10
Editoryal A ng mga usapin sa ekonomya ang nasa ugat at nagdurugtong sa iba't ibang mga tampok na problemang kinakaharap ng bayan. Pinakahinahangad ng mamamayan ang mga pagbabago sa mga patakaran sa ekonomya at lipunan upang ilagay ito sa landas ng pag- sulong mula sa mahabang panahon ng krisis at pagkalugmok. Sa kabila ng mga progresibong deklarasyon, ang mga patakaran ng rehimeng Duterte sa ekonomya, sa kalakha'y nakarugtong pa rin sa mga neoliberal na programa ng na- karaan: pag-akit sa dayuhang pa- mumuhunan, pagpondo sa im- prastruktura na walang saysay kung walang pagbabago sa kawalan ng lupa at mababang sahod. Sa pakikipag-alyansa at pakiki- baka sa rehimeng Duterte, dapat itulak ng mamamayang Pilipino ang malalalim na pagbabago sa pataka- ran at direksyon ng ekonomya, para lutasin ang pangkagyatan at pang- matagalang mga problema ng bayan. Napapanahon na sa mga dara- ting na buwan ay nakatuon sa eko- nomya ang usapang pangkapayapa- an. Dapat aktibong makihamok ang sambayanang Pilipino upang mapa- tampok ang kanilang lugmok na ka- lagayang panlipunan at ang kani- lang sigaw para sa masaklaw at ma- lalim ng mga pagbabago sa sistema ng ekonomya. Malaki ang bahagi ng mama- mayan upang maging mabunga ang usapang pangkapayapaan. Dapat aktibo nilang iabante ang kanilang mga hinaing at usapin sa mga ki- natawan ng NDFP at GRP upang maisama sa mga bubuuing kasun- duan. Dapat nilang igiit na tingnan at tratuhin ang ekonomya sa punto de bista ng mamamayan at hindi sa pananaw at interes ng mga dayu- hang bangko at ng mga sinanay ni- lang burges na akademiko at tek- nokrata. Dapat nilang igiit na ang suka- tan ng malusog o maunlad na eko- nomya ay usapin hindi ng mga datos ng GNP o GDP, dayuhang pamumu- hunang tuwiran man o portfolio,o ng "credit rating." Lahat ito'y su- katan ng sigla ng dayuhang pamu- muhunan sa Pilipinas, pero hindi nagsasalamin sa kongkretong kala- gayan ng mamamayan. Dapat nilang itulak na ang usa- pin ng ekonomya ay dapat intindihin sa punto de bista ng mamamayan at sukatin kung papaanong natutu- gunan ang kapakanan ng mga mangga- gawa, mga magsa- saka at maliliit na ka- wani at prope- syunal. Mayroon INILABAS NG Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Pambansang Pamatnu- gutan sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Agosto 19 ang kautusang tigil- putukan para sa lahat ng yunit ng BHB at milisyang bayan upang suportahan at palakasin ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng Gub- yerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Ang unilateral na tigil-putu- kan ay magkakabisa mula 12:01 n.u. ng Agosto 21 hanggang 11:59 n.g. ng Agosto 27 upang sumabay sa pormal na pagbubu- kas ng usapan na gaganapin sa Oslo, Norway. Inilabas ang kautusan ilang oras matapos makalabas sina Benito at Wilma Tiamzon sa ku- lungan, ika-15 at ika-16 sa mga konsultant ng NDFP na sunud- sunod na pinalaya ng GRP sa loob lamang ng limang araw. Ayon sa kautusan, “Sa pa- nahon ng tigil-putukan, lahat ng yunit ng BHB at milisyang bayan ay titigil at pipigil na magsagawa ng opensibang mga kampanya at operasyong militar laban sa uni- pormadong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas.” Gayunpaman, “Ituturing ng BHB na palabang aksyon ang pagpasok sa teritoryo ng demok-

pag-akit sa dayuhang pa

Embed Size (px)

Citation preview

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANG

Ekonomya ang usapin

Tomo XLVI I Blg. 16

Agosto 21, 2016

www.phi l ippinerevolution.net

Editoryal

Ang mga usapin sa ekonomya ang nasa ugat at nagdurugtong saiba't ibang mga tampok na problemang kinakaharap ng bayan.Pinakahinahangad ng mamamayan ang mga pagbabago sa mga

patakaran sa ekonomya at lipunan upang ilagay ito sa landas ng pag-sulong mula sa mahabang panahon ng krisis at pagkalugmok.

Sa kabila ng mga progresibongdeklarasyon, ang mga patakaran ngrehimeng Duterte sa ekonomya, sakalakha'y nakarugtong pa rin samga neoliberal na programa ng na-karaan: pag-akit sa dayuhang pa-mumuhunan, pagpondo sa im-prastruktura na walang saysay kungwalang pagbabago sa kawalan nglupa at mababang sahod.

Sa pakikipag-alyansa at pakiki-baka sa rehimeng Duterte, dapatitulak ng mamamayang Pilipino angmalalalim na pagbabago sa pataka-ran at direksyon ng ekonomya, paralutasin ang pangkagyatan at pang-matagalang mga problema ng bayan.

Napapanahon na sa mga dara-ting na buwan ay nakatuon sa eko-nomya ang usapang pangkapayapa-an. Dapat aktibong makihamok angsambayanang Pilipino upang mapa-tampok ang kanilang lugmok na ka-lagayang panlipunan at ang kani-lang sigaw para sa masaklaw at ma-lalim ng mga pagbabago sa sistemang ekonomya.

Malaki ang bahagi ng mama-

mayan upang maging mabunga angusapang pangkapayapaan. Dapataktibo nilang iabante ang kanilangmga hinaing at usapin sa mga ki-natawan ng NDFP at GRP upangmaisama sa mga bubuuing kasun-duan. Dapat nilang igiit na tingnanat tratuhin ang ekonomya sa puntode bista ng mamamayan at hindi sapananaw at interes ng mga dayu-hang bangko at ng mga sinanay ni-lang burges na akademiko at tek-nokrata.

Dapat nilang igiit na ang suka-tan ng malusog o maunlad na eko-nomya ay usapin hindi ng mga datosng GNP o GDP, dayuhang pamumu-hunang tuwiran man o portfolio, ong "credit rating." Lahat ito'y su-katan ng sigla ng dayuhang pamu-muhunan sa Pilipinas, pero hindinagsasalamin sa kongkretong kala-gayan ng mamamayan.

Dapat nilang itulak na ang usa-pin ng ekonomya ay dapat intindihinsa punto de bista ng mamamayan at

sukatin kung papaanong natutu-gunan ang kapakanan ng mga

mangga-gawa, mgamagsa-

saka atmaliliitna ka-wani at

prope-syunal.

Mayroon

Tigil-putukan,

idineklara ng PKPINILABAS NG Komite Sentral ngPartido Komunista ng Pilipinas(PKP) at Pambansang Pamatnu-gutan sa Operasyon ng BagongHukbong Bayan (BHB) noongAgosto 19 ang kautusang tigil-putukan para sa lahat ng yunit ngBHB at milisyang bayan upangsuportahan at palakasin angmuling pagbubukas ng usapangpangkapayapaan sa pagitan ngNational Democratic Front of thePhilippines (NDFP) at ng Gub-yerno ng Republika ng Pilipinas(GRP).

Ang unilateral na tigil-putu-kan ay magkakabisa mula 12:01n.u. ng Agosto 21 hanggang11:59 n.g. ng Agosto 27 upangsumabay sa pormal na pagbubu-kas ng usapan na gaganapin saOslo, Norway.

Inilabas ang kautusan ilangoras matapos makalabas sinaBenito at Wilma Tiamzon sa ku-lungan, ika-15 at ika-16 sa mgakonsultant ng NDFP na sunud-sunod na pinalaya ng GRP sa looblamang ng limang araw.

Ayon sa kautusan, “Sa pa-nahon ng tigil-putukan, lahat ngyunit ng BHB at milisyang bayanay titigil at pipigil na magsagawang opensibang mga kampanya atoperasyong militar laban sa uni-pormadong tauhan ng ArmedForces of the Philippines (AFP) atng Philippine National Police(PNP) ng Gubyerno ng Republikang Pilipinas.”

Gayunpaman, “Ituturing ngBHB na palabang aksyon angpagpasok sa teritoryo ng demok-

sundan sa pahina 3

Agosto 21 , 2016 ANG BAYAN2

Editoryal: Ekonomya ang usapin 1

Tigil-putukan, idineklara ng PKP 1

Mga konsultant, laya na 3

Kamurayawan 4

Plantasyon ng marijuana, sinunog 5

6 na armas, nasamsam sa ComVal 5

Gera "kontra-droga" ni Duterte 6

Paglibing kay Marcos sa LNMB 6

Lehitimo ang paggamit ng landmine 7

Pandarahas sa mga sibilyan, tuloy 8

2 aktibistang Lumad, pinaslang 9

Upisyal ng KMP, RMP, iligal na inaresto 9

Tiempo Muerto sa Negros, nilabanan 10

Araw ng mga Katutubo, ipinagdiwang 10

Tomo XLVI I Blg. 16 | Agosto 21, 2016

NilalamanANG

Ang Ang Bayan

ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino,

Bisaya, I loco

Hi l igaynon, Waray

at Ingles. Maaari

i tong i-download mula sa Phi l ippine

Revolution Web Central na matatagpuan

sa www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga

kontribusyon sa anyo ng mga artikulo at

bal ita. Hinihikayat din ang mga

mambabasa na magpaabot ng mga puna

at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating

pahayagan. Maaabot kami sa

pamamagitan ng email sa:

cppinformationbureau@gmail. com

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

ba silang trabaho? Sapat ba ang ki-ta? Mayroon ba silang sapat na la-king lupang binubungkal? Mayroonba silang nauuwiang matibay na ba-hay, mayroon bang tubig, kuryente,komunikasyon at iba pang sukatanng disenteng buhay? Nakapag-aaralba sila hanggang kolehiyo? Nabibig-yan ba ng serbisyong kalusugan?

Dapat magpakahusay ang buongsambayanan sa usapin ng ekonom-ya. Dapat nilang basagin ang kaisi-pan na ang pag-aaral sa ekonomyaay larangan lamang para sa mgaeksperto at akademiko. Dapat silangmag-aral ng rebolusyonaryong teor-ya at ilapat ang pag-aaral sa eko-nomya sa kongkretong karanasan ngmasang anakpawis.

Dapat nilang suriin, punitin atiwaksi ang neoliberalismo at iba'tibang mga teorya sa ekonomya naginagamit ng IMF at mga sugo parabigyang-matwid ang mga pataka-rang naglulugmok sa ekonomya sapalagiang krisis sa ilalim ng atrasa-dong sistemang malakolonyal at ma-lapyudal.

Para sa masang anakpawis at

mga produktibong sektor, ang usa-pin ng ekonomya o ng sistema ngekonomya ay pumapatungkol sausapin ng kung sino ang nagmamay-ari ng mga kagamitan para sa pro-duksyon, gaano kaunlad ang mgakagamitang ito, sino ang lumilikhang yaman o lumalahok sa produk-syon at papaano pinaghahatian angnililikhang yaman.

Sa ilalim ng kasalukuyang siste-ma, nasa kamay ng malalaking pa-nginoong maylupa at burgeskumprador ang mga kagamitan saproduksyon. Kasabwat ang mga da-yuhang malalaking kapitalista, sina-samantala nila ang murang lakas-paggawa at pagkamkam ng murangmga produktong agrikultural, mine-ral at iba pang hilaw na materyales.

Ang mga manggagawa, magsa-saka, mga manggagawang-bukid atiba pang produktibong sektor angsiyang lumilikha ng yaman. Subalitkinakamal iyon ng mga uring nag-mamay-ari. Ang masang anakpawisang pumapasan ng bigat ng malawakna disempleyo, mababang sahod,migrasyon, pang-aagaw ng lupa at

iba pa.Mataas ang hangarin ng bayan

na makitang lumakas ang progresi-bong aspeto ng rehimeng Duterteupang positibong salubungin angmga adhikain ng bayan para sa pag-babago. Nais ng mamamayan namakitang lubusin ni Duterte ang mgaprogresibong deklarasyon para tu-parin ang pamamahagi ng lupa kahitsa ilalim ng CARP, wakasan ang"endo" at pleksibilisasyon ng pag-gawa, itaas ang sahod, itigil angwalang pakundangang mga demoli-syon at mapaminsalang mga opera-syon sa pagmimina, paunlarin angpampublikong serbisyong pangkalu-sugan at edukasyon, ibasura ang K-12, isubsidyo ang produksyon ngpalay at pagkain, at iba pa. Dapatpalakasin ni Duterte ang inde-pendyenteng patakarang panlabasupang buksan ang mga oportunidadsa pagtutulungan sa ekonomya saiba't ibang bansa na mapagkukunanng langis at iba pang rekurso, kapi-tal para sa pamumuhunan at tek-nolohiya.

Magiging sukatan ng progresi-bong determinasyon ni Dutertekung magpupunyagi siyang pala-kasin ang pakikipagkaisa sa mgapwersang pambansa-demokratikosa pamamagitan ng usapangpangkapayapaan at iba pang anyong pakikipagtulungan para isulongang makabuluhang pagbabago saekonomya at buong lipunan. Gaanoman ito kasaklaw, tiyak na aalmaang ibang bahagi ng naghaharinguri, maging ang ilang malalakingkomprador at panginoong maylu-pang nasa likod ni Duterte.

Sa katuus-tuusan, ang punda-mental na pagbabago sa lipunan atsistemang pang-ekonomya ay ma-kakamit lamang sa pamamagitan ngrebolusyonaryong pagbabago. Kayadapat laging palakasin at patataginng sambayanang Pilipino ang kani-lang independyenteng lakas pam-pulitika at tanawin ang pagbabag-sak ng lumang bulok na estado atpagtatayo ng bagong estadong de-mokratiko at pagpupunyagi sa sos-yalismo.

ANG BAYAN Agosto 21 , 2016 3

Mga konsultant, laya na;Usapan, tuloy sa Agosto 22

Nagdiwang ang buong rebolusyonaryong kilusan at mga organisasyongnagtataguyod ng usapang pangkapayapaan matapos sunud-sunod na pa-

layain ang 17 konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)at dalawang detenidong pulitikal. Dadalo ang mga konsultant sa pormal napagbubukas ng usapan na gaganapin sa Oslo, Norway sa Agosto 22.

Nitong Agosto 19, lumabas saCamp Crame sina Benito Tiamzon atWilma Austria-Tiamzon mataposmakapagpyansa sa apat na korte.Kasabay nila, pinalaya mula sa mgakulungan sa Mindanao sina PorferioTuna at Pedro Codaste at mula saBilibid si Loida Magpatoc.

Agosto 18, pinalaya sina Adel-berto Silva, Ariel Arbitrario at Edu-ardo Genelsa.

Bago nito, noong Agosto 17, pi-nalaya ang malaking bilang ng kon-sultant na kinabibilangan nina TirsoAlcantara, Alan Jazmines, RenanteGamara, Ma. Concepcion Araneta-Bocala, Ernesto Lorenzo at AlfredoMapano. Kasabay nilang lumaya sinaAlexander at Winona Birondo.Agosto 16 naman pinalaya sina Ken-nedy Bangibang at Ruben Saluta.

Noong Agosto 15, napawalang-sala sa mga gawa-gawang kasongpagpaslang si Jaime Soledad na na-kadetine sa Ormoc City Jail.

Nanatiling nakakulong sinaLeopoldo Caloza at Renato Baleros,gayundin ang mga hinatulan ng 15-taon hanggang habambuhay napagkakulong sa gawa-gawang mgakasong kriminal na sina EduardoSarmiento, Edgardo Friginal atEmeterio Antalan.

Sa press conference

noong Agosto 18, ipinahayag ng mganakalaya ang pasasalamat sa kani-lang mga abugado, sa taumbayan atsa mga organisasyong sumusuportasa usapang pangkapayapaan.

“Titiyakin ng mga konsultant namaisusulong ang repormang sosyo-ekonomiko at pulitikal para sa ma-mamayan sa usapang pangkapaya-paan,” ayon kay Jazmines.

Ipinanawagan din nila angkagyat na pagbasura sa lahat ng mgagawa-gawang kaso laban sa kanila atiba pang detenidong pulitikal. Anila,ang pagpapalaya sa kanila ay pag-wawasto ni Duterte sa mga pagka-kamali ng nakaraang administra-syong Arroyo at Aquino.

Mainit na sinalubong ng PKP atang pagpapalaya sa 19 detenidongpulitikal. Umaasa rin itong palalayainang iba pang konsultant sa mga su-sunod na araw. Sa kabila nito, hini-hikayat rin nila si Pangulong Dutertena palayain ang may 550 bilanggongpulitikal sa buong bansa.

Noong Agosto 15, nakipagpulongsi Duterte sa mga kinatawan ngNDFP sa Malacañang paraplantsahin ang paglalabas ng mgakonsultant.

Ani Luis Jalandoni, sa kabuuanang relasyon sa pagitan ng mga re-bolusyonaryong pwersa at ni Pangu-long Duterte ay mabuti, ang mga

hindi pagkakaunawaan ay inaayossa pamamagitan ng

mapayapangusapan.

ratikong pamahalaang bayanng mga tropang pang-opera-syon ng AFP at ng mga para-militar nito upang magsagawang paniniktik, saywar at ibangopensibang operasyon na ti-nataguriang mga operasyon ng“peace and development,"“civil-military," “peace andorder” at “law enforcement."

Muling ipinahayag ng PKPang “mataas na pagkilala samga pagsisikap ni GRP Presi-dent Duterte na isulong angnegosasyong pangkapayapaanpara lutasin ang mga ugat ngarmadong labanan.”

Inaasahan din ng PKP napag-uusapan sa Oslo ang reko-mendasyon ng pagpapanukalang general amnesty sa lahat ngmga detenidong pulitikal.

Bukas din ang BHB at PKPsa posibilidad ng mas matagalna tigil-putukan matapos pa-layain ang lahat ng mga dete-nidong pulitikal.

Kasabay nito, ipinahayagng NDF-Northeast MindanaoRegion na palalayain na ng BHBsa rehiyon ang limang priso-ner-of-war (POW) sa panahonng usapan. Nabihag ng BHB angnaturang mga pulis sa mag-kahiwalay na operasyon saSurigao del Sur at Surigao delNorte noong Hulyo 5 at Hulyo24.

Kasabay nito, nagpahayagang BHB-Southern Mindanaong kahandaang palayain dinang kanilang mga POW na sinaArnold Ongachen at MichaelGrande. Si Ongachen ang hepeng pulis ng Gov. Generoso,Davao Oriental na nabihag ngBHB noong Mayo 29 habang siGrande ay inaresto ng BHBnoong Hunyo 19.

Bilang tugon, nagdeklarang walang-taning na tigil-pu-tukan si GRP President Dutertena magsisimula rin sa ha-tinggabi ng Agosto 21. Malu-god itong tinanggap ng PKP.

mula pahina 1

Agosto 21 , 2016 ANG BAYAN4

Kamurayawan*

Sa isang larangang gerilya sa Northern Samar, masigla ang talakayankaugnay sa katangian ng rehimeng Duterte at ang kahaharapin ng rebo-

lusyonaryong kilusan sa usapang pangkapayapaan. Sa harap ng pabagu-ba-gong sitwasyon, sinikap ng mga kasapi ng sangay ng partido sa lokalidad(SPL), mga Pulang mandirigma at lokal na aktibista na lubos na maintindihanng mga rebolusyonaryong pwersa at pinamumunuan nila ang mga pananaw atpatakaran ng Partido kaugnay sa pakikipag-ugnayan sa rehimen.

Mula Mayo, pinaigting nila angkilusang pag-aaral ng mga memo,pahayag at pananaw ng Partido,kabilang ang mga nakalathala saAng Bayan. Ani Ka Mosi, kasapi ngsubseksyon ng Partido sa Klaster 5,paminsan-minsan ay nakakapanoodsila ng telebisyon, at nakakasagapng balita sa radyo, pero sa pangu-nahin, umaasa sila sa pahayagan ngPartido para sa mga detalye at pag-susuri sa mga pangyayari. Sinikapnilang pagkaisahin ang 100% kasa-pian ng mga organisasyong masa sapamamagitan ng maagap na pagta-lakay sa mga isyu nito.

Ani Ka Unli, instruktor sa puliti-ka ng lokal na yunit ng BHB, mara-ming tanong ang taumbaryo kaug-nay kay Duterte na maagap nilangnasagot at naipaliwanag dahil mabi-lis ang unipikasyon sa loob ng Parti-do at hukbo.

Hindi naging mahirap para samga magsasaka na sapulin ang dala-wahang katangian ng rehimeng Du-terte. Batid nilang habang may mgapositibo itong katangian, nanana-tiling kinatawan pa rin ito ngnaghaharing sistema.

Walang nagbago sa araw-arawnilang buhay. Kahit noong nag-deklara si Duterte ng unilateral natigil-putukan, hindi umalis angmga sundalo sa kanilang mgakomunidad. Ani Ka Lani, kasaping lokal na balangay ng Maki-baka, mahusay sana kungkasabay ng kanyang tigil-putukan, inutos ni Duterteang kagyat na pag-atras ngmga sundalo sa kanilangbaryo. Sagabal ang mga itosa kanilang kabuhayan, lalu-pa't pinag-iinitan ng militarang mga nagpupunta sa mga

sakahan sa labas ng baryo at pinag-bibintangang mga kasapi ng BHB.Tumitigil ang mga sundalo sa mgabahay at nagkakampo sa mga bara-ngay hall. Sa nakaraan, napalayasna ang mga ito sa baryo mataposmagpetisyon laban sa kanila angmga residente. Pero paulit-ulit paring pumapasok ang militar sa mgakomunidad para mag-operasyon.Ani Mosi, marami na sa mga mag-sasaka ang nabiktima ng pang-aa-buso ng mga sundalo. Hanggangngayon, wala pa sa mga abusadongsundalo ang napaparusahan.

Sa kabila nito, optimistiko angmamamayan sa larangang gerilya sausapang pangkapayapaan. Tulad ngmga magsasaka sa buong bansa,nagagalak silang ihahapag sa usa-pan ang libreng pamamahagi ng lu-pa at pagtugon sa iba pa nilang pa-ngangailangan tulad ng gamit pan-saka, binhi at irigasyon. Nagagalakdin sila na liban sa usapan, nabigyanng espasyo ang mga progresibo sareaksyunaryong gubyerno, gaano

man ito kaliit. Malayo man sila sa

Maynila, subaybay nila ang pagha-hapag ng "people's agenda," angmga hakbang ni Ka Paeng Marianosa Department of Agrarian Reformat iba pa. "Handa kami para saanumang kalalabasan ng usapan,"anila Ka Inday, Ka Singko at KaOlan, mga kasapi ng SPL.

Handa rin ang mga lokal na yu-nit ng BHB at milisyang bayan naipatupad ang tigil-putukan, oras naiutos ito ng PKP at pambansangpamatnugutan sa operasyon ngBHB. Hindi naging kataka-taka sakanila ang pagbawi ni Duterte sauna niyang deklarasyon ng tigil-putukan. Dapat negosasyon muna,bago ang tigil-putukan, sabi pa niKa Menang, upisyal ng Partido salarangang gerilya. Ang tigil-putu-kan ay dapat produkto ng negosa-syon, dagdag pa niya. Ang mga itoay aral ng kilusan mula sa bigongusapan at tigil-putukan sa panahonni Cory Aquino noong dekada 1980.

Nakalatag na ang mga tungku-lin at plano ng yunit ng Partido athukbo sa harap ng pagbubukas ngusapan at napipintong tigil-putu-kan. Bahagi ng plano ang pagtutu-luy-tuloy ng kampanya sa eduka-syon, kampanyang anti-pyudal,rekrutment at pagpapalawak ngbaseng gerilya. Sa partikular, planong hukbo na mapagtapos ang lahatng Pulang mandirigma sa BatayangKurso ng Partido at itulak ang ka-sunod na intermedyang kurso.

ANG BAYAN Agosto 21 , 2016 5

Plantasyon ng marijuana ng paramilitar,

sinunog sa BukidnonNITONG AGOSTO 17, isang serye ng mga taktikal na opensiba ang inilunsadng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Central Mindanao Region laban samga plantasyon ng marijuana na pinatatakbo ng paramilitar na Alamara.

Ayon kay Ka Alan Juanito,tagapagsalita ng BHB sa rehiyon,nakumpiska ng BHB ang isang ri-pleng Garand, dalawang karbin, li-mang shotgun at dalawang sakongmarijuana. Sinunog ng BHB angmarijuana sa Sityo Katablaran,Barangay Kanangaan, Cabangla-san, Bukidnon. Isa sa mga napatayna Alamara ay ang notoryosong siManlumakad Bocalas.

Sinabi ni Ka Alan, matagal nangnaghahasik ng terorismo ang Ala-mara at ang magkapatid na Bocalassa mga komunidad ng mga Lumad sahangganan ng mga prubinsya ngAgusan del Sur at Bukidnon.

Bago nito, surpresang inatakeng 1st Special Forces Battalion(SFB) at mga elemento ng CAFGUnoong Agosto 5 ang nakakampongyunit ng BHB sa ilalim ng Mt. Ki-tanglad Subregional Command sakagubatan ng Sityo Tungungan,Barangay Lilingayon, Valencia City.

Tumagal ang putukan nang ha-los isang oras. Tatlo ang nasugatansa BHB.

Sa sumunod na araw, tinamba-

ngan ng isang tim ng BHB ang nag-clearing na tropa ng AFP kung saanisang sundalo ang nasugatan. Gi-namit na dahilan ng AFP ang diu-mano’y pangingikil ng BHB kungkaya’t kinailangan diumano silangrumesponde sa lugar.

Pagsapit ng hatinggabi ay gini-sing at pinilit ng mga sundalo angmga naninirahan sa katabing sityona tumulong sa kanilang mga kas-walti at pinaghakot ng mga nai-wang kagamitan ng BHB patungo sakanilang command post. Binantaannila ang mga residente na papata-yin ang kanilang alagang mga ha-yop kung hindi sila susunod.

Noong Agosto 6 at 7, pinapu-tukan ng AFP ng mortar ang lugarng sagupaan. Nagdulot ito ng takotsa mga sibilyan.

Ayon sa pahayag, nagluwag angnapalabang yunit ng BHB sa kani-lang depensa kahit matapos bawiinng GRP ang unilateral na tigil-pu-tukan nito noong Hulyo 31. Dagdagpa nito, kinakailangang triplehinang pag-alerto laban sa pag-atakeng kaaway.

Magtutuluy-tuloy din ang regularna talakayan ng Ang Bayan, ara-wang balitaan sa loob ng mga yu-nit ng hukbo at pagpapayaman nggawain sa kultura.

Marami pang ibang rebolu-syonaryong gawain ang hindi la-mang dapat ituluy-tuloy kundi da-pat paigtingin. Halimbawa nitoang tuluy-tuloy na pagtatanggolng milisyang bayan sa kanilangmga kababaryo. May usapan mano wala, hindi nawawala ang ma-sasamang elemento sa baryo, aniKa Ditoy, kumander ng milisyangbayan sa klaster. Hindi tumitigilang kanilang mga aktibidad, kayamarami pa ring gagawin ang mili-sya, dagdag niya.

*Kapayapaan sa salitang Waray

--------------Ang mga panayam sa mga kasama saNorthern Samar ay mapapanood sa"Kamurayawan," isang bidyo na likhang Sine Proletaryo sa tulong ng Talu-tang Productions, ang yunit multimidyang rebolusyonaryong kilusan sa EasternVisayas. Mapapanood ito sa you-tube/prwc at facebook/philippinerevo-lutionwebcentral. Mapapanood din samga website na ito ang mga bidyo ngAng Bayan at iba pang produksyon ngSineProletaryo tulad ng pityur sa mgaMedik ng BHB at Ano ang CPP.

6 na armas, nasamsam ng BHB sa Compostela Valley

ANIM NA ARMAS ang nasamsam sa serye ng matata-gumpay na kontra-opensibang inilunsad ng 8th PulangBagani Company ng BHB laban sa mga tropa ng 25th IBsa bayan ng Monkayo, Compostela Valley noong unanglinggo ng Agosto.

Bandang alas-7:30 ng umaga noong Agosto 5, ti-nambangan ng mga Pulang mandirigma ang isang kum-panya ng 25th IB sa Sityo Inuburan, Barangay Rizal. Pa-tay ang limang sundalo at humigit-kumulang sampu angsugatan. Nakasamsam ang BHB ng dalawang M203 gre-nade launcher, isang ripleng M4, mga radyong Harris atiba pang gamit militar.

Bago nito, noong Agosto 4, sinalakay ng mga Pulangmandirigma ang isang platun ng 25th IB sa BarangayPaisan, Monkayo. Dalawang sundalo ang patay at tatloang sugatan.

Noong Agosto 2 naman, pinarusahan ang operatibasa paniktik na si Corporal Castro nang maabutan siyangnag-ooperasyong combat-intel sa mga komunidad ngBarangay Baylo. Nasamsam sa kanya ang isang 9mm napistola at dalawang .22 kalibreng pistola.

Ayon kay Rigoberto F. Sanchez, tagapagsalita ngSouthern Mindanao Regional Operational Command ngBHB, ang serye ng mga opensiba ay isinagawa bilang tu-gon sa walang-tigil na mga operasyon ng 25th IB sa mgabarangay ng Monkayo mula pa noong Hunyo, kahit pa no-ong panahong nagdeklara ang gubyerno ng tigil-putukan.

Bilang ganti, binweltahan ng mga sundalo ang mgasibilyan at kanilang mga komunidad. Kabilang sa kani-lang mga krimen ang pambobomba mula sa himpapawid,istraping, panghahamlet, at pagpapataw ng blokeyo sapagkain ng mamamayang Lumad.

Agosto 21 , 2016 ANG BAYAN6

Paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, tinutulan

BINATIKOS NG Partido Komu-nista ng Pilipinas (PKP) angplano ni GRP PresidentDuterte na magbigay ngpambayaning parangalsa paglibing sa datingpasistang diktador nasi Ferdinand Marcossa Libingan ng mgaBayani sa Setyembre18. Tumutol din angiba’t ibang progresibongorganisasyon.

Pinapapanagot ng mamamayang Pilipino ang lahatng rehimeng sumunod kay Marcos bilang may magkaka-simbigat na kasalanan sa pampulitikang pagpapanumba-lik ng pamilyang Marcos—ni Imelda at ng kanyang mgaanak, na lumahok lahat sa mga pakana ng diktadurang

Marcos. Angpagbibigay ngpambayaninglibing aymaglulubossa pampuliti-kang panu-

numbalik ngmga Marcos at magkukumpleto sa pag-

tatakip sa lahat ng krimeng ginawa nila samamamayan.

Sumusuporta ang PKP sa protesta ngmamamayan laban sa plano ng rehimeng

Duterte na pagpapalibing kay Marcos sa Libi-ngan ng mga Bayani. Patuloy na naninindigan ang

mga rebolusyonaryong pwersa laban sa pampulitikangpagpapanumbalik ng mga Marcos at hinihinging pagba-yarin sila sa lahat ng krimen laban sa mamamayang Pili-

Kooperasyon sa kampanya kontra-droga ni Duterte, iniatras

ngan upang mailatag ang mga kala-gayan para mapawi ang paglaganapng droga,” panawagan ng PKP.

Kaugnay nito, noong Agosto 2,kinundena ng International DrugPolicy Consortium (IDPC) na kina-bibilangan ng mahigit 300 organi-sasyon sa buong mundo ang pagba-ha ng ekstrahudisyal na pamamas-lang ng mga suspetsadong kaugnayng droga sa Pilipinas. Nanawagansila sa United Nations Office onDrugs and Crime (UNODC) na paa-butan si Duterte na agarang itigilang mga pamamaslang.

Kinundena rin ng PhilippineCouncil of Evangelical Churches(PCEC), isang koalisyon ng iba’tibang simbahang Kristyano at iba'tibang grupo ng mga abugado ataktibistang kabataan.

Samantala, itinatwa ng NDF-Eastern Visayas hindi nito ipinawa-lang-sala ang dating kongresistangsi Emil Ong at ang kasalukuyangkongresistang Edwin Ong bilangmga protektor ng mga naglalako ngdroga at sa halip ay patuloy angimbestigasyon sa mga ito. Sinabi pani Salas na gawa-gawa nina Ong anginilabas sa midya na sila ay pina-walang-sala.

IPINAHAYAG NG Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Agosto 12 nahindi na ito sasabay sa kampanyang kontra-droga ng rehimeng Duterte. Ini-linaw ng PKP na ang gera kontra-droga ng rehimen ay malinaw nang hindidemokratiko at kontra-mamamayan dahil umalagwa na ito sa walang-pakun-dangang kahibangan ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang na ipinatutupadng pulisya at mga sindikatong kriminal na kaugnay ng pulis.

Ipagpapatuloy at paiigtingin ngBagong Hukbong Bayan (BHB) angmga operasyon nito sa pag-aarestoat pagdidis-arma ng mga opereytorat protektor ng droga sa mga teri-toryo nito. Tulad ng dati, isasagawaito ng BHB nang may paggalang sawastong proseso at karapatan ngmga suspetsado, tulad ng mga upi-syal ng PNP na kasalukuyang nasakustodiya nito sa Compostela Valleyat Surigao del Sur.

Nitong nagdaang mga araw, su-nud-sunod na isinapubliko ni Duter-te ang mga listahan ng diumano’ymga protektor, narko-pulitiko athuwes nang walang katibayan omalinaw na batayan o pinagkunan.Maging ang punong upisyal sa inte-lidyens at pinuno ng PNP ay hindialam ito. Hindi kataka-taka kungang mga listahang binabasa ni Du-terte ay galing mismo sa mga naka-tagong sindikatong ito.

Daan-daan ang pinatay habang“nanlalaban sa pag-aresto” o kaya

habang nasa kustodiya at deten-syon sa mga sasakyan at bilangguanng pulis. Ang mga pamamaslang ayisinasagawa rin ng mga kriminal nasindikatong gumagamit sa payongng “gerang kontra-droga” paraikubli ang kanilang todong-gera samga karibal na sindikato at mgakaribal na protektor sa pulisya atmilitar, o kaya’y iligpit ang sarili ni-lang mga tao.

Dagdag ng PKP, “Ang gerangkontra-droga ay malamang na ma-bibigo dahil hindi nito sinasagot angsosyo-ekonomikong ugat ng prob-lema. Sa kasaysayan, napatunayannang hindi nawawakasan ang salotng droga gaano man karami ang pi-napatay.

“Dapat magkaisa ang lahat ngdemokratikong pwersa at huminging hustisya at pagwawakas sa ka-hibangan ng mga pamamaslang ngpulis at vigilante. Kasabay nito, da-pat patingkarin ng mamamayan angkanilang nagbabagang mga kahili-

ANG BAYAN Agosto 21 , 2016 7

Lehitimo ang paggamitng BHB sa mga landmine

Naninindigan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Bagong HukbongBayan (BHB) at NDFP na malalaking hakbang ang ginagawa nito upang

tupdin ang mataas na pamantayan ng mga internasyunal na makataong batassa paglulunsad ng armadong pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya.

Ipinakita ito sa pormal at upi-syal na pagsunod sa mga GenevaConventions at 1977 Protocol, ga-yundin sa pakikipagkasundo sa GRPna buuin ang ComprehensiveAgreement on Respect for HumanRights and International Humani-tarian Law (CARHRIHL). Pawangnakasaad sa mga ito na sa takbo ngarmadong tunggalian, dapat nabigyang-proteksyon ang mga sibil-yan at ang sibilyang populasyon.

Lehitimo ang paggamit ng mgaimprobisadong eksplosibo atlandmine—sa partikular ang mgacommand-detonated anti-personnel(anti-tauhan) at anti-vehicle (anti-sasakyan) na tipo, at maging yaongmga target-detonated anti-vehiclena tipo—kung ang pinupuntirya ngmga ito ay mga lehitimong target-militar at pumipigil sa potensyal,aktwal at nakaambang pinsala samga sibilyan at sibilyang popula-syon.

Sa ngayon, ang mga ginagamitng BHB na command-detonatedlandmine ay hindi sasabog kahit pamatapakan, matisod, o masipa. Angmga ito aynaka-

kawad sa mga de-manong blastingmachine na pinaka-iniingat-ingatanng mga Pulang mandirigma upangtiyaking sasabog lamang laban samga lehitimong target-militar.Maingat na minamanupaktura angmga ito ng mga yunit-ordnans ngBHB. May pagtatangi sa paglalatag,laging nasusubaybayan at lagingmalapit lamang sa yunit ng BHB nanaglatag sa mga ito. Napakaingatng BHB sa paggamit ng mga sanda-tang maaaring aksidenteng maka-pinsala sa mga sibilyan.

Ang malinaw na ipinagbabawalng Ottawa Treaty ng 1997 ay angpaggamit ng mga anti-personnellandmine na target-detonated. Angmga eksplosibong ito ay nakadisen-yong sumabog kapag natapakan onasagi ng target. Hindi ipinagbaba-wal ng Ottawa Treaty ang paggamitng mga anti-personnel landmine nacommand-detonated, o mga anti-vehicle at anti-tank landmine natarget-detonated o command-deto-nated. Hindi saklaw ang PKP ngOttawa Treaty dahil tanging mgaumiiral na estado (state actor) ang

makakapa-loob dito,

pino.Ang planong libing ay isang

“paglapastangan sa hustisya atpambabaluktot sa kasaysayan,”at hindi pa nga nakakapanagotang diktadurang Marcos sa libu-libong kabataang pinatay dahilsa paglaban sa batas militar,ayon pa sa Anakbayan. Ayonnaman sa Alliance of ConcernedTeachers, katumbas nito ang“muling pagsusulat ng kasaysa-yan” at iniinsulto ang mga bikti-ma ng batas militar at kanilangmga pamilya. Nagpahayag dinang Catholic EducationalAssociation of the Philippines,na binubuo ng mahigit isang li-bong paaralang Katoliko sa ba-yan, na si Marcos ay isang“mandarambong na may pana-nagutan sa isang bumagsak naekonomya—na ang epekto aynakikita pa sa mapang-apingkaralitaan sa palibot.”

Sa Kongreso, inihapag noongAgosto 11 ng pitong kongresistang Makabayan ang House Reso-lution 197 na tumututol sa hak-bang na ito bilang isang “napa-kalaking pangkasaysayang pam-babaluktot.” Idineklara namanng National Historical Commis-sion na hindi bagay ilibing siMarcos sa Libingan ng mga Ba-yani dahil kasinungalingan angkanyang mga medalyang militar.

Naglunsad ng kilos protestanoong Agosto 13 sa Quezon Cityang National Council ofChurches in the Philippines, atang SELDA at iba pang grupo saLuneta, noong Agosto 14.

Kinabukasan ay naghain ngpormal na petisyon sa KorteSuprema sina dating Bayan Mu-na Representative Neri Colme-nares, dating kongresistang Sa-tur Ocampo, Dr. Carol Araullo ngBayan, National Artist for Lite-rature Bienvenido Lumbera, Bo-nifacio Ilagan at Dionito Cabillasng grupong SELDA at iba panggrupo para hilingin na pansa-mantalang itigil ang nasabingpagpapalibing.

Agosto 21 , 2016 ANG BAYAN8

liban pa sa katunayang hindi kabilang ang Ottawa Treatysa mga pangkaraniwang kasunduan na sumasaklaw samga nasasakop ng internasyunal na batas.

Kahit hindi nasasaklaw ng tratado, ginagalang ng PKPat BHB ang pagbabawal sa paggamit ng mga anti-person-nel landmine at eksplosibo na target-activated o contact-activated. Tinitiyak nito na natatangi, direkta at eksklusi-bong nakapuntirya ang mga ginagamit na eksplosibo atgarantisadong tatama lamang sa mga lehitimong targettulad ng mga kombatant at tauhang militar.

Tinatabunan ng AFP ang mga pagkatalo ng mgapwersa nito sa pamamagitan ng pagpilipit sa mga datos,pag-imbento ng mga paratang, pagbaluktot sa mga prin-sipyo ng CARHRIHL hinggil sa usapin ng mga landmine,at lansakang paninira sa rebolusyonaryong kilusan. Ma-ling isinasalarawan ang mga reaksyunaryong tropangnapipinsala ng mga command-detonated landmine bilangmga "biktima" na nagsasagawa umano ng mga di-militarna gawain tulad ng kunway makataong aktibidad o reliefmission gayong malinaw na sila ay mga kombatant. Ga-yundin, ang mga umano'y nakukumpiskang mga anti-personnel at claymore landmine ay walang iba kundi mgasuplay mula sa gubyerno ng US bilang ayudang militar saAFP laban sa BHB.

Alinsunod rin sa paninira sa rebolusyonaryong kilu-san ang pakana ng ilang masugid na anti-komunista atmga reaksyunaryong indibidwal, gayundin ang mga po-pulista at pasipistang internasyunal na mga NGO (non-government organization) na nagpupostura bilang mgatagapagtaguyod umano ng pagbabawal ng mga land-

mine. Itinutulak nila ang mga kilusan para sa pamban-sang pagpapalaya tulad ng NDFP na itakwil ang pagga-mit ng mga landmine.

Para sa NDFP, hindi katanggap-tanggap ang mgamaniobra ng naturang mga NGO, na sa totoo'y pinopon-dohan ng mga imperyalista. Ginigipit ng mga ito ang mgakilusan para sa pambansang pagpapalaya na isuko angpaggamit ng mga landmine bilang sandata ng mga rebo-lusyonaryong pwersa at mamamayan laban sa kanilangmga kaaway na gumagamit ng malayong mas mapamuk-sang sandata laban sa mga sibilyang populasyon. Halim-bawa nito ang mga pambobomba, pagkanyon, arson,paggamit ng mga WMD (weapons of mass destruction omga sandata ng malawakang pamumuksa) tulad ng mgacluster bomb, white phosphorus, daisy cutter, moab, atiba pa. Mas makabubuti sa mga NGO na ito na ituon angoras at pagsisikap upang magkampanya laban sa mgasandatang nukleyar, bayolohikal at kemikal at mga na-banggit na mga sandata ng maramihang paglipol, at la-ban sa terorismo ng estado at mga digmang agresyon.

Labis na mapagkunwari ang mga kritiko ng landminelaluna yaong mga tagapagtanggol ng US na kilala bilangnumero unong tagasuplay, nag-iimbak, at gumagamit ngmga landmine. Sa halip na pigilan ang BHB na gumamitng mga CDX, dapat ipahinto ng mga kritikong ito sa USang paggamit ng mga WMD na ipinagbabawal ng mgainternasyunal na batas. Dapat din nilang igiit sa mga ar-madong pwersa ng GRP na itigil ang pag-atake sa mgasibilyang komunidad at mga pinaghihinalaang erya ngBHB.

Pandarahas sa mga progresibo at sibilyang komunidad, nagpapatuloy

NAG-AALALA ANG mga grupong nagtataguyod ng karapatang-tao sa sunud-sunod na kaso ng paniniktik at pandarahas ng mga ahente ng militar sa mgakilalang aktibista at mga sibilyang komunidad.

Ifugao. Iniulat ni Brandon Bu-nolna, myembro ng Ifugao PeasantsMovement (IPM), ang pagsubaybaysa kanya ng kalalakihang nakasuot-sibilyan matapos niyang dumalo sakorte at dumalaw sa mga bilang-gong pulitikal sa bayan ng Lagawe.

Ayon sa Cordillera HumanRights Alliance, hindi bago ang sar-beylans na ito. Ang mga kilalang li-der, kasapi at tagasuporta ng IPMay matagal nang nakapailalim sasarbeylans at palagiang pina-raratangan ng militar na maykaugnayan sa Bagong Hukbong Ba-yan.

Sorsogon. Sinundan si Juvy So-laon, istap ng Karapatan-Sorsogon,ng mga ahente-militar na lulan ng

motorsiklo mula sa kanilang upisinasa Barangay Polvorista. Ani Solaon,bago sundan ang sinakyan niyangtraysikel papunta sa kanyang kaibi-gan, napansin na niya ang dalawanglalaking nakatambay sa tabi ng upi-sina.

BUKOD SA sarbeylans, tuluy-tuloyrin ang pandarahas sa mamamayan.

Antipolo. Sa isang porum parasa World Indigenous Peoples' Daynoong Agosto 8, ibinahagi ni Arnelde los Santos ang pandarahas ngmga elemento ng 80th IB sa komu-nidad ng mga Dumagat sa Apia,Calawis Village. Dahil dito ay nag-bakwit ang mga residente. Batid ni-lang tugon ang pandarahas sa kani-

lang paglaban sa itinatayong 500-megawatt na Wawa pump storagehydropower project ng OlympiaViolago Water and Power Inc. sapagitan ng Antipolo at Montalban,Rizal. Si Delos Santos ay kasaluku-yang pangkalahatang kalihim ngBigkis at Lakas ng Katutubo sa Ti-mog Katagalugan. Ang kanyangamang si Nicanor de los Santos aypinaslang ng Task Force Panthernoong Disyembre 8, 2001 habangnamumuno sa pagtutol.

Agusan del Sur. Pinaputukanang bahay ng isang nagngangalangLolong Gomez sa Purok 7, BarangayZillovia noong Agosto 13. Tinamaanng mga bala ang nakatipon noon sanaturang bahay na sina Tony Bau-tista, Lolong Kali at ang 13-taonggulang niyang pamangkin. Malubhading tinamaan ng bala ang isa sa

ANG BAYAN Agosto 21 , 2016 9

Upisyal ng KMP, RMP, iligal na inaresto

ILIGAL NA INARESTO ng magkasanib na mga pwersang pulis at militar angdalawang kilalang aktibistang humahawak ng matataas na pusisyon sa mgaorganisasyong progresibo. Ito ay habang naghahanda ang NDFP at buongrebolusyonaryo at progresibong kilusan sa muling pagbubukas ng pormal nausapang pangkapayapaan.

Inaresto nitong Agosto 19 sa Barangay Lahug, Cebu City si AmeliaPond, rehiyunal na koordinador ng Rural Missionaries of the Philippines(RMP) ng Southern Mindanao Region. Nagsisilbi din tagasaliksik at guro siPond sa mga eskwelahan ng Salugpongan sa Mindanao.

Galing si Pond sa tatlong-araw na pambansang asembliya ng RMP sanaturang syudad nang parahin ng mga myembro ng Criminal Investigationand Detection Group ang sinasakyan niyang taksi. Kasama niya sa taksi angapat pang delegado ng asembliya.

Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong pagpatay at bigong pagpataysa ilalim ng pangalang “Adelfa Toledo.” Inakusahan siyang myembro ngKomisyon ng PKP sa Mindanao.

Mariing tinuligsa ng mga relihiyosong grupo, at mga tagapagtanggol ngkarapatang-tao ang iligal na pag-aresto at detensyon kay Pond. NitongAgosto 20, naglunsad ang mga kasapi ng RMP-Cebu ng protesta sa harapng Camp Sotero sa Cebu City para igiit ang kaagad na pagpapalaya sakanya.

Bago nito, iligal na inaresto ng mga pwersa ng estado si Antonio Pajallasa Macalelon, Quezon Province noong Agosto 12. Pasakay si Pajalla sa isangdyip tungong Catanauan, Quezon para maghanda sa isang pagkilos ng mgamagsasaka.

Si Pajalla ay ikalawang tagapangulo ng KMP at matagal nang lider ngPinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (Piglas). Nanguna siya sa pa-kikibaka ng mga magniniyog sa Quezon upang mabawi ang multibilyongpondo ng coco levy. Inaresto siya sa kasong rebelyon na isinampa sa kanyanoong 1995. Idinetine siya sa kabila ng pagpresenta niya ng sertipiko ngamnestiya na iginawad sa kanya noong 1997. Kasalukuyang nasa kustodiyasiya ng PNP-Macalelon.

Noong Agosto 13, naglunsad ng rali ang mga progresibong organisasyonpara ipananawagan ang kagyat na pagpapalaya sa kanya.

kanilang mga kapitbahay at ka-salukuyang kritikal ang kondi-syon.

Nagbakwit ang mga pamil-yang Manobo sa barangay gym ngZillovia dahil sa panganib sa ka-nilang buhay at nagpapatuloy nasarbeylans ng grupong paramili-tar na binuo ng meyor ng Loretona si Dario Otaza na pinarusahanng BHB noong 2015.

Compostela Valley. Inirek-lamo ng mga residente ng Purok4, Sityo Tagbaw, Barangay Rizalsa Monkayo ang patuloy na pag-papatrulya ng 25th IB sa kani-lang komunidad. Ani PurokChairman Lino Inbad, nagkukun-wari ang mga sundalo na mgakasapi ng BHB.

Noong Agosto 7, pinigilan ngmga sundalo ang mga magsasakana pumunta sa kanilang sakahanmatapos ang engkwentro na na-ganap sa pagitan ng militar atBHB. Apektado ang 37 pamilya sapanggigipit. Mula pa Hulyo 25nag-ooperasyon ang mga sundalosa kanilang komunidad.

Batangas. Naglunsad ngoperasyong militar ang mgasundalo mula sa 16th IB at730th Combat Group ngPhilippine Air Force sa SityoSantolan, Barangay Coral niLopez noong Hulyo 26. Ito ay sakabila ng idineklara noon natigil-putukan ni Duterte.

Ayon sa mga taga-Santolan,sunud-sunod ang operasyongmilitar sa kanilang lugar mula pa2015. Matagal nang gawi ngmilitar ang dahasin at akusahansilang mga myembro ng BagongHukbong Bayan. Ayon kay AgatonBautista ng Samahang Mag-bubukid ng Coral ni Lopez,matagal nang inilagay ng militarang kanilang mga pangalan saOrder of Battle ng AFP. Nagdulotito ng takot sa mga residente kayamarami sa kanila ang umalis na sakanilang mga bahay at sakahan.Idinaing ng mga magsasaka angkanilang kaso sa Department ofAgrarian Reform.

2 aktibistang Lumad, pinaslang

DALAWANG AKTIBISTANG Lumad ang pinaslang noong Agosto 12 sa SanLuis, Agusan del Sur sa magkakasunod na pang-aatake ng grupongparamilitar na pinatatakbo ng AFP.

Unang pinaslang si Jerry Layola, 42, sa loob ng kanyang bahay saBarangay Balit bandang alas-7 ng gabi. Ilang minuto matapos nito, binarilnaman sa likod si Jimmy Mapinsahan Barosa, 48, sa labas ng bahay ngkanyang kaibigan sa Barangay Baylo. Nasa Baylo noon si Barosa, isangresidente ng Barangay Kasilayan, dahil papunta siya sa ospital para dalhanng pagkain ang kanyang asawa. Nasugatan sa pamamaril ang 19-anyos nasi Renel Paminsahan.

Parehong kasapi ng Tagdumahan, isang organisasyon ng mga Banwaon,ang dalawa. Isa ang Tagdumahan sa mga organisasyong mariing tumututolsa mapangwasak na pagmimina at pagtotroso sa kanilang munisipalidad.Kabilang sa kanilang tinututulan ang planong open-pit mining ng TambuliMining Company Inc at Malampay Mining Inc, na nagpipilit pumasok sapamamagitan ng mga operasyong militar.

Binuo at pinopondohan ang naturang grupong paramilitar ng 29th IB.Dati rin itong pinamumunuan ng isang elemento ng CAFGU.

Agosto 21 , 2016 ANG BAYAN10

Pandaigdigang Araw ng Katutubo, ipinagdiwang

SA PAMUMUNO ng Katribu, ginunita ng mga makaba-yang grupo noong Agosto 9 ang Pandaigdigang Araw ngmga Katutubo sa pamamagitan ng isang pagkilos saMendiola Bridge sa Maynila. Kasabay nito, nagdaos angCordillera People's Alliance ng parada sa Session Roadsa Baguio City bago nagtipon sa Igorot Park.

Bagamat edukasyon para sa katutubo ang pandaig-digang tema ng araw na ito, inihapag ng mga katutubosa Pilipinas ang iba pang mga usapin na umaapekto sakanila. Kabilang dito ang tunay na pagkilala sa kanilangkarapatan sa kanilang lupang ninuno at pagpapasya-sa-sarili, pagtigil sa pandarambong sa mga yaman sakanilang mga teritoryo, sapat at nararapat na batayangserbisyong panlipunan, at suporta sa mga biktima ng sa-kuna. Nanawagan din sila para sa muling pagpapatuloyng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NationalDemocratic Front of the Philippines at Gubyerno ngPilipinas.

Naglunsad sila ng mga porum at workshop sa iba’tibang bahagi ng bansa. Kabilang dito ang serye ng mgapagbabahaginan ng mga katutubong kabataan ng Cordil-lera sa mga estudyante at kabataang Taiwanese mula samga tribu tulad ng Amis, Atayal, Kavalan, at Truku. Ni-

lahukan ito ng mga kinatawan ng mga organisasyon ngaktibistang kabataan.

Dinaluhan naman ng mahigit 300 katutubo ang po-rum sa College of the Holy Spirit sa Quezon City noongAgosto 8. Kabilang sa mga dumalo ang mga Dumagat,Ayta, Mangyan, Igorot, Tumandok at Lumád, gayundinng mga estudyante at guro ng Holy Spirit. Nagpakita ngkanyang suporta roon si Aiza Seguerra sa pamamagitanng pag-awit.

Bago nito, inihapag na ng Katribu sa National Com-mission on Indigenous Peoples (NCIP) noong hulinglinggo ng Hulyo ang kahingiang ibasura ang IndigenousPeoples’ Rights Act at ang ahensyang nilikha nito, angNCIP. Ayon sa Katribu, ang batas na ito ay ginagamit ngmga lokal at dayuhang kumpanya para kamkamin anglupang ninuno para sa mga malalaking minahan at plan-tasyong agribisnes. Sumang-ayon pa ang NCIP sa pag-bibigay ng mga huwad na titulong “datu” sa mga pinunong mga grupong paramilitar tulad ng New IndigenousPeople’s Army for Reform (Nipar) na walangpakundangang namaril sa isang kasalan noong Hulyo 30.Sa gayon, may pananagutan ito sa masaker at iba pangpahirap sa mga Lumad.

Pakikibaka laban sa Tiempo Muerto sa Negros, inilunsad

NAGLUNSAD NG tatlong-araw na protesta ang mga manggagawang bukid samga tubuhan sa Negros Occidental mula Agosto 10 hanggang 12 para igiitang agarang pagbibigay sa kanila ng pagkaing ayuda mula sa mga ahensya nggubyerno.

Iginigiit nila ang kagyat na pa-mamahagi ng P40 milyong pondongpangkalamidad at multimilyong So-cial Amelioration Fund na dapat aypondong ayuda sa mahihirap perosa aktwal ay napupunta sa mgaasendero. (Basahin sa Ang BayanHulyo 21, 2016.)

Itinaon ng mga manggagawangbukid ang kanilang protesta saTiempo Muerto (patay na panahon),ang mga buwan sa pagitan ng pag-tatanim ng tubo at pag-ani nito. Ki-natatangian ito ng malawak na ka-gutuman at kamatayan dahil sakawalan ng alternatibong mapagka-kakitaan ng mga manggagawangbukid. Mula pa simula ng TiempoMuerto noong Hunyo, naglulunsadna ng mga protesta sa mga tubuhanng Murcia, Don Salvador Benedicto,Talisay City, Silay City, EB Magalo-na, Manapla, at Escalante City. Ka-

raniwang nagtatagal ang patay napanahon hanggang gitna ngSetyembre.

Taun-taon, dinaranas ng mgamanggagawang bukid sa tubuhanang Tiempo Muerto at ang kaugnaynitong gutom at hirap. Ito ay ayonkay Danilo Ramos, tagapangulo ngUnyon ng mga Manggagawa saAgrikultura. Sinisikap nilangmaghanap ng ibang trabaho perokulang na kulang ito sa isla ng Ne-gros dahil sa atrasadong sistemanito ng monocropping at ilang siglonang pang-aaping pyudal. Mataasang monopolisasyon ng lupa sa isla,kung saan itinatanim ang 48% ngsuplay ng tubo ng bansa.

Ayon naman kay Roland Rillo,tagapangulo ng National Federationof Sugar Workers (NFSW), masmatindi ang dinaranas nilang Tiem-po Muerte ngayong taon. Aniya,

katulad ng ibang prubinsya, duma-nas ng El Niño ang isla, kung kaya’tsalat ang pagkakataong makapag-trabaho kahit noong panahon ngtaniman. May mga pagkakataon saTiempo Muerto na kumukuha ngmga manggagawa ang mga pangi-noong maylupa pero sa napakaba-bang sahod (P8 -17/araw).

Sa kabilang banda, patuloy angpagkamkam ng mga “sugar baron”o malalaking panginoong maylupang kita. Alinsunod sa pananaliksikng NFSW kamakailan, umaabot saP80,000 ang netong kita ng isangasyendero sa isang ektaryang tu-buhan.

Liban sa kagyat na ayuda, ipi-nananawagan rin ng UMA at NFSWang pagpapatupad ng tunay na re-porma sa lupa at industriyalisasyon.Anila, sa pangmatagalan, ang mgaito lamang ang makalulutas sa gu-tom at kamatayang dala ng TiempoMuerto, gayundin ng iba pang ba-tayang usapin ng mga magsasaka atmanggagawang bukid.