108
1 Panimulang Balarila: Palatuntunang Minimalismo Mga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino Resty Cena Universidad ng Pilipinas-Diliman 2006

Panimulang Balarila

Embed Size (px)

Citation preview

Panimulang Balarila: Palatuntunang MinimalismoMga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino

Resty Cena2006

Universidad ng Pilipinas-Diliman

1

1. Balarila

2

Layunin ng mga AralinGamitin ang palatuntunang minimalismo

(a) sa pagtuklas at pag-unawa ng mga balangkas ng mga wikang Pilipino at (b) sa pag-unawa ng mga katangian ng wika ng tao human language.

3

Balarila: Isang Pananaw... the generative grammarian's belief that grammar is an autonomous mental faculty and that it is governed by mental processes operating on mental representations of different kinds of symbols that apply only within this faculty. (Wikipedia) Ihambing: The cognitive linguist's point of view: Grammar is not an autonomous mental faculty with processes of its own, but that it is intertwined with all other cognitive processes and structures. The basic claim here is that grammar is conceptualization. (Wikipedia)

4

Balarila: Isang Pananaw 2Pansinin: Ang balarila ay isang isip-kapangyarihan mental faculty May sariling-tindig autonomous; hindi umaasa sa ibang isip-kapangyarihan

May mga pamamaraan at sangkap na lapat lang sa balarila, at hindi makikita sa ibang isipkapangyarihan

5

Layunin ng Kabanata

Bakasin ang pag-iisip sa likod ng panukala na ang balarila ay isang isip-kapangyarihan. Unawaain ang mga kaarian ng balarila ng mga wika ng tao Alamin ang paraan ng pagsusuri na gagamitin sa pagtuklas ng mga balangkas ng mga wikang Pilipino.

6

Kakayanang Pangwika linguistic competenceAno ang alam natin tungkol sa likas na tagapagsalita "native speaker"? Ang likas na tagapagsalita ng isang wika ay may kakayanang pangbalarila o pangwika "linguistic competence" Mayroon siyang kaalamang di-lantad tacit knowledge ng balarila -- alam niyang bumuo at umuntindi ng mga parirala at pangungusap sa kaniyang wika Wala siyang kaalamang lantad explicit knowledge ng balarila Hindi niya masasagot nang husto ang tanong na tulad ng Paano mo naiintindihan ang pangungusap na ..., o Paano bumubuo ng tanong na pasalansang negative question?7

Kakayanang Pangwika linguistic competence 2Kakayanang Pangwika Ang kakayanang pangwika ay ang isinaloob/isinaisip na kaalaman ng wika internalized knowledge of language ng likas na tagapagsalita

8

Kakayanang Pangwika linguistic competence 3

2. 3. 4.

Ang Kakayanan ay tumutukoy sa isang pulutong ng isinaisip internalized na patakarang pangwika, kaya: ang balarila ay isang bagay ng isip mental object ang pag-aaral ng balarila ng wika ay sakop ng disiplinang cognition ang pinag-aaralan ay ang mga kaarian ng isinaloob na sistemang pangwika internal linguistic system (I-language)

9

Ang Pag-aaralanUlitin natin: Ang pag-aaralan natin ay ang kakayanang pangwika o isinaloob na kaalaman ng wika ng mga likas na tagapagsalita ng mga wikang Pilipino.

10

Kaalaman ng BalarilaAlam ng likas na tagapagsalita: Kung walang balangkas ang isang lipon ng mga salita*Mataas ng Ben sige

May balangkas, pero walang kawawaan*Natutulog nang nangangalit ang walang kulay na luntiang pag-iisip.

May balangkas, naiintindihan, pero hindi pa rin tinatanggap:(a) *Ng sundalo, tinulungan ang matanda. (b) *Ng pansit, nagluto si Manong Ben. (c) *Aling libro ang sinuri niya nang hindi binabasa ang libro?11

Kaalaman ng Balarila 2

Halos magkakapareho ng ibig sabihin:(1)(a) Talagang gusto ni Ben na uminom ng basi. (b) Gusto ni Ben na talagang uminom ng basi. (c) Gustong talaga ni Ben na uminom ng basi. (2)(a) Lutuin mo na ang isda. (b) Iluto mo na ang isda.

May mahigit sa isang kahulugan:(a) Nahulog si Ben sa balkonahe. (b) Binaril ng guwardiya ang magnanakaw nang pumasok sa bangko.12

Kaalaman ng Balarila 3Naiintindihan kahit may sangkap na kinaltas:Uminom si Ben ng basi, at si Dan, ng lambanog. Tinikman ni Ben ang basi bago ipinamudmod.

Naiintindihan kahit may sangkap na lumipat ng lugar:Kinausap ni Ben si Kim na ibinalita ni Dan na hinahanap ng pulis.

13

Kaganapang Pangwika linguistic performance

Ang kaganapang pangwika ay ang sinasabi o naiintindihan ng likas na tagapagsalita sa isang situwasiyon o gamit ng wika Maaring mahiwalay sa Kakayanan ang Kaganapan ayon sa situwasiyon, ibig sabihin, may mga kamalian ang pagsasalita o pag-iintindi dala ng pansamantalang ka-imperpektuhan ng usapan o kapansanan ng nagsasalita, halimbawa, ang nagsasalita ay inaantok, lasing, walang-ingat sa pagsasalita, may laman ang bibig, o may pasak ang tainga, o gumagawa ng isang deliberate speech-act of infelicity

14

Hindi ganap na mapag-aaralan ang Kaganapan kung walang matatag na kaalaman ng Kakayanan. Psycholinguistics ang disiplinang sumusuri sa mga sikolohiyang proseso ng gamit ng wika.

15

Implikasiyon ng Kakayanan at Kaganapang Pangwika sa Pag-aaral ng BalarilaAng ipaliliwanag ng balarila ay ang kakayanan ng isang likas na tagapagsalita, hindi ang paggamit ng wika sa isang situwasiyon. Para magkaugnay-ugnay ang mga paliwanag, kailangang ang balarila ay tumayo sa isang sapat na modelo o tiyoriya ng balarila Palatuntunang Minimalismo, isang uri ng balarilang heneratibo, ang gagamitin nating gabay sa pag-aaral ng balangkas ng mga wikang Pilipino.16

Balarilang Heneratibo

A generative grammar is a set of rules that recursively "specify" or "generate" the wellformed expressions of a natural language. [Wikipedia] Halimbawa ng paikot na tuntunin recursive rule

Paikot na depinisiyon ng ninuno(a) Ang mga magulang (parents) ng isang tao ay kaniyang mga ninuno (base case). (b) Ang mga magulang ng mga ninuno ng isang tao ay kaniya ring mga ninuno (recursion step)17

Balarilang HeneratiboPaikot na depinisiyon ng S (Sinimplihan at may kakulangan)Mga sagisag ng bokabulariyo: S, VP, NP, det, N, V Mga tuntunin: (a) S -> VP NP (b) NP -> det N (c) VP -> V (S) (Nakapaloob ang S sa sangkap ng S na VP ) (d) det -> ang, ng (e) N -> sundalo, pastor, basi (f) V -> ibinalita, umalis, gumawa, uminom18

Balarilang HeneratiboHalimbawa: Likhain natin ang S na Ibinalita na gumawa ang sundalo ng basi (Kalimutan natin ang na)Tuntunin Tuntunin Tuntunin Tuntunin Tuntunin Tuntunin Tuntunin basi (a): VP NP (b): VP det N (c): V S det N (a): V VP NP det N (b): V VP det N det N (c): V V det N det N (d,e,f) Ibinalita na gumawa ang sundalo ng

19

Balarilang HeneratiboMaii-generate by the ng balarila sa itaas ang:(a) Ibinalita na bumili ang sundalo ng basi (b) Ibinalita na uminom ang pastor ng lambanog (c) Ibinalita na umalis ang basi ng pastor

Pag-usapan Ano ang kainaman ng isang paikot na sistema recursive system, in particular, bilang isang sistema sa paglikha ng mga pangungusap ng isang wika?20

Katibayan

Saan kukuha ng katibayan tungkol sa mga kaangkinan properties ng Kakayanan? (Alalahaning ang balarila ay isang "mental object".) Hindi matatanong nang diretso ang tagapagsalita: Paano ka bumubuo at umiintindi ng pangungusap sa iyong wika?

21

Isa lang ang pagbubuhatan ng katabiyan: hinuha intuition ng likas na tagapagsalita Hinuha tungkol sa kabarilaaan grammaticality ng mga pangungusap. Hinuha tungkol sa kahulugan ng mga pangungusap.

22

Hinuha tungkol sa Kabalarilaan

Husgahan ang kabalarilaan ng mga pangunguasap sa listahan.Pagsususulatin ni Ben ang liham. Pagpupupunitin ni Ben ang liham Naramdaman ni Ana si Ben na iniinom ang basi. Naramdaman ni Ana ang basi na iniinom ni Ben.

2. 3. 4. 5.

23

Hinuha Tungkol sa KahuluganSino ang umalis?(a) Tinulungan ni Ben si Alma bago umalis. (b) Tumulong si Ben kay Alma bago umalis. (c) Ipinakilala ni Ben si Alma kay Boni bago umalis. (d) Nagpahatid si Ben kay Alma kay Boni bago umalis. (e) Pinatawag ni Ben si Boni kay Alma bago umalis.

24

Hinuha Tungkol sa Kahulugan 2May pagkakaiba?Nolasco (2006) (a) Naglangoy si Ben sa ilog. (b) Lumangoy si Ben sa ilog. (a) Naupo si Ben. (b) Umupo si Ben

25

Kasapatan ng isang BalarilaPaano huhusgahan ang kasapatan ng isang balarila? Ang isang balarila ay sapat ang paglalarawan descriptively adequate kung tamang mahuhusgahan nito ang kabarilaan ng anomang kawing ng mga salita sa wika batay sa mga tuntunin ng balarila

26

Halimbawang ang balarila ng Golagat ay may tuntuning:Kahigpitang Pangsimuno Lahat ng pangungusap ay may simuno.

Tanggapin natin na ang pariralang "ang/si N" ay simuno. Sapat ba ang balarilang Golagat?1. 2. 3.

Uminom si Ben ng basi. *Uminom ng basi. Kaiinom ni Ben ng basi.

27

Kasapatan ng isang Balarila 2

Uminom si Ben ng basi. *Uminom ng basi. Kaiinom ni Ben ng basi.

Tama ang pangungusap (1), at hinuhusgahan ito na tama ng balarila ng Golagat. Mali ang pangungusap (2), at hinuhusgahan ito na mali ng Golagat. Tama ang pangungusap (3), pero huhusgahan ito na mali ng balarila ng Golagat. Paano babaguhin ang balarila ng Golagat?

28

Kasapatan ng isang Balarila 3

Ang punto: ang pagiging tama o mali ng isang pangungusap ay huhusgahan (o ipaliliwanag) ng isang balarila ayon sa tuntunin at pamamaraan ng tiyoriya ng balarila na batayan ng nasabing balarila. Anong pagsusulit ang kailangan maipasa ng isang pangungusap para masabing tama ang buong pangungusap?

29

Pagsusuring Gramatika "Grammatical Analysis"

Nakita natin na ang mga datos sa pagsusuri ng balarila bilang isang bagay-isip "mental object" ay mga hinuha intuition ng likas na tagapagsalita tungkol sa kabarilaan at kahulugan ng mga pangungusap. Mga Hakbang sa Pagsusuri. (Inilaladlad natin ang mga hakbang para sa baguhan. Bihirang sundin ng mga eksperto ang mga hakbang na tatalakayin ayon sa ipinakikitang mga hakbang..)

30

Pagsusuring Gramatika 2

Magsimula sa isang napansing anomaliya. (O sa isang generalization na nakakaduda.)Uminom ang sundalo ng basi Ang sundalo, uminom ng basi *Ng basi, uminom ang sundalo. (Patient ang ng basi)

2. 3. 4.

(Bakit puwedeng ilipat sa unahan ang Aktor (ang sundalo) pero hindi puweding ilipat sa unahan ang Patient (ng basi)?

31

Pagsusuring Gramatika 2

Baka naman dahil sa simuno ang aktor kaya nailipat ito. Subukan nating gawing simuno ang Patient.Ininom ng sundalo ang basi. Ang basi, ininom ni Ben.

2. 3.

Ok, puwedeng ilipat ang Patient na basi kung simuno. At hindi na puwedeng ilipat ang Aktor na sundalo dahil hindi ito simuno.*Ng sundalo, ininom ang basi.

32

Pagsusuring Gramatika 3

Mangalap pa ng mga data.Ininom ng sundalo ang basi sa binyagan kahapon. Kahapon, ininom ng sundalo ang basi sa binyagan. Sa binyagan, ininom ng sundalo ang basi kahapon.

3. 4. 5.

Opps! Hindi simuno ang kahapon at hindi rin simuno ang binyagan pero naililipat. Hindi simuno ang mahalaga.

33

Pagsusuring Gramatika 4

Baka ang role, Aktor o Patient, ang batayan ng kondisyon. Hindi rin ang role ang mahalaga, dahil sa naililipat ang Aktor (2) Patient (5), at ang time (7) at place (8) phrases(2) Ang sundalo, uminom ng basi (5) Ang basi, ininom ni Ben (8) Kahapon, ininom ng sundalo ang basi sa binyagan (9) Sa binyagan, ininom ng sundalo ang basi kahapon

34

Pagsusuring Gramatika 5

Pansinin ang dalawang paglilipat na hindi tinatanggap:*Ng basi, uminom ang sundalo. *Ng sundalo, ininom ang basi.

3.

Aha, tila ang hindi maililipat sa unahan ay ang pangngalang tinutukoy ng *ng.

35

Pagsusuring Gramatika 6

Bumuo ng (pansamantalang) tuntunin. Tawagin nating Topicalization Constraint (unang pagsasaad) Hindi maililipat sa unahan ng pangungusap ang pangngalang pariralang nagsisimula sa ng.

36

Pagsusuring Gramatika 7

Maghanap ng mga kontra-halimbawa.(a) Dumating si Ben, nang magkasakit ang tatang. (b) Nang magkasakit ang Tatang, dumating si Ben.

Kontra-halimbawa ba ito? Hindi, nang is a clause introducer, not a genitive marker. Ang (b) sa ibaba, kontra-halimbawa ba?(a) Magpapadala ako ng damit, pero hindi ako magpapadala ng pera. (b) Damit magpapadala ako, pero pera, hindi (Vida de Guzman)37

Pagsusuring Gramatika 8

Maari. Ang [damit] sa (b) ay generic at nonspecific, samantalang ang [damit] sa (a) ay generic at specific (is this a correct description of the difference?). Ok, sabihin na nating hindi kontra-halimbawa ang (b). Napansin ba na iyong mga sangkap na naililipat sa unahan ay kabilang sa tinatawag na panlabas na argumento ng pandiwa? Ang panloob na argumento naman ay hindi naililipat.38

Panloob at Panlabas na Argumento ng Pandiwapanloob na argumento

Bumili ng basi kahapon sa tindahan si Benpanlabas na argumento

para kay Anna dahil sa birthday niya.Ulo ng parirala39

Pagsusuring Gramatika 9

At pinuhin pa ang kahigpitan. Topicalization Constraint (ikalawang pagsasaad) Hindi maililipat sa unahan ng pangungusap ang panloob na argumento ng pandiwa.

40

Pagsusuring Gramatika 10

Sa ngayon, limitado ang pagsasaad ng kahigpitan sa argumento ng pandiwa lang. Maari kayang lapat rin ang kahigpitan sa iba pang kategoriya? Ipinakikita ng mga halimbawa sa ibaba na nag-a-apply din ang kahigpitan sa pangngalan.ang litrato kay Ben => ang kay Ben na litrato ang litrato sa binyagan => ang sa binyagang litrato ang litrato ni Ben => *ang ni Ben na litrato

41

Pagsusuring Gramatika 11

Sinasakop din ng panghihigpit ang pariralang pang-uri.Sabik sa anak si Ben => Sa anak sabik si Ben Magalang kay Dan si Ben => Kay Dan magalang si Ben. Mas tuso kaysa kay Dan si Ben => ?Kaysa kay Dan mas tuso si Ben.

Walang halimbawang nagpapakitang sakop ng tuntunin ang pang-abay.

42

Pagsusuring Gramatika 12

Bigyan natin ng lapat na pangalan ang kahigpitan. Kahigpitan sa paglipat ng argumento (ikatlong pagsasaad) Hindi maaring pangunahan ng panloob na argumento ang ulo.

43

ulo *Ng basi, uminom. *Ng sundalo, ininom *ang ni Ben na litrato panloob na argumento

44

Pagsusuring Gramatika 13

Bago purihin ang ating sarili, tanungin muna kung ang kahigpitan ay indipendiyente nga at kailangang bigyan ng sariling paghahayag. O baka naman ipinahahayag na ito ng isang mas malawak na kahigpitan. Kung gayon, hindi kailangang bigyan ng sariling pagsasaad ang kahigpitan.

45

Prinsipiyo at Parametro Principles and Parameters May mga prinsipiyo ng balarila na panglahatan, bahagi ng panglahatang balarila universal grammar. At sapagkat panglahatan, hindi kailangang ipahayag sa balarila ng bawat wika. Panglahatang prinsipiyo tungkol sa lugar ng ulo ng parirala: Ang ulo ng parirala sa isang wika ay nasa unahan o nasa hulihan ng mga argumento.46

Pagsusuring Gramatika 14

Ang parametrong lugar ng ulo sa parirala ay may dalawang posibleng halaga: una o huli. Ito ay itinatakda sa bawat wika ng likas na nagsasalita batay sa mga datos na naririnig niya. Halaga ng parametrong lugar ng ulo sa Tagalog: Una.

47

Pagsusuring Gramatika 16

Bahagi ang lugar ng ulo ng parirala sa panglahatang balarila universal grammar at hindi kailagang ipahayag sa balarila ng bawat wika. Kailangan lang na bigyan ito ng halaga. Kung ang kahigpitan ay panglahatan, dapat na magtrabaho rin ito sa ibang wika. Patunayan o pabulaanan ang prediksiyon sa Ilokano, Sebuwano, Kapampangan.

48

Dalubwika

Ang deskriptibong dalubwika descriptive linguist ay sumusulat ng balarila ng wika. Ang balarila ng isang wika ay naglalarawan ng pagbuo at pag-unawa ng mga salita, parirala at pangungusap sa nasabing wika. Ang tiyoretikong dalubwikha theoretical linguist ay bumubuo ng tiyoriya ng balarila. Ang isang tiyoriya ng balarila ay nagsasaad ng mga katangian ng mga posible at di-posibling balarila ng mga wika ng tao.49

Tiyoriya ng Balaria

Tiyoriya ng Balarila (TngB) ... isang bugkos ng mga tuntunin tungkol sa katangian ng posible at di-posibling balarila ng mga wika ng tao Halimbawa ng isang tuntunin: Kahigpitan ng Pulo Island Constraint (Ross 1967) Walang sangkap na makapupuslit mula sa isang pulo.

50

Kahigpitan ng Pulo Island Constraint

Halimbawa ng isang pulo: magkatugmang balangkas coordinate structureUminom ng basi [ang sundalo at ang karpintero] (a) [Ang sundalo at ang karpintero] ay uminom ng basi. (b) *Ang karpintero ay uminom ng basi [ang sundalo at].

Pansinin na sa (b), hinaharang ang tangkang ipuslit ang ang karpintero mula sa pulong [ang sundalo at ang karpintero].Tanong: Why can't you move something out of an island? The issue may not be that you can't move something out of an island, but that there is nowhere to put it.51

wh-pulo wh-question island

Ang isang nakapaloob na pangungusap embedded sentence na pinangungunahan ng isang wh-salita (ano, sino, alin, ilan, kailan, saan, bakit) ay isang pulo. Ang mga salitang nasa loob ng panaklong sa halimbawa sa ibaba ay isang pulo:[Aling putahe na niluto ni Ben sa pugon] ang nasarapan ka?

Maaring lumipat ng lugar ang isang sangkap sa loob ng pulo. Halimbawa, ang sa pugon ay umuna kaysa sa pandiwa, gaya ng ipinapakita sa (a):(a) [Aling putahe na sa pugon niluto ni Ben] ang nasarapan ka?52

wh-pulo wh-question island 2

Pero nang luksuhan nito ang panaklong, masama ang pangungusap na lumabas:(b) *Sa pugon [aling putahe na niluto ni Ben] ang nasarapan ka? .

Ang isang tiyoriya ng balarila ay kailangang may tuntuning nagbabawal ng paglabas ng anumang balangkas mula sa isang pulong balangkas.

53

Adjunct Island

An adjunct island is a type of island formed from an adjunct clause. Wh-movement is not possible out of an adjunct clause. Adjunct clauses include clauses introduced by because, if, and when, as well as relative clauses. Some examples include:Umuwi ka [dahil gusto mong gawin ang ano]? *Ang ano umuwi ka dahil gusto mong gawin? Gusto ni Alex ang babae [na suot ang ano]? *Ang ano ang gusto ni Alex ang babae na suot?

54

Kasapatan ng Isang Tiyoriya ng BalarilaKasapatan ng Isang Tiyoriya ng Balarila Sapat adequate ang isang TngB kung may mga kaangkinang: 1. Kamunduhan universality 2. Kabatiran learnability 3. Kasagaran ng kahigpitan maximally restrictive 4. Kasapatan ng paliwanag explanatory adequacy

55

Kamunduhan Universality

Ang isang TngB ay kailangang magbigay ng sapat na mga kasangkapan descriptive apparatus para ilarawan ang balarila ng kahit anong wika ng tao. Nagbibigay ng isang listahan ng mga panlahatang kaangkinan universal properties ng mga balarila ng mga wika ng tao. Ang ultimate na adhika ng lingguwistika ay bumuo ng isang tiyoriya ng panlahatang balarila universal grammar (UG).

56

Kasapatan ng Paliwanag explanatory adequacy

Kailangang ipaliwanag ng isang TngB ang mga katangian ng UG: Bakit ang mga balarila ng wika ng tao ay may katangiang tinataglay nito? Bakit hindi makalalabas ang anomang sangkap mula sa isang pulo? Bakit hindi makalilipat sa unahan ang isang panloob na argumento? atbp

57

Kasagaran ng Kahigpitan ng Tiyoriya ng Balarila Maximally Restrictive

Ang kagamitan descriptive apparatus na ipinauubaya ng TngB/UG ay kailangang hindi napakamakapangyarihan para magamit din sa paglalarawan hindi lang ng mga wika ng tao kundi pati ibang paraan ng pag-uusap. Ibang paraan ng pag-uusap: tail-wagging dance performed by bees to communicate the location of food; artipisiyal na lengguwahe tulad ng Prolog, Lisp Ang isang mahigpit na tiyoriya na angkop lang sa mga wika ng tao ay makapagpapakita ng essence ng mga wika ng tao. 58

Katutuhan Learnability

Sa idad na 18 buwan, ang mga bata ay nakabubuo ng balangkas na binubuo ng 2 salita Sa idad na 30 buwan, nakabubuo na sila ng mga pangungusap ng may masalimuot na balangkas. Kaya: Ang UG ay kailangang maghain ng mga balarila na matutuhan ng mga bata sa loob ng isang maikling panahon.

59

Corollary: Ang mga kagamitang tiyoretikal at deskriptibo ay kailangang pinakakakaunti, at ang mabubuong balarila ay kailangang pinakapayak para mapagaan ang pasanin ng pag-aaral at maisagad ang kabatiran ng mga wika ng tao.

60

Kabilisan ng Pagtamo ng Wika Language Acquisition

Obserbasiyon: Sa idad na 12 buwan, ang lengguwahe ng bata ay isa-isang salita; walang ebidensiya ng balangkas. Sa idad na 18 buwan, may balangkas na, halimbawa, may impleksiyon: doggies, going, at may simpleng pangungusap na binubuo ng 2 o 3 salita: Want Teddy, Eating cookie, Dolly go bed. Pagkatapos, biglang yabong ng balarila at sa idad na 30 buwan, natutuhan na ng mga bata ang karamihan sa mga impleksiyon at ubod core ng balangkas Naobserbahan din ito sa mga batang nagsasalita ng ibang wika.61

Research Topic

The Development of Syntactic Structures among Tagalog Children At what age do they show knowledge of grammatical structures: earlier or later than the observed norm? Particularly interesting in light of the issue of ergativity in Philippine languages and the observed primacy of the patient as subject choice: do verbs get inflected for the agent focus first or the patient focus Which affixation is shown first: aspect, focus, mode? Is the verb focus inflection in agreement with the role of the lone noun? If they make mistakes, what is the direction of the errors? Or does focus inflection show only at the 3-word stage?62

Research Topic 2

At the intransitive level, do they show three argument utterances? When do they show transitivity? How do they indicate semantic roles? When do they learn the noun markings ang, ng, sa?

63

Research Topic 3

Lillo-Martin, Diane, Stephen Crain. 1999. An Introduction to Linguistic Theory and Language Acquisition. Blackwell. Crain, Stephen, Rosalind Thornton. Investigations in Universal Grammar: A Guide to Experiments on the Acquisition of Syntax and Semantics Guasti, Maria Teresa. Language Acquisition: The Growth of Grammar. Bradford. Lillo-Martin, Diane. Second Language Acquisition and Universal Grammar. Cambridge

64

Pagtamo ng Wika 2

Ano ang pinakasentral na bagay na kailangang ipaliwanag ng isang tiyoriya ng pagtamo ng wika? Ang uniformity ng anyo at ang bilis rapidity (pagkatapos naumpisahan na) ng pagtamo ng balarila ng mga bata It is as if the child, after probing and testing, settled on a choice and says, Ok, so thats how you want me to talk.

65

Paliwanag sa uniformity and rapidity of acquisition phenomena

Katutubong Haka The Innateness Hypothesis Ang pagtamo ng wika ay itinatakda ng isang nasa utak na kapangyarihang pangwika na kaloob ng biology, na nagbibigay sa mga bata ng isang algoritmong dala ng gene sa pagbuo ng balarila, ayon sa kanilang karanasang pangwika. Experience of L => Language Faculty => Grammar of LAn outstanding insight or a leap of faith? A 'principled' leap of faith?66

Tungo sa Katutubong HakaObserbasiyon

Kahit na malaki ang pagkakaiba ng karanasang pangwika at ang mga datos ay masasama poverty of input, natututo ang mga bata ng mga balarilang kagulat-gulat sa pagkakapareho at ang mga hakbang at bilis ng pagkakatuto ay pare-pareho. Ang pagtamo ng wika ay kusa at hindi namamalayan subconscious, at halos walang patnubay. Hindi tayo natututo ng ating likas na wika (in the sense na natututo tayong magsalita ng ibang wika o maglaro ng chess).67

Tungo sa Katutubong Haka 2Ang tao, kahit hindi marunong, ay nakakabuo ng likas na wika. Ang isang moron ay may wika na hindi mapaparisan ng matsing na maaring mas may alam kaysa sa moron tungkol sa paglutas ng problema, mamuhay o makisama. Kapasiyahan: Ang kakayahang magtamo ng likas na wika ay bahagi ng ating genetic endowment. Ito ay isang kakayahan species-specific at pag-aari lang ng tao.

Note: Deep and restrictive principles that determine the nature of human language and rooted in the specific character of the human mind. Inherited genetic blueprint68

Implikasiyon ng Katutubong Haka

Pahayag: Ang UG ay bahagi ng ating genetic endowment. Implikasyon: Hindi natin kailangan ang karanasan sa L para magkaroon ng UG. Hindi natin natutuhan ang UG. Ari na natin ito mula pa sa bahay-bata.

69

Implikasiyon ng Katutubong Haka 2

Obserbasiyon: Ang isang ulilang sanggol na Tagalog na pinalaki ng isang pamilyang ang salitaan ay Ilokano ay matututo ng Ilokano, hindi ng Tagalog. Implikasyon: Ang kapangyarihang pangwika ay may tipon ng mga prinsipiyo na ginagamit para magtamo ng kahit alinmang wika ng tao. Pangkamunduhan ang tipon ng mga prinsipiyo; lapat sa alin mang wika ng tao.70

Kaya: Ang mga theoretical grammarians ay humahanap ng mga pangkamunduhang prinsipiyo ng wika, mga prinsipiyong nagtatakda kung anong operasiyong pangwika ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa mga wika ng tao.

71

Ang Pagtuklas ng mga Panglahatang Prinsipiyo

Pahayag Ang mga prinsipiyong ito ang humihigpit sa operasiyong pangbalarila ng bawa at lahat ng wika. Implikasyon Kaya, isang masusing pagsusuri ng mga operasiyong pangwika sa isang wika ay sapat para ipakita ang operasiyon ng mga prinsipiyo ng UG. Kung hindi uubra sa Tagalog o Ilokano o Kapampangan o ..., ang prinsipiyo ay hindi tama.72

Using data from our own native language, some of which may provide cleaner, direct, or uniquely incontrovertible evidence, we have the opportunity to contribute to this endeavor to discover principles of universal grammar!

73

Isang Panlahatang Prinsipiyo: Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas Structure Dependence Principle(Note: This example is too trivial. Need to find a better example.)

Paano bumubuo ng tanong na sinasagot ng oo o hindi? Pansinin:(a) Bumili si Ben ng bangos. (b) Bumili ba si Ben ng bangos?

Tuntunin: Para bumuo ng tanong na sinasagot ng oo o hindi, isilit ang salitang ba pagkatapos ng unang salita ng pangungusap. Hindi sapat ang tuntunin. Bakit?74

Isang Panlahatang Prinsipiyo: Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas Structure Dependence Principle 2 Pansinin:Bumili nga ba si Ben ng bangos? (Ayon sa tuntunin, mali ito) *Bumili ba nga si Ben ng bangos? (Ayon sa tuntunin, tama ito) Si Ben ba ang bumili ng bangos? (Ayon sa tuntunin, mali ito) *Si ba Ben ang bumili ng bangos? (Ayon sa tuntunin, tama ito)

Ano ang mali sa tuntunin? Ang kondisiyong unang salita ay hindi nakasandig sa balangkas at sa mga kaariang pangbalarila.75

Isang Panlahatang Prinsipiyo: Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas Structure Dependence Principle 2

Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas ng UG Structure dependence principle Lahat ng operasyong pangbalarila ay nakasandig sa balangkas. Ibig sabihin:

Ang SDP ay prinsipiyo ng UG Ang SDP ay isang prinsipiyo na nakatali wired sa kapangyarihang pangbalarila Ang SDP ay bahagi ng genetic blueprint ng bata; hindi niya kailangang matutuhan ito!76

Pansinin: Talaga ngang malakas uminom si Ben. [[Talaga ngang] malakas] uminom si Ben. [[Talaga ngang] malakas bang] uminom si Ben? [[Talaga nga bang] malakas] uminom si Ben? *[[Talaga ba ngang] malakas] uminom si Ben? Talagang malakas ngang uminom si Ben. [Talagang [malakas ngang]] uminom si Ben? [Talagang [malakas nga bang]] uminom si Ben? [Talaga bang [malakas ngang]] uminom si Ben?

Tuntunin sa pagbuo ng tanong na oo-o-hindi:77

Isang Panlahatang Prinsipiyo: Prinsipiyong Lokal Locality Principle

Bakit tama ang (b) at mga mali ang (c-d-e)? (a) He had said who would do what? (echo question) (b) Who had he said would do what? (cf. He had said who would do what?) (c) *Who would he had said do what? (cf. He had said who would do what?) (d) *What had he said who would do? (cf. He had said who would do what?) (e) *What would he had said who do? (cf. He had said who would do what?)

78

Locality Principle Intervention: in X Z Y a local relation cannot hold between X and Y across an intervener Z, an element bearing some structural similarity to the elements involved in the local relation. Prinsipiyong Lokal Ang mga operasiyong pangbalarila ay lokal. Auxilliary Inversion in English Invert the first auxiliary. Wh-movement in English Move the first wh-question.79

Pansinin na dalawang magkalayong operasiyon auxilliary inversion at wh-movement sa English ay kapuwa sumusunod sa Locality Principle. Ang locality principle ay bahagi ng UG.

80

Kainaman ng Pagiging Likas Innate ng mga Prinsipiyo ng UG

Kung ang mga prinsipiyo na nagtatakda ng balangkas ay likas innatePinagagaan ang pasanin ng bata sa pag-aaral ng balarila Isinusukdol ang pagkamatutuhin ng mga balarila Ipinaliliwanag nito ang pagkakapare-pareho at ang bilis ng pagtamo ng balangkas.

81

Ano talaga ang natututuhan ng isang bata na nag-aaral magsalita?

3.

4.

Hindi lahat ng aspektong pangbalarila ay galing o itinatakda ng innateness hypothesis. Dalawang uri ng natututuhan: leksika: pagtuto ng mga kauriang idiosyncratic ng mga salita, halimbawa., ang salitang-ugat na baril ay tumatanggap ng panlaping um, hindi ng mag: bumaril, *magbaril. balangkas: laan lang sa mga aspekto ng balangkas na parameterized , na ang kahalagahan value ay nagkakaiba-iba depende sa wika82

Halimbawa ng Parametrong Pangbalarila: Parametro ng Hungkag na Simuno Null Subject Parameter

Obserbasiyon: Sa Italiyano, ang mga pandiwang maypanahon finite verbs ay maaaring may hungkag ang simuno, pero hindi ang mga pandiwang may-panahon sa Inglis. Italian English 1. Maria parla francese 1. Maria speaks French 2. Parla francese 2. *Speaks French

83

Ang hungkag na simuno (simunong hindi sinasabi pero naiintindihan) ay isang aspekto ng balarila na parameterized. Ang mga batang Italiyano ay natutuo na ang halaga nito ay Yes. Ang mga batang ang wika ay Inglis ay natututo na hindi ito pinapayagan sa kanilang wika. Tanong: Mayroon bang wikang Pilipino na pinapayagan ang hungkag na simuno?84

Halimbawa ng Parametrong Pangbalarila: Parametrong WH

Sa Ingles, inililipat ang wh-salita sa unahan ng pangungusap. Sa wikang Intsik, nananatili ito sa lugar in situ. English What do you think he will say? Chinese Ni xiangxin ta hui shuo shenne you think he will say what Ang ayos ng mga salita ay isang aspekto ng balangkas na parameterized85

Sa Tagalog, lumilipat ba ang wh-salita o hindi? Suriing mabuti ang mga halimbawa. (a) Uminom si Ben ng basi. (a)(1) Sino ang uminom ng basi. (a)(2) *Ano ang uminom si Ben? (b) Ininom ni Ben ang basi (b)(1) Ano ang ininom ni Ben? (b)(2) *Sino ang ininom ang basi?

86

(c) Uminom kahapon si ben ng basi. (c) (c1) Kailan uminom si Ben ng basi. (d) Uminom sa binyagan si Ben ng basi. (d)(1) Saan uminom si Ben ng basi?

Lumilipat din ba sa unahan ang wh-salita sa Filipino? (Ipaliwanag ang hindi pagtanggap sa (a)(2) at (b)(2))87

Tanong

Bakit hindi tinatanggap ang (a)(2) na tanong na hinugot mula sa (a) at ang (b)(2) na tanong mula sa (b)? (a) Uminom si Ben ng basi. (a)(1) Sino ang uminom ng basi. (a)(2) *Ano ang uminom si Ben? (b) Ininom ni Ben ang basi (b)(1) Ano ang ininom ni Ben? (b)(2) *Sino ang ininom ang basi?88

Tanong

Sagot 1 Dahil sa head position parameter. (c) Binilihan ng sundalo ng basi ang pulis. (c)(1) Sino ang binilihan ng sundalo ng basi? (c)(2) *Sino ang binilihan ng basi ang pulis? (c)(3) *Ano ang binilihan ng sundalo ang pulis?

89

Tanong

Sagot 2 Ang source ng tanong sa simuno (si Ben) at (inner) complement phrases (ng basi) ay identificational sentence. (a) Uminom si Ben ng basi. (b) Si Ben ang uminom ng basi. (c) Sino ang uminom ng basi? (d) Ininom ni Ben ang basi. (e) Basi ang ininom ni Ben. (f) Ano ang ininom ni Ben?90

Tanong

Kung ang pinagmulan ng tanong sa simuno at sa inner complements ay ang identificational sentence, ano ang masasabi sa: Parametrong wh: Halaga: Lumipat (sa unahan) o manatili Pansinin (a)(1) Uminom si Ben ng basi kahapon. (a)(2) Kailan uminom si Ben ng basi? (b)(1) Si Ben ang uminom ng basi. (b)(2) Sino ang uminom ng basi?91

Halimbawa ng Parametrong Pangbalarila: Parametrong Posisiyon ng Ulo

Ang ulo ng parirala sa Inglis ay nauuna sa kaganapan complement. Sa Koriyano, nauuna ang kaganapan. English is a head-first language, Korean is head-last. English Ulo Complement students of linguistics in the kitchen stay with me fond of watermelon92

Korean Complement Head Moonul dadala door close 'Close the door' byunhwa-edaehan kalmang change-for desire 'desire for change Sa isang wika, una o huli ang ulo93

Tanong: Nauuna o nahuhuli ba ang ulo ng parirala sa mga wikang Pilipino?

Nolasco (p.c.) Hindi binili ng sundalo ang basi. Hindi *ng sundalo binili ang basi. Hindi niya binili ang basi. Hindi binili ?niya ang basi.94

Kontra-halimbawa ba ang (b) sa wh-island constraint? (a)(1) [Aling putahe na niluto ni Ben sa pugon] ang gusto mo? (a)(2) *Sa pugon [aling putahe na niluto ni Ben] ang gusto mo? (b)(1) [Aling putahe sa niluto ni Ben sa pugon] ang gusto mo? (M. Santiago) (b)(2) Sa niluto ni Ben sa pugon [aling putahe] ang gusto mo?95

(b)(3) *Sa niluto ni Ben [aling putahe sa pugon] ang gusto mo? (b)(4) *Sa pugon [aling putahe sa niluto ni Ben] ang gusto mo?

96

Dalawahang-halaga binary-valued ang mga parametro?

Parametrong Hungkag na Simuno: Halaga: Oo o hindi Parametrong wh: Halaga: Lumipat (sa unahan) o manatili Parametrong Ulo: Halaga: Una o huli Dalawahan binarity ay isang likas na kaangkinan ng parametro. Isang paraan ito para (a) hanggahan ang pagkakaiba-iba ng mga wika, at (b) pinadadali ang pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng paglaan ng mga simpling pilian sa mga bata.97

Isang Pananaw sa Tiyoriya ng Pagtamo ng Wika

3. 4.

Ang gawain ng bata ay bumuo ng balarila ng wika. Bahagi ng isip-kapangyarihang pangwika language faculty ng bata ang isang tiyoriya ng balarilang panglahatan universal grammar na binubuo ng Isang bugkos ng mga panlahatang prinsipiyo ng balangkas na pangwika Isang bugkos ng mga parametrong pangbalangkas na naghihigpit sa uri at lawak ng pagkakaiba-iba ng mga balangkas sa wika ng tao.98

Ang pag-aaral ng balangkas ng isang wika ay nakatuon lang sa pagbibigay-halaga sa mga parametrong pangbalangkas! Ang modelong ito ay tinatawag na prinsipiyo at parametrong tiyoriya ng wika.

99

Isang Modelo ng Wikalexicon/syntax / => LF Semantic Repr = Thought Systems \ => PF Phonetic Repr Speech Systems

100

Bakit Minimalismo?Obserbasiyon: 2. Magkakamukha ang padrino pattern ng pagtamo ng mga bata ng kanilang wika within language and across languages. Masasabing may panglahatang mekanismo ng pag-iisip na ginagamit sa pagtamo ng kahit anong wika ng tao. 3. Ang pang-araw-araw na karanasan sa wika ng bata ay hindi ulirang ideal situwasiyon ng pag-aaral (maraming sira o mali o hindi tapos ang mga pangungusap, ang paraan ng pagtuturo ay napakapayak: imitasiyon), gayunman, ang bilis ng pagtuto ng bata ng kaniyang wika.

101

Tao lang ang nakakapagtamo at gumagamit ng isang sistema ng pag-uusap na kasingsalimuot ng wika. Masasabing ang pangwikang isip-kapangyarihan ay katutubo sa tao.

102

Palatuntunang Minimalismo lang ang may kasiya-siyang paliwanag sa mga observasiyon sa itaas: Ang PM ay naniniwala sa Katutubong Haka innateness hypothesis, na nagsasabi na ang isip-kapangyarihang pangwika ay katutubo sa tao, na ang isip ng tao ay may programa para matuklasan ng bata kung alin sa mga posibling balarila ng wika ang angkop sa kanyang karanasang pangwika. Ang Tiyoriya ng Prinsipiyo at Parametro Principles and Parameters Theory, na bahagi ng PM, ay nagsasaad na103

(a) ang katutubong isip-kapangyarihan ng tao ay binubuo ng mga panlahatang prinsipiyo na nagtatakda ng balangkas ng wika ng tao, at (b) ang mga wika ay nagkakaiba-iba sa halaga value ng isang bugkos ng mga parametrong pangbalangkas. Implikasiyon ng PPT: napapadali ang pagtamo ng wika. Dahil sa may katutubong prinsipiyo na nagtatakda ng (posible at hindi posibling) balangkas na hindi na kailangang pag-aralan, ang pagtamo ng balarila ng wika ay nakatuon na lang sa pagbibigay-halaga sa mga parametro (at sa pag-aaral ng leksikon).104

Bakit Minimalismo?Gabay sa Paglalarawan ng Balarila minimally complex set of descriptive apparatus Ang Palatuntunang Minimalismo ay naglalayon ng Matipid na sagisag representation ng mga balangkas economy of representation Matipid na palit-anyo derivation ng mga balangkas economy of derivation Paunti nang paunti at paikli nang paikli ang sagisag at pagpapalit-anyo na pinapayagan ng PM, pero palawak nang palawak ang sakop.

105

Notes on Exercise 1

Wh-Parameter has been set if wh-questions are preposed to sentence initial position Head-Position Parameter has been set if comp of verb positioned after the verb, if comp of prep positioned after the prep Null-Subject Parameter has been set if finite (tensed) sentences always have subjects.*Speak Spanish, cf, I speak Spanish.

106

Notes Null-subject parameter data complicated by: Nina Hymans conclcuded that English children go through a null-subject stage. Children show null subject sentences, then later re-set the value. Challenge to theory of a simple parameter setting in language acquisition.Hymans, N. 1986. Language Acquisition and the Theory of Parameters. Reidel. Hymans, N. 1992. A re-analysis of null subjects in child language, in J. weissenborn, et al., Theoretical Issues in Language Acquisition.107

Notes 2.

Null-subject data also complicated by existence of true null-subjects in English. Imperative null subjectShut up! Dont say anything!

4.

Non-finite (untensed) null subject (PRO)I want [to go home]. I want [to play tennis] Why worry?

8.

Truncated null subjectAre you doing all right? You doing all right? Doing all right?108