulog, makasusumpong tayo ng kagalakan.

Magkakasamang MatutoPara mapasimulan ang talakayan ngayon, maaari mong anyayahan ang mga tinuturuan mo na isulat sa pisara ang anumang alam nila tungkol sa Pag-kahulog nina Eva at Adan . Halimbawa, ano ang matututuhan nila tungkol sa Pagkahulog mula sa Doktrina at mga Tipan 29:36–50? Anong katibayan ng Pagkahulog ang nakikita natin sa ating pali-gid? Ang mga aktibidad sa ibaba ay makatutulong sa iyong korum o klase na tuklasin kung paano nakatutulong ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo na madaig natin ang mga epekto ng Pagkahulog .

• Para mas maunawaan ang Pagkahulog nina Eva at Adan, maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang “Pagkahulog” sa Tapat sa Pananampalataya (137–41) o ang “Kalayaang Pumili at ang Pagkahulog nina Adan at Eva” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (54) . Anyayahan silang isipin na kunwari ay tinanong sila ng isang kaibigan ng, “Bakit kailangan ko si Jesucristo?” Anyayahan silang turuan ang isa’t isa nang magkakapares kung paano nila sasagutin ang tanong na iyon batay sa natutuhan nila mula sa kanilang pagbabasa .

• Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng korum o klase na malaman mula sa mga banal na kasulatan kung bakit nila kailangan ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo? Ang isang paraan ay isulat sa pisara ang ilan sa mga reperensya sa banal na kasulatan mula sa “Suportang Resources” at pagkatapos ay isulat ang mga buod na mga pangungusap para sa mga reperensyang iyon sa mga piraso ng papel . Bigyan ang bawat miyembro ng korum o klase ng isa sa mga piraso ng papel . Anyayahan silang basahin ang mga reperensya sa banal na kasulatan na nakasulat sa pisara at hanapin ang isang tutugma sa kanilang pangungu-sap . (Ang ilan sa mga pangungusap ay tumutukoy sa mahigit sa isang talata .) Anyayahan ang bawat miyembro ng korum o klase na basahin nang mala-kas ang talatang tugma sa kanilang pangungusap at ibahagi ang natutuhan nila kung bakit kailangan natin ang Pagbabayad- sala ng Tagapagligtas .

Marso 28

18

• Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na lihim nilang sagutin ang mga tanong na gaya ng mga sumusunod: Paano ako napagpapala sa pamamagitan ng Pagbabayad- sala ni Jesucristo? Ano ang nanaisin ng Tagapagligtas na baguhin ko para mas lubos kong maranasan ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad- sala? Pag-katapos ay sabihin sa kanila na sama- samang tala-kayin ang unang tanong . Maaari nilang rebyuhin ang “Ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo” at “Ang Pagbabayad- sala” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (54, 56–57) . Anyayahan silang ibahagi ang nalaman nila .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Doktrina at mga Tipan 19:16–19 (Pinagbayaran

ni Jesucristo ang ating mga kasalanan upang hindi na tayo magdusa kung tayo ay magsisisi)

• 2 Nephi 9:6–16; Alma 42:6–9 (Inililigtas tayo ni Jesucristo mula sa kamatayan at impiyerno)

• 2 Nephi 2:5–10; Helaman 14:15–17 (Sa pama-magitan lamang ni Jesucristo tayo makababalik sa Diyos)

• Mosias 3:7; Alma 7:11–13 (Dahil inako ni Jesucristo ang ating mga paghihirap at kasala-nan, alam Niya kung paano tayo tutulungan)

• Moises 5:10–12 (Dahil tinubos tayo ng Tagapag-ligtas mula sa Pagkahulog, makasusumpong tayo ng kagalakan)

• Walter F . González, “Ang Haplos ng Tagapaglig-tas,” Liahona, Nob . 2019, 90–92

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasipinagdasal ng tagapagligtas ang kanyang mga disipulo at patuloy silang pinaglingkuran. Naka-hanap Siya ng mga pagkakataong makasama sila at ipadama ang kanyang pagmamahal. ano ang mga pagkakataon mong magawa rin ito sa mga tinuturuan mo? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 6.)

19

ABRIL 11

Paano Ko Maaanyayahan ang Lahat na Lumapit kay Cristo?DOKTRINA AT MGA TIPAN 30–36

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos, bilang karagdagan sa pagpapayuhan tungkol sa mga bagay na parti-kular na may kinalaman sa korum o klase, maaari mong talakayin ang mga impresyon at tema mula sa pangkalahatang kumperensya . Maaaring makatu-long ang sumusunod na mga tanong .

• Anong mga tema o mensahe ang nakaagaw ng ating pansin?

• Ano ang nahikayat tayong gawin dahil sa ating natutuhan o nadama?

• Ano ang kailangan nating gawin bilang isang korum o klase upang kumilos ayon sa payong narinig natin sa pangkalahatang kumperensya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

abril 11

20

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliIlang buwan lang matapos maorganisa ang ipi-nanumbalik na Simbahan noong Abril 6, 1830, sa Fayette, New York, nagsimulang tumawag ng mga missionary ang Panginoon upang tipunin ang “hini-rang mula sa apat na sulok ng mundo” (Doktrina at mga Tipan 33:6) . Ang nagsimula bilang mga pagsi-sikap ng iilang bagong binyag sa isang limitadong lugar ay naging isang hukbo ng mga missionary na nagpapahayag ng ebanghelyo sa buong mundo . Ngunit ang gawaing misyonero ay hindi limitado sa mga naglilingkod sa mga full- time mission . Nais ng Panginoon na anyayahan ng bawat isa sa atin ang mga nasa paligid natin na lumapit sa Kanya .

Sa pag- anyaya sa ating mga kaibigan na dumalo sa mga miting o aktibidad ng Simbahan, tinutulungan natin silang matuto tungkol kay Cristo.

Ano ang mga naranasan mo sa pag- anyaya sa iba na matuto tungkol sa ebanghelyo ng Tagapaglig-tas? Ano ang magagawa mo upang mahikayat ang mga miyembro ng korum o klase na gampanan ang kanilang tungkulin na magdala ng mga kaluluwa kay Jesucristo? Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyuhin ang “Ano ang Layunin Ko Bilang Misyonero?” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019]

1–18) at ang mensahe ni Elder Dieter F . Uchtdorf na “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Liahona, Mayo 2019, 15–18) .

Magkakasamang MatutoBinabanggit sa Doktrina at mga Tipan 30–36 ang mga pangalan ng ilang tao na tinawag sa misyon noong mga unang araw ng Simbahan . Ilang araw bago ang inyong miting, maaari mong bigyan ang bawat miyembro ng korum o klase ng isa sa mga pangalang ito (tingnan sa mga heading ng mga bahagi 30–36) at anyayahan siyang alamin kung anong payo ang ibinigay ng Panginoon upang matulungan ang taong iyon na ibahagi ang ebang-helyo . Paano natin maiaangkop ang payong iyon sa ating sarili? Ang mga ideya sa ibaba ay mas magbibigay- inspirasyon sa iyong mga tinuturuan na anyayahan ang mga nasa paligid nila na lumapit kay Cristo .

• Nauunawaan ba ng mga tinuturuan mo ang ibig sabihin ng lumapit kay Cristo? Maaari mong hilingin sa kanila na ibahagi ang kanilang iniisip . Kung makatutulong, maaari mong ibahagi ang paliwanag na ito: “Para makalapit sa Tagapag-ligtas kailangan silang magkaroon ng pana-nampalataya sa Kanya tungo sa pagsisisi—na ginagawa ang mga pagbabagong kailangan para maiayon ang kanilang buhay sa Kanyang mga aral” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 2) . Maaari ding basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang mga talata sa banal na kasulatan na may mga pariralang tulad ng “magsiparito sa akin” o “lumapit kay Cristo” upang makatulong sa pagsagot sa tanong na ito—halimbawa, Mateo 11:28–30; Omni 1:26; Moroni 10:32; Doktrina at mga Tipan 20:59 . Bakit gusto nating lumapit ang mga tao kay Cristo? Ano ang ilang simpleng bagay na magagawa natin upang matulungan sila? Maaaring magplano ang mga miyembro ng korum o klase na anyayahan ang isang taong kilala nila na higit na lumapit kay Cristo .

Pa aNo ko Ma a aNyayahaN aNg l ahat Na lUMaPit k ay CriSto?

21

• Ang pag- alam kung paano naibahagi ng iba ang ebanghelyo ay isang magandang paraan para bigyang- inspirasyon ang mga tinuturuan mo . Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang payo at mga halim-bawang matatagpuan sa mensahe ni Sister Cris-tina B . Franco na “Pagkakaroon ng Kagalakan sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo” (Liahona, Nob . 2019, 83–86) . Ano ang matututuhan natin mula sa mga halimbawang ito? Sama- samang talakayin kung ano ang magagawa ng iyong korum o klase para anyayahan ang iba na lumapit kay Cristo .

• Pagdating sa pagbabahagi ng ebanghelyo, sinabi ni Elder Dieter F . Uchtdorf na ang ilan sa atin ay maaaring “hindi .  .  . tiyak kung paano gawin ito . O baka nahihiya tayong gawin ang isang bagay na asiwa para sa atin” (“Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Liahona, Mayo 2019, 16) . Kung ganito ang pakiramdam ng mga miyembro ng korum o klase, maaaring makatu-long sa kanila ang limang simpleng mungkahing ibinigay ni Elder Uchtdorf sa kanyang mensahe . Maaari mong anyayahan ang bawat miyembro ng klase na basahin ang isa sa kanyang mga mung-kahi at ibahagi ang natutuhan nila .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga

personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• I Kay Timoteo 4:12 (Maging halimbawa ng mga

mananampalataya)

• Alma 17:2–4 (Inihanda ng mga anak ni Mosias ang kanilang sarili na ibahagi ang ebanghelyo)

• Doktrina at mga Tipan 42:6–7 (Ipangaral ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu)

• Russell M . Nelson at Wendy Nelson, “Pag- asa ng Israel,” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), suplemento sa New Era at Ensign, HopeofIsrael .ChurchofJesusChrist .org

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinanyayahan ng tagapagligtas ang iba na mag-patotoo tungkol sa mga katotohanan upang maantig ng Espiritu ang kanilang puso. “ano ang sabi ninyo kung sino ako?” tanong Niya. Nang sumagot si Pedro, lumakas ang kanyang patotoo: “ikaw ang Cristo, ang anak ng dios na buhay” (Mateo 16:15–16). Paano maaaring mapalakas ng pagbabahagi ng ebanghelyo ang mga patotoo ng mga miyembro ng korum o klase?

22

ABRIL 25

Paano Ako Magiging Higit na Katulad ni Cristo sa Aking Paglilingkod sa Iba?DOKTRINA AT MGA TIPAN 41–44

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang ating oras sa mga miting ng korum o klase?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilan sa ating mga tungkulin at responsibilidad bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan nang mas mahusay ang mga ito?

• Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matang-gap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Si Je

sus n

a Hi

nuhu

gasa

n an

g m

ga P

aa n

g m

ga A

post

ol, n

i del

Par

son

Pa aNo ako MagigiNg higit Na k atUl ad Ni CriSto Sa akiNg PagliliNgkod Sa iBa?

23

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliNang utusan ng Panginoon ang mga Banal na magtipon sa Kirtland, Ohio, maraming tao ang matapat na nilisan ang kanilang tahanan at nag-lakbay patungo roon . Ngunit ang hakbang na ito ay hindi lamang tungkol sa pamumuhay sa isang bagong lugar—tungkol din iyon sa pamumuhay sa isang bagong paraan . Maaaring napag- aralan na ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 41–44 sa linggong ito at nalaman ang paglipat ng mga Banal sa Kirtland at ang batas na inihayag ng Panginoon sa kanila roon . Bukod pa sa ibang mga bagay, inasahan ng Panginoon na magkakaisa ang mga Banal kapag sila ay nagmaha-lan at naglingkod sa isa’t isa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:30–31, 38–39, 45; 44:6) . Anong mga karanasan ang maaari mong ibahagi na magpapa-dama sa iyong korum o klase ng kahalagahan ng paglilingkod na katulad ni Cristo?

Para matulungan kang maghandang magturo tungkol sa paglilingkod na katulad ni Cristo, maaari mong rebyuhin ang “Paglilingkod” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 32–33) at ang mensahe ni Pangulong Russell M . Nelson na “Ang Ikalawang Dakilang Utos” (Liahona, Nob 2019, 96–100) .

Mapaglilingkuran natin ang iba tulad ng ginawa ng tagapagligtas.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng talakayan tungkol sa paglilingkod na katulad ni Cristo, maaari mong isulat sa pisara ang “Mamuhay nang magkakasama sa pag- ibig” (Doktrina at mga Tipan 42:45) . Anyayahan ang iyong korum o klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 42:30–31, 38–39, 45; 44:6 at ilista ang mga paraan na nais ng Panginoon na paglingkuran ng mga Banal ang isa’t isa . Ano ang mga pagkaka-taon natin, kapwa sa loob at labas ng ating taha-nan, na paglingkuran ang mga taong may pisikal, emosyonal, o espirituwal na pangangailangan? Pumili mula sa mga ideya sa ibaba para mahikayat ang iyong korum o klase na maglingkod sa iba na katulad ni Cristo .

• Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na matuto mula sa halimbawa ng pagli-lingkod ng Tagapagligtas, maaari mong atasan ang bawat tao na magbasa ng isang talata sa banal na kasulatan tungkol sa paglilingkod ng Tagapagligtas sa isang tao (tingnan sa “Supor-tang Resources”) . Bawat tao ay maaaring ibuod ang talata sa banal na kasulatan at ipaliwanag kung ano ang ginawa ng Tagapagligtas para paglingkuran ang iba . Ano ang itinuturo ng mga halimbawang ito tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng maglingkod na katulad ng ginawa ng Tagapagligtas? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng paglilingkod sa paraan ng Tagapagligtas at ng iba pang mga paraan ng paglilingkod? Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng korum at klase ng mga karanasan kung kailan nagsikap silang maglingkod na katulad ng ginawa ng Tagapaglig-tas o napaglingkuran sila ng ibang tao sa ganito ring paraan .

• Maaaring makatulong sa iyong korum o klase na rebyuhin ang naituro ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta tungkol sa pagliling-kod . Narito ang ilang talata na maaari nilang basahin nang sabay- sabay: Mateo 25:31–46; Lucas 10:25–37; Juan 13:34–35; Santiago 1:27; Mosias 2:17; 18:8–10 . Hikayatin silang isulat ang

abril 25

24

natututuhan nila tungkol sa paglilingkod sa iba at ibahagi ang mga ideya at karanasang nau-ugnay sa natutuhan nila . Pagkatapos ay maaari silang magplano ng mga paraan upang maka-paglingkod na katulad ni Cristo . (Maaari silang makakuha ng mga ideya mula sa panonood ng isa o higit pang video sa “Suportang Resources” o sa pagbisita sa JustServe .org .)

• Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase sa kanilang mga pagsisikap na maglingkod sa iba, isiping sama- samang rebyuhin ang men-sahe ni Pangulong Bonnie H . Cordon na “Pagi-ging Isang Pastol” (Liahona, Nob . 2018, 74–76) . Maaari kang magsimula sa pagpapakita ng ilang larawan ng Tagapagligtas na naglilingkod (nag-pakita ng ilan si Pangulong Cordon nang ibigay niya ang kanyang mensahe) . Ano ang itinuturo ng mga larawang ito kung paano tayo makapag-lilingkod sa mga paraang katulad ni Cristo? Pag-katapos ay isiping anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin nang magkakapares ang isa sa mga bahagi ng mensahe at ibahagi ang natutuhan nila kung paano maglingkod na katu-lad ng Tagapagligtas . Maaari din nilang ibahagi ang kanilang natututuhan tungkol sa pagliling-kod na katulad ni Cristo kapag naglilingkod sila sa iba .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Mateo 14:13–21; Juan 9:1–11; 13:4–5, 12–17;

1 Nephi 11:31; 3 Nephi 17:5–10 (Mga halimbawa ng paglilingkod ni Jesucristo sa iba)

• Joy D . Jones, “Para sa Kanya,” Liahona, Nob . 2018, 50–52

• “If We Forget Ourselves,” “Teachings of Tho-mas S . Monson: Rescuing Those in Need,” “Youth in Action,” “Opportunities to Do Good” (mga video), ChurchofJesusChrist .org

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasSa panahon ng kanyang ministeryo sa lupa, ginugol ni Jesucristo ang kanyang panahon sa paglilingkod at pagtulong sa mga nasa paligid Niya. ganito rin ang ginagawa ng mga tunay na disipulo ni Cristo (tingnan sa Juan 13:35). humanap ng mga pagkakataong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi kung paano nila napaglingkuran ang iba at ano ang nakahikayat sa kanila na maglingkod. (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 4–5.)

25

MAYO 9

Paano Ako Mapagpapala ng Espiritu Santo sa Bawat Araw?DOKTRINA AT MGA TIPAN 46–48

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang nangangaila-ngan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

• Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamaka-ilan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masu-suportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Mayo 9

26

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMaraming naunang mga miyembro ng ipinanum-balik na Simbahan ang nakabasa tungkol sa mga espirituwal na paghahayag ng Espiritu Santo sa mga banal na kasulatan (tingnan sa Mga Gawa 2:1–4; 13:52; I Mga Taga Corinto 12:4–11; 3 Nephi 19) . Dahil pinag- aralan ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 46–48 sa linggong ito, maaaring nalaman na nila na ang Panginoon ay nasabik na turuan ang mga Banal na ito tungkol sa mga pagpapalang maaaring ihatid ng Espiritu Santo sa kanilang buhay . Anong mga karanasan ang nagturo sa iyo kung paano ka pinagpapala ng Espiritu Santo? Paano matutulungan ng Espiritu Santo ang mga tinuturuan mo sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay?

Para matulungan kang maghandang hikayatin ang iyong korum o klase na hangarin ang impluwensya ng Espiritu Santo, maaari mong rebyuhin ang “Mga Tungkulin ng Espiritu Santo” sa Tapat sa Pananam-palataya ([2004], 26–27) at ang mensahe ni Elder Gary E . Stevenson na “Paano Kayo Tinutulungan ng Espiritu Santo?” (Liahona, Mayo 2017, 117–20) .

Maipauunawa at maituturo sa atin ng Espiritu Santo ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

Magkakasamang MatutoAng mga banal na kasulatan ay nagbibigay ng maraming halimbawa ng mga espirituwal na kaloob . Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na magkaroon ng pananam-palataya na makikita ang mga kaloob na ito sa ating buhay ngayon? Maaari kang magsimula sa pag- anyaya sa kanila na isulat sa pisara ang isang espirituwal na kaloob na inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 46:7–33 at talakayin kung paano nila ito nakita sa kanilang buhay o sa buhay ng isang kakilala nila .

Bukod pa sa mga kaloob ng Espiritu, pinagpapala tayo ng Espiritu Santo sa iba pang mga paraan . Maaari mong gamitin ang isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba upang mas maipaunawa ito sa mga miyembro ng korum o klase .

• Kung minsan iniisip natin na kailangan natin ang Espiritu Santo para lamang sa mahahalagang desisyon o pangyayari sa ating buhay . Paano mo matutulungan ang mga tinuturuan mo na mapan-sin kung ano pa ang magagawa ng Espiritu Santo para sa kanila? Maaari mong hatiin ang korum o klase sa maliliit na grupo at hilingin sa bawat grupo na basahin ang isa o mahigit pa sa mga talata sa banal na kasulatan mula sa “Suportang Resources .” Maaaring ibahagi ng isang tao mula sa bawat grupo ang natutuhan nila . Pagkatapos ay anyayahan ang bawat miyembro ng korum o klase na gumawa ng listahan ng mga paraan na mapagpapala ng Espiritu Santo ang kanilang pang- araw- araw na buhay . Habang ibinabahagi nila ang kanilang listahan, maaari nilang pag- usapan kung ano ang magagawa nila para mapa-sakanila ang Espiritu Santo sa bawat araw .

• Ang isa pang paraan upang maipaunawa sa iyong mga tinuturuan kung paano sila matutulungan ng Espiritu Santo ay sa pagsulat ng sumusunod na mga tanong sa pisara: Ano ang alam natin tung-kol sa Espiritu Santo? Paano tayo matutulungan ng Espiritu Santo? Pagkatapos ay maaaring hanapin

Pa aNo ako MaPagPaPal a Ng ESPiritU SaNto Sa Bawat ar aw ?

27

ng mga miyembro ng korum o klase ang mga sagot sa mensahe ni Elder Gary E . Stevenson “Paano Kayo Tinutulungan ng Espiritu Santo?” (Liahona, Nob . 2017, 117–20) . Maaari din nilang mahanap ang mga sagot sa pagrebyu sa “Mga Tungkulin ng Espiritu Santo” sa Tapat sa Pana-nampalataya (mga pahina 26–27) . Kung angkop, magbahagi ng naging mga karanasan mo sa Espiritu Santo, at anyayahan ang mga kabataan na magbahagi ng naging mga karanasan nila .

• Maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang “Personal na Paghahayag” o “Matu-tuhang Makilala ang mga Panghihikayat ng Espiritu” sa kabanata 4 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 90–100, 107–8) . Pagkatapos ay maaari silang magkunwaring mga missionary na nagtuturo sa isang tao na hindi pa nakarinig kung paano mapagpapala ng Espiritu Santo ang ating buhay . Ano ang sasabihin nila sa kanila?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Juan 14:16–27 (Ang Mang- aaliw ay maaari tayong

turuan at ipaalala sa atin ang lahat ng bagay)

• Juan 15:26; Doktrina at mga Tipan 42:17; Moises 1:24 (Ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo sa Ama at sa Anak)

• Mga Taga Roma 8:16 (Ang Espiritu ay nagpapa-totoo na tayo ay mga anak ng Diyos)

• 2 Nephi 32:5; Doktrina at mga Tipan 18:18 ( Ipakikita sa atin ng Espiritu Santo kung ano ang dapat nating gawin)

• 3 Nephi 27:20 (Pinababanal tayo ng Espiri-tu Santo)

• Moroni 8:26 (Pinupuspos tayo ng Espiritu Santo ng pag- asa at pagmamahal)

• Moroni 10:5 (Itinuturo sa atin ng Espiritu Santo ang katotohanan)

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasang tagapagligtas ay nagbahagi ng mga sim-pleng kuwento, talinghaga, at halimbawa sa tunay na buhay upang magturo sa isang paraan na magiging makatuturan sa kanyang mga disipulo. anong personal na mga karanasan ang maibabahagi mo sa mga kabataan para maunawaan nila ang mga tungkulin ng Espiritu Santo at madama ang pagnanais na hangaring maranasan ang mga iyon? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 22.)

28

MAYO 23

Paano Ko Matatanggap ang Kaloob na Espiritu Santo?DOKTRINA AT MGA TIPAN 51–57

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyem-bro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung- tulungan na makamit?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebang-helyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

• Ang ating buhay. Paano natin nakita ang implu-wensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay- inspirasyon sa ating pag- aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Pa aNo ko MatataNggaP aNg k alooB Na ESPiritU SaNto?

29

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMatapos tayong binyagan, ipinapatong ng mga mayhawak ng priesthood ang kanilang mga kamay sa ating ulunan upang igawad ang kaloob na Espi-ritu Santo . Maaaring napaalalahanan na ang mga miyembro ng korum o klase nang pag- aralan nila ang Doktrina at mga Tipan 51–57 sa linggong ito . Gayunman, higit pa rito ang kailangan sa pagtang-gap ng Espiritu Santo . Para matanggap ang Espiritu Santo bilang ating kasama sa tuwina, kailangan nating hangarin ang Kanyang presensya, anyayahan Siya sa ating buhay, at matapat na sundin ang mga kautusan . Anong mga pagpapala ang darating sa buhay ng mga tinuturuan mo kapag hinahangad nila ang Kanyang impluwensya?

Para matulungan kang maghandang magturo, maaari mong rebyuhin ang “Ang Kaloob na Espiritu Santo” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 27–29) o ang mensahe ni Pangulong Henry B . Eyring na “Mapasainyo ang Kanyang Espiritu” (Liahona, Mayo 2018, 86–89) .

Para matanggap ang patnubay ng Espiritu Santo, dapat nating hangarin ang kanyang impluwensya araw- araw.

Magkakasamang MatutoPara mas maipaunawa sa mga miyembro ng korum o klase ang kaloob na Espiritu Santo, maaari kang magsimula sa pagbanggit kung paano iginagawad ang kaloob na Espiritu Santo . Maaari nilang basa-hin ang Doktrina at mga Tipan 52:10; 53:3; 55:1–3 at talakayin ang natutuhan nila . Bigyang- diin na ang mayhawak ng priesthood ay hindi nagkakaloob ng Espiritu Santo kundi nag- aanyaya sa mga miyem-bro na tanggapin ang Espiritu Santo . Ano ang pagkakaiba? Ang mga aktibidad sa ibaba ay mas magpapaunawa sa mga tinuturuan mo kung paano matatanggap ang pambihirang kaloob na ito .

• Ang ginawa ni Lehi at ng kanyang pamilya para magabayan ng Liahona ay katulad ng kailangan nating gawin para matanggap ang pumapatnu-bay na impluwensya ng Espiritu Santo . Maaari mong ipakita ang isang larawan ni Lehi at ng Liahona (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg . 68) at hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang alam nila tungkol sa Liahona . Pagkatapos, maaari mong anyayahan ang kalahati sa kanila na basahin ang 1 Nephi 16:14–29 at ipabasa sa natitirang kalahati ang 1 Nephi 18:8–22, na naghahanap ng mga paraan kung paano katulad ng Liahona ang Espiritu Santo . Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ng pamilya ni Lehi na makatutulong sa atin na mas lubos na matanggap ang Espiri-tu Santo?

• Ang bawat bahagi ng Para sa Lakas ng mga Kabataan ay naglalaman ng payo tungkol sa pamumuhay ayon sa mga pamantayan at utos ng Panginoon . Ang pagsunod sa mga kautusang ito ay nag- aanyaya sa kapangyarihan ng Espiri-tu Santo sa ating buhay . Isiping anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na pumili ang bawat isa ng isa sa mga bahagi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, basahin ito, at markahan ang mga bagay na dapat o hindi nila dapat gawin para matulungan silang matanggap ang Espiri-tu Santo . Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi

Mayo 23

30

ang natutuhan nila sa iba pa sa korum o klase . Anyayahan silang magtakda ng isang mithiin na tutulong sa kanila na mas lubos na matanggap ang Espiritu Santo . Bakit gusto nating mapa-saatin ang Espiritu Santo? (tingnan sa Juan 14:26–27; 15:26; 16:13; 2 Nephi 32:3) .

• Sa kanyang mensaheng “Mapasainyo ang Kan-yang Espiritu” (Liahona, Mayo 2018, 86–89 .), sabi ni Pangulong Henry B . Eyring, “Umaasa ako ngayon na madagdagan ang inyong hangarin at inyong kakayahan na matanggap ang Espiritu Santo” (pahina 86) . Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na basahin ang siyam na talata sa kanyang mensahe na nagsisimula sa “Ang mga karanasan ni Propetang Joseph Smith” (pahi-na 87) . Anyayahan silang tuklasin ang ginawa ni Joseph Smith para matanggap ang impluwensya ng Espiritu Santo . Maaari nilang ilista sa pisara ang natuklasan nila . Kung angkop, maaari mo silang anyayahang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng patnubay mula sa Espiritu Santo . Ano ang ginagawa nila nang maranasan nila ang mga ito na humantong sa pagtanggap ng patnubay mula sa Espiritu Santo? Maaari ka ring magbahagi ng isang karanasan .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Moroni 8:25–26; Doktrina at mga Tipan

20:77, 79; 121:45–46 (Paano matatanggap ang Espiritu Santo)

• David A . Bednar, “Tanggapin ang Espiritu Santo,” Liahona, Nob . 2010, 94–97

• Douglas D . Holmes, “Ang Kaloob na Espiritu Santo” (Pamaskong Debosyonal ng Unang Panguluhan, Dis . 4, 2016), broadcasts .ChurchofJesusChrist .org

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasBilang paghahanda para sa kanyang ministeryo sa lupa, ang tagapagligtas ay “inakay ng Espiritu tungo sa ilang” upang mag- ayuno, manalangin, at “makasama ang diyos” (Pagsasalin ni Joseph smith, Mateo 4:1 [sa Mateo 4:1, footnote b]). ang mabisang pagtuturo ng ebanghelyo ay hindi lang paghahanda ng isang lesson kundi pagha-handa rin sa ating sarili. (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 12.)

31

HUNYO 13

Paano Ko Mapaglalabanan ang Pornograpiya?DOKTRINA AT MGA TIPAN 63

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

• Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinagsi-sikapang gawin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Hunyo 13

32

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMaaaring napag- aralan na ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 63 sa linggong ito at nabasa ang babala ng Tagapagligtas sa naunang mga Banal tungkol sa mga panganib ng seksuwal na pagnanasa—isang babala na paulit- ulit Niyang ibinigay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:13–16; Mateo 5:27–28; 3 Nephi 12:27–30) . Bagama’t umangkop na ang mga babalang ito sa mga tao sa lahat ng panahon, mas angkop ang mga ito sa ating panahon, kung kailan ang pornograpiya ay isang laganap na salot . Anong mga panganib at pamimilit na may kaugnayan sa pornograpiya ang maaaring kinakaharap ng mga miyembro ng iyong korum o klase? Anong mga alituntunin ng ebang-helyo at mga paraan ng pag- iwas ang makatutulong sa kanila na mapanatiling dalisay ang kanilang mga iniisip at pagkilos?

Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyu-hin ang “Libangan at Media” at “Kadalisayan ng Puri” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 11–13, 35–37) at Puspusin ng Kabanalan ang Iyong mga Iniisip (buklet, 2006) .

Maaaring mapalakas ng mga miyembro ng korum at klase ang isa’t isa sa paglaban sa pornograpiya.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng isang talakayan tungkol sa pornograpiya, maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang Dok-trina at mga Tipan 63:13–16 at talakayin ang mga kabatiran mula sa mga talatang ito na magpapauna-wa sa kanila kung bakit lubhang nakapipinsala ang pornograpiya . Para maipaunawa sa mga miyembro ng iyong korum o klase kung paano labanan ang pornograpiya, gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad . Sa pagtatapos ng inyong talakayan, maaari kang mahikayat na talaka-yin kung paano matutulungan ng bishop ang mga nasangkot na sa pornograpiya (tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, 12, 37) .

• Ang mga miyembro ng inyong korum o klase ay maaaring may mga tanong tungkol sa pag-laban sa pornograpiya . Upang tulungan silang mahanap ang mga sagot, maaari mong isulat ang sumusunod na mga tanong sa pisara: Ano ang pornograpiya? Bakit ito nakapipinsala? Paano tayo makalalayo sa tukso ng pornograpiya? Upang matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na makita ang mga sagot sa unang dala-wang tanong, sabihin sa kanila na rebyuhin ang “Pornograpiya” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 198–199) at “Libangan at Media” at “Kadalisayan ng Puri” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (mga pahina 11–13, 35–37) . Upang tulungan silang mahanap ang mga sagot sa ikatlong tanong, sabihin sa kanila na rebyuhin ang Genesis 39:1–12; Mga Taga Roma 12:21; II kay Timoteo 2:22; Alma 39:3–9; Moroni 10:30; Doktrina at mga Tipan 27:15–18; 121:45–46 . Anyayahan silang ibahagi ang makikita nilang mga sagot .

• Upang matulungan ang iyong korum o klase na matuklasan ang mga paraan ng paglaban sa por-nograpiya, maaari mong iparebyu sa kanila ang mensahe ni Elder Jeffrey R . Holland na “Huwag Nang Magbigay- puwang sa Kaaway ng Aking Kaluluwa” (Liahona, Mayo 2010, 44–46) at ang

Pa aNo ko MaPagl al aBaNaN aNg PorNogr aPiya?

33

mensahe ni Sister Linda S . Reeves na “Proteksyon Laban sa Pornograpiya—Tahanang Nakatuon kay Cristo” (Liahona, Mayo 2014, 15–17) . Kunwari ay kausap nila ang kanilang magiging anak na lalaki o babae tungkol sa kung bakit nakapipinsala ang pornograpiya at kung paano ito maiiwasan . Anong impormasyon ang ibabahagi nila mula sa mensahe sa kumperensya na nirebyu nila? Sabi-hin sa kanila na maghanap ng kapares at ibahagi ang mga sagot na natagpuan nila . Sabihin sa kanila na isulat kung ano ang gagawin nila upang maiwasan ang pornograpiya .

• Anyayahan ang mga tinuturuan mo na basahin ang I mga Taga Corinto 10:13 at Alma 13:28 . Sabihin sa kanila kung paano sa palagay nila nau-ugnay ang mga banal na kasulatang ito sa mga hamon sa atin ngayon sa paglaban sa pornogra-piya . Maaari mo rin silang anyayahan na isipin na kunwari ay may kaibigan sila na nahihirapan sa pornograpiya at gustong magsisi . Ano ang nakita nila sa mga banal na kasulatan na tutu-long sa kanilang kaibigan sa ilalim ng “Supor-tang Resources” at sa mga pahina 1–4 ng buklet na Puspusin ng Kabanalan ang Iyong mga Iniisip? Ano ang magpapaunawa sa kanilang kaibigan na matutulungan siya ng bishop? (tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, 12, 37) .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Isaias 1:18; Mosias 4:2; Doktrina at mga Tipan

58:42–43 (Maaari tayong mapatawad kung tayo ay magsisisi)

• 1 Nephi 17:3; Mosias 24:14–15; Alma 26:12 ( Palalakasin tayo ng Diyos sa ating mga pagsisi-kap na sundin ang mga kautusan)

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtashabang nagtuturo ka na katulad ng tagapaglig-tas, magbibigay ng puwang ang mga miyembro ng korum o klase sa puso nila upang ang binhi ng ebanghelyo ay maitanim, tumubo, at lumago. ano ang magagawa mo para tulungan silang gamitin ang mga banal na kasulatan upang maunawaan ang bisa at ganda ng mabuting pamumuhay?

34

HUNYO 27

Paano Ako Makapaghahanda Ngayon na Magtatag ng Isang Tahanang Nakasentro kay Cristo?DOKTRINA AT MGA TIPAN 67–70

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang ating oras sa mga miting ng korum o klase?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilang tungkulin at responsibilidad natin bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan nang mas mahusay ang mga ito?

• Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matang-gap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Ang

Pang

inoo

ng Je

sucr

isto,

ni d

el P

arso

n.

Pa aNo ako Mak aPaghahaNda NgayoN Na Magtatag Ng iSaNg tahaNaNg Nak a SENtro k ay CriSto?

35

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliKabilang sa Doktrina at mga Tipan 68 ang payo sa mga magulang na tila hindi kaagad nauugnay sa mga miyembro ng korum o klase (tingnan sa mga talata 25–28) . Gayunman, dahil maaaring mag-karoon ng mabisang impluwensya ang mga ito sa kanilang pamilya sa kasalukuyan at sa hinaharap, makatutulong sa kanila ang payong ito ngayon . Ang pinakamainam na paraan para makapaghanda silang magkaroon ng isang tahanang nakasentro kay Cristo sa hinaharap ay “magsilakad nang matwid sa harapan ng Panginoon” ngayon (talata 28) .

Anong mga pagpapala na ang dumating sa iyong pamilya dahil nasunod mo ang mga turo ng Taga-pagligtas? Paano matutulungan ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang pamilya na mag-tatag ng isang tahanang nakasentro kay Cristo? Para makapaghandang magturo, maaari mong rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Henry B . Eyring na “Isang Tahanan Kung Saan Nananahan ang Espiritu ng Panginoon” (Liahona, Mayo 2019, 22–25) at “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist .org) .

Madarama natin ang higit na pagmamahalan sa ating pamilya kapag nakasentro ang ating tahanan kay Cristo.

Magkakasamang MatutoPara maipakita sa mga miyembro ng iyong korum o klase kung paano naaangkop ang Doktrina at mga Tipan 68:25–28 sa kanila, maaari mong hilingin sa kanila na sumulat ng maikling deskripsyon ng buhay- pamilyang gusto nila sa hinaharap . Maaari mong hilingin sa kanila na ibahagi ang kanilang isi-nulat kung gusto nila . Pagkatapos ay maaari nilang basahin ang Doktrina at mga Tipan 68:25–28 at hanapin ang mga turo at alituntunin ng ebanghelyo na makatutulong sa kanila na magbuo ng matwid na mga pamilya ngayon at sa hinaharap . Ang mga aktibidad sa ibaba ay magpapaunawa sa kanila kung paano gawing sentro ng kanilang pamilya si Cristo .

• Ang ikapitong talata ng “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay naglalaman ng mga katotohanan na makatutulong sa mga miyembro ng korum o klase na isentro ang kanilang taha-nan sa Tagapagligtas . Anyayahan silang basahin ang talatang ito at tukuyin ang mga turo at alituntunin na tutulong sa isang pamilya na lumi-gaya . Maaari mong isulat ang mga ito sa pisara at hilingin sa mga tinuturuan mo na talakayin kung bakit makatutulong ang bawat isa na lumigaya ang isang pamilya . Maaaring gustong ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase kung paano nila nakitang ipinamuhay ang mga turo at alituntu-ning ito sa pamilya nila o ng iba . Hikayatin silang pagnilayan kung paano nila maipamumuhay ang kahit isa lang sa mga alituntuning ito ngayon . Muling tiyakin sa kanila na maaari nilang gawing sentro ng kanilang buhay si Jesucristo, anuman ang sitwasyon ng kanilang pamilya .

• Maaaring talakayin ng mga miyembro ng korum o klase ang mga bagay na nagpapanatili sa Tagapagligtas na sentro ng ating tahanan at ang mga bagay na humahadlang sa Kanya na maging sentro ng ating tahanan . Maaari mong hilingin sa mga indibiduwal o sa maliliit na grupo na rebyu-hin ang isa sa mga bahagi ng mensahe ni Pangu-long Henry B . Eyring na “Isang Tahanan Kung Saan Nananahan ang Espiritu ng Panginoon”

Hunyo 27

36

(Liahona, Mayo 2019, 22–25) upang mahanap ang mga alituntuning makatutulong na mas maisen-tro ang ating tahanan kay Cristo . Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang natutuhan at pumili ng isang bagay na gagawin nila sa susunod na linggo upang mas maituon ang kanilang tahanan kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo .

• Marahil ay maaari mong hilingin sa isa o mahigit pang miyembro ng korum o klase na kantahin o basahin ang isang awitin tungkol sa tahanan at pamilya, tulad ng “Tahana’y Isang Langit” (Mga Himno, blg . 186) o “Dito ay May Pag- ibig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 102) . Maaaring pakinggan ng iba kung ano ang itinuturo ng awitin tungkol sa pagiging masayang lugar ng tahanan . Anyaya-han silang magbahagi ng karanasan kung kailan naging masaya sila dahil pinakitaan sila ng pag-mamahal o nang tumulong sila na maragdagan ang pagmamahalan sa kanilang tahanan .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Mosias 4:14–16; Doktrina at mga Tipan 88:119;

121:41–46 (Paano magtatag ng isang matwid na tahanan)

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasipinakita ng tagapagligtas ang kanyang pagma-mahal sa iba sa pamamagitan ng paglilingkod. ang mga tao ay nagbalik- loob at nagbago ang buhay sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa. Paano mo matutularan ang katangiang ito bilang isang lider? Paano mo matutulungan ang mga kabataan na hangaring sundan ang halimbawa ng tagapagligtas sa paglilingkod sa sarili nilang pamilya?

37

HULYO 11

Paano Naaapektuhan ng Pagkaalam tungkol sa Plano ng Kaligtasan ang Aking Buhay?DOKTRINA AT MGA TIPAN 76

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang nangangaila-ngan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

• Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamaka-ilan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masu-suportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Hulyo 11

38

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliAng ating Ama sa Langit ay naglaan ng isang plano na magtutulot sa atin na makatanggap ng walang- hanggang mga pagpapala at maging katulad Niya . Nais niyang malaman ng lahat ng Kanyang anak ang tungkol sa planong iyan, kaya inihayag Niya ito sa mga propeta sa lahat ng panahon . Nang pag- aralan ng mga miyembro ng korum o klase ang Doktrina at mga Tipan 76 sa linggong ito, natutuhan nila kung ano ang inihayag ng Diyos kina Joseph Smith at Sidney Rigdon tungkol sa Kanyang plano, kabilang na ang mahalagang papel ng Tagapagligtas sa plano at ang kaluwalhatiang matatanggap natin sa buhay na darating . Kung tayo ay matapat, maaari tayong maging sakdal sa pama-magitan ng Pagbabayad- sala ni Jesucristo, tumang-gap ng ganap na kagalakan, at mamuhay sa piling ng Diyos magpakailanman .

Paano naimpluwensyahan ng pagkaalam tungkol sa plano ng Ama sa Langit ang iyong pananaw sa buhay? Paano mo maipauunawa sa iyong korum o klase na malaking pagpapala ang malaman ang tungkol sa plano ng kaligtasan? Para maka-paghandang magturo, maaari mong basahin ang “Plano ng Kaligtasan” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 195–198 .) o ang mensahe ni Elder Dieter F . Uchtdorf na “Ang Inyong Malaking Pakikipagsapa-laran” (Liahona, Nob . 2019, 86–90) .

ang pagkatuto tungkol sa plano ng kaligtasan ay nagbibigay ng direksyon at layunin sa ating buhay.

Magkakasamang MatutoAng isang paraan para makapagsimula ng isang talakayan sa iyong korum o klase tungkol sa plano ng kaligtasan ay anyayahan ang isang tao na isulat sa pisara ang sumusunod na mga heading, pati na ang mga talata mula sa Doktrina at mga Tipan 76: Buhay Bago Tayo Isinilang (mga talata 22–27), Buhay na Ito (mga talata 40–43), at Kabilang- Buhay (mga talata 50–53, 59–62). Bigyan ng ilang minuto ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang mga talatang ito para malaman ang papel ng Taga-pagligtas sa pagsasakatuparan ng plano ng Ama sa Langit . Hilingin sa kanila na isulat sa ilalim ng bawat heading ang nalaman nila . Ang mga aktibi-dad sa ibaba ay mas magpapaunawa sa kanila kung paano pinagpapala ng plano ng Ama sa Langit ang kanilang buhay .

• Ang pagrebyu sa ilan sa mga tawag sa plano ng Ama sa Langit ay maaaring mas maipaunawa ang plano sa mga miyembro ng korum o klase . Maa-ari nilang rebyuhin ang mga talata sa banal na kasulatan sa unang bullet sa ilalim ng “Suportang Resources” at gumawa ng listahan ng ilan sa mga tawag sa plano ng Diyos . Ano ang itinuturo ng mga katawagang ito tungkol sa plano? Halimba-wa, paano nagdudulot sa atin ng kaligayahan ang planong ito, ngayon at magpasawalang- hanggan? Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa papel ng Tagapagligtas sa plano?

Pa aNo Na a aPEk tUhaN Ng Pagk a al aM tUNgkol Sa Pl aNo Ng k aligta SaN aNg akiNg BUhay ?

39

• Isiping anyayahan ang mga tinuturuan mo na talakayin kung paano nila maaaring sagutin ang isang kaibigang nagtanong ng sumusunod na mga bagay tungkol sa plano ng kaligtasan: Saan tayo nanggaling? Bakit tayo narito? Saan tayo pupunta pagkamatay natin? Anyayahan silang gamitin ang impormasyon sa ilalim ng “Plano ng Kaligtasan” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 195–198) at ang resources sa ilalim ng “Suportang Resources” sa paghahanda ng isang sagot sa isa sa mga tanong . Paano tayo napata-tag ng pagkaalam sa mga sagot sa mga tanong na ito?

• Natututuhan nang mas malalim ng mga miyem-bro ng korum o klase ang mga katotohanan ng ebanghelyo kapag binibigyan sila ng mga pagkakataong magturo . Bago magklase, hilingin sa ilang miyembro ng korum o klase na pumasok na handang magbahagi ng maikling buod ng nalalaman nila tungkol sa isang aspeto ng plano ng kaligtasan . Maaari nilang gamitin ang mga buod na matatagpuan sa ilalim ng “Ang plano ng Kaligtasan” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 51–59) . Ano ang kaibhang nagagawa ng pagkaalam tungkol sa plano ng kaligtasan?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• 2 Nephi 11:5; Alma 12:30; 34:9; 41:2; 42:8, 13–15;

Moises 6:59–62 (Mga tawag sa plano ng Ama sa Langit)

• Doktrina at mga Tipan 38:1–3; 138:53–56; Moi-ses 4:1–4; Abraham 3:21–24 (Buhay bago tayo isinilang)

• 2 Nephi 2:19–21, 25; Alma 5:15–16; 34:32; Abra-ham 3:25–26 (Buhay na ito)

• Juan 14:1–2; Alma 11:42–45; Doktrina at mga Tipan 76:39–43, 89–93 . (Kabilang- buhay)

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasang tagapagligtas ay nagbigay ng mga tanong na naging dahilan para mag- isip nang malalim ang mga tinuruan Niya. talagang interesado Siyang marinig ang kanilang mga sagot. Paano mo magagamit ang mga tanong upang tulungan ang mga kabataan na mag- isip nang malalim tungkol sa plano ng diyos? (tingnan sa Pagtutu-ro sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 33–34.)

40

HULYO 25

Bakit Dapat Maging Masunurin Ako sa mga Utos ng Diyos?DOKTRINA AT MGA TIPAN 81–83

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyem-bro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung- tulungang makamit?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebang-helyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

• Ang ating buhay. Paano natin nakita ang implu-wensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay- inspirasyon sa ating pag- aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Bakit daPat MagiNg Ma SUNUriN ako Sa Mga UtoS Ng diyoS?

41

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMaaari nating madama kung minsan na ang mga utos ng Diyos ay hinihigpitan ang ating kalayaan at nililimitahan ang ating kalayaang pumili . Ang totoo ay mas pinatitibay ng mga kautusan ang ating kala-yaan . Nalalaman natin sa Doktrina at mga Tipan 82:8–10 na ipinauunawa sa atin ng mga kautusan ang kalooban ng Diyos, at kapag sinusunod natin ang mga ito, ang ating mga kilos ay “bumabaling [sa atin] para sa [ating] kaligtasan .” Sa katunayan, kapag sinusunod natin ang Diyos, “tiyak” na ibibi-gay Niya sa atin ang lahat ng pagpapalang naipa-ngako Niya (mga talata 9–10) . Paano ka napagpala ng Ama sa Langit nang sundin mo ang Kanyang mga kautusan? Para makapaghandang magturo, maaari mong basahin ang mensahe ni Elder Dale G . Renlund na “Managana sa Pagpapala” (Liahona, Mayo 2019, 70–73) .

ang mga halimbawa ng matatapat na lingkod ng diyos noong araw ay maaaring magbigay- inspirasyon sa atin na mamuhay nang matapat ngayon.

Magkakasamang MatutoAng mga miyembro ng iyong korum o klase ay maaaring nahihirapang sundin ang ilan sa mga kautusan . Ang pagpapaunawa sa kanila kung bakit mahalaga ang pagsunod ay maaaring magbigay- inspirasyon sa kanila . Isulat sa pisara ang pamagat ng outline na ito, at anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng mga sagot . Maa-ari mong hilingin sa kanila na maghanap ng mga karagdagang kabatiran sa Doktrina at mga Tipan 82:8–10, na maaaring napag- aralan nila sa linggong ito . Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba upang mas maipaunawa sa kanila kung bakit laging mahalagang sundin ang Diyos, kahit mahirap itong gawin .

• Maaaring mas madaling sundin ang mga kautu-san kapag nauunawaan natin ang mga dahilan sa likod ng mga ito . Para malaman kung bakit bini-bigyan tayo ng Diyos ng mga kautusan, maaaring rebyuhin ng mga miyembro ng korum o klase ang mga reperensyang talata sa banal na kasu-latan sa “Suportang Resources” (o ang iba pang naiisip mo) . Paano tayo matutulungan ng mga talatang ito kapag nahihirapan tayong sundin ang isang kautusan? Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari ninyong sama- samang basahin ang bahaging may pamagat na “Ikaapat, huwag kali-mutan ‘kung bakit’ may ebanghelyo” sa mensahe ni Pangulong Dieter F . Uchtdorf na “Huwag Mo Akong Kalimutan” (Liahona, Nob . 2011, 122) .

• Kapag nauunawaan ng mga tinuturuan mo ang perpektong halimbawa ng pagsunod ng Tagapag-ligtas, maaari silang mabigyang- inspirasyon na mas lubos na sundin ang Diyos . Kailan sinunod ni Jesucristo ang Kanyang Ama, kahit sa mahi-hirap na sitwasyon? (tingnan sa Mateo 4:1–11; Lucas 22:39–44) . Ang mga halimbawa ng kalala-kihan at kababaihang masunurin ay matatagpuan

Hulyo 25

42

sa Mga Hebreo 11 . Maaari sigurong pumili ang iyong korum o klase ng isa sa mga halimbawang ito—o ng ibang alam nila, pati na sa kanilang pamilya—at ibahagi kung ano ang nagbibigay- inspirasyon sa kanila tungkol sa mga taong ito . Bakit nila piniling sundin ang Panginoon? Paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas kapag pinipi-li nating maging masunurin?

• Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na ituring na mga pagpapala ang mga kautusan at hindi mga pasanin, maaari mong ibahagi ang mga turo ni Elder D . Todd Christofferson na matatagpuan sa “Suportang Resources .” Maaari kang magdispley o magdro-wing ng larawan ng isang hagdan at hilingin sa mga tinuturuan mo na sulatan ang bawat baitang ng isang kautusan na mahirap unawain o sundin ng isang kabataan . Paano makatutulong ang mga salita ni Elder Christofferson sa isang taong nahi-hirapang sumunod sa mga kautusan?

• May ilang video na nagtuturo tungkol sa pagsu-nod na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist .org at sa Gospel Library app (tingnan sa “Suportang Resources”) . Maaari mong atasan ang bawat miyembro ng klase o korum na panoorin ang isa sa mga video na ito bago ang miting at dumating na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa pagsunod . Maaaring magplano ang korum o klase ng sarili nilang video tungkol sa pagsunod sa mga utos ng Diyos . Pagkatapos ay maaari silang bumuo ng isang aktibidad na gumawa ng video at ibahagi ito sa social media .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• 1 Nephi 17:3; Mosias 2:41; Doktrina at mga

Tipan 130:20–21 (Tayo ay pinagpapala sa pagsu-nod sa mga kautusan)

• Deuteronomio 10:12–13; Juan 14:15; I Ni Juan 5:1–3 (Sinusunod natin ang mga kautusan dahil mahal natin ang Diyos)

• Doktrina at mga Tipan 93:20 (Ang pagsunod ay tinutulutan tayong matanggap ang kaganapan ng Diyos)

• “Pagsunod,” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (2019), 80

• Itinuro ni Elder D . Todd Christofferson: “May ilan na sakripisyo at mga limitasyon lamang ang nakikita sa pagsunod sa mga kautusan ng bago at walang hanggang tipan, ngunit yaong mga dumaranas nito—na lubos na ibinibigay ang sarili at walang pag- aalangang ipinamumuhay ang mga tipan—ay higit na malaya at tagumpay . Kapag lubos tayong nakauunawa, mas marami pang utos ang hangad natin, hindi ilan lang . Bawat bagong batas o kautusang nalalaman at ipinamu-muhay natin ay parang isa pang baitang ng hag-dan na maaakyatan natin paitaas nang paitaas . Tunay, ngang ang pamumuhay ng ebanghelyo ay mabuting pamumuhay” (“Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” Liahona, Mayo 2009, 23) .

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinanyayahan ng tagapagligtas ang kanyang mga disipulo na magpatotoo, at nang gawin nila ito, inantig ng Espiritu ang kanilang puso. habang nagtuturo ka, anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan.

43

AGOSTO 8

Paano Ako Maaaring Makibahagi sa Pagtitipon ng Israel?DOKTRINA AT MGA TIPAN 85–87

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

• Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinag-sisikapang tuparin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala na ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

agosto 8

44

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMay alam siguro ang iyong korum o klase tungkol sa kanilang mga responsibilidad sa paggawa ng gawaing misyonero at sa gawain sa templo at family history . Ngunit kung kakausapin mo sila tungkol sa pagtitipon ng Israel, baka hindi nila alam kung ano ang sinasabi mo . Paano mo maipauunawa sa kanila na ang pagbabahagi ng ebanghelyo, pagsasaliksik ng kanilang family history, at pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo ay bahagi ng mas malaking gawain ng pagtitipon ng Israel bilang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Napag- aralan na siguro ng mga tinuturuan mo ang talinghaga ng trigo at mga agingay sa Doktrina at mga Tipan 86, na nagtuturo tungkol sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw . Habang binabasa mo ang bahaging ito, subukang isipin na ang mga tao sa iyong korum o klase ay mga manggagawa sa mga bukirin ng Panginoon . Paano mo sila matutulu-ngang maranasan ang kagalakang dumarating mula sa pakikibahagi sa dakilang gawaing ito? Para mala-man ang iba pa tungkol sa paksang ito, pag- aralan ang mensahe nina Pangulong Russell M . Nelson at Sister Wendy W . Nelson na “Pag- asa ng Israel” ([pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Liahona, ChurchofJesusChrist .org) .

ang mga kabataang lalaki at kabataang babae ay makatutulong sa pagtipon ng israel sa pamamagitan ng paggawa ng gawain sa templo at family history.

Magkakasamang MatutoMaaari kang magsimula sa pagtatanong sa mga miyembro ng klase ng katulad nito: Ano ang namukod- tangi sa inyo nang basahin ninyo ang Doktrina at mga Tipan 86 sa bahay? Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa gawain ng pagtitipon ng mga anak ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang ginagawa natin upang makibahagi sa gawaing ito? Nasa ibaba ang mga karagdagang ideya para mahikayat ang iyong korum o klase na makibahagi sa pagtitipon ng Israel .

• Itanong sa mga miyembro ng iyong korum o klase kung ano ang naiisip nila kapag naririnig nila ang katagang “pagtitipon ng Israel .” Kung kailangan nila ng tulong, imungkahi na basahin nila ang sumusunod na depinisyon ni Pangulong Russell M . Nelson: “Ang pagtitipon ng Israel ay nangangahulugan na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga anak ng Diyos sa magkabilang panig ng tabing na hindi pa nakagagawa ng mga importanteng tipan sa Diyos o natatanggap ang mahahalagang ordenansa . Bawat anak ng ating Ama sa Langit ay dapat mabigyan ng pagkakataon na piliing sundin si Jesucristo, na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo kasama ang lahat ng pagpa-pala nito” (“Pag- asa ng Israel,” 11) . Paano naa-apektuhan ng kahulugang ito ang paraan ng ating pag- iisip tungkol sa mahalagang tungkuling ito?

Pa aNo ako Ma a ariNg MakiBahagi Sa PagtitiPoN Ng iSr aEl?

45

• Para maipakita sa mga miyembro ng korum o klase kung paano naaangkop sa kanila ang talinghaga ng trigo at mga agingay, maaari mong isulat ang mga parirala mula sa Doktrina at mga Tipan 86 sa pisara . Ang mga pariralang ito ay maaaring maglarawan ng mga simbolo sa talinghaga—tulad ng “mga tagapunla ng bin-hi,” “agingay na sinasakal ang trigo,” “dahon ay sumisibol,” at “pagtitipon ng trigo” (mga talata 2–4, 7) . Ang mga pariralang ito ay maa-ari ding maglarawan ng mga interpretasyon ng mga simbolong ito—tulad ng “mga Apostol,” “ang Apostasiya,” “ang Pagpapanumbalik,” at “gawaing misyonero .” Pagkatapos ay maaaring magtulungan ang mga miyembro ng korum o klase na rebyuhin ang bahagi 86 at itugma ang mga simbolo sa kahulugan ng mga ito . (Maaari din nilang basahin ang Mateo 13:36–43 .) Ano ang matututuhan natin mula sa talinghagang ito tungkol sa gawain ng pagtitipon ng Israel? Ano ang magagawa natin upang maging “liwanag” at “tagapagligtas” sa mga anak ng Diyos? (Doktrina at mga Tipan 86:11) .

• Maaaring maalala ng mga miyembro ng korum o klase na sa kanyang mensaheng “Pag- asa ng Israel,” inanyayahan sila ni Pangulong Russell M . Nelson na gumawa ng partikular na mga bagay para maghandang tumulong sa pagtipon ng Israel (tingnan sa mga pahina 14–17) . Itanong sa kanila kung anong mga paanyaya ang naaalala nila, at sama- samang rebyuhin ang mga paan-yaya kung kinakailangan . Paano tayo maaaring gawing mas epektibo ng paggawa ng mga bagay na ito sa pagtitipon ng Israel? Ano ang maga-gawa natin upang paalalahanan ang ating sarili tungkol sa mga paanyayang ito at tulungan ang bawat isa na isakatuparan ang mga ito? Hika-yatin ang mga miyembro ng korum o klase na mag- isip nang malikhain at ibahagi ang kanilang mga ideya .

• Maaaring basahin ng mga miyembro ng korum o klase ang pambungad at unang dalawang bahagi ng mensahe ni Elder Quentin L . Cook na “Daki-lang Pagmamahal sa mga Anak ng Ating Ama” (Liahona, Mayo 2019, 76–79), na inaalam kung bakit napakahalaga ng pagmamahal sa ating gawaing misyonero at mga pagsisikap sa templo at family history . Hilingin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila kung paano makagagawa ng kaibhan ang pagmamahal habang sinisikap nating ibahagi ang ebanghelyo sa mga nasa magkabilang panig ng tabing . Bigyan ng oras ang mga miyembro ng korum o klase na magsu-lat ng isang bagay na gusto nilang gawin dahil sa talakayan natin ngayon . Para matulungan silang makaisip ng mga ideya, maaari mong imungkahi na isipin nila ang mga taong kilala nila . Paano kaya tinutulungan ng Diyos ang mga taong ito? Paano tayo makatutulong?

Suportang Resources• Russell M . Nelson, “Ang Pagtitipon ng Ikinalat

na Israel,” Liahona, Nob . 2006, 79–82

• Church History Topics, “The Gathering of Israel,” ChurchofJesusChrist .org/study/history/topics

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasPinagkatiwalaan ng tagapagligtas ang mga taong sumunod sa kanya. inihanda Niya sila at binigyan sila ng mahahalagang responsibilidad na turuan, basbasan, at paglingkuran ang iba (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 28). anong mga pagkakataon ang maibi-bigay mo sa mga kabataan para maturuan nila ang isa’t isa?

46

AGOSTO 22

Bakit Nais ng Panginoon na Maging Malusog Ako?DOKTRINA AT MGA TIPAN 89–92

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang ating oras sa mga miting ng korum o klase?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilang tungkulin at responsibilidad natin bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan nang mas mahusay ang mga ito?

• Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matang-gap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Bakit NaiS Ng PaNgiNooN Na MagiNg MalUSog ako?

47

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMadali para sa ilang tao na isipin na ang Word of Wisdom, na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 89, ay isang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin . May ilan ngang ganoon sa Word of Wisdom, ngunit naglalaman din ito ng mga alitun-tunin para mapanatiling malusog ang ating kata-wan . Itinuturo din nito na ang paraan ng pagtrato natin sa ating katawan ay nakaiimpluwensya sa kalusugan ng ating isipan, damdamin, at espiritu . Anong mga pagpapala ang natanggap mo nang sikapin mong mamuhay nang malusog?

Maaaring napag- aralan na ng mga miyembro ng iyong korum o klase ang Word of Wisdom nang basahin nila ang Doktrina at mga Tipan 89–92 sa linggong ito . Paano mo maipauunawa sa kanila ang pisikal at espirituwal na mga pagpapalang dulot ng pagsunod sa paghahayag na ito? Maaari kang maka-hanap ng makatutulong na mga ideya sa pagrebyu sa artikulo sa Gospel Topics na “Word of Wisdom” (topics .ChurchofJesusChrist .org) o “Kalusugang Pisikal at Emosyonal” sa Para sa Lakas ng mga Kaba-taan ([2011], 25–27) .

ang pangangalaga sa ating pisikal na katawan ay nakaiimpluwensya sa kalusugan ng ating isipan, damdamin, at espiritu.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng talakayan tungkol sa Word of Wisdom, isulat sa pisara ang mga salitang ito: Pisikal, Intelektuwal, Espirituwal, at Sosyal. Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang Doktrina at mga Tipan 89:18–21 at talakayin kung paano maiaangkop ang mga pangako sa mga talatang ito sa mga aspetong ito . Anong mga pagpa-pala ang maaaring dumating mula sa pagsunod sa Word of Wisdom? Paano natin naranasan ang mga pagpapalang ito sa ating buhay?

• Maraming matututuhan ang mga miyembro ng iyong korum o klase mula sa isa’t isa sa paggawa ng isang pinagsama- samang listahan ng mga bagay na ginagawa nila para maging malusog . Hatiin ang mga miyembro ng korum o klase sa mga grupo, at atasan ang bawat grupo na basahin ang isa o mahigit pa sa mga sipi sa banal na kasulatan sa unang bullet sa ilalim ng “Suportang Resources,” na naghahanap ng mga katotohanan tungkol sa pisikal na kalusugan . Ipabahagi sa bawat grupo ang natutuhan nila at ilista sa pisara ang kanilang mga ideya . Paano tayo tutugon sa mga tanong na tulad ng sumu-sunod: Bakit tayo binibigyan ng Diyos ng mga batas hinggil sa pisikal na kalusugan? Bakit natin sinusunod ang mga ito?

• Maaaring tanungin ang mga miyembro ng inyong korum o klase kung bakit hindi sila umiinom ng alak, naninigarilyo, o nagdodroga . Paano nila sinasagot ang mga tanong na ito? Maaari nilang saliksikin ang “Kalusugang Pisikal at Emosyonal” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (mga pahina 25–27) at hanapin ang payo at ipina-ngakong mga pagpapala na maaari nilang ibaha-gi sa iba . Paano naaapektuhan ng pagtrato natin sa ating katawan ang ating kaugnayan sa Diyos? Paano nagkaroon ng patotoo ang mga miyembro ng korum o klase na ang pagsunod sa Word of Wisdom ay nagpapala sa kanilang buhay?

agosto 22

48

• Ang mga karanasang nagpapakita ng mga pagpa-pala ng pagsunod sa Word of Wisdom ay maka-hihikayat sa mga miyembro ng korum o klase na maging mas tapat sa pagsunod sa batas na ito . Maaari kang magbahagi ng isang karanasan mula sa iyong buhay o ang karanasan na ibinahagi ni Pangulong Thomas S . Monson sa kanyang men-saheng “Mga Alituntunin at Pangako” (Liahona, Nob . 2016, 78–79) . Maaari mong hikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang mga karanasan .

• Para makapagsimula ng isang talakayan kung paano labanan ang mga tuksong labagin ang Word of Wisdom, maaari mong ipakita sa iyong korum o klase ang isang pain sa isda (o isang larawan nito) . Paano nililinlang ng mga pain ang isda? Ang mga sagot sa tanong na ito ay mata-tagpuan sa M . Russell Ballard, “O Yaong Tusong Plano Niyang Masama,” Liahona, Nob . 2010, 108–10) . Paano naging katulad ng ginagawang panlilinlang o panloloko sa atin ni Satanas ang mga pain sa isda? Ano ang mensahe ni Pangu-long Ballard para sa mga nalulong sa adiksyon? Paano natin matutulungang bumaling sa Taga-pagligtas ang isang taong nahihirapang labanan ang tukso? (tingnan sa mga talata sa banal na kasulatan sa pangalawang bullet sa ilalim ng “Suportang Resources”) .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Daniel 1:3–20; I Mga Taga Corinto 6:19–20;

Doktrina at mga Tipan 88:124; 89:5–21 (Mahala-ga sa Panginoon kung paano natin pinangangala-gaan ang ating katawan)

• Mosias 7:33; Alma 13:27–29; Eter 12:27 (Pag- asa para sa mga taong may problema sa adiksyon)

• Isyu ng Agosto 2019 ng Liahona (espesyal na isyu tungkol sa katawan)

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasSa bawat tagpo, ang tagapagligtas ang ating halimbawa at guro. habang naghahanda kang magturo, isipin kung paano nakipag- usap ang Panginoon sa iba at kung paano ka maaaring makipag- usap sa isang paraang nagpapasigla at humihikayat sa mga tinuturuan mo.

49

SETYEMBRE 12

Paano Natin Maaaring Harapin ang Paghihirap nang May Pananampalataya?DOKTRINA AT MGA TIPAN 98–101

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang nangangaila-ngan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

• Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamaka-ilan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masu-suportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

C. C

. a. C

hris

tens

en (1

831–

1912

), Sa

ints

Driv

en fr

om Ja

ckso

n Co

unty

Miss

ouri,

c. 1

878,

tem

pera

sa

mus

lin, 7

7 ¼

 × 1

13 p

ulga

da. b

righa

m y

oung

uni

vers

ity M

useu

m o

f art

, reg

alo

ng m

ga a

po

ni C

. C. a

. Chr

iste

nsen

, 197

0

sEt yEMbrE 12

50

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliAng mga salita ng Diyos sa Doktrina at mga Tipan 98 at 101 ay nagbigay ng kapanatagan sa mga Banal na naharap sa matitinding pagsubok sa Missouri noong 1830s . Bagama’t maaaring naiiba ang ating mga pagsubok kaysa sa mga naunang miyembro ng Simbahan, lahat tayo ay nahaharap sa mga pagsu-bok sa buhay na ito, at ang matapat na pagtugon sa paghihirap ay makatutulong sa atin na espirituwal na lumago at maging mas katulad ni Jesucristo .

Paano nagpalakas sa iyo at nakabuti sa iyong kaug-nayan kay Jesucristo ang pagbaling sa Panginoon sa mga oras ng paghihirap? Anong mga hamon at pagsubok ang nararanasan ng mga miyembro ng iyong korum o klase, at paano mo sila matutulu-ngang makahanap ng lakas sa Tagapagligtas? Para matulungan kang maghanda sa pagtuturo tungkol sa paghihirap, maaari mong rebyuhin ang mensahe ni Elder Neil L . Andersen na “Sugatan” (Liahona, Nob . 2018, 83–86) at “Paghihirap” sa Tapat sa Pana-nampalataya ([2004], 130–34) .

Maaari tayong makahanap ng kapayapaan sa mga oras ng paghihirap sa pamamagitan ng pagbaling sa tagapagligtas.

Magkakasamang MatutoBawat isa sa mga miyembro ng iyong korum o klase ay nahihirapan sa kani- kanyang mga hamon . Sa palagay mo, anong kapanatagan ang mahahanap nila sa Doktrina at mga Tipan 98:1–3? Maaari mong gamitin ang isa o mahigit pa sa mga aktibidad sa ibaba para maipaunawa sa kanila kung paano mag-tiis ng paghihirap nang may pananampalataya sa Panginoon .

• Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng maraming halimbawa ng mga taong buong katapatang nagtiis ng mga pagsubok . Maa-aring matutuhan ng mga miyembro ng korum o klase kung paano buong katapatang magtiis ng paghihirap sa pamamagitan ng pag- aaral ng ilan sa mga halimbawang ito (tingnan ang ilan sa “Suportang Resources”) . Bawat isa sa kanila ay maaaring pumili ng isa sa mga sipi sa banal na kasulatan at ibuod ang karanasan ng taong iyon para sa korum o klase . Anong mga kaalaman ang makukuha natin tungkol sa kung bakit tayo may paghihirap? Ano ang matututuhan natin kung paano matapat na magtiis ng paghihirap? Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na sumulat ng isang pagsubok na nararanasan nila o ng mahal nila sa buhay at pagnilayan kung paano sila makahuhugot ng lakas sa kapangyari-han ng Tagapagligtas para tulungan sila sa mga pagsubok na ito .

• Para malaman ang ilan sa mga sanhi ng paghi-hirap at kung ano ang matututuhan natin mula sa ating mga pagsubok, maaari ninyong sama- samang basahin ang unang dalawang talata sa ila-lim ng “Paghihirap” sa Tapat sa Pananampalataya (pahina 130–34) . Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang natutu-han . Pagkatapos ay maaaring rebyuhin ng bawat isa ang isa sa natitirang tatlong bahagi sa ilalim ng “Paghihirap” at maghandang ituro sa iba ang natututuhan nila, pati na kung paano tayo

Pa aNo NatiN Ma a ariNg har aPiN aNg Paghihir aP NaNg May PaNaNaMPal ataya?

51

matutulungan ng Tagapagligtas sa mga pana-hon ng pagsubok . Hikayatin silang magbahagi ng personal na karanasan na may kaugnayan sa nabasa nila kung komportable silang gawin ito .

• Ang isang paraan para maghikayat ng isang talakayan tungkol sa paghihirap ay gumuhit ng isang linya sa gitna ng pisara at isulat ang Bakit tayo may paghihirap? sa isang panig at Paano natin maaaring matapat na harapin ang paghihirap? sa kabilang panig . Maaaring basahin ng bawat miyembro ng iyong korum o klase ang isa sa mga bahagi mula sa mensahe ni Elder Neil L . Andersen na “Sugatan,” na naghahanap ng mga sagot sa mga tanong sa pisara . Ano ang natu-tuhan natin tungkol sa Tagapagligtas mula sa mensahe ni Elder Andersen?

• Ginamit ni Elder Stanley G . Ellis ang mga halim-bawa ng mga sisiw at paru- paro para magturo tungkol sa paghihirap sa kanyang mensaheng “Nagtitiwala ba Tayo sa Kanya? Ang Mahirap ay Mabuti,” (Liahona, Nob . 2017, 112–14) . Maaari kang magpakita ng larawan ng isang sisiw na napipisa o isang paruparong lumalabas mula sa isang cocoon at talakayin ang itinuro ni Elder Ellis . Pagkatapos ay maaaring magtulungan nang magkakapares ang mga tinuturuan mo sa pagrebyu sa mensahe ni Elder Ellis . Maaaring ilista ng bawat pares ang lahat ng makikita nila na itinuro niya kung bakit tayo may paghihirap at kung paano tayo dapat tumugon dito . Paano nakatulong ang pagtitiis nang matapat sa mga panahon ng paghihirap para mas mapalapit tayo sa Tagapagligtas?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• I Samuel 1; I Mga Hari 17; Lucas 23:33–34;

1 Nephi 5:1–9; Mosias 24:8–17; 3 Nephi 1:4–21; Moroni 1; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ruth” at “Ester,” scriptures .ChurchofJesusChrist .org (Mga halimbawa ng mga taong naharap sa paghihirap)

• Juan 14:18; Mga Taga Roma 8:28, 35–39; Alma 36:3 (Matutulungan tayo ng Tagapagligtas sa oras ng paghihirap)

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasPersonal na kilala ng tagapagligtas ang kanyang mga tinuruan—at alam Niya ang maaari nilang kahinatnan. Nang mahirapan sila, hindi Niya sila pinabayaan kundi patuloy silang minahal. anong mga paghihirap ang dinaranas ng mga kabata-an? Paano mo maipakikita ang iyong pagmama-hal at suporta?

52

SETYEMBRE 26

Bakit Mahalaga na Nasa Lupa Ngayon ang mga Susi ng Priesthood?DOKTRINA AT MGA TIPAN 106–108

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyem-bro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung- tulungan na makamit?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebang-helyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

• Ang ating buhay. Paano natin nakita ang implu-wensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay- inspirasyon sa ating pag- aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Bakit Mahal aga Na Na Sa lUPa NgayoN aNg Mga SUSi Ng PriESthood?

53

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliAng “mga susi ng priesthood,” pagtuturo ni Elder Gary E . Stevenson, “ang magbibigay- daan para matanggap ang mga pagpapala, kaloob, at kapang-yarihan ng kalangitan para sa [atin]” (“Nasaan ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood?” Liahona, Mayo 2016, 32) . Hawak ni Jesucristo ang lahat ng susi ng priesthood, at pinahintulutan Niya ang mga sugo ng langit na ipagkaloob ang mga susi ng priesthood kay Joseph Smith . Ngayon ay hawak ng mga miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ang mga susi ring iyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 90:3–4, 6; 107:35; 132:7) . Ang mga susing ito ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga lider ng priesthood upang pamahalaan ang paggamit ng Kanyang priesthood sa mundo .

Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 107 sa linggong ito, isipin kung paano ka mapagpapala ng Diyos at ang mga tinuturuan mo sa pamamagitan ng Kanyang priesthood . Ano ang nakikita mo sa bahaging ito na mahalagang mala-man ng mga miyembro ng korum o klase? Habang naghahanda kang magturo, maaari mong rebyuhin ang mensahe ni Elder Gary E . Stevenson na nabang-git sa itaas at ang “Mga Susi ng Priesthood” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 202–203) .

Malalaking espirituwal na pagpapala ang makakamtan natin sa pamamagitan ng mga susi ng priesthood.

Magkakasamang MatutoAng Doktrina at mga Tipan 107 ay makatutulong sa pagsagot sa tanong na “Anong mga pagpapala ang natatanggap natin sa pamamagitan ng priesthood at ng paglilingkod ng mga lider ng priesthood?” Maaari sigurong maghanap ng ilang kasagutan ang mga miyembro ng korum o klase sa mga talata 18–23, 85–89 . Para mas maipaunawa sa kanila kung paano pinagpapala ng priesthood at ng mga lider ng priesthood ang ating buhay, gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad .

• Maaari mong simulan ang isang talakayan tung-kol sa mga susi ng priesthood sa pag- anyaya sa isang miyembro ng korum o klase na pumasok na handang ibahagi ang kuwento ng pagbisita ni Pangulong Spencer W . Kimball sa isang Simba-han sa Denmark, na ikinuwento ni Pangulong Boyd K . Packer sa kanyang mensaheng “Ang Labindalawa” (Liahona, Mayo 2008, 83–87) . Maaari mo ring hilingin sa iyong korum o klase na sama- sama nilang basahin ang bahaging “Mga Susi ng Priesthood” sa Tapat sa Pananampalata-ya (mga pahina 202–3) . Bigyan sila ng oras na magturuan nang magkakapares kung ano ang mga susi ng priesthood, batay sa natutuhan nila . Anong mga pagpapala ang dumating na sa atin sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga mayha-wak ng mga susi ng priesthood?

sEt yEMbrE 26

54

• Maaari mong ibahagi ang kuwento ni Elder Gary E . Stevenson tungkol sa pagkawala ng kanyang mga susi mula sa unang anim na talata ng kanyang mensaheng “Nasaan ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood?” (o ipalabas ang video na “Where Are the Keys?” [ChurchofJesusChrist .org]) . Maaari kang magpakita ng mga susi at anyayahan ang iyong korum o klase na ibahagi kung paano nakatulad ng mga susi ng priest-hood ang mga susing iyon . Maaaring rebyuhin at talakayin ng mga tinuturuan mo ang mga talatang binanggit ni Elder Stevenson ( Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72; Doktrina at mga Tipan 110:11–16), na naglalarawan sa pagkaka-loob ng mga susi ng priesthood sa lupa . Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na pumili ng isa sa sumusunod na mga talata at ibahagi sa isang pangungusap ang buod ng natutuhan nila tungkol sa mga kapangyarihan at pagpapalang natatanggap natin sa pamamagi-tan ng mga susi ng priesthood: Mateo 16:18–19; Doktrina at mga Tipan 27:12; 65:2; 84:19–20 . Bakit mahalaga na nasa lupa ngayon ang mga susi ng priesthood?

• Maaari mong bigyan ng isang susing papel ang bawat miyembro ng iyong korum o klase at ata-san ang bawat tao na basahin ang bahagi II, III, IV, o V ng mensahe ni Pangulong Dallin H . Oaks na, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood” (Liahona, Mayo 2014, 49–52) . Anyayahan silang isulat sa susi ang natutuhan nila tungkol sa priesthood at pagkatapos ay ibahagi ang kani-lang isinulat . Paano iniimpluwensyahan ng mga

katotohanang ito ang ating nadarama tungkol sa mga lider ng ating korum o klase at sa mga tungkuling tinatanggap natin mula sa kanila?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Russell M . Nelson, “Mga Espirituwal na Kayama-

nan,” Liahona, Nob . 2019, 76–79 .

• “Priesthood Keys [Mga Susi ng Priesthood],” sa General Handbook: Serving in The Church of Jesus Christ of Latter- day Saints [Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw], 3 .4 .1

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasang tagapagligtas ay tumawag at nagtalaga ng mga lider upang patnubayan at pamahalaan ang Kanyang simbahan (tingnan sa Mateo 10:1–5). Paano mo matutulungan ang mga tinuturuan mo na makadama ng pasasalamat para sa mga tinawag na maglingkod at tumulong sa kanila?

55

OKTUBRE 10

Paano Ako Magiging Mas Lubos na Nagbalik- loob sa Panginoon?DOKTRINA AT MGA TIPAN 111–114

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos, bilang karagdagan sa pagpapayuhan tungkol sa mga bagay na parti-kular na may kinalaman sa korum o klase, maaari mong talakayin ang mga impresyon at tema mula sa pangkalahatang kumperensya . Maaaring makatu-long ang sumusunod na mga tanong .

• Anong mga tema o mensahe ang namukod- tangi sa atin?

• Ano ang nahiwatigan nating gawin dahil sa ating natutuhan o nadama?

• Ano ang kailangan nating gawin bilang isang korum o klase upang masunod ang payong nari-nig natin sa pangkalahatang kumperensya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

oK tubrE 10

56

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliPara maging mas lubos na nagbalik- loob kay Jesucristo, dapat tayong magtiwala sa Kanya at sun-din ang Kanyang mga utos—kahit na sinusubukan ng mahihirap na hamon ang ating pagbabalik- loob . Noong 1837, ilang miyembro ng Simbahan, kabi-lang na ang ilang miyembro ng Korum ng Labin-dalawang Apostol, ang nawalan ng kanilang mga patotoo at kinalaban si Propetang Joseph Smith . Si Thomas B . Marsh sa panahong ito ang Pangulo ng Korum ng Labindalawa . Habang binabasa mo at ng pamilya mo ang Doktrina at mga Tipan 112 sa linggong ito, maaaring mapansin mo ang payo na ibinigay ng Panginoon upang tulungan si Thomas B . Marsh na palakasin ang kanyang conversion o pagbabalik- loob (tingnan lalo na ang mga talata 10–26) . Ano ang itinuturo sa iyo ng payong ito tungkol sa pagiging mas lubos na nagbalik- loob sa Tagapagligtas?

Paano mo matutulungan ang mga miyembro ng korum o klase na matanggap ang pangako ng Taga-pagligtas na “sila ay magbabalik- loob, at akin silang pagagalingin”? (Doktrina at mga Tipan 112:13) . Anong mga karanasan ang maibabahagi mo? Habang pinagninilayan mo ang mga tanong na ito, maaari mong rebyuhin ang mensahe ni Pangulong Bonnie H . Cordon na “Tumiwala Ka sa Panginoon at Huwag Kang Manalig sa Iyong Sariling Kauna-waan” (Liahona, Mayo 2017, 6–9) at “Pagbabalik- loob” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 107–111) .

ang mga banal na kasulatan ay isang malaking kalakasan habang hinahangad nating maging mas lubos na nagbalik- loob.

Magkakasamang MatutoAlam ba ng mga miyembro ng iyong korum o klase kung ano ang ibig sabihin ng magbalik- loob kay Jesucristo? Alam ba nila kung paano maging mas lubos na nagbalik- loob? Anyayahan silang pagnila-yan ang mga tanong na ito habang nirerebyu nila ang Doktrina at mga Tipan 112:10–26 . Paano tayo mananatiling nagbalik- loob kay Jesucristo kahit sa mahihirap na sitwasyon? Maaari mong gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad para tulungan ang inyong korum o klase na mapala-kas ang kanilang pagbabalik- loob sa Tagapagligtas .

• Ang Alma 32:27–43 ay makatutulong sa mga tinuturuan mo na maunawaan kung paano pala-kasin ang kanilang pananampalataya at maging mas lubos na nagbalik- loob sa ebanghelyo ni Jesucristo . Maaari mo sigurong hatiin ang mga miyembro ng korum o klase sa mga grupo at hili-ngin sa bawat grupo na basahin ang mga talatang ito at talakayin kung ano ang itinuturo ng mga ito tungkol sa pananampalataya at pagbabalik- loob . Hilingin sa bawat grupo na ibahagi ang natutuhan nila . Maaari kang maghikayat ng talakayan sa pagtatanong ng ganito: Bakit magandang paglalarawan ng pagbabalik- loob ang isang binhing nagiging puno? Ano ang ibig

Pa aNo ako MagigiNg Ma S lUBoS Na NagBalik- looB Sa PaNgiNooN?

57

sabihin ng “subukin ang mga salita [ng Diyos]”? (talata 27) . Ano ang ibig sabihin ng “alagaan ang punungkahoy”? (talata 41) . Paano natin masasabi na ang binhi ng pagbabalik- loob “ay lumalaki at sumisibol, at nagsisimulang tumubo” sa ating kalooban? (talata 30) . Bigyan ng panahon ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan kung ano ang kailangan nilang gawin para mapa-ngalagaan ang sarili nilang pagbabalik- loob kay Jesucristo .

• Maraming puwersa sa mundo na tutol sa ating pagbabalik- loob kay Jesucristo . Ang pagbasa sa Helaman 5:12 ay maaaring ituro sa mga miyem-bro ng korum o klase kung paano manatiling matatag sa kabila ng oposisyon . Ano ang ibig sabihin ng “ itayo ang inyong saligan” sa bato ni Jesucristo? Maaari mong atasan ang bawat tao ng isang bahagi ng mensahe ni Elder Quentin L . Cook na “Mga Saligan ng Pananampalataya” (Liahona, Mayo 2017, 127–31) at hilingin sa kanila na maghanap ng mga halimbawa at payo na tutulong sa kanila na maitayo ang kanilang saligan sa Tagapagligtas .

• May maiisip ba kayong malikhaing paraan para maipamalas ang alituntuning itinuro ni Pangu-long Bonnie H . Cordon sa kanyang mensahe na “Tumiwala Ka sa Panginoon at Huwag Umasa sa Iyong Kaunawaan”? Halimbawa, maaari mong hatiin ang iyong korum o klase sa mga grupo at hamunin ang bawat grupo na bumuo ng pinaka-mataas na istruktura sa ibabaw ng isang nakahilis na patungan gamit ang mga block o iba pang mga bagay . Pagkatapos ay talakayin kung paano ito nauugnay sa mensahe ni Pangulong Cordon . Pagkatapos ay maaaring saliksikin ng korum o klase ang mensahe para sa mga mungkahi kung paano panatilihing nakasentro ang ating

buhay kay Jesucristo . Anong mga karanasan ang maibabahagi natin kapag umasa tayo sa ating sariling kaunawaan o kapag nagtiwala tayo sa Tagapagligtas?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Alma 5 (Nagturo si Alma tungkol sa

pagbabalik- loob)

• David A . Bednar, “Nagbalik- loob sa Panginoon,” Liahona, Nob . 2012, 106–9

• Richard J . Maynes, “Ang Kagalakan sa Pamumu-hay na Nakasentro kay Cristo,” Liahona, Nob . 2015, 27–30

• Becky Craven, “Maingat Laban sa Kaswal,” Liahona, Mayo 2019, 9–11

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasSabi ng tagapagligtas, “ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin” ( Juan 7:16). itinuro Niya ang doktrinang natutuhan Niya mula sa kanyang ama. Paano mo matitiyak na nagtuturo ka ng totoong doktrina? (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2016], 20–21.)

58

OKTUBRE 24

Paano Ko Matatanggap ang “mga Kapangyarihan ng Langit” sa Aking Buhay?DOKTRINA AT MGA TIPAN 121–123

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang ating oras sa mga miting sa korum o klase?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilan sa ating mga tungkulin at responsibilidad bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan nang mas mahusay ang mga ito?

• Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matang-gap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Pa aNo ko MatataNggaP aNg “Mga k aPaNgyarihaN Ng l aNgit ” Sa akiNg BUhay ?

59

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliMagkaiba ang awtoridad at kapangyarihan ng priesthood . Ang isang tao ay maaaring tumanggap ng awtoridad ng priesthood sa pagpapatong ng mga kamay—ang kalalakihan ay maaaring iorden sa isang katungkulan ng priesthood, at ang kala-lakihan at kababaihan ay kapwa maaaring italaga sa isang tungkulin . Ngunit ang kapangyarihan ng priesthood—ang kapangyarihan ng Diyos, o “ang mga kapangyarihan ng langit”—ay magaga-mit lamang “sa mga alituntunin ng kabutihan” ( Doktrina at mga Tipan 121:36), at magagamit kap-wa ng kalalakihan at ng kababaihan ang kapang-yarihang ito . Kung gusto nating maging mabisa at magpabago ng buhay ang ating paglilingkod sa iba, kailangan ay karapat- dapat tayong manawagan sa mga kapangyarihan ng langit .

Alam ba ng mga miyembro ng iyong korum o klase kung paano magamit ang kapangyarihan ng priest-hood? Paano maaaring maiba ang kanilang buhay at paglilingkod kung may ganoon silang pagkau-nawa? Pagnilayan ang mga tanong na ito habang pinag- aaralan mo ang Doktrina at mga Tipan 121 . Makabubuti ring pag- aralan ang dalawang mensahe mula kay Pangulong Russell M . Nelson . Ang isa ay para sa mga mayhawak ng priesthood—“Ang Halaga ng Kapangyarihan ng Priesthood” (Liahona, Mayo 2016, 66–69) . Ang isa naman ay para sa kababai-han—“Mga Espirituwal na Kayamanan” (Liahona, Nob . 2019, 76–79) .

ang kapangyarihan ng priesthood ay dumarating sa pamamagitan ng matwid na pamumuhay.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng isang talakayan tungkol sa kapangyarihan ng priesthood, maaari mong hili-ngin sa mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa kapangyarihang ito mula sa kanilang pagbabasa ng Doktrina at mga Tipan 121 sa linggong ito . Kung makatutulong, maaari mong imungkahi na pasadahan nila ang mga talata 34–46 para makita ang bawat lugar na ginamitan ng salitang kapangyarihan at pagkatapos ay ibahagi ang kanilang natutuhan . Maaari mong gamitin ang sumusunod na mga aktibidad para mas maipaunawa sa mga miyembro ng iyong korum o klase kung paano nila magagamit ang kapangyari-han ng priesthood ng Diyos sa kanilang buhay .

• Maaaring makatulong na ikumpara kung paano pinananatili ang “kapangyarihan” at “implu-wensya” sa mundo sa itinuro ng Panginoon sa bahagi 121 kung paano pinananatili ang kapang-yarihan ng priesthood . Maaari kang gumawa ng isang tsart na may dalawang column sa pisara na may mga heading na Makamundong Kapangyari-han at Mga Kapangyarihan ng Langit. Maaaring punan ng mga miyembro ng korum o klase ang tsart ng mga salita at parirala mula sa Doktrina at mga Tipan 121:34–46 . Paano maaapektuhan ng pagkaunawa sa mga talatang ito ang paraan ng paghahangad nating maimpluwensyahan ang iba para sa kabutihan, kabilang na ang ating mga kaibigan, kapamilya, at ang mga pinagsisilbihan

oK tubrE 24

60

at pinaglilingkuran natin? Ayon sa mga talatang ito, paano tayo matutulungan ng Espiritu Santo na maimpluwensyahan nang matwid ang iba?

• Para matulungan ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na matutuhan kung paano magka-karoon ng kapangyarihan ang kanilang pagli-lingkod sa priesthood, maaari kang magpakita ng iba’t ibang bagay at pahulaan mo sa mga miyembro ng korum kung magkano ang bawat isa . Bakit mas mahal ang ilang bagay kaysa sa iba? Anong mga bagay ang pinakamahalaga sa ating buhay, at ano ang halagang kailangan nating “ibayad” para sa mga ito? Pagkatapos ay maaaring saliksikin ng mga miyembro ng korum ang mensahe ni Pangulong Russell M . Nelson na “Ang Halaga ng Kapangyarihan ng Priest-hood,” na hinahanap ang halagang sinabi niya na kailangan nating ibayad para matanggap ang kapangyarihan ng priesthood . Paano naaapektu-han ang buhay natin at ng iba kapag nagliling-kod tayo nang may higit na kapangyarihan ng Tagapagligtas?

• Para maipaunawa sa mga kabataang babae kung paano nila magagamit ang kapangyarihan ng priesthood, maaari mong itanong sa kanila ang mga pagkakataon na nadama nila ang kapangya-rihan ng Diyos sa kanilang buhay . Ipaliwanag na ang kapangyarihan ng priesthood ay kapangyari-han ng Diyos . Maaari nilang saliksikin sa men-sahe ni Pangulong Russell M . Nelson na “Mga Espirituwal na Kayamanan” ang mga katotoha-nan tungkol sa kababaihan at sa kapangyarihan ng priesthood . Ano ang hiniling ni Pangulong Nelson na gawin ng kababaihan ng Simbahan upang “magamit nang sagana ang kapangyarihan

ng Tagapagligtas”? (pahina 77; tingnan lalo na ang apat na talata simula sa “Bawat babae at bawat lalaki”) . Kailan tayo humugot ng kapang-yarihang ito upang pagpalain ang buhay natin at ng iba? Ano ang itinuturo sa atin ng Doktrina at mga Tipan 121:39–43 kung paano kumilos nang may kapangyarihan ng Panginoon sa ating buhay?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Russell M . Nelson, “Paghugot ng Lakas kay

Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 39–42

• David A . Bednar, “Ang mga Kapangyarihan ng Langit,” Liahona, Mayo 2012, 48–51

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtashabang nagsisikap kang tularan ang halimbawa ni Jesucristo at namumuhay nang karapat- dapat para magamit ang kanyang kapangyarihan, makakaya mong magturo nang may kapangyari-han at awtoridad.

61

NOBYEMBRE 14

Bakit Mahalaga ang Kasal na Walang- Hanggan?DOKTRINA AT MGA TIPAN 129–132

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang nangangaila-ngan ng ating tulong at mga panalangin? Ano ang magagawa natin para matulungan sila? Sino ang dapat nating anyayahan sa isang paparating na aktibidad?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Anong mga tungkulin na ang nagampanan natin? Anong mga tungkulin ang kailangan nating gawin? Paano natin naanyayahan ang iba na lumapit kay Cristo, at paano natin maaanyayahan ang iba ngayon?

• Ang ating buhay. Anong mga karanasan kamaka-ilan ang nagpalakas sa ating patotoo? Ano ang nangyayari sa ating buhay, at paano natin masu-suportahan ang isa’t isa?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

nobyEMbrE 14

62

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliKapag ang mga miyembro ng iyong korum o klase ay nagkaroon ng patotoo tungkol sa kasal sa templo habang bata pa sila, mas malamang na naisin at paghandaan nila ang dakilang pagpapalang ito . Sa plano ng kaligayahan ng ating Ama sa Langit, ang walang- hanggang tipan ng kasal ay mahalaga sa kadakilaan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4) . Ngunit ang kasal sa templo ay hindi lamang tungkol sa matatanggap natin sa kabilang- buhay—magdudulot din ito ng malalaking pagpapa-la sa buhay na ito . Halimbawa, ang mga sagradong pakikipagtipan sa Diyos ay maaaring makaimplu-wensya sa pananaw ng isang mag- asawa sa kanilang relasyon sa isa’t isa . At ang isang lalaki at isang babae na ibinuklod sa isa’t isa sa buhay na ito at sa buong kawalang- hanggan ay may katiyakan na dahil kay Jesucristo, magpapatuloy ang kanilang ugna-yan magpakailanman kung sila ay tapat sa kanilang mga tipan .

ang mga pamilya ay maaaring mabuklod magpakailanman sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo.

Paano mo maipadarama sa mga miyembro ng iyong korum o klase ang mas malaking hangaring mabuk-lod sa templo? Para maihanda ang iyong sarili sa pagtuturo tungkol sa kasal sa templo, maaari mong

basahin ang “Kasal” sa Tapat sa Pananampalataya ([2004], 66–70) .

Magkakasamang MatutoPara mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang napag- aralan sa mga banal na kasulatan sa linggong ito, maaari mong isulat sa pisara ang isang tanong na tulad ng Bakit mahalaga ang kasal na walang- hanggan sa templo ng Diyos? Pagkatapos ay maaaring hanapin ng mga miyembro ng korum o klase ang reperensya sa isang talatang nabasa nila sa Doktrina at mga Tipan 129–32 na maaaring makatulong na masa-got ang tanong at isulat ang reperensya sa tabi ng tanong . (Kung makatutulong, maaari mong itu-ro sa kanila ang Doktrina at mga Tipan 131:1–4; 132:13–19 .) Sama- samang basahin ang ilan sa mga reperensya, at talakayin ang itinuturo nito . Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga aktibidad para mas maipaunawa sa mga kabataan ang kahalagahan ng kasal sa templo .

• Dahil natatangi ang walang- hanggang kasal sa ipinanumbalik na ebanghelyo, maaaring magka-roon ng mga pagkakataon ang mga tinuturuan mo na ipaliwanag ito sa mga taong hindi pamil-yar dito . Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na magawa ito, maaari mo silang anyayahang isipin na kunwari ay may kaibigan silang nagtataka kung bakit naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na napakahalaga ng makasal sa templo . Ipabasa sa kanila ang mga talata sa banal na kasulatan sa “Suportang Resources,” ang “Ang Mag- anak: Isang Pagpa-pahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist .org), o ang mga pahina 66–67 sa Tapat sa Pananampa-lataya. Maaari silang maghanap ng mga salita, parirala, at ideya na maaaring isama sa isang liham sa kanilang kaibigan na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng kasal sa templo . Maaari rin nilang panoorin ang “Bakit Sagrado ang Kasal sa Ama sa Langit?” mula sa “Face to Face Kasa-ma sina Elder at Sister Renlund” ([pandaigdi-gang brodkast para sa kabataan, Ago . 5, 2017],

Bakit Mahal aga aNg k a Sal Na wal aNg- haNggaN?

63

FacetoFace .ChurchofJesusChrist .org) . Maaari mo silang bigyan ng oras na sumulat ng isang liham at pagkatapos ay anyayahan silang ibahagi ang isinulat nila .

• Ang makakita ng halimbawa ng matapat na pagsasama ng mag- asawa ay makahihikayat sa mga tinuturuan mo na hangarin ang pagpapa-lang ito para sa kanila mismo . Ang isang paraan para magawa ito ay rebyuhin ang mga bahagi ng mensahe ni Elder L . Whitney Clayton na “Mag- asawa: Magmasid at Matuto” (Liahona, Mayo 2013, 83–85) . Ano ang matututuhan ng mga miyembro ng korum o klase mula sa mensa-heng ito kung paano bumuo ng isang masaya at walang- hanggang kasal? Maaari ding rebyuhin ng mga miyembro ng korum o klase ang mga ide-ya sa “Pagiging Maligaya sa Pag- aasawa” sa Tapat sa Pananampalataya (mga pahina 69–70) . Maaari rin nilang panoorin ang “Paano Nagkakilala sina Elder at Sister Bednar?” mula sa “Face to Face Kasama sina Elder at Sister Bednar” ([pandaig-digang brodkast para sa mga kabataan, Mayo 12, 2015], FacetoFace .ChurchofJesusChrist .org) .

• Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na mag- isip ng ilang bagay na maaaring humadlang sa kanila na mabuklod sa templo . Ano ang maga-gawa natin ngayon para madaig ang mga bagay na ito? Pagkatapos ay maaari nilang rebyuhin ang “Walang Hanggang Kasal” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 94–95) upang mahanap ang mga alituntunin at gawi na humahantong sa masayang pagsasama ng mga mag- asawa at pamilya . Maaari nilang ilista ang ilan sa mga bagay na magagawa nila ngayon upang maghanda para sa isang walang- hanggang kasal . Ano ang papel ng Tagapagligtas sa pagtu-long sa atin na maghanda para sa at magkaroon ng walang- hanggang kasal?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para

kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Doktrina at mga Tipan 49:16–17; 131:1–4;

132:13–19 (Ang walang- hanggang kasal ay maha-laga sa plano ng Diyos)

• Gospel Topics, “Marriage,” topics .ChurchofJesusChrist .org

• “What Is a Temple Wedding Like?” (video), temples .ChurchofJesusChrist .org

• Sabi ni Elder D . Todd Christofferson: “Ang pag-papahayag ng mga pangunahing katotohanang nauukol sa kasal at pamilya ay hindi para kalig-taan o maliitin ang mga sakripisyo at tagumpay ng mga taong walang pagkakataong makamtan ito . .  .  . Maraming kabutihan, maraming maha-halagang bagay—kahit kung minsa’y kailangang lahat iyan ngayon—ang makakamit hindi man perpekto ang sitwasyon . .  .  . Buong pananalig naming pinatototohanan na ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo ay nakinita nang lahat ito at pupu-nan, sa huli, ang lahat ng kasalatan at kawalan ng mga taong bumabaling sa Kanya” (“Bakit Dapat Mag- asawa at Bumuo ng Pamilya,” Liahona, Mayo 2015, 52) .

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasMagtanong ng mga bagay na hihikayat sa mga tinuturuan mo na mag- isip nang malalim tungkol sa walang- hanggang kasal at makadama ng hangarin na pagsikapan ang mithiing iyon. Pakinggang mabuti ang kanilang mga sagot at tumugon nang may kabaitan ayon sa pahiwatig ng Espiritu.

64

NOBYEMBRE 28

Paano Tumulong si Joseph Smith na Isakatuparan ang Plano ng Ama sa Langit?DOKTRINA AT MGA TIPAN 135–136

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng sumu-sunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagkakaisa ang mga miyem-bro ng korum o klase? Anong mga mithiin ang nanaisin nating pagtulung- tulungang makamit?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ginagawa natin upang maibahagi ang ebang-helyo? Ano ang mga naging karanasan natin sa paggawa ng gawain sa templo at family history?

• Ang ating buhay. Paano natin nakita ang implu-wensya ng Panginoon sa ating buhay? Ano ang nagbigay- inspirasyon sa ating pag- aaral ng mga banal na kasulatan sa linggong ito?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Brot

her J

osep

h, n

i dav

id l

inds

ley

Pa aNo tUMUloNg Si JoSEPh SMith Na iSak atUPar aN aNg Pl aNo Ng aMa Sa l aNgit ?

65

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili“Si Joseph Smith, ang Propeta at Tagakita ng Panginoon, ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay rito” (Doktrina at mga Tipan 135:3) . Ito ay isang matapang na pahayag tungkol sa papel ni Joseph Smith . Naisip mo na ba kung ano ang kahu-lugan ng pahayag na ito sa iyong buhay? Paano maiiba ang buhay mo kung hindi naipanumbalik ang ebanghelyo ni Jesucristo? Ano ang magagawa mo para matulungan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na palakasin ang kanilang patotoo tungkol sa misyon ni Joseph Smith?

Habang naghahanda kang magturo, bukod pa sa pag- aaral ng Doktrina at mga tipan 135, isiping rebyuhin ang mensahe ni Pangulong M . Russell Ballard na “Hindi Ba Tayo Magpapatuloy sa Isang Napakadakilang Adhikain?” (Liahona, Mayo 2020, 8–11) at ang mensahe ni Elder Neil L . Andersen na “Joseph Smith” (Liahona, Nob . 2014, 28–31) .

ang ating buhay ay pinagpapala ng mga katotohanang ipinanumbalik sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng talakayan kung paano nakatulong si Joseph Smith na isakatuparan ang plano ng Ama sa Langit, maaari kang magsimula sa pagrebyu sa natutuhan ng mga miyembro ng korum o klase tungkol sa Propeta mula sa pagbabasa ng Doktrina at mga Tipan 135 sa linggong ito . Halim-bawa, maaari silang gumawa ng listahan ng mga katotohanan na alam nila tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo dahil kay Joseph Smith . Bakit mahalaga ang bawat isa sa mga katotohanang ito sa plano ng Ama sa Langit? Ang sumusunod na mga aktibidad ay mas magpapaunawa sa iyong korum o klase sa papel ni Joseph Smith sa plano ng kaligtasan .

• Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na maghandang ipaunawa sa iba ang kahalagahan ni Propetang Joseph, maaari nilang basahin ang “Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo sa Pamamagitan ni Joseph Smith” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2019], 39–40) . Sa paggawa nang magkakapares o sa maliliit na grupo, maaari nilang matukoy ang mga punto na mukhang mahalagang ibahagi sa iba . Pagkatapos ay maaari nilang praktisin ang pagbabahagi ng karanasan ni Joseph Smith sa isa’t isa sa sarili nilang mga salita . Hilingin sa kanila na isipin kung ano ang maaari nilang gawin para maibahagi ang mensahe ng Pagpapa-numbalik . Marahil ay may maiisip silang isang partikular na tao na mababahagian nila ng men-saheng ito . Maaaring handa rin silang magbahagi ng mga karanasan kung kailan naipaalam nila sa isang tao ang tungkol kay Joseph Smith .

• Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na isipin kunwari na sinasabi ng isa sa kanilang mga kaibigan sa Simbahan na, “Hindi ako sigurado na mayroon akong patotoo tungkol kay Joseph Smith . Paano mo nalaman na siya ay isang pro-peta?” Paano tayo sasagot? Ano ang natututuhan natin mula sa sariling karanasan ni Joseph Smith sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:8–19 kung paano

nobyEMbrE 28

66

tayo magkakaroon o paano natin palalakasin ang ating patotoo? Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na gumawa ng listahan ng mga paraan na mapapalakas nila ang kanilang patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith at pumili ang bawat isa ng isang bagay na gusto nilang gawin sa linggong ito .

• Para mas maipaunawa sa mga miyembro ng korum o klase ang gawain ng Diyos na naisaka-tuparan sa pamamagitan ni Joseph Smith, maaari mo silang anyayahang basahin ang mga pahina 48–53 ng Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley (2016) . Maaari silang pumi-li ng isa o dalawa sa mga doktrina at gawi na ipinakita sa resources na ito na talagang makabu-luhan para sa kanila . Maaari nilang ipaliwanag kung bakit sila nagpapasalamat na ipinanum-balik ng Panginoon ang mga bagay na ito sa pamamagitan ni Joseph Smith . Maaari din silang matuwang sumulat ng isang maikling liham na nagpapakita ng kanilang pasasalamat kung paano sila natulungan ng gawain ni Joseph Smith na mas mapalapit sa Tagapagligtas . Maaari din nilang pagnilayan kung ano ang magagawa nila upang mas lubos na mapakinabangan ang mga pagpapalang nagawang ibigay ng Panginoon sa pamamagitan ni Joseph Smith .

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Doktrina at mga Tipan 35:17–18 (Sa pamamagi-

tan ni Propetang Joseph Smith, ipinanumbalik ng Panginoon ang kabuuan ng ebanghelyo)

• Russell M . Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” Liahona, Nob . 2017, 60–63

• “Teachings of Joseph Smith: The Nature of God,” “Ministry of Joseph Smith: The Book of Mormon,” “Ministry of Joseph Smith: The Organization of the Church,” “Ministry of Joseph Smith: The Restoration of Priesthood Authori-ty,” “Ministry of Joseph Smith: Temples” (mga video), ChurchofJesusChrist .org

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasNagtuon ang tagapagligtas sa pagtulong sa kan-yang mga alagad na ipamuhay ang ebanghelyo nang buong puso. Paano mo matutulungan ang mga tinuturuan mo na makita kung paano dapat maapektuhan ng kanilang patotoo kay Joseph Smith ang kanilang pang- araw- araw na buhay?

67

DISYEMBRE 12

Paano Ko Mahahanap ang mga Sagot sa Aking mga Tanong?MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA AT MGA OPISYAL NA PAHAYAG 1 AT 2

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Ano ang naging mga aktibidad natin kamakailan? Matagumpay ba ang mga ito? Ano ang magandang nangyari, at paano natin mapagbubuti ang mga ito?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Sino ang nangangailangan ng ating paglilingkod? Paano natin sila matutulungan?

• Ang ating buhay. Anong mga mithiin ang pinagsi-sikapang gawin ng bawat isa sa atin? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin? Anong mga pagpapala ang natanggap natin?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

DisyEMbrE 12

68

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliNormal lang na magkaroon ng mga tanong . Iniisip natin ang ating kinabukasan at ang mundong ating ginagalawan . May mga tanong din tayo tungkol sa Diyos at sa Kanyang plano para sa atin . Habang binabasa mo ang Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2 sa linggong ito, pansinin kung ano ang ginawa ng mga propeta at apostol upang mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong (ang outline para sa ling-gong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay maaaring makatu-long) . Anong papel ang nagampanan ng paghaha-nap ng mga sagot sa mga tanong sa iyong pag- aaral ng ebanghelyo? Ano ang magagawa mo upang hikayatin ang mga miyembro ng iyong korum o klase na hanapin ang mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo sa matapat na para-an? Habang naghahanda kang magturo, isiping rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 6:14–15; 9:7–9 at “Acquiring Spiritual Knowledge” sa Doctrinal Mastery Core Document ([2018], 3–5) .

ang ating mga patotoo ay mapalalakas sa paghahanap natin ng mga sagot sa ating mga tanong sa matatapat na paraan.

Magkakasamang MatutoHabang pinag- aaralan ng mga miyembro ng iyong korum o klase ang Mga Opisyal na Pahayag 1 at 2 sa linggong ito, maaaring nakatuklas sila ng mga alituntuning may kaugnayan sa pagtanggap ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo . Bigyan sila ng ilang minuto para rebyuhin ang mga pahayag at ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa pagtanggap ng paghahayag . Ang sumusunod na mga aktibidad ay makatutulong sa mga tinuturu-an mo na mas maunawaan kung paano hanapin ang mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo .

• Itinuturo ng sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan ang mga alituntunin tungkol sa pagtatanong at pagtanggap ng mga sagot: Mateo 7:7; Doktrina at mga Tipan 6:14–15; 9:7–9 . Maa-aring sama- samang basahin ng iyong korum o klase ang mga talatang ito at gumawa ng listahan sa pisara tungkol sa mga alituntuning natukla-san nila . Bakit hindi laging sinasagot kaagad o nang lubusan ng Ama sa Langit ang ating mga tanong? Paano tayo patuloy na magpapakita ng ating pananampalataya habang hinihintay natin ang mga sagot? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:23; 78:18) . Isiping magbahagi ng isang karanasan nang magkaroon ka ng isang tanong tungkol sa ebanghelyo at nakatanggap ng sagot . Hilingin sa mga miyembro ng korum o klase na magbahagi ng katulad na mga karanasan .

• May maiisip bang mga tao sa mga banal na kasulatan ang mga miyembro ng iyong korum o klase na nagtanong ng mga bagay na humantong sa paghahayag? (Kung kinakailangan, maaari mong patingnan sa kanila ang mga talata sa mga banal na kasulatan sa ilalim ng “Suportang Resources .”) Maaaring basahin ng mga miyem-bro ng korum o klase ang tungkol sa mga taong ito sa mga banal na kasulatan at tukuyin kung

Pa aNo ko MahahaNaP aNg Mga Sagot Sa akiNg Mga taNoNg?

69

ano ang mga itinanong nila, paano sila naghanap ng mga sagot, at ang mga sagot na natanggap nila . Ano ang matututuhan natin mula sa mga halimbawang ito? Paano natin maipamumuhay ang natututuhan natin habang naghahanap tayo ng mga sagot sa sarili nating mga tanong?

• May mga mungkahi sa mensahe ni Elder W . Mark Bassett na “Para sa Ating Espirituwal na Pag- unlad at Pagkatuto” (Liahona, Nob . 2016, 52–54) kung paano maghanap ng mga sagot sa mga espirituwal na katanungan . Maaaring sama- samang basahin ng iyong korum o klase ang apat na talata ng kanyang mensahe simula sa “Upang maunawaan ang mga hiwaga ng Diyos .” Pagkatapos ay anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na basahin ang 1 Nephi 2:16, 19–20; 10:17–19; 11:1 at tukuyin kung ano ang ginawa ni Nephi para hanapin ang mga sagot sa kanyang mga tanong . Anyayahan ang mga miyembro ng korum o klase na isipin kung ano ang gagawin nila para sundan ang halimbawa ni Nephi kapag mayroon silang mga tanong tung-kol sa ebanghelyo .

• Ang kuwento sa Marcos 9:14–27 ay makatutu-long sa mga miyembro ng korum o klase kapag nahihirapan sila dahil sa mga tanong o pag-dududa . Bago magklase, anyayahan ang isang miyembro ng iyong korum o klase na pumasok na handang ibahagi ang kuwento . Pagkatapos, hatiin ang iyong korum o klase sa tatlong grupo, at atasan ang bawat grupo na pag- aralan ang isa sa tatlong obserbasyon na itinuro ni Elder Jeffrey R . Holland tungkol sa kuwento sa kan-yang mensaheng, “Panginoon, Nananampalataya Ako” (Liahona, Mayo 2013, 93–95) . Paano natin

maiaangkop ang obserbasyon ni Elder Holland kapag tayo o ang isang taong kilala natin ay may mga tanong o pagdududa tungkol sa ebanghelyo?

Kumilos nang May PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Enos 1:1–8; Alma 5:43–47; 40:3–5; Eter 2:18–23;

Doktrina at mga Tipan 138:1–4, 11; Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–18 (Mga halimbawa ng mga taong naghahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong)

• James B . Martino, “Bumaling sa Kanya at Darating ang mga Sagot,” Liahona, Nob . 2015, 58–60

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtashinikayat ng tagapagligtas ang kanyang mga tinuruan na gamitin ang mga banal na kasu-latan upang mahanap ang mga sagot sa sarili nilang mga tanong. Paano mapagpapala ang iyong mga tinuturuan habang pinag- aaralan nila kung paano hanapin ang mga sagot sa kanilang mga tanong?

70

DISYEMBRE 26

Bakit Mahalaga ang mga Pamilya?“ANG MAG- ANAK: ISANG PAGPAPAHAYAG SA MUNDO”

Sama- samang MagpayuhanPinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; mga 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay- sabay ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood o ang Tema ng Young Women . Pagkatapos ay mamuno sa isang talakayan tungkol sa mga bagay na tulad ng mga sumusunod, at magplano ng mga paraan upang kumilos ayon sa tinatalakay ninyo (maaari kayong magpasiya sa isang presidency meeting kung aling mga bagay ang tatalakayin):

• Ang ating korum o klase. Sino ang bago sa ating ward, at paano natin maipadarama sa kanila na sila ay tanggap? Ano ang ginagawa natin para maging makabuluhan ang oras natin sa mga miting ng korum o klase?

• Ang ating mga tungkulin o responsibilidad. Ano ang ilan sa ating mga tungkulin at responsibilidad bilang mga kabataang lalaki at kabataang babae? Paano natin magagampanan ang mga ito nang mas mabuti?

• Ang ating buhay. Ano ang ginagawa natin para maging higit na katulad ni Jesucristo at matang-gap ang Kanyang kapangyarihan sa ating buhay? Ano ang ginagawa natin upang matulungan ang ating mga pamilya na lumapit sa Kanya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

• Patotohanan ang mga alituntuning itinuro .

• Paalalahanan ang mga miyembro ng korum o kla-se tungkol sa mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting .

Bakit Mahal aga aNg Mga PaMilya?

71

Ituro ang DoktrinaPinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; mga 25–35 minuto

Espirituwal na Ihanda ang Iyong SariliBawat pamilya ay naiiba, at walang pamilya na per-pekto . Ngunit lahat tayo ay may perpektong mga Magulang sa Langit, na nagnanais na matanggap natin ang pagpapalang mabuhay nang maligaya bilang mga walang- hanggang pamilya . Para matulu-ngan tayong makamtan ito, binigyang- inspirasyon ng Diyos ang mga propeta at apostol na ipaha-yag ang mga walang- hanggang katotohanan sa “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist .org) .

Habang naghahanda kang ituro ang kahalaga-han ng mga pamilya, isipin kung bakit mahala-ga sa iyo ang iyong pamilya . Anong papel ang nagampanan ni Jesucristo sa pagtulong sa iyong pamilya na maging maligaya? Habang naghahan-da kang magturo, maaari mong pag- aralan ang “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist .org), “Pamilya” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan ([2011], 14–15), at ang mensahe ni Elder D . Todd Christofferson na “Bakit Dapat Mag- asawa at Bumuo ng Pamilya” (Liahona, Mayo 2015, 50–53) . Sa palagay mo, anong mga ali-tuntunin mula sa mga resource na ito ang magiging lubos na makahulugan sa mga tinuturuan mo?

ang mag- anak ang sentro ng plano ng ama sa langit para sa atin.

Magkakasamang MatutoPara makapagsimula ng talakayan tungkol sa kaha-lagahan ng mga pamilya, maaari mong itanong sa korum o klase kung ano ang natutuhan nila tungkol sa kaligayahan sa buhay- pamilya habang binaba-sa nila ang “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa bahay . Ano ang natutuhan nila na maaaring makatulong sa kanila na patatagin ang kanilang pamilya? Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pang mga aktibidad sa ibaba para mas mai-paunawa sa mga miyembro ng korum o klase kung bakit mahalaga ang mga pamilya sa plano ng Ama sa Langit .

• Ang mga talata sa mga banal na kasulatan sa “Suportang Resources” ay sumusuporta sa mga inspiradong katotohanan sa pagpapahayag tung-kol sa pamilya . Marahil ay maaari mong ipabasa sa bawat miyembro ng korum o klase ang isa sa mga talatang ito at pagkatapos ay saliksikin ang pagpapahayag tungkol sa mag- anak upang makahanap ng isang talata na may kaugnayan sa kanyang talata . Maaaring ibahagi ng bawat miyembro ng korum o klase kung ano ang kan-yang nalaman .

DisyEMbrE 26

72

• Ang pagsunod sa mga turo ni Jesucristo ay humahantong sa tunay at tumatagal na kaliga-yahan sa ating mga pamilya . Para maipaunawa ito sa mga miyembro ng korum o klase, maaari mong anyayahan ang bawat tao na pumili ng isang katangiang katulad ng kay Cristo (tingnan sa “Paano Ako Magkakaroon ng mga Katangiang Tulad ng Kay Cristo?” kabanata 6 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo [2019], 131–44) at pagkatapos ay maghanap ng isang talata sa banal na kasulatan o pahayag ng propeta na nagtuturo tungkol sa katangiang iyon . Habang ibinabahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang natuklasan nila, maaari nilang sagutin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga tanong: Paano maaapektu-han ng mas lubos na pamumuhay ng katangiang ito ni Cristo ang aking pamilya? Ano ang natu-tutuhan ko mula sa halimbawa ng Tagapagligtas kung paano ipamuhay ang katangiang ito sa aking pamilya?

• Itinuro ni Pangulong Russell M . Nelson: “Pinati-tindi ng kalaban ang kanyang pag- atake sa pana-nampalataya at sa atin at sa mga pamilya natin sa napakabilis na paraan” (“Pambungad na Mensa-he,” Liahona, Nob . 2018, 7) . Para matulungan ang mga miyembro ng korum o klase na mag- ingat laban sa mga pag- atakeng ito, maaari mo silang anyayahang ilista sa pisara ang ilang pag- uugali at asal na itinataguyod ni Satanas para pahina-in ang mga pamilya . Bakit nakasasama sa mga pamilya ang mga bagay na ito? Pagkatapos ay maaaring saliksikin ng mga miyembro ng korum o klase ang ikapitong talata ng pagpapahayag tungkol sa mag- anak para sa mga pag- uugali at asal na makakokontra sa mga pag- atake ni Satanas . Paano tayo makahihingi ng tulong sa Tagapagligtas sa pagkakaroon ng mga pag- uugali

at asal na ito? Ano ang matututuhan natin kung paano natin mapoprotektahan ang ating mga pamilya sa impluwensya ni Satanas?

Kumilos nang may PananampalatayaHikayatin ang mga miyembro ng korum o klase na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon . Paano nauugnay ang lesson ngayon sa mga personal na mithiing kanilang nagawa? Kung gusto nila, maaaring ibahagi ng mga miyembro ng korum o klase ang kanilang mga ideya .

Suportang Resources• Mga Taga Roma 8:16–17; Sa Mga Hebreo

12:9 (Tayo ay mga anak ng Ama sa Langit)

• Genesis 2:18, 24; Doktrina at mga Tipan 131:1–4 (Inorden ng Diyos ang kasal)

• Mosias 4:14–15; Doktrina at mga Tipan 68:25–29; 93:40–50 (Dapat ituro ng mga magulang ang ebanghelyo sa kanilang mga anak)

• L . Tom Perry, “Bakit Mahalaga ang Kasal at Pamilya—sa Lahat ng Dako ng Mundo,” Liahona, Mayo 2015, 39–42

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtasinanyayahan ng tagapagligtas ang kanyang mga disipulo na magpatotoo, at nang gawin nila ito, naantig ng Espiritu ang kanilang puso. habang ikaw ay nagtuturo, anyayahan ang mga miyem-bro ng korum o klase na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pamilya sa plano ng kaligtasan ng diyos.

PUM

AR

ITO K

A, SU

MU

NO

D K

A SA

AK

IN—

PAR

A SA

MG

A K

OR

UM

NG

AA

RO

NIC PR

IESTHO

OD

AT MG

A K

LASE N

G YO

UN

G W

OM

EN: M

GA

PAK

SA N

G D

OK

TRIN

A 2021