15
-Nilham Cordon- -Elyda Katreena C. Espino- -PI 100- -G. Henry Sampilo-

PI 100 Chapter 5

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pag-aaral ni Rizal sa UST

Citation preview

Page 1: PI 100 Chapter 5

KAB

-Nilham Cordon--Elyda Katreena C. Espino-

-PI 100--G. Henry Sampilo-

Page 2: PI 100 Chapter 5

KABANATA 5 –PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-1882)

Pagtutol ng Ina sa Mataas na Paaralan

Pagkatapos mag-aral sa Ateneo ng may pinakamataas na karangalan, nagtungo na nga siya sa UST upang mag-aral. Noon, ang batsilyer ng sining ay katumbas lamang ngayon ng mataas na paaralan at isang taon sa kolehiyo. Noon ay isa lamang kuwalipikasyon para makapasok sa isang unibersidad. Kapwa nais ni Don Francisco at Paciano na pumasok si Jose sa isang unibersidad ngunit si Dona Teodora ay laging naalala ang nangyari sa Gomburza at tumututol sa pagpasok ni Jose. Sinabi nya sa kanyang asawa “Huwag mo na syang ipadala sa Maynila; marami na syang alam. Kung mas marami pa ang kanyang malalaman, tiyak na mapupugutan sya ng ulo. Sa kabila ng pagtutol na ito ni Dona Teodora ay ipinasama pa rin ni Don Francisco si Jose kay Paciano. Maging si Jose ay nagulat sa pagtutol na ito ng Ina dahil alam nya kung gaano nito pinapahalagahan ang edukasyon. Naisulat ni Jose sa kanyang dyornal na “Kinutuban na kaya noon ang aking ina sa kahihinatnan ko? Lagi nga kayang batid ng ina ang mangyayari sa anak?”

Pumasok si Rizal sa Unibersidad

Noong Abril 1877, pumasok si Rizal na noon ay maglalabing anim na taong gulang sa UST para sakursong Pilosopiya at Sulat dahil:

1. Ito ang gusto ng kanyang ama 2. Hindi pa sya sigurado sa magiging karera nya

Sumulat sya at himingi ng payo kay Padre Pablo Ramon, Rektor ng Ateneo na naging mabuti sa kanya habang nag-aaral sya roon. Nasa Mindanao noon ang padre Rektor kaya hindi sya napayuhan kaagad. Kaya noong Unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-1878) ay nag-aral si Rizal ng kosmolohiya, metapisika, teodosiya at kasaysayan ng Pilosopiya. Nang sumunod na taon ay natanggap na ni Rizal

Page 3: PI 100 Chapter 5

ang payo ni Padre Rektor ng Ateneo na medisina ang mainam na kurso para sa kanya. Noon din ay nagenrol siya sa mga kursong paghahanda sa medisina. Gusto ito ni Rizal dahil ninanais niyang magamot ang pagkabulag ng kanyang ina.

Tinapos ang Kurso ng Pagsasarbey sa Ateneo

Noong unang taon ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas ay nag-aral din sya sa Ateneo. Kung saan ay kumuha siya ng kursong bokayunal na nagbigay sa kanya ng titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Nanguna si Rizal sa lahat ng asignatura ng pagseserbey at nagkamit sya ng gintong medalya sa agrikuktura at topograpiya. Sa edad na 17 ay naipasa nya ang eksamen sa kursong pagseserbey ngunit hindi kaagad naigawad sa kanya ang titulong agrimensor dahil wala pa sya sa edad. Naibigay lamang ito noong Nobyembre 25, 1881.

Bagaman tomasino, madalas pa ring dinadalaw ni Rizal ang Ateneo. Hindi lamang dahil kasalukuyan siyang nag-aaral dito, kundi dahil sa mga magaganda niyang alaala, at kung saan ang mga Heswitang propesor ay nagmamahal sa kanya at hindi katulad ng mga Dominiko. Patuloy rin siyang naging aktibo at naging opisyal pa sa mga organisasyon sa Ateneo katulad ng Akademya ng Literaturang Espanyol kung saan siya naging pangulo at kalihim sa Akademya ng mga Likas na Agham. Naging kalihim naman siya sa Kongregasyon ni Maria.

Mga Pag-ibig ni Rizal

Abala man sa pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at mga gawain sa Ateneo, may panahon pa rin si Rizal para sa pag-ibig. Isa siyang pangaraping romantiko na gusto ring “makatikim ng pag-ibig”. Ang malungkot niyang karanasan sa unang pag-ibig ay nakatulong para matutunan niyang mas maging mas matalino sa larangan ng pag-ibig.

Pagkaraang matapos ang pag-ibig nila ni Segunda Katigbak ay niligawan niya ang isang dalagang taga-Calimba. Tinawag niya ito

Page 4: PI 100 Chapter 5

bilang si “Binibing L.” sa kanyang talaarawan at inilirawan niya ito na “maganda at may kahali-halinang mga mata”. Matapos na ilang beses na dalawin sa tahanan ang nasabing dalaga ay inihinto na niya ang kanyang panliligaw at tuluyan nang namatay ang kanilang pag-iibigan. Hindi na nalaman ng kasaysayan kung sino ang dalagang ito dahil hindi na sinabi ni Rizal kung sino ito at wala rin naming nakakaalam. Gayunman, sinabi ni Rizal ang dalawang dahilan kung bakit nagbago ang isip niya:

1. Iniibig pa rin niya si Segunda2. Hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni “Binibining L.”

Pagkaraan ng ilawang buwan noong ikalawang taon niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ay nangupahan si Rizal sa bahay ni Dona Concha Leyba sa Intramuros. Naging kapitbahay niya sina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela ng Pagsanjan, Laguna na may magandang anak na babae na si Leonor. Niligawan niya si Leonor Valuenzela, na isang matangkad na babae na may

magandang tindig. Gamit ang kanyang husay sa kimika, pinadadalhan niya si Segunda ng liham ng pag-ibig na naksulat sa tintang hindi nakikita. Ang tinta ay gawa sa ordinaryong asin at tubig. Itinuro niya kay Leonor na may palayaw na Orang kung paano ito basahin, pinapainit ito sa ibabaw ng kandila o lampara upang lumitaw ang mga salita. Ngunit, katulad ng kay Segunda ay tumigil din siya sa panliligaw kay Orang.

Ang sumunod naman niyang pag-ibig ay isa pang Leonor – si Leonor Rivera na pinsan niyang taga-Camiling. Noong simula ng kanyang ikatlong taon sa Unibersidad ng Santo Tomas ay tumira siya sa Casa Tomasina sa Blg.6 Kalye Santo Tomas, Intramuros. Ang may-ari ng bahay ay tiyuhin ni Rizal na si Antonio Rivera na may magandang anak na babae na

estudyante sa Kolehiyo ng La Concordia, kung saan nag-aaral din ang bunsong kapatid ni Rizal na si Soledad. Si Leonor ay maganda, “mayumi gaya ng

Page 5: PI 100 Chapter 5

namumukadkad na bulaklak, na may mabuting mata”. Nagkasundo sila Leonor at Rizal at nabuo ang kanilang pag-iibigan. Sa mga liham ni Leonor kay Rizal ay “Taimis” ang inilalagdang niyang ngalan upang maitago nila ang kanyang relasyon sa mga magulang at kaibigan.

Biktima ng Kalupitan ng mga Espanyol

Nang si Rizal ay nasa unang taon sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas ay naranasan niya ang kalupitan ng mga Espanyol. Isang gabi noon ay naglalakad siya sa kalsada sa Calamba at hindi niya napansin ang isang Guardia Civiles na nadaanan niya at hindi niya ito nasaladuhan at nabati ng “Magandang Gabi”. Nagalit ito at hinarap si Rizal, hinampas ng kanyang espada at sinaktan ang likuran. Hindi naman nagging malubha ang mga sugat ni Rizal ngunit nasaktan siya.

Isinuplong niya ang nangyaring insidente kay Heneral Fernando Primo De Rivera na Espanyol na Gobernador-Heneral noong mga panahong iyon ngunit walang nangyari sa kanyang reklamo sapagkat siya’y isang indio at Espanyol ang mapang-abusong tenyente. Kalaunan, sumulat siya noong Marso 21, 1887 kay Blumentritt at sinabi niyang “Nagpunta siya sa Kapitan-Heneral ngunit wala siyang natamong katarungan; gumaling ang aking sugat sa loob ng dalawang linggo”.

“Para sa Kabataang Pilipino” (1879)

Noong 1879, nagkaroon ng paligsahan ang samahan sa Liceo Artistico-Literaro ng Maynila na mahilig sa sining at panitikan. Naglaan ito ng gantimpala para sa pinakamagandang tulang isinulat ng isang katutubo o mestizo. Si Rizal na noo’y 18 taong gulang ay nagsumite ng kanyang tulang pinamagatang “A La Juventud Filipina” (Para sa Kabataaang Pilipino). Ang mga hurado ng nasabing patimpalak na binubuo ng mga Espanyol ay humanga sa tula ni Rizal at iginawad sa kanya ang unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis-pakpak at may dekorasyon na gintong laso. Nagdulot ito ng lubos na kasiyahan sa batang si Rizal at taos puso siyang binate ng mga dati niyang propesor sa Ateneo, mga kaibigan at kamag-anak.

Page 6: PI 100 Chapter 5

Ang nagwaging tula ni Rizal ay nagbibigay inspirasyon. Hiniling dito ni Rizal sa mga kabataang Pilipino na imulat ang kanilang mga mata sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran, hayaang pumailanlang sang kanilang talino sa sining at agham at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao. Ang tulang ito ni Rizal ay isang klasiko sa panitikang Filipino dahil:

1. Isa itong napakagandang tula sa Espanyol na isinulat ng isang Pilipino, na kinilala ng mga awtoridad sa panitikan na mga Espanyol

2. Ipinahayag sa tulang ito sa kauna-unahang pagkakataon ng isang Pilipino at hindi mga dayuhan ang konsepto ng pagiging makabayan, na ang kabataan ang siyang “pag-asa ng bayan”.

Para sa Kabataang Pilipino

Tema: “Lumago ka, Kiming Bulaklak”

Taas-noong tumindig ka,O kabataan, saanman naroon,

Hayaan ang liwanagNg magandang bukas ay Makita,

Ikaw na pag-asa ng bayan!

Halina, ikaw na tunay na henyo,At bigyan ng inspirasyon:

Sa tulong ng mapagpalang kamay,Magsahangin ka nga’t ilipad

Ang aming isipan nang magkataas-taas

Bumaba kang kasama ang liwanagNg sining at agham, dunong na tunay,

O kabataan, kilos at kalaginAng tanikalang gumagaposSa iyong diwa at kaluluwa

Masdan ang lumiliyab na putongSa gitna ng mga aninong naglipana,

Mapagpalang kamay ng Inang Bayan

Page 7: PI 100 Chapter 5

Putong niya’y marikit na koronaDakilang alay niya sa lupaing ito

Panahon na upang ika’y makabangonIyong bagwis na papagal pagal

Sa paghahanap ng langit ng OlympiaMga awiting pagkatamis-tamis,

Mas malamyok pa sa patak ng ulan

Ikaw, na ang dakilang tinigAng mas mairog kaysa PilomelSa gabing tahimik, malungkotIkaw ang siyang tanging lunas

Ng mga kaluluwang nagdudusa

Ikaw, na ang diwa ay matalasGinigising, binubuhay, aking isipan;

At ang alaalang nagpapalinawSa iyong henyong ilaw

Tunay na lakas ng isang immortal.

At ikaw, ang diwang malinawNa mahal nina Pebo at Apollo;

Ang kanilang kayang mahiwagang kamayAng siyang kumakalinga, umaayosSa kalikasan na nasa ‘yong kanbas?

Humayo ka’t pagliyabin ang apoyNg iyong henyo nang mangarap ng lawrel;

Kailangang maipamahagi ang apoy,Nang makamit yaring tagumpay,

Para sa mas nakakarami sa ating lahi.

Araw, o masayang araw,Mahal kong Pilipinas, aking bayan!

Basabasan mo kami’t alagaanNgayon at magpakailanman,

Page 8: PI 100 Chapter 5

Tungo sa maunlad na kinabukasan.

“Ang konseho ng mga Diyos” (1880)

Nang sumunod na taon (1881), nagkaroon muli ng panibagong paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes na isang dakilang manunulat at awtor na Espanyol. Maraming sumali sa patimpalak at naging inspirasyon ni Rizal ang pagwawagi niya noong nakaraang taon upang sumali. Isinumite niya ang kanyang dulang alegorikal na pinamagatang El Consejo de los Dioses (Ang konseho ng mga Diyos).Pagkatapos ng deliberasyon ng mga hurado na binubuo ng mga Espanyol ay iginawad nila ang unang gantimpala kay Rizal sapagkat ito ang may pinakamahusay na pagkakasulat na mahigpit na tinutulan naman ng komunidad ng mga Espanyol sa Maynila dahil ang nagwaging awtor ay isang Indio.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isang Indio ang nanguna sa isang pamabansang paligsahan sa panitikan at tinalo ang maraming manunulat na Espanyol. Lubos ang kasiyahan ni Rizal dahil napatunayan niyang hindi totoong mga Espanyol lamang ang nakakahigit sa anumang larangan dahil kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga katutubo ay maipapakita nilang maari silang itapat sa anumang lahi.

Iba Pang Pampanitikang Gawain

Bukod sa dalawang nagwaging trabaho ni Rizal na “A la Juventud Filipina” at “El Consejo los Dioses” ay nakagawa pa rin siya ng mga tula at isang sarswela. Ito ay ang “Junto Al Pasig” (Sa Tabi ng Pasig) na itinanghal ng mga atenista noong Disyembre 2,1880. Isinulat niya ito ng siya ay Pangulo ng Akdemya ng Literatura ng Espanyol sa Ateneo.

Hindi naman ganoon kaganda ang sarswelang ito pero may mga bahagi ito na nagpahayag ng sitrika ng mga makabayang ideya ng awtor.

Noong 1879, nilikha niya ang tulang “Abd-el-Azis y Mahoma” na binigkas ng isang atenista na si Manuel Fernandez noong gabi ng Disyembre 8, 1879. Noong 1880, sinulat niya ang “A Filipinas” na isang sonata kung saan hinihikayat ang mga

Page 9: PI 100 Chapter 5

artistang Pilipino na magbigay ng dangal sa Pilipinas at ito ay para sa album ng samahan ng mga iskultor.

Noong 1881 ay isinulat niya ang “Al M.R.P. Pablo Ramon” na isang tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon na isang rector ng Ateneo na naging mabuti at matulungin sa kanya.

Pagbisita ni Rizal sa Pakil at Pagsanjan

Noong Mayo 1881, si Rizal ay sumama sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil kasama ng mga kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad at mga kaibigang babae. Sumakay sila sa kasko mula Calamba papuntang Pakil, Laguna at tumuloy sa mag-asawang Manuel Regalado na magulang ng kanyang kaibigan na si Nicolas.

Sa Pakil ay nabighani siya kay Vicenta Ybardaloza na mahusay tumugtog ng Alpa sa tahanan ng mga Regalado. Nagdaan sila sa Pagsanjan dahil sa:

1. Dahil dito ipinanganak si Leonor Valuenzela na naging kasintahan niya.

2. Upang Makita ang talon ng Pagsanjan na kilala sa buong mundo.

Binanggit niya ang turumba sa Kabanata VI ng Noli Me Tangere at Talon ng Pagsanjan sa kanyang talaarawan sa Estados Unidos noong Mayo 12, 1888.

Kampeon ng mga Estudyanteng Pilipino

Page 10: PI 100 Chapter 5

Si Rizal ang kampeon ng mga estudyanteng Pilipino na madalas mapaaway sa mga mayayabang sa estudyanteng Espanyol dahil hindi nila matanggap na nahihigitan sila ng isang Pilipino kaya inininsulto nila ito at tinatawag na “Indio Chongo”. Bilang ganti, “Kastilang Bangus” ang tawag sa kanila ng mga Pilipino kaya nauuwi ito sa pag-aawayan.

Nakasama rin si Rizal sa mga pag-aaway na ito at nakilala siya sa mga away na iyon dahil siya ay matapang at nakapagsanay sa pag-eeskima at wrestling. Noong 1880 ay itinatag niya ang lihim na samahan sa Unibersidad ng Santo Tomas na “Companerismo” (pagsasamahan) at “Kasama ni Jehu" naman ang tawag sa mga kasapin nito. Siya ang pinuno ng nasabing samahan at ang pinsan naman niyang si Galicano Apacible na taga-Batangas ang kalihim.

Minsan ay nasugatan si Rizal sa ulo dahil sa pakikipaglaban sa Escolta sa Maynila at duguan siya na nababalutan ng alikabok. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa inuupahang bahay at ginamot siya ni Leonor Rivera.

Malulungkot na araw sa Unibersidad ng Santo Tomas

Hindi naibigan ni Rizal ang atmospera ng edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas at hindi rin siya masaya si institusyong dominiko sapagkat:

1. Hindi maganda ang tingin sa kanya ng dominikong propesor2. Mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino3. Sina-una at mapang-api ang sistema ng pagtuturo

Inilarawan niya sa kanyang nobelang El Filibusterismo kung paano hiyain at insultuhin ng mga dominikong propesor ang mga Pilipino. Ipinakita rin niya ang sina-unang sistema ng pagtuturo lalo na sa larangan ng pagtuturo ng mga likas na agham.

Dahil sa ganitong ugali ng kanyang mga propesor ay hindi siya nagkamit ng mataas na karangalan at hindi rin kahanga-hanga ang mga nakuha niyang marka sa apat na taon ng pag-aaral niya ng medisina.

Desisyong Makapag-aral sa Ibang Bansa

Page 11: PI 100 Chapter 5

Matapos ang ika-apat na taon niya sa kursong medisina ay nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya. Hindi na niya makayanan ang malawakang panlalait, diskriminasyon at pagkapoot sa Uinbersidad ng Santo Tomas. Agad naman siyang pinayagan ng mga kapatid at ilang mga kamag-anak at kaibigan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi siya humingi ng permiso at basbas ng mga dahil alam niyang hindi ito papaya lalo na sa kanyang ina. Maging ang kasintahan na si Leonor at mga awtoridad na Espanyol ay walang kaalam-alam sa kanyang pasya na mangibang bayan para magpatuloy ng kanyang pag-aaral sa Medisina sa Espanya, kung saan ang mga propesor doon ay mas liberal kaysa sa Unibersidad ng Santo Tomas.