3
Pagtulungan nating iligtas ang 33,000 na mga sanggol na maaaring maapektuhan ng mga sakit na ito. Anu-anong mga kondisyon ang kasama sa newborn screening? Sa kasalukuyan, ang mga kondisyon na sinusuri sa newborn screening ay ang sumusunod: 1. Congenital Hypothyroidism (CH) Ang CH ay resulta ng kakulangan o kawalan ng Thyroid Hormone na mahalaga sa pisikal at mental na paglaki ng bata. Kung sa loob ng 2 linggo ay di kaagad masuri at di mabigyan ng hormone ang batang may CH, maaring maging bansot at mentally retarded ang bata. 2. Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH) Ang CAH ay isang kondisyon na nagdudulot ng kawalan ng asin sa katawan, pagkatuyot at mataas na antas ng male sex hormones sa mga babae at lalaki. Kung di agad masuri at di mabigyan ng angkop na gamot, ang sanggol na may CAH ay maaaring mamatay sa loob ng 7-14 araw mula ng ipinanganak. 3. Galactosemia (GAL) Ang GAL ay isang kondisyon kung saan ang sanggol ay di makapagproseso ng galactose o isang uri ng asukal na makikita sa gatas. Ang pagdami ng galactose sa katawan ng tao ay makapagdudulot ng maraming problema tulad ng pagkasira ng atay at utak, at pagkakaroon ng katarata sa murang edad. 4. Phenylketonuria (PKU) Ang PKU ay isang kondisyon kung saan ang sanggol ay walang kakayahang iproseso ang phenylalanine, isang importanteng sangkap sa paggawa ng protina sa katawan. Ang sobrang pagdami ng phenylalanine sa katawan ay nakakapagdulot ng mental retardation. 5. Glucose-6-Phosphate-Dehydrogenase Deficiency (G6PD Deficiency) Ang G6PD deficiency ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang sa enzyme na G6PD. Ang mga sanggol na kulang sa G6PD ay maaring magkaroon ng Hemolytic Anemia na nakukuha sa pagkalantad sa oxidative substances na matatagpuan sa mga gamot, kemikal at pagkain. Maple Syrup Urine Disease (MSUD)* Ang MSUD ay isang genetic metabolic disorder na resulta ng abnormal na gawain ng enzyme branched-chain alpha-keto acid dehydrogenase (BKCD). Ang pagdami ng BKCD ay maaaring magdulot ng matinding sakit sa utak na maaaring humantong sa pagkamatay. *Idadagdag sa mga kondisyong sinusuri PAALALA SA MGA MAGULANG: Ang G6PD Deficiency ay ang pinaka- karaniwang uri ng kondisyon na kasama sa newborn screening (NBS). Ang naptalina o moth ball, ilang gamot kabilang ang halamang gamot ay bawal sa mga taong may G6PD Deficiency. Habang hinihintay ang resulta ng NBS, pinapaalala sa mga magulang na iwasang ilantad ang kanilang mga anak sa naptalina. Lahat ng gamot na ibibigay sa bata ay dapat may preskripsyon ng doktor. Kung ang resulta ng NBS ay G6PD Deficiency, kumunsulta sa doktor at magpa-confirmatory test upang malaman kung talagang kulang sa G6PD ang bata. Ipakita ang resulta ng confirmatory test sa inyong doktor.

NBS Pamphlet

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: NBS Pamphlet

Pagtulungan nating iligtasang 33,000 na mga sanggol na

maaaringmaapektuhan ng mga sakit na ito.

Anu-anong mga kondisyon ang kasama sa newbornscreening?

Sa kasalukuyan, ang mga kondisyon na sinusuri sanewborn screening ay ang sumusunod:1. Congenital Hypothyroidism (CH)Ang CH ay resulta ng kakulangan o kawalan ngThyroid Hormone na mahalaga sa pisikal at mental napaglaki ng bata. Kung sa loob ng 2 linggo ay dikaagad masuri at di mabigyan ng hormone ang batangmay CH, maaring maging bansot at mentally retardedang bata.2. Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH)Ang CAH ay isang kondisyon na nagdudulot ngkawalan ng asin sa katawan, pagkatuyot at mataas naantas ng male sex hormones sa mga babae at lalaki.Kung di agad masuri at di mabigyan ng angkop nagamot, ang sanggol na may CAH ay maaaringmamatay sa loob ng 7-14 araw mula ng ipinanganak.3. Galactosemia (GAL)Ang GAL ay isang kondisyon kung saan ang sanggolay di makapagproseso ng galactose o isang uri ngasukal na makikita sa gatas. Ang pagdami nggalactose sa katawan ng tao ay makapagdudulot ngmaraming problema tulad ng pagkasira ng atay atutak, at pagkakaroon ng katarata sa murang edad.4. Phenylketonuria (PKU)Ang PKU ay isang kondisyon kung saan ang sanggolay walang kakayahang iproseso ang phenylalanine,isang importanteng sangkap sa paggawa ng protina sakatawan. Ang sobrang pagdami ng phenylalanine sakatawan ay nakakapagdulot ng mental retardation.5. Glucose-6-Phosphate-DehydrogenaseDeficiency (G6PD Deficiency)Ang G6PD deficiency ay isang kondisyon kung saan

ang katawan ay kulang sa enzyme na G6PD. Ang mgasanggol na kulang sa G6PD ay maaring magkaroon ngHemolytic Anemia na nakukuha sa pagkalantad saoxidative substances na matatagpuan sa mga gamot,kemikal at pagkain.Maple Syrup Urine Disease (MSUD)*Ang MSUD ay isang genetic metabolic disorder naresulta ng abnormal na gawain ng enzymebranched-chain alpha-keto acid dehydrogenase(BKCD). Ang pagdami ng BKCD ay maaaringmagdulot ng matinding sakit sa utak na maaaringhumantong sa pagkamatay.*Idadagdag sa mga kondisyong sinusuri

PAALALA SA MGA MAGULANG:Ang G6PD Deficiency ay ang pinaka-karaniwang uring kondisyon na kasama sa newborn screening (NBS).Ang naptalina o moth ball, ilang gamot kabilang anghalamang gamot ay bawal sa mga taong may G6PDDeficiency.Habang hinihintay ang resulta ng NBS, pinapaalala samga magulang na iwasang ilantad ang kanilang mgaanak sa naptalina. Lahat ng gamot na ibibigay sa bataay dapat may preskripsyon ng doktor.Kung ang resulta ng NBS ay G6PD Deficiency,kumunsulta sa doktor at magpa-confirmatory testupang malaman kung talagang kulang sa G6PD angbata. Ipakita ang resulta ng confirmatory test sa

inyong doktor.

ILIGTAS

Page 2: NBS Pamphlet

ANG INYONGANAK

SaMental Retardation

Mga dapat malamantungkol sa

Newborn Screening

Ano ang Newborn Screening?

Ang newborn screening (NBS) ay isang simplengpamamaraan upang malaman kung ang sanggolay may congenital metabolic disorder na maaringmaging sanhi ng mental retardation o maagangpagkamatay.

Bakit mahalaga ang NBS?

Karamihan sa mga sanggol na may congenitalmetabolic disorders ay mukhang normal

pagkapanganak. Sa pamamagitan ng NBS, angmga kondisyong ito ay maaaring malaman nabago pa lumabas ang mga sintomas. Dahil dito,mabibigyan kaagad ng karampatang lunas upangmaiwasan ang mental retardation o maagangpagkamatay.

Kailan ginagawa ang NBS?

Ang NBS ay nararapat ng isagawa mula 48hanggang 72 oras pagkapanganak. Subalit,maaari na itong gawin 24 oras pagkapanganak.

Paano ginagawa ang NBS?

Kumukuha ng ilang patak ng dugo mula sasakong ng sanggol, inilalagay sa isang espesyalna papel (filter card), at ipinapadala sa NewbornScreening Center (NSC).

Sino and maaaring kumuha ng dugo para saNBS?

Ang NBS ay maaaring gawin ng mga sumusunod:doktor, nars, medical technologist o nasanay na

midwife.

Saan maaring magpa-newborn screening?

Maaaring magpa-newborn screening sa mgaospital, lying-in o paanakan, health centers, atpribadong klinik.*Ang newborn screening ay bahagi ng PhilhealthNewborn Care Package

Paano makukuha ang resulta ng NBS?

Kunin ang resulta sa ospital/lying-in kung saan itoisinagawa. Ang resulta ng NBS ay maaaringmakuha 7-14 working days pagkatanggap ngNSC.Ang positibong resulta ay agad na ipinapapaalamsa mga magulang. Siguraduhing tama ang mgaimpormasyon ng tirahan at telepono na ibibigay saospital/lying-in/health center.

Ano ang ibig sabihin ng mga resulta?

Negatibong resulta (Negative) aynangangahulugan na NORMAL ang test.Positibong resulta (Positive) aynangangahulugan na dapat dalhin kaagad angsanggol sa doktor para sa karagdagangpagsusuri.

Bakit may mga ilang sanggol na kailangang ulitinang test?

Ito ang mga posibleng kadahilanan sa pag-ulit ngtest:- Maaaring ang sanggol ay kinunan ng dugo

kulang sa 24 oras mula pagkapanganak.

Bakit kailangang ipa-NBS ang inyong sanggol?

Page 3: NBS Pamphlet

- Maaaring may problema sa blood sample ngbata- Maaaring ang unang test ay nakitaan ngposibleng problema sa kalusugan.Sasabihan kayo ng doktor kung kailangang ulitinang test kaagad.Ano ang dapat gawin kung positibo ang resulta saalinmang kondisyon?Ipa-konsulta kaagad sa pinakamalapit na ospitalo espesyalista ang sanggol para sa confirmatorytest at sa iba pang dapat gawin.Ano ang mangyayari sa dried blood spot mataposang screening?Matapos dumaan sa pagsusuri, ang dried bloodspot ay mananatili sa isang ligtas na lugar. Ito ayitatago at maaring gamitin para sa pananaliksikna binigyang-pahintulot ng lupon ng etika para sakapakinabangan ng nakararami.Maari bang tumanggi ang magulang naipa-newborn screening ang kanyang anak?Ang isang magulang ay maaring tumanggi naipa-newborn screening ang kanyang anak.Gayunman, kailangan niyang lagdaan angKatibayan ng Pagtanggi. Kinikilala ngpagtangging ito na maaring malagay sa panganibang sanggol kung mayroon siyang isa sa mgakondisyong sinusuri ng NBS.