13
The National Teachers College Quip, Manila Division of Graduate Studies and Research Kurso: Kasaysayan ng Panitikan Propesor: Prof. Pamfilo Catacataca Panahon ng Himagsikan (Panitikang Makabayan at Mapanghimagsik) I. Mga Tagapag-ulat: Gary D. Asuncion at Ignacio L. Salvador, Jr. II. Larawan ng Panahon Nahahati ang panahon sa dalawang himagsikan; himagsikan laban sa Kastila at himagsikan laban sa mga Amerikano. Paghihimagsik ang nakikitang paraan ng mga Pilipino sa panahong ito upang makamit ang kalayaan dahil nawalan na sila ng pag-asa na ang kalayaan ay matatamo sa mapayapang paraan. Naitatag sa panahong ito ang KKK (Kataas-taasan, Kagalang- galangang Katipunan nang mga Anak ng Bayan) na pinangunahan ni Andress Bonifacio na may tat long adhikain; una, mahiwalay ang Pilipinas sa Espanya (Political), Ikalawa, maturuan ng katatagan at kagandahang- asal ang mamamayan nang malay o sa pagig ing panatiko (Moral) at ikatlo, maging mapagtanggol sa mga mahihirap at naapi (Sibiko). Ang damdaming umiiral sa bawat Pilipino ay sa panahong ito ay GALIT sa mga kastila sapagkat ang damdaming MAKABAYAN ay lubos na maalab sa panahong ito. Hindi pa gan ap na natatamo ang kalayaan na ninanais ng mga Propagandista kaya’t sandata ang ginagamit sa halip na panulat. Karani wan sa mga himig na umiiral sa akda sa panahong ito ay may himig na PANUNULIGSANG PAMPULITIKAL at PAGBIBIGAY PAYO SA MGA PILIPINO na humihimok na magising, maghanda at magkaisa ang mga Pilipino upang matamo ang ninanais na kalayaan. Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil, sa pamamag itan ni Teodo ro Patio, ang tungkol sa katipunan. Dahil sa pamngy ay aring ito. Wala nang iba pang ma gagawa kundi ang makipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto, 1896 ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugad-lawin.

Panahon ng Himagsikan.doc

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsusuri

Citation preview

Page 1: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 1/13

The National Teachers CollegeQuip, Manila

Division of Graduate Studies and Research

Kurso: Kasaysayan ng Panitikan

Propesor: Prof. Pamfilo Catacataca

Panahon ng Himagsikan

(Panitikang Makabayan at Mapanghimagsik)

I. Mga Tagapag-ulat:

Gary D. Asuncion at Ignacio L. Salvador, Jr.

II. Larawan ng Panahon

• Nahahati ang panahon sa dalawang himagsikan; himagsikan laban sa

Kastila at himagsikan laban sa mga Amerikano.

• Paghihimagsik ang nakikitang paraan ng mga Pilipino sa panahong

ito upang makamit ang kalayaan dahil nawalan na sila ng pag-asa na

ang kalayaan ay matatamo sa mapayapang paraan.

• Naitatag sa panahong ito ang KKK (Kataas-taasan, Kagalang-

galangang Katipunan nang mga Anak ng Bayan) na pinangunahan ni

Andress Bonifacio na may tatlong adhikain; una, mahiwalay ang

Pilipinas sa Espanya (Political), Ikalawa, maturuan ng katatagan at

kagandahang- asal ang mamamayan nang malayo sa pagiging

panatiko (Moral) at ikatlo, maging mapagtanggol sa mga mahihirap

at naapi (Sibiko).

• Ang damdaming umiiral sa bawat Pilipino ay sa panahong ito ay

GALIT sa mga kastila sapagkat ang damdaming MAKABAYAN ay

lubos na maalab sa panahong ito.

• Hindi pa ganap na natatamo ang kalayaan na ninanais ng mga

Propagandista kaya’t sandata ang ginagamit sa halip na panulat.

• Karaniwan sa mga himig na umiiral sa akda sa panahong ito ay may

himig na PANUNULIGSANG PAMPULITIKAL at PAGBIBIGAY PAYO SA

MGA PILIPINO na humihimok na magising, maghanda at magkaisa

ang mga Pilipino upang matamo ang ninanais na kalayaan.

• Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil, sa

pamamagitan ni Teodoro Patiṅo, ang tungkol sa katipunan. Dahil sa

pamngyayaring ito. Wala nang iba pang magagawa kundi ang

makipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto, 1896 ipinahayag nina

Bonifacio ang kanilang layunin sa pakikipaglaban sa Pugad-lawin.

Page 2: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 2/13

Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang “Mabuhay ang

Pilipinas!” 

III. Mga Manunulat ng Panahon

A. Andress Bonifacio

1. Personal

o Isinilang sa Tondo, Manila noong Nobyembre 30, 1863.

o Maagang naulila at tumayong magulang sa kanyang limang

kapatid.

o Tumigil sa pag-aaral upang maghanapbuhay para sa kanyang

mga kapatid kaya’t sa pagsisikap at pagtitiyaga sa

paghahanapbuhay nahirang bilang pinakamahusay na ahente.o Itinatag ang KKK ng ipatapon si Rizal sa Dapitan at nakilala sa

sagisag na MAGDIWANG.

o Naging kabiyak ni Gregoria De Jesus na hinirang na lakambini

ng KKK.

o Pinalawak ang kaalaman sa pamamagitan ng mga nobela ni

Rizal ( Noli Me Tangere at El Filibusterismo).

o Nagbasa rin ng mga aklat na Les Misirables, The Wandering

Jew ( Buhay ng mga naging Pangulo ng Amerika) at ang

Historia dela Revolucion Frances na nakaimpluwensya sa

kanya na maghimagsik laban sa mga kastila.

o Gumamit ng mga sagisag na “Agap-ito, Bagumbayan at May

Pag-asa” sa kanyang mga akdang naisulat.

o Pinatay siya sa Bundok- Buntis ( Maragondon, Cavite) noong

Mayo 10, 1897. 

2. Mga akdang Naisulat

o Mga Dapat Mabatid ng Mga Tagalog

Akdang bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas na

tumatalakay sa kaunlarang tinatamasa ng Pilipinas bago

dumating ang mga kastila at ang kaapihan na naranasan ng

mga Pilipino sa kamay ng mga kastila.

 “ Mga kababayan, hawiin natin ang mga ulap na

nagpapadilim sa ating mga isip at talino, inubos natin ang

lahat n gating lakas sa mabuting hangarin na kakambal ng di-

mababali at lubos na pananalig sa tagumpay at sa kaunlarang

pinakamimithi n gating lupang tinubuan. Isabog natin sa

himpapawid an gating hangaring maging Malaya. Mga

kababayan, magkaisa tayo!” 

Halaw sa huling bahagi ng akdang

Mga Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni Andress Bonifacio

Page 3: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 3/13

o Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Tula na nagpapahayag nang maalab na pagmamahal ni

Bonifacio sa bayan. Kahalintulad ng tula na naisulat ni Marcelo

Del Pilar na may katulad din na pamagat. Ang kada ito ni

Bonifacio ay may konseptong “Hindi baling mamatay kung ang

dahilan ay ang pagtatanggol sa bayan.” 

Pag-ibig sa Tinubuang Lupani Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kayasa pagka-dalisay at pagka-dakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isipat isa-isahing talastasing pilit

ang salita’t buhay na limbag at titikng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukalsa tapat na puso ng sino’t alinman,

imbit taong gubat, maralita’t mangmangnagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangadsa bayan ng taong may dangal na ingat,

umawit, tumula, kumatha’t sumulat,kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandogng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki

na hinahandugan ng buong pag kasina sa lalong mahal kapangyayariat ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,siya’y ina’t tangi na kinamulatanng kawili-wiling liwanag ng araw

na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggolng simoy ng hanging nagbigay lunas,sa inis na puso na sisinghap-singhap,

sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Page 4: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 4/13

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

ang lahat ng lalong sa gunita’y mahalmula sa masaya’t gasong kasanggulan.

hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,ang inaasahang araw na daratingng pagka-timawa ng mga alipin,liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sangana parang niya’t gubat na kaaya-aya

sukat ang makita’t sasa-ala-alaang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulogbukal sa batisang nagkalat sa bundokmalambot na huni ng matuling agos

na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

walang ala-ala’t inaasam-asamkundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayanwaring masarap kung dahil sa Bayan

at lalong maghirap, O! himalang bagay,lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganibat siya ay dapat na ipagtangkilik

ang anak, asawa, magulang, kapatidisang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagaloganay nilalapastangan at niyuyurakankatwiran, puri niya’t kamahalanng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpisng pusong Tagalog sa puring nalaitat aling kaluoban na lalong tahimik

ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinaysa paghihiganti’t gumugol ng buhay

kung wala ring ibang kasasadlakankundi ang lugami sa ka-alipinan?

Page 5: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 5/13

o Katapusang Hibik ng Pilipinas

Tula na nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga

sumasakop sa ating bansa. Kinatha ni Baonifacio upang ituloy

ang akdang nasimulan ni Herminigildo Flores.

Ikaw nga, oh Inang pabaya’t sukaban,

Kami’y di na iyo saan man humaggan,

Ihanda mo, Ina, ang paalilibinganSa mawawakawak na maraming bangkay

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog

Ang barila’t kanyong katulad ay kulog,

Ang sigwang masasal sa dugong aagos

Ng kanilang bala na mapapamook

Di nakailangan sa iyo ang awa

Ng mga Tagalog, Ohinang kuhila,

Paraiso naming ang kami’y mapuksa,Langit mo naman ang kami’y madusta.

Paalam na . Ina, itong Pilipinas,

Paalam na, Ina, itong nasa hirap,

Paalam, paala, inang walang habag,

Paalam na ngayon, katapusang tawag.

Halaw sa huling bahagi ng akdang

Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andress Bonifacio

Page 6: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 6/13

o Decalogo ng Katipunan

Akdang isinulat ni Bonifacio upang sundin ng mga kasapi KKK

ngunit isinantabi dahil binigyan daan ang Kartilya na naisulat ni

Jacinto.

B. Emilio Jacinto1. Personal

o Isinilang sa mahirap na angkan sa Tondo, maynila noong

Disyembre 15, 1895.o Madalas na ipinanghihingi lamang nga kanyang ina sa mga

maykayang kamag-anak at sa mga inihilot ng kanyang ina.o Bata pa lamang si Jacinto ay kinakitaan na siya ng marubdob

na pagmamahal sa bayan.

1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso.

2. Lagaing isaisip na ang tunay na pag-ibig sa diyos an gang

Pag-ibig sa bayan at sa kapwa tao.

3. Ang lahay ng mabubuti mong hangarin ay makakamtan

kung ikaway mahinahon, matiyaga, makatwiran at may

pag-asa sa iyong gawain.

4. Pangalagaang katulad ng iyong buhay na nasa pangabinb

sa pagpupumilit na matupad ang isang marangal na

hangarin, kahit mapilitang ihnadog mo ang sariling buhay

at yaman.

5. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa

pagpupumilit na matupad ang isang marangal na

hangarin, kahit mapilitang ihandog mo ang sariling buhay

at yaman.

6. Bayaang ang sariling pag-uugali at pangingilos sa

pagtupad n gating tungkulin ay maging uliran ng iba.

7. Bahaginan mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taongkulang-palad sa loob ng iyong makakaya.

8. Ang pagsusumikap at pagpipilit nakumita ng ikabubuhay

ay nagpapahayg ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa

asawa, anak, kapatid at kababayan.

9. May Parusa sa bawat salarin at taksil at gantimpala sa

lahat ng mabubuting gawa. Manalig na ang pinupuntahan

ng K.K.K. ay kaloob ng Maykapal, samakatuwid ang

hangad ng bayan ay hangad din niya.

Page 7: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 7/13

o Tahimik sa paaralan ngunit ang katapangan ay naibubulalas sa

sandaling kinakailangan.o Natigil sa pag-aaral noong sumiklab ang digmaan.

o Sa edad na 20 ay umanib na siya sa Katipunan.

o Kinalugdan ni Bonifacio sa kadahilanang may ugaling

mahinahon mag-isip ngunit mapusok sapagkat ang kanyangmga mungkahi ay lubos na pinahahalagahan ni Bonifacio kaya’t

nahirang bilang punong sanggunian ni Bonifacio.o Isang mahusay na manunulat .

o Nalathala ang kanyang mga akdang naisulat sa pahayang

Kalayaan ( opisyal na pahayagan ng KKK)o May mga sagisag- panulat na “Dimasilaw” 

o Kinilalang Utak ng Katipunan sa kadahilalang siya ang

naghahanda at sumusulat ng mga patalastas, saligang batas atiba pang kautusan sa Katipunan.

o Namatay noong Abril 6, 1899 sa kasagsagan ng pagtatanggol

sa bayan.

2. Mga akdang Naisulat

o Kartilya ng Katipunan

Naglalaman ng kautusan ng mga kaanib ng Katipunan na

dapat sundin ng mga kasapi.

1. “Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malakiat banal na kadahilanan ay kahoy na walanglilim, kundi (man) damong makamandag."

2. "Ang gawang magaling na nagbubuhat sapaghahambog o pagpipita sa sarili(paghahangad na makasarili), at hindi talagang

nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan."

3. "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat angbawat kilos, gawa't pangungusap sa talagangkatuwiran."

4. "Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahatng tao'y magkakapantay; mangyayaring angisa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda;ngunit di mahihigitan sa pagkatao."

5. "Ang may mataas na kalooban, inuuna ang(dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; angmay hamak na kalooban, inuuna ang pagpipitasa sarili sa puri."

6. "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa."

7. "Huwag mong sayangin ang panahon; ang ya-mang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit

panahong nagdaan na'y di na muli pang magda-daan."

8. "Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin (laba-nan) ang umaapi."

9. "Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sabawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapatipaglihim

10. "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyangpatnugot ng asawa at mga anak; kung ang uma-aka a tun o sa sama an a tutun uhan n

Page 8: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 8/13

11. "Ang babae ay huwag mong tingnang isangbagay na libangan lamang, kundi isang katuwang atkaramay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay;gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang(pisikal na) kahinaan, at alalahanin ang inang

pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.” 

12. "Ang di mo ibig gawin (ng iba) sa asawa mo,anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa,anak at kapatid ng iba."

13. "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari,wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sapagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas nakalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahalna tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi

ang sariling wika, yaong may magandang asal, mayisang pangungusap, may dangal at puri, yaong dinagpapaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan

14. "Paglaganap ng mga aral na ito, at maningningna sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sakaaba-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamisniyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi'tmagkakapatid, ng ligayang walang katapusan, angmga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis nakahirapa'y labis nang matutumbasan."

Page 9: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 9/13

o Liwanag at Dilim

Ito ay katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang

paksa tulad ng Ang Ningning at Liwanag, Ang tao’y

Magkakapatay, Kalayaan, Ang Pag-ibig, Ang Bayan at ang

Pinuno, Ang Gumawa at Ang Maling Pananampalataya.

C. Apolinario Mabini

1. Personal

o Isinilang sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 22, 1864.

o Maagang ipinasok sa paaralan si Mabini ng kanyang mga

magulang dahil kinapansinan siya ng hilig sa pag-aaral ngunit

nagpatigil-tigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan.

oNakapagpatuloy ng pag-aaral sa mataas na paaralang pribadoat isa na rito ang paaralang San Juan de Letran at natapos

niya ang kursong Batsilyer ng Sining noong 1885.

o Ipinagpatuloy ang pag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng

Sto.Tomas dahil hilig niya ito.

oAng mga naging trabaho ni Mabini upang matustusan lamang

ang kanyang pag-aaral sa UST;

• Naging guro sa munting paaralan ni M. Viray.

• Naging utusan sa isang patahian

• Naging katulong sa Notario ni Numeriano Adriano.o Natapos niya ang abogasya ngunit dinapuan siya ng

karamdamang paralisis noong 1890 na sanhi ng kanyang

pagkalumpo.

o Naging patnugot ng mga akdang nakasulat sa kastila at

tagalog na may temang nauukol sa politika, pamahalaan at

pilosopiya.

o Ginamit niya ang sagisag-panulat na KATABAY.

 “Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi

ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t

sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang

kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot,

ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig

ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t

bulaang karangalan.” 

Halaw sa bahagi ng akdang Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto

Page 10: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 10/13

o Nang magsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano siya ay

dinakip,sa halip na sa bilangguan dinala siya sa ospital dahil sa

kanyang kalagayan.

o Nabigyan ng amnestiya kaya’t nakalaya noong Mayo 17,1897

sa pamamagitan ni Gob. Primo de Rivera.

o Noong 1901 ipinatapon siya sa Guam ni Hen McArthur.

o Nagbalik noong 1903 sa kadahilalang dinapuan siya ngmabigat na karamdaman. Siya ay dinapuan ng Kolera na

nagbunga ng kanyang kamatayan.

o Binansagang UTAK NG HIMAGSIKAN at Nabuhay sa sagisag

na dakilang Lumpo.

2. Mga akdang Naisulat

o El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos)

Akdang naglalarawan ng tagapaglaganap ng

pagkamakabayan o nasyonalismong Pilipino. May mga tagubilin

bilang pagpapaalala. Naglalaman ito ng mga tuntuning moralupang maging mapagmahal sa katotohanan, katarungan at

kasipagan.

1. Ibigin mo si Bathalà at ang iyóng̃kapurihán

nang higít sa lahát ng̃bagay.

2. Sambahín mo si Bathalà, nang ukol sa lalong̃

minamatuwíd at minamarangal ng̃iyong̃budhî.

3. Palusugín mo ang mg̃a piling̃kayamanan na

ipinagkaloób sa iyó ni Bathalà.

4. Ibigin mo ang iyóng̃bayan ng̃sunód kay

Bathalà, sa iyóng̃kapurihán, at higit sa iyóng̃

sarili.

5. Pagpumilitan mo ang ikagiginhawa ng̃iyóng̃

bayan bago ang kaginhawahan mong̃sarili.

6. Pagpilitan mo ang pagsasarilí ng̃iyóng̃bayan.

7. Huwag mong̃kilalanin sa iyóng̃bayan ang

kapangyarihan nino mang tao na dî mo pilì at ng̃

iyóng̃mg̃ a kababayan.

8. Pagpilitan mo na ang iyóng̃bayan ay magíng̃

isáng̃República at huwág mong̃tulutan kailán

mang magíng̃Monarquia.

9. Ibigin mo ang kapwà nang gaya ng̃pagibig mo

sa sarili.

10.Laging̃titignán mo ang kababayan ng̃higit ng̃

kauntî sa iyóng̃kápuwá.

Page 11: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 11/13

Talastas ko't walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna;

nguni't lalong talos na di naaakma na sa bayang iya'y makisalamuha.

Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya'y napipiit; nguni't kung

ang baya'y payapa't tahimik aliping busabos na pinaglalait.

Ah! pag nakipag-isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting kaul-ulan o

kun dili kaya'y magpapakamatay, pag hindi sa utos ng Dios sumuay.

At kung ang balang na ay waling bahala at ipatuloy mo kaul-ulang nasa,

haharanging pilit ng dugong naglawa ng mga anak mong lubos na naaba.

Sasabihin niya'y, tigil at huag ka na magpapatibulid sa ikamumura pagka't ng

ikaw lama'y guminhawa kaya ibinuhos ang madlang parusa.

Di ko hinahangad na ikaw'y lumabas sa kampo ng walang kahusaya't sangkap,

pagka't talastas kong matuid ang landas at mahahatid ka sa pagkapahamak.

Ang inoola ko'y dili iba't ito mag-isa ang loob ng lahat ng tawo, sa loob ng

bayan at sa bawa't barrio ay biglang maghalal ng isang Pangulo.

Ang mga Pangulo ay mangag-uusap Pipili ng Punong lalong nararapat

Humusay ng gulo, magtuto sa lahat At tumayo naman sa bayang nag-atas.

Ang mga Pangulo habang naghuhusay ng sa isa't isang mga kaibigan,

hinahanap naman nitong Punong bayan ang Punong nahalal sa mga kahangan.

At kung matuklasa'y biglang pupulungin pagkakaisahin ang Punong susundin

at sa kabayana'y lalong tatanghalin sampong tagatayo na kikilalanin.

Ytong tagatayo'y kusang maglalakbay, tutunguhin niya ibang kabayanan at

kung matagpuan mga kababaya'y ipakikita na dalang kasulatan.

Halaw sa bahagi ng Sa Bayang Pilipino ni Apolinario Mabini

o Sa Bayang Pilipino (SA BAYANG FILIPINAS)

Ito’y salin buhat sa akda niyang sinulat na kastila na El

Pueblo Filipino. Tula na inihandog sa bayan.Baga mat mahina at akoy may saquit kinusa ng loob, bayang inibig na

ipagparali ang laman ng dibdib di na alintana ang madlang ligalig.

Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay, sa

pagka't di natin dapat pabayaan iba ang kumabig ating kapalaran.

Tingni't nagdadaang halos magpangabot mga kababalaghang pakita ng Dios,

tingni yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.

Sapagkat ng una'y kaniyang nasasakupan malalaking bayang nadaya't

nalalang, kaya naman ngayo'y pinagbabayaran ang nagawang sala sa

sangkatauhan.

Page 12: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 12/13

D. Jose Palma

1. Personalo Kawal ng himagsikan na isinilang sa Tundo, Maynila noong

Hunyo 6, 1876.

o May angking kahusayan sa pagsulat ng tula kung kaya’t

hinangaan siya kahit na noong nag-aaral pa sa Pamantasang

Ateneo.

o Tinaguriang “Ang mandirigmang umaawit sa gitna ng labanan.” 

o Ginamit niya ang sagisag-panulat na DAPITHAPON.

2. Mga akdang Naisulat

o  Himno Nacional Filipino Tierra adoradaHija del Sol de Oriente

Su fuego ardienteEn ti latiendo esta

Patria de AmoresDel Heroismo cuna

Los InvasoresNo tel hollaran jamas

En tu azul cielo, en tus auras

En tus montes y en to marEspelnde y late el poema

De tu Amada libertad

Tu pebellon, que en los lides,La Victoria ilumino

No vera nunca apagadosSus estrellas y su sol

Tierra de dichas, de sol y amoresEn tu regazu dulce es vivir;

Es una Gloria par tus hijos,Cuando te ofenden, por ti mortar.

Page 13: Panahon ng Himagsikan.doc

7/14/2019 Panahon ng Himagsikan.doc

http://slidepdf.com/reader/full/panahon-ng-himagsikandoc 13/13

o Melancholias ( Mga Panimdim)

Ito ay pamagat ng kanyang aklat na katipunan ngkanyang mga tula.

IV. Kaugnayan sa Kasalukuyan

Naging maalab at mapanuligsa ang mga panitikan sa panahon ng

himagsikan. Nariyan ang mga akda na gumising sa mga isip at damdamin

ng mga Pilipino upang labanan ang mga pagpapahirap, pananakop, at

pagsakop ng kastila at amerika sa Pilipinas. Tunay ngang malaki ang

bahagi nito upang gisingin, lumaban at maghimagsik.

Sa kasalukuyan, mahalaga pa rin na mayroon tayong mga akda na

lumalaban sa ating mga karapatan. Lumalaban sa mga mapang-aping

sektor ng lipunan. Gamitin natin ang ating isip at panitik upang maibulalas

ang ating nararamdaman. Maging sandigan natin ang mga akda na

nagpatindig, nagpalago ng ating

kasaysayan at panitikan. Maging bukas ang ating isipan sa

mapagsamantalang lipunan at mamamayan, Higit sa mga dayuhan.

Magkaroon tayo ng orihinalidad sa pagsulat ng akda.

Ipagpatuloy natin ang ipinaglaban ng ating mga kababayan na hindi

natakot kalabanin ang mapagsamantala sa pamamagitan ng malawak na

imahinasyon at inilabas sa pamamagitan ng panitik o pagsulat. Gamitin

natin sila bilang inspirasyon at kanilang mga akda na lumaban ng nasa

tama at ayon sa itinakda ng tunay na lipunan. Huwag tayong matakot

magpahayag at magsiwalat ng ating saloobin sa pamamagitan ng pagsulat

na siyang magsisiwalat sa ating nakikita, naririnig, nababasa at

napapanood, upang lumago at maipagmalaki ang Panitikang Filipino.