4
1 PANGALAGAAN ANG PONDO NG BAYAN PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN Bakit ba patuloy na hindi makabangon sa hirap at dusa ang ating bayan at patuloy pa tayong nasasadlak sa kahirapan? Ang kasagutan po dito ay simple lamang, ang nakaraan at kasalukuyang namumuno sa ating bayan ay hindi pinangalagaan at hindi ginagamit ng malinis at tama ang pondo ng ating bayan. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, magmula noong 2002 hanggang 2013, ang kabuuang budget, pera o pondo ng ating bayan na pinangasiwaan o hinawakan ng nakaraan at kasalukuyang pamunuan ng ating bayan ay umaabot sa Apat na raan at Labing Isang Milyon Apat na raan Dalawampu’t Dalawang Libo Apatnapu’t- walo & 88/100 Piso (P411,422,048.88). Ang approved budget ng ating bayan magmula 2002-2013 ay mababasa ninyo na sa facebook ng GM at ang kabuuan po ng nasabing budget ay ang mga sumusunod: Year Budget Mun. Development Fund 2002 21,276,676.00 3,798,395.00 2003 22,367,233.00 4,253,337.00 2004 22,453,886.00 4,459,117.00 2005 25,503,763.00 4,454,350.00 2006 26,210,000.00 4,800,650.00 2007 33,499,740.00 5,778,348.00 2008 33,879,740.00 5,778,348.00 2009 37,251,972.00 6,523,994.00 2010 42,989,172.00 7,619,834.00 2011 45,104,115.00 8,072,965.00 2012 47,322,675.00 8,456,535.00 2013 53,563,076.88 9,793,304.40 TOTAL 411,422,048.88 73,789,177.00 Magmula 2002 to June 29, 2010, ang namahala po ng pondo ng ating bayan ay si Ex-Mayor Victorino Tino Rodillas at ang pondo na kanyang hinawakan ay may kabuuang halaga na P265,432,185.30 , at magmula June 30, 2010 hanggang sa kasalukuyang panahon, ang namamahala sa pondo ng ating bayan ay si Mayor Filo Guera at ang kabuuang budget o pondo sa kanyang pamamahala ay P145,989,866.88. Ang Municipal Budget Officer (MBO) ng ating bayan magmula taong 1992 to 2012 ay si G. Ben Cobrado. Bilang MBO si G. Ben Cobrado po ang gumagawa ng budget ng ating bayan o ng mga bagay na pagkakagastusan ng pondo o pera ng ating bayan. (SA LIKOD ANG PAHINA 2)

Pangalagaan Ang Pondo Ng Bayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pangalagaan Ang Pondo Ng Bayan

Citation preview

Page 1: Pangalagaan Ang Pondo Ng Bayan

1

PANGALAGAAN ANG PONDO NG BAYAN PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN

Bakit ba patuloy na hindi makabangon sa hirap at dusa ang ating bayan at patuloy pa tayong nasasadlak sa kahirapan?

Ang kasagutan po dito ay simple lamang, ang nakaraan at kasalukuyang namumuno sa ating bayan ay hindi pinangalagaan at hindi ginagamit ng malinis at tama ang pondo ng ating bayan. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, magmula noong 2002 hanggang 2013, ang kabuuang budget, pera o pondo ng ating bayan na pinangasiwaan o hinawakan ng nakaraan at kasalukuyang pamunuan ng ating bayan ay umaabot sa Apat na raan at Labing Isang Milyon Apat na raan Dalawampu’t Dalawang Libo Apatnapu’t-walo & 88/100 Piso (P411,422,048.88). Ang approved budget ng ating bayan magmula 2002-2013 ay mababasa ninyo na sa facebook ng GM at ang kabuuan po ng nasabing budget ay ang mga sumusunod:

Year Budget Mun. Development Fund

2002 21,276,676.00 3,798,395.002003 22,367,233.00 4,253,337.002004 22,453,886.00 4,459,117.002005 25,503,763.00 4,454,350.002006 26,210,000.00 4,800,650.002007 33,499,740.00 5,778,348.002008 33,879,740.00 5,778,348.002009 37,251,972.00 6,523,994.002010 42,989,172.00 7,619,834.002011 45,104,115.00 8,072,965.002012 47,322,675.00 8,456,535.002013 53,563,076.88 9,793,304.40

TOTAL 411,422,048.88 73,789,177.00

Magmula 2002 to June 29, 2010, ang namahala po ng pondo ng ating bayan ay si Ex-Mayor Victorino Tino Rodillas at ang pondo na kanyang hinawakan ay may kabuuang halaga na P265,432,185.30 , at magmula June 30, 2010 hanggang sa kasalukuyang panahon, ang namamahala sa pondo ng ating bayan ay si Mayor Filo Guera at ang kabuuang budget o pondo sa kanyang pamamahala ay P145,989,866.88. Ang Municipal Budget Officer (MBO) ng ating bayan magmula taong 1992 to 2012 ay si G. Ben Cobrado. Bilang MBO si G. Ben Cobrado po ang gumagawa ng budget ng ating bayan o ng mga bagay na pagkakagastusan ng pondo o pera ng ating bayan. Iisa po ang klase ng sistema ng paghawak sa pondo ng bayan ang nalalaman nina Ex-Mayor Tino, Mayor Filo Guera at G. Ben Cobrado at bayan kayo na po ang maghusga kung anong klase ng sistema ang nalalaman nila sa paghawak ng pondo ng ating bayan.

Malinaw nating makikita sa itaas nito na magmula 2002 hanggang 2013, ang nakalaan na budget o pondo o pera sa Municipal Development Fund ay P73,789,177.00. Ang Municipal Development Fund ay ang pondo ng ating bayan na dapat gamitin para sa pagawaing bayan tulad ng pagpapaganda at pagpapabuti ng sistema ng ating inuming tubig (water system). Kaya sana po kung ang halaga na P73,789,177.00 ay ginamit sa pagpapaganda o pagpapabuti ng ating water system, sana po tayo ay walang kinakaharap ngayon na pagtaas sa singil sa tubig at sana ang isang dayuhan ay hindi na nakarating sa ating bayan upang pagsamantalahan ang ating yamang tubig.

Si Ex-Mayor Tino at Mayor Filo Guera po ay may tinuturo na mga proyekto na kanilang ginawa, subalit ang karamihan sa mga proyekto na kanilang sinasabi ay mga proyekto na pinondohan o ginastusan ng Pamahalaang National (National Government) o ng Pamahalaang Panglalawigan. Wala pong maipakita sa atin si Ex-Mayor Tino at Mayor Filo Guera na isang maganda at malaki na proyekto na pinondohan o pinagkagastusan na napakalaking pondo ng ating bayan na kanilang nahawakan.

(SA LIKOD ANG PAHINA 2)

Page 2: Pangalagaan Ang Pondo Ng Bayan

2

ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN para sabihin ni Ex-Mayor Tino na ng dahil sa kanya ay umasenso ang ating bayan mula 5th Class Municipality to 4th Class Municipality. Ang antas ng isang munisipalidad ay depende sa dami ng pananalapi o pondo nito. Dito ay malinaw na makikita natin na hindi nalalaman ni Ex-Mayor Tino kung bakit lumalaki ang pondo o pera ng ating bayan. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, ang pera o pondo ng ating bayan ay halos lahat nanggagaling sa Internal Revenue Allocation (IRA). Ang IRA ang siyang kaparte o kabahagi ng ating bayan sa mga buwis na nalilikom ng ating Pamahalaang National (National Government) o ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang kabahagi natin sa IRA ay malaki dahil malaki ang lupain ng ating bayan at lumalaki din ang ating populasyon. Habang umuunlad ang ating BANSA ay lalong lumalaki ang kaparte ng ating bayan sa IRA. Kaya Ex-Mayor Tino, IKAW AY WALANG KARAPATAN NA MAGMALAKI TUNGKOL SA PAGLAKI NG PONDO NG ATING BAYAN DAHIL WALA KANG ANUMANG KINALAMAN SA PAGLAKI NG IRA NG ATING BAYAN. Kung wala ang IRA walang pera ang ating bayan.

Kaya makikita natin ngayon, na dahil hindi napangalagaan ng tama ang pera o pondo ng ating bayan ang siyang malinaw na dahilan kaya ang ating bayan ay sadlak sa kahirapan. Patuloy na masasadlak sa hirap at dusa ang ating bayan kung ating hahayaan na ang ating bayan ay patuloy na pamunuan ng isang pamunuan na walang adhikain na pangalagaan ang pondo ng ating bayan.

Marami po ang mga proyekto na gustong gawin at ipatupad ng mga kandidato na kalaban ng Esmaquel-Ronabio Team sa darating na halalan. Ang anumang proyekto na lokal dito sa ating bayan ay hindi magkakaroon ng katuparan kung ang ating bayan ay walang kaukulang pondo para dito. Ang susi para sa katuparan ng anumang proyekto ay kailangan po muna nating pangalagaan at gamitin ng malinis at tama ang pondo ng ating bayan upang tayo ay magkaroon ng sapat na pondo sa anumang proyekto. KUNG WALANG PONDO, WALANG PROYEKTO.

Ang pangunahing adhikain po ng Esmaquel-Ronabio Team sa pamumuno ni G. Allan Esmaquel para Mayor at ni. G. Torio Ronabio para Vice Mayor ay pangalagaan at gamitin ng malinis at tama ang pondo o pera ng ating bayan. Kaya sa darating na halalan sana po ay iboto natin ang Esmaquel-Ronabio Team upang magkaroon tayo ng mga lingkod ng bayan na tunay na mangangalaga at gagamit ng malinis at tama sa pondo ng ating bayan na siyang susi sa magandang kinabukasan ng ating mahal na bayan at mga mamamayan.

ISANG BOTO TUNGO SA PAGBABAGO

VOTE STRAIGHT!!!

ESMAQUEL-RONABIO TEAM

Paid for by GISING MAJAYJAY

2 ALLAN Z. ESMAQUEL – MAYOR4 TORIO Z. RONABIO- VICE-MAYOR12 “AKONG” DE VERA – KONSEHAL14 LEO ESQUILLO – KONSEHAL21 MARIO NOMBRADO – KONSEHAL24 FERDINAND “DING” ROS - KONSEHAL26 NARCISO “CISO” RUBIALES – KONSEHAL32 JOYCE VILLARANTE – KONSEHAL5 DR. JHOUL VITASA-BARBA (Guest) –KONSEHAL