93
PAUNANG SALITA NI PAUL WASHER PAG-ARING-GANAP AT Muling Kapanganakan CHARLES LEITER NAPALAWAK NA EDISYON

PAG-ARING-GANAP - illbehonest.com · PAGKILALA Nais kong ipahayag ang aking espesyal na pasasalamat kay Paul Washer ng HeartCry Missionary Society sa paghikayat at pagsuporta sa paglathala

  • Upload
    vokiet

  • View
    220

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

PAUNANG SALITA NI PAUL WASHER

PAG-ARING-GANAP AT

Muling Kapanganakan

CHARLES LEITER NAPALAWAK NA EDISYON

PAG-ARING-GANAP AT

Muling Kapanganakan

Ikalawang Edisyon

Mga Nilalaman

Pagkilala………………………….………………………...…………...…....7

Paunang Salita…………………………………………………………..…...9

Pambungad……...…………………………………….….………………...13

Kabanata 1 Kasalanan: Tunay Na Problema Ng Tao…...…….……...17

Kabanata 2 Maaari Ba Ang Tao’y Maging Matuwid Sa Harap Ng

Diyos?..............................................................................25

Kabanata 3 Pag-aring-ganap: Mga Katangian………..….…....……....33

Kabanata 4 Muling Kapanganakan: Nabago Ang Lahat………………47

Kabanata 5 Bagong Nilalang……………………………………………..51

Kabanata 6 Bagong Tao……….…………………………………..….….57

Kabanata 7 Bagong Puso……………..………………………………….63

Kabanata 8 Bagong Silang……..……………..…………………...…….71

Kabanata 9 Bagong Likas…….…………………….…...……..……...…77

Kabanata 10 Pagpako Sa Krus At Muling Pagkabuhay……………......83

Kabanata 11 Pagbabago Ng Kaharian: Laman Tungo Sa Espiritu..…..91

Kabanata 12 Pagbabago Ng Kaharian: Mundo Tungo Sa Langit........101

Kabanata 13 Pagbabago Ng Kaharian: Kasalanan Sa Katuwiran..….109

Kabanata 14 Pagbabago Ng Kaharian: Batas Sa Biyaya………….....115

Kabanata 15 Pagbabago Ng Kaharian: Adam Sa Kristo……………...123

Apendiks:

A. Muling Kapanganakan: Buod………………..……….…...….133

B. “Hindi Maaaring Magkasala”….………………………………143

C. Roma 7………………………………………………………….147

D. Lahat Ng Pagpapala Kay Kristo……………………………...157

E. Mga Madalas Itanong…………………….…………..……….167

PAGKILALA

Nais kong ipahayag ang aking espesyal na pasasalamat kay Paul Washer ng

HeartCry Missionary Society sa paghikayat at pagsuporta sa paglathala ng aklat

na ito at kay Garrett Holthaus of Kirksville, Missouri, sa pag-alok sa maraming

mahahalagang suhestiyon patungkol sa nilalaman nito. Nais ko ring magpasala-

mat sa mga bumasa para itama ang aking mga kamalian, at—higit sa lahat—sa

aking asawa, na si Mona, sa pagbabasa niya ng may galak sa buong manuskrito

sa akin habang labing tatlong-oras akong naghahatid mula Colorado at sa pag-

mungkahi sa ilang kapaki-pakinabang na mga pagbabago.

PAUNANG SALITA

Tila mayroong kailaliman ang paghihiwalay ng Biblikal na teologo at ang

Kristyano sa Iglesiya. Habang ang teologo ay may kakayahang abutin ang pin-

akamataas na katotohanan ng Diyos at ibahin ito sa pamamagitan ng pananaw,

siya’y madalas na nagpapabatid sa bisyon na wika na lampas sa amin. Kaya,

kami ay nasa bahagi ng awa ng kilalang Kristyanong literatura na madalas wa-

lang hihigit sa kakaibang istorya, pragmatismo, at bautismong sikolohiya.

Ang Iglesiya sa kontemporaryong Amerika ay hindi kailangan ng

maraming estratehiya, mga hakbang, o mga susi sa buhay Kristyano. Kailangan

ng Iglesiya ang katotohanan, at higit na espesipiko, ang mahusay na pundasyon

ng katotohanan mula sa makasaysayang Kristyanismo. Sa ganitong gawain, si

Pastor Charles Leiter ay gumawa ng kahanga-hangang paglilingkod sa Iglesiya

na kanyang kinuha ang dalawang pinakadakilang doktrina ng kasulatan at ang

dalawang pinakadakilang himala sa buhay Kristyano at kanyang ipinaliwanag sa

simpleng wika ng walang nawala sa nilalaman.

Habang aking binabasa sa pamamagitan ng manuskrito ang aklat na ito

ako’y namangha sa kasimplihan at ito’y abot ng kaisipan. Ang dakilang doktrina

ng pag-aring-ganap at muling kapanganakan ay maaari lamang maisaalang-

alang ng maayos sa konteksto ng ibang mahusay na mga doktrina ng pananam-

palataya—ang banal at matuwid na katangian ng Diyos, ang tao’y bulok,

pangpalubagloob, pagsisisi, pananampalataya, at pagpapakabanal, ito’y ilan

lamang. Si Pastor Leiter ay hindi niya lamang ibinigay sa atin ang balanseng

pananaw ng mga doktrinang ito, bagkus kanya ring pinatunayan kung paano ito

pag-isahin para mabuo ang pundasyon ng buhay Kristyano.

Sa natatanging interes sa akin ay ang pahayag upang maibalik ang ta-

mang pananaw sa muling kapanganakan. Sa modernong pag-eebanghelyo, itong

mahalagang doktrina ay binawasan sa walang hihigit na desisyon ng tao na itaas

ang isang kamay, lumakad sa pagitan, o manalangin ng “panalangin ng makasa-

lanan.” Bilang resulta, ang karamihan sa mga Amerikano ay naniniwala na sila ay

“naisilang ng muli.” (i.e. muling ipinanganak) bagaman sa kanilang isip, mga

salita, at mga gawa ay patuloy na sumasalungat sa likas na katangian at kaloo-

ban ng Diyos. Si Pastor Leiter pinatunayan niya na ang muling kapanganakan ay

higit sa karaniwang gawa ng Diyos kung saan ang makasalanan ay patay, ubod

ng sama ang pusong matigas na napalitan ng bagong puso na ito ay parehong

nakahanda at may kakayahang tumugon sa Diyos sa pag-ibig at pagsunod. Pan-

galawa, si Pastor Leiter ay tumungo sa Roma 6 at 7 sa lohikal at sa hindi

nagbabagong pamamaraan, na kung saan siya’y nakikipag-usap sa bumabasa

na may malalim na kasimplihan. Ang pananaw ng ating kapatid patungkol sa

dalawang mahalagang kabanata ay pinagmulan ng matinding lakas, kaaliwan, at

saya sa akin sa ilalim ng mga taon ng aking paglalakbay.

9

Binasa ko nang maraming beses ang librong ito bago mapaimprenta.

Ako’y labis na nakinabang mula sa aral at aking taos-pusong inirerekomenda ang

nilalaman nito. Nawa’y ang Espiritu ng Diyos ay magliwanag sa iyong puso at

kaisipan na nawa hindi mo lamang maintindihan ang kasulatan na ipinaliwanag

rito, bagkus ito’y maging totoo sa iyong buhay.

Paul David Washer

10

PAMBUNGAD

“Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail,

mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan,

na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at

tayo'y nangagkakapootan. Nguni't nang mahayag na ang kagandahang-loob ng

Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao, Na hindi dahil sa

mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan

ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapan-

ganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo, Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa

atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas; Upang, sa pagkaaring

-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana

tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.” Tito 3:3-7

Dalawang dakilang milagro ang mayroon sa puso at sa sentro ng

ebanghelyo. Ang una ay pag-aring-ganap, kung saan hinatulan ang mga makasa-

lanan na ginawang matwid sa mata ng banal at makatarungang Diyos. Ang pan-

galawa ay muling kapanganakan, kung saan may masamang hangarin, alipinin,

at may kamuhi-muhing makasalanan na nabagong anyo na naging magkatipan

ang Diyos at tao.

Maging direkta o hindi direkta, itong dalawang milagro ay makikita kahit

saan sa Bagong Tipan. Ito’y ganap na matatag para sa tamang pag-unawa sa

ebanghelyo at sa buhay Kristyano. Gayon pa man, kahit mga tunay na

mananampalataya, mayroong malaking pagkalito at kamangmangan patungkol

sa halaga at sa katotohanan ng kaluluwang pinalaya.

Ang mga sumunod na pahina ay Biblikal na pagsisikap para linawin ang

likas at katangian ng pag-aring-ganap at muling kapanganakan. Para magawa

ito, ating isaalang-alang una ang Kabanata 1 bakit ito ang katayuan ng lahat ng

tao na siya’y desperadong nangangailangan sa dalawang dakilang gawa. Ito ay

kabilang sa talakayan ng parehong layunin sa pagkakasala at ang panloob na

kasamaan sanhi ng kasalanan.

Dahil lahat ng tao ay makasalanan at bulok sa kasalanan, may ma-

halagang matututunan sa problemang tinatayuan sa paraan ng kaligtasan ng

isang tao: Paanong ang Matwid na Diyos pinangatwiranan ang hindi matwid na

makasalanan ng hindi nagiging labag sa Kanyang katwiran? Sa Kabanata 2

inusisa itong problema at ang paraan para masolusyunan ay sa pamamagitan ng

dakilang karunungan ng Pagkatao at gawa ng Panginoong Jesu-Cristo. Sa Kaba-

nata 3, ang likas at katangian ng pag-aring-ganap ay sinaliksik sa kapahayagan

ng Kasulatan ang linaw ng pitong katotohanan patungkol sa pag-aring-ganap.

Ang Bibliya ay may malaking bahagi patungkol sa muling kapanganakan. Sa

pagsisikap na makuha ang malinaw na pananaw kung ano ang muling kapan-

ganakan, aming siniyasat ang siyam na Biblikal na uri nitong dakilang milagro sa

13

Kabanata 4-13. Ang mga pananaw sa bawat uri ay parehas dakila na realidad

mula sa magkaibang tapyas nito.

Sa Kabanata 14, ang pag-aring-ganap at muling kapanganakan ay

parehong isinaalang-alang sa mga termino nang malaking kategoriya ng “batas at

biyaya” na ipinahayag sa Bagong Tipan. At sa huli, sa pangwakas na Kabanata,

kapwa isinaalang-alang na mahalaga, bumabalantok sa tunay na buhay kay

“Cristo.” Kristyanismo ay si Cristo. Bawat biyayang espirituwal ay matatagpuan

“sa Kanya” - kasama ang lahat ng biyaya ng pag-aring-ganap at muling kapan-

ganakan at walang biyayang espirituwal ang mamamalagi hiwalay sa Kanya.

Sa buong aklat, maraming importanteng kasulatan ang may ibinigay na

talabata, at ang mga ito’y nakalugar sa ilalim ng bawat pahina para sa madaling

reperensya.

Charles Leiter

14

Kabanata Isa

Kasalanan Tunay Na Problema Ng Tao

Para sa tamang pag-unawa sa pag-aring-ganap at muling kapanganakan,

tayo’y dapat magsimula kung saan ang Bibliya, at iyon ay sa kasalanan. Lahat ng

kasalanan ay dumaloy mula sa napakasamang hangarin na ilagay ang kanyang

sarili sa lugar ng Dios—maging ang sentro at sukat ng lahat ng mga bagay at

upang “malaman” para sa kanyang sarili kung ano ang mabuti at ano ang masa-

ma.1 Ayon sa Tito 3:3-7, ang likas na katayuan ng tao ay “mga mangmang, mga

suwail, mga nadaya, at mga alipin nang sarisaring masamang pita.” Ang buhay

ay nailalarawan sa “kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at

kapanaghilian.” Sa estado ng pamumuhay ng tao, malayong matanggap nila ito

dahil ang nasa isipan nila sila’y “mabuti,” maliban kung ihayag ng Diyos sa kanila

ang tunay na kundisyon nang kanilang maruming puso. Kasalanan ang tunay at

tanging problema ng sangkatauhan. Ito’y aking tunay at tanging problema at

iyong problema at tanging problema.

Ang Biblikal Na Pananaw Sa Kasalanan Ang Bibliya ay may maraming masasabi patungkol sa kasalanan. Kung

tama ang ating pagkaunawa sa tunay na katangian ng kasalanan, hahayaan

natin ang malinaw na pahayag ng Bibliya upang magpaliwanag sa ating madilim

na kaisipan at mapalambot ang ating matigas na puso. Isipin natin ito! Ayon sa

Bibliya, ang kasalanan ay—

Pangkalahatan

Ang kasalanan ay tunay na pangkalahatan sa sangkatauhan. “Tayong

lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang

sariling daan.”2 “Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas,

Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawa-

lan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.”3 Ikaw at

ako ay maaaring hindi magkakilala, ngunit isang bagay ang tiyak na tugma—

tayo’y parehas na makasalanan. Bawat lalaki, babae, at bata, gagaano man

katanda o kabata, ay makasalanan. Maging maliliit na bata, kapag pinahintulu-

tang lumakad sa sariling daan, ay angkop sa matinding bagsik sa mga hayop at

sa isa’t isa.

Sa karera at nasyonalidad ay gayon din ang dulot walang ligtas sa kasa-

lanan; ang pinaka-bihasa ng mga bansa ay angkop sa pagpatay ng lahi bilang

pinaka-salbahe.

1Genesis 3:4-5 2Isaias 53:6 3Roma 3:10-12

17

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang gas tyember ng “sibilisado” ay sanay lamang sa kamunduhang porma ng

machetes na hawak ng “hindi sibilisado.”

Ni “hindi sibilisado” o “di Kristyano.” Sa mga salita ng dating misyonero,

“Ako’y nagtungo sa misyon para ituloy na isusugo ng Diyos ang mabuting tao sa

impyerno. Noong ako’y naroroon na, nalaman kong sila’y mga halimaw ng kasa-

lanan.” Ang tanong ay hindi kung ang tao ba’y may pagkakataong “tanggapin si

Hesus.” Ang tanong ay kung sila ba’y may pagkakataon na taratuhin nang masa-

ma ang misyonero at tanggihan ang kanyang mensahe—para, hiwalay mula sa

espesyal na gawa ng Banal na Espiritu, na iyon ang siguradong gagawin nila.1

Kasalanan ay pangkalahatan sa sangkatauhan.

Laganap

Hindi lang pangkalahatan ang kasalanan; ito’y laganap. Bawat aspeto ng

personalidad ng tao at buhay ng tao ay apektado nito.

Ang pagiisip ay binulag. “Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga

pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang

kaliwanagan…”2

Ang kalooban ay masama. “Ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong

haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.”3

“At ayaw kayong magsilapit sa Akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.”4

“Walang taong makalalapit sa Akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa Akin

ang sa kaniya'y magdala.”5

Ang damdamin ay balisa at mali ang gamit. May mga pusong nagbabaga

sa palagiang galit at poot. Iba’y buwisit araw at gabi sa walang saysay na takot.

Maraming tao tumatawa sa mga bagay na dapat tumangis sila, habang ang iba’y

luhang luha sa walang maliwanag na dahilan. Ganyan ang naidudulot ng matindi

at laganap na pagkabagabag sa personalidad ng tao, tuwiran o hindi tuwiran

man, sa kasalanan.

Hindi Nakapangangatwiran

Kasalanan ay hindi nakapangangatwiran. Maraming hindi matutumbasan

ang halaga ng pagkapanganay na ipinagbili sa isang pinggang pagkain;6

Maraming buhay may asawa at pamilya ang naitapon sa isang gabi ng labag sa

batas na aliw. Para sa pansamantalang pangingilig sa paggamit ng ilegal na

droga, ang pinakamataas na kakayanan nang utak ng tao ay karaniwan at perma-

nenteng nawasak.

1Mateo 22:1-6 22 Corinto 4:4 3Genesis 6:5 4Juan 5:40 5Juan 6:44 6Hebreo 12:16

KASALANAN: TUNAY NA PROBLEMA NG TAO

Sa sandaling pagbubulaybulay sa mga kasalanan nang ating nakaraan ay sapat

upang makumpirma na wala sa mga ito ang may saysay. Ganito ang pagkasira

nang buhay ng alibughang anak na sa kanyang pagsisisi ay tulad sa “nang siya’y

makapag-isip.”1

Walang gawing matalino ang kasalanan.

Madaya

Kasalanan ay madaya. Sinasabi ng Bibliya ang pagiging “matigas sa

daya ng kasalanan.”2 Tungkol sa lahat ng daya, hindi alam ng biktima na ang

kaniyang kalagayan siya’y nadaya. Sa mga sandali na kaniyang iniisip na siya’y

“mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi nangangailangan ng anoman,”

katunayan siya’y “aba at maralita at dukha at bulag at hubad”!3 Siya na

“nagmamarunong ay naging mangmang.”4

Tumitigas

Isa sa pinaka nakakatakot patungkol sa kasalanan ay iyong kakayahang

patigasin ang isang gumagawa nito.5 Siyang laging nagpapatuloy sa kasalanan,

kakaunting kasalanan ang aabala sa kaniya. Ayon sa Bibliya, ang budhi ng tao ay

naging “bakal na nagbabaga.”6 Matatagpuan ng bawa’t makasalanan na nakaga-

wa siya ng kasalanan na minsan kaniyang minaliit, at ang kasalanang iyon na

ngayon kaniyang minaliit, balang araw malalaman niya na siya’y nakagawa ng

kasalanan. Masisindak tayong alalahanin na si Adolf Hitler dating maliit na bata

na naglalaro ng laruan tulad ng ibang maliliit na bata. Alam ng tao ang simula ng

kasalanan, ngunit walang taong nakakaalam sa wakas ng kasalanan.

Umaalipin

Kasalanan ang umalipin sa mga gumagawa nito. “Bawa't nagkakasala ay

alipin ng kasalanan.”7 Walang may kayang palayain ang sarili o makatakas mula

sa pagkaalipin sa kasalanan. Ang kasalanan ang “naghahari” sa makasalanan at

pasan-pasan niya ito tulad ng panginoong malupit sa huli ay magbibigay sa kani-

ya ng pagbagsak sa hukay ng pagkasira at kamatayan.8 Kung hindi ka Kristyano,

may kadenang nakapaikot sa iyong leeg, malubha kaysa pisikal na kadena.

Maaaring makayanan mong iwan ang isang kasalanan, ngunit ang ibang kasa-

lanan ay hindi kaagad makakayanan—kadalasan ang kasalanan ng kapalaluan o

nag-aakalang mabuti kaysa iba. Anoman ang iyong ilarawan meron kang tiyak na

babaguhin sa iyong sarili. Kasalanan ay umaalipin.

1Lucas 15:17 2Hebreo 3:13 3Pahayag 3:17 4Roma 1:22 5Hebreo 3:13 61 Timoteo 4:2 7Juan 8:34 8Roma 5:21

19 18

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Nagpababa

Kasalanan ang nagpababa at nagpahiya sa bawat tao. Ang binata na

minsan maayos ang suot naupo sa opisina ng hindi nag-ahit ito’y kasuka sa kani-

ya. Ang dalaga na minsan malinis, maganda at inosente na ngayo’y mababang

uri, mahalay at marumi—muli, dahil sa kasalanan. Bawat tao ay nilikha ayon sa

wangis ng Diyos, nilikha sa walang kamatayang panaginip at mag-isip ng walang

hanggang pag-iisip, ay nabawasan ng kasalanan na tulad sa mga baboy na

bumaba sa putik para sa pirasong tinapay. Sa kasalanan ang anghel naging

demonyo1; tao’y naging “gaya ng mga hayop na walang bait.”2 Kasalanan ay

nagpababa.

Nakakahawa

Huli, kasalanan ay nakakahawa.3 Kasalanan ay hindi kaunti; kasalanan ay

hindi “maganda”; kasalanan ay hindi nakakatawa. Kasalanan ay napakasama;

ito’y “lubos na masama.”4 Lahat ng kasalanan ay baluktot, pangit at kasuklam-

suklam. Dapat tayong magulat sa kung gaano kasama ang tao at gaano katigas

ang puso na tayo’y naging ganoong kasama. Tayo’y ginamit nito! Ang unang

sanggol na naipanganak lumaki na pinatay ang kaniyang sariling kapatid.5 At ang

kasaysayan ng tao mula noon ay isang mahabang labanan, sakim, poot, pahirap,

halay, kabuktutan, abuso, at kalupitan. Ito’y biyaya na hindi natin alam ang de-

talye ng mga kasalanan na ating nagawa lamang nakaraang gabi sa ating bayan

o siyudad. Ang gayong kaalaman ay magiging masyadong nakahahawang dalhin.

Gayunman, harapin natin ang katotohanan na ang sanglibutan ay hindi

paraan dahil sa ito’y may iilang masama tulad ni Hitler; ang sanglibutan ay ang

paraan sapagka’t ito’y binubuo ng maraming taong kagaya natin! Mayroong mat-

inding kasamaan sa bawat isa sa atin. Minsan ang Diyos gagamitin ang isang

bagay na tila baga “maliit” para ipakita sa atin ang kasamaang ito. Para kay Au-

gustine, hindi kaya ng kaniyang sobrang walang maliw na estilo ng buhay, ngunit

ang walang habas na pagnanakaw ng peras mula sa puno ng kapit-bahay sa

kaniyang kabataan—hindi sa gutom, subali’t para sa palakasan—na nagsiwalat

sa kaniyang ganap na kasamaan ng kaniyang puso. Kasalanan, para lamang sa

kasiyahan ng paggawa ng masama, walang dahilan at walang pabuya, na

dumadaloy mula sa loob ng puso at nakakahawa sa lahat.

1Mateo 25:41 22 Pedro 2:12; Judas 1:10 3Marcos 7:20-23 4Roma 7:13 5Genesis 4:8

KASALANAN: TUNAY NA PROBLEMA NG TAO

Ang Dalawang Bahagi ng Problema ng Kasalanan ng Tao

Kasalanan ang tunay at tanging problema ng sangkatauhan. Pero itong

“problema sa kasalanan” ay may dalawang natatanging aspeto—isa’y panloob at

ang isa’y panlabas.

Ang Panloob na Problema—Masamang Puso

Ayon sa Panginoong Hesukristo, ang tao mismo’y sira at masama. “Ang

lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao. Sapagka't mula sa loob, mula sa

puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang

mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangan-

galunya, Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kali-

bugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamang-

mangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling,

at nangakakahawa sa tao.”1 Ito ang katayuan ng bawat puso ng tao, hiwalay kay

Kristo. Kung ipalalabas ang ating mga nakaraang saloobin, mga nakaraang gina-

wa, sa malaking screen sa harap ng ating pamilya at mga kakilala, bawat isa sa

atin ay tatakbo mula sa kuwarto sa kahihiyan. Bawat hindi Kristyano ay—sa

kanyang pagkatao—mas nakakahiya sa banal na Diyos kaysa siya’y mag-akala.

Subali’t problema ng tao sa kasalanan ay malalim rin kasya dito. Ipagpal-

agay natin sa ilang himala, ang makasalanan ay maaaring maging bagong tao at

hindi kailanman magkasala muli ng buong buhay niya. Tiyak ang patutunguhan

niya pa rin ay impyerno. Ang karaniwang gawain ng mamamatay-tao na tapat na

nagpasya na hindi na kailanman papatay muli ay pagbabayaran niya pa rin ang

kanyang kasalanan. Sa madaling salita, ang problema ng tao sa kasalanan ay

may ibang dimensyon bukod sa panloob. Ang tao’y hindi lamang masama ang

puso; siya’y may masamang rekord din sa mata ng kautusan ng Diyos.

Ang Panlabas na Problema—Masamang Rekord

Bawat makasalanan ay isang takas mula sa hukom. Hindi alintana ng

kasalukuyang kalagayan ng kaniyang puso, siya’y may pagkakasala, sa panlab-

as, sa mata ng kautusan ng Diyos. Hindi siya maaaring magkaroon ng anumang

“pagkakasalang damdamin,” ngunit siya’y nananitiling may “kasalanan” o

“nahatulan.” Ang lahat ng nakaraang ginawa niyang krimen ay nananangis para

sa kaniyang kaparusahan na pagbabayaran at ng ang hukom ay malugod. Itong

pagtangis ay naka-angkla sa tunay na pagkatao at pagiging Diyos, sa Kanyang

katangian ng katwiran o katarungan.

1Marcos 7:20-23

21 20

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ito’y dahil sa kahulugan ng katarungan o katwiran na ang Diyos ay may

isinulat sa puso ng tao na ating agarang naramdaman ang moral na pagkakasala

kapag ang may sala ng krimen ay tumanggap ng walang kaparusahan. Bakit ito

mali para sa rapist na mamamatay-tao na maparusahan lamang ng sampung

dolyar na multa? Hindi natin maaaring patunayan na higit pa roon ang nararapat

sa kanya, ngunit alam natin na siyang gumawa. Itong hindi maiiwasang kaalaman

sa atin ay may higit na basehan at totoo kaysa anumang panteoryang

“katibayan.” Ito’y may lubos na batayan sa saligang batas ng tao—sumasalamin

sa tunay na kalikasan ng Diyos.

Maaaring marami ang sinabi patungkol sa katangian ng Diyos ng kat-

wiran, lalo sa mga araw na ito kapag ang tunay na konsepto ng katwiran ay tila

halos nawala sa malaking lipunan. May tatlong paunang dahilan bakit ang isang

krimen ay dapat parusahan: una, para mabigyan ng katarungan (i.e., dahil ang

krimen ay dapat na parusahan at kailangan parusahan); pangalawa, para sa

kabutihan ng lipunan (i.e., para sa pag-iwas ng karagdagang krimen); at pangatlo,

para sa kabutihan ng may-sala (i.e., upang maging dahilan ng kanyang pagbaba-

go ng lakad). Sa tatlong ito, ang pagbibigay katarungan ang pangunahin at ba-

tayan sa dalawa pa. Kung ang kaparusahan para sa krimen ay hindi mismo mat-

wid at marapat, ito’y hindi mapipigil sa hinaharap, ni mababago ang may-sala.

Sa ating panahon, ang pangunahin at saligang dahilan para sa kaparusa-

han—ang mabigyan ng katarungan—ay halos ganap na pinigilan at tinanggihan.

Ang pangalawa at pangatlo lamang na dahilan ang nanatili, at ang mga ito’y nai-

baligtad ang kahalagahan. Ang “pagbabago” ng may-sala ngayon ay pangunahin,

at ang mga bilangguan ay hindi na tinatawag na mga bilangguan, ngunit

“pagwawastong pasilidad.” Kahit ang mga taong naniniwala pa rin na ang krimen

ay dapat na parusahan para sa ikabubuti ng lipunan na mapanatili na ang mama-

matay-tao ay dapat na mahatulan, hindi dahil sila’y pumatay, subali’t para maka-

iwas lamang sa darating na mga pagkitil. Ang ganitong kaisipan ay kamang-

mangan at huwad, at batay sa kasinungalingan ng mga tao na hindi tunay na may

pananagutan sa kanilang mga ginawa.

Ito’y hindi mahirap maunawaan. Dahil ang tao nais na maging Diyos ang

kanilang sarili,1 galit sila sa pag-iisip sa isang pinakamataas na puno na tagapag-

bigay ng Batas kung saan sila’y dapat magbigay sulit. Sila’y naghahangad ma-

sugpo ang hindi matatakasang kaalaman ng Diyos na nasa paligid at nasa loob

nila,2 at sabihin sa halip na walang Diyos.3 Itong pagtanggi na may Diyos ay

madaling gawin para sa kanila na magkunwari na walang ganoong tama at mali.

1Genesis 3:4-5 2Roma 1:18s. 3Mga Awit 10:4; 14:1; 53:1

KASALANAN: TUNAY NA PROBLEMA NG TAO

Embes na napatunayang may sala, ang mga tao ay nakita bilang kaawa-awang

biktima ng kanilang kalagayan. Tulad ng isang pangyayari, parusa upang

mabigyang katarungan ay hindi na maisip. Ang tao’y malayang gawin ang kani-

yang kalooban at hindi sumagot sa kanino man.

Ngunit hindi mahalaga kung gaanong ang tao’y maaaring subukang

sugpuin ito, mayroon pa ring palagiang kaalaman sa puso ng tao na tama at mali

na totoo,1 na ang mga tao’y may pananagutan para sa kanilang lisyang gawa, at

ang kasalanan ay nararapat na parusahan.2 Sa kailaliman, lahat ng mga tao’y

alam na ang antas ng katarungan ay dapat maging balanse sa wakas.3 Kung

ika’y hindi isang Kristyano at binabasa ang mga linyang ito, ang antas ng kata-

rungan ay tunay na hindi balanse sa iyong buhay, at ika’y makakatiyak—batay sa

pagkatao ng Diyos at matwid na katangian—na kung ika’y magpapatuloy sa

iyong kasalukuyang kalagayan, Siya’y hindi kailanman mamamahinga o maha-

habag hanggang sa ikaw ay nasa impyerno. Ang buong moralidad ng daigdig ay

babagsak kung hindi Kaniya ilalagay sa impyerno.

Nasa kontekstong ito na ang Bibliya nagsasalita ng “galit ng Diyos.” Ang

poot ng Diyos ay hindi pansamantalang nawalan ng kontrol sa sarili o makasaril-

ing damdamin. Ito ay ang Kanyang banal, sobrang pagkapoot sa kasalanan, ang

reaksyon at pagbabago ng Kanyang likas na kabanalan laban sa lahat na masa-

ma. Ito’y may kinalaman sa Kanyang matwid na pagpapasiya upang parusahan

ang bawat kasalanan, upang balansehin ang antas ng katarungan, at upang

bawat mali’y maitama. Na ang dahilan kung bakit ang galit ng Diyos “sumasa”

bawat taong hindi sumasampalataya.4 Ang taong nananatili parin sa kasalanan,

ay “nagtitipon sa kaniyang sarili ng poot sa araw ng kapootan at pagpapahayag

ng tapat na paghuhukom ng Dios.”5 Ang poot ng Diyos ay “ibubuhos” sa huli;

Siya’y tapat na hukom at hindi magpapahintulot na walang parusa ang kasalanan

magpakailanman.

1Roma 2:14-16 2Roma 1:32 3Gawa 28:4 4Juan 3:36 5Roma 2:5

23 22

Kabanata Dalawa

Maaari Ba Ang Tao’y Maging Matuwid

Sa Harap Ng Diyos?

Dito’y ating matatagpuan ang nagiisang balakid sa kaligtasan ng tao:

Paanong ang matwid at banal na Hukom pinawalang sala (dineklarang matwid)

ang nagkasala at hahatulang kriminal? Paano makatatakas ang tao sa parusa ng

impyerno? Sinabi ng Diyos na “Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na

nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.”1 Isang

ama paguwi niya ng bahay natagpuan niyang pinatay ang kanyang pamilya. Pag-

tapos ng dalamhati, huhulihin niya ang pumatay. Kapag ang kriminal ay humarap

sa hukom, napatunayang nagkasala. Ngunit sa oras ng paghatol, ang hukom ay

magpapahayag: “Itong taong ito ay nagkasala ng malagim na krimen, pero ako’y

maibiging hukom at pinili kong sabihing hindi siya napatunayang nagkasala!” Ang

hukom na ito’y mas kriminal pa sa nagkasala! “Inaring ganap niya ang makasa-

lanan” at ito’y “kasuklamsuklam sa Panginoon.”

Ngunit kung ito’y totoo rin sa hukuman ng tao, paano pa kaya sa huku-

man ng Diyos? Paano ang marumi at makasalanang mga anak ni Adan haharap

sa Diyos, sa banal na Hukom? Paanong “aariing ganap ng Diyos ang makasa-

lanan” nang hindi nagiging kasuklamsuklam sa kaniyang sarili? “Siyang nagsasa-

bi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan

siya ng mga bansa.”2 Paano sasabihin ng Diyos sa atin na makasalanan, “Ikaw

ay matwid,” nang hindi nalalabag ang Kanyang karakter? Paanong ang Diyos

niligtas tayo mula sa Kaniyang sariling katwiran at katarungan?

Nakakalungkot, ang problemang ito ay hindi nahahayag sa bawat makas-

alanan. Ito’y kakila-kilabot na problema para kay patnyarkang si Job. “Sa katoto-

hanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao

sa Dios? Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot

sa kaniya ng isa sa isang libo.”3 “Ano ang tao upang maging malinis? At siyang

ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? Narito, siya'y hindi naglal-

agak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kani-

yang paningin. Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umi-

inom ng kasamaan na parang tubig!”4 “Paano ngang makapagiging ganap ang

tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.

Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa

kaniyang paningin: Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng

tao, na isang uod!”5

1Kawikaan 17:15 2Kawikaan 24:24 3Job 9:2-3 4Job 15:14-16 5Job 25:4-5

25

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Walang sinumang makakaramdam sa problemang ito higit kaysa ang makasa-

lanang nagsisisi. Alam niyang siya’y nararapat magtungo sa impyerno. Sa pama-

halaan, ang mga kriminal ay madalas tumatalikod dahil sa kapangyarihan ng

katarungan, kaysa mabuhay sa kanilang hindi mabatang kasalanan! Ang makasa-

lanang nasisisi alam niyang siya’y nararapat parusahan. Alam nilang ang Diyos

ay hindi maaari lamang, “walisin ang kanilang mga kasalanan sa ilalim ng alpom-

bra” at kalimutan nalang ito. Kaya, ang iyak ng kanilang puso ay, “Paanong ang

matwid na Diyos ngumiti sa akin? Paanong ang pasaning kasalanan ay naalis?

Paanong ipinahayag ang biyaya sa akin? Paanong taong kagaya ko ay naging

matwid sa harapan ng Diyos!”

Pagpaparatang

May isang sagot lamang sa problemang ito. May magbabayad sa kasa-

lanan ng makasalanan. Katwiran ay dapat mabayaran. Ang pagbayad sa pagdu-

rusa ng makasalanan magpakailanman sa impyerno.

Nakakahangang himala! Na may “isang” dumating! Ang Panginoong

Hesukristo “Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang ka-

tawan sa ibabaw ng kahoy.”1 “Tunay na kaniyang dinala ang ating mga

karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay

siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil

sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang

parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng

kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.”2

Paanong nangyari ito? Para maunawaan ito, ating isasaalang-alang ang

salitang “paratang.” sa ibang salita “pagbayaran,” “ibilang,” “ituring,” at “paratang.”

Maaari tayong makakuha ng kahulugan sa liham ni Pablo kay Filemon: “Kung ako

nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin. Nguni't kung

siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo

sa akin.”3 Dito tinuturan ni Pablo si Filemon na “ibilang sa kaniya” [“paratang”]

anumang utang ni Onesimo kay Filemon. Ito’y hindi utang in Pablo, ngunit si

Pablo ay pumapayag na kunin ang kaniyang utang, at ito’y ibinilang sa kaniya!

11 Pedro 2:24 2Isaias 53:4-5 3Filemon 17-18

MAAARI BA ANG TAO’Y MAGING MATUWID SA HARAP NG DIYOS?

Ang kaugnayan nito ay ginamit patungkol sa kasalanan. Halimbawa, ang Bibliya’y

nagsabi na “hindi ibinilang ang kasalanan (“ibinilang sa atin”) kung walang kau-

tusan.”1 Muli, sa Roma 4, sinabi ni Pablo, “Datapuwa't sa kaniya na hindi

gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama,

ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran. Gaya naman ng si-

nasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang (“ipinaratang”

ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa, Na sinasabi, Mapapalad yaong

ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan

ay nangatakpan. Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang (“ipinaratang”) ng

Panginoon ang kasalanan.”2 Dakilang transaksiyon! Hindi ibinilang ang kasalanan

sa atin, dahil naiparatang ito kay Kristo, at tinanggap ito na parang Siya ang may

utang, binayaran Niya ito ng buo!

Nakita natin ang pagkapareho ng konsepto sa Lumang Tipan ng

“dinalang kasalanan.” Sa dakilang Araw ng Pagtubos, dalawang kambing ang

isinakripisyo—ang isa’y natigis ang dugo para pangtubos sa mga kasalanan,3 at

ang iba (buhay) dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa

lupaing hindi tinatahanan4: “At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng

kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinakahandog dahil sa kasalanan.

Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na

buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel

sa ilang.”5 Ginamit rito ng Diyos ang dalawang kambing para turuan tayo sa isang

katotohanan patungkol sa pagtubos na ginawa ng Panginong Hesukristo. Sa

kabilang dako, Siya’y namatay para sa ating mga kasalanan, at sa kabilang

dako—bilang resulta ng kamatayan—Kaniyang dinala ang ating kasalanan sa

harapan ng Diyos.

Pansinin ang dakilang realidad ng pagpaparatang na iniharap rito! “At

ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay,

at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Isra-

el, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasa-

lanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan

ng kamay ng isang taong handa: At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasa-

maan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa

ilang.”6 Ang tanong sa bawat isa sa atin na itatanong sa sarili ay ito: “Inilagay ko

ba ang pananampalaya sa Panginoong Hesukristo at ibinigay ang aking mga

kasalanan sa Kaniya upang pasanin sa lupaing hindi tinatahanan?”

1Roma 5:13 2Roma 4:5-8 3Levitico 16:16 4Levitico 16:22 5Levitico 16:9-10 6Levitico 16:21-22

27 26

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Hindi lahat ng dugo ng hayop,

Na pinatay sa altar ng Judyo,

Makakapagbigay payapa sa budhi ng may sala,

O maalis ang dumi.

Ngunit si Kristo, ang tagalangit na Kordero,

Nag-alis ng lahat nating kasalanan,

Isang napakadakilang alay

At sagana ang dugo kay sa kanila.

Aking pananampalataya’y nasa Kanyang kamay

Sa Kanyang ulonang mahal,

Ako’y nakatayo tulad ng isang nagsisisi,

Ang sala ko’y doon hinayag.

Isaac Watts

Isang humalili ay namatay sa ating lugar! “Tayong lahat na gaya ng mga

tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipi-

nasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.”1 Iyon ay kung

paanong ang matwid na Diyos ay pinawalang-sala ang may sala sa Kaniyang

panlangit na hukuman. Dahil nakita Niya ang ating pagkaka-utang, at ang

nagbayad ay ang Kaniyang bugtong na Anak. Higit pa roon, Nakita Niya ang ating

pagkakautang ay tunay na nabayaran ng buo sa pamamagitan ng Kaniyang

Anak. Alleluia! Napakadakila ng pagibig ng Diyos,2 Siyang gumawa ng paraan

para maligtas tayo mula sa Kaniya at sa Kaniyang sariling katarungan! Ginawa

Niya iyon sa pamamagitan ng pagbigay Niya sa Kaniyang bugtong na Anak para

mamatay sa ating lugar.

Ang Puso ng Ebanghelyo

Ang mga katotohanan sa pinakapuso ng ebanghelyo. Ang mga ito’y ipi-

naliwanag ni apostol Pablo sa Roma 3:21-26, tila mahirap unawain ang talata,

magiging maliwanag lamang ito kung ating naintindihan ang kahulugan ng

pagpaparatang na naipaliwanag:

1Isaias 53:6 2Juan 3:16; 1 Juan 4:9-10

MAAARI BA ANG TAO’Y MAGING MATUWID SA HARAP NG DIYOS?

Ipinapahayag rito ni Pablo na si Cristo ay namatay para bayaran ang

ating kasalanan ng sa gayon ang Diyos ay “ma-aring ganap” Niya ang makasa-

lanan at manatiling “matuwid” sa kanyang sarili. Sa Lumang Tipan, tanging ang

“paskua,” ang pambayad ng kasalanan taon taon hanggang sa ang Kordero ay

dumating, ang Kanyang kamatayan ang siyang naglinis ng kasalanan.1 Sa lahat

ng panahon, nagpapakita na ang Diyos ay hindi matwid, yamang Kanyang inaring

-ganap ng walang katwiran (tulad ni Abraham at David) na Siya’y tunay na nasi-

yahan. Dahil dito, kailangan na si Cristo ay mamatay sa krus ng “hayagan,” para

sa lubos na ikalulugod ng Diyos, na nagpapakita ng Kanyang katwiran sa lahat

ng nakasaksi. Sa katwirang ito, si Cristo’y namatay hindi lamang para pangatwir-

anan ang tao, kundi para pangatwiranan ang Diyos! Ang Kanyang kamatayan sa

Krus ang nagpawalang-sala at nagpakita ng tunay na katwiran ng Diyos sa pag-

aaring ganap sa Kanyang mga tao. Bilang “pangpalubag-loob” (isang sa-

kripisyong nag-alis sa galit) sa ating mga kasalanan, na Siyang nag-alis ng galit

ng Diyos sa atin. Tayo’y “inaring-ganap bilang biyaya” (ang pag-aring-ganap ay

tunay na libreng kaloob sa atin), “sa pagtubos ni Cristo” (ang pag-aring-ganap ay

napakamahal sa Diyos). Tayo’y inaring-ganap sa pagtanggap ng “biyaya ng

katuwiran,”2 “maging ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananam-

palataya kay Jesu-Cristo.”3

Dala-dala mo pa rin ba ang iyong kasalanan? Ikaw ba’y nasa ilalim pa rin

ng galit ng Diyos? “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng

sanglibutan!”4 Mayroong “bukal sa kasalanan, at sa karumihan.”5 “Nililinis tayo ng

dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.”6 Gaano pa kalaki ang

nagawa mong kasalanan, tayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira,

kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang

dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo!7

1Hebreo 9:15 2Roma 5:17 3Roma 3:22 4Juan 1:29 5Zacarias 13:1 61 Juan 1:7 71 Pedro 1:18-19; Gawa 20:28

29 28

pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisam-palataya; sapagka't walang pagkakaiba; Sapagka't ang lahat ay nan-gagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kani-yang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na naga-wa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.”

“Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga prope-ta; Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya.”1

Lumapit ka sa Kanya! Inaanyayahan at inuutusan ka Niya na lumapit; huwag

kang matakot na lumapit sa Kaniya: “Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang

may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.”2 Lumapit ka sa Kanya!

Tanggapin mo ang tubig ng buhay! Ilagak mo ang iyong kasalanan sa Kaniya at

magtiwala ka sa Kaniya bilang siyang nagdala ng iyong kasalanan.

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka.”3

1Roma 5:20 2Apocalipsis 22:17; Mateo 11:28 3Gawa 16:31

30

Kabanata Tatlo

Pag-aring-ganap Mga Katangian

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga

kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at

dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y

nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapaya-

paan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling

tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa

sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan

nating lahat.” Isaias 53:4-6

Nakita natin na ang malaking problema ng tao ay ang kasalanan. Ngunit

ang problemang ito ay may dalawang aspeto: ang una ay panloob-ang tao ay

may masamang puso. Ang pangalawa ay panlabas-ang tao ay may masamang

rekord. Sa ibang salita: kada hindi Kristyano, ang kasalanan ay kapwa nagpapa-

rumi sa kanya (kung sinuman siya) at magpaparusa sa kanya (kung anuman ang

ginawa niya). Sa isang banda, ang kapangyarihan ng kasalanan ay naghahari sa

kanya; at ang kaparusahan ay umiiyak sa kanyang kamatayan. Kahit pa siya’y

hindi mahina para mapalaya ang kanyang sarili mula sa kapangyarihan ng kasa-

lanan, siya’y mananatiling walang magagawa dahil sa kaparusahan ng kasa-

lanan. Ito’y kapag lumapit ang isang tao na nakita ang kahila-hilakbot na katoto-

hanan na ang pangalang “Jesus” nangangahulugan ng isang bagay sa

kanya.”Ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y Jesus; [“Jehovah ay kaligtasan”],

sapagka’t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”1 Ang

Panginoong Jesu-Cristo ay ililigtas ang kanyang bayan mula sa kanilang mga

kasalanan-kapwa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan at ang kapangyarihan

ng kanilang mga kasalanan. Siya ay ang una sa katwiran at ang ikalawa sa

pagbabagong buhay.

Sa Kabanata Dalawa pinasimulan nating isaalang-alang ang pag-aring-

ganap: Paanong ang isang tao ay magiging “matwid” sa harap ng Diyos? Ito ay

ang problema na nagpagulo sa tao sa kasaysayan. Ito’y sanhi kaya si Martin

Luther ay lumalakad ng paluhod na kung tatawagin, Scala Sancta sa Roma, at

sapilitang pinagsusuot ang mga monghe ng mabalahibong damit na naka-embed

sa taga sa pagsisikap na mabayaran ang kanilang mga kasalanan. Hanggang

ngayon, ito’y nagiging sanhi ng mga katutubo sa South Sea Islands para mag-

alay ng mga manok at iwiwisik ang dugo sa kanilang mga diyos.

1Mateo 1:21

33

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Sa mas maraming mga “may pinag-aralang” bansa, sa marami ayus na ang

“pumunta sa iglesiya” o “gumawa ng mabuti” para pumayapa ang kanilang

nagkasalang budhi. At sa lahat ng dako, ang tao ay nagsisikap “mangatwiran” sa

pamamagitan ng makatuwiran o nangagdadahilanan sa kanilang masasamang

mga gawa.

Paano ang isang tao ay magiging matwid sa Diyos? May isang kasagutan

lamang: Ang isang tao ay magiging matwid sa Diyos sa pamamagitan lamang ng

buhay at kamatayan ng Panginoong Jesu-Cristo. “Na siya ang nagdala ng ating

mga kasalanan sa kaniyang katawan sa krus.”1 “Yaong hindi nakakilala ng kasa-

lanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y

katuwiran ng Diyos.”2 Si Cristo lamang ang sagot para tayo’y maging matwid sa

Diyos.3 Sa Kabanatang ito, ating isaalang-alang ang Pitong katotohanan na itinu-

turo ng Kasulatan patungkol sa mahalagang temang ito.

Ang Pag-aring-ganap ay Base sa Dugo ni Jesus

“Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang

dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Diyos sa pamamagitan niya.”4 “Ang dugo

ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.”5 Ano ang ibig sabihin ng pag-

aring-ganap base sa dugo ni Jesus? Ang ibig sabihin ito’y base mula sa pag-

tubos; ito’y base mula sa kaluguran ng katarungan. Sa ibang salita, kapag

“inaring-ganap” ng Diyos ang isang tao, hindi Niya hinahanap sa tao ang kani-

yang sarili. Sa halip, hinahanap Niya ang dugo ni Cristo. Tayo’y “inaring-ganap sa

pamamagitan ng kaniyang dugo”! Hindi inaring-ganap ng Diyos ang isang tao

base sa anumang bagay. Ito’y hindi dahil ang tao ay-sa anumang paraan, anyo, o

porma-maka-diyos upang ariing-ganap siya ng Diyos. Sinabi sa atin sa Roma 4:5

na “inaring-ganap ng Diyos ang masama”! Ito’y tunay na kahanga-hangang mga

salita. Ramdam mo ba na hindi ka karapat-dapat ariing-ganap? Ikaw nga! Ang

lahat ng iyong mga gawa ay para sa iyong ikapapahamak. Kung wala ang dugo at

katwiran ni Cristo, wala kang pag-asa.

Walang dahilan sa tao para siya ariing-ganap ng Diyos. Maging ang pag-

sisisi at pananampalataya. Ang pagsisisi ay hindi kayang bayaran ang kasalanan.

Ang pagsisisi ng isang kriminal sa kanyang krimeng nagawa ay hindi malulugod

ang makatwirang kailangan ng kautusan. Maging ang pananampalataya ay hindi

kayang bayaran ang kasalanan! Tanging ang dugo ni Jesus ang maaaring

magbayad para sa kasalanan! Ang pag-aring-ganap ay base sa dugo ni Cristo.

11Pedro 2:24 22Corinto 5:21 3Juan 14:6; 1Timoteo 2:5-6; Gawa 4:12 4Roma 5:9 51 Juan 1:7

PAG-ARING-GANAP: MGA KATANGIAN

Kasigasigan ko’y munti,

Luha ko ma’y malagi,

Ay sadyang hindi sapat;

Ika’y aking katubusan.

Augustus Toplady

Pinapaliwanag nito kung bakit ang isang tao ay may napakahinang

pananampalataya at manatiling ariin. Ipalagay na may dalawang tulay sa bangin:

ang isa’y napakahina; at ang isa naman ay napakatatag. Ang isang taong may

malakas na pananampalataya sa mahinang tulay at naniniwalang makakatawid,

ang kanyang malakas na pananampalataya ay hindi magliligtas sa kanya. Sa

kabilang dako, ang isang tao naman na may napakahinang pananampalataya sa

matatag na tulay at pinangungunahan ng takot at panginginig sa pagtawid, siya’y

ililigtas ng tulay, hindi alintana ang kanyang mahinang pananampalataya. Ang

kailangan ay magkaroon ng sapat na pananampalataya upang siya’y makatawid!

Nang ang isang tao’y nagsabi kay Hudson Taylor na dapat siya ay may malaking

pananampalataya, tugon niya, “Hindi, ako’y isang taong may napaka-kaunting

pananampalataya sa isang malaking Diyos.”

Nang ang Anghel ng Kamatayan ay lumampas sa Ehipto, isang bagay

ang hinanap ng Diyos-ang dugo sa mga itaas ng pintuan. “Pagka aking nakita

ang dugo, ay lalampasan ko kayo.”1 Ang mga nasa loob ng tahanan ay maaaring

puno ng takot at panginginig, subali’t ito’y balewala kung ang dugo nailapat.

Sa kanyang talambuhay Seen and Heard, ang manlalakbay na Scottish at

ebanghelista na si James McKendrick ay nagsasabi na ang maluwalhating

pagbabagong loob ni George Mayes, kilalang napakasama sa kanilang distrito.

Noong si McKendrick ay bumalik sa lugar kung saan nakatira si Mayes, subalit,

natagpuan niya itong malungkot. “tila hindi ko naramdaman ang aking ginawa,”

daing ni George. “George,” sabi ni McKendrick, “kung mayroon kang isang siling

sa iyong bulsa, at nadama mong masaya, ang isang siling ito’y nagkakahalagang

labing limang pens dahil nadama mong masaya?” “Hindi,” sabi ni George.

“Mainam, ano ang halaga nito?” “labing dalawang pens lamang,” sagot niya. “At

ipalagay nating, ikaw ay miserable at mayroon kang isang siling sa iyong bulsa,

ang halaga nito’y siyam na pens lamang dahil ikaw ay miserable?” Muli ang tugon

ni George, “Hindi.” “Magkano?” tanong ni McKendrick. “labing dalawang pens

lamang,” sabi ni George.

1Exodo 12:13

35 34

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Kung gayon, nakita mo ba ang iyong kasiyahan na hindi naidagdag sa halaga ng

siling, ni kinuha ang halaga ng iyong kalungkutan, ang halaga nito’y labing dala-

wang pens anuman ang iyong nadama? “Oo, iyon ang pinaniniwalaan ko,” tugon

ni George. “Ngayon sabihin mo-ang nadama mong kasiyahan o ang dugo ni Cris-

to na nag-alis ng iyong mga kasalanan?” “ito’y ang dugo ni Cristo,” tugon ni

George. “Ngayon, hindi mo ba nakita na kapag masaya ka ay hindi higit kang

ligtas, at kapag hindi ka masaya ay hindi mas mababa kang ligtas? Ito’y ang dugo

ni Cristo na nag-alis ng iyong mga kasalanan, at sayo’y nagligtas, at nag-ingat sa

iyo,” konklusyon ni McKendrick. Dito’y masasabi lamang natin ay, “Aleluya!”

Narinig ko ang mga salita ng pagibig,

Ako ay tumitig sa dugo,

Nakita ko ang lakas ng sakripisyo,

At ako’y mayroong kapayapaan sa Diyos.

Ito’y walang hanggang kapayapaan!

Tiyak sa pangalan ni Jehova;

Ito’y matatag ayon sa kanyang tapat na trono,

Magpakailan kailan man.

Ang ulap ay aalis at dadating,

At ang bagyo maaaring ako’y tangayin-

Ang dugong-tinatakan ay hindi magbabago;

Ang krus ay malapit lagi.

Honarius Bonar

Ikaw Kristyano, naghahanap ka ba ng tiwala sa loob? Hindi ka magka-

karoon nito! kahit pa ang napakalaking angkla sa sasakyang-pangkaragatan ay

walang magagawa kung ito’y ihahagis sa loob. Ito’y dapat ihagis sa labas ng bar-

ko! Ihagis mo ang iyong angkla kay Jesu-Cristo! Ilagay mo ang lahat ng iyong

tiwala sa Kanya! Ang Kanyang katuwiran lamang ang iyong kompiyansa at iyong

pag-asa.

Ibig Sabihin ng Pag-aring-ganap ay “Ideklarang Matwid”

Ibig sabihin ng “pag-aring-ganap” ay “idineklarang matwid”; hindi

“ginawang matwid.” Nang ariing-ganap tayo ng Diyos, Dineklara Niya na may

totoo tungkol sa atin “sa labas” (i.e., “talaga”); Dineklara Niya na tayo ay matuwid

(“matwid”) sa paningin ng Kanyang batas.

PAG-ARING-GANAP: MGA KATANGIAN

Ang pag-aring-ganap ay hindi tayo ginawang mabuti sa loob. (Ang Diyos hindi

Niya tayo ginawang mabuti sa loob, pero may ginawa Siya sa pagbabagong-

buhay-ang bagong tao ay “nilikha sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.”1)

Ang pag-aring-ganap ay salungat sa pahayag (isang deklarasyon) patungkol sa

katayuan natin sa paningin ng batas ng Diyos.

Ang katotohanan na ang pag-aring-ganap ay isang deklarasyon

patungkol sa ating katayuan ay naging malinaw sa katunayan na ang kasalungat

ng “pag-aring-ganap” ay “paghatol”: “Sino ang magsasakdal laban sa mga pinili

ng Diyos? Ang Diyos ang nag-iisang umaaring-ganap; sino ang nag-iisang haha-

tol?”2 Kapag ang isang hukom “hinatulan” ang isang tao, hindi niya mababago

kung ano ang nasa loob ng tao, kundi “ibigay ang hatol laban sa kanya.” Id-

edeklara niya na maysala siya sa paningin ng batas. Gayundin, kapag ang isang

hukom “umaring-ganap” sa isang tao, hindi niya mababago kung ano ang nasa

loob ng tao, kundi ideklara siyang matwid sa paningin ng batas.

Ang Pag-aring-ganap ay Walang Digri

Ang tao’y maaaring 100% matwid, o siya ay nahatulan. Kung ang isang

mamamatay ay napatawan ng pitong beses ng pagpatay at nahatulan lamang

ang isa, siya’y mananatiling nahatulan! Mambabasa, kung ikaw ay may isang

kasalanan na dapat pagbayaran, ikaw nararapat sa impiyerno magpakailanman!

Para isang Kristyano, wala ng paghatol. Wala kahit ano pa man! “Ngayon nga'y

wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus.”3 Kung ika’y na kay Cristo, ikaw

ay 100% inaring-ganap Niya; wala ng kahatulan para sa iyo. At ang katuwiran na

mayroon ka sa paningin ng batas ng Diyos ay hindi lamang basta mabuti; ito ay

ang tunay na katuwiran ni Cristo; ito ay ang “katuwiran ng Diyos”! “Para sa ating

kapakanan, ginawa niyang may kasalanan siya na hindi nakakilala ng kasalanan,

upang sa kanya tayo'y maging katuwiran ng Diyos.”4

Ang pag-aring-ganap ay walang digri! Kristyano, yakapin mo ang katoto-

hanang ito! Ang demonyo ay sisikaping isipin mo na ikaw ay hinahatulan ng

kaunti sa paningin ng batas ng Diyos. Hindi! Himala ng mga himala! Kilalang higit

ni apostol Pablo ang Diyos kaysa sa atin, pero hindi siya inaring-ganap ng mas

kaunti kaysa sa atin! Kahit ang Panginoong Jesus kaysa sa atin, sapagka’t ang

katuwiran Niya ay atin! Ang pag-aring-ganap ay perpekto at lubusan.

1Efeso 4:24 2Roma 8:33-34 3Roma 8:1 42 Corinto 5:21

37 36

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Jesus, Ang iyong dugo at katuwiran

Aking kagandahan, aking maluwalhating damit

Sa gitna ng maalab na mundo, sa ganitong gayak,

Na may kagalakan ay itinataas ko ang aking ulo!

Itong walang bahid damit ay parehong lalabas

Nang sinira ng likas lumubog sa maraming taon;

Walang panahon ang makapagbabago ng maluwalhating kulay,

Ang damit ni Cristo ay kailanma’y bago.

Nicholas von Zinzendof

Ang Pag-aring-ganap ay Higit pa sa Kapatawaran

Maraming gobyerno, ang presidente o gobernador ay may kapangyari-

hang magpatawad ng mga kriminal. Ito ay kilala bilang “tagapagpaganap ng awa.”

Ang mga presidente ay nakilala sa kapatawaran ng mga naunang Presidente, at

ang mga gobernador ay nakilala sa kapatawaran ng lahat ng kriminal sa linya ng

kamatayan bilang huling gawa sa katungkulan. May ilang katanungan: “Nang ang

mga taong ito ay napatawad, ang kanila bang krimen ay nabayaran?” Ang sagot

ay, Hindi! “Ang banta ba ng parusa ng batas ay natupad?” Hindi! “Ang hustisya ba

ay nasiyahan?” Hindi! Ang lahat ng negatibong ito’y mula sa katotohanan na ang

kapatawaran ay hindi nagmula base sa kabayaran ng kasalanan. Ang kapa-

tawaran ay nagbibigay-daan sa kriminal “makawala sa kawit,” para makapag-

salita. Ang sentensiya ng batas ay hindi natupad. Ang kapatawaran ay gawa ng

awtoridad sa pamamagitan ng isang gobernador.

Salungat nito, ang pag-aring-ganap ay isang deklarasyon ng isang hu-

kom, ito’y naaayos base sa hustisya. Kristyano, nang ariing-ganap ka ng Diyos,

hindi ka Niya “hinayaang nakakawit” kasama ang iyong mga kasalanang

nananatiling nakabitin sa hangin. Hindi Siya nagpanggap na ang iyong kasalanan

ay napagbayaran na. Sa halip, Nakikita Niyang tunay na bayad na ito sa pama-

magitan ni Cristo, at Siya ay nagdedeklara base sa katotohanan. Siya ay

nagdedeklara tungkol sa mga bagay na tunay. Kung ito ay hindi totoo, walang

daan para sa mananampalataya na itaas ang kanyang ulo. Isipin natin si Carol

Everett, dating tagapamahala ng gilingan ng nagpapalaglag na responsible sa

libu-libong namatay. Isipin si David Berkowitz, ang dating “Anak ni Sam” mama-

matay-tao, ngayon ay mananampalataya ni Cristo. Isipin mo ang iyong sarili!

Ang dating daan sa nagsisising makasalanan ay panghawakan niyang

alam niya na ang kanyang kasalanan ay napagbayaran na! Kung kanyang iniisip

na siya lamang ay “nilayo sa kalawit,” ang nagsising makasalanan ay mas

magkakamit ng hustisya sa impiyerno kaysa mabuhay kasama ng kasalanan ng

PAG-ARING-GANAP: MGA KATANGIAN

Kanyang nakaraang krimen. Minamahal kong Kristyano, maaaring mayroon kang

nakakakilabot na alaala sa iyong makasalanang nakaraan, Nguni’t ika’y makaka-

tiyak dito, ang mga kasalanang iyon ay hindi na nakabitin sa hangin. Na pi-

nasan...sa Panginoong Jesu-Cristo!1 At Kanyang tunay na binayaran para sa

kanila! Kanyang dinala ang iyong kasalanan sa Kanyang katawan sa

punongkahoy.2

Ang Pag-aring-ganap ay Kapwa Positibo at Negatibo Ang pag-aring-ganap ay kapwa positibo at negatibo. Ating nakita ito ng

malinaw na ipinahayag sa Roma 4:6-8:

“Gaya naman ng sinasabi ni David tungkol sa pagiging mapalad ng tao na itinu-

turing ng Diyos na matuwid na hiwalay sa gawa: ‘Mapapalad ang mga pinata-

tawad sa kanilang mga masasamang gawa, at ang mga tinakpan ang kanilang

mga kasalanan. Mapalad ang tao na hindi ibibilang laban sa kanya ng Panginoon

ang kasalanan.’”

Una sa lahat, may negatibong bahagi sa pag-aring-ganap. “Hindi pinara-

tang” ng Diyos ang ating mga kasalanan sa atin. Ang ating mga kasalanan ay

“natakpan,” at hindi Niya “ibinilang.” (v.7-8) Ang Diyos lamang ang makakagawa

nito dahil ang ating utang ay naparatang kay Cristo at nabayaran sa pamamagi-

tan Niya. Ating malalaman mula sa turo ng Panginoong Jesu-Cristo na ang kasa-

lanan ay maaaring (sa ilang paraan) ikumpara sa utang na salapi: “At patawarin

mo kami sa aming mga utang, gaya rin namin na nagpapatawad sa mga may

utang sa amin.”3 Bawat isa sa atin ay may napakalaking utang sa hukuman ng

Diyos. Gaano kalaki ang utang na ito? Sa Mateo kabanata labing-walo, sinabi ni

Jesus ang isang talinghaga na ikinumpara ang ating utang sa Diyos sa isang tao

na may utang na sampung libong mga talento sa kanyang hari. Ito ay katumbas

ng 164,000 na taon ng pagtatrabaho ng isang pangkaraniwang manggagawa, na

hindi inalis ang mga Linggo! Ang ating utang sa hukuman ng Diyos ay tunay na

napakalaki, pero binayaran ni Cristo ang utang na iyon para sa Kanyang bayan

doon sa krus. Ito’y nagpabalik sa atin sa wala; wala na ang utang natin, ngunit sa

parehong pagkakataon, tayo’y walang salapi sa bangko.

Pero mayroon ding positibong bahagi sa pag-aring-ganap: inilagak ng

Diyos ang Kanyang “byaya” sa atin sa pamamagitan ng “pagturing matuwid” sa

atin. (v.6) Sa ibang salita, hindi lamang binayaran ni Cristo ang ating utang;

Kanya ring inilagay ang isang napakalaking kapalaran sa bangko para sa atin.

1Isaias 53:6 21 Pedro 2:24 3Mateo 6:12

39 38

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Sa pamamagitan ng Kanyang perpektong pagsunod bilang isang tao, Siya’y

gumawa ng isang positibong katuwiran sa paningin ng Diyos na kung saan ay

inilagay sa atin. Kinuha ni Kristo ang Kanyang lugar bilang “huling Adan”1 at tiyak

na nagtagumpay kung saan ang unang Adan ay nabigo: “Sapagkat kung paanong

sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasa-

lanan, gayundin sa pamamagitan ng pagsunod ng isa ang marami ay magiging

mga matuwid.”2

Para maintindihan ang kahulugan nito, dapat nating alalahanin na ang

Batas ay mayroong parehas na positibo at negatibong bahagi. Sa isang banda,

ang batas ay nagbabanta na “ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.”3

Ngunit sa kabilang banda, ang batas ay nangangako na “Ang gumagawa ng mga

iyon ay mabubuhay sa mga iyon.”4 Itong pangako ng “buhay” ay mayroong

pansamantalang pagpapairal sa mga Judio-hangga’t sinusunod ang panlabas na

utos ng Batas ni Moises, sila ay “mabubuhay” sa lupa ng Diyos na ibinigay sa

kanila. Ngunit ang pangako ay mayroon ding mas malalim na kahulugan-ito ay

may kinalaman sa, hindi lamang “buhay sa lupa,” kundi pati walang hanggang

buhay. Ang Panginoong Jesus ay ginawa itong malinaw higit pa sa isang pagka-

kataon: “At may isang dalubhasa sa kautusan ang tumindig upang si Jesus ay

subukin na nagsasabi, ‘Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng

buhay na walang hanggan?’ Sinabi niya sa kanya, ‘Ano ba ang nakasulat sa kau-

tusan? Ano ang nabasa mo?’ At sumagot siya, ‘Ibigin mo ang Panginoon mong

Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong lakas mo, at

nang buong pag-iisip mo, at ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.’ At sinabi

niya sa kanya, ‘Tumpak ang sagot mo, gawin mo ito at mabubuhay ka.’”5

Gayundin, “May isang lumapit sa kanya at nagsabi, ‘Guro, anong

mabuting bagay ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na wa-

lang hanggan?’ At sinabi niya sa kanya, ‘Kung ibig mong pumasok sa buhay,

tuparin mo ang mga utos.’”6 Ito ay nangangahulugan na kung sino ang perpek-

tong sumusunod sa batay ay kikitain o gagantimpalaan ng walang hanggang

buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa kanilang sariling katuwiran sa

mata ng batas.7 “Sapagkat sumusulat si Moises tungkol sa pagiging matuwid na

batay sa kautusan, na ‘ang taong gumagawa ng mga bagay na ito ay mabubuhay

sa mga ito.’”8 Tanging isang tao lamang sa kasaysayan ng tao ang nakatupad

nito; ang lahat ay nabigo. Ang Panginoong Jesu-Cristo lamang ang “tumupad ng

buong katuwiran.”9 Hindi lamang binayaran ang ating mga kasalanan; Siya ay

nabuhay ng isang buhay na perpektong katuwiran na kung saan ay napasa-atin

at tayo’y nakatanggap ng “regalo” ng Kanyang katuwiran, tayo ay biniyayaan ng

buhay!10 11 Corinto 15:45 2Roma 5:19 3Ezekiel 18:4 4Galacia 3:12; Levitico 18:4 5Lucas 10:25-28

(Ikumpara sa Levitico 18:4) 6Mateo 19:16-17 7Filipos 3:9 8Roma 10:5 9Mateo 3:15 10Roma 5:17

PAG-ARING-GANAP: MGA KATANGIAN

Hindi lamang ang sumpa na nararapat sa atin ay napunta sa Kanya, kundi ang

mga pagpapala na nararapat sa Kanya ay napunta sa atin.

Si Pablo ay nagpahayag ng parehong positibo at negatibong resulta ng

pagbibigay katarungan sa Roma 5:1-2: “Kaya't yamang tayo'y inaring-ganap sa

pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa

pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo...at nagagalak tayo sa pag-asa ng

kaluwalhatian ng Diyos.” Ang unang resulta ng pag-aring-ganap ay negatibo:

Tayo ay hindi na sa ilalim ng sumpa. Mayroon tayong kapayapaan sa Diyos—

hindi lamang kapayapaan mula sa ating panig, kundi kapayapaan sa panig ng

Diyos. Kapag ang isang kriminal ay nagbaba ng kanyang baril at sumuko, ang

pulis na nag-utos ay hindi gagawin ang gayong bagay. Pinapanatili niya ang

kanyang sanay na armas sa nagkasalang tao hanggang kanyang ligtas na maibi-

langgo at ang katarungan ay kalaunang masiyahan. Pagkatapos lamang niya

maibababa ang kanyang armas. Ang kaluwalhatian ng pag-aring-ganap ay ang

Diyos ay hindi na natin kaaway—ang mga pangangailangan ng katarungan ay

nakilala, ang ating mga kasalanan ay nabayaran na, at ang Diyos ay “ibinaba na

ang kanyang baril” alang-alang sa atin. Siya ay may kapayapaan na sa atin!

Ang pangalawang resulta ng pag-aring-ganap ay positibo: Nagagalak

tayo sa pag-asa (tiwalang inaasahan) ng kaluwalhatian ng Diyos (langit). Hindi

lamang wala na tayo sa ilalim ng sumpa; tayo ay mayroong walang hanggang

buhay—ngayon din. Ang walang hanggang buhay ay hindi isang bagay na maa-

rin tayong magkaroon balang araw, kundi isang kasalukuyang pag-aari.

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig ng aking salita at sumasam-

palataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan, at

hindi darating sa kahatulan kundi lumipat na sa buhay mula sa kamatayan.”1 Ka-

luwaltian sa Diyos! Ang pagpapalang natanggap ay sa pamamagitan ni Cristo na

ibinigay sa atin.

Ang Pag-aring-ganap ay Minsan Magpakailanman

“Kaya’t yamang tayo'y inaring-ganap sa pamamagitan ng pananam-

palataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos.”2 Ang pag-aring-ganap ay min-

san magpakailanman, ang nakumpletong pangyayari sa nakaraan ay nagresulta

ng magpakailanman. Ang isang tao ay hindi muna inaring-ganap, pagkatapos ay

hinatulan, pagkatapos inaring-ganap muli. Ang pag-aring-ganap ay minsan

magpakailanman. Ito’y nangangahulugan na ang pag-aring-ganap ay inilalagay

sa atin ang bagong katayuan, kalagayan, o posisyon sa Diyos. “Kaya't yamang

tayo'y inaring-ganap...ating nakamit ang panimula sa pamamagitan ng pananam-

palataya sa biyayang ito na ating pinaninindigan.”3

1Juan 5:24 2Roma 5:1 3Roma 5:1-2

41 40

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang mga Kristyano ay may ganap na katayuan, at ito’y biyaya.

Ang nakamamangha sa minsan-magpakailanman na pag-aring ganap at

ang ating bagong katayuan sa biyaya ay maaaring ilarawan sa mga sumusunod:

Ipagpalaga ng ang Kristyanong asawang lalaki ay gumising sa umaga at medyo

malupit sa kanyang asawang babae, ngunit hindi mapagtanto ang kanyang kasa-

lanan hanggang matapos ang araw. Nang maisip niya ang kanyang nagawa,

humingi siya sa Diyos ng kapatawaran at kapatawaran sa kanyang asawang

babae. Ang kanyang ginawa ay tunay na isang kasalanan, kahit na ganap na

siya’y walang malay sa mga oras na iyon. Ngayon ay ipagpalagay pa nating ang

taong ito ay namatay bago niya napagtanto at inamin ang kanyang kasalanan.

Siya ba ay pupunta sa impyerno? Tiyak na hindi! Ang kanyang unang salita ng

paghahayag sa napagtanto niyang kasalanan ay nagpapakita ng kanyang

katayuan sa Diyos ang lahat na kasama nito ay isa sa pagiging anak: “Ama, pa-

tawarin mo ako sa aking kalupitan.” Ang karamihan ay sumasang-ayon sa gani-

tong pag-aaral, ngunit ang iba ay tumigil na sa pag-iisip kung ano ang kahulugan

nito. Ito ay nangangahulugan na ang Kristyano ay nananatiling nasa estado ng

pag-aring ganap, kahit sa mga oras na dumaan sa pagitan ng ginagawa ang kas-

alanan at ipahayag ang kasalanan! Sa madaling salita, ang kasalanan ay hindi

ibinibilang sa kanya habang ito’y ginagawa at ito’y ipinapahayag.

Ang nangyari ay maaaring gawing mas matindi: Ipagpalagay na ang pare-

has na Kristyanong asawang lalaki ay gumising sa umaga, at may pagtatalo sa

kanyang asawang babae, at alam niyang naging malupit siya rito. Sa halip na

ipahayag niya ang kanyang kasalanan, siya ay nagpunta sa trabaho at nagpakita

ng galit. Sa buong umaga siya ay yamot. Sa wakas, hindi na kayang tayuan pa,

iniyuko niya ang kanyang ulo at nanghingi ng kapatawaran sa Diyos, pagkatapos

ay tinawagan niya ang kanyang asawang babae at nanghingi ng kapatawaran.

Ipagpalagay nating ang taong ito ay namatay bago siya nagpahayag ng kasa-

lanan. Siya ba’y tutungo sa impyerno? Muli, ang sagot ay “Tiyak na hindi.”

Pagkatapos ng lahat, bakit siya yamot buong umaga, kung hindi para sa katoto-

hanan na siya’y nananatiling anak ng Diyos na may binagong puso sa buong

panahon ng kanyang pagrerebelde?

Para masabing ganito, ay para sabihin na ang tunay na Kristyano ay

nananatili sa estado ng pag-aaring ganap sa lahat ng oras. Bakit? Dahil siya ay

mayroon ng buong bagong katayuan sa Diyos. Ang Kristyano ay hindi na kriminal

sa ilalim ng galit ng Diyos; siya ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng mapagma-

hal na Ama.1 Tulad ng pagmamahal ng ibang ama, pinapalo ng Diyos minsan ang

Kanyang mga anak, ngunit ang pagpapalo ay magkaiba panghukumang parusa.

Sa mahigpit na pananalita, ang parusa ay paghihirap na ibinigay para sa kasi-

yahan ng katarungan. 1Galatians 4:4-7

PAG-ARING-GANAP: MGA KATANGIAN

Ang parusa, sa kabilang banda, ay paghihirap na ibinigay para sa ikabubuti ng

may sala. Mayroong malaking pagkakaisa sa pagitan ng dalawa!

Ang pag-aring ganap ay minsan-magpakailanman. Kung ito ay hindi

totoo, maaaring mawala sa atin ang kaligtasan sa tuwing tayo’y makagagawa ng

kahit isang kasalanan, at mailalantad sa atin ang walang hanggang kaparusahan

hanggang dumating ang punto na ating ihahayag ang kasalanan at ma-aring

ganap (at mabago) muli. Hindi ito ang likas na katangian ng pag-aring ganap, o

ng buhay Kristyano. Ang likas na pag-aring ganap na minsan magpakailanman

ay maliwanag na inilarawan ng mga manunulat ng Hebreo:

“Yamang ang kautusan ay anino lamang ng mabubuting bagay na darating, at

hindi ang tunay na larawan ng mga bagay na ito, kailanman ay hindi nito mapa-

pasakdal ang mga lumalapit sa pamamagitan ng gayunding mga alay na laging

inihahandog taun-taon. Sapagkat kung di gayon, hindi ba sana ay itinigil nang

ihandog ang mga iyon? Kung ang mga sumasamba na nalinis nang minsan,

sana ay hindi na sila nagkaroon pa ng kamalayan sa kasalanan. Ngunit sa pa-

mamagitan ng mga handog na ito ay may pagpapaalala ng mga kasalanan taun-

taon. Sapagkat hindi maaaring mangyari na ang dugo ng mga toro at ng mga

kambing ay makapag-alis ng mga kasalanan.”1

Tandaan ang argumento inilagay rito: “Alam natin na ang dugo ng mga

toro at ng mga kambing ay hindi makapag-aalis ng mga kasalanan.” Ang ibang

tao’y maaaring magsabing, “Ano ang pinapatunayan nito? Sila’y mag-aalay kada

taon dahil sa bagong mga kasalanan na nagawa nila sa kada taon. Ang mga

kasalanan kada taon ay nagdudulot ng bagong paghatol.” Pero ayon sa Hebreo,

may isang tugong nagkakaila isang hindi maunawaang kalikasan ng pag-aring

ganap. Kapag ang mananamba ay “minsang nalinis,” wala ng “kamalayan sa

mga kasalanan.” Kapag ang dugo ni Cristo ay nabuhos, tayo ay “ganap sa lahat

ng panahon”! “Sapagkat sa pamamagitan ng isang pag-aalay ay kanyang pi-

nasakdal para sa lahat ng panahon ang mga pinababanal. At ang Espiritu Santo

ay nagpapatotoo rin sa atin…na nagsasabi, ‘ang kanilang mga kasalanan at mga

kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.’”2 Sa madaling salita, ang Bagong

Tipan ay nangako na ang Panginoon ay “hindi na aalalahanin pa ang ating mga

kasalanan” nangangahulugan na ang lahat ng uri ng “kasalanan” ay nawala na

mula sa mata ng Panginoon magpakailanman, hanggat ang kautusan at kasi-

yahan ng katuwiran ay nag-aalala. Ang mga mananampalataya ay “pinasakdal”

sa kanilang budhi3 at wala ng “kamalayan sa kasalanan”4 na patungkol sa galit

ng Panginoon! Sa puntong ito, wala ng “alala ng kasalanan”5 sa Bagong Tipan.

1 Hebreo 10:1-4 2Hebreo 10:14-17 3Hebreo 9:9, 13-14 4Hebreo 10:1-2 5Hebreo 10:3

43 42

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Kung saan may kapatawaran ng mga ito, ay wala ng pag-aalay para sa kasa-

lanan.”1 “Tayo'y ginawang banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni

Cristo minsan magpakailanman.”2

Anong kahulugan ng mga ito sa ating pang araw-araw na buhay? Ito’y

nangangahulugan na, bilang isang Kristyano, makakabangon ako sa umaga at

alam kong ako’y tinanggap kay Cristo. Ang Diyos ay nagagalak sa akin bilang

Kanyang anak, at ang kasamaan ng aking mga kasalanan ay nawalang tuluyan.

Kung ako’y makagawa ng kasalanan, ako’y may “kamalayan” ng aking kasalanan

bilang isang anak, hindi bilang isang napatunayang kriminal, at ako’y maghaha-

yag ng kasalanan sa Diyos bilang isang anak na nagpapahayag sa kanyang Ama,

hindi bilang isang kriminal na nagpapahayagsa isang hukom. Ako’y lalapit ng ay

kumpiyansa sa banal na lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.3 “Sino ang

magsasakdal ng anuman laban sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos ang siyang

umaaring-ganap. Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, siyang

muling binuhay mula sa mga patay, na siya ring nasa kanan ng Diyos, na siya

ring namamagitan para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni

Cristo?”4

Ang Pag-aring-ganap ay Natanggap sa Pananampalataya

“Yamang tayo'y inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya,

mayroon tayong kapayapaan sa Diyos.”5 Ang dugo ni Cristo ay ang saligan ng

pag-aring-ganap, ngunit ang pananampalataya ay ang instrument o daluyan na

kung saan na ating natanggap ang “regalo ng katuwiran.”6 “Ano ang kailangan

kong gawin upang maligtas? Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at malilig-

tas ka.”7

Ano ang pananampalataya? Ang pananampalataya ay hindi puwersa o

kapangyarihan na ating nahawakan na naabot at nagagawang mga bagay. Ni

anumang “pagbaling sa kanyang pabayang pananampalataya,” bagama’t may

ilang huwad na mga guro na naghihikayat sa atin na gawin. Ang pananam-

palataya ay ang kabaligtaran ng maling pakahulugan nito. Ang inaring-ganap na

pananampalataya ay hindi “paggawa” ng anuman; sa halip, ito ay pagsuko ng

anumang paggawa at bumabagsak lamang sa kahabagan ng Diyos. Ito ay

isinalarawan sa patotoo ng isang kapatid na may pinagdaanang matinding pag-

subok bago niya natagpuan ang kapahingahan kay Cristo. Batid ang kanyang

natalong kondisyon at nagsikap na gawin ang lahat ng kanyang magagawa

upang hindi magtungo sa impiyerno, nakita niya ang kanyang sarili na talunan.

Naramdaman ko na parang ako’y nakabitin sa tabi ng bangin sa pamamagitan ng

dulo ng aking mga daliri. Sa ilalim ko’y impiyerno.

1Hebreo 10:18 2Hebreo 10:10 3Hebreo 10:19-22 4Roma 8:33-35 5Roma 5:1 6Roma 5:17 7Mga Gawa 16:30-31

PAG-ARING-GANAP: MGA KATANGIAN

Ayaw kong pumunta sa impiyerno at ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya

upang makatakas roon. Sa wakas, hindi ko na kayang kumapit. Bumitaw ako at

nahulog...sa mapagmahal na mga bisig ni Jesus.” Iyan ay pananampalataya!

Pansinin rin, hindi tayo naligtas sa pananampalataya lamang; tayo’y

naligtas sa pananampalataya kay Cristo. Ang ibang mga tao ay nagtiwala sa

nakaraang “desisyon,” ngunit ang “desisyon” ay hindi mababayaran ang ating

mga kasalanan! Ang iba’y nagtiwala sa bautismo, ang nakaraang emosyonal na

naranasan, o maging ang inakalang “pananampalataya.” Isang matandang lalaki

na hindi nagpakita ng tunay pagbabago, nang tinanong kung siya ay nabagabag

ng isip tungkol sa walang hanggan, sumagot, “Hindi, ako’y hindi nabagabag,

dahil ang Biblia ay nagsasabi na kung ikaw ay may pananampalataya ika’y

maliligtas, at ako’y marami nito.” Saan nagtitiwala ang taong ito? Hindi kay Cristo

o sa Kanyang dugo, kundi sa kanyang sariling “pananampalataya.” Ang pagtiti-

wala ng isang Kristyano ay tunay na iba. Kung ang sahig na ating kinalalagyan

ngayon ay biglang bumagsak, ang mga tunay na Kristyano ay sisigaw ng

“Panginoong Jesus!” Walang sisigaw ng “Aking pananampalataya!”

Pananampalataya ay ang mata na hindi nakatingin sa kanyang sarili.

Pananampalataya ay saklaw ng paksa nito, at ang paksa na iyon ay ang

Panginoong Jesu-Cristo. “Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas,

kailangan din namang itaas ang Anak ng Tao; upang ang sinumang sumam-

palataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”1 Dito ay sinasa-

bi sa atin ni Jesus na ang ahas sa tikin ay naglalarawan ng Kanyang sarili sa

Krus. Paanong ang mga tao ay maliligtas sa kaugnayan ng ahas? “Ang bawat

taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.” Ano ang dapat na sam-

palatayanan? Ang pananampalataya ay sa “pagtingin”! Tumingin at mabuhay!

Ituon ang iyong tiwala sa Panginoong Jesu-Cristo at maligtas.

‘Tumingin at mabuhay,’ aking kapatid, mabuhay,

Tumingin kay Jesus ngayon at mabuhay!

‘Ito’y nakatala sa Kanyang Salita, Alleluya!

Tanging ikaw ay ’tumingin at mabuhay.’

W. A. Ogden

1Juan 3:14-15 2Bilang 21:8

45 44

Kabanata Apat

Muling Kapanganakan Nabago ang Lahat

Ating nakita na ang kasalanan ay ang tunay at tanging problema ng sangkatauhan, at ang problema ng tao sa kasalanan ay may dalawang aspeto; isang panloob at isang panlabas: Hindi lamang ang bawat nahulog sa kasalanan na anak ni Adan ang may masamang puso; mayroon din siyang masamang tala sa mga mata ng batas ng Diyos. Ang kasalanan ay sabay na nagpaparungis at sumusumpa sa kanya; ang kapangyarihan nito’y naghahari sa kanya, at ang parusa ay nananahan sa kanya. Ang tao ay walang magagawa at walang pag-asa–ang kanyang kalagayan ay tunay na imposible. Sa ganitong sitwasyon ng kadiliman at desperasyon ang dakilang ilaw ay nagningning.1 Si Jesus ay dumat-ing. Kaya Niya at ililigtas Niya ang Kanyang bayan2 mula sa kaparusahan at kapangyarihan ng kanilang mga kasalanan. Kanyang ginawa sa naunang pag-aaring ganap; Kanyang tatapusin sa kapanganakang muli.

Sa pangalawa at pangatlong kabanata ating nibigyang pansin ang da-

kilang doktrina sa Bibliya ng pag-aaring ganap. Atin ngayong tutunghayan ang

paksa ng kapanganakang muli. Pag-aaring ganap ang mananahan sa

kalangitan, ang hukuman ng Diyos. Kapanganakang muli, sa kabilang dako, ay

nananahan sa lupa, sa puso ng tao. Ang pag-aaring ganap ay pagdedeklara ng

Hukom; kapanganakang muli ay akto ng paglalang sa pamamagitan ng maka-

pangyarihang Manlilikha.

Ang Talinghaga Mula Sa Unibersidad Sa bawat kolehiyo at unibersidad, ang mga estudyante ay nag-aaral ng

mabuti upang makakuha ng “A” sa pagtatapos ng kurso. Noong ako’y estudyante

pa lamang, ginawa ko ang gayong bagay. Ngunit mayroon akong isang kakai-

bang klase. Ito ay isang mataas na lebel ng kurso sa physics at chemistry, at

mayroon lamang apat o limang estudyante sa klase. Ang unang araw ng liksyon,

ang aming guro ay sinurpresa kami sa mga sumusunod na anunsyo: “Hindi ninyo

kailangan na mag-alala sa inyong marka sa kursong ito—lahat kayo ay maka-

kakuha ng ‘A.’ Ngayon tayo’y maging panatag at mag-enjoy sa materyal.”

Ngayon, ito ang eksaktong ginawa ng Diyos sa pag-aaring ganap. Binig-

yan tayong lahat ng Diyos ng “A” sa panimula pa lamang ng Kristyanong buhay!

Hindi tayo nagtrabaho para makamit ang walang hanggang buhay at sa dulo ng

ating kurso; tayo’y mayroong walang hanggang buhay.3 Tayo’y magalak ngayon

na sa kakaunti pang tibok ng mga puso, tayo’y mapapasa langit!4

1Mateo 4:16 2Mateo 1:21 3Juan 5:24 4Roma 5:2

47

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang ligaw na taong relihiyoso ay mayroong dalawang pangunahing tugon sa doktrinang ito. Sa kabilang banda, ang legalista ay galit dito. Itong Fariseong matuwid ang tingin sa sarili ay gumagawa ng “mabuting gawa” dahil kanyang sinusubukang makuha ang “A” sa wakas ng kanyang buhay. Kung kaya niya, gugustuhin niya na mabuhay sa kasalanan, at siya’y magagalit sa katotohanan na ayaw niyang matanggap. Ang kanyang pagtutol ay: “Kung ang Diyos ay nagbib-igay ng walang hanggang buhay sa simula ng Kristyanong buhay, ano ang magpapanatili sa kanila mula sa pagpapatuloy sa kasalanan? Kung Siya’y nag-bibigay sa tao ng ‘A’ sa pasimula ng kurso, walang sinumang mag-aaral ng ma-teryal.”1 Sa kabilang banda, ang lumalabag sa batas na relihiyosong tao ay gugus-tuhin ang doktrina ng pag-aring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. “Mabuti, aking nakamit ang ‘A’! Ngayon ay maari ko ng itapon ang aking aklat sa basaruhan, iwalang bahala ang aking guro, at gawin ang aking mga kagustuhan.” Ang gayong mga taong “bumaling sa biyaya ng Diyos sa kahalayan.”2 Kanilang nakita ang “libreng biyaya” bilang isang “lisensya na magkasala.” Sa panahong ito ng “madaling mapaniwala,” ang mga iglesiya sa bansa ay puno ng mga gayong hindi naman nabagong tao—ang mga ligaw na tao na nag-iisip sa kanilang sarili bilang “makalamang mga Kristyano.” Ano ang mali sa mga dahilan ng kapwa legalista at makalaman? Ang Diyos ba’y magbibigay sa atin ng “A” sa pasimula ng ating kurso, upang gawin itong posible para sa ating para lumiban sa klase at manatiling makuha ang mataas na marka? Siya ba’y magbabayad sa krimen ng kriminal sa batas ng pag-aaring ganap, ng sa gayon ang kriminal ay maaring magpatuloy sa pagpatay, panghahalay, at pagnanakaw, tanging ngayon sa kalayaan mula sa kaparusa-han? Tunay na hindi! Ano ang gagawin ng Diyos? Sa parehong panahon na Siya’y magbibigay sa atin ng “A” sa pasimula ng ating kurso, siya rin ay magbaba-go sa atin sa loob upang ating mahalin ang pag-aaral sa materyal! Sa madaling salita, kapag ang Diyos ang umaring ganap sa tao, Siya rin ay babaguhin. Ang kapanganakang muli ay hindi maaring papaghiwalayin mula sa pag-aaring ganap, at ang pag-aaring ganap ay hindi mangyayari kung wala ito. At ito ang sagot ni Pablo, kapwa mga legalistang Judio na nagsasaysay na ang kanyang tinuturo ay maghahatid sa tao para “magpatuloy sa kasalanan,” at sa mga makalaman na nagnanais gamitin ang kanyang katuruan bilang isang oportunidad para sa kahalayaan: “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy ba tayo sa pagkakasa-la upang ang biyaya ay sumagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga na-matay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa roon?”3 Ayon kay Pablo, ang bawat Kristyano ay sumailalim sa malaking pagbabago na gawing imposible para sa kanya na magpatuloy sa kasalanan. Ang pagbabagong ito’y tumutukoy sa kapanganakang muli. Ang totoong “biyaya” ay laging “nagtuturo sa atin na matapos itakuwil ang kasamaan, at mga makamundong pagnanasa, ay dapat tayong mamuhay nang may katinuan, matuwid at banal sa kasalukuyang panahon.”4 1Roma 6:1 2Judas 4 3Roma 6:1-2 4Tito 2:11-12

MULING KAPANGANAKAN: NABAGO ANG LAHAT

Ang hindi nagbabagong marka sa sinumang tao na nakatagpo ng tunay

na kapayapaan sa Diyos ay siya niyang madaling panimula sa isang pangha-

bang buhay na paghahanap upang malaman at sumunod sa Diyos na kanya

ngayong iniibig ngayon!1 (Ang taong may huwad na kapayapaan, sa kabilang

dako, ay bumabalik sa kanyang sariling makasariling interes sa madaling niyang

maramdaman na siya ay ligtas mula sa impyerno.) Ang tunay na Kristyano ay

hindi gagamitin ang biyaya bilang isang “lisensya na magkasala”; siya’y

nagkasala na higit pa sa kanyang kagustuhan!

Ang mga Kristyano ay gumagawa ng mabuti, hindi dahil sila’y naghahan-

ap na makamit ang “A” mula sa Diyos, ngunit dahil sila’y nabigyan ng mga ba-

gong puso na ibig na “mag-aral ng materyal.” Ito’y pumupukaw sa ilang masus-

ing mga katanungan: Ako ba ay nagbabasa ng Biblia at nagdarasal dahil

kailangan ko? Dinadaya ko ba ang aking sarili na hindi ko na ipagpapatuloy ang

kasalanan tulad ng marami sa mundo? Mayroon bang anuman sa akin na nag-

mamahal sa Diyos kung sino Siya at minamahal ang kabutihan sa kung ano ito?

Mayroon bang anumang kaluguran sa mga bagay ng Diyos? Ang mga kasagu-

tan sa mga gayong tanong ay magsasabi sa atin ng marami patungkol sa estado

ng ating mga kaluluwa.

Biblikal na Paglalarawan ng Muling Kapanganakan Ang Biblia ay may dakilang panukala na sinsabi patungkol sa muling

kapanganakan. Sa mga sumusunod na pahina, ating susuriin ang siyam na Bib-

likal na paglalarawan ng dakilang himala. (Ang dalawa rito’y ibinuod na maikli sa

Apendiks A.) Ang bawat pananaw ng parehong maluwalhating katotohanan mula

sa magkaibang anggulo, habang lumiliwanag ang magkaibang panig nito. Bilang

ating pagsasa-alang-alang ng iba’t ibang paglalarawan sa Kasulatan ng muling

kapanganakan, ito’y mahalaga para sa atin na maisa-isip na ang hindi makitang

kaharian na kanilang inilarawan ay gaya ng higit na realidad bilang nakikita at

pansamantalang mundo na ating nakikita sa ating mga mata. Sa katotohanan,

ang hindi nakikitang mundo ay maaring nagsasabing na maging higit na totoo rin

kaysa sa nakikitang mundo, yamang ang mga bagay na kahariang espiritwal ay

permanente at walang hanggan.2

1Filipos 3:10 22Corinto 4:18

49 48

Kabanata Lima

Bagong Nilalang

Ano ang muling kapanganakan? Ayon sa Biblia, ito ay bagong nilalang.

Kapag binuhay muli ng Diyos ang tao, ito ay milagro tulad ng Kanyang paglikha

sa daigdig!1 Sa katunayan, sa moral na salita, ito ay higit pang dakilang milagro.

Ang muling kapanganakan ay malikhang gawa ng Diyos.

Bawat Kristyano ay Bagong Nilalang

“Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga

lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago. Lahat ng

ito ay mula sa Diyos…” 2 Corinto 5:17-18

Nakita natin dito na ang Kristyano ay inilarawan bilang bagong nilalang.

Sa madaling salita, kapag ang Diyos ay gumawa ng Kristyano, Siya’y gumagawa

ng isang bagong bagay, mula sa wala, na hindi nabubuhay noon! Bukod dito,

ang muling kapanganakan ay laging ipinapaloob itong milagrong paglikha—

“Kung ang sinuman,” saanman, ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang. Walang

eksepsyon; kung ang tao ay hindi nabagong nilalang, Siya ay wala “kay Cristo”!

Ito ay hindi lamang kanais-nais na larawan, ngunit katotohanan: “Ang mga lu-

mang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago.” “Ang mga

lumang kalagayan ay nawala, at ang bagong kalagayan ay nagsimula na.” Lahat

ng bagay ay bago pa sa Kristyano; nakikita niya ang mundo sa buong bagong

liwanag– kahit ang graba sa tabing daan at ang serbesa sa lata.

Langit sa taas ay pinong asul,

Mundo sa palibot ay berdeng matamis;

Buhay sa bawat kulay

Walang Cristo’y mga mata’y di mulat. G. Wade Robinson

Wala tayong parte sa pagbibigay ng milagrong ito. (Bagay na hindi nilikha sa

kanyang sarili!) Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito! “Lahat ng ito ay mula sa

Diyos.” (v.18) Anong dakilang gawa ito! Ang Biblia’y tumutukoy sa isang

“paglikha” muli at muli.

12 Corinto 4:6

51

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Nilalang para sa Mabubuting Gawa

“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.” Efeso 2:8-10

Ito ay mataas na makabuluhan na nang si Pablo ay nag-isip tungkol sa kaligtasan, ang ating pagiging “ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya,” kanyang iniisip ang mapanlikhang gawa ng Diyos. Ang mga Kristyano’y tiyak na “gawang nilalang” ng Diyos! Kung ang ating konsepto ng kaligtasan ay ang tao’y “gagawa ng desisyon” lamang– humakbang palabas sa linya ng mga pupunta sa impiyerno tungo sa kalangitan– tayo’y mayroong isang napaka-depektong pananaw ng kaligtasan. Ang mga Kristyano ay “nilalang kay Cristo Jesus”! Ano ang likas ng malikhang gawa? Una sa lahat, ito ay “kay Cristo Jesus” Na, inilagay sa saklaw ng pagsasama kay Cristo. Ito’y kaagapay tulad ng sinabi ni Pablo sa 2 Corinto 5:17, Kaya’t kung ang sinuman ang na kay Cristo, siya’y ba-gong nilalang.” Pangalawa, ito ay “para sa mabubuting gawa.” Ang layunin nitong malikhang gawa ay upang masiguro na ang mabubuting gawa ang siyang kala-labasan. Ang mga gawang ito ay “inihanda antimano” upang ating lakaran, at ang lahat ng Kristyano ay lumakad dito, dahil bilang isang bagong nilalang sila ay espesyal na desenyo, sinanay, at nilikha ng Diyos upang gawin ang gayon!

Ang Iglesia ay Bagong Nilalang

“Upang sa dalawa ay lalangin [lit. “likha”] sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan.” Efeso 2:15

Mula sa importanteng talata, ating natutunan na si Pablo’y gumamit ng wika ng “paglikha” upang ipakita ang pagkakaroon, hindi lamang sa indibidwal na Kristyano, ngunit pati ng iglesya sa kabuuan. Ang iglesia ay hindi lamang organ-isasyon; ito ay nilikhang organismo– buhay na bagay at “bagong” bagay. Si Cristo ay kinuha ang dalawang magkaibang panig (Judio at Gentil) at “Kanyang sarili” nilikha ang dalawa sa “iisang bagong tao”- ang “katawan ni Cristo.” Itong buhay na katawan ay tumahan sa iisang espiritu– ang Banal na Espiritu,1 at nagbahagi ng isang karaniwang buhay– ang tunay na buhay ni Cristo.2 11 Corinto 12:12-13 2John 15:4-5

BAGONG NILALANG

Kapwa ang iglesia sa kabuuan (ang buong katawan ni Cristo) at ang

iglesia sa lokal na kapahayagan (ang indibidwal na katawan ng mga mananam-

palataya) ay milagrong paglikha ng Diyos. Walang tao ang kayang “magsimula

ng iglesia”; ang Diyos ang nararapat gumawa ng imposible at gumawa ng isang

bagay mula sa wala para ang iglesia ay mabuhay. Ginawa Niya ito sa pama-

magitan ng “paglilikha” ng bilang ng indibidwal na mga Kristyano, ginawang isa

sa pamamagitan ng kabanalan ng kanilang karaniwalang buhay.

Ang isang pundasyon ng Iglesia

ay si Cristong kanyang Panginoon:

Siya ay Kanyang bagong nilikha,

sa Espiritu at Salita. Mula sa langit Siya’y dumating at hinanap siya,

upang Kanyang maging banal na asawa;

Sa Kanyang sariling dugo’y Kanyang binili siya,

at para sa kanya Siya ay namatay.

Samuel J. Stone

Nilikha sa Katuwiran at Kabanalan

“At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang

dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pag-

daraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo'y mangag-

bihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kaba-

nalan ng katotohanan.”

Efeso 4:22-24

Ayon kay Pablo, hindi lamang ang iglesia sa kabuuan “isang bagong

tao,” ngunit gayundin ang bawat indibidwal na Kristyano ay bago. Ang importan-

teng bagay na dapat mabatid sa puntong ito na ang bagong tao ay muling si-

nasabi bilang bagong nilalang. Ano ang wangis niya? Siya ay nilalang “sa wangis

ng Diyos...sa katuwiran at kabanalan sa katotohanan.”Ito ang mga katangian ng

isang “bagong nilalang”! Gayong paglalarawan ay nararapat magbigay sa atin

kung paano ang tunay na malikhang gawa ay: Ang bagong tao ay nilikha sa

wangis ng Diyos sa katuwiran at kabanalan! Ang wika ni Pablo rito ay hindi

wikang mala-tula, ngunit ang wika ng matibay na katotohanan! Ang kaagapay na

paglalarawan ng paglikhang ito ay natagpuan sa Colosas 3:9-11:

“Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang

datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa, At kayo'y nangagbihis ng bagong

pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa

53 52

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

kaniya: Doo'y hindi maaaring magkaroon ng Griego at ng Judio, ng pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si Cristo ang lahat, at sa lahat.” Ating natagpuan muli sa talatang ito na ang ating bagong sarili [lit. “tao”] ay “nilikha” sa imahe ng Diyos. Samakatuwid, sa sinuman “nilagyan ng bagong pagkatao,” ang mga Kristyano ay “banal at minamahal” (v.12) sa paningin ng Diyos. Ang sagot sa katanungan, “Sino Ako?” bawat Kristyano ay dapat tumugon, “Ako ay bagong nilalang, nilalang sa katuwiran at kabanalan, banal at minahal sa paningin ng Diyos.”

Wala ng Ibang Bagay

“Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang.” Galacia 6:15

Mula sa lahat ng nasabi sa talata sa itaas, hindi na sorpresang isinaalang alang ni Pablo ang bagong paglikha upang maging pinakamahalaga. Walang kahalagahan maliban sa malikhang gawa ng Diyos! Hindi pagtutuli, maging bau-tismo, ni anumang panlabas na gawa ng tao o “anumang” seremonya kung ang bagong paglikha ay wala. Sa kabilang banda, kung ang Diyos ay ginawa tayong bagong nilalang, ang kawalan ng pagtutuli (“di-pagtutuli”) o bautismo o anumang sermonya ay hindi maging “anuman”! Ang tanging bagay para sa anuman sa atin ay ito: “Ako ba’y bagong nilalang, o ako ba’y nananatili sa aking lumang pagkatao na aking nakagisnan?” Kung ako’y nasa lumang pagkatao na aking nakagisnan, kung gayon ako’y hindi isang Kristyano, at walang halaga ang pagdalo sa iglesia, liturhiya, seremonya, “pupunta sa imbitasyon,” o “tatanggapin si Jesus” ay anu-man. Ano ang muling kapanganakan? Ito ay bagong nilalang! Sa madaling salita, ito ay isang milagro, hindi isang “desisyon,” o anumang uri ng gawa ng tao.

54

Kabanata Anim

Bagong Tao

“Na… siya ay lumalang sa kanyang sarili ng isang bagong tao, kapalit ng dala-

wa…”

Efeso 2:15

“Na...magbago sa espiritu ng inyong pag-iisip, at kayo'y magbihis ng bagong

pagkatao, na nilalang ayon sa wangis ng Diyos, sa katuwiran at kabanalan ng

katotohanan.”

Efeso 4:22-24

“Huwag kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang da-

ting pagkatao pati ang mga gawa nito, at kayo'y nagbihis na ng bagong

pagkatao, na binabago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kanya.

Dito'y wala ng Griyego at Judio, tuli at di tuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng

malaya; kundi si Cristo ang lahat at nasa lahat!”

Colosas 3:9-11

Ating nakita sa Kabanata Lima, ang bawat talata na nabanggit sa itaas

ay napakamakabuluhan sa paglalarawan ng muling kapanganakan bilang

malikhang gawa ng Diyos. Ngunit ang iba pang kahulugan ng muling kapan-

ganakan ay maliwanag ring makikita sa mga talatang ito: ang muling kapan-

ganakan ay ang paglalang ng isang bagong tao.

Hindi lamang ang iglesia bilang kabuuan “isang bagong tao” (Efeso

2:15), ngunit ang bawat indibidwal na Kristyano ay isang bagong tao rin! Ito ay

napakahalaga na matanto na sa pananaw ni Pablo na ang Kristyano ay hindi

kapwa “lumang tao” at isang “bagong tao.” Ni mayroong isang bagong taong

“nabubuhay sa loob” niya. Ni mayroong kapwa lumang tao at isang bagong ta-

ong nabubuhay sa loob niya. Ang Kristyano ay isang bagong tao.

Isang popular na paglalarawan ng karanasang Kristyano’y nagsasabi na

ang mananampalataya’y kapwa may isang “maitim na aso” at isang “puting aso”

na nabubuhay sa kanya. Ang mga asong ito ay laging nag-aaway sa isa’t isa, at

“ang isa na pinapakain ng maayos ay ang panalo.” Ang gayong pananaw ay

maaaring maging seryoso, ngunit ito ay nakabase sa isang napaka depektong

teologo. Ang Kristyano ay hindi lamang mayroong isang bagay na bago sa loob

na wala siya dati; siya ay isang taong hindi siya dati. Ang Kristyano ay isang

bagong tao.

57

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Ito’y Hindi Ako! Ito’y mahusay na inilarawan sa pamamagitan ng isang dahilan ang sinabi patungkol kay Augustine of Hippo, na bago ang kanyang pagbabago ay nabuhay sa masamang pamumuhay. Pagkatapos na mabago, siya’y nakita ng isa sa nag-ing kasintahan dati, na tumawag pansin sa kanya, “Augustine, Augustine, ako ito.” Oo, seryosong tugon ni Augustine, “ngunit ito’y hindi ako!” Ito ang dapat na mag-ing pahayag ng bawat Kristyano. Sa pagbabago, ang bawat Kristyano’y nakatanggap ng isang bagong pagkakakilanlan. Saulo naging Pablo; Simon naging Pedro. Isa sa mga unang hamon na haharapin ng isang bagong mananampalataya ay ang pagbalik niya sa kanyang pamilya at mga kakilala na ang bawat isa’y pipiliting tawagin siya sa kanyang lumang pangalan: “Hello, Simon.” Ang bagong mananampalataya ay dapat manindigan sa milagro na nangyari sa kanyang buhay at ipapaunawang, “Hindi ko na mamahalin ang mga bagay na minsang inibig ko; hindi ko na gaga-win ang mga bagay na minsang ginawa ko. Hindi na ako si Simon; Ako ay si Ped-ro; ako’y isang bagong tao na!”

Magpakatotoo Ka Ang Kristyano ay isang bagong tao. Na ito’y mahalaga sa kanyang pagka-kakilanlan. At dahil siya ay isang bagong tao, siya ay tinawag upang mabuhay tulad ng isang bagon tao. Yamang ang lumang tao ay “naisantabi” na at ang ba-gong tao ay “nabihis,”1 siya ay hinihikayat na paniwalaan ang katotohanang ito (na maging “bago sa espiritu ng kanyang pag-iisip”2) at upang mabuhay nang naaayon sa “naisantabi ang lumang pagkatao” (i.e., kanyang mga gawa-- “ang iyong dating paraan ng buhay”3) at sa pamamagitan ng paglalagay ng (sa pag-sasanay) “bagong pagkatao, na nilalang ayon sa wangis ng Diyos, sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.”4 Ito ang paraan ng Bagong Tipan sa pagtuturong lumago sa biyaya: “Alamin kung sino ka, at pagkatapos magpakatotoo ka.” Ang tawag sa mga mananampalataya ay hindi, “subukin mong maging hindi ikaw,” ipinagpapalagay tulad sa maraming Kristano, kundi sa halip, “Magpakatotoo Ka!” Kristyano, ito ang saligan kung paano mo titingnan ang iyong sarili bilang isang mananampalataya. Kung kumbinsido ka na ikaw ay nananatiling masama ngayon na Kristyano, kung gayon haharapin mo ang walang saysay na buhay magsisikap na maging ikaw na hindi ikaw gaya ng pagsisikap na mapamuhay ang Kristyanong buhay. Sa kabilang banda, kung ikaw ay kumbinsido na sa kalagit-naan ng iyong buhay ikaw ay kapwa mabuti at masama, kung gayon ang masa-ma ay nananatiling isang tunay na nakapuwesto sa iyong puso at buhay. Mula sa iyong kaibuturan ng iyong puso, gusto mo talagang gawin ang masama, at sasa-bihin “Oo” sa mga ito, sa ilang pagkaunawa, para sabihing “Oo” sa iyong pinaka-malalim na nasa. 1Colosas 3:9-10 2Efeso 4:23 3Efeso 4:22 4Efeso 4:22, 24

BAGONG TAO

Ang mga pananaw na ito ay hindi Biblikal. Ang totoo sa bawat Kristyano

ay siya ay isang bagong tao. Sa pinakasentro ng kanyang buhay siya ay

“nilalang sa katuwiran at kabanalan.”1 Kapag sinabi niyang “Hindi” sa kasalanan,

sinasabi niya “Oo” bilang siya talaga.

Ang Laman

Ang tunay sa bawat Kristyano ay siya ay isang bagong tao, ngunit hindi

lamang ito. Bagaman ang Kristyano ay naging isang bagong tao sa kanyang

kaloob-looban, hindi pa siya tuluyang natubos. Ang kasalanan ay nananatiling

nagsisikap na “maghari” sa kanyang “katawan.”2 Itong napakababaw na aspeto

sa pesonalidad ng Kristyano ay tinukoy sa Bagong Tipan na “ang laman,” at

tinalakay sa ibang mga kabanata. Sapat na sabihin sa puntong ito na ang laman

ay hindi nagpapakita kung sino “talaga” ang Kristyano at ang kapangyarihan ng

laman para mamahala sa Kristyano ay masira.3 Kapag ang ating laman ay sa

wakas ay “natubos,”4 bawat bakas na nalabi ng ating mga kasalanan ay mawa-

wala magpakailanman, at sa huli’y magiging ganap na ganap “magiging kung

sino talaga tayo.”

Isang Bagong Pagkakakilanlan

Ang katotohanan sa bagong pagkakakilanlan sa Kristyano, sa kabila ng

mga nalabing kasalanan, ay inilarawan sa ngalan ng isang bagong biling pabri-

ka. Ipalagay na isang pabrika ng makalasong gasoline ay binili sa isang oksihe-

nong kumpanya para sa layuning gumawa ng nagbibigay buhay na oksiheno. Sa

lalong ang pagmamay-ari ng pabrika ay pinasa sa bagong mga manggagawa,

ang pagkakakilanlan nito’y mababago. Ang bagong may-ari ay maglalagay ng

isang tanda sa harap, “Pabrika ng Oksiheno.” Sa opisina ng presidente, isang

bagong direktor ang nakaupo sa mesa. Ang dating presidente at bagong presi-

dente ay hindi magkabahagi ng tungkulin, makikibaka sa bawat isa para pama-

halaan ang kumpanya. Ang dating presidente ay wala na. Sa katunayan, ang

dating pabrika ay wala na. Isang pabrika ng oksiheno na ang kumuha sa lugar

nito, kahit na ito ay maaaring kinuha habang na sa harapan ang lahat ng dating

kagamitan ay puwedeng malipat sa ganap na takbo nito sa bagong kapasidad!

Sa sandaling ang muling kapanganakan, bawat Kristyano ay ginawang

radikal na “bago” sa pinakasentro ng kanyang pagkatao. Ang Diyos ay naglagay

ng tanda sa harap ng kanyang buhay, “Banal.”5 Ito’y isang bagay na sa kapa-

nahunan lamang bago itong mahalaga at sentro ng pagbabagong gawa nito

labas sa bawat bahagi ng karanasan ng mananampalataya.

1Efeso 4:24 2Roma 6:12 3Galacia5:16; Roma 6:6-7 4Roma 8:23 51 Corinto 1:2; Efeso 5:3

59 58

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Isang insidente mula sa buhay na myembro ng pangkat ng New York City, Nicky Cruz, naglalarawan ng tanda ng milagrong ito. Kilala sa kanyang kasamaan sa dugo at karahasan, ang buhay ni Nicky ay biglaang hinawakan ng Diyos. Na-katayo siya sa harap ng kanyang salamin sa ilang sandal pagtapos ng kanyang pagbabago—ang kanyang rebolber at kutsilyo ay nasa kanya pa rin—Tinignan niya ang kanyang sarili at sinabi, “Si Nicky ay magiging anghel na ngayon!” Gayon sa bawat Kristyano! Sa sandaling ang “bagong tao” ay nalalang, ito’y isang bagay na sa kapanahunan lamang bago ang “mga baril at mga kutsilyo” ng kasa-lanan na nakakabit pa rin sa ating mga buhay ay hindi maaaring hindi malayo. Aleluia!

60

Kabanata Pito

Bagong Puso

Yamang ang pag-aaring ganap ay mapanghahawakan na deklarasyon

ng Matuwid na Hukom, ang muling kapanganakan ay makapangyarihang gawa

ng Makapangyarihang Manlilikha. Itong malikhaing gawa ay inilarawan sa Biblia,

ang bawat isa ay naglabas ng iba’t ibang bahagi kung ano ang muling kapan-

ganakan na naglarawan sa Kasulatan bilang kapwa bagong nilalang at bagong

tao. Ito ay inilarawan rin sa pangatlong paraan; ito’y inilarawan bilang pagbibigay

ng isang bagong puso.

Pangakong Bagong Puso

“Ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo; kayo'y magiging malinis sa lahat

ninyong karumihan, at lilinisin ko kayo sa lahat ninyong mga diyus-diyosan. Bib-

igyan ko kayo ng bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong espiritu sa loob

ninyo. Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at aking bibigyan kayo ng

pusong laman. Aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko

kayo nang ayon sa aking mga tuntunin, at magiging maingat kayo sa pagsunod

sa aking mga batas...Kayo'y magiging aking bayan at ako'y magiging inyong

Diyos. Lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan...Kung magkagayo'y inyong

maaalala ang inyong masasamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi

mabuti. Kayo'y masusuklam sa inyong sarili dahil sa inyong mga kasamaan at

mga karumaldumal na gawa. Hindi alang-alang sa inyo na ako'y kikilos, sabi ng

Panginoong DIYOS…” Ezekiel 36:25-32

Isa sa pinaka-kahanga-hangang mga pangako sa ebanghelyo ay ang pangako

ng “bagong puso at bagong espiritu.” (v.26) Ito ay “ibinigay” (v.26) ng Diyos, at

ibinigay Niya ito sa bawat Kristyano. Sa Genesis 6:5, sinabi sa atin na

“napakasama ng tao sa lupa, at…bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso

ay palagi na lamang masama.” Muli, sinabi rito na “ang haka ng puso ng tao ay

masama mula sa kanyang pagkabata.”1 Sa ibang lugar sinabi sa atin na “ang

puso ay mandaraya kaysa lahat ng bagay, at lubhang napakasama; sinong

makakaunawa nito?”2 Ang mga gayong bagay ay hindi totoo sa puso ng Kristy-

ano!

1Genesis 8:21 2Jeremias 17:9

63

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang Kristyano ay nabigyan ng bagong puso. Siya ay naging “malinis ang puso”1

Isang tunay na Israelita, kung saan walang pandaraya.”2 Gayong mga pahayag ay hindi maaaring gawing gaya ng may mga pusong “mandaraya kaysa lahat ng bagay at lubhang napakasama”! Baka ang anumang dapat ipagpalagay na ang mananampalataya ay kapwa mayroong lumang puso at bagong puso, ang Diyos ay tiyak na nagsasabi, “Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman at bibig-yan kayo ng pusong laman.” (v.26) Sa halip na matigas, malamig, walang pa-kiramdam na puso, ang Kristyano ay nabigyan ng malambot, mainit, buhay na puso na madaling makadama sa mga bagay ng Diyos.

Lahat ng mga Kristyano’y Nabubuhay sa Binagong Buhay Sa Kaugnayan ng pagbibigay ng bagong puso, ang Diyos ay nangako rin ng “paglalagay ng Kanyang Espiritu sa atin” at “palalakarin tayo sa kanyang tun-tunin.” (v.27) Ang tiyak na resulta ng panloob na gawa ng Banal na Espiritu ay ang bawat Kristyano’y “maging maingat sa pagsunod sa Kanyang mga batas (kautusan).” (v.27) Ito’y nangangahulugan na ganap na imposible na magkaroon ng bagong puso at patuloy na mamuhay sa kasalanan. Sa ating panahon hindi na bihira ang marinig ang mga pahayag tulad nito: “Ang taong iyon ay Kristyano, ngunit ang kanyang buhay ay ipinamumuhay sa pagsuway sa Diyos.” Imposible! “Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa loob ninyo at palalakarin ko kayo nang ayon sa Aking tuntunin, at magiging maingat kayo sa pagsunod sa Aking mga batas.” “Ang taong iyon ay naging Kristyano sa maraming taon, ngunit hindi siya kailanman lumago.” Hindi nag-iisip! “Akin kayong lilinisin sa inyong mga karumi-han at inyong mga diyus-diyusan… Akin kayong ililigtas mula sa inyong karumi-han.” Kung ang Diyos ay “nagsimula ng mabuting gawa sa atin,”3 Hindi Siya magpapahinga hangga’t ang bawat diyus-diyusan ay bumagsak at ang lahat ng karumihan ay malinis sa ating mga buhay! Siya’y determinadong “maging ating Diyos,” at hindi Niya tayo ibabahagi sa iba.

Mga Pangako, Hindi Mga Payo! Napaka-importante na ating maunawaan ang mga pahayag sa Ezekiel 36 mga pangako kung ano ang gagawin ng Diyos, hindi mga payo kung ano ang dapat gawin ng mga Kristyano. Ang mga pangakong ito’y walang kondisyon at laging natutupad sa bawat mananampalataya. Tinitiyak ng Diyos ang mga resulta, hindi ng tao. Pansinin muli kung ano ang mga pangako ng Diyos sa mga talatang ito: 1Mateo 5:8 2Juan 1:47 3Filipos 1:6

BAGONG PUSO

• “Akin kayong wiwisikan ng malinis na tubig, at kayo’y magiging malinis.”

• “Aking lilinisin kayo mula sa lahat ng karumihan at mula sa lahat ng inyong

diyus-diyusan.”

• “Akin kayong bibigyan ng bagong puso at maglalagay ng bagong espiritu sa

inyo.”

• “Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman at magbibigay ng pusong

laman.”

• “Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa inyo at palalakasin ko kayo ayon sa

Aking tuntunin, at kayo’y magiging maingat sa pagsunod sa aking mga ba-

tas…”

• “Ako’y inyong magiging Diyos.”

• “Akin kayong ililigtas mula sa lahat ng karumihan.”

Ang tugon sa gayong “mahalaga at mga dakilang pangako,”1 bawat Kristyano ay

dapat sumigaw ng papuri sa Diyos.

Ang Bagong Tipan

“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng PANGINOON, na ako'y gagawa

ng panibagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda, hindi

katulad ng tipan na ginawa ko sa kanilang mga ninuno nang kunin ko sila sa

pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Ehipto — ang aking tipan

na kanilang sinira, bagaman ako'y asawa sa kanila, sabi ng PANGINOON.

Ngunit ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng

mga araw na iyon, sabi ng PANGINOON: Ilalagay ko ang aking kautusan sa

kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako'y magi-

ging kanilang Diyos at sila'y magiging aking bayan. At hindi na tuturuan ng bawat

isa sa kanila ang kanyang kapwa, at ng bawat tao ang kanyang kapatid, na mag-

sasabi, 'Kilalanin mo ang PANGINOON;' sapagkat ako'y makikilala nilang lahat,

mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin

ko ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin

pa," sabi ng PANGINOON.”

Jeremias 31:31-34

Ang maluwalhating mga pangakong ito ay nasabi sa Bagong Tipan patungkol sa

“Bagong Tipan” kung saan ang bawat Kristyano ay kabahagi.2 Pansinin na ang

pag-aaring ganap ay isa sa mga biyayang ipinangako sa Bagong Tipan:

12 Pedro 1:4 2Hebreo 8:8-12

65 64

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Aking patatawarin ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.” (v.34) Ngunit ipinangako kasama ng pag-aaring-ganap at hindi maihihiwalay sa muling kapanganakan: “Aking ilalagay ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at Aking isusulat iyon sa kanilang mga puso.” (v.33) Ang pag-aaring-ganap at muling kapanganakan ay walang hanggang magkasama sa Bagong Tipan. Sinuman ang gumamit ng pag-aaring-ganap sa pagpapatuloy sa kasalanan ay nagpapatunay lamang na sila’y hindi kabilang sa Bagong Tipan. Muli ating nakita na ang Diyos ay hindi nagbigay kahit kanino ng “A” sa simula ng kanyang Kristyanong buhay ng walang kasabay na pagbibigay ng kanyang pag-mamahal para sa materyal!

Panloob na Katuwiran Sa Lumang Tipan, ang batas ay naisulat sa ilabas ng tao sa mga tapyas ng bato.1 Ito’y laging kaugnay sa batas at hindi pa muling isinilang na tao. Ang batas ay dumarating sa kanya “mula sa labas” at nagpapataw ng pamantayan sa kanya na kanyang kinamumuhian.2 Ang batas ay nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin, ngunit nagbibigay sa kanya ng pagnanais o kapangyari-han upang gawin iyon. Sa madaling salita, ang batas ay makapagbibigay lamang ng panlabas na katuwiran, tulad ng kung ano ang mayroon sa mga eskriba at Fariseo. Sinabi ni Jesus na sila’y tulad ng mga kopa na nilinis lamang ang mga panlabas—“Sapagkat tulad kayo sa nga pinaputing libingan na magandang tingnan sa labas, ngunit sa loob...ay puno ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng uri ng karumihan.”3 Sa kaibahan, ang Bagong Tipan ay nangangako ng panloob na katuwiran: “Ilalagay ko ang Aking kautusan sa kanilang kalooban, at Aking isusulat iyon sa kanilang mga puso.” Sa repleksyon, naging malinaw na ito ay tulad ng pangako na ibinigay sa Ezekiel 36:26, ang pangako ng bagong puso na nagmamahal at nais na pagsunod sa Panginoon. Gaano naiiba ang tunay na Kristyano kaysa sa panlabas na relihiyon ng lahat ng Fariseo! Ang tunay na Kristyano ay sumusunod sa Diyos dahil siya’y may bagong puso, isa sa tagapagtangol ng kautusan—pag-ibig sa Diyos at tao4 —nakasulat doon!5

Tatlong Dakilang Katiyakan

“At sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Diyos. Bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila'y matakot sa akin sa lahat ng panahon para sa ikabubuti nila at ng kanilang mga anak kasunod nila. Ako'y ga-gawa sa kanila ng isang walang hanggang tipan, at hindi ako hihiwalay sa kanila upang gawan sila ng mabuti; at ilalagay ko sa kanilang puso ang pagkatakot sa akin, upang huwag silang humiwalay sa akin. Ako'y magagalak sa kanila na gawan ko sila ng mabuti, at sa katapatan ay itatanim ko sila sa lupaing ito nang aking buong puso at buong kaluluwa.” Jeremias 32:38-41 12 Corinto 3:1-18 2Roma 8:7 3Mateo 23:25-28 4Mateo 22:35-40 51 Tesalonica 4:9

BAGONG PUSO

Sa mga talatang ito nagsalita muli ang Diyos sa “walang hanggang tipan”1 na

Kanyang gagawin sa Kanyang bayan. Ang mga pangako ng tipan na ito ay malu-

walhati kaysa mga salita. Marami pa ang maaaring masabi patungkol sa mga

talata, ngunit pansinin ang mga ito:

• Akin silang bibigyan ng isang puso at isang daan, upang sila’y matakot

sa Akin, para sa ikabubuti nila.

• Ako’y hindi hihiwalay sa kanila, upang gawan sila ng mabuti.

• Aking ilalagay sa kanilang puso ang pagkatakot sa akin upang huwag

silang humiwalay sa akin.

Lahat ng Kristyano’y May Isang Puso Lahat ng Kristyano’y may isang puso. Ito ay ginawang ganap na tiyak sa

katotohanang ang Diyos ay nangangako ng puso bilang regalo: “Aking bibigyan

sila ng bagong puso.” Ang mga Kristyano ay hindi sinabing nararapat na magka-

roon ng isang puso; sila’y pinangakuan ng isang puso bilang libreng regalo.

Lahat ng Kristyano’y mayroong parehas na puso! Lahat sa kanila’y

“sumasamba sa Diyos sa espiritu at nagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang

anumang pagtitiwala sa laman.”2 Lahat sila’y umiibig sa Panginoong Jesu-

Cristo,3 at lahat sila’y nagmamahal sa ibang Kristyano.4 Itong “isang puso” ay

nagpapaliwanag kung bakit ang dalawang Kristyano’y maaaring magkita sa

unang pagkakataon sa eroplano o bus at makaranas ng tunay na samahan sa

loob ng tatlumpung minute kaysa sa kanilang ligaw na miyembro ng pamilya sa

kanilang buhay.

Lahat ng Kristyano’y May Isang Daan Lahat ng Kristyano’y may isang daan. Muli, ito’y pangako ng Diyos. Hindi

sinabi sa atin na ang lahat ng Kristyano’y nararapat magkaroon ng isang daan;

sinabi sa atin na may isang daan na ibibigay sa kanila. (v.39) Lahat ng Kristyano

ay gumagalaw tungo sa isang direksyon—dakong itaas at tungo sa Diyos. Ang

iba ay gumagalaw ng mas mabilis kaysa sa iba, at lahat ng karanasan ay

pansamantalang walang pagsulong.

1Jeremias 32:40; Hebreo 13:20 2Filipos 3:3 31 Corinto 16:22 51 Juan 3:14-15

67 66

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ngunit sa kabuuang kurso ng kanilang buhay, ang lahat ay naglalakbay sa magkaparehong landas at layon. Ito’y nangangahulugan na ang sinomang naglalakbay sa magkaibang landas na ang tungo ay magkaibang direksyon ay hindi isang Kristyano. “Ang nagsasabing, ‘Kilala ko siya,’ ngunit hindi tinutupad ang kanyang mga utos, ay sinungaling, [hindi “makalamang Kristyano”!], at ang katotohanan ay wala sa kanya.”1

Lahat ng Kristyano ay Nagpapatuloy sa Kabanalan Lahat ng Kristyano ay nagpapatuloy sa kabanalan hanggang dulo. Masdan minsan pa ang mga pangako sa Jeremias 32. Hindi Niya lamang ipinangako na hindi Siya hihiwalay sa atin (“Hindi ako hihiwalay sa kanila upang gawan sila ng mabuti”), ipinangako Niya rin na ilalagay Niya sa atin ang puso na may pagkatakot sa Kanya, upang huwag tayong mahiwalay sa Kanya (“Aking ilalagay sa kanilang puso ang pagkatakot sa Akin, upang huwag silang humiwalay sa Akin.”)! Muli, ito’y isang pangako, at ito’y gawa ng Diyos. Kanyang inilagay sa puso ng bawat Kristyano ang pagpapatuloy sa banal na pagkatakot sa Kanya na sisiguruhin ang kanilang pananatiling matapat sa Kanya! Ito ang Biblikal na seguridad, at ito’y malaki ang kaibahan sa “minsang ligtas, laging ligtas” na madalas na tinuturo sa panahon natin. Ang seguridad ay hindi lamang para “makuha ang kaligtasan,” pagkatapos ay mabubuhay sa kasa-lanan at tutungo pa rin sa langit. Hindi rin ito pagkulong sa kwarto para mabago at hindi makalabas, wasakin man natin ang pintuan para makatakas. Walang pipigil sa labas para hadlangan ang isang Kristyano mula sa panunumbalik niya sa da-ting buhay: “Kung kanilang naalala ang kanilang pinanggalingan, nagkaroon sana sila ng pagkakataong makabalik. Ngunit sila ay nagnanais ng isang higit na mabuting lupain, samakatuwid ay ang makalangit. Kaya't ang Diyos ay hindi na-hihiyang tawaging Diyos nila, sapagkat kanyang ipinaghanda sila ng isang lun-sod.”2 Gusto mo bang bumalik sa kamunduhan? Ikaw ay malayang gawin iyon—walang pipigil sa iyo! Pero kung ikaw ay isang Kristyano, ang magbalik ay hindi mo nanaisin. Paano, dahil ba ikaw ay nabigyan ng isang puso na nagmamahal at natatakot sa Diyos? Umaagos ang seguridad ng isang mananampalataya mula sa kalikasan ng Bagong Tipan. Ang malaking “kamalian” ng Lumang Tipan sa mga tao ay “hindi na magpapatuloy” sa mga ito.3 Ang Bagong Tipan ay nagtatag ng tiyak na solusyon sa sitwasyong ito. 11 Juan 2:4 2Hebreo 11:15-16 3Hebreo 8:7-9

BAGONG PUSO

Inilagay ng Diyos ang Kanyang kautusan sa loob natin.1 Sa Bagong Tipan,

inilagay na Diyos sa ating mga puso ang pagmamahal sa Kanya na nagdulot sa

atin para magtapat at makinig sa Kanyang mga babala.

Noong araw ng Paskua, ang mga kabataan sa Israel ay binalaan na wala

sa kanila ang dapat lumabas ng bahay hanggang umaga, sa halip manatiling

magtago sa dugo. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nila pinansin ang baba-

lang ito? Sila’y tiyak na mapapahamak! Ngunit ang katotohanan ay, hindi nila

binayaan ang babala! Sila’y takot na lumabas, kaya sila’y nanatili sa loob ng

bahay hanggang umaga, at wala sa kanila ang napahamak. Ito’y gayon sa bawat

Kristyano. Purihin ang Panginoon!

1Hebreo 8:10

69 68

Kabanata Walo

Bagong Silang

Ayon sa Bibliya, ang bawat Kristyano ay isang naglalakad na milagro!

Siya ay bagong tao na may bagong puso. Sa madaling salita, siya ay bagong

nilalang! Ngunit ang “panibagong” kapanganakan ay hindi natatapos roon. Ang

muling kapanganakan ay isang bagong silang rin.

Bagong Silang

“Sumagot sa kanya si Jesus, ‘Katotohanang sinasabi ko sa iyo, malibang ang

isang tao'y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.'

Sinabi sa kanya ni Nicodemo, ‘Paanong maipapanganak ang isang tao kung

siya'y matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa tiyan ng kanyang ina, at

ipanganak?’ Sumagot si Jesus, ‘Katotohanang sinasabi ko sa iyo, malibang ang

isang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kahari-

an ng Diyos. Ang ipinanganak ng laman ay laman at ang ipinanganak ng Espiritu

ay espiritu. Huwag kang magtaka na aking sinabi sa iyo, 'Kailangang kayo'y

ipanganak na muli.' Humihihip ang hangin kung saan nito ibig at naririnig mo ang

ugong nito, ngunit hindi mo nalalaman kung saan ito nanggagaling at kung saan

tutungo. Ganoon ang bawat isang ipinapanganak ng Espiritu.” Juan 3:3-8

Sa bahaging ito ng Kasulatan, makikita ang ilan sa mga pinakamaganda

at mga salitang nagtuturo sa atin na sinalita ng Panginoon Jesu-Cristo. Dito’y

ating matututunan na para maging Kristyano ay dapat na “isilang” sa ikalawang

pagkakataon! Sa pamamagitan ng paglalarawan ng muling kapanganakan sa

mga terminong ito, ang ating Panginoon ay tumuon sa ilang mahahalagang

aspeto nito.

Ang Bagong Silang ay Radikal Wala ng mas lalawak o may lalaki pa na implikasyon para sa atin person-

al kaysa sa pagsilang at ang ibinigay sa atin! Nung tayo’y ibinigay at maisilang,

tayo’y nagpasimulang mabuhay at mamuhay sa natural na kaharian, at wala ng

tutulad pa sa atin muli—magpakailanman! Ito’y sa espirituwal na kaharian: Nung

tayo’y “isilang muli,” nagpasimula tayong mabuhay at mamuhay sa espirituwal na

mundo, at para sa lahat ng walang hanggan wala ng tutulad pa sa atin muli!

Aleluia!

71

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Para maging “isinilang muli” ay magsimulang mabuhay. Sa madaling salita, ang bagong silang ay hindi nadagdag sa ating buhay; ito ay buhay! Tayo’y magsisimulang mabuhay! Sa ibang salita, para maging “isinilang muli” ay hindi may kinuha ka na anuman na wala ka dati; ito’y para maging sinuman na hindi tayo dati. Ang muling pagsilang ang pinaka ugat ng ating buhay bilang mga Kris-tyano.

Ang Bagong Silang ay Tunay na Pagsilang Ang bagong silang ay hindi gaya ng pagsilang; ito ay pagsilang! Masdan ang mga salita ng Panginoon sa v.6: “Ang ipinanganak ng laman ay laman at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu.” Ang bagong silang ay tunay na pagsilang. Tulad ng sa laman ay isinilang sa pisikal, kaya ang sa espirituwal ay isinilang sa espirituwal! “Ang ipinanganak...ay espiritu.” Sa pagsilang na ito, ang Diyos ang siyang ama natin; tayo’y “ipinanganak ng Diyos.” “Ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala, sapagkat ang kanyang binhi ay nananatili sa kanya at hindi siya maaaring magkasala, sapagkat siya'y ipinanganak ng Diyos.”1 Sinasabi sa atin ni Juan na ang “binhi” ng Diyos [Gk. sperma] ay mananatili sa mga ipinanganak ng Diyos. Sa mga salita ni Pedro, tayo’y “naging kabahagi sa likas ng Diyos.”2 Ang gayong termino ay napakalinawag na hindi tayo magtatangka na gamitin ito na direktang katuruan ng Salita ng Diyos. Ang realidad ng bagong silang ay maraming implikasyon: Una sa lahat, ipinapakita sa atin kung bakita ang isang tunay na Kristyano ay hindi mabubuhay sa kasalanan. Sinasabi sa atin ni Juan sa talata na binanggit sa itaas na ang Kristyano “hindi patuloy na magkakasala.” (Tignan ang Apendiks B.) Ang dahilan kung bakit hindi magpapatuloy ang isang Kristyano sa pagkakasala ay makikita sa kanyang bagong silang at ang likas na katangian na nanahan sa kanya: “Ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala, sapagkat ang kanyang binhi ay nananatili sa kanya at hindi siya maaaring magkasala, sapagkat siya'y ipinanganak ng Diyos.” Ang Kristyano ay may likas ng Diyos sa kanya at kaya hindi makakatayo para mabuhay sa dating buhay. Sinumang tunay na mananampalataya na nagsusubok na bumalik sa dati ay makikita niya sa huli na hindi niya magagawa. Ang kasalanan ay labag sa kanyang likas; kamumuhian niya ito. Pangalawa, matututunan natin mula sa realidad ng muling pagsilang kung paanong makikita (i.e., isipin) ng bawat Kristyano ang kanyang sarili. Ang Kristy-ano ay hindi na isang makasalanan,3 Kundi isang banal.4 Muli, ito’y hindi nangan-gahulugan na ang Kristyano ay hindi na magkakasala, o ang kasalanan ay hindi mang-aakit sa kanyang laman, ngunit ang kanyang tunay na likas—kung ano ang tunay na nasa loob—iniibig ang Diyos ang kabanalan. Ito ang tunay na kalagayan na makikita sa bawat tunay Kristyano ramdam ang miserable at hapis kapag nak-agagawa ng kasalanan. 11Juan 3:9 22 Pedro 1:4 3Lucas 6:32-34 41 Corinto 1:2; Efeso 5:3

BAGONG SILANG

Bakit miserable? Tiyak dahil ang kanyang tunay na likas ay para ibigin ang kaba-

nalan!

Minamahal! Huwag mong hayaan na ang diyablo’y magsabi sa iyo na

ikaw ay walang halaga at masamang Kristyano. Ikaw ay anak ng Diyos—”banal

at minamahal”1 sa kanyang paningin! Ang Kanyang likas (“binhi”) ay nasa iyo, at

dala mo ang anyo ng pamilya! Ang bagong silang ay isang tunay na pagsilang.

Ang Bagong Silang ay May Kapangyarihan Ang bagong silang sa huli ay dumedepende sa kalooban ng Diyos, hindi

sa kalooban ng tao. Lahat ng isinilang muli “ay ipinanganak hindi sa dugo, sa

kalooban ng laman, o sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos.”2 Nilinaw ito ng

Panginoong Jesus sa v.8: “Humihihip ang hangin [Gk. pneuma: hangin, Espiritu,

hininga] kung saan nito ibig.”

Ang hangin ay humihihip kung saan nito ibig! Walang sinuman ang ma-

mamatnubay rito o kokontrol rito o maghihinto rito mula sa paghihip. Gayon pa

man ang Espiritu ng Diyos ay humihihip saan Niya ibig. Ibig sabihin nito ang

walang katiyakan na tao ay maaaring maligtas. Maging ang pinakamatigas na

puso maging ang pinakamatigas ang ulo ay maaaring pigilan ng hihip ng hangin.

Kung merong isang tao na sa sinaunang iglesya na kilala mo na hindi mababa-

go, ito’y si Saul ng Tarso. Ngunit ang mga bagay na imposible sa tao ay posible

sa Diyos!3 Isang bugso ng Espiritu ng Diyos at ang tao na dating “may masidhing

pagbabanta ng kamatayan”4 laban sa mga mananampalataya na naging maamo

at mababang alagad ni Cristo, tanong niya, “Anong gagawin ko, Panginoon?”5

Ang bagong silang ay palaging makapangyarihang gawa ng Diyos:

“bawat isa na naisilang ng Espiritu.” Bakit kaya ako’y Kristyano at ang aking ka-

pitbahay ay hindi? Mayroong dalawang posibilidad: Maaaring ang paliwanag ay

nasa sa tao (“ako’y matugon; hindi matigas ang aking puso; kusa kong nahanap

ang Diyos”), o ang paliwanag ay nasa Diyos (“Pinili Niyang ‘humihip’ sa pama-

magitan ng Kanyang Espiritu, pinalambot ang aking matigas na puso at pinatu-

gon ako sa Kanyang tawag”). Ang Biblia ay napakalinaw na ang ikalawa ay ang

tama: “Kaya ito ay hindi ayon sa kalooban o pagsisikap ng tao, kundi ayon sa

habag ng Diyos.”6 Sa ating likas na katayuan, “wala ni isang humahanap sa

Diyos.”7 “Ngunit ang Diyos, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kanyang

malaking pag-ibig sa atin, maging noong tayo'y mga patay sa pamamagitan ng

ating mga pagsuway, binuhay niya tayo kay Cristo.”8

1Colosas 3:12 22Juan 1:13 3Lucas 18:27 4Gawa 9:1 5Gawa22:10 6Roma9:16 7Roma 3:11 8Efeso 2:4-5

73 72

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Sa “mga tuyong buto,” sa Ezekiel, “sabi ng Panginoong DIYOS: Aking papapasu-kin ang hininga sa inyo, at kayo'y mabubuhay.”1 Ang tanging rason kaya ang sinuman sa atin ay isang Kristyano ay ang Hangin ng Diyos ay makapangyarihang humihip sa ating mga puso. Ako’y walang ideya nang ako’y magising sa araw ng aking pagbabagong-loob na sa oras ng aking paghiga ako’y magiging isang bagong nilalang kay Cristo Jesus! Hindi ko “hinahanap ang Diyos”; ang Diyos ay wala sa aking isipan; “walang takot sa Diyos sa kanilang mga mata.”2 Ngunit sa pagtatapos ng araw ay isang hayag na mil-agro, at sa gabi, ako’y pumunta sa higaan na puspos ng kapayapaan na “hindi maabot ng pag-iisip,”3 at ang kaligayahan na “hindi maipaliwanag at puspos ng kaluwalhatian.”4 Ang hangin ay humihihip kung saan nito ibig! Aleluia!

Ang Bagong Silang ay Alam Ang gawa ng Banal na Espiritu sa muling kapanganakan ay alam lagi: “Ang hangin ay humihihip kung saan nito ibig at naririnig mo ang ugong nito.” (v.8) ang Hangin ay laging may galaw, buhay, enerhiya, ugong. Ang galaw na ito ay darating sa isang klase ng isang malakas na hangin na pantay ang lahat nitong landas, o ito’y maaaring dumating sa isang klase ng isang marahang simoy ng hangin na magpapagalaw sa isang dahon sa sanga, ngunit may galaw palagi. Kung walang galaw, walang hangin.

Sinong nakakakita sa hangin? Hindi ako hindi ikaw:

Ngunit kapag ang mga dahon ay nanginig Ang hangin ay dumaraan.

Sinong nakakakita sa hangin?

Hindi ako hindi ikaw: Ngunit kapag ang mga puno ay yumuko

Ang hangin ay dumaraan. Christina Rossetti

Kaya ito’y kasama ang Espiritu ng Diyos. Ang galaw ng Espiritu ng Diyos ay malinaw na lalabas ang epekto nito. Minsan ang Banal na Espiritu’y dumarat-ing bilang isang malakas na bugso sakop ang tatlong libo sa isang araw.5 1Ezekiel 37:1-10 2Roma 3:18 3Filipos 4:7 41Pedro 1:8 5Gawa 2:37-41

BAGONG SILANG

Minsan Siya’y dumarating bilang isang marahang simoy na magbubukas sa puso

ng isang tao para tumugon sa ebanghelyo.1 Ngunit ang galaw ng Espiritu ay

alam lagi: “Ganoon ang bawat isang ipinapanganak ng Espiritu.” Ang epekto ng

dakilang gawa ay nakikita sa buhay ng bawat tunay na Kristyano.

Ang Bagong Silang ay Mahiwaga

Ang bagong silang ay mahiwaga: “Hindi mo...nalalaman kung saan ito

nanggagaling at kung saan tutungo.” Muli, ang mahiwagang elementong ito ay

walang pagbabago sa bagong kapanganakan: “Ganoon ang bawat isang ipina-

panganak ng Espiritu.”!

Ito’y isang napakagandang bagay: “Hindi” natin “nalalaman” kung sino

ang susunod! Ang Banal na Espiritu ay isang Persona, at hindi natin masasabi

kung paano Siya gagawa. Maaari Niyang iligtas ang isang kaluluwa, o maaari

Niyang iligtas ang tatlong libo. Silang nagbebenta ng ebanghelyo sa pamamagi-

tan ng “ebanghelismo telepono” ay kayang sabihin kung ilan, na ang sampung

porsiyento’y “magdedesisyon.” Ang gayong pagsasabi ay patunay lamang: Ang

mga “nagbalik-loob” ay produkto ng sikolohiya; sila’y ay hindi gawa ng Espiritu

ng Diyos! Ang bagong silang ay mahiwaga!

1Gawa 16:14

75 74

Kabanata Siyam

Bagong Likas

“Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na lumalapit sa inyo na may damit

tupa, ngunit sa loob ay mga ganid na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanil-

ang mga bunga. Nakakapitas ba ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa

mga dawagan? Gayundin naman, ang bawat mabuting puno ay mabuti ang

bunga, ngunit ang masamang puno ay masama ang bunga. Hindi maaaring

mamunga ng masama ang mabuting puno at mamunga ng mabuti ang masa-

mang puno. Bawat puno na hindi mabuti ang bunga ay pinuputol, at itinatapon sa

apoy. Kaya't makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.”

Mateo 7:15-20

Ayon sa mga talatang ito, ang muling kapanganakan ay hindi lamang

bagong silang, ngunit maging pagkakaloob ng bagong katangian. Makabuluhan

na ang salitang “likas”ay hindi ginamit sa talata, kahit na ang konsepto ay na-

roon. Ito ay dahil ang ating “likas” ay hindi isang bagay na “mayroon” tayo, kundi

isang paglalarawan kung sino tayo. Ang tamang konsepto ng “likas” ay nakita sa

salita ng Panginoon tungkol sa dalawang uri ng puno — mabuting puno at masa-

mang puno. Ang mga simpleng salitang ito ay puno ng maluwalhating utos

tungkol sa katotohanan ng muling kapanganakan. Apat na pangunahing katoto-

hanan ay agad na malinaw dito:

Mayroon Lamang Dalawang Uri ng Puno

Ayon sa Panginoong Jesu Cristo, ang puno ay maaring “mabuti” o

“masama”. Bawat tao ay maaring “tinikan” o “ubasan”, “igos” o “dawagan”. Wa-

lang hating grupo — kalahating igos at kalahating dawagan. Kahit pa ating

makita sa mga talatang ito ang anumang uri ng “tambalan”. Sapagkat ang

magkaroon ng “dalawang likas” ng sabay ay hindi posible upang maging puno ng

tinikan at ubasan ng sabay! Ang bawat tao ay maaring ganito o gayon.

Bunga ng Puno Ayon sa Kanyang Likas

“Gayundin naman, ang bawat mabuting puno ay mabuti ang bunga,

ngunit ang masamang puno ay masama ang bunga.” (v.17) Sa madaling salita,

ang uri ng bunga ay dumadaloy mula sa uri (“likas”) ng puno. Ang ubasan ay

nagbubunga ng ubas, ang tinikan ay nagbubunga ng tinik. Bigyang pansin ang

katiyakan ng pahayag ng Diyos:

77

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Bawat mabuting puno ay nagbubunga ng mabuting bunga,” Minamahal na mam-

babasa, huwag kayong padaya sa mga salitang walang katuturan1 at huwag

kayong padaya sa inyong mga sarili ng pag-iisip na “ang ibang mabuting puno ay

nagbubunga ng masamang puno.” Ayon sa Panginoong Jesu Cristo ito’y hindi

mangyayari! Kahit na ang Kristiyano ay nagkakasala at natitisod sa maraming

paraan,2 ang kanyang buhay ay hindi maiiwasang magtangi ng mabuting bunga,3

hindi ng “tinikan at dawagan.”4 Maliban na lamang kung may pangamba tungkol

rito, ang Panginoon ay pinapahayag ito na may diin at katiyakan sa v.18: “Ang

mabuting puno ay hindi magbubunga ng masamang bunga, maging sa masa-

mang puno na magbunga ng mabuting bunga.”

Bilang ang mabuting puno ay hindi magbubunga ng masamang bunga,

ating natutunan sa v.18 na hindi posible sa isang taong hindi pa naisilang na muli

ang magbunga ng mabuti. Ang mansanas ay maaring itali sa puno ng tinikan,

ngunit ito’y hindi maaring magbunga ng gayon. Hindi maaring dumaloy ang likas

na mansanas sa puno ng tinikan. Sa v.19 sinabi sa atin ang kapalaran ng bawat

puno na hindi nagbubunga ng mabuti: “Bawat puno na hindi mabuti ang bunga ay

pinuputol, at itinatapon sa apoy.”

Ang Bunga ng Puno ay Nagpapahayag ng Kanyang Likas

Ang bunga ay hindi para gawing puno ang isang bagay, ang bunga ay

nagpapahayag kung anong uring puno ito. Ang Panginoong Jesus ay nagtalaga

ng pangkalahatang prinsipyo sa Kanyang babala tungkol sa mga bulaang prope-

ta, “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.” (v.16) Siya ay nagpatuloy sa

pagtuturo patungkol sa “mabuting puno” at “masamang puno” at nagtapos sa pag

-uulit ng dakilang katotohanang sa v.20: “Kaya't makikilala ninyo sila sa kanilang

mga bunga.”

Ang bunga ay hindi para gawing puno ang isang bagay: Walang naging

ubasan sa pagtatangkang gumawa ng ubas! Tanging ang himala mula sa Diyos

ang makapagbabago sa kung anong hindi tayo. Sa kabaligtaran, ang bunga ng

puno ay nagpapahayag kung anong puno tayo: Ang produkto ng ubas ay ebiden-

sya na ang himalang ito ay mula sa Diyos na nangyari na.

Itong prinsipyong ay kasiya-siyang ilustrasyon ng salita ng Diyos sa mga

Judio sa Juan 8:47: “Ang mula sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos. Ang

dahilan kung bakit hindi ninyo pinakikinggan ang mga ito ay sapagkat kayo'y hindi

mula sa Diyos.” Ang iniisip ng karamihan na ang tugon natin sa “salita ng Diyos”

ang gumagawa sa atin na mapabilang “sa Diyos.”Ang sinabi ni Jesus ay kabalig-

taran. Ito ay dahil tayo’y “sa Diyos” na tayo’y tumugon ng tama sa “salita ng

Diyos.”

1Ephesians 5:5-6 2James 3:2 3John 15:16 4Hebrews 6:8

BAGONG LIKAS

Gaya ng katotohanang nakita sa Juan 10:26-27: Subalit hindi kayo naniwala,

sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Pinapakinggan ng aking mga

tupa ang aking tinig, at sila'y aking kilala, at sila'y sumusunod sa akin.” Muli,

nilinaw ng Diyos na ang tao’y hindi naging tupa sa pananampalataya, tulad ng

marami, ngunit sila’y nanampalataya sapagkat sila’y tupa! Dakilang himala! Ang

kapanganakang muli ay nagbibigay ng bagong likas!

Ang Masamang Puno ay Makikilala Salungat sa popular na opinyon, posibleng malaman ang tunay at huwad

na mananampalataya. Ang Panginoong Jesu Cristo ay nagbibigay sa atin ng

katiyakan sa talatang nabanggit sa itaas: “Makikilala ninyo sila.” (v.16) “Sa

gayon, makikilala ninyo sila.” (v.20) Sa katanungan, “Paano naming makikilala

sila?” ang sagot ng ating Panginoon ay simple at malinaw: “Sa kanilang mga

bunga.”

Ito’y hindi nangangahulugang tayo’y makapaglalakad sa Kristiyanong

pagtitipon at sa loob ng limang minuto ay makikilala agad lahat ng mga tunay na

mananampalataya. Kadalasan, ang mga agad na nagpapakitang malakas at

tunay ay nahuhulog. Gayunman, ang mga binago na sa una’y mahina at kahina-

hinala ay madalas na natatagpuang malakas at hindi natitinag at patuloy na

lumalakad kasama ng Diyos makalipas ang dalawampung taon. Ang oras ay

dapat sumubok sa kadalisayan ng pananampalataya. Gayunman, ang katoto-

hanan ay mananatiling nakatayo, ngayunman o hindi — at marami pang

panahon — ang huwad na mananampalatay ay makilala: “Kaya't nang sumibol

ang mga halaman at namunga ay lumitaw rin ang damo.”1

Ang isang talata na nabanggit sa anumang talakayan tungkol sa tunay

na pagbabago ay, "Huwag humatol upang hindi kayo mahatulan.” (Mateo 7:1)

Madalang sa tao ang magbanggit ng talatang ito ng hindi matanto na sinabi ito

ng Panginoon bago ang Kanyang pahayag tungkol sa pagkilala sa tao ayon sa

kanilang bunga. (v.16) Ang utos na huwag “manghusga” ay hindi maaaring mag-

ing utos na huwag “sumuri.” Sa katotohanan, ang ating Panginoon ay nagbabala

sa atin sa v.6, "Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga banal na bagay; at

huwag kayong magtapon ng inyong mga perlas sa harap ng mga baboy.” Paano

natin malalaman kung sino itong mga “aso” o “baboy” na ito, kung hindi tayo

“manghuhusga” sa pamamagitan ng pagsusuri? Ang totoo, ang Panginoong

Jesus ay nag-uutos sa atin na humusga, hindi “ayon sa panlabas,” ngunit “sa

matuwid na panghuhusga.” 2

1Mateo 13:26 2Juan 7:24

79 78

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang Mabuting Puno ay Sagisag ng Mabuting Tao

"O gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito o gawin

ninyong masama ang puno at masama ang bunga nito; sapagkat ang puno ay

nakikilala sa pamamagitan ng kanyang bunga. Kayong lahi ng mga ulupong!

Paano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masasama?

Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Ang mabuting tao ay

naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan, at ang

masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kanyang masa-

mang kayamanan.”

Mateo 12:33-35

Sa mga talatang ito ang apat na katotohanan ng Mateo 7:15-20 ay inulit

ng Panginoong Jesus gamit ang ibang termino. Sa karagdagan, ang ikalimang

katotohanan na pahiwatig sa Mateo 7 ay nakita ang buong pahayag dito: Ayon sa

Panginoong Jesu Cristo, sa pag-aaral, tama ang magsalita ang iba bilang

“mabuti” at ang iba’y bilang “masama.”

Kristiyano, “mabuting tao” ba ang tingin mo sa sarili mo? Iyan ay totoo, na

kung wala si Cristo wala sa sinuman satin ay mayroong kabutihan. Sa gayong

bagay, “Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.”1 Ngunit, minamahal, hindi tayo

hiwalay sa Cristo! Ang Bibliya ay isinalarawan si Barnabas bilang “mabuting tao”,

at puspos ng Banal na Espiritu at pananampalataya.”2 At si Pablo ay nagsasalita

sa Kristiyano sa Roma ng “punong puno ng kabutihan.”3 Kung ang ating teolohiya

ay walang lugar para sa gayong linggwahe, iyon ay hindi Biblikal na teolohiya.

Ang Diyos ay gumawa ng milagro sa puso ng bawat Kristiyano! Ang kapan-

ganakang muli ay nagbibigay ng bagong (mabuti!) likas.

1Marcos 10:18 2Gawa 11:24 3Roma 15:14

80

Kabanata Sampu

Pagpako sa Krus at Muling Pagkabuhay

“Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy ba tayo sa pagkakasala upang

ang biyaya ay sumagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga namatay

na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa roon? O hindi ba ninyo

nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay mga

nabautismuhan tungo sa kanyang kamatayan? Kaya't tayo ay inilibing na

kasama niya sa pamamagitan ng bautismo tungo sa kamatayan; na kung

paanong si Cristo ay muling nabuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng

kaluwalhatian ng Ama, gayundin naman tayo'y makakalakad sa panibagong

buhay. Sapagkat kung tayo'y naging kasama niya na katulad ng kanyang

kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo sa kanyang muling

pagkabuhay. Nalalaman natin na ang ating dating pagkatao ay kasama ni-

yang ipinako sa krus, upang ang katawang makasalanan ay mawalan ng

bisa, at upang tayo'y hindi na magpaalipin pa sa kasalanan.”

Roma 6:1-7

“Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si

Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa

laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng

Diyos na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng kanyang sarili dahil sa akin.”

Galatia 2:20

Marami na ang nakabasa sa mga talatang ito at sinubukang ilarawan

ang kanilang sarili na nakapako sa krus sa nakalipas na dalawang libong

taon. Ang iba ay nagsasabi ng “posisyonal” na katotohanan — uri ng mala-

aninong kahariang paniwala sa mga bagay na hindi tunay na totoo ay tunay

na “positional.” Ito’y kapag ating nakita na ang mga talata ay tunay na mati-

bay na kung anong nangyari sa muling kapanganakan na mayrong ka-

hulugan para sa atin.

Totoo na ang bawat benepisyo ng mananampalatayang tumatanggap

ay binili dalawang taon ng lumipas sa Kalbaryo, Noong si Jesus ay namatay

at muling nabuhay bilang ating representante. Ngunit ang mga benepisyong

ito’y naging ating realidad at tanging karanasan bilang napagkaisa kay Cristo

sa muling kapanganakan. Si Pablo’y nagsasabi ng muling kapanganakan sa

Roma 6 ay malinaw na kanyang tinukoy sa mga mananampalataya bilang

“buhay mula sa mga patay” (v.13) at ngayo’y “makakalakad sa panibagong

buhay.” (v.4) Parehas sinabi sa Galatia 2:20. Ito’y panahon nang muling ka-

panganakan ni Pablo na ang dating Saul “hindi na nabubuhay” at naging si

83

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Cristo na ang “nabubuhay” sa bagong Pablo.

Masdan na ayon sa Roma 6:2-7, lahat ng mga mananampalataya ay

napako, nalibing, at nabuhay kay Cristo sa biyaya ng kanilang pagkakaisa sa

Kanya. Ang pagkapako ni Cristo ay tumangan sa oras ng ating muling kapan-

ganakan. Ito’y hindi naunang estado ng espiritwalidad na nakita, kundi

kumpletong realidad na ibinilang. (v.6) Bawat tunay na Cristiano’y magsasabi kay

Pablo, “Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si

Cristo ang nabubuhay sa akin.”

Pagpako sa Krus at Muling Pagkabuhay

Ano ang muling kapanganakan? Ito ay ang bagong kapanganakan ng

bagong pagkatao na bagong nilalang na may bagong puso at bagong likas!

Ngunit meron pa: Ito ang pagpako sa krus, kamatayan, at paglibing sa ating lu-

mang sarili (ang ating lumang pagkatao ay tulad ng kay Adan) at pagkabuhay sa

ating bagong sarili (ang ating bagong pagkatao ay tulad ng kay Cristo) na

“lumalakad sa panibagong buhay.”

Kristyano, ano ang ibig sabihin sa iyo ng “lumang pagkatao” ay napako,

namatay, at nalibing? Ibig sabihin ng luma— “ikaw” - dating ikaw—ay wala na.

Hindi ka na kailanman magiging gayon. Karamihan sa inyo na bumabasa nitong

mga linyang ito ay hindi kailanman kilala ang dating Charles Leiter, at ako’y

nagpapasalamat dahil hindi mo malalaman, dahil ang taong iyon ay patay at wala

na. Sa pamamagitan ng kanyang pagkakaisa sa nabuhay na Cristo siya’y “buhay

mula sa mga patay,”1 at dahil siya’y buhay, kaya niya na ngayong lumakad sa

panibagong buhay!

Iba sa kung ano ang madalas na naituro, ang Bibliya ay hindi kailanman

nagrepresenta nang ating lumang pagkatao at nananatili roon—kahit pa sumisipa

at nahihirapan sa Krus o nagtatago sanman sa atin. Ang dating pagkatao ay

patay, nalibing, at wala na. “I (dati kong sarili, ang dating ako) ay ipinako kasama

ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay.”

Sa linaw ng mga katotohanang ito, mabilis na katanungan ang uusbong:

“Kung lahat ng ito ay totoo, bakit marami parin akong problema sa kasalanan?”

Ang sagot sa katanungang ito ng Bibliya ay, hindi sa “dating pagkatao” na nawala

na, kundi ang sa “laman” na siyang nananatili pa sa atin. Ang Kristyano ay may

patuloy na laban sa kasalanan dahil mayrong isang aspeto sa kanyang personali-

dad na hindi pa natutubos—ang laman. Ang laman ang hindi pa natutubos sa

ating pisikal na katawan kung saan ang kasalanan ay nananatiling hayag. Ang

kasalanan ay nananatiling nagsisikap na “maghari” sa “katawang may ka-

matayan” ng isang Kristyano.2

1Roma 6:13 2Roma 6:12

PAGPAKO SA KRUS AT MULING PAGKABUHAY

Ang Bagong Tipan ay tinukoy ang laman bilang “ating katawang makasa-

lanan,”1 “ang katawang ito ng kamatayan,”2 at ating “katawang may kamatayan.”3

Sa kontekstong ito, mga kasalanan (lahat ng mga kasalanan, kahit

“pangkaisipang” mga kasalanan) ay tunay na sinabi bilang “mga gawa ng

laman”4 at ang mga Kristyano ay hinihikayat na “patayin” “ang anumang maka-

lupa na nasa inyo”!5 Ito’y hindi nangangahulugan na ang katawan mismo ay ma-

kasalanan. Si Pablo’y may kahangahangang pahayag sa 1 Corinto 6 na ang

katawan ay “para sa Panginoon, at ang Panginoon ay para sa katawan.”6 Ito’y

saktong kabaligtaran ng ideya sa Griyego na ang katawan ay “nakakulong sa

bahay ng kaluluwa.” Gayon pa man, ang Bibliya ay malinaw na pinresenta ang

katawang may kamatayan ay hindi pa natutubos kung saan ang kasalanan ay

nananatiling nagsisikap maghari.

Bilang mga Kristyano, tayo’y nananatiling naghihintay para sa katubusan

ng ating mga katawan7 sa pagdating ng Panginoon. Kapag naganap ito, tayo’y

magiging kumpletong makaliligtas mula sa lahat ng kasalanan. Ngunit, sa nga-

yon, may dalawang napaka-importanteng katotohanan na kailangan nating

maintindihan.

Bagong Pagkakilanlan

Ang una sa mga ito ay mayroon tayong bagong pagkakakilanlan. Bilang

Kristiyano, tayo’y binuhay mula sa mga patay, pinatayo upang lumakad sa pani-

bagong buhay. Iyan ang tunay na kung sino tayo, at kung ano tayo makalipas

ang sampung libong taon! Ang laman ay hindi ang tunay na ating pagkatao. Ito

ay panlabas at panandaliang aspeto ng ating buong pagkatao, at ito’y na-

katalaga na masira balang araw. Sa maikling panahon ang ating katawan ay

tutubusin at ang mga sagabal sa ating laman ay mawawala magpakailanman.

Ang katotohanan na tayo “binuhay mula sa mga patay” ay madalas tunay

na nararamdaman mula nung tayo’y nagbalik sa Diyos. Habang lumilipas ang

panahon, kahit, at inumpisahan nating mapagtanto kung gaano kasama pa rin

ang nananatili sa ating laman at kung gaano kalaki ang ating kabiguan bilang

mga Kristiyano, karaniwan sa atin na magsimulang kalimutan ang salitang

“panibago.” Wala nang mas sasama pa upang sabihin natin sa ating saril na —

tayo ay “napakarumi,” “kaawa-awa,” “miserable.” Kung saan lubos na imposible

para sa atin “iharap ang ating sarili sa Diyos” na may kasiyahan at kompiyansa:

“Panginoon, masaya kong inihaharap ang aking sarili Sayo — kaawa-awa,

nakarumi at puno ng kasiraan — upang maglingkod Sayo ng may kasiyahan at

kompiyansa ngayon.” Hindi kailanman!

1Roma 6:6 2Roma 7:24 3Roma 6:12 4Roma 8:13 5Colosas 3:5; Roma 6:13 61 Corinto 6:13 7Roma 8:23

85 84

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ngunit hindi ito ang pananaw ni Pablo sa ibang Kristiyano! Sa halip, si Pablo ay

hinihikayat tayo na “iharap ang ating sarili sa Diyos bilang buhay mula sa mga

patay, at ang ating miyembro bilang instrumento ng katuwiran sa Diyos.”1 Krisi-

yano, ikaw ay “bago” lamang ngayon at “buhay mula sa mga patay” mula nung

araw ng iyong katubusan! Ang kasamaan ng iyong laman ay mahirap ilarawan,

ngunit ang laman ay hindi ang tunay na ikaw, at sa maikling oras hindi ka na ga-

gambalain pa nito! Magtapat ka nga iyong kasalanan sa Panginoon, tanggapin

mo ang kanyang kapatawaran at paglilinis, at humarap ng sa Kanya — nang may

kasiyahan at kompiyansa — ngayon din, upang ikaw ay makapaglingkod sa

Kanya ng may “bagong buhay” na nasa iyo si Cristo.

Bagong Kapangyarihan

Ang pangalawang katotohanan na dapat nating matanto ay mayroon

tayong bagong kapangyarihan. Hindi lamang may bagong pagkakakilanlan ang

Kristiyano, siya rin ay may kakayahan na humiwalay sa kasalanan. Kahit na ang

ating “mortal katawan” ay hindi pa natutubos, at ang kasalanan ay patuloy na

sumusubok “maghari” sa mga ito, hindi natin dapat pahintulutang mangyari iyo:

“Kaya't huwag ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may ka-

matayan, upang masunod ang mga pagnanasa nito.”2 Hindi natin dapat

“hayaang” ang kasalanan ay maghari sa ating mortal na katawan!

Ang katiyakan ng pagtatagumpay ay inulit sa buong Bagong Tipan: Sa

Galatia 5, tayo’y pinaalalahanan na ang Banal na Espitiru mas makapangyarihan

kaysa laman. Kahit na ang laman ay “nagnanais ng laban sa Espiritu,”3 tayo ay

pinangakuan na habang tayo’y “lumalakad sa Espiritu,” “hindi tayo masisiyahan

sa nasa ng laman.”4

Muli, ang mga Kristiyano ay tiyak sa Roma 8 na mayroon silang ka-

pangyarihan “sa pamamagitan ng Espiritu” upang “patayin” ang kasalanan:

“Subalit kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng

laman, kayo ay mabubuhay.”5 At sa Roma 6 ay nagpapahayag ng parehas na

katotohanan. Halimbawa, sa talatang 6 ating natutunan na sa pamamagitan ng

pagkamatay ng ating lumang pagkatao, ang kapangyarihan ng laman na mamuno

sa atin ay nawasak na: “Sa pagkakaalam nito, na ang ating lumang pagkatao ay

napako kasama Niya, nang ang katawan ng kasalanan (ang laman) ay lumipas

[mapawalang kapangyarihan], upang tayo’y hindi maging alipin ng kasalanan.” At

sa talata 14 tayo ay tiniyak na “ang kasalanan ay hindi maghahari sa atin,

sapagkat tayo’y hindi na sa ilalim ng kautusan, ngunit sa ilalim na ng biyaya.”

1Roma 6:13 2Roma 6:12 3Galatia 5:17 4Galatia 5:16 5Roma 8:13

PAGPAKO SA KRUS AT MULING PAGKABUHAY

Pag-akap sa Katotohanan

Ang bawat Kristyano ay may bagong pagkakakilanlan at bagong ka-

pangyarihan. Ito’y mga katotohanan, maniwala tayo’t sa hindi. Paniwalaan ito’y

hindi magiging totoo, at hindi paniwalaan ito’y hindi magiging mali. Ang realidad

ay nabago ng ating maling pananaw rito. Kundi ang nabago ay ang ating kara-

nasan. Ayon sa Panginoong Jesu-Cristo, ang alamin at paniwalaan ang katoto-

hanan ay tunay na kailangan para sa ating kalayaan mula sa pagkaalipin sa

kasalanan. “Kung kayo'y mananatili sa aking salita, tunay ngang kayo'y mga

alagad ko. At inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang

magpapalaya sa inyo.”1 “Pabanalin mo sila sa katotohanan; ang salita mo ay

katotohanan.”2 Sa linaw ng mga kapahayagang ito, ito’y napaka makabuluhan na

si Pablo ay naggugol ng unang lima at isa’t kalahating kabanata ng kanyang

liham sa Roman sa paghain ng pundasyon ng katotohanan, at itong Roma 6:11

ang kauna-unahang literal sa kabuuang lihan na kanyang tinuruan ang kanyang

tagapakinig na may gawin! Nang unang dumating sa wakas ang paghimok na

ito, ito’y sumesentro sa paniniwala at pag-akap sa katotohanan: “Ituring (ibilang)

ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, ngunit mga nabubuhay sa

Diyos kay Cristo Jesus.”3 Ang “ibilang” ay hindi para magpanggap na may totoo

na alam nating wala; ang ibilang ay para tanggapin ang realidad anuman ito.

Ang kailangan para ating maunawaan at paniwalaan ang katotohanan

para lumago sa biyaya ang pinaka tema sa mga liham ni Pablo: “Huwag ninyong

tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago

ng inyong pag-iisip.”4 Ito’y hindi lamang kaisipan ay nabago—na ating nakita ang

realidad nito—na ating kayang “patunayan kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at

lubos na kalooban ng Diyos.”5 Parehas na sinabi ni Pablo sa Efeso 4 nang

kanyang hinimok tayo na “magbago sa espiritu ng inyong pag-iisip, at kayo'y

magbihis ng bagong pagkatao.” (v.23-24) Kapag ang Kristyano ay bumigay sa

kasalanan, ito’y laging resulta ng kanyang kabiguan na maniwala at gawin ang

katotohanan!

Muli, ang paraan ng Bagong Tipan sa pagtuturo ng paglago sa biyaya

ay, una: Unawain kung sino ka!6 (i.e., paniwalaan at yakapin ang katotohanan),

at pangalawa: Magpakatotoo ka!7 (i.e., tanggihan ang kasalanan at kusang ibigay

ang sarili sa katuwiran). Minamahal na Kristyano, hindi mo kailangang mabuhay

sa buhay na miserable at talunan! Hindi mo kailangang lakaran magpatuloy sa

karumihan ng kasalanan.

1Juan 8:31-32 2Juan 17:17 3Roma 6:11 4Roma 12:2 5Roma 12:2 6Roma 6:11 7Roma 6:12-13

87 86

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Hilingin sa Diyos na bukas ang iyong mga mata sa katotohanan!1 Yakapin sa

pamamagitan ng pananampalataya ang realidad kung sino ka talaga. Tapos,

tumindig sa kung ano ang ginawa Diyos sa iyo. “At huwag din ninyong ihandog

ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan bilang kasangkapan ng kasa-

maan tungo sa kasalanan, kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Diyos, na

tulad sa mga buhay mula sa mga patay, at ang mga bahagi ng inyong katawan

bilang kasangkapan ng pagiging matuwid tungo sa Diyos.”2 “Lumakad ka ayon sa

Espiritu, at huwag bigyang kasiyahan ang mga pagnanasa ng laman.”3 Magpaka-

totoo ka!

Natalong Kalaban

Minamahal na Kristyano, ang mga araw ng pagkakasala ay bilang sa

iyong buhay! Ang palakol ay nakalagay na sa mga ugat ng iyong kasalanan.

Tulad ng puno na naputol, ang dahon nito’y mananatiling berde panandalian, pero

ang katotohanan ang ang buhay nito’y wala na. Ito’y nakabase sa oras hanggang

sa ang dahon ay malanta at mahulog sa lupa!

Ang kasalanan ay natalong kalaban. Ang gyera laban sa kasalanan ay

nanalo na. Tulad ng pagtutol na minsan nagpapatuloy sa kawalan ng kaalaman

pagkatapos magkasundo na sumuko ay napirmahan na, kaya nagpapatuloy ang

kasalanan na lumaban sa ating buhay ng walang pagasa ng tagumpay. Yamang

ang mananampalataya’y kumplikado sa kasalanan na minsa’y matindi, ang huling

kalalabasan ay labanan sigurado.

Para sa mga Kristyano, ang kasalanan ay maagang tag-araw niyebe. Ang

gayong niyebe ay madalas bamabagsak maging sa mainit na klima, ngunit ito’y

tira lamang ng nakaraang taglamig. Sa isa o dalawang araw ito’y matutunaw at

mawawala, at ito’y walang kakayanang pigilan ang hindi matitinag na tag-init.

Kristyano, ang kasalanan ay hindi natataon lang sa iyong buhay! Kaya mong

labanan ito ng may kompiyansa ang tag-init, hindi taglamig, na palapit. Ang ilang

kasalanan na hanggang ngayon ay iyong hinaharap ay tanging bakas ng dating

ikaw; hindi na ito ang kapahayagan ng kung sino ka ngayon, at iyon ay balang

araw ay mawawala magpakailanman!

1Efeso 1:17-18 2Roma 6:13 3Galatia 5:16

88

Kabanata Labing-isa

Pagbabago ng Kaharian Mula sa Laman tungo sa Espiritu

Ating napag-aralan ang anim na Biblikal na pagpapahayag ng muling

kapanganakan, bawat isa ay nabigyan ng malawak na pananaw sa likas na

dakilang himala. Ano ang muling kapanganakan? Ito ay bagong nilalang,

bagong tao, bagong puso, bagong silang, at bagong likas. Ito’y pagpapapako

sa dating pagkatao at pagkabuhay ng bagong pagkatao. Ngunit ang muling

kapanganakan ay marami pa. Ito’y pagbabago ng kaharian:

Laman vs. Espiritu

“Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng

laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu.

Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng

Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay

pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng

Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa

Dios. Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y

tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang

Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.”

Roma 8:5-9

Malinaw sa mga talatang ito na ang muling kapanganakan ay

nangangailangan ng pagbabago ng kaharian. Ang hindi pa mananam-

palataya ay nabanggit bilang “mga ayon sa laman”; ang muling isinilang ay

“wala sa laman, ngunit sa Espiritu.” (Nakapanlulumo na pinalitan sa NIV ang

salitang “nasa laman” sa v.8-9 sa mga salitang “pinamamahalaan ng makasa-

lanang likas.” Ang Biblikal na pagsasalin dito ay nabigyan ng magarbong

teolohika.)

Ang mga Kristiyano ay ang wala na “sa laman”; sila na ay perma-

nenteng nanatili sa kaharian ng Espiritu. Minsan nasasabi ng Kristiyano ka-

pag sila’y nawawalan ng pagpipigil, “Ako ay nasa laman.” Sa katotohanan,

gayunpaman, ang Kristiyano ay hindi panandaliang “magiging sa laman”

kaysa panandaliang “maging hindi naisilang muli”!

91

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ano ang ibig sabihin ni Pablo nung kanyang sabihing ang hindi pa naisisi-

lang ay “nasa laman” at ang Kristiyano ay hindi na “nasa laman , ngunit sa Espir-

itu”? Ang sagot ay maaring ito: Ang likas na (hindi isinilang) tao ay naninirahan sa

kaharian o globo ng makalaman. Ang laman ay pinagmumulan at konteksto ng

kanyang buong buhay. Walang siyang alam patungkol sa Banagl na Espiritu;

siya’y buong nabubuhay sa pagiging makalaman. Siya’y naninirahan sa kaharian

ng glandula at kagustuhan ng laman, sa sasakyan o computer, sa sports o kaali-

wan, sa pagpapaganda o panlabas na anyo. “Sa gitna ng mga yaon, tayo rin

naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman,

na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong

mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba.”1 “Ang kanilang kahihinatnan ay

ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan

ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.”2

Ang hindi pa naisisilang ay maaring mayroong “relihiyon,” ngunit iyon, ay

makalaman. Si Pablo ay nagsabi nang makilala niya si Kristo “ayon sa laman.”3

Ito ang Kristo ng popular na relihiyosong imahinasyon, laging nagbabago sa lahat

ng oras. (Sa panahon natin ngayon Siya ay madalas na maputla, walang siglang

relihiyon na nabuhay ng mahaba at nakarating kung saan saan dala ang kordero.)

Hindi na kinilala ni Pablo si Kristo sa ganitong paraan, gayunaman. Sa katotohan-

an, hindi na niya kinikilala ang taong “ayon sa laman.” Bakit hindi? Ang sagot ay

ibinigay sa mga susunod na mga talata — si Pablo ay napasa-ibang kaharian!

“Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman;

bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na

namin nakikilala siyang gayon. Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y

bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang

naging mga bago.”4

Ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kaharian sa “laman” at “espiritu”

ay pumapailalim sa salita ng ating Panginoon sa Samaratinong babae sa Juan 4:

“Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito,

ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. Ang Dios ay Espiritu: at

ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at

sa katotohanan.”5 Kadalasan ay ginagami natin ang mga salitang ito upang ipali-

wanag na ang tao’y makasasamba sa Diyos kahit saan— kahit sa bundok na ito o

sa Jerusalem. Ito ay tiyak na totoo. Ngunit hindi sinabi ni Jesus “kahit…o”; sinabi

Niya “alinman….o”! Sa madaling salita, ang Panginoon ay hindi maaring samba-

hin sa kahariang ito; Siya’y nalalapitan lamang “sa Espiritu.” “Ang Diyos ay Espir-

itu, at sinumang sumamba sa Kanya’y dapat sumamba sa Espiritu’t katotohanan.”

1Efeso 2:3 2Filipos 3:19 32 Corinto 5:16 42 Corinto 5:16-17 5Juan 4:21-24

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA LAMAN TUNGO SA ESPIRITU

“Sapagka't tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangag-

mamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman.”1

“Sapagka't sa pamamagitan niya [Kristo] tayo'y may pagpasok sa isang Espiritu

rin sa Ama.”2 Ang mga Kristiyano ay “sa Espiritu.” May kakayahan sila na maka-

kita niyaong di nakikita.”3 at “makita….ang mga bagay na hindi nangakikita”!4

Dalawang Kaharian Lamang

Ang unang aral na dapat nating matutunan mula sa Roma 8:5-9 na si

Pablo ay may dalawang kaharian lamang sa kanyang isip. Ang tao ay maaring

“nasa laman” o “nasa Espiritu”; siya ay maaring muling isinilang o hindi isinilang.

Walang “kala-kalahati” pangatlong kaharian. Ang tao ay maaring

“makalaman” (hindi Kristiyano) o siya ay “espirituwal” (buhay sa kaharian ng

Banal na Espiritu—isang Kristiyano). Itong paghihiwalay sa dalawang bahagi ay

nakita sa 1 Corinto 2:14-16: “Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi

tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay

kahangalan sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay

nauunawaan sa pamamagitan ng espiritu. Ngunit nauunawaan ng taong espiritu-

wal ang lahat ng mga bagay, subalit hindi siya nauunawaan ng sinuman…

Subalit nasa amin ang pag-iisip ni Cristo.” Muli nakita natin dito na mayroon

lamang dalawang uri ng tao — ang “taong hindi ayon sa espiritu” (hindi isinilang)

at ang “espirituwal” na tao (isinilang muli)

Itong katotohanan ay nagbigay ng malawakang pang-unawa sa sinabi ni

Pablo sa susunod na apat na talata: “Subalit ako, mga kapatid, ay hindi maka-

pagsalita sa inyo na tulad sa mga taong espirituwal, kundi tulad sa mga makala-

man, tulad sa mga sanggol kay Cristo. Pinainom ko kayo ng gatas at hindi ng

matigas na pagkain, sapagkat hindi pa ninyo kaya ito. Hanggang ngayon ay hindi

pa ninyo kaya, sapagkat kayo ay makalaman pa. Sapagkat habang sa inyo'y

may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi ba kayo'y makalaman, at kayo'y

lumalakad ayon sa pamantayan ng mga tao? Sapagkat kapag sinasabi ng isa,

‘Ako ay kay Pablo,’ at ang iba, ‘Ako ay kay Apolos,’ hindi ba kayo'y mga

tao?” (Maling isinalin ng NIV ang salitang “makalaman” bilang “makamundo.”)5

Ano ang sinasabi ni Pablo dito? Kanyang sinasabi na ang mga taga-

Corinto ay (sa ibang paraan) mukhang naliligaw na tao. “Hindi ako maaring mag-

salita sa inyo bilang isang Kristiyano; Kailangan ko magsalita sa inyo tulad ng

‘tao sa laman.’ Kayo’y kumikilos gaya lamang ng tao. Kailangan mabago ang

inyong mga pag-iisip para mabatid kung sino talaga kayo.” Posibleng kumilos

tulad ng taong ligaw ang Kristiyano, lalo na kung siya’y “sanggol pa kay Kristo.”

1Filipos 3:3 2Efeso 2:18 3Hebreo 11:27 42 Corinto 4:18 51 Corinto 3:1-4

93 92

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

ngunit ito’y hindi dapat mangyari sa isang tunay na Kristiyano na siya’y mabuhay

bilang naliligaw! Salungat sa popular na katuruan, si Pablo ay hindi gumagawa ng

permanenteng pangatlong kategorya ng tao—ang tinatawag na “Kristiyanong

karnal”—ang uri ng “makalangit na demonyo.” na nabubuhay na may “Kristo sa

puso” at “sarili sa kanyang trono”! Ang Kristiyano ay maaring kumilos minsan

bilang naliligaw na tao, ngunit kapag siya’y nagiging gayon, siya’y kumikilos ng

labas sa kanyang tunay na karakter, at hindi niya matatagalan ito.

Ang Bawat Kaharian ay Mayroong Sariling Pag-iisip

Ang pangalawang aral mula sa Roma 8:5-9 na ang bawat kaharian ay

nagpakilala sa tiyak na uri ng “pag-iisip.” “Sapagkat ang mga ayon sa laman ay

nagtutuon ng kanilang isipan sa mga bagay ng laman; subalit ang mga ayon sa

Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu.”1 Pansinin na si Pablo ay hindi gumagawa

ng masidhing pagpapayo rito. (Hindi niya sinasabi ang “dapat mangyari.”) Siya

lamang ay nagpapahayag ng katotohanan: Ang mga ayon sa laman ay nag-

tutuon ng kanilang isipan sa mga bagay ng laman; ang mga ayon sa Espiritu ay

sa mga bagay ng Espiritu. Ito lamang ay ang katotohanan ng sitwayon.

Ito’y nangangahulugan na kung sinuman ang nagsasabing siya’y Kristi-

yano, ngunit hindi “iniisip ang mga bagay sa Espiritu,” siya ay nadaya. Ang Kristi-

yano ay nabubuhay sa bagong kaharian. Siya ay “sa Espiritu.” Ang pinanggagal-

ingan ng kanyang buhay ay ang Banal na Espiritu, at siya lamang ay “likas” na

nakabaling sa “mga bagay ng Espiritu”! Kapag siya’y bumabangon sa umaga,

kapag siya’y nagpapahinga sa trabaho, kapag siya’y may malayang oras, ang

kanyang isip ay nakatuon sa mga bagay para sa Diyos.

Ang Bawat Isip ay May Resulta

Ang pangatlong aral na dapat nating malaman mula sa Roma 8:5-9 ay

ang bawat uri ng pag-iisip ay naghahatid ng sariling resulta — maaring ka-

matayan o buhay: “Sapagkat ang kaisipan ng laman ay kamatayan.” Ang ka-

matayan ay likas na wakas, gaanuman kaganda ang mga bagay sa simula. Isipin

mo iyon! Lahat ng bagay na makalaman kaharian, kahit na “pinakamabuti” bagay,

ay maiiwan sa atin ng kawalan, bulok o kasamaan — kamatayan! Bakit? Dahil

ang Diyos lamang ang pinanggagalingan ng tunay na buhay, at Siya ay naiwan

sa labas ng larawan.

1Roma 8:5 2Roma 8:6

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA LAMAN TUNGO SA ESPIRITU

Hindi lamang naiwan sa labas ng larawan ang Panginoon, ngunit “ang

pag-iisip ng laman” ay “pagkapoot laban sa Diyos”;sapagkat hindi ito napapasa-

kop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga maaari.”1 Mayroon itong malalim na

pagkagalit para sa Diyos at ang Kanyang batas sa puso ng mga naliligaw na tao.

Iyon ay para sa dahilan na “ang mga nasa laman ay hindi makapagbibigay-lugod

sa Diyos.2

Sa mga relihiyosong naliligaw ang poot na ito ay madalas nakatago,

ngunit sa ibang pangyayari ito’y masamang latigo ang resuta. Kailangan nating

isipin ang reaksyon ng mga scriba at Fariseo nang kanilang nakatagpo ang

Mabuting Nagkatawang-tao: “Ipako Siya sa Krus! Ayaw namin na ang taong ito'y

maghari sa amin!3 Maaaring kahit ang ibang relihiyosong lider ay nagulat sa

kanilang salering aksyon at maalab na galit na kanilang natagpuang kasiya-siya

sa kanilang puso tungo sa Anak ng Diyos.

Ang utak ng laman ay kamatayan, ngunit, sa kabaligtaran, “ang utak ng

Espiritu ay buhay at kapayapaan.4 Anong pagpapalang bagay nga ito! Ang lahat

ng bagay na mabuti, lahat ng bagay na kaibig-ibig — “pag-ibig, kagalakan, kapa-

yapaan, pagtitiyaga, kagandahang loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pag-

pipigil sa sarili” — ay kabilang at nananalaytay sa kaharian ng Espiritu!

Paglakad sa Bagong Kaharian

“Subalit sinasabi ko, lumakad kayo ayon sa Espiritu, at huwag ninyong bigyang

kasiyahan ang mga pagnanasa ng laman. Sapagkat ang laman ay nagnanasa

laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagkat ang mga ito ay

laban sa isa't-isa, upang hindi ninyo magawa ang mga bagay na nais ninyong

gawin. Subalit kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, kayo ay wala sa ilalim ng

kautusan. Ngayon ay hayag ang mga gawa ng laman, ang mga ito ay pakikiapid,

karumihan, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, alitan, pag-

tatalo, paninibugho, pagkagalit, pagkamakasarili, pagkakabaha-bahagi, mga

pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at ang mga katulad

nito. Binabalaan ko kayo, gaya ng aking pagbabala noong una sa inyo, na ang

mga gumagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharianng

Diyos. Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pag-

titiyaga, kagandahang loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa

sarili. Laban sa mga ito ay walang kautusan. At ipinako sa krus ng mga na kay

Cristo Jesus ang laman na kasama ang masasamang pagnanasa at mga kaha-

layan nito. Kung tayo'y nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, lumakad din

tayo sa patnubay ng Espiritu.”

Galatia 5:16-25

1Roma 8:7 2Roma 8:8 3Luke 19:14 4Roma 8:6

95 94

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Sa mga talatang mula sa Galatia 5, ang dalawang kaharian sa “laman” at

“Espiritu” ay matalim na magkaiba. Niliwanag ni Pablo na ang mga gumagawa ng

“gawa ng laman...ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” Sa kabilang ban-

da, “ang mga kabilang kay Kristo Jesus ay naipako ang laman kasama ang ki-

nahahalingan at mga nais.” Sila ay gumawa ng malinaw na pagkakaiba sa lu-

mang kaharian at buhay sa kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi at pananam-

palataya kay Kristo. Ang Kristiyano ay pinangakuan ng tagumpay sa laman na

siya’y “lalakad sa Espiritu”: “Lumakad sa Espiritu, at hindi mo nanaisin ang pita ng

laman.”

Sa espesyal na kahalagahan ng ating pinag-aaralan, gayunman, sa v.25:

“Kung tayo'y nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, lumakad din tayo sa pat-

nubay ng Espiritu.” Pansinin muli ang ating nakita sa Roma 8: Ang Kristiyano ay

“nasa Espiritu”! Siya’y nabubuhay sa kaharian ng Espiritu, at ang kanyang pinag-

mumulan ng buhay ay Espiritu! “Ngayon,” sabi ni Pablo, “alamin mo kung nasaan

ka, at lumakad ka roon!— ipamuhay mo iyon at sanayin.” “Kung ikaw nabubuhay

sa Espiritu, ay lumakad ka sa Espiritu.”

Mayroong dalawang (at dalawa lamang) na kaharian, at bilang Kristiyano

tayo ay nabubuhay sa kaharian ng Espiritu. Dahil tayo ngayon ay buhay sa

kahariang ito, tayo ay, sa unang pagkakataon, may kakayanang lumakad sa ka-

pangyarihan ng Espiritu na magagamit nasaan man tayo. Ang paglakad “sa Espir-

itu” ay nangangailangan ng pagsunod sa kaagapan ng Espiritu kapag ating puso

ay nakadama na Siya ay “nagdadalamhati” sa mga bagay na ating gagawin:

“Huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Diyos”1 Kapag ang Espiritu ng

Diyos ay nagdadalamhati, kailangan nating tumigil agad! Sa kabilang banda, ang

“maglakad sa Espiritu” ay nangangailangan din ng pagsunod sa kaagapan ng

Espiritu kapag Siya’y nakikiusap sa ating gumawa ng positibong bagay—na mag-

salita para sa Panginoon, o sumaksi, o manalangin: “Huwag ninyong patayin ang

ningas ng Espiritu.”2 Ito ay kapag tayo ay “lumalakad sa Espiritu” na ating

nadadanas ang mabuti at kaibig-ibig na “bunga ng Espiritu” na ipinaliwanag sa

taas.

Ang Dalawang Kaharian sa Roma 7 & 8

Ang konsepto ng muling kapanganakan bilang pagbabago ng kaharian sa

pagitan ng laman at Espiritu ay napaka importante upang ating maunawaan ang

karamihan pa sa Skriptura. Sa parikular, ito’y saligan sa tamang pag-unawa sa

Roma 7. Pansinin na sinimulang ipaliwanag ni Pablo sa Roma 7:7-25 ang pag-

sasangguni sa “dalawng kaharian” sa v.5-6. “Sapagkat noong tayo ay nasa laman

pa, ang makasalanang nasa, na tumayo sa Kautusan, ay gumawa sa ating

1Efeso 4:30 21 Tesalonica 5:19

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA LAMAN TUNGO SA ESPIRITU

katawan upang magbunga ng kamatayan. Ngunit ngayon tayo ay pinakawalan

na sa Kautusan, na namatay na kung saan tayo’y hinangganan, upang tayo’y

magsilbi sa pagbabago ng Espiritu at hindi sa lumang kasulatan.”

Narito muli, si Pablo ay nag-iisip sa termino ng dalawa at dalawang

grupo lamang. Ang mga “nasa laman” (hindi pa isinisilang) ay ipinakilala bilang

“makasalanang pagnanais...na gumagawa sa kanilang katawan na magbubunga

ng kamatayan.” Ang makasalanang nais na ito ay “tumindig sa Kautusan.” Ang

Kristiyano, sa kabilang banda, ay ipinakilala sa “pagkalaya” mula sa

“pagkaalipin” sa Kautusan at pagsisilbi sa “pagbabago ng Espiritu at hindi sa

lumang kasulatan.” Hindi mahirap unawain kung ano sa dalawang grupong ito

ang “tao sa Roma 7” ay nabibilang! Siya na “sa laman, ay naipagbili sa ilalim ng

kasalanan.”1 Ang Kautusan ay “nagtindig” ng lahat ng uri ng makasalanang nasa

sa kanya.2 Siya ay “bilanggo” sa “kautusan ng kasalanan kung saan ay nasa

kanyang bahagi.”3 Siya ay “kahabag-habag na tao,” na naghahanap kung sino

ang “magpapalaya sa kanya” mula sa “katawang ito ng kamatayan.”4 Bukod pa

rito, hindi niya binabanggit ang Banal na Espiritu kahit isang beses sa buong

sulat! Malinaw na ang taong ito ay wala “sa Espitiru,” ngunit “nasa laman.”

Upang ang Kristiyano ay bumaling sa Roma 7 para sa kapanatagan kapag siya

ay “natalo”ay hindi mapagpapaumanhinan, kahit na sa mga oras na pakiramdam

niyang siya’y “kabilang” roon! (Tignan ang Appendix C.)

Napaka importante na nang magwakas si Pablo sa kanyang konsidera-

syon sa Kautusan, kasalanan, ang laman sa Roma 7:7-25, ay agad niyang bin-

uod muli ang lahat sa “dalawang kaharian”: “Ngayon nga'y wala nang kahatulan

sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na

kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng

kamatayan. Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, yamang ito ay pinahina

ng laman, ginawa ng Diyos: sa pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng

makasalanang laman, at tungkol sa kasalanan ay hinatulan niya ang kasalanan

sa laman, upang ang makatuwirang itinatakda ng kautusan ay matupad sa atin,

na hindi lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.”5 Muli, ang mga tala-

tang ito ay pinahabang paguulit ni Pablo na pambungad sa Roma 7:5-6. Pansin-

in na sa v.4 ang Kristiyano ay inilarawan na “huwag lumakad ayon sa laman,

ngunit ayon sa Espiritu.” Na ating nakitang pag-uugnay sa v.5, ito ay hindi

masidhing pagpapayo, ngunit pahayag ng katotohanan. Ito ay hindi paglalara-

wan ng tiyak na naunang Kristiyano, ngunit pangkalahatang lakad ng mga Kristi-

yano.6

1Roma 7:14 2Roma 7:7-14 3Roma 7:23 4Roma 7:24 5Roma 8:1-4 6Tignan ang Roma 8:18

97 96

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang mga talata na sumusunod sa buod (8:5-14) nagpapatuloy ng pagpapaliwa-

nag ni Pablo sa “laman” at “Espiritu” at isina-alang alang sa itaas.

98

Kabanata Labing-Dalawa

Pagbabago ng Kaharian Mula Sa Mundo Tungo sa Langit

Ating nakita na ang muling kapanganakan ay ang pagbabago ng kahari-an: ang Kristiyano ay hindi na nabubuhay “sa laman,” ngunit “sa Espiritu.” Ngunit ang mga ito’y hindi lamang kahariang napalitan sa muling kapanganakan. Ang pang walong pagpapakita ng muling kapangakan na ating bibigyang pansin ay ang pagsasalin ng Kristiyano mula sa makamundong pag-iisip sa makalangit na pag-iisip. “Kung kayo'y namatay na kasama ni Cristo mula sa mga simulain ng sanlibutan, bakit kayo'y nabubuhay na parang nasa sanlibutan pa rin? Bakit kayo'y nagpapasakop sa mga alituntuning, ‘Huwag humipo, huwag tumikim, huwag humawak!’Ang lahat ng mga alituntuning ito ay masisira sa paggamit, palibhasa'y mga utos at mga aral lamang ng mga tao.

Colosas 2:20-22 Kung kayo nga'y muling binuhay na kasama ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa, sapagkat kayo'y namatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos. Kapag si Cristo na inyong buhay ay nahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kalu-walhatian. Patayin ninyo ang anumang makalupa na nasa inyo: pakikiapid, karu-mihan, masamang pita, masasamang pagnanasa, at kasakiman na ito'y pagsam-ba sa mga diyus-diyosan. Dahil sa mga bagay na ito ay dumarating ang poot ng Diyos sa mga anak ng pagsuway. Ang mga ito rin ang nilakaran ninyo noong una, nang kayo'y nabubuhay pa sa mga bagay na ito. Ngunit ngayon ay itakuwil ninyo ang lahat ng mga ito: galit, poot, masamang pag-iisip, panlalait, at maruming pananalita mula sa inyong bibig. Huwag kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao pati ang mga gawa nito, at kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na binabago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kanya.

Colosas 3:1-10 Ayon sa Colosas 2:20-22, ang Kristiyano ay hindi na “nabubuhay sa mundo”! Sila’y “namatay” sa kaharian na iyon at tumungo na sa ibang kaharian. Ang mundong ito ay pansamantala at materyal na bagay (“bagay na na-katalagang masira na ginagamit”) ay wala na sa sakop ng kanilang buhay.

101 100

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ano ang saklaw ng kanilang buhay? Ang kasagutan ay ibinigay sa mga sumunod

na talata (3:1-10): “Ikaw ay binuhay na kasama ni Cristo, ...ikaw ay namatay na,

at ang iyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos, ...Cristo… ay ating

buhay.”

Ang Kristyano ay isang “namatay na,” at ang kanyang buhay ay “nakatago

kasama ni Cristo sa Diyos.” Siya’y nabubuhay sa makalangit na kaharian. Ang

saklaw ng kanyang buhay ay dito pa rin sa mundo, siya’y lumalakad sa kaharian

ng mundong ito. “Ang mga ito rin ang nilakaran ninyo noong una, nang kayo'y

nabubuhay pa sa mga bagay na ito.”1 Pero ngayon ang saklaw ng kanyang buhay

ay makalangit, at siya’y hinihikayat na alamin ang gayong katotohanan at para

“matuon ang kanyang pag-iisip” sa “mga bagay sa itaas.”

Minamahal na Kristyano, ikaw ay kabilang sa lugar na makalangit! Hindi

kana parte ng mundong ito. Ikaw ay “napako na sa mundo” ang mundo sa iyo!2

Tanging ang iyong katawang may kamatayan, ang hindi pa natutubos, at nasa

“ibaba” pa rin ng kaharian ng mundong ito. Kaya hinihikayat tayo ni Pablo na

“Patayin ninyo ang anumang makalupa na nasa inyo”!3 “Kaya nga, mga kapatid,

isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong ialay

ang inyong mga katawan na isang handog na buhay, banal, na kasiya-siya sa

Diyos, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod. Huwag ninyong tularan ang

sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong

pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos

na kalooban ng Diyos.”4

Hindi sa Mundong Ito

“Kayo'y mga taga-ibaba, ako'y taga-itaas. Kayo'y mga taga-sanlibutang ito; ako'y

hindi taga-sanlibutang ito.” Juan 8:23

Sa mga salitang ito para sa mga Judyo, ang ating Panginoon ay muling nasasabi

tungol sa mundo at langit na kaharian. Ating inaasahan, Siya’y magsasabi ng

Kanyang sarili bilang kabilang sa saklaw sa itaas. Sa hindi inaasahan siya’y nag-

salita sa ilang kabanata sa ibang pagkakataon tungol sa lahat ng mga Kristyano:

“Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita at napoot sa kanila ang sanlibutan,

sapagkat hindi sila taga-sanlibutan, gaya ko naman na hindi taga-sanlibutan…

Hindi sila taga-sanlibutan, na gaya ko na hindi taga-sanlibutan.” Juan 17:14, 16

Ang mga Kristyano ay hindi taga-sanlibutan maging si Cristo’y hindi taga-

sanlibutan! Bilang kabahagi ng Kanyang makalangit na buhay, sila’y kabilang sa

kakaibang kaharian.

1Colosas 3:7 2Galacia 6:14 3Colosas 3:5 (Gk.) 4Roma 12:1-2

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA MUNDO TUNGO SA LANGIT

Sila’y “naisilang sa itaas” at parte ng bagong utos. Kanilang kinasuklaman ang

mga bagay na “dinadakila”1 ng mundo. Ang bato na “mga tagapagtayo” ay itina-

kuwil bilang walang halaga ay mahalaga at pundasyon sa kanila.2 Ang mga moti-

bo at mga gawa ay palaisipan sa mundo. Sila’y nakatingin sa mga bagay na

hindi nakikita3 At ang disenyo ng kanilang buhay ay ayon sa katotohanang hindi

nakikita. Kanilang nauunawaan ang “nakatagong karunungan” na “kahangalan.”4

sa mundo. Nasa kanila “ang pag-iisip ni Cristo.”5 “Dahil dito'y hindi tayo nakikilala

ng sanlibutan, sapagkat siya'y hindi nakilala nito.”6

Sa liwanag ng mga katotohanang ito, hindi kataka-taka na kamumuhian

ng mundo ang mga Kristyano. “Kung kayo'y taga-sanlibutan, iibigin kayo ng

sanlibutan na parang sa kanya. Ngunit dahil kayo'y hindi taga-sanlibutan, kundi

kayo'y pinili ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.”7

Taga Langit

“Ang kanilang kahihinatnan ay kapahamakan, ang kanilang tiyan ang kanilang

diyos, at ang kanilang kahihiyan ang kanilang kapurihan, na nakatuon ang isip sa

mga bagay na makalupa. Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit;

mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-

Cristo.” Filipos 3:19-20

Sa linaw ng pagkakaiba ng ang mga diyos ay laman at ang kanilang pag-iisip ay

nakatuon sa makamundong mga bagay, ang mga Kristyano ay taga langit na.

Sila’y nabubuhay at kumikilos sa kahariang makalangit, at ang kanilang pag-iisip

ay nakatuon sa mga bagay sa itaas.8 Ang kanilang mga puso ay nasa langit,

kung saan sila’y sabik na naghihintay sa pagbabalik ng kanilang Tagapagligtas

at Hari.

“Ngayon, si Hagar ay bundok ng Sinai sa Arabia at katumbas ng kasalukuyang

[mundo] Jerusalem, sapagkat siya'y nasa pagkaalipin kasama ng kanyang mga

anak. Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ating ina.”

Galacia 4:25-26

“Sapagkat hindi pa kayo lumapit sa bundok na nahihipo… Subalit kayo'y lumapit

sa Bundok ng Zion, at sa lunsod ng Diyos na buhay, sa makalangit na Jerusa-

lem, at sa mga di mabilang na mga anghel, sa isang masayang pagtitipon, at sa

kapulungan ng mga panganay na nakatala sa langit, at sa Diyos na Hukom ng

lahat, at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinasakdal.” Hebreo 12:18, 22-23

1Lucas 16:15; Awit 15:4 21Pedro 2:4, 7 32 Corinto 4:18 41 Corinto 2:6-10, 14 51 Corinto 2:16 61

Juan 3:1 7Juan 15:19 8Colosas 3:1-2

103 102

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Makikitang muli sa mga talatang ito na ang mga Kristyano ay malayang

pagsilang mamamayan ng “Jerusalem sa itaas.” Sila’y nagtungo, hindi sa isang

bundok na maaaring hawakan, kundi sa isang hindi nakikita at isang langit—

bundok ng Zion, ang “lunsod ng dakilang Hari.”1 Sila ngayon ay parte ng

“makalangit na Jerusalem, ang lunsod ng buhay na Diyos,” kasama ang lahat ng

mga namatay. Ito ay ang “lunsod na may mga pundasyon, na ang arkitekto at

tagapagtayo ay ang Diyos.”2 Dahil ang kanilang mga puso ay nakatuon dito sa

permanenteng makalangit na Jerusalem, ang mga Kristyano ay nakahandang

talikuran ang tinatag na makalupang seguridad at tutungo kay Kristo “sa labas ng

kampo, na dala ang kanyang kahihiyan.” “Sapagkat dito'y wala tayong lunsod na

magtatagal, ngunit hinahanap natin ang lunsod na darating.”3

“At nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa

langit buhat sa Diyos, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na naga-

gayakan para sa kanyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na

mula sa trono na nagsasabi, ‘Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa

mga tao. Siya'y maninirahang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Ang

Diyos mismo ay makakasama nila…’” Pahayag 21:2-3

“…‘Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.’ At

dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita

sa akin ang banal na lunsod ng Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa

Diyos, na may kaluwalhatian ng Diyos.” Pahayag 21:9-11

Sino ang “banal na lunsod, ang bagong Jerusalem”? Walang iba kundi “ang baba-

ing ikakasal, ang asawa ng Kordero”! Ang lunsod na ito, ang babaing ikakasal,

nakatira ngayon sa langit, pero sa kaganapan “bababa mula sa langit mula sa

Diyos.” Ang Diyos mismo ay naroroon magpakailanman “maninirahang kasama”

ng ang Kanyang bayan at “ang kaluwalhatian ng Diyos” ay magpakailanman

mananagana sa kanila. Tunay ang kaligayahang ito, kahit ngayon, parte ng ma-

kalangit na lunsod na ito, ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero!

1Awit 2:6-8; 48:1-2; 8:5; 110:1-2 2Hebreo 11:10, 16 3Hebreo 13:12-14

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA MUNDO TUNGO SA LANGIT

Kaluwalhatiang mga bagay ay sayo’y nagsasabi

Zion, lunsod ng aming Diyos;

Kanyang salita’y hindi masisira

Binuo niya sa Kanyang sariling tirahan.

Sa pundasyon ng walang hanggang Bato,

Anong yayanig sa kanyang pahingang sigurado?

Na may mga ligtas na pader na nakapaligid,

Sayo’y may ngiti sa lahat ng kanyang kaaway.

Tingnan! Ang daloy ng buháy na tubig,

Bumubukal mula sa walang hanggang pag-ibig,

Lubos na tustos sa Kanyang mga anak,

At lahat ng takot nais mawala.

Sinong maghihina sa gayong ilog

Na dumadaloy sa kanilang payapang uhaw?

Biyaya, tulad ng Panginoon, ang Tagabigay,

Hindi papalya kailan kailanman.

Tagapagligtas, kung lunsod ng Zion

Ako, sa biyaya, isang kaanib,

Hayaang ang mundo’y manuya o maawa,

Luluwalhatiin ko ang Iyong Pangalan.

Sa pagkupas ang makalupang kaligayahan,

Lahat ng kanyang ipinagmalaki’y rangya at pasikat;

Purong kaligayahan at walang katapusang kayamanan

Wala kundi alam ng anak ng Zion. John Newton

Nakaupong Kasama Si Cristo

“Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang

nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa

sangkalangitan.” [lit. “langit] Efeso 1:3

“Ngunit ang Diyos, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kanyang malaking pag

-ibig sa atin, maging noong tayo'y mga patay sa pamamagitan ng ating mga

pagsuway, binuhay niya tayo kay Cristo — sa pamamagitan ng biyaya kayo'y

naligtas, at tayo'y muling binuhay na kasama niya, at pinaupong kasama niya sa

sangkalangitan, kay Cristo Jesus.” Efeso 2:4-6

105 104

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Dahil tayo ay “na kay Cristo” at kabahagi ng Kanyang pagkabuhay, nakita

natin ang ating sarili na nakaupo kasama Niya sa sangkalangitan sa Kanya ating

inaari ang “bawat espirituwal na pagpapala” at hindi nagkukulang; tayo ay nabi-

gyan ng “lahat ng bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos”1 Ang

mga Kristyano ay hindi nangangailangan ng “higit pang mga bagay” sa karagda-

gan kay Cristo; ang kanilang dakilang kailangan ay makita at pumasok sa reali-

dad ng mga bagay na mayroon sa Kanya. Ito ay mapagbiyayang gawa ng Banal

na Espiritu upang mangyari ang mga bagay na yaon.2 Si Pablo ay nanalangin

para sa mga taga-Efeso na ang “mga mata ng kanilang puso ay maliwanagan” sa

pamamagitan ng Banal na Espiritu, upang kanilang “malaman …at kung ano ang

di masukat na kadakilaan ng kanyang kapangyarihan” sa atin na sumasam-

palataya.3 Ito ay parehas sa kapangyarihan na muling bumuhay kay Cristo mula

sa mga patay, at “pinaupo sa Kanyang kanan sa sangkalangitan, higit na mataas

kaysa lahat ng pamunuan, kapamahalaan, kapangyarihan, at paghahari, at sa

bawat pangalan na pinangalanan, hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa

darating na panahon.”4

Manatiling Tumingin sa Ibaba

Mula sa lahat ng mga talatang ito, malinaw na ang mga mananam-

palataya ay may sakop at pinamulan ng buhay sa kalangitan. Sila’y hindi na

kailanman taga-sanlibutan. Sila’y hindi na kailanman nabubuhay rito,5 kundi sa

langit na.6 Sa ating araw-araw na karanasan, napakalaki ng pagkakaiba kung

ating titignan ang ating mga sarili bilang “narito sa ibaba” ng mundong ito—tulad

ng isang maninisid sa sahig ng karagatan na may maliit na buhay-pising nakaka-

bit sa itaas ng tubig (langit), o kung ating tinitignan ang ating sarili bilang

“nakaupo sa langit” — nakatingin sa ibaba sa kapakanan nitong buhay! Ito ay

gumagawa ng dakilang pagkakaiba kasabihan man nito ay “Manatiling Nakatingin

sa Itaas” (“sa kaharian na hindi ka pa kabilang”) o “Manatiling Nakatingin sa Iba-

ba” (“mula sa kaharian kung nasaan ka, sapagkat ikaw ay namatay at ang iyong

buhay ay nakatago kasama ni Cristo sa Panginoon”)!

Sa praktikal na termino, nangangahulugan na ang mga Kristiyano ay hindi

gumagawa upang matamo ang buhay na wala sila o makamit ang tagumpay na

hindi pa naiwagi. Sila ay kalahok sa pinaka buhay ni Cristo at sa tagumpay na

Kanyang napanalunan na. Kristiyano, ikaw ay kabahagi ng muling pagkabuhay na

buhay ni Cristo, at nagapi na Niya at nawasak ang kapangyarihan ng kasalanan

na iyong kinakaharap ngayon—sa Kanyang kamatayan, pagkalibing, muling

pagkabuhay, at pag-akyat!

12 Pedro 1:3 2Juan 14:16, 20, 26; 16:12-14 3Efeso 1:15-19 4Efeso 1:19-21 5Colosas 2:20 6Colosas 3:3

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA MUNDO TUNGO SA LANGIT

Bilang isang kalahok sa Kanyang buhay, ang iyong tawag ay hindi para

subukang makuha para sa iyong sarili na hindi Niya nakuha, kundi para maniwa-

la kung ano ang Kanyang ginawa na para sa iyo at para lakaran ito. Sa paraang

ito magagawa mong lumaban “Makipaglaban ka sa mabuting pakikipaglaban ng

pananampalataya”1 imbes na miserableng maghirap sa hindi paniniwala!

Parehas sa ating pakikipaglaban laban sa kapangyarihan ng kadiliman.

Tayo’y patuloy na nangangailangang mapaalalahanan ng katotohanan na si

Satanas ay natalo na ni Cristo sa krus,2 at gayon “kay Cristo” tayo ay nakaupo

“sangkalangitan sa itaas”3 lahat ng karamihan ng masasama. Dapat nating basa-

hin ang Efeso 6:12 sa ilaw nitong katotohanan ngayon: “Sapagkat ang ating

pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban [natalo] sa mga

pinuno, laban sa mga may [inalis sa trono] kapangyarihan, laban sa mga

[nalupig] kapangyarihang di nakikita na naghahari sa sanlibutan sa kadilimang

ito, laban sa [nadaig] hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitan.” Kapag

tayo’y nagpakumbabang “magpasakop sa Diyos at tanggihan ang masama,”

tayo ar mayroong pangako na kahit ang umuungal na leon ay “tatakas” sa harap

ng Diyos malibang walang labang tupa!4 Luwalhati sa Diyos!

11Timoteo 6:12 2Colosas 2:15; Juan 12:31 3Efeso 1:20-21 4Santiago 4:7

107 106

Kabanata Labing-Tatlo

Pagbabago ng Kaharian Mula Sa Kasalanan Tungo sa Katuwiran

Ang muling-kapanganakan ay pagbabago ng kaharian. Ang ikasiyam at huling representasyon ng muling-kapanganakan na ating pag-aaralan ay may koneksyon sa pagdaan ng Kristiyano sa estado ng pagkaalipin sa kasalanan tungo sa estado ng pagkaalipin sa katuwiran. Dahil sa pagkakaibang ito, ang bawat Kristiyano ay tunay na maaaring ipahayag, “Ako’y naging alipin ng kasa-lanan, ngunit ako hindi na ngayon! Ako’y alipin na ng katuwiran!” “Nalalaman natin na ang ating dating pagkatao ay kasama niyang ipinako sa krus, upang ang katawang makasalanan ay mawalan ng bisa, at upang tayo'y hindi na magpaalipin pa sa kasalanan.”

Roma 6:6

“Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo, sapagkat wala kayo sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya.”

Roma 6:14

“Hindi ba ninyo nalalaman na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili bilang alipin sa pagsunod, kayo'y mga alipin niya na inyong sinusunod; maging ng kasalanan tungo sa kamatayan, o ng pagsunod tungo sa pagiging matuwid? Ngunit salamat sa Diyos, na bagama't kayo'y dating mga alipin ng kasalanan, kayo'y taos-pusong sumunod sa anyo ng aral na doon ay ipinagkati-wala kayo. At pagkatapos na mapalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo sa paggawa ng matuwid. Nagsasalita ako ayon sa pamamaraan ng tao dahil sa kahinaan ng inyong laman. Sapagkat kung paanong inihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin ng karumihan tungo sa higit at higit pang kasamaan, ngayon naman ay ihandog ninyo ang mga bahagi ng in-yong katawan bilang alipin sa paggawa ng matuwid tungo sa kabanalan. Sapagkat nang kayo ay mga alipin pa ng kasalanan, kayo'y malalaya tungkol sa pagiging matuwid. Kaya't ano ngang bunga mayroon kayo sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? Sapagkat ang kahihinatnan ng mga bagay na iyon ay kamatayan. Subalit ngayong pinalaya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Diyos, na nagbubunga naman ng kabanalan, ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Roma 6:16-23

109

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Dalawang Panginoon Lamang

Sa pag-iingat ng lahat ng ating nakita, hindi na dapat tayo masorpresa na

sa mga talatang ito mayroong dalawa, at dalawa lamang, panginoon sa mga

alipin. Sa isang banda mayroong Kasalanan, at sa kabila ay mayroon Katuwiran.

Itong dalawang panginoon ay laban sa isa’t isa. Ang kanilang pagkakaiba sa isa’t

isa ay hindi maliit na bagay. Ito ay pagkakaiba kung ano ang marumi at kung ano

ang malinis, kung ano ang kagalang-galang at kung ano ang kahiya-hiya, kung

ano ang marangal at kung ano ang hamak. Sa madaling salita, ito’y pagkakaiba

sa pagitan ng buhay at kamatayan, sa pagitan ng langit at impyerno, at sa pagitan

ng Diyos at demonyo. Dahil ang dalawang panginoon na ito ay lubhang magkaiba

sa isa’t isa, imposibleng paglingkuran ang dalawa sa iisang oras.“Walang aliping

makapaglilingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa, at

iibigin ang ikalawa, o kaya'y magiging tapat sa isa at hahamakin ang ikalawa.

Hindi kayo makapaglilinkod sa Diyos at sa mga kayamanan.”1

Ang Lahat ng Tao ay Alipin

Maaring nakakagulat na matanto na ayon sa mga talatang ito ang lahat

ng tao ay alipin. Tunay na walang makakaiwas. Ang manunulat at mambabasa ng

mga linyang ito ay siguradong tiyak na alipin. Tayo man, sa puntong ito, maging

alipin man ng kasalanan o ng katuwiran. Walang lugar para sa niyutralidad o

“gitnang bahagi” sa pagitan ng dalawa. Wala sa mudong ito ay “malaya” sa kama-

layan na walang panginoon. Ang tanging katanungan ay kung tayo ay magka-

karoon ng mabuting panginoon na nagbibiyaya ng buhay at kapayapaan o ng

masamang panginoon na nagsusumpa ng kamatayan at kapahamakan.

Si Satanas ay lumapit kay Eva at nagbigay ng masamang suwestiyon na

ang Panginoon ay hindi mapagkakatiwalaan. Nang si Eva ay nagdesisyong

subukan ang kanyang haka sa pagiging “niyutral na imbestigador,” kanyang

natuklasan sa pamamagitan ng mapait na karanasan na walang lugar ng niyutrali-

dad sa pagitan ng Diyos at ng demonyo. Sa paghakbang palabas sa ilalim ng

awtoridad ng Diyos ay sa agarang paglalagay ng ating sarili sa ilalim ng kasa-

maan — ang “magnanakaw” na “dumadating lamang upang magnakaw, at puma-

tay, at pumuksa.”2 Tulad ng tren sa riles na may tunay na kapayapaan tanging sa

pananatili sa riles lamang, gayundin ang tao na matagpuan ang tunay na kapaya-

paan tanging sa pananatili sa pamamagitan pagpapasakop sa kanyang Tagapag-

likha.

1Lucas 16:13 2Juan 10:10

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA KASALANAN TUNGO SA KATUWIRAN

Alipin sa Kasalanan

Ang mga talatang nabanggit sa taas ay nagpapatunay na bago ang ating

muling kapanganakan tayo ay “alipin sa kasalanan.” (v.6, 17, 20) Anong ibig

sabihin ng pagiging “isang alipin sa kasalanan”? Ibig sabihin nito ay nabubuhay

sa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Namamahala at “naghahari”1 ang kas-

alanan sa tao, namimilit ng kanilang pagsunod. Hindi nila hindi masusunod ito!

Maraming mga halimbawa nitong pagkaalipin mula sa Bibliya at sa kasaysayan

ng mga iglesiya: bago ang kanyang kombersyon, si evangelist Mel Trotter ay

isang walang magawang maglalasing. Umuwi ng bahay pagkatapos ng sampung

araw na labanan sa pag-inom, nakita niya ang kanyang dalawang taong gulang

na anak na patay na na nasa mga bisig ng kanyang asawa. Sa kaibuturan ng

pagsisisi—naniniwala na sa kanyang kakulangan napatay niya ang kanyang

kaisa-isang anak—Si Trotter ay umiyak na nangangakong hindi na iinom muli.

Pero makalipas ang ilang oras pagkatapos mailibing ang kanyang anak, pag-uwi

niya’y, siya ay uminom ulit. Gayon ang likas na katangian ng pagkaalipin sa kas-

alanan.

Ngunit hindi lamang ang maglalasing o ang drug addict ang alipin sa

kasalanan. Ang lahat ng taong wala kay Cristo ay alipin ng kasalanan. Maging

ang “taong mabuti ang asal” na walang bisyo ay alipin sa kasalanan. Ito ay hala-

ta mula sa katotohanan na hindi siya sumasampalataya at sumasamba sa buhay

na Diyos. Bakit hindi siya yumukod sa harapan ng kanyang Manlilikha na may

pagmamahal at pagpupuri? Tiyak dahil ayaw ng namumuno sa kanya! Ang kasa-

lanan ay may isang pang-inis sa kanyang buhay at hindi niya hahayaang gawin

ang matino, makatuwiran, at tama. “Sa kanilang kalagayan, binulag ng diyos ng

sanlibutang ito ang pag-iisip ng mga hindi mananampalataya, upang huwag

nilang makita ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang

larawan ng Diyos.”2

Ang ating Panginoon ay nilinaw sa Juan 8:31-36 na walang alipin ng

kasalanan ang mapupunta sa langit: “‘Kung kayo'y mananatili sa aking salita,

tunay ngang kayo'y mga alagad ko. At inyong malalaman ang katotohanan, at

ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.’ Sumagot sila sa kanya, ‘Kami'y

mula sa binhi ni Abraham, at kailanma'y hindi pa naging alipin ng sinuman. Bakit

mo sinasabing, ‘Kayo'y magiging malaya’?’ Sinagot sila ni Jesus, ‘Katotohanang

sinasabi ko sa inyo, ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan. Ang alipin

ay walang palagiang lugar sa sambahayan. Ang anak ay may lugar doon

magpakailanman. Kaya't kung kayo'y palayain ng Anak, kayo'y magiging tunay

na malaya.’”

1Roma 5:21 22 Corinto 4:4

111 110

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Walang alipin sa kasalanan ang mamamalagi sa bahay ng Anak magpakailan-

man, ngunit kalayaan ang siyang karapatan ng lahat ng “tunay” na mga alagad ng

Panginoon!

Alipin sa Katuwiran

Sa oras ng muling kapanganakan, ang bawat Kristyano ay huminto na

maging alipin sa kasalanan at naging alipin sa katuwiran: “Ngunit salamat sa

Diyos, na bagama't kayo'y dating mga alipin ng kasalanan, kayo'y taos-pusong

sumunod sa anyo ng aral na doon ay ipinagkatiwala kayo. At pagkatapos na

mapalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo sa paggawa ng

matuwid.” (v.17-18) Masdan na sa mga talata ang Kristyano ay hindi sinabi na

naging “Malaya mula sa kasalanan”; sinabi “Mapalaya mula sa kasalanan.” Ang

sinasabi rito ni Pablo, hindi patungkol sa pagiging perpekto, kundi patungkol sa

paglaya mula sa isang pinuno (kasalanan) at alipin sa isa pang pinuno

(katuwiran).

Ayon sa Panginoong Jesu-Cristo, ang pagbabago ng pagmamay-ari’y

mangyayari kapag ang Isa’y “mas malakas kaysa sa malakas na tao” Inatake

(Cristo) ang “malakas na tao” (Satanas) at kinuha ang kanyang pag-aari: “Kapag

ang isang taong malakas at nasasandatahang mabuti ay nagbabantay sa

kanyang sariling palasyo, ang kanyang mga ari-arian ay ligtas. Subalit kung may

dumating na mas malakas kaysa kanya at siya'y talunin, kukunin nito sa kanya

ang lahat ng sandata na kanyang pinagtiwalaan at ipamimigay nito ang mga

nasamsam niya.”1 Maluwalhating transaksiyon—para maging malaya mula sa

pamamahala ni Satanas sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo at para

maging Kanyang maligayang alipin ng pagibig magpakailanman!

Ang lahat ng mga Kristyano ay alipin sa katuwiran. Anong ibig sabihin ng

pagiging “isang alipin sa katuwiran”? Ibig sabihin namumuhay sa ilalim ng ka-

pangyarihan ng katuwiran. Namamahala at naghahari ang katuwiran sa mga

Kristyano, namimilit sa kanilang pagsunod. Muli, maraming halimbawa sa Bibliya

at sa kasaysayan ng iglesiya. Nakita mismo ni Jeremias sa kanyang sarili ang

pagpumilit na ipangaral ang mensahe ng Diyos, sa kabila ng kahihiyan na dinala

sa kanya: “Sapagkat tuwing ako'y magsasalita, sumisigaw ako, isinisigaw ko,

‘Karahasan at pagkawasak!’ Sapagkat ang salita ng PANGINOON ay naging

pagkutya at kadustaan sa akin sa bawat araw. At kung aking sasabihin, ‘Hindi ko

na siya babanggitin, o magsasalita pa sa kanyang pangalan,’ waring sa aking

puso ay may nag-aalab na apoy na nakakulong sa aking mga buto, at ako'y pa-

god na sa kapipigil dito, at hindi ko makaya.”2 Hindi na mabilang, ilang taon na

ang dumaan, ang nararamdaman sa sarili ang pagpupumilit sa mga Kristyano na

mabuhay sa katuwiran na hindi na nila makayanan pa kahima’t matulog hangga’t

1Lucas 11:21-22 2Jeremias 20:8-9

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA KASALANAN TUNGO SA KATUWIRAN

Nakakapagbahagi sa kanilang mga ligaw na kaibigan o tumulong sa kanino man

sa panahon ng may nangangailangan. Sila’y maligayang ibinigay ang kanilang

mga sarili para sunugin sa tulos o pira-pirasuhin ng mababangis na hayop dahil

sila’y “kontrolado” ng pag-ibig kay Cristo.1 Dahil sa kanilang pagkaalipin sa

katuwiran, ang mga Kristyano ay paulit-ulit na nakikita ang kanilang mga sarili na

hindi nila kayang mapanatili sa paghamak sa kanilang sarili at humingi ng kapa-

tawaran kapat sila’y nagkamali sa iba. Ang estorya ay sinabi sa isang paggising

sa British Isles sa ilalami ng ministeryo ni W.P. Nicholson nung mabawasan ang

mga magulo na manggagawang nabago. Napakaraming mga ninakaw na mga

kalakal ang naibalik sa pamamagitan ng mga lalaki na ang bodega’y puno ng

laman at ang kumpanyang umorder ay para mabigay, “Pakiusap huwag ng ibalik

pa ang mga ninakaw na mga kalakal!” Ang gayon ay ang pagkaalipin ng Kristy-

ano sa katuwiran, at anong mabiyayang kalayaan ito! Ang himala ng muling ka-

panganakan—isang pagpalit ng pagkaalipin sa kasalanan sa pagkaalipin sa

katuwiran!

12 Corinto 5:14

113 112

Kabanata Labing-Apat

Pagbabago ng Kaharian Mula Sa Kautusan Tungo sa Biyaya

“Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo, sapagkat wala kayo

sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya.” Roma 6:14

“Sapagkat ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay sa kautusan, upang ako'y mabuhay sa Diyos. Ako'y ipinakong kasama ni Cristo…” Galacia 2:19-20

Ating nakita sa mga nakaraang mga talata na ang muling kapanganakan ay inilarawan sa Bibliya sa katagang “pagbabago ng kaharian” - mula sa laman tungo sa Espiritu, mula sa lupa tungo sa langit, at mula sa pagkaalipin tungo sa pagkaalipin sa katuwiran. Ngunit ang Bibliya ay nagsasabi pa ng pagbabago ng kaharian—mula sa pagiging nasa “ilalim ng kautusan” tungo sa pagiging sa “ilalim ng biyaya.” Yamang itong pagbabago ng kaharian ay sumasaklaw sa pag-aaring ganap at muling kapanganakan, ito’y mahalaga na aspeto na maisa-alang-alang sa anumang talakayan ng dalawang dakilang milagro. Sa mga talatang binanggit sa itaas, sinasabi ni Pablo sa atin na ang Kris-tyano ay “hindi nasa ilalim ng kautusan at kailangang “mamatay sa Kautusan.” Sa ibang mga talata sinasabi niya sa atin na ang Kristyano ay “nakalagan mula sa Kautusan,”1 at hindi na kailanman “nakatali”2 sa kautusan, kundi “pinalaya” sa pamamagitan ni Cristo mula sa kautusang “pamatok ng pagkaalipin.”3 Ang rela-syon ng taong ligaw sa Diyos ay isa sa kautusan; sapagka’t sa Kristyano hindi ito ang kaso. Siya’y nanahan sa estado ng maluwalhating “paglaya” at “kalayaan.”4 Anong ibig sabihin na ang mga Kristyano ay “nasa ilalim ng biyaya”? At ano ang ibig sabihin ng sila’y “hindi na nasa ilalim ng kautusan” at “patay sa kau-tusan”? Ibig bang sabihin na hindi na kailanman mali para sa Kristyano ang mag-nakaw, mangalunya, o dili kaya’y magpatuloy sa kasalanan? Ang sagot ni Pablo’y isang malakas na, “Huwag nawang mangyari!5 Ano ang eksakto, kung gayon, ang resulta ng paglaya sa kautusan? Ang pagsa-alang-alang sa kalikasan at mga katangian ng pag-aring ganap at muling kapanganakan, tayo ngayo’y nasa posisyon upang magbigay ng ilang kasagutan sa katanungang ito. Ang mga kasagutan ay kahanga-hanga at malayong maabot sa kanilang im-plikasyon. 1Roma 7:6 2Roma 7:6 3Galacia 5:1 4Galacia 5:1, 13 5Roma 6:14-15

115

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang Sumpa

Sa anong kahulugan ang Kristyano’y lumaya mula sa kautusan? Ang

unang kasagutan sa katanungang ito ay ang Kristyano’y lumaya mula sa sumpa

ng kautusan. Lahat ng ligaw na tao’y nabubuhay sa ilalim ng sumpa: “Sapagkat

ang lahat na umaasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa;

sapagkat nasusulat, ‘Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa lahat ng

bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan.’”1 Kahit gaano pa kainam ang takbo ng

kanyang buhay, ang hindi Kristyano’y nabubuhay patuloy sa ilalim ng sumpa ng

Diyos. Kahit pa ang kanyang mga anak ay maaaring malulusog, ang kanyang

hardin ay malago, at ang kanyang mga bulaklak ay namumulaklak ng kagaganda,

ang galit ng Diyos “nananatili” sa kanya sa lahat ng oras.2 Isang araw kanyang

mapapakinggan ang kakila-kilabot na mga salitang, “Lumayo kayo sa akin,

kayong mga sinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda sa

diyablo at sa kanyang mga anghel.”3

Ang Kristyano, sa kabilang dako, ay tinubos mula sa sumpa ng kautusan:

“Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan nang siya'y naging sumpa

para sa atin — sapagkat nasusulat, ‘Sumpain ang bawat binibitay sa

punungkahoy.’”4 Luwalhati sa Diyos! Kung ikaw ay isang Kristyano, hindi kana

kailanman nasa ilalim ng sumpa! Wala na kahit kaunti na sumpa na meron sa iyo,

sapagka’t “wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus.”5 Dagdag pa roon,

ang sumpa’y hindi na kailanman pupunta sa iyong muli, sapagka’t ang iyong mga

kasalanan ay wala na magpakailanman!6

Lumaya mula sa kautusan, napakasayang kalagayan,

Dugo ni Jesus, may kapatawaran.

Sinumpa ng kautusan at bugbog ng pagbagsak,

Tinubos tayo ng biyaya, minsan magpakailanman.

Minsan magpakailanman, makasalanan tanggapin,

Minsan magpakailanman, kapatid paniwalaan;

Kumapit sa krus, ang pasani’y ilaglag

Si Cristo’y tinubos tayo, minsan magpakailanman!

Philip P. Bliss

Pagpapala at Pabor

Hindi lamang ang mga Kristyano’y lumaya mula sa sumpa ng kautusan;

sila’y lumaya mula sa nakadudurog na pasanin na pangalagaan ang kautusan

bilang kaparaanan para makamit ang katuwiran at buhay.

1Galacia 3:10 2Juan 3:36 3Mateo 25:41 4Galacia 3:13 5Roma 8:1 6Hebreo 8:12

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA KAUTUSAN TUNGO SA BIYAYA

Na makikita sa mga nakaraang mga kabanata, ang nanghahawak ng kautusan

ang pangako ng buhay at pagpapala ay sa mga nagtatatag ng kanilang sariling

katuwiran sa pamamagitan ng paggawa nito.1 “Gawin mo ito at ikaw ay ma-

bubuhay,” ang prinsipyo ng kautusan. Sa ilalim ng kautusan, ang tao’y said sa

kanilang mga sarili (at bigo) nagsusumikap na makuha ang pabor ng Diyos at

makakuha ng “A” sa pagtatapos ng kanilang kurso.

Para sa Kristyano, ang lahat ng bagay ay magkaiba. Siya’y may “A” na;

siya’y may buhay ng na walang hanggan na; siya’y may ngiti at pabor ng Diyos

na—lahat ng ito’y dahil sa ginawa ni Cristo sa kanya! Ang Diyos ay nagagalak sa

kanya at natutuwa sa kanya tulad ng isang lalaking ikakasal sa babaing ikakasal:

“At kung paanong ang lalaking ikakasal ay nagagalak sa babaing ikakasal,

gayon magagalak ang Diyos sa iyo.”2 “Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusa-

lem; ‘Huwag kang matakot; O Zion, huwag manghina ang iyong mga kamay. Ang

PANGINOON mong Diyos ay nasa gitna mo, isang mandirigma na nagbibigay ng

tagumpay; siya'y magagalak sa iyo na may kagalakan; siya'y tatahimik sa

kanyang pag-ibig; siya'y magagalak sa iyo na may malakas na awitan.’”3 Nang

malaman nating kahit gaano tayo kasama at hindi karapat-dapat sa galak ng

Diyos, napakahirap para sa atin na maniwala na ito’y kanyang naramdaman sa

atin. Tunay na Kanyang naramdaman! Hindi Niya lamang tayo inibig; Minahal

Niya tayo higit pa sa kakayahan nating intindihin—ang Kanyang pag-ibig ay “higit

sa kaalaman”!4

Ang Kristyanong lumaya mula sa kautusan ay kundisyon para makamit

ang buhay. Hindi lamang siya tinubos ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan;

Kanya ring nakamit ang lahat ng pagpapala ng buhay at katuwiran. “Tinubos

tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan…upang kay Cristo Jesus ang

pagpapala ni Abraham ay dumating sa mga Hentil, upang ating tanggapin ang

pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.”5 Ibig sabihin nito

imbes na mabuhay sa ilalim ng sumpa, ang Kristyano ngayo’y mabubuhay sa

ilalim ng walang hanggang pagpapala ng Diyos. Bagaman ang kanyang mga

anak ay magkasakit, ang kanyang hardin ay matuyot, at ang kanyang mga bu-

laklak ay malanta, siya’y mabubuhay patuloy sa ilalim ng kagalakan ng Diyos.

Ang estado ng pagpapala’y umaapaw mula sa kanyang pagka-aring ganap: “At

ang kasulatan, na nakakaalam nang una pa man na aariing ganap ng Diyos ang

mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinahayag ang

ebanghelyo nang una pa man kay Abraham, na sinasabi, ‘Sa iyo ay pagpapalain

ang lahat ng mga bansa.’ Kaya't ang mga sumasampalataya ay pinagpapalang

kasama ng mananampalatayang si Abraham.”6

1Galacia 3:12; Lucas 10:25-28; Filipos 3:9; Roma 10:5 2Isaias 62:5 3Zephanias 3:16-17 4Efeso

3:19 5Galacia 3:13-14 6Galacia 3:8-9

117 116

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“Gaya naman ng sinasabi ni David tungkol sa pagiging mapalad ng tao na itinu-

turing ng Diyos na matuwid na hiwalay sa gawa: ‘Mapapalad ang mga pinata-

tawad sa kanilang mga masasamang gawa, at ang mga tinakpan ang kanilang

mga kasalanan. Mapalad ang tao na hindi ibibilang laban sa kanya ng Panginoon

ang kasalanan.’”1 Tunay mainam pa ang magtapon ng oras sa kulungan sa ilalim

ng pagpapala ng Diyos, kaysa tumira sa palasyo sa ilalim ng Kanyang sumpa!

“Pagkatapos ay sasabihin ng Hari sa mga nasa kanyang kanan, 'Halikayo, mga

pinagpala ng Aking Ama, manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo

mula sa pagkatatag ng sanlibutan.’”2

Ikaw ba’y Cristiano? Ang pagpapala ng Diyos ay nasa sayo sa mga

paraan na kamangha-manghang isipin! "Ang mga bagay na hindi nakita ng mata,

at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na

inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa Kanya."3 “Tiyak na ang

kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay;

at ako'y maninirahan sa bahay ng Panginoon magpakailanman.”4

Panlabas na Panuntunan

Yamang ating nakita ang mga seksyon sa itaas, ang ibang aspeto ng

“kalayaan sa kautusan” ng mga Cristiano ay ugnay sa pag-aaring ganap. Siya ay

malaya na sa sumpa, at siya’y malaya na sa sumpa ay nangangahulugang mag-

tamo ng buhay. Ngunit ang isa pang aspeto ng kalayaan sa kautusan ay

direktang resulta ng kapanganakang-muli: Ang Cristiano ay laya na sa kautusan

bilang panlabas na panuntunan na salungat sa kanyang tunay na likas at ka-

gustuhan. Itong kalayaan ay dumarating sa kanya sa pamamagitan ng milagro ng

bagong puso.

Upang maintindihan ang ibig sabihin nito, kailangan lamang nating isaa-

lang alang ang kondisyon ng bawat hindi mananampalataya: Ang batas ay

nagpapatupad sa kanya mula sa labas at sumasalungat sa kanyang tunay na

kagustuhan, iniingatan siya sa estado ng papatuloy na pagkaalipin at pagkabigo.

Pinagbabawalan nito ang mga bagay na kanyang mahal at iniuutos ang mga

bagay na kanyang kinamumuhian. Kapag kanyang inuunat ang kanyang kamay

upang magnakaw, ang batas ay nagsasabi, “Huwag kang magnanakaw.” Kapag

siya’y tumitingi sa babae upang magnasa sa kanya, ang batas ay nagsasabi,

“Huwag kang mangangalunya.” Ang ligaw na kondisyon ng tao ay ipinag-isang

salita sa popular na sticker, “Ang lahat ng aking gusto ay maaring iligal, imoral, o

karumihan.” Ang batas ay pumipigil at sumasaway sa hindi mananampalataya sa

pamamagitan ng takot at pagbabanta, at kanyang kinamumuhian ito: “ Sapagkat

ang kaisipan ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos; sapagkat hindi ito napa-

pasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga maaari.”5

1Roma 4:6-8 2Mateo 25:34 31 Corinto 2:9 4Awit 23:6 5Roma 8:7

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA SA KAUTUSAN TUNGO SA BIYAYA

Ang bawat mananampalataya ay pinalaya na mula sa pagkaalipin. Para

sa kanya ang batas ay hindi na panlabas na panuntunan na salungat sa kanyang

tunay na likas at kagustuhan. Sa halip, ang batas ay panloob; sapagkat na-

susulat “nakasulat sa kanilang mga puso” sa milagro ng kapanganakang muli.1

Siya ay pinigilan ng pagmamahal, hindi ng batas.2 Ito’y umaagos palabas mula

sa loob na umaayon sa batas at tumutupad ng kusa, sapagkat ang “pag-ibig ang

tumutupad sa kautusan.”3 Ang Cristiano bilang kung sino talaga siya ay hindi

dapat mag-aalala tungkol sa pagkakaroon ng kasalungatan sa batas ng Diyos!

“Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagan-

dahang loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili; laban sa

mga ito ay walang kautusan.”4 “Subalit kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu,

kayo ay wala sa ilalim ng kautusan.”5

Sa pag-iingat ng katotohanang ito, sinabi ni Pablo na ang “kautusan ay

hindi ginawa para sa taong matuwid, kundi para sa mga walang kinikilalang ba-

tas at mapaghimagsik, para sa masasama at mga makasalanan, para sa mga

hindi banal at lapastangan, para sa mga pumapatay sa ama at sa ina, para sa

mga mamamatay tao, para sa mga mapakiapid, para sa nakikipagtalik sa kapwa

lalaki o kapwa babae, para sa mga nagbebenta ng alipin, para sa mga sinun-

galing, para sa mga mandaraya, at kung may iba pang bagay na salungat sa

mahusay na aral.”6 Ang matuwid na tao ay hindi nangangailangan ng gayong

pagbabawal, dahil siya’y pinipigilan ng kanyang sariling banal na likas. Kahit na

ang mga utos at aral sa Bagong Tipan ay kinakailangan dahil ang mananam-

palataya ay hindi pa ganap sa “pagiging sino sila.” Dahil tayo ay nasa “mortal na

katawan” at pumapailalim sa “pandaraya ng kasalanan”7 at “pakana ng diyablo,”8

kailangan natin ng gabay na tutulong sa ating uriin ang tama at mali. Gayunpa-

man, sa ating paglago sa biyaya, ang ating isip ay patuloy na “nababago,” at

“dahil sa pagsasagawa ay nasanay ang kanilang mga pandama na makilala ang

pagkakaiba ng mabuti at masama.”9 Sa paraang ito, tayo’y binigyan ng higit na

kakayanan upang “mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at

lubos na kalooban ng Diyos.”10

Ang Kristiyano ay hindi nasa “ilalim” ng kautusan; siya ay (ating gamitin

ang ginamit na mga salita ni Pablo) “nasa ilalim ng kautusan ni Cristo.”11 Ang ang

lahat ng tao’y Kristiyano, hindi na kailangan pang magsara ng kani-kanilang ba-

hay o maglagay ng mga karatula sa kani-kanilang tindahan na bawal ang mag-

nanakaw. At ang estado ng pangyayaring ito’y magiging realidad sa kalangitan,

kung saan ang bawat isa ay makakaranas ng tunay na kalayaan na gawin anu-

man ang kanyang maibigan!

1Hebreo 8:10 22 Corinto 5:14 3Roma 13:10; Galacia 5:14 4Galacia 5:22-23 5Galacia 5:18 61 Timoteo 1:8-10 7Hebreo 3:13 8Efeso 6:11 9Hebreo 5:14 10Roma 12:2 111 Corinto 9:21

119 118

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Walang magiging karatula sa langit na magsasabi, “Huwag kang papatay” o “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo” - hindi na kakailangan-in pa ang mga iyon!

Panustos at Kailangan Ang lahat ng Kristiyano ay namatay sa Kautusan. Sila’y “hindi nasa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya.” Para masuri ang tunay na kahulugan ng mga terminong ginamit ay magdadala sa atin sa higit pang saklaw ng aklat na ito, ngunit maaaring meron pang isang aspeto ng ating “kamatayan sa kautusan” ang mababanggit. Ang mga Kristiyanong namatay sa kautusan sa gayon sila’y hindi na kailanman mabubuhay sa kaharian ng “kailangan,” kundi sa kaharian ng “panustos.” Sila’y “nasa ilalim” ng biyaya, hindi ng kautusan, bilang isang nangingibabaw na kapangyarihan, at sila’y mabubuhay sa kaharian kung saan ang biyaya’y “naghahari.”1 Sa kahariang ito walang nakadepende sa tao; ang lahat ay nadepende sa Diyos. Bawat pagnanais sa kabutihan at bawat gawa ng pagsunod ay mabiyayang gawa sa mananampalataya sa Diyos! “Sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban.”2

Sa kaharian kung saan ang biyaya ang naghahari, ang Diyos ay gumaga-wa para gumawa sa akin sa kabila ng aking mga kahinaan at mga kabiguan hanggang sa ako’y perpektong matulad sa larawan ni Cristo. Kahit ako’y maaaring nagulat sa aking mga kabiguan bilang isang Kristiyano, ang Diyos ay hindi! Alam na Niya ang lahat ng aking mga kasalanan at mga kahinaan bago Niya ipamalas ang Kanyang pagibig sa akin, at Siya ang totoong may hawak at nagtutuwid ng aking mga kabiguan para sa aking ikabubuti—para mahayag ang aking mga kahinaan at para maligtas ako sa mga iyon. (Lucas 22:31-32) Sa Ba-gong Tipan, tinukoy ng Diyos na mahabagin na “lilinisin tayo sa lahat nating karu-mihan, at sa lahat nating mga diyus-diyosan,”3 at Siya’y hindi mapapagod o maghuhunusdili hanggang ang gawang iyon ay matupad sa wakas! Alleluia!

Ligtas sa Kanyang mabanal na biyaya, Makapangyarihan para magpanumbalik—

Makitid pasulong—likod kasalan at kamatayan, At pagibig at buhay dati—

O, hayaang aking kululuwa’y managana sa pagasa, At purihin Siya ng marami!

A. L. Waring

1Roma 5:21 2Filipos 2:13 3Ezekiel 36:25

120

Kabanata Labing-Lima

Pagbabago ng Kaharian Mula kay Adan Tungo kay Cristo

“Subalit kayo ay na kay Cristo Jesus, na naging karunungan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan, upang ayon sa nasusulat, ‘Ang nagmamalaki ay ipagmalaki ang Panginoon.’” 1 Corinto 1:30-31 Sa mga nakaraang mga kabanata ating naisa-alang-alang ang ilang hiwaga ng pag-aring ganap at muling kapanganakan. Dapat maging malinaw sa puntong ito na itong makapangyarihang gawa ay ang tunay na puso at sentro ng ebanghelyo. Anong “mabuting balita” na naging mas maluwalhati kaysa sa pagpahayag ng naibalik na relasyon sa Diyos—na ang pinaka-walang kapag-a-pag-asa nahatulan ay nakatayo ng walang kahihiyan sa presensya ng Diyos, nabihisan sa katuwiran ni Cristo, at ang kinamumuhian at masama’y maaaring maging tunay na bagong nilalang sa Kanya? Ngunit kahanga-hanga man, ang pag-aring ganap at muling kapan-ganakan ay parte lamang ng mas malaking isinamang realidad—ang realidad na tayo’y naging “kay Cristo.” Bilang mga Kristiyano masasabi natin na tayo’y inar-ing ganap, na tayo’y may perfektong katuwiran, na tayo’y bagong mga nilalang, na tayo’y nakaupo sa sangkalangitan, at tayo’y pinagpala sa lahat ng mga paraan na ating naisa-alang-alang sa mga nakaraang mga pahina, o simple lang, masasabi natin na tayo’y “na kay Cristo”! Para maging kay Cristo ay para matanggap ang bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan1—kasama ang pag-aring ganap at muling kapanganakan, at bawat “mabuti at sakdal na kaloob.”2 (tignan sa Apendiks D.)

Na-aring Ganap kay Cristo Lahat ng pagpapala ng pag-aring ganap ay nasa atin kay Cristo. Kay Cristo tayo’y may perpektong katuwiran—ang katuwiran ng Diyos: “Na ako'y... matagpuan sa kanya, na walang sarili kong katuwiran na mula sa kautusan, kundi... ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya.”3 “Para sa ating kapakanan, ginawa niyang may kasalanan siya na hindi nakakilala ng kasalanan, 1Efeso 1:3 2Santiago 1:17 3Filipos 3:8-9

123

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

upang sa kanya tayo'y maging katuwiran ng Diyos.”1 Kaya, maaaring sabihin na tayo ay “inaring ganap kay Cristo.”2 Kay Cristo mayroon tayong “kapatawaran ng mga kasalanan,”3 at “wala nang...kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus.”4

Mga Bagong Nilalang kay Cristo Tulad ng lahat ng mga pagpapala ng pag-aring ganap ay nasa atin kay Cristo, kahit ang lahat ng mga pagpapaa ng muling kapanganakan ay nasa sa Kanya: “Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago.”5

“Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa.”6 Tayo’y “ginawang banal kay Cristo Jesus,”7 “sa Kanya napuspos,”8 at tayo’y pinaupong “kasama Niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus.”9

Dependeng Buhay Mula sa mga talatang ito’y naging maliwanag na ang pag-aring ganap at muling kapanganakan ay hindi pagpapala na ating natanggap sa ating sarili, kun-di mula lamang sa Diyos. Hindi tayo ginawang bagong nilalang ng Diyos sa paraan na tayo’y may positibong pinagmumulan ng katuwiran, na may kakaya-hang magkabuhay sa sarili natin hiwalay sa Kanya. Kundi, tayo’y mga bagong nilalang kay Cristo Jesus. Hiwalay mula kay Cristo tayo’y wala at walang magaga-wa.10 Lahat tayo at mayroon tayo, tayo’y mayroon lamang sa Kanya. Kaya, ang buhay Kristiyano ay isang buong dependeng buhay. Ito ang itinuturo ng ating Panginoon sa Juan 15: “Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na hindi magbubunga buhat sa kanyang sarili malibang nakakabit sa puno, gayundin naman kayo, malibang kayo'y manatili sa akin. Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nag-bubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.”11 Tayo’y hindi “sa tayo’y ay may kakayahan mula sa ating sarili upang angkinin ang anuman na nagmula sa atin, kundi ang ating kakayahan ay mula sa Diyos; na ginawa tayong may kakayahan na maging mga lingkod ng bagong tipan, hindi ng titik, kundi ng Espiritu, sapagkat ang titik ay pumapatay, subalit ang Espiritu ay nagbibigay buhay.”12

Wala para Iyong punuan ako, Isang malinis na sisidlan sa Iyang kamay;

Walang kapangyarihan kundi Ikaw ang nagbigay, Marikit sa bawat kautusan.

12 Corinto 5:21 2Galacia 2:17 3Colosas 1:14 4Roma 8:1 52Corinto 5:17 6Efeso 2:10 71 Corinto 1:2 8Colosas 2:10 9Efeso 2:6 10Juan 15:5 11Juan 15:4-5 122 Corinto 3:5-6

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA KAY ADAN TUNGO KAY CRISTO

Daluyan lamang, mapagpalang Pinuno,

Ngunit sa lahat ng Kanyang nakakamanghang kapangyarihan,

Umaagos sa atin, Ikaw ang gumamit sa amin

Bawat araw at bawat oras

Mary Maxwell

“Kay Adan” vs. “Kay Cristo”

Ito’y magbibigay sa atin para isa-alang-alang ang huling “pagbabago ng

kaharian” na mas kailangan at malalim at malawak ang saklaw kaysa sa iba—

ang pagbago ng kaharian mula “kay Adan” tungo “kay Cristo.” Ayon sa Bibliya,

lahat ng tao sa kasaysayan ay maaaring ibuod sa dalawang tao: Adan at Cristo.

lahat ng tao’y “sa” isa o sa isa. Ang mga kay Adan ay mamamatay; ang mga kay

Cristo’y mabubuhay magpakailanman.

“Sapagkat yamang sa pamamagitan ng isang tao'y dumating ang kamatayan, sa

pamamagitan din ng isang tao'y dumating ang pagkabuhay na muli ng mga

patay. Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin

kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. Subalit ang bawat isa'y ayon sa kanya-

kanyang panahon. Si Cristo ang unang bunga; at pagkatapos ay ang mga kay

Cristo sa kanyang pagdating.”

1 Corinto 15:21-23

“Kaya't nasusulat, ‘Ang unang taong si Adan ay naging buhay na nilalang.’ Ang

huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit hindi una ang ka-

tawang espirituwal, kundi ang makalupa, pagkatapos ay ang espirituwal. Ang

unang tao ay mula sa lupa, isang taong mula sa alabok. Ang ikalawang tao ay

mula sa langit. Kung ano ang taong mula sa alabok, gayundin silang mula sa

alabok, at kung ano ang taong mula sa langit ay gayundin silang makalangit. At

kung paanong taglay natin ang larawan ng taong mula sa alabok, tataglayin din

natin ang larawan ng taong makalangit.”

1 Corinto 15:45-49

“Gayunman ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises,

kahit sa kanila na hindi nagkasala ng tulad sa paglabag ni Adan, na siyang anyo

ng isa na darating... Sapagkat kung paanong sa pagsuway ng isa ay naghari ang

kamatayan sa pamamagitan ng isa; ang tumatanggap ng kasaganaan ng biyaya

at kaloob ng pagiging matuwid ay lalo pang maghahari sa buhay sa pamamagi-

tan ng isa, si Jesu-Cristo. Kaya't kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsu-

125 124

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

way ay dumating ang kahatulan sa lahat ng mga tao; gayundin naman sa pama-magitan ng isang matuwid na gawa ay dumating sa lahat ng mga tao ang pa-gaaring-ganap at buhay. Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayundin sa pamamagi-tan ng pagsunod ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.” Roma 5:14, 17-19 Masdan na sa mga talatang ito si Adan ay sinabing isang “anyo” ni Cristo, at si Cristo’y sinabing “ang huling Adan.” Si Adan ang unang tao, ang ulo ng lahat. Sa kanyang pagkahulog sa kasalanan, ang kasalanan at kamatayan ay naka-pasok sa sangkatauhan at ang sangkatauhan ay mapapahamak. Si Cristo’y du-mating bilang “ang huling Adan” para simulan ang isang bagong sangkatauhan at para maging ulo ng isang bagong sangkatauhan. Tulad ng pagrepresenta kay Adan at kasama ang lahat nang sa kanya, kaya si Cristo’y nagrepresenta at kasa-ma ang lahat nang sa Kanya. Sa mga na kay Adan ay kabahagi sa lahat ng na kay Adan; sa mga na kay Cristo kabahagi ang lahat ng na kay Cristo.

Ang mga Katangian ng Dalawang Kaharian Ang pagbago ng kaharian sa pagitan ni Adan at ni Cristo ay ang pinaka-mahalaga at malaki ang saklaw na dadanasin ng bawat tao. Kasama rito ang iba pang bawat pagbabago ng kaharian na ang katulong ang Bibliya sa pagbabago, kasama sa lahat ng tinalakay sa mga nakaraang mga kabanata. Masdan muli ang dalawang kaharian at lahat na naintindihan sa bawat isa sa kanila: Kay Adan Kay Cristo Kasalanan (Rom. 5:12, 19) Katuwiran (Rom. 5:18,19) Kahatulan (Rom. 5:18) Pag-aring ganap (Rom. 5:18) Kamatayan (Rom. 5:17; 1 Cor. 15:22) Buhay (Rom. 5:18; 1 Cor. 15:22) Laman (Rom. 8:9; 7:5) Espiritu (Rom. 8:9) Mundo (Col. 2:20) Langit (Col. 3:1-3) Kautusan (Rom. 6:14) Biyaya (Rom. 6:14) Sumpa (Gal. 3:10) Pagpapala (Gal. 3:14, 8-9) Alipin (Rom. 7:6) Kalayaan (Rom. 7:6; 2 Cor. 3:17) Kasalanan ang naghahari (Rom. 5:21) Biyaya ang naghahari (Rom. 5:21) “Nasa ilalim” ng kasalanan (Rom. 3:9; 7:14) “Nasa ilalim” ng biyaya (Rom. 6:14) Alipin ng kasalanan (Rom. 6:17) Alipin ng katuwiran (Rom. 6:18) Kamatayan ang naghahari (Rom. 5:17) Buhay ang naghahari (Rom. 5:17) Kadiliman (Gawa 26:18) Liwanag (1 Tes. 5:4-5) Sa kapangyarihan ni Satanas (Gawa 26:18) Sa kaharian ng Diyos (Col. 1:12-13)

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA KAY ADAN TUNGO KAY CRISTO

Ang mga Kristiyano “Namatay Sa” Dating Kaharian

“Nalalaman nating si Cristo na nabuhay mula sa mga patay ay hindi na mama-

matay; ang kamatayan ay wala nang paghahari sa kanya. Sapagkat ang ka-

matayan na ikinamatay niya ay kanyang ikinamatay sa kasalanan nang minsan-

an; ngunit ang buhay na kanyang ikinabubuhay ay kanyang ikinabubuhay sa

Diyos. Gayundin naman kayo, ituring ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa

kasalanan, ngunit mga nabubuhay sa Diyos kay Cristo Jesus.” Roma 6:9-11

Kapag atin ng naintindihan kung gaano kalaki ang saklaw ng “dalawang

kaharian” ni Adan at ni Cristo, tayo’y nasa isang posisyon para maintindihan ang

kahulugan ni Pablo nung sinabi niya sa Kristyano na “namatay sa” maraming

mga bagay. Sa Roma 6:11 tinatawag ni Pablo ang mga Kristiyano na sumam-

palataya at ibilang ang katotohanan na sila’y “patay na sa” kasalanan. Parehong

terminolohiya ang ginamit patungkol sa relasyon ng Kristiyano sa kautusan:

“Sapagkat ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay sa kautusan, upang

ako'y mabuhay sa Diyos.”1 Ang relasyon ng Kristiyano sa mundo ay sinabi rin sa

termino ng pagkakapako sa krus at kamatayan: “Subalit huwag nawang

mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-

Cristo, na sa pamamagitan nito ang sanlibutan ay ipinako sa krus para sa akin,

at ako'y sa sanlibutan. Sapagkat' ang pagtutuli o ang di pagtutuli ay walang ka-

buluhan, kundi ang bagong nilalang.”2 Masdan na ang ating kamatayan sa san-

libutan ay nakaugnay sa “bagong nilalang” at ating “pagkakapako” kay Cristo.

Anong ibig sabihin ni Pablo nung sabihin niya na ang Kristiyano ay

“namatay sa” kasalanan, Kautusan, at sanlibutan? Tiyak na hindi niya ibig sabi-

hin na tayo’y “namatay sa” mga bagay na ang kahulugan ay hindi na tayo kailan-

man maapektuhan nito. Ito’y halata mula sa katotohanan na pinapayuhan tayo ni

Pablo na huwag nating “hayaang maghari ang kasalanan sa ating buhay.” Ang

gayong payo’y hindi na kailangan kung ang Kristiyano’y hindi pa rin apektado sa

kasalanan. Hindi ibig sabihin ng Roma 6:11 na “Magpanggap na hindi kana

kailanman apektado ng kasalanan, yamang alam mong apektado ka”! Sa halip,

ang susi para maunawaan ang kahulugan ng ating “kamatayan sa kasalanan” ay

matatagpuan sa v.10, na nagsasabi sa karanasan kay Cristo mismo: “Sapagkat

ang kamatayan na ikinamatay niya ay kanyang ikinamatay sa kasalanan nang

minsanan; ngunit ang buhay na kanyang ikinabubuhay ay kanyang ikinabubuhay

sa Diyos.”

Masdan na ayon kay Pablo maging kay Cristo mismo “namatay sa kasa-

lanan”! Anong kahulugan na si Cristo’y “namatay sa kasalanan” nung Siya’y

namatay? Siya ba’y kailanman “buhay”? At anong kahulugan na si Cristo ngayon

1Galacia 2:19; Roma 7:4; Colosas 2:20-21 2Galacia 6:14-15

127 126

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

“buhay sa Diyos” yamang nabuhay Siya maguli? Siya ba’y hindi na kailanman “buhay sa Diyos”? Ang sagot ay malinaw: Nang si Cristo’y namatay sa krus, Siya’y “namatay sa kasalanan” sa gayon Siya’y yumao sa Kanyang kaharian, at Siya ngayo’y “nabubuhay para sa Diyos” sa gayon Siya’y yumao sa sangkalangitan sa oras ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat. “Gayundin naman kayo,” Sabi ni Pablo sa v.11, ang mga Kristiyano’y “namatay sa kasa-lanan” sa pamamagitan ng pagyao sa kanyang kaharian, at “mabubuhay para sa Diyos” sa pamamagitan ng pagyao sa Kanyang kaharian! Iniwan nila ang isang kaharian at pumasok sa iba. Nung sinabi ni Pablo na tayo’y “namatay sa kasa-lanan,” ang sinasabi niya’y talagang nangyari! Ang Kristiyano’y hindi namatay sa kasalanan sa pakahulugan na siya’y hindi na kailanman maaapektuhan nito, kun-di siya ay namatay sa kasalanan sa pakahulugan na siya’y hindi na kailanman mabubuhay sa ilalaim ng paghahari ng kasalanan. Sa pagpapako sa krus at ka-matayan ng ating lumang pagkatao, tayo’y yumao sa kaharian ng laman, sa kaharian ng mundo, sa kaharian ng Kautusan, at sa kaharian ng kasalanan at kamatayan. Kristiyano, ikaw ay talagang “namatay sa kasalanan,” sa gayon ikaw ay yumao sa kanyang kaharian. Ang kasalanan ay hindi na kailanman “naghahari” sa iyo; ito’y hindi na “akma” kailanman sa iyo; ito’y hindi “na” ikaw kailanman; hindi ka na kailanman alipin nito! Tulad nitong masamang tao sa Awit 37, gayon din sa Kristiyano kapag ang kanyang “lumang pagkatao” ay namatay: “Gayunma'y sandali na lamang, at ang masama ay mawawala na; kahit tingnan mong mabuti ang kanyang lugar, siya ay wala roon.”1 Ang “masamang tao” na naging tayo “ay hindi na.” Hindi na “kailanman matatagpuan” sa “kanyang lugar,” at silang umaasa sa kanyang presensiya roon ay “magtataka” sa kanyang pagliban: “Sapat na ang nakaraang panahon sa paggawa ninyo ng mga gustong gawin ng mga Hentil, na namumuhay sa kahalayan, masasamang pita, paglalas-ing, kalayawan, pag-iinuman, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. Sila ay nagtataka na kayo ay hindi na nakikisama sa gayang labis na kaguluhan, kaya't kayo'y nilalait nila.3 Paanong itong hindi inaasahang pagbaba-go’y naipaliwanang sa naunang mga talata: “Kung paanong si Cristo ay nagdusa sa laman [i.e., namatay] ay sandatahan din naman ninyo ang inyong sarili ng gayong pag-iisip, sapagkat ang nagdusa sa laman ay tapos na sa kasalanan, upang hindi na kayo mamuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa masasamang pagnanasa ng mga tao, kundi sa kalooban ng Diyos.”3 Kristiyano, ang iyong kamatayan sa kasalanan ay isang realidad! Kaya, ibilang ang katotohanan na ikaw ay namatay sa kasalanan, pero buhay para sa Diyos kay Cristo Jesus!

Ang Kasiguruhan ng Buhay kay Cristo Marahil angkop na wakasan ang pag-aaral na ito sa pagsasaalang-alang minsan pa sa hindi mailarawang liwanag ng hinaharap na inihain para sa lahat ng 1Awit 37:10 21 Pedro 4:3-4 31 Pedro 4:1-2

PAGBABAGO NG KAHARIAN: MULA KAY ADAN TUNGO KAY CRISTO

Tunay na mga mananampalataya. Bawat Kristiyano’y dapat gumawa ng dakilang

kapanatagan mula sa katotohanan na siya ngayon ay na “kay Cristo” at naging

isa kay Cristo. Pagkatapos, bawat isa sa atin ay una sa lahat ay nakaranas ng

tunay at nakawawasak na mga resulta ng ating kaisahan kay Adan! Ang ating

kaisahan kay Adan ay siguradong nagtamo ng kasalanan, kahatulan, at ka-

matayan. “Ang kasalana’y naghahari”1 at “ang kamatayan ay naghahari”2 sa lahat

ng mga bumagsak na mga anak ni Adan, papunta pababa sa hukay ng

impiyerno at kawakasan.

Pero kung ang kaisahan kay Adan ay makapangyarihan sa pag-secure

sa kamatayan, gaano pa kaya ang makapangyarihang kaisahan kay Cristo sa

pag-secure ng buhay! Ito ang argumento ni Pablo sa Roma 5. Paulit-ulit na sina-

bi ni Pablo ang ginawa ni Cristo na “mas higit” na epektibo kasya sa ginawa ni

Adan: “ Sapagkat kung paanong sa pagsuway ng isa ay naghari ang kamatayan

sa pamamagitan ng isa; lalo pang sumagana para sa marami ang biyaya ng

Diyos, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang tao, na si Jesu-Cristo.”3 “Kung

saan marami ang kasalanan, ay lalong dumarami ang biyaya; upang, kung

paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, ay gayundin naman ang

biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng pagiging matuwid tungo sa buhay

na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.”4 Ang

kasalanan ay isang malupit na kakila-kilabot na naghahari na napakalakas sa

mga na kay Adan na ang kamatayan sa kanila ay tiyak na mangyayari. Pero ang

kasalanan ay hindi kailanman maghahari sa Kristiyano. Biyaya ang naghahari sa

Kristiyano, at ito’y naghahari na may napakatatag. Kristiyano, maaaring maging

napaka mahina at masama, may mga pagkakataon na ikaw ay mawawalan ng

pag-asa na hindi mo maaabot ang langit, pero ang “biyaya ay naghahari” sa

iyong buhay at ito’y hindi namamahinga o nalulubag hanggang sa ang bawat

kasalanan ay mapagtagumpayan at ikaw ay sakdal na matulad sa larawan ni

Cristo! Alleluia! Biyaya’y “naghaharing” tunay “sa pamamagitan ng katuwiran”

patungo “sa walang hanggang buhay”!

Hayaang tumindig ngayon aking kalul’wa,

At yapakan ang kalooban;

Aking Kapitan pangunahan ako

Para manakop at korona:

Ang mahinang banal ay magwawagi,

Kamatayan at impiyerno’y barhan man ang daan.

Lahat ng mga hukbo ng kamatayan,

At ang lingid na kapangyarihan ng impiyerno,

1Roma 5:21 2Roma 5:14 3Roma 5:17, 15 4Roma 5:20-21

129 128

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ilagay ang kanilang naksisindak na anyo

Ng galit at aligutgot Ako’y ligtas, sapagka’t si Cristo’y tanghal

Higit na malakas, at tagapagtanggol. Isaac Watts

130

Patuloy na Tumingin!

“Sapagkat kayo'y namatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos!”

Apendiks A

Muling Kapanganakan Buod

Sa oras ng ating pagsasama kay Cristo, ang lahat ng mga sumusunod ay naging tunay sa atin: 1. Bagong Nilalang—a) ang mga lumang bagay ay lumipas na, at b) tayo’y naging bagong mga nilalang.

• 2 Corinto 5:14-17 bagong nilalang

• Galacia 6:15 (cf. v.14) isang bagong nilalang

• Efeso 2:10 Kanyang pinakamahusay na gawa, nilalang kay Cristo Jesus

• Efeso 2:15 lumalalang sa Kanyang sarili ng isang bagong tao—isang katawan (v.16)

• Efeso 4:24 ang bagong tao, ay nilalang ayon sa wangis ng Diyos, kaya…; tayo’y mga bahagi ng isa’t isa (v.25)

• Colosas 3:10 ang bagong pagkatao, na binabago ayon sa larawan ng lumalang sa kanya.

• Cf. maging, lahat ng mga talata na may “bago” - e.g. Tito 3:5 “pagbabago”

2. Bagong Silang—tayo’y “naisilang muli”; isang tunay na pagsilang sa espirituwal na kaharian.

• Juan 3:6 ipinanganak sa espiritu

• 2 Pedro 1:4 kabahagi sa likas ng Diyos

• 1 Juan 3:9 ipinanganak ng Diyos, ang Kanyang binhi ay nananatili, at hindi na maaaring magkasala, sapagkat ipinanganak

• Hebreo 2:11 isang Ama (tunay!), kaya kapatid

• 1 Juan 3:1 “tayo’y gayon nga. Dahil dito’y…” 3. Bagong Puso—a) ating matigas na puso ay natanggal, at b) tayo’y binig-yan ng isang “pusong laman.”

• Ezekiel 36:22-32 “bagong puso,” “bagong espiritu,” “Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa iyo”

• Jeremias 31:33-34 “kanilang kalooban,” “kanilang puso”

133

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

• Jeremias 32:38-41 Bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, ilala-gay ko sa kanilang puso ang pagkatakot sa Akin, upang huwag silang humiwalay sa Akin.

• Hebreo 8:10 ilalagay ko… sa...

• 2 Corinto 3:1-3 kundi ng Espiritu ng Diyos na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato kundi sa mga tapyas ng puso ng tao.

Espirituwal na pagtutuli—puso’y tinuli sa pamamagitan ng Espiritu.

• Roma 2:28-29 ang pagtutuli yaong sa puso, sa espiritu

• Colosas 2:10-11 kayo'y napuspos sa kanya, sa kanya ay tinuli rin kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pamamagitan ng paghuhubad ng katawang laman sa pagtutuli ni Cristo (ang pisikal na kondisyon na lahat ng mga Hentil)

• Efeso 2:11 tinatawag na tuli sa laman, na ginawa ng “mga kamay ng tao” (may tinukoy at kaibahan dito sa tunay na pagtutuli ng mga Kristi-yano.)

• Filipos 3:3 Ang tunay na pagtutuli, na sumasamba sa Diyos sa Espiritu, at walang anumang pagtitiwala sa laman

• Gawa 7:51 hindi tuli ang puso't mga tainga, laging sumasalungat sa Espir-itu Santo.

• Deuteronomio 30:6 Tutuliin ng PANGINOON mong Diyos ang iyong puso upang ibigin...

5. Bagong Likas—nabago mula sa dawag sa punungkahoy sa puno ng igos!

• Mateo 12:33-37 “O gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito; o gawin ninyong masama ang puno at masama ang bunga nito; sapagkat ang puno ay nakikilala sa pamamagitan ng kanyang bunga.”

• Mateo 7:15-20 (lalo na v.18 “hindi”) 6. Bagong Pagkatao—a) ating alisin ang dating pagkatao, at b) ating ibihis ang bagong pagkatao. (Adan laban kay Cristo)

• Colosas 3:8-11 yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao pati ang mga gawa nito, at kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na binabago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kanya. Dito'y wala ng Gri-yego at Judio...kundi si Cristo ang lahat at nasa lahat

APENDIKS A: MULING KAPANGANAKAN

• Efeso 2:10, 14-16 siya ay lumalang sa kanyang sarili ng isang bagong tao, kapalit ng dalawa, at kanyang papagkasunduin ang dalawa sa isang katawan sa Diyos

• Galacia 3:27-28 Sapagkat ang lahat na sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo…Walang Judio o Griyego...sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.

• Roma 13:13-14 huwag sa kahalayan, huwag sa mga away at paninibugho, kundi isuot ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga pagnanasa nito.

• Efeso 4:22-25 sa reperensiya ng iyong dating paraan ng pamumuhay, alisin ninyo ang dating pagkatao na pinasama sa pamamagitan ng mapandayang pagnanasa, at magbago sa espiritu ng inyong pag-iisip, at kayo'y magbihis ng bagong pagkatao, na nilalang ayon sa wangis ng Diyos, sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan. Kaya't magsalita ng katotohanan, sapagkat tayo'y mga bahagi ng isa't isa.

Pagkakapako sa krus at muling pagkabuhay—a) ang ating “lumang pagkatao” ay napako, “tayo” namatay, inilibing, at b) binuhay tungo sa bagong buhay, at aakyat sa sangkalangitan, naging kabahagi sa buhay at kapangyarihan ni Cristo sa pamamagitan ng pagtahan ng Banal na Espir-itu. Napako:

• Roma 6:6 ating dating pagkatao ay napako kasama Niya

• Galacia 2:20 Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabu-buhay

• Galacia 6:14 “ako’y ipinako sa sanlibutan sa pamamagitan ng krus ni Cristo.”

Namatay:

• Roma 6:2 tayong mga namatay

• Roma 6:7 siya na namatay

• Roma 6:8 tayo’y namatay kasama si Cristo

• Roma 7:4 ikaw ay nilikha para mamatay sa Kautusan

• Roma 7:6 tayo'y namatay doon sa umalipin sa atin

• Galacia 2:19 ako’y namatay sa Kautusan

• Galacia 2:20 hindi na ako ang nabubuhay

135 134

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

• Colosas 2:20 ikaw ay namatay kasama ni Cristo

• Colosas 3:3 ikaw ay namatay

• 2 Timoteo 2:11 kung tayo’y namatay kasama ni Cristo

• 2 Corinto 5:14 namatay para sa lahat Inilibing:

• Roma 6:4 inilibing kasama Niya

• Colosas 2:12 nang ilibing kasama Niya sa bautismo Nabuhay muli at umakyat:

• Roma 6:4 na kung paanong si Cristo ay muling nabuhay, gayundin naman tayo'y makakalakad sa panibagong buhay

• Roma 6:5 na katulad sa kanyang muling pagkabuhay.

• Roma 6:8 mabubuhay ding kasama niya

• Roma 6:11 nabubuhay sa Diyos kay Cristo Jesus

• Roma 6:13 mga buhay mula sa mga patay

• Efeso 2:5-6 binuhay niya tayo kay Cristo, at tayo'y muling binuhay na kasama niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan; cf. 5:14!

• Galacia 2:19 upang ako'y mabuhay sa Diyos

• Galacia 5:25 nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu

• Colosas 2:12 kayo rin ay muling binuhay na kasama niya sa pamamagi-tan ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na muling bumuhay sa kanya mula sa mga patay

• Colosas 3:1-3 muling binuhay na kasama ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos, sapagkat kayo'y namatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos

• 2 Corinto 5:15 upang ang mga nabubuhay ay para sa kanya na alang-alang sa kanila ay namatay at muling nabuhay

Kasama sa Kanyang Buhay at kapangyarihan:

• Juan 4:14 sa kanya ay magiging isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan

• Juan 6:57 Kung paanong… ako'y nabubuhay dahil sa Ama, gayundin… sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.

• Juan 15:4-5 Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na hindi magbubunga buhat sa kanyang sarili

• 2 Corinto 4:11 upang ang buhay ni Jesus ay mahayag sa aming laman

• Galacia 2:20 “Hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabu-buhay sa akin.”

APENDIKS A: MULING KAPANGANAKAN

• Efeso 3:16, 20 palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu sa pagkataong loob; higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin

• Colosas 3:4 Cristo, na ating buhay

• Filipos 1:19, 21 tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo; “ang mabuhay ay si Cristo”

• Filipos 4:13 “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan niyang nagpapalakas sa akin”

• Marami pa! 8. Laman/Espiritu—a) tayo’y hindi na “sa laman,” kundi b) tayo’y “sa Espir-itu.”

• Roma 7:5 nang tayo'y...

• Roma 8:5-9 ang mga ayon sa laman; “ang kaisipan ng laman ay ka-matayan”; ang mga nasa laman ay hindi makapagbibigay-lugod sa Diyos—Ngunit kayo'y wala sa laman, kundi nasa Espiritu, yamang nananatili sa inyo ang Espiritu ng Diyos

• 1 Corinto 2:10-3:4 ang taong hindi ayon sa espiritu, makalaman, “ayon sa tao”; “sa pamantayan ng mga tao” iba sa “espirituwal” at sa “kaisipan ni Cristo” (i.e., tayo’y kumikilos parang ligaw na tao)

• 2 Corinto 5:16 Kaya't mula ngayon ay hindi namin kinikilala ang sinuman ayon sa pananaw ng laman, bagaman… kinikilala namin si Cristo ayon sa pananaw ng laman, ngunit ngayon ay hindi na gayon ang aming pagkakilala; bagong nilalang, lumang bagay ay lumipas na; (i.e., Hindi na namin kailanman tatanawin ang anuman mula sa makalaman, dahil hindi na kami nabubuhay roon!)

• Galacia 5:25 nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu (Masdan ang laman/Espiritu ang kaibahan sa mga naunang mga talata.)

9. Lupa/Sangkalangitan—a) tayo’y isinalin mula sa mundo, at b) tayo’y inilagay sa makalangit.

• Colosas 2:20 “na parang nasa sanlibutan”!

• Colosas 3:1-3 “mga bagay na nasa itaas” inihambing sa mga bagay na nasa lupa”

• Filipos 3:19b-20 “mga bagay na makalupa” inihambing “sa langit”; tayo’y taga roon ngayon

• Efeso 2:6 “pinaupong kasama niya sa sangkalangitan,” “sa sangkalangitan,” “kay Cristo”

• Efeso 1:3 “sa sangkalangitan,” “kay Cristo”

137 136

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

• Galacia 4:25-26 “kasalukuyang Jerusalem” laban sa “Jerusalem na nasa taas”

• Hebreo 12:22 lumapit sa “makalangit na Jerusalem” laban sa “bundok na nahaha-

wakan”

• Galacia 6:14 ang sanlibutan ay ipinako sa krus!

• Juan 17:14, 16 hindi taga-sanlibutan, gaya ni Cristo na hindi taga-sanlibutan!

• Cf. Juan 8:23 1 Juan 4:4-6

10. Kadiliman/Liwanag—a) tayo’y inalis sa “kaharian ng kadiliman,” at b) tayo’y inal-agay sa kaharian ng “liwanag.”

• Efeso 5:17-14 dating kadiliman, subalit ngayon ay liwanag sa Panginoon.

Lumakad kayong gaya ng mga anak ng liwanag; gawa ng kadiliman; “Gumising, ikaw na natutulog, at bumangon mula sa mga patay, at si Cristo ay magliliwanag sa iyo.

• Colosas 1:12-13 karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwa-

nagan, sapagkat...iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak

• 1 Tesalonica 5:1-11 Ngunit kayo, ay wala sa kadiliman, kayong lahat ay pawang

mga anak ng liwanag at mga anak ng araw; tayo'y hindi ng gabi ni ng kadiliman man; Kaya nga, tayo'y magpakatino…

• Roma 3:11-14 magising kayo sa pagkakatulog; ang araw ay malapit na, iwaksi na

natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng liwanag; lumakad tayo nang maayos, gaya ng sa araw

• 1 Juan 2:7-11 ang kadiliman ay lumilipas, at ang tunay na liwanag ay tumatanglaw

na; “sa liwanag” laban “sa kadiliman”; “ang kanyang mga mata ay binulag ng kadiliman”!

• Gawa 26:18 magbalik mula sa kadiliman tungo sa liwanag at mula sa kapangyari-

han ni Satanas tungo sa Diyos

• 1 Pedro 2:9 tumawag sa inyo mula sa kadiliman, tungo sa kanyang kagila-gilalas

na liwanag.

• Cf. pati Mateo 4:16, 5:14-16; Lucas 1:79!, 11:33-36, 16:8, 22:53; Juan 1:5 (“ang

kadiliman” = tao!), 3:19-21, 8:12, 12:35-36, 12:46; 2 Corinto 4:1-6, 6:14; 1 Juan 1:5-7

11. Mga alipin para sa Diyos—a) tayo’y nakalaya mula sa ating pagkaka-alipin sa kasalanan at b) tayo’y naging alipin ng katuwiran.

• Roma 6:6-7 tayo'y hindi na magpaalipin pa sa kasalanan

• Roma 6:14 ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo

• Roma 6:16-23 tayo’y mga alipin ng kasalanan; pagkatapos na mapalaya kayo sa

kasalanan ay naging mga alipin kayo sa paggawa ng matuwid; pinalaya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Diyos

APENDIKS A: MULING KAPANGANAKAN

• Juan 8:31-36 alipin ng kasalanan; Ang alipin ay walang palagiang lugar sa sambahayan; pinalayang tunay

• Masdan ang implikasyon ng maayos na pagpapaliwanag ng Roma 7, kung saan si Pablo ay nagsalita sa isang tao na siya’y “ipinagbili sa ilalim ng kasalanan” (v.14), “binibihag sa ilalim ng kautusan ng kasa-lanan” (v.23), “naglilingkod” ang kautusan ng kasalanan (v.25), at nananatiling nangangailangan na “makalaya” mula sa katawang ito ng kamatayan (v.24).

————————————————————————

Sa kamatayan ng dati at ang muling pagkabuhay ng bago, tayo:

• namatay sa kasalanan at nabuhay para sa Diyos. Roma 6:1-14; 1 Pedro 2:24 (cf. 1 Pedro 4:1-2)

• namatay sa kautusan at nabuhay para sa Diyos. Roma 7:4-6; Galacia 2:19; Colosas 2:20-22; Galacia 6:12-15

• namatay sa sarili at nabuhay para sa Diyos. 2 Corinto 5:15 (cf. v.14-17)

• Namatay sa sanlibutan (bilang ang saklaw ng kautusan at kasalanan) at nabuhay para sa Diyos:

Colosas 2:20 (ang sanlibutan bilang ang saklaw ng kautusan-tignan sa v.16-17, 20-23)

Colosas 3:3 (ang sanlibutan bilang ang saklaw ng kasalanan-tignan sa v.2, 5s.)

Galacia 6:14 (ang sanlibutan bilang ang saklaw ng kautusan-tignan sa v.12-15 at 4:3)

————————————————————————

Habang nagsisimula tayong maniwala (i.e., “ituring,” ibilang na totoo—Roma 6:11) na tayo’y bagong nilalang buhay sa sangkalangitan, ang “espiritu ng ating pag-iisip” ay unti-unting “nababago” (Roma 12:2; Efeso 4:23; Colosas 1:9), at tayo’y higit na makakaya at higit na makakakita, makakapag-isip, at makakagawa ng mga makalangit na pananaw:

• Yamang nasa atin “ang pag-iisip ni Cristo” (1 Corinto 2:16; Roma 8:6), ngayo’y kaya nating “hayaan” ang Kanyang pag-iisip ay maghari sa atin (Filipos 2:5) at “sandatahin tayo” ng Kanyang pag-iisip (1 Pedro 4:1-2). cf. Filipos 3:15 (v.13-15)

• Yamang tayo’y napako na, ngayo’y kaya natin ngayon sa pamamagitan

139 138

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ng pananampalataya para “pasanin ang ating krus at itanggi ang sarili” (Lucas 9:23) - tunay, hindi lamang sariling katuwiran “tanggihan ang sarili.”

• Yamang tayo'y nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, lumakad din tayo sa patnubay ng Espiritu (Galacia 5:25). Paghambingin sa Colosas 3:7.

• Yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao at kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao (Colosas 3:9-10), tayo’y hinihikayat na mabuhay alinsu-nod sa “alisin ninyo ang dating pagkatao” (i.e., kanyang mga gawa) (Efeso 4:22), sa pamamagitan ng “pagtakwil ng galit… at magbihis kayo ng kahabagan…” (Colosas 3:8, 12), at sa pamamagitan ng “pagsakbat ng sandata ng liwanag” (Roma 13:12; Efeso 6:10-18; 1 Tesalonica 5:8).

• Tandaan: May ilang autoridad na ang infinitibo ng Efeso 4:22, 24 ay hindi mahalaga, ngunit “infinitibo ng resulta” at maaaring isalin bilang “…iyong inalis ang dating pagkatao… at iyong inilagay ang bagong pagkatao…” (tignan John Murray, Principles of Conduct, 214-18.) Ito’y ginawa v.22 & 24 para maging pahayag ng katotohanan (tulad ng sa Co-losas 3:9-10) at v.25-32 para maging tagubilin base doon sa mga paha-yag ng katotohanan.

• Yamang tayo’y “nabihisan kay Cristo” (Galacia 3:27); tayo ngayo’y kayang sanayin na “isuot ang Panginoong Jesu-Cristo” (Roma 13:14).

• Yamang tayo ay anak ng liwanag, tayo’y lumakad bilang anak ng liwanag (Efeso 5:7-10; 1 Tesalonica 5:4-10).

• Yamang tayo ay mga alipin ng katuwiran, tayo ngayo’y kayang tanggihan ang “paghahari” ng kasalanan at kayang ipakilala ang mga kasama bilang mga alipin ng katuwiran (Roma 6:12, 19).

• Cf. gayon din sa Santiago 3:10-12; Isaias 52:1-2; Isaias 60:1-5; Kawikaan 31:4; etc.

————————————————————————

Buod ng mga termino:

• Ang “dating pagkatao”: ang ating lumang sarili, tayo na na kay Adan, ang ating hindi pa nabubuhay na muling sarili.

• Ang “bagong pagkatao”: tayo na na kay Cristo, ang bagong nilalang, ang ating tunay na pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano

• Ang “katawan ng kasalanan”: ang “laman”; ang pisikal na katawang hindi pa natutubos ay nagsisikap paring pagharian ng kasalanan. Cf. Roma

APENDIKS A: MULING KAPANGANAKAN

6:12, 13, 19; Roma 7:5, 14, 18, 23, 24, 25; Roma 8:3, 10-13 (Tandaan: kasa-lanan = “ang mga gawa ng katawan”!); Roma 12:1-2; Colosas 3:5s. (Tandaan: v.5 lit. “Pinatay na ang mga kasama nito na nasa lupa”!) Galacia 5:19s. * “Kaharian”: ang rehiyon o sakop kung saan namamahala, “naghahari,” o nananaig; gaya sa “kaharian” (Colosas 1:13b). Tignan din “kapangyarihan” Co-losas 1:13a) at “kapangyarihan” (Gawa 26:18): autoridad, nasasakupan.

141 140

Apendiks B

“Hindi Maaaring Magkasala” Sinasabi ni Juan sa atin sa 1 Juan 3:4-9 na ang mga Kristyano ay “hindi maaaring” magkasala. Ano ang kanyang ibig sabihin sa gayong pahayag? Napa-karaming kasagutan sa tanong na ito, ngunit dito’y ating isaalang-alang ang da-lawa lamang sa mga ito. 1. Isang popular na paliwanag sa mga talata ay ang bagong nilalang na Kristyano ay hindi maaaring magkasala. “Binhi ng Diyos” (na kung saan ay ganap) ay “mananatili” sa Kristyano. At ito’y hindi magnanasa o makagagawa kahit man isang kasalanan. Yamang may saganang katotohanan sa pananaw na ito, ito’y gayon pa man humaharap sa mabigat na mga pagtutol. Una sa lahat, si Juan ay hindi nagsasabi na ang mga bagong nilalang na Kristyano ay hindi maaaring magkasala; sinasabi niya na ang Kristyano mismo ay hindi maaaring magkasala: “Ang Kanyang binhi ay nananatili sa kanya at hindi siya maaaring magkasala, sapagkat siya'y ipinanganak ng Diyos.” (1 Juan 3:9) Ang “siya” na “hindi maaaring magkasala” ay ang Kristyano bilang isang buong tao—kagaya ng taong sinabi na “isinilang ng Diyos” sa huling bahagi ng talata. Pangalawa, ang panukala na ang isang “bagong nilalang” na Kristyano ay hindi magkakasala ay talagang isang walang kabuluhang pahayag. Tanging ang tao ay may kakayahan na magkasala o hindi magkasala; isang likas na ma-hirap unawain. Na ating nakita sa Kabanata Siyam, isang “likas” na hindi na tayo’y nahiwala’y mula sa ating mga pagkatao; ito’y isang paglalarawan ng kung sino talaga tayo sa ating pinakaloob na katauhan. Pangatlo, ang “paggawa ng kasalanan” ay magkahambing sa v.7-8 sa “paggawa ng katuwiran.” tiyak na ang iniisip ni Juan rito ay, hindi isang paggawa ng katuwiran, kundi pagsasanay ng katuwiran. Kaya, gayundin, kapag sinasabi niya ang talatang ito ang pagkaimposible ng “paggawa ng kasalanan” ng Kristy-ano, nasa kanyang isipan dapat, na hindi isang paggawa ng kasalanan, kundi ang pagsasanay ng kasalanan. Ikaapat, ang inaalaala rito ni Juan ay upang ipakita na ang aktwal na mga pagkilos ng mga Kristyano ay malaking kasalungat sa mga gawa ng hindi pa naisisilang na muli. Kanyang sinasabi ang tungkol sa mga Kristyano na talagang hindi magkakasala, hindi lamang mga Kristyano “magkakasala at ka-mumuhian ito” o mga Kristyano’y “magkakasala kundi hindi magkakasala mula sa kanilang bagong nilalang.” Ang gayong katuruan ay naglalaro sa mga kamay ng mga hidwa ang pananampalataya na tinututulan ni Juan.

143

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

2. Ang pinakamahusay na paliwanag sa mga talatang ito ay ang “kasalanan” sa isang mananampalataya ay “hindi” at “hindi maaaring” gaw-ing kinagawian o patuloy magkasala. Literal na sinasabi ni Juan na ang Kristy-ano ay hindi “gagawa ng kasalanan.” Ito’y ang Kristyano’y hindi “uugaliing” magkasala. Bagkos, ang Kristyano’y “uugaliin ang katuwiran”; “Mga munting anak, huwag kayong padaya kanino man. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid.” (1 Juan 3:7) Bakit nakita ng Kristyano sa kanyang sarili na hindi maaaring “ugaliing magkasala”? Ang kasagutan ay nasa v.9: “Ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala, sapagkat ang kanyang binhi ay nananatili sa kanya at hindi siya maaaring magkasala, sapagkat siya'y ipinanganak ng Diyos.” Lahat ng mga Kristyano ay may bagong pagkatao (binhi ng Diyos) bilang kanilang makabuluhang pagkakakilanlan. Ang bagong pagkatao na ito (kung saan ay ga-nap) ay iginiit mismo laban sa lahat ng kasamaan, epektibong nahadlangan ang mananampalataya mula sa pamumuhay sa kasalanan. Ang lakad ng Kristyano’y hindi ganap, datapuwa’t, dahil siya’y nasa laman ay lalabanan ito buong buhay niya. Kapag ang kanyang may kamatayang katawan ay tinubos, ang bagong buhay ay handog sa kanya na mahahayag sa kanyang kapuspusan, at ang kanyang mga gawa ay ganap na aayon sa mga nasa ng kanyang binagong puso. Ang pag-unawa sa mga salita ni Juan ay tanging iisa na nagbibigay ng lubos na bigat sa pangkasalukuyang mga pandiwang sangkot at naglalarawan sa pinakamahusay na modernong salin ng 1 Juan 3:4-9. ABAB: “Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay lumalabag din naman sa kautusan; at ang kasalanan ay ang paglabag sa kautusan. Nalalaman ninyo na siya'y naha-yag upang mag-alis ng mga kasalanan; at sa kanya'y walang kasalanan. Ang sinumang nananatili sa kanya ay hindi nagkakasala; sinumang nagkakasala ay hindi nakakita sa kanya, ni hindi nakakilala sa kanya. Mga munting anak, huwag kayong padaya kanino man. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid. Ang patuloy na gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo; sapagkat buhat pa nang pasimula ay nagkakasala na ang diyablo. Dahil dito, nahayag ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo. Ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala, sapagkat ang kanyang binhi ay nananatili sa kanya at hindi siya maaaring magkasala, sapagkat siya'y ipinanganak ng Diyos.” FSV: “Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay sumusuway din sa Kautusan. Sa katunayan, ang pagsuway sa kautusan ay kasalanan. Nalalaman ninyo na naha-yag ang Anak upang alisin ang mga kasalanan, at sa kanya ay walang kasa-lanang matatagpuan. Ang sinumang nananatili sa kanya ay hindi patuloy na

APENDIKS B: “HINDI MAAARING MAGKASALA”

nagkakasala; ang sinumang patuloy na nagkakasala ay hindi nakakita ni naka-kilala sa kanya. Mga anak, huwag kayong magpalinlang kaninuman. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, katulad ni Cristo na matuwid. Ang patuloy na gumagawa ng kasalanan ay kakampi ng diyablo, sapagkat sa simula pa ay nagkakasala na ang diyablo. Ito ang dahilan na nahayag ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo. Ang bawat taong anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa paggawa ng kasalanan, sapagkat nananatili sa kanya ang binhi ng Diyos. Hindi niya kayang magpatuloy sa pagkakasala sapagkat anak siya ng Diyos.”

145 144

Apendiks C

Roma 7 Ang sikaping iugnay ang mga kontrobersiya sa Roma 7 ay makukuha ang buong aklat. Ilan lamang ang magiging gabay para sa pagpapaliwanag na maaaring maging mungkahi rito: 1. Ang Roma 7 ay direktang dumadaloy mula sa Roma 6, nagpatuloy at lumawak ang mga tema na pinasimulan roon. ayon sa Roma 6, ang mga Kristyano ay “namatay sa kasalanan”1 sa kabanalan ng kanilang pagiisa kay Cristo at nagkaroon samakatuwid ng “kalayaan”2 mula roon, kaya ang kasalanan ay hindi na “makapaghahari”3 sa kanila. Ang resulta ng kanilang kamatayan sa kasalanan ay “paglilingkod”4 sa Diyos na nagbigay “bunga”5 sa kabanalan. Inulit ni Pablo ang gayong disenyo ng tagumpay sa Roma 7: Ang mga Kristyano ay “namatay sa kautusan”6 sa kabanalan ng kanilang pagiisa kay Cristo at nagka-roon samakatuwid ng “kalayaan”7 mula roon, kaya ang kautusan ay hindi na “makapaghahari”8 sa kanila. Ang resulta nito sa kamatayan sa kautusan ay “paglilingkod”9 sa Diyos na nagbigay “bunga”10 sa Diyos. Sa madaling salita, si Pablo ay “sumailanglang” sa Roma 6, at siya’y nagpatuloy na umilanglang sa Roma 7! Ang tunay na layunin ng Roma 7 ay upang ipaliwanag at palawakin ang pahayag ni Pablo sa 6:14: “Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo, sapagkat wala kayo sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya.” Ayon sa talatang ito, ang ating kaligtasan mula sa paghahari ng kasalanan ay isang direktang resulta ng katotohanan na tayo’y hindi na “nasa ilalim ng kau-tusan.” Ang unang katangunang sasagutin ay, “Paanong nangyari na ang mga Kristyano ay hindi na ’nasa ilalim ng kautusan’?” Sinagot ni Pablo ang katanun-gang ito sa 7:1-4. Ang mga Kristyano ay nakalagpas sa kaharian ng kautusan, namatay rito sa kabanalan ng kanilang pagiisa kay Cristo. Ang pangalawang katanungan na sasagutin ay, “Bakit ang kalayaan mula sa kautusan ay kailangan para masigurado ang ating kaligtasan mula sa paghahari ng kasalanan?” o sa kabaligtaran, “Bakit ang kalayaan mula sa paghahari ng kasalanan ay imposible para sa lahat ng nananatiling nasa ilalim ng kautusan?” Sinagot ni Pablo ang katanungang ito sa 7:5-25. Ang lahat ng nananatiling “nasa ilalim ng kautusan” ay nananatili ring “nasa laman.” (v.5) Ngunit sa katunayan ang kautusan ay nag-mumula at nagpapalakas sa paghahari ng kasalanan sa mga nasa laman, sila’y nasa kalagayan ng pagka-alipin at kamatayan (v.5, 7-25) 1Roma 6:2, 11 2Roma 6:7, 18, 22 3Roma 6:14 (Gk. “paghahari,” “namamahala”) 4Roma 6:22 5Roma 6:21-22 (Gk. “fruit”) 6Roma 7:4 7Roma 7:6, 2-3 8Roma 7:1 (Gk. “paghahari,” tulad ng sa 6:14) 9Roma 7:6 10Roma 7:4

147

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

2. Ito’y talagang mahalagang unawain na nasa isip ni Pablo ang dala-wang katawagan at tanging dalawang grupo—silang “nasa ilalim ng kau-tusan” (“nasa laman”) at silang “nasa ilalim ng biyaya” (“nasa Espiritu”). (pp. 96-98) Ang mga katangian ng dalawang grupong ito ay ipinahayag sa mai-kling pangungusap dati (7:5-6) at pagkatapos (8:1-4) Ang tinalakay ni Pablo sa Roma 7:7-25. Ang ibig sabihin nito sa v.14-25, Hindi inilalarawan ni Pablo ang isang “makalamang Kristyano” na hindi “dumaan sa Roma 8,” bilang “mas malalim na buhay” na pananaw sa Roma 7 na sinabi sa atin. Lahat ng Kristyano “sa” Roma 8, ay tulad ng lahat ng Kristyano “sa” Roma 6 at “sa” Roma 7:6. 3. Inilarawan na ni Pablo ang detalye ng katayuan ng bawat Kristy-ano sa Roma 6 at sa Roma 7:1-6. Hindi natin maaaring pabayaan ang paglalarawang ito kapag tayo’y tumungo sa huling kalahati ng Roma 7. Ayon sa Roma 6 at Roma 7:1-6, ang lahat ng Kristyano ay “pinalaya na mula sa kasalanan” at naging “mga alipin ng katuwiran.”1 “Ang kasalanan ay hindi maka-paghahari sa” mga Kristyano, sapagkat sila’y “hindi na nasa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim na ng biyaya.”2 Ang mga Kristano ay “pinag-isa sa isa, sa Kanya na bumangon mula sa mga patay, na sila’y magbubunga para sa Diyos.”3 Sila’y “buhay mula sa mga patay.”4 Sila’y hindi na “nasa laman.”5 Sila’y “makapaglilingkod sa bagong Espiritu at hindi sa dating lumang batas na nakasu-lat.”6 Ang pananaw ng Roma 7:14-25 ay isang paglalarawan ng “ang Kristyano sa kanyang pinakamabuti, maging si Pablo sa panahon ng pagsusulat” kaya tu-mungong direkta ang bawat bagay sa dangal ni Pablo na kanyang sinabi sa mga puntong ito. Paano natin babasahin ang Roma 6 at 7:1-6 at patuloy na ilaban na ang lahat ng tunay na mga Kristyano ay talagang “nasa lama, binili sa pagkaalipin sa kasalanan”7! Napakahalaga ng ganitong pananaw ng Roma 7 na humantong sa “masamang taong” pagkaunawa ng buhay ng Kristyano, kung saan, ang “kasamaan” at ang espirituwalidad ay halos magkapantay, at ang lalo na tayo’y nagiging banal, ang lalong tayo’y nagiging “masama.” Sa mga salita ng isang manunulat: “Itong daing, ‘O masamang tao ako,’ pahayag ng normal na narara-nasan ng Kristyano, at sinumang Kristyanong hindi dumadaing ay abnormal at hindi malusog ang espirituwalidad. Ang taong hindi sinasabi ang pag-iyak na ito araw-araw ay maaaring wala pa siya kay Kristo, o siya’y mangmang sa katuruan ng Kasulatan, o siya’y nadaya sa kanyang talagang kondisyon, na hindi niya alam ang kabulukan ng kanyang sariling puso at ang kasuklam-suklam na kabiguan ng kanyang sariling buhay.”8 1Roma 6:18 2Roma 6:14 3Roma 7:4 4Roma 6:13 5Roma 7:5 6Roma 7:6 7Roma 7:14 8A. W. Pink, “The Christian in Romans 7”

APENDIKS C: ROMA 7

"Ang isang tunay na na kay Cristo, ay...lalabas itong daing...araw-araw at oras-oras."1 Totoo na sa mga panahong ito ang tamis ng "madaling-paniniwala" at malawlaw na pagsisisi ng maraming nagsasabing "Kristyano" na lubhang kailangan na malaman ang kanilang sariling panloob na karumihan at kabulukan. Sa kaso ng marami, ito'y magdudulot ng mapait na pag-iyak2 at tunay na pagbabago. Ngunit ang sinumang tunay na anak ng Diyos na naglakbay nang napakalayo sa daan ng paglalakbay ay alam na niya tila ang patungkol sa kanyang sariling kasamaan at karumihan huwilay mula sa pagbabagong ka-pangyarihan ni Cristo. Imbes na manalangin na ang Diyos ay magbigay sa atin ng "gayong pananaw ng [ating] sariling kabulukan at hindi karapat-dapat na [tayo] maaaring tunay na maggapang sa alabok sa harapan Niya,3 hindi ba mas Espirituwal na itanong sa Diyos para sa gayong pananaw kay Cristo, nang kanyang muling buhayin tayo mula sa mga patay4 at ating bagong katauhan sa Kanya5 na tayo'y maaaring pumailanglang sa makalangit at masayang pagliling-kod sa Kanya dahil sa kabaguhan ng buhay? Ang ilang teologo ay nagsikap na takasan itong "masamang Kristyano" na pananaw sa Roma 7 sa pagsasabi na maging si Pablo ay nagsabi rito ng kanyang sariling pangkasalukuyang karanasan bilang isang mananampalataya, lamang siya'y naglalawaran ng katotohanan na "walang Kristyanong banal kung nanaisin niya." Ang Roma 7, ayon sa pananaw na ito, lamang itinuturo na "ang laging naaabot ng Kristyano ay lagpas sa kanyang pagkaunawa" at habang buhay ang Kristyano "hindi makakaabot sa pagiging perpekto. Ang lahat ng mga pahayag na ito ay walang duda na totoo, ngunit hindi sila makagawa ng paghatol sa antas ng kabiguan at miserableng ebidensya ng talatang ito. Ang malinaw na inilalarawan ni Pablo rito (ang gamitin ang kanyang sariling mga salita) ang katayuan ng "kahabag-habag,"6 katayuan ng "alipin,"7 at katayuan ng walang kakayahan8 "gumawa ng mabuti." Sa ibang salita, ang tao sa Roma 7 ay hindi lamang nakikipaglaban sa kasalanan kundi lubos na natatalo sa mga ito, sa lubos na kaibahan ng paglalalarawan ni Pablo sa lahat ng tunay na mga Kristy-ano sa Roma 6 at Roma 7:1-6. 4. Ang Roma 6 & 7 ay nakabalangkas sa apat na mga katanungan at kanilang kaukulang mga kasagutan. Sa dulo ng Roma 5, si Pablo'y lumikha ng dalawang nakagugulat na mga pahayag na nangangailangan ng depensa at paglilinaw. Ang una ay "ang Kautusan ay naging pagsalangsang na maaaring maragdagan," at ang pangalawa ay "kung saan marami ang kasalanan, ay lalong dumarami ang biyaya." (v.20) Inaasahan ni Pablo ang mga pahayag na ito na hindi mauunawaan at papapangitin ng mga ilan, kaya naglagay siya ng paglilinaw at pagdepensa sa kanila sa kabanata anim at pito. 1Pink 2Zechariah 12:10 3Pink 4Efeso 1:18-23; Efeso 3:14-21 5Colosas 3:9-13 6Roma 7:24 7Roma 7:14, 23-24 8Roma 7:18-19

149 148

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ginawa niya ang mga pahayag na ito sa apat na katanungan at kauku-lang kasagutan. (6:1; 6:15; 7:7; 7:13) Bawat bahagi ng mga katanungan-kasagutan ay sinundan ng napakatiyak na halimbawa. Una, inayos ni Pablo ang mga inaasahang hindi mauunawaan o pagbaluktot sa kanyang posisyon. Pagkatapos sinundan niya ng matatag na pagtanggi (“Huwag nawang mangyari!”) at maikling buod na sagot sa hindi naunawaan. Itong maikling kasagutan ay ni-linaw at ipinaliwanag sa mga talata na kasunod. Ang halimbawang ito ay hindi nabago sa buong Roma 6-7: Roma 6:1—Tanong: “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy ba tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay sumagana?” Matatag na pagtanggi: “Huwag nawang mangyari!” Maikling kasagutan: “Paano na tayong namatay sa kasalanan ay nananatiling buhay sa mga ito?” Ang buong paliwanag ng maikling sagot: v.3-14. Roma 6:15—Tanong: “Ano nga? Magkakasala ba tayo, dahil tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya?” Matatag na pagtanggi: “Huwag nawang mangyari!” Maikling kasagutan: “Hindi niyo ba alam na kapag iniharap ninyo ang inyong mga sarili sa sinuman bilang alipin para sa pagsunod, kayo’y mga alipin ng isa na inyong susundin...?” Ang buong paliwanag ng mai-kling sagot: v.17-23. Roma 7:7—Tanong: “Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan ba'y kasalanan?” Matatag na pagtanggi: “Huwag nawang mangyari!” Maikling kasagu-tan: Bagkos, hindi ko gustong malaman ang kasalanan maliban sa pamamagitan ng Kautusan; sapagkat hindi ko gustong malaman ang patungkol sa pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, ‘Huwag kang mag-imbot.” Ang buong paliwanag ng maikling sagot: v.8-12. Roma 7:13—Tanong: “Kung gayon, ang mabuti ba ang nagdala ng ka-matayan sa akin?” Matatag na pagtanggi: “Hindi, kailanman!” Maikling kasagutan: “Sa halip na ito’y kasalanan, para ito’y makita na kasalanan sa pamamagitan ng aking epektong kamatayan na kung saan ay mabuti, na sa pamamagitan ng kau-tusan ang kasalanan ay magiging lubos na masama.” Ang buong paliwanag ng maikling sagot: v.14-25. Ito ang konteksto ng v.14-25! Ang talata 14 ay hindi nagsimula sa isang bago at buong walang kaugnayang tema, na gaya ng palagay ng iba. Ang paksa na tinalakay sa bahaging ito ay hindi “ang Kristyanong wala pa sa gulang na big-ong lumakad sa Espiritu” o “ang Kristyanong nasa gulang na patuloy na hirap kasama ang mga nalalabing kasalanan.” Sa halip, ang paksa rito’y “ang kabutihan ng Kautusan, sa kabila ng epekto nito sa mga nasa laman.” Sa koneksyon na ito, ito’y napakahalaga na sa v.14 nagsimula sa salitang “sapagkat” at kaagad nasun-dan (dalawang beses!) sa salitang “sapagkat” sa v.15.

APENDIKS C: ROMA 7

5. Roma 7:14-25 dumaloy mula at sa pagpapatuloy ni Pablo sa tala-kayan sa v.7-13 sa “tao sa kanya ang kautusan ay dumating.” Sa v.5 inilara-wan ni Pablo ang kalagayan ng mga “nasa laman” at mga “nasa kautusan”: “Sapagkat nang tayo'y nasa laman pa, ang mga pagnanasa ng mga kasalanan na pawang sa pamamagitan ng kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan upang magbunga para sa kamatayan. Ang mga pangunahing mga salita rito ay “Kautusan,” “kasalanan,” at “laman.” Ang tatlong salitang ito sa v.5 ay bumuo sa puso ni Pablo sa pagtalakay sa kabuuan ng talata. Sa v.7-12 si Pablo’y nagpasimulang ipaliwanag ang kanyang pahayag sa v.5 sa kaugnayan ng kanyang sariling karanasan bago sa kanyang pagbaba-gong-loob. May panahon nung si Pablo’y nabuhay sa pagkalugod sa kasiyahan sa sarili: “Minsan ako'y nabubuhay.” (v.9) Akala niya’y ginaganap niya ng tama ang Kautusan: “Ayon sa katuwirang nasa kautusan ay walang kapintasan.”1 Ngunit pagkatapos isang malaking pagbabago ang dumating sa buhay ni Pablo. Sa pamamagitan ng pagkilos ng Espiritu ng Diyos, “ang utos ay dumat-ing” sa kanya. Nagpasimulang maunawaan niya kung gaano kalalim at ang eksaktong talagang kailangan ng Kautusan at gaano ka-imposible ito para sa kanya para ganapin ang mga kailangan. “Ang kasalanan ay nabuhay,” at si Pablo’y “patay” sa ilalim ng kahindik-hindik na kombiksyon sa kanyang kasa-maan. (Gaano katagal ito nangyari, hindi natin alam, ngunit alam natin na bago siya katagpuin ni Cristo sa daan ng Damasco, ito’y “masakit” para kay Pablo na “sumikad sa matutulis.”2) Ang Kautusan, na kung saan ipinangako ang buhay, na nagresulta ng kamatayan para kay Pablo, hindi sa mga kamalian niya, kundi dahil sa lubos na kasamaan ng kasalanan. Hanggang sa puntong ito sa kanyang pagtalakay (v.13), inilarawan lamang ni Pablo ang relasyon sa pagitan ng “Kautusan” at “kasalanan,” pagpapakita gaano ang Kautusa’y talagang pukaw sa kasalanan at nagdudulot ng kamatayan. Pero hindi niya pa ipinapaliwanag kung bakit ang Kautusan ay nagdulot ng gayong epekto. Ginawa niya lamang ito sa kanyang pagtalakay sa “laman”! Ito ang konteksto ng v.14-25! Ang talata 14 ay nagpasimula sa salitang “sapagkat” at nagpatuloy at unang pagtalakay ni Pablo sa “Kautusan, kasalanan, at laman” sa pamamagitan ng kapansin-pansing paglalarawan sa pangkasalu-kuyang lugar ng paghahari ng kasalanan—“ang laman”: “Sapagkat nalalaman natin na ang kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.” (Masdan ang pangkasalukuyang pagbabago yamang pa-rang hindi sinabi ni Pablo, “Alam namin na ang Kautusan ay espirituwal.”) Pagkatapos tinuloy ni Pablo sa pangkasalukuyan hanggang sa katapusan ng kabanata, binigay ang unang dahilan ng “pagkaalipin sa kasalanan” na nara-nasan ng mga “nasa laman.” 1Filipos 3:6 2Mga Gawa 26:14

151 150

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ginawa niya ito mula sa punto ng mataas na posisyon ng isa ng naging Kristyano at makikitang malinaw ang likas na laban ng kanyang dating buhay. Sa kadahi-lang ito ang terminolohiya na ginamit ni Pablo sa mga talata ay nagpakita ng maraming impluwensiya sa Kristyano, bagaman ito’y naglalarawan ng kanyang katayuan dati. Alalahaning muli ang pagkontrol na pahayag ni Pablo: “Sapagkat nang tayo'y nasa laman pa, ang mga pagnanasa ng mga kasalanan na pawang sa pamamagitan ng kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan upang magbunga para sa kamatayan.” “Laman” ay kontrolado ng “kasalanan,” at sa presensiya ng Kautusan ang mga pagnanasa ng mga kasalanan ng laman ay laging hahantong sa “kamatayan.” Ang katotohanan na ang “laman” ang idiin ni Pablo sa buong bahaging ito ay malinaw na mula sa terminolohiya na kanyang ginamit: “makalaman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan,”1 “kautusan ng nasa bahagi ng aking katawan,”2 at “kautusan ng kasalanan na nasa bahagi ko.”3 Ang pagkaalipin sa “kasalanan sa bahagi” ay hahantong sa lubhang pag-iyak, “Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan? (mardyin: “katawang ito ng kamatayan”)?”4 Ang sagot ni Pablo sa iyak na ito ay ibinigay sa v.25, “Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin!” at mas buo sa 8:1-4, “Ngayon nga'y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, yamang ito ay pinahina ng laman, ay ginawa ng Diyos...upang ang makatuwirang itinatakda ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.” Masdan ang buod ni Pablo rito kung ano ang kanyang sinabi sa haba ng 7:14-25: “...kung an ang hindi magagawa ng Kautusan, mahinang tulad ng laman…”! At masdang muli ang paglalarawan ng mga Kristyano: “Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan...itinatakda ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.”! Ang tao sa Roma 7 ay iiyak, “Sino ang magpapalaya sa akin?” Ang tugon ng Kristyano, “Ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa akin.” Binuod ni Isaac Watts ang katuruan ni Pablo sa Roma 7 sa isang himno na pinamagatang “Kombiksyon ng Kasalanan sa Kautusan—Roma 7:8, 9, 14-24” 1Roma 7:14 2Roma 7:23 3Roma 7:23 4Roma 7:24

APENDIKS C: ROMA 7

Ganong ligtas aking budhi,

damang walang takot! Ako’y buhay walang utos,

kalang sala’y patay.

Tatag ningning asa langit; yamang utos dumating

May kumbinsing lakas ilaw, Nakitang gano kasama.

Sala’y kita dati’y kaunti

‘gang nakitang kahilakbot Sakdal, banal, matwid, puro, ‘yong lang hanggang utos.

Kalulwa’y dama ang bigat;

sala’y buhay muli; Pukaw ‘sang kilabot na Diyos,

Lahat kong pag-asa’y wala.

mahinang bihag, binili batay lakas sala:

‘di ko magawa ang gusto Mang’lin linis budhi.

Aking Diyos! Umiyak ako

Sa lakas maligtas Sirang sala’t kamatayan,

Matubos alipin.

Huling Tatlong Obserbasyon Sa pagsasara, tatlong bagay ang dapat tandaan: 1. Sa kabila ng mga mababaw na pagkakapareho, ang Galacia 5:16-26 ay hindi kaparis ng Roma 7. Roma 7:14-25 naglalarawan sa mahirap at pagkatalo ng isang tao na nananatiling “nasa laman” at “nasa ilalim ng Kau-tusan.” Ang Banal na Espiritu ay walang kapuna-puna sa salita at kaisipan ng ganitong tao. Sa katunayan, ang Banal na Espiritu ay hindi binanggit saanman sa buong talata. Galacia 5:16-25, sa kabilang banda, nilarawan ang di maiiwasang kasalungat na ang Banal na Espiritu ay may laman sa buhay ng isang tunay na mananampalataya.

153 152

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Tanda ng tagumpay ang ibinigay sa buong talata ito: Ang Kristyano ay “wala sa ilalim ng Kautusan.”1 Siya ay tiyak na “ipinako sa krus ang laman na kasama ang masasamang pagnanasa at mga kahalayan nito” sa pamamagitan ng pagsisisi at pagsampalataya kay Cristo.2 Ang kapangyarihan ng Espiritu sa kanyang buhay ay epektibong pinipigilan siya sa pagsunod sa kanyang likas na mga kagustuhan—hindi niya magagawa ang “kanyang maibigan.”3 Yamang siya’y nabubuhay “sa Espiritu,” siya ngayon ay “makalalakad sa Espiritu.”4 At sa kanyang “paglakad sa Espiritu,” siya’y sigurado na siya’y “hindi na bibigyang kasiyahan ang mga pagnanasa ng laman.”5 Ang mga talatang ito ay hindi isang pahayag ng “paghamak,” kundi isang kasiguruhan ng tagumpay! Ang tunay na katulad sa Galacia 5:16-25 ay Roma 8:12-14, kung saan ang “laman” at “Espiritu” ay magkahambing: “Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mamuhay ayon sa laman; sapagkat kung mamuhay kayo ayon sa laman, kayo ay mamamatay, subalit kung sa pamamagi-tan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, kayo ay mabubuhay. Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng Diyos.” Ayon sa mga talatang ito, ang Kristyano’y may utang para mabuhay ayon sa laman. Siya’y makakayahan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ba-nal na Espiritu, upang “patayin ang mga gawa ng laman.” Sa katunayan, ang nabubuhay na “pinangungunahan ng Espiritu” ay isang palatandaan ng mga ka-tangian ng lahat ng tunay na “mga anak ng Diyos”! Masdan ang kahalintulad nito sa “pinapatnubayan ng Espiritu” (Roma 8:14) at “lumalakad sa Espiritu” (Roma 8:4; Galacia 5:16). 2. Ang taong inilarawan sa Roma 7:7-25 ay hindi tipikal na ligaw na “tao sa lansangan,” na walang nalalaman sa espirituwalidad o tunay na kagustuhan ng kautusan. Ang tao sa Roma 7:7-25 ay ang taong “dumating ang kautusan” sa kanya. Gumawa siya ng pahayag na hindi gagawin ng tipikal na hindi mananampalataya. Ang estado ng paghihirap na kanyang mararanas ay hahantong sa kanyang pagdating kay Cristo: “Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin!6 Mula rito ito’y malinaw na ang taong ito ay “tinuruan ng Diyos” at “nakarinig at natuto sa Ama.”7 Bawat isa na “nakarinig at natuto sa Ama.” ay lalapit kay Cristo.8 3. Walang duda na bawat tunay na Kristyano’y dama sa panahong parang siya ang “nasa gitna” ng Roma 7. Maging ang talagang matwid na tao ay “makapitong nabubuwal”!9 Ang karanasan ng Kristyano ay palaging kasama ang napakasakit na pagkatalo bilang parte ng proseso ng kaalaman sa “paglakad sa Espiritu.” 1Galacia 5:18 2Galacia 5:24 3Galacia 5:17 4Galacia 5:25 5Galacia 5:16 6Roma 7:25 7Juan 6:45 8Juan 6:45 9Kawikaan 24:16

APENDIKS C: ROMA 7

Tulad ni Pedro, ating madalas na malalaman ang mapait na kabiguan ang kasalatan ng ating sariling kapasyahan.1 Ang katanungan sa atin, gayon pa man, ay hindi, “Ano ang madalas na nararanasan ng mga Kristyano?” kundi, “Ano ang itinuturo ni Pablo sa Roma 7”? (Sa mga interesadong magbasa upang maragdagan sa paksa ito ay tinukoy sa: Robert L. Reymond, A New Systematic Theology of the Chrstian Faith, Appendix F, 1127-32; Martyn Lloyd-Jones, The Law: Its Functions and Limits; and Herman Ridderbos, Paul: An Outline of His Theology, 126-30.) 1Lucas 22:31-34

155 154

Apendiks D

Lahat ng Pagpapala kay Cristo Ito’y “kay Cristo Jesus” na ang layunin at biyaya ng Diyos ay ibinigay sa atin bago pa nagsimula ang mga panahon:

• 2 Timoteo 1:9 “na siyang sa atin ay nagligtas at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kanyang sariling layunin at biyaya. Ang biyayang ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang mga panahon.”

• Efeso 1:4-6 “ayon sa pagkapili niya sa atin sa kanya bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo'y maging banal at walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig. Tayo'y itinalaga sa pagkukupkop upang maging kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kabutihan ng kanyang kalooban, para sa ikapupuri ng kanyang maluwalhating biyaya, na ipinagkaloob niya ng walang bayad sa atin sa pamamagitan ng Mina-mahal.”

• Efeso 1:9-10 “na ipinaalam niya sa atin ang hiwaga ng kanyang kaloo-ban, ayon sa mabuting layunin na kanyang itinakda kay Cristo, bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.”

Kay Cristo ang mga layunin at mga pangako ng Diyos ay natupad lahat:

• Efeso 3:11 “Ito ay ayon sa walang hanggang panukala na kanyang gina-wa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

• 2 Corinto 1:19 “Sapagkat ang Anak ng Diyos, si Jesu-Cristo na ipinangaral namin sa inyo sa pamamagitan ko, ni Silvano at ni Timoteo, ay hindi "Oo at Hindi", kundi sa kanya ay palaging “Oo.”

• 2 Corinto 1:20 “Sapagkat ang lahat ng mga pangako ng Diyos sa kanya ay ‘Oo.’ Kaya't sa pamamagitan niya ay aming sinasambit ang ‘Amen,’ sa ikaluluwalhati ng Diyos.”

• Efeso 3:6 “na ang mga Hentil ay mga kapwa tagapagmana, at mga ba-hagi ng iisang katawan, at mga kabahagi sa pangako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo.”

• 2 Timoteo 1:1 “Si Pablo, apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ayon sa pangako ng buhay na na kay Cristo Je-sus…”

157

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Ang kombersyon ay ang pagiging isa kay Cristo:

• 2 Corinto 5:17 “Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago.”

• Roma 16:7 “Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamag-anak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo. Sila'y kilala sa mga apostol at sila ay nauna sa akin kay Cristo.”

• 1 Pedro 5:14 “Magbatian kayo ng halik ng pag-ibig. Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.”

• 1 Juan 2:5 “Ngunit ang sinumang tumutupad ng kanyang salita, tunay na naging ganap sa taong ito ang pag-ibig ng Diyos. Sa pamamagitan nito'y nalalaman nating tayo'y nasa kanya.”

• 1 Juan 3:24 “At ang tumutupad ng kanyang mga utos ay nananatili sa kanya, at siya sa kanya. At dito'y nakikilala natin na siya'y nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kanyang ibinigay sa atin.”

• 1 Juan 4:13 “Dito'y nalalaman namin na kami'y nananatili sa kanya at siya'y sa amin, sapagkat binigyan niya kami ng kanyang Espiritu.”

• 1 Juan 4:15 “Ang sinumang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananahan sa kanya, at siya'y sa Diyos.”

• Roma 16:3 “Batiin ninyo si Priscila at si Aquila na aking mga kamangga-gawa kay Cristo Jesus.”

• Roma 16:9 “Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.”

• 2 Corinto 12:2 “Kilala ko ang isang lalaki kay Cristo, mayroon nang labing-apat na taon ang nakakaraan, dinala sa ikatlong langit (kung nasa ka-tawan man, o kung nasa labas ng katawan, hindi ko alam; ang Diyos ang nakakaalam).”

• Galacia 1:22 “Ngunit hindi pa ako mukhang nakikilala sa mga iglesya ng Judea na kay Cristo.”

Kay Cristo ang ating pagkabulag espirituwal ay naalis:

• 2 Corinto 3:14 “Subalit ang kanilang mga pag-iisip ay tumigas, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay nananatiling hindi itinataas, sapagkat tanging sa pa-mamagitan ni Cristo ito inaalis.”

Kay Cristo tayo’y mga bagong nilalang, buhay sa isang bagong kaharian.

• 2 Corinto 5:17 “Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na...ang lahat ay naging bago.”

APENDIKS D: LAHAT NG PAGPAPALA KAY CRISTO

• Efeso 2:10 “Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nila-lang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran.”

• Colosas 2:11 “Sa kanya ay tinuli rin kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pamamagitan ng paghuhubad ng katawang laman sa pagtutuli ni Cristo.”

Kay Cristo tayo’y may katubusan:

• Roma 3:24 “sila ngayon ay itinuturing na ganap ng kanyang biyaya bilang kaloob sa pamamagitan ng pagtubos na na kay Cristo Jesus.”

• 1 Corinto 1:30 “Subalit kayo ay na kay Cristo Jesus, na naging karunun-gan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan.”

• Efeso 1:7 “Sa kanya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya.”

• Colosas 1:14 “na sa kanya ay mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan.”

Kay Cristo tayo’y pinagkasundo sa Diyos:

• 2 Corinto 5:19 “Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili na hindi ibinibilang sa kanila ang kanil-ang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.”

Kay Cristo tayo’y nailapit:

• Efeso 2:13 “Subalit ngayon ay na kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay malayo, ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.”

Kay Cristo tayo’y may kapatawaran:

• Efeso 4:32 “at maging mabait kayo sa isa't isa, mga mahabagin, nagpapatawad sa isa't isa, gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.”

• Colosas 1:14 “na sa kanya ay mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan.”

Kay Cristo tayo’y may katuwiran:

• 1 Corinto 1:30 “Subalit kayo ay na kay Cristo Jesus, na naging

159 158

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

karunungan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan.”

• 2 Corinto 5:21 “Para sa ating kapakanan, ginawa niyang may kasalanan siya na hindi nakakilala ng kasalanan, upang sa kanya tayo'y maging katuwiran ng Diyos.”

• Filipos 3:9 “at ako'y matagpuan sa kanya, na walang sarili kong katuwiran na mula sa kautusan, kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananam-palataya kay Cristo, ang katuwirang buhat sa Diyos na batay sa pananampalataya.”

Kay Cristo tayo’y inaring-ganap:

• Galacia 2:17 “Ngunit kung sa ating pagsisikap na ariing ganap kay Cristo, tayo mismo ay natagpuang mga makasalanan, si Cristo ba ay lingkod ng kasalanan? Huwag nawang mangyari!”

Kay Cristo tayo’y wala nang kahatulan:

• Roma 8:1 “Ngayon nga'y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Je-sus.”

Kay Cristo tayo’y may kalayaan sa kautusan ng kasalanan at kamatayan:

• Roma 8:2 “Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng ka-matayan.”

Kay Cristo tayo’y may kalayaan:

• Galacia 2:4 “Subalit dahil sa mga huwad na kapatid na lihim na ipinasok, na pumasok upang tiktikan ang kalayaan na taglay namin kay Cristo Je-sus, upang kami'y alipinin.”

Kay Cristo ang mga seremonya ay walang kabuluhan:

• Galacia 5:6 “Sapagkat kay Cristo Jesus, ang pagtutuli o di pagtutuli ay walang kabuluhan, kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pama-magitan ng pag-ibig.”

Kay Cristo tayo’y may espirituwal na pagtutuli:

• Colosas 2:11 “Sa kanya ay tinuli rin kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pamamagitan ng paghuhubad ng katawang laman sa pagtutuli ni Cristo.”

APENDIKS D: LAHAT NG PAGPAPALA KAY CRISTO

Kay Cristo tayo’y ginawang banal:

• 1 Corinto 1:2 “Sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, sa mga ginawang banal kay Cristo Jesus, mga tinawag na banal, kasama ng lahat na sa bawat lugar ay tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kanila at ating Panginoon.”

• 1 Corinto 1:30 “Subalit kayo ay na kay Cristo Jesus, na naging karunun-gan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan.”

• Filipos 1:1 “Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nasa Filipos, kasama ang mga obispo at ang mga diakono…”

• Filipos 4:21 “Batiin ninyo ang bawat banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko.”

Kay Cristo tayo’y patay na sa kasalanan at nabubuhay sa Diyos:

• Roma 6:11 “Gayundin naman kayo, ituring ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, ngunit mga nabubuhay sa Diyos kay Cristo Je-sus.”

Kay Cristo tayo’y napuspos:

• Colosas 2:10 “at kayo'y napuspos sa kanya, na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at kapangyarihan.”

• Colosas 1:28 “Siya ang aming ipinahahayag, na binabalaan ang bawat tao at tinuturuan ang bawat tao, sa buong karunungan, upang ang lahat ay maiharap naming sakdal kay Cristo.”

Kay Cristo tayo’y may lakas ng loob at tiwala:

• Efeso 3:12 “na sa kanya'y makakalapit tayo sa Diyos na may lakas ng loob at pagtitiwala sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kanya.”

Kay Cristo tayo’y may kaligtasan:

• 2 Timoteo 2:10 “Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan din nila ang kaligtasan kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.”

Kay Cristo tayo’y may mana:

• Efeso 1:11 “sa kanya ay tumanggap din tayo ng isang mana, na

161 160

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

itinalaga nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa kanyang pasiya at kalooban.” Kay Cristo ay walang hanggang kaluwalhatian:

• 1 Pedro 5:10 “At pagkatapos na kayo'y magdusa nang sandaling panahon, ang Diyos ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag tungo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ay siya ring magpapanumbalik, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.”

Kay Cristo tayo’y tinatakan ng Banal na Espiritu:

• Efeso 1:13 “Sa kanya'y kayo rin naman, na nakarinig ng salita ng katoto-hanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo.”

Kay Cristo tayo’y mabubuhay na maguli:

• Efeso 1:19-20 “at kung ano ang di masukat na kadakilaan ng kanyang kapangyarihan sa atin na sumasampalataya, ayon sa paggawa ng ka-pangyarihan ng kanyang lakas. Kanyang isinagawa ito kay Cristo, nang kanyang muling buhayin siya mula sa mga patay, at pinaupo sa kanyang kanan sa sangkalangitan.”

Kay Cristo tayo’y may espirituwal na mga regalo:

• 1 Corinto 1:5 “na sa lahat ng mga bagay ay pinayaman kayo sa kanya sa bawat uri ng pananalita at kaalaman.”

Kay Cristo tayo’y may bawat pagpapala:

• Efeso 1:3 “Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan.”

• Galacia 3:14 “upang kay Cristo Jesus ang pagpapala ni Abraham ay du-mating sa mga Hentil, upang ating tanggapin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.”

Kay Cristo’y natagpuan ang pagibig, biyaya, at kapayapaan ng Diyos:

• Roma 3:39 “ni ang kataasan, ni ang kalaliman, ni ang alin pa mang nila-lang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

APENDIKS D: LAHAT NG PAGPAPALA KAY CRISTO

• 1 Corinto 1:4 “Ako ay laging nagpapasalamat sa aking Diyos tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”

• Efeso 1:6 “para sa ikapupuri ng kanyang maluwalhating biyaya, na ipinagkaloob niya ng walang bayad sa atin sa pamamagitan ng Minama-hal.”

• Efeso 2:7 “upang kanyang maipakita sa mga panahong darating ang di masukat na kayamanan ng kanyang biyaya sa kagandahang loob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”

• 2 Timothy 2:1 “Kaya't ikaw, anak ko, maging malakas ka sa biyayang na kay Cristo Jesus.”

• Filipos 4:7 “At ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip,ang mag-iingat ng inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Je-sus.”

Kay Cristo tayo’y nasa sangkalangitan:

• Efeso 1:3 “Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan.”

• Efeso 2:6 “at tayo'y muling binuhay na kasama niya, at pinaupong kasa-ma niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus.”

Kay Cristo may kayamanan sa kaluwalhatian:

• Filipos 4:19 “At pupunuan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.”

Kay Cristo ang lahat ng mga bagay ay nahahawakang sama-sama:

• Colosas 1:17 “Siya mismo ay una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nahahawakang sama-sama sa kanya.”

Kay Cristo tayo’y may buhay; Si Cristo’y ating buhay:

• Juan 3:15 “upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magka-roon ng buhay na walang hanggan.”

• Roma 6:11 “Gayundin naman kayo, ituring ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, ngunit mga nabubuhay sa Diyos kay Cristo Je-sus.”

• Roma 6:23 “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hang-gan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

163 162

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

• Roma 8:2 “Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng ka-matayan.

• 1 Corinto 15:22 “...kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

• Colosas 3:3-4 “sapagkat kayo'y namatay na, at ang inyong buhay ay na-tatagong kasama ni Cristo sa Diyos. Kapag si Cristo na inyong buhay ay nahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.”

• Juan 6:56 “Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako'y sa kanya.”

• Juan 15:5 “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako'y sa kanya ay siyang nagbubunga ng marami. Sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.”

• Galacia 2:20 “Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabu-buhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay na ikinabu-buhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng kanyang sarili dahil sa akin.”

Ang mga na kay Cristo ay ibinihis si Cristo:

• Galacia 3:27-28 “Sapagkat ang lahat na sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo. Walang Judio o Griyego, walang alipin o ma-laya, walang lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.”

• Colosas 3:9-11 “Huwag kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hi-nubad na ninyo ang dating pagkatao pati ang mga gawa nito, at kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na binabago sa kaalaman ayon sa la-rawan ng lumalang sa kanya. Dito'y wala ng Griyego at Judio, tuli at di tuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng malaya; kundi si Cristo ang lahat at nasa lahat!”

Kay Cristo tayo’y iisa:

• Juan 17:21-23 “upang silang lahat ay maging isa. Gaya mo, Ama, na nasa akin at ako'y sa iyo, sana sila'y manatili sa atin, upang ang sanlibu-tan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. At ang kaluwalhatiang ibi-nigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa. Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang sila'y maging ganap na isa upang malaman ng sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin at sila'y iyong minahal kung paanong ako'y iyong mi-nahal.”

• Roma 12:5 “kaya't tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga bahagi na sama-sama sa isa't isa.”

APENDIKS D: LAHAT NG PAGPAPALA KAY CRISTO

• Galacia 3:28 “Walang Judio o Griyego, walang alipin o malaya, walang lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.”

165 164

Apendiks E

Mga Madalas Itanong

• Paanong ang itinuturo ng aklat na ito inihango sa ideya ng “perpekto’t hindi nagkasala”?

Ayon sa Biblia, “walang taong hindi nagkakasala.”1 “Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.”2 “Sapagkat tayong lahat ay natitisod sa maraming bagay.”3 Sa pag-iingat sa realidad na ito, tinuruan ng Panginoong Jesus ang kanyang mga alagad na manalangin araw-araw, “Ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan.”4 Maaaring maunawaan kaagad natin kung bakit, tanging sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa isa sa dalawang dakilang utos: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong pag-iisip mo, at nang buong lakas mo.”5 Sino sa atin ang makapagsasabi na ating minahal ang Diyos ng kahit isang oras na Siya’y dapat mahalin? Upang magawa ito, mamahalin natin Siya gaya ng perpektong ginawa ni Cristo mismo. Ngunit wala sa atin ang nakagawa niyon, maging kapag tayo’y nananalangin o sumasamba! Maging ang ating mga panalangin at mga papuri’y hindi naabot ang perpektong pananampalataya, pagibig, init, at debosyon ng Panginoong Jesu-Cristo. Isa pang paraan na sabihin ito na maging ang ating mga panalangin at mga papuri ay masama, “Bigo” sila sa buong kaperpektuhan ni Cristo. Sa ka-dahilanang ito, ito’y tanging “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” at ang Kanyang pagtubos sa kamataya sa ating kapakanan na ang ating mga panalangin at ibang “espirituwal na handog” ay “kasiya-siya sa Diyos.”6 Maging ang “pasalamatan ang Diyos” maliban “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo”!7 Ayon sa Biblia, maging ang hindi namamalayang mga kasalanan ay nananatiling mga kasalanan8 at dapat mabayaran ng dugo ng pagtubos. Bawat Kristyano na naturuan ng maayos ng Salita at ang Espiritu ng Diyos ay makakaramdam kung gaano nakakahilakbot na bigo siya araw-araw na mahalin ang Diyos nag kanyang buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at kalakasan. Kanyang madaling magugugol ang lahat ng kanyang oras upang tingnan at suri-in ang mga lakad na kanyang nabigo ang Diyos sa bawat araw. Ito’y hindi, gayon pa man, ang pokus ng Biblia mismo. Ating nakita, imbes, isang diin sa Biblia sa napakaganda at makapangyarihang gawa ng biyaya na ginawa ng Diyos sa kanyang mga anak. 12 Cronica 6:36 2Ecclesiastes 7:20 3Santiago 3:2 4Lucas 11:4 5Marcos 12:30 61 Pedro 2:5 7Roma 1:8 81 Corinto 4:3-4; Levitico 5:17-19; Bilang 15:22-25; Awit 19:12-14

167

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay nagsalita kay Nathaneal bilang “isang tunay na Israelita na sa kanya'y walang pandaraya!”1 Siya’y nagsasalita sa Kristi-yano na may “isang tapat at mabuting puso”2 at siya’y bilang isang “mabuting tao,” na “mula sa mabuting kayamanan ng kanyang puso ay nagbubunga ng kabuti-han.”3 Siya’y nagsabi sa mga alagad, sa kabila ng lahat ng kanilang mga kabi-guan, bilang mga “patuloy na kasama ko sa mga pagsubok sa akin”4 at “tinupad nila ang salita ng Diyos”5

Si Pablo rin, nung sinaysay ang kwento ni Abraham, kinalumutan ang mga pagkakamali ni Abraham at inilarawan siya bilang isang tao na “hindi nag-alinlangan sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ng di paniniwala.”6 Siya’y “kumbinsido” na ang mga Romanong mananampalataya ay “punung-puno ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na may kakayahang magturo sa isa't isa.”7 Kanyang nilarawan ang lahat ng mga Kristyano bilang “mga banal at mina-mahal”8 at sinabi na sila’y “ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang masasamang pagnanasa at mga kahalayan nito.”9 Ang ganitong mga halimbawa ay maaari pang maragdagan. Bawat Kristyano’y dapat sundin , ang ganitong diin ng Biblia. Maunawaan ang layo’t hindi nakakaabot araw-araw sa kaperpektuhan, ang Kristyano, gayon man, ituon ang kanyang puso at isipan sa napakagandang mga bagay na ginawa ng Diyos sa kanya kay Cristo. Ito ang ugali ng pananampalataya. Sa ating mga sarili, tayo’y “wala”10 at “walang magagawa,”11 subalit kay Cristo, “lahat ng bagay ay ating magagawa”!12 Ibang opinyon, sa kaibhan, ay mainam na nilarawan ng isang kapwa pastor: Isiping ang mga bisita’y dumating sa tahanan ng isang tao. Kapag sila’y nagpasimulang magkumento sa maraming mga pagbabago at mga paglago na nangyari sa kanyang bahay, ibabaling niya ang kanyang ulo sa kahihiyan at magsasabing, “Oh, mayroon akong kailangang ipakita sa iyo.” Tapos siya’y pupunta sa kusina at hihi- lahin ang lagayan ng basura. (Bawat bahay ay meron!) Tapos siya at ang kanyang mga panauhin gugugulin ang gabi sa pagsusuri sa detalye ang mga nilalaman ng basurahan, bawat detalye’y masasak- tan sa kasamaan at karumihan. Gagawin nila ito habang nakaupo sa isang bagong pinagandang silid, ngunit sila’y abala sa kanilang tungkulin na sila’y buong walang kamalay-malay sa kanilang paligid. 1Juan 1:47 2Lucas 8:15 3Lucas 6:45 4Lucas 22:28 5Juan 17:6 6Roma 4:20 7Roma 15:14 8Colosas 3:12 9Galacia 5:24 10Galacia 6:3 11Juan 15:5 12Filipos 4:13

APENDIKS E: MGA MADALAS ITANONG

Ito’y hindi isang Biblikal na salita sa buhay Kristyano! Ang mga Kristyano’y nakakagawa, totoo, “natitisod sa maraming bagay,” pero ayon sa Biblia, ang Diyos ay nalulugod sa Kanyang anak at ang kanilang utal na mga pahayag ng pagibig sa Kanya. Siya’y “naluluwalhati” at “nagagalak” sa kanila ng may “malakas na kagalakan”!1 Kanyang nakikita sila bilang Kanyang magandang “kasintahan,”2 at ang kanilang mga kaloob at buhay ay isang “mabangong samyo”3 sa Kanya.

• Ano ang pagkakaiba ng palaging hindi nakakaabot sa kaperpektu-han ni Cristo at palaging talunan sa kilalang kasalanan?

Ang sabihing ang Kristyano ay palaging hindi nakakaabot sa kaperpektu-han ni Cristo, ay tunay na iba kaysa na sabihin na ang mga Kristyano ay talo sa kilalang kasalanan. Ito’y halata at kilalang kasalanan na nasa isipan ni Juan sa 1 Juan 2:1, nung kanyang sinabi, “Mga munti kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo'y huwag magkasala. Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu-Cristo na siyang matuwid.” Sa paggamit sa salitang “kung,” nilinaw ni Juan na ang mga Kristyano ay walang kaalamang magkaroon upang magkasala. Si Pablo’y may parehas na kaisipan nung kanya tayong pinayuhan na huwag “hayaang maghari ang kasalanan sa ating katauhan na ating susundin ang mga pagnanasa nito.” Ang mga Kristyano hindi dapat hayaan na maghari ang kasalanan sa kanilang katauhan! Kapag hinarap ang halatang kasalanan, ang mananampalataya ay may abilidad “sa pamamagitan ng Espiritu” upang “patayin ang mga gawa ng katawan.”4 Habang siya’y lumalakad sa Espiritu, hindi niya bibigyang kasiyahan ang pagnanasa ng laman.5 Sa katunayan, dineklara ni Pablo ng may katiyakan na ang kasalanan ay hindi makapaghari sa kanino mang Kristyano, sapagkat siya’y wala sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya.6 Si Cristo’y “nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa mabubuting gawa.”7 Walang Kristyanong perpekto sa buhay na ito—malayo ito! Pero ang bawat Kristyano ay may kapangyarihan kay Cristo na wasakin ang kilalang kasa-lanan at mabuhay ng isang buhay na “matuwid, payapa, at masaya sa Espiritu Santo.”8 1Zephanias 3:17 2Awit ni Solomon 4:1s; Efeso 5:25 3Filipos 4:18; 2 Corinto 2:14-16 4Roma 8:13 5Galacia 5:16 6Roma 6:14 7Tito 2:14 8Roma 14:17

169 168

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

• Sabi ng ilan sa Roma 7:14-25 ay paglalarawan lamang ng patuloy na paglaban ng Kristyano sa kasalanan—na ang buhay Kristyano ay isang buhay ng tagumpay, ngunit ang mga Kristyanong iyon ay namimighati sa mga kabiguan at kamalian na nananatili sa kanilang mga buhay. Paano ka tutugon sa ganitong pananaw?

Ako’y sang-ayon sa mga gayon patungkol sa likas na buhay ng Kristyano. Ang buhay Kristyano ay isang buhay ng tagumpay, ngunit ang mga Kristyanong iyon ay namimighati sa mga kabiguan at kamalian na nananatili sa kanilang mga buhay! Hindi lahat ng nanghawak sa Roma 7:14-25 ang tinukoy ay ang Kristyano ay may “napakasama” o “talunang” pananaw ng buhay Kristyano, at hindi natin dapat ipagpalagay na gayon sila. Ang aking kaibahan sa mga gayon ay kaibahan ng interpretasyon (at posibleng inabuso) ng isang talata ng Kasulatan, hindi sa kailangan ng isang kaibahan sa likas ng buhay ng Kristyano mismo. Ito’y sa totoo lang, gayon pa man, na ang maraming tao’y inabuso ang Roma 7 at ibinaling ito para sa “kaaliwan” kapag sila’y miserable at natalo ng kasalanan: “Pagkatapos ng lahat, maging si Apostol Pablo ay hindi nakuhang magtagumpay, kaya bakit ako aasa ng anumang bagay na kakaiba?” Maging yung mga nananampalataya na ang buhay Kristyano ay isang buhay na matagumpay ay nadadaya’t natutukso ng kaisipan na “ito’y isang kasalanan” maaaring iisa na sila, tulad ni Pablo, ay hindi kailan man makayanang mapag-tagumpayan. Sa linaw ng pag-aabusong ito sa Roma 7, aking ididiin minsan pa ang tema ng Roma 7 ay hindi “naninirahang kasalanan sa mananampalataya,” kundi ang kabutihan ng kautusan sa kabila ng epekto nito sa mga nasa laman.” Roma 7 ay may kinalaman sa katotohanan ng Kautusan, bagaman “espirituwal” at “mabuti,” ay “pinahina ng laman.”1 Nilalarawan ang detalye nito ang realidad na “nang tayo'y nasa laman pa, ang mga pagnanasa ng mga kasalanan na pawang sa pamamagitan ng kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan upang magbunga para sa kamatayan.”2 Ito’y dapat ding matandaan (sa linaw ng kasagutan na ibinigay nung una tungkol sa “perpektong walang sala”) na nasa Roma 7:14-25 si Pablo’y malinaw na sinasabi, hindi ang pinakabanal na Kristyano ang magpapatuloy mabigo na sukatin ang kaperpektuhan ni Cristo, na ang ilan ay ipinagpapalagay, kung ng sadyang talunan ng kilalang kasalanan. Ito’y ebidensya mula sa katotohanan na ang tao’y nilarawan sa mga talata sadyang niloob gawin 1Roma 8:3 2Roma 7:5

APENDIKS E: MGA MADALAS ITANONG

ang mabuti, ngunit imbes ang “ginagawa” ay ang alam niyang “masama,”1 “kinapopootan niya ang ginagawa.”2 Itong pagkatalo sa kilalang kasalanan ay nilarawan bilang hindi nagbabago, hindi paminsan-minsan, at walang sinabi sa anumang abilidad na ang tao’y magkakaroon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na patayin ang kasalanan. Sa kasalungat, tayo bilang mga Kristyano ay maaaring purihin ang Diyos na “ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.”!3 Tayo’y “nakalagan sa kautusan, yamang tayo'y namatay doon sa umalipin sa atin, upang makapaglingkod sa bagong buhay sa Espiritu, at hindi sa lumang batas na nakasulat.”4

• Paano naman ang Galacia 5:17? Hindi ba parehas ito ng sinasabi sa Roma 7?

Galacia 5:17 (“Sapagkat ang laman ay nagnanasa laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagkat ang mga ito ay laban sa isa't-isa, upang hindi ninyo magawa ang mga bagay na nais ninyong gawin.”) hindi isang kasig-uraduhan ng pagkatalo, kundi isang kasiguraduhan ng tagumpay. Si Pablo’y nagsimula sa v.16 na may pangako na kung tayo “lalakad sa Espiritu,” tayo’y “hindi mabibigyang kasiyahan ang pagnanasa ng laman.” Tapos ipinaliwanag niya ito sa v.17 kung bakit ganito: Ang Banal na Espiritu, na ang katangian ay sa nasa direktang kontradiksyon ng laman, nilagay mismo laban dito at salungat dito, talagang iniiwas tayo mula sa buhay na makasarili o sa pagsunod sa dikta ng laman. Pagkatapos na ihambing ang “mga gawa ng laman” sa “bunga ng Espiritu” sa v.19-23, si Pablo pagkatapos sinigurado niya minsan pa sa v.24 na “ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang masasa-mang pagnanasa at mga kahalayan nito.” Isang pagbanggit mula kay komentarista Albert Barnes na makakatulong sa puntong ito: Walang dahilan para ipaliwanag ito, bukod dito, bilang tila laging ito ang kaso, ng nagpapasukong gawi sa isipan ng masama, pa- rang tinuro nito na ang Kristyano ay ibig gawin ang mabuti, pero hindi, sa kanyang naninirahang kasamaan. Sa ngayon sa lenggu- wahe ni Pablo o ang katotohanang isinaalang-alang, ito’y maaa- ring naintindihan sa kasalungat nito, at maaaring ang ibig sabihin, na ang gayon ay mga saway at mga impluwensiya ng Banal na 1Roma 7:19 2Roma 7:15 3Roma 8:2 4Roma 7:6

171 170

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

Espiritu sa puso, na ang Kristyano ay hindi ang masama kung saan siya’y iba gusto… Siya (Si Pablo) ay pinayuhan sila (Galacia 5:16) na lumakad sa Espiritu, at sinigurado sa kanila na kaya sila hindi tupad ang mga pita ng laman. Para hikayatin sila rito, pinaalala ni- ya sa kanila na may kasalungat na mga prinsipyo sa kani- lang kaisipan, ang impluwensya ng Espiritu ng Diyos, at ang makalaman at pababang tutunguhin ng laman. Ito’y salungat sa isa’t isa; at ang gayon ay, sa katunayan, ang impluwensya ng Espiritu sa kaisipan, na ang Kristyano ay hindi gagawin ang mga bagay na kung saan siya’y iba gusto.1

• Hindi ka ba literal na nalabis sa iyong pagkaunawa sa maraming mga talata na nilarawan ang muling kapanganakan?

Ito’y halata na kung saan ang Biblia ay nagsabi, halimbawa, ng “binhi ng Diyos”2 na nananatili sa atin at ng ating pagkakaroon naging “kabahagi sa likas ng Diyos,”3 itong mga terminong ito ay hindi maiintindihan ng sinumang makalaman. Ni magawa nilang kailanganing paliitin ang alinmang tiyak na lalim sa pagitan ng walang katapusang Manlilikha at ng Kanyang may hangganan nilikha. Gayon pa man, palagi dapat nating isaisip na ang Banal na Espiritu’y sadyang pinili ang mga terminong ito tiyak dahil ginawa nila ang tamang hatid sa atin ang katotohan-an patungkol sa hindi nakikitang realidad. Hindi kami maglalakas ng loob, sa nga-lan ng teologong pagiging sopistikado, “ilayo ang paliwanag” ang gayong mga termino sa punto na kanilang binakante ang anumang tunay na kahulugan. Ang Kristyano ay tunay na “isinilang ng Diyos.” Siya ay tunay na isang “bagong nila-lang” na may isang “bagong puso,” “nabuhay mula sa mga patay” at “naupo sa makalangit na mga lugar”!

• Kung ang Kristyano ay isang bagong tao at ang katawan niya mismo ay hindi masama, saan nanggagaling ang kasalanan ng mananam-palataya?

Ang Biblia ay hindi nagbigay sa atin ng detalyeng paglalarawan ng pag-uugali ng tao o ng mga paggawa ng pantaong personalidad. Sa halip, nagbibigay ito sa atin ng isang gumagana o praktikal na paglalarawan. Ang paglalarawan nito ay nag-iiwan ng maraming metapisikong mga katanungan na hindi nasagot, ngunit ito’y higit na sapat na bigyan tayo ng isang matatag na pundasyon para ipamuhay ang buhay Kristyano. 1Albert Barnes, Mga Tala sa Bagong Tipan, Galacia 5:17 21 Juan 3:9 32 Pedro 1:4

APENDIKS E: MGA MADALAS ITANONG

Ang mga pangunahing katotohanan ay malinaw: 1. Ang pinakamalalim at pangunahing katotohanan patungkol sa Kristy-ano ay siya ay isang bagong tao. Ito ay ang kanyang makabuluhang pagkaka-kilanlan. Ang bagong tao’y naglalarawan kung sino “talaga” siya sa panahong kasalukuyan at magiging sino siya sa isang libong taon mula ngayon. 2. Ang bagong tao ay hindi lamang ang katotohanan patungkol sa Kristy-ano. May isang aspeto ng kanyang personalidad na hindi pa natutubos—ang kanyang “katawang mortal.” Ayon sa Biblia, ang Kristyano’y patuloy na nakikiba-ka sa kasalanang lumilitaw mula sa katotohanang ito. Ang kasalanan ay nananatiling nagsisikap na maghari sa kanyang mortal na katawan.1 Itong hindi pa natutubos na mortal na katawan, nakita kung saan ang kasalanan ay nananatiling nagsisikap na maghari, ay tinukoy sa Biblia bilang “ang laman.” Ang Kasulatan ay nagsasabi ng paulit-ulit ng mga “myembro” ng katawan (mga kamay, paa, mata, atbp.) bilang lugar kung saan ang kasalana’y ginigiit nito mismo.2 Alam natin na kapag ang isang Kristyano ay nagkasala, ito’y hindi lamang ang kanyang katawan ang nagkasala, kundi ang Kristyano mismo bilang isang buong pagkatao. Gayon pa man, ang Biblia’y nilinaw na kapag ang katawan ay natubos na, ang kasalanan ay hindi na kailanman magiging prob-lema sa mga mananampalataya.4 Ang laman ay isang aspeto ng buong personalidad ng Kristyano, ngunit ito ay hindi pangunahing katotohanan patungkol sa kanya. Ito’y hindi naglalara-wan kung sino talaga siya o kung anong kanyang talagang ibig. Ang “mga gawa ng katawan” ay napapahapis sa kanya at lumilipad sa kanyang mukha ang lahat na karamihang mahalaga sa kanya. 3. Ang Kristyano ay hindi kailangang maging talunan ng laman. Bilang ang kanyang kaisipan ay “nabago”5 sa pamamagitan ng paniniwala sa katoto-hanang isaalang-alang sino talaga siya, at bilang siya na natutong “lumakad sa Espiritu,” siya’y magiging may kayang higit at higit na “patayin ang mga gawa ng katawan.”

• Ano ang praktikal na pagkakaiba sa pagitan ng katuruan na ang isang Kristyano ay may dalawang likas at ang katuruan na ang Kris-tyano ay isang bagong taong may lamang lalabanan?

Ang pangunahing pagkakaiba ay isa sa pagkakakilanlan: Sino ba talaga ako? Ano ang pangunahing katotohanan patungkol sa akin? Kung, sa pinaka-malalim kaibuturan ng aking, kasamaan ay nananatiling isang pahayag kung si- 1Roma 6:12-13 2Roma 6:13, 19; 7:5, 23; Colosas 3:5; Santiago 3:6; 4:1 3Roma 8:13 4Roma 8:23 5Roma 12:2; Efeso 4:23

173 172

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

no talaga ako at ano ang talagang aking ibig, pagkatapos ang kabanalan ay nag-ing proseso ng pagsisikap na itanggi ang realidad at maging isang iba kaysa sa kung sino talaga ako. Kung, sa kabilang banda, ako’y isang bagong tao na nananatiling may laman na kalaban, kada oras aking sasabihin, “ayoko” sa kasalanan, aking sasa-bihin, “oo” sa kung sino talaga ako at kung ano ang talagang ibig ko. Ang kaba-nalan kung gayon ay isang proseso ng pagyakap sa realidad, ng paniniwala sa kung ano ang totoo at ng pagiging higit sa pagsasanay at taong higit sa kung sino talaga ako.1

• Nang sinabi ni Jesus sa Marcos 7:21-22 na “mula sa loob, mula sa puso ng tao, lumalabas ang masasamang pag-iisip, pakikiapid, pagnanakaw, pagpaslang, ang pangangalunya, kasakiman, kasa-maan, pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalalu-an, at kahangalan,” tinutukoy Niya ba rito ay ang mga Kristyano maging mga hindi Kristyano?

Yamang tinukoy ng Panginoon dito ang tiyak na mga gawa kung saan “lumalabas” (v.20) sa tao at nagpaparumi sa kanila, kasama ang literal na mga mapakiapid, mga magnanakaw, mga mamamatay tao, mga mangangalunya,” at “ang mga gawa ng kasakiman at kasamaan,” maliwanag na Kanyang inilalarawan ang ligaw na sangkatauhan sa kabuuan, hindi mga Kristyano. Ang mga Kristyano, sa kaibhan, ay tinukoy ng ang Panginoon bilang mga may “isang tapat at mabuting puso.”2 Ayon kay Jesus, ang Kristyano ay isang “mabuting tao na sa labas ng kanyang mabuting kayamanan ay magbubunga ng kung ano ang mabuti.” “O gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito o gawin ninyong masama ang puno at masama ang bunga nito; sapagkat ang puno ay nakikilala sa pamamagitan ng kan- yang bunga. Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayo ma- kapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masa- sama? Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan, at ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kanyang masamang kayamanan.” 1Colosas 3:9-10 2Lucas 8:15 3Mateo 12:33-35

APENDIKS E: MGA MADALAS ITANONG

* Paano patungkol sa Mateo 7:11? Anong ibig sabihin na ang mga Kristy-ano’y “masama”? Nang sinabi ni Jesus sa mga Fariseo sa Mateo 12:34 (binanggit sa itaas), “Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayo makapagsasalita ng ma-bubuting bagay gayong kayo ay masasama?” Maliwanag na ginamit Niya ang salitang “masama” para tukuyin ang mga hindi Kristyano—”ang masamang tao” na sa labas ng kanyang “masamang kayamanan ay magbubunga ng kung ano ang masama” - iba sa Kristyano, “ang mabuting tao” na “sa labas ng kanyang mabuting kayamanan ay magbubunga ng kung ano ang mabuti. Sa Mateo 7:11, sa kabilang banda, si Jesus tinuturuan ang Kanyang mga alagad patungkol sa panalangin. Ito’y halata, kaya, na kapag Siya’y nagsabi sa kanila, kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya,” Hindi Niya sinasa-bi na sila’y “masamang tao” sa parehong kahulugan na ang mga hindi nabagong mga Fariseo. Gayon pa man, sa pagkapareho ng “kanilang Ama na nasa langit,” sila’y tunay na “masama.” Na ating nakita kanina sa apendiks na ito, maging ang mga tunay na Kristyano’y ay hindi nangakaabot sa kasakdalang kabutihan ng Diyos. Kapag kinumpara sa Kanya, “Walang sinumang mabuti maliban sa Diyos lamang.”1

• Hindi ba sa Jeremias 31:31-34 at Ezekiel 36:25-28 tinukoy ang Israel, hindi ang iglesya?

Maraming mga propesiya sa Lumang Tipan ang patungkol sa nabalik at nabagong “Israel” na makikita sa Bagong Tipan na nagkaroon ng kanilang tiyak na kaganapan sa iglesya. Ang “bagong tipan” ay isa sa mga ito. Sinabi ng Diyos sa Jeremias 31 na Siya’y gagawa ng isang bagong tipan “sa bahay ng Israel at sa bahay ng Judah.” Ang manunulat ng Hebreo ay nilinaw na itong pangakong ito’y natupad, hindi sa pisikal “bahay ng Israel at bahay ng Judah” bilang gayon, kundi ang sa iglesya.2 Kada Kristyano, mapa Judyo o Hentil, ay kabahagi ng Bagong Tipan.3 Anumang haharaping kahabagan ng Diyos sa mga Judyo ay magreresulta ng kanilang pagiging hindi tapat sa iglesya kaagapay ang mga mananampalatayang Hentil.4 Ezekiel 36 ay parehas na sinabi sa kontekstong ilang “bagong tipan” na mga pangako. Halimbawa, Ezekiel 34:23-25 ay nagsasabi ng darating na Mesias 1Marcos 10:28 2Hebreo 8 3Lucas 22:20; 1 Corinto 11:25 4Roma 11:11-24

175 174

PAG-ARING-GANAP AT MULING KAPANGANAKAN

at ang “tipan ng kapayapaan” na gagawin ng Diyos sa Kanyang bayan, at sa Ezekiel 37:24-28 ay nagsasabi ng ganito ang “tipan ng kapayapaan” bilang “isang walang hanggang tipan.” (tignan ang Hebreo 13:20.) Malayo mula sa pagtanaw ang mga pangako sa Lumang Tipan sa Israel bilang hindi paglapat sa iglesya. Sinasabi ni Pablo sa mga mananampalatayang Hentil sa Efesus na bagaman sila’y minsang “pinalayas mula sa bayan ng Israel, at mga taong hindi kilala sa tipan ng pangako,” sila ngayon ay naging mga kaba-hagi (kasama ng mga mananampalatayang Judyo) sa mga gayong pangako, na “inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.”1 Kapwa Judyo at Hentil ay naging “isang bagong tao” - ang iglesya. “Sapagkat siya ang ating kapayapaan, na kanyang pinag-isa ang dalawa, at sa pamamagitan ng kanyang laman ay giniba ang gitnang pader…upang siya ay lumalang sa kanyang sarili ng isang bagong tao, kapalit ng dalawa, sa gayo'y gumagawa ng kapayapaan, at kanyang pa-pagkasunduin ang dalawa sa isang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus…” Napunta sa gayon si Pablo sa pagsasabi na ang mga Hentil ay “hindi na mga dayuhan at banyaga, kundi…mga kapwa mamamayan ng mga banal [mga Ju-dyong mananampalataya] at mga kaanib ng sambahayan ng Diyos.” Ang pananaw na ito ng Lumang Tipang mga pangako ay inilatag din ni Pedro, na nagsasabing iglesya, hindi Israel, bilang ang kaganapan ng hangarin ng Diyos sa Lumang Tipan para sa isang “banal na bansa”: “Ngunit kayo'y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos, upang inyong ipahayag ang mga makapangyarihang gawa niya na tumawag sa inyo mula sa kadiliman, tungo sa kanyang kagila-gilalas na liwanag. Noon ay hindi kayo bayan, ngunit ngayo'y bayan kayo ng Diyos; noon ay hindi kayo tumanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap kayo ng habag.”3 1Efeso 2:11-22 2Exodo 19:5-6 31Pedro 2:9-10

176

Patungkol sa May-akda Si Charles Leiter naninirahan kasama ang kanyang asawang si Mona at ang kanilang dalawang anak sa Kirksville, Missouri, kung saan siya’y nagpapas-tor mula 1974. Ginamit siya ng Panginoon bilang isang guro sa Kanyang paglilingkod para sa tunay na tulong at benepisyo ng maraming mga Kristyano. Bilang karagdagan sa kanyang pastoral na mga gawain, si Mr. Leiter ay naggugugol din ng panahon upang makapagministeryo sa mga komperensya sa ibang bansa at sa buong bansa. Maaari ka pang matuto ng higit patungkol sa kanyang ministeryo at ang iglesyang kanyang kasama sa pagbisita online sa www.lakeroadchapel.org

Salita mula sa Tagapaglathala Malaking layon para sa amin na makita ang mga papuri ng ating Diyos mula sa mga labi ng Kanyang bayan. Mula pa sa pagsisimula, ang Granted Min-istries ay naghangad upang maragdagan ang impluwensya ng mga taong gi-nagamit ng Diyos para sa ating personal na paglago sa pananampalataya. Sa ilalim ng Diyos, si Charles Leiter ay may isang napakatinding epekto sa ating lahat kabilang ang Granted Ministries. At higit pa roon, ang mga nilalaman ng aklat na ito (ang paglalahad ng may dakilang kaliwanagan ang mahahalagang mga katotohanan ng pag-aaring ganap at muling kapanganakan) ay napatuna-yang may isang napakalaking biyaya para sa marami. Tiwala kami sa aming mga pagsisikap na magkaroon ang aklat na ito ng malawak na gamit sa paglilingkod sa katawan ni Cristo. Kami’y naniniwala na ito ang tunay na kailangan ng iglesya na siya ay higit na makumpleto at lumalim ang pagkakilala sa kanyang mabiyayang Diyos. Sa pagsisikap na ito kasali kami sa panalangin ng ating Panginoon Jesu-Cristo, “Pabanalin mo sila sa katotohanan; ang salita mo ay katotohanan” (Juan 17:17). Kami’y naghihikayat sa iyo na bisitahin kami online sa www.grantedministries.org at makinabang ka kung anong mayroon doon.

- C.T. April, 2009

IBANG MGA PAMAGAT NA MAYROON SA GRANTED MINISTRIES PRESS

Ever, only, ALL for Thee | Frances Ridley Havergal: Glimpses of Her Life and Writings

Pamela Bugden

Foundations for the Flock: Truths About the Church for All the Saints

Conrad Mbewe

The Person of Christ: The Perfection of His Humanity Viewed as a Proof of His Divinity

Philip Schaff

Pilgrim of the Heavenly Way Daniel Smith

Spiritual Depression: Its Causes and Cure D. Martyn Lloyd-Jones

Valuable Selections from the Writings of Frances Ridley Havergal

Valuable Selections from the Writings of George Müller

- SA KASTILA -

Justificación and Regeneración Charles Leiter

GRANTED MINISTRIES - PRESS -

PALAKAD SA ANONG KAYA MO Sa lahat ng yaman na ginawa naming makukuha, ang aklat na ito ay nagkakaloob sa sinumang naniniwala na sila’y makikinabang mula rito, magbayad man o hindi. May halaga para sa aklat, subalit hindi namin nais na ito’y maging balakid sa sinuman. Kung hindi mo kayang makabili ng kopya, o kung kaya mo lang ay bahagi ng presyo, aming hiling na sumulat ka at magbigay sa amin ng oportunidad na maglingkod sa Diyos sa pagbibigay para sa Kanyang mga tao. Ang aming tanging kondisyon ay hindi mo hihilingin ang aklat hanggat hindi mo tiyak na nababasa iyon sa loob ng anim na buwan. Hindi namin gusto na pasaganahing palakihin ang iyong librerya, kundi para pasaganahing pala-kihin ang iyong espiritwal na kalagayan.

GRANTED MINISTRIES PRESS 120 N. Third St.

Hannibal, MO 63401 www.grantedministries.org

DARATING NA MGA PAMAGAT MULA SA GRANTED MINISTRIES PRESS

The Hidden Life of Prayer and The Prayer Life and Our Lord

D. M. M’Intyre

The Law of Christ Charles Leiter

Thoughts for Young Men J.C. Ryle

The Selected Writings of D. M. M’Intyre

Thoughts on Religious Experience Archibald Alexander

Para sa kasalukuyang listahan ng mga proyekto, kasama ang katayuan, mga pagkansela, at petsang inaasahang ilalabas, bisitahin: grantedministries.org/projects

GRANTED MINISTRIES That in all things He might have pre-eminence

Ang Granted Ministries ay nagsisikap upang makagawa ng pinakamainam na katuruang Kristyano na magiging kagamitgamit sa buong mundo. Ginagawa namin ito unang una sa pamamagi-tan ng aming website at sa pamamagitan rin ng pag-imprenta ng mga aklat at sa pamamahagi ng mga disc. Kami ay hindi isang hindi kumikitang kawanggawa naghahanap upang paglingkuran si Cristo ng tapat sa pamamagitan ng sigasig na pagtulong ng Kanyang iglesya upang makilala Siyang lubos.

www.grantedministries.org

MALINAW NA PAYO

MADALING GALAWIN

PANGMINISTERYONG HALAGA

————————————————-

MAPAGKAKATIWALAAN ANG NILALAMAN.

GRANTED MINISTRIES - PRESS -

Ano ang ibig sabihin ng Biblia kapag sinabi na ang mga

Kristyano ay “patay na sa kasalanan”? Paanong nangyari

na sa isang matwid na Diyos “ariing ganap ang makasa-

lanan” nang hindi nagiging “di-matwid” sa Kanyang sarili?

Ano ang muling kapanganakan? Ano ang pag-aaring ga-

nap? Bakit ang lahat ng tao’y lubhang kailangang ma-aring

ganap? Kung ako ay patay na sa kasalanan, bakit

naaapektuhan pa rin ako nito? Bilang isang Kristyano, ako

ba’y “bagong tao” o “lumang tao” - o parehas? Ano ang

ibig sabihin ng Biblia kapag sinabi na ang mga Kristyano

ay “patay na sa Kautusan”? Ang mga Kristyano ba’y alipin

pa rin ng kasalanan?

Ang mga kasagutan sa mga ito at ang marami pang mga

tanong ay naging malinaw kapag ating nakuha ang Biblikal

na pag-unawa sa pag-aring ganap at muling kapan-

ganakan. Ang dalawang dakilang milagro ito ay ang pina-

kapuso ng ebanghelyo, ngunit maging ang mga tunay na

mga Kristyano’y naliligiran ng pagkalito at kamangmangan.

Ang librong ito’y nagsumikap na maglatag ng Biblikal na

linaw sa likas at mga katangian ng pag-aring ganap at

muling kapanganakan na ang Diyos ang maluluwalhati at

ang Kanyang mga anak ay makilala siya ng ganap ang

Kalayaan na napasakanila kay Cristo.

“Aking binasa ang aklat na ito ng maraming beses bago ito mapunta sa pag-

imprenta. Napakalaki benepisyo mula sa mga katuruan sa akin at buong puso

kong inirerekumenda ang mga nilalaman nito. Nawa ang Espiritu ng Diyos ay

magliwanag sa iyong puso at kaisipan na hindi mo lamang maunawaan ang mga

Kasulatang napaliwanag rito, kundi ito nawa’y maging tunay sa iyong buhay.”

Paul Washer, Director of HeartCry Missionary Society

Charles Leiter pastor sa Lake Road Chapel sa Kirksville, MO. Para sa marami pang

kayamanan, kasama ang audio at mga materyal na naka-imprenta, bumisita sa

www.lakeroadchapel.org