16
PAGBABAGO NG EKONOMIYA Ipinasa kay: Sir Dilbert Fernando Ipinasa nina: Flores, Lady Shari Magne B. Sumagaysay, Resille Jan

Pagbabago Ng Ekonomiya.shariflores

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ok

Citation preview

PAGBABAGO NG EKONOMIYA

PAGBABAGO NG EKONOMIYA

Ipinasa kay: Sir Dilbert FernandoIpinasa nina: Flores, Lady Shari Magne B. Sumagaysay, Resille Jan

KOLONOSISASYONIto ang pagpapalawak ng teritoryo nang isang malaking bansa kung saan ito ay makilala at yumaman.

Kolonya ng Espanya

Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na pinamunuan ni Miguel Lpez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado. Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon.Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, panrelihiyon at pangkalakalan (commercial).

Kolonya ng Estados Unidos

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa malayang pamamahala. Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur, Jr.

Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal.

Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.Dahil sa Kolonyalismo, nabago ang pamaraan ng buhay sa bansang nasakop. Nabago ang pananamit, uri ng pamahalaan, edukasyon, pananampalataya, at iba pang naging impluwensiya ng bansang mananakop.

IMPERYALISMOIto ay isangpatakarano paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika saibabaw ng ibang mga bansa.

Isang halimbawa ng imperyalismo ay ang kung kailang nilulusob at sinasakop ng mga bansa o namirmihan sa mga lupain sa pamamagitan ng pagtatatag ng mgakolonya. Noong mga dekada ng 1700 at 1800, ginamit ngImperyong Britanikoang patakaran ng imperyalimso upang matabanan ang malalaking mga teritoryong katulad ngAustralyaatKanada.Dahil sa imperyalismo, nakilala natin ang ibat ibang produkto, lumawak ang kaalaman natin sa heograpiya, at lumawak ang kalakalan.

RENAISSANCEAngRenasimiyentooMuling Pagsilang(mula saPransesnaRenaissance, nangangahulugang "muling pagsilang";Italyano:Rinascimento, mula sare-"muli" atnascere"isilang"). Renaissance, ay nagsimula sa Italya at ito ay lumaganap sa buong Europa noong ika-16 na siglo. Ito ay nagpasimula ng realismo sa Sining at pag-aaral ng mga obra ng mga Romano at Griyegong iskolar at manunulat. Dito rin nagsimula ang Repormasyon at kontra-Repormasyon sa Europa.

Pag-usbong ng Renaissance

Sa pag-unlad ng agrikultura ,bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim umunlad ang produksyon sa Europe noong middle ages. Dahil dito lumaki ang populasyon at dumami ang pangangailangan ng mga mamamayanan na matutugunan naman ng maunlad nakalakalan.angmga lungsod-estado sa hilagang Italy ang nakinabang sa kalakalan. Noong ika-11 hanggang ika-12 n sigalo umunlad iot bilang sentrong pangkalakalanat pananalapi saEurope. Ilansa mga lungsod-estado na umusbong ay ang Milan, lorence,Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at Genoa.

REPORMASYONAng Repormasyon laban sa Simbahang Romano Katoliko ay nagsimula sa Yuropa noong ika 16 na siglo na pinamunuan ni Martin Luther sa Alemanya at ni Juan Calvin sa Geneva, Switzerland.

Martin LutherAng Lalaki at ang Kaniyang Pamana

Sinasabi na mas maraming aklat ang isinulat tungkol kay Martin Luther kaysa sa sinuman sa kasaysayan, maliban na lamang sa kaniyang sariling panginoon, si Jesu-Kristo.Ganiyan ang sinabi ng magasingTime.Ang mga salita at gawa ni Luther ay tumulong sa pagsisimula ng Repormasyonisang relihiyosong kilusan na inilarawan bilang ang pinakamahalagang rebolusyon sa kasaysayan ng sangkatauhan. Sa gayon ay nakatulong siya upang magbago ang relihiyosong situwasyon sa Europa at magwakas ang Edad Medya sa kontinenteng iyon. Si Luther din ang naglaan ng saligan para sa pagtatakda ng pamantayan sa nasusulat na wikang Aleman. Ang kaniyang salin ng Bibliya ang siya pa ring pinakapopular sa wikang Aleman hanggang sa kasalukuyan.Pinahina ng Repormasyon ang impluwensya sa politiko ng Simbahang Katoliko Romano. Dahil dito hinayaang maging malaya ang ilan sa mga bansa.

POLITIKAIto ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiyasa pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel.Dahil sa lahat ng mga impluwensiyang nakuha natin mga Pilipino sa ibang bansa, nakuha natin ang kalayaan at mas dumami ang kaalaman natin tungkol sa ibat ibang kultura ng mga bansang sumakop sa atin. Kahit nakaranas tayo nga mga pasakit, naging daan ito upang tayoy bumangon at ipakita sa kanila na tayong Pilipino ay may isang kahilingan: ang pagkakaroon ng pagkakaisa. Sana gawin nating inspirasyon ang kasaysayan ng ating bansa upang mapasagana natin ang ating ekonomika.

PILIPINAS

ANG BAYAN KONG MAHAL