5
Pagpili ng Angkop na Salita ng Pangungusap Nagiging malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na salita sa kaisipang ipinahahayag. Kung minsan may mga salitang tama na ang kahulugan sa loob ng pangungusap ngunit hindi naman angkop na gamitin sa pahayag. Halimbawa: Ang bunganga ay hindi dapat ipalit sa bibig sa pormal na pagpapahayag. Di-angkop: Hindi nababagay ang kanyang bunganga sa magandang hugis ng kanyang labi. Angkop: Hindi nababagay ang kanyang bibig sa magandang hugis ng kanyang labi. Hindi rin wastong gamitin ang salitang lamon kapalit ng kain. Di-angkop: Masarap lumamon kapag nakakamay. Angkop: Masarap kumain kapag nakakamay. Narito ang limang (5) tuntuning ibinigay nina Tumangan, et al. (2001) na maaring sundin sa pagpili ng tumpak na mga salita sa pahayag. 1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin. Halimbawa: Di-angkop: Ang sumpa sa harap ng altar ay panaling bumibigkis sa mag-asawa. Angkop: Ang sumpa sa harap ng altar ay tanikalang bumibigkis sa mag-asawa. 2. Tiyakin na angkop ang panlapi ng salitang ginamit. Halimbawa: Di-angkop: Nangagsiligo sa dagat ang mga kapatid ko. Angkop: Nangaligo sa dagat ang mga kapatid ko.

Pagpili Ng Angkop Na Salita Ng Pangungusap

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagpili ng Angkop na Salita ng Pangungusap

Citation preview

Page 1: Pagpili Ng Angkop Na Salita Ng Pangungusap

Pagpili ng Angkop na Salita ng Pangungusap

Nagiging malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na salita sa kaisipang ipinahahayag. Kung minsan may mga salitang tama na ang kahulugan sa loob ng pangungusap ngunit hindi naman angkop na gamitin sa pahayag.

Halimbawa:

Ang bunganga ay hindi dapat ipalit sa bibig sa pormal na pagpapahayag.

Di-angkop: Hindi nababagay ang kanyang bunganga sa magandang hugis ng kanyang labi.

Angkop: Hindi nababagay ang kanyang bibig sa magandang hugis ng kanyang labi.

Hindi rin wastong gamitin ang salitang lamon kapalit ng kain.

Di-angkop: Masarap lumamon kapag nakakamay.

Angkop: Masarap kumain kapag nakakamay.

Narito ang limang (5) tuntuning ibinigay nina Tumangan, et al. (2001) na maaring sundin sa pagpili ng tumpak na mga salita sa pahayag.

1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin.Halimbawa:

Di-angkop: Ang sumpa sa harap ng altar ay panaling bumibigkis sa mag-asawa.

Angkop: Ang sumpa sa harap ng altar ay tanikalang bumibigkis sa mag-asawa.

2. Tiyakin na angkop ang panlapi ng salitang ginamit.Halimbawa:

Di-angkop: Nangagsiligo sa dagat ang mga kapatid ko.

Angkop: Nangaligo sa dagat ang mga kapatid ko.

Ang mangagsi ay maramihan ng mag at ang manga ay maramihan ng ma. Ang isahan dito ay naligo, kaya ang angkop na panlapi ay nangaligo.

Di-angkop: Nakain ka na ba?

Angkop: Kumain ka na ba?Lalawiganin ang salitang nakain (sa Batangas) kaya dapat ay kumain na nasa

antas pambansa ang gamitin.

3. Tiyakin na timbang ang ideya ng mga salitang ginamit.Halimbawa:

Di-angkop: Nagsibaba ang mga bata mula sa puno ng santol at tumakbo nang makita ang pagdating ni Mang Kanor.

Page 2: Pagpili Ng Angkop Na Salita Ng Pangungusap

Angkop: Nagsibaba ang mga bata mula sa puno ng santol at nagsipagtakbuhan nang makita ang pagdating ni Mang Kanor.

Ang nagsibaba ay maramihan at ang tumakbo ay isahan. Dapat gawin naparehong maramihan (nagsibaba at nagsipagtakbuhan) ang pandiwa sa pahayag.

4. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng mga pandiwang ginamit.Halimbawa:

Di-angkop: Nagtungo ang mga kabataan sa awditoryum at nagsisipanood ng konsyerto.

Angkop: Nagtungo ang mga kabataan sa awditoryum at nanood ng korsyento.

Naganap na ang nagtungo ngunit nagaganap naman ang nagsisipanood. Gawaingnaganap na rin ang nagsisipanood kaya ang angkop ay nanood.

5. Iwasan ang labis na panghihiram ng salitang Ingles lalo na’t hindi pa iyon tinatanggap ng marami at mayroon namang katumbas na katutubong salita nating ang mga iyon.Halimbawa:

Di-angkop: Na-research ko na ang aking assignment sa Filipino.

Angkop: Nasaliksik ko na ang aking takdang aralin sa Filipino.

Sa sobrang panghihiram, nagmimistulang barok at over acting, wika nga angpahayag. Masakit pakinggan ang isang kakatwang pahayag na narinig sa isang

kolehiyala: Let us make tuhug-tuhog the fishball naman.

Kaisahan ng PangungusapKailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging epektibo ito. Kung ang bawat

bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito, sinasabing may kaisahan ang pangungusap.

Narito ang ilang paalala upang magawa ang kaisahan sa pangungusap at maging katanggap-tanggap sa bumabasa.

1. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.Halimbawa:

Walang kaisahan: Hindi mainam para sa isang kabataan ang mahumaling sa larong pangkompyuter at suwayin ang utos ng magulang.

Walang kaugnayan sa pahayag na Mainam para sa kabataan ang mahumaling salarong pangkompyuter ang suwayin ang magulang. Dapat na alisin na lamang ito sapahayag.

Mabisa: Hindi mainam para sa isang kabataan ang mahumaling sa larong pangkompyuter.

2. Ang pagtataglay ng maraming kaisipan sa pangungusap ay labag sa kaisahan ng pangungusap dahil lumalabo ang pangunahing kaisipang ipinahahayag.

Halimbawa:

Page 3: Pagpili Ng Angkop Na Salita Ng Pangungusap

Di-mabisa: Ang amyotrophic lateral syndrome (ALS) ang sakit na iniindi ni Morrie na lubhang nagpapababa ng kanyang resistensya at nagpahinto sa kanyang mga gawaing kinalilibangan ay wala pang lunas na natutuklasan.

Mabisa: Ang amyotrophic lateral syndrome (ALS) ang sakit na iniinda ni Morrie ay wala pang lunas natutuklasan.

3. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang panulong na sugnay.

Halimbawa:Di-mabisa: Nang kami ay manood ng sine, siya ay wala sa bahay.Mabisa: Nang siya ay wala sa bahay, kami ay nanood ng sine.

Di-mabisa: Dahil ayaw ko iyon, hindi na ako kumain.Mabisa: Dahil ayaw ko ng ulam, hindi na ako kumain.

4. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos.

Halimbawa:Mali: Si Von ay binili ng MP3 player para kay James.Tama: Ang MP3player ay binili ni Von para kay James.

Mali: Si Lester ay nilibang ang kapatid sa pamamagitan ng pagsayaw.Tama: Nilibang ni Lester ang kapatid sa pamamagitan ng pagsayaw.

5. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.Halimbawa:

Malayo: Makinis ang balat ng bagong silang na sanggol talaga.Malapit: Makinis talaga abng balat ng bagong silang na sanggol.

Malayo: Hinukay ni Carl ang ugat ng puno nang marahan.Malapit: Marahang hinukay ni Carl ang ugat ng puno.

6. Ilapit ang panghali na pamanggit sa pangngalang kinakatawan nito.Halimbawa:

Malayo: Ipinatong ni Suzette ang hikaw sa tokador na bigay ng kasintahan niya.

Malapit: Ipinatong ni Suzette sa tokador ang hikaw na binili ng kasintahan niya.

Malayo: Ang relo ni Lucy sa mesa na binili pa sa London ay nawala.Malapit: Ang relong binili pa ni Lucy sa London ay nawala.

7. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.Halimbawa:

Pinahahalagahan at iniingatan niya ang kanyang dangal.Kaysa: Ang kanyang dangal ay pinahahalagahan at iniingatan niya.

Mabilis na tinupok ng apoy ang mga tuyong dahon.

Kaysa: Ang mga tuyong dahon ay mabilis na tinupok ng apoy.

Page 4: Pagpili Ng Angkop Na Salita Ng Pangungusap