4
Prince Henry Villanueva SPA IV – 1 Leandro Locsin Ang pagtulong sa kapwa ay sumisimbolo ng kabutihan at kababaang loob ng isang tao. Kumikilos sya para sa iba, nagbibigay ngiti sa mga labi ng mga taong nangangailangan, at patuloy na naghahatid kapanatagan ng loob sa iba na walang hinihinging kapalit na nagmumula rito. Pagmamahal, pang-unawa at pagbibigay kasiyahan ang tanging nasa isipan at puso ng isang taong walang ibang mithiin kundi ang makapagbigay ng tulong sa iba, bilang bunga nito natututo syang isantabi ang lahat ng kanyang pangangailangan at mga problema na kanyang kinakaharap dahil para sa kanya, ang pagtulong sa kapwa ang syang kanyang ikinabubuhay. Sabado,Ika-22 ng Disyembre, 3 araw bago sumapit ang kapaskuhan, REACTION PAPER

Reaction Paper

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Reaction Paper

Prince Henry VillanuevaSPA IV – 1 Leandro Locsin

Ang pagtulong sa kapwa ay sumisimbolo ng kabutihan at kababaang loob ng isang tao. Kumikilos sya para sa iba, nagbibigay ngiti sa mga labi ng mga taong nangangailangan, at patuloy na naghahatid kapanatagan ng loob sa iba na walang hinihinging kapalit na nagmumula rito. Pagmamahal, pang-unawa at pagbibigay kasiyahan ang tanging nasa isipan at puso ng isang taong walang ibang mithiin kundi ang makapagbigay ng tulong sa iba, bilang bunga nito natututo syang isantabi ang lahat ng kanyang pangangailangan at mga problema na kanyang kinakaharap dahil para sa

kanya, ang pagtulong sa kapwa ang syang kanyang ikinabubuhay.

Sabado,Ika-22 ng Disyembre, 3 araw bago sumapit ang kapaskuhan, unang beses kong naranasan ang pagtulong sa iba at unang beses ko ring naramdaman ang pakiramdam kung paano makatulong sa iba, at ang lahat ng pangyayaring ito ay dahil sa nag-iisa kong guro sa ekonomiks na si Gng. Rosanna Tanteo na syang nagplano ng lahat.

REACTION PAPER

Page 2: Reaction Paper

Noong araw na iyon, hindi ko alam na matutuloy ang sinabi ng aking guro na charity work na gaganapin sa Mendoza sa Cabalan. Inaamin ko na

sumakay ako ng dyip patungong Cabalan na di ko alam kung kailan bababa. Nalaman ko lang ng sabihin ng drayber ng pampasaherong dyip na nasa Mendoza na kami. Matapos bumaba ng sinasakyang dyip, noon din ay nalaman kong napakaraming tao ang naroroon upang makidali at makiisa sa programa, nalaman ko rin na di lang kaming mga SPA ang

naroroon kundi kasama rin ang IV-2 at IV-3 ng BEC na kapwa ko mga estudyante rin ng aming guro sa ekonomiks. Bago magsimula ang programa naatasan ako ng aking guro na manguna kasama ang aking kapwa estudyante na opisyal na magbukas ng programa . Nangyari nga ang dapat mangyari,opisyal ng nagbukas ang nasabing programa, sa una nagkaroon ng mga palaro katuload na lamang nung pabitin, calamansi relay at basagan ng palayok, meron ding sayawan na pati mga magulang ay nakikiisa makapagbigay lang ng kasiyahan sa iba. May mga sumayaw ng “DUGI at GANGNAM” na syang nakapagbigay ng aliw sa lahat. Lahat ng tao maski bata, matanda, lalake o babae ay nakisaya sa programa, may mga nanay na naglakas loob na sumali sa sayawan na

Page 3: Reaction Paper

nagdulot ng isang napakalaking kasiyahan sa iba at naglikha ng kasaysayan na di mabubura sa isipan ng lahat ng taong nandodoon.

Bago matapos ang programa, hindi pa rin tumitigil ang kasiyahan, sapagkat kumakain ang lahat na may galak at nakaguhit na ngiti sa mga labi.Matapos ang kainan ay nagkaroon din ng palaro na tinatawag nilang STOP DANCE, lahat ng bata ay nakiisa pati yung mga batang sinasabi ni Ma’am na di pa raw nakaka-pagpa “REBOND”. Lahat ay magaling sa larong ito, kaya lahat ay nanalo liban na lamang sa ibang mga natanggal na napatawa at nabiro namin lahat, pero sinigurado namin na walang uuwing luhaan at nakasimangot dahil halos silang lahat ay nabigyan ng papremyo na hinanda ng aming guro na para talaga sa kanila.

Opisyal na nagsara na ang programa, ang lahat ay nagsiuwian na na may baong masasayang ala-ala na kasama kaming naglikha. Ang lahat ng panauhin ay umuwi maliban kaming mga estudyante na kasamang bumuo ng programa, sapagkat ako kasama ng aking

kapwa kamag-aral ay tumulong maglinis at mag-ayos ng mga kalat na iniwan ng kasiyahan na kanina lamang ay nagdaan. Matapos ang paglilinis

Page 4: Reaction Paper

at pag-aayos ng mga bagay na nakakalat, kamiy nagpasya ng umuwi dahil sasapit na rin ang gabi, na noo’y di namin alintana dahil nga sa kasiyahang idinulot sa amin ng mga pangyayari na naganap kanina lamang. Syempre bago umuwi nagpakuha kami ng litrato na sama sama kasama an gaming guro na syang naging daan kung kaya’t naging possible ang mga pangyayaring nagdaan kanina lang na akala ko nooy di ko mararanasan maski sa panaginip bago makawala sa High School.

Kami nga’y nagpasya ng umuwi, tumalikod sa pinangyarihan at lumakad papalayo rito na may ngiti sa mga labi baon ang mga ala-alang

ibinigay sa amin kanina lang ng aming guro kung kaya’t napakalaki ng pagpapasalamat ko kay Gng. Tanteo dahil sya ang naging tulay kung bakit nalikha namin ang kasaysayan na di kayang burahin ng panahon sa aming ala-ala.