12
1 January - December 2015 Volume 5 No. 1 Dalawang Pagbilawin, wagi sa Male International Pageants MICHAELA ELAINE Q. AZORES, Talipan National High School Villareal Vilela D alawang binata ang nagbigay karangalan sa bayan ng Pagbilao ng sila ay lumaban sa magkaibang male international pageants ngayong 2015. Setyembre ng hinirang na Mr. International Philippines 2015 ang tubong Brgy. Alupaye at dating OFW na si Reniel Villareal ng ito ay lumahok sa Misters of the Philippines, isang male pageant organization. Matapos ang kanyang pagkapanalo sa titulo, lumahok naman ang 26-anyos na binata nitong Nobyembre sa Mr. International 2015 bilang pambato ng Pilipinas na ginanap rin dito sa bansa. Nakapasok si Villareal sa Top 10 finalists ng patimpalak, ngunit sa kasamaang-palad hindi ito pinalad na makapasok sa Top 5. Isa pang binata ang nagpamalas ng galing at kagwapuhan ng namayagpag sa isang male pageant abroad. Ito ay si Limuel Vilela, nagmula sa Brgy. Talipan, na tinanghal bilang Mr. Philippines Canada. Nakatakda si Vilela na ipanlaban ang Pilipinas para sa Mr. Pacific World sa susunod na taon. sundan sa susunod na pahina Mobile Health Clinic, inilunsad U pang matugunan at mabigyang-lunas ang mga karamdaman ng mahihirap na Pagbilaoin, inilunsad ang Mobile Health Clinic, isang sasakyan na may pasilidad para sa mga pangangailangang pangkalusugan. sundan sa pahina 3 Ayon kay Dr. Nathaniel Merene na siyang namumuno sa Municipal Health Clinic, ang mga serbisyong kanilang ibinibigay sa mga kababayan ay libreng tuli, screening para sa mga may surgical issues, screening para madetekta ang cancer tulad ng cervical cancer, at bunot ng ngipin na limitado lamang sa sampu (10) hanggang labinlimang (15) katao. Kabilang rin sa hatid na serbisyo ng Mobile Health Clinic ang pagbibigay ng gamot para sa may mga sipon, ubo, diabetes, arthritis at matataas ang presyon. Nagsimula ang paglilibot ng proyektong ito noong ika- 26 ng Hunyo taong 2015, at nagbabahay-bahay tuwing Biyernes ng hapon sa bawat barangay. Siyam na barangay na ang napuntahan at natulungan ng proyekto sa loob ng anim na 193 kabataan, scholars ng LGU Pagbilao I sangdaan at dalawampu’t isang mag-aaral sa kolehiyo at 72 na mag-aaral sa high school ang patuloy na nagbebenepisyo mula sa Municipal College Education Assistance Program ng Bayan ng Pagbilao. May kabuuang 193 ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Pagbilao ang kumuha ng pagsusulit at nagpasa ng mga kinakailangang dokumento para makakuha ng scholarship mula sa lokal na pamahalaan. Sa isang panayam kay Mrs. Jocelyn Catalla, tumatayong sekretarya ng scholarship program ng Munisipalidad, kinakailangang magpasa ng mga kaukulang dokumento ang mga mag-aaral na nagnanais maging iskolar ng Bayan. Narito ang mga requirements: Certificate of Residency mula sa Barangay; School Diploma at Form 137 mula sa paaralan, o Certificate of Completion mula sa TESDA; sulat sa Municipal Mayor na naglalaman ng intensiyon na makakuha ng college o high school scholarship mula sa Municipal Government ng Pagbilao; Birth Certificate; at Certification mula sa MSWDO na nagpapatunay na ang aplikante ay nabibilang sa mahihirap na pamilya sa Pagbilao. Ang Report Card o Certificate of Completion ay kinakailangang isumite sa Municipal Education Assistance Board sa pagtatapos ng bawat semester para sa monitoring at evaluation. Ang sinumang iskolar na hindi makakaabot sa required average kada semestre ay tatanggalin sa listahan ng mga iskolar at hindi na maaaring mag-apply muli. Ang bawat iskolar sa kolehiyo ay inaasahang makatatanggap ng sampung libong piso (₱10,000) kada taon o limang libong piso (₱5,000) sa bawat semestre. Samantala, ang bawat iskolar na nasa sekondaryong paaralan ay makatatanggap ng tatlong libo at siyam na raan (₱3,900) sa bawat taon. Ang Scholarship Program ay patuloy na isinasakatuparan sa pamumuno ni Mayor Shierre Ann Palicpic, Punong Bayan ng Pagbilao. Layunin nito na makatulong sa mga kabataang mag-aaral ng Pagbilao na galing sa pamilyang may kabuuang kita na hindi tataas sa 36,000 sa loob ng isang taon. Annalisa G. Jamilano, TNHS Ang Mobile Health Clinic ay bahagi ng Social Services & Safety ng P.O.W.E.R.S. program sa ilalim ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. (Photo courtesy: Willy Pionilla)

Papag at Bilao Vol. 5 No. 1

Embed Size (px)

Citation preview

Balitang Pambayan January-December 2015Volume 5 No. 1 1

January - December 2015 Volume 5 No. 1

Dalawang Pagbilawin, wagi sa Male International Pageants

● MICHAELA ELAINE Q. AZORES, Talipan National High School

Villareal Vilela

Dalawang binata ang nagbigay karangalan sa bayan ng Pagbilao ng sila ay lumaban

sa magkaibang male international pageants ngayong 2015.

Setyembre ng hinirang na Mr. International Philippines 2015 ang tubong Brgy. Alupaye at dating OFW na si Reniel Villareal ng ito ay lumahok sa Misters of the Philippines, isang male pageant organization. Matapos ang kanyang pagkapanalo sa titulo, lumahok naman ang 26-anyos na binata nitong Nobyembre sa Mr. International 2015 bilang pambato ng Pilipinas na ginanap rin dito sa bansa.

Nakapasok si Villareal sa Top 10 finalists ng patimpalak, ngunit sa kasamaang-palad hindi ito pinalad na makapasok sa Top 5.

Isa pang binata ang nagpamalas ng galing at kagwapuhan ng namayagpag sa isang male pageant abroad.

Ito ay si Limuel Vilela, nagmula sa Brgy. Talipan, na tinanghal bilang Mr. Philippines Canada.

Nakatakda si Vilela na ipanlaban ang Pilipinas para sa Mr. Pacific World sa susunod na taon. sundan sa susunod na pahina

Mobile Health Clinic, inilunsad

Upang matugunan at mabigyang-lunas ang mga karamdaman ng mahihirap na Pagbilaoin, inilunsad ang Mobile

Health Clinic, isang sasakyan na may pasilidad para sa mga pangangailangang pangkalusugan.

sundan sa pahina 3

Ayon kay Dr. Nathaniel Merene na siyang namumuno sa Municipal Health Clinic, ang mga serbisyong kanilang ibinibigay sa mga kababayan ay libreng tuli, screening para sa mga may surgical issues, screening para madetekta ang cancer tulad ng cervical cancer, at bunot ng ngipin na limitado lamang sa sampu (10) hanggang labinlimang (15) katao.

Kabilang rin sa hatid na

serbisyo ng Mobile Health Clinic ang pagbibigay ng gamot para sa may mga sipon, ubo, diabetes, arthritis at matataas ang presyon.

Nagsimula ang paglilibot ng proyektong ito noong ika-26 ng Hunyo taong 2015, at nagbabahay-bahay tuwing Biyernes ng hapon sa bawat barangay.

Siyam na barangay na ang napuntahan at natulungan ng proyekto sa loob ng anim na

193 kabataan, scholars ngLGU Pagbilao

Isangdaan at dalawampu’t isang mag-aaral sa kolehiyo at 72 na

mag-aaral sa high school ang patuloy na nagbebenepisyo mula sa Municipal College Education Assistance Program ng Bayan ng Pagbilao.

May kabuuang 193 ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Pagbilao ang kumuha ng pagsusulit at nagpasa ng mga kinakailangang dokumento para makakuha ng scholarship mula sa lokal na pamahalaan.

Sa isang panayam kay Mrs. Jocelyn Catalla, tumatayong sekretarya ng scholarship program ng Munisipalidad, kinakailangang magpasa ng mga kaukulang dokumento ang mga mag-aaral na nagnanais maging iskolar ng Bayan.

Narito ang mga requirements: Certificate of Residency mula sa Barangay; School Diploma at Form 137 mula sa paaralan, o Certificate of Completion mula sa TESDA; sulat sa Municipal Mayor na naglalaman ng intensiyon na makakuha ng college o high school scholarship mula sa Municipal Government ng Pagbilao; Birth Certificate; at Certification mula sa MSWDO na

nagpapatunay na ang aplikante ay nabibilang sa mahihirap na pamilya sa Pagbilao.

Ang Report Card o Certificate of Completion ay kinakailangang isumite sa Municipal Education Assistance Board sa pagtatapos ng bawat semester para sa monitoring at evaluation.

Ang sinumang iskolar na hindi makakaabot sa required average kada semestre ay tatanggalin sa listahan ng mga iskolar at hindi na maaaring mag-apply muli.

Ang bawat iskolar sa kolehiyo ay inaasahang makatatanggap ng sampung libong piso (₱10,000) kada taon o limang libong piso (₱5,000) sa bawat semestre.

Samantala, ang bawat iskolar na nasa sekondaryong paaralan ay makatatanggap ng tatlong libo at siyam na raan (₱3,900) sa bawat taon.

Ang Scholarship Program ay patuloy na isinasakatuparan sa pamumuno ni Mayor Shierre Ann Palicpic, Punong Bayan ng Pagbilao.

Layunin nito na makatulong sa mga kabataang mag-aaral ng Pagbilao na galing sa pamilyang may kabuuang kita na hindi tataas sa 36,000 sa loob ng isang taon.

Annalisa G. Jamilano, TNHSAng Mobile Health Clinic ay bahagi ng Social Services & Safety ng P.O.W.E.R.S. program sa ilalim ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. (Photo courtesy: Willy Pionilla)

2 January-December 2015Volume 5 No. 1 News

Lambat Sibat, ipinatupad ng Pagbilao PoliceIsang proyekto ang ipinatupad ng Municipal Police Station ng Bayan ng Pagbilao upang mabawasan

ang bilang ng mga krimen at tuluyang mapuksa ito.Pinangalanang ‘Lambat Sibat’ ang nasabing

programa na nagsimulang ipatupad mula pa noong Enero hanggang sa kasalukuyan.

Ang samahan ng mga pulis ay naka-focus sa pitong krimeng lumalaganap sa Bayan ng Pagbilao. Una na rito ang murder, pangalawa ang homicide, kasunod ang robbery o planadong pagnanakaw, thief o pagnanakaw na dala ng tukso, carnapping, motornapping at ang huli ay physical injury.

Base sa year-end report ng Pagbilao Police, nanatiling kontrolado ng kapulisan ang krimen, maliban na lamang sa kasong robbery na lalo pang tumaas ang bilang mula sa labing-anim at umabot

na dalawampu’t apat.Marami ring naitalang kaso ng pang-aabuso

sa kababaihan. Gayunman, tiniyak ng kapulisan na katuwang nila ang DSWD sa pangangalaga sa kaligtasan at seguridad ng mga kababaihang inaapi at inaabuso.

Tumaas rin ang bilang ng mga nahuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, isa na dito ang number one drug pusher sa Bayan ng Pagbilao.

Dahil na rin sa ipinakitang kahusayan sa serbisyo ng Pagbilao Police, ginawaran ng pagkilala ang hepe nito na si Vone June Borja Nuyda bilang Best Chief of Police. Aira Janine P. Gordula, TNHS

Araw ng Kalalakihan,muling idinaos

Nagdaos ang lokal na pamahalaan ng Araw ng Kalalakihan sa Municipal Covered Court noong Nobyembre 19, 2015 na dinaluhan

ng humigit-kumulang anim na raang (600) kalalakihan.Nagkaroon ng Banal na

Misa sa ganap na ika-12:00 ng tanghali. Nang matapos ang Misa, nagkaroon naman ng parade ang mga kalalakihan.

Nagpaligsahan rin ang mga nakiisa sa iba’t-ibang palaro gaya ng tug of war, bunong braso, relay, pahabaan at shooting. Bakas sa mukha ng bawat isa ang labis na saya dahil sa programa.

Hapon ng kaparehong araw, nagsabit ang mga kalalakihan

ng mga tarpaulin sa harapan ng municipal covered court na may kaugnayan sa Violence Against Women Act.

Ang programang ito ay isa ring pagpapatunay ng mahusay at mabuting pamumuno.

Bukod sa masasayang programa, nagkaroon rin ng Symposium at Leadership Training na pinaka-buod ng programang ito.

Lanie Mae M. Ramos, PNHS

Male international pageants,mula sa pahina 1

Bago naging flight attendant sa Canada, si Vilela ay nagtrabaho bilang houseboy sa Pagbilao at nakapagtapos sa kolehiyo, magna cum laude.

Napansin din sa Canada ang istorya ng kaniyang buhay kaya’t naging nominado ito bilang Outstanding Filipino Champion of Canada.

Si Pagbilao First Gentleman at MOVE President Engr. Ian Palicpic ang nanguna sa pagdiriwang ng Araw ng Kalalakihan.(Photo courtesy: Willy Pionilla)

Bagong school buildings,

ipinatayo para sa K-12

Patuloy na pinagkakalooban ng nasyonal na pamahalaan

ang Bayan ng Pagbilao ng mga bagong school building na ipinatatayo sa iba’t-ibang pampublikong paaralan.

Tinatayang nasa labing-isang (11) milyong piso ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa pagpapatayo ng mga ito.

Tiyak ng lokal na pamahalaan na maraming estudyante at mga guro ang makikinabang sa proyektong ito.

Kabilang sa mga ipinatayo ang Computer Laboratory building sa Silangang Malicboy National High School na nagkakahalaga ng halos dalawang (2) milyong piso.

Kasalukuyan ring ipinapatayo ang isang Technology and Livelihood Education (TLE) building sa Pagbilao Grande Island National High School. Nagkakahalaga ito ng tatlong milyong piso.

Pinondohan naman ng anim na milyong piso ang dalawang ipinagagawang TLE room sa Pagbilao National High School. Inaasahang matatapos ito bago dumating ang buwan ng Mayo.

John Kirby M. Ricohermoso, PGINHS

Skills &LivelihoodTraining,

nagpapaunlad sa mga solo parents

at miyembrong KALIPI

Ang MSWDO o Municipal Social Welfare and

Development Office ay patuloy sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Pagbilao. Isang patunay dito ay ang inilunsad nilang “Skills and Livelihood Training Program” alinsunod sa programa ng punong-bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.

Ang proyektong ito ay pinangalanang “Women Economic Empowerment”. Prayoridad ng programang ito na tulungan ang mga Solo Parents at mga miyembro ng KALIPI. Bukas rin ito sa mga kababaihan at kalalakihang nais pang matuto ng mga bokasyonal na trabaho.

Ilan sa mga kursong itinuturo ng programa ay: Prepare and Bake Cakes Leading to Bread & Pastry Production NC II / Prepare and Bake Pastries Leading to Bread & Pastry Production NC II; Preparation of Cold Meals Leading to Cookery; Process Food by Curing, Salting and Smoking (September 2015); Livelihood Training for Rug Making (May 2015); at Livelihood Training for Sewing - Dress Making and Other Garments (April 2015).

Bawat isang kurso ay may nakalaan na limang araw na training na may 25 participants na karaniwang ay mga babae. Suportado ito ng pondo ng bayan (food allowance at materials).

Nagturo din sila ng “Bee keeping” kung saan ipinakita kung paano nagpro-produce ng honey ang mga bubuyog. Gayundin ay nagturo din sila ng hair-cutting, pedicure & manicure.

Ayon kay Gng. Emerita B. Madla, MSWDO Head Officer, “Ang goal natin ay matulungan na maitaas ang antas ng kabuhayan at pamumuhay ng mga maralitang mamamayan pati na rin ang kanilang mismong pagkatao upang sila’y maging ‘self-sufficient’. Kaya binigyan natin ng skills ay upang matuto sila sa kung ano-anong bagay na pwedeng pagkakitaan.”

Patricia B. Melendrez, TNHS

Mga paaralan sa Pagbilao, opsyonpara sa senior high school

Ilan sa mga pampubliko at pampribadong paaralan ng

bayan ng Pagbilao ay nag-o-offer ng mga tracks para sa mga Grade 10 completers na tutuntong na sa senior high school ngayong darating na academic year 2016-2017.

Sa Academic Track, maghahandog ang CVE Colleges Inc. ng lahat ng strands: Accountancy, Business & Management (ABM), Humanities & Social Sciences (HUMSS), Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM), at General Academic Strand (GAS).

Ang Talipan National High

School at Pagbilao Academy ay mayroong ABM at GAS, habang ang Pagbilao National High School (PNHS) ay HUMSS at GAS ang ituturo.

Halos GAS naman ang ibibigay ng Pagbilao Grande Island National High School (PGINHS), Silangang Malicboy National High School (SMNHS), at Casa del Niño Jesus de Pagbilao.

Cookery, Bread & Pastry Production at Food & Beverage Services ang Technical-Vocational courses ang ituturo ng PGINHS at PNHS. Electrical Installation and Maintenance naman ang sa SMNHS at TNHS.

Ang CVE Colleges naman ay maghahandog ng Automotive Servicing, Front Office Services, Local (Tour) Guiding Services, Tourism Promotion Services, at Travel Services.

Ang mga mag-aaral na galing sa mga pampublikong paaralan na nagnanais na makapag-aral sa pribadong paaralan dito sa Pagbilao ay makakatanggap ng government voucher mula sa Department of Education (DepEd) na nagkakahalaga ng P17,500.

Michaela Elaine Q. Azores, TNHS

January-December 2015Volume 5 No. 1 3News

Kasalang Bayan, muling ginanap ngayong taon

Ginanap ang taunang Kasalang Bayan na nilahukan ng 72 magkasintahan mula sa iba’t-ibang barangay sa Pagbilao

Setyembre ngayong taon.Nakapaloob sa Artikulo 34 ng Municipal Ordinance na dapat

magpakasal ang magkasintahan na nagsasama sa loob ng iisang bubong.

Ayon kay Gng. Marina H. Mercurio, head ng Municipal Civil Registrar, dapat na nagsasama ng hindi bababa sa limang taon ang isang magkasintahan upang mabigyan ng pagkakataong makalahok sa Kasalang Bayan.

Bago ang nasabing seremonya, kinakailangang maghanda ang bawat ikakasal ng birth certificate, CENOMAR at marriage contract.

Mahalaga rin, ayon kay Gng. Mercurio, na nakalahok muna ang mga ikakasal sa seminar para sa tamang pagpaplano ng pamilya na inisyatibo rin ng lokal na pamahalaan. Nakabase ang nasabing family planning seminar sa gender and development program (GAD).

Karamihan sa mga nakiisa sa Kasalang Bayan ay mga magkasintahan na matagal nang nagsasama at nakabuo na ng pamilya.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na dahil civil wedding ang ibinibigay sa mga ikakasal, maaaring lumahok sa Kasalang Bayan ang mga kaanib ng ibang relihiyon.

Ang Kasalang Bayan ay isa sa mga programa ni Mayor Shierre Ann Palicpic na tumutugon sa pangangailangan ng mag-asawa at kanilang buong pamilya.

Katuwang ng Punong Bayan sa pangangasiwa nito ang Municipal Civil Registrar sa pangunguna ni Gng. Mercurio.

Alliah B. Macahilas, PNHS

Walang pagsidlan ng tuwa ang isa sa mga bagong ikinasal sa taunang Kasalang Bayan na isinagawa sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium ngayong taon. (Photo courtesy: Willy Pionilla)

buwan at muling magpapatuloy sa ika-22 ng Enero taong 2016.

Dahil sa kahusayang ipinamalas ng protekto, binigyan ito ng parangal bilang Best GAD Implementer in Health Services Innovations ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong Setyembre 14, 2015.

Kaalinsabay ito ng paggagawad ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mahuhusay na programang nauukol sa Gender and Development kung saan ang Municipal Gender and Development Focal Point System ng Pagbilao ay pumang-apat sa buong lalawigan.

Marvie Lyn A. Porta, PNHS

Mobile Health Clinic, mula sa pahina 1

Araw ng Kababaihan,muling ipinagdiwang

Ginanap ang Araw ng Kababaihan sa Municipal Covered Court noong Nobyembre 20, taong kasalukuyan na dinaluhan ng isang

libo’t dalawang daang kababaihan ng bayan.Umaga ng nasabing araw,

nagkaroon ng pampasiglang programa na paligsahan sa patintero, tug of war at sack race na ginanap sa Brentwood.

Sa ganap na ika-10 ng umaga, pormal na binuksan ng butihing Mayor Shierre Ann Palicpic ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe sa mga kababaihan.

Bandang hapon, naging

kaabang-abang para sa lahat ang Cheer Dance Competition na ginanap naman sa Municipal Covered Court.

Mahigit dalawampung barangay sa Pagbilao ang nagtagisan ng galing sa nasabing kompetisyon.

Sa huli, ang Barangay Daungan ang nagwagi at nakatanggap ng sampung libong piso (P10,000) bilang premyo.

Lanie Mae M. Ramos, PNHS

Nakiindak sa Zumba si Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa mga lumahok na kababaihan sa

pagbubukas ng Araw ng Kababaihan, Nov. 20.(Photo courtesy: Willy Pionilla)

Daungan, humakot ng pagkilala sa Papag at Bilao Pestibal 2015Nagpamalas ng galing at pagkamalikhain sa iba’t-ibang larangan

ang mga taga-Brgy. Daungan sa ginanap na Pista ng Kulturang Pagbilawin o Papag at Bilao Pestibal, August 28.

Nagwagi ang Brgy. Daungan ng tatlong pagkilala: Natatanging Kasuotan, Natatanging Kahulugan o Mensahe at Natatanging Grupo.

Samantala, ang Pagbilao National High School ang itinanghal na panalo sa paglikha ng Natatanging Karosa.

Nasungkit ni Bb. Chelsea Malano mula sa Talipan National High School ang korona bilang Lakambini ng Pestibal samantalang si Gng. Margie Paglicawan mula sa DepEd ang itinanghal bilang Ginang ng Pestibal. Hindi rin nagpahuli si Gng. Nieves Galang ng PDERA na kinoronahan bilang Lola ng Pestibal.

Pinatunayan ng Brgy. Bukal ang kanilang husay sa pagsasayaw

at nagwagi sa Street Dancing Competition. Naiuwi rin nila ang Best in Costume award.

Ang Pista ng Kulturang Pagbilawin, na kilala rin bilang Papag at Bilao Pestibal, ay isang pagdiriwang kung saan ipinapakita at ipinagmamalaki ng bawat mamamayan ng Bayan ng Pagbilao ang sariling kultura, talent at mga produkto.

Isa rin itong pag-alala sa pagkakatatag ng Bayan ng Pagbilao.

Nakiisa sa pagdiriwang ang dalawampu’t pitong (27) barangay sa Pagbilao na nagpamalas ng kani-kanilang talento at ganda.

Annalisa G. Jamilano, TNHS

Isa sa laging inaabangan tuwing Kapistahan ng Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria ay ang Band Exhibition ng mga public at private schools sa Pagbilao. Dito, nagpasiklaban sila ng tugtog at indak sa harap ng maraming manonood. (Photo courtesy: Willy Pionilla)

4 January-December 2015Volume 5 No. 1 Opinion

Pagsugpo ng karahasan laban sa mga kababaihan

Maraming bagay at pangyayari ang nagiging sanhi ng tinatawag na violence against women o karahasan laban sa mga

kababaihan. Ilan sa mga ito ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pagkalulon sa alak ng mga mapang-abuso.

Ang pang-aabuso ay kalimitang nangyayari kapag ang asawa o kasintahan ng babae ay nasa impluwensiya ng mga nasabing bisyo. Nakaaapekto kasi ang mga ito sa daloy ng emosyon at takbo ng pag-iisip.

Ang mga nagdaan na o ‘di kaya’y nasanay nang gumawa ng karahasan ang kadalasang gumagawa ng hindi magagandang bagay sa kanilang kapwa, partikular na sa mga kababaihan.

Ang mga babaeng biktima ng pagmamalupit ay maaaring nakaranas ng punishments mula sa paggawa ng maliit man o malaking pagkakamali, sinadya man o aksidenteng maituturing.

Kabilang sa mga pang-aabuso ang pisikal na pananakit, emosyonal na pagmamalupit tulad ng pagmumura at pagbibitaw ng mga nakasasakit na salita, sekswal na pang-aabuso, physiological abuse at traumatization.

Sa Pilipinas, laganap pa rin ang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan. Ito ay sa kabila ng umiiral na katotohanang pantay na ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan at kalalakihan.

Sa kabila ng lipunang malaya at demokratiko, kung saan itinuturing nang empowered ang mga kabaro ni Eba, marami pa rin ang mga inang inaabuso ng sariling asawa at mga babaeng nakararanas ng iba’t-ibang uri ng pangmamalupit.

Ang pagsugpo sa kasong ito ay maaaring mapadali kung ang bawat isa ay mag-iisip at aakto nang naaayon sa tama. Makatutulong rin ang ispiritwal na gabay upang magkaroon ng matibay na konsensiya, mabuting pag-iisip at tamang emosyon, na pundasyon naman upang maiwasan, at tuluyan nang masugpo, ang karahasan sa mga kababaihan.

Bawat babae ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kaniyang tahanan at komunidad. Siya ang umpisa ng buhay, liwanag ng tahanan, modelo ng kabutihang asal, pananampalataya, pag-ibig, pag-asa, katalinuhan, kasipagan at katatagan.

Dapat lamang na siya ay proteksyunan, igalang, alagaan at gantihan, hindi ng karahasan kailanman, kundi ng pagmamahal at kabutihan.

EDITORYAL

Heavy traffic, pollution and everything else

For someone who travels from and to work, traffic is a major concern. Although we live in a community that is not as congested as Metro Manila, we would still normally encounter heavy traffic in both major

and minor highways. What is supposedly a one-hour travel from home to work and vice versa becomes a two-hour, three-hour or even more hours ride due to heavy traffic. It is a frustrating event to be caught up in traffic, and it really affects one’s temper and efficiency.

Another upsetting thing about heavy traffic is that it wastes every person’s time. Instead of spending your time on doing important things like working, traffic eats a few (sometimes most) of it up. Additionally, traffic has an impact on every person’s effectiveness and efficiency at work, because it seems to wash all the energy and enthusiasm away. Worst, heavy traffic, believe it or not, badly affects the economy big time, and that is based on various studies.

According to the website BusinessMirror.com, Filipinos waste 28,000 hours in traffic. This means that the three whole years of every person’s life is wasted. If an average productive life of a person is thirty years, then more or less ten percent of his working years is gone because of traffic.

Traffic’s multiple inconveniences don’t stop there. It even steals from us some billions of pesos. Based on the report by the Japan International Cooperation Agency (JICA), heavy traffic takes away more than 2 billion pesos from the Philippines’ supposed-to-be revenues each day.

Clearly, heavy traffic causes a lot of delay and dismay to the people, to businesses, to industries and to the economy as a whole.

Then, there’s pollution. Perhaps, traffic and pollution always come together, at least if we are referring to the pollution from vehicles. Pollution

comes in several forms. Whatever these forms are, though, they’re still additions to the growing number of problems we are facing and enduring every day. Why? Because we need to. Because we have no choice. Because it’s better to be stuck in traffic and inhale pollution than to not work at all.

But despite all of these – traffic, pollution, time wasted, temper tested, you name it – I still believe that it’s never too late to make all things right. I also believe that the government can do a lot of difference on all of these. Perhaps the government should think of better ways and implement more projects to address these concerns. They should also take responsibility in ensuring that these projects are being carried out well.

Meanwhile, the public must cooperate with the government in implementing these projects. After all, no project would ever be successful if the public wouldn’t work with the government. If we know how to voice out our opinions, we must also learn how to listen to our leaders.

Lastly, if only everything would come into place, or at least near to becoming as such, I don’t think there would be wasted time again. Also, we wouldn’t be stolen billions of pesos that are enough to build highways, create more eco-friendly projects, and help the ones in need.

unleashedMarael Castro Pepaño

PAPAG AT BILAODEVELOPMENT THROUGH CHANGE

The Official Publication of theMunicipality of Pagbilao, Quezon Province

MARAEL CASTRO PEPAÑOEditor-in-Chief

RANIEL RIVERA PELAEZEditorial Cartoonist

GIEFE JEFFERSON CATAUSAN CARVAJALLayout Artist

PATRICIA ADORA GULIFARDO ALCALABETHRINA IRA AYATON CARREON

PATRICIA BELARMINO MELENDREZANNALISA GARCIA JAMILANO

MICHAELA ELAINE QUINTO AZORESALLIAH BACOLOD MACAHILAS

AIRA JANINE PAJARES GORDULABERNHARD CHARLES MARTINEZMARVIELYN PORTA ABELLANIDA

LANIE MAE RAMOS MARTINEZJOHN KIRBY MENGUITO RICOHERMOSO

KAIZER RANAS AMANDYJUHN LORENZ PITALCO AMANDY

Contributors

Mrs. JESSICA P. ANTONAAdviser

January-December 2015Volume 5 No. 1 5Opinion

Pagbilao, K ka na ba sa K-12?

Isipin mo na lang isa itong malaking upgrade sa buhay ng inyong anak. Marami ang hindi pa nakaka-moved on sa bagong education curriculum na ipapatupad na sa darating na taon. Kesyo dagdag gastos lamang sa kanilang mga bulsa ang idinagdag na dalawang taon sa Basic Education ng DepEd.

Kung tutuusin, isang malaking adjustment ito para sa mga hindi naabutan ng Senior High School (SHS) program. Akalain mo naman kasi tayo na lang ang isa sa mga pinag-iiwanan sa antas at kalidad ng edukasyon sa kalapit-bansa. Napakalaking tulong nito sa mga nais magtrabaho sa mayayamang bansa tulad ng Amerika at Saudi Arabia. Matapos mo man ang pagiging inhinyero o doctor dito sa Pilipinas, hindi ito masasayang dahil lubos mong napag-aralan ang napili mong propesyon.

Ang pagdagdag ng dalawang taon ay makaka-establish ng career pathing sa mga Grade 10 completers, dahil matututukan nito ang mga subjects na akma para sa kanyang napiling career sa kanyang hinaharap.

Isa pa, hindi naman tayo pinabayaan ng gobyerno sa malaking pagbabagong ito sa edukasyon. Matapos mong makumpleto ang Grade 10 sa Junior High School, kapag ikaw ay galing sa pampublikong paaralan, makakatanggap ka ng tulong na educational voucher mula sa kanila at mapagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa private schools sa bayan o lungsod na nais nilang pasukan. May mga public schools na nga na nag-

apply para magkaroon ng SHS para hindi na lumipat ang kanilang mga mag-aaral na nais pang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Magkakaroon na din ng mga stand alone schools para lamang dito.

Ngunit sa kabila ng magagandang bagay na maidudulot nito sa ating pangkasalukuyang edukasyon, marami pa rin ang nababahala sa pag-implement nito. Oo at mayroong voucher ang mga bata na katumbas P20,000, handa ba ang mga paaralan para dito.

Sa mga national high schools dito sa Pagbilao, kaliwa’t kanan ang career counseling para sa kanilang mga mag-aaral dahil karamihan sa kanila ay hindi pa nakakapag-desisyon kung ano ang kukunin nila sa kolehiyo, o kung hindi naman, makapagtrabaho agad.

Ayon sa Division Office ng Quezon, 40 porsiyento ng mag-aaral ay maaaring magpatuloy sa public schools, samantalang 60 porsiyento naman ang nais pumunta sa private schools.

May apat na pamimiliang track ang bata sa SHS: academic, technical-vocational livelihood, arts & designs at sports. Sa apat na ito, may mga kanya-kanyang strand na siyang

may mata ang lupaGiefe Jefferson Catausan Carvajal

adoracionPatricia Adora Gulifardo Alcala

magsisilbing core at applied track subjects nila para sa kanilang degree na gusto nilang makuha sa kolehiyo.

Pero, lubos na nag-iisip ang mga bata na hindi pa handa ang mga pampublikong paaralan sa ating bayan sapagkat hindi pa nga ito handa para sa SHS. May ilan na nagpa-rehistro sa mga kolehiyo at unibersidad sa Lucena para doon mahanap ang paaralang angkop para sa kanyang pangarap.

Halimbawa, kung nais man nilang mapunta sa Accountancy, hahanapin nila ang tamang guro para sa propesyong ito. Dahil gusto nga ng pampublikong paaralan na ma-maintain ang kanilang mga mag-aaral na gusto sa career na ito, huhugot sila ng Math teacher sa Junior High School na may Master’s degree para makapagturo ng Fundamentals of Accounting. Nasaan ang kalidad ng edukasyon na dapat ay natutunan ng bata kung sila ay pilit pinaniniwala na sila ang mga tamang tao para magturo nito sa kanila?

Kung magiging okay ang SHS, sulit ang labing-dalawang taon na pagbubuno ng iyong anak sa paaralan.

Kaunlaran sa turismo

Hindi maikakailang ang Pagbilao ay isa sa mga munting bayan na biniyayaan ng likas na yaman dito sa lalawigan ng Quezon kung kaya’t nararapat lamang na ito’y ating tangkilikin at lubos na pagyamanin pa.

Ayon sa tala ay umabot sa humigit kumulang sa 3,000 ang bilang ng mga turismong dumayo dito sa ating kabayanan. Mahalaga ang turismo sapagkat ito’y nakapagbibigay ng trabaho at nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bayan.

Mas mainam rin sana kung magiging tanyag ang bayan ng Pagbilao di lang sa produkto nitong papag at bilao kundi ay pati na rin sa ganda ng mga pasyalan rito.

Nangunguna sa listahan ang Kwebang Lampas na matatagpuan sa Isla Grande Brgy. Ibabang Pulo kung saan nagsilbi ring atraksyon ang Team Energy Coal-Fired Power Plant. Ang Borawan na maihahalintulad sa putting buhangin sa Boracay at ang magagandang isla nito sa Palawan. Habang sa Brgy. Bantigue naman ay matatagpuan ang Silangang Nayon at Pueblo Por La Playa na nagbibigay ng presentableng akomodasyon at mainit na pagtanggap sa mga bisita. Minsan nang naging destinasyon ng pretishiyosong Miss Earth ang Mangrove Experimentation na matatagpuan sa Brgy. Palsabangon kung saan ay nanirahan ang isang native specie

ng endangered Philippine monkey (Macaca fascicularis). Malaki rin ang nagagawa ng ating tradisyon. Ang opisyal na paglulunsad ng Papag at Bilao festival ay nagpaugong sa pangalan ng ating bayan. Magiging mas makulay at kaaya-aya ito sa mga parokyano kung ang bawat Pagbilaoin ay makikiisa at sasabay sa pagdiriwang na ito.

Napakarami ng mga ito ngunit sa kasalukuyan ay nangangailangan pa rin ng pangangasiwa upang matugunan ang mga kakulangan ng mga ito sa ilang mga aspeto.

Masusuportahan at mas mapag-iibayo pa ang mga tourist spots na ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema ng transportasyon, ang mga bangka na maghahatid sa ating mga turista patungo sa magaganda nating mga isla. Makabubuti rin kung makalilikha ng mga pasilidad gaya ng paglalagay ng information center na s’yang makapagbibigay ng tamang impormasyon sa mga turista at pag-hasa sa mga tourist guide. Sa ganitong paraan ay mas lalakas ang turismo sa ating bayan na s’yang tutumbas sa mga bagong oportunidad para sa mga negosyo at trabaho para sa

ating mga kababayan. Responsibilidad ng bawat isa ang pagpapanatili ang kalinisan, napakasimple lamang nito ngunit madalas nating ipinagwawalang bahala. Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, kahit ang maliit na balat ng kendi ay malaki na ang maitutulong.

Matatandaang nitong taon lamang ay ilang kaso na ang naitala hinggil sa pagpaslang o pang-aabuso sa mga dayuhan sa ating bansa na s’yang nakaaapekto sa imahe ng isang bayan. Isa sa mga pinakakritikal na aspetong dapat pagtuunan ng pansin ay ang seguridad. Kung tuluyang masusugpo ang kriminalidad ay mamawalan ng dahilan ang mga turista na matakot magtungo rito sa kamalayang tiyak ang kanilang kaligtasan sa bayan ng Pagbilao.

Sa tulong ng ating lokal na pamahalaan, mga kababayan at maging mga pribadong establisyimento ay mapayayabong pa natin ang turismo dito sa Pagbilao. Huwag natin itong ismolin sapagkat sa pagdami ng turista, aangat ang ating ekonomiya.

6 January-December 2015Volume 5 No. 1

Katibayanng Mabuti at

Epektibong PamumunoMga Pagkilalang Iginawad sa Bayan ng Pagbilao sa ilalim ng Administrasyon ni Mayor Palicpic

ni Alliah B. Macahilas at Lanie Mae M. Ramos, Pagbilao National High School

Bukod sa pagiging responsable sa paggampan ng kanyang mga tungkulin sa Bayan ng Pagbilao, nagsilbi ring magandang ehemplo sa maraming tao si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. Naghatid siya ng inspirayon at

nararapat na tulong sa mga taong kapus-palad, matatanda at kabataan.Ang mga karangalang

natatanggap ni Mayor Palicpic ay pagpapakita ng kaniyang galing at pagiging isang mabuting pinuno sa Bayan ng Pagbilao, gayundin ang taglay niyang kababaang-loob.

Isa sa mga prestihiyosong pagkilala na natanggap ng ating Punong Bayan ay ang ‘Most Outstanding Mayor Award 2015’ na iginawad ng Superbrand Marketing International, Inc. Isa siya sa labinlimang (15) mayors sa buong Pilipinas na nagawaran ng nasabing pagkilala.

Nakatanggap rin ang Bayan ng pagkilala mula sa Bureau of Fire Protection Region IV-A noong ika-6 ng Agosto, 2015. Ang BFP Region IV-A ay may labindalawang awardees sa buong CALABARZON na pinili ayon sa kanilang naging ambag sa pagtataguyod ng mga programa ng BFP na tumutugon sa kaligtasan ng nasasakupan.

Ipinagkaloob rin kay Mayor Palicpic ang Adopt-A-School Statue of Recognition na iginawad ng Quezon DepED noong ika-6 ng Pebrero, 2015. Ito naman ay para sa pantay na paghahangad at pagtataguyod ng kultura at ng kahusayan. Isa rin itong pagkilala

sa mahalagang kontribusyon ng Bayan sa mga programa at proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa ilalim rin ng pamumuno ni Mayor Palicpic katuwang ang Municipal Agriculture Office, nagkamit ang Bayan ng mga parangal sa 2015 at 2014 Gawad Saka Awards.

Kabilang dito ang 2015 Outstanding PIC of Ibabang Palsabangon at 2015 Outstanding Small Farmers Organization-Quezon Agricultural Farmers Multi-Purpose Cooperative. Si Mr. Ricardo Salumbides naman ang itinanghal na 2015 Regional Organic Achiever.

Kabilang pa sa mga karangalang naiuwi ng Punong Bayan ang 2015 First runner-up Best GAD Implementer sa buong CALABARZON Region at 2015 Gawad Kaagapay (A Salute to Partnership thru Adopt- a- School Program).

Best Junior Fire Officer for the Year 2015 naman si Insp. Fernando C. Castillo, habang Best Report Phil AHIS and Agri-Pinoy 2015 naman si Dr. Ma. Cecilia P. Mortez.

Kaugnay ng mga nasabing karangalan, seryosong ipinahayag ni Mayor Palicpic na lubos na kailangan sa epektibong pamamahala ang boses ng kabataan, partisipasyon sa gawaing bayan, pakikiisa sa mga aktibidad ng komunidad, at pagkakaroon ng pakialam sa bawat kaganapan sa bayan.

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng populasyon ng mga kabataan sa Pagbilao, hinihikayat rin niya ang mga kabataan na makiisa, magbigay ng suhestiyon, pumuna sa mga kamaliang nagaganap, at magbigay-puri sa mga mabubuting gawain. Ito aniya ay upang magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa mga pangyayari sa komunidad at makatulong sa bayan sa simpleng pagpapakita ng kabutihan at pakikialam.

Tunay ngang maituturing na isang magandang huwaran ang butihing Punong Bayan sa bawat isa upang patuloy na magsikap sa pagkamit ng mga minimithing pangarap.

Mahal na Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic, saludo kami sa iyo!

7Features

Guwardya ng Kalusuganni Meredith T. Villaluz, Pagbilao National High School

Ang PhilHealth ay isang ‘Life Insurance’ na sumusuporta sa pinansiyal na pangangailangan ng bawat indibidwal kaugnay ng medikasyon at kalusugan.

Upang maging miyembro ng PhilHealth, kinakailangang sundin o tugunan ng sinumang nasa hustong edad ang kaukulang requirements para makakuha ng membership card.

Isa sa mga nagbibigay ng libreng PhilHealth Membership ang Serbisyong Palicpic na programa ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Palicpic.

Narito ang mga kinakailangan upang makakuha ng libreng membership galing sa Serbisyong Palicpic.

Una, dapat na ang sinumang nagnanais maging miyembro ay residente ng Pagbilao; at pangalawa, dapat na magpakita ng kopya ng marriage certificate.

Ang pagpapakita ng katunayan ng kasal ay optional lamang. Kung legal ng mag-asawa, kinakailangang magpakita sila ng nasabing pagpapatunay upang isang membership card na lamang ang ibigay.

Samantala, ang babae’t lalaki naman na nagsasama nang hindi pa kasal ay maaari pa ring kumuha ng PhilHealth card. Gayunman, isa lamang sa kanila ang papayagang kumuha ng libreng membership kabilang ang kanilang anak o mga anak.

Maaaring gamitin ang mga benepisyo at serbisyo ng Philhealth sa mga pampubliko at pribadong ospital.

Kung gagamitin sa isang pribadong pagamutan, dapat na alamin ng miyembro ang mga kondisyong itinatalaga ng ospital dahil ang mga benepisyo ay kalimitang naayon sa kung anong kategorya mayroon ang pasyente.

Samantala, kung gagamitin naman ang PhilHealth card sa isang pampublikong ospital, tulad ng Quezon Medical Center, wala nang dapat problemahin pa ang miyembro dahil sasagutin ng serbisyo ang mga bayarin.

Ang PhilHealth ay kinikilala bilang isang malaking tulong sa bawat mamamayan ng Bayan ng Pagbilao.

Tugon sa Isa,

Tugon sa Nakararamini Patricia B. Melendrez, Talipan National High School

Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), alinsunod

sa mga programa ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, ay patuloy na naghahatid ng tulong sa mga mamamayan ng Pagbilao.

Senior CitizensAng MSWDO ay naglaan

ng P1 milyon para sa mga pangangailangan ng mga Senior Citizens kagaya ng medical, hospitalization, optical needs at burial assistance.

May nakalaang P5,000 sa bawat Senior Citizen ng Pagbilao. Ang namamahala rito ay ang OSCA o Office of Senior Citizen Affairs.

Solo ParentsKung ang isang single parent

ay may mga anak na hindi tataas sa 18 taong gulang, ang MSWDO ay nagbibigay ng tulong pinansyal o scholarship na isa ring

programa ng punong bayan upang suportahan ang kanilang pag-aaral, lalo na kung hindi sila kayang suportahan ng magulang.

May ilang requirements na hinihingi at may mga pagsusulit rin upang makapasa bilang scholar. Ang mabibigyan ng scholarship grant ay makatatanggap ng P3,900 bawat taon kung high school student habang P5,000 naman bawat semestre kung college student.

Nagbibigay rin ng tulong pinansiyal sa mahihirap na sektor

kung nagkakasakit o namatay. Sa kabilang banda, may inihahandog ring programa na “Skills and Livelihood Training para sa solo parents.

Day Care CenterAng DSWD ay nagpatupad

ng “Supplementary Feeding Program” sa mga Day Care Center upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral. Naglunsad din si Mayor Palicpic ng Kitchen Garden o halamanan sa mga Day Care Center, isang

sundan sa susunod na pahina

SALITANGPAGBILAO

ni Lanie Mae M. Ramos, Pagbilao National High School

yanoSumusobra na.Halimbawa: “Yano ka naman! Sumusobra ka na ay! Ilang beses na kitang pinagbigyan.”

babagNangangamoy-away na o kapag may hindi pagkakaunawaan.Halimbawa: “Babag na lamang tayo!”

naliliyoMasama ang pakiramdam o umiikot ang paningin.Halimbawa: “Naliliyo ako dahil sa biyahe.”

guyamLanggam; Insektong masakit mangagat.Halimbawa: “Nakaka-inis talaga ‘yang mga guyam na ‘yan, ang sakit mangagat.’’

bulosMatubig na dumi ng tao.Halimbawa: “Sobrang sakit sa tiyan ang dumumi ng bulos.”

8 January-December 2015Volume 5 No. 1 Features

programa na pangsuporta sa pangangailangan sa aspeto ng pagkain.

Ang Kitchen Garden ay isinagawa ng mga magulang ng Day Care pupils upang mapakinabangan sa maraming paraan. Isinagawa din ito upang bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga magulang sa pagtatanim.

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Ang programang ito ay ipinatupad ng DSWD kung saan sila ay nagbibigay ng cash assistance sa mga napiling beneficiaries. Ito ay nagsisilbing tulong o augmentation para na rin sa pag-aaral at pagsubaybay sa kalusugan ng mga anak ng mga benepisyaryo.

Ito ay isang conditional cash transfer kung saan ang pamilyang napili bilang beneficiary ay dapat kabilang sa mga mahihirap na pamilya at may anak na minor de edad na pumapasok sa paaralan o sanggol na pinapasuso.

Nababawasan ang tulong na ibinibigay kung hindi nasusunod ang mga polisiya ng programa. Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 2,000 pamilya ang miyembro ng nasabing programa sa bayan ng Pagbilao.

Tugon sa Isa, Tugon sa Nakararami... mula sa pahina 7

Barangay Council for the Protection of Children

Ito ay Konseho sa mga barangay na sinubaybayan para sa pagpapatupad ng mga programang magbibigay proteksyon sa mga kabataang may edad 18 pababa.

Noong nakaraang December 7 at 8 ay nagsagawa ng seminar hinggil sa kung ano ang dapat gawin para mas lalong masigurado ang kapakanan ng mga bata.

KALIPIAng KALIPI ay isang

samahan ng mga kababaihan na pinangungunahan ng Punong Bayan ng Pagbilao, Mrs. Shierre Ann Portes-Palicpic. Bukas ito sa mga pangkaraniwang kababaihan, may trabaho man o wala, na may edad na 18 hanggang 59.

Nitong nakaraang ika-20 ng Nobyembre ay nagkaroon ang KALIPI ng General Assembly at ito ay pinondohan ng pamahalaan.

Sa loob ng maghapon ay nagsagawa sila ng Zumba Dance Exercise, mga palarong Pinoy, parlor games at cheerdancing contest. Ginanap din ang paghahanap para sa Mutya ng KALIPI at mga raffle

promos sa Pagbilao Covered Court.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng Skills and Livelihood Training na isinagawa para sa mga kasapi ng KALIPI at mga solo parents.

MOVE (Men Opposing VAW Everywhere)

Ang MOVE naman ang counterpart ng KALIPI. Ito ay isang organisasyong naglalayong sugpuin ang karahasan laban sa mga kababaihan. Ang kabuuang ibig sabihin ng MOVE ay “Men Opposing Violence Against Women Everywhere”.

Noong Nobyembre 18, kasalukuyang taon, ay nagpaskil ang mga miyembro ng MOVE ng campaign materials para sugpuin ang karahasan laban sa mga kababaihan. Ito ay bahagi ng kanilang General Assembly na ginanap naman kinabukasan.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng Misa na sinundan ng parade. Nagkaroon din sila ng kasiyahan, mga palaro, at raffle promos. Ang organisasyon ito ay nagbunsod rin upang makilahok at makiisa ang mga kalalakihan sa mga programang panglipunan.

Patok sa Pasko

House of Santa ni Kon. Jeffreyni Alliah B. Macahilas at Meredith T. Villaluz, Pagbilao National High School

Oy! May nakabitin oh! May magnanakaw! – wika ng mga taong napapadaan sa bahay na punong-puno ng mga naglalakihang Santa Claus. Sabi pa ng

iba, nagagalak sila sa tuwing nakikita at napapatigil sa bahay na iyon. Para bang kay gandang kumuha ng litrato kasama ang bahay na puno ng Santa Claus.

Ang nasabing tahanan ay pagmamay-ari ng Konsehal ng Bayan ng Pagbilao na si Kgg. Jeffrey Tiñana. Tinawag itong “House of Santa” o “Santa’s House” dahil sa naglalakihang mga Santa Claus na pumuno sa labas ng bahay. Dinudumog ito ng mga tao dahil sa nakakaaliw na posisyon ng mga Santa Claus sa bawat porsiyon ng bahay.

Simula pa lamang noong bata si Konsehal Jeffrey ay nangongolekta na siya ng maliliit na Santa Claus. Naging inspirasyon niya ang pumanaw niyang Daddy sa pagbuo ng House of Santa.

Alam ng marami na ang kaniyang ama ay mapagbigay lalo na tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Nagbibigay ito ng mga regalo at papasko sa mga tao katulad ni Santa Claus. Naeengganyo rin ang

konsehal na mangolekta ng Mrs. Claus.

“Masarap sa pakiramdam ang magpasaya ng ibang tao,” ayon kay Konsehal Jeffrey nang siya ay aming kapanayamin. Hindi niya inaalala ang mga gastos mapaligaya lamang ang sarili maging ang ibang tao.

Nakakahangang pagmasdan ang Santa’s House kaya naman ang mga tao ay napapatigil sa tapat ng kanilang bahay. Nakakawala rin ito ng stress para kay Konsehal Jeffrey.

Nagsimula ito sa iisang Santa Claus lamang na may Christmas light, hanggang sa napansin niyang napapatitig ang mga taong dumaraan sa tapat nila at tila ba’y napapasaya sila nito. Dahil dito, napag-isip-isip ni Konsehal Jeffrey na magdagdag at punuin ang kanilang bahay ng malalaking Santa Claus.

Sinubukan niya ang kaniyang ideya sa kabila ng kaunting pag-aagam-agam dahil alam niyang bihira ang gumagawa ng mga life size na Santa Claus, bukod sa madalang ang bumibili nito at mahirap itabi.

Naging maganda ang resulta ng pagpupuno niya ng mga Santa Claus. Nagsilbi rin itong alaala ng kanilang pamilya sa kaniyang butihing Daddy.

Tuwing sasapit ang Christmas, Nobyembre pa lamang ay marami nang tao ang nagtatanong sa konsehal kung bakit hindi pa niya isinasabit ang ibang malalaking Santa Claus.

Galak na galak ang mga tao na pagmasdan muli ito. Siyempre maging si Konsehal Jeffrey ay excited din. Minsan nga lumalabas siya ng kanilang bahay upang pagmasdan ang ganda ng Santa’s House.

Nabibili niya ang ganoong kalalaking Santa Claus sa halagang 12,000 hanggang 20,000. Naging suki si Konsehal Jeffrey ng Christmas Factory na “Luxon” sa Metro Manila.

Matatagpuan ang Santa’s House, na bahay ni Konsehal Jeffrey Tiñana, sa Barangay Tambak. Bukas ito para sa mga tao mula ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Hinihikayat rin ni Konsehal Jeffrey ang bawat Pagbilaoin na silayan ang Santa’s House.

Masasabi mo talagang kumpleto ang Pasko sa bawat araw na bibisita ka rito. Kahit nga siguro hindi mo hilig ang mga Santa Claus, kapag napagmasdan

sundan sa pahina 11Tiñana Residence sa Brgy. Tambak

(Photo courtesy: Juan Carlo Suizo)

January-December 2015Volume 5 No. 1 9News

Sa pangunguna ni Municipal Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, namigay ng mga tseke ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa apatnapu’t pitong (47) senior citizens noong ika-9 ngHulyo sa

Sentrong Pangkabuhayan Building.

Mayor Palicpic, namigay ng tulong pinasyal sa senior citizens

Ayon kay Gng. Illuminida Pornasdoro, OSCA Chairperson, maaaring makatanggap ng halagang limang-libong piso (Php 5,000) kada taon ang mga benepisyaryo, depende sa kanilang reimbursement.

Ipinaliwanag rin ni Gng. Pornasdoro sa mga benepisyaryo ang mahabang prosesong kailangang pagdaanan bago maibigay sa kanila ang mga kinakailangang serbisyo.

Kabilang sa mga serbisyong ibinibigay sa mga senior citizen ang medical, dental, optical,

hospitalization at burial assistance; diagnostics at laboratory; at paggamit ng hearing aid at iba pang therapeutic equipment.

Kapag sumobra sa ibinigay na halaga, ito ay ibibigay sa ibang programa na hawak ng local government unit (LGU).

May kabuuang Php 2.25 milyon ang pondong inilaan ni Mayor Palicpic para sa mga benepisyaryo sa buong taon. Magsasagawa rin ng alokasyon dulot ng pagtaas ng populasyon ng senior citizens.

Inaprubahan ng Commission on Audit (COA) ang pagbibigay ng

mga tseke mula sa pondong galing sa pamahalaang nasyonal.

Mula pa nang ipinatupad ni Mayor Palicpic ang ordinansang kinatha ni Hon. James Zaporteza, patuloy na isinasagawa ang programa ng LGU para sa mga senior citizens.

Samantala, naghanap ng senior citizen ang OSCA na may edad isang-daang taon para sa Provincial Government ng Quezon.

Ang birth certificate ng nahanap na senior citizen ay ipinasa ng OSCA sa Municipal Social Welfare and Development Services.

Bethrina Ira A. Carreon, TNHS

Mainit ang naging pagtanggap ng mga mag-aaral at guro

ng Pagbilao National Highschool (PNHS) sa kanilang bagong punong-guro na si G. Mario A. Guevarra, itinalagang Punong Guro I ng paaralan sa taong ito.

Nagbigay ng mensahe at pagbati kay G. Guevarra si Pagbilao Municipal Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic para sa bagong posisyon na mainit naman niyang tinanggap, kaakibat ng mga obligasyon at responsibilidad.

Bukod sa mga panauhing nagmula sa kagawaran ng edukasyon, tulad ni Mauban and District Supervisor Aurea Gandia, dumalo rin sa okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Manny Luna kasama ang mga konsehal na sina Lolito Merle at Jeffrey Tiñana.

Si Mr. Guevarra, 47, ay isang asawa at ama sa dalawang anak. Siya ay tubong Pagbilao na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Bukal. Naging Head Teacher

PNHS,sinalubong ang

bagongpunong guro

III siya sa Talipan National High School noong Mayo 2012 bago siya naitalaga bilang Punong Guro I sa Cagbalete Island National High School sa Mauban.

Doon ay itinanghal siya bilang Outstanding Brigada Eskwela Implementer. Pagkaraan ng tatlong taon, bumalik siya sa kanyang pinagmulang bayan bilang bagong Punong Guro ng PNHS.

Alliah B. Macahilas, PNHS

Ang pamahalaang panlalawigan ng

Quezon kasama ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao ay namahagi ng Serbisyong Suarez Health Coupon, June 13 sa Covered Court ng Municipal Public Market.

Ang nasabing serbisyong pangkalusugan ay pinamunuan ni Governor David ‘Jayjay’ Suarez upang matulungan ang mga Quezonian na hindi sapat ang pinagkukunang pinansiyal at walang kakayahang makabayad sa ospital at iba pang bayaring medikal.

Dumalo rin sa programa ang Bise-Presidente na si Jejomar ‘Jojo’ Binay kasama ang kongresista ng Valenzuela na si Sherwin ‘Win’ Gatchalian upang

Gov. Suarez, VP Binay, Cong. Gatchalian,namahagi ng tulong pangkalusugan sa

Pagbilao

Magiliw na kinakausap ni Valenzuela City Cong. Gatchalian

ang grupo ng senior citizens para kamustahin ang kanilang

kalagayan.(Photo courtesy: Giefe Jefferson C. Carvajal)

sundan sa susunod na pahina

ContinuingWhat Has Been Started:Mga Proyekto at Programa ni Mayor Palicpic sataong 2016SOCIAL SERVICES SECTOR

APPROPRIATION FOR PROGRAM PROJECT FUNDS

• SectoralMedicareProgram• YouthWelfareProgram• UnladKabataan• SportsandDevelopment

Program• AidtoPeaceandOrderCouncil

(POC)• AidtoPeople’sLawand

EnforcementBoard(PLEB)• AidtoBHW/Brgy.Tanod/

VolunteerDCW:KabayanihanFund,LifeSecurityFund

• AssistancetoSangguniangKabataanFederation

• AssistancetoOSCA• FuneralAssistancetoPhil.Vet.

Federation• SpecialProgramfor

EmploymentofStudents(SPES-RA7323)

• BidsandAwardsCommittee

OperationalExpenses(BAC)• CulturalFundActivities• Medical/DentalMission• SubsidiarytoHighSchool

Students• ScholarshipProgram(College)• DentalHealthProgram

Curative Treatment ServicesGarantisadong PambataFluoride Utilization ProgramDental Health Month 2016

• EnvironmentalHealthServicesInsect Vermin Control ProgramWater and Quality Surveillance Program

• LaboratoryServicesProgram• FamilyHealthCarePlanning

andMaternalCare• VitaminA/IronDeficiency

MalnutritionProgram• Anti-RabiesProgram• Anti-TuberculosisProgram• ControlonAcuteRespiratory

InfectionProgram• Anti-CardiovascularDisease

Program

• Anti-DiabeticProgram• TBinChildren• NewbornScreening• Anti-LeprosyProgram• FamilyWelfareProgram

Family Week Celebration• ChildWelfareProgram

Celebration of Children’s FestivalSpecial Services for Children in Especially Difficult Circumstances

• NutritionMonthCelebration• KitchenGarden• RecognitionofDayCare

Children• SubsidiarytoDayCare

Workers• AnnualConventionofDayCare

Workers• TrainingofDayCareWorkers• ProgramMaterialsforDayto

DaySession• RehabilitationProgramof

PersonwithDisabilitiesCelebration of National Disability Prevention and Rehabilitation Week

• MonthlyMeeting• LivelihoodTraining

• ProvisionofOfficeSupplies• LeadershipTrainingforPWD• ProvisionforMedical

Assistance• ProvisionforTransportation

AssistanceMonthly MeetingParticipation to PWD Activities Outside the Municipality

• EmergencyAssistanceProgramAid to Individual Crisis Situation (AICS)- Burial Assistance- Medical Assistance- Transportation AssistanceLimited Materials Assistance- Care and Maintenance of WardEmergency Food AssistanceEmergency Shelter AssistanceSupplemental Feeding Program

• CounterparttoPantawidPamilyangPilipinoProgramConducts of Meetings (Municipal Advisory Council, Mun. Action Team and Payout, and Parent Leader)

• LGULinksundan sa pahina 11

10 January-December 2015Volume 5 No. 1 News

Serbisyong Palicpic, patuloy ang paghahatid ng tulongApat na raang pamilyang Pagbilaoin na ang natulungan ng

Serbisyong Palicpic mula pa noong taong 2014. Sa pangunguna ng mga tagapagtaguyod ng Serbisyong ito, pumili ng Indigent Families o mga pamilyang walang sapat na kakayahan para tugunan ang kanilang mga personal na pangangailangan upang mabigyan ng tulong ng Serbisyong Palicpic.

Ang mga nasabing pamilya ay mula sa mga hindi napili sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Apat na raang pamilya ang napili at kinumpirma kung nararapat bang mapabilang sa Serbisyong Palicpic. Ang nasabing mga pamilya ay naging prayoridad upang biyayaan ng tulong.

Ang bawat pamilyang kasapi sa serbisyo ay binibigyan ng Monitoring Card. Sa mga pagkakataong lalapit sila at hihingi ng kaukulang tulong mula sa serbisyo ay dapat nilang dalhin ang nasabing Monitoring Card bilang patunay na sila ay miyembro ng serbisyo.

Nasasakupan ng Serbisyong Palicpic ang tulong at benepisyo para sa pagpapa-ospital, laboratory assistance at iba pang serbisyong medikal tulad ng PhilHealth.

Kabilang rin sa mga tulong na ibinibigay ng serbisyo ang burial assistance. Tumutugon din ito sa pangangailangang agrikultura.

Malaki ang kaibahan ng Serbisyong Palicpic sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na inisyatibo ng DSWD. Sa Pantawid Pamilya ay may natatanggap na pera kada buwan ang mga benepisyaryo, habang sa Serbisyong Palicpic naman ay ‘total service’ o iba’t-ibang tulong at serbisyo.

Bilang kapalit ng tulong na nagmumula sa Serbisyong Palicpic, nais lamang ng butihing Punong Bayan na magtanim ng gulay at halamang gamot ang mga pamilyang nabibilang sa serbisyong ito upang matuto silang kumita ng pera sa pamamagitan ng simpleng pagtatanim.

Lanie Mae M. Ramos, PNHS

Ipinapaliwanag ni Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang

guidelines ng Serbisyong Palicpic program sa mga nangangailangang Pagbilawin. (Photo courtesy: Willy Pionilla)

Sinalubong ni Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic ang mga bagong academic scholars

(kolehiyo at high school) ng kanyang administrasyon para sa taong 2015 hanggang 2016, noong ika-4 ng Hunyo sa Municipal Library.

Pinangunahan ni Mrs. Jocelyn Catalla, tagapangasiwa ng mga iskolar ng bayan, ang oryentasyon at pangkalahatang asembleya ng programa.

Mayor Palicpic sa Serbisyong Suarez Scholars

Sa kaparehong araw, 47 na recipients ng isa sa mga namamayagpag na programa ng provincial government ang nakadaupang-palad ni Mayor Palicpic.

Nagtipon ang Serbisyong Suarez Scholars (SSS) ng akademikong taong 2015 hanggang 2016 upang magsagawa ng oryentasyon at pangkalahatang asembleya sa Pagbilao Municipal Covered Court.

Ayon kay Mr. Edgar Tinamisan, Municipal Coordinator ni Quezon Province Governor David Suarez, ang mga pamilyang walang sapat na kakayanan na mapag-aral ang kanilang mga anak sa kolehiyo ay maaaring mag-aplay para sa naturang programa.

Higit na malaki ang pagkakataon ng mga high school graduate na makapasa sa scholarship na ito dahil sa kabutihang palad ay ibinaba ang grade qualification mula 85% hanggang 80%. Nagsimula itong ipatupad ngayong taong kasalukuyan.

Mahigit 200 scholars sa Pagbilao ang nasa ilalim ng programang Serbisyong Suarez Scholarship.

Bernhard Charles Martinez

Mayor Palicpic, sinalubong ang mga bagong scholar para sa taong 2015-2016

Mayor Palicpic kasama si 1st runner-up Little Miss Earth

Philippines 2015 Lea Sephora Bautista

(Photo courtesy: Giefe Jefferson C. Carvajal)

Kinatawan ng CALABARZON sa Little Miss Earth PH,

bumisita sa Pagbilao LGU

Sinimulan ng LGU ng Pagbilao ang araw na puno ng good

vibes nang si Lea Sephora Bautista, isa sa dalawampung kalahok sa Little Miss Earth Philippines 2015, ay bumisita para sa isang courtesy call kay Municipal Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic noong ika-1 ng Hunyo, 2015.

Ayon kay Jay Bautista, ama ni Lea, ginugol ng bata ang kanyang oras sa pagbisita sa mga opisina nina Quezon Province Governor David “Jayjay” Suarez, Vice-Governor Sam Nantes, at Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala para ipanukala ang kanyang adbokasiya sa recycling at environmental protection.

Ang Grade 4 pupil na si Lea ang naging kinatawan ng rehiyon sa Little Miss Earth Philippines ngayong taon, kasama ang iba pang kalahok mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Tinanghal na 1st runner-up si Lea sa naganap na Coronation Night noong June 28 sa Armed

Forces of the Philippines (AFP) Theater, Manila.

Ang kompetisyon para sa Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines ay naglalayon na pag-isahin ang mga Pilipino sa pagpapanatili ng kagandahan at pagprotekta sa kalikasan sa pamamagitan ng mga naggagandahang dilag bilang lokal at nasyonal na ‘earth ambassadors’.

Raniel R. Pelaez

Gov. Suarez, VP Binay, Cong. Gatchalian, mula sa pahina 9

mamigay ng wheelchairs sa mga senior citizen.

Ayon kay Gov. Suarez, ang Pagbilao ang ika-dalawampung bayan sa Probinsiya ng Quezon na binisita ng bise-presidente.

Ayon pa sa gobernador, malinaw

programa at proyekto na tutugon sa gender equality, pagiging handa sa mga sakunang maaaring dumating, kalusugan, edukasyon at pagpapagawa ng mga imprastraktura.

Ang programa ay dinaluhan rin ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pagbilao na pinamumunuan ng bise-alkalde na si Manny Luna kasama ang mga konsehal na sina Jeffrey Tinana, Lolito Merle, Jacinto Piñon at ang presidente ng Association of Barangay Councils (ABC) na si Ma. Assumpta Ariate.

Dumalo rin si Gov. Suarez kasama ang kanyang ama na dati

na sinabi ni VP Binay kay Mayor Palicpic ang pagbibigay ng pabahay sa bayan ng Pagbilao. Ipinahiwatig rin niya ang pagnanais na maging sister city ng Makati at Valenzuela ang Pagbilao.

Ito ay upang mailunsad ang pagkakaisa at bayanihan, gayundin ang pagpapalitan ng

ring floor leader ng kongreso na si Danilo Suarez, ang Provicial Administrator na si Rommel Edaño, at ang Board Members na sina Jerry Talaga at Tetchie Dator.

Halos dalawang libong katao ang dumalo kasama na dito ang mga miyembro ng LGU Pagbilao, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Men Opposed to Violence Againts Women and Children Everywhere (MOVE), Sangguniang Barangay, mga benepisyaryo ng Serbisyong Palicpic, mga iskolar ng Punong Bayan, senior citizens, at mga miyembro ng press.

Aira Janine P. Gordula, TNHS

January-December 2015Volume 5 No. 1 11News

mo ang nasabing tahanan ay parang gusto mo na ring maglagay ng mga iyon sa sarili mong bahay.

May inspirasyon ding hatid ang Santa’s House: na madarama natin ang kahulugan ng Pasko sa ating puso mismo. Itinuturing nating Santa Claus ang ating mga ninong, ninang, pamilya at mga

House of Santa... mula sa pahina 7

SPECIAL PURPOSE APPROPRIATION

5%GenderandDevelopmentFund(GAD)

Telephone Expenses –Women’s Desk (PNP)Programs for In-House ClientFood Subsistence for ClientsTransportation AssistanceMedical Expenses for Clients (Physical and Laboratory Examination)Araw ng KabataanCelebration of International Women’s MonthGender Sensitivity TrainingCervical Cancer Screening/VIAFamily Planning and STD DetectionMaternal and Dental Care ProgramBreast Feeding AwarenessGAD IEC MaterialsSeminar on Children’s Right and LawsSeminar on RA 9208Seminar on Parenting PrinciplesBarangay Women’s DeskCelebration of Pagbilao Men’s DayMonitoring of Men’s Anti-VAWC and Community Act.Regular Meeting/Monitoring of GAD CouncilConduct of Capacity Dev’t. to GFPS MembersCreation of Brgy. GAD Focal Point SystemTechnology Transfer for Organized Women’s GroupMass WeddingLegitimation ProgramMobile Registration for WomenStrengthening of Barangay Council for the Protection of Children (BCPC)Organizing of Barangay Employment Service UnitStrengthening and Capacity-Building of Solo ParentsStrengthening of Municipal Council for the Protection of ChildrenEstablishment of Wall of FameStrengthening of KALIPIMaintenance/Improvement of Women and Children’s Desk

5%MunicipalDisasterRiskReductionFund

Disaster Mitigation PhaseDredging of Various RiversInstallation of Shallow Tubewell (Ila. Palsabangon)

Disaster Preparedness PhasePurchase of Rescue EquipmentRe-planning (Evaluation of Previous MDDRM Plan)Capability Training on Mainstreaming Disaster Risk Reduction and Management

- Meals during ERT Meeting- Meals during MDRRMC Meeting

IEC (Information and Education Campaign Materials)Strengthening of MDRRMC on Disaster Camp Management Training and Coordination

Strengthening of BDRRMC on Disaster Preparedness Drill CompletionDisaster Management Plan andEnhancement of Barangay Disaster Risk Reduction ManagementInstallation of Warning SignagesPurchase of Disaster KitPurchase of PortaletsStockpiling (Food)

ECONOMIC SERVICES SECTOR

APPROPRIATION FOR PROGRAM PROJECT FUNDS

• TESDA-BasedSkillsTraining• LivelihoodProjects• LivelihoodDev’t.Project

Operation and Maintenance of Livelihood Equipment

• AidtoMunicipalCooperativeCouncil

• TourismActivities• PovertyAlleviationThru

AgriculturePrograms:Banner program for Rice Production- Distribution of Certified Palay Seeds- Distribution of FertilizerCrop ProductionCorn ProductionGulayan sa Barangay (Clean and Green Project)

• TrainingandSeminars• R.I.C.HomemakersClass

StageII(PackagingandLabeling)

• General Administration and Support ServicesNursery Development and ManagementMaintenance and Management of Fish Sanctuary

• Rural-BasedPlanningWorkshopandCapabilityBuilding

• SpecialEventsfortheYearPagbilao Harvest FestivalParticipation in Quezon Harvest FestivalGawad Saka

• Research FundBanana Production with Balanced Fertilization

SPECIAL PURPOSE APPROPRIATION

20%MunicipalDev’t.Fund(MDF)Purchase of Farm to Market RoadConstruction of Fishermen’s Trading PostConstruction of Fishermen’s Wharf (Brgy. Bantigue)Relocation SurveyConcreting of Access Road

5%GenderandDevelopmentFund(GAD)

Women Economic Empowerment (WEE) (Livelihood Training, Programs and Activities)Economic Empowerment of Women and OSY Through EmploymentInstallation of Product Display Center

Mga proyekto at program...mula sa pahina 9

kaibigan dahil sa mga regalong natatanggap natin mula sa kanila at sa pagmamahal na kanilang ipinapadama.

Ipinapaalala rin sa atin ng House of Santa ang diwa ng pagbibigayan at pasasalamat sa Diyos para sa mga biyayang Kaniyang ipinagkakaloob.

Encenarez, bagong LTOO ng LGU Pagbilao

Itinalaga bilang bagong Local Treasury Operations Officer I (LTOO I) si Corazon Encenarez ng Municipal Administrator’s

Office (MAO), epektibo July 1 ngayong taon.Si Encenarez ay dating

Administrative Officer I ng MAO at nagsisilbi sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa loob ng dalawampu’t-anim (26) na taon. Nang magbitiw sa puwesto si dating LTOO Graciela Glory dahil sa problemang pangkalusugan, isa si Encenarez sa mga pinagpilian para sa nasabing posisyon.

Sa presensiya ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, opisyal na itinalaga bilang bagong pinuno ng Office of the Municipal Treasurer si Encenarez noong ika-1 ng Hulyo.

Sinabi ni Encenarez na kabilang sa kanyang mga responsibilidad

bilang LTOO I ang pag-oorganisa at pagkokontrol sa lahat ng reports sa ilalim ng General, SEF at Trust Funds ng Lokal na Pamahalaan. Gagampanan din niya ang paghahanda ng taunang action plan ng opisina na isusumite sa Provincial Treasurer’s Office at sa Bureau of Local Government Finance (BLGF). Isa rin sa kanyang mga obligasyon ang paghahanda ng budget proposal ng Treasurer’s Office para sa buong taon na pinag-aaralan at inaaprubahan ng Municipal Treasurer.

Giefe Jefferson Carvajal

Pagbilao ALS,nakapagpatapos ng

29 mag-aaral ngayong taonDalawapu’t siyam na indibidwal mula sa Pagbilao ang nakapagtapos

sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) noong taong panuruan 2014-2015 kasabay ang iba pang mag-aaral mula Mauban, Lucban at Sampaloc, ika-2 ng Hulyo sa Mauban East II Elementary School.

Ang mga nagtapos sa high school mula Pagbilao sa ilalim ng nasabing programa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay kinabibilangan nina Alona Jane Argarin, Analiza Ayaay, Maryrose Baracael, Jessica Rosales-Barbacena, Roselyn Buante, Lyra Cacao, Joenaliza Del Rosario, John Harold Diesta, Nelia Dinglasan, Rosalyn Gablanca, Rodney Liwag, Jessa Gaberi-Lloren, Engelyn Advincula, Giosa Luna, Maybeth Lusabia, Jayson Lusterio, Mark Anthony Macaraeg, Susana Mahinay, Jennelyn Mananghaya, Mary Joy Merle, Loumiela Faye Mirandilla, Maricar Morales, John Jerico Neri, Ronalyn Pabellosa, France Rylyn Panganiban, Rosiel Rosialda, Ryan Suarez, at Jean Adriane Orgas. Samantala, si Donna Mae Alvez naman ang nag-iisang nagtapos sa elementarya.

Sa 29 na nagtapos, siyam ang kinilala bilang Outstanding Accreditation and Equivalency (A&E) Passers. Ginawaran ng silver medal sina Buante at Cacao, habang bronze medal naman ang ibinigay kina Barbacena, Dinglasan, Lloren, Luna, Lusterio, Rosialda, at

Suarez.Nagbigay-pugay rin ang DepEd-

ALS sa mga taong tumulong sa kanila upang makapagtapos sa sekondarya o elementaryang antas. Kabilang sa mga ginawaran ng Certificate of Recognition sina Municipal Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Vice-Mayor Manuel Luna, Public Schools District Supervisor Aurea Gandia, Pagbilao Central Elementary School Principal Beatriz De Castro, Brgy. Ilayang Polo Captain Roosevelt “Toto” Predeña, District ALS Coordinator Buena Jaro, Mobile Teacher Marife Luna, Secondary ALS Coordinators Pedrito Mercurio at Evangeline Mañebo, at Instructional Managers Rogelio Manalo at Ferdinand Merle.

Ang programang ALS ng DepEd ay isang “parallel learning system” sa bansa na nagsisilbing praktikal na alternatibo sa pormal na edukasyon. Ang isang indibidwal na walang kakayahang makapag-aral sa pormal na paraan ay maaari pa ring makapagtapos sa elementarya at sekondarya sa pamamagitan ng nasabing programa.

Marael Pepaño

January-November 2015Volume 5 No. 112 News

LSB Pagbilao, handa na sa K-12Handa na ang Local School Board (LSB) ng Pagbilao sa pangunguna

ni Municipal Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic para sa K-12 Basic Education Curriculum. Ginanap ang pagpaplano hinggil dito sa Municipal Conference Room, June 18.

Nagkaroon muna ng dayalogo si Mayor Palicpic at G. Tolentino Aquino, School Division Superintendent (SDS) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Division Office of Quezon. Sinagot ni G. Aquino ang mga katanungan kaugnay ng new curriculum system ng ating bansa at ang badyet na kailangan para sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay G. Aquino, ang National Government ang sasagot sa pondong kakailanganin para sa mga silid-aralan. Samantala, ang lokal na pamahalaan naman ang hahawak sa operasyon ng mga laboratory.

Kasama sa dayalogo ang mga punong-guro ng mga pampublikong sekondaryang paaralan. Kabilang dito ang Pagbilao National High School, Silangang Malicboy National High School, Talipan National High School. Nakiisa rin dito ang mga papasok at paalis na mga punong-guro ng Pagbilao Grande Island National High School (PGINHS).

Matapos ang pag-uusap, ang LSB, sa pamamagitan ng isang resolusyon na inaprubahan para sa pagpapatupad ng mga proyekto, ay nagmungkahi rin ng pagpopondo sa ilalim ng Supplemental Budget No. 1, s. 2015.

Kasama sa resolusyon ang pagpapatayo ng mga pasilidad ng patubig sa PGINHS na nagkakahalaga ng P1.8 milyon; pagpapaunlad ng mga site at konstruksyon ng mga daan sa Binahaan Elementary School, at ang pagpapaunlad ng Home Economics Building Phase I sa Pagbilao Central Elementary School na umabot ng P1.8 milyon.

Ang pagpupulong ay nilahukan ng LSB na kinabibilangan nina Councilor Joseph Garcia, Municipal Administrator Maximo Glorioso, Municipal Treasurer Aristeo Catalla, Municipal Engineer Angelito Ayala, Municipal Accountant Delita Manuba, at mga punong-guro ng mga pampubliko at pribadong paaralan. Alliah B. Macahilas, PNHS

Dalawang Pagbilawin ang nag-uwi ng karangalan sa bayan matapos makipagtagisan sa Mr. & Ms. Quezon 2015, March 15 sa Mauban

Gymnasium.Bagama’t bigong maiuwi ang titulo, wagi pa rin ang dalawang kinatawan

ng Bayan ng Pagbilao sa Mr. & Ms. Quezon 2015.Nasungkit ni Ms. Jenjane Pacson ang ikatlong puwesto, habang naiuwi

naman ni Mr. Christian Macahilas ang ikalawang puwesto.Ang Mr. & Ms. Quezon ay taunang patimpalak na itinuturing na isa sa

pinaka-prestihiyosong beauty pageants sa buong Lalawigan ng Quezon.Ang mga kinatawan ng Bayan sa naturang pageant ay pinipili sa

pamamagitan ng isang screening. Marael C. Pepaño

Macahilas, Pacson, wagi sa Mr. & Ms. Quezon 2015

Nagkamit ng pangalawang pwesto ang bayan ng

Pagbilao sa isinagawang Congressional District Meet sa Sampaloc, Quezon, August 27-29.

Nanguna ang Lucban sa palakasan, samantala pangatlo naman ang mga kalahok sa ISLANDERS (Polillo, Jomalig, Panukulan, Patnanungan, Bordeos).

Napakainit ng labanan sa lahat ng event, mula sa board games hanggang ball games, athletics, at racket games.

Nakiisa ang mga bayan ng Sampaloc, REINA (Real, Infanta, General Nakar), at Mauban sa paligsahan.

Juhn Lorenz P. Amandy, PGINHS

Pagbilao,pumangalawa sa

Congressional Meet

Streetdancers ng Pagbilao, nagkamit ng puwesto sa Niyogyugan Festival

Itinanghal na pangatlo ang streetdancers ng Bayan ng Pagbilao sa ginanap na

Niyogyugan Streetdancing Competition 2015, Aug 15.

Hindi binigo ng streetdancers ng Bayan ng Pagbilao ang kanilang mga kababayan nang mag-uwi sila ng puwesto sa nasabing kompetisyon.

Isang malaking karangalan para sa Bayan ang matagumpay na paglahok ng mga mananayaw nito na nakipagtagisan ng galing at pagkamalikhain sa larangan ng pagsayaw.

Bukod sa trophy, iniuwi rin ng grupo ang 50,000 pesos na prize money mula sa pagkapanalo.

Samantala, ang streetdancers naman ng Bayan ng Dolores ang itinanghal na kampeon.

Ang Niyogyugan Streetdancing Competition ay isang patimpalak na bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Niyogyugan Festival, ang opisyal na festival ng Lalawigan ng Quezon. Marael C. Pepaño

Quezon Division Office ng DepEd

Macahilas Pacson

Photo courtesy: Anne Reyes