16
PANALANGIN SA TAKIPSILIM N: O Diyos, halina at ako’y tulungan. B: O Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay. N: Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo. B: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN SA TAKIPSILIM

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

PANALANGIN SA TAKIPSILIM

N: O Diyos, halina at ako’y tulungan.

B: O Panginoon, magmadali ka sa iyong pagdamay.

N: Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo.

B: Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

 

Page 2: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

BUKSAN ANG AMING PUSOBuksan ang aming pusoTuruan mong mag-alabSa bawat  pagkukuroLahat ay magkayakap

 KORO:

Buksan ang aming isipSikatan ng liwanag

Nang kusang matangkilikTungkulin mabanaag

 Buksan ang aming palad

Sarili’y maialayTulungan mong ihanapKami ng bagong malay 

Page 3: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

N: ANTIPONA 1: Pupurihin kita araw-araw, Panginoon, at ihahayag ang iyong mga kabutihan.

 

SALMO 145(Pagpupuri sa Kadakilaan ng Diyos)

 Kanan:

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, Di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat.Aking pupurihi’t pasasalamatan siya araw-araw,Di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.Dakila ang Panginoonb, at karapat-dapat na siya’y purihin;Ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

 Kaliwa:

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,Ihahahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,At isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

 

Page 4: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

Kanan:Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita;Sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,Aawitin nila ang kabutihan mo’t iyong kabaitan.

 Kaliwa:

O itong Panginoon ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,Banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;Sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

 Kanan:

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalangLahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,At ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

 

Page 5: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

Kaliwa: Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,Mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi

magbabago. Lahat: (Papuri sa Ama at…) Lahat: Pupurihin kita araw-araw, Panginoon at ihahayag ang iyong

mga kabutihan.

N: ANTIPONA 2 : Sa iyo kami nagtitiwala, Panginoon, malapit ka sa mga

tumatawag sa iyo. 

Page 6: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

II

Kanan:Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat,Ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;Yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling.

 Kaliwa:

Lahat ng mga buhay ay tanging ang Panginoon ang inaasahan,Siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan.Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang;Anupa’t ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

 Kanan:

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;Kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.Siya’y nakikinig at handing tumulong sa lahat ng taoSa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

 Kaliwa:

Yaong kailangan niyong mga taong may takot sa kanya,Kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila.Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan;Ngunit ang masama’y wawasakin niya’t walang mabubuhay.

Page 7: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

Kanan:Aking pupurihin ang Diyos na Panginoon, di ko tutugutanSa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri

magpakailanman! Lahat: (Papuri sa Ama at…) Lahat: Sa iyo lamang kami nagtitiwala, Panginoon; malapit ka sa

mga tumatawag sa iyo.

N: ANTIPONA 3 :Haring walang hanggan, matuwid at totoo ang iyong mga daan.

 

Page 8: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

PAHAYAG 15:3-4 (AWIT NG PAGSAMBA) 

Kanan:Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,Dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!O Hari ng mga bansa,Matuwid at totoo ang iyong mga daan!

 Kaliwa:

Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?Sino ang tatangging magpahayag ng iyong kadakilaan?

 Kanan:

Ikaw lamang ang banal!Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo,Sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.

 Lahat: (Papuri sa Ama at…) Lahat: Haring walang hanggan, matuwid at totoo ang iyong mga

daan. 

Page 9: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS(Markos 1:29-39)

 Ang Pagpapagaling sa Maraming Tao

   Mula sa sinagoga, si Jesus, kasama sina Santiago at Juan, ay nagtuloy

agad sa bahay nina Simon at Andres.  Noon ay nakahigang nilalagnatang biyenan ni Simon at ito'y agad nilang sinabi kay

Jesus. Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda ng pagkain para sa

kanila.Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, dinala kay Jesus ang lahat ng

maysakit at ang mga sinasapian ng demonyo. Halos lahat ng mga tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay. Pinagaling ni Jesus ang

maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Pinalayas din niya ang mga demonyo, at hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito

sapagkat alam nila kung sino siya.Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar

kung saan maaari siyang manalanging mag-isa. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama nito, at  nang matagpuan siya ay sinabi nila, "Hinahanap po kayo ng mga tao." Ngunit sinabi niya sa kanila,

"Kailangang pumunta rin tayo sa mga karatig-bayan upang makapangaral ako roon. Ito ang dahilan ng pagparito ko."  Nilibot nga ni

Jesus ang buong Galilea. Nangaral siya sa kanilang mga sinagoga at nagpalayas ng mga demonyo.

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON

Page 10: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

Maikling Paliwanag

Pagninilay (Katahimikan)

Page 11: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

TUGUNAN

N; Namatay si Kristo para sa ating kasalanan upang sa Diyos maging alay.

B: Namatay si Kristo para sa ating kasalanan upang sa Diyos maging alay.

 N: Namatay siya sa mundong ito na

makasalanan, ngunit sa kapangyrihan ng Espiritu Santo ay muling nabuhay,

B: upang sa Diyos maging alay.  N: Papuri sa Ama, at sa Anak at sa

Espiritu Santo.B: Namatay si Kristo para sa ating kasalanan

upang sa Diyos maging alay. 

Page 12: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

PAPURING AWIT NI MARIA

N: ANTIPONA :Alalahanin mo, Panginoon, ang iyong awa, ang sumpang binitiwan sa aming mga magulang.

Page 13: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

 Ang puso ko'y nagpupuriNagpupuri sa Panginoon

Nagagalak ang aking espirituSa 'king Tagapagligtas

 Sapagkat nilingap Niya

Kababaan ng Kanyang alipinMapalad ang pangalan ko

Sa lahat ng mga bansa 

Sapagkat gumawa ang PoonNg mga dakilang bagay

Banal sa lupa't langitAng pangalan ng Panginoon

 Luwalhati sa Ama

Sa Anak at sa Espiritu SantoKapara noong unang-una

Ngayon at magpakailanman 

Ang Puso Ko’y Nagpupuri sa Panginoon

Lahat: Alalahanin mo, Panginoon, ang iyong awa, ang

sumpang binitiwan sa aming mga magulang.

Page 14: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

PANGKALAHATANG PANALANGIN 

N: Dumalangin tayo kay Kristo, ang pinagmumulan ng pag-asa ng lahat ng nakakakilala sa kanyang ngalan:

B: Panginoon, kami’y kaawaan. N: Kristo, sadyang mahina an gaming pagkatao,

Palakasin kami sa tulong ng awa mo.B: Panginoon, kami’y kaawaan. N: Sa aming sarili, likas kaming nahuhulog sa sala,

Ang iyong pag-ibig nawa ang magpanumbalik sa amin sa biyaya.

B: Panginoon, kami’y kaawaan. 

Page 15: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

N: Panginoon, labag sa iyong kalooban ang pagkakasala ngunit iyong kinalulugdan ang pagsisisi,Kahit sa aming pagkakasala, kami’y iadya sa kapurasahan.

B: Panginoon, kami’y kaawaan. N: Pinatawad mo ang nagsising makasalanan, at

pinasan sa balikat ang tupang nawala. Huwag ipagkait sa amin ang iyong awa.

B: Panginoon, kami’y kaawaan. N: Sa pamamagitan ng iyong pagkamatay sa krus,

binuksan mo ang pinto ng langit, Tanggapin sa iyong kaharian ang mga umasa sa iyo at nanabik.

B: Panginoon, kami’y kaawaan. N: Malaya nating maipapahayag ng malakas ang ating

mga panalangin. N: Awitin natin ang Ama Namin.

Page 16: PANALANGIN  SA TAKIPSILIM

PANGWAKAS NA PANALANGIN Ama,Kaloob mo’y kaligtasan sa sangkatauhan,Sa pamamagitan ng pagpapakasakit’Ni Kristong iyong Anak.Maialay rin nawa ng iyong bayan ang sarili sa iyoBilang buhay na handog at tigib ng pagpapalang

dulot ng pag-ibig mo.Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Jesu-

KristoKasama ng Espiritu Santo magpasawalang

hanggan.Amen.