10
Planong Aralin Iniligtas ng isang Asno (Unang Aralin) Unang Aralin: Mga Mensahero sa Mesopotamia | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:1-12 Layunin ng aralin:  Matututunan ng mga bata na maaaring gamitin ng Diyos ang ating mga kaaway upang palakasin tayo Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak at ng mga matatanda ng Madian ang milyun-milyong mga Israelita na nagkakampo malapit sa kanilang lupain. Puno ng takot, nakaisip ang hari ng isang masamang plano upang mawala sila sa kanilang landas. Nagpadala siya ng isang grupo ng mga mensahero sa lupain ng Mesopotamia upang kausapin ang isang propetang nagngangalang Balaam at hiniling dito na sumpain ang mga Israelita. Inalok nila si Balaam ng malaking halaga upang gawin ito. Bago sila sinagot ni Balaam, hiniling niya sa Diyos (YHVH) kung ano ang kanyang gagawin. Sinabi sa kanya ng Diyos na huwag siyang sumama sa mga mensahero papuntang Moab. Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na isang higante si Og, ang Hari ng Bashan? Ginamit sa Bibliya ang salitang Hebreong “Nefilim” o “Refa’im” upang ilarawan ang mga higante. (Deuteronomio 3:11) ©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

  • Upload
    others

  • View
    42

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Unang Aralin)

Unang Aralin: Mga Mensahero sa Mesopotamia | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:1-12 Layunin ng aralin:  Matututunan ng mga bata na maaaring gamitin ng Diyos ang ating mga kaaway upang palakasin tayo

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak at ng mga matatanda ng Madian ang milyun-milyong mga

Israelita na nagkakampo malapit sa kanilang lupain. Puno ng takot, nakaisip ang hari ng isang

masamang plano upang mawala sila sa kanilang landas. Nagpadala siya ng isang grupo ng mga

mensahero sa lupain ng Mesopotamia upang kausapin ang isang propetang nagngangalang

Balaam at hiniling dito na sumpain ang mga Israelita. Inalok nila si Balaam ng malaking halaga

upang gawin ito. Bago sila sinagot ni Balaam, hiniling niya sa Diyos (YHVH) kung ano ang kanyang

gagawin. Sinabi sa kanya ng Diyos na huwag siyang sumama sa mga mensahero papuntang

Moab.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na isang higante si Og, ang Hari ng Bashan? Ginamit sa Bibliya ang salitang

Hebreong “Nefilim” o “Refa’im” upang ilarawan ang mga higante. (Deuteronomio 3:11)

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 2: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 1, 2, at 3 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Sino ang hari ng mga Moabita na nagnais na labanan ang bayan ng Diyos?

2. Bakit siya natatakot sa mga Israelita?

3. Sino ang sinubukang bayaran ni Balak upang sumpain ang mga Israelita?

4. Saan nakatira si Balaam?

5. Bakit hindi sumama si Balaam sa lupain ng Moab kasama ng mga mensahero?

Mensahe: Basahin: Mateo 7:24-28 at Deuteronomio 8. Ginagamit ng Diyos ang mahihirap na sitwasyon upang

subukin at pakalasin tayo.

Talatang isasaulo: “Sapagkat kasama mo ang Diyos mong si Yahweh; siya ang makikipaglaban para sa iyo at

pagtatagumpayin ka niya.” (Deuteronomio 20:4)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang mga Mensahero sa Mesopotamia

2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:

https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 3: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikalawang Aralin)

Ikalawang Aralin: Naglakbay si Balaam patungong Moab Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:13–23 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na laging tama ang sumunod sa Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalawang Aralin, sinabi ni Balaam sa mga mensahero na hindi niya susumpain ang mga

Israelita. Bumalik ang mga mensahero sa Moab at sinabi kay Balak ang masamang balita.

Determinadong mapaalis ang mga Israelita, nagpadalang muli si Balak ng isa pang grupo ng mga

mensahero na may dalang mas maraming salapi upang makipagusap kay Balaam. Gusto ni

Balaam na magkamal ng malaking kayamanan! Pagkatapos na makipagusap sa Diyos, pumayag

siya na magtungo sa lupain ng Moab kasama ng mga mensahero. Habang daan, nakita ng

kanyang sinasakyang asno ang anghel ng Diyos sa unang pagkakataon at tumakbo ito palayo sa

daraanan. Hindi nakita ni Balaam ang anghel gaya ng kanyang asno.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na nanirahan si Moises kasama ang mga Madianita sa loob ng 40 taon bago siya

bumalik sa Egipto upang palayain ang mga Israelita? (Mga Gawa 7:29-30)

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 4: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 4, 5, at 6 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Bakit nagulat si Haring Balak ng hindi pumunta si Balaam sa Moab?

2. Ano ang sunod na ginawa ng Hari upang baguhin ang desisyon ni Balaam?

3. Ano ang sinabi ng Diyos na gagawin ni Balaam?

4. Ano ang lihim na plano ni Balaam? Paano niya sinuway ang Diyos?

5. Bakit tumakbo ang asno palayo sa daraanan?

Mensahe: Basahin: Mga Gawa 5:17–32. Sinubukan ni Balaam na bigyang kasiyahan ang Diyos at si Haring

Balak? Bilang mga tagasunod ni Yeshua (Jesus), dapat nating sundin ang Diyos sa halip na gumawa

ng desisyon upang pahangain o bigyang kasiyahan ang ibang tao.

Talatang isasaulo: “Sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.”

(Mga Gawa 5:29)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Naglakbay si Balaam patungong Moab

2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:

https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 5: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikatlong Aralin)

Ikatlong Aralin: Ang Anghel ng Diyos | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 22:24-38 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na nais ng Diyos na masiyahan tayo sa kung ano ang mayroon tayo

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikatlong Aralin, nagpatuloy si Balaam at ang kanyang asno sa paglalakbay patungong Moab.

Muling nakita ng asno ang Anghel ng Diyos at muling pinalo ni Balaam ang kanyang asno. Nang

makita ng asno ang Anghel sa ikatlong pagkakataon, hindi na ito gumalaw. Binigyan ng Diyos ng

kakayahang magsalita ang asno. Bigla, binuksan ng Diyos ang mata ni Balaam at nakita niya ang

Anghel (na si Yeshua) sa kanyang harapan. Alam ni Yeshua na mas interesado si Balaam sa pera at

sa pagbibigay kasiyahan kay Haring Balak kaysa sa sumunod sa Kanya. Sinabi Niya kay Balaam na

pumunta sa Moab at sabihin kung ano lamang ang ipinasasabi ni YHVH. Pumayag si Balaam at

mabilis na nagtungo sa Moab.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang pangalan ni Jesus sa wikang Hebreo ay Yeshua? Ang Kanyang buong

pangalan ay Yehoshua na ngangangahulugang, ‘Ang Diyos ang Aking kaligtasan’.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 6: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 7, 8, at 9 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Ano ang nakita ng asno ni Balaam sa daraanan?

2. Ano ang ginawa ni Balaam sa tuwing iniiwasan ng kanyang asno ang Anghel ng Diyos?

3. Ano ang sinabi kay Balaam ng kanyang asno?

4. Sino ang Anghel na humarang sa daraanan? Ano ang Kanyang sinabi kay Balaam? Bakit?

5. Sa huli, ano ang sinabi ni Balaam kay Haring Balak ng dumating siya sa Moab?

Mensahe: Basahin: Mga Bilang 22:20-38. Ang pag-ibig ni Balaam sa salapi ay ang nagtulak sa kanya na

bigyang kasiyahan si Haring Balak ng higit sa Diyos. Hindi tayo dapat na magnasa ng pera ng higit

sa Diyos. Dapat tayong masiyahan kung ano ang mayroon tayo.

Talatang isasaulo: “Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi

ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” (Hebreo 13:5)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang Malaking Kayamanan!

2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:

https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 7: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikaapat na Aralin)

Ikaapat na Aralin: Pinagpala ng Diyos ang Bansang Israel Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 23:1–24:9 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na iniingatan ni YHVH ang Kanyang bayan

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikaapat na Aralin, dinala ni Balak si Balaam sa isang mataas na lugar kung saan nagtayo siya ng

pitong altar at nagdala ng mga hayop na susunugin para sa Diyos. Pagkatapos ng pakikipagusap

ni Balaam kay YHVH, sinunod niya ang sinabi ni YHVH at pinagpala ang bansang Israel. Nagalit si

Balak. Dinala niyang muli si Balak sa isa pang mataas na lugar upang maghandog. Muli, sinunod ni

Balaam ang Diyos at pinagpala ang bayang Israel. Sa ikatlong pagkakataon, dinala niyang muli si

Balaam sa isang mataas na lugar upang maghandog. Muli, sinunod ni Balaam ang Diyos at

pinagpala ang bansang Israel.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na si Balaam ay nagmula sa Pethor sa Mesopotamia? (Deuteronomio 23:4). Sa

salitang Hebreo, ang pangalang Pethor ay nangangahulugang ‘manghuhula’ o ‘tagapagbigay

kahulugan sa mga panaginip’.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 8: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 10, 11, 12, at 13 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Saan si Balaam naghandog?

2. Ano ang nakikita ni Balaam mula sa tuktok ng burol?

3. Ano ang mga pagpapala na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Balaam pagkatapos ng ikalawang

paghahandog?

4. Ano ang mga pagpapala na sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Balaam pagkatapos ng ikatlong

paghahandog?

5. Sinumpa ba ni Balaam ang bayan ng Diyos gaya ng nais na ipagawa sa kanya ni Haring Balak?

Mensahe: Basahin: Mga Bilang 23–34. Ang masamang plano ni Balak ay ginamit ng Diyos para sa ikabubuti ng

Kanyang bayan, ang bayang Israel. Laging iniingatan ng Diyos ang Kanyang bayan na umiibig at

sumusunod sa Kanyang mga utos.

Talatang isasaulo: “Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang

mabubuhay.” (Awit 145:20)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Pinalo ni Balaam ang kanyang asno

2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:

https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing

panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 9: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Planong AralinIniligtas ng isang Asno (Ikalimang Aralin)

Ikalimang Aralin: Ang napakasamang plano ni Balaam | Guro: Teksto sa Kasulatan: Mga Bilang 24:10-25:9, 31:1-54  Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na pinagpapala tayo ng Diyos sa tuwing sinusunod natin ang Kanyang mga utos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalimang Aralin, nagalit si Balak kay Balaam dahil pinagpala nito ang mga Israelita. Gayunman,

mas maraming balitang nais ibahagi si Balaam. Sinabi nito kay Balak na isang Tagapagligtas ang

darating at pupuksain nito ang mga kaaway ng Israel. Sinabihan ni Balak si Balaam na umuwi na.

Ngunit bago siya bumalik sa Mesopotamia, sinabi ni Balaam kay Balak kung paano sila gagapiin ng

mga Israelita.Nagpadala si Balak ng maraming babae upang aliwin ang mga Israelita. Ngunit hindi

natuwa si Yahweh. Nagpadala Siya ng salot sa mga taong sumamba sa mga diyus-diyusan at

inutos sa mga Israelita na salakayin ang mga Madianita. Sinunod ni Moises ang Diyos at nagwagi

sila sa labanan.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ginamit ng Diyos si Balaam upang hulaan ang kapanganakan ng darating na

Mesiyas o Tagapagligtas? (Mga Bilang 24:17)

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com

Page 10: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin. Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, nakita ni Haring Balak

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 14, 15, at 16 mula sa kuwentong ‘Iniligtas ng isang Asno.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Bakit gusto ni Balak na pauwiin si Balaam?

2. Ayon sa Bibliya, ano ang nangyayari sa mga Israelita sa tuwing sumusunod at sumusuway sila sa

Diyos?

3. Anong payo ang ibinigay ni Balaam kay Balak upang matalo nito ang mga Israelita?

4. Ano ang nangyari ng sundin ni Balak ang payong iyon?

5. Ano ang ginawa ng Diyos sa mga Israelita at mga Madianita?

Mensahe: Basahin: Deuteronomio 28. Binigyan tayo ng Diyos ng mga utos upang tulungan tayo. Kung

susundin natin ang mga iyon, pagpapalain Niya tayo.

Talatang isasaulo: “Mamuhay kayo ayon sa kanyang mga utos. Sa ganoon, sasagana kayo at hahaba ang buhay ninyo

sa lupaing sasakupin ninyo.” (Deuteronomio 5:33)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang napakasamang plano ni Balaam

2. For more activities, see our Balaam’s Donkey Activity Book for Kids Ages 3-5. Preview here:

https://biblepathwayadventures.com/activities/balaams-donkey-book-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures 2018 www.biblepathwayadventures.com