12
Huwebes 1 Oktubre 2015 Tomo 93 Blg 3 Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman KULÊ LATHALAIN 6

Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Issue 3 | Thursday, 1 October 2015, 12 pages

Citation preview

Page 1: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

Huwebes 1 Oktubre 2015 Tomo 93 Blg 3

Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, DilimanKULÊ

LATHALAIN 6

Page 2: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

Mindanao ngunit kailanma’y hindi ito napakinabangang ng masang Pilipino.

Maraming komunidad ang sinasagasaan ng malalaking kompanya na nangangapital sa Mindanao kung

saan kalakhan ng lupain ay hinawan ng mga lumad. Habang nagdarahop ang sambayanan na lagi’t laging nasa laylayan, walang ibang naging tugon ang pamahalaan. Sa katunayan naglabas lamang ng pahayag na tutulong umano

PAGLIMOT AT PAGWASAK

LAGUTIN NATIN ANG SIKLO NG KARAHASAN.

Sa loob at labas ng pamantasan ay nararanasan ang pagmamalabis ng mga nasa kapangyarihan. Sa kanayunan, pilit na winawasak at ibinabaon sa limot ang buhay at kulturang pinangangalagaan ng mga katutubong Pilipino.

Kasalukuyang nakararanas ng pandarahas mula sa kamay ng mga militar ang mga lumad sa Mindanao. Ika-1 ng Setyembre 2015 nang kumalat ang balita ng karumal-dumal na pagpatay sa direktor ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) na si Ka Emerito Samarca, pangulo ng grupo ng mga lumad na Malahutang Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU) na si Dionel Campos, at ang pinsan niyang si Bello Sinzo.

Natagpuan si Samarca na nakatali, may gilit sa leeg at saksak sa dibdib. Samantala, sa harap ng iba pang mga lumad, walang pakundangang pinagbabaril sina Campos at Sinzo ng grupong paramilitar na Magahat-bagani, na binuo at pinopondohan diumano ng Armed Forces of the Philippines. Nag-iwan ng hinagpis at takot ang nasabing insidente lalo na sa mga kabataan.

Liban sa kalupitang nararanasan sa kamay ng mga militar, patuloy ang panawagan ng mga lumad kasama ang iba pang sektor na tigilan ang militarisasyon sa kanayunan at paalisin ang mga sundalo sa mga paaralan. Kalakip nito ang panawagang

Sa panahong dinarahas ang mamamayan upang mapasunod sa baluktot na daan, hindi na lamang sapat ang manawagan

PHILIPPINE COLLEGIAN2 0 1 5 - 2 0 1 6

bigyang hustisya ang mga biktima ng pagmamalupit o labis-labis na paggamit ng kapangyarihan ng mga Magahat.

May mahigit 3,000 batang lumad na ang hindi nakakapag-aral dahil sa militarisasyon sa Mindanao. Kinailangan nilang lumikas mula sa kani-kanilang mga bayan upang iligtas ang kanilang mga sarili sa kamay ng mga militar na gumagamit ng armas bilang kanilang batas.

Sa halip na mabigyan ng sapat na edukasyon, panggigipit at takot ang punlang itinatanim ng mga militar sa mga kabataan. Tahasan nitong sinasalungat ang nakasaad sa Republic Act 7610, na hindi binibigyang pahintulot sa mga pampublikong imprastruktura katulad ng paaralan at hospital ang mga militar o anumang gawaing may kaugnayan samga militar.

Kaugnay nito, nakapagtala din ang Save Our School Network ng 87 sa kabuuang 146 na paaralan ng mga lumad na may kaso ng pag-atake mula sa mga militar. Aabot naman sa 223 kaso ng pandarahas, pananakot, pambubugbog at pagpatay ang naitala simula pa noong 2010. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakamit ng mga biktima ang karampatang hustisya sa kabila ng kaliwa’t kanang panawagan ng mga lumad sa pamahalaan.

Sa halip na igalang ang pagkakakilanlan ng mga katutubo, binibigyang ganansiya ng mga militar ang mga iligal na gawain ng malalaking kompanya katulad ng pagmimina, pagtotroso, at iba pa. Mayaman sa likas na yaman ang

Punong Patnugot Mary Joy Capistrano Kapatnugot Victor Gregor Limon Tagapamahalang Patnugot Emmanuel Jerome Tagaro Patnugot sa Grapiks Ysa Calinawan / Jiru Rada Tagapamahala ng Pinansiya Karen Ann Macalalad Kawani Arra Francia / Chester Higuit / Patricia Ramos Pinansiya Amelyn Daga Sirkulasyon Gary Gabales / Amelito Jaena / Glenario Ommamalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales / Gina Villas

Kasapi UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) / College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Online [email protected] / www.philippinecollegian.org / fb.com/philippinecollegian / twitter.com/phkule / instagram.com/philippinecollegian

P L A Y B A C K

2 EDITORYAL Huwebes 1 Oktubre 2015

sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing kaso ng pagpatay sa mga lumad ang palasyo sa kabila ng panawagan para sa agarang aksyon.

Sa sunod-sunod na insidente ng pagpatay at lumalaking bilang ng mga lumad na lumilikas mula sa kanilang bayan, dapat nang maalarma ang administrasyong Aquino na tanging kibit-balikat ang karaniwang tugon sa mga problema ng bansa. Sa katunayan, naungusan ng mga grupong pang-internasyunal ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa kaso.

Taong 2012 pa nang ipanawagan ang pagpapatanggal sa mga grupo ng paramilitar sa Mindanao bunsod ito ng walang-awang pagpatay kay Padre Fausto Tentorio, paring italyano na nagsusulong ng karapatan ng mga katutubo sa kanayunan. Sa halip na wakasan ang kalupitan, tumindi pa ang pagmamalabis ng grupo kaya naman maging ang mga paaralan na humuhubog sa kamalayan ng mga kabataan ay pinapasok na ng kanilang kapangyarihan.

Maraming mga kaso pa ang hindi naiuulat. Sa panahong dinarahas ang mamamayan upang mapasunod sa baluktot na daan, hindi na lamang sapat ang manawagan. Panahon ito ng pagbalikwas at pagdaluyong ng lakas at pagkakaisang labanan ang mga nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan.

Ano sa tingin mo ang kalamangan ng UP sa ibang UAAP member schools

ngayong taon?

The passion of every playeray nakikita talaga. More competitive ang mga athletes ngayon. Ang suporta ng school ay not only sa academics, pati na rin sa sports.

Alyssa Valdez Ateneo De Manila University (ADMU) Women’s Volleyball Team

There are more people watching. There are more support from the students—it’s a huge factor in the motivation of athletes. Having the school behind us is really a big thing.

Kali Navea-HuffUSC Councilor, UP Women’s Football Team

I feel like the new found support from the UP community helps the team a lot during games. Being a Maroon in the past few years, I never saw a crowd even close to what I’ve been seeing this year. With that type of support and that type of motivation, anything can happen. Hindi ka makakaramdam ng pagod kapag ganun ang sigaw at cheer na tumutulak sa’yo.

Mikee Reyes UP Men’s Basketball Team

UKOL SA PABALATDibuho Guia Abogado

Sa ika-93 taon ng Philippine Collegian, aming inilathala ang mga pahayag ng ilang personalidad ukol sa mga isyu ng lipunan.

Page 3: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

WHEN THE SOCIALIZED TUITION System (STS) replaced the old Socialized Tuition and Financial Assistance Program in 2014, the UP administration promised faster processing of applications and appeals.

Now on its second year of implementation, however, 2,972 UP students are still awaiting the results of their appeals halfway into the semester.

Out of the total 9,398 appeals from all of UP's seven constituent units (CU), 68.4 percent or 6,425 appeals have so far been resolved, according to data obtained by the Collegian from the Socialized Tuition (ST) Office on September 10.

UP Diliman (UPD) has resolved most of the 4,056 appeals it has received, with only 29 still awaiting a decision. UP Mindanao (UPMin), on the other hand, has only resolved one out of 185 appeals it received.

Several factors have caused the delay in the release of the final results, including the lack of committee members who could deliberate on the appeals and the need to conduct comprehensive interviews, said ST

Office Director Richard Gonzalo. “Before an appeal is decided upon, the CU committee must have sufficient information.”

Around 90 percent of the appeals are expected to be resolved by October, when the CU committees convene at the University Committee on Scholarships and Financial Assistance meeting, Gonzalo said.

“Should the appeal be released later than the last day of payment, [UP units] allow the extension of payment or deferment of it through a tuition loan [which] up to 100 percent of fees can be deferred [without interest],” he explained.

High appeal rate Under the STS, students are assigned

to five alphabetic brackets that determine eligibility for tuition discounts. Only students in brackets E1 and E2 receive free tuition, with E2 receiving a monthly stipend of P2,400 for upperclassmen and P3,500 for freshmen.

This semester recorded a 25 percent appeal rate among 36,839 students who were assigned STS brackets. Students who

Halfway into the semNo results yet on almost 3000 STS appeals

K A R E N A N N M A C A L A L A D

cannot afford to pay tuition under their initial STS bracket will have to raise additional funds to enrol, like Bianca Duran, a junior interior design student in UPD, whose appeal to be reassigned to a lower bracket was approved two weeks already after the enrollment.

Duran had to borrow money from a family relative so that she could pay P20,000 worth of tuition and other fees under Bracket B, while waiting for the results of her appeal.

“Ang hirap ng pagdadaanan [sa STS] para makuha mo iyong bracket na deserve mo, [kahit] may [income] guide na [para sa bracketing system], ibibigay [nila ay] two brackets higher,” said Duran, whose parents earn only around P14,000 every month or P170,000 a year.

The high appeal rate has been a persistent problem under all the versions of socialized tuition throughout the years. Last year, a total of 8,620 from 37, 623 UP students applied for lower brackets.

The existence of appeals means that questions in the application form do not accurately measure the capacity of the

students and their families to pay tuition, said Menchani Tilendo, chairperson of the Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP.

The high appeal rate can also be accounted by the “regressive” nature of STS, which makes the students pay tuition rates inappropriate to their capacity to pay, said Arjay Mercado, chairperson of UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran.

More students in paying brackets Meanwhile, UP students who pay tuition

outnumber those who receive free tuition, the September 10 data also revealed. A total of 35,345 or 91.04 percent of 38,825 UP undergraduates have been assigned to paying brackets, while only 8.96 percent or 3,480 are in the non-paying brackets.

In UPD, 13,619 or 89.26 percent of undergraduate students are assigned to paying brackets. UP Manila has the lowest percentage of students granted free tuition at only 3.15 percent.

This means that barely one out of 10 students enjoy free tuition in the university.

The STS has only justified the collection of tuition as a profit-generating scheme of the UP administration and the government, Tilendo said. The government, not the students, should finance the operations of state universities like UP, she explained.

Mercado however insisted that a socialized tuition scheme in state universities is necessary because there are students who do not need government subsidy. While state universities should have free education, these services must be socialized, he added.

On the other hand, Tilendo reiterated the call to junk the STS, since free education and other student services are possible. Various student and faculty groups under the Rise for Education Alliance staged a multi-sectoral walk-out protest on September 23 and 24.

Infographic by Jan Andrei Cobey | Research by Karen Ann Macalalad

Hundreds of students from different colleges walked out of their classes in a two-day protest to oppose the impending P2.2B slash to the University of the Philippines budget for 2016, September 23-24. Different groups enjoined other UP students to demand for greater state subsidy for education. This is the largest cut to the UP budget in the university's history.

PARRYING THE SLASHAdrian Kenneth Gutlay

3 BALITAHuwebes 1 Oktubre 2015

Page 4: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

PagbabakwitIsa lamang ang pamilya ni MJ sa

halos 3,000 mamamayang lumikas sa evacuation center sa Tandag City dahil sa pangamba sa seguridad. Kapapanganak pa lamang ng kapatid niya nang lisanin nila ang tahanan matapos ang insidente.

Gayundin, hindi na rin bago para kay Baby Boy Velandrez, isang katutubong lumad, ang pagbabakwit mula nang magtapos sa Alcadev hanggang sa maging guro sa satellite campus nito sa Agusan del Sur.

“First year high school pa lang ako, nagkakaroon [na] ng malaki at malawakang pagbabakwit ang mga katutubong Manobo dahil sa mga banta sa aming buhay,” aniya.

Subalit hindi pa rin sila ligtas maging sa evacuation center, ani Pambansang Kalihim Eliza Pangilinan ng Karapatan-Caraga. Noong ika-8 ng Setyembre, limang lumad ang inaresto dahil sa pamimigay ng polyetos na naglalaman ng salaysay ukol sa pagpatay kina Campos, Sinzo at Samarca.

Naitala rin nang araw na iyon ang pagkamatay ng isang apat na taong gulang na bata dahil sa hika at kakulangan sa serbisyong medikal.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 3000 estudyante ang naitala ng Save Our School Network na hindi na nakakapag-aral matapos ipasara ang 24 paaralang elementarya at sekundarya dahil sa banta sa seguridad.

4 BALITA Huwebes 1 Oktubre 2015

NAGPAHAYAG NG PAKIKIISA ang mga guro at mag-aaral ng UP Diliman (UPD) sa laban ng mga katutubong lumad matapos patayin ng paramilitar ang punong-guro ng kanilang paaralan at dalawa pang Manobo noong ika-1 ng Setyembre sa Lianga, Surigao del Sur.

Binaril, sinaksak, at ginilitan sa leeg sa loob ng isang silid-aralan ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (Alcadev) si Emerito Samarca, ang executive director ng nasabing paaralan, ayon sa otopsiya ng pulisya at sa salaysay ni Gary Payak, isa sa mga guro ng Alcadev.

Binaril naman sa harap ng mga mamamayan ng Barangay Diatogon sina Dionel Campos, tagapangulo ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (Mapasu), at Bello Sinzo na kasapi rin ng nasabing grupo, ayon sa ulat ng Karapatan, isang organisasyong nagsusulong ng karapatang-pantao sa Pililipinas.

Isa sa mga organisasyong nagtatag ng Alcadev ang Mapasu, nangangahulugang Matagumpay na Pagkakaisa para sa Kinabukasan, ang naglalayong protektahan at paunlarin ang ancestral land ng mga katutubo.

Sakop ng mga miyembrong komunidad ng Mapasu ang 58,000 ektaryang Andap Valley na nagtataglay ng mga likas na yaman tulad ng coal, copper, at ginto na pinoprotektahan ng grupo laban sa malalaking kumpanya ng mina, ayon sa Karapatan - Caraga.

Dalawang araw bago ang krimen, sinakop ng grupong paramilitar na Magahat-Bagani ang Alcadev na inaakusahang paaralan ng New People’s Army (NPA) ayon sa Karapatan.

Itinatag ng mga mamamayan ang Alcadev na alternatibong paaralang kinikilala ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng programa nitong Alternative Learning System. Tinuturuan dito ang mga katutubo ng agrikultura bukod sa mga primaryang asignatura sa elementarya at sekundarya ayon kay Payak.

Sa kabila ng kakulangan ng suporta mula sa gobyerno, tumanggap ng pagkilala mula sa Embahada ng Belgium ang paaralan dahil sa mataas na passing rate ng mga estudyante nito sa Accreditation and Equivalence test ng DepEd.

Pahayag ng pakikiisaNanawagan ang Katipunan ng mga

Sangguniang Mag-aaral sa UP (Kasama sa UP) sa mga estudyante ng UP na makiisa sa laban ng mga lumad para sa hustisya at kapayapaan.

“This is not the time to be silent and stand idly by waiting for the abuse and injustice to end. Now, more than ever, the Iskolar ng Bayan needs to stand in solidarity with the people,” pahayag ng grupo na binubuo ng mga konseho ng mag-aaral sa buong UP System.

Mariin ding kinundena ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (Contend UP) ang patuloy na militarisasyon ng mga katutubong paaralan.

“Our education cannot remain within the prescribed parameters of the syllabus and curriculum. It must be linked and must be given flesh in our struggle to create peaceful and military-free schools for the children of our indigenous peoples,” pahayag ng Contend UP.

Sa kasalukuyan, 68 kaso na ng pagpatay sa mga katutubo ang naitala sa ilalim ng administrasyon ni Benigno Aquino III, samantalang 53 sa mga ito ang mula sa mga tribong lumad. Itinuturing na pinakamadugong buwan para sa mga katutubo ang Agosto ngayong taon, dahil 11 katutubo ang pinatay sa loob lamang ng 13 araw mula Agosto 15-28, ayon kay Neen Sapalo, kawani ng Pampublikong Impormasyon ng Katribu Partylist.

Paratang at pandarahasSa panayam ng Collegian noong ika-8

ng Setyembre sa 15-taong gulang na si MJ (hindi tunay na pangalan), isinalaysay nito kung paano binaril sa harap niya sina Campos at Sinzo ng mga miyembro ng paramilitar.

Alas kwatro aniya ng madaling araw nang kalampagin ang kanilang mga bahay at tipunin sa isang basketball court ng armadong kalalakihan. Sa harap mismo umano ng bahay nina MJ binaril sa ulo sina Campos at Sinzo.

Tinangka niyang sunduin sa Alcadev si Samarca subalit tinutukan siya ng baril kaya’t wala siyang nagawa. Pagdating niya sa basketball court, nakita niyang dumarating mula sa paaralan ang isang paramilitar na duguan ang kamay hawak ang patalim.

Sa apat na taong pagtuturo dito ng volunteer teacher na si Aivy Hora, lagi umano silang nakakatanggap ng mga banta ng karahasan simula nang magsagawa ng operasyon ang military noong 2005.

PananamantalaKaakibat ng militarisasyon at

pandarahas sa nasabing lugar ang operasyon ng malalaking kumpanya ng mina sa Mindanao, ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan).

Kalahati ng 48 bilang ng operasyon sa pagmimina sa bansa ay nasa Caraga. Ayon sa Kalikasan, ilan dito ang lumalabag sa panuntunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) tulad ng Marcventures Mining and Development Corporation na nagmimina sa lupaing sakop ng watershed forest reserve ng Surigao del Sur.

Sa tala ng DENR, nagtataglay ang rehiyon ng 3.5 bilyong toneladang metallic at non-metallic reserve. Matatagpuan sa Nonoc Island, Surigao del Norte ang pinakamalaking deposito ng nickel sa Asya, samantalang sa Surigao del Sur naman ang pinakamalaking deposito ng bakal sa buong mundo.

“The Caraga region is targeted by large, extractive companies for its rich natural resources…[that] plunder and exploit the Lumad communities’ ancestral lands and its resources,” pahayag ng Katribu - UP Diliman.

Pagpatay sa mga lumad, kinundena ng mga guro at mag-aaral ng UP

Nanawagan ang mga Lumad sa kanilang pagbisita sa UP Diliman nitong Setyembre na suportahan ang kanilang laban sa patuloy na pandarahas at pangangamkam ng lupa ng militar at ng mga kumpanya ng pagmimina. Higit sa 100 mga guro at estudyanteng Lumad na patungo sa isang pagdiriwang sa Davao del Norte ang ginipit at dinahas ng hukbong paramilitar noong ika-28 ng Setyembre.

MANILAKBAYANJiru Rada

A L D R I N V I L L E G A S

Page 5: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

BALITA 5Huwebes 1 Oktubre 2015

THE ENROLLMENT PERIOD IN UP Diliman (UPD) has become nothing short of legendary. Students had to queue for hours to enlist for a class, while more than 300 students camped outside dormitories to protest the lack of slots and expensive fees.

For the UP administration, however, there is no cause for concern.

In his report to the Board of Regents in its 1310th meeting on August 27, UP President Alfredo Pascual maintained that there is no lack of class or dorm slots. In fact, the UPD campus can still accommodate up to 422 more students, even if around 800 more freshmen were accepted this semester, Pascual said.

Pascual also claimed that all those who are “eligible to stay in UPD dormitories [have been] duly accommodated,” with around 180 dorm slots still to spare, as of August 25. This was in response to protests of more than 300 students who either were not given dormitory slots or were unable to afford dormitory fees during the first week of August.

There has been no move to address the dormitory “crisis,” because the administration stands by its claim that there was no crisis to solve, said Student Regent Miguel Enrico Pangalangan.

“There is a disjunct. In reality, there were students forced to sleep in [fast food chains] and even [at] the Sunken Garden. There is still a [dorm] crisis because the new dorms that we have are inaccessible because they are semi-privatized and commercialized,” he added.

Overbooked classesThe UPD administration accepted

3,502 freshmen for academic year 2015 to 2016, according to data from the Socialized Tuition Office. This is higher than the average of 2,519 students recorded from 2010 to 2013.

Class sizes swelled as more students needed slots. For instance, all Arkiyolji 1

classes are currently overbooked, or have more than the 25 student-capacity the GE subject normally allows. From a maximum number of 37 students for each class in the previous semester, Fil 40 classes in the current semester have as many as 68 students.

UPD’s teaching personnel also had to cope with the added burden of more students. As a university rule, each discussion class is allowed to hold a maximum of 25 to 30 students, and can only exceed this limit with the professor or lecturer’s discretion.

“Hindi ba nakakahiya sa estudyante na papasok sila sa unibersidad para lang malaman na wala na palang slot para sa kanila? Kung hindi namin kinuha ang mga prerog, marami sana ang underloaded,” said Professor Gerardo Lanuza of the Sociology Department and member of the Congress of Teachers/ Educators for Nationalism and Democracy.

Due to the overwhelming number of students who were still under the minimum academic load by the end of the registration period on August 3, the administration was forced to extend the deadline of enrollment and tuition fee payment to August 14.

“The shock received by the UP community is because of lack of consideration of the affected constituents and lack of foresight. The students bear the brunt of the consequences,” Pangalangan said.

UPD admitted more freshmen to decrease the gap between actual qualifiers in the UP College Admission Test (UPCAT) and students who pursue enrollment, according to the UP president’s report.

“[T]here was no over-enrolment. The laudable achievement of UPD was its having been able to reduce the number of unfilled slots to 400 this academic year from 1,187 in 2014,” Pascual’s report stated.

The increase stems from UPD’s acceptance of 145 more students through the Varsity Athletic Admission System, and the approval of more slots for degree programs that specifically requested for it

in view of the K to 12 gap years, according to Pascual’s report.

Amid this achievement, however, the administration failed to notify UPD’s teaching personnel of the increase in accepted freshmen.

“Kulang talaga sa pagpaplano ang admin tungkol dito, dahil nalaman na lang namin na may pagdadagdag pala ng mga estudyante nung enrolment na,” said Lanuza.

In a study published by the Collegian in 2013, a total of 1,263 out of the 3,853 UPCAT passers did not enroll in UP. Of this number, nine out of 10 declared a monthly income of at least P11, 250, which meant that these students would have had to pay tuition under the socialized tuition policy.

The K to 12 curriculum is expected to reduce the number of enrollees for the next two years, as the additional two years of high school would bar students from entering college. In UPD, only around 5000 high school seniors took the UPCAT in UPD for academic year 2016-2017, down from the usual average of 30,000 students.

Inaccessible dorms“In the case of dorm assignment, the

apparent ‘crisis’ must have been caused not only by the greater demand from a bigger student population this year, but also by a tighter screening mechanism in place by the Office of Student Housing,” Pascual said in his report.

The 180 slots mentioned by the administration are most probably in the Acacia and Centennial Residence Halls which students cannot afford, said Bryle Leano, head of the Alliance of Concerned Dormitories.

Monthly fees in Acacia alone cost P3000, excluding water and electricity fees. Students assigned to the dorm had to provide their own mattresses, tables, and cabinets for this semester.

“[With] exorbitant rates, student housing is treated as a commodity and managed like a commercial entity instead of being an accessible service that bolsters student [welfare],” Pangalangan said.

‘Private’ dorm in UP?With its 483-room capacity, the unveiling

of the Acacia Residence Hall this year should have come as a welcome relief for students in need of affordable housing on campus. But with its P3,000 monthly fee, it may as well have been a private dormitory.

Acacia’s monthly fee is at least 13 times higher than the expenses for UPD’s oldest dorm, Sampaguita Residence Hall, pegged at only P225. “[T]here is no [budget for maintenance and other expenses] appropriated for such dorm, and the rates paid by students [are] for both [its] maintenance and return of investment,” according to Pangalangan.

Plans for the construction of Acacia began in 1996, but was delayed for almost two decades due to problems with the private contractor in charge of building the dorm. From the time of its conception, the UP administration has intended Acacia to include commercial establishments such

UP admin denies dorm, class slots crisisA R R A F R A N C I A

as eateries and coffee shops to augment expenses for the new dorm.

The project was resumed in 2009, upon approval in the 1250th BOR meeting, with a budget of P 167 million “charged to the income from the tuition increase.”

Coincidentally, the revamped Socialized Tuition and Financial Assistance Program was implemented in 2007. The new tuition scheme effectively increased base tuition in the university by 300 percent.

Management was further handed over to the College of Law after a P 100 million-donation made by Senator Franklin Drilon to the college. In its latest meeting, the BOR has already given the college authority to conduct the bidding process for a private management that would oversee Acacia’s operations.

“The public character of student services is dwindling as the private management of dormitories is being enforced,” said Pangalangan.

Almost 50 students under Professor Gerardo Lanuza’s Sociology 10 class are crammed in a room typical for 25-30 students at the Palma Hall due to the unavailability of enough General Education slots this semester. According to Chancellor Michael Tan, an additional 800 freshman students were accepted by the university this year. Faculty to students ratio in UP Diliman was 1:16 in 2014.

OVERBOOKEDChester Higuit

Infographic by Jerome Tagaro Research by Arra Francia

Page 6: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

6 LATHALAIN

dumaan sa komprehensibong konsultasyon sa mga estudyante.

Noong 2012, naglunsad ang Collegian ng malawakang konsultasyon sa mga indibidwal na estudyante, mga organisasyon at institusyon, at mga konsehong pang-mag-aaral hinggil sa panukalang taasan mula P40 to P72 ang student publication fee upang umagapay sa tumataas na mga gastusin sa pagpapatakbo sa lingguhang pahayagan. Dalawang sarbey ang kinondukta at lumikom ng higit sa 13,000 lagda ng mga estudyante ang mga kawani ng pahayagan bago inaprubahan ng administrasyon ng UP ang bagong student publication fee.

Ngunit hindi sinusunod ng administrasyon mismo ng UP ang ganitong kabusising proseso sa mga dagdag-singil sa tuition at iba pang mga bayaring tulad ng laboratory fees. Sa maraming pagkakataon, nakahahanap ang pamunuan ng UP ng dahilan upang makapagpatupad ng mas mahal na singil sa matrikula at iba pang bayarin kahit na walang isinagawang masinsin at malawakang konsultasyon.

Noong itinaas ang tuition mula P300 patungong P1,000 kada yunit, idinahilan ng administrasyon ni dating UP President Emerlina Roman na hindi na kailangang sumailalim pa ang mungkahing tuition hike ng konsultasyon sa mga kasalukuyang mag-aaral ng UP dahil ipapatupad lamang ito sa mga bagong estudyanteng freshmen.

Sa kasaysayan, madali ring naipapasa ng administrasyon ang paniningil ng mga dagdag at bagong mga bayarin, lalo na ang mga laboratory fees nang hindi nakokonsulta kahit ang nag-iisang rehente ng mga mag-aaral.

Noong 2011, ipinasa ng Board of Regents (BOR) ang 38 bagong laboratory fees sa College of Music bagaman hindi kasama ang Student Regent sa ginanap na konsultasyon ng administrasyon. Noon namang 2013, inaprubahan ng BOR ang pagtaas ng singil sa laboratory fees ng College of Home Economics sa kabila ng pagtutol ng UPD University Student Council.

Serbisyong negosyoKinilalang nag-iisang pambansang

unibersidad ang UP sa bisa ng Batas Pambansa 9500 o UP Charter na ipinasa noong 2008. Ang anunsyo ni dating Pangulong Roman: “We are in the business of education.”

Ipinagpapatuloy ng kasalukuyang

DALAWA LANG DAW ANG eskwelahang pangkolehiyo sa Pilipinas: UP at “others.” Ngunit kung Form 5 ang pagbabatayan, tila wala rin namang pinagkaiba ang pambansang pamantasan sa mga pribadong unibersidad sa bansa.

Sa katunayan, dalawa lang din kung tutuusin ang uri ng bayarin sa UP tuwing enrollment: tuition at “others.” Mahal ang una, sangkatutak ang ikalawa, ngunit parehong pasanin ng mga iskolar ng bayan.

Et cetera, et ceteraAyon sa datos mula sa Socialized

Tuition Office, aabot na sa P702.77 ang karaniwang per yunit na tuition ng mga estudyanteng undergraduate sa buong UP system. Higit itong mas mataas kaysa sa national average na P603.62 kada yunit, na naitala ngayong taon ng National Union of Students of the Philippines.

Hindi rin biro ang sari-saring dagdag na bayaring sinisingil sa UP Diliman (UPD) bawat semestre. Sa ilalim ng miscellaneous fees na aabot sa P2,000 kada semestre, may pitong iba’t ibang bayarin, tulad ng Library Fee na nagkakahalaga ng P1,100, Internet Fee na P260, at Energy Fee na P425.

Hindi ipinaliliwanag sa mga estudyante ang mga bayaring ito bago o kahit tuwing enrolment. Sa katunayan, sa sampung estudyanteng nakapanayam ng Collegian mula sa isang departamento sa College of Science noong nakaraang linggo, wala kahit isang estudyante ang nagsabing alam niya kung anu-ano ang other school fees (OSFs) na binayaran niya ngayong semestre at kung para saan ang mga ito.

Wala ring pampublikong dokumentong hinggil dito, na maaari sanang maging sanggunian hindi lang ng mga estudyante ng UP kundi pati ng mga nais maging mag-aaral ng UP sa hinaharap.

Liban sa miscellaneous fees, mayroon ding hindi bababa sa 764 na laboratory fees na sinisingil sa UPD, ayon sa Accounting Office. Nagkakahalaga ng mula P100 hanggang P1,200, kalakhan o 604 sa mga lab fees na ito ay binabayaran ng mga estudyanteng undergraduate.

Aabot sa 122, o isa sa bawat limang lab fees sa Diliman, ang sinisingil sa College of Engineering. Sumunod na pinakamaraming bilang ng lab fees ang College of Home Economics na may 101, habang pangatlo naman ang College of Science na may 84.

Lahat ng anumang dagdag-singil at bagong mga bayarin sa UP ay nangangailangang

pangulo ng UP ang ganitong lihis na tunguhin ng UP. Sa ilalim ni Pangulong Alfredo Pascual, tumaas ang kita ng UP mula sa paniningil ng mga dagdag bayarin. Mula P24.6 milyon noong 2012, tumaas sa P111.14 milyon ang nakolekta ng UP mula sa miscellaneous fees, laboratory fees, at iba pang mga bayaring siningil sa mga estudyante.

Mula 2013, alinsunod sa eUP standardization, ang kita ng UP mula sa other school fees ay inilipat mula sa “income accounts” patungong “other payables,” ayon sa ulat ng Commission on Audit noong 2014. Bilang resulta, lumobo ang “income from other sources” ng unibersidad, mula P748.59 million noong 2013 patungong P908.62 million.

Nang ikonsulta ito ng Collegian kay Vice President for Planning and Finance Joselito Florendo sa ginanap ng forum hinggil sa badyet ng UP noong ika-24 ng Setyembre, sinabi ng propesor na kailangan pa umano niyang pag-aralan ang mga detalye ng nasabing datos.

Iskolar ng bayadKung tutuusin, dapat libre ang

matrikula dahil pampublikong paaralan ang UP. Ngunit sa halip na igiit sa pamahalaan ang tungkulin nitong pondohan ang mga institusyong itinatag nito gaya ng UP, tahasan nang nakikipagsabwatan ang administrasyon ng UP sa gobyerno upang ipasa ang gastusin sa mga iskolar ng bayan.

Sa pamamagitan ng Socialized Tuition System, ipinapasa sa mga estudyante ang responsibilidad na pondohan ang operasyon ng pamantasan. Upang makapag-aral ang mga mahihirap, kailangan silang pondohan ng mga mayayamang estudyante sa porma ng mga diskwento at utang.

Ganitong kalakaran din ang umiiral sa pagpapaupa ng UP sa mga lupain nito sa pribadong sektor. Upang makaagapay sa napakababang subsidyo mula sa pamahalaan, mas pinipili nitong ilako na lamang ang sarili bilang bagong palengke ng mga produkto't serbisyo ng mga korporasyong tulad ng Ayala.

Sa napipintong P2.2 bilyong kaltas sa badyet ng UP sa susunod na taon, at sa patuloy na pagliban ng gobyerno sa tungkulin nitong itaguyod ang edukasyon bilang karapatan, dalawa ang iniiwang hamon ng panahon sa tinaguriang pinakamahuhusay na iskolar ng bayan: ang ipaglaban ang karapatan at ang magtagumpay kasama ng iba pang mga estudyante't kabataang Pilipino.

V I C T O R G R E G O R L I M O N

Huwebes 1 Oktubre 2015

`

Mga Dagdag Bayarin sa Pambansang Pamantasan

Dib

uho

ni G

uia

Abo

gado

D

isen

yo n

g Pa

hina

ni J

ohn

Rec

zon

Cala

y

ANONG LAMAN NG FORM 5 MO?COLLEGE TERM & SYDEGREE & MAJOR

KITA NG UPD ADMINISTRATIONMULA SA PANININGIL NG MISCELLANEOUSAND OTHER SCHOOL FEES (OSFs)

BILANG NG MGAKLASE SA UPD NA

MAY LAB FEES

KARANIWANG HALAGA NG MISCELLANEOUS FEES AT LAB

FEES SA UPD KADA ESTUDYANTE

* Tinatayang nakolekta ng UP mula sa OSFs, ayon sa 2015 Budget Expenditures and Sources of Funding ng DBM

MGA SAGOT: 1. Tuition, 2. Library Fee, 3. Registration, 4. Medical, 5. Cultural, 6. Internet, 7. Energy, 8. Student Fund, 9. Others

Sanggunian: Schedule of Semestral Fees and List of Laboratory Subjects with Laboratory Fees,mula sa UP Diliman Accounting Office

Sanggunian: Schedule of Semestral Fees and List of Laboratory Subjects with Laboratory Fees,mula sa UP Diliman Accounting Office; Budget Expenditures and Sources of Funding, mula 2008 hanggang 2016

764+ P4,000

MGA KURSONG MAY PINAKAMARAMING BILANG NG LABORATORY FEES (UNDERGRADUATE)

MGA KOLEHIYONG MAY PINAKAMARAMING BILANG NG LABORATORY FEES (UNDERGRADUATE)

COLLEGE OFSCIENCE

COLLEGE OFENGINEERING

B MUSIC

BA BROADCAST COMMUNICATION

BS BIOLOGY

BS CHEMISTRY

BS GEODETIC ENGINEERING

BS FOOD TECHNOLOGY

BS CLOTHING TECHNOLOGY

COLLEGE OFHUMAN KINETICS

COLLEGE OFMASS COMMUNICATION

COLLEGE OFHOME ECONOMICS

COLLEGE OFSOCIAL SCIENCES AND PHILOSOPHY

COLLEGE OFMUSIC

Page 7: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

KARANIWANG LAMAN NG ISANG balikbayan box ang mga sumusunod: mga de lata, tsokolate, kendi, laruan, pabango, sabon at shampoo, bag, damit, sapatos, at mga libro. Walang sulok ng kahon ang nasasayang. Bawat padala ay may kalakip na kamusta at mahal kita.

Kaya hindi na kataka-takang marami sa mga OFWs at kanilang mga pamilya ang nagalit nang malamang hindi ligtas sa mga buwaya ng gobyerno ang bunga ng kanilang pagtitiyaga para sa kanilang mga mahal sa buhay. Nitong nakaraang buwan, laman ng mga balita sa telebisyon at social media ang mga larawan ng mga binuksang balikabayan box at mga nawawalang mga gamit na hinihinalang inumit ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC).

Para sa isang bansang binubuo ng 15 milyong manggagawa na napipilitang maghanapbuhay sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang skandal na ito ay bahagi lamang ng mas malawak at matagal nang krisis na pakana rin ng gobyerno.

Patakarang baluktotAyon kay Michel Catuira, Deputy

Secretary General ng Migrante International, kabi-kabilang reklamo ang natanggap ng kanilang tanggapan mula sa mga OFW hinggil sa balikbayan policy ng BOC.

Sa tala ng BOC, humigit-kumulang 400 balikbayan box ang pumapasok sa Pilipinas kada araw. Dulot umano ng tumataas na bilang ng mga balikbayan box kaya naghihigpit ang ahensya sa pamamahala. Giit ni BOC Commissioner Alberto Lina, ligal umano ang kontrobersyal na palisiyang ito.

Ngunit paliwanag ni Catuira, isang uri ng diskriminasyon sa mga OFW ang nasabing patakaran, lalo na’t hindi sila nakonsulta at wala ring garantiyang walang mawawala sa kanilang mga padala.

Dapat umanong may pahintulot muna ng nagpadala o ng tatanggap ang pagbubukas ng mga balikbayan box. Nilinaw niya gayumpaman na kung tunay na kinakailangan ang mas mabusising inspeksyon, modernisasyon sa mga teknolohiyang ginagamit sa pagsusuri ang dapat na pagtuunan ng pansin ng BOC.

Mataas na buwisMalaking pasanin din sa mga OFW

ang buwis na ipinapataw sa mga kagamitang ipinapadala nila sa Pilipinas. Sa pagtataya ng Migrante, nasa pagitan ng P220 hanggang P320 ang pataw na buwis sa mga kagamitang hihigit sa P10,000 ang kabuuang presyo.

Ngunit hindi na umano naaayon sa panahon ang halagang ito, na noon pang 1986 itinakda ng BOC. “Tumaas na ang inflation [rate] at hindi na sasapat ang P10,000 dahil tumataas din ang presyo ng mga bilihin,” ani Catuira.

Paliwanag pa ng kalihim ng Migrante, may mga OFW na nagpapadala ng mga kagamitang maaaring gawing puhunan sa maliliit na negosyo, ngunit kakaunti umano ito kung ihahambing sa talamak na smuggling na pinalalagpas ng BOC at sa dami ng malalaking kumpanyang kumikita nang labis dahil sa mababang buwis na ipinapataw sa kanila ng gobyerno.

Iginigiit sa gayon ng Migrante na babaan ang buwis o kaya’y taasan ang maximum na halaga ng balikbayan box upang umangkop sa kasalukuyang presyo ng mga produktong ipinapadala ng mga OFW. Suportado ng grupo ang panukala ni Senador Ralph Recto sa Senate Bill 2913 o Balikbayan Box Law na naglalayong itaas sa P150,000 ang presyo ng balikbayan box na hindi bubuwisan ng pamahalaan.

Upang paigtingin ang panawagang ito, naglunsad ang mga OFW noong ika-28 ng Agosto ng “No Remittance Day” kung saan isang araw na itinigil ng mga migrante ang pagpapadala ng pera sa Pilipinas.

Bagaman minaliit ng Malacanang ang kilos-protestang ito, matagumpay sa pananaw ng Migrante ang pagkilos dahil napuwersa ang pangulo na personal na ipatigil ang pagbubukas sa mga balikbayan box at humingi ng paumanhin si Lina sa nangyari sa BOC.

Krisis ng pangingibang bayanNagsimula ang bultuhang

pangingibang-bayan ng mga Pilipino noong dekada ‘70. Sa ilalim ng diktaduryang Marcos, masigasig na itinaguyod ng gobyerno ang isang labor-export policy at nagtatag ng mga

ahensyang mamamahala sa ganitong tunguhin: ang Overseas Workers Welfare Authority (OWWA) noong 1977 at ang Philippine Overseas Enforcement Agency (POEA) noong 1982.

“Ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas [ang pangunahing dahilan] ng mga Pilipino [upang maghanapbuhay] sa labas [ng bansa],” ani Jerome Adonis, Secretary General ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Kasabay nito, pinabayaan pa ng mga administrasyon mula kay Marcos na manatiling mababa ang sahod at mataas ang presyo ng mga bilihin, habang pinagsasamantalahan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon.

Ngunit ang patuloy na pagdami ng mga OFW ay ipinagmamalaki ng gobyerno na malaking ambag umano sa ekonomiya ng bansa. Ang kakatwa rito, sa kabila ng kanilang mahalagang papel sa ekonomiya, tila bulag ang pamahalaan sa kanilang mga suliranin.

Sa State of the Nation Address ni Benigno Aquino III noong 2011, ipinalabas ng pangulo na sariling kapasyahan daw ang magtrabaho sa ibang bansa. “Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo, sa halip na magserbisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, pakisabi rin po, ‘salamat po,’” ani Aquino.

Ngayong taon lamang, nailigtas sa bingit ng kamatayan ang OFW na si Mary Jane Veloso matapos ang mga kilos-protesta na inilunsad sa Pilipinas at iba pang mga bansa. Kasalukuyang nakapiit sa Indonesya si Mary Jane,

na nahaharap sa kasong drug smuggling.

Ayon sa Migrante, kumilos lamang ang gobyerno nang mahatulan na ng bitay si Mary Jane kahit limang taon nang gumugulong ang kaso. Nitong Mayo, sumuko sa pulisya ang recruiter na si Christina Sergio at pinatotohanan ang salaysay ni Mary Jane. Aniya, niloko lamang si Mary Jane ng dalawang ‘di kilalang mga lalaki na magbitbit ng isang maletang mayroong lamang droga.

Iisa lamang si Mary Jane sa mga listahan ng mga Pilipinong isinasantabi ng gobyerno. Sa tala ng Migrante ngayong taon, 125 ang nasa death row at halos 7,000 na OFW ang nakakulong.

Marami ring mga Pilipino sa ibang bansa ang nakararanas ng hindi makataong kondisyon sa paggawaan at samu’t saring paglabag sa karapatang-pantao gaya ng pananakit at pananamantala ng kanilang mga dayuhang amo. Karamihan sa mga biktima ay kababaihan.

Inaasahang magpapatuloy lamang ang pangingibang-bayan ng mga Pilipino dahil sa labor-export policy at mga patakarang pabor sa dayuhang merkado, ani Catuira. Walang maaasahang pagbabago ang mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay hangga’t walang pambansang industriya ang Pilipinas na magluluwal ng mga hanapbuhay at hangga’t walang tunay na reporma sa lupa na magbibigay ng disenteng kabuhayan sa kanayunan.

Maging mga kabataan ay nabubulid na sa ganitong kapalaran.

“Sa K-12, ginagawa ng gobyernong Aquino na sistematiko ang pagsusuplay ng murang lakas-paggawa sa mga dayuhang bansa sa pag-aalok ng mga paksang aralin batay sa in-demand na mga trabaho,” ani Sarah Elago, pambansang pangulo ng National Union of Students of the Philippines.

Sa madaling sabi, hindi hiwalay ang kalagayan ng mga migranteng Pilipino sa kalagayan ng mga kabataan. Bilang mga manggagawa rin sa hinaharap—bilang mga anak, apo, pamangkin, o kapatid ng mga tinaguriang bagong bayani ng ating panahon—kahingian ng kasalukuyan sa

mga kabataa’t estudyante ang ating pakikisangkot at

pakikiisa.

Huwebes 1 Oktubre 2015

YARI ANG PADALAAng Balikbayan Box Scandal, Krisis, at Diaspora

LATHALAIN 7

MGA TRABAHONG MAY PINAKAMATAAS NA BILANG

NG OFW (2014)

MGA BANSANG MAY PINAKAMATAAS NA BILANG

NG OFW (2010)

Sanggunian: Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

ESTADOS UNIDOS 3,416,840

HOUSEHOLD SERVICEWORKER

183,101

WAITERS, BARTENDERS,AND RELATED WORKERS

13,843

CHARWORKERS, CLEANERS, AND RELATED WORKERS

13,843

NURSES PROFESSIONAL

19,815

CAREGIVERS AND CARETAKERS

12,075

INDIA700,000

CHINA436,190

SAUDI ARABIA1,159,003

MALAYSIA900,000

I S A A C J E O F F R E Y J . S E R R A N O

Dibuho ni John Kenneth Zapata Disenyo ng Pahina ni John Reczon Calay

Page 8: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

8 KULTURA Huwebes 1 Oktubre 2015

Alsa-Balutan

MAY KUNG

ANONG

KAPANGYARIHANG taglay ang alon na

tumangay sa mga bangkay ng batang

Syrian na lumikas sa kanilang bayan.

Habang tila itinataboy naman ng

hangin ang mga katutubo o lumad sa

Mindanao na patuloy

na dinarahas ng mga

militar at paramilitar.

Magkakaiba man

ang lahi at bansang

kanilang pinagmulan, iisa

naman ang kanilang hangarin

sa buhay — masumpungan ang

kapayapaan at seguridad sa buhay.

Kamay na bakal

Sa walang katapusang pandarahas ng

mismong gobyerno sa mga mamamayan

nito, matutunghayan ang libu-libong

kwento na hindi man nailimbag sa

mga pahayagan, nakaukit naman sa

kasaysayan ng kani-kanilang bayan.

Iisa ang naging kapalaran ng

mga Lumad, Syrian o ng iba pang mga

dayuhang nagsilikas sa kanilang mga

bayan—bakwit o refugee kung sila’y

tawagin. Dulot ito ng pangungunyapit

sa poder ng kapangyarihan ng iilang

naghahari-harian sa bayan.

Dinarahas ng gobyerno ang mga

mamamayan gamit ang militarisasyon na

bunga ng mga bayolenteng programa

ng gobyerno tulad ng Oplan

Bayanihan na naglalayong

sikilin ang

kalayaan

ng mamamayan at

ipagpatuloy ang

madugong politikal

na kontrol laluna sa

mga makabayan at

progresibo. Tinatawag

itong "giyera"

ng

gobyerno laban

sa diumano'y

panganib sa

seguridad ng

bansa – ang

mga progresibo

at rebolusyonaryo.

Ngunit ang totoo, ang

tunay na giyera ng mamamayan ay

giyera laban sa mga naghahari-harian at

dominanteng kaayusan.

Sa halip na pakinggan ang panaghoy

ng mga mamamayan, tuwinang

sinasagot ng dahas ng gobyerno

ang mga mamamayan. Tahasang

ipinakikilala sa bayan ang armas bilang

batas. Ikinukubli sa pangalang "giyera

para sa kapayapaan" ang pandarahas

ng gobyerno. Ayon nga kay Friedrich

Engels, "war, formerly waged only in

revenge for injuries or to extend territory

that had grown too small, is now waged

simply for plunder and becomes a

regular industry."

Minamarkahan ng mga militar ang

bawat sityo sa kanayunan kung saan

pangkaraniwang nararanasan

ang

pandarahas sa mga mamamayang

sumasalungat sa kanilang kagustuhan.

Armas ang pangunahing instrumentong

ginagamit upang palawakin ang espasyo

ng kapangyarihan ng gobyerno, gayundin

ng mga naghahari-hariang mamamayan.

Kaya naman maging paaralan ay hindi

nakaligtas sa mga militar. Inaagawan ng

espasyo at pinalalayas sa sariling bayan ang

mga katutubo at mamamayan. Nawawalan

ng pagkakataon ang mga mamamayan

na hubugin o pagyamanin ang kanilang

sariling kultura. Bagkus, tila tumitigil ang pag-

inog ng mundo—kalakalan, hanapbuhay,

pag-aaral ng mga kabataan bukod sa

pagbibigay nito ng pinsala sa mga ari-

arian ng mga pamayanan. Nariyan nasisira

ang kanilang mga pananim, namamatay

ang mga alaga nilang hayop, kinikitil ang

kanilang mga buhay.

Paglisan

Panibagong buhay ang hinahanap ng

mga mamamayang nakikipagsapalaran

sa ibang lugar. Hindi madali ang lumisan

sa kanilang sariling bayan – bitbit nila

ang lahat ng bigat ng pag-agaw sa

kanilang lupa para sa ganansiya ng mga

dayuhang minahang kompanya.

Napipilitan silang lumikas upang

takasan ang kawalang hustisya sa sarili

nilang bayan kapalit man nito ay pag-

iwan sa kanilang katutubong lupain

kung saan nahubog ang kanilang

pagkakakilalan at kultura. Sinuong ng

mga Syrian, Rohingya at mga Lumad

ang panganib ng pagbaybay sa mga

dayuhang lupain at karagatan, upang

humanap ng isang lugar na inaasahan

nilang pagtatayuan ng bagong buhay.

Panibagong espasyo na magbibigay

ng sarili nilang kasarinlan mula sa

dayuhang lupain.

Ngunit anumang

pilit na

pagbabanyuhay sa isang dayuhang

lupain, mahihirapan itong isakatuparan

ng mga bakwit. Sapagkat salungat sa

positibo nilang pananaw ang kanilang

tunay na mararanasan at nararanasan

kung saan tila higit pa silang ibinaon

sa kahirapan ng mga dayuhan sa

estrangherong lupain.

Nagkalat sa social media

ang iba’t ibang porma na

pagmamalupit sa mga

bakwit. Nariyang

i p a g t a b u y a n ,

h a r a n g a n

M A R Y J O Y T. C A P I S T R A N O

ng isang bundok ng sangkapulisan,

pahirapan, at hayaang mamamatay sa

gutom sa gitna ng karagatan. Bukod

pa rito ang pandarahas ng mga militar,

pananamantala at kung ano-ano pang

masahol pa sa hayop ng pagtrato.

Mangilan-ngilan nga kung maituturing

ang mga bansa at bayang tumatanggap

ng buo sa mga bakwit.

Sa mga panahong nawala na ang

konsepto ng pagmamay-ari ng isang

tao, walang humpay ang kaniyang

pakikipagsapalaran — sa kultura,

tradisyon, paniniwala, at maging sa

ibang mga tao.

Bagong pag-asa

Pagbabagong hubog man ang

kapalit ng paglisan, pakikibakang

maituturing ang pakikipagsapalaran sa

isang dayuhang lupain. Ngunit saan

man mapadpad ang mga Pilipino,

hindi nawawala ang pag-asang may

panibagong bukas para sa kanila.

Ang panloob at panlabas na diaspora

ng mga mamamayan ay malinaw na

manipestasyon ng pandaigdigang

panunupil at pandarahas.

Labas sa pakikisangkot ang

pangangailangang ugatin

ang

problema sa lipunan. Anumang

anggulo tingnan, pangunahing ugat

ang karahasan ang estado,

na siyang dapat na

nangangalaga sa

kapakanan ng mga

mamamayan.

Sa mga pagkakataong salungat

sa inaasahang tugon ang ginagawa

ng gobyerno at ng mga taong may

hawak sa batas, kailangan ng bawat

Pilipinong iangat ang antas ng

pakikibaka at pagtugon sa kahingian

ng panahon.

Dibuho ni Patricia Ramos

Disenyo ng pahina ni Jan Andrei Cobey

Page 9: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

KULTURA 9Huwebes 1 Oktubre 2015

NANLAKI ANG MGA MATA NI EREN nang tumambad sa harap niya ang higanteng 50-metro ang laki. Winasak ng higante ang blokeng pader na pinaniniwalaang magsisilbing tagapagtanggol ng mga mamamayan ilang siglo na ang nakaraan. Pero gumuho ang kanilang mga pangarap nang maging pagkain silang muli ng mga Titan.

Sa unang eksena pa lang, hindi na madaling namnamin ang Shingeki No Kyojin. Hindi ito tulad ng nakasanayang sikat na shounen o ma-aksyong anime kung saan ang mga bida ay laging panalo, at tila-imortal ang mga karakter. Dito, mas madalas pang mamatay ang mga bida kaysa manalo.

Nagiging sikat sa kasalukuyan ang mga palabas na nagpapakita ng pagiging bulnerable at malalim ng mga karakter. Ang mga serye tulad ng Game of Thrones kung saan mas inaabangan pa kung sino ang susunod na karakter

na mamamatay kaysa sa kung sino ang magtatagumpay sa

trono, ang nagpapakita ng mga karakter na mortal at

bulnerable.Taliwas sa naka-

sanayang pormula na "good shall prevail" o ang

"humanity" ang magtatagumpay, natutunghayan ngayon ang

epistemolohikal na pagbabago ng mga tauhan at kuwento – hindi na payak na flat (mabait o masama lamang, at iba pang binary opposites) ang mga tauhan. Mas malay nang nasasaksihan ang mga bidang hindi perpekto – nagagalit, nagkakamali, at nagiging masama pa nga – at ang mga kontra-bidang nababaligtad ang katauhan dahil sa serye ng mga kaganapan.

Bagama't taglay pa rin ng mga shounen at aksyon ang mga tipikal na elemento tulad ng superpowers at mga espesyal na abilidad, ang bigat ng Shingeki No Kyojin ay mas makikita pa sa mga elemento ng kwento nito. Halimbawa na dito ang mga Titans.

Attack of TitansNakakatakot ang mga Titans —

sobrang laki at bigat ngunit maliksi, malalaki ang mga panga, at malalaki ang mga ngipin para sa madaling pagdurog o paghati ng katawan ng tao. Sobrang init din ng kanilang katawan na maaring makapaso sa isang ordinaryong tao.

Humanoid o kawangis ng tao ang kanilang mukha at katawan, ngunit wala silang bituka at pandama. Kaya naman hindi sila nakakaramdam ng sakit o gutom. Sa katunayan, isinusuka lamang nila ang mga taong nakakain nila kapag napuno na ang kanilang katawan. Walang katiyakan kung saan sila nagmula ngunit isa lang ang kanilang layunin — ang kumain ng tao.

May mga ilang pangyayari sa palabas na nagpapakitang maaring nagmula sa mga tao ang Titans — tulad ng transpormasyon ni Eren bilang Titan, maging ang pagpapakita ng Titan na nakakapagsalita ng lenggwahe ng tao. Maaring hindi naman din talaga naiiba ang mga tao sa Titans. Sa katunayan, makikita ang palabas bilang alegorya ng totoong lipunan. Wala man ang mga higanteng titans na kumakain ng mga tao, nariyan ang mga abusado, gahaman, kurakot, at naghahari-harian sa bayan.

Stone WallsSa loob ng mga higanteng pader,

makikitang hindi lang Titans ang kalaban ng tao — kalaban din nito ang kanilang sarili.

Ang mga blokeng pader na itinayo ng tao laban sa mga Titans ang humati sa kanila sa kalaunan. Ang hirarkiya ng naghaharing uri ay nagtaguyod ng geopolitika o politika ng espasyo batay sa interes nito. Ito ang magiging materyal na batayan ng pagkakahati ng kanilang lipunan. Sa sentrong pader ng Cina namumuhay ang mga nobilidad at ang hari — mas malayo sa mga Titans at mas sagana sa pagkain at yaman. Samantala, nasa pader ng Maria at Rose ang mga panggitnang uri at mga maralitang naghahati sa kakarampot na pagkain at kagamitan, at madalas, nagiging pain para sa Titans.

Maikukumpara ang geopolitika ng kanilang mga pader sa sistemang reduccion noong panahong sinakop tayo ng mga Espanyol. Ang mga principalia at mga prayle ang namumuhay sa sentro habang nasa laylayan ng mga pueblo ang mahihirap.

Sa panahon ng neoliberalismo ng kasalukuyan, mamamasdan ang modernong reduccion – ang matataas at makukulay na gusali sa mga lugar tulad ng Ayala Avenue, Ortigas, at Bonifacio Global City na nagtatago sa laganap na kahirapan sa lipunan.

Mismong ang hari at ang mayayaman ang dahilan sa pananatili ng mga tao sa loob ng blokeng pader. Lagpas sa pinakamataas na Titan na naitala ang laki ng pader. Matibay din ito dahil gawa sa malalaking bloke na hindi basta-bastang mawawasak ng ordinaryong Titan. Kaya naman madaling nabuo sa mga tao ang ilusyong maipagtatanggol sila nito laban sa mga Titans. Ginamit din nila ang relihiyon para higit na mahawakan ang mamamayan.

Ngunit sa mismong loob ng pader, laganap ang karahasan -- laganap ang kahirapan, katiwalian, pang-aabuso ng mga nobilidad, at iba pang problema ng kanilang lipunan. Mag kasing-sahol pala ang tao at ang Titans.

Meron ding mga tao sa lipunan na mas masahol pa sa Titans sa pagiging matakaw sa tubo at pera. May mga tao na parang Titans kung paglaruan ang buhay ng tao -— sapilitang winawala, tinotortyur, at pinapaslang.

Lalo pang lumala ang karahasan sa pagkawasak ng blokeng pader. Mas nais pang buhayin ng gobyerno nito ang mga nasa sentrong pader kaysa mga nasa labas nito. Limitado lang ang mga nakakapasok sa gitnang pader kaya naman maraming nag-aasam na maging bahagi ng Military Police Brigade mula sa mga mahihirap — tiyak na makakapasok sila sa sentro dahil trabaho ng mga ito ang ipagtanggol ang mayayaman.

Ganito din sa lipunan sa kasalukuyan -- nag-aasam ang lahat ng kabataan na makapasok sa mga tampok na unibersidad, handang magbayad kahit mahal, para lang matiyak ang trabaho at magandang kinabukasan.

Pero sa lahat ng kaguluhan at kontradiksyon sa loob man o labas ng pader, sumisilip din ang mumunting pag-asa ng mga tao.

A Fight for Liberty Labanan ang Titans — ito ang

nakitang solusyon ni Eren at ng Survey Corps para makalaya ang mga tao mula sa blokeng pader at mula sa Titans.

Ang Survey Corps ang mga sundalong lumalabas sa blokeng pader para bawiin ang mga lupang naging teritoryo ng Titans. Natural na bahagi ng kanilang trabaho ang humarap sa Titans. Kaya naman iilan lang ang sumasali sa kanila dahil sa takot na mamatay sa kamay ng mga Titans.

Kung tutuusin, maraming misyong inilunsad ang Survey Corps para bawiin ang mga lupa sa labas ng blokeng pader ang pumalpak. Marami ang nasugatan, nawala, at namatay sa kanilang hanay. Gayunpaman, may mga tulad pa rin ni Eren na nagpasyang sumali dito dahil para sa kanila, wasto ang layunin ng Survey Corps – ang makalaya.

Hindi nila nakikitang solusyon ang habang-buhay na magkulong sa blokeng pader. Malay sila sa kaguluhang pilit na itinatago ng matataas na blokeng pader na ito. Makakamit ang tunay na kalayaan para sa mga tao kapag malaya na sa Titans at sagana sa lupa at kagamitan ang ordinaryong mga tao.

Bagama’t mapanganib ang kanilang landas na tinahak, hindi naman mga hibang ang Survey Corps na basta-basta na lang humaharap sa Titans. Gumagamit din sila ng taktika at teknolohiya; pinag-aaralan nila ang mga Titans para malaman kung paano epektibong lalabanan ang mga ito; nagpupuna at natututo rin sila mula sa mga kamalian nila. Lumalaban sila para mabuhay.

Ito rin marahil ang sentral na mensahe ng Shingeki No Kyojin -- sa pagharap sa Titans at sa mga problema ng lipunan, ang kagustuhang mabuhay at magkamit ng hustisya ang nagbibigay sa mamamayan ng pag-asa.

Dibuho ni Joshua RiojaDisenyo ng pahina ni Jerome Tagaro

Pagbaklas sa mga Pader

O R LY P U T O N G

Politika at Espasyo sa Shingeki No Kyojin

Page 10: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

10 OPINYON Huwebes 1 Oktubre 2015

ON WALKOUTSAND BUDGET CUTS

Easy escape

#TaasKamao

K A R E N A N N M A C A L A L A D

J I R U R A D A

I USED TO BE EXCITED WHEN I light candles on the altar rail every Sundays for my personal wishes. But things have changed when I came to UP, where lighting candles means more than hopes and silent prayers.

I have attended several candle-lighting activities intended to condemn human rights violations in the Philippines, and one of those are for the Lumad victims in Mindanao. Several times I heard their cries for justice and long narratives conflicted by the threats of militarization and mining interests of foreign companies in their areas.

As I watch the candles burn, I remembered the first ceremony I joined when I was a freshman - this time at the Manila Bay to commemorate the 2009 Ampatuan Massacre. Together with press freedom advocates, we offered candles to the 58 victims of the slaughter, by which 32 of the victims are media workers.

I will never forget that day when I have learned the grim realities of being a journalist, that my pen may soon

VICTORIES THEY SAY, COME WITH a high price, but the defeats more so. The strong and the brave never surrender battles willingly nor easily whether they win or lose. Rather, the fires of passion burn until they eat the last kindling of ability.

Hardly a soul is surprised when our own Fighting Maroons lose the basketball front. But as I stood behind the ring during the beginning of this season, clutching my camera near my chest, I felt the euphoria.

The level of ecstasy shared by the crowd was paralleled by nothing I’ve ever experienced in a large communal space. As every shot inched our basketball team further towards the first win of the season, I could never count how many good shots I missed that day; I, too, was carried away. I shouted incoherently as our team took shots, groaning and grunting as the opponents did so.

Twenty-seven consecutive losses in its darkest history. Then this season’s first victory and another one. Two victories after a series of long droughts.

So when the first defeat of the season came, hardly a soul was left

trickle blood if I will not serve the elite’s interests and choose to travel the path leading to the oppressed instead.

The harsh situation of the Lumads and media workers made me feel that the horrific Martial Law still remains, where guns are raised on journalists’ pens, and militarization and human rights violations still thrive in a country which most of the Filipinos claim to be “free.”

Just inside our university, such abuses persist in the form of Karen Empeño and Sherlyn Cadapan who have been abducted for nine years, and political prisoners Maricon Montajes, Guiller Cadano and Gerald Salonga who have been detained behind bars for unjustified and unproven reasons.

Our state gets even more depressing when the perpetrators in these human rights violations can easily get away from justice and move on, almost guilt-free, similar to what Jovito Palparan and Andal Ampatuan, Sr. just did. In our country that has no direct translation for the word impunity, it

unbroken. The celebration ended, cheering stopped, and a plethora of maybe-next-times flooded my newsfeed. You hear the one side of the stadium gradually becoming more quiet while the other revels in victory. And I know where my seat was. Everyone’s thinking it, yet everyone was delaying saying it until the last digit on the clock strikes zero. We lost, again.

It’s not merely the defeat but the shared defeat by us, Iskos and Iskas, compounded by each other’s expectations. Then I see it was more than a basketball game. Each is an opportunity to connect with the people and send a message. There lies the high cost of defeat: fighting until the clock runs out, the creeping inevitability, the futility hounding, looming like a beast, growing with each second.

We, Filipinos, have a grave tendency to cheer for the underdog. I barely differ. In my eyes, the game represented something more. It felt like the impossible made possible. And each loss after was a blow to that hope. But as an old adage says, it’s the

TODAY, I JOINED MY FIRST WALKOUT AND IT was awesome. And not just because I met new friends, but also because it was good exercise of the highest order.

Of course I harbor no romantic delusions that the crowd mobilized in those two days of protest was anywhere near as large as it ought to be. Neither do I claim that I have finally become a full-fledged activist like Anna, and “Groot,” my new friend who says he is willing to risk his “uno” standing in Math 17 if skipping a quiz means he could join the protest against the P2.2-billion budget cut.

But I have learned at least two things I would have missed if I had attended all my classes instead. First, student activism is something I would like to become a part of who I am. Second, many students feel the same way, despite the rumor of apathy among students in UP.

Since I entered UP a year ago, I have been consistently reminded by my older twin brothers that I have made a mistake when I chose not to join them in Ateneo. They say UP is a hotbed of activism (true), and that therefore it offers so many distractions to the tasks of scholarship (false). They also say the girls in Ateneo are prettier (also erroneous), but that is a different story that requires at least 500 more words.

“Go back to your molds and bacteria, little brother,” Elrohir told me when I proudly said I joined the walkout. What does Biology have to do with street protest anyway, Elladan wanted to know.

Well, everything, I said. How can I return to my specimens of “molds and bacteria” when studying them entails redundant laboratory fees that UP is forced to collect from me because the government refuses to give the national university what it needs to finance its operations? How can I stay inside the classroom when I know so many youth cannot even afford to enrol in UP and that their best chance is to get tuition discounts that are funded by wealthier students like me?

Even among those who have not joined a campus demonstration or any educational discussion organized by the militant student groups, there are echoes of these very same sentiments. My friend, whom I call Hermione for obvious reasons, says she is not ready to join a walkout, but she photocopied all her notes for the classes I missed just the same. “If there is another walkout, you have to be the one to stay in class and I expect you to do the same for me,” she told me when I tried to thank her.

Anna meanwhile claims she was not surprised when she saw me at the AS snake rally. “Akala ko lang kung sinong pogi. Ikaw lang pala. You’ve already lost five pounds when you stepped out of that classroom, just so you know,” she joked. Jokes are half-meant, I guess, which probably is the same as the hypothesis that I am now, in fact, 2.5 pounds thinner.

is ironic how we are among the top countries plagued by this culture.

Years continue to pass under the term of President Noynoy Aquino whose father has been a political prisoner himself, yet no concrete steps were done to speed up the trials of these abuses. How many more candles do we have to light up?

Living in a democratic country should entail freedom and enjoyment of our basic human rights. I hope that one day, we would do candle-lighting events not to condemn the injustices in the Philippines anymore, but to commemorate our victories in defending life and breaking free completely from impunity.

dark that makes light bright, and our fires are still burning.

The first win was the spark, and it has never died. We are still aglow with our support for our basketball team, merely waiting for the next match to stoke our fiery spirit.

We have already done it, we’ve shown what we’re capable of. We’ve shown we could become united at the battlefront, athletes and spectators alike.

Only through a united front can we succeed. It is with our unwavering support that our basketball team will continue rising. And it is with their support to fights outside the court that will lead them to bigger victories.

I will rival the basketball team’s unyielding fighting spirit with my own. My fist is stil l raised high. The bonfire is waiting.

The harsh situation of the Lumads and media workers made me feel that the horrific Martial Lawstill remains

I see it was more than a basketball game. Each is an opportunity to connect withthe peopleand senda message

Polo F. Imperial

Larger than Life

Page 11: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

SIPATEVERYDAY STRUGGLEJiru Rada

Pagsubang sa AdlawPagsubang sa Adlaw is an educational materials drive

for the benefit of Lumad children organized by the Pol Sci 196 class of UP Manila. The name is the Bisaya translation of “sunrise” which symbolizes the emergence of hope or light after a long night of suffering. Each educational pack is called a “bidlisiw” or a sunray. Each pack is a small ray of hope for the Lumad children.

This project is open to individuals and organizations/institutions outside UP Manila as well.

You can check the Facebook page of Pagsubang sa Adlaw for more details on how to donate. For inquiries/concerns, you may contact Sasa Montemayor (09273171241), Alyana Gutierrez (09275885631) or Mae Aviles (09236366208).

Ang Gerilya X

Manix X

BLKD

Abangan ang ACLE ng Philippine Collegian.

Sa Oct. 15 na! CFA Auditorium

"When midterms week does come, gods help us all if we're not ready!"The UP Sigma Alpha Sorority-Diliman proudly presents:BRACE YOURSELVES, MIDTERMS ARE COMING:

A Sigma Alpha bluebook-giving eventFrom September 29 to October 2, 1000 bluebooks

stamped with the Sigma Alpha Sorority's logo will be handed out to UP students. Those who will be able to get a stamped bluebook would be qualified to join "ReneGrade," a photo-liking contest (mechanics will be posted after the blue-book giving week) where finalists could bag cash AND other prizes!

So drop by our booth next week and get a free bluebook! See you there!

OPINYON 11Huwebes 1 Oktubre 2015

newsbriefs

policebriefs

sipat

TEXTback

PLAYBACK

EKSENANG PEYUPS

HALER HALER SA SANGKAYUPIHAN! ANEK NA mga besh kumusta ang semestre?! Kerigofight lang kahit laspag na ang beauty lalo na para sa ating mga athletes sa UAAP! Kaloka tindig lang nang tindig mga bakla (iykwim) susulong din ‘yan. Charot.

Anyhoo learn niyo na cheerdance na this Saturday. Ready na mga pompoms, ilabas na ang drums para sa mga pokpokita este pak na pak na chismax to da max only in Peyups!

Pampam #1: Parful itong grand mameshka ng isang dormitory for boys and beks! Kinabog ni gurl ang universe sa picture niya with the abs ni koyang pep. Pero mum di kinaya ng ganda ng sanlibutan ang mga sexcapades este escapades ni gurl sa kanyang haven in Peyups. Saya ng pepe, este ni Pepe. Chos.

Pampam #2: Iba din ang pokpokita levels ni koya: swipe left, swipe right itong Tinderella aka sawsawan ng (fish)balls. Haba naman ng baba este ng hair ni bakla abot hanggang School of Bekinomiks. Waley naman daw siyang jowangers kaya sexplore lang sa landilandia itong si bakla.

Pampam #3: Anek na di kinaya ng inyong kuletera ang “progressive” rollback sa tuishown sa ating pamahal nang pamahal na pamantasan! Kiss my proverbial balls pa more like that proverbial call charot. Anyhoo ikalma niyo muna feeling ko lang naman kering keri maging libre ng edukasyon dibuhhh.

O ayan kung di niyo kinaya ang mga chismax this edishun isigaw niyo nalang sa cheerdance ang inyong feels. UP Fight lang oki oki?!! Ikalma niyo sa acads pero walwal na sa CDC fighting marooooons!!!

TEXTBACK

newsbriefs

policebriefs

sipat

TEXTback

PLAYBACK

NEXT WEEK’S QUESTIONS:

Ipadala ang inyong mga sagot, opinyon at komento sa Kule! Itype ang KULE <space> STUDENT NUMBER <space> PANGALAN at kurso at ipadala sa

Paano masosolusyunan ang problema sa matrikula ng mga iskolar ng bayan?

1 Bigyan ng campaign line ang bet mong manalong pangulo para sa 2016 national election.

2

09173759821

POMPOMS & PAMPAMS EDISHUN!

newsbriefs

policebriefs

sipat

TEXTback

PLAYBACK

NEWSCANAnong masasabi mo sa isinagawang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA?

Ang kilos-protesta ng INC ay isang protestang hindi naka base sa intelektwal na pamamaraan bagkus sa isang lider na tinuturing "pinili" ngunit hindi marunong gumalang sa sariling batas at Konstitusyon. Ang mga kasapi naman nito, sa paglahok sa sinabing rally, nagpapahiwatig ng kamang-mangan sa isyu at kawalang respeto sa nakakarami. Ang bawat karapatan ay may limitasyon. Ang relihiyong hindi marunong sumunod sa batas ay huwad! 200*-4*19*

Ang masasabi ko sa kilos protesta ng INC *some text missing* Pagpalain sila ng Diyos. Salamat din sa Collegian kung mapublish ito. *some text missing* 2012-21271 BA HistPara kanino ka tumitindig at sumusulong?

Tumitindig ako at sumusulong para sa bawat Iskolar ng Bayan na ipinakikipagbaka ang kanilang karapatan sa abot-kayang edukasyon laban sa komersyalisasyon at mahal na matrikula sa pamantasan! (Gusto ko po sumali ng kule!!!!!) 2015-11*** Puyos BS Chemistry

KULE Tumitindig at sumusulong ako para sa mga magulang ko! Sila ang inspirasyon ko kaya hindi ako sumusuko kahit sukong-suko na ako sa unang buwan ko palang dito sa unibersidad. Kung nahihirapan ako, alam kong mas mahirap mag-trabaho para lang paaralin ako. Kaya be thankful, mga isko at iska! Kaya natin 'to! 2015-03146 G. Santos BA Business Economics

Hydrocephalus Center at the National Children’s Hospital (August 2015)

CONTACT US! Email us at [email protected]. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX,NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details

U

Page 12: Philippine Collegian Tomo 93 Issue 3

G U I A A B O G A D O a t C H E S T E R H I G U I T

Dibuho nina John Kenneth Zapata at Joshua Stark Rioja Disenyo ng Pahina ni John Reczon Calay

Isa ka bang buencamino o isang luna?

Sagutin ang mga katanungang ito upang malaman kung sinong historical figure ang babagay sa iyo.mamili ka!

1. Inanyayahan ka na sumali sa Walk-out laban sa Budget cut, pero may acads ka pa. Anong gagawin mo? A. Wala akong panahon sa mga bagay na hindi ko kayang panindigan. (0 points) B. Bigyan mo ako ng tatlong araw. (5 points) C. Kailangan nating magbayad ng pawis at dugo. Tsaka kaunting study time lang naman. (10 points)

6. Pilit na isinisiksik ng mga pulitiko ang Pork Barrel sa pambansang badyet. Anek? A. Kailangan ng mga pulitiko ang prok para sa proyekto nila. Chill naman, bro. (0 points) B. Diba’t tapos na ang isyu na yan dahil dineclare na na unconstitutional? (5 points) C. Bayan o sarili? Pumili ka! (10 points)

7. Nagkalat pa rin ang mga trapo at mga nagbabalak tumakbo sa susunod na pambansang eleksyon. A. Wala kang alam sa pulitika. (0 points) B. Ayos ’yan, dumarami ang bilang ng mga naglilingkod sa ating gobyerno. (5 points) C. Kung mayroon tayong ganito sa ating gobyerno, hindi na natin kailangan ng kaaway. (10 points)

8. Anong masasabi mo sa naging pahayag ni Winnie Monsod ukol sa mga Lumad? A. It’s true naman diba? (0 points) B. Ano ba yang Lumad na yan? Nakita ko lang sa FA wall during the Ikot ride. (5 points) C. Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi? Nakakapagod. (10 points)

9. Handa na ba tayo sa K-12 at ASEAN Integration? A. Yes. Mapapalawak natin ang ating ekonomiya kung makikipagkalakal tayo sa kanila. (0 points) B. Hindi ko ipinagbibili ang aking mga kababayan. (5 points) C. Mas magandang mamamatay sa bayan kaysa magpasailalim sa kapangyarihan ng mga dayuhan. (10 points)

10. Hindi na raw uso ang nasyonalismo? A. In reality, I don’t care. As long as business is good right? (0 points) B. Oo naman! Dami ko ngang ”Proud to be Pinoy” shirts eh. (5 points) C. Paano mo nasisikmuraang sambahin ang mga dayuhan kung alipin tayo sa sarili nating bayan? (10 points)

2. STS daw ang sagot sa pagbibigay ng abot-kayang edukasyon. Ano say mo? A. Yes. Kaibigan natin ang STS. (0 points) B. Ooookay na yuuun! Buti nga may discount eh. (5 points) C. Kompromiso? Magbubulag-bulagan ba tayo? (10 points)

3. Ang sabi nila, mag-appeal ka na lang na ibahin ang bracket mo sa STS. Anong sagot mo? A. Why would I have to? (0 points) B. Keri na ’yun basta may discount. (5 points) C. Para tayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng isang puta! (10 points)

4. Anong masasabi mo sa UP administration sa pagpapapasok ng mga pribadong kompanya at negosyo sa pamantasan tulad ng UP TechnoHub at UP Town Center? A. Great! Mas maraming malls, mas maraming tambayan at kainan. (0 points) B. Ayos ’yan, para sa ikauunlad ng pamantasan. (5 points) C. Negosyo o pag-aaral? (10 points)

5. Late ka na naman sa 8:30 AM class mo. Bakit ba kasi sobrang trapik? A. It’s because maraming Filipinos like me ang nagda-drive ng kotse. Hindi ba sign ng pag-unlad yun na marami nang sosyal? (0 points) B. Hindi kasi gumana yung ”sequestering” speech ko eh. (5 points) C. Ayaw kasi pagtuunan ng pansin ng mga pulitiko, as if hindi sila apektado. Eh walang nakakaangat sa trapik, kahit presidente. (10 points)

Tingnan dito ang resulta:

0-25 26-50 51-75 76-100

FELIPE BUENCAMINOSarili mo lang ang iniisip mo.

EMILIO AGUINALDOAng diwa mo ng nasyonalismo aypanlabas lamang na parang flat at

nakatayo niyang buhok.

APOLINARIO MABINIPinagkalooban ka ng kaalaman at prinsipyo na lumaban sa kabila ng kaniyang kapansanan. Sabi nga ng

isang netizen: “Bakit nakaupo lang?”

ANTONIO LUNAKasing-fierce ng bigote niya

ang iyong paninindigan.