4
j A . ' I"" Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T !SANG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MIYERKOLES, IKA-30 NG OKTUBRE, 2002 SA GUSALING BATASANNG PAMAHALAANG BAYAN. MgaDumalo: 1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTEMIO M. GOMEZ 10. Kgg. ROMEO P. AALA · 11. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL **************** - Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong-Barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sang. Kabataan KAUTUSANG BAYAN BLG. 1196-2002 (Sa mungkahi ni Kgg. Gomez na pinangalawahan ni Kgg. Laserna) ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGBIBIGAY NG INSENTIBO SA SINO MANG NAKAHULI O NAKAPAGTURO NA NAGING SANHI NG PAGKAKAHULI NG "PUSHER" NG "MAPANGANIB NA GAMOT" (DANGEROUS DRUGS) 0 SA NAGMAMAY-ARI O NAMAMAHALA NG ISANG LUGAR KUNG SAAN ANG "POT SESSION" NG "MAPANGANIB NA GAMOT" A Y ISINAGAWA O ISINASAGAWA. SAPAGKA'T, katungkulan ng Pamahalaan na pangalagaan ang . kapakanan ng bayan at ng mamamayan lalo 't higit ang mga kabataan; SAPAGKA'T, ang "mapanganib na gamot" (Dangerous Drugs) ay itinuturing na isa sa malubhang sakit ng lipunan dahilan sa ito ay lubhang nakakapinsala sa sino mang gumagamit nito ng walang kapahintulutan ng manggagamot; SAPAGKA'T, karamihan sa nabibiktima sa paggamit ng "mapanganib na gamot" ay ang mga walang malay na kabataan;

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - Santa Rosa, Lagunasantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1196-2002.pdf · mang nakahuli o nakapagturo na naging sanhi ng pagkakahuli

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

j

A . '

I""

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T !SANG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MIYERKOLES, IKA-30 NG OKTUBRE, 2002 SA GUSALING BATASANNG PAMAHALAANG BAY AN.

MgaDumalo:

1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTEMIO M. GOMEZ

10. Kgg. ROMEO P. AALA ·

11. Kgg. RAYMOND RY AN F. CARVAJAL

****************

- Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong-Barangay

- Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sang. Kabataan

KAUTUSANG BAYAN BLG. 1196-2002 (Sa mungkahi ni Kgg. Gomez na pinangalawahan

ni Kgg. Laserna)

ANG KAUTUSANG BA YAN NA NAGBIBIGA Y NG INSENTIBO SA SINO MANG NAKAHULI O NAKAPAGTURO NA NAGING SANHI NG PAGKAKAHULI NG "PUSHER" NG "MAPANGANIB NA GAMOT" (DANGEROUS DRUGS) 0 SA NAGMAMAY-ARI O NAMAMAHALA NG ISANG LUGAR KUNG SAAN ANG "POT SESSION" NG "MAP ANGANIB NA GAMOT" A Y ISINAGA WA O ISINASAGA WA.

SAPAGKA'T, katungkulan ng Pamahalaan na pangalagaan ang . kapakanan ng bayan at ng mamamayan lalo 't higit ang mga kabataan;

SAPAGKA'T, ang "mapanganib na gamot" (Dangerous Drugs) ay itinuturing na isa sa malubhang sakit ng lipunan dahilan sa ito ay lubhang nakakapinsala sa sino mang gumagamit nito ng walang kapahintulutan ng manggagamot;

SAPAGKA'T, karamihan sa nabibiktima sa paggamit ng "mapanganib na gamot" ay ang mga walang malay na kabataan;

. . .- ........,

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-2-

SAPAGKA'T, sa kampanya para sa ikahuhuli ng mga taong sangkot sa "mapanganib na garnet" ay kinakailangan mag-abala at mag-aksaya ng panahon para sa pakikisalamuha at pakikisama sa kapwa mamamayan kaya hindi maiiwasan na gumastos upang makamit ang adhikaim na mahuli ang mga taong sangkot sa pagbebenta, pamamahagi at pagpapagamit ng "mapanganib na garnet";

KAYA'T, IPINASISIYA, tulad ng dito'y ginagawang PAGPAPASIYA at ngayon nga ay IPINASIY A ang pagtitibay ng pagbibigay ng insentibo sa sino mang tao, ordinaryong mamamayan man o nglilingkod sa pamahalaan, na nakahuli o nakapagturo na naging sanhi ng pagkakahuli ng taong nasampahan ng kaso sa paglabag sa Sections 5, 6 & 11 , Article II, RA 9165, upang mab1gyan ng kapalit ang pinuhunan sa pakikisalamuha at pakikisama sa kapwa mamamayan pagkaraan na matugunan ang mga· sumusunod na alituntunin:

ARTIKULO 1

Ang pabuya ay ipagkakaloob sa sino mang tao, ordinaryong mamamayan man o naglilingkod sa pamahalaan, na makakahuli o naging sanhi ng pagkakahuli ng taong sangkot sa "mapanganib na gamot" na nasampahan ng kaso sa Korte sa mga sumusunod na paglabag ng Article, Republic Act 9165;

a. Section 5 - Sale, Trading, Administration Dispensation, Delivery, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals.

b. Section 6 - Maintenance of a Den, Dive or Resort.

c. Section 11 - "Possession of Dangerous Drugs" kung ang dami ng nahuling ipinagbabawal na gamot.ay ang mga sumusunod:

1. 10 gramo o higit pa na opium, morpina, heroina, cocaine, caoine hydrochloride o marijuana resin or marijuana resin oil;

2. 50 gramo o higit pa na methamphetamine hydrochloride o shabu.

3. 500 gramo o higit pa na pinatuyong dahon ng marijuana; at

4 . 10 gramo o higit pa na iba pang ipinagbabawal na gamot katulad ng "methylenedioxymethamphetamine" (MDMA) o "ecstacy, paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), lysergic acid diethylamine (LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), at iba pang katulad na ginawa o sangkap na wala namang "therapeutic value" o ang dami ay sobra sa dami na itinakda para sa "therapeutic requirements" na nakasaaad at nakatakda ng lupon (board) ayon sa Section 93, Article XI ng RA 9165.

... '

,,,.-.,. ·-.

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-3-

ARTIKULOII

Ang pabuya ay ipagkakaloob sa sino mang tao, ordinaryong mamamayan man o naglilingkod sa pamahalaan, na nakahuli o nakapagturo na naging sanhi ng pagkakahuli ng taong nasampahan ng kaso sa paglabag sa Sections 5, 6 & 11, Article II, RA 9165, sa pamamgitan ng liham ulat at mungkahi ng Pinuno ng Pulisya o alin mang tanggapan ng Pamahalaan na mayroon kaalaman hinggil sa "mapanganib na gamot" na nag-indorso at tumulong sa pagsasampa ng kaso sa Korte, kung saan nakalakip ang mga sumusunod:

a. Sertipikasyon ng Korte kung saan ang kaso ay isinampa na nagpapatunay na natapos na ang Preliminary Investigation, at napatunayan na ang kaso ay mayroon "prima pacie"; at

b. Sertipikasyon ng alin mang ahensiya na itinalaga ng Pamahalaan na mag-laboratory test ng "mapanganib na gamot" na nagpapatunay na ang ebidensiyang naka-exhibit sa korte at positibong "mapanganib na gamot" at nakalagay din ang opisyal na timbang ng nasabing "mapanganib na gamot".

ARTIKULO III

Ang halaga ng pabuya ay ang sumusunod:

a. Dalawang Libong Piso (P2,000.00) sa kasong paglabag sa "Sections 5 at 6, Article RA 9165" at karagdagang Dalawang Libong Piso (P2,000.00) kung napatunayan na ang dami ng nahuli o nakumpiskang "mapanganib na gamot" ay alinman sa mga sumusunod:

1. 10 gramo o higit pa na opium, morpina, heroina, cocaine, caoine hydrochloride o marijuana resin or marijuana resin oil;

2. 50 gramo o higit pa na methamphetamine hydrochloride o shabu.

3. 500 gramo o higit pa na pinatuyong dahon ng marijuana; at

4. 10 gramo o higit pa na iba pang ipinagbabawal na gamot katulad ng "methylenedioxymethamphetamine" (MDMA) o "ecstacy, paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), lysergic acid diethylamine (LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), at iba pang katulad.na ginawa o sangkap na wala namang "therapeutic value" o ang dami ay sobra sa dami na itinakda para sa "therapeutic requirements" na nakasaaad at nakatakda ng lupon (board) ayon sa Section 93, Article XI ng RA 9165.

... .. ...-. "-

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-4-

b. Apat na Libong Piso (P4,000.00) sa kasong paglabag sa "Section 11, Article II, Republic Act 9165" kung ang dami ng nahuling "mapanganib na gamof' ay kasing dami ng aliman sa nabanggit sa Artikulo III-I, 2, 3 & 4.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

Pinatotohanan:

JOS~ATINDIG, Jr. Pang. P\!nong-bayan

Pinagtibay:

LEON C. ARCILLAS Punong-bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-41 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-30 ng Oktubre, 2002.

"~~ C AM.GOMEZ J. am yang Kalihim

---------------------------------------------------------------------