2
Ama Namin Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo; sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masasama. Amen. P - Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, lakas ka ng mga walang inaasahan kundi ikaw. Ang pagluhog namin ay iyong pagbigyan sapagka’t kami’y mga tao lamang na pawang mahihina kapag iyong iniwanan kaya naman kami’y lagi mong tulungan upang sa pagtupad ng iyong mga kautusan ikaw ay aming mabigyang kasiyahan sa aming iniisip at ginagawa araw-araw sa pamamagitan ni Jesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B - Amen. P - Sumainyo ang Panginoon. B - At sumaiyo rin. Pagbabasbas P - Yumuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas. (Tumahimik) Ilayo nawa kayo sa lahat ng makapipinsala at pagpalain nawa kayo ng bawat mabuti at ganap na kaloob ng Diyos ngayon at magpasawalang hanggan. B - Amen. P - Pamalagiin nawa niyang nananahan ang kanyang Salita sa inyong kalooban at puspusin nawa niya kayo ng kaligayahang walang hanggan. B - Amen. P - Patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagtahak sa kanyang landas upang lagi ninyong mabatid kung ano ang tama at marapat samantalang kayo ay naglalakbay patungo sa kalangitan na kanyang pamana magpasawalang hanggan. B - Amen. P - Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, () Ama, at Anak, at Espiritu Santo. B - Amen. P - Humayo tayo sa kapayapaan ng Panginoon. B - Salamat sa Diyos. prepared by: Fr. Peter Miles Sollesta, PMS Pasasalamatan kita nang buong puso ko. O Panginoon, pagkat dininig mo ang binigkas ng labi ko. - Salmo 138:1

panalangin pasasalamat

Embed Size (px)

DESCRIPTION

a little booklet i prepared for a family asking for thanksgiving...

Citation preview

Page 1: panalangin pasasalamat

Ama Namin

Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin angkaharian mo; sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyanmo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mokami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala saamin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahatng masasama. Amen.

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)

Ama naming makapangyarihan, lakas ka ng mga walang inaasahan kundi ikaw. Ang pagluhognamin ay iyong pagbigyan sapagka’t kami’y mga tao lamang na pawang mahihina kapag iyonginiwanan kaya naman kami’y lagi mong tulungan upang sa pagtupad ng iyong mga kautusanikaw ay aming mabigyang kasiyahan sa aming iniisip at ginagawa araw-araw sa pamamagitanni Jesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P - Yumuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas. (Tumahimik)Ilayo nawa kayo sa lahat ng makapipinsala at pagpalain nawa kayo ng bawat mabuti at ganapna kaloob ng Diyos ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Pamalagiin nawa niyang nananahan ang kanyang Salita sa inyong kalooban at puspusinnawa niya kayo ng kaligayahang walang hanggan.B - Amen.

P - Patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagtahak sa kanyang landas upang lagi ninyongmabatid kung ano ang tama at marapat samantalang kayo ay naglalakbay patungo sakalangitan na kanyang pamana magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, (†) Ama, at Anak, at Espiritu Santo.B - Amen.

P - Humayo tayo sa kapayapaan ng Panginoon.B - Salamat sa Diyos.

prepared by: Fr. Peter Miles Sollesta, PMS

Pasasalamatan kita nang buong puso ko.

O Panginoon, pagkat dininig mo

ang binigkas ng labi ko.- Salmo 138:1

Page 2: panalangin pasasalamat

Antiphon: Maging laging masaya, manalangin nang walang-humpay at mag­

pasalamat sa lahat ng pagkakataon. Ito ang gusto ng Diyos para sa inyong na

kay Jesu– Kristo. (1 Tes. 5:18)

Ang Tanda ng Krus: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Amen.

P - Purihin natin ang ating Panginoong Diyos na siyang mayaman sa habag at umaapaw sa pag-ibig. Nawa ang kaloob niyang kaligtasan ay laging sumainyo.B - At sumaiyo rin.

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapangyarihan, sa iyo nagmumula ang tanang kabutihan. Pagbigyan mo angaming mga kahilingan na sa iyong patnubay ang iyong mga kinalulugdan ay aming mapag-isipanat sa iyong pag-akay ang mga ito ay aming magampanan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo kasamang Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PAGBASA MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS. (Is. 63: 7-9)

Aawitin ko ang mga kagandahang-loob ni Yawe, at pupurihin siya sa kanyang mga kahanga-hangang gawa, alinsunod sa lahat ng kanyang ginawa para sa amin, sa kanyang malakingkabutihan sa angkan ng Israel, sa kanyang masaganang habag at kabutihang-loob. Pagkat sinabiniya: “Tunay ngang sila ang aking bayan, mga anak na sa aki’y hindi magtataksil.” Kaya siya’ynaging Tagapagligtas nila sa lahat nilang kagipitan. Hindi isang sugo o anghel kundi siya mismoang nagligtas sa kanila. Sa kanyang pag-ibig at awa, sila’y tinubos niya, binuhat niya sila atpinasan sa lahat ng nagdaang panahon.

- Ang Salita ng DiyosB - Salamat sa Diyos

Salmong Tugunan (Dan 3)

T - Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.

1. Pinupuri ka namin, Panginoon; Diyos ng aming mga ninuno;/ karapat-dapat kangipagdangal at dakilain magpakailanman./ Purihin ang iyong banal at maluwalhatingpangalan,/ nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman. (T)

2. Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;/ lubhang karapat-dapat kang awitan atdakilain magpakailanman. (T)

3. Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono,/ karapat-dapat kang awitan at dakilainmagpakailanman. (T)

4. Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,/ nakikita mo ang kalaliman, angdaigdig ng mga patay./ Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman. (T)

5. Purihin ka sa buong sangkalangitan;/ karapat-dapat kang awitan at dakilainmagpakailanman. (T)

Mabuting Balita: Mt 5:1-12

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.B - Papuri sa iyo, Panginoon.

Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roonat lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila:

“Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.“Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.“Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.“Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.“Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.“Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.“Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng

Diyos.“Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.“Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin.

Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rinpinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.”

- Ang Mabuting Balita ng PanginoonB - Pinupuri ka namin Panginoong Jesu-Kristo

Panalanging Pasasalamat (lahat)

Pag-ibig na Dakila, ikaw lang ang may gawa.Salamat sa paglalakbay tungo sa buhay;sa bukas na pagtanggap sa espiritung namamangha;sa tubig ng buhay na ibinigay sa uhaw na bata;sa tupang sumama sa kambing na gala;sa bahay na puntahan ng mga langgam na kawawa;sa pag-akay sa mamang pilay;sa pag-ahon sa imburnal ng madla;sa agos sa sapang pinagpala na nagdadala ng balita;sa krus ng kahirapa'y ikaw ay umagapay;sa liwanag para sa pusong bulag at marangya;sa intrumento ng pagpapala, biyayang ipinagkaloob,itinakda para makuha grasyang tinitingala;Panginoon ng Pasasalamat, ikaw lang ay sapat na.ikaw ay may gawa . Dakilang mundo ng biyaya.Kayamanang namana sa Diyos Ama sa araw-araw dapat ay lumala ng karamiha'y tulad kongnasira,napariwara bumalik, nakabalik sa kagalakang, kapayapaang, kaliwanagang nababaliwalanabaliwala.Salamat, salamat Diyos na dakila. Kasama si Kristo at Maria dito, ngayon at kailanman.Amen.