15
PAG-IISANG DIBDIB PASIMULA PAGBATI Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito! Santo. Bayan: Amen. PAMBUNGAD NA PALIWANAG PANALANGING PAMBUNGAD Pari: Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina N... at N... na ngayo'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukriisto kasama ng Espiritu Santo magpasawalang. Bayan: Amen. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS 1

pag-iisang dibdib

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino text of the rites of Marriage

Citation preview

Page 1: pag-iisang dibdib

PAG-IISANG DIBDIB

PASIMULA

PAGBATI

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito! Santo.

Bayan: Amen.

PAMBUNGAD NA PALIWANAG

PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina N... at N... na ngayo'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukriisto kasama ng Espiritu Santo magpasawalang.

Bayan: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

PANGARAL

PAG-IISANG DIBDIB

1

Page 2: pag-iisang dibdib

Pari: Minamahal kong N... at N... sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan muli’t muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama'y kusang-loob na kayo'y dumudulog sa Sambayanang ito at humihiling ng panalangin upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon. At kayo naman, mga kapatid, na natitipon ngayon, ay manalangin para kina N... at N... at bukas-palad silang tanggapin bilang magkaisang-dibdib sa ating Sambayanang Kristìyano.

Pari: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong danadamin sa isa't isa.

Pari (sa babae): N... bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si N... na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?

Babae : Opo, Padre.

Pari (sa lalaki): N... bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si N... na iyong pakamahalin at paglinkuran habambuhay?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari (sa magkasintahan): Nakahanda bakayong gumanap sa inyong pananagutan sa Simbahan at sa bayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling

2

Page 3: pag-iisang dibdib

na ipagkakaloob ng Poong Maykapal upang sila ay inyong palakihin bilang mabubuting mamamayang Kristiyano?

Magkasintahan: Opo, Padre» PAGTITIPAN

Pari (sa magkasintahan): Minamahal kong N... at N... sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga palad at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa banal na sakramento ng kasal.

(Pagdadaup-palad ang magkasintahan.)

Sasabihin ng Lalaki: N................... sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kitang maging aking maybahay sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging karugtong ng buhay ngayon at kailanman.

Sasabihin ng babae: N.................. sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kitang maging aking asawa sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging karugtong ng buhay ngayon at kailanman.

Magdarasal ang magkasintahang ikinasal.

3

Page 4: pag-iisang dibdib

Ama naming mapagkalinga, Ama naming tapat, pagpalain mo pò kaming nag-iisang palad; papagningningin mo pò sa lahat ng oras ang pagsasamahan naming dalisay at wagas. Sa puso't diwa, lagi sanang magkaisa, at nawa’y maging matatag sa hirap at dusa, sa ginhawa't kaligayahan ay magsamahan, maging tapat sa pag-ibig ngayon at kailanman.

Ninong at Ninang: Minamahal naming N......... at N.......... ang langit at lupa ay saksi sa inyong pagtitipan. Sa ngalan ng Sambayanang naririto, kam’y nagpapatunay na kayo'y mag-asawa na sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. Bukas-palad namin kayong tinatanggap at makaaasa kayo sa aming tangkilik at panalangin.

Ang pagtitipan ng nag-iisang-dibdib ay tatanggapin ng pari:

Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko't binabasbasan ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito Santo.

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA SINGSING AT ARAS

4

Page 5: pag-iisang dibdib

(The coin bearer and the ring bearer come to the altar close to the priest)

Pari: Ama naming maawain, basbasan mo't kupkupin ang inyong mga lingkod na sina N. at N. Pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayang sinasagisag ng mga aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukrìsto kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Ama naming mapagmahal, basbasan mo't lingapin ang iyong mga lingkod na sina N... at N... Pangindapatin mo na silang magsusuot ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo sa iyong wagas na pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukrìsto Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen.

PAGSUSUOT NG SINGSING:

Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing habang kanyang sinasabi :

Lalaki : N... kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng

5

Page 6: pag-iisang dibdib

aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing habang kanyang sinasabi:

Babae: N... kalianma'y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ngAma, at ngAnak, at ng Espirtu Santo. Amen.

PAGLALAGAK NG MGA ARAS

Ilalagak ng lalaki ang mga aras (mga salapi, o kaya bigas, kuwintas o pulseras) upang ipagkatiwala ito sa babae habang kanyang sinasabi:

Lalaki: N... kailanma’y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkakalinga sa kapakanan mo at ng ating magiging mga anak. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Sasagot ang babae: N... tinatanggap ko ito, at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.

Matapos ang pagbibigayan ng singsing ataras, maaring batiin ng mag-asawa ang isa't-isa sa pamamagitan ng masuyong paghalik. Sila'y

6

Page 7: pag-iisang dibdib

magmamano sa kanilang mga magulang, ninong at ninang. Sila'y papalakpakan ng sambayanan habang tìnutugtug ang batingaw.

PANALANGIN NGA BAYAN

Pari: Mga minamahai kong kapatìd, halinang magkaisa sa pagdadalangin sa Diyos para sa ating unga bagong kasal na sina N... at N... at para sa buong Simbahan, sanlibutan at sa ikapagkaisa ng tanan.

Namumuno:

Para kina N... at N... na ngayo'y pinagbuklod sa pag-iisang-dibdib upang silay mamuhay sa kalusugan at maligtas sa panganib, manalangin tayo sa Pangmoon.

Para sina N... at N... ay pagpalain sa buklod ng tipan gaya pagpapabanal ni Kristo sa ikinasal sa Cana, Galilea na pinangyarihan ng kanyang unang kababalaghan, manalangin tayo sa Pangmoon.

Para sina N... at N... ay puspusin ng pag-ibig, pagkakasundo at pagtutulungang matalik, manalangin tayo sa Panginoon.

7

Page 8: pag-iisang dibdib

Para sina N... at N... ay panatilihing matibay sa katapatan, kasiyahan, at Kristiyamong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Para sina N... at N... at ang lahat ng mag-asawa ay bigyan ng Espiritu Santo ng ibayong pag-ibig at ligaya, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Ama naming makapangyarihan, kaawaan mo sina N... at N... at pagbigyan sa kahilingang magkamit ng iyong kaloob sa ikapagkakaisa sa pagmamahal at sa ikapagkakaroon ng ligaya sa kalangitan kaisa ng kanilang mga supling at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ni Hesukristo kasamang Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.PAGAALAY

Ibibigay ng bagong kasal ang alak at tìnapay sa pari pagkatapos sila ay luluhod.

PAGSUKOB AT PAGBIBIGKIS

Ang belo at kordon bilang sagisag ng pagsuko at pagbibigkis ng mag-asawa sa buhay ng pag-iibigan ay ilalagay ng mga abay kapag nakaluhod na ang mag-asawa.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

8

Page 9: pag-iisang dibdib

Pari: Ama naming Lumikha, iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog para sa pagiisang dib-dib nina N... at N... Ang pag-ibig mong kanilang tinataglay ay loobin mong kanilang maihandog sa iyo sa kanilang pagmamahalan araw-araw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PREPASYO:

ANG DANGAL NG TIPAN NG PAG-IISANG DIB-DIB

Pari: Sumaìnyo ang PanginoonBayan: At sumainyo rin.Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.Bayan: Itinaas na naming sa Panginoon.Pari: Pasalamatan natìn ang Panginoon ating Diyos.Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan. Sa paglikha mo sa tao bilang iyong kawangis ang iyong kadakilaan ay iyong ipinamana upang mailahad ang iyong dakilang pag-ibig sa tapat na pagsama ng mga mag-asawa. Hindi ba't iyong pag-ibig ang sanhi ng paglikha sa tao? Kaya't pag-ibig mo pa rin ang mamanahin ng mga tapat sa iyo. Itong pag-iisang dib-dib ng mga magsing-ibig ay siyang banal na tagapahiwatig ng iyong

9

Page 10: pag-iisang dibdib

maaasahang pagtangkilik kaya’t sa pag-ibig mo sumasanib ang pag-ibig ng mag-asawang ito sa pamamagita ng aming Pangìnoong Hesukrìsto. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsiawit papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo:

PAGPAPANALANGIN SA MAG-ASAWA

Ang mag-asawang magkasukob sa belo at nabibigkis ng sagisag ng bukiodng pag-ibig ay pananalanginan ngparina mag-aanyayang manalangin sa sambayanan.

Pari: Mga kapatid, halina't ipanalangm sa Ama nating banal ang mga bagong kasal na nagangakong magmahalan bilang mga magkasalo sa Katawan at Dugo ng Poong mahal.

Itataas ngpari ang kanyang mga kamay na lumuiukob sa mag-asawang nakaluhod habang kanyang inihahayag ang tanging pagpapala ukolsa bagong kasal.

Ama naming banal, nilikha mo ang tao bilang lalak’t babaeng iyong kalarawan upang sa kaugnayan sa pag-iisang dib-dib ay maisakatuparan ang iyong layunin sa lupang ibabaw.

10

Page 11: pag-iisang dibdib

Ama naming mapagmahal, niloob mong sa pamumuhay ng mga mag-asawa sa pagmamahalan ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang na iyong minarapat ipagkaloob sa iyong sambayanan upang ang ipinahihiwatig mong lubusan ay maglahad ng pag-iisang dibdib ni Kristo at ng Sambayanan kaya naman hinihiling naming sina N... at N... ay gawaranng pagbabasbas ng iyong kanang kamay.

Ipagkaloob mong sa pagsamam nila habang buhay kanilang mapagsaluhan ang pab-ìbig mong bigayat sa isa't isa'y kanilang maìpamalas ang iyong pakikipisan sa pagkakaisa ng damdamin at isipan.Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan, at mga anak na huhubugin sa Mabuting Balita ng Anak mong mahai para maging maaasahang kaanib ng iyong angkan.

Marapatin mong mapuspos ng pagpapala ang babaing ito na si N... upang bilangasawa ni N... at bilang ina ng magiging mga anak nila kanyang maganap nang may pagmamalasakit ang tungkulin sa tahanan.

Gayun din naman, pangunahan mo ng iyong pagbabasbas ang lalaking ito na si N... upang kanyang magampanang marapat ang tungkulin ng asawang matapat ni N... at amang maaasahan ng kanilang magiging mga anak.

Ama naming banal, pagbigyan mo sila sa pagdulog sa iyong hapag bilang mga pinabukiod sa pag-ibig na

11

Page 12: pag-iisang dibdib

wagas upang kanilang mapagsaluhan ang piging na di magwawakas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG:

Pari: Ama naming mapagmabal, kaming iyong pinangindapat makasalo sa haing nagbibigay- buhay ay nakikiusap para kina N... at N... na iyong pinag-isang puso sa banal na sacramento ng kasal. Ang iyong katapatan ay panatilihin mo sa kanila nang sa bawa't kapwa’y kanilang maipakilala na totoong maaasahan ka sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGPAPAPALA SA WAKAS NG MISA

Pari: Ang Diyos amang nabubuhay kailan man ay magpanatili nawa sa inyong pagmamahalan upang ang kapayapaan ni Kristo'y manahan sa inyo at sa inyong tahanan ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan.Amen.

Pari: Ang magandang kapalaran, mga anak na marangal, at tunay na kaibigan ay inyo nawang makamtan ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

12

Page 13: pag-iisang dibdib

Pari: Kayo nawa'y maging katibayang Diyos ay pag-ibig sa sanlibutan upang sa pagkamatuhmgin ninyo sa tanan kayo’y papasukin ng Diyos sa kanyang kaharian magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen.

Pari: At kayong lahat na nagtipun-tipon dito ay pagpalain nawa ng makapangyarihang Diyos Ama at Anak at Espiritu Santo.Bayan: Amen.

13