Pagsusuri sa Piling Akda

  • View
    3.264

  • Download
    28

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isang pagsusuri sa ilang piling mga katha

Text of Pagsusuri sa Piling Akda

Pormalistikong Pagsusuri sa Piling Tatlong Kuwento ni Liwayway A. Arceoni Bern Lesleigh Anne J. Ochavillo

I. IntroduksyonAng maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento,ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap. Napakaraming pagpapakahulugan ng maikling kwento mula sa ibat ibang manunulat. Ayon naman kay Reyes,ito ayisang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Habang mula naman kay Gonzales ang kanyang pagpapakahulugan ng maikling kwento ay maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.Tunay ngang ang maikling kwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.Ang sumusunod ay sangkap ng isang maikling kwento:1. Banghay tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.2. Tauhan tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:a. tuwirang pagpapahayag- kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhanb. madulang pagpapahayag- kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.3. Tagpuan tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upangmakatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.4.Paningin pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.Nakikilala rito ang mga sumusunod:a. paglikha ng nagsasalaysayb. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysayc. ang taong pinagsasalaysayan nito.d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysaye. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.Mga Uri ng Paningin:A. paningin sa unang panauhan ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitanng unang panauhang akoB. paningin sa pangatlong panauhan ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.C. tinakdaang obhetibong paningin ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kayay alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.D. obhetibong paningin o paninging palayon ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayongtagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya angginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirangmasasabi ang kanilang iniisip o nadarama.E. paninging panarili isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o stream of consciousness. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na ako.F. paninging laguman magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan.5.Paksang-diwa o tema tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentralna ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapatihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buongpangungusap.Halimbawa: ang pagsama ng isang tao-kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ngmapapait niyang karanasan sa buhay 6. Katimpian masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; digayang tahimik, pigil at di mailuhang pighati.7. Pahiwatig tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nitoy nagiging matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagut bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap ng maikling kwento.8. Simbolo ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng ibat ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.Halimbawa:Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.9. Suliranin mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.10. Tunggalian ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga panggyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.Mga uri ng Tunggalian:a. tao laban sa taob. tao laban sa sarilic. tao laban sa kalikasan11. Kasukdulan dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.12. Himig itoy tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.13. Salitaan ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.14. Kapananabikan nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.15. Kakalasan ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.16. Galaw tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.17. Wakas bagamat ang kwentoy maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

I. Paglalahad ng SuliraninSa pag-aaral na ito, kinilala ng mananaliksik ang mga sangkap ng isang maikling kwento at mula rito ay susuriin niya ang ilang piling kwentong isinulat ni Liwaway A. Arceo, upang matukoy ang maaring pagkakapareho o pagkakaiba ng mga ito base sa mga siniping pahayag at linya na mababasa sa mga kwento.II. KahalagahanAng pananaliksik ay isinagawa ngayong taong panuruan 2013-2014 sa Pampamahalaang Unibersidad ng Bukidnon, Malaybalay City Bukidnon. Ang pagaaral na isinagawa ng mananaliksik ay naglalayong makapagambag ng impormasyon tungkol sa mga sangkap ng isang maikling kwento na matatagpuan sa akdang pampanitikan na magbibigay gabay sa mga mambabasa.Maragdagan ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga nilalaman ng isang maikling kwento. Maipaabot sa kanila na mahalagang malaman at matukoy ang sangkap ng isang maikling kwento upang mas lalong maintindihan ang akdang binabasa. Ang papel na ito ay makatutulong nang malaki sa mga mambabasa upang maunawaan nilang mabuti at maintindihan ang kabuuan ng mga nasusulat na mga maikling kwento.Makapagbibigay ang pananaliksik na ito ng sapat na impormasyon upang lumawak ang kaalaman tungkol sa mga paksang tinalakay ng mataas na paaralan at kolehiyo at makatutulong sa kanilang isasagawang pananaliksik sa mga pormalistikong pananaw na napapaloob sa iba pang anyo ng akda.III. Saklaw ng pagsusuriAng pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa tatlong maikling kwentong isinulat ni Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa (1943), Ang Sukatan ng Ligaya at Banyaga at susuriin ito sa pamamagitan ng tatlong sangkap ng maikling kwento na napili ng mananaliksik: Tauhan, Himig at Galaw ng kwento. IV. Pagsusuri/AnalisisTauhanAng tauhan ay tumutukoy sa mga karakter na gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan. Sa pagsusuring ito, tinutukoy ang uri ng tauhan ayon sa katangian na mayroon ito. Mula sa deskripsyon ng kany