97
3 Mother Tongue Kagamitan ng Mag-aaral Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected] . Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mtb 3

Citation preview

Page 1: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

3

Mother Tongue

Kagamitan ng

Mag-aaral

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri

ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o

unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng

edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng

Edukasyon sa [email protected].

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Page 2: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Mother Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-31-9

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng

BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D. BEE – Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D.

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2

nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,

Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: [email protected]

Development Team of the Learner’s Material

Consultant and Editor: Dr. Felicitas Pado

Dr.Rosalina J. Villaneza Ms. Editha Macayaon

Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang

Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega

Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan

Contextualizers: Ms.Agnes G. Rolle – Lead Person Ms.Enelyn T. Badillo Ms. Fe V.Monzon Language Reviewers: Ms.Agnes M. Malihan Layout Artist: Mr. Ronnie G. Cordovez Graphic Artist: Mr. Reynaldo A. Simple

Page 3: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Mahal kong Mag-aaral,

Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang

iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili,

pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan.

Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang-

unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya.

Matututunan mo rin ang pagsulat ng iba-ibang uri ng sulatin.

Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay-

bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang

mga natutuhan mo mula sa aklat na ito.

Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng

mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring

gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang

pagsasanay sa kagamitang ito.

Maligayang pag-aaral!

May Akda

Page 4: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Talaan ng Nilalaman

Unang Kuwarter

Aking Sarili at Aking Pamilya

Aralin 1:

Ako at Aking Pamilya………………………………………………

Aralin 2:

Kinawiwilihang Tao at Bagay.……………………………............

Aralin 3:

Mga Bagay na Gusto Ko............................................................

Aralin 4:

Ang Paborito Kong Hayop at Halaman....................................

Aralin 5:

Ako at Aking Kaibigan………….................................................

Aralin 6:

Pag-iingat sa Kalikasan…………………………………...............

Aralin 7:

Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin……………………..

Aralin 8:

Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya…………...........………

Aralin 9:

Bawat Kasapi: May Pananagutan…………………………….....

Lagumang Pagsusulit...……………………….............................

Page 5: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ikalawang Kuwarter

Tuklasin ang Pamayanan

Aralin 10:

Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya.….....

Aralin 11:

Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan ……………….......

Aralin 12:

Aking Pamayanan.......................…………………………….......

Aralin 13:

Kasaysayan ng Aking Pamayanan………..................................

Aralin 14:

Ang Pamayanan Noon at Ngayon …………………………......

Aralin 15:

Mga Tao sa Pamayanan: (Yaman at Bayani)...……………....

Aralin16:

Mga Lugar sa Pamayanan: Paaralan.......................................

Aralin 17:

Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan………………........

Aralin 18:

Mga Pangyayari sa Pamayanan ………………………….........

Lagumang Pagsusulit………………………………………............

Page 6: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ikatlong Kuwarter Sa Labas ng Aming Pamayanan

Aralin 19:

Musika ng Ating Kultura……………………………………………

Aralin 20:

Mga Sayaw ng Ating Kultura……………………………………..

Aralin 21:

Mga Likha at Sining.……………………………………..................

Aralin 22:

Ang Aming Paboritong Pagkain.…………………………...........

Aralin 23:

Ako ay Mabuting Mamamayan……………………....................

Aralin 24:

Mga Pagdiriwang sa Aking Pamayanan..................................

Aralin 25:

Iba’t Ibang Pagdiriwang sa Aking Pamayanan......................

Aralin 26:

Transportasyon: Uri at Paraan…………………………………….

Aralin 27:

Komunikasyon: Uri at Gamit…………….......................................

Lagumang Pagsusulit..…………………………………………......

Page 7: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ikaapat na Kuwarter

Pag-iingat sa Kapaligiran

Aralin 28:

Yaman ng Aking Pamayanan.……………………………….......

Aralin 29:

Gawaing Pang-Industrya, Hanapbuhay, at Iba Pa.................

Aralin 30:

Lakas ng Enerhiya……………………..............................................

Aralin 31:

Wastong Paggamit ng Enerhiya………………............................

Aralin 32:

Matulunging Pamayanan.…………………………………….......

Aralin 33:

Pamayanan: Pagbabago at Pag-unlad.....................................

Aralin 34:

Pamayanang Mapagmahal sa Kalikasan...............................

Aralin 35:

Gulayan sa Aming Pamayanan…………....................................

Aralin 36:

Pamayanan Ligtas at May Kahandaan………………………...

Lagumang Pagsusulit.……………………………………………...

Page 8: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Aking Sarili at ang Aking Pamilya

Page 9: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Unang Linggo

Aralin 1: Ako at Aking Pamilya

Basahin ang diyalogo.

Ano ang pinag-usapan ng dalawang mag-aaral?

Kung ikaw ang isa sa dalawang bata, ano pang impormasyon

ang iyong maaaring ibigay?

Kumuha ng kapareha at kilalanin ang bawat isa sa pagbibigay

ng impormasyon tungkol sa inyong sarili.

Si Albert naman ako,

walong taong gulang

din. Tawagin mo naman

akong Bert.

Kumusta! Ako si Rosita,

walong taong gulang.

Tawagin mo na lang

akong Rose.

Sabihin at Alamin

Page 10: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 1

Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento.

Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol

sa kuwentong “Aking Alaga.”

Talaan ng Tagpuan

Talaan ng Tauhan

Talaan ng mga Pangyayari

Pamagat ng Kuwento

______________________

Sino ang pangunahinh tauhan sa kuwento?

Magbigay ng mga katangian ng tauhan sa

kuwento.

Sino ang pinakagusto mo sa tauhan? Bakit?

Pamagat ng Kuwento

_________________________

Ano ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento?

Ano ang naging suliranin ng pangunahingntauhan sa

kuwento?

Ano ang naging kalutasan ng suliranin sa kuwento?

Pamagat ng Kuwento

______________________

Saan nangyari ang kuwento?

Kailan nangyari ang kuwento?

Paano mo mailalarawan ang lugar na painagyarihan

ng kuwento?

Paano mo mailalarawan ang lugar

na pinangyarihan ng kuwento?

Sino ang pinakagusto mo sa mga tauhan? Bakit?

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

Page 11: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang

tagpuan, tauhan, at mga pangyayari.

Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan

nangyari ang kuwento.

Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.

Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga

naging suliranin at kalutasan sa kuwento.

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong

“Halina sa Bukid.”

A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.

Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita

ng tatay? Nasaan ang kuting?

Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?

B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid.

Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga

tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga

tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

Ano ang pangngalan?

Tandaan

Sabihin at Alamin

Page 12: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, o

pangyayari.

Gawain 3

Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Tukuyin ang uri ng

sumusunod na pangngalan at isulat ito sa angkop na kahon.

Pangngalan

Tao Lugar Bagay

Tandaan

Subukin

ate upuan walis pambura silid-aklatan

aklat bag tatay Tiya Rose

Page 13: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang mga salita sa kuwento nang wasto at may

damdamin.

Read and Learn!

Ang Pag-uwi ni Sally

ni: Nelia D. Bamba

“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa

terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama ko si Tatay at Ben

upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya

Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni

Sally.” “Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng

dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni

Ben. “Ano kaya ang pasalubong niya sa akin?”

“Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si

Sally?” tanong ni Tatay. “Malapit nang lumubog ang araw,

hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon

sakay si Sally,” nag-aalalang sabi ni Nanay.

Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha.

“Nanay, huwag kang mag alala, sigurado akong nasa susunod

na bus na si Sally.”

“Heto na ang huling bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay.

“Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang

pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing,

“Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”

“Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay. “Halika na,

naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay,” sabi ni Nanay.

Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang

kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na

dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back

pack,” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas

importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”

Basahin at Alamin

Page 14: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang uuwi?

2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus?

3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?

4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?

5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?

6. Bakit nag-aala si nanay?

7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula.

8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula.

Lingguhang Pagtataya

Gawain 1

Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno tao, lugar o bagay. Gamit

ang mga salita mula sa kahon, punan ito ayon sa uri.

Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar, o bagay.

1.

Isipin

pambura

guro opisina lapis sabon entablado

tiya silid-aklatan tsokolate ina

Page 15: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang uri ng

mga pangngalang may salungguhit at isulat ito sa tamang

kahon.

a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga

manok.

b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso.

c. Inutusan sila ng nanay na makipaglaro ng holen sa iyo.

d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na mga payong.

e. Hindi ko siya mapabangon sa kama.

f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso.

Unang Kuwarter

Ikalawang Linggo

Aralin 2: Ako at Aking Pamilya: Kasanayang Pangkalusugan

Gawain 1

Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad!

Lipad!”

1. May bagong saranggola si tatay.

May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa

bukid.

Pangngalan

Isahan Maramihan

Sabihin at Alamin

Page 16: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa

iisang bagay.

Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan

sa dalawa o higit pang mga bagay.

2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang

nilagang itlog, tatlong pirasong keso, at dalawang piraso ng bilog

na tinapay.

Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa

pangungusap? Paano sila nagkakaiba?

Ano ang isahang pangngalan?

Ano ang maramihang pangngalan?

Gawain 2

Sipiin ang tsart sa iyong sagutang papel at isulat wastong sagot.

Pangngalan

Isahan Maramihan

Tandaan

Subukin

Page 17: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin at

ekspresyon.

Prutas na Makatas

ni: Nelia D. Bamba

“Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga

bata sa pagkuha ng kani-kanilang bag. “Uuwi na tayo, Biyernes

na rin sa wakas,” ang sabi ng mga bata.

“Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping.

“Hintay!” ang sabi ni Miguel. “Naiwan ko ang aking lagayan ng

tubig, uhaw na uhaw na ako, kailangan kong uminom, napagod

ako sa aming praktis ng balibol.”

“Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!” “Nakikita ba ninyo

ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada?” Maraming

melon, suha, pinya, at bayabas, mukhang makatas at sariwa,”

ang wika ni Marie.

“Oo nga, wala ang mga iyan kahapon,” ang sabi ni Miguel.

“ Panahon ngayon ng anihan,” ang sabi ni Mang Peping.

“Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng mga

magsasaka sa kanilang bukid.”

“Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili

siya,” ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga prutas,

ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.”

“Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo

nang uminom ng katas ng prutas,” wika ng mga bata.

Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak

hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap.

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 18: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

“Suha, suha, makatas na suha

Kainin, katasin tayo ay palulusugin.

Melon, melon, makatas na melon

Masarap lalo na kung mainit ang panahon

Pinya, pinya, makatas na pinya

Maasim, matamis talagang masustansiya.

Sagutin ang tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?

3. Bakit nila ginawa ito?

Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!”

1. Binigyan ng nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog,

at isang tasa ng sopas.

2. Magdadala si nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso

ng tinapay.

Alin ang mga pangngalan sa pangungusap?

Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin?

Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang?

Alin ang pangngalang pamilang?

Alin ang pangngalang di-pamilang?

Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang?

Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di-pamilang?

Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang

nabibilang.

Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang

di-nabibilang.

Isipin

Tandaan

Page 19: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 1

Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat.

Gawain 2

Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na

pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.

a. bote ng mantika

b. bibingka

c. isang mansanas

d. isang tasang asukal

e. sampung mangga

f. mantekilya

g. isang pirasong saging

h. garapon ng asin

i. isang basong juice

j. tatlong kahel

(Pangngalang Pamilang)

(Pangngalang

Di-Pamilang)

P

a

n

g

n

g

a

l

a

n

Pangngalang

pamilang

Pangngalang

di-pamilang

ice cream carrot

saging sopas

bayabas asukal

Sabihin at Alamin

Page 20: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang suliranin ay kaganapan na dapat lutasin ng mga

tauhan sa kuwento.

Ang kalutasan ay ang solusyon sa suliranin sa kuwento.

Basahin ang pangyayari mula sa “Makatas na Prutas.”

Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan.

Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang

kunin ang tubigan at makainom.

Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento?

Bakit nag-alala si Miguel?

Ano ang naisip niyang kalutasan?

Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag-

aalala ng tauhan?

Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?

Gawain 3

Pangkatang Gawain

Pangkat 1

Basahin at bigyan ng kalutasan ang suliranin.

Oras na ng recess. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon.

Kalutasan: ____________________________

Pangkat 2

Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang

kalutasan.

Tandaan

Page 21: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay:

lugar kung saan nangyari ang kuwento at

ang oras kung kailan nangyari ang kuwento

Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan.

Suliranin: ___________________

Kalutasan: _________________

Pangkat 3

Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan

ito ng solusyon.

Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!”

Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at

Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila

narating ang malawak na bahagi ng bukid. Masaya sa

pangyayaring iyon si Marlon.

Saan nangyari ang kuwento?

Kailan ito nangyari?

Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan

nangyari ang kuwento?

Gawain 4

Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang

titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Handaan para sa Pasasalamat saan ito nangyari? ____________

a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke

Ang suliranin ay: ______________________________

Ang kalutasan ay: ____________________________

Tandaan!

Page 22: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Kailan ito nagaganap? ____________

a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa

c. swimming

2. Kuwento tungkol sa mga diwata Saan ito nangyari? ___________

a. Paaralan b. Palasyo c. Zoo

Kailan ito naganap? ____________

a. noong unang panahon b. Kasalukuyan

c. sa darating na panahon

3. Mga katatakutang kuwento saan ito nangyari? ____________

a. sa handaan b. Nakakatakot na bahay

c. palasyo

Kailan ito nangyari? ____________

a. gabi b. tanghali c. madaling araw

Gawain 5

Punan ng mga titik ang puzzle sa ibaba upang ito ay mabuo.

Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig.

Saranggola

Bukid

Prutas

Sabado

tatay

Subukin

s

p

d s

T

y

Page 23: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 6

Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang Pamilang PP at DP

kung Di-Pamilang.

a. isang kutsaritang toyo

b. isang boteng suka

c. isang labanos

d. isang sibuyas

e. mga kamatis

f. isang bandehadong pansit

g. pinya

h. isang boteng patis

i. mangga

j. mantekilya

k. isang boteng mantika

Gawain 7

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo.

“Gustong-gusto ko ang lugar na ito,” ang sabi ni Jenny.

“Kahanga-hanga ang mga puno. Halika na sa paborito kong

puno,” ang sabi ni Joyce. “Hitik sa bunga!” “Gusto kong

makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.”

“Ito ang panungkit, gamitin natin,” sabi ni Jenny. “Isa, dalawa,

hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga,” sabi naman ni

Joyce.

“Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila,” ang

sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang isang

tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny.

“Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na

tsinelas sa aking bag,” ang sabi ni Joyce.

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 24: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Talata 1

Ano ang suliranin? _______________________________________

Ano ang kalutasan? _____________________________________

Talata 2

Ano ang suliranin? _______________________________________

Ano ang kalutasan? ______________________________________

Gawain 8

Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talaan sa

ibaba.

Lingguhang Pagtataya

Gawain 1

Tukuyin ang uri ng

sumusunod na

pangngalan sa gawing

kaliwa at isulat ang

mga ito sa angkop na

kahon.

1. isang boteng catsup

2. itlog

3. isang kilong harina

4. karne

5. jelly

6. pipino

7. isang tasang suka

8. mansanas

9. carrot

10. kahel

Pangalan:______________________________________________

Ama: __________________________________________________

Trabaho: _______________________________________________

Ina: ____________________________________________________

Trabaho: _______________________________________________

Tirahan: ________________________________________________

____________ ___________ _____________

Barangay Bayan Probinsiya

P

a

n

g

n

g

a

l

a

n

a

n

Pangngalang Pamilang

Pangngalang Di-pamilang

Page 25: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang

nabibilang.

Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga

pangngalang di-nabibilang.

Unang Kuwarter

Ikatlong Linggo

Aralin 3: Kinawiwilihang Tao at Bagay

Basahin ang sumusunod na pangugusap na mula sa teksto.

a. Sinimulan ni nanay ang paghuhugas ng plato, kawali at

kaldero.

b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa.

Alin ang pangngalang pamilang at di-pamilang sa

pangungusap?

Aling pangngalang ang maaaring mabilang at hindi mabibilang?

Gawain 1

Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba

batay sa uri nito.

Read and Learn!

Mantika harina kahel

tsinelas mangga suka

asin kamatis sibuyas

kape

coffee

Tandaan

Sabihin at Alamin

Page 26: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pangngalang Pamilang Pangngalang Di-Pamilang

Gawain 2

Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa

sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa patlang.

1. ______________ bigas

2. ______________ manok

3. ______________ tubig

4. ______________ kape

5. ______________ pasas

Gawain 3

Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina

pagkatapos niyang umuwi galing sa paaralan. Ilagay ang

tamang bilang sa patlang.

Subukin

isang basong isang platong

isang timbang isang tasang

isang kahong isang kilong

Page 27: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may

tamang pagkakasunod-sunod.

Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita

ang mga panandang bago, una, sumunod,

pagtapos, sa wakas o iba pang salita na

makapagsasabi ng pagkakasunod-sunod.

Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ang kaniyang

ginagawa pagkagaling sa paaralan.

________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang

nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan.

________Kapag natapos na niya ang kaniyang mga gawaing-

bahay, katabi niya ang kaniyang nanay sa panonood ng

paborito nilang palabas sa telebisyon.

________Pagkatapos, kukuhanin niya ang kaniyang mga

kuwaderno at gagawa na siya ng takdang-aralin.

________Sa huli, hahalik siya sa kaniyang nanay at matutulog na.

________Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya

sa kusina upang kumain ng meryenda.

Gawain 4

Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito.

b t u n a y l s

i A t e w a l o

y T m a s a y a

a A p a r k r d

y y a y t p t y

a i e s i d s t

k a i b i g a n

Tandaan

Page 28: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 5

Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na

ginagamit ng sumusunod na pangngalang di-pamilang at ilagay

ito sa patlang.

sopas pasas juice

gamot jam kanin

Gawain 6

Pagsunud-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng

pagsusulit. Ilagay ang tamang bilang sa patlang.

_______ Basahin at unawain ang panuto.

_______ Isulat ang pangalan, baitang, at pangkat.

_______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit.

_______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot.

_______ Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit.

isang tasa ng isang baso ng isang plato ng

isang garapon ng isang bote ng isang dakot na

isang patak ng isang sako ng

Page 29: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 7

1. Punan ng mga pangngalan ang tsart sa ibaba. Piliin ang sagot

mula sa bag sa ibaba.

Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di-nabibilang

Gawain 8

Piliin mula sa talaan ang tandang pangngalang pamilang na

ginagamit ng pangngalang nasa larawan. Gamitin ito sa

pangungusap at isulat sa sagutang papel.

mangga asukal

lapis cake

mansanas bigas

asin mantikilya

mantika aklat

Pangngalan

Pangngalan

garapon ng piraso ng isang basket na

plato ng bote ng tasa ng

isang patak na baso na puno ng

Page 30: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pangungusap 1 ___________________________________

Pangungusap 2 ___________________________________

Pangungusap 3 ___________________________________

Pangungusap 4 ___________________________________

Pangungusap 5 ___________________________________

_____ tubig

________ jelly

______ kanin

________ cake

_____ cake

_______prutas

________ fruits

_____buhangin

________ raisins

Page 31: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Ikaapat na Linggo

Aralin 4: Ang Paborito Kong Hayop at Halaman

Gawain 1

Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo

ang diwa ng pangungusap.

1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan.

2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.

3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.

4. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.

5. _______ si Norman na manalo siya sa paligsahan.

Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang

maipahayag ang iyong nais.

Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring

mangyari o makatotohanan. Ang salitang gusto ay

ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi

maaaring mangyari o hindi makatotohanan.

Gawain 2

Pag-aralan ang nga larawansa ibaba. Isulat kung alin sa mga

salitang umaasa at gusto ang angkop na gamitin sa

pagpapaphayag ng mga larawang ito.

Sabihin at Alamin

Tandaan

Page 32: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

\

umaasa gusto umaasa gusto

umaasa gusto

umaasa gusto umaasa gusto

umaasa gusto

Gawain 3

Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong

“Papasukin Po Ninyo Ako!”

pag-ibig hardin kaligayahan

kagalakan kapatid kagandahan

takot panlilinlang palumpong

puno pagdaralita pagsuway

Sabihin at Alamin

Page 33: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan,

nalalasahan, o naaamoy?

Alin naman ang hindi?

Anong uri ng pangngalan ang mga ito?

Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga

bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang

ating limang pandama.

Ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga

bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad

ng katangian o damdamin.

Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin?

Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang

bagong kalaro?

Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula.

Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono, at

damdamin.

Read and Learn! Basahin at Alamin

Tandaan

Page 34: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang Kuting na si Pussy ni: Florita R. Matic

Ako ay isang kuting

Pussy kung ako’y tawagin

Nakatutuwa at napakalambing

Sa iyo ay higit sa akin.

Ang pagmamahal na dulot ko

Nagdadala ng kagalakan sa inyo

Ang kalituhan at kalungkutan

Ay hindi ko nararamdaman.

Pagkasabik at kagalakan

Sa puso ko ay nananahan

Sa tuwing ako’y nakakikilala

Ng bagong mga kasama.

Sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang tula?

2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula?

3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na

nagpapahayag nito.

4. Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting?

Basahin ito.

5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa

nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag.

Isipin

Page 35: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita?

1. madaya

2. kasama

3. nasabi

4. makulay

5. malungkot

Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat?

Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi?

Ano ang panlapi?

Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa

unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat upang

makabuo ng bagong salita.

Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng

salitang- ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-.

Gitlapi ay pantig na idinadagdag sa gitna tulad ng salitang

ugat gaya ng um-, at in-.

Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na

idinadagdag sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-,

at-, at han-.

Sabihin at Alamin

Tandaan

Page 36: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 1

Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “ Ang Kuting

na si Pussy.” Salungguhitan ang mga panlaping ginamit.

pagmamahal kalituhan

kagalakan pagkasabik

kalungkutan

Basahin nang malakas ang mga salita.

tauhan pinangyarihan pangyayari

talata saknong taludtod

tugma tula kuwento

Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita?

Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento?

Alin ang tumutukoy sa tula?

Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng

tauhan, pinangyarihan, at pangyayari sa kuwento.

Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong

ay binubuo ng mga taludtod na may salitang makakatugma.

Subukin

Sabihin at Alamin

Tandaan

Page 37: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 2

Pangkatin at isulat sa loob ng angkop ng ang mga salitang

magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula.

Gawain 3

Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga.

Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula.

1. Ano ang inaalagaan mo?

2. Ano ang pangalan ng iyong alaga?

3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga?

4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong

alaga?

5. Mahal mo ba ang iyong alaga?

6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alaga?

saknong

g

pangyayari tugma tauhan

pinangyarihan talata

taludtod

kuwento tula

Page 38: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 4

Bilugan ang mga di-kongkretong pangngalang makikita sa loob

ng kahon.

pagdamay luha isipan

bayani telebisyon kabayanihan

kamalayan masaya kahirapan

usapan pagmamahal pagmamalaki

pagkilala sulat paniniwala

Gawain 5

Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita.

Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

ka- -an -han -ran

1. ___seryoso___ 4. usap ______

2. ___tapang___ 5. ____tupa___

3. ____malay___

Lingguhang Pagtataya

Pagsasanay 1

Piliin sa kahon at isulat sa kuwaderno ang di-kongretong

pangngalan.

kapakumbabaan kamalayan

pamilihan kaunlaran

pagpapaubaya silid-aklatan

silid-dalanginan pinag-aralan

Page 39: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pagsasanay 2

Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita.

Isulat sa sagutang papel.

1. ___ganda___- loob

2. ___api____

3. ___mali____

4. ___malay____

5. ___siya____

Pagsasanay 3

Piliin ang kahulugan ng bawat salita sa ibaba.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.

1. katapangan

a. hindi matapang

b. pagiging matapang

c. walang tapang

2. katuparan

a. natamo ang nais

b. hindi natamo ang nais

c. hindi natupad ang nais

3. kahirapan

a. mayaman

b. mahirap

c. pagiging mahirap

4. pagkayamot

a. hindi naiinip

b. pagpapakita ng inip

c. naaaliw

5. kalungkutan

a. hindi nalulungkot

b. walang nadaramang lungkot

c. nakakaramdam ng lungkot

Page 40: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Ikalimang Linggo

Aralin 5: Mga Bagay na Gusto Ko

Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar, at

pagdiriwang sa inyong pamayanan?

Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar?

Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa

iyo?

Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar?

Sabihin at Alamin

Page 41: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang

tao, lugar, at pagdiriwang. Igalang natin ang mga ito.

Gawain 1

Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang

tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong lugar.

Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan

ulo- sikat na tao

kamay- kilalang pagdiriwang

paa- kilalang lugar

Tandaan

Subukin

Page 42: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong

“Isang Kahilingan.”

Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga

tanong kaugnay nito.

A B

kagalakan ngiti

pagkagulat regalo

kalungkutan luha

kasigasigan handaan

pagkasabik mag-anak

Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang

pandama?

Anong uri ng pangngalan ito?

Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan,

nalalasahan, o naamoy?

Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?

Gawain 2

Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na

kakatawan sa nakasaad na di-kongretong pangngalan.

Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

Halimbawa:

pagmamahal – bulaklak , tsokolate

1. pananampalataya - ________ ________

2. katarungan - ________ ________

3. karunungan - ________ ________

4. kalinangan - ________ ________

5. kaunlaran - ________ ________

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 43: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang

maaari nating madama samantalang ang di-kongkretong

pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita,

naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy.

May mga kaibigan ka ba?

Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan?

Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa

iyong paligid?

Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang

kaibigan.

Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at

damdamin.

Read and Learn!

pamilihan silid-dalanginan

pulis paaralan

sayaw gawang-kamay

aklat kulungan

daan Bibliya

Basahin at Alamin

Tandaan

Page 44: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante ni: Florita R. Matic

Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan

Tunay na taong mapagkakatiwalaan

Tulad ng bato, matatag at matibay

May lakas at tibay na walang kapantay.

Sa sandaling tayo ay naliligaw

Mga kaibiga’y nakaagapay

Tulad ng isang matuwid na daan

Tunay na kaibigan’y di ka bibitawan

Totoong kaibiga’y tulad ng kayaman

Gaya ng gintong may kinang na taglay

Walang katumbas, di kayang bayaran

Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.

Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin

Ang halaga nito’y hindi sukat akalain

Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning

Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang

katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan?

2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang

daan ay katulad ng isang kaibigan?

3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong

katangian ang magkatulad ang dalawa?

4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian

ang magkapareho sa kanila?

5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit?

Isipin

Page 45: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 3

Basahing muli ang tula.

Ano ang ibig sabihin ng tula?

Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.

1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na

walang kapantay.

2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigan’y di ka

bibitawan.

3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning.

4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan.

5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay.

Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan

ang isang kaibigan?

Puwede bang ihambing ang tao sa bagay?

Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?

Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng

dalawang magkaibang bagay?

Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?

Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na

nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang

bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya

ng-.

Halimbawa:

sintamis ng kendi tulad ng rosas

Basahin at Alamin

Tandaan

Page 46: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 4

Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat

pangungusap.

Halimbawa:

Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.

1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang

makita niya si Leah.

2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.

3. Singgaan ng balahibo ang papel.

4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking

balat.

5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata.

6. Lumangoy siyang simbilis ng isda.

Gawain 5

Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng

pangungusap na may simile o pagtutulad.

Isulat ang sagot sa patlang.

1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng

____________________________________________

2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay

____________________________________________

3. manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay,

langgam

____________________________________________

4. isip, ang, kaniyang, sinliwanag, ng, ay, araw

____________________________________________

Subukin

Page 47: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng

____________________________________________

6. ang, palagay, ay, umaagos, tulad, kaniyang, ng, ilog

____________________________________________

Basahin ang liham.

Tingnan kung paano ito isinusulat.

18-B. Chico St. Marulas Valenzuela City Ika- 23 ng Hulyo, 2013 Mahal kong Ellaine, Ang aking lola’y magdiriwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang sorpresa. Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Tiyak na matutuwa ang aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan. Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating. Ang iyong kaibigan, Eunice

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 48: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

A. Sagutin ang mga tanong.

Sino ang sumulat ng liham?

Saan nakatira si Eunice?

Kailan niya isinulat ang liham?

Kanino niya ipinadala ang liham?

Tungkol saan ang liham?

B. Paano isinulat ang katawan ng liham?

Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po.

1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham?

2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat

pangungusap?

3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit, at iba pang bantas na

ginamit?

4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita?

5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel?

Gawain 6

Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng

chocolate cake.

Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.

Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake:

1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F (175

degrees C).

2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga

sangkap ng tatlong minuto gamit ang de-kuryenteng panghalo.

3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin.

4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang

oven.

5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan.

Isipin

Page 49: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang

lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas, at vanilla nang salit-

salit.

7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at

lagyan ng icing ang bawat patong.

Lingguhang Pagtataya

Pagsasanay 1

Tukuyin ang uri ng mga pangngalang nasa loob ng kahon. Isulat

ang mga ito sa ilalim ng angkop na pamagat.

Di-Kongkretong Pangngalan

Kongkretong Pangngalan

Page 50: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

tagumpay medalyang ginto pagmamahal

pagtitiyaga kaalaman aklat computer

paaralan kapayapaan watawat

Pagsasanay 2

Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap sa ibaba.

Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang nasa loob ng

kahon.

sindilim ng sintamis ng

isang anghel isang araw

isang ilog

1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______.

2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi.

3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita.

4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam.

5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng ______ na nagbibigay liwanag.

Pagsasanay 3

Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito

ng isda.

Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.

a. Linisin ang isda.

b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta.

c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika.

d. Iprito ang isda hanggang sa maluto.

e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang

tumulo ang mantika.

f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.

Page 51: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Ikaanim na Linggo

Aralin 6: Pag-iingat Sa Kalikasan

May hardin ba kayo sa bahay?

Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin?

Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin?

Bigkasin ang tula.

Hardin Ko…Pinggan Ko! ni: Florita R. Matic

Isang araw, sa aking paggising

Aking nasilayan pagsikat ng araw

Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati

Tila isang dalagang mayumi.

Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy

At doon ang trabaho’y agad na itinuloy

Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran

At hindi isang pagong na may kakuparan.

Aking mga tanim ay agad nagsilaki

Kawangis ng isang higanteng kaylaki

Kay gandang tingnan halamang luntian

Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.

Kung ikaw ma’y nalulungkot

Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot

Magpunta ka lamang sa aking hardin

Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.

Ang hardin ko ay aking pinggan

Na nagpapalusog sa aking katawan

Dahil sa alaga kong anong inam

Puno ng pagmamahal na iningatan.

Read and Learn! Sabihin at Alamin

Page 52: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

1. Tungkol saan ang tula?

2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula?

3. Saan iwinangis ang araw?

4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kaniyang sarili?

5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula?

Gawain 1

Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong

Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung

tungkol saan ang saknong.

Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na

nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang

sagot sa iyong papel.

Isipin

Subukin

Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy

At doon ang trabaho’y agad na itinuloy

Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran

At hindi isang pagong na may kakuparan.

Pangunahing Diwa:

a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw.

b. Nagtatrabaho nang mabuti ang

tagapagsalita

sa kaniyang hardin.

c. Maraming pagong sa kaniyang hardin.

Page 53: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Aking mga tanim ay agad nagsilaki

Kawangis ng isang higanteng kaylaki

Kay gandang tingnan halamang luntian

Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.

Pangunahing Diwa:

a. Magandang pagmasdan ang mga tanim.

b. May mga bituin sa halamanan.

c. Higante ang mga halaman.

Kung ikaw may nalulungkot

Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot

Magpunta ka lamang sa aking hardin

Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.

Pangunahing Diwa:

a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin.

b. Nagbibigay saya ang aking hardin.

c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.

Gawain 2

Gumuhit ng hardin na gusto mo sa iyong kuwaderno.

Page 54: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.

1. Ako’y isang kalabaw sa bukid.

2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan.

3. Mga higante ang halaman.

4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap pagmasdan.

5. Ang hardin ko ay aking pinggan.

Paano pinaghambing ang mga bagaysa bawat pangungusap?

Anong anyo ng pananalita ang ginamit?

Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag

na metapora o pagwawangis.

Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang

tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay

na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-.

Read and Learn! Basahin at Alamin

Tandaan

Page 55: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 3

Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay

gumamit ng metapora.

______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.

______2. Singgaan ng balahibo ang papel.

______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga

modelo.

______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat

parang pagong kung siya ay kumilos.

______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama.

Gawain 4

Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon.

1. Madaling mawala ang galit ni Bing.

Siya ay may _____________________________.

2. Hindi marunong magpatawad si Rene.

Mayroon siyang __________________________.

3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at

kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar.

4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya

ay may__________.

dilang-anghel pusong mamon

dugong-bughaw pusong bato

isang kahig, isang tuka

Subukin

Page 56: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho

ang magulang niya.

Sila ay___________________________________.

Mayroon ka bang talaarawan?

Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan?

Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa

niya araw-araw.

Read and Learn! Basahin at Alamin

Ako po si Ronel, walong taong gulang.

Paghahardin, pangongolekta ng halaman, at

pagtatanim ng mga puno ang aking mga

paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan.

Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay

isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi

pagkatapos kong gawin ang aking takdang-aralin.

Page 57: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi

Dinala kami ng aming guro sa Science na

si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga

halaman. Namangha ako sa dami ng mga makukulay na

halaman sa aming hardin.

Kahanga-hanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga

ng halaman.

Martes, Ika-23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi

Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng

aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na

kinakausap niya ang kaniyang mga tanim

sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas

sa kaniyang paningin.

Miyerkules, ika-24 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi

Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si

Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga

punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan.

Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam niyang mahilig akong

magtanim.

Page 58: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Huwebes, ika-25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi

Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking

hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla.

Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag ng araw upang

hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga

tanim.

Biyernes, ika-26 ng Hulyo, 2013, ika-7:15 ng gabi

Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin.

Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon.

Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga

halamang namumulaklak.

Sabado, ika-27 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi

Kahit walang pasok, maaga akong gumising upang tumulong

sa mga gawain.Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan,

agad akong pumunta sa aking hardin.

Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga

itinanim.

Linggo, ika-28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi

Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking

hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na

halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo.

Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang

sariling hardin!

Gawain 5

Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na

nagustuhan?

Gumuhit ng kuwadro sa sagutang papel at sumulat ng 2-3

pangungusap tungkol dito.

Page 59: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 6

Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo

tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.

Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin

ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan.

1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?

2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi?

3. Kailan at saan ito nangyari?

4. Ano ang nangyari noong araw na iyon?

Mahilig ka bang magbasa?

Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat?

Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito?

Salunguhitan ang mga ito.

Isipin

Page 60: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng

aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat,

paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat,

talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya.

Lingguhang Pagtataya

Pagsasanay 1

Pagtambalin ang metapora sa hanay A sa katumbas nito sa

hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A B

_____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho

_____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam

_____3. basang-sisiw c. masama ang ugali

_____4. kayod-kabayo d. problema

_____5. pusong bato e. inaapi

pabalat ng aklat katawan ng aklat

pahinang pang-isports pamagat

pang-ulong tudling talaan ng nilalaman

talaan ng pagpapalimbag glosari

Tandaan

Page 61: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pagsasanay 2

Piliin mula sa talaan sa ibaba ang iba’t ibang bahagi ng aklat.

Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno.

glosari bibliyograpiya

pabalat ng aklat pahinang pang-isports

indise o indeks pamagat pahinang

pamagat talaan ng nilalaman

paunang salita katawan ng aklat

talaan ng pagpapalimbag ng aklat

Pagsasanay 3

Tukuyin ang pangunahing diwa na ipinapahayag ng bawat

talata. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang

papel.

_____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod.

Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno

ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang

mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay,

kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig.

a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay.

b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng

bakuran.

c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y

nakatira sa lungsod.

_____2. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang

proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang

Maglinis.” Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng

kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang

mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang

pamayanang malinis ay ligtas sa sakit.

a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid

araw-araw.

b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong

“Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang

kanilang pamayanan.

c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali

sa proyekto ng pamayanan.

Page 62: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Ikapitong Linggo

Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin

Paunang Pagtataya

Lagyan ng tsek () ang wastong hanay kung ikaw ay

sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat

pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Pangungusap Sang-

ayon

Hindi

Sang-

ayon

1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng

pananalita na nagpapahayag ng

paghahambing ng dalawang magkaibang

bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-,

tulad ng-, at gaya ng-.

2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro kapag

nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito

ay halimbawa ng metapora.

3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad

ng pangunahing diwa ng talata.

4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng

tuldok, tandang pananong o padamdam

sa hulihan ng pangungusap.

5. Ang payak na pangungusap ay

nagpapahayag ng isang buong diwa.

Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan.

Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit.

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 63: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi.

Ang sanggol ay anghel ng pamilya.

Siya ay gutom na leon kung kumain.

Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato?

Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan?

Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na

gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis?

Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang

pagkakapareho ng mga bagay?

Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora o

pagwawangis?

Paanong nagkaiba ang simile at metapora?

Simile at Metapora

Ano ang simile?

Ano ang metapora?

Tandaan

Page 64: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora.

Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang.

1. ______________________________________

2. ______________________________________

3. ____________________________________

4. ___________________________________

Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na

nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang

magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-tulad

ng- at gaya ng-.

Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita

na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa

ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng-.

Isipin

Page 65: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

5. ___________________________________

Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong

“Tulad ng Langgam.”

a. Nagwawalis ng bakuran si Athena.

b. Nagdidilig ng halaman si Brigette.

c. Nagbubungkal ng lupa si Rose.

d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na

gagawing abono.

e. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark.

f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.

Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak

na pangungusap.

Simuno Panaguri

Athena nagwawalis ng bakuran

Brigette nagdidilig ng halaman

Rose nagbubungkal ng lupa

Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa

hukay na gagawing abono

Mark nagbubunot ng damo

Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim

Ano ang mga bahagi ng pangungusap?

Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit?

Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong

diwa o kaisipan lamang?

Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap?

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 66: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ano ang payak na pangungusap?

Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa

pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap.

Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa

ginawa o ikinilos ng simuno.

Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang

pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap.

Gawain 1

Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan.

Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng

isang diwa o kaisipan lamang.

Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang

panaguri.

Tandaan

Subukin

Page 67: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Tulad ng Langgam ni: Claire B. Barcelona

“Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila

masyadong abala?” tanong ni Brigette.

“Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang

paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya.

Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam

na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang

tatay.

“Athena, Brigette, at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo

akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga

anak.

Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-

maya’y naging abala na ang lahat.

Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si

Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo

ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong

dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 68: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-

tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.

Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at

nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay

may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang

gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang

tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng

gawain.

Nakangiting pinagmamasdan ng nanay ang kaniyang mga

anak. “Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang

gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina.

Sagutin ang mga tanong.

Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya?

Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho?

Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kaniyang mga anak?

Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata?

Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga

langgam para sa tag-ulan?

Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata?

Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin?

Gawain 2

Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong

pamilya sa mga espesyal na okasyon?

Ibahagi ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat

sa kahon, gamit ang payak na pangungusap. Isulat sa iyong

sagutang papel.

Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.

bakasyon

kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso

Page 69: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose.

Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si

Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo

ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong

dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si

Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-

tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan.

Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at

nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay

may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang

gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang

tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng

gawain.

Ano ang isinasaad sa bawat talata?

Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa?

Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa

pangunahing diwa?

Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito?

Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata?

Saan makikita sa talata ang susing pangungusap?

Ano ang susing pangungusap?

Ano ang pangunahing diwa?

Sabihin at Alamin

Page 70: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 3

Suriin ang tsart at buuin ang kaisipan.

Isulat sa sagutang papel ang nawawalang impormasyon sa tsart.

Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing

diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa

gitna, o sa hulihan ng talata.

Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing

pangungusap.

Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang

impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi

ng teksto.

Pamagat ng Kuwento

Pagbabasa

ng Diyaryo

Pag-iipon

ng mga

Larawan

liba-

ngan

pagbaba-

sa ng

aklat at

diyaryo

pagtata-

nim ng

halaman

Tandaan

Page 71: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo.

Tagapagsalita 1: Ang DCBB Balita Ngayon ay magbabalik

pagkaraan ng paalalang ito.

Joseph: Mark, saan ka galing?

Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking

takdang aralin at humiran na rin ako ng aklat.

Joseph: Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo ng

computer.

Mark: Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni tatay.

Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento

dito sa aklat na hiniram ko.

Joseph: Uy, kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento!

Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis

kong nakikita ang aking hinahanap.

Joseph: Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa.

Mark: Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang

matututuhan.

Tagapagsalita 2: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT

Foundation at ng istasyong ito.

Tungkol saan ang paalala sa radyo?

Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang

libangan?

Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark ng

kuwento sa aklat?

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 72: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 4

Pag-aralan ang mga impormasyon na nakasaad sa talahanayan

na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat.

Bahagi ng Aklat Kahulugan

1. Pabalat ng aklat nagpapakita ng pamagat ng

aklat, may-akda, at gumuhit

ng mga larawan.

2. Talaan ng

pagpapalimbag ng aklat

nagsasaad kung kailan

inilimbag ang aklat

3. Talaan ng nilalaman nagpapakita ng paksa, aralin,

at pahina kung saan ito

mababasa

4. Katawan ng aklat

nilalaman ng aklat

5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng

mga salitang ginamit

Ano-ano ang bahagi ng aklat?

Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito?

Gawain 5

Itambal ang nilalaman ng hanay A sa bahagi ng aklat na nasa

hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang

papel.

A B

1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag

ni Paz M. Belvez

2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklat

Visayas Avenue, Quezon City

Page 73: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

3. Aralin 1-Mga Tugmang-bayan c. glosari

(Salaysay)………….2

4. malumbay, 24

5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman

Lingguhang Pagtataya

Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng

Linggong ito. Sagutin nang wasto ang bawat aytem gamit ang

inyong sagutang papel.

A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

“Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niya

ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon.

Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala.

Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang tatay.

Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong

boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang nanay ay

nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng

basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na

basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong.

“Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang

lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Baranggay

na tuwang-tuwa.

“Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay,”

puna ni Mark .

1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento?

a. Ang Pista

b. Oras ng Maglinis

c. Pagtutulungan ng Mag-anak

d. Paghahanda sa Pista

Page 74: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod

ng binasa?

a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan.

b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na

maglinis.

c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa

pamayanan.

d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na

maging responsable.

3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon

sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-

hiwalay?”

a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan.

b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa

paghahanda para sa pista.

c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na

maglinis ng daan.

d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa

paghahanda para sa pista.

A. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat

pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung

metapora.

_____1. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya Nang kumain

sila, gabundok na kanin ang naubos.

_____2. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag

ang kaniyang paboritong plorera.

_____3. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng

langit kapag iyong natikman.

_____4. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera.

B. Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito

sa sagutang papel.

Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para

dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si

Page 75: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa

kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa

kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa

kanilang lolo at lola. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at

Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na

makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.

1. Alin ang susing pangungusap?

a. Umaga ng Sabado.

b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo

at lola.

c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo

at lola.

d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang

mga lolo at lola.

2. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing

diwa?

a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo.

b. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa

kanilang paaralan.

c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola.

d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo

at lola.

3. Ano ang kaisipang diwa ng talata?

a. Ang mga Batang Abala

b. Katapusan ng Linggo sa Lolo at Lola

c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid

d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola

4. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit, at

naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kaniyang

titingnan?

a. indeks o indise

b. glosari

c. pabalat ng aklat

d. talaan ng nilalaman

Page 76: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

5. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Alin sa mga

ito ang halimbawa ng payak na pangungusap?

a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang nanay na magluto ng

tanghalian.

b. Tatlong makukulay na paruparo sa isang magandang hardin

c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang

asawang si Joyce.

d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kaniyang computer sa

paaralan.

C. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa

larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan nito.

Isulat ito sa papel. (13-15)

Unang Kuwarter

Ikawalong Linggo

Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya

Paunang Pagtataya

Piliin at isulat sa sagutang papel ang hanay na kakatawan sa

iyong pansariling karunungan sa nakaslulat na konsepto.

Lagyan din ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo

ito.

Konsepto

Alam na

alam ko

Ito

Narinig

ko na

Ito

Wala

palatandaan Hal Kahulugan

tambalang

pangungusap

salitang may

iba’t ibang

Page 77: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Tara Na! ni: Florita R. Matic

Ang lahat ng kasama’y abala

Ang pakiramdam ay masaya

Dahil lahat ay tiyak na sasama

Sa lakbay-aral na kay saya

Tiyak na magdudulot ng ligaya.

Tara na at maglakbay

Ingat lang at alalay

Sa paanan ng burol

Hakbang mo’y ingatan

Talampakan ay tatagan.

Mga puno sa burol

Puno ng sangang madahon

Sa tabi naman nito’y

May tubo na nakabaon.

Doon sa di kalayuan

Iyong masisilayan

Mga tanim na tubo

Tubo na ang ilan

Kay sarap tikman.

Paso at lapnos ang aming balat

Sa init ng araw na matingkad.

Dahil sa layo ng aming nilakad

kahulugan

nakapagbibigay-

hinuha sa

nararamdaman

ng tauhan

talaan ng

nilalaman

Read and Learn! Basahin at Alamin

Page 78: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Katawang pagod ay agad napaupo

Sa tabi ng paso dahil sa hapo.

Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa

rap na binasa?

Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso?

Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita?

Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang

magkapareho ang baybay?

Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan

Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart.

Salita Kahulugan

puno tanim o punong-kahoy maraming laman

tubo daluyan ng tubig isang uri ng

pananim na

ginagawang asukal usbong ng halaman na

lalaki pa lamang

paso lapnos sa balat dahil sa

init

lalagyan ng

halaman

Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart?

Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang kahulugan?

Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahulugan ng

salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa

pangungusap?

Ang mga salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit

pang kahulugan.

Ang kahulugan ng mga salita ay nakabatay sa kung

paano ito ginamit sa pangungusap.

Sabihin at Alamin

Tandaan

Page 79: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pag-aralan ang bawat larawan at itambal ito sa pangungusap

nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang

sagot.

a. Bumili ng bagong saya si Ana.

1.

2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang

saya na kanilang nararamdaman.

3. c. Malakas ang tunog ng pito.

4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng

bilang na pito.

5. e. Magtanim tayo ng puno.

f. Puno ng kape ang tatlong tasa.

6.

Isipin

Page 80: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan

Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang

iyong hinuha sa kanilang nararamdaman.

Sino sino ang tauhan sa usapan?

Ano ang nararamdaman ni Athena?

Ano ang iniisip ni Brigette?

Ano ang sagot ni Anton?

Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak?

Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton?

ni Mang Jose?

Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa

naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan.

Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan Ugali

Athena

Brigette

Anton

Mang

Jose

Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng

hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?

Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.

Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton.

Anton: Madali lang yan. Tutulungan kita.

Ano ang sinabi?

Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.

Ano ang nararamdaman?

Sabihin at Alamin

Page 81: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

Paano mo masasabi kung ano nararamdaman

ng tauhan sa kuwento?

Gawain 1

Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino.

Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na

damdamin.

Paano mo ito nalaman?

Damdamin Sitwasyon

kinakabahan

kawalan ng

tiwala sa sarili

maiyak-iyak

matapang

Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa

kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng

tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa, o iniisip.

Ako po si Dino.

Tandaan

Ito ang araw ng palatuntunan sa paararalan nina Dino.

Masaya ang mga magulang, kapatid, at iba pang

manonood dahil masasaksihan nila ang talento ng mga

mag-aaral. Tinawag na si Dino at siya ay tumugtog. Ang

lahat ay nagpalakpakan at nasiyahan sa kaniyang

ipinakita. Binati at niyakap siya ng kaniyang kapatid

pagkababa niya sa entablado. Nagustuhan ng kaniyang

tatay ang napakaganda niyang ipinalamas.

Page 82: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 2

Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan.

Sipiin sa inyong sagutang papel.

Ugali Ginawa at Sinabi ng

Tauhan

“Hindi ko halos narinig

kung kailan ka

nagkamali. Lahat ay

pumalakpak pagkatapos

mong tumugtog.”

“Narinig kitang

tumugtog. Ang husay

mo!” Niyakap niya ang

kapatid.

“Bakit, Dino?” bulong

niya sa kapatid.

Ako po si Angela.

Ano po ang ugali ko?

Pangalan ng tauhan

iniisip

ginagawa

nararamdaman

Ako po si _______

___________.

sinasabi

Page 83: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Magandang Ideya ni: Claire B. Barcelona

“Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,”

sambit ni Brigette sa kapatid.

“Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena.

“Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong

sagutin nang maraming beses pero hindi ko talaga makuha,”

sagot ni Brigette sabay lapit sa kaniyang kapatid.

Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math.

“Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong

tanong ni Athena.

“Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay

Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid.

Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang

gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya

Anton sa Math.

“Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi

akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap

ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong

puso,”mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton.

Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing

“Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.”

Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang

tumungo sa hapag-kainan.

Basahin at Alamin

Page 84: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Sagutin ang mga tanong.

Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga

kapatid?

Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga

kapatid?

Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa

niya ang kaniyang galing sa Math?

Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong

ipagmalaki?

Ibinabahagi mo ba sa iyong pamilya ang iyong talento?

Paano?

Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?

Tambalang Pangungusap

Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento.

a. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang

gagawin at humanga sila sa kaniyang husay.

b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si

Athena.

c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton.

d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa

hapag-kainan.

Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap?

Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap.

Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang

gagawin at humanga sila sa kaniyang husay.

Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap?

Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-

isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag?

Basahin at Alamin

Page 85: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang

sugnay na nakapag-iisa?

Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang

pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa?

Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap

na ginamit sa kuwento.

Ano ang tambalang pangungusap?

Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa?

Ano ang pang-ugnay?

Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang

pangungusap?

Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap?

Gawain 3

A. Nasaan ang aking kaparis?

Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang

makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong

pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel.

A

1. Pagpipinta ang gusto ni Mark.

2. Tumutugtog ng gitara siJoseph.

3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda.

4. Mahusay sumayaw si Grace.

5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil.

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang

sugnay na nakapag-iisa.

Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at-, o-, ngunit-, at saka-.

Tandaan

Page 86: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

B

a. Araw-araw siyang nagsasanay.

b. Siya ang lider ng cheering squad.

c. Kumakanta ang banda nila sa handaan.

d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit.

e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan.

Gawain 4

Talaan ng Nilalaman ng Aklat

Pag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin ang sumusunod

natanong. Isulat sa sagutang papel.

Ilang aralin mayroon sa talaan?

Ano ang pamagat ng huling aralin?

Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa

pagtuklas ng iyong lakas?

Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98?

Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng

libangan?

Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga

kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito?

Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at

priyoridad?

Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling

aralin ang babasahin mo?

Mga Libangan Mo

Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan………………… 1-7 Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas……………………... 8-39 Aralin 3 Pagyamanin ang Galing….………………….. 40-76 Aralin 4 Ibahagi sa Iba………… ……………………… 77-99 Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili…..…………………100-124 Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad……………...125-150

Page 87: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng

aklat?

Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat?

Lingguhang Pagtataya

Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng

Linggong ito.

Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto.

A. Pakinggan ang kuwento.

Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra.

Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo

galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang

bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw

niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka.

“Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang

pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka.

“Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na

tugon ni Myko sa kakambal.

Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay.

Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa

unahang bahagi ng aklat.

Nakasaad dito ang yunit, aralin, o kuwento at kung saan

pahina ang mga ito matatagpuan.

Tandaan

Page 88: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko?

a. makasarili

b. mapagtiwala

c. palakaibigan

d. matigas ang ulo

2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang

kakambal?

a. natakot

b. nalungkot

c. nagalit

d. humingi ng paumanhin

3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si

Myko?

a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan.

b. Mayroon kang sariling manika.

c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta.

d. Maaari bang mahiram ang iyong bola?

B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.

4. Alin ang tambalang pangungusap?

a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola.

b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa

kanilang Tito Bobby.

c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si

Myka, umalis siyang maluha-luha.

d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang

Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo.

5. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. karneng manamis-namis ang luto

b. paghingi ng tawad

c. pag-aanyaya ng away

d. pagkaing gawa sa isda

Page 89: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

6. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong

pang-ugnay.

Tumula ang mga batang babae.

Nagsayaw ang mga batang lalaki.

Alin ang tama?

a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang

mga batang lalaki.

b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang

mga batang lalaki.

c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga

batang lalaki.

d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang

mga batang lalaki.

7. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang

angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan?

a. Nakadamit ng saya ang mga bata.

b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya.

c. Baro at saya ang kasuotan ng mga

ninuno nating Pilipino.

d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa

kanilang mga ngiti.

Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may

salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang

papel.

a. taniman ng halaman

b. lapnos ang balat dahil sa init

c. lagpas na sa itinakdang araw

8. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa.

9. Ginamot ng nanay ang mga paso ni Mark sa braso.

10. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito.

Page 90: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.

11. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong

malaman ang ehersisyong bagay sa iyo?

a. aralin 1 b. aralin 2 c. aralin 3 d. aralin 4

12. Anong impormasyon ang nasa pahina 32?

a. Tamang Ehersisyo

b. Gabay sa Pagkain

c. Mabuti sa Katawan

d. Pag-iingat na Kailangan

D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang

pangungusap tungkol dito.

Malusog na Pamumuhay

Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18 Aralin 2 Pag-iingat na Kailangan…...…………….. 19-36 Aralin 3 Mag-exercise Tayo……………..………… 37-54

Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo…………............... 55-75

14.________________________________________________

15. ________________________________________________

Page 91: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Unang Kuwarter

Ikasiyam na Linggo

Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan

Pagpapayaman ng Bokabularyo

Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga

sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa

pangungusap.

1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng

alcohol.

a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol.

b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay

kalsada.

2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa

Corregidor.

a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga

makasaysayang lugar ng ating bansa.

b. Maliwanag ang tala kung gabi.

3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw.

a. Pakiusap, iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na

panauhin.

b. Bukas aalis na ang iyong pinsan.

Paano mo nakikilala ang mga salitang maraming kahulugan.

May mga salita na maraming kahulugan.

Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit

nito sa pangungusap.

Basahin at Alamin

Tandaan

Page 92: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Gawain 1

Hanap larawan: Piliin at iguhit sa sagutang papel ang larawang

nagpapahayag ng pangungusap.

1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging.

2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan.

3. Ang baso ay puno ng gatas.

4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.

5. Kulay berde ang upo.

Subukin

Page 93: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan

na inilalarawan sa pangungusap.

a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na hindi

nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________.

mapagbigay bastos tamad

b. Hinugasan ni Monina ng mga pinggan ng walang reklamo si

Monina ay __________.

mabait mapagbigay matulungin

c. “Monita, ibigay na lang natin sa matandang nagugutom ang

ating baon. Si Monina ay__________.

malungkot galit mapagbigay

d. “Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko

ibibigay,“ wika ni Monita. Siya ay _________.

makasarili maalalahanin palakaibigan

e. Nararamdaman niyang siya ay __________.

masaya malungkot mainitin ang ulo

Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan sa

kuwento upang malaman natin ang kaniyang ugali.

Kung ano ang sinasabi, ginagawa, inisip, at nararamdan

ng tauhan ay nagpapakita kung anong ugali ang

mayroon siya.

Sabihin at Alamin

Page 94: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang

dalawang pangungusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng

salitang dahil o habang.

1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit.

2. Nilinis ni Maria ang kuwarto. Naghihintay si Mario sa labas.

3. Umawit si Paolo. Matamang nakinig ang kaniyang mga

kaklase.

4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang

punong guro.

5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay.

Ano ang hugnayang pangungusap?

Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap?

A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sabihin kung ang

pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng

dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito

dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang

ugnay na dahil o habang.

Basahin at Alamin

Tandaan

Basahin at Alamin

Page 95: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa

doon kahapon.

2. May sakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay.

3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center

dahil nangangailangan sila ng tulong.

4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito.

5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng

bus.

B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng

pag ugnay na dahil o habang.

1. Nakapunta kami sa maraming lugar _____ kami ay nasa Cebu.

2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ namamaga

ang kaniyang paa.

3. Sikat ang pamilya Garrara ________ lahat ng kanilang mga

anak ay nasa honor roll.

4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa.

5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga

lalaki sa silid-aralan.

Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong.

April 25, 2012

Ibinili ako ng tatay ng asul na bisikleta. Sa darating na bakasyon mag-aaral akong magmaneho. Natutuwa talaga ako! Bert April 27, 2012 Marunong na akong magmaneho ng bisikleta. Tinuruan ako ng tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon, natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit. Bert

Basahin at Alamin

Page 96: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Tanong:

1. Sino ang sumulat ng talaarawan?

2. Ano-ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan?

3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert?

Pagsulat ng talaarawan

Sagutin ang tanong:

1. Ano ang mahalagang nagyari sa iyo noong Sabado?

Sumulat ng dalawang pangungusap.

2. Bakit nangyari iyon?

3. Ano ang naramdaman tungkol dito?

Gamit ang inyong mga sagot, sipiin ang talaarawan sa sagutang

papel. Isulat ang inyong karanasan.

Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay

tungkol sa ating sarili. Mga pangyayari na gusto at hindi

natin gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o

mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating

buhay.

Ang Aking Talaarawan

_________________________

Petsa ______________________________________________________ ______________________________________________________

Tandaan

Subukin

Page 97: Mtb-quarter 1-Edited April 21 Mtb

Pagpapayamang Gawain

Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong

kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay

sa buong klase ang iyong nabuo.

Suriin ang inyong ginawa. Lagyan ng marka batay sa bituin sa

tsart ang inyong katha.

Nilalaman at Kaayusan Nakuha

1. Ang mga pangungusap ay

naisulat nang angkop, kumpleto, at

nauunawaan

(may tamang bigkas)

2. Ang mga pangungusap ay

maliwanag at kumpleto

3. Ang mga pangungusap ay hindi

kumpleto pero maliwanag

Katangian

1. Ang mga nakasulat ay

nagbabahagi ng buhay ng isang

mag-aaral

2. Ibang kamag-aral

3. Kulang ng rmga detalye