28
ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno Pagsuporta sa Pamilya PEBRERO 11, 2006

Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL

SA MGA HULING ARAW

Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa PamumunoPagsuporta sa Pamilya

P E B R E R O 1 1 , 2 0 0 6

Page 2: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Salt Lake City, Utah

© 2006 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakaraan

Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang-ayon sa Ingles: 8/04Pagsang-ayon sa pagsasalin: 8/04

Page 3: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Mga NilalamanMahalaga ang Kasal sa Kanyang Walang Hanggang Plano. . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Elder David A. Bednar

Banal na Tungkuling Mahalin at Kalingain ang Bawat Isa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Elder L. Tom Perry

Ang mga Magulang ay may Banal na Tungkulin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Bonnie D. Parkin

Mga Tahanang Banal, mga Walang Hanggang Pamilya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18

Pangulong Thomas S. Monson

“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Page 4: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

E L D E R D AV I D A . B E D N A RNg Korum ng LabindalawangApostol

Ang Huwarang Pagsasama ng Mag-asawa Ayon sa Doktrina

Pinayuhan tayong mabuti ngUnang Panguluhan na pagsika-pan nating mabuti ang pagpa-

patibay ng kasal at ng tahanan. Anggayong tagubilin ay higit na kaila-ngan sa daigdig ngayon, dahil hina-hamak ang kabanalan ng kasal atbinabalewala ang kahalagahan ng tahanan.

Kahit sinusuportahan ng Simbahanat ng mga programa nito ang kasal atpamilya at karaniwan ay nagtatagum-pay dito, lagi nating tandaan ang ma-halagang katotohanang ito: walanganumang bagay o organisasyon na ma-kahahalili sa tahanan o makatutupadsa mahahalagang tungkulin nito.1

Dahil dito, magsasalita ako ngayon sainyo unang-una bilang kalalakihan atkababaihan, bilang mga asawa, at bi-lang mga ama’t ina—at ikalawa bilangmga lider ng priesthood at auxiliary saSimbahan. Ang tungkulin ko ay talaka-yin ang mahalagang papel ng kasal nawalang hanggan sa plano ng kaligaya-han ng ating Ama sa Langit.

Tutuon tayo sa kung ano ang huwa-rang pagsasama ng mag-asawa ayon sadoktrina. Umaasa ako na ang pagrere-byu ng ating mga walang hanggang po-sibilidad at paalala kung sino tayo atbakit tayo narito sa mortalidad ay mag-bibigay ng direksyon, kapanatagan, atpag-asa sa ating lahat, may asawa mantayo o wala o anuman ang kalagayannatin ngayon. Kung minsa’y parang ma-laki ang kaibhan ng huwarang pagsasa-ma ng mag-asawa ayon sa doktrina satunay na nangyayari sa buhay sa araw-araw, pero unti-unti kayong humuhu-say at bumubuti kaysa inaakala ninyo.

Nais kong isipin ninyo ang sumusu-nod na mga tanong habang tinatalakaynatin ang mga alituntuning nauugnaysa kasal na walang hanggan.

Unang tanong: Sa sarili kong bu-hay, sinisikap ko bang maging masmabuting asawa, o naghahanda ba akong mag-asawa, sa pamama-gitan ng pag-unawa at pamumu-hay ng mga pangunahingalituntuning ito?

Ikalawang tanong: Bilang liderng priesthood o auxiliary, tinutulu-ngan ko ba ang mga pinaglilingku-ran ko na maunawaan atmaisagawa ang mga pangunahingalituntuning ito, para tumibay ang pagsasama ng mag-asawa at pamilya?

Habang mapanalangin nating pinag-iisipang mabuti ang mga tanong naito at gayundin ang ating relasyon saating asawa at mga responsibilidad sa Simbahan, pinatototohanan ko na bibigyang-liwanag ng Espiritu ngPanginoon ang ating isipan at ituturosa atin ang mga bagay na dapat natinggawin at pagbutihin (tingnan sa Juan14:26).

Bakit Mahalaga ang KasalSa “Ang Mag-anak: Isang

Pagpapahayag sa Mundo,” ipinahayagng Unang Panguluhan at Konseho ngLabindalawang Apostol “na ang kasalsa pagitan ng isang lalaki at ng isangbabae ay inordena ng Diyos at angmag-anak ang sentro ng plano ngTagapaglikha para sa walang hanggangtadhana ng Kanyang mga anak.”2

Maraming itinuturo sa atin ang maha-lagang pangungusap na ito sa pagpa-pahayag tungkol sa kabuluhan ngkasal ayon sa doktrina at binibigyang-diin ang pangunahing kahalagahan ngkasal at pamilya sa plano ng Ama. Angmatwid na pag-aasawa ay isang utos at

2

Mahalaga angKasal sa KanyangWalang HanggangPlano

LARA

WAN

SA

PABA

LAT

NI C

RAIG

DIM

ON

D;

LARA

WAN

G K

UH

A N

INA

WEL

DEN

C. A

ND

ERSE

N A

T JO

HN

LU

KE, M

ALIB

AN K

UN

G IB

A AN

G N

AKAS

AAD

; LA

RAW

AN N

G M

AG-A

SAW

A N

A N

ASA

DU

YAN

AT

MG

A SI

NG

SIN

G N

A PA

NG

KASA

L N

I RO

BERT

CAS

EY,

HIN

DI M

AAAR

ING

KO

PYAH

IN

Page 5: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

mahalagang hakbang para mag-karoon ng pagmamahalan sa pa-milya na maitutuloy hanggang sakabilang buhay.

Dalawang malalaking dahilanayon sa doktrina ang nagpapaunawasa atin kung bakit mahalaga ang kasal na walang hanggan sa plano ng Ama.

Unang dahilan: Ginagawang lu-bos at ganap ng katangian ng mgaespiritu ng lalaki’t babae ang isa’tisa, kaya’t nilayon na magkasa-mang umunlad ang mga lalaki’t babae tungo sa kadakilaan.

Ang likas na kawalang-hanggan atkahalagahan ng kasal ay lubos na ma-uunawaan lamang sa pangunahingkonteksto ng plano ng Ama para saKanyang mga anak. “Lahat ng tao—lalaki at babae—ay nilalang sa larawanng Diyos. Bawat isa ay minamahal na

espiritung anak nalalaki o anak na babaeng mga magulang na nasa langit at . . .may katangian at tadhana na tulad ngsa Diyos.”3 Ang dakilang plano ng kali-gayahan ang nagbibigay-daan paramagkaroon ng pisikal na katawan angmga espiritung anak na lalaki at anakna babae ng Ama sa Langit, magtamong karanasan sa mundo, at umunladtungo sa kaganapan.

“Ang kasarian ay isang mahalagangkatangian ng pagkakakilanlan at layu-nin ng isang tao sa kanyang buhaybago pa ang buhay niya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walanghanggan”4 at nililinaw kung sino tayo,bakit tayo narito sa lupa, at ano anggagawin natin dito at kahihinatnan

natin. Dahil sa mga ba-nal na layunin, ang espi-ritu ng lalaki’t babae ay

magkaiba, natatangi, atmagkabagay.

Matapos likhain ang mundo, inila-gay si Adan sa Halamanan ng Eden.Gayunman, ang mahalaga ay sinabi ngDiyos na “hindi mabuti na ang lalaki aymag-isa” (Genesis 2:18; Moises 3:18),at si Eva ang naging kasama at katu-wang ni Adan. Ang natatanging kombi-nasyon ng espirituwal, pisikal, mental,at emosyonal na mga kakayahan kap-wa ng mga lalaki at babae ay kinaila-ngan para ipatupad ang plano ngkaligayahan. Kung nag-iisa, hindi ma-gagampanan ng lalaki ni ng babae angmga layunin ng pagkalikha sa kanya.

Sa banal na plano, ang mga lalaki’tbabae ay nilayong umunlad na magka-sama tungo sa kaganapan at puspos

PEBRERO 2 0 0 6 3

Page 6: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

na kaluwalhatian. Dahil sa magkaibanilang mga pag-uugali at kakayahan,hatid ng mga lalaki’t babae sa pagsa-sama nila ang mga natatanging pananaw at karanasan. Magkaibangunit magkapantay ang ambag nglalaki at babae tungo sa pagkakaisana hindi makakamit sa ibang paraan.Ginagawang lubos at ganap ng lalakiang babae at ginagawang lubos at ga-nap ng babae ang lalaki, habang na-tututo at lumalakas at pinagpapalanila ang isa’t isa. “Gayon man, angbabae ay di maaaring walang lalakeat ang lalake ay di maaaring walangbabae, sa Panginoon” (I Mga TagaCorinto 11:11; idinagdag ang pagka-hilig ng mga titik).

Ikalawang dahilan: Ayon sa ba-nal na plano, kapwa kailangan anglalaki at babae para magsilang ngmga anak sa mortalidad at ibigayang pinakamainam na lugar sapagpapalaki at pag-aaruga ng mgaanak.

Ang utos na ibinigay noon kinaAdan at Eva na magpakarami at kala-tan ang mundo ay nananatiling maybisa ngayon. “Iniutos ng Diyos naang banal na kapangyarihang lumik-ha ng bata ay nararapat lamang ga-win ng lalaki at babae, na ikinasalbilang mag-asawa ayon sa batas. . .Ang paraan ng paglikha ng buhay na mortal ay itinakda ng Diyos.”5

Kaya nga, ang kasal sa pagitan ngisang lalaki at isang babae ang awto-risadong paraan para makapasok ang mga espiritu sa mortalidad. Anglubos na pag-iwas sa pakikipagseksbago ikasal at lubos na katapatanpagkatapos makasal ang nangangala-ga sa kabanalan ng sagradong para-ang ito.

Ang tahanang may mapagmahal at tapat na mag-asawa ang pinakama-gandang lugar kung saan mapapalaki

ang mga anak sa pagmamahal at kabutihan at matutugunan ang espi-rituwal at pisikal na mga pangangai-langan ng mga anak. Kung gaanokahalaga ang tulong ng mga natata-nging katangian kapwa ng mga lalakiat babae sa pag-kalubos ng

pagsasama ng mag-asawa, gayundinkahalaga ang mga katangiang iyon sapagpapalaki, pag-aaruga, at pagtutu-ro sa mga anak. “Ang mga anak aymay karapatang isilang sa loob ngmatrimonyo at palakihin ng isangama at isang ina na gumagalang nangbuong katapatan sa pangakong kani-lang ginawa nang sila ay ikasal.”6

Mga Gabay na AlituntuninAng nirebyu nating dalawang

dahilan ayon sa doktrina tungkol sa kahalagahan ng kasal na walanghanggan sa plano ng kaligayahan ng Ama ay nagmumungkahi ng mga

gabay na alituntunin para sa mga ta-ong naghahandang magpakasal, samga kasal na, at sa paglilingkod natinsa Simbahan.

Unang alituntunin: Ang kahala-gahan ng kasal na walang hangganay mauunawaan lamang sa kon-teksto ng plano ng kaligayahan ng Ama.

Madalas nating pag-usapan at itam-pok ang kasal bilang pangunahing yu-nit ng lipunan, bilang pundasyon ngmatatag na bansa, at bilang mahala-gang institusyon ng lipunan at kultu-ra. Ngunit ipinauunawa sa atin ngipinanumbalik na ebanghelyo na ito’yhigit pa rito!

Hindi kaya tinatalakay natin angkasal nang hindi man lang itinuturoang kahalagahan ng kasal sa plano ngAma? Ang pagbibigay-diin sa kasalnang hindi ito iniuugnay sa simple atpangunahing doktrina ng plano ngkaligayahan ay hindi magbibigay ngsapat na patnubay, proteksyon, o pag-asa sa mundong lalong nalilito at su-masama. Makabubuting alalahaninnatin ang turo ni Alma—na “angDiyos ay nagbigay sa [mga anak ngtao] ng mga kautusan, matapos mai-paalam sa kanila ang plano ng pagtu-bos” (Alma 12:32; idinagdag angpagkahilig ng mga titik).

Napakaganda ng paliwanag niElder Parley P. Pratt tungkol sa mgabiyayang dumarating sa atin kapagnatututuhan, nauunawaan, at sinisi-kap nating ipamuhay ang huwarangpagsasama ng mag-asawa ayon sadoktrina:

“Si Joseph Smith ang nagturo saakin kung paano pahalagahan angpagmamahalan ng ama’t ina, mag-asawa; ng magkapatid, ng anak nalalaki’t babae.

“Sa kanya ko nalaman na ang pinakamamahal kong asawa ay

4

Binanggit ni Elder Parley P. Pratt ang

mga pagpapalang dumarating

habang natututuhan at nauunawaan

natin, at sinisikap na ipamuhay ang

huwarang pagsasama ng mag-asawa

ayon sa doktrina.

Page 7: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

makakasama ko sa buhay na ito at sabuong kawalang-hanggan; at ang da-lisay na kabaitan at pag-ibig na nagla-pit sa amin sa isa’t isa ay nagmula sabukal ng banal at walang hanggangpag-ibig. . . .

“Umibig na ako noon, pero hindiko alam kung bakit. Ngunit ngayo’yumibig ako—nang dalisay—matindiat dakilang damdamin, na mag-aangat sa aking kaluluwa mula sapansamantalang buhay na ito at mag-papalawak tulad ng karagatan. . . . Samadaling salita, kaya ko na ngayongmagmahal nang buong kaluluwa atmay pag-unawa.

“Gayunman, noong panahongiyon, ang pinakamamahal kong kapa-tid na si Joseph Smith, ay . . . inangatlang ang isang dulo ng tabing at pina-silip ako sa kawalang-hanggan.”7

Bilang mga lalaki’t babae, bilangmga mag-asawa, at bilang mga liderng Simbahan, nakikita ba natin kungpaano mauunawaan lamang ang ka-halagahan ng kasal na walang hang-gan sa konteksto ng plano ngkaligayahan ng Ama? Ang doktrinang plano ang umaakay sa mga lalaki’tbabae na umasa at maghanda para

sa kasal na walang hanggan, at nada-daig nito ang mga pangamba at kawalang-katiyakan na maaaring maging dahilan ng pagpapaliban o pag-iwas ng ilang tao sa kasal. Angwastong pagkaunawa sa plano aynagpapalakas din sa ating pasiyangpatuloy na igalang ang tipan ng kasalna walang hanggan. Ang sarili natingpagkatuto, pagtuturo, at pagpapa-totoo kapwa sa tahanan at saSimbahan ay madaragdagan sa pag-ninilay natin at higit na pag-unawa sa katotohanang ito.

Ikalawang alituntunin: Hangadni Satanas na maging kaaba-abangtulad niya ang lahat ng lalaki atbabae.

Walang tigil si Lucifer sa pag-atakeat pagbaluktot sa mga doktrinang pi-nakamahalaga sa atin, sa ating mgapamilya, at sa buong mundo. Saan iti-nutuon ng kaaway ang kanyang pina-kahayagan at pinakamasamang mgapag-atake? Hindi tumitigil si Satanasna lituhin ang pagkaunawa sa kasari-an, itaguyod ang wala sa panahon atdi-matwid na paggamit ng kapangya-rihang lumikha ng anak, at hadla-ngan ang matwid na pag-aasawa dahil

nga sa inorden ng Diyos ang kasal atang pamilya ang sentro sa plano ngkaligayahan. Ang pag-atake ng kaa-way sa kasal na walang hanggan aypatuloy na titindi, dadalas, at magi-ging masalimuot.

Dahil tayo ngayo’y nakikidigmapara sa kapakanan ng kasal at ng taha-nan, sa pinakahuling pagbabasa ko ng Aklat ni Mormon pinagtuunan kong pansin ang mga paraan ng mgaNephita sa paghahanda sa pakikidig-ma sa mga Lamanita. Napansin ko na“nalalaman [ng mga tao ni Nephi]ang layunin ng [kanilang kaaway], atkaya nga, sila ay naghanda na harapinsila” (Alma 2:12; idinagdag ang pagka-hilig ng mga titik). Sa pagbabasa ko atpag-aaral, nalaman ko na pag-unawasa layunin ng kaaway ay lubos nakailangan sa epektibong paghahanda.Dapat din nating isaisip ang layuninng ating kaaway sa digmaan sa mgahuling araw na ito.

Ang plano ng Ama ay nilayong pumatnubay sa Kanyang mga anak,tulungan silang lumigaya, at ligtas silang maiuwi sa Kanya. Ang layuninng mga pag-atake ni Lucifer sa planoay para lituhin at palungkutin angmga anak ng Diyos at pigilan ang ka-nilang walang hanggang pag-unlad.Pangunahing layon ng ama ng kasi-nungalingan na tayong lahat ay “ma-ging kaaba-abang katulad ng kanyangsarili” (2 Nephi 2:27), at sinisikap ni-yang baluktutin ang mga elemento sa plano ng Ama na labis niyang kina-mumuhian. Si Satanas ay walang ka-tawan; hindi siya makapag-aasawa; at hindi siya magkakapamilya. At pilitniyang sinisikap na ilito ang mga ba-nal na layuning itinakda ng kasarian,kasal, at pamilya. Sa buong mundo,nakikita natin ang dumaraming ebi-densya ng pagiging epektibo ng ga-wain ni Satanas.

PEBRERO 2 0 0 6 5

LARA

WAN

NG

BU

LAKL

AK A

T PA

MIL

YA N

I STE

VE B

UN

DER

SON

, HIN

DI M

AAAR

ING

KO

PYAH

IN;

LARA

WAN

NI P

ARLE

Y P.

PRAT

T, H

IND

I MAA

ARIN

G K

OPY

AHIN

Page 8: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Nito lang huli, tinangkang pagsa-mahin at gawing legal ng diyablo angpagkalito at maling ideya tungkol sakasarian at kasal. Sa pagtanaw natin sakabilang buhay at kawalang-hanggan,madaling maunawaan na ang huwadna mga alternatibong itinataguyod ngkaaway ay hindi kailanman hahantongsa pagiging kumpleto na naging po-sible dahil sa pagbubuklod ng isanglalaki’t isang babae, sa kaligayahangdulot ng matwid na pag-aasawa, sa ka-galakan sa mga inapo, o sa biyaya ngwalang hanggang pag-unlad.

Batid ang layunin ng ating kaaway,dapat tayong lalong mag-ingat sapaghahangad ng personal na inspi-rasyon kung paano natin pangangala-gaan at ililigtas ang ating kasalmismo—at paano natin matututuhanat maituturo ang mga tamang alitun-tunin sa tahanan at sa mga tungkulinnatin sa Simbahan tungkol sa walanghanggang kabuluhan ng kasarian atng ginagampanan ng kasal sa planong Ama.

Ikatlong alituntunin: Ang pinaka-malaking pagpapala ng pag-ibig atkaligayahan ay nakakamit sa pa-mamagitan ng tipan ng kasal nawalang hanggan.

Ang Panginoong Jesucristo angsentro sa tipan ng kasal. Pansinin nin-yo kung paano nakaposisyon angTagapagligtas sa pinakaitaas ng tatsu-lok na ito, na ang babae at lalaki aynasa magkabilang sulok sa ibaba.Isipin ngayon kung ano ang mangya-yari sa pagsasama ng lalaki’t babaehabang pareho silang unti-unting “lu-malapit kay Cristo” at nagsisikap namaging “ganap sa Kanya” (Moroni10:32). Dahil sa at sa pamamagitanng Manunubos, nagkakalapit ang lala-ki’t babae sa isa’t isa.

Habang napapalapit ang mag-asawasa Panginoon (tingnan sa 3 Nephi

27:14), habang natututuhan nilangpaglingkuran at mahalin ang isa’t isa,sa mga karanasan nila sa buhay at sa-bay sa pag-unlad at pagiging isa, athabang pinagpapala sila sa pagsasa-nib ng mga likas nilang katangian,matatanto nila ang katuparan ngmga hangarin ng ating Ama sa Langitpara sa Kanyang mga anak. Ang suk-dulang kaligayahan, na siyang pina-kamimithi ng plano ng Ama, aynatatanggap sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa kasal na walang

hanggan at paggalang dito.Bilang mga lalaki’t babae, bilang

mga mag-asawa, at bilang mga liderng Simbahan, isa sa pinakamahahala-gang responsibilidad natin ang tulu-ngan ang mga kabataang lalaki’tbabae na matuto at maghanda parasa matwid na pag-aasawa sa pama-magitan ng ating halimbawa. Kapagnakikita ng mga kabataang lalaki’tbabae ang pagkamarapat, katapatan,sakripisyo, at paggalang sa mga tipansa ating kasal, hahangarin ng mga kabataang iyon na sundin ang mgaalituntunin ding iyon sa kanilangpagliligawan at pagsasama bilangmag-asawa. Kapag napansin ng mga kabataan na inuuna natin angkatiwasayan at kaginhawahan ng

ating asawa sa kawalang-hanggan,mababawasan ang pagkamakasarilinila at higit silang magbibigay, magli-lingkod, at lilikha ng maayos at nagtatagal na pagsasama. Kapag naunawaan ng mga kabataang lalaki’tbabae ang paggalang sa isa’t isa, pag-mamahal, pagtitiwala, at pag-ibig sapagitan ng mag-asawa, sisikapin ni-lang magkaroon ng gayunding mgakatangian sa kanilang buhay. Masmaraming matututuhan ang atingmga anak at kabataan ng Simbahanmula sa ginagawa natin at kung anotayo—kahit kaunti lang ang natatan-daan nila sa sinasabi natin.

Nakakalungkot na marami sa mgabatang miyembro ng Simbahan nga-yon ang takot magpakasal at hindinaikakasal sa kawalang-hanggan da-hil napakarami nilang nakikitang di-borsiyo sa mundo at nasisirang mgatipan sa kanilang tahanan at saSimbahan.

Ang kasal na walang hanggan ayhindi lamang pansamantalang legal nakontrata na mapapawalang-bisa anu-mang oras sa halos anumang dahilan.Bagkus, ito’y sagradong pagkikipagti-pan sa Diyos na may bisa sa buhay na ito at sa buong kawalang-hanggan.Ang katapatan ng mag-asawa sa isa’tisa ay hindi lang dapat maging kaakit-akit na mga salitang binibigkas sa mgasermon; bagkus, dapat makita angmga alituntuning ito sa sarili nating tipan sa kasal.

Kapag isinasaisip natin sa kahala-gahan ng ating halimbawa, may nakikita ba tayong mga bagay na kailangan pa nating pagbutihin?Binibigyang-inpirasyon ba ng EspirituSanto ang ating isipan at pinalalam-bot ang ating puso at hinihikayat ta-yong kumilos at magpakabuti? Bilangmga lider ng priesthood at auxiliary,itinutuon ba natin ang ating mga

6

Lalong nagkakalapit ang mag-asawa

kapag patuloy na lumalapit ang bawat

isa sa kanila kay Cristo.

DET

ALYE

MU

LA S

A SI

YA’Y

NAB

UH

AY, N

I DEL

PAR

SON

, HIN

DI M

AAAR

ING

KO

PYAH

IN;

LARA

WAN

G K

UH

A N

I DER

EK IS

RAEL

SEN

, HIN

DI M

AAAR

ING

KO

PYAH

IN

Page 9: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

PEBRERO 2 0 0 6 7

gawain sa pagpapatibay ng pagsasa-ma ng mag-asawa at pamilya?

Kailangang magkasama ang mgamag-asawa para mapalakas ang kani-lang sarili at kanilang tahanan labansa pag-atake ng kaaway. Sa pagsisikapnating magampanan ang ating mgatungkulin sa Simbahan, hindi kaya natin nahahadlangan nang hindi sina-sadya ang mga mag-asawa at ama’tina sa pagtupad sa kanilang mga sa-gradong responsibilidad sa tahanan?Halimbawa, kung minsan ba’y nag-iiskedyul tayo ng mga miting at akti-bidad na hindi naman kailangan nanakakahadlang sa mahalagang pagsa-sama ng mag-asawa—at ng ugnayannila sa kanilang mga anak?

Habang taimtim nating pinag-iisipang mabuti ang mga tanong naito, tiwala ako na tumutulong angEspiritu kahit ngayon at patuloy ta-yong tutulungang matuto ng mga bagay na dapat nating gawin sa taha-nan at sa Simbahan.

Ang mga Espirituwal naMapagkukunan na Ating Kailangan

Ang mga responsibilidad natingalamin at unawain ang doktrina ngplano, tumulong at maging mga ha-limbawa ng matwid na pag-aasawa,at ituro ang mga tamang alituntuninsa tahanan at sa simbahan, ay maa-aring magpaisip sa atin kung kayanating gampanan ang tungkulin.Tayo’y mga pangkaraniwang taongdapat magsagawa ng tunay na pam-bihirang gawain.

Maraming taon na ang nakalilipas,abala kami ni Sister Bednar sa pagtu-gon sa napakaraming sabay-sabay na pangangailangan ng isang nagsisi-mula at masiglang pamilya—at ngSimbahan, trabaho, at mga responsibi-lidad sa komunidad. Isang gabi nang

makatulog na ang mga bata, matagalkaming nag-usap tungkol sa kung ga-ano kaepektibo naming naaasikasoang lahat ng mahahalaga naming pri-yoridad. Natanto namin na hindi na-min matatanggap ang pangakong mgabiyaya sa kawalang-hanggan kung hin-di namin lubos na igagalang ang ti-pang ginawa namin sa mortalidad.Kapwa kami nagdesisyong kumilos atmagpakabuti bilang mag-asawa. Angaral na iyon na matagal na naming na-tutuhan ay nagdulot ng malaking ka-ibhan sa aming pagsasama.

Ang matamis at simpleng doktrinang plano ng kaligayahan ay nagbibigayng mahalagang pananaw sa kawalang-hanggan at ipinauunawa sa atin angkahalagahan ng kasal na walang hang-gan. Mapalad tayo at nasa atin ang la-hat ng espirituwal na sangguniangkailangan natin. Nasa atin ang kabuu-an ng doktrina ni Jesucristo. Nasa atinang Espiritu Santo at paghahayag.Mayroon tayong mga nakapagliligtasna ordenansa, tipan, at templo.

Mayroon tayong priesthood at mgapropeta. Nasa atin ang mga banal nakasulatan at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. At nasa atin AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banalsa mga Huling Araw.

Pinatototohanan ko na mapaladtayo at nasa atin ang lahat ng espiritu-wal na sangguniang kailangan natinpara matuto, makapagturo, makapag-patatag, at maipagtanggol ang matwidna kasal—at talagang magkasama ta-yong mabubuhay sa kaligayahan bi-lang mga mag-asawa at pamilya sakawalang-hanggan. Sa sagradong pa-ngalan ni Jesucristo, amen.

MGA TALA1. Tingnan sa liham ng Unang Panguluhan,

Peb. 11, 1999; tingnan sa Liahona, Dis.1999, 1.

2. “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag saMundo,” Liahona, Okt. 2004, 49.

3. Liahona, Okt. 2004, 49.4. Liahona, Okt. 2004, 49.5. Liahona, Okt. 2004, 49.6. Liahona, Okt. 2004, 49.7. Autobiography of Parley P. Pratt, inedit ni

Parley P. Pratt Jr. (1938), 297–98.

Ang isa sa pinakamahahalagang responsibilidad natin ay tulungan ang mga

kabataang lalaki’t babae na matuto at maghanda para sa matwid na pag-

aasawa sa pamamagitan ng ating halimbawa.

Page 10: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Pagbabalanse ng Ating mgaResponsibilidad

A ng naitalagang paksa sa akin ayang sumusunod na pangungu-sap mula sa pagpapahayag sa

mag-anak: “Ang mag-asawa ay may ba-nal na tungkuling mahalin at kalingainang bawat isa at ang kanilang mgaanak.”1 Nais kong ituro ang paksang itosa kakaibang paraan kaysa sa nakasana-yan na ninyo sa ibang mga miting sapagsasanay sa pamumuno. Hindi ako

gaanong magbabanggit mula sa mgahanbuk; sa halip gusto ko kayong kau-sapin nang masinsinan tungkol sa pagli-lingkod ninyo sa kaharian ng ating Amasa Langit. Ang layunin nito ay ang mala-man kung sama-sama nating mas mau-unawaan kung paano mababalanse angating mga responsibilidad na mahalinat kalingain ang ating pamilya kasabayng iba pang mahahalagang tungkulingibinigay sa atin ng Ama sa Langit.

Nang itatag ang Simbahan noongAbril 6, 1830, tinanggap ni PropetangJoseph Smith ang paghahayag na na-katala ngayon bilang bahagi 21 ngDoktrina at mga Tipan. Mababasa saisang bahagi ng paghahayag:

“Masdan, may talaang iingatan sainyo; at sa mga ito ikaw ay tatawagingtagakita, tagapagsalin, propeta, isangapostol ni Jesucristo, elder ng simba-han sa pamamagitan ng kalooban ngDiyos Ama, at ng biyaya ng inyongPanginoong Jesucristo,

“Na pinupukaw ng Espiritu Santo upang itatag ang saligan niya-on, at itayo ito sa pinakabanal na pananampalataya. . . .

“Dahil dito, nangangahulugang angsimbahan, kayo ay tatalima sa lahat ngkanyang mga salita at kautusang ibibi-gay niya sa inyo tuwing siya ay tatang-gap ng mga ito, naglalakad nang buongkabanalan sa harapan ko;

“Sapagkat ang kanyang salita ayinyong tatanggapin, na parang mulasa sarili kong bibig, nang buong pag-titiis at pananampalataya” (D at T21:1–2, 4–5).

Kabilang sa mga unang tagubilingibinigay sa bagong tatag na Simba-hang ito ay sundin ang inspirasyon at paghahayag na nagmumula sa Pa-nginoon, sa pamamagitan ng Kan-yang propeta, sa pagtupad sa atingmga responsibilidad sa pagtatayo ngKanyang kaharian. Nangako Siyangpapatnubayan tayo sa landas na dapatnating tahakin upang isakatuparanang dakilang gawaing ito.

Ang Payo ng PropetaPalagay ko’y ibinigay sa atin ni

Pangulong Gordon B. Hinckley, naating propeta ngayon, ang susi upangmabalanse ang ating mga responsibili-dad sa naunang pandaigdigang pu-long sa pagsasanay sa pamumuno, na ginanap noong Hunyo 21, 2003. Sa brodkast na iyon ay sinabi niya:

“Nasa inyo . . . ang pribilehiyong kumatawan sa Manunubos ng daigdighabang isinusulong natin ang gawaingito. Nasa inyo ang pagkakataong magsalita tungkol sa kagandahan ng nagbabayad-salang dugo ngPanginoong Jesucristo para sa kapaka-nan ng Kanyang mga anak. May hihigitpa bang pribilehiyo rito?

“Magalak sa pribilehiyo ninyo.Hindi panghabang-panahon ang pag-kakataong ito. Di magtatagal at ta-nging alaala ng dakilang karanasanninyo ngayon ang mananatili.

“Walang sinuman sa atin ang

8

Banal naTungkuling Mahalinat Kalingain angBawat IsaE L D E R L . T O M P E R R YNg Korum ng Labindalawang Apostol

Page 11: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

makagagawa ng lahat ng nais nating ga-win. Ngunit gawin natin ang lahat ng pi-nakamainam nating magagawa. Panatagako na sasabihin ng Manunubos sa san-daling iyon, ‘Mabuting gawa, mabuti attapat na alipin’ (Mateo 25:21).”2

Kung naaalala ninyo, ipinaliwanagniya sa brodkast na iyon ang apat naresponsibilidad natin. Ang una ay tu-mutukoy sa paksang tatalakayin natinsa brodkast na ito. Sabi niya:

“Una, hindi ninyo dapat kaligtaanang inyong pamilya. Wala nang masmahalaga pa kaysa kanila. Ang inyongkabiyak at mga anak ay karapat-dapatpag-ukulan ng pansin ng asawa at amanila. Matapos ang lahat, ang ugnayangito ng pamilya ang dadalhin natin sakabilang buhay. Sa pagpapakahulugansa mga banal na kasulatang, ‘Sapagka’tano ang pakikinabangin ng tao, kungmakapaglingkod siya [nang tapat] saSimbahan at mawala naman ang kan-yang pamilya?’ (tingnan sa Marcos8:36)”3

Ito ang patuloy na mensahe ngating mga propeta mula pa noong

mga unang araw ng organisasyon ngSimbahan. Ang pinakamahalagang lu-gar para ituro ang ebanghelyo at pa-mumuno ay sa pamilya at tahanan.Kung susundin natin ang mga tagubi-ling ito, magbibigay tayo ng mgaasaynment at magpaplano ng mgaprograma, aktibidad, at klaseng pupu-no at tutulong sa ating mga pamilya.

Pagtatakda ng mga WastongPriyoridad

Ang paggamit natin ng ating orasat pagpapanatiling balanse ng atingbuhay ay mahalaga sa kahusayan ngpagganap natin sa ating mga tungku-lin sa pamilya at paglilingkod saSimbahan. Disiplinahin ang inyongsarili na sundin ang payo ng propetakung paano ninyo maipa-priyoridadang inyong oras.

Ang Inyong Asawa sa Kawalang-hanggan

Simulan sa pagtalakay sa inyongwalang hanggang asawa kung ilangoras ang kailangan ninyong gugulin

para mapatatag ang inyong pagsasa-ma, at maipakita ang pagmamahalninyo sa isa’t isa. Ito ang una ninyongpriyoridad.

Ang Simbahan ay tumutulong samga tao at pamilya na lumapit kayCristo at magtamo ng buhay na wa-lang hanggan. Ang buhay na walanghanggan ang pinakadakilang kaloobng Diyos sa Kanyang mga anak, at na-kakamtam lang ito sa isang ugnayanng pamilya. Ang ugnayang ito ay da-pat magsimula sa pag-iisa ng lalaki atbabae, na sagrado sa Panginoon atisang bagay na di dapat lapastanga-nin. Mahalaga ang tipan ng kasal saplano ng Panginoon at ito ang dahi-lan kaya Niya nilikha ang langit atlupa. Sa buong panahon ng kasaysa-yan, ibinigay Niya ang Kanyang sagra-dong batas upang pangalagaan atproteksyunan ang banal na pagsasa-ma ng mag-asawa.

Ang Inyong mga AnakIkalawa, isaisip ang espirituwal na

mga pangangailangan ng inyong mga

PEBRERO 2 0 0 6 9

Sa buong kasaysayan ng panahon, ibinigay Niya ang Kanyang sagradong batas upang pangalagaan at proteksyunan ang

banal na pagsasama ng mag-asawa.

LARA

WAN

G K

UH

A N

I RO

BERT

CAS

EY, H

IND

I MAA

ARIN

G K

OPY

AHIN

Page 12: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

anak. Ilang oras ba ang kailangan paramakatiyak na magiging malapit kayo sakanila? Responsibilidad ninyong mgaama’t ina na mag-ukol ng sapat na oraspara turuan sila, dahil ang pinakamaha-lagang tagubiling matatanggap ng in-yong mga anak kahit kailan ay dapatmagmula sa kanilang mga magulang.Kailangan tayong maging pamilyar saitinuturo ng Simbahan sa ating mgaanak upang makaayon tayo sa turongiyon sa pagtuturo natin sa bawat anak.Halimbawa, ganito ang payo sa mga ka-bataan tungkol sa pamilya sa polyetongPara sa Lakas ng mga Kabataan, sapagsipi sa pagpapahayag sa mag-anak:

“Ang kaligayahan sa buhay ng mag-anak ay lalong higit na makakamit kapag isinalig sa mga turo ngPanginoong Jesucristo. Ang mga ma-tagumpay na buhay mag-asawa atmag-anak ay itinatatag at pinananatilisa mga alituntunin ng pananampala-taya, panalangin, pagsisisi, pagpapa-tawad, paggalang, pagmamahalan,awa, gawa, at mga kapaki-pakinabangna gawaing panlibangan.”4

Pagpapatuloy pa sa polyeto:

“Malaking pagpapala ang magingbahagi ng isang mag-anak. Sasamahanat paliligayahin kayo ng inyong mag-anak, tutulungan kayong matuto ngmga wastong alituntunin sa isang ka-paligirang puno ng pagmamahal, attutulungan kayong maghanda para sabuhay na walang hanggan. Hindi pare-pareho ang lahat ng mag-anak, ngunitbawat isa ay mahalaga sa plano ngating Ama sa Langit.

“Gawin ang inyong bahagi sa pag-buo ng masayang tahanan. Maging masayahin, matulungin, at mapagbigaysa iba. Maraming problema sa tahananang dulot ng makasarili at walang-pakundangang pagsasalita at pagkilosng mga miyembro ng mag-anak.Alalahanin ninyo ang mga pangangaila-ngan ng ibang miyembro ng mag-anak.Maging tagapayapa sa halip na manuk-so, makipaglaban, at mang-away.Tandaan na ang mag-anak ang pinaka-mahalagang yunit ng Simbahan.”5

Paglalaan sa Inyong PamilyaAng ikatlo nating priyoridad ay

ilaan ang pangangailangan ng ating

pamilya. Muli sa pagpapahayag samag-anak:

“Sa plano ng Diyos, ang mga amaang mangungulo sa kanilang mgamag-anak sa pagmamahal at kabutihanat ang may tungkuling maglaan ngmga pangangailangan sa buhay at ka-ligtasan ng kanilang mga mag-anak.”6

Kailangan nating panatilihin angmagaganda nating kasanayan para ku-mita. Sa pabagu-bagong mundo, kaila-ngan nating sabayan ang takbo ngpanahon, dahil kung hindi ang atingmga kasanayan ay malalaos. Kahit aba-la tayo sa mga tungkulin sa Simbahan,hindi natin dapat palampasin ang mgaoportunidad na pagbutihin ang atingpag-unlad at ang kapakanan ng atingpamilya. Kailangan dito ang paglalaanng sapat na panahon at pag-iisip paramakapaghanda sa hinaharap.

Ang payong ito ay kapwa para sa mga kapatid na babae at lalaki.Bagama’t pangunahing responsibili-dad ng mga ama ang tustusan ang pa-milya, sinasabi sa pagpapahayag na sa“kapansanan, kamatayan, o iba pangkalagayan”7 ay kakailanganin ninyong

10

Ang pinakamahalagang tagubiling matatanggap ng inyong mga anak kahit kailan ay dapat magmula

sa kanilang mga magulang.

LARA

WAN

G K

UH

A N

I STE

VE B

UN

DER

SON

, MAL

IBAN

KU

NG

IBA

ANG

NAK

ASAA

D, H

IND

I MAA

ARIN

G K

OPY

AHIN

; AM

ERIK

ANO

NG

PRO

PETA

, NI D

EL P

ARSO

N;

LARA

WAN

NG

BAG

ON

© P

HO

TOSP

IN;

LARA

WAN

NG

MG

A BA

BAE

NA

KIN

UN

AN N

I DAN

NY

SOLE

TA

Page 13: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

mga babae na gamitin at paghusayinang inyong mga kasanayan para ma-paglanaanan ang inyong pamilya.

Paglilingkod sa SimbahanAng ikaapat nating priyoridad ay

ang katapatan natin sa oras na ipina-ngako nating gugulin sa mga aktibi-dad sa Simbahan. Pinahahalagahan ng mga aktibong pamilyang Banal sa mga Huling Araw ang oras nila sa Simbahan at sa kanilang buhay-pamilya ay pinipili nilang magkaroonng sapat na panahon dito.

Kailangang maging lalong sensitiboang mga lider sa iba’t ibang sitwasyonng pamilya kapag ibinigay nila angtungkulin at ipinaalam ang mga inaasa-han. Ang mga pamilyang may maliliitna anak at may mabibigat na tungkulinsa labas ng bahay ang kapwa magulangay malamang na madamang sagabal sabuhay-pamilya nila ang mga aktibidadsa Simbahan. Makakatulong ang mgalider ng Simbahan sa pamamagitan ngpasasalamat at pagsuporta sa mga pag-sisikap ng mga miyembro na ibalanseang paglilingkod sa Simbahan sa kani-lang mga responsibilidad sa pamilya.

Pagsasali sa mgaMiyembro ng Pamilya

May mga paraan para la-long magkasama-sama angating pamilya habang naglilingkod tayosa ating mga tungkulin sa Simbahan sapamamagitan ng pagsali sa ating pamil-ya, kung nararapat, sa ating pagliling-kod. Hayaan ninyong magbigay ako ng isang personal na halimbawa.

Naging bishop ko ang tatay ko no-ong bata pa ako. Siya’y taong abalang-abala sa gawain niya bilang abogado.Aktibo rin siya sa mga gawain sa lung-sod at palaging hinihilingang magsali-ta sa publiko. At, siyempre, ama siyang anim na bata. Nagpapasalamat akotuwina na tama ang mga priyoridadng tatay ko. Laging si nanay ang unaniyang priyoridad. Makikita ito sa pa-raan ng pakikitungo niya sa kanya.Kasunod nito ang tapat na pag-uukolng pansin sa bawat anak niya.

Noong mga anim na taong gulangako, may nagregalo sa akin ng pulanglaruang bagon sa Pasko. Katulad na ka-tulad iyon ng maliit na modelong ito.Ang maliit na pulang bagon ay nagpa-tunay ng tunay na bigkis naming mag-

ama. Sa kaabalahan niya,kinailangan niyang huma-nap ng mga paraan para

maisali ang pamilyaniya sa mga aktibidad

nang hindi naaapek-tuhan ang kanyang

trabaho.

Ang malaking bahaging paglilingkod niya bi-lang bishop ay naganap sa panahon ng Matinding

Kahirapan noong 1930s. Malaki ang pa-ngangailangan ng marami sa mga mi-yembro ng aming ward. Bilang bishop,responsibilidad niyang bigyan sila ngikabubuhay. Mukhang magandang akti-bidad ito para sa bishop, sa kanyanganak, at sa maliit na pulang bagon.

Kapag umuuwi ako mula sa paara-lan at nakakakita ako sa tabi ng garaheng supot ng mga—arina, asukal, trigo,at iba pang kalakal. Alam ko na ang gabing iyon ay pagkakataon namingmagkasama ni Itay.

Kapag nakauwi na siya, puno na ngmga kalakal ang maliit na pulang bagonpara dalhin sa isang pamilya. Habangnaglalakad kaming dalawa at nag-uusap, tinatapos namin ang aming wel-fare assignment sa paghahatid ng mgakalakal sa mga taong nangangailangan.

Nasaksihan ko mismo ang pagma-mahal at malasakit ng mabuting liderng priesthood sa mga miyembro ngkanyang ward. Ang higit na mahalaga,nagkaroon ako ng pagkakataong gu-mugol ng mahahalagang sandali sa piling ng tatay ko.

Pagtuon sa MahahalagangPriyoridad

Gusto kong hikayatin kayo na gawinang itinuro namin sa inyo sa unangpandaigdigang pulong sa pagsasanaysa pamumuno. Pinaaalalahanan naminkayo na magkakaiba sa estado ng pag-unlad ang lahat ng yunit ng Simbahan,at lahat ng yunit ay iba-iba ang panga-ngailangan. Kapag nagpaplano tayo ngmga programa sa Simbahan, dapat na-ting isaalang-alang ang mga pamilya.

Muli, binabalaan namin kayo na hu-wag bigyan ang inyong mga miyembrong mahigit sa isang tungkulin sa

PEBRERO 2 0 0 6 11

Mapag-iibayo natin ang pakikisama

sa ating pamilya sa paglilingkod natin

sa ating mga tungkulin sa Simbahan.

Page 14: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Simbahan, at ng home teaching at visi-ting teaching. Disiplinahin ang sarilininyo na sundin ang mahahalagangpriyoridad, at mamamangha kayo sapatnubay ng inspirasyon ng Panginoonsa pagsasagawa ng inyong mga respon-sibilidad na maging mga tagapagling-kod sa Kanyang kaharian.

Ang pinakamahalagang tuon ng ipinanumbalik na Simbahan ay magpa-dali at magbigay sa atin ng mga pagka-kataong tumulong sa Panginoon saKanyang gawaing isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na wa-lang hanggan ng tao. Ginagawa natin ito unang-una sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga pamilya. Sa panahon ng pagguho ng moralidad,kawalang-katiyakan sa pulitika, kagulu-han sa buong mundo, at pabagu-bagong ekonomiya, ang pagtuon natin sa pagpapalakas at pagpapatatag ngmga pamilya ay dapat pag-igihin atpag-ibayuhin. Ang talagang layunin ng Simbahan ay tulungan ang mga

pamilya na magtamo ngkaligtasan at kadakilaan sawalang hanggang kahariansa langit.

Ang Gabay na Aklat ng Mag-anakIlang taon na ang nakalipas naglat-

hala tayo ng espesyal na Gabay naAklat ng Mag-anak. Ito’y para gami-tin ng mga miyembro, lalo na ng mga bagong miyembro o mga taongkakaunti ang karanasan sa Simbahan.Hinihikayat namin kayong gamitin ito. Nagsisimula ito sa pahayag na:

“Ang mag-anak ang pangunahingyunit ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at sa lipunan sa panahon at kawalang-hanggan. Itinatag ng Diyos ang mgamag-anak upang magdulot ng kaligaya-han sa Kanyang mga anak, pahintulu-tan silang matuto ng mga tamangalituntunin sa kapaligirang may pagma-mahalan, at upang maihanda sila sa buhay na walang-hanggan.

“Ang tahanan ang pi-nakamainam na lugar upang magturo, mag-aral, at ipamuhay ang

mga alituntunin ng ebanghelyo.”8

Muli namin kayong hinihikayat nasumangguni sa nakakatulong na mgaturo sa buklet na ito.

Ang Halimbawa ng TagapagligtasAng ating Panginoon at Tagapag-

ligtas mismo ang nagministeryo sakanyang mga tao, na pinasisigla angmahihina, binibigyan ng pag-asa ang mga pinanghihinaan ng loob, athinahanap ang mga nawawala. Sa Kanyang mga salita at gawa, ipinakitaNiya sa mga tao na minamahal at nau-unawaan at pinahahalagahan Niya sila.Kinikilala Niya ang banal na katangianat walang hanggang kahalagahan ngbawat isa. Kahit sa panawagan sa mgatao na magsisi, tinutuligsa Niya angkasalanan hindi ang nagkasala.

Tulad ng ating Tagapagligtas, bilangmga lider sa Simbahan dapat natingmahalin ang mga taong pinaglilingku-ran natin, na nagpapakita ng pag-aalalaat malasakit sa bawat tao. Nawa’y pag-palain tayo ng Panginoon sa mga sa-gradong responsibilidad na ibinigayNiya sa atin ang aking dalangin, sangalan ni Jesucristo, amen.

MGA TALA1. “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa

Mundo,” Liahona, Okt. 2004, 49.2. “Pagkagalak sa Pribilehiyong Maglingkod,”

Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay saPamumuno, Hunyo 21, 2003, 24.

3. Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay saPamumuno, Hunyo 21, 2003, 22.

4. Liahona, Okt. 2004, 49.5. Para sa Lakas ng mga Kabataan (polyeto,

2002), 10.6. Liahona, Okt. 2004, 49.7. Liahona, Okt. 2004, 49.8. Gabay na Aklat ng Mag-anak (2001), 1.

Ang Gabay na Aklat ng Mag-anak (aytemblg. 31180 893) ay makukuha sa mgadistribution center at service center ngSimbahan.

12

SI C

RIST

O K

ASAM

A AN

G M

GA

BATA

, NI H

ARRY

AN

DER

SON

; LA

RAW

ANG

KU

HA

NG

BU

SATH

PH

OTO

GRA

PHY

Page 15: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

B O N N I E D. PA R K I NRelief Society General President

Mga Responsibilidad sa Pamilya

Kung may isang bagay akonggustong mangyari sa mga ma-gulang at lider ng Simbahang

ito, iyon ay ang madama nila ang pag-mamahal ng Panginoon sa kanilangbuhay sa bawat araw sa panganganga-laga nila sa mga anak ng Ama saLangit. Maaaring hindi ang sinabi koang aantig sa inyong puso, kundi angbulong sa inyo ng Espiritu. Sundin angmagigiliw na panghihikayat na iyon.

Malinaw sa alaala ko nang ibigay angpagpapahayag sa mag-anak: Setyembre23, 1995. Nakaupo ako sa Tabernakulosa pangkalahatang miting ng Relief

Society. Si Pangulong Hinckley ang hu-ling nagsalita. Inilahad niya ang “AngMag-anak: Isang Pagpapahayag saMundo.” Kaytahimik ng kongregasyonngunit mayroon ding pananabik, isangreaksyon ng, “Oo—kailangan naminng tulong sa aming pamilya!”

Naalala kong napakaganda ng paki-ramdam ko tungkol dito. Pumatakang mga luha ko. Pagtingin ko sa mgamiyembrong babaeng nakaupo sa ma-lapit, tila gayon din ang nadarama nila.Napakaraming nakasaad sa pagpapa-hayag na hindi ako makapaghintay namakakuha ng kopya at pag-aralan ito.Pinagtitibay sa pagpapahayag ang da-ngal ng kababaihan. At isipin na langna una itong ibinigay sa kababaihanng Simbahan sa pangkalahatang mi-ting ng Relief Society—alam ko na pi-nahahalagahan ni Pangulong Hinckleyang kababaihan.

Narito tayong lahat bilang mga liderng Simbahan. Abala tayo. Pero kaila-ngan kong tandaan—gaya ninyo—naang una nating responsibilidad ay sasarili nating pamilya. Tandaan, sila ayisa sa ilang pagpapalang madadala na-tin sa kawalang-hanggan!1 Si Newel K.Whitney ay bishop sa sinaunangSimbahan sa Kirtland. Tulad ninyongmga bishop ngayon, malamang na lub-ha siyang abala sa paggawa ng mara-ming mabubuting bagay. Ngunit siya’ypinagsabihan ng Panginoon at inutu-sang “ayusin ang kanyang mag-anak”

(D at T 93:50; idinagdag ang pagkahi-lig ng mga titik). Mga kapatid, ang pa-yong ito ay angkop sa ating lahat.

Marami sa inyo ang mga magulango lolo’t lola na, o balang-araw ay magi-ging gayon. Ngunit may asawa man owala, lahat tayo’y miyembro ng mgapamilya. Isipin sandali ang sarili nin-yong pamilya. Ano ang nagustuhanninyo sa kanila? Ang isang nagustuhanko sa aking pamilya ay natutuwa ako’tgusto ng apat kong anak na lalaki namagkasama-sama.

Anong doktrina tungkol sa pamilyaang itinuturo ng pagpapahayag? Naiskong magtuon sa isang talata: “Sa pla-no ng Diyos, ang mga ama ang ma-ngungulo sa kanilang mga mag-anaksa pagmamahal at kabutihan at angmay tungkuling maglaan ng mga pa-ngangailangan sa buhay at kaligtasanng kanilang mga mag-anak. Ang mgaina ang may pangunahing tungkulinna mag-aruga ng kanilang mga anak.Sa mga banal na tungkuling ito, angmga ama at ina ay may pananagutangmagtulungan bilang magkasama namay pantay na pananagutan.”2

Gustung-gusto ko ang mga sali-tang, “sa plano ng Diyos.” Ang pagi-ging magulang ay bahagi ng banal naplano ng ating Ama sa Langit para saKanyang mga anak. Bilang mga magu-lang, tayo ay may banal na responsibi-lidad na maglaan, mangalaga atmag-aruga sa ating pamilya.

Paano nakakatulong sa atin angmga tuntuning ito—ang maglaan,mangalaga, at mag-aruga—sa pag-papalaki ng mabubuting anak?

MaglaanNakasaad sa pagpapahayag na ang

mga magulang ang maglalaan ng “mgapangangailangan sa buhay.” Pero anoang mga pangangailangang iyon? Oonga’t may tirahan, at may pagkain sa

PEBRERO 2 0 0 6 13

Ang mga Magulangay may Banal naTungkulin

Page 16: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

hapag-kainan. Pero dahil sa plano ngebanghelyo, alam nating may higit parito. Kabilang dito ang mga kasana-yan—mga bagay na nagpapatatag sapagkatao. Suriin natin ang ilan dito.

Naglalaan tayo para sa ating mgaanak kapag tinuturuan natin silangmagtrabaho. Ikukuwento ko sa inyoang apo kong si Jacob. Ayaw niyangmag-aral. Sinubukan na ng kanyangina ang maraming bagay. Sa huli’y pi-naupo niya ito at sinabing, “Tungkulinni Itay ang magtrabaho at kumita. Angtungkulin ko’y dumito sa bahay at ala-gaan kayong magkakapatid. At angtungkulin mo, Jacob, ay mag-aral.”Nang maunawaan ni Jacob ang prinsi-pyo, tinanggap niya ito at pumasok sa paaralan.

Tinuturuan din natin ang atingmga anak na magtrabaho sa pag-asang tutulong sila sa bahay at, kungangkop, magtrabaho din sa labas ng bahay. Tinutulungan natin angating mga anak na maglaan sa buhaynila sa pagtuturo sa kanila ng kahala-gahan ng pagtatrabaho. Magsimulanang maaga! Sabi ng asawa ko ang pinakamagandang regalo sa kanya ng tatay niya ay ang makapag-sarili—dahil tinuruan siya nitongmagtrabaho.

Ang pangangasi-wa sa ating pananalapi

ay tumutulong din sa atin na magingmabubuting tagapaglaan. Bilang mgamagulang, magkasamang planuhinang gastusin ayon sa badyet. Ituro sainyong mga anak ang kaibhan ng gus-to at kailangan. Huwag humiling ngkung anu-ano sa inyong asawa na hin-di naman kailangan. Nang payuhantayo ni Pangulong Hinckley na huwagmangutang, may kilala akong ama nakinausap ang mga anak niyang mayasawa na at tinanong sila tungkol sagastusin nila. Nagulat siyang matukla-san na dalawa rito ang lubog sa utang.Pagkatapos ay tinanong niya kung matutulungan niya silang magplano.

Nakakatulong sa mga magulangang pag-aaral at pagsasanay para ma-kapaglaan. Hikayatin ang inyong mgaanak na pag-aralan ang lahat ng kayanila. Sa ilang bansa, hindi makautangang mga kabataan sa Perpetwal naPondong Pang-edukasyon dahil hindisila tapos ng hayskul. Sa panahon ngayon, napakahalagang patuloy na matuto ang mga magulang.

MangalagaAng pangalawang tuntuning gusto

kong talakayin ay ang mangalaga.Mangalaga mula sa ano? Mula sa kapa-hamakan—kapwa pisikal at espirituwal.Nangangalaga tayo kapag tinuturuannatin ang ating mga anak na sila ay ma-halaga sa Diyos, kapag nagsisimba tayobilang pamilya, nagpa-family home eve-ning tayo, nagdarasal sa pamilya, sama-sama tayong nag-aaral ng mga banal na

kasulatan. Simpleng gawinang lahat ng iyan, pero pi-natototohanan ko na mabi-sang pangangalaga angnagagawa nito.

Itinuturo ng pagpapa-hayag na ang mga magulang ay maybanal na tungkuling pangalagaan angkanilang mga anak. Ang pang-aabusoay nakakasugat ng damdamin, tulad ng panlalait sa asawa o anak, pagbaba-lewala sa kanila, o pagpipigil ng pagmamahal at pagsuyo. Hindi pina-ngangalagaan ng mga ama ang kani-lang pamilya kapag pinalo o sinaktannila ang kanilang asawa o mga anak.Sabi ng isang miyembrong babaengWest African, bago siya sumapi saSimbahan, sinasaktan ng kanyang amaang nanay niya at silang magkakapatid.“Ngayon,” sabi niya, “iginagalang niyakami at minamahal dahil nauunawaanniya na tayo’y mga anak ng Diyos.”

Pinangangalagaan ng mga magu-lang ang kanilang mga anak sa pagkila-la sa mga napili nilang kaibiganin.Isang dalagita ang nagalit nang tanu-ngin siya ng ama tungkol sa mga gina-gawa niya sa gabi. Ipinaliwanag ng amana nakasaad sa pagpapahayag na siyaang dapat mangalaga sa kanyang pa-milya at mahal niya ang kanyang anakkaya niya gustong matiyak na ligtas ito.

Dapat din nating pangalagaan angating mga anak mula sa impluwensyang media. Alamin ang pinanonoodng inyong mga anak sa telebisyon,sine at sa bahay ng kanilang mga kai-bigan. Kung may kompyuter kayo sa bahay, siguraduhing kasangkapanito sa mga bagay na “marangal, kaaya-aya, o magandang balita, o maipag-kakapuri” (Mga Saligan ngPananampalataya 1:13).

Napapangalagaan tayo kapag sinu-sunod natin ang buhay na propeta.Paano kayo napangalagaan bilang

14

Page 17: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

pamilya sa pagsunod sa payo niPangulong Hinckley na basahin angAklat ni Mormon? Kamakaila’y tumang-gap ako ng sulat mula sa isang miyem-brong babae sa England. Isinulat niya:

“Nahirapan ang pamilya ko nitongnakaraang taon sa isang amang ayawnang magsimba. Dati siyang aktibo sabuong buhay niya at naging miyembrong bishopric. Taimtim akong nagta-nong sa Panginoon kung ano ang ma-gagawa ko para hindi ako mapoot atmagalit. Kami lamang ng mga bata angnagpa-family home evening at nagdara-sal. Sa templo nadama ko, dahil sa ha-mon na basahin ang Aklat ni Mormon,na huwag basahin ang banal na kasula-tan na mga bata lang ang kasama kundidalhin ang mga bata at mga banal nakasulatan sa aking asawa, saanman siya naroon sa bahay. Kaya sama-samakami, gabi-gabi tuwing alas-9, para lapitan siya. Nakikibasa siya sa amin—noong una’y hindi, pero ngayo’y gina-gawa na niya. Nagsisimba na siya,

sumasama sa aminsa family home eve-ning, at namumuno sapagtalakay ng ebanghelyo. Mga alagadng Diyos ang mga anak ko at dinalaang salita ng mapagtubos na pagma-mahal sa aking asawa. Napakalakingpagpapala nito sa aking pamilya.”

Mag-arugaAng pangatlo at huling tuntunin ay

ang mag-aruga. Ano sa tingin ninyoang pag-aaruga? Ano ang pakiramdamninyo rito? Ano ang dinig ninyo rito?Ang pag-aaruga ay parang tulad ng banal na kasulatang ito: “Sa pamama-gitan lamang ng paghihikayat, ng ma-habang pagtitiis, ng kahinahunan atkaamuan, at ng hindi pakunwaringpag-ibig; sa pamamagitan ng kabaitan”(D at T 121:41–42). Magbabahagi akong ilang halimbawa.

Sa palagay ko ang pag-aruga ay pa-rang pagdidisiplina nang may pagma-mahal. Pinahihinto ng isang batang ina

ang kanyang anak kapag hindi ito su-musunod. Sinasapo sa mga palad niyaang mukha nito, tinitigan ito sa mgamata, at sinasabing, “Makinig ka saakin.” Kailangan nating turuan angating mga anak na matalinong pumili,ngunit hindi natin maaalis ang kahihi-natnan ng kanilang mga ginawa.Tandaan, ang batayan ng plano ng atingAma sa Langit ay kalayaang pumili.

Ano ang pakiramdam ninyo sa pag-aaruga? Marami sa pagtuturo at pag-papatatag ng relasyon sa pamilya angnagaganap sa maiikli at di planadong

sandaling iyon sa araw-araw nating gawain. Anghapag-kainan ay lugarupag magkalapit ang isa’t isa, magkuwentu-han tungkol sa mga gina-wa natin sa araw na iyon,pakinggan at palakasinang loob ng isa’t isa, atmagtawanan. Alam ko na

nagpapagaan ng problema ang pagta-wa. Mahal na mga ama’t ina, regularnating isabay sa pagkain ang mga ta-ong mahal ninyo.

Tapos na ba ang pagiging magulangninyo kapag nagsilaki na lahat ng anakninyo at nakabukod na. Hindi, ang

PEBRERO 2 0 0 6 15

LARA

WAN

G K

UH

A N

INA

STEV

E BU

ND

ERSO

N, R

OBE

RT C

ASEY

, CRA

IG D

IMO

ND

, AT

MAT

THEW

REI

ER

Page 18: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

usapan ay hinding-hindi kayo matata-pos. Pero tungkulin nating lumikha ngmga walang hanggang pamilya. Noongnaglilingkod kaming mag-asawa sa misyon sa Inglatera, isa sa mga anaknaming lalaki at kanyang pamilya angbumisita. Naalala kong sinabi niya,“Pumunta kami kasi kailangan naminng pag-aaruga.” Kapag naging magu-lang kayo, mananatili kayong magu-lang. Hindi ba’t kaydakila niyon?Pagkatapos kong basahin ang Aklat ni Mormon noong Disyembre, na-mangha akong matuklasan na magingsi Mormon ay pinayuhan ang anak ni-yang si Moroni na nasa hustong gulangna: “Anak ko, maging matapat kayCristo; . . . nawa ay dakilain ka ni Cristo. . . at ang kanyang awa at mahabangpagtitiis, at ang pag-asa ng kanyang kaluwalhatian at ng buhay na walanghanggan, ay mamalagi sa iyong isipanmagpakailanman” (Moroni 9:25).

Ano ang dinig ninyo sa pag-aaruga?Kung minsa’y mahirap hingan ng mahi-git sa isang salitang sagot ang tinedyer.Narito ang isang tanong na natuklasankong labis na makakatulong para ma-bago iyon: “Ano ang pinakamalakinghamon o pagsubok sa iyo ngayon?”Ito’y nagbibigay-daan para makibahagiang mga kabataan. At kapag nagbahagisila, makinig lang! Huwag humatol o magpayo o anuman. Basta makiniglang. Mamamangha kayo sa pagkakala-pit at ugnayang mabubuo sa inyo. Mgabishop at tagapayo, magiging epektiboang tanong ding ito sa pag-iinterbyuninyo sa mga kabataan sa inyong ward.

Ang pag-aaruga ay parang panala-ngin ng pamilya. Isa sa mga alaalanghindi ko malilimutan ay nang lumu-hod si Itay kasama naming magkaka-patid sa tabi ng kama ng aming mgamagulang sa maliit nilang silid at mari-nig ko siyang magsumamo sa Ama saLangit na basbasan ang aming inang

nasa ospital. Nakatulong sa akin angnarinig kong pagsusumamo ni Itaypara malaman na may Diyos sa langitna nakikinig. Manalangin para sa in-yong mga anak tungkol sa mga gawa-in nila sa paaralan at sa kaligtasan nilasa maghapon. Alam ng mga anak na-tin ang ating pagmamahal at mga ina-asahan kapag naririnig nila tayongipinagdarasal sila.

Pagpapalakas ng mga PamilyaBilang lider, paano ninyo mapapa-

lakas at matutulungan ang mga pamilyang pinaglilingkuran ninyo?Magagamit ninyo ang mga tuntuningito—maglaan, mangalaga, at mag-aruga—upang mapalakas ang pamilyasa inyong ward.

Sinusuportahan ng mga lider angmga magulang sa pamamagitan ngpaggalang sa kanila, hindi sa pangu-nguna sa buhay ng kanilang anak.Maaari ninyo silang turuan, bahaginanng mga parehong interes, ngunitumaayon sa gustong mangyari ng mga magulang. Ibinahagi ng isang ina:“Madalas sa tingin ko’y kaming mag-asawa ang huling mga taong gustongpakinggan ng mga anak naming bina-tilyo. Kung minsan, dahil sa barkada,ayaw nang makinig ng mga anak ko saamin. Nagpapasalamat ako sa matatali-nong lider ng Simbahan na nagpayosa aming mga anak. Hindi nila pina-ngunahan ang papel naming mga ma-gulang. Nakinig sila, pero sumuportasa aming paggabay, at itinuro sila pa-balik sa amin.”

Bilang mga pamilya, lahat tayo’ymay mga pangangailangan. Ilang taos-pusong pananalita lamang tungkol sa mga inang nag-iisang magulang:Ikukuwento ko sa inyo ang isanginang lima ang anak at ang asawa’y ipinadala sa ibang bansa. Sabi niya:

“Pag-alis ng asawa ko noong

unang bahagi ng Pebrero, may naaasahan kaming mga sasakyan.Gayunman, pagsapit ng Nobyembre,nasirang lahat ang mga ito, at hindinamin naipaayos. Kasabay nito, sina-bi sa akin ng 17-anyos na anak konglalaki na wala siyang balak magmis-yon dahil hindi niya tiyak kung totooang ebanghelyo. Kung may panahonman sa buhay ko na kinailangan kong basbas ng priesthood, noon iyon.Hindi ko maalala ang buong detalyeo kailan at saan, pero malinaw kongnaaalala na tumanggap ako ng mahi-git sa isang basbas mula sa mapagma-hal na maytaglay ng priesthood sapanahong ito. Matagal ko nang alamna matatawagan ko ang mga hometeacher ko at darating sila agad.Walang marunong mag-ayos ng van, pero nabigyan nila ako ng kailangang-kailangan kong basbas ng priesthood, at nakakita sila ngmag-aayos ng sasakyan.”

Nakagawa ng kaibhan ang matata-pat na home teacher sa pamilyang ito,at makagagawa sila ng kaibhan sa lahatng nag-iisang magulang sa mga pamil-ya kapag nakilala nila sila, nakuha angkanilang tiwala at nabigyan ng mga bas-bas ng priesthood. Mga bishop, liderng grupo ng mga high priest, at pangu-lo ng korum ng mga elder, kailanganng mga inang ito ang basbas ng priest-hood sa kanilang tahanan, gayundin ng kahanga-hanga nating kadalagahan.

Nagbabala si Pangulong Hinckleytungkol sa “mga kasalanan ng mundo”10 taon na ang nakalilipas nang ilabasang pagpapahayag. Pinagtibay ng pag-hahayag na ito ng propeta ang “mgapamantayan, doktrina, at kaugalian”ng Panginoon “na nauukol sa pamil-ya.”3 Sa kabilang dako, sinusubukangdiktahan ng mundo ang papel ng ka-babaihan at pagiging ina. Ang mga ka-babaihan ngayon ay sinasabihan na

16

Page 19: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

kailangan nila ng permanenteng tra-baho, mga organisasyong kabibila-ngan, at mga anak kung kaya nila.Mabilis nang nawawala sa uso ang marangal na papel ng isang ina.Liliwanagin ko ito: hindi natin dapattulutan ang mundo na ilagay sa panga-nib ang alam nating ibinigay sa atin saplano ng Diyos.

Mga kapatid, hayaan ninyong mag-salita ako nang direkta sa inyo nangilang minuto. Bilang mga miyembrong Relief Society ng Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw, pagpapala at responsibilidad na-ting arugain at pangalagaan ang pamil-ya. Bawat isa ay kabilang sa isangpamilya, at bawat pamilya ay kaila-ngang palakasin at pangalagaan.

Ang pinakamalaking tulong sa akingpagiging maybahay ay nagsimula saaking ina at lola at sumunod ay sa mgamiyembro ng Relief Society sa iba’tibang ward na kinabilangan namin.Natuto ako ng mga kasanayan; namalasko ang galak na nagmumula sa paglik-ha ng tahanang nais tirhan ng iba.Simula Enero 2006, may mga bagongtuntunin sa mga miting at aktibidad sa pagpapaunlad ng tahanan, pamilya,at sarili. Mas madali itong iakma paramakalahok ang lahat ng miyembrong

babae sa Relief Society. Kaya mga liderng Relief Society, tiyakin ninyong ma-palakas sa ipinlano ninyong mga mi-ting at aktibidad ang tahanan ng lahatng inyong kababaihan.

Ang visiting teaching ay isa pangparaan para masuportahan ang pamil-ya. Sana lahat kayo’y magkaroon ngpagkakataong maging visiting teacher.Hindi lamang pinalalakas ng visitingteaching ang espirituwalidad ng isangmiyembrong babae, kundi nasa posis-yon din sila para mag-aruga at magsu-ri sa mga pangangailangan. Mga liderng Relief Society, kumilos sa mga mi-ting ng inyong welfare committee atireport ang pangangailangang espiri-tuwal at temporal na tinukoy ng in-yong mga visiting teacher.

Ang Dalisay na Pag-ibig ni CristoSa mga may-asawa na, isipin ang

nakaraan. Bakit ninyo inibig ang in-yong asawa? Matututo kayong magpa-tawad kapag naalala ninyo ito.Ipadama ang pagmamahal ninyo saisa’t isa. Makagagawa ng kaibhan angbabae sa buhay ng kanyang asawa ka-pag binigyan niya ito ng lakas ng loob.Mapapasigla ng lalaki kahit ang pina-kamalungkot na araw sa dalawangsimpleng salitang ito: “Mahal kita.” Isa

sa pinakamagagandang regalo ng mgamagulang sa kanilang mga anak ayang ipakita nilang nagmamahalan sila.

Tungkulin nating mga magulang sapagpapalaki ng mabubuting anak namaglaan, mangalaga, at mag-aruga, atginagawa natin ito sa pantay na mag-katuwang. Ginagawa rin natin ito bi-lang mga lider. Mahirap maging lider.Mahirap maging magulang.Pinanghihinaan tayo ng loob, pero pa-tuloy pa rin tayo. Palagay ko maramitayong natututuhan tungkol sa dalisayna pag-ibig ni Cristo sa ating pamilyaat sa paglilingkod sa Simbahan.

Bilang mga magulang at lider, kaila-ngan nating mahalin ang ating mgaanak tulad ng pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit. Mababasa natin saMoroni 8:17, “Ako ay puspos ng pag-ibig sa kapwa-tao, ang walang hang-gang pag-ibig.” Idagdag dito ang mgasalita ng Panginoon: “Damitan ang in-yong sarili ng bigkis ng pag-ibig sakapwa-tao, gaya ng isang balabal, na siyang bigkis ng pagiging ganap at ng kapayapaan” (D at T 88:125).Inaanyayahan ko kayo, sa lahat ng pa-kikitungo ninyo isuot ang balabal ngpag-ibig sa kapwa-tao, balutin ang in-yong pamilya ng dalisay na pag-ibig ni Cristo.

Bilang mga pamilya at lider, nawa’ybasbasan kayo ng Panginoon upangmabalot ninyo ng balabal ng pag-ibigsa kapwa-tao ang inyong mga mina-mahal, nang lahat tayo’y makabalik sakinaroroonan ng ating Ama sa Langitat makapiling Siya magpakailanman.Sa pangalan ni Jesucristo, amen.

MGA TALA1. Tingnan sa “Pagkagalak sa Pribilehiyong

Maglingkod,” ni Gordon B. Hinckley, saPandaigdigang Miting sa Pagsasanay saPamumuno, Hunyo 21, 2003, 23.

2. “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag saMundo,” Liahona, Okt. 2004, 49.

3. “Stand Strong Against the Wiles of theWorld,” Ensign, Nob. 1995, 100.

PEBRERO 2 0 0 6 17

Sinusuportahan ng mga lider ang mga magulang sa pamamagitan ng paggalang

sa kanila, hindi sa pangunguna sa buhay ng kanilang anak.

LARA

WAN

G K

UH

A N

I DER

EK S

MIT

H

Page 20: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

PA N G U L O N G T H O M A S S . M O N S O NUnang Tagapayo sa UnangPanguluhan

Pagtatatag ng Walang HanggangTahanan

Mapagpakumbaba kong kina-katawan ang UnangPanguluhan bilang pangwa-

kas na tagapagsalita sa miting na ito.Nabigyan tayo ng inspirasyon at napa-lakas sa mga sinabi nina Elder Bednar,Elder Perry, at Sister Parkin. Natuonang ating isipan sa tahanan at pamilyanang mapaalalahanan tayo na “taha-nan ang batayan ng matwid na pamu-muhay, at walang ibang kasangkapanna maaaring humalili dito ni tumupadsa napakahalagang gawain nito.”1

Ang tahanan ay higit pa sa isang ba-hay na yari sa kahoy, semento, o bato.Ang tahanan ay binubuo ng pagma-mahal, sakripisyo, at paggalang.Responsibilidad natin ang mga taha-nang ating itinayo. Magtayo nang bu-ong talino, dahil hindi maiklingpanahon ang kawalang-hanggan. Maykatiwasayan at kaguluhan, pagsikat atpaglubog ng araw, galak at kalungku-tan. Pero kung talagang sisikapin na-tin, maaaring maging kapirasonglangit sa lupa ang tahanan. Ang mgainiisip, ginagawa, pamumuhay natinay hindi lang nakakaapekto sa tagum-pay ng paglalakbay natin sa lupa; itorin ang landas tungo sa walang hang-gan nating mga mithiin.

Ang ilang pamilyang Banal sa mgaHuling Araw ay binubuo ng ina, ama,at mga anak, sama-sama sa bahay, ha-bang nasasaksihan ng iba ang pagpa-naw ng isa, at ng isa pa, at ng isapang miyembro nito. Kung minsan iisang tao ang bumubuo ng isang pamilya. Anuman ang bumubuo rito, patuloy ang pamilya—dahil ang pamilya’y maaaring magingpangwalang-hanggan.

Matututo tayo mula sa dalubha-sang arkitekto—maging angPanginoon. Tinuruan Niya tayo kungpaano magtayo. Sabi Niya: “Ang ba-wa’t . . . bahay na nagkakabahabaha-gi laban sa kaniyang sarili ay hindi

mananatili” (Mateo 12:25). Maya-maya’y nagbabala Siya: “Masdan, angaking bahay ay isang bahay ng kaayu-san . . . at hindi isang bahay ng kagu-luhan” (D at T 132:8).

Sa paghahayag na ibinigay kayPropetang Joseph Smith sa Kirtland,Ohio, Disyembre 27, 1832, ipinayong Guro, “Isaayos ang inyong sarili;ihanda ang bawat kinakailangang ba-gay; at magtayo ng isang bahay, ma-ging isang bahay ng panalanginan,isang bahay ng pag-aayuno, isang ba-hay ng pananampalataya, isang ba-hay ng pagkakatuto, isang bahay ngkaluwalhatian, isang bahay ng kaayu-san, isang bahay ng Diyos” (D at T88:119; tingnan din sa 109:8).

Saan makakakita ang sinuman ngmas angkop na plano kung paanosiya matalino at wastong makapagta-tayo ng bahay? Ang gayong bahay aytutugon sa mga patakaran ng pagta-tayo sa Mateo, maging isang bahay nanakatayo “sa ibabaw ng bato” (Mateo7:24, 25; tingnan din sa Lucas 6:48;3 Nephi 14:24, 25), isang bahay nakayang tiisin ang ulan ng paghihirap,baha ng kalaban at hangin ng pagdu-duda sa buong paligid ng ating pabagu-bagong mundo na puno ng hamon.

Maaaring itanong ng ilan, “Peropatnubay ang paghahayag na iyan sapagtatayo ng isang templo. Mahalagaba iyan ngayon?”

Ang isasagot ko’y, “Hindi ba’t sina-bi ni Apostol Pablo, ‘Hindi baga nin-yo nalalaman na kayo’y templo ngDios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?’ ” (I Mga TagaCorinto 3:16).

Hayaang ang Panginoon ang ma-ging pangkalahatang kontratista saating pagtatayo. At tayo nama’y ma-ging limitadong mga kontratistangresponsable sa isang mahalagang

18

Mga TahanangBanal, mga WalangHanggang Pamilya

Page 21: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

yugto ng buong proyekto. Lahat tayokung gayo’y mga tagapagtayo. Bukodpa sa pagtatayo ng sarili nating taha-nan, responsibilidad din nating tu-mulong na maitayo ang kaharian ngDiyos dito sa lupa sa pamamagitanng tapat at epektibong paglilingkodsa mga tungkulin natin sa Simbahan.Hayaang ibigay ko ang mga patnubaymula sa Diyos, mga aral sa buhay, atmga puntong pag-iisipan sa atingpagtatayo.

Lumuhod para Magdasal“Tumiwala ka sa Panginoon ng bu-

ong puso mo, at huwag kang manaligsa iyong sariling kaunawaan.

Kilalanin mo siya sa lahat ng iyongmga lakad, at kaniyang ituturo angiyong mga landas” (Mga Kawikaan3:5–6). Iyan ang sabi ng matalinongsi Solomon, anak ni David, na hari ng Israel.

Sa kontinenteng ito ng Amerika, sinabi ni Jacob, na kapatid ni Nephi:“Umasa sa Diyos nang may katataganng pag-iisip, at manalangin sa kanyanang may labis na pananampalataya”(Jacob 3:1).

Dumating sa atin ngayon ang pa-yong ito ng langit bilang napakalinawna tubig sa tigang na lupa. Nabubuhaytayo sa magulong panahon.

Ilang maiikling henerasyon pa

PEBRERO 2 0 0 6 19

Ipinayo ng Guro, “Isaayos ang

inyong sarili; ihanda ang bawat

kinakailangang bagay; at magtayo

ng isang bahay, maging isang

bahay ng panalanginan, isang

bahay ng pag-aayuno, isang bahay

ng pananampalataya.”

LARA

WAN

G K

UH

A N

G B

USA

TH P

HO

TOG

RAPH

Y AT

NI M

ATTH

EW R

EIER

; IM

AHE

NI C

RIST

O, N

IH

EIN

RIC

H H

OFM

ANN

, SA

KAG

AND

AHAN

G-L

OO

B N

G C

. HAR

RISO

N C

ON

ROY

CO

.

Page 22: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

lang ang nakararaan, hindi mawaring tao ang mundong ginagalawannatin ngayon at mga problema rito.Napaliligiran tayo ng imoralidad,pornograpiya, karahasan, mga dro-ga, at iba pang talamak na kasama-ang umaalipin sa makabagonglipunan. Atin ang hamon, magingang responsibilidad, hindi lang paramanatiling “walang dungis . . . sasanglibutan” (Santiago 1:27) kundigabayan din ang ating mga anak atiba pa nating pananagutan na malig-tasan ang karagatan ng kasalanan saating paligid, upang makabalik tayobalang-araw sa piling ng ating Amasa Langit.

Kailangan ang ating presensya, pa-nahon, pagsisikap sa pagtuturo sa sa-rili nating pamilya. Para epektibo angating pagtuturo, dapat tayong magingmatatag na halimbawa sa ating mga

kapamilya at bigyan natin ng oras angbawat miyembro, gayundin ang pag-papayo at paggabay.

Madalas tayong nalulula sa daming ipinagagawa sa atin. Gayunman,laging nariyan ang tulong. Siya na ki-lala ang bawat anak Niya ay sasagotsa taimtim at taos nating dalangin ka-pag nagpatulong tayo na magabayansila. Mas maraming problema angmalulutas, mas maraming pagdurusaang gagaan, mas maraming kasalananang maiiwasan, at higit na kapayapa-an at katiwasayan ang darating sa ka-luluwa ng tao sa gayong pagdarasalkaysa sa ibang paraan.

Maliban sa pangangailangan sagayong patnubay para sa sarili na-ting pamilya, tinawag tayo sa mgaposisyon kung saan mananagot tayopara sa iba. Bilang bishop o tagapa-yo, bilang priesthood quorum lead-

er o auxiliary leader. Maypagkakataon kayong gumawang kaibhan sa buhay ng iba.Maaaring sila lang ang miyem-bro sa pamilya o di-gaanong aktibo ang pamilya; maaaringtumalikod ang ilan sa mga ma-gulang, at di pinansin ang kani-lang mga pagsamo at payo.Makabubuting maging kasang-kapan tayo sa mga kamay ngPanginoon sa paggawa ng kaib-han sa buhay ng isang tao sa gayong sitwasyon. Gayunman,kung walang patnubay ng atingAma sa Langit, hindi natin ma-gagawa ang lahat ng ipinaga-gawa sa atin. Dumarating anggayong tulong sa pamamagitanng panalangin.

Isang kilalang Amerikanonghukom ang tinanong kung anoang magagawa natin, bilang mamamayan ng mga bansa samundo, upang mabawasan ang

20

krimen at paglabag sa batas at mag-hatid ng kapayapaan at katiwasayansa ating buhay at bansa. Nag-iisip si-yang sumagot, “Imumungkahi koang pagbalik sa makalumang gawing pagdarasal sa pamilya.”

Bilang isang lahi, hindi ba tayonagpapasalamat na hindi pa laos saatin ang pagdarasal sa pamilya? Maytagong tunay na kahulugan sa karani-wang kasabihang, “Ang pamilyangnagdarasal nang sama-sama ay nana-natiling magkakasama.”

Iniutos ng Panginoon Mismo namagdasal tayo sa pamilya nang sabi-hin Niyang, “Manalangin kayo sa in-yong mag-anak, sa Ama, lagi sa akingpangalan, nang ang inyong asawa atinyong mga anak ay pagpalain”(3 Nephi 18:21).

Bilang mga magulang, titser at lidersa anumang kapasidad, hindi natinmaaatim na subukan ang mapanganibna paglalakbay na ito sa mortalidadnang walang tulong ng langit sa pag-gabay sa mga taong sakop ng ating pananagutan.

Sa pampamilya at personal natingpagdarasal sa Diyos, sumampalatayatayo at magtiwala sa Kanya. Lumuhodpara magdasal.

Tumanggap ng TungkulinBilang ating halimbawa, bumaba-

ling tayo sa buhay ng Panginoon.Parang makinang na tanglaw ng ka-butihan ang buhay ni Jesus nang ma-ngaral siya sa mga tao. Binigyan Niyang lakas ang mga binti ng pilay, pani-ngin ang mga mata ng bulag, pandi-nig sa mga tainga ng bingi, at buhaysa katawan ng patay.

Ang mga talinghaga Niya’y makapangyarihan. Sa mabutingSamaritano, itinuro Niya, “[Ibiginmo] ang iyong kapuwa” (tingnan sa Lucas 10:30–35). Sa Kanyang LA

RAW

ANG

KU

HA

NI R

OBE

RT C

ASEY

Page 23: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

kabaitan sa babaeng nangalunya, itinuro Niya ang mahabaging pag-unawa (tingnan sa Juan 8:3–11). Sa Kanyang talinghaga ng mga talen-to, tinuruan Niya tayong magpaka-bait at magsikap na magingperpekto (tingnan sa Mateo25:14–30). Talagang inihanda Niyatayo sa ating tungkuling magtatag ng walang hanggang pamilya.

Bawat isa sa atin—priesthoodleader man o pinuno sa auxiliary or-ganization—ay may responsibilidadna tumugon sa sagradong pagtawagsa atin. Itinalaga tayo para sa gawa-ing ipinagkatiwala sa atin. SaDoktrina at mga Tipan 107:99, sabing Panginoon, “Dahil dito, ang ba-wat tao ngayon ay matuto ng kan-yang tungkulin, at kumilos sakatungkulang itinalaga sa kanya,nang buong sigasig.” Sa pagtulongnating mapagpala at mapalakas angmga taong sakop ng ating responsi-bilidad sa mga tungkulin natin saSimbahan, tunay na pinagpapala atpinalalakas natin ang kanilang pamil-ya. Kaya nga, ang paglilingkod natinsa ating pamilya at mga tungkulin sa Simbahan ay walang hanggan ang kapalit.

Maraming taon na ang nagdaan, bi-lang bishop sa malaki at halu-halongward ng mahigit isang libong miyem-bro sa bayan ng Salt Lake City, napaka-rami kong pagsubok.

Isang Linggo ng hapon tumawagsa akin ang may-ari ng botikang sa-kop ng ward namin. Sinabi niya nanang umagang iyon isang batang la-laki ang dumating sa botika niya atbumili ng ice-cream sundae mula sasoda fountain. Nanggaling ang ipi-nambayad niya sa isang sobre, atpag-alis niya, nalimutan niya ang so-bre. Nang magkaroon ng pagkakata-on ang may-ari na suriin ito, nakita

niya na sobre ito ng handog-ayunona may nakalimbag na pangalan attelepono ng ward namin. Nang ilara-wan niya sa akin ang batang galing sabotika niya, agad kong nakilala angbata—isang batang deacon mula saward namin na mula sa di-gaanong aktibong pamilya.

Nagulat ako noong unaat nalungkot na maisip nakukunin ng sinuman sa mgadeacon namin ang pondong handog-ayuno na para samga nangangailangan at pu-punta sa botika sa araw ngLinggo at ipambibili ng sit-serya ang pera. Nagpasiyaakong bisitahin ang batanang hapong iyon para itu-ro sa kanya ang tungkol sasagradong pondo ngSimbahan at sa tungkulin niya bilangdeacon na tipunin at pangalagaanang pondong iyon.

Habang papunta sa bahay ng dea-con at ng kanyang pamilya, nag-alayako ng tahimik na dalangin para sapatnubay kung ano ang dapat kongsabihin para maging payapa ang sit-wasyon. Dumating ako at kumatoksa pinto. Binuksan iyon ng ina ngbata, at pinapasok ako sa sala.Bagama’t bahagya ang liwanag sa si-lid, nakikita ko kung gaano ito kaliitat kaluma. Luma na ang iilang pirasong muwebles. Ang ina mismo aymukhang mahina na.

Naglaho sa isipan ko ang galit saginawa ng anak niya noong umaganang malaman ko na narito angisang pamilyang talagang nangangai-langan. Naisip kong tanungin angina kung may pagkain sa bahay.Luhaan niyang inamin na wala. Sabi niya sa akin matagal nang wa-lang trabaho ang asawa niya at tala-gang kailangan nila hindi lang ang

makakain, kundi magkapera dinupang makabayad sa upa para hindisila mapalayas sa munting bahay na iyon.

Hinding-hindi ko binanggit angmga donasyon sa handog-ayuno, dahil

natanto ko na malamang na gutom nagutom na ang bata nang tumigil siyasa botika. Sa halip, agad kong isinaa-yos ang pagtulong sa pamilya, upangmakakain sila at magkaroon ng tira-han. Bukod dito, sa tulong ng mgapriesthood leader sa ward, naihanapnamin ng trabaho ang asawa niya paramatustusan niya ang kanyang pamilyasa hinaharap.

Bilang mga priesthood at auxili-ary leader, may karapatan tayo sa tu-long ng Panginoon sa pagganap saating tungkulin at pagtupad sa atingmga responsibilidad. Humingi saKanya ng tulong, at pagdating nginspirasyon sa inyo, kumilos ayon sa inspirasyong iyon kung saan kayopupunta, sino ang hahanapin, anoang sasabihin, at paano ito sasabi-hin. Maiisip natin nang paulit-ulitang isang ideya, pero napagpapala

PEBRERO 2 0 0 6 21

Ang paglilingkod natin sa ating

pamilya at mga tungkulin sa Simbahan

ay walang hanggan ang kapalit.

Page 24: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

lang natin ang buhay ng tao kapagisinagawa natin ito.

Nawa’y maging totoong mga pas-tol tayo ng mga taong sakop ng atingpananagutan. Isinulat ni John Miltonsa kanyang tulang “Lycidas,”“Tumingala ang gutom na tupa athindi napakain” (linya 125). Sinabing Panginoon Mismo kay propetangEzekiel, “Sa aba ng mga pastor ngIsrael . . . na hindi . . . pinakakainang mga tupa” (Ezekiel 34:2–3).

Responsibilidad nating pangalaga-an ang kawan, dahil ang mahalagangtupa, ang mahihinang korderong ito,ay nasa buong paligid—sa tahanansa sarili nating pamilya, sa ba-hay ng ating mga kamag-anak,at naghihintay sa atin sa atingmga tungkulin sa Simbahan. SiJesus ang ating Huwaran. SabiNiya, “Ako ang mabutingpastor; at nakikilala koang sariling akin”(Juan 10:14).Responsibilidad natingmaging pastol. Bawatisa nawa’y tumang-gap ng tungkulin.

Hangaring MagligtasSa landas ng buhay na ito, may

mga nagkakasala. Ang ila’y lumalayosa mga palatandaan sa daang patu-ngo sa buhay na walang hangganpara lang matuklasan na walang patu-tunguhan ang kanilang nilikuan. Angpagbabalewala, kawalan ng ingat, ka-sakiman, at pagkakasala ay magpapa-hamak sa buhay ng tao. May mga tao,sa di-malamang mga dahilan, naibang landas ng buhay ang tinatahak,para matuklasan lamang sa huli nakalungkutan at pagdurusa ang kani-lang kinauwian.

Noong 1995 inilista ng UnangPanguluhan ang mga naligaw mula sa

kawan ni Cristo at nagpalabas ng es-pesyal na pahayag na pinamagatang“Paanyayang Bumalik.” Nasa mensaheang pakiusap na ito:

“Sa inyo, na sa kung anong dahi-lan ay nawala sa pag-aaruga ngSimbahan, sinasabi naming bumalikkayo. Inaanyayahan namin kayongbumalik at makibahagi sa kaligaya-hang minsan ninyong nadama.Makikita ninyo ang maraming bisigna sasalubong sa inyo, tutulong ataaliw sa inyo.

siya, talagang nag-away sila. Sabi niJack sa tatay niya, “Hindi ko na maka-kaya ito. Lalayas ako, at hinding-hindina babalik!” Pumasok siya sa kanyangkuwarto at nag-impake. Nagmakaawaang nanay niya na huwag siyang uma-lis, pero sobra ang galit niya para ma-kinig. Iniwan niya itong umiiyak samay pintuan.

Paglabas ng bakuran, palabas nasiya ng tarangkahan nang marinig niyang tinawag siya ng kanyang ama:“Jack, alam kong ako ang dapat sisi-hin sa paglayas mo. Ikinalulungkotko talaga. Gusto kong malaman mona kung gusto mong umuwi, laging

bukas ang pintuan para sa iyo.At sisikapin kong maging

mas mabuting ama saiyo. Gusto kong malaman

mo na mahal kita, at lagikitang mamahalin.”

Walang sinabi si Jack perotumuloy sa istasyon ng bus at

bumili ng tiket patungo sa mala-yong lugar. Habang nakaupo siya

sa bus na minamasdan ang mga dinaraang tanawin sa labas, natuonang isip niya sa mga sinabi ng kan-yang ama. Noon niya naunawaankung gaanong tapang, gaanong pag-mamahal ang kinailangan para masa-bi ng kanyang ama ang sinabi nito.Humingi ng tawad si Itay. Pinababaliksiya at nag-iwan ng mga salitangumuugong sa hangin ng tag-init,“Mahal kita.”

Alam ni Jack na nasa kanya na angsusunod na hakbang. Alam niyangmatatahimik lang ang kalooban niyakung ipamamalas niya sa tatay niyaang gayunding kahustuhan ng isip,kabutihan, at pagmamahal na ipina-kita nito sa kanya. Bumaba ng bus si Jack. Bumili siya ng tiket pabalik at nagsimulang umuwi.

Nakabalik siya bago maghatinggabi,

22

“Kailangan ng Simbahan ang in-yong lakas, pagmamahal, katapatan, atdebosyon. Nasa lugar at tiyak ang lan-das na tatahakin ng isang tao para ma-kabalik sa ganap na mga pagpapala ngpagiging miyembro ng Simbahan, athanda kaming tanggapin ang lahat nanais gawin ito.”

Marahil ang madalas maulit na tag-po ay ilalapit sa puso ninyo ang per-sonal na oportunidad na hangaringtumulong. Bisitahin natin ang pamil-yang may anak na nagngangalangJack. Noong kabataan ni Jack, mara-mi silang matitinding pag-aaway namag-ama. Isang araw noong 17 anyos LA

RAW

ANG

KU

HA

NI R

OBE

RT C

ASEY

;AN

G P

ANG

INO

ON

AN

G A

KIN

G P

ASTO

L, N

I SIM

ON

DEW

EY, H

IND

I MAA

ARIN

G K

OPY

AHIN

Page 25: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

Nawa’y maging totoong mga pastol

tayo ng mga taong nasa sakop ng

ating pananagutan.

pumasok sa bahay, at sinindihan ang ilaw. Naroon sa tumba-tumba angkanyang ama, nakayuko. Pagtingalaniya at nang makita si Jack, tumindigsiya mula sa silya; nagyakapan sila.Paglao’y sinabi ni Jack, “Ang mga hu-ling taong iyon sa bahay ang ilan samga pinakamaligayang sandali sa bu-hay ko.”

Narito ang isang ama, pigil ang galit at damdamin, na hinangad iligtasang kanyang anak bago maging isa samaraming “taong naligaw” bunga nghiwa-hiwalay na pamilya at mga wasakna tahanan. Pag-ibig ang puwersangnagbubuklod, ang nagpapahilom sasakit; pag-ibig na madalas madama, bihirang ipahayag.

Mula sa Bundok ng Sinai dumada-gundong sa ating mga tainga ang,“Igalang mo ang iyong ama at ang

iyong ina” (Exodo 20:12), at kalau-nan, mula sa Diyos ding iyon, angutos na, “Kayo ay mamuhay nangmagkakasama sa pag-ibig” (D at T42:45).

Pagsunod sa Plano ng PanginoonLumuhod para magdasal.

Tumanggap ng tungkulin. Hangaringmagligtas. Bawat isa ay mahalagangbahagi ng plano ng Diyos para maga-wang tahanan ang bahay at maga-wang langit ang tahanan.

Sa ating sagrado at banal na mga responsibilidad sa sarili natingtahanan at tungkulin sa Simbahanmahalaga na mabalanse natin angmga ito. Dapat tayong gumamit ngkarunungan, inspirasyon at matali-nong paghatol sa pangangalaga saating pamilya at pagtupad sa tungku-lin sa Simbahan, dahil bawat isa’y napakahalaga. Hindi natin puwe-deng kaligtaan ang ating pamilya;hindi natin dapat kaligtaan ang ating

tungkulin sa Simbahan.Magtatag tayo nang may kagali-

ngan, huwag nating tahakin ang ma-daling daan, at sundin ang Kanyangplano. At ang Panginoon, magingang ating inspektor sa gusali, ay ma-sasabi sa atin, tulad ng sinabi Niyanang magpakita Siya kay Solomon,na tagapagtayo noong unang pana-hon, “Aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upangilagay ang aking pangalan doon mag-pakailan man” (I Mga Hari 9:3). Sagayo’y magkakaroon tayo ng mga banal na tahanan at mga pamilyangpangwalang-hanggan at makakatu-long ding palakasin at pagpalain ang ibang pamilya.

Buong pagpapakumbaba kong da-langin na mapasaatin ang pagpapa-lang ito. Sa pangalan ni Jesucristo,amen.

TALA1. Liham ng Unang Panguluhan, Peb. 11,

1999; tingnan sa Liahona, Dis. 1999, 1.

PEBRERO 2 0 0 6 23

Page 26: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

ANG MAG-ANAK

Ang pagpapahayag na ito ay binasa ni Pangulong Gordon B. Hinckley bilang bahagi ng kanyang mensahe sa Pulong ngPangkalahatang Samahang Damayan na ginanap noong ika-23 ng Setyembre, 1995, sa Lungsod ng Salt lake, Utah.

KAMI, ANG UNANG PANGULUHAN at ang Kapulunganng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw, ay taimtim na nagpapahayagna ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inor-dena ng Diyos at ang mag-anak ang sentro ng plano ngTagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyangmga anak.

LAHAT NG TAO—lalaki at babae—ay nilalang sa wangis ngDiyos. Bawat isa ay minamahal na espiritung anak na lalaki oanak na babae ng mga magulang na nasa langit, at, bilanggayon, bawat isa ay may banal na katangian at tadhana. Angkasarian ay isang mahalagang katangian ng pagkakakilanlanat layunin ng isang tao sa kanyang buhay bago pa ang buhayniya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walang hanggan.

SA BUHAY BAGO PA ANG BUHAY SA MUNDO, kilala atsinamba ng mga espiritung anak na lalaki at anak na babaeang Diyos bilang kanilang Ama at tinanggap ang Kanyangplano na naglaan sa Kanyang mga anak na magkamit ngpisikal na katawan at magtamo ng karanasan sa mundoupang umunlad patungo sa kaganapan at sa huli ay makam-tan ang kanilang banal na tadhana bilang tagapagmana ngbuhay na walang hanggan. Ang banal na plano ng kaligaya-han ng Diyos ang nagpapahintulot sa mga ugnayan ng mag-anak na magpatuloy sa kabilang buhay. Ang mga sagradongordenansa at tipan na makukuha sa mga banal na templo angnagbibigay ng pagkakataon sa mga tao upang makabalik sakinaroroonan ng Diyos at upang ang mga mag-anak aymagkasama-sama sa walang hanggan.

ANG UNANG KAUTUSAN NA IBINIGAY ng Diyos kinaAdan at Eva ay tungkol sa kanilang posibilidad bilang mag-asawa na maging mga magulang. Ipinahahayag namin naang kautusan ng Diyos na magpakarami at kalatan ang lupaay nananatiling may bisa. Amin pang karagdagang ipinaha-hayag na ang banal na kapangyarihang lumikha ng bata aynararapat lamang gawin ng lalaki at babae, na ikinasal bilangmag-asawa ayon sa batas.

IPINAHAHAYAG namin na ang paraan ng paglikha ngbuhay na mortal ay itinakda ng Diyos. Pinagtitibay naminang kabanalan ng buhay at ang kahalagahan nito sa walanghanggang plano ng Diyos.

ANG MAG-ASAWA AY MAY BANAL na tungkulingmahalin at kalingain ang bawat isa at ang kanilang mga

anak. ‘Ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon’ (MgaAwit 127:3). Ang mga magulang ay may banal na tungkulingpalakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabuti-han, maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mgapangangailangan, turuan silang magmahal at maglingkodsa isa’t isa, sundin ang mga kautusan ng Diyos at magingmasunurin sa batas saanman sila naninirahan. Ang mgamag-asawa—ang mga ina at ama—ay papananagutin saharap ng Diyos sa kanilang pagtupad sa mga tungkuling ito.

ANG MAG-ANAK ay inordena ng Diyos. Ang kasal sa pagitanng isang lalaki at babae ay mahalaga sa Kanyang walang hang-gang plano. Ang mga anak ay may karapatang isilang sa loobng bigkis ng kasal at palakihin ng isang ama at isang ina nagumagalang nang buong katapatan sa pangakong kanilangginawa nang sila ay ikasal. Ang kaligayahan sa buhay ng mag-anak ay lalong higit na makakamit kapag isinalig sa mga turong Panginoong Jesucristo. Ang mga matagumpay na buhaymag-asawa at mag-anak ay itinatatag at pinananatili sa mga ali-tuntunin ng pananampalataya, panalangin, pagsisisi, pagpap-atawad, paggalang, pagmamahalan, awa, gawa, at mga kapaki-pakinabang na gawaing panlibangan. Sa plano ng Diyos, angmga ama ang mangungulo sa kanilang mga mag-anak sa pag-mamahal at kabutihan at ang may tungkuling maglaan ng mgapangangailangan sa buhay at kaligtasan ng kanilang mga mag-anak. Ang mga ina ang may pangunahing tungkulin na mag-aruga ng kanilang mga anak. Sa mga banal na tungkuling ito,ang mga ama at ina ay may pananagutang magtulungan bilangmagkasama na may pantay na pananagutan. Ang pagkakaroonng kapansanan, kamatayan, o iba pang kalagayan ay maaaringmagpabago sa mga takdang tungkulin ng bawat isa sapagkalinga sa mag-anak. Ang mga kamag-anak ay dapat mag-bigay ng tulong kung kinakailangan.

KAMI ay nagbababala sa mga taong lumalabag sa mgatipan ng kalinisang-puri, nagmamalabis sa asawa o anak, obigo sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa mag-anak,na balang araw sila ay papananagutin sa harap ng Diyos. Atgayon din, kami ay nagbababala na ang pagkakawatak-watak ng mag-anak ay magdudulot sa mga tao, mga komu-nidad, at mga bansa ng mga kapahamakang sinabi na noonpa ng mga sinauna at makabagong propeta.

KAMI ay nananawagan sa mga may-pananagutang mama-mayan at mga pinuno ng gobyerno sa lahat ng dako na mag-tatag ng mga pamamaraan upang mapanatili at mapalakasang mag-anak bilang ang pangunahing yunit ng lipunan.

ANG UNANG PANGULUHAN AT KAPULUNGAN NG LABINDALAWANG APOSTOLNG ANG SIMBAHAN NI JESUCRISTO NG MGA BANAL SA MGA HULING ARAW

Page 27: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno
Page 28: Pandaigdigang Pulong sa Pagsasanay sa Pamumuno

4 02262 40893 6

TAGALOG

26240 893