11
 Monday June 2, 2014 MUSIC V I. Layunin  Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng awit  Naaawit ang kantang nakatala II. Paksang Aralin Ako ay Pilipino Sanggunian : PELC Kagamitan: larawan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Awit: Ako ay Pilipino B. Panlinang na Gawain Ang awit ay siyang salita ng ating kaluluwa. Marami itong nagagawa sa isang tao. Maaari itong magpaalab ng naarama! magpagalit! magpapayapa o kayay magpakalama. ". Pag#aralan at basahin ang awit. $. Piliin ang simbolo ng mga bagay%salita na pasa. &anay A na matatagpuan sa hana y B. lagyan ng guhit. C. Basahin ang titik ng nota na nakatala sa ibaba. '. Sagutin. Balikan ang awit na (Ako)y Pilipino* ". Ano ang pamagat ng awit+ $. Ano ang m,nsah, ng awit+ -. Para kanino ang awit na ito+

Music

Embed Size (px)

DESCRIPTION

music

Citation preview

MondayJune 2, 2014MUSIC V

I. LayuninNaipaliliwanag ang ibig sabihin ng awitNaaawit ang kantang nakatala

II. Paksang AralinAko ay PilipinoSanggunian : PELC Kagamitan: larawan

III. PamamaraanA. Panimulang GawainAwit: Ako ay PilipinoB. Panlinang na GawainAng awit ay siyang salita ng ating kaluluwa. Marami itong nagagawa sa isang tao. Maaari itong magpaalab ng nadarama, magpagalit, magpapayapa o kayay magpakalama.

1. Pag-aralan at basahin ang awit.2. Piliin ang simbolo ng mga bagay/salita na pasa. Hanay A na matatagpuan sa hanay B. lagyan ng guhit.

C. Basahin ang titik ng nota na nakatala sa ibaba.

D. Sagutin. Balikan ang awit na Akoy Pilipino1. Ano ang pamagat ng awit?2. Ano ang mensahe ng awit?3. Para kanino ang awit na ito?

MondayJune 9, 2014MUSIC V

I. LayuninNakikilala ang tempo ng isang awit o bagay na gumagalaw.Nakasasaliw sa galaw na sinasabayan

II. Paksang AralinTempoSanggunian : PELC Kagamitan: larawan, speaker, cellphone

III. PamamaraanA.Ang pintig ng iyong puso ay pakinggan habang ikaw ay nakaupo. Bilangin mo ito ng hanggang apat lapat. Halos parehas ba ang agwat ng bawat bilang? Ulitin mo ang pakikinig at pagbibilang. Tumakbo ka sa loob ng isang minute at pakinggan mo uli ang pagbibiblang.Ngayon pakinggan mo naman ang iyong guro o ang iyong paboritong awit. Sabayan ito ng magaang pagpalakpak. Pansinin mo ang galaw na laging nangyayari sa isang kumpas at diin.

B. Masdan ang nakaguhit sa ibaba. Ipalakpak ang bawat nakaguhit, pero mas malakas ang palakpak sa guhit sa lobo.

C. Pakinggan ang awit na ipaparinig ng inyong guro sa inyo. Ipalakpak ninyo ang tempo nito.

D. Tingnan ang mga nota ng isang awit. Ano kaya ang tempo nito: mabilis, mabagal, mabilis na mabilis o mabagal na mabagal.

MondayJune 16, 2014MUSIC V

I. Layunin Naituturo ang pulso ng isang awit ayon sa tempo nito

II. Paksang AralinAng tempo at ang pulso nitoSanggunian : PELC Kagamitan: larawan, speaker, cellphone

III. PamamaraanA.Ang tempo ay nasa bawat musika, iba-iba nga lamang dahil marami ngang uri ng musika sa mundong ito.

B. Ipalakpak ang mga nota na binibigyang-diin ang:1. unang bilang2. huling bilangC. SagutinSagutin kung saang nota ang may diin sa mga sumusunod na pangkat ng nota. Kulayan ang kinaroroonanan ng diin

TuesdayJune 17, 2014MUSIC V

I. LayuninNasasabi ang bilang ng bawat kumpas ng palakumpasanNaawit ang kanta na nasa 2 4 at 3 4

II. Paksang AralinMga Galaw na nasa 2 4 at 3 4Sanggunian : PELC Kagamitan: larawan, speaker, cellphone,

III. PamamaraanA.Ang awit ay may kumpas, dapat mayroon nito dahil kapag wala, ang pakikinggan natin ay ingay hindi awit.

B.Ipalakpak muna ang awit sa ibaba ayon sa kumpasC. Awitin ito ayon sa notang nakatala

C. Mungkahing GawainA. Pagsasagawa sa ma pagsubok sa kakayahang pangkatawan1. Pangmalayang lundag2. hig-upong pabaluktot ang tuhod3. Pag-abot ng malayo4. Tulak paitaas5. 50 metrong mabilis sa pagtakbo6. Takbong Pabalik-balik

D. Piliin ang tamang sagot tungkol sa pagsubok ng kakayahang pangkatawan.

MondayJuly 07, 2014MUSIC VI. Mga Kasanayang Lilinangin1) Naibibigay ang halaga ng isang nota sa palakumpasang 2/4, at 4/42) Nasasabi na ang halaga ng tuldok ay kalahati ng notang sinusunduanII. Paksang-Aralin: Halaga Tuldok sa Notang Sinusunduan at Pagbibigay ng Halaga ng Isang Nota sa Palakumpasang 2/4, at 4/4Integrasyon: Character Education: a) Paghanga sa mga pagpapahalagang taglay ng tunay na dalagang Pilipinab) Tamang pagbibigay ng halaga ng mga nota HeKaSi: Mga Tradisyonal at Di-Tradisyonal na Bahaging Ginagampanan ng mga Babae Math: Pagsulat ng Mixed FractionMga Sanggunian: 2002 BEC-PELC sa Makabayan 5, Musika, I.A.3..1-2 Halinat Umawit 5, p.52-54 Population Commisision, Reg.5Mga Kagamitan: Nakalimbag sa manila paper na piyesa ng awit na Ang Dalagang Pilipina Cassette/isinatape na awit na Tuldok na inawit ng ASINIII. Mga Gawain sa PagkatutoA. Panimulang Gawain Papag-usapan ang tradisyonnal at di-tradisyonal na bahaging ginagampanan ng mga babae sa bansa. Ipaawit sa saliw ng tugtugin sa cassette ang awit na Ang Dalagang Pilipina. Itanong: Mamamalas pa bas a kasalukuyang panahon ang mga pagpapahalagang taglay ng isang dalagang Pilipina? Patunayan.B. Mga Gawain sa Paglinang ng mga Kasanayan Paglalahad Ipaskil sa pisara ang piyesa ng awit na Ang Dalagang Pilipina na matatagpuan sa pahina 52-54 ng aklat na Halinat Umawit 5.

Pagsusuri ng Piyesa ng Awit Ipasuri ang piyesa ng awit. Papag- usapan ang palakumpasan , tunugan at ibat ibang uri ng notang matatagpuan sa piyesa ng awit. Ipasagot:1) Ano ang palakumpasan ng awit? Ibigay ang kahulugan nito. 2) Ilang kumpas mayroon ang isang 3) Ipapalakpak ang ritmo/ kumpas ng awit.

Ipatukoy ang ibat ibang pagitan ng tonong matatagpuan sa bawat sukat ng awit. Ipaawit ito ng tama.

Pagsasanay Magkaroon ng mga pagsasanay sa pagbibigay ng halaga ng ibat ibang uri ng nota, walang tuldok o may tuldok na sumusunod sa palakumpasang , at

C. Pangwakas na Gawain Pasayawin ang mga bata sa saliw ng awit na Tuldok.

IV. Ebalwasyon Panuto: ibigay ang halaga ng bawat nota sa angkop na palakumpasan.Halimbawa: 34

V. Kasunduan Magkasundong magsanay sa pagbibigay ng halaga ng bawat nota sa alinmang piyesa ng awit.

TuesdayJuly 08, 2014MUSIC VI. Kasanayang Lilinangin1. Naibibigay ang mga pangalang pantawag sa bawat nota/pahinga

II. Paksang Aralin: Mga Pangalang Pantawag sa Bawat Nota/Pahinga

Integrasyon: Character Education: Pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan HeKaSi: Mga Programa ng Pamahalaan sa Paglutas ng mga Suliraning Pangkabuhayan

Mga Sanggunian: 2002 BEC-PELC sa Makabayan, Musika 5, I.A.3.3 Halinat Umawit 4, p.103

Mga Kagamitan: Chart ng ibat ibang nota at katumbas na pahinga sa palakumpasang 2/4, 3/4 at 4/4 Piyesa ng awit na Bahay-Kubo, , so C Mayor

Himig: Planting RiceAng gawang pagtatanimIpagmalaki natin.Pag mayroong itinanimMayron aanihin.

Kung di tayo magtatanimAno ang kakainin,Ng mga doctor, teacher,Abogadot engineer?

Wala ring makakainAng batang tulad natinKung hindi magtatanimMagsasaka ng bayan natin!

Halina, halina, mga kababayanMagsasaka ay ating tularanTunay silang bayani ng bayan,Atin silang ikarangal!

III. Mga Gawain sa PagkatutoA. Panimulang Gawain Papag-usapan ang mga programa ng pamahalaang Japan sa paglutas ng suliraning pangkabuhayan sa ating bansa, hal. Malawakang pagpapatanim ng mga halamang-gulay. Ipaawit ang Bahay-Kubo. Papagusapn ang mga halamang-gulay na binabanggit sa awit.

B. Mga Gawain sa Paglinang ng mga Kasanayan Ilahad ang piyesa ng awit na Bahay-Kubo. Ipaawit ang so-fa silaba ng awit. Ipasuri ang piyesa ng awit. Itanong:1) Ano ang palakumasan ng awit?2) Anu-anong uri ng nota ang inyong nakikita? Pangalanan ang mga ito. Kung hindi nangangalanan ang mga nota at pahinga, ilahad ang kasunod na chart. Ipabigay ang pangalan ng nota/pahingang ipa-flash sa flash card.

C. Pangwakas na Gawain Ipaawit ang kasunod na awit, sa saliw ng minus one tugtugin sa cassette.

IV. Ebalwasyon Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pangalan ng nota/pahinga sa Hanay A.

A B

1) a. whole note

2) b. eight note

3) c. dotted quarter note

4) d. dotted whole note

5) e. quarter rest f. half note

V. Kasunduan Magkasundong alamin ang halaga ng bawat nota/pahinga sa ibat-ibang palakumpasan.

MondayJune 30, 2014MUSIC V

I. LayuninNasasabi ang ibig sabihin ng tuldok sa musikaNaisasagawa ang bilang ng katumbas ng isang tuldok

II. Paksang AralinAng tuldok sa MusikaSanggunian : PELC Kagamitan: larawan, speaker, cellphone

III. Pamamaraan

A. Ang awit ay may nota. Ang nota ay may katumbas na bilang. Ngunit kung minsan may tuldok na nakikita sa nota.Ang tuldok sa nota ay nagsasabing dagdagan ng kalahating bilang na katumbas ang tuldok mula sa notang tinutuldukan nito.Ang tuldok sa nota ay nagsasabing dagdagan ng kalahating bilang na katumbas ang tuldok mula sa notang tinutuldukan nito.

B. Bilangin ang bilang ng kumpas ng mga nota.

C Ipalakpak ang pangkat ng mga nota sa palakumpasan

D. Pag-aralan ang awit. Awitin ito na kasama ang may tuldok.

TuesdayJuly 01, 2014MUSIC V

I. LayuninNaiisa-isa ang mga galaw sa pagkumpasNaisasagawa ng maayos ang galaw sa pagkumpas

II. Paksang AralinAng Galaw sa PagkumpasSanggunian : PELC Kagamitan: larawan, speaker, cellphone

III. Pamamaraan

A. Paano kaya nakagagawa ng magandang musika ang drummer, piyanista, gitarista at mang-aawit? Dahil may kumpas silang sinasaliwan. Kapag ang mga ito ay hindi marunong sumabay sa kumpas silay magkakagulo. Tingnan natin ang galaw ng mga palakumpasan.B. Mungkahing Gawain1. Masdan ang mga piyesa ng Kanata sa ibaba. Isagawa ang pagkumpas sa mga ito2. Sabihin ang palakumpasan na ginagamit sa galaw na nakasaad.3. Magsanay sa pagkumpas ng iyong paboritong kanta.

I. LayuninNakikilala ang kanta ng ating bayanNakapagbibigay ng puna sa bawat awiting mabasa

II. Paksang AralinAwitin n gating bayanSanggunian : PELC Kagamitan: larawan, speaker, cellphone

III. Pamamaraan

A. An gating mga awit kalimitin ay nagsasaad na nararamdaman ng mga manunulat. Kapag ito naman ay inaawit ng isang manganganta ipinakita rin niya ang kayang damdamin sa pamamagitan nito.B. Bsahin ang mga awit sa ibaba ang mensahe nito.C. Basahin ang mga linya ng mga piling awitin n gating bayan at sabihin kung itoy nagpapahiwatig ng pagkamakabayan, pagmamahalan, pag-iibigan, pagkamakadiyos, o pamumuhay.