8
FREE NEWSPAPER January 2014 Second Issue FOOD TRIP AT HOME ARTS & TRAVEL CANADA NIYANIG NG FROST QUAKE DON MARIANO KANSELADO DRAMA NG MGA SIRENA, BIBIDA SA MGA TELESERYE IKA NGA NI KONSUL BAGONG TAON Pahina 6. Putaheng gulay ng norte Pahina 5. family of visual artists ANG IBA'T IBANG KLASEND "WIFE" SA SHOWBIZ BUSINESSWOMAN TINAMBANGAN PATAY NIAGARA FALLS NAG YELO! P atay si Arlene Garcia, 39 an- yos na isang business mana- ger ng Tiger King Trading nang pagbabarilin ang kanyang sinasakyang kotse na may plate num- ber ZJC 887. Dalawang 'di pa nakikilang gunmen na sakay ng isang motorsiklo ang walang-awang nagpaulan ng bala sa kotse ni Gracia sa Calle Industria Barangay Bagumbayan, Libis Quezon City. Na-recover ang mga walang laman na bullet slugs galing sa .45 caliber na baril. I lang bahagi ng Niagara Falls na nasa pagitan ng US at Canada ang na- gyelo bunga ng kasalukuyan nilang nararanasang Arctic Chill sa hilagang bahagi ng Amerika at Canada. Kapag sinabing ang isang lugar ay dumadanas ng arctic chill, ikinukumpara ang lamig nito sa surface ng planetang Mars na may mas mababa pang temperatura. Ang gitnang-kanlurang bahagi ng America kung saan naroon ang Niagara Falls ay nakakaranas na ng nang mas mababa pang temperatura. Ayon sa isang meteorologist na si John Rozbicki ng National Weather Ser- vice, hindi tuluyang nagyelo ang Niaga- ra Falls kundi may ilang bahagi lamang nito ang nagkaroon ngunit ang tubig nito ay patuloy pa rin dumadaloy at ang mga sinasabing yelo na naglabasan sa mga social media sites ay mist lamang ng napakalamig na tubig. Dagdag pa niya: “Niagara Falls has too much water to completely freeze over. But it has on several occasions formed an ice bridge over the lake, which is located beneath the water- falls.” N ilampaso ng 47 anyos na si Rose Fostanes, isang care- giver sa Israel ang kanyang mga katungali na sina Eden Ben Zaken (Girls category) at Ori Shakiv (Boys category) nang bumirit siya ng sarili niyang rendition ng kantang “My Way” sa Final Showdown ng X-Factor Israel noong nakara- ang Enero 14. Standing ova- tion ang naging hatol nila mula sa mga judges na sina rock singer Rami Fortis, singer and composer Moshe Peretz, pop singer Ivri Lider at si Maimon. Nagkaroon din sila ng duet ng kanyang mentor na si Maimon at kinanta ang If I Ain’t Got You ni Alicia Keys. “I really can’t believe I’m really here now. To all the Filipi- nos and Israelis who supported me, thank you so much” ani Rose pagkatpos ng patimpalak. Hindi inasahan ni Rose na makukuha niya ang boto ng mga Israeli dahil na-stereotype ang mga Pinoy na nagtratra- baho lang bilang mga katulong at pagiging caregiver. Dumalo sa final ang kapatid ni Rose na si Nancy at kanyang partner na si Mel Adel. PINAY CAREGIVER WAGI SA X-FACTOR ISRAEL PISTA NAZARENO NG DINUMOG NG MGA DEBOTO

Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

Embed Size (px)

DESCRIPTION

The Pinoy Chronicle January 2014 second issue

Citation preview

Page 1: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino

FREE NEWSPAPERJanuary 2014 Second Issue

FOOD TRIP AT HOME ARTS & TRAVEL

CANADA NIYANIG NG FROST QUAKE DON MARIANO KANSELADO

DRAMA NG MGA SIRENA, BIBIDA SA MGA TELESERYEIKA NGA NI KONSUL BAGONG TAON

Pahina 6. Putaheng gulay ng norte Pahina 5. family of visual artists

ANG IBA'T IBANG KLASEND "WIFE" SA SHOWBIZ

BUSINESSWOMAN TINAMBANGAN PATAY

NIAGARA FALLS NAG YELO!

Patay si Arlene Garcia, 39 an-yos na isang business mana-ger ng Tiger King Trading

nang pagbabari l in ang kanyang sinasakyang kotse na may plate num-ber ZJC 887. Dalawang 'di pa nakiki lang gunmen na sakay ng isang motorsiklo ang walang-awang nagpaulan ng bala sa kotse ni Gracia sa Calle Industria Barangay Bagumbayan, Libis Quezon City. Na-recover ang mga walang laman na bullet slugs galing sa .45 caliber na baril.

Ilang bahagi ng Niagara Falls na nasa pagitan ng US at Canada ang na-gyelo bunga ng kasalukuyan nilang

nararanasang Arctic Chill sa hilagang bahagi ng Amerika at Canada. Kapag sinabing ang isang lugar ay dumadanas ng arctic chill, ikinukumpara ang lamig nito sa surface ng planetang Mars na may mas mababa pang temperatura. Ang gitnang-kanlurang bahagi ng America kung saan naroon ang Niagara Falls ay nakakaranas na ng nang mas mababa pang temperatura.

Ayon sa isang meteorologist na si John Rozbicki ng National Weather Ser-vice, hindi tuluyang nagyelo ang Niaga-ra Falls kundi may ilang bahagi lamang nito ang nagkaroon ngunit ang tubig nito ay patuloy pa rin dumadaloy at ang mga sinasabing yelo na naglabasan sa mga social media sites ay mist lamang ng napakalamig na tubig. Dagdag pa niya: “Niagara Falls has too much water to completely freeze over. But it has on several occasions formed an ice bridge over the lake, which is located beneath the water-falls.”

N i l a m p a s o n g 4 7 a n y o s na s i Rose Fostanes, isang care-

giver sa Israel ang kanyang mga katungali na sina Eden Ben Zaken (Girls category) at Ori Shakiv (Boys category) nang bumiri t siya ng sari l i niyang rendition ng kantang “My Way” sa Final Showdown ng X-Factor Israel noong nakara-ang Enero 14. Standing ova-tion ang naging hatol nila mula sa mga judges na sina rock

singer Rami Fortis, singer and composer Moshe Peretz, pop singer Ivri Lider at si Maimon. Nagkaroon din si la ng duet ng kanyang mentor na si Maimon at kinanta ang If I Ain’t Got You ni Alicia Keys. “I really can’t believe I’m really here now. To all the Filipi-nos and Israelis who supported me, thank you so much” ani Rose pagkatpos ng patimpalak. Hindi inasahan ni Rose na makukuha niya ang boto ng

mga Israeli dahil na-stereotype ang mga Pinoy na nagtratra-baho lang bilang mga katulong at pagiging caregiver. Dumalo sa final ang kapatid ni Rose na si Nancy at kanyang partner na si Mel Adel.

PINAY CAREGIVER WAGI SA X-FACTOR ISRAEL

PISTA

NAZARENONG

DINUMOG NG MGA DEBOTO

Page 2: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

2 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng PilipinoPinoy-localPAge 2 JANUARY 2014 SECOND iSSUE

pinakamalamig na temperatura naranasan sa kyusi at baguio

kahabaan ng commonwealth tinaguriang "killer highway"

don mariano transit kanselado na ang prangkisa

Bantang pagsakop ng China sa Pag-asa Islands pinangangambahan

PISTA NG NAZARENO 2014

Naitala noong nakaraang Enero 12 ang pinaka-malamig na umaga sa magkaibang lugar ng Quezon City at Baguio City. Umabot ng

19.2 antas sentigrado ang temperatura sa Quezong City at 9.6 antas sentrigrado naman sa tinaguriang summer capital of the Philippines ang Baguio City.Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa kasaysayan. Ayon kay Mel Duque ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administra-tion (PAGASA), patuloy na mararanasan ang malamig na panahon hanggang unang linggo ng Pebrero, hindi ba’t sakto sa buwan ng pag-ibig. Dagdag pa ng PAGASA mas lalong makakaranas ng malamig na panahon ang kapuluan ng Luzon at Visayas dahil sa hanging amihan na nagmumula sa hilagang silangan.

Muli na naman dinagsa ng milyun-milyong deboto ang Quiapo Church para sa taunang Pista ng Nazareno. Tinatayang 10M mga deboto ang dumalo rito na kung saan ang lahat ay umaa-

sang makakahawak sa Poon Nazareno upang mabiyayaan sila nang malakas na pangangatawan, ilayo sa mga sakit at mapagaling sa mga ini-indang karamdaman. Kilala ang Poon Nazareno na patron na nakakapag-pagaling ng anumang karamdaman kapag naihaplos ang kahit anung pu-ting panyo o labakara rito.

Ito ang ika-anim na taon mula nang ilipat ang translasyon ng Poon Nazareno sa Quirino Grandstand upang mas maraming tao ang mag-karoon ng pagkakataon na makalapit at makahaplos dito. Kung dati’y sinisimulan ang prusisyon sa Quiapo Church at dumadaan lamang ito sa paligid ng Quiapo ngayong taon ay idinaan ito sa Jones Bridge na may lay-ong 6.75km ang haba. Taong 2012 naman nang maitala ang pinakama-habang oras ng prusisyon na umabot nang 22 oras nang masira ang isa sa mga gulong ng andas.

Sinimulan ang Pista ng isang misa sa Quirino Grandstand na pina-ngungunahan ni Manila Archibishop Luis Cardinal Tagle bago ang pru-sisyon pabalik sa Basilica Minore ng Quiapo. Sa homilya ni Tagle hinikayat niya ang lahat ng Katoliko na iwasan na ang korupsyon kung saan ang bansa ay patuloy na nasasadlak sa mga pang-aabuso ng kapangyarihan ng bawat isa mapa-gobyerno man o pri-badong sektor. Pagtatapos ni Tagle, may tatlong payo siya sa mga deboto ang magda-sal, sumunod at maging saksi sa mga aral ni Hesukristo.

Muli na namang may nakitil na buhay sa tina-guriang "killer highway", ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Isang empleyado ng Bureau of Customs na nag-ngangalang Alfonso Mallari ang sa kasawiang palad ay binawian ng buhay nang bumangga ang kanyang sina-sakyang Honda Civic sa silangang bahagi ng highway malapit sa Sandiganbayan. Ang kalunos-lunos doon ay nang bumangga ang kotse ni Mallari sa center island ay inararo naman nito ang iba pang mga sasakyan na nagdulot ng matinding trapiko sa kahabaan ng Commonwealth. Agad naman isinugod sa East Avenue Medical Center ngunit binawian din ito agad ng buhay. Ayon sa imbestigasyon, maaaring nakatulog si Mallari habang nagmamaneho na tumatakbo nang mabilis. Ang kahabaan ng Commonwealth Avenue na may 16 lanes o 12.4km highway ay tinawag na “killer highway” sa Metro Manila dahil sa dami ng mga naaksidente rito kung saan ang 60 kph na bilis ng takbo ay pinaabot na hang-gang Doña Carmen Avenue noong nakaraang Pebrero.

Kinansela na ng Land Transportation Franchising and

Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Don Mariano

Transit bunsod ng naganap na aksidente noong nakara-

ang Disyembre sa Skyway na ikinasawi ng 21 katao.

Ayon kay LTFRB chairman Winston Ginez ay pinawalang bisa

na o ni-revoke na ang Certificate of Public Convenience ng Don

Mariano Transit.

“With all the pieces of evidence submitted, gathered and dis-

cussed, there is no doubt that Don Mariano Transit Bus Corpora-

tion has repeatedly failed to comply with the terms and condi-

tions of the CPCs granted to it” ani Ginez.

Umalma naman ang iba pang bus drivers, conductors, me-

chanics at lahat ng empleyado ng Don Mariano na mawawalan

na ng trabaho dahil sa pagkansela ng prangkisa nito.Samantala,

bagaman humihingi ng motion for reconsideration ang legal

counsel ng Don Mariano, tila hindi na mababago ang desisyon ng

LTFRB board.

Mukhang kamay na bakal na ang ipapatupad ng LTFRB at

nagbabala pa sa iba pang mga bus company na lalabag sa mga

patakaran nito.

IKINABABAHALA ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng House De-fense Committee ang mga hakbang ng

China na humahamon sa soberanya ng Pili-pinas. Kasunod ito ng ulat na balak na ng Chi-na na sakupin ang Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands bukod sa naunang pagtatakda ng naturang bansa ng air defense identification zone (ADIZ) at

bagong fishing laws sa West Philippine Sea. Mungkahi ni Biazon na kailangang mag-patulong na ang Pilipinas sa international community upang kumpirmahin ang mga balitang balak ng China na sakupin ang Pag-asa Island sa loob ng taong ito. “We have to verify the reports. Verifica-tion is a responsibility not only of the Philip-pines but also of the international commu-nity. China, if this is true, is now challenging the credibility of United Nations to impose international laws. Lumalabas din aniya na hinahamon ng

China ang alyansa ng mga bansa sa Asya, Southeast Asia at maging sa super power na Estados Unidos. Kung makumpirma ito, kailangan anyang agad na magprotesta ang Pilipinas sa United Nations laban sa China. Marapat din aniyang gamitin ng Pilipi-nas ang mga pinasok na treaty nito gaya ng Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos upang mabatid kung saan makahihingi ng tulong ang Pilipinas sa oras na atakehin ito ng dayuhang pwersa.

Page 3: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

3DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino pinoy-globalPAge 3

ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio

ika nga ni

konsul

JANUARY 2014 SECOND iSSUE

Kayo po ba ito? Marami ho ang nagtatanong sa Pasuguan ng

Pilipinas:Ano nga ba ang "Red Ribbon" at

kailan kailangan ito?

canada niyanig ng frost quakes

Ang “red ribbon” ay sumasaklaw sa dalawang magkaibang uri ng pagproseso ng dokumento na ginagawa ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo

at ng Konsulado sa Osaka. Ito ay ang “authentication” at ang isang uri ng pagnotaryo, ang “acknowledge-ment”. Ang pagnotaryo ay naipaliwanag na noong mga nakaraang isyu sa lathalaing ito. Maraming Pilipino ang nangangailangang gumamit sa Pilipinas ng mga dokumentong nagmula sa bansang Hapon. Ilan dito ay mga sertipiko, mga iba’t ibang kasu-latang pangkomersyo, o mga kontratang dapat ipakita o gamitin sa Pilipinas. Dahil sa pagkakaiba ng mga batas ng dalawang nasabing bansa, nangangailangan ng isang proseso kung saan ang mga dokumentong nabanggit ay mabigyang bisa sa Pilipinas bagaman ang naglathala o nag-“issue” nito ay mula sa bansang Hapon. Ang prosesong ito ang tinatawag na “authentication of documents”. Ang “authentication” ay paraan upang ang isang dokumentong legal na nagmula sa bansang Hapon ay maaaring gamitin sa Pilipinas. Sa paraang ito, ipinaha-hayag ng Pasuguan ng Pilipinas na ang isang dokumento ay nanggaling o dumaan sa Ministry of Foreign Affairs (Gaimusho) upang magkaroon ito ng bisa at magamit sa ating bansa. Ilan sa mga dokumentong kadalasang pinapa-“authenticate” sa Pasuguan ang mga desisyon ng mga korteng Hapon (shimpan-sho), “police certifica-tion” (muhanzai shomeisho), “family registry” (koseki tohon), at iba pang katulad ng mga ito. Maaari ring ipa-“authenticate” ang mga “affidavit” na gawa sa bansang Hapon na gagamitin sa Pilipinas kung ito ay dumaan sa tamang prosesong nakasaad sa baba. Upang mapa-“authenticate” ang isang dokumento, kailangan itong dumaan sa isang “notary public” na Hapon (koshonin yakuba). Kung ang dokumento ay nangga-ling sa isang ahensya ng pamahalaang Hapon, maaari na itong ipa-proseso sa Gaimusho at hindi na padadaanin sa isang “notary public”. Matapos ang pagpapanotaryo ng dokumento o ang pagkuha nito mula sa isang ahensyang Hapon, dadalhin ang dokumento sa Gaimusho Shomei-han (Ministry of Foreign Affairs Certification Section), sa 2-2-1 Kasumigaseki, Chiyoda-ku, Tokyo na may telepono bilang 03-3580-3311. Ang Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo o ang Konsulado ng Pilipinas sa Osaka lamang ang may kapangyarihang mag-“authenticate” ng lagda ng mga napipiling opisyales ng Gaimusho. Ang pinatutunayan ng Pasuguan o ng Konsulado sa “authentication” ay ang tamang pirma ng opisyal ng Gai-musho at hindi ang katotohanan ng dokumento o ang mga nilalaman nito. Ang nilalaman ng dokumento ay responsi-bilidad ng taong may gawa nito. Iba ang “authentication” sa “acknowledgement” bagaman pareho ang mga itong nilalagyan ng “red ribbon” ng Pasuguan. Sa “acknowl-edgement”, nagpapatunay ang Pasuguan na ang pag-pirma sa dokumento ay nasaksihan alinsunod sa batas ng Pilipinas tungkol sa pagnonotaryo (2004 Rules on Notarial Practice) tulad ng nailahad sa nakaraang lathalain. Ang “authentication” at “acknowledgement” o paglalagay ng “red ribbon” ay ginagawa lamang para sa mga dokumen-tong gagamitin sa Pilipinas.Kapag ayon sa batas, lutas!

Ginising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang mga residente ng Ontario, Canada nang pagyanig at mga pagbagsak ng yelo noong

Enero 3. Ang kundisyong ito ay tinatawag na ‘frost quakes”. Kalimitan ang “frost quakes" ay nagaganap lamang kapag biglang bumababa ang temperatura na kung saan mabilis na nagyeyelo ang kapaligiran at lumalaki na nagdudulot ng pagyanig dito. Bagaman ang “frost shakes” ay nagdudulot ng paggalaw ng kapaligiran ay hindi ito madaling maku-ha gamit ang monitor na pang-lindol. “With frost quake, almost all energy, almost all energy is on the surface , so if you’re close to it, you feel it quite strongly, but not enough en-ergy gets into the ground” ani Allison Benr, isang seismologist.

dalawa katao kritikal dahil sa banggaan sa karagatan

Dalawang katao ang malubhang nasaktan nang magsalpukan ang isang bangka na gamit sa pangingisda at Japan naval vessels.

Nagsalpukan ang dalawang sasakyang pandagat dakong alas otso nang umaga ng Martes, Enero 14 sa Seto Inland Sea, Hiroshima. Ayon sa coastguard apat na crew na ang naialis sa tubig, dalawa ang gising subalit ang dalawa naman ay walang malay, kabilang na ang kapitan ng barko na pinaghihinalaan na na-cardiac arrest. Ayon kay Defense Minister Itsunori Onodera, gagawin nila ang lahat upang imbestigahan ang pangyayari at matukoy ang sanhi nito. Kilala ang Seto Inland Sea na isa sa may malalaking daungan at pangisdaan.

Ipinalabas nung nakaraang Enero 8 ang pelikulang 47 Ronin na pinag-bibidahan ni Keanu Reeves. Ito ang

kauna-unahang pelikula ni Reeves sa taong 2014. Ang pelikulang 47 Ronin ay hango sa pambansang alamat ng Japan. Ang salitang ronin ay nagmula sa mga samurai na nawalan na ng isang “master”

o “lord” pagkatapos itong mamatay. Sa pelikulang ito ipinakita kung gaano kayaman ang kultura ng mga Hapon pagdating sa pagsunod ng batas mula sa emperador. Bagaman si Reeves ang bida rito, ang ikinaganda ng pelikulang ito ay ang pantay-pantay na exposure ng bawat karakter. Bago pa man ipalabas ang 47 Ronin ay umani na ito ng mga komentong, masyadong mahal ang pag-kakagawa ngunit ang istorya naman ay hindi; may nagsabi rin na ang kwento ay iikot lamang sa karakter ni Reeves. Hindi man ako batikan pagdating sa computer graphics ngunit masasabi ko na masusi nilang ginawa ang bawat graphics ng pelikula. Masasabi kong “flawless” ang pagkakagawa nito. Sakto ang mga video graphic effects at hindi mo mapapansin na ang lahat ng ito'y

Chroma lamang. Pagdating naman sa paglalahad ng kuwento maging ang script, masasabi kong sinuring mabuti ng mga manunulat bagaman may mga ilang ibinawas at idinagdag na sa tunay na pangyayari ng 47 ronin noong ika-18 siglo. Nagustuhan ko rin ang pantay na exposure ng bawat karakter ng kwento. Bagama’t si Keanu Reeves ang bida sa pelikulang ito, hindi siya ang naging focus ng movie kundi ang istorya sa likod ng pagbuo ng 47 Ronin kung kaya’t maganda ang naging exposure ng iba pang aktor na Hapon. Kung susumahin maganda ang peli-kulang ito, maaaring panoorin ng buong pamilya. Hindi ka lamang nag-enjoy kundi may mga matututunan ka pa sa kultura ng bansang Hapon.

Movie Review: 47 Ronin ni Irene Tria

Ha l o s i s ang t aon na ang nakalipas nang may mabiktima ng gang rape sa India, muli na

naman nagkaron ng bagong biktima , ngayon ay isa namang turista. Noong nakaraang martes, Enero 13, isang Danish nat iona l ang nabiktima ng gang rape sa New Delhi, Ind ia . Ang nasab ing tu r is ta ay kagagaling lamang noon sa isang city m u s e u m s a P a h a r g a n j n a n g

magtanong siya ng direksyon pabalik ng kanyang hotel. Sa kasamaang palad ay kinuha siya ng anim na lalaki at dinala sa isang liblib na lugar malapit sa riles upang nakawan at gahasahin. Ayon sa frontdesk ng hotel, bandang alas otso y medya ng gabi nang makabal ik ang bikt ima at humingi ng 200 Rupees pambayad sa taxi na kanyang sinakyan pabalik dahil nanakawan daw ito. Agad naman daw nagkwento ang biktima sa iba pang tur is ta kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.

Agad naman nahuli ang dalawa sa mga suspek. Ang isa ay isang migrante galing Uttar Pradesh na namamalagi sa rile ng tren. Nakitaan sila ng mga gamit ng biktima tulad ng i Po d a t s p e c t a c l e s c a s e . S a kasalukuyan pinaghahanap pa din ang apat sa mga suspek.

Gang rape talamak sa india

Page 4: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

4 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy community

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria [email protected] Sales and Marketing: jagger aziz [email protected] Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 [email protected] Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 [email protected] jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales [email protected] JM Hoshi Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT [email protected]

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at [email protected].

The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044

Email: [email protected]

PAge 4 JANUARY 2014 SECOND ISSUE

Bagong taon, Bagong buhay, Bagong pag-a s a . M a r a m i n g

mga bagay na gusto nating baguhin, palitan o iayos. Lalo na para sa mga taong hindi naging maganda ang nakaraan sa taong 2013. Napakaraming dahilan para magbago masama man o mabuti, kailangan ng pag- babago kapag nagpalit ang taon. At sa pagbabagong i t o , t a y o a y u m a a s a n g makamit ang gusto, matupad ang hi l ing at makita ang minimithing katuwang sa buhay. Ngunit ano nga ba ang dapat gawin ? Saan ba dapat magsimula o sino ang dapat mag-ayos o gumawa ng pagbabago? “Magbabago na ako”. Ito ang salitang laging sinasabi t u w i n g B a g o n g Ta o n . Masyadong gamit na gamit ang salitang “New Year ’s Resolut ion” para sa pag babago lalo na para sa pang sarili at sa pamilya. Ikaw ano ang New Years Resolution

mo? Sa ilang tao na naka usap ko, ito ang sinasabi nila para sa Gobyerno ng Pilipinas : Sana mag-resign na ang mga cor rup t na pulitiko, sana makonsensya na s i la a t kusang mag- resign, sana mapatalsik na ang lahat ng magnanakaw sa administrasyong Aquino o s a n a p a l i t a n n a a n g administrasyong Aquino. Para sa mga OFW, nag- t a t r a b a h o s i l a p a r a s a pamilya at sa pansariling kabutihan ngunit dahil sa sobrang dami ng problema sa Pilipinas, damay ang mga pamilya nila kaya mabagal ang pag-usad nila kasing b a g a l n g g o b y e r n o n g Pilipinas. Pero hindi si la t i t igi l s a p a g s u s u m i k a p n i l a k a y a n a m a n h e t o a n g mga pagbabago na gusto n i la para sa Pami lyang sinusuportahan: sana they get to learn how to stand on their own dahil hindi sa lahat ng panahon ay may tutulong sa kanila. Sana mabigyan ng pagkakataon na makakuha ng trabaho para hindi tuloy-tuloy na umaasa sa padala ng i sang OFW gaya ng nakausap ko rito sa bansang Hapon na sa edad na 45 ay nagpapadala pa rin ng tulong sa Pamilya. Para sa pansarili pagbabago, ay magsisipag nang doble para makaipon nang sapat para sa sariling pamilya, bawasan ang bisyo at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga pangyayari

sa Pil ipinas. Meron ding nagsasabi na babawasan ang bisyo o mag-iingat sa kinakain para maiwasan magkasakit atbp … Napakasarap pakinggan a n g m g a s a l i t a n g i t o , “magbabago na ako” lalo na kung i to ay ta lagang mangyayari ngunit kadalasan ay “ningas kugon” lang o sa simula lang at pag laon ay babalik din sa dati. Mga p a n g a k o n a n a p a p a k o a t mga sa l i tang parang isinusulat sa tubig. Para sa pansariling pangako walang apektado kung hindi ang sarili at ang mga malalapit na tao rito, ngunit sa mga mambabatas na nagbibitaw n g p a n g a k o a t h i n d i matutupad o magagawa ito ay isang malaking usapin sa madlang Pilipino. May mga tao r in na iniaasa ang pagbabago sa mang-huhula o mga fortune te l l e rs kaya marami sa mga kababayan natin gaya ng mga poil i t icians, mga celebri t ies, mga popular personalities at maging mga ordinaryong mamamayan ang kumukunsulta sa Shui readers (Feng is Wind and Shui is Water in Chinese which is also known as an ancient art that deals with good and bad energies), sa mga Astrologers o nag- babasa ng bituin, o mga manghuhula na gumagamit ng iba’t ibang gamit gaya ng (Tarot) cards o iba’t ibang enerhiya upang magkaroon

ng idea at malaman ang kasalukuyan. Narito ang mga ilan sa mga sikat na Feng Shui Masters : Ms. Maritess Allen is the premier choice Feng Shu i Consu l t an t o f t op executives and prominent media, entertainment and political personalities in the Philippines and abroad. She also has 6 chain of Feng Shui shops all over Metro Manila. Mr. Willy Go is a Feng Shui expert that offers “Ang Gapuz Feng Shui" that’s willing to help to “impove your life and eliminate bad luck. It also covers Palm and Face reading that helps to find out your future in order to check your best and worst direction. Sila ang dalawa sa pinakasikat na Feng Shui consultant in the Philippines na nilalapitan ng mga sikat na personal idad. Please check their websites kung kayo man po ay interesado. Para sa Pagbabago, maraming pwedeng gawin o lapitan ... Pero ang lahat ng ito ay isang paalala o gabay lamang. At ikaw pa rin ang magdedesisyon kung ito ay gagawin mo o hindi. Ang importante ay malaman mo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo , ano ba ta laga ang kailangan mo at ano ba ang maaari mong maitulong sa pamilya mo at sa kapwa mo. Ikaw lamang ang maaaring magbago sa sarili mo. God Bless Us ALL!

Pagbabago

ni oyee barro

Page 5: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

5DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino ARTS & TRAVELPAge 5JANUARY 2014 SECOND iSSUE

Pamilya blanco, pamilyang yaman ng angonoKuha at teksto ni Jane Gonzales

Tinaguriang Art Capital of the Philippines ang Angono, Rizal sa rami ng music and visual artists na nagmula rito. Isa na rito ang pamilya Blanco na mula sa padre

de pamilya na si Jose “Pitok “ Blanco at sa may-bahay n’yang si Loreto “Loring” Perez Blanco hanggang sa pito nilang anak na sila Glenn, Noel, Michael, Joy, Jan, Gay at Paul ay lahat ay magagaling na magpinta. Sila ang kauna-unahang pamilyang pintor na nakapag-exhibit sa National Museum noong 1978.

Taong 1980 nang unang buksan at Marso 19, 1990 naman i-renovate ang Blanco Family Museum sa 312 Ibañez St., An-gono, Rizal. Mayroon itong mahigit na 400 artworks ng pamilya na naitabi sa loob ng limang dekada. Sa pagpasok sa maali-walas at malaking family museum na ito, na may entrance fee na P70 at bukas araw-araw hanggang 5pm, ay unang mabubu-ngaran ang naipinta ng bunsong si Peter Paul. Karamihan dito ay mga nagawa niya nung s’ya ay musmos pa lamang. Kaya naman maaaring masabi na bata pa lamang ay kinakitaan na s’ya ng potensyal sa visual arts. Sunod sa exhibit ni Paul ay ang kay Gay na karamihan ay makulay at nagsasalarawan ng masayang simpleng buhay. Si Jan naman ay magaling sa detalye na kahit ang nakadapong langaw ay malinis n’yang naipakita sa kanyang mga pinta. Sa museum naipakita rin ang progreso ng kanyang pagiging pintor gaya na lamang ng muli niyang ipinta ang “Tagabundok” (Moun-tain Dweller) noong 1985. Una niya itong ginawa noong August

1981 nang s’ya ay syam na taong gulang pa lamang. Si Joy naman ay mahilig sa pagpinta ng isang lola, bulaklak at mga mangingisda. Samantala si Michael ay magaling sa mga larawan na nagpapakita ng isang senaryong nangungusap gaya ng kanyang “The Peasant” at “Beginning of a New Day. Ilan naman sa mga obra ni Noel ay tila nagpapadama ng mga pinagdadaanan ng mga tao sa araw-araw at sa kanilang hanap-buhay. Ang panganay na si Glen ay mahilig sa mga paksa na maaaring maghati ng atensyon. Ang iba ay maraming tauhan at may ilan naman na iisa lamang pero buhay na buhay ang background.

Kabilib-bilib din ang simula ng karera ng BS Education grad-uate na si Mrs. Blanco dahil nagsimula lang s’yang magpinta sa edad na 48. Kahit medyo huli na nang magsimula, ay ma-sining n’yang naipapakita sa kanyang mga obra ang kanyang pagiging ina at ang pagpapahalaga sa mga kababaihan. Hindi naman nakapagtataka kung manalaytay, maipamana o maipasa ni Pitok ang kanyang galing at maging ang istilo niyang folk realism sa kanyang pamilya.

Ito ay dahil sa ang bonding nilang pamilya ang magpinta nang

sabay-sabay at mabyahe para magkaroon ng art exhibit. Ang mga pinta ni Pitok ay aakalain mong kuha ng kamera dahil detalyado at parang totoo ang tama ng ilaw. Kung su-suriin mabuti ay nilalagyan niya rin ng ilang twist ang mga ito gaya na lamang nandoon rin pala ang kanyang larawan o kaya isa sa kanyang mga anak. Isa ring muralist si Mr. Blanco na namatay noong 2008 dahil sa atake sa puso. Abril 25, 2001 nang nilooban ang Blanco Family Musuem nang hindi kilalang mga kalalakihan at kinuha ang mga unang naipinta ni Pitok, gaya ng ng kanyang nagawa noong 1952. Ang mga ito ay maaaring may malaking halaga na hanggang ngayon ay ‘di pa nakikita. Sa kabila nito, naging matatag ang pamilya Blanco at patuloy na nagtataguyod sa mga proyektong may kinalaman sa arts at nakapagtayo ng Blanco Art School.

Bonding time ng Pamilya Blanco

Mga Pinta ni Michael Blanco

Pinta ni Joy Blanco

Mountain Dweller ni Jan

Mga Pinta ni Gay

mga pinta ni Jose "Pitok" Blanco

Page 6: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

6 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy na pinoy

Ang pagpapaliwanag ay kinakailangan para sa mga taong nagtatanong at hindi pa nakakakilala sa iyo. Pero hindi mo obligasyon ito sa lahat ng tao lalo na roon sa nang-iintriga lamang. Magpakatotoo ka lang sa iyong sarili. Kung gusto mong magpakitang-gilas sa isang tao na iyong natitipuhan , ipag-patuloy mo lang . Walang masama kung wala kang talagang ginagawang

masama at naaapakang kapakanan. Tandaan, hindi mo kailangang palaging intindihin o kontrolado ang sasabihin ng ibang tao sa iyo .

Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21

Kung madalas parang hindi magkasundo ang iyong pamilya at iyong mahal. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Puwedeng nasa right timing at okasyon lang ang pagtutugma ng kanilang emosyon. Iyong saktong naka-kapag-usap sila nang kalmado at walang isyu kundi maging masaya sa pi- ling ng isa’t isa. Pero gawin mo rin ang iyong parte baka naman ikaw itong

walang paki o kaya ay kwento nang kuwento nang negatibo.

Manatili ka sa iyong kinalalagyan kung iyan ang iyong ibig. Nasa loob mo kung kailan ka dapat lumabas, kumilos at gumala. Iyang mga imbitasyon ay maaaring nakaka-pressure na sukat para mapilitan ka na lang pagbigyan sila. Kaysa nakasimangot ka sa ayaw mong gawin mabuti na ngang sabihin mo na kaagad. Baka nga ito pa ang mitsa ng tampuhan ninyo ‘di ba? Nag-

pakatotoo ka lang naman.

Marami kang hinihiling sa panahon na ito na talaga namang pinagsisi-kapan mong matapos. Sige gawin mo lang lahat ng makakaya mo nang hindi naman inaabuso ang iyong katawan. Kailangan mong magkaroon ng kumpletong atensyon sa ngayon sa iyong gawain para sa susunod ay buo rin ang iyong oras at kasiyahan sa iyong pagliliwaliw. Hindi makakabuti

ang paghaluin ang trabaho at ibang bagay dahil kung ganito rin lang lalo kang walang matatapos.

Sadyang blooming ka nitong mga nakaraan na tila ba marami ang umaaligid at humahanga sa iyo. Hayaan mo sila na mabighani sa iyo at maging ikaw sa kanila. Maging bukas sa pakikipagsosyalan lalo na’t ito rin naman ang iyong hinahanap kapag ikaw ay nag-iisa at nalulumbay. Bigyan ng pagka-

kataon na makilala ang taong nais na magpakilala sa iyo nang lubos. Malay mo siya na pala ang sunod na magiging malaking bahagi ng iyong buhay.

Kahit na magkaroon ka ng kapangyarihan na makita ang hinaharap, hindi rin ito advisable sa iyo. Nawawalan ng kulay at challenge ang buhay kung lahat ay alam mo ang puwedeng mangyari. Huwag kang matakot na magkamali at sumubok kung ito ang pinangangambahan mo para sa iyong kinabukasan. Tanggap ka ng iyong mga kaibigan kung ano ka at kung ano ang iyong

magiging hakbang. Enjoy mo lang kung ano ang ngayon at ang surpresa ng bukas na sa iyo’y naghihintay.

Kating-kati ka na subukan na makipagsapalaran at mangibang-lugar. Iyon nga lang kailangan mong harapin ang iyong mga responsibilidad. Sa huli mananaig sa iyo ang iyong pagiging responsable na kung tutuusin ay may bentahe rin sa iyo, mas makakapagplano, makakapag-ipon at makaka-hanap ka ng mas magandang puntahan. Sa ngayon tingnan mo ang iyong

katabi at magpakasaya sa inyong lugar. Malay mo ipasyal ka rin niya sa isang pook na kamangha-magha at hindi mo pa natutuklasan.

Taurus - April. 21 - May. 21

Gemini - May. 22 - June. 21

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Aries - March. 21 - April. 20

Ito na ang pagkakataon para damhin ang bunga ng iyong pinagpaguran. Gusto mo magpahilot, kumanta sa videoke o mamasyal sa sikat na parke? Gawin mo! Ang walang tigil na pagtatrabaho ay hindi sa lahat ng panahon ay maganda ang naidudulot. Iniisip mo ang kapakanan ng ibang

tao? Isipin mo rin ang iyong sarili hindi ka lang nabubuhay at nagtatrabaho para sa iba kundi higit sa lahat ay para sa iyong sarili.

Sanay na sanay ka sa routine ng iyong pang-araw araw na buhay kaya na-man kahit simpleng pagpupuyat o mahaba-habang oras nang panonood ng TV ay tila kakaiba para sa iyo. Kung nagagawa o magagawa mo ito, enjoy the moment. Huwag kang magplano ng kung anu-ano o subukang alala-hanin ang susunod. Minsan lang ito, hahayaan mo bang mawala sa iyo?

Kung sino man ang sisira sa simpleng kasiyahan na ito, dapat ‘di ikaw ‘yon.

Plano ka ng plano pero parang hindi naman natutuloy. Bago ka maghi-nanakit, isipin mo na may mga bagay na dumarating at nawawala. Imbes na maging malungkot tingnan mo ito bilang tsansa na mas malaman mo ang iyong kakayahan sa mga pambihirang pagkakataon. Masusupresa ka na marami ka pa lang puwedeng ibang gawin na higit sa iyong inaakala at

suporta na hindi mo lang napapansin dati.

Iba ang mood ng iyong mahal, parang hindi ka pinapansin ng iyong kapit-bahay o parang hindi gaanong nagpaparamdam ang iyong best friend. Kal-ma ka lang, wala naman sigurong problema. Baka nasanay ka lang na lagi silang nandyan para iyong batiin. Para rin ‘yang solar eclipse, nagkakataon

na pare-parehong silang nawawala pero paunti-unti rin naman nagbabalik. Ikaw din na-man ay nagkakaganito kundi minsan ay baka napakadalas pa.

Isa ka sa mga tipo ng tao na hindi sanay sa mga madalian, gulatan at supresa. Iyon nga lang mas marami ang may ibig ng ganito at madalas ay nasasali ka sa kanilang mga pakulo. Sali ka lang at patulan ang kanilang

mga gusto. Dito mo mapagtatanto na sa simpleng mga bagay pala ay marami ang napapangiti at napapasaya. Kung hindi ito epektibo sa iyo, gamitin mo ito para mapa-saya ang ibang tao. Paminsan–minsan din ay magandang wala kang kontrol at hayaan kung ano ang puwedeng mangyari.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Cancer - June. 22 - July. 22

Leo - July. 23 - August. 22

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

PAge 6

Pinakbet

Mga Sangkap:

Paraan ng Pagluluto:

JANUARY 2014 SECOND iSSUE

Gaya ng Chopsu-ey, ang Pinakbet ay isang klase

ng ulam na maraming sahog na gulay. Ang putahe na ito ay mula sa Norte partikular na sa bahagi ng Ilocos . Sinasabing nagmula ito sa wikang Ilocano na "pinakbet" na ang ibig sabihin ay umiikli o tuyo. Puwedeng ang pampalasa nito ay alin man sa bagoong ala-mang o bagoong isda. Pero noon pa man ang mas sikat na ginagamit sa dalawa ay ang bagoong isda.

• 4 na pilas ng bawang, hiwain nang maliliit• ½ kilo ng karne ng baboy • 1 piraso ng hiniwang sibuyas• 1 piraso ng luya, gayatin at dikdikin• 3 hiniwang kamatis• 4 hanggang 5 okra• 1 nakahiwang talong• 2 tasa ng kalabasa na nakahiwa ng pa-

cube

• 1 piraso ng amplaya, hiwain sa katamta-mang laki

• 1 tali ng sitaw , putulin sa tig - 2 ½ haba• 2 tasa ng tubig• Asin• Bagoong isda o bagoong alamang• Mantika

1 Sa isang malalim na kawali, igisa ang bawang at sibuyas.

2 Idagdag ang kalahating kilo ng karne ng baboy sa kawali at budburan ng asin

3 Igisa hanggang sa maluto ang karne o ang dulo nito ay maging kulay brown .

4 Maaari mo nang idagdag ang kamatis at durog na luya.

5 Haluin nang tama at ilang minuto ang mga rekado saka ibuhos ang tubig at hayaang pakuluan.

6 Ihalo ang okra, talong, amplaya, sitaw at kalabasa.

7 Timplahin ang lasa ng karne at gulay sa pamamagitan bagoong.

8 Haluin nang mabuti at hayaang kumulo hanggang sa lahat ng gulay ay maluto.

Page 7: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014

Bago pa umarangkada ang Youtube at pagsulpot ng video camera sa mga mobile phone, napapanood na noon

pa sa MTV ang mga music videos ng mga si-kat na kanta. At pagkatapos nang ilang taon na pamamahinga ay muli na namang mapa-panood ng madla ang pagbubukas ng MTV Pinoy kung saan kikiliti sa hilig sa musika at video ng mga Pinoy.

Matatandaan na naging tulay ang MTV upang magkaroon ng pagkakataon noon ang mga local artists gaya ng Rivermaya at Parokya ni Edgar para makilala sa mga karatig bansa ng Pilipinas. Isa rin umano ito sa bubuhayin at tutukan ng MTV na ngayon ay ka-partner na rin ang Viva Communica-tions, Inc. ni Vic del Rosario Jr. Ika nga nila ay ito naman ang panahon ng pag-usbong ng P-Pop na maikumpara sa kasikatan ng K-Pop ng South Korea at J-Pop ng Japan. Samantala, pamilyar pero masasabing bago pa rin sa paningin ang mga tampok na video jockeys ng nagbabalik na music chan-

nel. Kasama rito si Josh Padilla, ang anak ni Benjie Paras at Jackie Forster na si Andre Pa-ras, Starstruck alumnus Yassi Pressman, at ang 2012 FHM Sexiest Women – Sam Pinto. Ano nga ba ang mga aasahan at dapat aba- ngan sa MTV Pinoy na magsisimula nang mag-sign on nitong Enero 31. Sabi ni Rene Esguerra, Country Manager for the Philip-pines ito ay may mga shows na kinonseptong local pero may appeal din namang pang –international. Isa na sa kanyang nabanggit ay ang MTV Senti na nagtatampok sa mga Filipino Love Songs na patok na patok sa puso ng lahat. Maliban din naman sa pagsu-

nod sa gusto ng henerasyon ngayon ay nais din umano ng MTV Pinoy na magbigay daan para iparating sa mga kabataan ang halaga ng pagkakaroon social responsibility.

pinoy-BiZzPAge 7JANUARY 2014 SECOND iSSUE

DRAMA NG MGA SIRENA, BIBIDA SA

MGA TELESERYE

MAS PINALOKAL PANG MTV PINOY, EERE NA

ULIT

DAHIL AYAW NG SUMAGOT ABOUT SA LOVE LIFE: KIM NAGMALDITA NGA BA SA PRESS?

ANG IBA'T IBANG KLASENG "WIFE" SA SHOWBIZ T E K S T O N I P H O E B E D O R O T H Y E S T E L L E

Malayo pa ang summer pero sa local showbiz marami ang mapapa-swimming sa dalawang

bagong programa na magbubukas sa 2014, ito ang Kambal Sirena ng GMA 7 at remake ng Dyesebel ng ABS-CBN. Hindi na nga pinatagal ng ABS-CBN ang pananabik ng publiko sa kanilang bersyon ng Dyesebel nang inihayag nilang si Anne Curtis ang gaganap sa nasabing pamosong karakter. Gayon din, isinabay na sa pagpapakilala sa sikat na aktres ang kanyang magiging love interest na sina Gerald Anderson at Sam Milby. Ayon kay Anne, dream come true ang kanyang bagong role na matagal na niyang inaasam. Sinabi rin ng in-demand product endorser na lahat ng Dyesebel ay kanyang pinanood mula kay Vilma Santos, Alice Dixon, Charlene Gonzalez hanggang sa huling gumanap nito na si Marian Rivera. Matatandaan na hindi ito ang unang beses na gumanap na sirena si Anne. Nagkaroon na rin siya ng fantaserye

noon, ang Dyosa. Pero sa seryeng ito ay tatlo ang kanyang naging anyo-- sirena, taong-ibon at taong-kabayo (tikbalang). Samantala, ito na rin ang balik-tambalan nila ni Sam Milby na nakasama n'ya rin sa Dyosa at Maging Sino Ka Man. Pero first time naman niyang maging leading man si Gerald. Bago naman ang istorya ng Kambal Sirena na pagbibidahan ni Louise Reyes at Aljur Abrenica. Dito masusubok ang star power ni Louise Delos Reyes lalo na't haharap s'ya sa hamon na dalawang kara-kter ang kanyang gagampanan bukod pa sa pagiging sirena.

Unang pagkakataon din ito na pagsa-mahin sila sa isang proyekto ni Aljur na huling napanood sa mga teleserye kung saan katambal niya ang kanyang sikat na ka-love team na si Kris Bernal.

“We don’t owe you any of our personal lives siguro. You can think whatever you want to think as long as you’re happy when you watch us on TV, nakikita n’yo kung paano kami ma-in love, ganyan. And ‘yun na ‘yon.”Ito ang direktang pahayag ni Kim Chiu sa veteran showbiz columnist na si Aster Amoyo nang nagtanong ito sa kanya kung ano na ba ang estado ng kanilang relasyon ngayon ng kanyang screen partner na si Xian Lim. Naganap ang insidente sa mismong press conference ng bago nilang pelikula na pinamagatang Bride for Rent under Star Cinema. Dahil sa hindi nagustuhang sagot ng dalaga ay nag-walk umano sa event ang kolumnista. Subalit sa isang pahayag ng Kapamilya actress pinabulaanan nito na may nangyaring walk out pero agad naman umanong humingi ng tawad ito kay Amoyo. Samantala, kung iwas na may halong pagkairita ang dating ng sagot ni Kim, umiwas din si Xian na diretsuhing sagutin ito pero sa malumanay na paraan. Ayon sa binata, hindi sila madamot pero ang hinihingi nila ay pang- unawa at panahon kung kailan sila handang magsalita. Sinang-ayunan din ng binata ang pahayag ni Kim na ang mahalaga ay napapasaya nila ang kanilang mga manonood bilang magkapareha. “We won’t be selfish about it naman. Sasabihin naman namin ‘yun. Pero this time, it’s better to leave things unsaid muna. Pag-usapan po muna natin ngayon ang tungkol sa aming pelikula,” saad ng binata. “What you see is what you get. As long as we are making you guys happy and our supporters happy. As long as they are happy, we are happy also.” Samantala, angt Bride for Rent ay ikalawang tambalan sa big screen ni Kim at Xian matapos ang Bakit Di Ka Crush ng Crush, ang movie adaptation ng Filipino best seller book ni Ramon Bautista. Sa telebisyon, una silang nagtambal sa My Binondo Girl na sinundan ng Ina, Kapatid, Anak.

Kung patapos na ang pamamayagpag ng mga istorya na may temang may kinalaman sa pagiging mistress at homosexual, hindi pa

ang pagiging kung anu-anong klaseng misis. Nito lang Enero ay tatlong bagong drama series pa nga ang magsisimula na may “wife” sa kani-kanilang pamagat – The Borrowed Wife ( GMA 7), The Legal Wife (ABS-CBN) at The Replacement Wife ( TV5). Dahil nauuso na rin ito, balikan naman natin ang mga actress na naging makulay, kung ‘di man ay na-ging kontrobersyal bilang may-bahay. The Wife of the Prince - Bago pa man makilala bilang musical play actress-produc-er at Mrs. Franco Laurel ay naging isa sa asawa noon ni Prinsipe Jefri Bolkiah ng Brunei si Ayen Munji. Ang actress at ang Prinsipe ay pitong taon lang nagsama (mula 1995 hanggang 2002) at nagkaroon ng isang anak na nagngangalang Kiko.

The Beauty Queen Wife – Sa mga hindi pa nakakaalam, hindi lamang mga dalaga ang puwedeng maging beauty queen dahil mayroong Mrs. World . Noong 2005 sumabak dito si 1979 Miss International at kilalang supermodel na

si Melanie Marquez. Sa edad na 41 noong panahon na iyon at may anim ng anak ay naging darling of the crowd ito at nakapasok pa sa top 6 ng semi-final round sa competition. The Unsettled Wife - Matagal na hindi nagpakita sa telebisyon si Alma Moreno pero nitong nakaraan na nagpaun-lak siya ng interview na may kinalaman ito sa kanyang failed

relationship kay Marawi Mayor Sultan Fahad “Pre” Salic. May ilang buwan na rin pa lang magkahiwalay ang dalawa at walang komunikasyon. At sa pahiwatig ng kanyang panayam ay desidido na nga siyang makipaghiwalay dito. Matatandaan na isa si Alma sa kontrobersyal na artista dahil sa kanyang love life. Una s'yang nagkaroon ng relasyon kina Rudy Fernan-dez (SLN), Dolphy (SLN), Joey Marquez, at Gerald Madrid. The Not Other Wife – Isa sa mga unang nakatikim ng pagpapawalang-bisa ng kasal ay si Sharon Cuneta. Matapos ang engrandeng kasal nila ni Gabby Con-cepcion sa Manila Cathe-dral noong 1985 ay naghi-walay din sila noong 1987. Ang dahilan sa loob pala ng tatlong taong solidong pagiging Mrs. Concepcion ay hindi pala ito legal dahil si Gabby ay kasal pa sa iba noong nagpakasal sila. Ang tawag dito ay bigamy at mas pinapaboran ng korte ang naunang pinakasalan na mas legal. Taong 1993 maayos na napawalang bisa ang kanilang kasal. The Fabulous Wife - Kung anong kulay at pagka-high profile ng kanyang mister na si President Ferdinand Marcos, ganun din kakulay at kaingay ang pangalan ng kanyang first lady na si Imelda Romual-dez-Marcos. Naging imahe ng kagandahan at ka-

rangyaan ang da-ting unang ginang na sikat sa dami ng kanyang sapatos (ti-natayang higit 3000) a t m a g a g a r b o n g alahas.

Page 8: Pinoy Chronicle January Second Issue 2014