18
ARALIN 7 Pakikibaka ng Bayan

Pakikibaka Ng Bayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Hand out in SOSC101 - PHILIPPINE HISTORY & GOVERNMENT

Citation preview

Page 1: Pakikibaka Ng Bayan

ARALIN 7

Pakikibaka ng Bayan

Page 2: Pakikibaka Ng Bayan

Haylayts:

1. Ang mga unang pag-aalsa ay tahasang pagtutol sa Kristiyanismo at pagmamalabis ng dayuhan. May pagnanasang balikan ang kinagisnang kabihasnan.

2. Sa mga Sultanato, ang “Digmaang Moro” ay pagtatanggol sa nasa panganib na Estadong Muslim.

Page 3: Pakikibaka Ng Bayan

3. Noong gitna ng ika-18 dantaon, tinanggap na ang mga halagahing kolonyal. Kaya kahit sa pag-aalsa, sa pagitan ng 1745 (pag-aalsang agraryo) at 1841 (Hermano Pule), ang mga usapin ay hinubog ng mga kaisipang Espanyol tulad ng Estado, pagiging “Rey” at Kristiyano.

Page 4: Pakikibaka Ng Bayan

4. Ang pandaigdigang pangyayari ay ang paglipas ng merkantilismo bilang ekonomikong batayan ng kolonyalismo at ang paglitaw ng kaisipang “La Ilustracion” (Enlightenment).

5. Sa Pilipinas, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pueblo at bayang hacienda (sa Katagalugan) at sa pagitan ng katutubong kaisipan at ang halagahing nagdomina dahil sa kolonyal na mga institusyon (Ilocos, Bohol at Tayabas).

Page 5: Pakikibaka Ng Bayan

A. Kalinangan at Pag-aalsa

1. Unang Pag-aalsa - Dating paniniwala VS Bagong Paniniwala: Pagtutol sa Kristiyanismo

Babaylan - pinalitan ng mga prayle, siniraan, tinawag na mga “bruha”, “aswang”, “mangkukulam”, “demonya/yo”.

Anito - pinalitan ng imaheng Kristiyano

Page 6: Pakikibaka Ng Bayan

Mga nagsipag-alsang babaylan:1. 1599 – Silongan ng mga Moro2. 1599 – Dapungay (Cebu, Negros, Panay)3. 1607 – Caquenga (Cagayan)4. 1615 – Batabag, Bolo, Pilitan, and Abuatan (Cagayan)

– di-mapangalanang mga babaylan5. 1622 – Tamblot (Bohol)6. 1622 – Bankaw (Leyte)7. 1646 – Yga (Gapan, Nueva Ecija) – “Santa Maria”8. 1649 – Sumuroy (Samar)9. 1663 – Tapar (Oton, Iloilo) – “Santissima Trinidad”10. 1685 – Bolinao, Pangasinan (35 babaeng babaylan at

11 lalaking babaylan)

Page 7: Pakikibaka Ng Bayan

Pahiwatig: Natanggalan ng gawain at

kapangyarihan ang mga babaylan maliban sa panggagamot (herbolario). Tunghayan ang PPt ni Fe Mangahas hinggil sa iba pang gawain ng babaylan.

Hindi nabura sa isip ang dating paniniwala at napalitan nang buo ng bagong relihiyon.

Page 8: Pakikibaka Ng Bayan

2. Dating ugnayan ng mga bayan sa pulitika at kalakalan

Sanduguan– institusyon/ritwal na nabuo na sa loob ng bayan na nagpapadali ng pakikipag-ugnayan sa mga taga-labas.

- paraan ng pagtiyak ng kapayapaan sa pagitan ng mga bayan. Kapatid na ang turingan sa isa’t isa ng mga nagsasanduguan. (Humabon–Magellan (1521); Tupas, Kulambo at Sikatuna– Legazpi (1565); Soliman–Goiti (1571).

Page 9: Pakikibaka Ng Bayan

1587-1588 – Martin Panga at Agustin de Legaspi, kamag-anak at pamangkin ni Lakan Dula: nagbalak na mag-alsa ngunit di nagtagumpay.

Sa pang-aakit ng mga Kastila sa mga dating pinuno, wala nang pag-aalsang pulitikal na magaganap mula sa sentro na pinamumunuan ng mga dating pinuno.

Page 10: Pakikibaka Ng Bayan

Dahil sa nasupil ang dating mga pinuno sa Maynila, ang mananatiling malakas na sentrong pulitikal ng dating kaayusan ay ang mga sultanato.

1602, 1603 - Raja Buisan ng Maguindanao, namumuno ng mga pangangayaw sa Kabisayaan at Luzon ay hinikayat ang mga datu ng Leyte na magsandugo sila upang labanan ang mga Kastila. Di naisakatuparan ang balak- natunugan.

Page 11: Pakikibaka Ng Bayan

B. Pakikibaka ng Sultanato: Nagbago ang ugnayan ng mga bayan at

sultanato pagdating ng dantaon 17 dahil sa pagpasok ng kolonisasyon. Ang unang hakbang ng pagbabago sa ugnayang ito ay isinagawa ni Datu Buisan.

Maguindanao noong dantaon 17 ay binubuo ng Cotabato na malapit sa dagat (sa-ilud) at ng Buayan na nasa bulubunduking lugar (sa-raya).

Page 12: Pakikibaka Ng Bayan

Cotabato- pinamumunuan ni Datu Buisan Buayan- pinamumunuan ni Raja Sirongan.

Ito ang sentro ng kapangyarihan sa Maguindanao sa huling bahagi ng dantaon 16 at maagang dantaon 17 dahil sa magandang lokasyon nito na nagbunga ng masaganang kabuhayan.

- kaalyado ng bayan (lungsod) na ito ang Sulu, Borneo at Ternate sa Moluccas.

- nakikipagkalakal din ito sa mga lumad (katutubong grupo na hindi nag-Muslim tulad ng mga Tiruray at Tagoloan).

Page 13: Pakikibaka Ng Bayan

Ngunit noong napangasawa ni Datu Buisan ang anak ni Datu Dalamba ng Silangan, lumawak ang kanyang kapangyarihan. Humina ang kapangyarihan ni Raja Sirongan ng Buayan at masasakop ito sa sultanato ng Cotabato sa pag-angat ng kapangyarihan ni Kechil Dapitwan Kudarat, anak ni Buisan.

Page 14: Pakikibaka Ng Bayan

1616- nagsimulang umangat si Kechil Kudarat nang lumaban siya sa Buayan.

1630- siya na ang kinikilalang pangunahing pinuno sa buong Maguindanao. Sa panahon ni Kudarat, naging isang malayang sentro ng kalakalan ang Maguindanao. (Intsik, Arabo, Malay, at Olandes dumadaong sa Maguindanao.) Nasakop din niya ang Sarangani hanggang sa lugar ng Davao, ang Misamis at Bukidnon ay kumilala rin sa kanyang kapangyarihan.

Page 15: Pakikibaka Ng Bayan

Mahusay sa pamamalakad si Sultan Kudarat. Bumuo siya ng isang kumpederasyon ng mga datu na napag-isa niya laban sa pananalakay ng mga Kastila. Mayroon siyang isang ruma bicara, grupo ng mga tagapayo at ang kanilang pagpupulong ay bukas sa lahat ng tao, ngunit ang mga tagapayo lamang ang may pahintulot magsalita.

1671- namatay si Sultan Kudarat na hindi napasuko ng mga Espanyol.

Page 16: Pakikibaka Ng Bayan

C. Pag-aalsa sa Loob ng Estadong Kolonyal: Ang panahon bago 1745 ay kinakitaan ng

pag-aalsa ng mga babaylan at datu, gayundin ng pakikibaka ng sultanato sa Mindanao. Pagdating ng ika-18 dantaon, nasanay na ang mga katutubo sa pamamaraan ng pulitikang Europeo.

Kaya sa halip na pagbalik na lamang sa pagiging babaylan, marami na ang nais maging paring Kristiyano o maging maharlika na ang katawagan ay “El Rey”, “Marquiz” o “El Conde”.

Page 17: Pakikibaka Ng Bayan

Pag-aalsa dahil sa pagtangkilik na ng Kastilang kultura, ngunit di ipinagkaloob ng mga Kastila:

1. Dagohoy – 1744 (Bohol)2. Diego at Gabriela Silang – 1762-1763

(Ilocos) 3. Apolinario de la Cruz (Hermano Pule)

at ang Cofradia de San Jose – 1841 (Tayabas, Quezon)

Page 18: Pakikibaka Ng Bayan

D. Kilusang Agraryo ng 1745 Mga bayang nag-alsa:1. Cavite2. Laguna3. Batangas4. Bulacan5. Morong (Rizal) Pangunahing dahilan ng pag-aalsa:1. Pangangamkam ng lupa ng mga prayle na may-ari ng malalawak

na hacienda2. Pagsasara ng lupain sa mga nakagisnang karapatan ng mga

Pilipino (pagpapastol, pagkuha ng mga produkto sa gubat, paggamit ng katubigan).

Itinuring ng mga Kastila na isa sa pinakamapanganib na pag-aalsa dahil sa lapit ng rebelyon sa pusod ng kolonya. Sa mga lugar na ito matatagpuan ang malalawak na hacienda na pagmamay-ari ng mga prayle at nagsilbing ugat sa mga kaguluhan noong ika-18 dantaon