24
 Judges 1 Rebecca T. Añonuevo  TAGAPANGULO 2 Lolita Abueg- kagawad 3 Luna Sicat-Cleto  kagawad  Winning Entries  1st Prize  Title: Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako  Author: REUEL MOLINA AGUILA 2nd Prize  Title: Kumander  Author: JING PANGANIBAN-MENDOZA  Pen Name: Divine Mercy  3rd Prize  Title: Kamay  Author:

Palanca Awards

Embed Size (px)

DESCRIPTION

rere

Citation preview

Judges 1 Rebecca T. Aonuevo 2 Lolita Abueg- kagawad 3 Luna Sicat-Cleto Winning Entries 1st Prize Title: Nguni t Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako Author: REUEL MOLINA AGUILA kagawad TAGAPANGULO

2nd Prize Title: Kumander Author: JING PANGANIBAN-MENDOZA Pen Name: Divine Mercy

3rd Prize Title: Kamay Author:

DOMINGO G. LANDICHO, Ph. D. http://www.palancaawards.com.ph/2009kumander-2nd%20prize-sanaysay.php KUMANDER by: JING PANGANIBAN-MENDOZA, Divine Mercy Pinakamatingkad na alaala ko ng aking lola ang hapong sumusugod siya d ala ang mahabang kutsilyong ginagamit niya pagkakatay ng manok at pagtitilad ng karne ng baboy at baka. Kumikibot ang paligid ng kanyang mga mata at kumikinig s a galit ang mga brasong laylay ang laman. Lakad-takbo ang kanyang mga hakbang. N apalis ang mga tao sa kanyang daan; natantiya marahil ng mga ito sa higpit ng pa gkakahawak ng kamay sa patalim na handa itong manigpas ng ulo o manggilit ng lee g. Nang matanaw niya ang pakay, waring tigre siyang dumaluhong para masakmal ang target. Pero maliksi rin ang target. Nakapasok ito sa kotseng pula ng lolo ko bago pa ito abutin ng kutsilyo. "Lumabas ka riyan, malandi!" sigaw ng lola ko sabay kalampag sa bintan a. Sa puntong ito, nakahabol na ang lolo ko at naagaw ang patalim mula sa nagwaw ala niyang asawa. Sa pag-aakalang ligtas na siya, binuksan ng babae ang bintana ng kotse. Iyon ang kanyang malaking pagkakamali. Nahablot ng tigre ang kanyang buhok at nahila ang kanyang ulo. Apat na taon pa lang ako noon at natatakot akon g baka tumimbuwang ang lola ko tangay ang nakalas na ulo. Nang umawat ang lolo k o, nilubayan ng lola ko ang ginagawa at saka hinarap ang asawa. Hanggang baba lang ng lolo ko ang aking lola, pero pagkatapos bigwasa n ng huli ang una, hindi pa abot sa tuhod ni Andang Dela ang ulo ng namimilipit na Andang Simon ko. Apat na taong gulang pa lang ako nang una kong marinig ang salitang kab it. Nang huminahon na ang aking lola, ipinaliwanag niya sa pagitan ng paghitit ng sigarilyong La Campana na kabit ng lolo ko ang babaeng sinugod niya. Matagal na raw niyang napatunayang may kinakasama ang asawa niya sa kabilang bayan pero hi ndi niya ginulo minsan man ang mga ito. Umakyat raw ang dugo sa kanyang ulo dahi l walang kahihiyan ang babae at nagpakita pa sa teritoryo niya. Ano po ba ang kabi t? tanong ko sa kanya. Walang kagatul-gatol ang sagot ng Anda sa akin: Puta. Mangaagaw ng asawa. Pakangkang sa may pera. Mangwawasak ng pamilya. Nang tanungin ko ang aking ina kinagabihan kung ano ang ibig sabihin ng pakangkang, tinampal niya a ng bibig ko at galit na nagbantang huwag ko nang bibigkasin ang salitang iyon ku ng ayaw kong labasan ng kumukulong langis at asupre ng impiyerno ang bibig ko. N oong araw na iyon, nadagdag sa aking bokabularyo ang mga salitang kabit, puta at paka ngkang, mga singkahulugan ng masama, at lahat ng ito ay patungkol sa babaeng akala ko y mapupugot ang ulo sa sabunot. Sa baryo ng Balayong, hindi si Gabriela Silang ang imahen ng babaeng m atapang at palaban sa kamalayan ng mga tao kundi ang aking Andang Dela. Kumander a ng bansag sa kanya sa nayon dahil kilala siyang giyerera. Hindi siya basagulera o takaw-away, pero huwag na huwag masasaling ang kanyang mga anak o apo kung aya w maghalo ang balat sa tinalupan. Nang malaman niyang balak ipaampon ng kabalae niya ang mga apo ng kanyang nasirang anak dahil nanghihinayang sa ipinapakaing b inusang mais at kamote, sinugod niya ito sa bahay at pinagbabato ang bubong nang ayaw siyang harapin para ilabas ang mga bata. Nang nakatuwaang sampalin ng lasi ng na matandang magsusuka ang kanyang apo, bumaha ng maasim na likido nang pinag babasag niya ang isang dosenang tapayang pinagpapahinugan ng katas ng sasa. Dating Maria Clara raw ang Andang Dela. Sa isla ng Babatnin, larawan s

iya ng karaniwang babaeng taga-pulo: mabini kung kumilos at malumanay kung magsa lita subalit batak ang katawan sa pagtatrabaho. Maalalay na maybahay siya sa isa ng mamamaklad at mapagkalingang ina sa kanyang mga supling. Para punuan ang kini kita ng kabiyak sa pangingisda sa baklad, nagbenta siya ng salambaw, isang pamal akaya na ginagamit sa panghuhuli ng isda, hipon, alimasag at iba pang lamang dag at. Nang mamatay ang kabiyak niya dahil sa sakit sa baga, itinaguyod niyang magisa ang limang anak na babae sa pamamagitan ng pamamakyaw at pagtitinda ng isda. Mula Babatnin, sumasakay siya ng bangka para makarating sa Atlag na siyang unan g destinasyon sa kanyang palakad na paglalako ng mga lamang dagat na pinakyaw ni ya mula sa mga mangingisda. Sa paglalako niya nakilala ang magiging ikalawa at h uling asawa, isang matikas na ahente ng mga tiklis at bayong na balo ring tulad niya. Naghunos ang Maria Clara at naging makamandag na kumander nang iuwi si ya ng asawang kauli sa bahay nito sa isang sulok ng Balayong na teritoryo ng mag kakapatid na Castro. Kung nakasusugat ang matatalim na tingin, puwede nang pangembutido ang laman ng bagong kasal na may karay-karay na limang anak sa una. Sa simula t simula pa lang, ipinaalam na ng mga kapatid ng Andang Simon ang mariin ni lang pagtutol sa Andang Dela, at araw-araw nila itong ipinaaalala. Nag-iisang ba hay na pawid sa pulutong ng mga konkreto ang bahay ng bunsong kapatid na napag-i wanan sa kabuhayan. Madali para sa kanila ang tuyain ang babaeng kay lakas ng lo ob na mag-asawa pang muli gayong hindi na bata at kay rami pang anak. Hindi makat iis ng walang lalaki, patutsada ng matandang dalagang kapatid ng lolo ko. Noong una, pasok sa isang tainga, labas sa kabila ang ginagawa ng akin g lola palibhasa y nakikisama pa. Hindi naman siya umaasa ng mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanyang mga anak sa una. Bukod tanging siya lang ang hindi iniimb itahan sa mga handaan kahit pa ilang dipa lang ang pagitan ng mga bahay nila. Hi ndi pinagmamano sa kanya ang mga pamangkin ng kanyang asawa. Nang manganak na si ya ng tatlong Castro at patuloy pa rin sa pagpaparunggit ang kamag-anakan ng aki ng lolo, nagulat na lang sila isang araw na sumasagot na ang kanilang pinasasari ngan. Isang araw na umuwing umiiyak at namumula ang braso mula sa palo ng kanyan g tiyahin ang anak na bunso, umusok ang tainga ng Andang Dela at sumugod sa atre bidang nanakit ng anak niya. Bitbit ang itak na panagpas ng panggatong, hinamon niyang lumabas ang hipag at harapin siya. Nang makita niyang nagsilabasan ang an gkan ng kanyang asawa mula sa kani-kanilang bahay, iwinasiwas niya ang kanyang i tak at nagbantang tapos na ang pananahimik niya. Hindi ko kayo uurungan kahit mag suson-suson pa kayo. Huwag kayong magkakamaling saktan pa ulit ang mga anak ko! W alang pumalag o kumibo. Wala na ring nagtangkang magbuhat ng kamay sa aking ina at sa kanyang dalawang kapatid. Naging ibayo ang sigasig ng aking lola sa paghahanap-buhay sa ikalawa niyang pag-aasawa. Hindi niya iniasa sa kanyang kabiyak ang pagbuhay sa limang anak niya sa una. Kumuha siya ng puwesto sa Pamilihan ng Pritil sa Tondo at doon nagtinda ng kanyang mga kalakal na sariwang isda tulad ng bangus, talakitok, ay ungin, kanduli, biya at iba pa, pati ng mga alimango, alimasag, talangka at alam ang. Walang permanenteng trabaho ang lolo ko. Palibhasa y bunso, matikas at magand ang lalaki, prente na ito sa paahe-ahente lalo t mahusay namang kumita ang kanyang esposa. Bilang isang ina, tinitiyak ng aking lola na hindi aabutin ng gutom an g kanyang mga anak. Sa dami ng mga ito, natuto siyang maging malikhain sa pagkak asya ng pagkain. Sampung kanang kamay ang kukurot sa isang bangus. Bago pa naisi pan ng Maggi at Knorr ang toyomansi, ginagawa na itong pambahog sa kanin kalahok ng mantika. Minsan, ulam na ang kariba, ang bao ng asukal na nagsasa-gintong pa wis sa init ng kanin. Hanggang abot ng kanyang kita, pinipilit niyang huwag magm ukhang tanga ang kanyang mga anak. Pinatitikim niya ito ng masasarap na pagkain bagamat kapi-kapiraso lamang. Minsan isang linggo, tinitiyak niyang mamamantikaa n ang labi ng kanyang pamilya sa nilagang baka o pata ng baboy na naglalawa sa s abaw. Noong mahirap pa ang pag-angkat ng mansanas mula Amerika, bumibili siya ng

isa o dalawang piraso at pinaglilima ang isang prutas para kumasya sa kanilang lahat. Para matikman ng mga anak niya ang peras na naririnig lang nila sa mga ku wento at sa radyo, bumili siya ng ilang pirasong lamog na ang kalahati pero buo pa ang kabila at ipinakain sa mga anak ang malutong pang kabiyak. Sa ganoong par aan, hindi mangangarap ang kanyang mga anak kung ano ang lasa ng masasarap na pa gkain. Pinatitikim niya sa kanila ang mga ito, bagamat tikim na tikim nga lamang . Magaan ang kamay ng Andang Dela sa pamamalo sa bawat pagkakamali ng ka nyang mga anak. Marumi ang pagkakalampaso ng sahig? Pak. Nananahilan kapag pinap agalitan? Pak. Nagsayang at walang natirang panghugas ng pinggan sa sabong panla ba? Pak. Naglakwatsa, ginabi ng uwi o hindi sumunod sa utos niya? Pak pak pak. G iyera kapag sinaling ng ibang tao ang kanyang mga anak pero may karapatan siyang latayan ang mga ito sa pamamagitan ng tsinelas, sinturon o anumang pamalong mah awakan. Katuwiran niya, siya ang nagpapakain sa mga ito, at pinapalo niya ang mg a bata para hutukin ang mga ito sa tama habang malalambot pa ang buto. Nang mala man niyang marijuana pala ang tanim ng anak na nagsinungaling na African Rose ra w ang halaman, hinambalos niya ito kahit pa binata na. Nang magdalaga ang aking ina at nagtangkang magpaliwanag minsang pinagagalitan niya, hindi niya tinigilan ang pagpalatak ng de goma hanggang hindi pumuputok at namamaga ang labi nito. N ang ako na ang inaalagaan niya, may nakalaang kininis na kawayan para sa mga san dali ng paglulurit at pagkabatil. Nakasabit ang pamalong iyon sa tabi ng altar n g Sto. Nino bilang paalala na nagkasala ako hindi lang sa kanya kundi sa Diyos k aya kailangan kong tanggapin nang maluwag sa aking dibdib ang bawat hagkis ng ka wayan. Nalililiman ng mga puno ng bayabas, guyabano, saging, langka, atis at tsiko ang bakuran ng Andang Dela. Malamig ang kamay niya. Sa gilid, may tanim si yang bataw, patola at upo na ipinamimigay niya sa mga kapitbahay na kailangan ng panggulay o pang-ulam. Tatlong klase ang kanyang tanim na saging: may tundan na panghimagas at sabang panahog sa nilaga, at ang paborito kong matang baka na ma lalaki ang pulang bunga at malinamnam ang lasa. Sa buong Balayong, siya lang ang nakapagpatubo ng ubas at sitrus bagamat marami ang nagtangka. Maliban sa ilang puno ng San Francisco at santan, hindi siya mahilig sa mga halamang ornamental. Kailangang may pakinabang ang lahat: nakakain ang bunga ng mga punongkahoy, naka gagamot ang dahon ng kataka-taka at lagundi, at nakapagpapabango ng paligid at n aiaalay sa poon ang ilang-ilang. Minsang dapuan ako ng tagulabay at namantal ang buo kong katawan, pumitas siya ng sambong na kinulumpon niya para maging pamali s, at saka maingat na inihampas mula ulo hanggang paa ko ang mga dahon para luma bas raw ang lamig. Kinabukasan, nawala ang mga pantal na para bang panaginip lan g ang mga pulu-pulutong na pulang umbok sa aking balat. Nang magawi sa bahay niy a sa pangangandidato ang kongresman na pamangkin niya sa isang malayong pinsan, guyabano ang inilambing nito dahil ibinibida raw ng kanyang ama ang tamis ng bun ga ng puno ng Anda. Nang makikain sa bahay niya isang gabi ang mga mamang may da lang baril, nanguha siya ng maraming manibalang na bayabas para ipabaon sa kanya ng pamangking si Kumander M., isang opisyal ng New People s Army. Dinig na dinig k o nang ipakilala siya ng huli sa mga kasamahan: Ito ang Nana Dela ko, ang Kumande r ng Balayong! Kay Andang Dela ko nakuha ang ugali ng pagsasabon nang dalawang beses sa paliligo at pagpapalit ng tuwalya araw-araw. Salaula sa kanya ang minsanang p agsasabon ng katawan. Ang unang pagsasabon daw ay para tunawin ang dumi at mikro byong kumapit sa katawan, at ang ikalawang sabon ay para naman sa pangkalahatang paglilinis. Partikular siya sa puti ng laba at sinsin ng pagkakaplantsa ng mga damit. Katuwiran niya, maaaring maging mahirap ang tao pero kagalang-galang ting nan kung malinis ito sa katawan at pananamit. Istrikta siyang walang makitang al ikabok o bahid ng dumi sa kanyang bahay kaya bibihira ang nagtatagal sa kanyang katulong nang tumanda na siya at inuupa na ng mga anak ng tagapaglinis. Dala niya ang kalinisang ito maging sa pag-aalaga niya ng hayop sa kan

yang bakuran. Dalawang beses isang araw niya walisan at buhusan ng tubig na may sabon ang mga ipot ng manok at tae ng baboy sa kulungan ng mga ito. Siya lang an g may alagang baboy na hindi naireklamo ng kanyang mga kapitbahay dahil wala sil ang naaamoy na baho mula sa kural. Paano, dalawang beses isang araw rin niyang p inapaliguan ang kanyang mga alagang baboy na sinasabon pa niya ang katawan at pi natutuyo gamit ang tuwalyang nakatoka sa mga alaga. Naging biruan tuloy na ang a laga lang ng Anda ang baboy na hindi baboy, at mas malinis pa ang mga ito sa ila ng naturingang tao. Pagkapananghalian, pinaaakyat ako ng aking lola sa kanyang kuwarto par a mag-siyesta. Pinaaantok niya ako sa mga kuwento ng giyera noong panahon ng Hap on, ng aswang na nag-aanyong malaking asong may nagbabagang pulang mata, ng sasa ndangkal na matandang may mahabang buhok na nakita nila ng aking ina sa ibabaw n g tumpok ng tae ng kalabaw minsang nangangalap sila ng panggatong, ng diwata ng ilang-ilang na nagsasabog ng halimuyak pagsapit ng gabi. Inaawit niya sa akin an g Silayan, isang kantang natutunan niya sa kursilyo: Silayan at bigyan ng pag-asa/P agmamahal, pusong nagdurusa./Iwasan ang pag-aalinlangan/Lahat ng araw, kita y mama halin. Pagsapit ng alas tres, babangon kami at gagayak para sa ritwal naming panghapon. Paiinumin niya ako ng isang basong gatas o kaya y kape katulad ng sa ka nya. Maglalakad kami sa maalikabok na daan para dumayo sa ibayo kung saan manana ya kami sa sari-saring sugal: krosing, buletse, bingo, lucky 7, lucky color, col or wheel, beto-beto at iba pang larong perya. Istasyon ng Anda ang krosing, sama ntalang nakikigulo lang ako sa lucky 7 o beto-beto dahil dadalawang piso lang an g panaya ko. Bago magtakipsilim, maglalakad kaming mag-lola pabalik sa bahay par a hintayin ang pagsundo sa akin ng aking mga magulang. Kinabukasan ng madaling a raw, ilalagak akong muli ng aking ama t ina sa kanyang pangangalaga. Sa sala, may isang lumang larawan kung saan nakaakbay si Andang Simon kay Andang Dela. Tanging sa kuhang iyon ako nakabanaag ng lambing sa pagitan nil ang dalawa. Ni minsan, hindi ko nakitang niyakap ng Andang Dela ang Andang Simon , o bise bersa. Hindi ko minsan man nakita ang isa sa kanila na humalik sa pisng i o labi ng asawa. Iilan ang alaala ko ng aking Andang Simon sa Balayong, at mal iban sa eksena ng panunugod sa kabit niya, larawan na ng maysakit na nakaratay a ng natatandaan ko sa kanya. Pitong taon lang ako nang pumanaw ang Andang Simon; sampung taon naman ang pinagsamahan namin ng Andang Dela. Luminaw na lang sa akin ang mga pangyayari nang malaki na ako at husto na sa pang-unawa. Noong dalaga na ang aking ina, sinuwerte raw ang Andang Simon at nakatagpo ng ginto sa taeng manok. Pumatok ang pag-aahente niya ng ipot sa m ga namamalaisdaan na ginagamit ang dumi ng hayop na pampalablab. Nang malaunan, nakabili na siya ng sariling mga trak na panghakot, bodegang naging garahe ng mg a sasakyan, lupang pinagbababaan ng isinasakong taeng manok at pati na tabako, a t maging ng sariling mga palaisdaan. Doon siya naglagi sa opisina niya sa Paombo ng para tutukan ang kanyang bagong kabuhayan. Pinagawa niyang bato ang bahay sa Balayong at pinaganda ito para maging pinakamagara sa lahat ng tirahan sa pulo n g mga Castro. Dumalang ang pag-uwi niya sa Balayong gayong magkanugnog na bayan naman ang Malolos at Paombong. Iyon pala, may kinakasama na siyang babae sa kany ang pahingahan sa kanyang opisina, isang babaeng balo at may dalawang anak. Nagk aanak ng dalawa ang Andang Simon sa kanyang kabit, at ang mga ito at ang nakinab ang ng husto sa bagong tagpong kapalaran ng aking lolo. Nang dapuan ng kanser sa bituka ang Andang Simon, umuwi siya sa Balayo ng at tinanggap na muli ng kanyang asawa nang walang mahabang usapan. Inihanda n g Andang Dela ang kuwarto sa baba para doon patuluyin ang kanyang asawa. Noong h indi pa gaanong malubha ang lagay ng lolo, may mga linggong inililipat siya sa P aombong para makapiling niya ang kanyang babae at anak roon. Walang narinig ni k atiting na angil mula sa Andang Dela. Pagbalik ng kanyang asawa, ipinaglalaga pa rin niya ito ng piling itlog ng kanyang alagang manok at pinagkakatas ng sitrus

na tanim niya. Hinuhunta pa rin niya ito kapag hapon kapag dinadalhan niya ng l ugaw o tinapay na panlaman sa tiyan bago uminom ng gamot. Paulit-ulit kong pinal alabas sa sinehan ng isip ko ang panahong iyon para alalahanin kung may kahit is ang pagkakataon bang nakita ko man lang na nagdaop ang kanilang palad bilang pis ikal na manipestasyon ng pagmamahal. Tanging alaala ng paghahawak-kamay kapag ki nakanta ang Ama Namin sa mga misa sa kuwarto noong nakaratay na at malapit nang ma matay ang aking lolo ang nahalungkat ko. Nang bawian ng hininga ang Andang Simon , napabulalas ng Asawa ko! ang Andang Dela at saka humagulgol. Iyon ang una at hul ing pagkakataong nakita kong umiiyak ang aking lola. Sa burol ng Andang Simon sa bahay sa Balayong, nanginginig ang babaeng nakapagyaman sa musmos kong bokabularyo sa pagdaragdag ng mga salitang kabit, puta at pakangkang nang lumapit sa ataul. Takot marahil siyang sa pagkakataong iyon, tu luyan nang humiwalay sa leeg ang kanyang ulo kapag sinabunutan siya ng asawa ng kinakasama niya. Nasa harap ng ataul ang Andang Dela at nagtatanggal ng mga natu yo at nalagas na talulot ng mga bulaklak. Nang makita niya ang babae, iniabot ni ya ang kanyang kamay at mariing nagdaop ang kanilang mga palad. Iniutos niyang i dagdag ang pangalan ng babae at mga anak nito sa mga lilang lasong naka-aspile s a puting dingding ng kabaong. Hindi ko alam kung anong tibay ng loob mayroon ang Andang Dela para ka yaning makipagkaibigan sa babae ng kanyang asawa. Nang ayaw kong magmano sa baba e ng aking lolo, pinagalitan niya ako at inambahan ng palo. Ipinaliwanag niya sa aking para saan pa ang galit gayong wala na naman ang aking lolo? Kaninong pagm amahal, panahon at katawan pa nga naman ang pag-aagawan nila. Nang hapong nanikip ang dibdib ng Andang Dela, nagawa pa nitong maglak ad ng isang baranggay papunta sa bahay namin para magdala ng itlog ng kanyang ma nok na Tagalog at pahinuging guyabano. Nang idaing niya ang nararamdaman, nag-al ok si Nanay na dalhin siya sa doktor para magpatingin. Tumanggi siya; kaya raw n iya ang kanyang sarili. Inisip ni Nanay na dahilan lang siguro ng kanyang ina an g sakit para dagdagan niya ang sustentong pera na ipinamumudmod naman ng Anda sa ibang anak at apo niya. Hinagkan niya ako sa pisngi bago siya sumakay ng traysi kel. Umuwi siyang lulan ng cadillac ng punerarya. Sumuko na ang kumander. Sa libing ng Andang Dela, kasama naming naghatid sa kanyang huling han tungan ang daan-daang taong karamihan ay noon ko lang nakita. Napuno ang punduha n ng Atlag ng mga bangka mula sa Babatnin dahil sa mga kamag-anak at kaibigan ni ya mula isla na nagsiahon para magbigay-galang sa kanya sa huling pagkakataon. N akipaglibing ang mayor, kongresman at ilang opisyal ng bayan. Sa harap ng prusis yon, may mga pulis na nagpapatrol. Sa dulo, naroon si Kumander M. at ang kanyang mga kasama. Sa pagitan ng dalawa ang napakaraming tao, kabilang ang babae ng ak ing lolo at ang mga anak nito. Nanangis sa likod ko ang mga kapatid at pamangkin ng Andang Simon. Sa musuleong pinaglibingan kay Andang Simon inilagak ang labi ng Andang Dela. Gumawa ng nitso sa ibabaw ng sa asawa niya at doon ipinasok ang kanyang ataul. Hanggang sa kamatayan, nasa ibabaw pa rin si Kumander, ayaw magpai lalim biro ng isang taga-Balayong nang nag-uwian na ang mga tao. Hindi kasamang namatay ng Andang Dela ang bansag niya. Dalawampung tao n mula sa pagyao ng aking lola, ginagawa pa ring biro kapag ipinakikilala ako sa Balayong na huwag akong kakantiin dahil apo ako ni Kumander Dela at baka tumimp iyad ang loloko-loko sa aking daan. Susunod ang paglalahad ng mga kuwento ng pag wawasiwas ng patalim ng aking lola. Nangingiti ako sa imahen ng aking lola bilan g giyerera, dahil sa isip ko, ang nagugunita ko ay ang mga hapong pinaghehele ak o ng boses na pinaos ng daang kaha ng La Campana, humihimig ng Silayan, at bigyan ng pag-asa...lahat ng araw, kita y mamahalin. Judges 1

Dr. Lilia F. Antonio, Tagapangulo 2 Roberto T. Aonuevo 3 Dr. Imelda Pineda-De Castro Winning Entries 1st Prize Title: Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng Banyera Author: Jing Panganiban-Mendoza

[email protected] (044) 790-6582 / 0917-8064771

2nd Prize Title: Ang Mabuhay Singers at Ako sa Pag-awit at Pag-ibig Author: Michael M. Coroza

[email protected] 401-4778 / 0919-2405215

3rd Prize Title: Agaw-Buhay Author:

Eugene Y. Evasco

Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng Banyera BAGO PA MAN nahumaling ang sambayanang Pilipino sa panghapong telenobela ni Kris tine Hermosa, matagal nang akin ang titulo niya. Mula pagkabata, isa na akong pr insesa ng banyera.

Kung ipinapangalan ng mayayaman sa kanilang heredero ang kanilang hasyenda, yate , gusali at kumpanya, sa banyera ipinatatak ang pangalan ko. Nang ipinanganak ak o, buong pagmamalaking ipinapintura ng aking ina ang pangalan ng kanyang unica h ija sa lahat ng pinag-iiladuhan ng isdang hinahango at itinitinda niya. Maingat na nakatitik nang pula ang pangalan ko sa palibot ng katawang lata na kapag nasi ra ay ginagawa namang basurahan o kaya y sigaan ng mga layak sa kalsada. Ang mga banyerang ito ang binalikan ko nang magpasya akong lisanin ang siyudad at manaha n sa probinsya.

Pagkatapos ng walong taong pag-aaral at pagtatrabaho sa Ateneo, kung saan inakal a kong makakukuha ako ng coo accent mula sa aking mga mestisong kaeskuwela subali t puntong Bisaya at Bikol ang aking napala, nagpasya akong magbitiw mula sa pagt uturo para bigyang daan ang isang bagong kabanata ng aking buhay: ang pagpapamil ya. Hindi akma ang siyudad para sa katulad namin, sabi ng kabiyak kong manunulat . Lumulobo na noon ang ulo niya sa sikip ng trapik at usok ng tambutso papasok s a kanyang opisina sa Ortigas, at kating-kati na siyang tirisin ang mga batang ka y lulutong magtungayaw sa kapit-kuwarto ng kanyang inuupahan. Kahit na masaya ak o sa pagtuturo sa magaganda t mababangong kolehiyala, inempake ko ang aking mga ak lat, CD, damit, sapatos at lahat ng laman ng aking kondominyum para umuwi ng Bul akan. Hinakot ng isang trak ang kahun-kahong kagamitan at alaala ng halos isang dekadang pamumuhay sa Maynila.

Ang mga magulang ko ang pinakamasaya sa desisyon naming mag-asawa. Matagal na ni la akong hinihimok na umuwi para tumulong sa aming kabuhayan kaysa mangamuhan sa ibang tao, isang bagay na makailang ulit kong tinanggihan. Maraming palaisdaang pinatatakbo si Tatay habang itinataguyod naman ni Nanay ang konsignasyon at yel uhan. Kahit alam kong mas maganda ang kita sa aming negosyo, iniwasan kong paran g salot ang posibilidad na ako ang uupo sa mesa ng konsignasyon mula hatinggabi hanggang umaga. Marangal na hanapbuhay iyon pero hindi ko pinangarap mamunduhan. Hindi ako nag-Ateneo para lang magtrabaho sa talipapa.

Pero nasunod ang batas ni Murphy. Naganap kung ano ang pinakaiiwasan kong mangya ri.

Kinain ko ang aking salita. Panahon na para suklian ko ang lahat ng ibinigay sa akin ng mga magulang ko sa paraang ikalulugod nila. Masukal man sa loob, pinili kong maging praktikal sa unang pagkakataon. Pagkatapos ng ilang linggong pamamah inga, nagsimula akong mag-opisina sa aming konsignasyon sa punduhan ng Panasahan .

Sa aking bagong trabaho, COO ako sa Central Business District. Iyon nga lamang, ang COO ay nangangahulugang child of owner at ang CBD ay sa nibel ng baranggay. An g Panasahan Fish Port ang sentro ng kalakalang pandagat sa Lungsod ng Malolos. I to ang dahilan kung bakit isa ang Panasahan sa pinakamaunlad na baranggay sa usa pin ng kita at kabuhayan. Araw-araw, dinadaungan ito ng hindi bababa sa limampun g bangkang pangisda ng mga manunudsod (iyong nangingisda sa ilog at lati), mamba baklad, Norway (malalaking bangkang nangingisda sa Manila Bay mula Bataan hangga ng Bulakan) at mga propitaryong may hawak sa ekta-ektaryang bangusan, tilapyaan at sugpuan. Ipinupundo sa sampung konsignasyong nakabahay rito ang mga lamang da gat, na ipapahango naman sa mga tindera na nagbibiyahe ng kalakal sa mga palengk e mula sa maliliit na tianggehan hanggang sa malalaking pamilihan tulad ng Farme r s sa Cubao at Nepo Q-Mart sa Lungsod ng Quezon. Nakararating ang isda mula Aparr i hanggang Aurora dahil sa mga biyaherang nagbabagsak sa mga palengke sa probins ya. Dito rin nagmumula ang lamang dagat na ibinebenta sa malalaking establisyame nto tulad ng Makro pati ang inihahain sa ilang magagarbong restawran ng Rockwell at Manila Hotel. Pagkatapos maipamudmod ang kalakal sa mga tindera, babayaran n g konsignasyon ang may dala ng isda. Sa termino na lamang ang pagiging tagapamagi tan o middle man ng konsignasyong kumikita sa pamomorsiyento dahil masingil man o hindi ang mga tinderang nagsihango, kailangang mabayaran ang may-ari ng isda.

Sari-saring tao ang bumubuo sa lipunan ng punduhan. Sa konsignasyon, nariyan ang konsignitaryong may-ari, ang kanyang sekretarya na siya ring kahera, ang tagapa ningil na lumilibot sa buong pamilihan at nanghahanting ng mga may utang, ang ti ndig na nagpapamudmod ng mga isda sa tindera, at ang mga talipapa boys na nag-aa kyat ng laman ng mga bangka at nagbubuhos rito sa sahig na nanggigitata sa lansa . Hindi tulad ng tindig, sekretarya at tagapaningil, hindi suwelduhan ang talipa pa boys. Kumikita sila sa ipinapataw ng konsignasyon sa nagdadala ng isda na tulo ng-hakot na beinte pesos kada banyera, na pinaghati-hatian sa pagtatapos ng tugpa han. Nariyan rin ang mga mangingisda, mamamanti, mangangapa, mambabaklad at manu nudsod na nagdadala ng kanilang huling isda, at ang nakaririwasang mga propitary o at ang mga tauhan nitong manghuhuli at bangkero. Pinakamarami ang mga tinderan g nakasuot ng makukulay na tapaderang may disenyong bulaklak, polka dots, guhita n at iba pa. Ang malalakas nilang bibig na aakalain mong nakalunok ng megaphone pero biglang hina kapag bumubulong ng tawad ang bumubuhay sa talipapa. Sila ang nagpapasigla sa kalakalan sa punduhan.

Sinalubong ako ng nakahilerang berdeng banyerang plastik na may nakaukit na pang alan ko sa unang gabi ng aking trabaho. Alas onse y medya ng gabi hanggang alas siyete ng umaga ang pasok ko sa konsignasyon. Mali ang desisyon kong isuot ang m abigat na clogs na binili ko sa SM. Kahit anong ingat ko sa paghakbang ng aking mataas na sandalyas, natalamsikan pa rin ang aking binti ng maitim na tubig na p inaghalong katas ng isda at basang putik sa sahig. Hindi ko naman mapunasan kaag ad ang aking balat. Nakatingin sa akin ang batang nangangalawit ng naghuhulog na isda mula sa mga banyera. Nakangisi sa akin ang tindera ng sampagita. Ang arte kasi, sabi siguro sa isip nila. Kaya kahit malagkit, kahit nakapandidiri, hindi ko tinanggal ang pulu-pulong itim sa aking binti. Mahirap na. Baka masabing masy ado akong maselan. Unang araw ko iyon sa aking bagong mundo, at ayokong mapangun ahan kaagad ng hindi magandang impresyon.

Pagpatak ng alas dose, nabuhay ang buong paligid. Simula na ng bilihan ng isda. Iniakyat ng mga tauhan ang mga isdang laman ng bangka at ibinuhos sa sahig ng ta lipapa. Kumulumpon ang mga tindera sa paligid ng tumpok ng isda. May agad nagpak

ilo ng limang banyera sa tauhan, may dumampot muna ng tilapya para salatin kung mataba, mayroon namang parang bubuyog na bumubulong sa tindig na inis na sa wala ng habas na pambabarat. Nakangingilo ang ingay ng pagkaskas sa sahig ng banyera ng bangus na hinihila ng talipapa boy papunta sa sasakyan ng tindera. Sa isang s ulok, pinauulanan ng mura ng isang mamamaklad ang isang lalaking nahuling nagsis ilid ng isdang sinipa papuntang gilid, habang namimili ng huhulugang bra sa kata log ng Avon ang sekretarya sa loob ng opisina.

Inilagay ako ng aking ina sa kaha. Katatanggal lang niya sa dating tagapaningil na nahuling nangungupit sa mesa. Kailangan niya ng isang taong mapagkakatiwalaan na hahawak sa singil at titingin sa takbo ng konsignasyon kapag hindi siya maka tutugpa ng madaling araw. Bukas rin kasi ang konsignasyon sa umaga, mula alas si yete hanggang gabi, kaya hindi halos nakapagpapahinga ang aking ina. Nang magsim ula akong tumugpa, nagkaroon siya ng pagkakataong umidlip ng dalawa o tatlong or as.

Bagung-bago ang lahat sa aking pandama: ang lamig ng hangin sa hatinggabi t madali ng araw, ang sangsang ng putik at lansa ng isda, ang malalakas na boses ng mga t aong akala mo nasa kabilang pulo ang kausap kahit kaharap lang naman, ang tumpok ng itim at pilak na mga kaliskis na nagpupusagan kapag binuhusan ng tubig, ang mga talipapa boys na batak na batak ang hubad na katawan sa paghila ng banye-ban yerang isda, at ang walang kaselan-selang mga tindera na nakakatuwa-nakakainis d epende sa oras at araw. Dahil wala akong naging trabaho bukod sa magturo at mags ulat, nailang ako sa paghawak ng pera sa kaha, pati sa pagsusuma ng maraming hal aga kahit pa may calculator. Napakaigsi pa naman ng pasensya ng mga tindera sa p aghihintay ng sukli. Isa ito sa mga natuklasan ko sa pagtugpa: napakahusay sa ma tematika ng mga taga-palengke. Kahit gaano kalaki ang numero, kaya nilang sumahi n sa isip lang. Para sa isang katulad kong nagtapos kuno pero laging nakaasa sa makina sa usapin ng komputasyon, nakabibilib ito at nakamamangha.

Sa unang sipat, madali lang naman ang aking trabaho. Kailangan ko lang tumanggap ng bayad ng mga tindera at isulat ang mga ito sa record book. Bibigyan ko rin n g autograph ang tindera sa kanyang maliit na kuwaderno bilang patunay ng halaga at petsa ng kanyang pagbabayad. Pagkatapos, mamarkahan ko ang listahang inihahan da ng aming auditor kung saan nakalagay ang bilang, klase, at halaga ng isdang h inango. Dito malalaman kung tugma ang lista ng tinderang humahango at ng tindig ng konsignasyon. Makikita rin kung gaano kahaba na ang lista, na nangangahulugan g naiipon ang pautang ng konsignasyon. Madalas at sa hindi, kapag nalaon na, nau uwi sa kalimutan ang ganoong mga pautang. Kapag baon na sa utang, maglalahong pa rang bula ang ilang tindera, at susulpot sa punduhan sa ibang lugar para doon na man humango ng kalakal.

Hindi uso ang data sheet sa punduhan na may pangalan at tirahan ng mga taong pin auutang. Dito lang sa buong mundo marahil nakapangungutang nang di nagbibigay ng tunay na pangalan at tirahan. Nakabatay ang lahat ng transaksyon sa tiwala. Pal ayaw lamang ang ginagamit sa lista, na karaniwang ibinabansag ng tindig na nagbe nta ng kalakal. May Mariang Sulok, Mariang Bukid, Maria Dokleng, Maria Daldal at Mariang Hagonoy. Madalas, ni hindi alam ng tindera na nabinyagan na sila ng pan galan na dadalhin na nila sa buong panahong humahango sila sa konsignasyon. May mga lista ring Martang Burara, Piring Panghi, Lasing, Pogi, Apoy at Lastikman. D ahil sa impormal na pagpapangalang ito, napakahirap maghagilap tuloy kapag bigla ng nagtago ang isang may utang. Napakahirap ipagtanong sa isang lugar kung may k

ilala silang Lasing o Pogi. Nasisingil lang tuloy ang isang may utang na hindi na bu malik sa punduhan kapag natiyempuhan sa pinagtitindahang palengke.

Pinakamahirap para sa akin ang magresibo at magpakubra. Iniaabot sa akin ng mayari ng isda ang minotang ginawa ng tindig. Mula rito, gagawa ako ng resibo: 40x2 50 aligasin, 12x35 silinyasi, 45x180 lukaok, 29x60 bunggaong. Ang unang numero a y ang bilang ng kilo o kaya y lalagyan, at ang ikalawa y ang halaga. Susumahin ko it o, pagkatapos ay aawasin ko ang limang porsyentong hunos ng konsignasyon, ang be inte pesos kada banyera para sa tulong-hakot ng mga tauhan, ang sampung piso par a sa tiket ng munisipyo at sampung piso muli para sa baranggay. Iaawas rin ang m ga gastos sa paghuli at pagdadala: 1500 para sa gasolina ng bangka, 200 para sa pangkain sa kubo, 60 para sa load sa telepono. Kailangang nakadetalye ang lahat ng ito sa resibo, saka ko ipakukubra ang natirang halaga sa may-ari ng isda. Kap ag hindi nagtugma ang nailista ng tindig na nakuha ng mga tindera at ang pinakub ra kong halaga, o kapag may mali sa komputasyon (halimbawa y naging 20 kilo ang 2. 0 kilo sa minota), hindi lang kaltas sa suweldo ang aabutin ko kundi katakut-tak ot na sermon ng ina kong paborito nang dayalog na pinag-aral naman ako t pinahihig op ng sabaw pero napakalabnaw pagdating sa pagsusuma at pagpepera.

Gawain ko ring magpadala ng mga love letters sa mga humahango. Kapag umaabot na sa ikatlong hango ang lista ng isang tindera, gumagawa ako ng lista sa isang min ota na pinaaabot ko sa tagapaningil bilang paalala na kailangan niyang magbayad. Nakapaghahatol rin akong huwag bigyan ng kalakal ang isang taong mahaba na ang lista o malaking halaga ang huling nahango at wala pang naipapasok ni pauna. Dah il rito, ako ang kinukulit ng mga may utang na gusto pang humirit ng isa pang ha ngo. Noong una, madaling-madali akong pakiusapan kaya naiinis sa akin ang aking ina. Nang malaunan, natuto na rin akong maging matigas dahil sa dami ng pagkakat aong hindi na nakabayad ang may mahahabang lista hanggang maging desaperacidos o kaya y magkaroon ng amnesya.

Sa punduhan kami namulat sa pagnenegosyo ng aking asawa kaya rito namin piniling buksan ang aming unang pakikipagsapalaran. Nang mabakante ang katabi ng aming k onsignasyon, inawitan namin ang may-ari na ibenta sa amin ang karapatan sa puwes to. Nagtayo kami ng isang munting tindahan gamit ang natira sa aming ipon at ang kaunting pakimkim noong kasal namin. Pero maliit man, hindi karaniwan ang tinda han namin. Kami lang ang may panindang panay imported sa talipapa, kaya t nabansag an itong Talipapa PX Shop. May mamahaling shampoo, sabon, lotion at pabango para sa katawan, pati mga de latang corned beef galing Brazil, tsokolateng Hershey s, Cadbury at Toblerone, at sitseryang Pringles at Ruffles. Tama ang aming naging t antiya sa mga mamimili sa punduhan. Iisiping ang babaho ng mga tinderang amoy-is da, pero huwag ka, malalalim ang bulsa nila. Hindi sila nag-aatubiling maglabas ng perang may nakadikit na kaliskis para sa mga bagay na wala sa tindahang sarisari!

Natuklasan ko ang malakas na purchasing power ng mga tindera noong nauso ang mga alahas na gawa sa Swarovski crystals. Sinubukan kong magtuhog-tuhog ng ilang be ads at iniwan ko kay Nanay. Kinabukasan lang, ubos na ang isang dosenang pulsera s na isang libo dalawang daan ang pinakamababang halaga, at may mga pasadya pang order ng gusto nilang disenyo at kulay! Noon ko nalaman na hindi lang halata sa bihis at porma pero may pambili ang mga tindera. Hindi tulad ng mga nakapostura

ng window shoppers sa mga malls sa Maynila na mapoporma pero butas ang bulsa, hi ndi nawawalan ng laman ang bulsa ng makukulay na tapadera ng mga bakulera.

Hindi namin pinalampas pati pagtitinda ng kape, tinapay, mami at samalamig. Sa u nang dalawang buwan, ang asawa ko ang siyang tumatao sa aming tindahan. Wala ni isang tao sa punduhan ang may alam na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas ang minamadali nilang magtimpla ng kape o magsalok ng samalamig. Minsan, napapaisip kami kung ano kaya ang sasabihin ng mga kaibigan at kakilala namin kung makita n ila kami sa punduhan na naniningil ako ng mga tindera at nagpiprito ng Maling pa ra sa tinapay ang aking asawa. Mababawasan kaya ang respeto nila sa amin? Iisipi n kaya nilang sumadsad na kami kaya pati ganoong trabaho ay pinatulan namin? May mga ganoong sandaling nagkaroon kami ng pagdududa kung tama ba ang naging pasya naming iwan ang trabaho namin sa lungsod para magpakahirap sa talipapa. Pero ka pag iniisip namin ang anak na ipinagbubuntis ko noong panahong iyon, napapalis a ng aming mga agam-agam. Alam naming may pinaglalaanan kami ng aming pagsisikap.

Natuto akong sumali sa ipunan sa punduhan. Di tulad ng karaniwang paluwagan na m ay sumasahod bawat buwan, isang taong pag-iipon ang kailangang hintayin bago mak uha ang sahod na may kasama nang interes. Araw-araw, naghuhulog ako ng limang da ang piso mula sa benta ng tindahan at isang daang piso mula sa allowance ko pang kain mula sa konsignasyon. Pagkatapos ng isang taon, sumahod ako ng P200,000.00 para sa ihinulog ko mula sa tindahan at P40,000.00 sa inipon kong pangkain. Gina mit namin ang halagang iyon na puhunan sa pagtitinda ng pagkain ng isda at iba p ang gamit sa palaisdaan, hanggang makakuha kami ng sariling mga parsela na siya ngayong pinagtutuunan ng aking asawa.

Sa mga araw na kaunti ang dating na kalakal, nagdadala ako ng aklat na mababasa. Hindi marahil inisip ni Louise Gluck, Octavio Paz o Mike Bigornia na may nagmum uni sa mga tula nila sa saliw ng tunog ng hinihilang banyera at ginigiling na ye lo. Ikalulugod marahil ni Fyodor Dostoevsky na binasa ko ang Brothers Karamazov sa ikalawang pagkakataon sa sangsang ng burak at lansa ng isda. Unti-unti kong n abuksan ang mga aklat na pinagbibili ko na naisantabi lang dahil abala sa trabah o at pag-aaral. Para lamang dito, malaki ang pasasalamat ko sa aking trabaho.

Isang kaibigang manunulat ang nagsabi sa akin na magandang pagkakataon ang pagba bago ko ng kapaligiran dahil maaari itong maging bukal ng mga ideya. Hindi raw l ahat ng manunulat ay may ganitong karanasan. Iyon nga lang, hindi isang exposure trip ang buhay-talipapa para sa akin, kundi ang mismong inihihinga at iginagala w ko.

Halos pinatay ng trabaho ko ang aking pagsusulat. May oras ang pagdalaw ng aking Musa, laging pasado ala-una ng madaling araw dumarating ang enerhiya para kumat ha. Dahil nasa trabaho ako at hindi ako nakapagsusulat nang may maingay o may ib ang tao, tigang ang panulat ko sa panahon ng aking pagtugpa.

Para lang makapagsulat, gumawa ako ng mga tala tungkol sa mga interesanteng taon g nakakasalimuha ko sa talipapa. Tatlong beses isang linggo, pinupuno ko ang isa ng pahina ng aking kuwaderno ng mga impresyon ko sa iba t ibang tao. Kung mayroong

hitik ang punduhan bukod sa mga lamang-dagat, ito ay mga karakter. Nariyan si Ka Charing, isang maliit at mabilog na babaeng sabukot ang buhok at nakapulang l ipstick na lampas ang pagkakaguhit. Wala siyang kakeber-keber sa pagkukuwento ng buhay nilang mag-asawa mula lambingan hanggang umbagan habang inuunat isa-isa a ng laman ng kanyang tapadera. Pagkalabas niya ng opisina, susungaw naman sa bint ana si Mareng Tina, ang nagkakaha sa katabing konsignasyon. Mula sa tsismis sa s imbahan hanggang sa isyu sa baranggay, walang maililihim sa aking tagapagbalita. Espesyalisasyon niya ang mga magkalaguyo sa punduhan, tulad ng isang enkargado at isang tindig na nahuli ng asawa sa isang atakeng gerilya sa motel, at ng isan g talipapa boy at isang babaeng mangangapa na nahuling nagkakapaan ng maselang ti lapya sa likod ng mga cooler sa gilid ng yeluhan. Kung kuwentong beerhouse naman ang gusto, nariyan si Pido, na magpapatunay na sa halagang dalawang daang piso, guguwapo kahit ang mukhang tuko sa mata ng babaeng pangromansa sa kambingan. Sa halip na mainis sa mga nambubuska sa kanyang anghit, ipinagmamalaki niyang iyon ang aromang gayuma niya sa mga kalahi ni Eba, bagay na ikinasusuka ni Nana Cely na isang sitenta anyos na mestisang tindera na may kasintahang bente tres anyos lang na binata. Sa lahat, pinakapaborito ko si Kimo, isang matangkad na lalaking mala-Jimmy Hendrix ang buhok na laging may yakap na manyika. Nambabae raw ito n oong araw kaya iniwan ng asawa at anak. Nawala siya sa kanyang katinuan dahil sa lungkot. Tangan ang bote ng Pepsi na rhum ang laman, maririnig siyang kinakausa p at kinakantahan ang anak niyang si Jen-Jen, ang kanyang manyika. Klasiko naman si Nana Barang, ang pulubing sosyal dahil laging may pulbos ang likod, na nagla lakad ng walong baranggay makarating lang ng Panasahan para mamalimos. Sa sipag niyang dumilihensya, napagtapos niya ang dalawang anak ng kolehiyo, pero wala pa ring balak ipahinga ang mga matang pinangingilid ang luha sa pagpapaawa.

Hindi mawawala sa bawat talipapa ang mga eksenang eskandalosa, tulad ng pagbabag ng nagkakainisang tindera. Mahihiya si Dolphy sa eksena ng dalawang nag-aaway n a bakulerang nang magkainisan ay dumampot ng matabang tilapyang Tagalog ang isa at ibinusal sa bibig ng ginigiyera. Pang-Regal naman ang production number ng mg a nagsidayong GRO na naka-tangga pa nang magsayaw sa gitna ng punduhan sabay pam igay ng discount coupons sa mga tindero t kargador para dumayo sa kanilang naghihi ngalong beer garden. Patok sa takilya ang suguran ng asawa at kabit na pinalakpa kan ng mga tao para lalong ganahan sa pagsasabunutan at pagpapagulung-gulong sa sahig habang may sumisigaw ng May shooting! May action din kapag may nahuhuling ma gnanakaw ng pera at isda dahil tulung-tulong ang mga talipapa boys sa pagbugbog para bigyang-aral ang kawatan. At tuwing may namamatay na taga-punduhan, gusto k ong sumulat kay Tita Charo ng Maalaala Mo Kaya dahil animo isang kapamilya ang p umanaw dahil sa lungkot ng mga tao, lalo pa t matagal nang tagaroon ang namaalam.

Sa panahong tumataas ang posisyon ng mga kaklase ko sa kolehiyo sa mga multinasy onal na korporasyon, pirmi akong nakaupo sa matigas na bangkong kahoy sa talipap a. Habang nagsusuri sila ng mga kumplikadong ulat ng benta at prediksyon sa pagk ilos ng pandaigdigang pamilihan, aligaga ako sa pagreresibo sa mga aligasin, has a-hasa, espada, tulingan, biya, bisugo, silinyasi, sabalo, kitang talaba at taho ng. Nangangahulugan ba itong napag-iwanan na ako ng aking mga kasabayan? Hindi n aman. Galing na ako sa mundong kanilang ginagalawan. Naranasan ko nang mabuhay n a nag-aabang sa pagsapit ng kinsenas-katapusan para lang matirhan ng limang daan sa aking ATM card matapos bayaran ang upa, kuryente, telepono at credit card, a t hindi ko tiyak kung gusto ko pa iyong balikan. Oo nga t bakyang-bakya at walang class ang punduhan kumpara sa glamorosong pamantasang pinanggalingan ko, pero r ito ko naranasang makahawak ng malalaking halaga at makapagpundar ng mga bagay n a hindi ko mabibili kung ang aasahan lang ay ang dati kong kita.

Ito ang balintuna ng aking pagbabalik-punduhan: umalis ako at nag-aral sa pinaka mahal na pamantasan para magkaroon ng kinabukasang hindi nakaasa sa bilao t banyer a, para lang matagpuan ang sariling bumabalik sa lugar na iniwasan, at doon naka tagpo ng kayamanan. Inisip kong sa pag-aaral at pagdadalubhasa, mababago ko ang aking mundo. Binihisan ko ang aking sarili ng mamahaling damit at winisikan ang leeg ng mamahaling pabango, pero hinatak pa rin ako ng lansa ng isda at sangsang ng burak pabalik sa mundo ng aking ina at ng ina ng aking ina. Wala rito ang el egansya pero narito ang grasya.

Hindi lang ako ang tapos sa pag-aaral sa talipapa. Mayroong mga guro, inhinyero, nars, arkitekto, medical technician, computer programmer at doktor sa malansang lugar na ito. Katulad ko, mga anak sila ng tinderang nangarap na huwag matalams ikan ang paa at binti ng malapot na burak ng madulas na sahig. Nagsumikap rin si la sa kanilang karera para maiahon ang kanilang magulang sa pagtitinda, para lan g matuklasang higit pala iyong kapaki-pakinabang kaysa sa piniling larangan. Kun g sinasabi ng mga may junk shop na may pera sa basura, sasabihin kong may pera s a lansa. Sa pananatili ko sa punduhan, wala akong nakilalang tindera na sumala s a pagkain. Maging ang mahihinang magtinda, hindi inaabot ng gutom ang pamilya. P atunay rin ang daang mga anak na napagtapos ng kanilang mga magulang na taga-pun duhan na pinagtatakpan man ito ng ilong ng mga pustoryosong nagsisidaan, isa ito ng masiglang kabuhayan.

Kasalanan ng malabis na pagpapahalaga sa propesyonalismo ang mababang pagtingin sa mga taong sa punduhan nagbabanat ng buto. Pinalaki ang mga batang mangarap na maging doktor, nars, guro o abogado, pero bihirang-bihira ang batang magsasabi na gusto nilang magnegosyo. Kapag sinabi namang negosyo, malalaking kumpanya aga d ang maiisip ng karaniwang Pilipino. Pinag-aaral ang mga anak sa kolehiyo para makapasok sa magandang trabaho, pero iilan ang may nais na magsimula ng pagkakak itaang lilikha ng empleyo para sa ibang tao. Bilang na bilang ang may diplomang handang marumihan ang kamay. Ang buhay sa apat na sulok ng de-aircon na kuwarto ang ideyal, kahit kulang pa sa pang-gasolina at pangkain ang sahod sa kumpanya. Ang pamumunduhan, katulad ng pagbababoy at pagbabakal, ay iniingusan. Itong ugal ing ito ng pagiging mapili sa kabuhayan ang nagsasadlak lalo sa bansa natin sa k ahirapan. Iniirap-irapan ang malalansang tindera sa pampublikong sasakyan, tinit ingnan mula ulo hanggang paa ng mga teller sa bangko, pero kaiinggitan ng marami ng namamasukan ang naipundar nila sa kanilang pagsisikap sa pag-iisda: makakapal na gintong alahas, maaaliwalas na tahanan, malalawak na lupain at malalim na bu lsang hindi nasasaid ang laman.

Kinikilala ng pamahalaang panlalawigan ang kahalagahan ng mga punduhan sa pag-un lad ng Bulakan. Tatlo ang pangunahing punduhan ng Bulakan: ang Panasahan Fish Po rt ng Malolos at ang nasa Obando at Hagonoy. Bukod sa paglikha ng trabaho para s a maraming mamamayan, nagsasampa rin ng malaking halaga sa kaban ng bayan ang ar aw-araw na bayad sa tiket, buwanang market fee, bukod pa sa buwis na binabayaran ng mga konsignasyon sa Kagawaran ng Rentas Internas. Tinitiyak rin ng sigla ng industriyang ito na masusulit ang pagod ng mga nangingisda at namamalaisdaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng ani nila sa makatarungang halaga. Ginagarantiyahan nito ang suplay ng sariwang isda sa merkado. Kung mayroong maipagmamalaki ang pu nduhan ng Panasahan, ito ay ang hindi pagpatol sa mga iladong isdang galing Tsin a na ibinebenta ng mura sa bagsakan sa Navotas at Malabon. Nanaig palagi ang pan gangalaga sa interes ng mangingisda at ng mga tinderang masisira sa kanilang mga suki kung magbebenta ng isdang pinatigas ng formalin.

Hindi ko sinasabing para sa lahat ang punduhan. Marami ring mapagsamantalang tao sa larangang ito. Nariyan ang mga maniningil na tumatanggap ng pera mula sa mga tindera pero hindi ipinapasok sa mesa. Nariyan ang mga tauhan ng bangka na nagp upuslit ng isda at nagpapatakas ng kalakal. Nariyan na ang mga namamalaisdaang m angungutang ng malaking halaga sa konsignasyon pagkatapos ay sa ibang mesa ipupu ndo ang hinuling isda. Nariyan ang mga tinderang hahango nang hahango at magbibi gay ng mga tsekeng post dated na kapag ipinasok sa bangko ay panay talbog. Nariy an pa ang walang pusong illegal recruiter na nakabola ng halos isang buong baran ggay ng mga magbabaklad at maliliit na mangingisda sa pangakong madadala ang mga ito sa Amerika. Nariyan ang mga pulis at militar na pag may natipuhang tumpok n g isda ay obligado kang ibigay ang itinuturo, at ang kalaban nilang NPA na hindi rin maaring tanggihan kung hindi ka pa sawang mabuhay. Nariyan rin ang mga kons ignitaryong busabos kung ituring ang kanilang mga tauhan, at kalaban ang tingin sa ibang konsignasyon kahit walang dapat pagtalunan. Siyempre, hindi mawawala a ng mga tiktik na nagbibigay ng tip sa mga holdaper na abangan ang sasakyan ng ti nderang may dalang pang-intrega, pati ang oras ng alis ng konsignitaryong may bi tbit ng koleksyon sa magdamag. Ang mga taong ito ang tunay na nakasusulasok sa punduhan. Hindi natatanggal ng paligo at pabango ang lansa at baho ng kanilang p agkatao.

Napakinabangan ko rin naman ang aking edukasyon sa punduhan. Hindi ko man tahasa ng nagamit ang mga degree mula sa pamantasan, nakatulong ang mga natutunan ko sa paaralan para magsulong ng ilang mahahalagang pagbabago sa sistema ng pamamalak ad ng aming negosyo. Una na rito ang pagbibigay ng benepisyo sa aming mga tauhan . Bukod tanging ang konsignasyon namin ang nagbabayad ng buong kontribusyon sa S SS at Philhealth para sa aming mga regular na empleyado. Tuwing bayaran ng matri kula, naglalaan na kami ng sampu hanggang labinglimang libong pisong tulong pina nsyal para sa bawat tauhan kaya napagpapaaral ng mga ito ang kanilang mga anak s a magaganda at pribadong paaralan. Ilang taon mula ngayon, balak naming ilunsad ang isang kooperatiba para sa mga tauhan ng konsignasyon upang magkaroon ng meka nismong higit na magpapaluwag at magpapabuti sa kanilang buhay. Sumali rin kami sa credit ng baranggay para sakaling may mangailangang tauhan, may mahihiram na halaga sa panahon ng kakapusan. Nakalulugod makitang nakapagpupundar ang mga tau han namin: traysikel na pamasada, side car na kumikita ng boundary, maliit na ba ngkang panudsod, segunda manong dyip na pambiyahe ng isda, o kahit isang videoke ng ipinaaarkila. Mayroon ring nakaipon ng pang-placement fee sa Israel at Japan kaya doon na nakipagsapalaran. Kapag iniisip ko, sa ganitong paraan ko daig ang mga kasabayan ko sa mga kumpanyang multinasyunal. Pinayayaman nila ang kanilang dayuhang amo, samantalang nabibigyan ko ng pagkakakitaan ang kababayan ko.

Inakala kong tatanda na ako sa piling ng mga banyera at bilao katulad ng aking i na. Dumating ang araw na nagpatung-patong ang mga kasong isinampa namin laban sa mga estapador na nagbaon sa amin sa utang. Isang matagal nang biyahero ang nagp atalbog ng mga tsekeng nagkahalagang labingdalawang milyong piso. Dumami ang mga taong hindi takot magpatalbog ng kanilang tseke, dahil alam nilang kung hindi a bot ng milyon ang kanilang pagkakautang, hindi namin sila pag-aaksayahan. Huling bagsak nang subain kaming mag-asawa ng mismong kapatid ng aking ina at ng isang propitaryong kumpare pa man din ng aking mga magulang. Itinakbo ang tatlong mil yong hindi pa man din namin kinikita. Bakit hindi ka mag-abogasya? himok ng aking ina. Kung magiging abogada ka, mas mapangangalagaan mo ang interes ng ating konsi gnasyon at pamilya. Hindi na tayo manghihinayang sa acceptance fee, appearance f ee at iba pang bayaring legal sa pagsasampa ng kaso. Sa dami ng problema ng mga konsignasyon sa punduhan, hindi ka mauubusan ng kaso.

Matagal kong pinag-isipan ang proposisyon ni Nanay. Sa takbo ng subaan sa konsig nasyon, hindi magtatagal at mauubos ang lahat ng naipundar namin kung walang mab ibigyan ng leksyon. Naalala ko si Tex, ang anak ng may-ari ng dating pinakamalak as na konsignasyon sa punduhan. Nang mamatay ang kanyang ina, tinakbuhan sila ng maraming humahango, kaya t nagkautang-utang sila sa bangko para may maipampakobra sa propitaryo. Nailit ng bangko ang kanilang mansyon, mga sasakyan, lupain at k agamitan. Nanghilakbot ako ng maisip kong maaari kong sapitin ang nangyari kay T ex. Hindi ko pababayaang mangyari iyon. Ililigtas ko ang aming konsignasyon.

Bumalik ako sa daigdig ng magagarang damit at sapatos, sa lamig ng aircon at sop istikasyon ng pamantasan, para mag-aral ng abogasya. Minsan, naiisip ko kung tal aga bang sinuong ko ang bagong larangang ito para itaguyod ang kabuhayan namin s a punduhan, o para takasan ang lansa ng talipapa. Baka naman gusto ko lang magba lik sa mundong nakasanayan. Subalit higit na matining ang bahagi ko ang nagsasab ing isa itong sakripisyo para sa aking pamilya, at ginagawa ko ito para mapangal agaan ang kabuhayang nagtaguyod sa akin at siya ring ipanunustos ko sa mga panga ngailangan ng aking anak.

Hindi pa ako tapos ng pag-aaral pero may mga natutunan na akong ginagamit na nam in ngayon sa punduhan. Sinimulan na namin ang pagpapapirma ng mga trust receipt agreement sa mga humahango ng malaking halaga para may ebidensya sakaling magkar oon ng aberya. Nilimitahan na rin namin ang pinalalaot na puhunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng limitadong credit line ng mga tindera. Naghigpit na rin kami s a pagtanggap ng mga tseke lalo pa t matatagal ang petsa at naiipon bago mapalitan sa bangko.

Ipinaubaya ko ang trono ko sa talipapa sa isang bagong kahera, pero nananatili p a rin akong tagapamahala. Umalis ako pero hindi lubos, dahil kahit nasa pamantas an ako, naguguni-guni ko palagi ang amoy ng isda at ang ingay ng ginigiling na y elo at kinakaladkad na banyera. Kapag naging abogado ako, tiyak kong hindi ako m abibilang sa mga kamag-aral kong magsisiksikan sa prestihiyosong law firm o mga kagawaran sa pamahalaan. Mag-aaral ako para tiyaking hindi mamatay ang aming kon signasyon para sa aking pagbabalik, may nakaukit pa rin ang pangalan ko sa daandaang berdeng banyerang nagkalat sa madulas at malansang sahig ng talipapa. http://www.palancaawards.com.ph/2008Ang%20Pagbabalik%20ng%20Prinsesa%20ng%20Bany era.php Judges 1 2 3 Winning Entries 1st Prize Title: Si Ate Elsa, Si Aling Carmen at Ako Laban sa mga Nangungunang Bansa sa Mundo

Author: AXCEL L. TRINIDAD Pen Name: Juan Dimagiba

2nd Prize Title: Nagkakaisang Isip, Damdamin at Lakas Author: JOHANNA ROSE E. CALISIN Pen Name: Tin-Tin

3rd Prize Title: Humabol Ka, Pilipino! Author: MAYA VICTORIA S. ROJAS Pen Name: Aya Miho

DON CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS FOR LITERATURE 2009 KABATAAN SANAYSAY PAKSA: Paano makakatulong ang kabataang pilipino sa pagbuo ng maunlad na bansa n a maihahanay sa mga nangungunang bansa sa mundo? Si Ate Elsa, Si Aling Carmen, at ako laban sa mga nangungunang bansa sa mundo ni: Juan Dimagiba

Ang matining na tunog ng bell sa eskwela ang nagtutuldok sa mahabang pakikibaka sa paaralan. Sa akin ay isa pa lamang itong hudyat ng panib agong karanasan sapagkat babagtasin kong muli ang matarik na daan patungo sa osp ital kung saan namamasukan ang aking ate, si Ate Elsa, na magpahanggang ngayon a y pinipilit kong hanapan ng mga dahilan kung ano ang mga bagay na nagpapanatili sa kanya sa ganung propesyon. Sa isang pampublikong ospital namamasukan si Ate Elsa, may limang palapag subalit walang Elevator kaya naman mangangalay ang sino mang magt angkang umakyat-manaog sa gusaling iyon. Dalawang beses sa isang araw kung puntahan ko siya sa pinapasukan niyang ospital : sa umaga, upang kuhanin ko ang allowance ko sa eskwela; at sa dapit-hapon nama n kung saan ay kinukuha ko ang pambili ko ng hapunan. Kaming dalawa y namumuhay ng magkasamang malayo sa magulang at iba pang kapatid subalit pakiramdam ko ay nam umuhay lamang akong mag-isa sapagkat madalas ginugugol ni Ate Elsa ang kanyang s arili sa pinapasukan niyang ospital. Kalimitang pinupuntahan ko si Ate Elsa sa may front desk ng ospital upang kuhanin ang allowance pero minsan isang araw, ay nangyari ang hin di ko inaasahan. Araw iyon ng aking pagsusulit at hindi ko dinatnan si Ate Elsa sa front desk kaya naman tinanong ko sa isang nars na nagbabantay kung saan naro on si Ate Elsa. Ang sabi niya y nasa room 503 daw. Hindi na ko nagdalawang isip na h intayin pa si Ate Elsa sa front desk dahil mahuhuli ako kapag ginawa ko yun. Pumunta ako sa ikalimang palapag kahit nakakapagod at tinun go ang room 503. Pagbukas sa nakapinid na pinto, hindi ko natanaw si Ate Elsa pe ro pinilit ko pa ring suungin ang loob ng silid baka sakaling nasa likod lang si ya ng puting kurtina. Subalit ang taong nasa likod ng kurtina ay hindi si Ate El sa kundi isang matandang nakaratay sa kama, nanginginig ang bibig, at may nakaka takot gayundin nama y nakakaawang hitsura. Pinagmasdan kong mabuti ang silid, mara ming mga larawan na kung iisipin ay pawang mga kamag-anak niya ito. Maya-maya pa y nagising ang matanda at sumigaw ng Tubig! Tubi g! Kasabay rin naman ng pagsigaw ko ng Ate Elsa! Nakita kong ang matanda ay naka turo sa baso at pitsel na nasa lamesitang malapit sa tabi ko. Sa pagkakataong iy on, ako y nagdalawang isip kung aabutan ko ba siya ng tubig o hindi, pero n ung naki ta ko ang sugat niya sa may braso y biglang nanghina ang loob ko at natakot akong lalo. Ilang sandali pa ay dumating na si Ate Elsa at siya mismo ang nag-abot ng tubig kasabay naman nito ang pagsenyas niya sa aking lumabas muna ng silid. Pagkalabas ni Ate Elsa ay iniabot niya na sa kin ang pera at tinanong ko naman siya kung saan siya galing, ang sabi niya y may kinuha lang daw siyang gamit ni Aling Carmen. Doon ko napag-alaman na Aling Carmen pala ang pang alan ng matandang nagpasigaw sa kin, ang taong pinagkakaabalahan ni Ate Elsa ng wa lang takot at pagdadalawang-isip, at ang taong sadyang tumatak sa aking isipan p ara mas maintindihan ko pa ang propesyong sinusuong ni Ate Elsa. Tagapangalaga at tagapagbantay ~ ilan lamang yan sa mga gawa in ng isang nars. At buwan-buwan ay libu-libong mga nars ang tila ba mga produkt ong iniaangkat sa ibang bansa. Patunay na malaki ang papel na ginagampanan ng mg a Pilipino sa buong mundo. Pero higit pa sa isang nars ang masasambit kong ginag ampanan ni Ate Elsa dahil sa sinseridad na iniaalay niya sa kanyang trabaho. Habang patungo ako sa eskwela ay hindi ko maalis sa aking i sip ang patuloy na ginagawa ni Ate Elsa ~ ang pag-aalaga niya sa isang matandang hindi naman niya kaanu-ano o kadugo. Parang hindi ko lubos matanggap na makakat agal ako sa gan ung larangan dahil naniniwala akong kailangan ng lubos na pagtitiw ala at sakripisyo ang dapat maranasan. Bansag sa mga nars ang pagiging katuwang ng mga doktorsa ka nilang panggagamot ng pasyente. Gayong mas mababa ang kanilang antas kumpara sa mga doktor ay tila ba mas nagiging makahulugan ang kanilang propesyon partikular sa ibang bansa dahil sa unti-unti nitong pinakikilala ang Pilipinas bilang pang unahing pinanggagalingan ng magagaling na nars. Kung minsan pa nga y may mga dokt or na kumukuha pa ulit ng kursong nars para lang mabigyan ng oportunidad na maka pangibang bansa. Marahil sila y nagiging praktikal lamang sapagkat kahit na sila y d oktor sa Pilipinas ay mas malaki pa rin ang kanilang kikitain kung magtrabaho si

la bilang nars sa ibang bansa. Hindi maikakaila na matiisin at matiyaga si Ate Elsa dahil ayaw niyang umalis sa ospital na yun kahit na kakarampot lang ang kanyang kinikit a. Marahil ito y sa kadahilanang laki siya sa hirap at ako naman bilang nakababata ng kapatid ay hindi naranasan ang mga paghihirap na naranasan niya noong araw at bagkus nakapalad na lamang sa kung anong grasyang iniaabot niya sa akin. Pero higit pa sa isang grasya ang dulot ng isang kalinga mu la sa isang nars na kagaya ni Ate Elsa. Hindi man nars ang kanyang obligasyon sa akin kundi nakatatandang kapatid ay dito ko napatunayan kung bakit Pilipino ang kilala at pinipiling nars sa buong mundo. Minsang mayroon kaming proyekto sa eskwela at kinailangan k o ang tulong ni Ate Elsa. Dinaanan ko siya sa ospital at iniwan ko ang materyale s sa paggawa ng proyekto. Kinabukasan ng dumaan ako sa ospital, nakita kong mate ryales pa rin ang iniwan kong mga bagay at ng tinanong ko ang nars kung nasaan s i Ate Elsa, ang sabi ng kasama niya nasa room 503 daw. Doon ay pansamantalang ma y namuong galit na hindi sadyang itinanim ni Ate Elsa o ni Aling Carmen, habang nanatiling sarado ang aking isipan sa pag-intindi ng mga bagay-bagay at paliwana g. Dahil dito wala akong proyektong naipasa sa aming guro at ang bukod tanging n asa isip ko ay ang sisihin si Aling Carmen sa lahat ng nangyari. Subalit mali pala ang sisihin ang isang taong wala na sa mu ndo. Nabalitaan ko ito dapit-hapon ng dumaan ako sa ospital para kuhanin ang pan ghapunan kay Ate Elsa. Nabanaag kong balisa at umiiyak si Ate Elsa. Sinabi niyan g wala na si Aling Carmen at namatay daw ito dahil sa katandaan. Sa mga oras na iyon ay walang ibang pumasok sa aking isipan kundi ang mga unang sandali na nakita at nakilala ko si Aling Carmen: ang nakar atay na katawan, ang nanginginig na bibig, ang sugat sa brasong minsan ko ng pin andirihan, at ang nakakatakot gayundin nama y nakakaawang histura. Ang taong iniiy akan ng mahal kong si Ate Elsa, ang taong naging dahilan upang makikilala ko pa si Ate Elsa hindi bilang kadugo kundi isang mapagkalinga at mapagmahal na nars; hindi bilang isang ordinaryong nars o tao kundi bilang isang Pilipino na kayang lumaban sa mapanghamong mundo. Sa gayong mga pangyayari ay husto kong nalaman na ito y ilan lamang sa dahilan kung bakit maraming Pilipinong nars ang kinukuha ng ibang bans a, at kung bakit Pilipino ang nais nilang maging tagapuno ng kakulangan ng kanil ang mga mahal sa buhay. Ang bawat magandang pangyayari ay may kaukulang sakripisyo na dapat harapin. Doon ko naisip na kung sakaling buhay pa si Aling Carmen, sino kaya ang mag-aalaga sa mga katulad niya kung sa pagdating ng araw ay pumunta na rin sa ibang bansa ang mga nars na kagaya ni Ate Elsa. Malamang magiging marami ang mga mapapabayaang may sakit at pawang mga balong-mapaghanap ang kakaharapin ng mga pasyenteng uhaw sa kalinga at pagmamahal. Batid kong darating ang araw na iyon at hindi ko naman kaya ng pigilin ang maraming nars na kagaya ni Ate Elsa na umalis pa sa ating bayan u pang makipagsapalaran at kumita ng malaki sa ibang bansa. Alam ko rin na sadyang ginawang bilog ang mundo upang magpaikot-ikot lamang ang buhay ng tao. Natural lang na kung may aalis ay dapat na may pumalit at marahil ito ang dahilan kung bakit patuloy na isinisilang ang mga kabataang tulad ko. Sa totoo lamang ay sapat na ang mga karanasan kong ito upan g masagot ko ang mga tanong na pilit na naghahanap ng kasagutan sa eskinita ng a king pagkatao at pagka-Pilipino. Aking napagtanto na hindi pala kailangang maging isang maga ling na boksingero, o manalo sa isang patimpalak upang makatulong sa Pilipinas n a maging isang bansang maipagmamalaki at may sinasabi. Hindi rin kailangang pangarapin ng bawat kabataan ang maging isang nars sapagkat naniniwala ako na kahit saang larangan basta t pinagbubutihan at pinaiiral ang ma gagandang kaugalian at aspeto ng pagiging Pilipino ay makatutulong tayo upang ba lang araw ay lubusan pang makilala ng ibang nasyon ang Pilipinas. Kaya ngayon pa lamang ay pinagsisikapan kong mabuti na lagp asan ang bawat pagsubok na kinakaharap ko bilang kabataan. Pinipithaya ko na rin g maging isang magaling nars upang kung sakali mang dumating ang panahon na lumi

san si Ate Elsa ay maging handa akong pumalit sa kanyang papel bilang tagapangal aga at tagapagbantay ng mga katulad ni Aling Carmen. Si Ate Elsa, Si Aling Carmen, at ako ay nagpapatunay na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa mga nangungunang bansa sa mundo. http://www.palancaawards.com.ph/2009Si%20Ate%20Elsa,%20Si%20Aling%20Carmen,%20a t%20ako%20laban%20sa%20mga%20nangungunang%20bansa%20sa%20mundo.php Humabol ka, Pilipino! Pag-asa ng bayan, tagapagtaguyod ng magandang kabuhayan, taga-ahon s a kahirapan, tagapangalaga ng kalikasan kami ang kabataan. May napanood ako sa telebisyon noong nakaraang linggo at ang pinanood ko ay tung kol sa mga Pilipinong sumisikat sa internet. Nakakatuwa dahil mahuhusay talaga a ng mga pinalabas pero alam mo ba na ang naipakita sa programa ay mga kabataang P ilipino? Mayroong isang grupo ng mga batang bading na napakahusay sumayaw. Pa ngarap daw nila maging dancer at makasama ang kanilang iniidolo kahit na nilalai t sila ng mga tao sa paligid nila. Bagama t hindi tanggap ng ilang miyembro sa pam ilya nila ang kanilang pagkatao, sumasali sila sa mga paligsahan at nananalo ng mga tropeo sa pagsayaw para patunayan ang kaya nilang gawin. Mayroon ring isang batang lalaki na tumutugtog at nagbebenta ng plauta. At hindi lang iyon! Kayangkaya rin niyang tumugtog at kumanta ng mga usong tugtugin. Sa halip na magbenta lang siya ng plauta ay pinakikinabangan din niya ang kanyang kakayahan para maka benta. Kahit malaking balakid sa kanya ang kahirapan, hindi pa rin siya sumuko s a mga pagsubok na inihain sa kanya. Sa sobrang galing niya, nakapagbibigay siya ng aliw sa mga taong napagbentahan niya kaya't kinuhanan siya ng video na inilag ay sa youtube.com. Magkaiba man ang layon nila sa buhay at gustong iparating, may pagka kapareho sila sa iisang bagay: ang pagpupursigi na makuha ang kanilang gusto at tuparin ang kanilang mga pangarap. Hindi lamang sila ang sumisikat at kinikilala ng Pilipinas at pati n g buong mundo sa youtube.com. Marami pang ibang Pilipino ang gustong mag-self ad vertise at ipakita ang kanilang talento sa mundo. Uso na kasi sa aming mga kabat aan ang pagpapakita ng sarili sa paggamit ng internet. Napakarami nang kabataang Pilipino ang mayroong friendster, myspace, at multiply accounts. Marami na rin ang gumagawa ng mga blogs na kung saan naglalagay ng kanilang mga larawan at mga video sa internet at dahil dito, nakikilala ang mga Pilipino bilang mga taong m araming talento. Hindi ba t sabi ni Rizal at ng iba pang tanyag at magigiting na tao na , ang kabataan ay ang pag-asa at ang kayamanan ng ating bayan? Alam naman natin na ang ibig nilang ipahiwatig ay napakaimporante ng kabataan dahil kami ang taga pagmana at magpapatakbo ng Pilipinas sa hinaharap. Napakahalaga na matuto kami s a mga nakatatanda at mapalago namin ang aming mga talento upang makatulong. PERO ngayon, malayung-malayo na ang agwat ng panahon natin sa panaho n ni Rizal. Napaalis na nga natin ang mga kanluranin sa ating bansa ngunit sila pa rin ang nagpapagalaw sa mga tali ng gobyerno. Si Uncle Sam pa rin ang nasusun od, inaagawan pa rin tayo ng makapangyarihang kalapit-bansa ng maliliit na isla para lang sa krudo, at nabibiktima pa rin ng prostitusyon at human trafficking a ng mga kababayan natin. Wala namang maibigay na magagandang trabaho ang pamahala an dahil ang bansa mismo ay laging kapos sa pera dahil nakabaon tayo sa utang o di naman kaya ay nadukot na o napunta na sa malalalim na bulsa ng mga kurakot. K awawa naman ang ilan sa amin na hindi na nagkaroon ng pag-asang makatungtong sa

kolehiyo at ang mga batang marunong ngang magsulat at magbasa ngunit nakalugmok sa kahirapan. Kalamitan sila'y pinatitigil muna sa pag-aaral at pinagtatrabaho h anggang sa hindi na nakababalik sa pag-aaral dahil sila y naghahanapbuhay kaya t per manente na silang naging tindera ng sigarilyo at mani sa lansangan. Sa sitwasyong ito, sino ba dapat ang sisihin? Ang Gobyerno? Ang masa ? Ang Pilipino? Tayo? Hindi naman kailangang magturuan dahil iikot lang ang dire ksyon ng mga hintuturo natin. Pulitiko man o hindi, may responsibilidad ang bawa t isa sa kanyang bansa dahil lahat tayo iisa lang ang lahi. Lahat tayo ay Pilipin o. PERO kahit musmos pa nga kami at wala pang trabaho at sweldo, kahit na hindi kami pinapayagan ng aming mga nanay na sumali sa mga rally dahil baka m agkagulo at magkaroon ng panakbuhan, at kahit hindi pa kami pwedeng bumoto, may magagawa kami dahil Pilipino din kami. Ang malalaking pangarap ay nagsisimula sa maliliit na hakbang kaya n aman napakalaking bahagi ang edukasyon ng mamamayan sa pag-unlad ng isang bansa. Kung hindi edukado ang mga tao na nagpapatakbo ng lipunan, mahihirapan tayong m akipagsabayan sa mga nasa unahan. Kahit na may karisma at kakayahang makapagpasu nod ng nasasakupan ang pinuno wala pa rin itong kwenta kung hindi niya alam ang gagawin niya. Bukod sa edukasyon, dapat lang na may tiwala tayo sa ating sarili at sa mararating ng ating bansa. Nararapat lang na mayroon tayong tinatawag na p agmamahal sa bayan o nasyonalismo dahil paano tayo makikipagsabayan sa ibang ban sa kung wala tayong tiwala sa bansa natin? Mas magandang malaman at maging handa sa isang bagay imbes na malama n lang ito pag nandiyan na. Kahit sa murang edad namin ngayon, dapat nakikialam na kami sa mga nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ito na ang oras para imulat a ng aming mga mata dahil wala kaming dahilan para magmistulang baldado at hindi p akinggan ang tinig ng aming mga kababayan. Sa ganitong paraan, mas mabubuksan na min ang aming isip at ang aming sarili sa tunay na larawan ng lipunan. Hindi na kami ang batang hindi manonood ng balita sa gabi dahil lang kasabay nito ang pab orito naming palabas sa kabilang istasyon. Kami na ang batang aabangan ang balit a hindi lang dahil sinabi ng aming guro sa Social Studies kundi dahil na rin gus to naming malaman ang mga pangyayari sa paligid. Ang kailangan namin ay ipanday ang aming mga kakayahan sa pamamagita n ng sipag at tiyaga upang makamit ang aming mga mithiin sa buhay. Maganda ring maisapuso namin ang kahalagahan ng pag-aaral at ang kahihinatnan ng Pilipinas ku ng ang lahat ng Pilipino ay may pakialam sa mga pangyayari at gumagawa ng mabibi sang paraan para sa ikauunlad ng bayan. Nararapat ding mabigyan ng halaga ng ami ng henerasyon ang mga batas na tungkol sa mga karapatang pantao upang mabigyan n g katarungan ang mga mahihirap at naaapi tulad na lamang ng nangyayari sa mga ma gsasaka natin na dinadaya ng mga haciendero sa lupa. Nasa kamay namin ang kakaya hang baguhin ang kinabukasan ng Pilipinas. Nasa desisyon namin kung gusto ba nam in ulitin ang mga masasaklap na pagkakamali ng nakaraan kung saan ang mga namama hala ang mismong mandarambong. Bilang mga bata nararapat lang na gampanan namin ng mahusay ang ibin igay saaming papel ang pagiging tunay na kayamanan ng Pilipinas na magagawa lang kap ag kami ay maglalakas loob na patunayan ang magagawa namin para tulungang magbag o at makabangon ang ating bansa. Sa pagbabagong ito, unti-unti nating makakamit ang kakayahang lumaban ng tapatan sa ibang bansa. Kailangan natin iyon para hind i na natin mangangailangan pang magsilbi at magpaalipin sa ibang bansa para lang makaipon ng pera.

Sa aking palagay, dapat nating tularan ang mga batang napanood ko sa

telebisyon dahil sila ay nagpursigi talagang makuha ang kanilang pangarap. Pina gtuunan nila ng panahon ang pag-eensayo ng kanilang mga sayaw habang iniintindi din nila ang kanilang pamilya dahil sila ang gumagawa ng mga gawaing bahay at na g-aalaga sa mga kapatid. Dapat nating tularan ang batang gumagamit ng kanyang ta lento sa mabuting paraan upang may maihain sa kanilang hapag-kainan. Ang sinasabi ko dito ay kahit na malayo pa ang finish line, sana ay huwag tayong mawalan ng pag-asa kahit na medyo napagiiwanan na tayo. Ang mga kla se ng krisis na nangyayari ngayon tulad ng krisis sa ekonomiya at krisis sa glob al warming ay mga pagsubok lamang na ibinigay ng Diyos sa atin upang lahat tayo ay magkaisa. Marami pa naman tayong kayang gawin at kayang baguhin kung gugustuh in natin. http://www.palancaawards.com.ph/2009Humabol%20Ka%20Pilipino%20Kabataan%20Sanays ay-3rd%20prize.php http://www.palancaawards.com.ph/index.php home Carlos Palanca Memorial Awards for Literature History Don Carlos Palanca Sr. was a man who by the sheer dint of hard work, self-study, and integrity rose to become a successful businessman. He was a patron of educ ational institutions and instilled in his children the value of education. His heirs decided it fitting that his memory be commemorated in an endeavor that wou ld help enrich the country s cultural heritage. Thus, the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature was established in 1950. The aims of the awards have been: 1. to help develop Philippine Literature by providing incentives fo r writers to craft their most outstanding literary works. 2. to be a treasury of the Philippine s literary gems from our gifted writers and to assist in its eventual dissemination to our people, particularly the students . The awards started with the Short Story category in English and Filipino. Through the years, as the awards elicited overwhelming response, new categories were added: One-act Play in 1955, Poetry in 1963, Full-length Play in 1975, Ess ay in 1979, Novel in 1980, Short Story for Children in 1989, Teleplay in 1990 an d Screenplay in 1994. In 1997, three categories were opened. These are the Ilu ko, Cebuano and Hiligaynon Short Story in the Regional Languages Division. To e ncourage writing by our youth, the special Kabataan Division made up of the essa y category in English and Filipino, was opened in 1998. In 2000 a new category was added Futuristic Fiction, a separate genre of the short story that involves a looking beyond into the future to transcend the boundaries of the present. In 2009, two new categories were added Poetry Written for Children in the English Division and Tulang Isinulat Para Sa Mga Bata in the Filipino Division to encour age both aspiring and veteran Filipino writers to crafting poetry masterpieces t hat will be understood and appreciated within the grade-school reading level of children ages 6-12. The harvest of literary work is just as impressive. As of year 2009, it has a c ollection of 34 Novels, 15 in English and 19 in Filipino; 171 Full-length plays, 75 in English and 96 in Filipino; 336 One-act plays, 152 in English and 184 in Filipino.; 354 Collections of Poems, 189 in English and 165 in Filipino; 116 Reg ional Short Stories, 39 in Cebuano, 38 in Hiligaynon and 39 in Iluko; 136 Short

Stories for Children, 69 in English and 67 in Filipino; 60 Teleplays, 5 in Engli sh and 55 in Filipino; 49 Screenplays all in Filipino; 66 Kabataan Essays, 36 in English and 30 in Filipino; and 34 Futuristic Fiction Stories, 18 in English an d 16 in Filipino. The winning works for the first twenty years of the awards were printed in antho logy form in 1976, 4 volumes in Filipino, Isang Kalipunan ng mga Nagwagi sa Carl os Palanca Memorial Awards, 1950, 1970 and 4 volumes in English, An Anthology of Palanca Memorial Awards Winners, 1950, 1970. The books were distributed to pub lic and private colleges and universities all over the Philippines through the N ational Library. These were followed in 1990 by the printing of Antolohiya ng mga Nagwaging Akda, Dekada 80, three separate compilations of Dulang May Isang Yugto, Maikling Kuwe nto and Tula which were published in cooperation with Anvil Publishing, Inc. In the year 2000, another publication, An Anthology of Winning Works, the 1980 s cam e out. It was three separate compilations of One-act Play, Short Story and Poet ry. For the benefit of students and researchers outside Metro Manila, especially tho se in the provinces, book-bound photocopies of the Maikling Kuwento from 1993 to 1997 were donated to universities and colleges nationwide. The writings are available in the Foundation Library and in schools all over the country. These works stand out in literary form, style and message. Students researching Palanca Award winners as part of their class requirements learn not only the correct forms of writings but also glean form these works the moods and aspirations of our country and our people. In 1975, eight award-winning plays were produced and presented to the public at the Little Theater of the Cultural Center of the Philippines and culminated with a presentation at the Luneta Grandstand. The Palanca Hall of Fame was established in 1995 and is presented to a Palanca a wardee who has achieved the distinction of winning five first prizes. There are now 22 Hall of Fame awardees. In 1996, the Palanca Awards began conducting Creative Writing Workshops. Dramat ic readings of award-winning works have also been presented in colleges and univ ersities. The citations and awards conferred to the Palanca Awards are: * Tanging Parangal in the Gawad CCP para sa Sining in 1992 * Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas by the Unyon ng Manunulat sa Pilipinas in 1993 * The UNESCO, in the celebration of its 50th years in 1995, included the Pal anca Family and the Palanca Awards in the UNESCO * List of Living Human Treasures of Artists, Writers and Artisans * Plaque of Appreciation from the Philippine Board on Books for Young People for its unstinting support for the promotion and development of children s litera ture in the Philippines in 1995 * Anvil Merit Award in 1997 * CCP Centennial Honors for the Arts, in 1999 * Gawad Tanglaw ng Lahi by the Ateneo de Manila University in 2001 * Special Citation for the Carlos Palanca Memorial Awards Anthologies by the Manila Critics Circle in 2001 * Appreciation to the Carlos Palanca Foundation for its Scholarship Grant in Creative Writing by the University of the Philippines in 2002. * Gawad Pagkilala by the Komisyon sa Wikang Filipino in 2004

Born from a simple dream made 59 years ago to help develop Philippine literature , the foundation holds steadfast to its mission of providing nourishment for the national spirit. http://www.palancaawards.com.ph/fdsanaysay09.php http://www.palancaawards.com.ph/fdsanaysay08.php