Upload
meltanice
View
24.718
Download
26
Embed Size (px)
Citation preview
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos sa
sekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o kunin
sa kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa magiging buhay nila
pagkatapos ng kolehiyo.
Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989) “Ang salitang career ay
maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ng
isang indibidwal.” Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagbigay liwanag na ang
karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan at binuo ayon sa sariling
kagustuhan at sa pangangailanagan ng lipunan
Samakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong karera
ang nais niyang tahakin.
Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang
bokasyon - bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng
mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan.
1
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Ayon sa diksyunaryong Webster, ang guro ay isang tao na magtuturo o
magbibigay instruksyon.
Subalit, higit pa sa kahulugang iyon ang pagiging isang guro. Ang guro ay isang
misyonaryo; halintulad ng Poong Maykapal na may awtoridad na gumawa ng espesyal na
gawain para sa ikauunlad ng isang indibidwal na puno ng sensiridad, pagmamalasakit at
pag-unawa. (Lorda Bacoco Dunemdez, 1996)
Sa kabila ng katotohanan na ang pagiging guro ay hindi isang propesyon na
magpapayaman sa isang indibidwal, may mga kabataan pa ding nagnanais na maging
guro o kumuha ng kursong Edukasyon bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.
Sa mga nasabing kadahilang ito, ang mga mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral
ukol sa mga saloobin at impluwensya ng pagpili ng kursong Edukasyon sa mga mag-
aaral ng unang taon sa University of Perpetual Help System-Laguna.
2
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Layunin ng Pag-aaral
Sa kabuuan, layunin ng pamanahong papel na ito na malaman ang mga saloobin
at impluwensya ng pagpili ng kursong Edukasyon sa mga mag-aaral.
Ito’y naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong Edukasyon?
2. Ano-ano ang mga sitwasyon na nararanasan ng mga mag-aaral na dulot ng pagpili
ng kursong Edukasyon?
3. Sa kasalukuyan, ano-ano ang mga nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral upang
ipagpatuloy ang kursong kinuha?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito na ukol sa mga saloobin at impluwensya ng pagpili ng
kursong Edukasyon ay inaasahang magbibigay ng kapakinabangan sa mga sumusunod:
Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral
upang mabatid nila kung sila ay tunay na desidido sa kursong kanilang napili.
Sa Mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mas
maunawaan nila ang saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kurong nais kunin. At upang
3
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
malaman nila ang nagiging impluwensya sa kanilang anak upang piliin ang kursong
Edukasyon.
Sa Mga Instruktor ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ito ay magbibigay sa kanila ng
kaalaman kung paano nila gagabayan ang kanilang mga mag-aaral. Gayundin, kung
paano nila matutulungan ang mag-aaral upang mahikayat na ipagpatuloy ang kursong
nasimulan.
Sa Kolehiyo ng Edukasyon. Ito ay makakatulong sa kanila upang malaman ang
kabuuan o bilang ng mga mag-aaral na ibig talagang maging guro, at mga mag-aaral na
napipilitan lamang o naimpluwensyahan ng ibang salik kaya’t kinuha ang kursong
Edukasyon.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa saloobin at mga salik na nakaiiimpluwensya
sa pagpili ng kursong Edukasyon ng mga mag-aaral. Sakop ng pag-aaral na ito na
makapangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa mga naiisip at nararamdaman
nila dulot ng pagpili ng edukasyon bilang propesyon, ano-ano ang personal na saloobin
ng mga mag-aaral ukol sa magiging bunga ng pagpili nila ng kursong edukasyon, at sa
kung ano-ano ang nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursong
kinuha. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa limampung (50) mag-aaral ng Kolehiyo ng
4
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Edukasyon sa unang taon sa University of Perpetual Help System-Laguna sa taong 2010-
2011.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Asignatura - subject na itinuturo sa paaralan.
Benepisyo – mga bagay na mapapakinabangan o suporta.
Bokasyon – pag-aalay ng iyong sarili/ serbisyo ng walang gaanong kabayaran
habambuhay na gawain.
Edukasyon – kursong kinukuha ng mga taong nais maging guro/ tumutukoy sa pang-
akademikong pag-aaral.
Extrinsic – pisikal na benepisyo o konkretong banepisyo tulad ng sahod at impluwensya
Guro – taong nagtuturo o taong ang propesyon ay magturo.
Impluwensya – mga bagay o pangyayari na nakaka-apekto sa isang pasya o gawi.
Intrinsic- pansariling kasiyahan o personal na pagkakuntento.
Kabataan – mga taong 17 taong gulang pababa.
Karera - linyang tinatahak. Halimbawa: guro
5
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Kurso – propesyon o karerang kinukuha.
Lipunan - ang ating lugar na tinitirhan, ginagalawan at bansang kinabibilangan.
Mag-aaral – tumutukoy sa mga estudyante na kumukuha ng kursong edukasyon.
Motibasyon – mga kadahilanan/rason sa pagpili sa isang pasya.
Pagtuturo – pagbabahagi ng kaalaman, asal, at iba pa sa mga bata/ nakababata; ang
ginagawa ng mga guro.
Saloobin – sariling pananaw at dahilan sa napiling pasya.
6
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Kabanata II
MGA KAUGNAY NA PAG- AARAL AT LITERATURA
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga akademiko at propesyunal na mga
babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na
malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang
motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa.
Mga Kaugnay na Literatura
Ang mga guro ay hindi hinabi mula sa iisang tela lamang, nagmumula sila sa iba’t
ibang “background” at may iba’t ibang motibo sa pagpili upang maging guro kung
mayroon man silang iisang katangian magkatulad ang mga magkatuladay ang pagnanais
nila na magtrabaho kapiling ang mga bata at sa pamamagitan nito ay makatulong o
makaambag sa pag-unlad ng lipunan. Marami rin ang may gusto talaga sa isang partikular
na asignatura na kanilang itinuro at naniniwala na ang isang indibidwal at ang lipunan ay
mas mapapaunlad sa pamamagitan ng pagkakamit ng kaalaman at sa kakayahang
magamit ang mga kaalaman na ayon sa praktikal at kritikal na mga bagay at sitwasyon.
Kaugnayan din nito, ang motibo na mas mapabuti pa ang kalagayan ng maraming
indibidwal at ang paniniwala na makamit lamang ito sa pamamagitan ng edukasyon. Ito
ang mga pangunahing motibo sa pagtuturo at ito ang bumubuo sa isang pinakapag-asa sa
7
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
pagpapaunlad pa sa propesyon ang pangunahing motibo mga guro ay idealisttiko
samakatuwid, ang ideyalismo ay may mahalagang ginagampanan sa edukasyon.
Mayroon ding pangalawang mga motibo sa pagpili ng edukasyon bilang
propesyon. Ang mga motibong ito ay mahirap tuklasin at nakakatanggap ng mas
mababang atensyon kumpara sa mga pangunahing motibo. Gayunpaman, isa pa rin itong
mahalagang papel sa kung sino ang pumapasok sa pagtuturo at nananatili sa propesyon.
Marahil, ang pinaka mahalagang pangalawang motibo ay ang katotohanan na ang
pagiging guro ay nagiging mas madaling hakbang upang mas mapaunlad ang estado sa
buhay.
Ayun sa aklat na “Those who can, teach” nina Kevin Ryan at James M.
Cooper(1992), ang tanong na“Bakit ka magtuturo?” ay mahalaga sapagkat ito ay upang
matuklasan natin ang sarili nating kadahilanan sa pagpili ng karera o propesyon sa
edukasyon.
Mayroong maraming dahilan kung bakit pinipili ng ilan ang pagtuturo bilang
trabaho at madalas, ang isang indibidwal ay mayroong higit pa sa isang dahilan sa pagpili
ng pagtuturo bilang karera/propesyon.
Ang pagtuturo, gaya ng iba pang trabaho ay nakaeengganyo ng mga tao dahil sa
mga benepisyo na kaloob sa tungkulin na ito. May dalawang malawak na kategorya ng
8
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
benipisyo ang intrinsic at extrinsic na benipisyo. Ang extrinsic na benepisyo ay pang-
publiko, panlabas na katangian na nakakakatawag ng atensyon. Ito ay pera o sahod,
katanyagan at kapangyarihan. Ang intrinsic na benepisyo naman ng isang okupasyon ay
ang personal o panloob na pagkakuntento na nadarama ng isang indibidwal sa kanyang
gawain tulad ng sariling pamantayan ng tagumpay o kasiyahan mismo sa kanyang
ginagawa.
Upang matulungan ka sa pagpapasya kung maggu-guro ka, maaari kang kumuha
ng impormasyon mula sa iba’t-ibang resorses ng kapaki-pakinabang na karanasan, pati na
ang aktwal na pakikisalamuha sa mga guro at estudyante o mga bata, iba’t-ibang
kasanayan sa silid-aralan mula sa mga kaibigan at kakilala na nasa larangan na ng
pagtuturo, at gayon na rin sa iyong sariling pagmumuni-muni.
Ang pagtuturo ay tulad din ng panggagamot, pagpapari o anumang bokasyon na
para sa ikabubuti ng komunidad. Para sa karamihan, ang pagpasok sa kursong Edukasyon
ay hindi lang dahil sa gusto mo ang isang asignatura o pang- iidolo sa mga naging guro.
Para sa kanila, ito ay pagsasapuso, pananampalataya , at pagpapakatao. Ibig sabihan may
malalim silang dahilan para pasukin ang kursong Edukasyon
Ang sagot ng isang indibidwal sa katanungang “bakit ako magtuturo?” ay
maaring mag-resulta sa pag-usbong ng tanong na “paano ko matutulungan ang iba?” Sa
9
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
iba’t-ibang pagkakataon ang motibasyon ay magkakaiba. Ang social psychologist na si
Peter Drucker ay nagsabi na “wala tayong alam tungkol sa pagmomotibasyon?” ang lahat
ng ating magagawa ay sumulat ng libro ukol doon- pero sa ibang paniniwala, ang mga
motibasyon na maari nating ikunsedera--- mga kalidad na nakapaloob sa pagtuturo, ay
mas alinaw at hindi nagbabago. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng ilang uri ng
benipisyo sa pagtatrabaho na maaaring makatulong sa atin sa pag-aalam ng kaiga-igaya at
di kaiga-igayang katangian ng propesyong pagtuturo.
Ayon sa“Today’s teens” nina Joan Kelly at Eddye Eubanks (1988), sa pagpili ng
karera na nagbibigay ng kakuntentuhan at kaligayahan, ay kinakailangan na ikunsidera
ang higit pa sa trabahong nakapaloob dito. Maraming tao ang tila nakakalimutan ang
pagsasaalang-alang kung paano ang personal at pagpapamilyang buhay ay kaugnay sa
kanilang karera.
Ang isang trabaho na tila maganda sa pandinig ay maaring may mga katangian na
di kaiga-igaya, maari din naming hindi ito ang angkop sa kakayahan ng isang indibidwal.
Ang taong mayroong pagpapahalaga sa oras ng kanyang pamilya, subalit pumili ng
trabahong umaagaw ng oras, bunsod nito nito ay hindi siya magiging masaya.
Kung hindi kinukunsidera ang iskedyul, oras at kita, kailan man ay hindi ka
magiging masaya sa trabaho na iyong pinili.
10
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
“Stress” ay isang bagay na importanteng ikunsidera. Ilan sa trabaho ay “stressful” kaysa
sa iba, ngunit tandaan ang trabahong maraming “stress” ay nakakapagdala sa atin nh
personal na problema. Ang personal na problema ay maraming makaapekto sa ating
karera isa sa solusyon upang mabawasan ang problema bungsod ng “stress”. Ang
kaalaman kung paano patakbuhin ayusin ay dapat ding ikunsidera.
Kung nagpapasya ka ng karerang tatahakin, dapat isaalang-alang mabuti ang lahat
ng aspeto ng trabaho. Samakatuwid, dapat ding bigyan pansin ang sarili kung ano ang
iyong kakayahan at kung hanggang saan ito. Ito ang ilan sa mga tanong na dapat
ikunsidera, “Saan ka ba ineresado?”, “Ano ang iyong kakayahan?”, “Ano ang klaseng
edukasyon ang iyong gusto?”. Ang mgakasagutan sa tanong na ito ay malaking
impluwensiya sa iyong pagdedesisyon sa pagpipili ng karera.
Samakatuwid, ang mga salik na ito ay importanteng ikunsidera ng mga kabataang
ibig maging guro, nang sa gayon ay hindi nila pagsisihan ang kanilang pasya.
Ayon sa aklat na “You are thinking of teaching?” ni Seymour Sarason(1993):
May mga pangpubliko at pribadong rason sa pagpasok sa isang karera. Kung ano
ang sinasabi natin sa iba ay ang iniisip nating katanggap-tanggap. Kung ano naman ang
pinananatili nating pribado ay iniisip nating maaring hindi maintindihan o husgahan ng
iba.
11
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Sa pagpili ng karera o propesyon, kailangang maunawaan natin ang iba’t-ibang
dahilan kung bakit mo kinonsidera ang pagpili dito. Kailangan mong kilalanin ang iyong
sarili para masagot ang tanong na: “Ano ang pagkakatulad na ang iyong mga napiling
dahilan ay magbunga ng kakuntentuhan sa napiling karera o propesyon?” Maaring
napakaimposibleng tumanggap ng isang detalyadong at malalim na dahilan mula sa mga
baguhan sa propesyon na ito. Ngunit na ito dahil sa panahon na pumili at pumasok ka sa
isang karera ay magbabalik tanaw ka hindi mo maaaring tanggihan o iwasan ang tanong
din sa mga nagging pasya mo. Sa oras na napag-isipan at nasagot mo na ang katanungang
ito, malalaman mo na sa sarili mo kung mananatili o papasok ka ba sa propesyong ito?
Ang katanungang ito ay maari ring masagot sa iba’t-ibang paraan, depende sa iyong
naging karanasan.
Ang pagpapasya kung nais mo talagang maging guro ay napakahalaga sapagkat
ang pagiging guro ay tulad din ng pagiging director sa isang pelikula meron lang konting
pagkakaiba: ang manonood ng guro ay ang kanyang mga estudyante sa silid aralan , kung
ang direktor ay maraming tauhan ang guro naman ang siyang gumagawa ng lahat ng
gawain mula sa pagiisip at pag-aarte nito at mas higit ang responsibilidad ng guro dahil
sa kanya lahat nakasalalay kung maiintindiham ba ng kanyang mga estudyante ang
kanyang palabas.
12
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Ayon pa rin kay Seymour Sarason(1993), ang pagpili ng propesyon ay panimula
sa propesyong developmental na malayo sa madaling munawaan. Hindi naman sa
pinapahayag na mahirap itong maunawaan maliban sa dapat na asahan na ang mga
karanasan ay maaaring magpabago sa pag-unawa na ang mga pagpili ng iyong
propesyon. Nasa iyong sariling interes din ang patuloy na paghusga sa kung nagbabago
ba ang iyong pananaw sa maaring kailangang sundin ang personal na pangangailangan,
interes o motibasyon. Ang pag-intindi mo sa mga isyung ito ng mas maaga, mas
makakahanap ka ng mga pgpipilian sa iyong mga pangangailangan.
Bakit ba naghahanap sila ng propesyong pagtuturo sa aming paaralan? Isa sa mga
karaniwang dahilan ay ang malapit sila sa mga bata at gusto nilang maimpluwensyahan
ang pagbabago ng mga bata. Sa ibang pang salita, ang pagtuturo ay puno ng pagsubok,
nakaeengganyo at nakapagdudulot ng saya sa sarili. Ang mga dahilan na ito ay
sumalamin sa imahe ng guro sa silid-aralan: isang nakakatanda na nagtuturo, gumagabay
namamahala, at nagmomotibeyt sa bata. Ang responsibilidad ng isang guro ay tunay na
kahanga-hanga.
Pero may dahilan na hindi nabanggit dito, isang dahilan na alam ng lahat subalit
di gaanong natatalakay. Ang isang silid aralan o binubuo ng iba’t-ibang klase o uri ng
mga batang mag-aaral na iba- iba ang ugali at istilo ng pagkatuto kaya’t iba-iba din ang
istilo ng pagtuturo sa kanila. Ang isang guro ay mabilis makaangkop batay sa kanyang
13
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
kapaligiran at tinuturuan. Hindi lang dapat gusto o mahilig siya sa mga bata; dapat alam
niya kung paano pakikisalamuhaan ang bawat bata. Hindi lang sapat na mahilig siya sa
mga bata kundi dapat ay kaya ninyang maging epektibong guro sa bawat isa sa kanila.
14
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Batay sa kaugnay na pag- aaral, ang pagkakaroon ng abilidad sa pagtuturo, ang
kagustuhang makapagtrabaho kasama ang mga bata, ang pagkakataong makapaghubog
ng kabataan at ang paniniwalang ang kursong edukasyon ay makapagdudulot ng
malaking kontribusyon sa lipunan ay ang mga nakakuha ng pinakamataas na marka sa
isang sarbey tungkol sa mga nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong
edukasyon. Isa pa sa mga salik na nakakuha ng mataas na marka, mas mataas sa iskala
na ang midpoint ay apat(4) ay ang pagkakaroon ng oras para sa pamilya (Watt at
Richardson, 2007).
Sa isa namang pag-aaral nina Reid at Cadwell (1997), karamihan sa mga mag-
aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon ay may mga positibong dahilan sa pagkagusto
nilang magturo. Ang dalawang pangunahing dahilan sa pag-aaral na ito na nakakuha ng
siyamnapu’t anim (96) na porsyento at ikinukunsiderang napakahalaga sa pagpili ng
kursong pagtuturo ay ang kasiyahang makukuha ng mga magiging guro sa pagtatrabaho
kasama ang mga bata at ang pagkakaroon ng pakiramdam na ang pagtuturo ay
magdudulot ng mataas na kakuntentuhan sa trabaho. Samantala, ang mga dahilang
tumutukoy sa pagkakaroon ng mahabang bakasyon at mga holiday at kasiguraduhan sa
trabaho ay kinakitaan na mahalaga ding dahilan sa pagpili ng kursong edukasyon. Ang
naunang dahilan ay tumutukoy sa pagkagustong maipagpatuloy, maibahagi at magamit
15
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
ang taglay na katalinuhan; ang pangalawa naman ay tumutukoy sa mga aspeto ng karera
sa pagtuturo – na ito ay magiging magandang karanasan, magiging puno ng pagsubok,
maghahatid ng responsibilidad at may kaaya-ayang kapaligiran. Ang pangatlong
kategorya ay naglalaman ng mga kahilingan para mapabuti pa lalo ang tsansa ng mga
kabataan at ng pagiging inspirado nila na galing sa kanilang mga guro. Nakakuha ng
mababang marka ang kadahilanang ang mga mag-aaral ay nagkukulang ng iba pang
oportunidad kung kaya’t pagtuturo na lamang ang kursong kanilang kinukuha.
Ayon pa rin sa pag-aaral nina Reid at Caudwell (1997), ang pinaka- importanteng
salik sa pagdedesisyon sa pagkuha ng kursong Edukasyon ay ang karanasan. Mas
mababang porsyento ng mga mag-aaral ang nagsasabing ang payo na mula sa mga
kaibigan, propesor at pamilya ay mahalaga. Limang porsyento lamang ang nagsasabing
dapat ikunsedera ang pinansyal na aspeto.
Sa isang sarbey noong 1985, tinanong ang mga mag-aaral na nagpaplanong
magturo sa kanilang mga motibo sa pagpili ng pagtuturo bilang propesyon. Pangalawang
dahilan sa pagpili ng kursong edukasyon ay ang paniniwalang ang kursong ito ay
itinuturing na may mahalagang papel sa lipunan at ito ay tinitingala at isang kagalang-
galang na propesyon.
Ayon sa aklat na “Those who can, teach” nina Kevin Ryan at James
Cooper(1992), lumabas na ang kasiguraduhan sa trabaho ang pangunahing dahilan ng
16
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
patuloy na pagdami ng mga indibidwal na nagnanais maging guro. Malaking salik din
ang pagkakaroon ng mga magagandang benepisyo sa trabaho.
Ayon naman sa pag-aaral nina Webb at Shermann (1989), lumabas na may
tatlong pangunahing dahilan sa pagpasok ng mga guro sa larangan ng pagtuturo. Ang
mga pangunahing motibo na ito ay ideyalistiko at aktibisko. Ito ang mga natuklasang
pangunahing motibo sa pagpili ng karera sa pagtuturo ayon sa pagkakasunod:
kagustuhang magtrabaho kasama ng mga bata, interesado sa isang partikular na
asignatura, at naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan.
Bigong makakuha ang mga mananaliksik ng mga lokal na kaugnay na literatura
at pag aaral. Gayunpaman, patuloy silang maghahanap upang ipagpatuloy ang naturang
pag-aaral.
17
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito, aming tatalakayin ang mga paraan na ginamit sa aming
pananaliksik at pangangalap ng mga datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptib-analitik kung saan
aming tinangkang suriin at ilarawan ang mga saloobin at epekto ng pagpili ng kursong
edukasyon sa mga mag-aaral ng unang taon sa University of Perpetual Help System-
Laguna.
Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang limampung mag-aaral sa
unang taon ng kursong Edukasyon mula sa University of Perpetual Help System-Laguna.
18
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente
Respondente Kasarian Bilang ng Respondente
Bahagdan
Mga mag-aaral sa
unang taon
Lalaki
Babae
10
40
20%
80%
Kabuuang bilang 50 100%
Ang talahanayan ay nagpapakita na sa limampung(50) mag aaral na tumugon,
sampu(10) o dalawampung porsyento (20) ay mga lalaki at apatnapu (40) o walumpung
porsyento (80) ay mga babae.
Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay gumawa ng sariling gawa na mga tanong na tinatawag na sarbey-
kwestyoner at pinasagutan sa mga respondente upang makakuha ng mga datos na
kinakailangan.
19
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Ang mga tanong na ginawa ay binase sa mga pag-aaral at aklat nina Robert
Sherman at Rodman Webb, gayundin mula sa iba pang mga hanguan.
Tritment ng mga Datos
Ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi
pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri kung kaya’t walang ginawang pagtatangka
upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks
na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian
ng bawat aytem sa kwestyuner. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento
lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik. Ginamit namin ang sumusunod
na pormula upang makuha ang porsyento sapagkat limampu (50) lamang ang aming
respondente.
% = Dami ng pumili ÷ Kabuuang dami ng mga respondente
20
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga datos na nakolekta mula sa
simula gayundin ang salinlahi habang ginagawa ang imbestigasyon. Ito ay hinati sa apat
na parte, ang una ay distribusyon ng mga mag-aaral ayon sa kasarian, ang ikalawa ay ang
mga dahilan ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong edukasyon, sunod ay ang mga
sitwasyon na nararanasan ng mga mag-aaral na dulot ng pagpili ng kursong edukasyon at
ang huli ay ang mga nakakaimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang
kursong kinuha sa kasalukuyan.
Grap 1
21
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Pinapakita dito na karamihan sa mga tumugon sa sarbey-kwestyuner o
walumpung porsyento ay mga babae. Samantala, dalawampung porsyento naman ay mga
kalalakihan.
Talahanayan II
Mga Dahilan sa Pagpili ng Kursong Edukasyon ng mga Mag-aaral
Layunin 5 % 4 % 3 % 2 % 1 % Kabuuan
1.Sariling kagustuhan/gusto talagang maging guro
17 34 16 32 11 22 5 10 1 2 77.20%
2.Kagustuhan ng magulang
10 20 12 24 14 28 8 16 6 12 64.80%
3.Wala ng mapagpiliang kurso
0 0 4 8 14 28 18 36 14 28 43.20%
4.Nais lamang subukan
1 2 4 8 8 16 21 42 16 32 41.20%
5.Kasiguraduhan na may trabaho agad kapag nakatapos
21 42 19 38 10 20 0 0 0 0 84.40%
6.Impluwensya ng dating guro o kaibigan at iba pa
10 20 13 26 14 28 9 18 4 8 66.40%
7.Mas mababa ang matrikula at iba pang gastusin
5 10 11 22 19 38 10 20 5 10 60.40%
22
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
8.Kagustuhang magtrabaho kasama ang mas nakababata
3 6 11 22 13 26 18 36 5 10 55.60%
9.Interesado sa isang partikular na asignatura
11 22 22 44 7 14 7 14 3 6 72.40%
10.Naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan
33 66 13 26 3 6 1 2 0 0 91.20%
11.May mahabang bakasyon
2 4 7 14 14 28 21 42 6 12 51.20%
12.Pinansyal na benipisyo at iba pa.
5 10 21 42 14 28 10 20 0 0 68.40%
13.Kagustuhan na maibahagi o maipagpatuloy ng magiging estudyante ang personal na karanasan noon.
13 26 20 40 14 28 3 6 0 0 77.2%
Grap II
23
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Mga Dahilan sa Pagpili ng Kursong Edukasyon ng mga Mag-aaral
Sa limampung (50) respondente na pinili ng mga mananaliksik, siyamnapu’t isa at
dalawang porsyento(91.20) ang nagsabing pinili nilang kunin ang kursong edukasyon
dahil sila ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan; walumpu’t apat at apat
na porsyento(84.40) naman ay napili nila ang kinukuhang kurso dahil sa kasiguraduhan
na may trabaho sila agad kapag nakapagtapos. Samantala, parehong nakakuha ng
pitumpu’t pito at dalawang porsyento(77.20) ang mga kadahilanang ang pagpili ng
kursong edukasyon ay base sa sariling kagustuhan at ng kagustuhang maibahagi o
maranasan ng mga magiging estudyante nila ang personal na karanasan noon. Pitumpu’t
dalawa at apat na porsyento(72.40) naman sa mga tumugon ay nagsabing ninanais nilang
24
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
pasukin ang karera ng pagtuturo dahil interesado sila sa isang partikular na asignatura.
animnapu’t walo at apat na porsyento(68.40) ang sumagot na dahil sa pinansyal na
benepisyo, animnapu’t anim at apat na porsyento(66.40) ay nagsabing
naimpluwensyahan sila ng dating guro o kaibigan, animnapu’t apat at walong
porsyento(64.80) ay kumuha ng kursong ito dahil sa kagustuhan ng kanilang mga
magulang, animnapu at apat na porsyento(60.40) ay napiling maging guro dahil mababa
ang matrikula at iba pang gastusin, limampu’t lima at anim na porsyento(55.60) ang may
kagustuhang magtrabaho kasama ang mas nakababata. Samantala, limampu’t isa at
dalawang porsyento(51.20) lamang ang nagsabing pinili nila ang kursong edukasyon
dahil sa ito ay may mahabang bakasyon, apatnapu’t tatlo at dalawang porsyento(43.20)
naman ay wala nang mapagpiliang kurso kaya ito ang kinuha at apatnapu’t isa at
dalawang porsyento( 41.20)ang sumubok lamang dito.
Talahanayan III
Mga Sitwasyon na Nararanasan dulot ng Pagpili ng Kursong Edukasyon
25
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Layunin 5 % 4 % 3 % 2 % 1 % Kabuuan
1. Pagkakaroon ng kalituhan kung dapat bang ipagpatuloy ang kurso.
2 4 13 26 13 26 14 28 8 16 54.8%
2. Mas umigting ang pagnanais na maging guro.
16 32 10 20 20 40 4 8 0 0 75.2%
3. Napepressure sa mataas na ekspektasyon bilang isang guro sa hinaharap.
8 16 14 28 14 28 13 26 1 2 66%
4. Naaapektuhan sa mga taong mababa ang tingin sa kursong Edukasyon.
4 8 9 18 11 22 16 32 10 20 52.4%
5. Nakakaranas ng paghanga mula sa iba.
9 18 14 28 22 44 5 10 0 0 70.8%
6.Nakakakuha ng mataas na marka
1 2 24 48 19 38 5 10 1 2 67.6%
7. Nadedebelop ang kakayahang makipag-ugnayan sa iba.
16 32 18 36 13 26 2 4 1 2 78.4%
Grap III
Mga Sitwasyon na Nararanasan Dulot ng Pagpili ng Kursong Edukasyon
26
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Mula sa naging resulta ng pananaliksik sa layuning anu-ano ang mga sitwasyong
nararanasan ng mga mag-aaral na dulot ng kursong edukasyon, lumabas na nadedebelop
ang kanilang kakayahang makipag-ugnayan sa iba. Ang baryabol na ito ay nakakuha ng
pitumpu’t walo at apat na porsyento(78.40). Pitumpu’t lima at dalawang
porsyento(75.20) naman sa mga tumugon ay nakararanas ng pag-igting ng kanilang
pagnanais na maging guro; pitumpu at walong porsyento(70.80) ang nagsabing
nakararanas sila ng paghanga mula sa iba; animnapu’t pito at anim na porsyento(67.60)
ay nakakakuha ng mataas na marka; animnapu’t anim na porsyento (66) ay nape-pressure
sa mataas na ekspektasyon ng lipunan bilang isang guro sa hinaharap; limampu’t apat at
walong porsyento(54.80) ang nagkakaroon ng kalituhan kung nararapat pa ba nilang
ipagpatuloy ang kursong edukasyon; at limampu’t dalawa at apat na porsyento(52.40)
ang naaapektuhan sa mga taong mababa ang tingin sa nasabing kurso.
27
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Talahanayan IV
Mga Nakakaimpluwensya sa mga Mag-aaral upang Ipagpatuloy ang Kursong Kinuha sa Kasalukuyan
Layunin 5 % 4 % 3 % 2 % 1 % Kabuuan
1. Nakahugot ng inspirasyon mula sa mga propesor.
11 22 19 38 18 36 1 2 1 2 75.2%
2. Gusto talagang maging guro.
20 40 15 30 11 22 3 6 1 2 80%
3. May maganda ng perpormans na naipakita.
6 12 20 40 21 42 2 4 1 2 71.2%
4. Hindi maiwanan ang mga naging kaibigan.
2 4 5 10 20 40 13 26 10 20 50.4%
5. Nanghihinayang sa panahon at perang masasayang.
11 22 14 28 13 26 8 16 4 8 68%
6. Takot sa magiging reaksyon ng magulang o nagpapaaral.
7 14 17 34 10 20 11 22 5 10 64%
7. Kilala na ng mga propesor at staff ng kolehiyo ng Edukasyon.
5 10 10 20 22 44 8 16 5 10 60.8%
Grap IV
Mga Nakaiimpluwensya sa mga Mag-aaral upang Ipagpatuloy ang Kursong Kinuha sa Kasalukuyan
28
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Mula sa kabuuang bilang ng mga respondente, lumabas na ang pinaka-
nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursong edukasyon ay ang
kagustuhan talaga nilang maging isang guro. Ang baryabol na ito ay nakakuha ng
walumpung porsyento(80). Samantala, pitumpu’t lima at dalawang porsyento(75.20)
naman ang nagsabing nakakahugot sila ng inspirasyon mula sa mga propesor. Pitumpu’t
isa at dalawang porsyento (71.20) sa mga tumugong mag-aaral ang naniniwalang dapat
nilang ipagpatuloy ang kursong nasimulan dahil may magandang perpormans na silang
naipakita. Animnapu’t walong porsyento (68) naman ang nanghihinayang sa panahon at
perang masasayang kung sakaling hindi nila ipagpapatuloy ang kursong edukasyon.
Animnapu’t apat na porsyento (64) sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na tumugon
ang takot sa magiging reaksyon ng kanilang mga magulang o nagpapaaral sa kanila.
29
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Animnapu at walong porsyento (60.80) ang nagsabing kilala na sila ng mga propesor at
staff ng Kolehiyo ng Edukasyon. Samantala, limampu at apat na porsyento (50.40)
lamang ang nagsabing hindi nila maiwanan ang mga naging kaibigan na sa
departamentong kinabibilangan sa kasalukuyan kung kaya’t ipinagpapatuloy nila ang
kursong edukasyon.
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
30
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Ang pangunahing pakay ng pag-aaral na ito ay malaman ang saloobin at
impluwensya ng kursong edukasyon sa mga mag-aaral ng unang taon sa UPHSL.
Tangka nitong alamin ang mga dahilan sa pagpili ng kursong edukasyon ng mga mag-
aaral, ang mga sitwasyon na nararanasan ng mga mag-aaral dulot ng kursong edukasyon,
ang mga nakakaimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursong kinukuha
sa kasalukuyan.
Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptib-analitik na metodo at nagdisenyo ng
sarbey-kwestyoner para sa limangpung (50) mag-aaral sa unang taon ng kursong
Edukasyon sa University of Perpetual Help Laguna.
Lagom ng Natuklasan
Ang mga sumusunod ang natuklasan sa pag-aaral.
(1) May bilang na tatlumput-tatlo (33) na mag-aaral o animnaput-anim (66%) na
porsyento ang tumutugon ng totoong-too sa baryabol na “naniniwala sa
kahalagahan ng edukasyon sa lipunan sa kabuuan, 91.2% ang naging resulta
sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan at ito ang nangunang dahilan sa
pagpili ng kursong Edukasyon. Pumapangalawa naman ang kasiguraduhan ng
may trabaho agad kapag nakapagtapos 84.4%. Parehas na nasa ikatlong
pwesto, ang pagnanais na maging guro at ang kagustuhan na maibahagi o
31
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
naranasan o maipagpatuloy ng mga magiging estudyante ang personal na
karanasnan noon 77.2%. pinakamababa naman ang “nais lamang subukan” na
may kabuuan na 41.2%.
(2) Dulot ng pagpili ng kursong edukasyon naranasan ng mga mag-aaral na
nadedebelop ang kanilang kakayahang makipag-ugnayan sa iba. 78.4%.
ikalawa, mas umiigting ang kanilang pagnanais na maging guro 75.2%.
Samantala, dalawa (2) o apat na porsyento (4%). Ang tumutugon ng totoong-
totoo sa pagkakaroon ng kalituhan kung dapat ipagpatuloy ang kursong
kinuha. Sa kabuuan ito’y nakakakuha ng kabuuang 54.8%. Sa kabilang banda
may kabuuang 52.4% o bahagdan sa kabuuan lamang ang naapektuhan sa mga
taong mababa ang tingin sa kursong edukason.
(3) Sa kasalukuyan, ang kagustuhan talaga ng mga mag-aaral na maging guro ang
nakakaimpluwensya sa kanila upang ipagpatuloy ang kursong kinikuha ito ay
may kabuuang 80%. Ikalawang salik din ang pagkakahugot ng inspirasyon
mula sa mga propesor na may kabuuang 75.2%. Ikatlo naman, ang may
maganda ng perpormans na naipakita na may kabuuang 71.2%. Samantala,
may kabuuang 50.4% lamang ang magpapatuloy sapagkat hindi maiwanan
ang mga naging kaibigan. Dalawa (2) o apat na porsyento (4) ang tumugon
ukol dito ng totoong-totoo.
Kongklusyon
32
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Batay sa mga nabanggit na lagom ng natuklasang pag-aaral at inilahad na
datos, ang mga mananaliksik ay humahantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
(A)Karamihan sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon ang naniniwala
sa kahalagahan ng edukasyon sa ikakabuti ng lipunan. Nagpapakita ito na may mga
kabataan pa ding handang maglingkod at maging guro bagamat ito’y isa ring
bokasyon at mababang sahod. Marahil, dahil sa katotohanang halos saan mang lugar
may paaralan at hanggang may batang kailangang mag-aral ay may paaralan,
kumukuha ang mga mag-aaral ng kursong Edukasyon dulot ng kasiguraduhan na
may trabaho kaagad kapag nakapagtapos.
(B) Mas nadedebelop naman ang kakayahang makipag-ugnayan sa iba ng mga mag-aaral
na kumukuha ng kursong edukasyon, nagpapakita ito na ang kursong edukasyon ay
nakatakdang makihabilo sa mga tao o mga pangkat kung kaya’t binibigyang diin o
dinedebelop ang kakayahan sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha. Mas umigting
naman ang pananais ng ilan na maging guro. Pinapakita nito na mas sumidhi ang
kanilang pagnanais na maging guro ngayong ito’y kanila nang naumpisahan. Bunsod
ito ng pagkakahugot ng insperasyon sa mga guro at propesor.
(C) Ang kagustuhang maging guro ang nakaka-impluwensya sa mga mag- aaral na
ipagpatuloy ang kursong kinuha. Ito ang nagpapakita ng kaugnayan ng kanilang
pangarap o nais na propesyon at paniniwala sa kahalagahan ng edukasyon para sa
ikabubuti ng lipunan. Ang pagkakahugot ng inspirasyon sa propesor, ay isa ring
33
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
dahilan. Ipinapakita lamang nito na ang itinuturo, sinasabi at gawi ng isang guro ay
may mahalagang ginagampanan sa pagnanais ng mga mag-aaral na magpatuloy at
matuto.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga natuklasan sa pag aaral na ginawa, buong
pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
A. Ayon sa pag-aaral ng mgaa mananaliksik, ang paniniwala sa kahalagahan ng
edukasyon sa lipunan, ang pangunahing dahilan sa pagpili ng mga mag-aaral ng
kursong Edukasyon. Kung kaya’t dapat pang bigyang pansin ang kalidad ng
kursong Edukasyon, upang sa pagtatapos ng mga mag-aaral ay tangan nila ang
kaalamang maibabahagi nila ng husto sa kanilang magiging mag-aaral.
B. Lumabas sa pag-aaral ng mga mananaliksik, na dulot ng pagpili ng kursong
Edukasyon, mas nadebelop ang kakayahang nakikipag-ugnayan sa iba at mas
umigting pa ang pagnanais ng mga mag-aaral na maging guro. Kaya’t aming
inirerekomenda ang pagsasagawa pa ng mga seminar o pagsasanay at iba pang
gawain na magpapaunlad ng kanilang kakayahang pang-komunikasyon at
pakikipagtalastasan. Nais din ng mga mananaliksik na mabigyang pansin ang
iilang mag-aaral na mayroong kalituhan kung dapat bang ipagpatuloy ang kursong
kinukuha. Dapat na mapayuhan sila, kung ano ba ang nararapat sa kanilang kurso
34
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
at mabigyang linaw ang kanilang naguguluhang isip. Pinapayuhang ding
palakasin pa lalo ang pagtitiwala sa sarili o sa kursong kinuha ng mga mag-aaral
na naapektuhan sa mga taong mababa ang tingin sa kursong edukasyon.
C. Lumabas sa pananaliksik na ang ikalawang dahilan o nakakaimpluwensya sa mga
mag-aaral na ipagpatuloy ang kursong kinukuha ay ang pagkakahugot ng
inspirasyon mula sa mga propesor. Kung kaya’t pinapayuhang pagbutihin pang
lalo ng mga propesor ang kanilang pagtuturo at pagbabahagi ng kaalaman na may
kaugnayan sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan, mga kaalamang tunay na
magagamit sa pang araw-araw na buhay, at mga kaalamang pang- asignatura na
kinakailangan ng mga mag-aaral. Ito’y upang lalo pang mahikayat ang mga mag-
aaral na ipagpatuloy ang kursong Edukasyon at upang mapagyaman ang kanilang
kaalaman.
D. Ang mga natuklasan at kongklusyon ng pag-aaral na ito ay maaaring magamit ng
mga mag-aaral o ng iba pang mananaliksik na naiinspira na talakayin ang
kagayang usapin sa kanilang pag-aaral o imbestigasyon sa hinaharap.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Mga Aklat
Kelly, J. & Eubanks, E. 1988. Today’s teen New York: Macmillan/ McGraw-Hill.
Ryan, K. & Cooper, J. 1992. Those who can, teach. Boston: Houghton Mifflin Company.
35
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Sarason, S. 1993. You are thinking of teaching?. California: Jossey-Bass Publishers
Webb, R. & Sherman, R. 1989. Schooling and Society. New York: Collier Macmillan Publishers
Mga Nalathalang Tesis
Reid, Ivan & Caudwell, Jonathan. Why Did Secondary PGCE Students Choose Teaching As a Career?. Nalathalang Tesis. University of East Anglia, 1997. 2011
See, Beng H. Determinants of Teaching As a Career in the UK. Nalathalang Tesis. University of York, 2004. Routledge Taylor and Francis Group, 2011
Watt, Helen M.G. & Richardson, Paul W. Motivational Factors Influencing Teaching As a Career Choice: Development and Validation of the Fit- Choice Scale. Nalathalang Tesis. Monash University, 2007. Heldref Publications. 2007
Mga Hanguang Elektroniko
http://www.informaworld.com/10.1080/09500790408668320,
http://www.uea.ac.uk/edu/pgce/pgcesecondary
36
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Apendiks
MGA SALOOBIN AT IMPLUWENSYA SA PAGPILI NG KURSONG EDUKASYON SA MGA MAG- AARAL NG UNANG TAON SA
UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM- LAGUNA SATAONG 2010-2011
Pangalan: _________________________________
Kasarian: _________________________________
37
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon na umaayon sa sariling karanasan.
5- Totoong Totoo
4- Totoo
3- Medyo Totoo
2- Hindi Totoo
1-Sobrang Hindi Totoo
Ano-ano ang mga dahilan mo sa pagpili ng kursong Edukasyon?
Layunin 5 4 3 2 1
1.Sariling kagustuhan/gusto talagang maging guro
2.Kagustuhan ng magulang
3.Wala ng mapagpiliang kurso
4.Nais lamang subukan
5.Kasiguraduhan na may trabaho agad kapag nakatapos
6.Impluwensya ng dating guro o kaibigan at iba pa
7.Mas mababa ang matrikula at iba pang gastusin
8.Kagustuhang magtrabaho kasama ang mas nakababata
9.Interesado sa isang partikular na asignatura
10.Naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan
11.May mahabang bakasyon
12.Pinansyal na benipisyo at iba pa.
38
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
13.Kagustuhan na maibahagi o maipagpatuloy ng magiging estudyante ang personal na karanasan noon.
Ano- ano ang mga sitwasyon na iyong nararanasan dulot ng pagpili ng kursong edukasyon?
Layunin 5 4 3 2 1
1. Pagkakaroon ng kalituhan kung dapat bang ipagpatuloy ang kurso.
2. Mas umigting ang pagnanais na maging guro.
3. Napepressure sa mataas na ekspektasyon bilang isang guro sa hinaharap.
4. Naaapektuhan sa mga taong mababa ang tingin sa kursong Edukasyon.
5. Nakakaranas ng paghanga mula sa iba.
6.Nakakakuha ng mataas na marka
7. Nadedebelop ang kakayahang makipag-ugnayan sa iba.
Ano- ano ang mga nakaiimpluwensya sa iyo upang ipagpatuloy ang kursong kinukuha?
Layunin 5 4 3 2 1
1. Nakahugot ng inspirasyon mula sa mga propesor.
2. Gusto talagang maging guro.
39
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
3. May maganda ng perpormans na naipakita.
4. Hindi maiwanan ang mga naging kaibigan.
5. Nanghihinayang sa panahon at perang masasayang.
6. Takot sa magiging reaksyon ng magulang o nagpapaaral.
7. Kilala na ng mga propesor at staff ng kolehiyo ng Edukasyon.
Si Rica A. Climaco ay ipinanganak noong ika-17 ng Oktubre taong 1992, Siya ay
nakatira sa Southern Heights II, San Pedro, Laguna. Nag-aral siya ng elementarya sa San
40
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Vicente Elementary school. Nag-aral naman siya sa mataas na paaralan ng Academia
Castellano. Kumuha siya ng maikling kurso sa AMA Computer Learning Center at
kasalukuyang nag-aaral sa University of Perpetual Help System-Laguna ng kursong
edukasyon, Major in Pre- School. Maaari ninyo siyang maabot o makontak sa numerong
808-71-18.
Si Anna Diane D. Difuntorum, labing-walong taong gulang, ay ipinanganak
noong ika-17 ng Nobyembre taong 1992. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Pacita II,
San Pedro Laguna. Siya ay nag-aral ng elementarya at hayskul sa Sta. Catalina College,
41
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
kumuha din siya ng maikling kurso sa AMA Computer Learning Center at kasalukuyang
kumukuha ng kursong edukasyon sa University of Perpetual Help System-Laguna.
Maaari niyo siyan maabot o makontak sa numerong 556-33-65.
42
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Si Elaine D. Hernandez ay ipinanganak noong ika-17 ng Hunyo taong 1991. Nag-
aral siya ng elementarya sa Don Jose Elementary school. Nag- hayskul siya sa Pulong
Sta. Cruz National High School at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of
Library Information Science sa University of Perpetual Help System-Laguna. Maaari
ninyo siyang maabot o makontak sa numerong 0927-3242-987.
43
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Si Jeanilyn D. Villaralvo ay ipinanganak noong ika-24 ng Setyembre taong 1992,
nakatira siya sa Major Homes, Cabuyao, Laguna. Siya ay nag-aral ng elementarya sa
Bigaa Elementary School. Nag-aral siya sa mataas na paaralan ng Bigaa at kasalukuyang
kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major in English sa
University of Perpetual Help System-Laguna. Maaari niyo siyang maabot o makontak sa
numerong 0928-9325-840.
44
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Si Gloria E.Gialogo ay ipinanganak noong ika-19 ng Pebrero taong 1992. Nakatira
siya sa 322 San Agustin Village, San Francisco, Biñan, Laguna. Siya ay nag-aral ng
elementarya at dalawang unang taon sa hayskul sa Magsaysay Memorial College
Nagtapos siya ng sekondarya sa Colegio San Agustin- Biñan. Kasalukuyan siyang
kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major in English sa
University of Perpetual Help System-Laguna. Maaari niyo siyang maabot o makontak sa
numerong 0927-4256-321.
45
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Si Ruvhel T. Gamayot ay ipinanganak noong ika-3 ng Oktubre taong 1993.
Nakatira siya sa Dela Paz, Binan Laguna. . Siya ay nag-aral ng elementarya sa Dela Paz
Elementary school. Nagtapos naman siya ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Binan
National Annex at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Secondary Education Major in English sa University of Perpetual Help System-Laguna.
Si Catherine T. Aguilar ay ipinanganak noong ika-26 ng Pebrero taong 1995, ay
nakatira Soro-Soro, Biñan Laguna. Siya ay nag-aral ng elementarya sa Soro-Soro
46
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Elementary school at nag- hayskul sa University of Perpetual Help System-Laguna.
Kasalukuyan siyang kumukuha ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in
English sa University of Perpetual Help System-Laguna. Maaari niyo siyang maabot o
makontak sa numerong 0906-2762-187.
Si Kimberly Sarmiento ay ipinanganak noong ika- 11 ng Hulyo, taong 1994. Siya
ay nakatira sa 952 J. M. Loyola St., Maduya, Carmona, Cavite. Nag-aral siya ng
47
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
elementarya sa Maduya Elementary School at nagtapos ng sekondarya sa Carmona
National High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng kursong Bachelor of Science in
Secondary Education Major in Math sa University of Perpetual Help System- Laguna.
Maaari niyo siyang maabot o makontak sa numerong 0948-3832-561.
48
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
49
University of Perpetual Help System-Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna
College of Education
______________________________________________________________________________
Ang mga mananaliksik kasama ang mga miyembro ng panel at guro sa Filipino 2, G.
Jesus Purificacion.
50