Proverbs Carlo

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    1/22

    Proverbs 17

    verse 1 - harmony in the family is better to aspire than riches. Ang tahanang tahimik, nagkakasundo at

    nagmamahalan at di hamak na nararapat na asamin ng sinuman kumpara sa yaman. Kung lahat ng bagay

    ay kaya mong bilhin ngunit wala naman kapayapaan sa tahanan, ay hindi lubos ang kaligayahan na

    madarama mo. Marami tayong nasasaksihan na kadalasan sa mga mayayaman o ang mga magulang sa

    tahanan ay nasa ibang bansa upang mag-trabaho ay nagkakaroon ng mga anak na naliligaw ng landas.

    Isang paalala sa mga magulang na nagtratrabaho sa ibang bansa o malayo sa kanilang pamilya

    na kung sakaling nagkakaroon na ng problema sa inyong pamilya ay dapat lamang na unahin itong

    ayusin kesa ang pagkita ng malaking pera.

    verse 2 - a wise person, whatever his status, will be looked up by someone. Ang isang payak na tao na

    maayos ang pamumuhay ay mas igagalang at paniniwalaan kesa sa isang mayaman na sira-sira ang

    paraan ng kanyang pamumuhay. Hindi sa yaman o katayuan sa lipunan ang tamang batayan sa isang taoupang igalang o paniwalaan kundi sa ayos ng kanyang ugali o kung paano siya mamuhay.

    Verse 3 Huwag natin kalimutan na ang Panginoon ang siyang tumitingin sa tunay na laman ng puso ng

    tao. Kung ang tao ay kaya nating linlangin sa ating motibo, sa Diyos ay walang makakalusot dahil batid

    Niya ang lahat. Sinusubok Niya ang ating puso kung ito ay tunay na nagtitiwala at nagmamahal sa Kanya

    hindi sa kung ano ang ating sinasabi.

    Verse 4, 11Kahalintulad siya sa kasabihang birds with the same feathers flock together. Ang ibig

    sabihin ay ang mga kapwa masasama ay magkakasama sa gawang hindi tama at ang mga taongmatutuwid ay magkakasama rin sa gawaing nakakalugod sa Diyos. Siyasatin natin an gating mga sarili

    kung kanino tayo suma-sama.

    verse 5, 15 - Ang sinuman lumalait sa mga mahihirap ay parang nilalait na rin nito ang Panginoon na

    siyang may likha. Para itong isang painting na kapag sinabi mong hindi ito maganda ay para mo na rin

    sinabi na pintor na hindi siya marunong mapinta. At kung sinuman ang magalak sa pagka-bagsak ng

    kanyang kapwa ay hindi nalulugod ang Diyos ditto. It reminds us that the Lord is fair in dealing with

    people. Kaya makigalak sa mga nagtatagumpay at makisimpatya sa mga bigo. Huwag tayong maging

    mainggitin sa tagumpay ng ibang o sa kasiyahan na tinatamo ng iba. Kung ang ating kaibigan ay masaya

    sa kung anong meron siya sa kanyang buhay, basta hindi ito kasalanan, ay makigalak tayo. Hindi iyongtayo pa ang naiinggit at hindi natin tuloy nalalaman na nakakagawa pala tayo ng hindi maganda sa ating

    kapwa.

    Verse 6 It shows that everyone is important to each other, young or old.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    2/22

    Verse 9 - a loving person is the one who covers the imperfection of the other person. And a foolish

    person is the one who always do the same mistake over again to that same person.

    verse 10, 16 - rebuke is useful and heard by a wise person. Isang sign ng isang matalinong tao kung ito ay

    tumatanggap ng mga payo ng ibang tao. Pero ang payo sa isang hangal ay wala itong halaga. Kahit

    paulit-ulitin mo pang sabihin ito sa kanya ay hindi ka niya pakikinggan.

    verse 12 - avoid foolish or unwise people. Mas mabuti pa daw makasalubong ng isang oso kesa sa isang

    taong hangal.

    verse 13 - Ang sinuman ang gumawa ng masama sa isang taong matuwid, ay hindi kelan man aalis ang

    kasamaan sa kanyang tahanan. Halimbawa, may isang mabuting tao ang tumulong sa iyo sa oras na

    kelangan mo ng tulong ng iba tapos ginawan mo ng hindi maganda, maaaring sa susunod na kailanganin

    mo siya ay hindi ka na niya tutulingan pa. At mas worst pa e habang buhay niya iyon itatak sa isip niya.

    verse 14 - wag na hayaang mag-umpisa pa un away kasi mahirap ng patigilin pa, huwag pairalin ang

    pride. Kung may hindi pagkakasunduan ay ayusin na ito habang maaga pa dahil pag lumalala ay baka

    hindi na ito matigil o masolusyunan. Tulad na lamang sa away ng magkakaibigan na dahil lang sa

    simpleng hindi pagkakaintindihan e ilang taon silang hindi nagkibuan o nagpansinan. Nasayang lamang

    ang mga taong lumipas na di sana e nagging masaya pa silang dalawa.

    Verse 15 ang sinumang nagtatanggol sa mga masasama at nagpaparusa sa mga walang sala e

    kasuklam-suklam ito sa mata ng ating Panginoon. Any form of injustice or unfairness ay hindi ito

    nakakalugod sa Diyos. Palagi tayong maging patas sa lahat ng tao hindi lamang sa ating mga kapamilya omga kaibigan. Halimbawa, may kasalanan ang ating anak sa ibang tao, hindi siya naging mabuti sa

    pakikitungo, huwag tayong maging kunsintidor o pagtakpan ang kanyang kasalanan dahil lamang sa siya

    ay ating anak. Parusahan kung sino ang may kasalanan.

    verse 17 - someone will rise up to help you in times of your need. Kahit nasa malayo kang lugar na

    hiwalay sa pamilya mo e huwag kang matatakot nab aka wala kang matakbuhan sa oras ng

    pangangailangan dahil magtatalaga ang Diyos ng isang bagong kaibigan na tutulong sa iyo.

    verse 18 - don't be a co-maker for someone else. Kung may kaibigan kang nais mangutang sa isangbangko at gusto ka niyang maging garantor (ikaw magbabayad ng inutang niya pag hindi siya nakabayad)

    ay huwag na huwag mo itong gagawin lalo na at hindi mo alam ang kanyang lifestyle sa paghawak ng

    pera dahil ikaw ang mananagot sa oras na hindi ito makabayad.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    3/22

    verse 20 - ang taong masama e walang makikitang mabuti sa isang tao. Tignan ang sarili kung puro

    negatives na lang ang ating napapansin sa ibang tao dahil ito ay isang katangian ng isang masamang tao.

    At walang maidudulot na mabuti ang pagsisinungaling kaya laging magsasabi ng totoo. Kung sa una e

    maganda ang resulta ng ating pagsisinungaling, baka sa bandang huli ay disaster ang dulo nito.

    Verse 22 Malaki ang naitutulong ng isang masayang puso sa isang taong may sakit at higit nanakakapanghina sa katawan kung puro problema ang ating iisipin. Tulad ng kadalasan na ating ginagawa

    pag tayo ay dumadalaw sa may sakit e pinapasaya natin ito para sa mas mabilis na paggaling niya.

    Verse 23 Ang mga masasamang tao ay tumatanggap ng mga suhol upang baluktutin ang katotohanan.

    Babala ito sa mga nasa hukuman o mga abogado na huwag tumanggap ng kahit anumang suhol para

    lamang ipagtanggol ang mga may kasalanan.

    verse 24 - a wise man seeks wisdom and a fool does not look after it. Ang mga matatalinong tao ay

    naghahanap pa ng karunungan at ang mga hangal ay hindi na naghahanap nito.

    verse 25 - a foolish son is a disgrace to parents.

    verse 26 Maging mabuti sa taong mabuti. Huwag gagawan ng masama ang mga taong gumagawa sa

    iyo ng mabubuting bagay.

    verse 27 - 28 - there is a positive effect if we control ourselves. It is not always wise to let go of your rage

    or to voice out your opinion when not necessary. Timing Is everything. May mga pagkakataon na mas

    mabuting manahimik tayo kung sakaling may hindi pagkakaunawaan sa ibang tao. Hindi sa lahat ng oras

    ay kelangan nating i-exercise ang mga rights natin dahil sa mga posibleng negatives effects nito sa ibang

    tao dahil mga masasakit na salita na ating binibitawan.

    Proverbs 18

    verse 1 Ang mga taong nais laging mapag-isa o un laging gustong sarili lang niya ang masusunod ay

    hindi nagkakaroon ng isang mabuting pasya para sa sarili. Halimbawa, bibili ka ng isang bahay, pero ikaw

    un tipo ng tao na ayaw mong kumunsulta sa iba lalo na sa mga marurunong bumili ng bahay. Ikaw ay

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    4/22

    nalalagay sa panganib na maloko o magkamali sa pagbili ng bahay dahil sa kawalan mo ng tamang payo

    o kaalaman sa bagay na ito.

    verse 2 - ang taong hangal e nde nakikinig sa payo ng iba, kundi nais lang nya ang side lang nya ang

    marinig. Hindi sya tumatanggap ng pagkakamali. Kung sa isang pagtatalo ikaw un tipong gusto mo

    lamang magsalita ng magsalita tungkol sa iyong saloobin at hindi ka man lang nakikinig sa mga sinasabi

    ng iyong kausap, ay nagpapakita na ikaw ay isang hangal sa paraang ito. Matuto tayong igalang din ang

    mga opinion at mga sinasabi ng iba patungkol sa atin.

    Verse 4, 20 Kung nais nating tayo ay purihin ng iba sana ito ay sa kadahilanan na tao ay may

    karunungan sa buhay. Pinapakita ditto kung gaano kaganda tignan ang isang tao dahil sa karunungan o

    wisdom na mayroon siya.

    verse 5 - always act or give judgment fairly. Hindi daw maganda na gawan natin ng masama ang mga

    mabubuti o maging hindi patas sa mga masasama. Huwag natin tularan ang karamihan ng mga

    nakakukulong sa ating bansa ay walang mga kasalanan, sila ay nagdurusa sa mga sala na piata sa kanila

    na hindi naman nila ginawa. At patuloy na mga malalaya ang mga taong tunay na gumawa ng krimen o

    pagkakasala.

    verse 6, 7 - malalaman mo kung fool ka kung madalas ka makipag-away. :) Ang mga salitang nagmumula

    sa isang hangal na tao ay nagdudulot ng gulo sa ibang tao. Lagi sa kanya nagmumula ang away.

    Verse 8 - ang mga salita ng isang marunong na tao ay tagos sa puso ng mga taong nakikinig nito.

    verse 9 - ang nagtratrabaho ng nde maayos e parang naninira, walang pakinabang. Hindi ito magkakamit

    ng tagumpay sa kanyang sariling buhay. Kunwari, ikaw ay isang empleyadong ayaw magtrabaho ng

    maayos, hindi tama na isipin mo na ikaw ay aasenso sa iyong opisina.

    verse 10 - a righteous man runs to the LORD for safety or help. Ito ang tamang gawin ng isang matuwid

    na tao lalo na sa oras ng kagipitan. Isa itong sign na ikaw ay matalinong tao kung sa Diyos ka aasa sa mga

    ganitong oras dahil alam mong Siya lamang ang may-ari ng lahat, at makapangyarihan sa lahat.

    verse 12 - pag mayabang ka e abangan mo na un pagbagsak mo. pag humble ka e wait for the LORD to

    lift you up. Ayaw ng Diyos sa ga taong matataas ang tingin sa kanilang mga sarili. Kung sa una ay tingin

    natin na nagtatagumpay ang mga palalo, baling araw ay matitikman din nila ang poot ng Diyos sa kanila.

    Always stay humble, ito ang kalugud-lugod sa Panginoon.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    5/22

    verse 13 - listen first before you speak para nde ka makitang fool. It is wise to listen to what others say

    to us dahil baka tama sila sa tingin nila sa atin. Halimbawa, sa oras ng pagtatalo lagi mo na lang sinasabi

    na wala akong kasalanan, wala akong ginawang mali pero kung pakikinggan natin ang mga sasabihin

    ng iba ay makikita nga natin na sa atin ang pagkakamali. Lalabas lamang na tayo ay mangmang.

    At huwag iyong laging sabat ng sabat lalo na kung hindi tayo kausap ng iba. May mga taongmahilig sumingit sa usapan ng iba. Kunwari, may dalawang taong nag-uusap hindi tama na sasali tayo sa

    usapan na hindi naman tayo iniinvite na sumali. Kasi malaki ang percent na hindi natin alam o hindi tayo

    sigurado sa topic na kanilang pinag-uusapan.

    verse 14 - physical pain is bearable than emotional pain. Madalas nating naririnig na mas mabuti pang

    saktan na lang sila physically kesa sa saktan sila emotionally. Ito ay isang katotothanan na akala natin ay

    walang katotohanan o walang basehan. Totoo na mas kaya pa ng ating katawan ang physical pain

    kumpara sa emotional pain.

    verse 15 - a wise man always seeks knowledge nde un walang halaga ng mga bagay-bagay. Maraming

    mga tao ang inuubos ang kanilang oras sa chismisan, facebook o walang ginagawa sa buhay imbis na

    gugulin ang oras nila sa mga productive na paraan tulad ng pagtratrabaho sa bahay, o pagbabasa ng

    libro .

    verse 16 Maaaring ito ay patungkol sa positibong epekto ng pag gawa ng mabuti sa iba. Magkakaroon

    ka ng madaming kaibigan kung ikaw ay marunong makitungo sa ibang tao. At who knows baka pati mgamatataas na tao sa ating lipunan ay maging kaibigan mo.

    verse 17 - nde lahat ng unang nagsusumbong sa atin e dpat paniwalaan not unless verified. Kunwari si

    Juan ang unang nagsumbong sa atin na ginawan siya nga mali ni Pedro. Sa unang tingin natin sa story ay

    si Pedro ang may kasalanan. Pero pagkatapos nun si Pedro naman ang lumapit sa atin at sinabi ang side

    ng story niya. After hearing both sides of the story, makikita natin na si Juan pala talaga ang may

    kasalanan sa kanilang dalawa. Kaya pinapakita dito na importanteng ng pakinggan natin ang both sides

    of the story when making judgment or decision sa isang conflict.

    Verse 18 lots or casting the lots means to inquire to God. Kayang pag-ayusin n gating Panginoon ang

    anumang away na involve tayo. Pray to God na tulangan tayo na maayos an gating relasyon sa ibang

    tao.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    6/22

    verse 19 - it shows what a man can do to us when he receives unfair judgment. so be careful when

    giving it. Halimbawa, iyong akala mong tao na hindi kayang gumanti sa iyo ang lagi mong binu-bully o

    pinagsasamantalahan ang kabaitan ay siya pa pala un kayang gumanti sa iyo sa oras na napuno na ang

    kanyang pasensya sa iyo. Beware sa mga taong hindi natin ginagawan. Deal all kind of people kindly and

    fairly.

    verse 21 - a tongue is a powerful weapon, it can make us or break us. Maraming bagay ang ayang buuin

    ng ating dila. Pwde nitong pagkasunduin ang magkakaaway, palakasin ang mga nanghihina o bigyan ng

    pag-asa ang mga nawawalan na. Ang dila din natin ay pwdeng sumira ng isang magandang samahan, ng

    tahananan, ng tiwala o ng confidence ng isang tao sa kanyang sarili. Be careful where we use our mouth.

    verse 22 a good wife is a blessing from the LORD and it is good to have a wife/husband. Hindi

    kasalanan ang magkaroon ng asawa lalo na ung ikaw ay nasa ministry. Kadalasan naririnig natin na

    istorbo daw sa ministry o sa paglilingkod sa Paginoon kung tayo ay mag-aasawa. Pero ang katotohanan

    ay isa itong biyaya na mula sa Panginoon at hindi natin kailangan maging guilty about dito.

    verse 24 - it is better to have a few good friends than to have many fake friends. Akala natin na kung

    marami tayong kaibigan ay mas makakabuti ito sa atin pero hindi pala. Dahil pag marami tayong

    kaibigan, ang iba sa mga ito ay mga kaibigan ka lang dahil mayroon silang pakinabang sa iyo at nawawala

    rin sila sa oras na hindi ka na nia kailangan. Kaya mas mabuti pa na konting kaibigan na alam mo na kahit

    anong sitwasyon ng buhay ay nariyan sila sa tabi mo. Make friends to many but keep a few ones.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    7/22

    Proverbs 19

    Verse 1 It is better to be a poor person but who has integrity and wise than a rich man who lives a

    foolish life. Hindi natin kailangan maging mayaman para lamang magkaroon ng buhay na masaya bagkus

    pinapakita ditto na mabuti pang mamuhay ng payak kung may kaayusan ang ating pamumuhay at

    nakakalugod sa Diyos.

    Verse 2 It is foolish not to desire or seek knowledge or wisdom. Kaya maraming tao ang nalalagay sa

    kapahamakan dahil hindi hinahanap ang karunungan sa mundong ito. Puro mga kahangalan na likas sa

    tao ang kanilang pinapairal. Hindi tama na magpadalus-dalos tayo sa ating mga pasya dahil

    paniguradong kapahamakan ang kalalabasan nito. Matuto tayong maghintay sa tamang panahon.

    Halimbawa, kung gusto nating yumaman agad hindi tama na gumawa ng masama para makamit ito.

    Hindi sa paraang magnanakaw o magbebenta ng droga ang tamang at ngunit mabilis itong paraan sapagyaman. Malalagay sa panganib an gating buhay kung ito an gating pipiliing landas. Maaaring

    makulong tayo o mamamatay. Mas piliin natin ang tamang landas, ang pagtratrabaho ng tapat at

    marangal at hayaan natin pagpalain tayo ng Diyos sa tamang panahon.

    Verse 3 Isang sign na ang tao ay foolish ay kapag pinagpilitan niya ang kanyang sariling kagustuhan at

    siya ay nalagay sa kapahamakan, sisisihin niya ang Panginoon dahil dito. Maraming tao ang ganito, lalo

    na ang mga unbelievers. Palagi nilang minumura, nilalalait o kaya ay sinusumpa ang Diyos sa oras nabagsak na bagsak na ang kanilang buhay. Pero sa umpisa pa lamang e hindi na sila tumawag sa Diyos

    para humingi ng gabay.

    Verse 4 Nagkakaroon ng maraming kaibigan ang mga mayayaman dahil sa benepisyo nito sa kanila.

    At salat naman sa mga kaibigan ang mga dukha marahil dahil sa iniisip ng ibang tao na sa oras ng

    pangangailangan ay hindi sila nito matutulungan. Pero isa itong babala sa atin na hindi lahat ng ating

    kaibigan ay tunay lalo na kung tayo ay nakakaangat sa buhay. Dahil may ilan dito ang mga taking

    advantage lamang.

    Verse 5, 9 Tandaan natin na ang mga taong gumagawa ng masama ay hindi hahayaang hindi

    maparusahan ang mga ito ng ating Panginoon.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    8/22

    Verse 6, 8 Marami ang natutuwa at nagiging kaibigan sa mga taong mabubuti ang asal at mga wise sa

    pamumuhay. Kung gusto natin magkaroon ng kaibigan sa ibang lugar, ay magpakita tayo ng

    mabubuting asal at tamang pakikitungo sa kanila.

    Verse 7 - In contrast sa verse 6, na ang mga taong may masamang ugali ay kinamumuhian ng lahat ng

    tao maging ng mga kapatid o kaibigan nito.

    Verse 10 Hindi maganda tignan na mamuhay sa karangyaan o bigyan ng katungkulan ang mga taong

    mangmang dahil paniguradong wawaldasin niya lang ang mga yaman na meron siya sa mga walang

    kabuluhang mga bagay at hindi niya mapapamunuan ang mga maraming tao ng maayos.

    Verse 11 Ang mabuting tao ay kayang kalimutan o pagpasensyahan ang mga pagkakamali ng iba dahil

    niya ang mga kahinaan ng mga tao kaya malaki ang kanyang pasensya. At ang mga marurunong na tao

    ay kayang magsalita na hindi nakaka-offend sa iba dahil marunong silang pumili ng mga tamang salita.

    Verse 12 Ang galit ng isang hari o ng sinumang may mataas na katungkulan ay parang leon na kayang

    gawin ang lahat ng bagay upang ikaw ay maparusahan. Pero ang kanyang biyaya naman ay walang

    katumbas sa lahat. Halimbawa, Kung ikaw ay may nagawang hindi maganda sa iyong boss ang galit nito

    ay maaaring hindi mo mapahupa at maging resulta ng pagkatanggal mo sa iyong trabaho. Pero pag

    nakagawa ka naman ng magandang bagay ditto at napasaya mo siya ay maaaring i-promote ka nito sa

    iyong katungkulan.

    Verse 13 Ang hangal na anak ay isang kahihiyan ng kanyang magulang. Halimbawa, may mga

    mayayaman na mga magulang tapos dahil sa kanila mga anak na suwail ay nauubos nito ang kanilang

    kayamanan sa hindi tamang paraan.

    Ang isang asawa na madaldal o talakera ay parang isang tulo sa bubong ng bahay na nakakairita

    sa pandinig ng kanilang mga asawa. Dapat lang siguro na matutunan ng mga asawang babae ang

    kontrolin ang kanilang bibig at makipag-usap ng maayos at mahinahon sa kanilang mga asawa dahil sanegatibong epekto nito sa kanila.

    Verse 14 - Ang kayamanan dito sa mundo ay maaari o literal na namamana natin sa ating mga magulang

    pero ang isang mabuting may bahay o asawa ay tanging Panginoon lamang ang nagkakaloob nito. Kaya

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    9/22

    tama lamang na manalangin tayo kung tayo ay nagnanais na magkaroon ng asawa dahil ang Diyos ang

    siyang magbibigay nito sa atin, un makakabuti para sa atin.

    Verse 15, 24 - ang tamad na tao ay paniguradong maghihrap. Halimbawa, may naririnig tayong kwento

    na kahit laki sa hirap pero nagsumika ay pagkaraan ng ilang taon ay yumaman. At may ibang tao naman

    na kahit lumaki sa yaman pero nagging tamad at hindi nagsumikap sa pagtratrabaho ay pagkalipas ng

    ilang taon ay nalugmok na ito sa kahirapan.

    Verse 16, 23 ang mga utos ng ating Panginoon ay para sa ating ikakabuti ang mga ito. Kaya pag hindi

    natin sinunod ang planong ito ng ating Panginoon ay paniguradong kapahamakan ang dulo nito. Tulad

    ng huwag kang magnanakaw, pag ito ay ginawa mo at nilabag mo ang utos na ito ng Panginoon ay

    maaaring makulong ka at maging miserable ang iyong nalalabing buhay sa mundo.

    Verse 17 Ang sinumang nagpapahiram o tumutulong sa mga mahihirap ang parang sa Diyos natin ito

    ginagawa. Nalulugod ang ating Panginoon sa mga ganitong gawain dahil pinapakita lamang natin na

    pinapahalagahan natin ang lahat ng tao na Kanyang nilikha. At Siya na mismo ang mag-gagantimpla sa

    atin sa mabuting asal na ito sa mga nangangailangan. May mga pagkakataon na pag tayo naman ang

    may kailangan ay bigla na lang may dumadating na tulong na hindi natin inaasahan.

    Verse 18 Turuan natin ang ating mga anak ng tamang asal dahil may pag-asa pa na mabago pa ito. Lalo

    na sa mga bata pa lamang para sa paglaki nila ay hindi nila makakalimutan ang mga aral na ating tinuro

    sa kanila. Mabuti na sa murang edad pa lamang nila ay paluin na sila na ayon sa kanilang kasalanan kesa

    sa lumaki silang rebelde sa atin at maging sanhi pa ng sakit sa ulo o kaya ay sa kanilang kapahamakan.

    Verse 19 Huwag nating i-tolerate o ipagtanggol ang mga gawang masasama n gating mga anak dahil

    dadarating ang araw na paulit-ulit din niya itong gagawin at sa bandang huli ay paulit-ulit din ninyong

    ipagtatanggol siya. Hindi niya malalaman ang mga tamang asal o pag-uugali kung palagi niyo siyang

    ipagtatanggol. Halimbawa, may isang anak na salbahe sa eskwelahan, ang magulang nito ay puro

    tanggol sa principal na sinasabing mabait naman ang anak nila at hindi niya ito kayang gawin. Daratingang araw na paulit-ulit lang din siyang babalik sa principal para ipagtanggol ang kaniyang anak dahil hindi

    nito natututunan ang kanyang pagkakamali.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    10/22

    Verse 20 Makinig sa mga payo at pangangaral ng ibang tao dahil isa itong paraan ng pagkuha ng

    karunungan sa mundong ito. Hindi sariling effort ang pagkuha ng karunungan kundi ito ay isang group

    effort na maaaring maging involve ang maraming tao para makamit ito.

    Verse 21 Ang tao ay maraming pasya o pangarap sa buhay. Ito man ay maging mayaman, pagiging

    tanyag, o magkaroon ng kapangyarihan sa lipunan. Pero ang naisin lamang Panginoon ang magkakaroon

    ng katuparan. Kung tayo ay mangangarap hilingin natin sa ating Panginoon na ilagay sa puso natin ang

    Kanyang kalooban ng sa gayun ay naka-sync ang gusto natin sa naisin ng Diyos sa ating buhay. Tulad ng

    pagyaman, kung iyon ang naisin natin syempre gagawin natin ang lahat para makamit iyon pero sa dulo

    pala e hindi iyon gusto ng Diyos para sa atin dahil maaaring in the future e hind maging maganda ang

    kahinatnan ng pangarap na ito sa ating buhay. So better pray to the Lord na ipakita sa atin ang kanyang

    purpose sa ating buhay at iyon ang i-pursue natin sa buhay na ito.

    Verse 22 Ang tanging nais lamang ng Panginoon sa atin ay ipamalas ang pagamahalan sa mundong ito

    dahil Siya ay loving God. Dapat lamang na tularan natin ang mga attributes o pag-uugali ng ating

    Panginoon dahil tayo ay Kanyang mga anak. At mas malulugod pa Siya sa atin kung tayo lumaking

    mahirap pero tapat naman sa ating kapwa kesa maging mayaman na tinapakan naman ang ibang tao.

    Verse 25 May mabuting maidudulot ang pagtutuwid sa maling gawain ng isang taong marunong o

    wise. Dahil binibigyan niya ito ng pansin at pinipilit na baguhin ang kanyang pag-uugali para sa kanyang

    sariling ikabubuti.

    Verse 26 ang taong hindi marunong rumespeto sa kanyang mga magulang ay isang kahihiyan sa

    kanyang pamilya. Igalang natin at mahalin ang ating mga magulang dahil ito ang utos ng Diyos na

    nakakalugod sa Kanya at may hatid na pagpapala.

    Verse 27 29 Pinapakita ditto ang mga negatibong epekto ng pagiging unfair sa ibang tao, pag gawa

    ng hindi tama sa kapwa at maging ng pagtalikod sa mga turo o pangangaral ng iba ay hahatong sa

    kamatayan o kahirapan sa buhay. Walang anumang positibong bagay makikita sa isang hangal na tao.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    11/22

    Proverbs 1

    Verse 1-4

    The purposes of the book of Proverbs are 1.) To know how to deal wisely, righteously, justice

    and with equality for our daily lives. 2.) To give wisdom to those who are fool or little knowledge and 3.)

    a guidance to the youth para hindi sila mapariwara sa buhay.

    For our Lord is a good God and He deals us justly and out of His love. It is necessary for us, His

    children, to follow these steps. The book proverbs is our manual to deal things that is honorably in the

    sight of our Creator.

    Verse 5

    Let the wise men continue to seek knowledge and wisdom, this is a sign of a righteous man.

    Hindi isang kahinaan ang pagtanggap ng payo ng iba, bagkus ito ay isang halimbawa ng karunungan na

    kinalulugdan ng Diyos. But, beware sa mga payo na ating nakukuha dapat ito ay based sa Word of God.

    Verse 7

    Ang unang hakbang sa karunungan ay ang pagkatakot sa Diyos. Hind mo pwdeng sabihin na

    marunong ka na wala kang takot sa Diyos dahil sa kanya nagmumula ang karunungan. Halimbawa, isang

    karunungan ang pag-iipon, ito ay magagamit natin sa oras ng kahirapan. Tayo ay natatakot sa Diyos kayatayo nag-iipon hindi dahil baka hindi tayo biyayaan kundi alam natin ang Diyos ay makatarungan at

    hindi niya hahayaan na pagpalain Niya ang mga taong nagwawaldas ng pera.

    Ang magkaroon ng karunungan ay mabuti dahil ito ang maglalayo sa atin sa kapahamakan. Ang

    Diyos ay mabuti at Siya lamang ang nagbibigay ng buhay na siksik, liglig at umaapaw. At ang lahat ng

    ayaw sa Diyos ay hangal at hindi ito magkakamit ng buhay na mabuti. Para lamang iyan sa kasabihan

    Para kang nagtampo sa bigas na ang ibig sabihin ay malaki ang mawawala sa iyo. Pag tinalikuran natin

    ang Diyos at ang karunungan, ay malaki ang mawawala sa atin.

    Verse -9

    Ang mga payo ng ating mga magulang ay mabuti para sa atin. Para daw itong palamuti sa ating

    katawan na maganda tignan o mas nakakapag-enhance sa atin buhay.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    12/22

    Verse 10 19

    Wag tayong makisama sa gawa ng mga makasalanan dahil paniguradong sa kapahamakan ang

    kahihinatnan ng mga ito. Maaaring sa umpisa e maganda ang resulta ng mga gawa ng masama, pero ang

    Diyos ay fair and just sa lahat ng tao at hindi Niya hahayaan na mag-prosper ang mga masasamang tao

    na hindi sumusunod sa Kanya.

    Verse 20-22

    It shows how foolish people refuse the wisdom na nasa abot-kamay lamang natin. It is a warning

    not to be one of them as a child of God.

    Verse 23

    There is a promise na pag hinanap natin ang karunungan e hindi siya pa-hard-to-get. It assures

    us na lalapit sa atin ito o mas madali natin matutunan ang karunungan kung totoo tayong naghahanap

    nito.

    Verse 24-33

    Kung hindi natin hahanapin o pakikinggan ang karunungan ay maaaring huli na ang lahat kung

    dumating na ang sakuna sa ating buhay. Tulad ng kasabihang Nasa huli ang pagsisisi. Halimbawa nito

    ay ang pag gamit ng droga. Maaaring sa una e walang epektong masama sa atin pero sa kahulihan ekasamaan ang dulo nito. Kung hindi tayo nakinig sa mga payo ng ating mga magulang o kaibigan ay huli

    na ang lahat kung magsisisi man tayo dahil nasa loob na ng kulungan.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    13/22

    Proverbs 7

    Verse 1-4

    It suggests that make the wisdom and Gods commandments be present in our daily life. Isa

    pamuay natin ito at laging bulay-bulayin sa anumang oras. Hanggat maaarin ay kasama natin ito kung

    saan man tayo naroon. Gawin natin itong parang kapatid o matalik na kaibigan na lagging kapiling o

    laging sinasaguni sa oras ng kagipitan.

    Verse 5-27

    Our Lord gives emphasis sa bunga ng adultery. Hindi ito isang maliit na bagay na akala natin e

    walang epekto sa ating buhay. It illustrates un scenario ng isang mangangalunya na nang-aakit sa isang

    lalaki na kanyang iisama sa kanyang kasalanan. At hindi alam ng mga taong sumusuong sa ganitong

    buhay ay magkakaroon siya ng isang tahimik na buhay na parang walang nangyari pagkatapos ng aktong

    iyon. Pero hindi niya alam ay kapahamakan ang resulta nito. In a simple thought, adultery is a sin that

    our Lord abhors and its effect is catastrophic and even death.

    Halimbawa, may isang lalaking nakiapid sa asawa ng iba. Ang resulta nito ay maaaring pagkasira

    ng kanyang orihinal na pamilya, sakit na AIDS na mula sa prostitute, mahahating kayamanan sa

    dalawang pamilya kung nagkaroon siya ng anak sa babae, pagkakulong dahil pinagbabawal sa batas

    natin ang adultery at ang pinakamalala ay patayin siya ng asawa ng prostitute (o un babaeng involve sa

    adultery).

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    14/22

    Proverbs 11

    Verse 1

    Ang anumang uri sng pandaray o panlalamang sa tao ay hindi kalulugdan ng Panginoon. At ang

    matuwid na pakikitungo sa ibang tao ang siyang kinasisiyahan ng Diyos. Halimbawa nito ay sa

    pangongopya sa eskwelahan sa oras ng exam. Isa itong pandaraya sa paraan na niloloko natin ang ating

    guro na kunwari ay natuto o naintindihan natin ang aralin. Hindi tayo patas sa ating sarili, sa guro

    maging sa kaklase mo na kinuhanan mo ng iyong sagot at lalong-lalo na sa ating magulang na ang buong

    akala e natututo tayo sa eswelahan.

    Verse 2

    Ang laging resulta ng pride ay mapapahiya tyo o ang pagkabagsak natin at ang pagiging humble

    ang resulta ay katalinuhan. Halimbawa, may gustong ipagawa sa atin ang ating boss, sa kagustuhang

    maging tanyag tyo o kilala ng boss, kahit hindi natin alam e magkukunwari alam natin iyon. At

    malalaman ng boss natin na hindi natin alam un ginagawa ntin dahil sa resulta at kinahulihan ay

    mapapahiya tyo sa iba dahil maaaring mapagalitan tyo sa harap ng ibang tao. At kung humble naman

    tayo sa ating boss at sabihing hindi natin alam un pinapagawa niya ay maaaring tulungan pa tyo niya

    para matapos un task na iniatang syo at sa huli ay papasalamatan ka pa ng boss mo.

    Verse 3

    Ang dignidad ng isang matuwid na tao ay siya nyang sandigan sa pakikiharap sa anumang uri ng

    tao sa lipunan at ang kasamaan ng isang hangal na tao ang siyang magiging dahilan ng kanyang

    pagkasira. Halimbawa kahit ikaw ay isang mahirap na tao pero marangal ka naman namumuhay o

    nakikitungo sa ibang tao e kaya mong tumingin sa mga mayayaman o mahihirap na taas-noo. Pero kung

    ikaw ay mandaraya o criminal, kahit sa simpleng bgay e wala kang mararating tulad ng wala kang

    trabaho na mahahanap dahil sa record mo sa NBI o kaya magtatago sa ibang tao na iyong niloko o

    pinagsamantalahan.

    Verse 4

    Pinapakita dito na hindi papahintulutan ng Diyos na maligtas ang mga taong masasama o mga

    tumalikod sa Kanya sa oras ng paghuhukom pero tiyak na maliligtas ang mga taong matuwid sa Kanyang

    harap (sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus Christ).

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    15/22

    Isang explanation pa nito ay balewala ang iyong kayamanan sa oras na ikaw ay nasa

    kapahamakan o kunwari ay nasa kulungan. Kahit anung yaman meron ka pero kung ikaw ay nahatulan

    ng pagkabilanggo e wala itong magagawa sa isang matuwid na hustiya. Kung gusto nating umiwas sa

    ganitong kalagayan e matuto tyo sa karunungan na ating natututunan.

    Verse 5-9

    Pinapakita dito na ang pagiging mabuti o ang pagkamit ng karunungan ay nagkakaroon ng

    mabuting bunga at in contrast ang mga masasama o ang kahangalan ay kapahamakan ang kasasadlakan.

    Verse 10

    Maraming natutuwa sa tagumpay ng mga mabubuti at maraming namumuhi sa victory ng

    masasama. Haimbawa nito ay sa promotion sa trabaho, pag alam ng kasamahan mo na malinis mong

    nakuha un promotion lahat sila ay matutuwa at makikigalak sa inyo. Pero kung alam nila na ito ay galing

    sa pandaraya, maaaring magsabi sila ng hindi maganda patungkol sa iyo, o kaya ay isumbong ka sa

    inyong manager na maaaring ikatanggal mo sa trabaho.

    Verse 11

    Walang magandang resulta ang nagmumula sa bibig ng masama at puro uplifting words ang

    maririnig mo sa taong matuwid.

    Verse 12

    Isang manifesto ng isang marunong na tao e hindi sya nanlalait ng ibang tao kung may nakita

    itong hindi maganda bagkus ay nananahimik na lang ito o mas mabuti e tulungan na maiayos ng ibang

    taong ang kanyang sarili para hindi na ito kutyain. Halimbawa, kung may chismis sa inyong lugar na si

    ganito ay mabaho un hininga, ang matuwi na tao e hindi na ikakalat un balitang iyon sa iba kundi e

    mananahimik na lang siya o ang mas mainam ay puntahan nya iyong taong involved at turuan ng proper

    hygiene.

    Verse 13

    Ang isang mapagkakatiwalaang tao ay hindi pinagsasabi un mga secrets na sinasabi sa kanya ng

    ibang tao. Pag may nagsabi sa kanya na secret lang natin ito ha? ay dapat panindigan niya iyon at

    huwag ipagsabi.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    16/22

    Verse 14

    Failure ang end result ng isang planong walang kunsulta sa ibang tao pero katagumpayan o

    katiyakan pag maraming tao ang kinonsulta sa plano. Halimbawa, pag may bibilin na laptop kung hindi

    tayo sasangguni sa mga taong maraming alam ditto e maaaring maka-mura tyo o makakasigurado tyo na

    tunay un laptop kumpara sa mag-isa ka lang bibili na wala kang experience o alam sa gadgets na pwdepang maging dahilan ng pagbili ng peke o medaling masira na klase ng laptop.

    Verse 15

    Huwag daw tayong maging garantor sa ibang tao na hindi natin kilala o alam un tunay na ugali

    kasi maaaari natin itong ikapahamak sa oras na hindi ito nakabayad sa kinauutangan nla. Halimbawa,

    may lumapit na isang kaibigan sa iyo at gustong makigamit ng credit card mo. Hindi mo alam kung

    responsible ba syang tao sa larangan ng pera at pinahiram mo sya sa tanging dahilan na sya ay kaibigan

    mo. Pero dumating ang monthly billings mo sa credit card at hindi siya makapagbayad syo ng utang nya.Ang resulta nun ay ikaw ang magbabayad ng amount na hiniram sa credit card mo.

    Verse 16

    Being gracious ay para sa kababaihan at ang pagiging malakas ay para sa kalalakihan. Halimbawa

    para maiwasan ang katataga na para naman lalaki kumilos nyan? o para naming babae kung kumilos

    yan? ay dapat na lumagay tyo sa tamang pag-uugali para na din Makita ng tao ang pagkakaiba ng lalaki

    at sa babae.

    Verse 17

    Kunwari ikaw ay isang masamang tao, pwde din na iganti sa iyo ng ibang tao ay kasamaan. Pag

    nandaya ka at nalaman ng taong dinaya mo iyong ginawa sa kanya, pwdeng saktan ka nya o kaya

    idemanda ka niya at maging dahilan ng pagkakulong mo. Pag ikaw naman ay mabuti sa ibang tao e

    mabuti din ang igaganti sa iyo. Example ay makita kang tao na madaming dalang grocery at tinulungan

    mo sa pagbubuhat, maaaring matuwa sya sa iyo at pwde kang bigyan nun pinamili nya.

    Verse 18

    There is an assurance that a reward will be received kung tapat tayo sa ating pakikitungo sa

    anumang bagay. Sa trabaho, akala mong hindi napapansin ng boss mo un kasipagan mo sa work dahil

    hindi siya vocal o kaya walang physical manifestation ang mga ito, I assure you that in the future e may

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    17/22

    magandang bunga iyon tulad ng promotion, dagdag kaalamanan sa trabaho o kaya e madami kang

    nagiging kaibigan sa workplace.

    Verse 19 -21

    Pinapakita dito na ang Diyos ay hindi nalulugod sa taong masama at ito ay kinamumuhian pa

    Nya. Pero lubos ang galak ng Panginoon sa mga taong tuwid ang lakad ng buhay maging ang susunod na

    saling-lahi ng mga ito ay Kanyang pagpapalain at iliigtas.

    Verse 22

    Kahit anong ganda ng isang babae kung wala naman itong kahinhinan sa sarili at sa pag-uugali e

    wala din saysay un kanyang kagandahan. Isa itong mensahe sa ating mga kababaihan na pahalagahan

    ang kahinhinan at ang tamang pag-uugali upang mas lumitaw ang tunay na kagandahan.

    Verse 23

    Ang mga layunin ng mga mabubuting tao e kabutihan din para sa kanyang sarili at maging sa

    ibang tao at kapahamakan naman ang mga hilig ng mga masasamang tao sa lahat ng bagay.

    Verse 24-26

    Ang mga kayamanan na pinagkakaloob sa atin ng Panginoon ay para sa pagbibigay at hindi sa

    sariling kasiyahan lang. Siya ang nagbibigay ng mga pera natin at Siya din ang kukuha nito. Pag nakita ng

    ating Panginoon na kinakamkam lang natin ang mga pera na nakukuha natin ay maaaring kunin Niya ito

    at magpahirap sa atin. Halimbawa sa mga mayayaman o sa mga nananalo ng lotto. Dahil sa kasakiman

    sa pera at sa hindi tamang pag gasta nito, sa kahulihan ay bumabalik sila sa kahirapan. Pinagpapala ng

    Diyos ang mga taong hindi sakim pero pinaghihirap nya ang mga taong sarili lang ang iniisip.

    Verse 27

    Pag nagnanais tyo ng mabuti ay masusumpungan natin ito pero kung puro kasamaan ang nais

    natin e makakamit din natin ang mga ito. Sabi sa kasabihan makukuha mo ung ano un hinahanap mo

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    18/22

    Verse 28

    Masamang maging security natin ang ating kayamanan dahil pwde ito mawala ng isang iglap

    lang. Pero ang mga taong matutuwid e pagpapalain ng Diyos sa mahabang panahon. Ang Diyos ang

    nagpapala sa mga tao at pag Siya ay nalugod sa atin e kaya Niyang ibigay an gating mga

    pangangailangan.

    Verse 29

    Ang sinumang gumawa ng isang hindi maganda sa sariling pamilya o sarili e hindi din nya ma-

    eenjoy un reward na result ng kanyang ginawa. Halimbawa, kung galing sa nakaw un iyong kinikita e

    hindi mo din ito ma-eenjoy at maaaring pang mabilis itong mawala sa ating mga kamay.

    Verse 30

    Ang buhay ng isang matuwid na tao e maaaring maging dahilan ito ng pag-akay ng isang

    kaluluwa papunta sa ating Panginoon. At ito ay kalulugdan ng maraming tao maging ng ating Diyos.

    Verse 31

    It is a reminder for us na walang pinapalagpas ang Diyos sa mundong ito. Lahat ay dumadaan sa

    Kanyang hustisya mga mabutiat masasama at kung anu man ang ating ginawa sa ating kapwa ay ganun

    din ang ipapataw na parusa o reward n gating Panginoon.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    19/22

    Proverbs 20

    Verse 1 Hindi isang marunong na tao ang laging lasing. Dahil sa kanyang kalasingan ay hindi niya

    kayang mag-isip ng maayos. Nakikita naman natin ito sa mga taong laging lasing kung hindi away ang

    dulo ng kanilang inuman ay mga salitang mga hindi magaganda ang ating maririnig. Umiwas sa pag-inom

    ng alak dahil wala itong magandang maidudulot sa atin.

    Verse 2 Ang galit ng isang hari ay parang leon na hindi agad-agad mapapawi kaya ang sinumang

    sumubok ditto ay parang hindi na iningatan ang sariling buhay. Kailangan nating matutong igalang ang

    mga nasa may katungkulan dahil sa pagkakataon na tayo ay sumuway sa kanila ay pwde nila tayong

    ipakulong at hindi natin ito pwdeng pigilan.

    Verse 3 Isang tanda ng matalinong tao ay un umiiwas sa away at ang isang hangal naman ay puro away

    ang hanap. May mga taong puro basag ulo na lang ang hamon sa tuwing may mga taong hindi nila

    makasundo Hindi ito ang tamang pag-uugali.

    Verse 4, 13 Ang mga tamad na tao ay walang aasahang tulong o biyaya sa oras ng pangangailangan.

    Tulasd ng sa pag-iipon, kung sa oras ng sweldo ay puro tayo gastos at walang ipon, sa panahon ng

    biglaang gastos ay wala tayong mahuhugot sa ating bulsa.

    Verse 5 ang mga adhikain ng isang matalinong tao ay beneficial sa ibang tao. Alam niya ang mga

    tamang bagay na dapat niyang gawin at lagi niyang iniisip ang kapakanan ng iba.

    Verse 6 - Bihira ang mga taong tapat sa kanyang sinasabi kaya pakahalagahan ang mga ito pag ating

    nasumpungan. Karamihan sa mga kalalakihan ang magaling mambola, puro pangako ng mga

    magagandang mga bagay sa mga kababaihan. Kaya mag-ingat ang mga kababaihan sa pagpili ng lalaking

    kanilang iibigin.

    Verse 7 ang mga wise na tao ay may integridad ginagawa nila ang kanilang binibitawang salita sa

    ibang tao. Mapalad ang mga ana na may ganitong mga magulang dahil maaakay sila nito sa tamang daan

    ng buhay. Kaya gawing priority ng mga magulang ang mamuhay ng tapat kesa sa pagpapalago ng

    kayamanan na ipapamana sa kanilang mga anak.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    20/22

    Verse 8, 26 Kung ang mga naka-upo sa katungkulan o mga lider natin ay mga fair sa pakikitungo sa

    lahat ng tao o ng kaniyang nasasakupan ay nababawasan nito ang kasamaan. Dahil sa takot ng mga tao

    na gumawa ng mali dahil alam nilang wala itong pinapalampas na mga maling gawa o kaya ay dahil alam

    niyang patas ito at lahat ng maling gawa ay may karampatang parusa sa ganitong paraan aymababawasan ang mga masasamang tao sa lipunan.

    Verse 10, 14, 23 The Lord hates unfair judgment to all people. Pinapakita nito na ang Diyos natin ay

    tapat sa pakikitungo sa lahat ng tao. Wala siyang pinapaboran na lahi, o antas ng pamumuhay. Deal

    fairly sa lahat ng pagkakataon. God is just.

    Verse 11 Nakikita ang tunay na ugali ng mga bata sa kanilang pag-uugali. Turuan sila ng tamang asal

    para hind imaging sakit sa ulo sila lipunan at sa sariling pamamahay.

    Verse 12 Everything we have comes from the Lord. Even our eyes ang mouth were given to us by God.

    Verse 15 It is good to have riches but it is far more greater to acquire knowledge dahil it goes too far.

    Ang pera maaaring maubos pero ang karunungan at tamang pamumuhay ay malayo ang kaya nitong

    marating para sa iyo.

    Verse 16 Huwag magpadalus-dalos sa pagiging collateral ng ibang tao dahil sa oras na hindi siya

    makabayad sa kanyang pinagkakautangan ay ikaw ang magbabayad nito.

    Verse 17 ang mga biyayang galing sa pandaraya ay sa simula mukha itong maganda at masarap sa

    paikiramdam pero sa kahuli-hulihan ito ay hindi makakapagbigay sa iyo ng lubos na saya. Tulad ng sa

    mga magnanakaw, pag sila nakakuha ng mga nakaw ay mayroon silang makakain pero pag sila ay nahuli

    ay sa kulungan ang kanilang bagsak at maaaring madamay pa ang kanilang pamilya sa consequence ngkasalanan nila.

    Verse 18 Maraming positibong epekto ang mga payo ng maraming tao. Pwde itong magdulot ng

    katagumpayan ng ating mithiin o kaya ay mas kaunti ang damage na pwede nating makuha kung tayo ay

    mabigo. Parang sa pag iinvest ng pera, kailangan natin ng mga payo ng mga taong maraming alam sa

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    21/22

    mabuting pag-aaral ng investments ay maaaaring maliit lamang ang lugi natin kumpara sa walang payo

    na tumulong sa atin na katumbas ay pagkaubos ng lahat ng ating pera.

    Verse 19 Mag-ingat sa mga taong mahilig magsabi ng secrets ng madaming tao, dahil sa oras na

    magsabi ka ng secret mo sa kaniya ay paniguradong malalaman din ito ng iba. Mahirap pagkatiwalaan

    ang mga ganitong tao. Kaya kung may taong lumpait sa atin at sinabing wag mong ipagsasabi sa iba ay

    huwag natin itong ipgsabi kahit anuman ang mangyari.

    Verse 20 Ang sinumang hindi rumerespeto sa kanilang magulang ay walang pagpapala na dapat

    hintayin sa Panginoon. Ito ay kasuklam-suklam sa ating Diyos.

    Verse 21 Ang mga yaman na galing sa masama o un mga instant riches ay hindi ito tumatanggal sa

    kanilang mga kamay. May narinig tayong mga kwento ng mga nananalo sa lotto na ilang taon lamang

    ang lumipas ay naghihirap na ulit sila. Hindi sila marunong magpasalamat sa Diyos sa biyayang ito kaya

    nilulustay nila ang ganitong kalaking mga pera.

    Verse 22 Huwag tayong gumanti sa mga taong gumagawa ng mali sa atin dahil ang Diyos ang kanilang

    kinakalaban sa tuwing ginagawa nila ito sa atin. Hintayin natin na ang Diyos ang maghiganti sa atin at

    patuloy tayong gumawa ng maganda sa kanila. Pinapakita nito ang halaga ng kabutihang loob at

    pagmamahal sa kabila ng mga maling trato nila sa atin. Para ang ating Panginoong Hesus, kahit ginawan

    Siya ng mali ng mga tao ay patuloy pa rin ang kanyang pag gawa ng mabuti sa kanila, hindi siya

    nagkasala.

    Verse 24 kahit anong plano an gating gawin ay sa huli ang kagustuhan pa rin ng Diyos ang siyang

    masusunod. Kaya tama lamang na tayo ay manalangin patungkol sa kalooban ng Diyos sa ating buhay

    para sa gayun ay naka-sync ito sa ating puso. Sa ganitong paraan ay lubos an gating kaligayahan pag

    nangyari ang ating mga pangarap sa buhay dahil alam nating kasama natin ang Panginoon.

    Verse 25 - hindi tamang padalus-dalos tayo sa ating pangako sa ating Diyos at pag tayo ay nagipit ayhindi na natin ito tutuparin. Hindi ito nakakalugod sa kanyang paningin. Mag-isip ng maraming beses

    bago tayo mangako sa Kanya dahil tandaan natin na Diyos an gating kaharap.

    Verse 27 Sa ating puso lagi nakatingin ang ating Panginoon. Dahil sa puso ay hindi natin kayang

    magkunwari at malinlang Siya. Lahat ay kaya Niyang malaman sa pamamagitan n gating puso.

  • 7/23/2019 Proverbs Carlo

    22/22

    Verse 28 Nananatili ang mga nasa may katungkulan o ang mga lider kung sila ay mapagmahal at tapat

    sa kanilang nasasakupan. Hindi nararapat na mangamba na mawala ka kung ikaw man ay nasa position

    sa opisina o sa gobyerno kung alam mong tama naman ang iyong ginagawa sa iyong trabaho.

    Verse 29 - Ang lakas ng kabataan ang kanyang kayamanan kaya pag-ingatan ito. Mamuhay ng tama,

    kumain ng masusutansyang pagkain at palaging maging malinis sa katawan. At sa mga matatanda

    naman ay ang kanilang experiences sa buhay ay kanilang kayamanan. Dahil sa alam nating wala na silang

    gaanong physical na lakas ay walang katumbas ang kanilang karunungan kaya ito ay pakahalagahan at

    bigyan importansya ng mga kabataan.

    Verse 30 Ang mga rebuke na tama ay kahit masama ay may positibong epekto ito sa taong

    pinagbibigyan dahil naaalis natin sila sa kasamaan dahil narerealize nila ang kanilang pagkakamali at sila

    ay natututo. Huwag matakot na i-rebuke ang ating mga anak o kaibigan kung alam nating mali ang

    kanilang ginagawa dahil para rin ito sa kanilang kabutihan.