20
PROYEKTO SA PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PANTURO

Project webs

Embed Size (px)

Citation preview

PROYEKTO SA PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG

KAGAMITANG PANTURO

GRAPHIC ORGANIZER

FACTSTORMING WEB

Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkat makikita rito ang lahat

ng masasaklaw na detalye. Nasa sentro ang pangunahing konsepto at

nakapaligid dito ang kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa

kaugnay na konsepto ang iba pang mga detalye.

SPIDER WEB

Karaniwang mahahati ang aralin sa apat at bawat isa

ay tumutukoy sa isa sa apat na paa ng gagamba.

Binubuo ng pangunahing konsepto at sumusuportang datos ang bawat pangkat.

SEMANTIC WEB

May apat na elemento ang semantic web:

a. Ang core question na paksa ng aralin;

b. Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat sa apat na kahon;

c. Ang strand support na sumusuporta sa web strand; at

d. Ang strand tie na linyang nagdurugtung sa lahat ng web strand.

DISCUSSION WEB

Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na

halos magkatimbang o balanseng masasagot ng OO o HINDI. Naoorganisa rito ang mga

argumento o ebidensya tungkol sa isyung tinatalakay.

SAYKLIKAL NA TSART

Ang sayklikal na tsart ay magagamit sa pagpapakita ng

daloy ng mga gawain, pangyayari o proseso mula sa simula hanggang katapusan.

INIHANDA NI:

PRETZEL ANN G. RED BSED-3F

TTH (5:00-6:30)

KASAMAHAN:ROSELYN TISOY MARIA JUVIE YUSON

WAKASSAMALAT PO!