33
1 PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra Señora de La O ) Pintakasi ng Bayan ng Pangil, Laguna Pagsisiyam DISYEMBRE 9 17 Kapistahan DISYEMBRE 18 Pamilin: Sa buong pagsisiyam araw-araw ay dadasaling mauna ang Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen Maria, ang ukol sa araw na iyon, bago isunod ang: - Pambungad na Panalangin - Papuri at Hibik sa Mahal na Birhen - Pagninilay - Dalit sa araw na iyon - Paghahain - Katapusang Panalangin Ang PAPURI / PARANGAL sa MAHAL NA BIRHEN sa buong siyam na araw ay nasasalig sa: Unang Araw Nang Ialay sa Templo ang Birhen Maria ni Santa Ana na Kanyang Ina; Ikalawang Araw Inihanda ng mga Pari sa Templo ang Birhen Maria, na Ipinili ng Kasasamahin; Ikatlong Araw Hinirang ang Birhen Maria na Maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos; Ika-apat na Araw Ang Pagbati sa Birhen Maria ng Arkanghel San Gabriel; Ikalimang Araw Nang Batiin ang Birhen Maria ni Santa Isabel na Kanyang Pinsan; Ika-anim na Araw Dalangin ng Birhen Maria, Nawa’y Isilang na ang Mesias na Hintay ng Lahat; Ikapitong Araw Kasama ang Birhen Maria ni San Juan Apostol sa Pulo ng Patmos; Ikawalong Araw Nagbalik ang Birhen Maria sa Herusalem; at Ikasiyam na Araw Hiniling ng Birhen Maria, Kunin na Siya ng Kanyang Anak (Pagkamatay ng Birhen Maria) La Sagrada Expedición www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

  • Upload
    trananh

  • View
    292

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

1

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O

( Nuestra Señora de La O )

Pintakasi ng Bayan ng Pangil, Laguna

Pagsisiyam – DISYEMBRE 9 – 17

Kapistahan – DISYEMBRE 18

Pamilin:

Sa buong pagsisiyam araw-araw ay dadasaling mauna ang Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen

Maria, ang ukol sa araw na iyon, bago isunod ang:

- Pambungad na Panalangin

- Papuri at Hibik sa Mahal na Birhen

- Pagninilay

- Dalit sa araw na iyon

- Paghahain

- Katapusang Panalangin

Ang PAPURI / PARANGAL sa MAHAL NA BIRHEN sa buong siyam na araw ay nasasalig sa:

Unang Araw – Nang Ialay sa Templo ang Birhen Maria ni Santa Ana na Kanyang Ina;

Ikalawang Araw – Inihanda ng mga Pari sa Templo ang Birhen Maria, na Ipinili ng Kasasamahin;

Ikatlong Araw – Hinirang ang Birhen Maria na Maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos;

Ika-apat na Araw – Ang Pagbati sa Birhen Maria ng Arkanghel San Gabriel;

Ikalimang Araw – Nang Batiin ang Birhen Maria ni Santa Isabel na Kanyang Pinsan;

Ika-anim na Araw – Dalangin ng Birhen Maria, Nawa’y Isilang na ang Mesias na Hintay ng Lahat;

Ikapitong Araw – Kasama ang Birhen Maria ni San Juan Apostol sa Pulo ng Patmos;

Ikawalong Araw – Nagbalik ang Birhen Maria sa Herusalem; at

Ikasiyam na Araw – Hiniling ng Birhen Maria, Kunin na Siya ng Kanyang Anak

(Pagkamatay ng Birhen Maria)

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 2: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

2

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin Tayo:

O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop, pintuan ng Langit na laging bukas, bituing maningning

na tumatanglaw at pumapatnugot sa mga naglalayag sa masigwang dagat ng buhay sa sanlibutang ito.

Saklolohan mo po kaming mga nasa kasalanan na naghahangad din namang makaligtas doon; ikaw na

hinahangaan ng buong kalikasan; naglihi ka at nanganak sa Lumalang sa iyo. O Kalinis-linisang Birhen,

bago at matapos makapanganak; tumanggap ng magalang na bati ng Arkanghel San Gabriel, mahabag ka

sa mga makasalanan, na dumudulog, nangangayupapa, at nasasakdal po sa iyo, na tulungan kaming

ipagmakaawa sa Kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos, na patawarin kami sa aming mga

kasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan

at mga biyaya ng langit. SIYA NAWA.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O

UNANG ARAW ( Disyembre 9 )

NANG IALAY SA TEMPLO ANG BIRHEN MARIA NI SANTA ANA NA KANYANG INA

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:

Itulot mo po mahal na Birhen De La O na purihin namin at ipagpasalamat ang ala-ala nang; Iaalay

ka sa Templo ng butihin mong Ina, sa pag-asang ikaw ay nakahanda sa mga gawang kabanalan at nakilala

ang taglay mong kalinisan ng puso; sapagkat ipinangako ng marangal mo pong Ina, na kung

mapagkakalooban ang Panginoong Diyos ng bunga, ay ilalagak sa Templo upang lubusang

makapaglingkod sa kanya na nagbigay, kaya naman isinagawa ang katuparan. Sadyang ang pangako ay

dapat yupdin, dapat nating tandaang magaling at alalahaning nakapangingilabot paglaruan ang

makapangyarihang Diyos, kaya banal na pagtatapat ang dapat iukol sa kanya, sapagkat siya’y totoo at

banal.

Hibik:

Wala nga kaming dapat pintuhin at pagsakdalan ng aming mga hinaing kundi ikaw po mahal na

Ina, hantungan ng amingpag-asa. Pahalagahan mo po itong aming pagtawag dalangin, ipagkapuri mo

pong ialay sa makapangyarihang Santisima Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, nang

lalong tumibay at maging dapat ang aming pagsampalataya at pag-ibig sa iisang Diyos na tatlong Persona,

na ito at diyan sa buhay na walang hanggan. SIYA NAWA.

Pagninilay:

Nilaynilayin mo, kaluluwa ko, kung gaano kahalaga ang pagpapasakit ng Ina ni Ginoong Santa

Maria, marangal na si Santa Ana, nang ihain na sa Templo ang bugtong na anak, maganda, mayumi,

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 3: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

3

mahinhin, at kaibig-ibig, ay pinaglabanang binata ang mawalay sa kanya, buong puso at kaluluwang

inihain sa Diyos ang kaisa-isang anak ng kanyang katandaan. Tularan nawa natin ang gayong kabutihan

katiningan ng loob ng isang ina, kapag alang-alang sa Diyos ay binabata ang bigat ng anumang hirap sa

pangungulila sa tanging ligaya ng buhay, kalianma’t sa Diyos nga ang pinag-uukulan.

Dalit sa Pagparito ng Mahal na Birhen de La O:

(Sagot)

Nuestra Señora De La O

Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Dakila ka pong larawan

ni Maria Birheng hirang,

De La O, iyo pong ngalan

pag-asa, ang kahulugan.

Dalangin mo po’y masasal Nuestra Señora De La O,

sa anyo mo nawawarian. Kami po’y idalangin mo.

Na, nawa ay isilang na

ang magliligtas sa sala,

mana kay Adan at Eba.

Hangarin mo’y pang lahat na

Sa Espanya ka nagbuhat Nuestra Señora De La O,

upang dito ay mahayag. Kami po’y idalangin mo.

Isang libo, pitong daan

apatnapu’t isa ang bilang

ng taon ka po dumatal

dito sa hamak na bayan,

Sadya ka ditong padala Nuestra Señora De La O,

ng haring Carlos ang badya. Kami po’y idalangin mo.

Kasabay ng idating ka

ay ang Setro at Korona,

Lubhang napakahalaga

mga ganting ala-ala.

Sapagkat dito’y nagtira Nuestra Señora De La O,

yaong mahal na Monarka. Kami po’y idalangin mo.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 4: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

4

Nang siya pa ay prinsipe

anak ng Haring Felipe,

nagkasala, ay ang sisi

ma-destierro ay siya dine.

Dalawang taong singkad Nuestra Señora De La O,

bago siya pinatawad. Kami po’y idalangin mo.

Ang utos ng Haring Ama

sa Espanya magbalik na,

isasalin ang korona

at kapangyarihan niya.

Nang sa Espanya’y dumating Nuestra Señora De La O,

ganting loob dito’y Birhen. Kami po’y idalangin mo.

Mula na noon ay ikaw

Pintakasing minamahal,

pinupuri’t iginagalang

nitong buong sambayanan.

Kami po’y iyong tulungan Nuestra Señora De La O,

ng sa Diyos ay kaawaan. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:

Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod,

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:

Ihibik mo po kami Mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manariwa nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ng aming mga

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 5: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

5

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka

naming magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 6: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

6

IKALAWANG ARAW ( Disyembre 10 )

INIHANDA NG MGA PARI SA TEMPLO ANG BIRHEN MARIA, NA IPINILI NG KASASAMAHIN

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:

Pinupuri ka namin at niluluwalhati mahal na Ina ng aming pag-asa, alang-alang doon sa inihanda

ka ng mga Padre sa Templo na ipili ng kakasamahin, sa pag-asang ang dakila mong kalinisang itinatalaga

sa Panginoong Diyos ay siyang katuparan ng hula ng mga propeta sa napapangakong Mesias. Kahili-hili

ang mapapalad na nakatatalos ng mga niloloob ng Panginoon, wala pang nagpapahayag ng harapan ay

ang kutob ng loob ang sinusunod, natatamo ang pagkakaalam sa pamamagitan ng matamang

pananalangin, inihihingi ng tulong sa Panginoon upang mapatumpak sa Kanyang kalooban. Sinong mag-

aalinlangan na ang ating Panginoong Mananakop ay nanalangin? Idinaing ang Kanyang mithi, ngunit

pagkatapos ay sinabing: “Ama Ko mangyari ang Iyong kalooban at huwag ang sa Akin.” gayon nga ang mga

banal, siya nating tularan. Ang larawan nila at mga ginawa sa buo nilang buhay ay pag-aralan at gawing

huwaran. Iyan ang kung bakit ginagawa ang mga mahal na larawan at pinakasusuri ang kasaysayan ng

buhay banal upang maging ating uliran.

Hibik:

Papaging dapatin mo itong aming paninikluhod, nangangayupapa sa mahal mo pong harapan sa

pagsampalatayang gagantihing-loob ng Makapangyarihang Diyos; kaya kami’y ipagmakaawa tulad ng

hinahangad namin dito sa pagsisiyam na magkamit patawad sa aming mga kasalanan, maligtas sa

anumang panganib at kapahamakan ng kaluluwa at katawan kung ang gayon ay mangyayaring

ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos at ikagagaling naming sa buhay na ito sa ibabawng lupa at diyan sa

kaluwalhatian sa langit. SIYA NAWA.

Pagninilay:

Dili-diliin mo ang aking panimdim, ang mahalagang lihim na katalagahan ng Panginoong Diyos na

ang banal na Birhen Maria, may panata sa kalinisan, ay siyang inihanda ng mga Pari na ipili ng

kakasamahin. Ito’y sapagkat ang diwa ng banal na Panginoon ay nangungusap o nagpapahayag sa puso ng

mga may pananampalataya at itinuturo sa ating anghel na tagatanod kung ano ang dapat gawing

magaling, at kung tayo’y nakagawa ng masama, ay sapagkat ang sinunod natin ay ang hilig ng kahinaan at

napapadaig sa daya ng tukso; dapat sana ay ang tibok ng marangal na damdamin at di ang hindi

nakikilala ng ating bait, sa mga walang pananalig at nililimot ang pag-asa sa awa at katarungan ng

Panginoon. (Daing) Kahabagan mo po kami mahal na Ina ng Awa na lumakas ang aming pandamdam sa

pakikinig sa atas ng Panginoon na tanging hinding-hindi magkakamali. Itinatatak ng maliwanag sa ating

puso upang siya lamang sundin na isagawa iyong mabuti sa iyo at gayon din sa kapuwa mo tao. Maging

bingi nawa kami at mawalang kaya na gawin ang bulong ng kasamaan na siyang nagpapahamak sa

katawan at kaluluwa; katakutan nawa namin at iwasan ang ganito alang-alang sa walang likat na

kabutihan ng Panginoon na lumalang sa amin upang maging kanyang kampon. Huwag naming sayangin

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 7: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

7

ang sagana Niyang kaawaan. Ibigin namin Siya ng dahil sa paglalang sapagkat naglaan ng lahat na

kailangan natin sa buhay, at ipinaghanda rin naman tayo ng magliligtas, sapagkat alam Niya na marami

ang nagkakasala; ngayo’y magpasalamat tayo sa Mahal na Birhen Maria, na siyang itinalaga ng Panginoon

upang makatulong sa ikatitimawa nuong mga nagsisipanalig sa Kanya.

Dalit sa Paghingi ng Saklolo sa Mahal na Birhen De La O:

(Sagot)

Nuestra Señora De La O

Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Huwag naming malimutan

Katamis-tamisan mong ngalan

araw gabi’y tawagan

hanggang kami’y nabubuhay.

At kaming mga lingkod mo Nuestra Señora De La O,

sukuban ng Iyong manto. Kami po’y idalangin mo.

Ng huwag kumalat-kalat

kaming iyong mga anak

bakuran ng mahal mong lingap

na matipon sa iyong harapan.

Ang awa at tulong mo Nuestra Señora De La O,

pakamtan sa amin dito. Kami po’y idalangin mo.

Ang habag mo, Inang Birhen

ay ilaganap sa amin

ng di kami maalipin

ng mga Espiritung suwail.

Ang mapagpalang kamay mo Nuestra Señora De La O,

magligtas sa amin dito. Kami po’y idalangin mo.

Ikaw ang dinadaluyan

sa Diyos ng kapangyarihan,

kami nawa’y makinabang

hamog ng kapatawaran.

Yamang hirap ma’t saklolo Nuestra Señora De La O,

nagdaraan sa kamay mo. Kami po’y idalangin mo.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 8: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

8

Paghahain:

Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manaiwa nawa sa aming puso at kalooban

ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na

muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at

paggalang sa Kanyang mga kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan,

pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na

ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang

hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 9: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

9

IKATLONG ARAW ( Disyembre 11 )

HINIRANG ANG BIRHEN MARIA NA MAGING INA NG MAGKAKATAWANG TAONG DIYOS

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:

Pinaghahandugan ka namin ng matimyas na ala-ala, mahal na Ina ng Pag-asa, alang-alang sa:

hinirang kang maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos; walang ibang katangi-tangi na gaya mo;

nakasama sa buong buhay dito sa ibabaw ng lupa noong namatay sa Krus, bago nabuhay na mag-uli ng

ikatlong araw, lubos kang hirang na pinagkatiwalaan ng Banal na Amang nasa langit na sumaksi at

nangalaga ng buong ingat sa nagkatawang taong Diyos. Bagaman mahal namin Ina, hindi kami

nagkapalad na tulad mo sa gayong karangalan sa mata ng Makapangyarihang Panginoon, ay narito,

ipinakikidamay namin ang lubos na paniniwala sa mga himala o misteryo ng pagtubos sa pamamagitan

ng pagpapakasakit at mga hirap na tiniis at buong-buo ang pag-asa namin na dahil dito’y kakalingain

kami, alang-alang kay Hesukristo ring anak mo, na sa pagkabitin sa Krus ay isa sa mahalagang pitong

winika, ang: “Babae, Nariyan Ang Iyong Anak”, tinutukoy ang Apostol San Juan na kumakatawan sa

sangkatauhang may pagsampalataya at umiibig sa Kanya.

Hibik:

Patunayan mo po nawa kaibig-ibig na Ina ng aming Pag-asa, na kaming iyong mga minamahal na

anak, ay maging dapat sa walang likat na kaawaan at pagpapala sa lalong ikaluluwalhati ng Panginoong

Diyos at sa ikapagpapagaling naman ng katawan at kaluluwa namin ngayon at magpasawalang hanggan.

SIYA NAWA.

Pagninilay:

Pagbulay-bulayin mo ang aking isip, na ang Mahal na Ina ng Pag-asa ay siyang nagluwal sa

maliwanag na nagkatawang-taong Diyos; maingat na nangalaga at nakasaksi sa mga himala na patotoo ng

ka-Diyosan: ang pagtitiis ng hirap na katubusan sa mga taong nilikha na kumikilala at sumasamba sa

Kanya, na Siya’y namatay bago nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit; ay paka-isiping walang pasubali

na pawang katotohanan, paniwalaang may lubos na pananalig, alang-alang sa tinupad ng Mahal na Birhen

Maria ang atas ng Panginoon ukol sa Manunubos. Sapagkat siya’y ganap na sumampalataya, kaya hindi

matatawaran ninuman ang dakilang karapatan ng Inang Birhen Maria; na maging tagapamagitan natin,

bukod pa sa kinikilala ng Diyos Anak ang hirap, puyat, pagod at luha na idinamay sa pinakasisintang Anak

sa pagiging tao. Papagningasin nga natin ng buong ala bang ating mga puso ng pagtawag sa Kanya ng

madalas at taimtim nang ikarangal niyang ilapit tayo o ipamagitan ang walang humpay na pagpupuri

natin sa Panginoong Diyos.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 10: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

10

Dalit sa mga Himala ng Birhen De La O:

(Sagot)

Nuestra Senora De La O

Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sa Diyos kami idaing

na dito’y nawa pawiin

kami’y binyaga’t ampunin.

Matimawa kami dito Nuestra Senora De La O,

sa madlang salot at tukso. Kami po’y idalangin mo.

Sa awa mong malaganap

sa taga-Pangil mong liyag,

sa Archivo’y nasusukat

himala mong ipinamalas.

Isang umaga ng sabado Nuestra Senora De La O,

naligo ang larawan mo. Kami po’y idalangin mo.

Ang salot na lubhang malakas

noo'y naghaharing ganap,

namamatay daming di hamak

mga gamot di makalunas.

Sa iyong awa sa tao Nuestra Senora De La O,

naligo ang larawan mo. Kami po’y idalangin mo.

Nang sa Kurang matalastas

at nang sambayanang lahat,

nanikluhod sa iyong harap

pinupuri ka Birheng mapalad.

Ang bata at matandang tao Nuestra Senora De La O,

nagsipagligong totoo. Kami po’y idalangin mo.

Dumalang napawing lubos

ang namamatay sa salot,

at ito’y kaya natalos

sa tulo ng iyong buhok.

Mula sa paso’y nasusog Nuestra Senora De La O,

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 11: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

11

hanggang sa Altar mong lubos. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:

Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno

ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 12: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

12

IKA-APAT NA ARAW ( Disyembre 12 )

ANG PAGBATI SA BIRHEN MARIA NG ARKANGHEL SAN GABRIEL

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:

Kalugdan nawa ng marilag naming Ina ng Pag-asa, na batiin ka namin ng buong pagpaparangal,

sapagkat binati ka ng Arkanghel San Garbiel at ibinalitang hinirang ka na siyang maglilihi at

manganganak sa Berbo. Sa iyong kahanga-hangang pagkamasunurin sa anumang ipagtalaga ng

Panginoong Diyos, ay buong kapakumbabaang tinanggap ang pagiging Ina, sa kabila ng iyong kalinisan,

ay lumaang mag-iwi sa Sugo ng Langit sa sangkatauhan na hindi mo po naman ipinagmalaki, ni hindi

ipinagparangalan, gayong walang katumbas ang katangian sa lahat ng uri ng pagkatampok, tulad ng

maging Ina ng nagkatawang taong Diyos.

Hibik:

Dahil sa lubos mo pong kababaang-loob, kami nama’y bahaginan ng kalinisan ng puso at

pagpapakababa, matutong manalig sa pangako ng kaligtasan at magpakatibay sa pananampalataya at

pag-ibig na gumagawa ng matapat sa Panginoong Diyos hanggang sa wakas. Kaya nga mahal na Ina ng

aming Pag-asa, kami’y iyong alalayan sa aming kahinaan upang lumakas. Tulad mo pong hindi nag-

alinlangan sa mga sinabi at ipinagtalaga sa iyo, tinanggap mong pagtiisan alang-alang sa Diyos na may

kalooban; kami nama’y nagmamakaawa ng tulong mo na matularan ka namin ng pananalig sa

Panginoong Diyos, upang pagpalain kami sa mga biyaya sa buhay na ito at diyan sa buhay na walang

hanggan. SIYA NAWA.

Pagninilay:

Mataman mong gunitain aking puso, na maging ang Arkanghel San Gabriel na sinugo ng langit ay,

mapitagang bumati sa Mahal na Birhen, malumanay na sa paliwanag ng mapapaniwala; tayo namang

hamak na alabok, ay ano ang ating matuwid na hindi pintuhin ang pinarangalang hinirang ng Diyos na

maging Ina ng Tagapagligtas; ganyakin ang ating sarili na iluhog ng buong liwanang ang ating mga nasain,

ipagtapat ang mga hilahil upang sa kanyang pagkamaawain ay huwag tayong makaligtaan; lagi tayong

mag-alay ng papuri, hiyasan ng di paglimot kasama ang lubos na pagsisisi, patunayan sa madalas na

paglapit na pinaka-iibig natin siya at tinatanggap na lagi ang kanyang Bugtong na Anak sa pamamagitan

ng pakikinabang. Sa ganitong paraan maka-aasa na kalulugdan niya at tutulungan upang tayo’y

magkamagandang palad hanggang sa oras ng ating kamatayan hanggang sa kabilang buhay naman.

Dalit sa mga Himala ng Birhen de La O:

( Sagot )

Nuestra Señora De La O

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 13: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

13

Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Patunay ng may katawan

nang siya pa ay nabubuhay

na taga Matikiw naman

Mariano Trabajo ang ngalan.

Ito’y laganap mong awa Nuestra Señora De La O,

O Birheng mapaghimala. Kami po’y idalangin mo.

May dalang kahoy at uway

sa Santa Cruz na bayan,

ang kanyang napagbilhan

kulang pa sa piso naman.

Iniisip na ipagsugal Nuestra Señora De La O,

kung manalo’y maragdagan. Kami po’y idalangin mo.

Napa-awa kay San Roque

na manalo’t mamimile,

pagkain nilang sarili

natalo’t walang nalabi.

Ang kulang palad na tao Nuestra Señora De La O,

uuwi ay litung-lito. Kami po’y idalangin mo.

Nang sa bangka sa aplaya

sakay na walang dala,

sa katatanaw ay nakita

bayang Pangil napagsiya.

Sa Mahal na Birheng de La O Nuestra Señora De La O,

nagmaka-awang totoo. Kami po’y idalangin mo.

Matapos ang pananalangin

ang naghari sa panimdin,

palengke siyang tunguhin

baka sakaling palarin.

Magbibigas ang natukoy Nuestra Señora De La O,

kahuhuo lamang noon. Kami po’y idalangin mo.

Lakas loob nakiusap

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 14: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

14

pautangin siya ng bigas,

may tinda’y di man nangusap

tiningnan siya at sukat.

Bago ang wika’y sumahod Nuestra Señora De La O,

tinakalang walang tuos. Kami po’y idalangin mo.

Sa takot at kahihiyan

niyong taong umu-utang

baka di na mabayaran

kung malaki ang maging utang.

Takal ay pinatigilan Nuestra Señora De La O,

tuloy namang nagpaalam. Kami po’y idalangin mo.

Nang sumunod na Huwebes

ang mangungutang ay nagbalik

bayad ay ipinipilit

sa babae’t namamanhik.

Ito namang magbibigas Nuestra Señora De La O,

ang bayad hindi matanggap. Kami po’y idalangin mo.

Sa magbibigas na tutol

walang umu-utang noon,

bigas niya’y di-natayong

nabiling hindi hinapon.

Pasubali ng umutang Nuestra Señora De La O,

kasalanang hindi bayaran. Kami po’y idalangin mo.

Walang hanggan ang awa mo

Nuestra Señora De La O,

naging panata noong tao

mag-novena kahit may bagyo.

Sa tuwing ipagdiriwang Nuestra Señora De La O,

ang iyong kapistahan. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:

Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 15: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

15

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno

ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 16: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

16

IKALIMANG ARAW ( Disyembre 13 )

NANG BATIIN ANG BIRHEN MARIA NI SANTA ISABEL NA KANYANG PINSAN

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:

Bayaan mo pong alalahanin namin ng may buong pagpaparangal sa iyo Mahal na Ina ng Pag-asa,

ng batiin ka ng iyong pinsang si Santa Isabel, na sinabi: “Mapalad ka at lalong kapaladpalaran ang sanggol

na nasa iyong tiyan, na siyang kaban ng tipan.”; lubhang mahalaga at lalong hindi ka naglikat ng

pagpupuri sa Diyos, nagpakatibay sa pag-asa na ang iyong magiging bunga na ipanganganak ay ang tunay

na Berbo ng Diyos, tagapagligtas at tanging kinalulugdan ng higit kaysa kaninumang ipinanganak pa sa

silong ng langit.

Hibik:

Marapatin mo pong tulungan kami at alalayan ng iwaksi namin ang pagsasalawahan,

magpakatibay sa pananalig na hindi mo pababayaang ampunin, at ihihingi kami ng kapatawaran sa aming

mga kasalanan ng mapakinabangan nawa kami ng mahal na Dugo ng nagpakasakit mong Anak,

Mananakop na si Hesus. Tulungan mo kaming mawili sa taos-puso na laging pananalangin, magpakatibay

sa pananampalataya na may kalangkap na gawang magaling, magpakalinis sa buong buhay namin,

magkawang-gawa sa kapuwa tao, tumulong sa mga salanta at nasa tunay na kagipitan, talikurang lubos

ang kapalaluan o pagmamataas at mga karangyaan, ng malubos ang pagpapala sa amin. SIYA NAWA.

Pagninilay:

Alalahanin mong masuri ng aking diwa, ang matimbang na kahalagahan ng pangungusap ni Santa

Isabel, palibhasa’y may wagas na pananampalataya at lagi sa pakikiulayaw sa pamamagitan ng malalim o

matining na pananalangin sa Panginoong Diyos, kaya nakaalam ng lihim katalagahan; saan di nga

pagpapahayagan sa pintig ng loob na ang bubukhin sa bibig ay pangungusap na mula sa langit. Iyo’y

ipinagtitiwala sa mga nilikhang lubos na umiibig at nakikipagtoto sa Kanya, doon sa mga may buong

kalinisan at sumasangguning mataimtim, nahahabag sa kapwa kalakip ang kawang-gawa at paglilimos sa

mga dukha. Magpakasikap nga tayo at ipagpasalamat na ipagmalasakit ang kapurihan ng Diyos upang

makamtan at makarating tayo sa Kanyang kaharian ng nakasamang magpuri at niluluwalhati Siya

magpasawalang hanggan.

Dalit sa mga Himala ng Birhen De La O:

( Sagot )

Nuestra Señora De La O

Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 17: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

17

Minsan nama’y naisipan

Kura Paroko ng bayan,

ma-enkarna iyong larawan

sa ilog ka ipinalagay.

Walang ulan man o unos Nuestra Señora De La O,

ang baha biglang bumuhos. Kami po’y idalangin mo.

Sa awa mo Inang Birhen

pintakasing hirang namin,

ng sa ilog ika’y alisin

ang baha nama’y tumigil.

Maawain kang totoo Nuestra Señora De La O,

sa nananalig sa iyo. Kami po’y idalangin mo.

May iba ka pang himala

na lubhang kahanga-hanga,

taas mo’t kalakhang lubha

ibig kang gawing mababa.

Tumawag ang Kura dito Nuestra Señora De La O,

ng maalam sa grabado. Kami po’y idalangin mo.

Sa katawan ka babawasan

at nilalagaring tunay,

bahagya pa binabaunan

wika mo’y poco-poco lamang.

Eskultor natakot dito Nuestra Señora De La O,

sa narinig na sabi mo. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:

Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 18: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

18

Katapusang Panalangin:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno

ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 19: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

19

IKA-ANIM NA ARAW ( Disyembre 14 )

DALANGIN NG BIRHEN MARIA, NAWA’Y ISILANG NA ANG MESIAS NA HINTAY NG LAHAT

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:

Tunghayan mo po kami mapagpalang Ina ng Pag-asa, narito kami sa iyong mahal na paanan at

ipinagdiriwang ang iyong idinadalangin sa Panginoong Diyos, ang masigasig mong hinihiling; na nawa’y

isilang na sa mundong ito ang ilaw na magliliwanag sa nadidimlang sangkatauhan na nalilipos ng ulap ng

kasamaan. Walang atubili ang iyong pag-asa na ang ipanganganak mo’y yaong hinihintay ng lahat, ang

Mesiyas na napapangako; at sapagkat ang pinakamagaling sa lahat ng pinakamimithi mo ay hindi ang sa

sarili lamang, kundi ang sa tanang inianak ni Eba’t ni Adan; kaya karapat-dapat kang pakapurihin at

dakilain ng lahat. Sa kabutihang palad ay iilan ang hindi nagpapahalaga sa iyo at nawa’y dumating ang

araw na sila man ay kumilala rin at magparangal po sa iyo.

Hibik:

Mahal na Birhen De La O, tulungan mo po kami, tulad ng masidhi mong mithi na maano’y isilang

na sa sanlibutang ito ang Anak ng Tao, datapwa’t Diyos at Tao namang totoo; masigasig din namang

idinadalangin namin ang kaganapan ng dasal na “AMA NAMIN… Dumating nawa ang kaharian

mo”.Magluwalhati nawa ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na sa pamamagitan mo po

ay loobing dumating na at lumaganap ang Kaharian ng Diyos, upang Siya na ang makapangyari sa ibabaw

ng lupang ito na pinamamayanan ng mga tao. Maging dapat na po sa iyo na tanggapin itong aming

ipinakikiramay dahil sa kinalulugdan ka ng Panginoon ay akayin mo po kaming sumunod at maging

maluwag sa loob ang pagsang-ayon sa bawat ipagtalaga sa amin ng dakilang Ama sa langit; huwag kaming

maligaw sa landas na dapat lakaran upang matunton ang matuwid na katarungan ng Diyos, sa

ikapapanuto sa magandang kapalaran sa buhay na ito at diyan sa langit magpasawalang hanggan.

PAGNINILAY:

Pagtamanan mong alalahanin aking bait ang kadalisayan ng mataos na mithi ng Ina ng Diyos, na

itulot nawa ng langit na iluwal na sa mundo, na huwag ng magtagal pa ang Mesias sa sinabi ng mga

propeta. Hinihinging may pag-asa ng mapalad na Ina ang madali nang pagdating ng tutubos sa sala ng

sangkatauhan. Nagpapakilala lang ang ating Mahal na Inang Birhen Maria ay naliligayahang higit

kaninuman, na ang lahing tao ay magkamit patawad sa kasalanang minana. Kaya tayo nama’y

magmakaawa sa kanya upang ipagkapuring idaing sa Panginoong Diyos na iligtas tayo sa madlang sakuna

at mga salot; magtamong ginhawa sa mga tinitiis na kahirapan dahil din sa pagsasansang natin sa banal

Niyang kalooban; magkaroon nawa tayo ng tapang na itakwil ang hibo at pang-uupat ng mga walang

kinikilalang Diyos, tulungan tayo ng Ina ng Pag-asa na pagtagumpayang lubos ang mga kaaway ng

katawan at kaluluwa, gamiting matibay na kalasag ang pag-asa sa tangkilik at tulong ng Panginoon; tulad

ni Haring David na pagkabata na may katutubo ang umasa sa hindi magagaping lakas kapangyarihan ng

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 20: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

20

Diyos; sa gayong ding tibay ng pananalig nagpakatimpi ang mahal na Birhen; ulirangin natin ang

nakahihiling katiningan ng loob sa pagsampalataya, paampung walang likat sa lahat ng sandali sa

maawaing Ina ng mananakop, Ina rin natin sa Panginoon, Inang malinis at tapat na loob sa sinumang

umuusal at nangangadya sa kanya.

DALIT SA MGA HIMALA NG BIRHEN DE LA O:

( Sagot )

Nuestra Senora De La O

Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sa Cuadrillerong Kapitan

na Protacio ang ngalan,

hinuli ng mga tulisan

Exequiel ang pamumunuan.

Dinakip ay napaampon

Hiningi ang iyong tulong. Nuestra Senora…

Sa Polvorista dinala,

luhod at magsisi na,

saka binaril pagdaka

sa leeg tinamaan siya.

Nabuwal dugo’y naglapaw

iniwan na ng tulisan. Nuestra Senora…

Itong himala mo Birhen

doon sa taong binaril,

dalangin ay walang tigil

iligtas mo po’t ampunin.

Sa sidhi ng tawag sa iyo

ginawa mo ang saklolo. Neustra Senora…

PAGHAHAIN:

Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 21: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

21

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA

PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

KATAPUSANG PANALANGIN:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

***

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 22: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

22

IKA-PITO NA ARAW (Disyembre 15)

KASAMA ANG BIRHEN MARIA NI SAN JUAN APOSTOL SA PULONG NG PATMOS

MANALANGIN TAYO:

O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop…

PAPURI:

Kadangal-dangal Birhen De La O, ituloy mong purihin ka na namin sa mga gawang kabanalan at sa

mahalagang tulong na iniabuloy mo sa buong taon na kasama ka ni Apostol San Juan, ng sinulat ang

dakilang Ebanghelyo ng Panginoong Hesukristo, na naglalarawan, hindi lamang sa pagkakatawang-tao ng

Diyos Anak, kung di ang mga tanda ng mahahalagang katotohanan na si Hesus ay ang tunay na ikalawang

Persona ng Santisima Trinidad, siyang sinugo ng langit, ang Tagapagligtas. Buhay na buhay ang iyong

pananalig na di magkaulap munti mang alinlangan na Siya nga dili iba ang Mesias na ipinangako.

HIBIK:

Sa katibayan na paniwala mong hindi magmaliw ay maano po kaming bahagian ng tapang at lakas

na huwag humina angaming loob, huwag lumamig kaunti man sa pag-asa sa iyong pamamagitan at

magkamit ng hamog ng langit na magpapasariwang lagi sa marupok at lanta naming puso, nang sa gayo’y

makinabang ng kapatawaran sa kawalan namin ng utang na loob doon sa batis ng katarungan at mga

biyaya; ng sa tuwina’y matutong magpuri sa Panginoong Diyos angaming labi sa lubos Niyang

ikaluluwalhati at sa ipagkakamit ngaming katawan at kaluluwa ng lubusang lingap mula sa Panginoon.

SIYA NAWA.

PAGNINILAY:

Pakalining-ningin mong magaling aking budhi ang kahalagahan ng Ina ng Diyos, hindi lamang sa

pagkapangalaga sa banal na Diyos Anak, kung di ng sinusulat na San Juan Apostol ang banal na

Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesukristo, ay gaano kalaki ang naiabuloy niyang tulong sa

paglalarawan ng mga ginawa at winika ng Vervo.Nagpakalingid siya sa pula at pag-uusig ng mga

umuupasala, niyong ang mga kinikilalang Diyos ay ang palalo, ang pumapatay ng kapwa-tao, ang nagtitira

sa Palasyo at ang mga nahihiga sa banig na ginto.Kahabag-habag na kamalian ng mga imbi na pinalalo pa

ng sakim sa kapangyarihang pangkalupaan. Mahal na Ina ng Awa, huwag mo nawang bayaang kami ay

mahulog sa bangin ng kawalang-pag-asa, kung di matuwaran ka namin na lumigpit, lumayo sa palalong

singaw ng pagkakatawang lupa, magpakaliit at magpakayupapa sa mahal na harapan mo po

nanapakamapagkumbabang Birhen, abuluyan din kami ng lingap upang buksan mo po sa amin ang pinto

ng langit, upang makasama ng mga banal na magpuring walang humpay sa Santisima Trinidad

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 23: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

23

DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA BIRHEN DE LA O:

( Sagot )

Nuestra Senora De La O

Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sa poot man ng Maykapal

ng sa taong kasalanan,

ikaw po ang inaasahang

magpapalubag na tunay.

At sa iyong pamamagitan

ang parusa’y nahahadlangan. Nuestra Senora…

De La Ong lubhang dakila

De La Ong pinagsasadya,

De La Ong hingian ng awa

ng sinumang may dalita.

Sa kapangyarihang taglay mo

nanginginig ang impiyerno. Nuestra Senora…

Ang malabis na kasagwaan

sa ugali’t pananamit man,

masaklap na kapalaluan

pagsisihan naming tanan.

Ng mapayapa ang bayan

kaluwalhatia'y magdiwang. Nuestra Senora…

PAGHAHAIN:

Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA

PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 24: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

24

KATAPUSANG PANALANGIN:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 25: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

25

IKA-WALONG ARAW (Disyembre 16)

NAGBALIK ANG BIRHEN MARIA SA HERUSALEM

MANALANGIN TAYO:

O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop…

PAPURI:

Ikaligaya nawa ng mairuging Ina ng Pag-asa na ikaw po’y aming parangalan sa pamamagitan ng

pagsisiyam na ito, upang alalahanin ang pagbabalik mo sa Herusalem mula sa pulo ng Patmos, na doo’y

namuhay kang lingid sa marami, nagbalik ka nga sa Herusalem na wala anumang karangyaan, walang

kaaliwan kung di ang pag-asa na Makita at makaharap ang mga minamahal na Alagad nang umakyat sa

langit ang mahal mo pong Anak. Magdalita ka Ina namin na pakimatyagan ang taos na ala-alang iniaalay

namin sa iyong kawalang-malay sa kapalaluan, matuto nawa kaming umalinsunod sa kalinisan mo’t

kawalang imbot sa mga papuri noong nakikipamuhay ka pa dini sa bayan ng hapis na pinamamayanan ng

mga taong nagtataglay ng nakahihiyang ugaling kasaganaan, nakaririmarim na pag-uupasala at

paninirang puri sa kapwa.

HIBIK:

Tulungan mo po nawa kaming idalangin sa Panginoong Diyos na kasuklaman na namin ang lahat

ng kasamaan, mabuhay ng malayo sa karangyaan at pagpapanggap, na makalugdan nawa kami noong

puspos, karunung-runungan at gumagawa ng walang pagmamalaki, datapwat nakayayari ng maayos at

makatutugon sa mga pangangailangan at hangarin ng nangabubuhay sa katuwiran. Tulungan mo rin po

kaming gumawa at magpasakit magpagal sa paraang magiging marapat sa aming Diyos at Panginoon at

maging sa aming kapwa-tao; mga gawang makasisiya sa kailangan namin, na buong sambayanan at lahi

lalo pa ng sangkatauhang marangal, kung mangyayaring yaon ay pawang sa ikaluluwalhati ng Panginoon

at sa ikapagbabalik-loob na ng mga naliligaw, ng mga nalilihis sa matuwid na landas. SIYA NAWA.

PAGNINILAY:

Paglimiing aking pagdamdam, itinitingi at ipinakikimatyag, ang malalim na kahulugan na

pagbabalik sa Herusalem ng nangungulilang Ina, mula sa liblib na pulo ng Patmos; hindi baga marapat na

pagbalik-balikin natin ng walang sawa, lapitang muli’t muli, pagpahayagan ng ating mga hinahangad,

hingan ng awa sa araw at gabisa buong panahon ng ating buhay ang mapag-andukhang Ina, na siya ang

lalong higit naghahangad na makita tayo’y nabibilang sa mga nagpapasakop sa mga pinakakasakitan ng

Mahal niyang Anak, makita ng may kaluguran ng napakamahabaging Ina na tayo’y kasama sa hanay ng

mga may tanda sa noo ng banal na pangalan ng maluwalhati niyang Anak na si Hesus sa araw ng

paghuhukom… Ito’y walang salang pagtatalikan natin ng ligaya kung sa kanya tayo sumunod;

makaagapay nawa tayo sa mga pinagpala kung hindi tayo maglulubay ng pagsamo at pagmamakaawa,

paligayahin natin siya na kagiliw-giliw nating Ina, sapagkat ang kasiyahan niya ay ang siya’y ating sundin,

luwalhatiin at umasa sa kanyang pag-aampon.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 26: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

26

DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA BIRHEN DE LE O:

( Sagot )

Nuestra Senora De La O

Devota naming totoo Nuestra Senora De La O

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Ikaw ang devota namin

lubhang mapagpalang Birhen

sa langit po’y paabutin

taimtim naming dalangin.

Madaling magagawa mo

ang awa at tulong sa tao. Nuestra Senora…

Magkaisa nawang damdamin

Balian, Sulib at Pangil,

mag-ibigang mataimtim

tanang binyaga’y gayon din.

Ng magtagumpay sa mundo

ang aral ni Hesukristo. Nuestra Senora…

Pagmamahal at mga biyaya

sa kamay mo Ina nagmula,

magbatis nawang sagana

Birheng wagas magpala.

Kami’y ipamagitan mo

sa Panginoong Hesukristo. Nuestra Senora…

PAGHAHAIN:

Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA

PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 27: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

27

KATAPUSANG PANALANGIN:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

***

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 28: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

28

IKA-SIYAM NA ARAW (Disyembre 17)

HINILING NG BIRHEN MARIA, KUNIN NA SIYA NG KANYANG ANAK (PAGKAMATAY NG BIRHEN

MARIA)

MANALANGIN TAYO:

O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop…

PAPURI:

Ikaw at ikaw rin po karilag-rilag na Ina ng Pag-asa, ang saan mang dako, kalian mang sandal at

maging nasa anumang kalagayan sa buhay at pamumuhay ay ikaw po ang dinaraingan, sa iyo kami

lumalapit, nagmamakaawa; lalo na sa mga kagipitan namin ay walang iba kung di ikaw nga, na sa walang

maliw na pag-asa, ay, hiningi mo na kunin ka na ng Makapangyarihang Diyos, ng kagalang-galang mong

Anak upang mapanood mong lubos pananabik na walang kapantay at wagas na kaluwalhatian ng

Kanyang pagka-Diyos, na sapagkat hiling ng pinakagigiliw na Ina, ay kinuha ka, na anaki’y natutulog

lamang sa paningin ng mga Apostol na nangakapaligid sa kanya. At sa lihim talaga ng langit ay

pinakahuling nakipagtipon sa Herusalem ang isa sa labing-dalawa, si Santo Tomas. Ito’y niloob ng langit

upang may pagkaalaman na hindi lamang ang dalisay mong kaluluwa kung di ng mga Anghel. Sinunod ng

mahal na anak mong Diyos na totoo at tao namang totoo na kunin ka sapagkat Siya man ay nananabik na

ring makita ka at magantimpalaan sa mga pinuhunan mong pagod, puyat at luha na idinamay sa Kanya;

na ang pinakagantimpala sa iyo ay putungan ka ng korona at itanghal na Reyna ng buong sangkalangitan

at sangkatauhan, iluklok sa trono ng kaluwalhatian, purihin ng Santisima Trinidad, dakilain ng mga

Anghel at higit sa lahat ay ng giliw mong Anak sa pagkakatawang-tao, doon sa karurukan ng langit.

HIBIK:

Mahal na Ina namin, yamang nariyan ka na sa maluwalhating bayan, mula diyan ay maawa kang

tanggapin ang pagbibigay dangal namin sa iyo sa pamamagitan nitong pagsisiyam; lingunin mo po kami

at iluhog na tunghayan kami upang makalasap ng di-mapapantayang likas na kaaawaan; ng Diyos na lalo

sa lahat, ipatawad na ang aming mga kasalanan, alang-alang sa mga hirap na dinalita ninyong Mag-ina,

ituwid kami sa landas ng mga gawang kabanalan, maiwasan kami sa mga kamalian nuong mga

nanghahawak sa masamang kailangang mapaglabanan nawa ang kahinaan sa mga tukso; papagbaliking-

loob nawa ang mga kusang tumatalikod at nagtataksil sa maka-Diyos na pagpapala; tawagin ang

maraming inililigaw ng masamang mga taga-akay at may budhing tungo sa pagkapahamak; abutin nawa

ng liwanang ng katotohanan ng banal na Espiritu upang kaming lahat ay magkasama-sama na magpuri sa

walang kapantay na Hari at Banal na Sangkalangitan, magpasawalang hanggan.

PAGNINILAY:

Pagmuni-munihin mong mataman, o tao, na kung ang Santisima Trinidad, ang mga Anghel, mga

Serapines at Kerubines, at ang lahat ng kapangyarihan sa langit, sampu ng mapapalad na mga bana ay

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 29: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

29

pawang nagbigay puri sa Maharlikang Reyna, Birhen Maria; narito ang kailangan ng mga tao, mga bayan o

mga bansa ay lubhang napapanganib mapahamak sa makatarungang poot ng Diyos na Panginoon, dahil

sa mga mananalansang ay hindi nakatitiis na di dumalaw dito sa lupa, pakita at makiulayaw sa napipiling

dumog sa mga gawang kabanalan at walang malay sa kahalayan, upang magbigay ng babala at magpayo

naman ng ikaliligtas, kung susundin lamang ang mga banal na tagubilin at ipinapayo. Ay anong tigas ng

loob mo, o tao, lumalapit na sa iyo dahil sa walang hanggang pagkaawa ay ayaw mong paniwalaan. Ibig

mo bagang ikaw na kulang-palad dahil sa karumal-dumal mong kasalanan, ikaw na hamak na alabok ng

lupa… hindi baga nais mong laging malinis at tuyo ang damit mong isinusuot… hindi baga hangga’t

maaari ay nilalayuan mo ang marumi at hindi matiis ang masamang amoy, nakaririmarim?... ay bakit

hahangarin mo, na basa at nakukulapulan ng nakapandidiring kasalanan, ikaw na masangsang ang baho

sa kalupitan, sa pagkawalang kawang-gawa, mapanumbat at taksil, napakarungis sa pagwawalang-bahala

sa mga biyaya ng langit, ikaw na ang buong paniniwala ay siyang pinakamagaling, ngunit mayabang.

Magdili-dili ka nga, o tao, magbagong loob at magsisi. Halina at manumbalik, tularan ang Ina ng Diyos na

Mananakop na hindi sumuway sa anumang ipinagtalaga; noong pinaaalis sa sariling bayan, tumahak sa

mapanganib na disyerto, hindi natakot sa malulupit na mga berdugo na nagpaparusa sa kanyang

pinakamamahal at banal na Anak, sa lahat ng iyan ay malumanay at buong pagtitiis na sumunod ng may

buong pananalig sa awa at pagkalinga ng Diyos na Panginoon. Wala na ngang iba na marapat kung di ang

magsagawa ng mga pagpapasakit sa lahat ng kaparaanang naaayon sa banal na matuwid na niloob ng

Diyos upang magtamo ng ganap na gantimpala sa buhay na ito at doon sa kabilang buhay.

DALIT NA PAPURI SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O:

( Sagot )

Nuestra Senora De La O

Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,

Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sapagkat hirang kang Ina

ng Mananakop sa sala,

hindi matitiis Niya

na hindi pagbigyan ka.

Kami’y ipagmakaawa mo

sa Panginoong Hesukristo. Nuestra Senora…

Puyat, hirap, mga luha

dinamay mo sa dalita,

na tiniis niyang pawa

ng mga tao’y matimawa.

Kami po’y idalangin mo

sa Panginoong Hesukristo. Nuestra Senora…

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 30: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

30

Sa lubos mong karapatan

sa pagiging Inang tunay,

kami’y walang alinlangan

na ikaw po’y pakikinggan.

Kaya kami’y ipamagitan

ng sa Diyos kaawaan. Nuestra Senora…

PAGHAHAIN:

Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;

ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at

Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng

mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA

PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

KATAPUSANG PANALANGIN:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-

amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang

totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at

kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang

makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang

mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan

at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin

magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 31: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

31

AWIT SA NUESTRA SEÑORA DE LA O

I Oh! Devota naming De La O

Bulaklak ng langit dito.

CHORUS: Nuestra Senora De La O

Kami po’y kaawaan mo.

II Huwag naming malimutan

Kagalang-galang mong ngalan

Araw gabi ay tawagan

Hanggang kami ay nabubuhay

At kami mga lingkod mo

Sukuban ng iyong manto

Nuestra Senora…

III Nang huwag kumalat-kalat

Kaming iyong mga inanak

Bakuran ng iyong lingap

At palaguin ng gatas

Ang awa at paglingap mo

Kaming puwing sa mata mo

Nuestra Senora…

IV Ang mata mo Inang Birhen

Iyong ilingap sa amin

Nang di kami alipin

Nang demonyong taksil

At agawin ng kamay mo

At ng mahal na ngalan mo

Nuestra Senora…

V Ikaw ang binahagian

Sa D’yos ng kapangyarihan

Kami nama’y subugan

Hamog ng kapatawaran

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 32: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

32

Hirap man O saklolo

Magdadaan sa kamay mo

Nuestra Senora…

VI Sa D’yos iyong idaing

Na dito ay paalisin

Yaong masamang hangin

Kaming iyong kampo’y tinawain

Sa naggalang yaon dito

Na nakasasalot sa tao

Nuestra Senora…

VII Sa awang lubhang laganap

Sa aming mga ovejas

Sa presibo’y nasusulat

Milagro mong mapagmalas

Madaling araw ng Sabado

Naligo ang iyong rebulto

Nuestra Senora…

VIII Ng sa kurang matalastas

At ng sambayanang lahat

Ginawa ang misa agad

Sa iyong Birheng mapalad

Bata at matandang tao

Nagsipaligong totoo

Nuestra Senora…

IX Ng naisipan ng kura

Rebulto mo’y ma-encarna

Sa ilog ibinatad na

Umugong baha pagdaka

Ipinaahon kang totoo

Nuestra Senora…

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Page 33: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra · PDF filekasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan ... mapagkakalooban ang

33

X Sa awa mo Inang Birhen

De La Ong devota namin

Ang baha’y agad tumigil

Sakit ng baya’y gayon din

Maawain kang totoo

Sa tumatawag sa iyo.

Nuestra Senora…

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com