3
Paunang Pagtataya I. Panuto: Bilugan ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. 1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay a. Pamamahala ng negosyo b. Pakikipagkala kalan c. Pamamahala ng tahanan d. pagtiti 2. Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan sapagkat a. Pinag-aaralan dito kung paano matugunan ang kanilang material na pangangailangan. b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa an gating mundo. c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao. d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita n gating kapwa. 3. Ang pinagkukunang yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan. a. Hindi nasasapat ang mga likas na yaman upang maibigay ang lahat ng hiling-pantao kaya’t lumikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami nilang pangangailangan at hilig. b. Hindi lubos na nasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo. c. Ang Kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin ng wasto ang mga ito. d. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit na magwakas ang daigdig. 4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan ng mga tao ay a. May hangganan din b. Kakaunti lamang kaya’t medaling tugunan c. Parami ng parami at walang katapusan d. Kagaya pa rin noong unang panahon at di-nadadagdagan 5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat a. Lumiliit ang sukat ng daigdig b. Nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga ito. c. Nadadadagdagan ang sukat ng daigdig gayundin habang lumalaki ang bilang ng mga tao

Paunang Pagtataya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

history

Citation preview

Paunang PagtatayaI. Panuto: Bilugan ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong.1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin aya. b. Pamamahala ng negosyoc. Pakikipagkalakaland. Pamamahala ng tahanane. pagtiti2. Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan sapagkata. Pinag-aaralan dito kung paano matugunan ang kanilang material na pangangailangan.b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa an gating mundo.c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita n gating kapwa.3. Ang pinagkukunang yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan.a. Hindi nasasapat ang mga likas na yaman upang maibigay ang lahat ng hiling-pantao kayat lumikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami nilang pangangailangan at hilig.b. Hindi lubos na nasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.c. Ang Kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin ng wasto ang mga ito.d. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit na magwakas ang daigdig.4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan ng mga tao aya. May hangganan dinb. Kakaunti lamang kayat medaling tugunanc. Parami ng parami at walang katapusand. Kagaya pa rin noong unang panahon at di-nadadagdagan5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkata. Lumiliit ang sukat ng daigdigb. Nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga ito.c. Nadadadagdagan ang sukat ng daigdig gayundin habang lumalaki ang bilang ng mga taod. Pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan.6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks aya. Labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangngailangan at hilig-pantaob. Kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantaoc. Pagsugpo sa paglaki ng populasyon ng daigdigd. Pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya7. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman sa ibat ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan.a. b. Produksyonc. Alokasyon

d. Imbensyone. Kalkulasyon8. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?9. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay mahalaga sa mga kabataan. Ito ay makakatulong upang sila ay maginga. Mapanagutang mamamayanb. Pangulo ng bansac. Mabuting mag-aarald. Magaling na ekonomista10. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirapb. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lath ng mamamayan sa isang bansac. Mapg-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kitad. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa isang bansa,II. Isulat ang salitang GUSTO kung ito ay nagpapahayag ng kagustahan ng tao at KAILANGAN kung ito ay isang pangagailangan_____1. Pumunta sa party_____2. Kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan_____3. Magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking kinabukasan_____4. Lumipat sa bahay na may aircon_____5. Uminom ng tubig pagkatapos kumain_____6. Mamahaling relo_____7. Telebisyon_____8. Kumain ng pizza_____9. Maglaro ng video game_____10. Magsuot ng maayos na damitIII. Isulat ang salitang EKONOMIKS kung ang pinapahayag ng pangungusap ay tama at MUNDO kung mali._____1. Ang kakulangan ay pansamantala lamang._____2. Ang mayayamang bansa ay di-apektado ng mga problemang dulot ng kakapusan._____3. Ang tao o nasyon ay nagsasama-sama ng pwersa upang labanan ang problemng dulot ng kakapusan._____4. Dahil sa kakapusan, patuloy ang pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya._____5. Ayon kay Maslow, unang tinutugunan ng tao ang mga pangangailangang pisyolohikal._____6. Ang pangangailangan ng tao ay kadalasang naaayon sa lahing kanyang kinabibilangan._____7. Ang mga kapos na bagay ay may presyo._____8. Ang di-ekonomikong bagay ay maaaring gawing ekonomiko._____9. Ayon kay Ernst Engel, higit na malaki ang pagtaas ng gastusin sa pagkain kaysa sa di-pagkain kapag tumataas ang kita._____10. Ang tirahan o lugar ng tao ay may kinalaman sa kanyang pagkonsumo o hilig.