18
1 PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT ETIKANG PANG-NEGOSYO Patakaran ng Korporasyon sa Pag-uugali at Etikang Pang-negosyo (ang “Patakaran”) na ito ang mga inaasahan ng Traffic Solutions Corp. at ng ganap na pagmamay-ari nitong mga subsidiyaryo (magkakasama, ang “Kompanya”) tungkol sa pag-uugali ng mga empleyado at opisyal ng Kompanya habang kinakatawanang Kompanya at dinisenyo rin upang magbigay ng panuntunan sa pakikitungo sa mga kapwa empleyado, kostumer, nagbebentan sa atin, may-sosyo sa negosyo, kakumpitensya, sa mga komunidad kung saan tayo nagtatrabaho, mga salungatan ng interes at 'di-tama, ilegal o 'di-etikal na pag-uugali. Hindi man mga empleyado ng Kompanya, umiiral rin ang Patakarang ito sa nakakontratang tauhan na pansamantalang nagtatrabaho para sa Kompanya (para sa mga layunin ng Patakarang ito, ang mga empleyado ng Kompanya at nakakontratang tauhan ay sama- samang tutukuyin bilang mga “empleyado”). Inaasahan ring susundin ng mga sanggunian, kinatawan, ahente, kontratista at pumapangalawang kontratista na kumikilos sa ngalan ng Kompanya ang lahat ng takda ng Patakarang ito at mga umiiral na batas at regulasyon. Mga Kalahatang Prinsipyo Nangangako kami sa: Ating Mga Empleyado Pagpapanatili ng mga pamamalakad sa trabaho batay sa patas na pagkakataon. Paggalang sa pagiging pribado ng isa’t isa at pagtrato sa isa’t isa nang may dignidad at respeto. Pagbibigay ng ligtas na pagtatrabahuhang lugar at kapaligiran kung saan malaya ang komunikasyon. Sa Mga May-sosyosa Ating Negosyo Pagpoprotekta at pagpapalago sa halaga ng puhunan ng mga may-sosyo sa negosyo sa pamamagitan ng masinop na paggamit sa mga pamamaraan ng Kompanya. Pagbibigay ng ganap at patas na pagsisiwalat sa ating pampinansyang kalagayan at mga resulta ng pagpapatakbo sa negosyo. Ating Mga Kakumpitensya Puspusan at tapat na pakikipagkumpitensya sa mga industriya kung saan tayo naglilingkod. Ating Mga Komunidad Pagiging responsableng korporasyong mamamayan ng mga komunidad kung saan tayo naninirahan. Pagsunod sa lahat ng batas pambansa at lokal. Pagsisikap na pabutihin ang kapakanan ng ating mga komunidad. Etikang Pang-negosyo Umiiral ang Patakarang ito sa ating mga desisyon at kilos pang-negosyo. May pamamalakad ang Kompanya na panatilihin ng lahat ng empleyado at mga opisyal ang pinakamataas na mga pamantayan sa etika at sundin ang lahat ng umiiral na hinihingi ng batas kapag isinasagawa ang negosyo ng Kompanya. Nakasalalay ang integridad, reputasyon at kakayahang kumita ng Kompanya higit sa lahat sa mga indibidwal na kilos ng ating mga empleyado at opisyal. Tumutulong ang Patakarang ito na tukuyin ang ating mga prinsipyo sa etika, ngunit hindi ito inilaan para saklawin ang lahat ng pangyayari o agapan ang bawat sitwasyon. Dapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw, pati na sa larangan ng mga partikular na pamamalakad at paglilimi ng Kompanya. Personal na responsable at may- pananagutan ang bawat empleyado at bawat opisyal sa pagsunod sa Patakarang ito, at pagpapairal sa Patakarang ito nang walang masamang hangarin at nang may makatwirang pagliliming pang-negosyo. Hindi tanggap ang mga katwirang “ginagawa ng lahat,” o “ginagawa ito ng kumpetisyon,” o “hindi ito ilegal” bilang dahilan ng paglabag sa Patakarang ito. Dapat nating iwasan ang mga pangyayari at kilos na maaaring lumalabas na 'di-tama. Ipapatupad nang patas ang Patakarang ito. Sinumang empleyado ang hindi susunod sa Patakarang ito ay kumikilos sa labas ng saklaw ng kanyang trabaho.

PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

1

PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT ETIKANG PANG-NEGOSYO Patakaran ng Korporasyon sa Pag-uugali at Etikang Pang-negosyo (ang “Patakaran”) na ito ang mga inaasahan ng Traffic Solutions Corp. at ng ganap na pagmamay-ari nitong mga subsidiyaryo (magkakasama, ang “Kompanya”) tungkol sa pag-uugali ng mga empleyado at opisyal ng Kompanya habang kinakatawanang Kompanya at dinisenyo rin upang magbigay ng panuntunan sa pakikitungo sa mga kapwa empleyado, kostumer, nagbebentan sa atin, may-sosyo sa negosyo, kakumpitensya, sa mga komunidad kung saan tayo nagtatrabaho, mga salungatan ng interes at 'di-tama, ilegal o 'di-etikal na pag-uugali. Hindi man mga empleyado ng Kompanya, umiiral rin ang Patakarang ito sa nakakontratang tauhan na pansamantalang nagtatrabaho para sa Kompanya (para sa mga layunin ng Patakarang ito, ang mga empleyado ng Kompanya at nakakontratang tauhan ay sama-samang tutukuyin bilang mga “empleyado”). Inaasahan ring susundin ng mga sanggunian, kinatawan, ahente, kontratista at pumapangalawang kontratista na kumikilos sa ngalan ng Kompanya ang lahat ng takda ng Patakarang ito at mga umiiral na batas at regulasyon. Mga Kalahatang Prinsipyo Nangangako kami sa: Ating Mga Empleyado

• Pagpapanatili ng mga pamamalakad sa trabaho batay sa patas na pagkakataon. • Paggalang sa pagiging pribado ng isa’t isa at pagtrato sa isa’t isa nang may dignidad at respeto. • Pagbibigay ng ligtas na pagtatrabahuhang lugar at kapaligiran kung saan malaya ang komunikasyon. • Sa Mga May-sosyosa Ating Negosyo • Pagpoprotekta at pagpapalago sa halaga ng puhunan ng mga may-sosyo sa negosyo sa pamamagitan ng

masinop na paggamit sa mga pamamaraan ng Kompanya. • Pagbibigay ng ganap at patas na pagsisiwalat sa ating pampinansyang kalagayan at mga resulta ng

pagpapatakbo sa negosyo. Ating Mga Kakumpitensya

• Puspusan at tapat na pakikipagkumpitensya sa mga industriya kung saan tayo naglilingkod. Ating Mga Komunidad

• Pagiging responsableng korporasyong mamamayan ng mga komunidad kung saan tayo naninirahan. • Pagsunod sa lahat ng batas pambansa at lokal. • Pagsisikap na pabutihin ang kapakanan ng ating mga komunidad.

Etikang Pang-negosyo Umiiral ang Patakarang ito sa ating mga desisyon at kilos pang-negosyo. May pamamalakad ang Kompanya na panatilihin ng lahat ng empleyado at mga opisyal ang pinakamataas na mga pamantayan sa etika at sundin ang lahat ng umiiral na hinihingi ng batas kapag isinasagawa ang negosyo ng Kompanya. Nakasalalay ang integridad, reputasyon at kakayahang kumita ng Kompanya higit sa lahat sa mga indibidwal na kilos ng ating mga empleyado at opisyal. Tumutulong ang Patakarang ito na tukuyin ang ating mga prinsipyo sa etika, ngunit hindi ito inilaan para saklawin ang lahat ng pangyayari o agapan ang bawat sitwasyon. Dapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw, pati na sa larangan ng mga partikular na pamamalakad at paglilimi ng Kompanya. Personal na responsable at may-pananagutan ang bawat empleyado at bawat opisyal sa pagsunod sa Patakarang ito, at pagpapairal sa Patakarang ito nang walang masamang hangarin at nang may makatwirang pagliliming pang-negosyo. Hindi tanggap ang mga katwirang “ginagawa ng lahat,” o “ginagawa ito ng kumpetisyon,” o “hindi ito ilegal” bilang dahilan ng paglabag sa Patakarang ito. Dapat nating iwasan ang mga pangyayari at kilos na maaaring lumalabas na 'di-tama. Ipapatupad nang patas ang Patakarang ito. Sinumang empleyado ang hindi susunod sa Patakarang ito ay kumikilos sa labas ng saklaw ng kanyang trabaho.

Page 2: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

2

Mga Gawi sa Negosyo at Accounting Hinihingi ang pagsunod sa tanggap-ng-kalahatang mga prinsipyo sa accounting at mga naitatag na paghihigpit panloob sa lahat ng oras. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa mga ari-arian ng Kompanya para sa anumang labag-sa-batas o 'di-tamang layunin. Dapat nating pakitunguhan ang mga bumibili, nagbebenta sa atin, mga may-ari ng royalty, mga may-ari ng pinagsamang interes at iba pa nang tapat at patas, at isagawa ang negosyo sa paraang hindi sumasalungat at magsasapeligro sa integridad o reputasyon ng Kompanya. Walang pagbabayad sa ngalan ng Kompanya ang maaaprubahan nang walang sapat na pangsuportang dokumentasyon. Isa pa, walang pagbabayad ang gagawin nang may intensyon o unawaan na anumang bahagi ng bayad ay gagamitin para sa anumang layunin maliban sa inilalarawan ng mga dokumentong pangsuporta sa bayad. Mga Kontribusyong Pampulitika Mga Kontribusyon sa Pederal, Estado, Lokal, Tribo, at Ibang Bansa: Walang mga pondo o ari-arian ng Kompanya ang gagamitin, tuwiran o 'di-tuwiran, para sa mga kontribusyong pampulitika sa pederal, estado, lokal or tribo o para sa mga kontribusyong pampulitika sa labas ng Estados Unidos, kahit sa mga lugar kung saan pinapahintulutan ito ng mga umiiral na batas, nang walang naunang nakasulat na pahintulot ng punong ehekutibong opisyal ng kompanya. Saklaw ng mga pagbabawal na ito hindi lamang ang mga tuwirang kontribusyon ngunit pati ang 'di-tuwirang tulong o suporta sa mga kandidato o mga partidong pampulitika sa pamamagitan ng pagbili ng mga tiket sa mga espesyal na hapunan o iba pang mga kaganapang pangangalap ng pondo o sa pamimigay ng anumang mga bagay, serbisyo o kagamitan sa mga partido o komiteng pampulitika. Mga Kontribusyon ng Indibidwal na Empleyado sa Kampanya Nakasalalay ang pagsasakatuparan sa representatibong pamahalaan sa proseso ng pampulitikang botohan. Samakatuwid, hinihikayat ng Kompanya ang mga empleyado at opisyal nito, bilang mga indibidwal na mamamayan, na magbigay ng personal na kontribusyong pampulitika sa mga kandidato, partido at komiteng gusto nila. Gayunpaman , kahit na anuman ang pangyayari,, hindi babayaran o isasauli sa anumang paraan sa sinumang empleyado o opisyal ang personal na kontribusyong pampulitika at inaasahan namin na lilinawin ng mga empleyado at opisyal na hindi sila kumikilos sa ngalan ng Kompanya. Wala ring sinumang empleyado ang papaboran o 'di-papaboran ng Kompanya bilang resulta ng paggawa o 'di-paggawa ng anumang ganoong kontribusyon. Mga Bayad at Regalo sa Mga Opisyal o Empleyado ng Pamahalaan Hindi babayaran, ipapautang o ipamimigay o ‘di kaya ay ililipat nang tuwiran o ‘di-tuwiran ang mga pondo at ari-arian ng Kompanya sa sinumang opisyal ng pamahalaang pederal, estado, lokal, tribo o opisyal o empleyado ng pamalahaan ng ibang bansa o sa anumang entity kung saan may malaking interes ang isang opisyal o empleyado ng pamahalaan, maliban kung naaayon sa mga sumusunod na gawi at pamamaraan. Mga Lehitimong Transaksyon sa Negosyo Hindi papasok ang Kompanya sa mga transaksyon sa mga opisyal, empleyado o entity ng pamahalaan maliban para sa mga lehitimong layuning pang-negosyo at ayon sa mga takda at kondisyon na patas at makatwiran sa ilalim ng mga pangyayari. Pag-upa sa Mga Abogado o Sanggunian Hindi uupa ang Kompanya ng mga opisyal o empleyado ng pamahalaan para magsagawa ng mga serbisyong legal, pangongonsulta o iba pang serbisyo kaugnay sa bagay na nasa saklaw ng kanyang mga opisyal na tungkulin o mga tungkulin at responsibilidad ng ahensya ng pamahalaan kung saan siya isang opisyal o empleyado.

Page 3: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

3

Mga Pakikitungo sa Lipunan, Regalo at Paglilibang Hind kailanman isasagawa ang mga pakikitungo ng Kompanya sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan sa anumang paraan na magdadala ng kahihiyan sa Kompanya kung malaman ito ng publiko. Hindi iaalok o ibibigay ang mga regalong nagkakahalaga ng malaki at mga magarbong paglilibang sa sinumang opisyal o empleyado ng pamahalaan. Maaari lamang pakitunguhan sa lipunan, bigyan ng makatwirang paglilibang at iba pang mga pagpapaunlak ang mga opisyal o empleyado ng pamahalaan hangga't ito ay malinaw na tama sa ilalim ng mga umiiral na kaugalian at gawi. Tiyakang itatalaga ang anumang ganoong mga gastos ng isang empleyado o opisyal sa kaugnay na kuwenta ng gastos ng empleyado o opisyal at tiyakang pinag-aralan o inaprubahan ng isang opisyal (o kung ang empleyado ay isang opisyal, ng isa pang mas nakatataas na opisyal) ng Kompanya. Kapaligiran ng Lugar na Pinagtatrabahuhan ng Mga Empleyado Naninindigan ang Kompanya sa pagbibigay sa mga empleyado nito ng ligtas na kapaligirang pagtatrabahuhan, walang diskriminasyon, pananakot, karahasan o pagbabanta ng karahasan, at nakatutulong para sa produktibong paggawa. Patas na Pagkakataon sa Trabaho Binibigyan ng Kompanya ang lahat ng kwalipikadong indibidwal ng patas na mga pagkakataon sa trabaho sa lahat ng aspekto ng ugnayang pangtrabaho. Ginagawa ang lahat ng mga desisyong may kinalaman sa trabaho nang walang pagpapahalaga sa kasarian, klasipikasyon ayon sa kasarian, lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, pagkamamamayan (citizenship), edad, kapansanan, estadong sibil o katayuang pangbeterano, genetic na impormasyon, sekswal na oryentasyon o anumang iba pang katangiang pinoprotektahan ng batas. Kabilang dito ang pagbibigay ng makatwirang tulong para sa mga kapansanan o mga paniniwala o gawaing panrelihiyon. Para tumulong sa pagkamit sa layunin ng patas na pagkakataon, mayroong affirmative action plan ang Kompanya at sa pamamagitan nito pinagsisikapan ng Kompanya nang walang masamang hangarin na kunin, upahan, at paunlarin sa trabaho ang mga kwalipikadong minorities, mga babae, mga taong may kapansanan, beterano ng giyera sa Vietnam at iba pang protektadong mga beterano. Kung naniniwala kang kailangan mo ng tulong sa lugar na pinagtatrabahuhan, kausapin sana ang iyong superbisor o ang iyong panrehiyong tagapamahala ng yaman-tao upang ganap na maunawaan ang mga impormasyon at mapag-aralan ang naaangkop na tulong, kung mayroon man. Hinihikayat ang sinumang taong may mga tanong o alintana tungkol sa anumang uri ng diskriminasyon sa lugar na pinagtatrabahuhan na idulog ang mga problemang ito sa kanilang nakatataas na superbisor, sa kanilang panrehiyong tagapamahala ng yaman-tao o sa opisyal sa pagsunod sa patakaran. Sinumang matutuklasang gumagawa ng anumang uri ng labag-sa-batas na diskriminasyon ay sasailalim sa pagdidisiplinang hakbang, hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho. Sinumang taong magre-report ng problemang walang masamang hangarin alinsunod sa Patakarang ito ay hindi gagantihan o tatratuhin nang masama, pagdating sa mga takda at kondisyon ng pagtatrabaho, dahil sa pag-uulatng report. Gayunpaman, , ang pagre-report kahit alam mong mali ito o sadyang pagwawalang-bahala sa katotohanan o katumpakan nito, o anumang iba pang paggamit sa sistema ng pagre-report nang may masamang hangarin, ay paglabag sa Patakarang ito. Pagpapaunlad sa Empleyado Nangangako kaming itataguyod ang pagpapaunlad at pagpapahusay sa mga kakayahan ng ating mga empleyadong may kinalaman sa trabaho. Inaasahan naming gaganap ang bawat empleyado ng mahalagang papel sa pagsusuri sa kanyang mga pangangailangan para sa pagsasanay at pag-unlad at, kung mayroong problema dahil hindi natutugunan ang ganoong mga pangangailangan, na tatalakayin nila ang problema sa kanilang superbisor o sa tagapamahala ng yaman-tao.

Page 4: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

4

Sekswal at Ibapang Labag-sa-Batas na Pananakot May pamamalakad ang Kompanya na tratuhin ang lahat ng empleyado nang may respeto at dignidad. Ipinagbabawal ng Kompanya ang anumang uri ng pananakot kabilang ang pananakot batay sa kasarian, klasipikasyon ayon sa kasarian, lahi, kulay, bansang pinagmulan, relihiyon, estadong sibil o katayuan bilang beterano, genetic na impormasyon, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan o anumang iba pang katangiang pinoprotektahan ng batas. Ang pananakot ay pasalita o pisikal na gawaing nanghahamak o nagpapakita ng panghahamok o pagkamuhi sa isang indibidwal dahil sa kanyang lahi, kulay, relihiyon, kasarian, klasipikasyon ayon sa kasarian, bansang pinagmulan, estadong sibil o katayuan bilang beterano, genetic na impormasyon, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan o anumang iba pang mga katangiang pinoprotektahan ng batas o mga katangian niya o ng kanyang mga kamag-anak, mga kaibigan o mga kasamahan, at na: • May layunin o epektong bumubuo ng nakakatakot, nanghahamak o nakakagalit na kapaligirang

pinagtatrabahuhan; • May layunin o epektong 'di-makatwirang pakikialam sa pagtatrabaho ng isang indibidwal; o • Kunghindi naman ay may 'di-kanaisnais na epekto sa mga pagkakataon ng indibidwal sa pagtatrabaho.

Kabilang sa mga halimbawa ng pananakot na gawain ang: • Mga bansag, pang-iinsulto o negatibong pag-uuri, o mga gawaing nagbabanta, nananakot o nanghahamak,

na may kinalaman sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, klasipikasyon ayon sa kasarian, bansang pinagmulan, estadong sibil o katayuan bilang beterano, genetic na impormasyon, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan o anumang iba pang mga katangiang pinoprotektahan ng batas; at

• Nakasulat o nakalarawang bagay na nanghahamak o nagpapakita ng pagkamuhi o panghahamok o pagkasuklam sa isang indibidwal o grupo dahil sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, klasipikasyon ayon sa kasarian, bansang pinagmulan, estadong sibil o katayuan bilang beterano, genetic na impormasyon, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan o anumang iba pang mga katangiang pinoprotektahan ng batas, at inilalagay sa mga dinding o bulletin boards, sa e-mail o saan pa man sa bakuran ng Kompanya, o ipinamamahagi sa lugar na pinagtatrabahuhan.

Nagiging sekswal na pananakot ang mga 'di-kanaisnais na sekswal na diskarte o mga paghiling ng mga sekswal na pabor kapag ang pagpapahintulot sa kilos na ito ay hayagan o 'di-hayagang ginagawang takda o kondisyon ng pagtatrabaho ng isang indibidwal, o ginagamit ang pagpapahintulot sa, o pagtanggi sa kilos na ito bilang batayan ng mga desisyon sa trabaho na nakakaapekto sa indibidwal. Kabilang sa kilos na sekswal na pananakot ang: • Hindi kanaisnais na mga sekswal na pakikipagharutan, mga diskarte o proposisyon; • Pasalita o pasulat na pang-aabusong maituturing na sekswal; • Nakalarawan,, pasalita o pasulat na mga komento tungkol sa katawan ng isang indibidwal; • Mga nanghahamak na salitang sekswal na ginagamit para ilarawan ang isang indibidwal; at • Ang pagpapakita, sa lugar na pinagtatrabahuhan, ng mga bagay o larawang may sekswal na pahiwatig. Sinumang taong naniniwalang sumasailalim siya sa pananakot batay sa kanyang kasarian, klasipikasyon ayon sa kasarian, lahi, kulay, bansang pinagmulan, relihiyon, estadong sibil o katayuan bilang beterano, genetic na impormasyon, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan o anumang iba pang mga katangiang pinoprotektahan ng batas ay dapat idulog ang bagay na ito sa atensyon ng kanyang superbisor, isang miyembro ng pangasiwaan o sa tagapangasiwa ng yaman-tao. Dapat i-report kaagad ng sinumang taong naniniwalang may nangyari o nangyayaring pananakot na paglabag sa Patakarang ito ang nasabing paglabag sa isa sa mga taong nabanggit sa itaas o sa pamamagitan ng Ethics Line anuman ang posisyon ng taong lumalabag. Dapat ring iulat kaagad ang mga report sa lalong madaling panahon (karaniwan sa loob ng 24 oras) para bigyang pagkakataon ang

Page 5: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

5

Kompanya na ipatupad ang agaran at masusing imbestigasyon at pigilin ang pananakot. Hindi na dapat hintayin ng mga empleyado na lumala ang sitwasyon bago i-report ito. Lahat ng reklamo ay agad na iimbestigahan. Layunin naming protektahan ang pagiging pribado ng mga taong sangkot, maliban sa hangganang kinakailangan para isagawa ang angkop na imbestigasyon. Kung mapapatunayan ng imbestigasyon na balido ang reklamo, gagawin namin ang agarang pagwawastong hakbang para pigilin ang pananakot at iwasan na muling mangyari ito. Maaaring kabilang sa pagwawastong hakbang, sa mga angkop na pangyayari, ang pagdidisiplina (hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho ) ng nagkasalang tao. Walang anuman sa Patakarang ito ang humihingi sa sinumang taong nagrereklamo ng pananakot na iprisinta ang bagay na ito sa indibidwal na siyang tinutukoy sa reklamo. Sinumang taong naniniwalang siya ay nakaranas ng pananakot, o naniniwalang nakakita siya ng pananakot, at ire-report ang bagay na ito nang walang masamang hangarin alinsunod sa Patakarang ito, ay hindi gagantihan o tatratuhin nang masama, pagdating sa mga takda at kondisyon ng pagtatrabaho, dahil sa pag-uulat sa report. Gayunpaman, ang pagre-report kahit alam mong mali ito o sadyang pagwawalang-bahala sa katotohanan o katumpakan nito, o anumang iba pang paggamit sa sistema ng pagre-report nang may masamang hangarin, ay lumalabag sa Patakarang ito. Responsibilidad ng lahat ng superbisor at tagapamahala na pigilin ang lahat ng gawaing pananakot. Kabilang sa responsibilidad na itoang ipagbigay-alam ang tungkol sa pamamalakad ng Kompany laban sa pananakot sa lahat ng empleyado, ituro sa lahat ng empleyadong sakop nila ang tungkol sa pamamalakad at kung paano gagamitin ito, at ipatupad ang pamamalakad. Pang-aabuso ng Droga at Alak Ang Kompanya ay mayroong detalyadong mga pamamalakad tungkol sa droga at alak na umiiral sa lugar na pinagtatrabahuhan. Sa kalahatan, isinasaad ng mga pamamalakad na iyon , liban sa iba pang mga bagay, ang: • Pinagbabawalan ang mga empleyado na magtrabaho kapag nakainom ng alak o gumamit ng mga ilegal na

droga habang nasa trabaho. • Ipinagbabawal sa mga empleyado ang paggamit, paghawak, pamamahagi o paggawa ng mga ilegal na droga,

o maling paggamit ng mga resetang gamot sa loob ng ari-arian ng Kompanya (kabilang dito ang lahat ng gusali, mga sasakyan ng Kompanya, o bakuran na ginagamit o nirerentahan ng Kompanya para gawin ang mga pagpapatakbo ng negosyo pati na lahat ng lugar na pinagtatrabahuhan kung saan nakatalaga ang mga empleyado habang isinasagawa ang kanilang mga tungkulin para sa Kompanya o) habang isinasagawa ang negosyo ng Kompanya.

• Hindi maaaring uminom ng alak ang mga empleyado sa loob ng ari-arian ng Kompanya maliban kung may kinalaman sa mga kaganapang inaprubahan ng Kompanya at may pahintulot mula sa isang opisyal ng Kompanya.

• Ang mga empleyadong nasa posisyon kung saan kritikal ang kaligtasan na naggagamot ng resetang gamot o kontroladong substansya na maaaring makasama sa kanilang kakayahang isagawa ang kanilang trabaho ay dapat magbigay sa nakatalagang kinatawan ng departamento ng yaman-tao ng nakasulat na pahayag mula sa kanilang doktor. Magbibigay ang departamento ng yaman-tao ng panuntunan sa nakatataas na superbisor ng empleyado upang tumulong na ipasya kung dapat italaga ang mga limitasyon sa empleyado depende sa trabaho ng empleyado. Tanging ang taong niresetahan ng gamot ang makapagdadala ng gamot na iyon sa ari-arian ng Kompanya.

• Dapat ipagbigay-alam ng mga empleyadong naaresto o nahatulan ng paglabag sa batas kriminal sa droga o alak sa kanilang superbisor o sa nakatalagang kinatawan ng departamento ng yaman-tao sa loob ng limang (5) araw pagkatapos ng aresto o hatol.

• Sa pagpasok sa ari-arian ng Kompanya ibinibigay ng isang tao ang kanyang pahintulot para inspeksyunin ng Kompanya ang kanyang katawan at anumang pag-aari niyang dinadala niya sa ari-arian ng Kompanya. Maaari lamang isagawa ang pag-iinspeksyong ito ng mga awtorisadong empleyado ng Kompanya o awtorisadong empleyado ng ibang partido na nagsanay sa ganitong mga uri ng paghahanap at screenings.

Page 6: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

6

Pagprotekta sa Mga Ari-arian Responsibilidad ng bawat empleyado at opisyal ang wastong paggamit, pagtitipid at pagprotekta sa mga ari-arian ng Kompanya. Dapat malawak ang pagpapakahulugan sa mga ari-arian at kabilang dito ang mga record ng Kompanya. May direktang epekto ang pagnanakaw, 'di-pag-iingat at pagsasayang sa kakayahan ng Kompanyang kumita. Dapatgamitin lamang ang mga ari-arian at kagamitan ng Kompanya para sa mga lehitimong layuning pang-negosyo, bagaman maaaring pahintulutan sa ilang mga pangyayari ang may-kinalaman sa negosyong personal na paggamit sa mga ari-arian at kagamitan. Hindi dapat sirain ang mga record ng Kompanya bilang paglabag sa Patakarang ito, sa Legal Hold Policy ng Kompanya at mga hinihingi sa pagtatago ng dokumento o mga hinihingi ng batas. Pagiging Kompidensyal Dapat panatilihin nating lahat ang pagiging kompidensyal ng impormasyong ipinagkakatiwala sa atin ng Kompanya. Dapat mong ituring ang lahat ng hawak mong impormasyon ng Kompanya bilang kompidensyal, maliban kung alam mong naisiwalat na ito sa publiko. Dapat maingat na hawakan at iparating sa iba ang kompidensyal na impormasyon, at dapat gamitin para sa mga awtorisadong layunin lamang.Nagpapatuloy ang obligasyong panatilihin ang kompidensyal na impormasyon kahit pagkatapos magwakas ang pagtatrabaho o iba pang ugnayan sa Kompanya. Anumang mga dokumento, papeles, record o iba pang mga nahahawakang bagay na naglalaman ng mga sikretong pangkalakal, may-nagmamay-ari o iba pang kompidensyal na impormasyon ay pag-aari ng Kompanya. Kabilang sa kompidensyal na impormasyon ang lahat ng 'di-naisapublikong impormasyon na maaaring gamitin ng ating mga kakumpitensya, o na maaaring makasama sa Kompanya o sa iba kung kanino nakikipagnegosyo ang Kompanya, kung mabunyag ito. Kabilang sa mga halimbawa ng kompidensyal na impormasyon ang: • Impormasyon tungkol sa gawi sa pagtatawad (bidding) at mga paraan ngpagpepresyo ng trabaho ng

Kompanya. • Impormasyon tungkol sa kasalukuyang trabaho, malamang o posibleng trabaho sa hinaharap at

impormasyon tungkol sa kostumer. • Impormasyong pang-teknolohiya o iba pang impormasyong teknikal, mga inaasahan o kalakarang datos. • Impormasyon tungkol sa product mix ng Kompanya, sa pagpepresyo ng nagbebenta at mga pricing matrixes. • Impormasyon tungkol sa posible o iminumungkahi o nakumpletong mga acquisitions, mergers o iba pang

mga pagbili o iba pang mga datos o teknolohiya. • Pampinansyang impormasyon kabilang ang nakaraan, pinakabago, at inaasahang mga resultang

pampinansya, maliban kung inanunsiyo sa publiko. • Impormasyon tungkol sa mga plano sa hinaharap o mga pagbabago sa mga pagpapatakbo ng Kompanya sa

negosyo • Impormasyon tungkol sa liquidity, borrowings, security offerings, security repurchases o redemptions o mga

pagbabago sa dati nang naisiwalat na pampinansyang impormasyon. • Mga pagbabago sa pangasiwaan. • Impormasyon tungkol sa malaking paglilitis. Paminsan-minsan, maaaring hingin sa ilang empleyado ng Kompanya na lumagda ng hiwalay na mga kasunduan sa pagiging kompidensyal para lalong linawin ang mga obligasyon sa pagiging kompidensyal kaugnay sa kanilang partikular na mga posisyon sa Kompanya. Dapat rin nating panatilihing kompidensyal ang impormasyon na malalaman natin tungkol sa iba pang entities (katulad ng mga suppliers, mga Kostumer at mga ka-partner sa negosyo) habang isinasagawa ang negosyo ngKompanya na sa kalahatan ay hindi nakikita ng publiko. Dapat mong ipagpalagay na anumang impormasyon na nauuri ayon sa nakalista sa itaas na natatanggap mula sa ibang kompanya o indibidwal ay isiniwalat sa kondisyon na mapanatili itong kompidensyal, mayroon man o walang nakasulat na kasunduan sa pagiging

Page 7: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

7

kompidensyal. Hindi mo dapat isinisiwalat ang kompidensyal na impormasyon sa sinuman maliban sa mga empleyado o mga awtorisadong kinatawan na "kailangang makaalam" nito. Dapat gawin ang mga pag-iingat para maiwasan ang 'di-sinasadyang pagsisiwalat. Kabilang ang sumusunod sa mga halimbawa ng mga pag-iingat na dapat gawin para maiwasan ang mga 'di-sinasadyang pagsisiwalat: • Pag-iwas sa pagtalakay sa kompidensyal na impormasyon (1) sa ibang mga empleyado o ibang mga partido

kung hindi nila “kailangang malaman” ang impormasyon o (2) sa mga pampublikong lugar; • Pagtatago ng mga sensitibong dokumento sa mga ligtas na lugar o sa mga envelopes o folders at markahan

ang mga ito bilang “kompidensyal” ayon sa naaangkop; at • Pagsiguro na hindi naiiwan ang mga dokumento sa mga 'di-ligtas na lugar katulad sa photocopy room o sa

facsimile machine. Paggamit ng mga Recording Devices Para protektahan ang mga sikretong pangkalakal atiba pang kompidensyal na impormasyong pang-negosyo at para protektahan ang pagiging pribado ng lugar na pinagtatrabahuhan, ipinagbabawal ng Kompanya ang paggamit ng mga camera, tape recorder o iba pang mga recording devices sa lugar na pinagtatrabahuhan, maliban kung tiyak na pinahintulutan ng punong ehekutibong opisyal. • Ipinagbabawal ang paggamit ng mga camera o iba pang video o audio recording devices para kumuha ng

larawan at mag-record ng anumang tunog sa anumang lugar na pinagtatrabahuhan sa Kompanya maliban kung nakakuha ang gumagamit ng tiyak na naunang nakasulat na pahintulot mula sa punong ehekutibong opisyal.

• Maaaring ibigay ang pahintulot kapag kailangan ng isang partikular na layuning pang-negosyo ang paggamit ng ganoong device, kapag hindi makalalabag sa anumang batas ang paggamit ng ganoong device, at kapag ang paggamit nito ay hindi makalalabag sa pagiging pribado ng empleyado. Dagdag pa, ibibigay ang pahintulot kapag ang paggamit ng ganoong device ay maituturing na makatwirang pagtulong sa ilalim ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (Americans with Disabilities Act).

• Pinapayagan ang pagdadala ng recording device sa lugar na pinagtatrabahuhan kung hindi ito gagamitin para sa pagre-record, katulad ng cell phone na may built-in camera o voice recording application.

• Hindi pinapahintulutan ng Kompanya ang audio o video recording ng anumang mga miting o takalayan nang walang naunang pahintulot katulad ng ipinaliwanag sa itaas.

• Sinumang matutuklasang gumagawa ng 'di-pinahintulutang audio o video recording ay sasailalim sa pagdidisiplinang hakbang, hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho.

Gamit ng Elektronikong Komunikasyon, Mga Datos at Mga Computer Ang Kompanya ay may mga naaangkop na sistemang pang-telekomunikasyon, computer hardware, sistema ng electronic mail, software at Internet access para tumulong sa pagsasagawa ng negosyo ng Kompanya. Sa kalahatan, pinapahintulutan ang mga empleyado na gamitin ang mga sistemang ito para sa personal na layunin (halimbawa: paggawa ng mga sulat at e-mail, pagsubaybay sa mga personal finances, blogging, social networking), basta't hindi makalalabag ang personal na paggamit sa alinman sa mga patakaran ng Kompanya o makasasagabal sa pagiging produktibo ng empleyado o ng kanyang mga katrabaho. Nakalista rin sa ibaba ang iba pang mga bagay na dapat tandaan kapag ginagamit ang mga sistemang ito. Pag-aari ng Kompanya; Walang Karapatan sa Pagiging Pribado Ang sistema ng telekomunikasyon at sistema ng computer, kabilang ang sistema ng electronic mail hardware/software, ay pag-aari ng Kompanya. Ang electronic mail at mga text messages ay hindi pribado, pati na rin ang anumang iba pang aktibidad na ginagawa gamit ang mga sistema ng Kompanya. Inilalaan ng Kompanya ang kaparatang bantayan, i-review, i-audit, i-intercept, i-access at isiwalat sa loob ng Kompanya o sa

Page 8: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

8

tagapagpatupad ng batas o sa iba pang partido ang lahat ng aktibidad, kabilang ang mga komunikasyon (kasama ang teksto at mga larawan), na isinagawa, ginawa, tinanggap o ipinadala sa pamamagitan ng sistema ng telekomunikasyon, sistema ng electronic mail o Internet para sa anumang layunin nang walang naunang pahintulot ng gumagamit, nagpadala o ng tumanggap. Maaaring abisuhan ng Kompanya ang mga angkop na opisyal tungkol sa anumang ilegal na gawain. Nilalaman ng Mga Mensahe Ang mga mensaheng ipinamamahagi sa pamamagitan ng mga e-mail address ng Kompanya ay dapat may kinalaman sa negosyo ng Kompanya at dapat gamitin ang angkop na distribution lists batay sa nilalaman ng mensahe. Hindi maaaring gamitin ang mga sistema ng electronic mail, Internet at telepono para manghingi o mangumbinsi para sa mga pangkomersyong gawain, mga layuning panrelihiyon o pampulitika, mga organisasyon sa labas o iba pang panghihingi na 'di-kaugnay sa trabaho. Hindi dapat gamitin ang mga sistema ng electronic mail, Internet at telepono para gumawa ng anumang nakakagalit o nakaka-abalang mga mensahe. Kasama sa mga maituturing na nakakagalit na mensahe ang anumang mga mensaheng naglalaman ng may kinalaman sa seks, pang-iinsulto sa lahi, mga komentong ipinapatungkol sa kasarian o anumang iba pang nakakagalit na komentong patungkol sa edad, sekswal na oryentasyon, mga paniniwalang panrelihiyon o pampulitika, bansang pinagmulan o kapansanan ng isang tao. Umiiral ang mga alituntuning ito sa mga komunikasyon at mensaheng ipinapadala sa mga nasa loob ng Kompanya, at sa mga taong nasa labas na hinditaga-Kompanya. Umiiral rin ang mga alituntuning ito sa gawaing social networking at blogging na isinasagawa gamit ang alinman sa mga sistema ng electronikong komunikasyon ng Kompanya. Legal na Pagtuklas sa mga Elektronikong Komunikasyon, Impormasyong Itinatago sa Elektronikong Paraan at mga Voice Recordings. Dumadalas ang paggamit ng e-mail, mga elektronikong dokumento at voice recordings sa mga legal na proseso. Maaaring ipag-utos ng mga korte ang pagsisiwalat sa mga elektronikong komunikasyon, mga elektronikong record at voice recordings. Ang nilalaman ng impormasyong itinatago sa elektronikong paraan, mga elektronikong komunikasyon at voice recordings ay sumasailalim sa pagsisiwalat at pagre-review ng abogado ng kalaban sa korte at mga ahensya ng gobyerno. Mga Natatakan ng Karapatang-Ari atIba pang Mga Protektadong Bagay Hindipuwedeng gamitin ang sistema ng electronic mail o ang Internet para magpadala (upload) o tumanggap (download) ng mga bagay na natatakan ng karapatang-ari (copyrighted), mga sikretong pangkalakal, pampinansyang impormasyong may nagmamay-ari o mga kaparehong bagay nang walang naunang pahintulot. Pagsira sa Elektronikong Impormasyon Hindi maaaring gamitin ang computer hardware, ang sistema ng electronic mail, software, ang Internet at ang sistema ng telepono para sa sadyang pagsira sa elektronikong impormasyon na paglabag sa Patakarang ito, sa Legal Hold Policy ng Kompanya at sa mga hinihingi sa pagtatago ng dokumento o mga hinihingi ng batas. Mga Salungatan ng Interes Inilalarawan ng salitang “salungatan ng interes” ang anumang pangyayari na maaaring magdulot ng pagdududa sa kakayahan ng isang taong kumilos nang ganap na walang kinikilingan pagdating sa mga interes ng Kompanya. Ipinagbabawal ang mga salungatan ng interes bilang pamamalakad ng Kompanya, maliban sa ilalim ng mga panuntunang inaprubahan ng Lupon. Dapat pakitunguhan ng lahat ng empleyado ang mga nagbebenta sa atin, mga kostumer at iba pang nakikipagnegosyo sa Kompanya sa paraang umiiwas sa kahit parang salungatan man lamang sa pagitan ng mga personal na interes at ng Kompanya. Dapat iparating kaagad ng sinumang empleyado o na makakakita ng salungatan o posibleng salungatan sa atensyon ng isang superbisor, pangasiwaan o iba pang naaangkop na empleyado, na siyang magsasa-dokumento at magre-report sa kalalabasan ng ganoong mga

Page 9: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

9

bagay sa punong ehekutibong opisyal. Isa pa, dapat magbigay ang mga empleyado ng tumpak, kumpleto at nasa-tamang-panahong mga tugon sa anumang pana-panahong pagtatanong tungkol sa pagkakaroon ng mga aktuwal o posibleng salungatan ng interes. Bagaman imposibleng ilista ang lahat ng sitwasyong posibleng may salungatan ng interes, inilalarawan ng mga sumusunod na halimbawa ang ilang sitwasyon kung saan maaaring magkaroon ng salungatan ng interes:

• Isang direkta o 'di-direktang pampinansyang interes sa anumang negosyo o organisasyon na nagbebenta sa o kakumpitensya ng Kompanya, kung maaaring impluwensiyahan ng empleyado o opisyal ang mga desisyong may kinalaman sa pakikipagnegosyo ng Kompanya sa ganoong negosyo o organisasyon.

• Pagiging miyembro ng lupon (board) ng o pagtatrabaho sa anumang kapasidad sa isang nagbebenta sa, kakumpitensya o kustomer ng Kompanya.

• Paggamit ng anumang ari-arian ng Kompanya para sa personal na pakinabang ng empleyado (kabilang sa mga halimbawa, hindi lamang ang kagamitan, mga gamit at supplies, ngunit pati na rin ang mga mahahalagang ideya, teknikal na mga datos at iba pang kompidensyal na impormasyon).

Ang mga ugnayan, kabilang ang mga ugnayan sa negosyo, pampinansya, personal at pamilya, ay maaaring magdulot ng salungatan ng interes o parang salungatan ng interes. Dapat pag-isipang mabuti ng mga empleyado ang kanilang mga ugnayan kung paano nauugnay ang mga ito sa negosyo ng Kompanya para maiwasan ang salungatan o parang salungatan ng interes. Para maiwasan ang mga salungatan ng interes o parang salungatan ng interes:

• Hindi dapat magkaroon ang mga empleyado ng 'di-ibinubunyag na ugnayan sa, o pampinansyang interes sa, alinmang negosyo na nakikipagkumpitensya o nakikipagnegosyo sa Kompanya, isang (Saklaw na Entity); maliban na maaari ang pagmamay-ari ng mas mababa sa 1% ng mga outstanding shares, units o iba pang mga interes sa anumang klase ng kinakalakal sa publikong securities sa isang Saklaw na Entity. Sa kabila ng anumang nilalaman ng naunang mga probisyon na sumasalungat, hindi kasama sa salitang Saklaw na Entity ang Kompanya, anumang subsidiyaryo ng Kompanya o anumang Kaanib ng Kompanya o anumang ganoong subsidiyaryo.

• Pinagbabawalan ang mga empleyado sa direkta o 'di-direktang pakikipagkumpitensya o paggawa ng mga serbisyo para sa sinumang tao o entity na kakumpitensya ng Kompanya.

• Dapat sundin ng mga empleyado ang mga pamamalakad na nakasaad sa Patakarang ito na may kinalaman sa pagtanggap o pagbibigay ng mga regalo, pabor o paglilibang.

• Bagaman hinihikayat ang mga emleyado na makilahok sa mga organisasyong pangkawanggawa, pangpropesyonal at organisasyon sa komunidad, dapat nilang tiyakin na ang paraan ng kanilang pakikilahok sa isang partikular na organisasyon ay hindi nagpapahiwatig ng pag-eendorso o pag-iisponsor ng Kompanya maliban kung tunay ngang inendorso o inisponsoran ng Kompanya ang ganoong organisasyong pangkawanggawa, pangpropesyonal o organisasyon sa komunidad.

• Dapat ring kumuha ang mga empleyado ng pahintulot mula sa departamento ng yaman-tao bago magsilbi bilang trustee, regent, opisyal o direktor ng organisasyong pangkawanggawa, pangpropesyonal, pambansa, at panrehiyon o pangkomunidad o institusyong pang-edukasyon. Umiiral ito kapag ang tagal ng panahong ginugugol bilang suporta sa mga gawaing ito ay maaaring makaabala sa oras na dapat ay ginugugol sa negosyo ng Kompanya.

• Ang serbisyo ng mga empleyado bilang miyembro ng lupon ng mga direktor ng isang panlabas na pinagkakakitaang Kompanya ay dapat aprubahan ng punong ehekutibong opisyal. Isasa-alang-alang ang mga sumusunod na bagay tungkol sa ganoong serbisyo: mga posibleng salungatan ng interes o nakasasamang epekto sa mga interes ng Kompanya, kabilang ang kung ang kompanya ay nasa industriya ng konstruksyon at ang posibilidad na pagka-istorbo o pagka-abala ng mga responsiblidad o aktibidad ng empleyado sa Kompanya; ang maitutulong nito sa pagpapalawak-sa-karanasan ng empleyado; at kahalagahan nito sa komunidad.

Page 10: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

10

• Hindi maaaring magbenta o magpa-upa ng kagamitan, materyales o ari-arian ang mga empleyado sa Kompanya nang walang pahintulot ng punong pampinansyang opisyal.

• Dapat bilhin ng mga empleyado ang kagamitan, materyales o ari-arian ng Kompanya sa mga takda lamang na puwede sa kalahatang publiko.

• Hindi maaaring gamitin ng mga empleyado angiba pang mga empleyado ng Kompanya para magsagawa ng gawaing walang kinalaman sa Kompanya.

Alam namin na kailangan ang paglilimi sa pagpapasya kung paano paiiralin ang pamamalakad na ito sa salungatan ng interes sa anumang sitwasyon. Mga Oportunidad sa Korporasyon Pinagbabawalan ang mga empleyado sa: • Paggamit nila o ng kanilang mga kapamilya o kaanib, ng mga oportunidad na nadidiskubre sa pamamagitan

ng paggamit ng ari-arian, impormasyon o posisyon ng kompanya; at • Paggamit sa ari-arian, impormasyon o posisyon ng korporasyon para sa direkta o 'di-direktang personal na

pakinabang. Mga Nagbebenta Mayroon tayong pamamalakad na bilhin ang lahat ng kagamitan at serbisyo batay sa kompetitibong presyo o merito. Tatratuhin ang mga nagbebenta sa Kompanya nang may integridad at walang diskriminasyon. Pagbibigay at Pagtanggap ng Regalo Ang layunin ng paglilibang at mga regalong pang-negosyo sa pangkomersyong sitwasyon ay upang bumuo ng mabuting pakikitungo at maayos na ugnayan sa pagtatrabaho. Subalit, puwede ring maging dahilan ang mga ito para maging mahirap ang manatiling walang kinikilingan, bumuo ng aktuwal o napapansing salungatan ng interes at pinsala sa reputasyon ng Kompanya sa patas na pakikitungo. Hindi puwedeng mag-alok, magbigay o tumanggap ka at ang iyong mga kapamilya ng anumang regalo, pabor o paglilibang na may kinalaman sa kasalukuyan o posibleng mga kostumer, suppliers o mga ka-partner sa negosyo ng Kompanya o kung hindi man ay may kinalaman sa negosyo ng Kompanya maliban kung: • Hindi ito pera o katumbas ng pera (katulad ng gift certificates, mga utang, stock, at stock options). • Hindi ito naaayon sa karaniwang etikal na gawi sa negosyo. • Maliit o murang halaga (maliban sa tinukoy sa ibaba). • Paminsan-minsan lamang ibinibigay. • Hindi masasabing lagay o suhol. • Hindi lumalabag sa anumang mga batas o regulasyon. • Tumutupadsa Patakaran sa lahat ng iba pang larangan.

Hindi dapat tanggapin ang mga regalo, pabor o paglilibang maliban sa mga itinuturing na karaniwang pagbibigay-galang sa negosyo kung saan makatwiran mong aasahan na gawin ang o magbigay rin ng ganoon sa normal na takbo ng negosyo. Dapat alam ng makatwirang pag-iisip ang ibig sabihin ng “karaniwang mga etikal na gawi sa negosyo,” “karaniwang mga pagbibigay-galang sa negosyo,” “normal na takbo ng negosyo,” at “maliit o murang halaga” sa sitwasyong ito. Gayunpaman, para tulungan kang ipasya kung ang regalo, pabor o paglilibang ay katanggap-tanggap, pag-isipan ang mga tanong na ito:

• Ituturing ba ng makatwirang tao ang regalo, pabor o paglilibang na magarbo, masyadong mahal o sobra-sobra?

Page 11: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

11

• Ang layunin ba ng nagbibigay ay tanging ang bumuo ng ugnayan sa negosyo o mag-alok ng normal na pagbibigay-galang, o ito ba ay para impluwensiyahan ka sa paggawa ng desisyon sa negosyo?

• Mapapahiya ka ba kapag ang pagtanggap mo sa bagay ay malaman ng iyong tagapamahala, mga katrabaho, isang opisyal o sinuman sa labas ng Kompanya o mailathala ito sa harapang pahina ng diyaryo?

Kung ang sagot sa alinman sa mga tanong na ito ay “oo,” hindi mo siguro dapat tanggapin ang regalo. Kung mayroon kang anumang pagdududa, sumangguni sa iyong superbisor, sa departamento ng yaman-tao, sa president o sa punong ehekutibong opisyal. Halimbawa, hindi mura o maliit ang halaga ng sumusunod na mga uri ng regalo, pabor o paglilibang at ito ang mga klase ng bagay na maaari lamang tanggapin kung inaprubahan ng superbisor ng empleyado, ng departamento ng yaman-tao, ng presidente o ng punong ehekutibong opisyal:

• Mga tiket sa mga espesyal na kaganapan katulad ng mga paligsahan o championship game sa college o professional sports o malaking golf tournament;

• Anumang regalo o paglilibang kung saan ibibigay ang pagbibiyahe sa eroplano o lugar na tutuluyan nang magdamag bilang bahagi ng regalo; o

• Mga imbitasyon sa mga kaganapan na nagtatagal nang lampas sa isang araw. Dapat isa-alang-alang ng mga tagapamahala, ng departamento ng yaman-tao, ng presidente at ng punong ehekutibong opisyal na nagpapasya kung aaprubahan o hindi ang pagtanggap ng ganoong mga regalo ang mga sagot sa tatlong tanong sa itaas. Isa pa, ang mga espesyal na okasyon, sangkot ang mga nakatataas na tagapamahala sa Kompanya at mga nakatataas na partido sa labas, ay maaaring rason para sa mas mahahalagang regalo o paglilibang, depende sa tanggap ng kalahatang protocol sa negosyo at may pahintulot ang punong pampinansyang opisyal o ang punong ehekutibong opisyal. Dapat isadokumento ng sinumang superbisor, tagapamahala o empleyado ng departamento ng yaman-tao na mag-aapruba sa pagtanggap sa mga regalo, pabor o paglilibang na hindi mura o maliit na halaga sa paraang maaaring pag-aralan muli kapag hiningi ng opisyal, mga auditor, o kung hindi man ay iba pang awtorisadong tao ng Kompanya. Pinagbabawalan ang mga empleyado sa paghingi ng mga regalo o paglilibang, anuman ang halaga, mula sa sinuman na nakikipagnegosyo sa Kompanya o naghahangad na makipag-negosyo sa Kompanya. Gayunpaman, ang panghihingi ng mga regalo, donasyon, mga papremyo, atbp. para sa mga kaganapang inisponsoran ng Kompanya katulad ng mga golf tournaments o mga kaganapang pang-kawanggawa ay hindi ipinagbabawal kung may naunang pahintulot ng isang presidente o mas nakatataas na empleyado. Mga konsiderasyong pang-internasyonal: Sa ilang mga kultura, ang pagtanggi sa regalo mula sa isang tao kung kanino tayo nakikipag-negosyo ay maaaring makapinsala sa ating ugnayang pang-negosyo sa taong iyon. Kung nakikipag-negosyo ka sa isa sa mga kulturang ito, dapat mong konsultahin ang iyong departamento ng yaman-tao tungkol sa kung paano ituturing ang mga regalo. Kung palalabasin ng halaga ng regalo na tinatangka ng nagkaloob na impluwensiyahan ka, pero dapat itong tanggapin para maalagaan ang ugnayang pang-negosyo, maaaring posibleng tanggapin ito bilang pag-aari ng Kompanya. Dapat gumawa ang departamento ng yaman-tao ng pamamalakad para sa estado na may naghalong mga kultura at dapat gumawa ng magkaka-ayon na gawi para sa pagpapasya kung paano ituturing ang ganoong mga regalo, at ang ganoong gawi ay dapat iprisinta sa at aprubahan muna ng presidente o nakatataas na empleyado. Dapat isadokumento ang lahat ng pangyayari kung saan pinapairal ang ganoong gawi sa mga regalo, pabor o paglilibang sa paraang maaaring pag-aralan muli kapag hiningi ng mga auditor o iba pang awtorisadong mga tao. Komunikasyon Nangangako ang Kompanya sa pagbibigay ng mga paraan ng komunikasyon na nanghihikayat ng paghahayag ng saloobin at malayang pag-uusap pagdating sa mga responsableng opinyon, ugali at alintana. Nangangako rin ang Kompanya na susubaybayan ang mga paghahayag na iyon para matiyak ang angkop na tugon ng pangasiwaan. Hinihikayat at inaasahang idulog ng bawat empleyado at opisyal ang kanyang mga tanong o alintana tungkol sa Patakarang ito sa kanyang tagapamahala, sa tagapamahala o opisyal ng yaman- tao. Para sa anumang

Page 12: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

12

komunikasyong panlabas tungkol sa mga paksang may kinalaman sa negosyo kung saan hindi itinalaga ang isang empleyado bilang opisyal na tagapagsalita ng kompanya, dapat isama ng empleyado ang isang pagtatatwa na ang mga pahayag at opinyon ng empleyado ay tanging sa empleyado lamang, at hindi nito inilalarawan ang posisyon ng Kompanya. Kasama dito ang anumang komunikasyon, anuman ang uri ng paraang ginagamit. Halimbawa, ang pagsali sa isang panayam sa telebisyon o radyo, pagsusumite ng sulat sa isang editor, pagkomento sa isang online chat room o bulletin board, blogging at social networking ay saklaw lahat ng hinihinging ito. Kahit pa ginawa nang may pagtatatwa, dapat gawin ang ganoong mga komunikasyong panlabas nang may pag-iingat at hindi dapat lumabag sa anumang iba pang pamamalakadng Kompanya o sa Patakarang ito. Pagtatago ng Record at Mga Obligasyong Pagre-report Katumpakan ng Mga Record ng Kompanya Responsable ang controller at ang punong pampinansyang opisyal sa pagpapanatili ng epektibong sistema ng mga paghihigpit pang-administratibo at pang-accounting sa kanilang mga larangan ng responsibilidad. Binibigyan ng mga paghihigpit panloob ang Kompanya ng isang sistema ng “checks and balances” para tumulong na tiyakin ang pagsunod sa mga pamamalakad pang-administratibo at pang-accounting sa buong organisasyon. Dagdag pa sa pagiging kailangan at mabuting gawi sa negosyo, itinataguyod ng pamamalakad na ito ang pagsunod sa mga umiiral na batas (kabilang ang Mga Batas sa Tiwaling Gawain kaugnay sa Ibang Bansa (Foreign Corrupt Practices Act)), itinataguyod ang pagiging epektibo ng organisasyon at tumutulong sa pagtatatag ng pare-parehong direksyon ng mga pagsisikap ng empleyado. Sa pagpapatupad sa sistema ng mga paghihigpit panloob, dapat iparating ng mga tagapamahala sa kanilang mga sakop na empleyado ang tungkol sa lahat ng pamamalakad ng Kompanya na umiiral sa kanilang trabaho. Dapat ring magpakita ng pamumuno ang mga superbisor sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamamalakad at pagpapatupad sa mga ito. Dapat maitatag ang mga makatwirang pamamaraan sa pagpapatupad sa mga pamamalakad ng Kompanya at pagpigil sa mga pagtaliwas. Kung mangyari ang mga pagtaliwas sa pamamalakad, maaaring kailangan ang mga naaangkop na pagdidisiplinang hakbang. Sa paggawa sa kanilang responsibilidad na pagpapatupad ng mga paghihigpit pang-accounting, dapat tiyakin ng mga tagapamahala na: • Isinasagawa anglahat ng uri ng transaksyon ng mga empleyadong nabigyang-pahintulot na gawin ito. • Ang access sa lahat ng uri ng mga ari-arian (hal., pera, imbentaryo, pag-aari, atbp.) ay pinapahintulutan

lamang nang may awtorisasyon ng angkop na mga antas ng pangasiwaan. • Inire-report ang mga transaksyon sa negosyo ayon sa kinakailangan para (a) pahintulutan ang paghahanda

ng tumpak na pampinansya at iba pang mga record at (b) malinaw na ipinakikita ang responsibilidad para sa mga ari-arian; at

• Ikinukumpara ang mga record na tumutukoy sa responsibilidad para sa mga ari-arian sa mga aktuwal na ari-arian sa makatwirang pagitan ng panahon at ginagawa ang angkop na hakbang kung mayroong mga pagkakaiba. Dapat siguruhin ng mga superbisor na ginagawa ang mga record sa tamang panahon at may katumpakan at patas na inilalarawan ang lahat ng transaksyon sa negosyo. Nangangahulugan ito na:

• Dapat mai-record ang mga ari-arian at transaksyon sa mga normal na libro at record. • Walang'di-inirekord na mga pondo ang maitatatag at mapapanatili para sa anumang layunin. • Hindimapapalsipika ang mga record sa anumang paraan. • Dapat kumpleto at tumpak ang mga pasalita o pasulat na paglalarawan sa mga transaksyon, ito man ay

nakumpleto o binabalak, at dapat gawin ang espesyal na pag-iingat sa paglalarawan sa mga transaksyon sa mga taong responsable sa paghahanda o pagpapatunay sa mga pampinansyang record para maiwasan ang mga nakalilitong hinuha.

Sinumang empleyadong sasadyaing magsinungaling tungkol sa tunay na karakter o uri ng kaganapan o transaksyon sa mga record ng Kompanya, ay lumalabag sa Patakarang ito at sumasailalim sa pagdidisiplina hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal sa trabaho.

Page 13: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

13

Pagtatago ng Record Dapat naaayon ang pagtatago o pagtatapon ng mga record ng Kompanya sa Legal Hold Policy ng Kompanya, mga hinihingi sa pagtatago ng dokumento at sa iba pang naitatag na mga pamamalakad at mga hinihingi ng batas. Pampinansyang Patakaran Nilalaman ng Pampinansyang Patakaran (binanggit sa pahina 15) ang mga prinsipyo sa etika na pagbabatayan kung paano kikilos ang punong ehekutibong opisyal, punong pampinansyang opisyal at controller o prinsipal na opisyal sa accounting o, kung walang taong humahawak sa alinman sa mga posisyong iyon, ang tagapamahala o tao o mga taong gumagawa ng parehong mga tungkulin kapag isinasagawa nila ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad. Dapat pag-aralang mabuti at intindihin ng lahat ng empleyado ng Kompanya ang Pampinansyang Patakaran. Mga Obligasyong Pagre-report at Pagsunod sa Patakaran Masigasig na itinataguyod ng Kompanya ang tumpak at nasa tamang panahong pagsisiwalat ng mahalagang impormasyong may kinalaman sa Kompanya, ng mga resulta ng pagpapatakbo nito sa negosyo at ng pampinansyang kondisyon nito. Samakatuwid, dapat mong iparating kaagad sa atensyon ng punong pampinansyang opisyal: • Ang anumang mahalagang impormasyon na malalaman mo na nakakaapekto sa mga pampinansyang

pagsisiwalat na ginagawa ng Kompanya; at Anumang impormasyong hawak mo tungkol sa (a) malaking kakulangan sa disenyo o pagpapatakbo sa mga paghihigpit panloob na maaaring makasama sa kakayahan ng Kompanya na i-record, i-proseso, buodin at i-report ang mga pampinansyang datos, (b) 'di-tama o malaking 'di-katumpakan ng mga record (kabilang ngunit hindi lamang mga record sa payroll) o (c) anumang pandaraya, mahalaga man ito o hindi.

Para sa mga layuning pagpapadali sa iyong obligasyon na i-report ang posibleng mahalagang 'di-tumpak na mga pampinansyang pagsisiwalat o malalaking pagkakaiba sa mga proseso o record ng Kompanya, mayroon tayong naitatag na Ethics Line. Minamantine ngibang partido ang Ethics Line, at maaaring gamitin ng sinuman para i-report ang isang alintana tungkol sa Kompanya nang 'di-nagpapakilala o nang palihim. Nakalagay ang numero ng telepono at internet address ng Ethics Line sa website ng Kompanya. Hindi natin pinapahintulutan ang anumang uri ng paghihiganti para sa walang masamang hangaring pagre-report ng mga posibleng paglabag sa etika o batas o iba pang mahalagang impormasyon. Gayunpaman, ang pagre-report kahit na alam mong mali ito o sadyang pagwawalang-bahala sa katotohanan o katumpakan nito, o anumang iba pang paggamit sa sistema ng pagre-report nang may masamang hangarin, ay lumalabag sa Patakarang ito.

Pagsunod sa Mga Batas at sa Mga Pamamalakad ng Kompanya Dapat panatilihin ng lahat ng empleyado ng Kompanya ang pinakamataas na mga pamantayan sa etika at sundin ang Patakarang ito at lahat ng umiiral na hinihingi ng batas at mga pamamalakad kapag isinasagawa ang negosyo ng Kompanya. Ang pagtupad sa kapwa sinasabi at diwa ng batas ang pundasyong kinatatayuan ng mga pamantayan ng Kompanya sa etika. Bagaman hindi inaasahang alam mo ang bawat umiiral na batas, mahalagang sapat ang nalalaman mo para magtanong at humingi ng payo mula sa mga: tagapamahala, departamento ng yaman-tao, mga abogado o iba pang angkop na tauhan kung mayroon kang anumang pagdududa tungkol sa legalidad ng isang hakbang na ginawa, o hindi ginawa, sa ngalan ng Kompanya. Sa dahilang ito, inaasahang babasahin mo at kakabisaduhin mo ang Patakarang ito at iba pang mga pamamalakad , pamantayan at pamamaraan ng Kompanya na umiiral sa iyo.

Page 14: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

14

'Di-tama, Ilegal o 'Di-etikal na Pag-uugali Itinataguyod ng Kompanya ang etikal na pag-uugali. Dapat i-report ng mga empleyado ang mga paglabag sa mga umiiral na batas, alituntunin at regulasyon, sa Patakarang ito o sa anumang iba pang patakaran, pamamalakad o pamamaraan ng Kompanya sa angkop na tauhan o sa pamamagitan ng Ethics Line ayon sa inilarawan sa ibaba sa ilalim ng pamagat na “Paano Ire-report ang 'Di-tama, Ilegal o 'Di-etikal na Pag-uugali.” Dapat i-report ng mga opisyal ng Kompanya ang anumang ganoong paglabag sa panloob na komite ng audit ng Kompanya o iba pang Lupon. Inaasahang makikipagtulungan ang mga empleyado at opisyal sa mga panloob na imbestigasyon sa maling gawain. Dapat i-report ng pangasiwaan at mga opisyal sa Lupon ang anumang mahalagang paglabag sa mga umiiral na batas, alituntunin o regulasyon, sa Patakarang ito o anumang iba pang patakaran, pamamalakad o pamamaraan ng Kompanya. Paano Ire-report ang 'Di-tama, Ilegal o 'Di-etikal na Pag-uugali Kung makakakita ka ng sitwasyon na maaaring sangkot ang 'di-tama, ilegal o 'di-etikal na pag-uugali, dapat mong siguruhing: • Hawak mo ang lahat ng impormasyon. Para maabot ang mga tamang solusyon, dapat malaman ang lahat ng

mahalagang impormasyon. • Tanungin kung ano ang tiyak na hinihinging gawin mo at kung ito ay parang 'di-etikal o 'di-tama.

Matutulungan ka nito na mag-pokus sa partikular na tanong, at sa mga alternatibo mo. Kung ang isang bagay ay parang 'di-etikal o 'di-tama, siguro nga ay oo.

• Intindihin ang indibidwal na responsibilidad at papel ng bawat tao. Sa karamihan ng mga sitwasyon, mayroong pinagsasaluhang responsibilidad. Nasabihan ba ang mga katrabaho? Maaaring makatulong kung ipaalam at talakayin sa iba ang problema.

• Talakayin ang problema sa isang tagapamahala. Ito ang pangunahing gabay sa lahat ng sitwasyon. Sa maraming kaso, mas maraming alam ang mga tagapamahala tungkol sa tanong at pasasalamatan ang pagsasama sa kanila sa proseso ng pagdedesisyon.

• Humingi ng tulong mula sa mga pamamaraan ng Kompanya. Sa bihirang kaso kung saan maaaring hindi angkop na talakayin ang problema sa isang tagapamahala, o kung wala ang tagapamahala para sagutin ang tanong, dapat mong talakayin ito sa isang miyembro ng departamento ng yaman-tao. Kung hindi rin ito naaangkop o kung hindi makuha ang kasiya-siyang kalutasan, dapat mong konsultahin ang isang opisyal o gamitin ang Ethics Line na itinatag ng Kompanya. Nakalagay ang numero ng telepono at internet address ng Ethics Line sa website ng Kompanya.

• I-report ang mga paglabag sa etika nang palihim at nang walang takot sa paghihiganti. Maaari mong gamitin ang Ethics Line para i-report ang mga alintana nang palihim o nang 'di-nagpapakilala. Lahat ng report ay agad na iimbestigahan. Pananatilihin ang pagiging kompidensyal sa posibleng hangganang naaayon sa obligasyon ng Kompanyang magsagawa ng patas at kumpletong imbestigasyon. Hindi pinapahintulutan ng Kompanya ang anumang uri ng paghihiganti laban sa mga empleyadong magre-report sa mga posibleng paglabag sa etika nang walang masamang hangarin. Gayunpaman, ang pagre-report kahit alam mong mali ito o sadyang pagwawalang-bahala sa katotohanan o katumpakan nito, o anumang iba pang paggamit sa sistema ng pagre-report nang may masamang hangarin, ay paglabag sa Patakarang ito.

• Palaging magtanong muna, umaksyon pagkatapos. Kapag 'di-sigurado kung ano ang gagawin sa anumang sitwasyon, dapat kang humingi ng gabay at magtanong bago gawin ang nasabing aksyon.

Page 15: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

15

Mga Bagay tungkol sa Kalusugan, Kaligtasan at Kapaligiran Isasagawa ng Kompanya ang pagpapatakbo nito ng negosyo sa paraang may mga pag-iingat sa kapaligiran. Naniniwala ang Kompanya na mahalaga ang pagtataguyod sa kalusugan, kaligtasan at tamang gawing pang-kapaligiran sa kapakanan ng Kompanya at ng mga may-sosyo dito at ng mga empleyado. Sa dahilang ito, nagtatag ang Kompanya ng mga pamamalakad, pamamaraan at mga plano na dapat sundin ng mga empleyado para matiyak na ginagawa ng Kompanya ang mga pagpapatakbo nito ng negosyo alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyong pang-kapaligiran. Ang komunikasyon mula sa mga empleyado tungkol sa kalusugan, kaligtasan at mga bagay pang-kapaligiran ay mahalaga sa pagkamit sa mga layunin ng Kompanya. Batas sa Mga Tiwaling Gawain kaugnay sa Ibang Bansa (Foreign Corrupt Practices Act) Ipinagbabawal ng Batas sa Mga Tiwaling Gawain kaugnay sa Ibang Bansa (ang “FCPA”) sa Kompanya at sa mga may-sosyo dito, mga opisyal, mga ahente, at mga empleyado ang direkta o 'di-direktang pag-aalok, pangangakong magbabayad o pagpapahintulot sa pagbabayad ng anumang pera o anumang may halaga sa isang opisyal ng ibang bansa para sa layunin na: • Pag-iimpluwensiya sa anumang aksyon o desisyon ng nasabing opisyal ng ibang bansa; • Paghihikayat sa opisyal ng ibang bansa na gawin o huwag gawin ang anumang aksyon na lumalabag sa

kanyang legal na tungkulin; o • Paghihikayat sa opisyal ng ibang bansa na gamitin ang kanyang impluwensiya para tulungan sa pagkuha o

pagpapanatili ng negosyo para sa o pagdidirekta ng negosyo sa sinumang tao. Ipinagbabawal rin ng FCPA ang pag-aalok o pagbabayad ng anumang may halaga sa sinumang tao kung nalalaman na ang lahat o bahagi ng alok o bayad ay gagamitin para sa mga ipinagbabawal na gawain na binanggit sa itaas. Saklaw nito ang mga sitwasyon kung saan ginagamit ang mga tagapamagitan, (halimbawa, mga kaanib o ahente sa ibang bansa) para ipaabot ang mga bayad sa mga opisyal ng ibang bansa. Malawak ang kahulugan ng salitang “opisyal ng ibang bansa” sa FCPA at kabilang dito ang sinumang taong tumatayo sa isang opisyal na kapasidad sa ngalan ng gobyerno, ahensya, departamento o instrumento ng ibang bansa, kabilang ang mga negosyong pag-aari-ng-estado. Dagdag pa, isinasama ng FCPA sa salitang “opisyal ng ibang bansa” ang anumang partidong pulitikal ng ibang bansa, mga opisyal ng partidong pulitikal at mga kandidato para sa opisinang pulitikal sa ibang bansa (o ang kanilang mga kinatawan). Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga bayad na nauuri sa inilarawan sa itaas. Sinumang empleyado o opisyal na gagawa o tatanggap ng anumang ganoong bayad ay sasailalim sa aksyon ng Kompanya (kabilang ang agarang pagkakatanggal sa trabaho) pati na sa mga legal na kahihinatnan ng umiiral na batas sa pederal, estado o ibang bansa at anumang kaugnay na mga parusang kriminal o sibil. Paminsan-minsan, maaaring kailangan ang maliit na bayad sa isang empleyado ng gobyerno ng ibang bansa para mapabilis o magawa ang karaniwan, 'di-nakasalalay-sa-pagpapasya-ng-isang-tao na aksyon ng gobyerno. Dahil masalimuot ang batas at maaaring magdulot ng ilang kalituhan kung pinapayagan ba o hindi ang ganoong bayad, ginagawa lamang ang mga pagbabayad na ito pagkatapos konsultahin ang lokal na tagapayo, kung mayroon man, at isang opisyal. Nilalaman rin ng FCPA ang mga probisyong dinisenyo para siguruhin ang tumpak na mga record sa accounting. Hinihingi ng FCPA na may ganap at kumpletong pagpapatunay ang lahat ng pagbabayad at mai-report nang tumpak sa mga libro at record ng Kompanya at ang Kompanya ay may sapat na mga paghihigpit panloob para siguruhin ang pagsunod sa mga hinihinging ito. Mga Parusa sa Paglabag sa FCPA Maaaring ipataw ang mga sumusunod na parusa para sa paglabag sa FCPA:

• Maaaring magmulta ang isang kompanya ng hanggang $2,000,000 at sasailalim sa $10,000 na parusang sibil

para sa bawat paglabag;

Page 16: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

16

• Ang isang opisyal, empleyado, opisyal, may-sosyo o ahente na sadyang lalabag sa FCPA ay maaaring magmulta hanggang $100,000, mabilanggo hanggang limang taon o pareho at sasailalim sa $10,000 na parusang sibil para sa bawat paglabag.

Partikular na pinagbabawalan ng FCPA ang Kompanya sa pagbabayad, direkta o 'di-direkta, ng anumang multang ipinataw sa isang opisyal, empleyado, opisyal, may-sosyo o ahente. Anumang tanong tungkol sa mga patakarang isinaad sa itaas o sa FCPA ay dapat idulog sa punong ehekutibong opisyal ng kompanya at sa punong pampinansyang opisyal. Pagsunod sa Antitrust Layunin ng mga antitrust na batas sa U.S. na itaguyod ang kompetisyon at pigilin ang anumang labag-sa-batas na pagsasanib o pagsasabwatan ng mga magkakakumpitensya. Naisasakatuparan ang layuning ito sa pagbabawal sa mga 'di-makatwirang pagpigil sa kalakalan, kapwa sa Estados Unidos at sa iba pang lugar. Marami pang ibang bansa ang mayroong ganito ring mga batas. Nangangako ang Kompanya na susundin ang mga antitrust na batas ng bawat hurisdiksyon kung saan nagnenegosyo ang Kompanya. Sa ilalim ng batas ng U.S., ang mismong ilang kasunduan sa mga kakumpitensya ay labag sa batas (iyon ay, “ang kasunduan mismo”) at walang kuwestiyon sa pagiging kawalan ng katwiran ng mga ito sa pananaw ng negosyo o komersyo ang pinapayagan. Ipinag-uutos ng batas ang mabigat na mga parusang kriminal at sibil para sa mga ganitong uri ng paglabag. Kabilang sa mga ganitong uri ng paglabag ang mga kasunduan o unawaan sa sinumang kakumpitensya para: • Itakda, panatilihin o kontrolin ang mga presyo, kabilang ang mga presyo ng muling pagbebenta; • Hati-hatiin ang mga produkto, kostumer o teritoryo; • I-boycott ang ilang mga kostumer o supplier; o • Tu-manggi sa paggawa o pagbebenta ng, o limitahan ang produksiyon o pagbebenta ng, anumang produkto

o linya ng produkto. Ang mismong mga kasunduan sa mga kostumer na naghihigpit sa mga presyo ng muling pagbebenta ng mga kostumer ay labag din sa batas. Pinagbabawalan ang mga empleyado at opisyal sa pagsali sa anumang talakayan, kasunduan o unawaan sa sinumang kakumpitensya (ito man ay sa pamamagitan ng telepono, sulat, sa mga pagpupulong o iba pa) pagdating sa anumang bagay na bubuo mismo ng paglabag sa mga antitrust na batas. Kabilang sa pagbabawal na ito sa mga talakayan ng mga presyo ang mga iminumungkahing pagbabago sa presyo, mga pagtaliwas sa presyo at anumang uri ng pagpapanatili ng presyo. Dagdag pa sa mga kasunduan na labag sa batas mismo, maaaring labag sa mga antitrust na batas ng U.S. ang mga kasunduan sa mga kakumpitensya o kostumer. Kung ito ngang mga iba pang kasunduan ay labag sa batas o hindi ay ipapasya ng pagsubok na "patakaran ng katwiran” ("rule of reason"). Sa ilalim ng pagsubok na ito ipinapasya ng mga korte kung (batay sa mga partikular na impormasyon) ang isang transaksyon, gawi o iba pang kasunduan ay magreresulta sa isang “'di-makatwirang pagpigil” sa kalakalan. Dahil sangkot sa ganoong pagpapasya ang isang legal na pagsusuri sa pagiging makatwiran ng aksyon, ang mga layunin ng mga partido at ang mga malamang na epekto sa kompetisyon, dapat palaging kunin ang legal na payo mula sa legal na tagapayo ng Kompanya tuwing lumilitaw ang anumang tanong tungkol sa posibleng pagpapairal sa mga antitrust na batas. Pagre-report sa Tamang Panahon Lahat ng report atiba pang mga pagpa-file sa mga ahensya ng gobyerno ay dapat mai-file sa tamang panahon bilang pagsunod sa mga umiiral na batas.

Page 17: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

17

Mga Pagsuko ng Karapatan Ang mga pahintulot na kinuha alinsunod sa Patakarang ito, o mga pagsuko ng karapatan (waiver) sa anumang probisyon ng Patarakang ito, ay gagawin lamang ng Lupon. Dapat isiwalat ng sinumang humihingi ng pagsuko ng karapatan ang lahat ng akmang impormasyon at mga pangyayari sa punong pampinansyang opisyal o sa punong ehekutibong opisyal, sagutin ang mga pagtatanong ng karagdagang impormasyon, ipaliwanag kung bakit kailangan, naaangkop o para sa kabutihan ng Kompanya ang pagsuko ng karapatan at tumupad sa anumang mga pamamaraan na maaaring kailangan para protektahan ang Kompanya kaugnay sa isang pagsuko ng karapatan. Kung ipinagkakaloob ang pagsuko ng karapatan sa Patakarang ito para sa isang opisyal o opisyal, gagawin kaagad ang naaangkop na pagsisiwalat alinsunod sa mga umiiral na batas, alituntunin at regulasyon. Mga Paglabag Responsibilidad ng bawat tao ang kanyang pagsunod sa Patakarang ito. Maaaring magresulta ang mga paglabag sa Patakarang ito sa pagdidisiplinang hakbang laban sa lumalabag, kabilang ang pagpapayo, mapagsabihan nang pasalita o pasulat, mga babala, panahon ng pagsubok (probation) o pagkakasuspinde nang walang suweldo, pagbaba ng ranggo, at mga pagbawas sa suweldo, pagkakatanggal sa trabaho o pagbabayad-pinsala. Hahatulan ang bawat kaso batay sa sarili nitong mga merito. Ang Pampinansyang Patakaran ng Kompanya sa Etika Itinatakda ng Pampinansyang Patakaran ng Kompanya sa Etika (ang “Pampinansyang Patakaran”) ang mga prinsipyo sa etika na inaasahang pagbabatayan ng kilos ng punong ehekutibong opisyal, punong pampinansyang opisyal at controller o prinsipal na opisyal sa accounting o, kung walang taong may hawak sa mga posisyong ito, ang tao o mga tao na nagsasagawa ng mga kaparehong tungkulin (ang Fiduciaries) kapag isinasagawa nila ang

kanilang tungkulin at mga responsibilidad. Dapat sundin ngmga Fiduciaries ang Patakaran ng Korporasyon sa Pag-uugali at Etikang Pang-negosyo ng Kompanya.

Mga Prinsipyo sa Etika Sa pagpapatupad sa kanyang mga tungkulin at responsibilidad para sa Kompanya, ang bawat isa sa mga Fiduciaries ay dapat: 1. Kumilos nang tama nang may katapatan at integridad, kabilang ang tamang paghawak sa aktuwal o halatang

mga salungatan ng interes sa pagitan ng mga personal at propesyonal na ugnayan. 2. Iwasan ang mga salungatan ng interes sa pamamagitan ng: • Pagsisiwalat sa Komite ng Audit ng Lupon tungkol sa anumang mahalagang transaksyon o ugnayan na

makatwirang maaasahang makapagdudulot ng ganoong salungatan; at • pagtupad sa mga pamamaraan, limitasyon, karagdagang pagsisiwalat at mga obligasyong pagre-report at iba

pang mga hinihingi na maaaring itakda ng mga opisyal ng lupon para bawasan o tanggalin ang salungatan ng interes o mga epekto nito sa Kompanya;

1. Pagbibigay ng kumpleto, patas, tumpak at nasa tamang panahon at naiintindihang pagsisiwalat sa mga

report at dokumento na ginagawa ng Kompanya; 2. Sumunod sa lahat ng mahalagang aspekto sa lahat ng tanggap-ng-kalahatang mga pamamaraan sa

accounting (GAAP), mga umiiral na batas, alituntunin at regulasyon sa mga gobyernong pambansa, estado, probinsiya o lokal;

3. Kumilos nang walang masamang hangarin, nang may responsibilidad, nang may pag-iingat at pagsisikap, nang walang maling paghahayag ng mahalagang impormasyon o pagpapahintulot na pumangalawa sa iba pang mga interest ang kanyang independiyenteng paglilimi sa ngalan ng Kompanya; at

4. Itaguyod ang tamang pag-uugali ng mga ibang tao sa kapaligiran ng trabaho.

Page 18: PATAKARAN NG KORPORASYON SA PAG-UUGALI AT · PDF fileDapat bigyang-kahulugan ang Patakarang ito sa balangkas ng mga batas at kaugalian ng mga hurisdiskyon kung saan tayo gumagalaw,

18

Mga Pagsuko ng Karapatan Ang mga pahintulot na kinuha alinsunod sa Pampinansyang Patakarang ito, o mga pagsuko ng karapatan (waiver) sa anumang probisyon ng Pampinansyang Patarakang ito, ay gagawin lamang ng Lupon. Dapat isiwalat ng sinumang humihingi ng pagsuko ng karapatan ang lahat ng akmang impormasyon at mga pangyayari sa punong ehekutibong opisyal, sagutin ang mga pagtatanong ng karagdagang impormasyon, ipaliwanag kung bakit kailangan, naaangkop o para sa kabutihan ng Kompanya ang pagsuko ng karapatan, at sundin ang anumang mga pamamaraan na maaaring kailangan para protektahan ang Kompanya kaugnay sa isang pagsuko ng karapatan. Kung ipinagkakaloob ang pagsuko ng karapatan sa Pampinansyang Patakarang ito, gagawin kaagad ang naaangkop na pagsisiwalat alinsunod sa mga umiiral na batas, alituntunin at regulasyon. Mga Pamamaraan ng Pagsunod sa Patakaran at Pagre-report Responsibilidad ng bawat empleyado ng Kompanya ang pagpapatupad sa mga tamang pamantayan sa etika. Dapat i-report kaagad sa Lupon ang mga paglabag at makatwirang sinususpetsang paglabag sa Pampinansyang Patakarang ito. Dapat mong isiwalat nang ganap ang lahat ng akmang impormasyon at mga pangyayari, nang may pag-iingat para makita ang pagkakaiba ng mga tiyak na bagay at mga pinagdududahang bagay, mga pag-aalala o ispekulasyon, at may pag-iingat rin para iwasan ang masyadong maagang kongklusyon o mga pagbababalang pahayag dahil maaaring sangkot sa sitwasyon ang mga pangyayaring hindi mo pa nalalaman. Maaari mong gamitin ang Ethics Line para i-report ang mga alintana nang palihim o nang 'di-nagpapakilala. Nakalagay ang numero ng telepono at internet address ng Ethics Line sa website ng Kompanya. Hindi pinapahintulutan ng Kompanya ang anumang uri ng paghihiganti laban sa mga empleyadong magre-report sa mga posibleng paglabag sa etika nang walang masamang hangarin. Gayunpaman, ang pagre-report kahit alam mong mali ito o sadyang pagwawalang-bahala sa katotohanan o katumpakan nito, o anumang iba pang paggamit sa sistema ng pagre-report nang may masamang hangarin, ay paglabag sa Patakaran ng Korporasyon sa Pag-uugali at Etikang Pang-negosyo ng Kompanya. Bibigyan ang bawat empleyado at bawat opisyal ng Kompanya ng kopya nitong Pampinansyang Patakaran. Lalagda ang bawat Nakatataas na Pampinansyang Opisyal ng nakasulat na pagpapatibay na nagpapatunay na natanggap at nabasa ng nasabing Nakatataas na Pampinansyang Opisyal ang Pampinansyang Patakarang ito at naiintindihan niya ang mga nilalaman nito. Ang pagpapatibay ay maaaring hiwalay sa o kasama ng iba pang pagpapatibay o pagpapatunay kaugnay sa mga patakaran sa pag-uugali at etika, mga manwal ng empleyado, mga handbook o iba pang materyales na ibinibigay sa mga Fiduciaries. Maaaring hingin sa sinumang empleyadong nabigyan ng kopya ng Pampinansyang Patakarang ito na lumagda, paminsan-minsan, ng nakasulat na pagpapatibay na nagsasabing (a) natanggap at nabasa ng nasabing tao ang Pampinansyang Patakarang ito at naiintindihan niya ang mga nilalaman at (b) wala siyang nalalamang anumang paglabag sa Pampinansyang Patakarang ito na hindi pa naipaparating sa Lupon o sa Ethics Line. Mga Paglabag Responsibilidad ng bawat tao ang kanyang pagsunod sa Pampinansyang Patakarang ito. Ang mga paglabag sa Pampinansyang Patakarang ito ay maaaring magresulta sa pagdidisiplinang hakbang laban sa lumalabag, kabilang ang pagpapayo, mapagsabihan nang pasalita o pasulat mga babala, panahon ng pagsubok (probation) o pagkakasuspinde nang walang suweldo, pagbaba ng ranggo, at mga pagbawas sa suweldo, pagkakatanggal sa trabaho o pagbabayad-pinsala. Hahatulan ang bawat kaso batay sa sarili nitong mga merito. Mga Pag-aamiyenda Maaaring amiyendahan ng Kompanya ang Pampinansyang Patakarang ito anumang oras, nang naaayon sa mga hinihingi ng umiiral na mga batas, alituntunin at regulasyon. Agad na isisiwalat ang mga pag-aamiyenda sa Pampinansyang Patakarang ito nang naaayon sa ganoong mga hinihingi.